You are on page 1of 12

College of Teacher

Education First Semester,


A.Y. 2020-2021 MODYUL 6
“Siklo ng Pagplanong Pagtuturo

Panimula

Ang modyul na ito ay tumutukoy sa mga siklo sa pagpaplanong pagtuturo, malaking ambag
ang pagkatututong ito sa kadahilanang nalalaman at nagkakaroon ng mahusay na pamamaraan at
pagtukoy ang isang nagsasanay na guro.

Araw at Oras

Oktobre. 12-16, 2020 (3 oras)

I. Layunin

Pagkatapos aralin at unawain ang mga nilalaman ng modyul na ito, ang mag-aaral ay
inaasahang:
1. Nakikilala ang iba’t-ibang Siklo ng Pagplanong Pagtuturo
2. Natutukoy ang mga kahalagahan ng mga Siklo ng Pagplanong Pagtuturo
3. Nakasusulat ng isang pagsusuri Siklo ng Pagplanong Pagtuturo

II. Lektyur

Tulad ng maraming bagay, ang pagplano ay dumadaan din sa masalimuot at komlipkadong proseso
bago tuluyang mabuo sa kasalukuyang anyo nito. Ang prosesong ito ay pauli-ulit na nagaganap taglay
ang pagpapayaman at pagpapabuti sa mga natukoy na kahinaan o kakulangan mula sa naunang
pagplano.
Lumilikha ito ng isang pardon para sa guro upang matutuhan nag siklo o cycle na nabuo. Mapapansin
natin na sa aktuwal o praktikal na pagtuturo, mayroon ding siklo o sariling proseso ang personal na
estratehiya o gawain ng guro. Narito ang pasimpleng siklo o proseso sa pagpaplanong pagtuturo:

1. Ganap na Kabatiran sa Kurikulum


Ito ay binubuo ng tatlong mahahalagang bahagi: (1) Pamantayang Pangnilalaman, (2) Pamantayan
sa Pagganap, at (3) Tatas. Tinutugon ng mga bahaging ito ang mga bagay na dapat isagawa ng
isang guro sa kaniyang pagtuturo sa klase. Halimbawa, sa pamantayang pagnilalaman nakahanay
ang mga prisipal na kaalaman o kasanayang dapat matutuhan ng mga mag-aaral, sa pamantayan
sa pagganap nakahanay ang mga prisipal na kasanayan o kasanayang dapat maipagkaloob sa
mag-aaral upang maisakatuparan ang mga gawaing itinakda sa bawat aralin, samantalang sa
bahaging tatas isinasaad ang pamantayan ng katangiang dapat taglayin ng mga mag-aaral
mula sa nilalamang aralin at kasanayang ipinalilinang. Ang laman at sustansiya ng pagtuturo
ay nakasalig sa pinakapuso ng Sistema ng edukasyon, ang kurikulum.

2. Kabatiran ng mga Kagamitang Pagtuturo


Matapos maisapuso ng guro ang kurikulum, dapat bigyang-kaisipan naman niya ang mga
kagamitang kaniyang gagamoitin. Ang bawat paksa sa klase, performance task na isinasagawa,
at layuning nais ng guro ay magagawa nang mahusay kung may sapat na gamit. Sa kasalukuyang
panahon, hindi nakapagtataka na ang mga paaralan ay nag-invest na sa mga computer-based
lesson na umaangkop sa mga mag-aaral na millennial, at mahilig sa Internet based-learning
packages.

3. Angkop na Estratehiya sa Pagtuturo


Ang paggamit ng angkop na estratehiya sa klase ang nagbibigay-lakas ng loob sa guro upang
maisagawa niya ang kaniyang ninanais sa klase. Iba-ibang pangkat at uri ng mag-aaral, iba-iba rin
ang estratehiyang gagamitin ng guro. May mga mag-aaral na mabuting gamitan ng top-down na
metodo sap ag-aaral o iyong tinatawag na deductive method at ang iba naman ay gumagamit ng
bottom-up o inductive method kung saan hinihimay-himay ng guro ang bawat detalye bago
tumungo sa pinakamahalagang paksa ng guro.

