You are on page 1of 2

7 (Mae’s)

Kulturang Popular at Artipisyal


Ang tinaguriang “kulturang popular” ba ay tunay na kultura ng masa? O nagiging popular
ito dahil pilit itong ipinamumudmod sa masa, hinuhubog ang kanilang panlasa hanggang sa
tanggapin na nila ito bilang sariling kultura?
Ang mga eksena mula sa palabas na Wowowee at iba pang gameshow ay nagpapakita ng
matinding desperasyon ng napakaraming maralitang Pilipino. Pinapalaganap nito ang pantasya
na “swerte” at kagandahang-loob ng iba ang sagot sa kahirapan ng masa. Nilalako nito ang
hungkag na pag-asa sa milyon-milyong tagapanood, kasabay ng mga produkto ng mga
malalaking kumpanyang isponsor ng mga palabas na ito, sila na kumikita ng limpak-limpak sa
pagtangkilik ng masa.
Gayundin, hungkag na kaligtasan ang nilalako ng mga fantaserye at telenovela, gawa
man dito o dinub mula sa ibang bansa, Sa mga palabas na ito, hindi sistemang panlipunan o
gobyerno ang ugat ng paghihirap kundi mga masasamang nilalang. At ang katubusan ay nasa
balikat ng mga indibidwal na may kakaibang mga kapangyarihan, mga superhero, hindi sa
kolektibong pakikibaka ng mga inaapi at pinagsasamantalahan.
Ito ang artipisyal na kulturang popular na “binebenta” ng industriyang pangkultura ng
mga local na naghaharing-uri at ng imperyalismo sa masang mamimili. Dahil ang mga lokal na
naghaharing uri at imperyalismo ang may hawak ng halos lahat ng mayor na industriya sa
kultura at sining (musika, pelikula atbp.) sila ang nagtatakda kung ano ang isinasalaksak sa
isipan at panlasa ng masa. Sila ang nagtatatak na pang-masa ang ganitong kulturang mapang-
alipin. Sila ang nagpapanatiling mababaw o tanga ang masa – habang umaani ng tubo mula sa
mga produktong kanilang ibinebenta sa masa.

Kulturang Popular (kahulugan)


- Ito ang mga produkto, kaugalian, at mga panibagong kulturang umuusbong sa loob ng
komunidad o lipunan na malawakang tinatangkilik ng masa.
- Ito ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon ng kung ano ang mahalaga at kung ano ang
katanggap-tanggap.
Sa konteksto ng pananaliksik na kasalukuyan nating pinag-aaralan, ang kulturang
popular ay tahasan o malinaw na isiniwalat ng manunulat bilang artipisyal na mga kulturang
popular kung saan sapilitang hinahatak o pinapa-sunod ng mga industriyang pang-kultura at
sining ang masa o mga mamayan sa idinikta o idinidikta nilang “kulturang popular”.
7 (Mae’s)
Isa sa mga halimbawang nabanggit ng awtor ay ang mga teleserye at fantaseryeng
ipinapalabas ng samut-saring istasyon ng telebisyon sa Pilipinas. Ayon sa manunulat, itinatatak
ng mga palabas na ito sa utak/ulo ng mga manonood ang “hungkag na kaligtasan” o walang
saysay na mga kwento kung saan mas pinagtutuunan ng pansin ang mga kwentong hindi
makatotoohanan kaysa sa mga tunay na pangyayari sa loob ng lipunan na kailangang bigyang
pansin at sulusyonan, tulad na lamang ng sistema ng ating gobyerno.
Dagdag pa ng manunulat, ang mga teleserye at ang iba pang mga produktong ibinabahagi
sa atin ng ibat-ibang industriyang pang-kultura at sining ay nagbibigay sa atin ng palsong
paniniwala at kaisipan.
Tinawag ng manunulat ang mga kasalukuyang humahawak at nagpapatakbo ng mga
industriyang pang-kultura at sining na lokal na naghaharing uri at imperyalismo. Ayon sa
manunulat, sila ang nagtatakda ng mga bagay, produkto, kalakal, kaisipan, at mga kultura na
para sa masa. Sila ang naglalagay ng limitasyon sa kung ano lamang ang maaaring tuklasin,
gamitin, at gawing kulturang popular ng masa bilang tagapag-tangkilik nito. Sa paggawa din
nito, sila ay nakakakuha at kumikita ng limpak-limpak na salapi.

You might also like