4. Aktuwal na Pagtuturo sa Klase


Lahat ng kaisipan o inaasahan ng guro ay mababalewala kapag nabigo siya sa pinakamahalagang
bahagi ng pagkaklase at ito ay ang aktuwal na pagtuturo sa mga mag-aaral. Sa bahaging ito
nabubuo ang lahat ng ideya ng mag-aaral tungkol sa isang aralin. Mayroon ding mga hakbang na
dapat sundin ang guro para sa epektibong pagkaklase.
5. Pagtataya
Paano mo malalaman na epektibo ang iyong mga paghahanda, estratehiya, at aktuwal na pagtuturo
? Ang Pagtataya o assessment ang nagsasabi sa guro kung dapat ba niyang ituloy ang kaniyang
mga hakbangin o itigil sandal ang proseso upang ayusin ang pinakamahalagang bagay na
makikinabang sa kaniyang mga gawa at ito ay ang kaniyang pagtuturo o reteaching o dapat na
siyang magpatuloy sa susunod na kabanata ng kaniyang gawain? Masasagot lamang ito kung
mayroong sapat na impormasyon ang guro kaugnay ng kalagayan ng kaniyang mga mag-aaral at
maibibigay ito sa kaniya ng pagtataya.
College of Teacher
Education First Semester,
A.Y. 2020-2021 MODYUL 7
“Modelo sa Pagpaplanong Pang-Instruksiyon”

Panimula

Ang modyul na ito ay tumutukoy sa mga pagpaplanong pang-instruksiyon, malaking ambag ang
pagkatututong ito sa kadahilanang nalalaman at nagkakaroon ng mahusay na pamamaraan at
pagtukoy ang isang nagsasanay na guro.

Araw at Oras

Oktobre. 19-23, 2020 (3 oras)

I. Layunin

Pagkatapos aralin at unawain ang mga nilalaman ng modyul na ito, ang mag-aaral ay
inaasahang:
1. Natutukoy ang katuturan ng Modelo sa Pagpaplanong Pang-instruksiyon
2. Natutukoy Pagpaplanong Pang-instruksiyon
3. Nakagagawa Pagpaplanong Pang-instruksiyon

II. Lektyur

Ang iba’t ibang ay may iba’t ibang paraan ng pagpapalano. Maraming salik ang nakaimpluwensiya sa
isang guro bago makagawa ng Sistema na bagay sa kaniya. Ano pa at ang bawat estilo ay
masasabi nating dumaan sa proseso. Dapat pag-aralan ng isang mag-aaral sa pagiging guro ang
iba-ibang modelo na ginagamit bilang planong pang-instruksiyon upang sa gayon ay makagawa siya
ng sariling estilo na bagay sa kaniya kapag siya ay nagtuturo na. ngunit hindi roon dapat nagtatapos
ang lahat. Kapag siya ay ganap na isang guro na, makabubuting ipagpatuloy ang pagtingin sa mga
available na planong pang-instruksiyon sapagkat ito ay batauan ng kaniyang patuloy nap ag-unlad
bilang guro. Wika nga, ang propesyon ng isang guro ay “walang katapusang pag-aaral”.
Mararanasan at makikita ng isang guro na ang pagdidisenyo ng epektibong banghay-aralinay
masalimuot at di-simpleng gawain. Ang pagtuturo ay isang gawaing “nakapananabik” at ngangailangan
ng mayamang imahinasyon. Ang mga guro ay sansa posisyon upang madisenyo ng mga planong
pang-instruksiyon na gagamitin sa pagtuturos a klase.
Hindi rin natatapos sa papaplano ang gawain ng isang guro. Higit na mahalaga sa lahat ng ito
ang aktuwalisasyon ng lahat ng kaniyang plano. Dito makikita ng isang guro ang tunay na
epekto, kung mayroon man, ng lahat ng kaniyang mabubuting iniisip para sa kaniyang mga mag-
aaral. Ang anumang pinakamagandang banghay-aralin ang pinakakaluluwa ng propesyon sa pagtuturo.
Ang pagsasakatupan nito sa loob ng silid-aralan ang pinakakatawan nito.
Naririto ang isang modelong banghay-aralin na ang pormat ay kamilmitang ginagamit sa Pilipinas batay
sa DepEd Order No. 42, series of 2016:
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagganap
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Nilalaman
Paksa
II. Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
Mga Pahina sa Gabay ng Guro
Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-
aaral Mga Pahina sa Teksbuk
Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo

III. Pamamaraan
A. Balik-aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimulang aralin
B. Paghahabi ng Layunin ng Aralin
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin
D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong
Kasanayan #. 1
E. Pagtatalakay sa Bagong Konsepto at {aglalahad ng Bagong Kasanayan
#. 2
F. Paglilinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment 3)
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay
H. Paglalahat ng Aralin
I. Pagtataya sa Aralin

IV. Mga Tala


V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 75% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyonan sa tulong ng aking
punongguro at tagamasid?
G. Anong kagamitang panturo ang aking dinisenyo na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Pagpapaunlad sa Pagpaplanong Instruksiyon


Ang pagpaplano ay gawi at tungkulin ng isang guro. Madalas na nagpaplano siya sa limang lebel
(Fortunato 2008):
1. Taunang plano na may balangkas ng panlahat na batayan o framework;
2. Bahagyang nakapokus na plano para sa isang termino
3. Buwanang plano na naglilista ng mga hati ng pagtuturo na may espesipikong programa
gaya ng napapanood ng video, cassette tapes, slides, o pelikula
4. Lingguhan plano o higit ba detalyadong deskripsiyon ng mangyayari, kasama na ang
alokasyon ng oras para sa bawat gawain.
5. Ang arawang plano na may higit na tiyak na iskedyul ng mga gawain at resources ng
pagtuturo.
Maraming paraan ng pagpaplano at mahalaga na naiisip natin ang manyayari sa silid-aralan upang
mas maging epektibo ang ating “approach” at ito ang papatnubay sa atin kung paano
naisasakatuparan ang ating gawain.
Sa pagpapaunlad ng gawaing pagpaplano, ang unang hakbang na sapat alamin ay kung bakit tayo
nagpaplano. Nabgabigay si Anderson (1989) ng ilang ddahilan:
1. Para makabawas sa ating pag-aalala at kawalang katiyakan sa mga gawain.
2. Nagdudulot ito ng karanasan sa pagkatuto para sa guro
3. Nagbibigay-probisyon ito para ma-accommodate ng guro ang pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral
4. Nabibigay-estruktura at direksiyon ito sa pagtuturo
5. Nagsisilbing security blanket
6. Isang pangangailangan o requirement sa maraming tao
7. Nakapagdaragdag sa kabisaaan o effiency at flexibility ng guro
Kapag ang isang gawain ay alm mo ang dahilan, nagkakaroon ka ng sapat na motibasyon upang
maipagpatuloy mo ang paggamit nito. Sa pamamagitan ng patuloy na replikasyon sa iyong mga
ginagawa, nagkakaroon ng kalinawan ang mga paraan ng pagtuturo lalo pa sa pagsulat ng banghay-
aralin. Hindi na mahirap ang adjustment sa ating ginagawa at ang agiging bunga ay ang patuloy na
pagpapaunlad ng ating gawain.
Kahalagahan ng Karanasan, Obserbasiyon, at Kritisismo sa Pagpapaunlad ng
Pagpaplanong Instruksiyon
“Ang ating karanasan ang ating pinakamagaling na guro”. Sa ating pagsusulat ng ating banghay-aralin
ang pagsasakatuparan nito, nakikilala natin ang mga pagkakamali. Isa pa, sa aktuwal na pagtuturo
lamang mauunawaan ng isang guro ang tinatawag na teaching process. Kagaya ng isang magaling
na chef, mahalagang magaling sa obserbasyon ang isang guro kung ano ang nangyayari sa kaniyang
mga mag- aaral at ano pa ang mga pangangailangan ng mga ito. Kaya nga hindi maaring maging guro
ng isang tao ang isang robot gaano man ka-advanced ang kaniyang artificial intelligence. Ang tao
lamang ang makagbibigay ng tapat at tumpak na obserbasyon kaugnay ng edukasyon ng mga
mag-aaral.
Mahalaga rin ang obserbasyon ng prisipal o mga eksperto upang maging sapat ang pag-unlad ng
isang guro particular sa pagpapaunlad ng pagpaplanong instruksiyon. May mga kahinaan ang guro na
ang ibang tao lamang ang makapagsasabi kung ano iyon. Kaya naman, mahalaga na ang guro ay
tumatanggap ng mga taong may sapat na kaalaman para sa matapat na pagmamasid sa
kaniyang klase.
College of Teacher
Education First Semester,
A.Y. 2020-2021 MODYUL 8
“Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino”

Panimula

Nilalaman ng modyul na ito ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng Filipino, Nakaangkla
ang mga estratehiya sa mga teorya at mga simulain ng mabisang pagtuturo. Idinisenyo rin ang
mga ito ayon sa maayos na pagkasunod-sunod ng hakbang sa paglalapat.

Araw at Oras

Oktobre. 26-Nobyembre 6, 2020 (6 oras)

I. Layunin

Pagkatapos aralin at unawain ang mga nilalaman ng modyul na ito, ang mag-aaral ay
inaasahang:
1. Natutukoy ang kahalagahan ng Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino
2. Naipapaliwanag ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino
3. Nakagagawa ng senaryo sa mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino
4. Nakakapagpakitang-turo gamit ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino

II. Lektyur

Ito ay mga estretehiyang maaring gamitin ng mga guro sa kanilang mga klaseng pang-wika.
Inihahanay ang mga estratehiyang ito para sa mga nagsasanay na maging guro upang mabisa
nilang maiparanas sa mga mag-aaral ang nilalaman ng aralin. Isinaalang-alang ng kagamitang ito
na nag edukasyon ay holistikong karanasan. Sinisipat nito ang mga aspektong pang-mag-aaral na
kailangan sa pagkatuto at naglalayong iangat ang kritikal nap ag-iisip ng mga mag-aaral.

ESTRATEHIYA 1 (HULA KO, SAGOT KO!)

Ang Hula ko, Sagot Ko! ay isang estratehiya sa pagkatuto na tungkol sa pahihinuha sa susunod
na pangyayari. Sa estratehiyang ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na himayin
ang nailahad na detalye gamit ang tsart upang makabuo ng pangkalahatang ideya kung ano ang
susunod na mangyayari. Sa paraang ito, natutulungan ang mga mag-aaral na kilalanin ang
detalyeng nakikita sa teksto o larawang naihayag batay sa kilos at salita at makabubuo ng
hula sa tunay na buhay o kanilang karanasan.

Batayang Teoretiko
Ang estratehiyang ito ay nakabatay sa paniniwala ni Robert Gagne (1962) Hierarchical Learning, na
may ibat’ ibang lebel ng pagkatuto ang pangkaalamang kasanayan. Ito ay ang sumusunod.
1. Berbal na impormasyon
2. Kasanayang pangkognitibo
3. Kognitibong estratehiya
4. Motor skills
5. Pagpapahalaga

Kailangang isaayos ang pagkatuto mula sa madali hanggang sa mahirap na lebel. Sa ganitong
paraan matutulungan ang mga mag-aaral na maabot ang mataas na antas ng pagkatuto at maging
mapanuri sap ag-iisip.

Isa pang konseptuwal na balangkas na pinapangunahn ni Lev Vygotsky (1978) ang Social
Development Teory na nakakamit ang pagkatuto sa tulong ng iba pang kamag-aral o kaibigan at sa
gabay ng nakatatanda. Ang guro ang magsisilbing kaagapay ng mga mag-aaral upang makamit ang
tagumpay sa pagkatuto.
Paano Gamitin ang Estratehiya
1. Bumasa ng mga akdang pabula, alamat, o mga awtentikong salaysay sa mga dati nang
naisulat ng mga mag-aaral.
2. Putol-putolin ang pagsasalaysay ng kuwento at ipahula ang susunod na mangyayari
batay sa inilahad na mga detalye.
3. Pagkatapos bumasa, gumawa ng tsart na nahahati sa tatlong kolum:
larawan/sitwasyon;pagtatala ng mga detalye; at pagbibigay ng hula.
4. Kapag napunan na ang mga detalye ang tsart, pag-aralan ang mga koneksiyon nito sa isa’t
isa at
sa tunay na buhay.
5. Pagkatapos suriin ang mga detalye ay sumulat na ng hula.

ESTRATEHIYA 2 (SALAMIN, SALAMIN)

Ang estratehiyang Salamin, Salamin! ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na


makapagpakita ng kagalingan sa pagsasagawa ng kilos at gayon din sa pagbuo ng pangungusap
ayon sa ipinakikitang kilos ng mag-aaral .
Sa estratehiyang ito kinakailangan bumuo ng pangkat na may tagapagpakita ng kilos (performer)
at ang ibang mga kasapi ng pangkat ay huhula batay sa ipinakitang kilos. Matutulongan ang mga
kasapi ng pangkat upang hulaan ang salitang kilos.

Batang Teoretiko
Ang Cooperative Learning Theory ay pinangunahan ni Lev Vygotsky (1931). Ito ay nakasentro
sa paglinang ng kognitibong kakayahan at sosyal ng paglinang ng mag-aaral. Sila ay
pinapangkat at binibigyan ng gawain dapaw isakatuparan. Pinagtutulungan ng bawat kasapi g
pangkat na masagot o maisagawa ang ibinigay na hamon. Sa paraang ito, nakaaambag ang bawat
kasapi ng kanilang ideya habang sa mabuo ang pangkahalatang sagot. Ang pakikipagsalamuha sa
iba ay nakatutulong sa pagkamit ng mataas na lebel ng pagkatuto sa pagsasalita at sa paghahanap
ng solusyon sa problema.

Paano Gamitin ang Estratehiya

1. Pangkatin ang mga mag-aaral.


2. Ang isa ang magsisilbing salamin, samantalang ang isa naman ay mananalamin, ang
nalalabing kapangkat ay huhula sa ipinakitang kilos.
3. Ang mananalamin ay gagawa ng kilos na siya naming gagayahin ng salamin.
4. Isasalaysay ng ibang kasapi ang ginagawa ng magkapareha sa salamin gamit ang
salitang nagsasaad ng kilos.
5. Magpapalitan ang iba pang kasapi sa pagsasalaysay.

ESTRATEHIYA 3 (HIMAYIN NATIN!)

Ang estratehiyang Himayin Natin! ay nakabatay sa duog na story grammar. Ito ay naglalayong
linangin ang kakayahan ng mga mag aaral na mapanuri sa kuwentong napakinggan o nasaba.
Susuriin ng mga mag-aaral ang mahahalagang bahagi ng kuwento. Mahahasa rin ang kakayahan
ng mga mag-aaral sap ag alala ng mga pangyayari. Ang estratehiyang ito ay mahalaga sa
paghahanda ng mga mag-aaral sa pagsusalat ng mga tekstong pasalaysay o pagbibigay- buod sa
kwentong napakinggan o nabasa mula sa hinimay-himay na pinagsunod-sunod na mga
pangyayari sa kwento.

Batang Teoretiko
Ang estratehiyang ito ay nakabatay sa mga paniniwala nina Short,E.J at Ryan, E.B (1984) na
ang estratehiyang “story grammar”ay isang paraan ng paghimay-himay upang maunawaan ang
isang teksto.Ito ay isang mabisang Teknik at kapaki-pakinabang sa guro upang matukoy ng mga
mag-aaral ang mahahalagang detalye ng kuwento sa pamamagitan ng mga pamatnubay na
tanong na nakatuon sa bahagi ng kuwento.

Paano Gagamitin ang Estratehiya?


1. Mag papabasa/magpapakinig/magpapanood ng isang tekstong naratibo (kwentong-baya, pabula,
alamat, at iba pa).
2. Talakayin ng guro ang mahahalagang bahagi ng kwento sa pamamagitan ng pagtatanong.
3. Ituon ng guro talakayan sa mga bahagi ng sumusunod: pamagat, tagpuan, kasukdulan,
pataas na aksiyon, problema, resolusyon, at tema
4. Hatiin ang mga maga-aral sa limang pangkat at bigyan ng mga kagamitan pansulat.
5. Pangkat 1- Paggawa ng story grammar
Pangkat 2- Pagsasatao ng mahahalagang bahagi ng kuwento batay sa story grammar
Pangkat 3- Sabayang pagsasalaysay gamit ang batay sa story grammar
Pangkat 4- Iguhit ang mahahalagang bahagi ng kuwento ayon sa story grammar
6. Bigyan ng 5-10 minutong paghahanda ng pagsasanay.
7. Sa patnubay ng guro, ipakikita ng mga mag-aaral ang kanilang output.
8. Maraming gumamit ang guro ng mga rubric para sa mabisang pagpapadaloy.

ESTRATEHIYA 4 (TARA NA’T TUKUYIN!)

Ang estratehiya Tara na’t Tukuyin! ay naglalayong malinang ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-
aaral. Ito ay nagpapalawak ng kanilang kaalaman na pagtimbang-timbangin ang mga likha o
awentikong sitwasyon.
Sa estratehiyang ito, ang iikot ang mga mag-aaral sa mga nakadikit na output ng bawat pangkat
sa loob ng silid-aralan. Tukuyin nila kung ano ang nakatalang pangungusap ay may wastong
baybay, batas, at gamit ng malaking letra.

Batayang Teoretiko
Ang estratehiya ito ay nakabatay sa paniniwala ni bowman Sharon (2008) na naggaganyak
ang mga mag-aaral na maging masaya sa paglahok sa mga gawaing akademiko. Sila ay
pangkatang magbibigay ng ideya, sasagot sa mga tanong at matutong makibagay at tumanggap
ng mga puna mula sa guro sa kapwa nila mag-aaral. Nalilinang sa estratehiyang ito ang pagiging
mapanuri. Dito rin malalaman ang lawak ng natutuhan ng mga mag-aaral sa kasanayang
pagsulat.

Paano Gagamitin ang Estratehiya?

1. Talakayin ang mga pamantayan ng wastong pagsulat ng pangungusap (baybay, bantas, at


gamit ng malaking letra).
2. Ibigay ang rubric bilang batayan sa pagsusuri ng output ng bawat pangkat bago ang
gawain.
3. Hatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat.
4. Bigyan ng ibat ibang gawain ang bawat pangkat (differentiated activities).
5. Bigyan ng 5-15 minuto para gawain.
6. Pagkatapos, idikit ang output sa iba’t ibang lugar ng silid-aralan.
7. Likot ang mga mag-aaral at itatala ang kanilang mga puna sa bawat output.
8. Sa patnubay ng guro iuulat na ngayon ng bawat pangkat ang kanilang natapos na output sa
klase.
9. Pagkatapos ang mga mag-aaral na may puna sa output ay maari nang tumayo at ilahad ito.
Ang pagpupuna ay gawin pagkatapos ng bawat pangkat.
10. Ang marka ng bawat pangkat ay nakabatay sa rubric na ipinakita bago ang gawain.

ESTRATEHIYA 5 (BUHAY MO, GANAP KO!)

Ang estratehiyang buhay mo, ganap ko! ay nagbibigay-pagkakataon sa mga mag-aaral na


magpakita ng kanilang interes at kahusayan saa pag-arte. Sa pamamagitan nito, matatalakay ang
katauhan ng karakter sa gagawing palabas. Ang layon ng estratehiyang ito ay isadula ang
pangunahing tauhan sa kuwento at bigyang-buhay ang kanilang salita, gawi, at kilos sa paaraang
maipakita ang awtentikong pangyayari sa buhay ng tao

Sa estratehiyang ito kilangan ng pangunaghing tagaganap (lead actor) at ang mga kasamang
tagaganap (supporting actor) isanag (derektor) na siyang magbibigay ng panuto sa kung
anong gagawin ng pangunahing tauhan at anong katauhan ang kaniyang ipapakita. Ang direktor din
ang siyang magiging tagamasid sa anong emosyon o damdamin ang ipamamalas ng pangunahing
tauhan.

Batang Teoretiko
Ang pagsasadula ay buhay na ilang dekada na ang nakalipas. Sinasabing ang pagsasadula ay
lumilinang sa kultural na kompetensi na nagbibigay-opotunidad sa mga mag-aaral na matuto ng
materyal sa ibang perspektiba.

Sabi ni Davidhizar et al. (2003) sa kaniyang pag-aaral na pinamagatang Using Role Play
to Develop Cultural Competence, kapag ang mga mag-aaral ay makikilahok sa pagsasadula “they
will take on a new persona” ito ay nagbibigay ng mas malalim na pag-unawa o pagkukuro na
magkaroon ng responsibilidad ang taong gaganap ng isang papel/katauhan. Sa paggamit nito at
pagganap sa tauhan aay matuturuan ang mga mag aaral ng magkaroon ng interpersonal na
kakayahan.
Mahalagang magkaroon ng ganitong estratehiya na kung saan malilinang ang kakayahan ng mga
mag-aaral hindi lang sa pagpapataas ng kumpiyansa sa sarili pati na rin ang pag-unawa sa
kalagayan ng tauhan na kanilang gagampanan.

Paano Gagamitin ang Estratehiya?

1. Ang grupo ay pipili ng mag-aaral na magiging lead cast, supporting cast, at direktor.
2. Bibigyan ng pagkakataon na makapili ng paksa/tema ang bawat grupo.
3. Ang direktor ang magiging punong-abala sa gagawing pagsasadula.
4. Bibigyan ng 5-10 minuto ang bawat grupo upang makabuo g isang palabas
na magpapakita/ipalulutang ang tauhan sa kuwento.
5. Ang ibang grupo ang siyang maag-aanalisa at susuri sa ginawang pagsasadula ng klase.

ESTRATEHIYA 6 (LULAT MO, MAKIKINIG AKO!)

Ang estratehiya lulat mo,makikinig ako! ay nagbibigay-pagkakatanoon sa mga mag-aaral na


magpapakita ng kanilang interes at kahusayan sa pagbabalita. Sa pamamagitan nito, matatalakay
ang kasalukuyang kaganapan sa labas at loob ng isang bansa na makatutulong sa pagbibigay-
alam sa mga mamamayan. Maaring gamitin ang estrahiyang ito sa pagbuo at paglalahad ng
pangyayari sa teksto o mga awtentikong karanasan ng mga mag-aaral araw-araw
Sa estratehiyang ito kailangan ng taga-ulat (main reporter) at (co-reporter), mga katulong
na tauhan na gagawa at maghahanda ng iskrip na iuulat (script writer), at tagamasid (observer).
Titingnan ng tagamasid ang emosyon at ang tamang pagbigkas ng salita at ayos gamit ng
mhga salita sa pagbabalita o pag-uulat. Ang kinaiba ng ganitong uri ng estratihiya ay ang mga
tagamasid na siyang mag-aanalisa sa tamang gamit ng mga salita at ayos nito lalo na sa
tamng pagbabalita ng impormasyon sa madla.

Batang Teoretiko

Ayon kay russel (2011) ang pagbabalita ay may malaking gampanin sa pagbuo/paghubog ng
isang tagapag-ulat. Dagdag pa ni gray (1999) na ang paghubog ng pagbabalita ay hindi sa
kung ano ang iniisip ni o gusto ng mga manonood, kung hindi ay sa kung ano ang alam mo.
Sabi ni potter (2013) na Malaki ang epekto at impluwensiya sa tao ang laman ng
media/ibinabalita. Kaya dapat malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na maging tapat sa
gawain at maging mahusay sa paggamit ng tamang salita at pagsasaayos ng gramatika.

Paano Gagamitin ang Estratehiya?

1. Ang grupo ay pipili ng mag-aaral na magiging reporter, co-reporter , script writer, at


observer.
2. Bibigyan ng pagkakataon na makapili ng paksa/tema ang bawat grupo.
3. Ang observer ang magiging tagaanalisa at tagasuri ng tamang gamit, ayos ng salita, at
ang pagbibigay ng tamang impormasyon.
4. Bibigyan ng 10-20 minuto ang bawat grupo upang makabuo ng isang pag-uulat
5. Ang ibang grupo (observer) ang siyang mag-aanalisa at susuri sa ginawang pag-uulat
ESTRATEHIYA 7 (IKUWENTO MO, SALISIK MO!)

Ang estratehiyang ikuwento mo, saliksik mo! ay sumasalamin sa kahusayan ng mag-aaral


sa paggamit ng wika sa komunikasyon. Mahalagang malinang ng mga mag-aaral ang isa sa
makrong kasanayan na pagsasalita sa pagkat ito ang nagging kasangkapan sa pakikipagtalastasan.
Ginagamit ng guro ang ganitong estratehiya upang matukoy nito ang pagiging matatas ng mga
mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino. Bukod dito mabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-
aaral na mibahagi ang kaniyang sariling karanasan, kuwentong nabasa, at kuwentong napakinggan
sa paraang masining. Ito rin ay pamamaraan na mailapit ng mga mag-aaral ang kanilang
natutunan sa aralin.

Batayang Teoretiko

Sa teorya ni Lev Vygotsky saa pagkatuto ng wika ay nagpapaliwanag na nalilinang ang wika
sa pamamagitan ng pagpapayabong ng mga karanasan sa kontekstong sosyal. Ang pananalitang
panlabas ng bata ang pundasyon ng pagkaatuto ng wika. Ang pakikisalamuha sa iba sa iba’t ibang
sitwasyong pantalastasan ay nagpapayabong sa karanasan ng bata upang maangkin ang wikang
ito. Ito ay inilalarawan niya sa kaniyang zone of proximal development.
Sa pagtuturo, ang guro ay nagbibigay ng mga gampaning nagbibigay-pagkakataon sa mga
batang magsalita gaya ng pagkompleto ng mga di-tapos na pahayag, pagsasalaysay ng sariling
kaaranasan, pagsasagawa ng talakayang panel o interbiyu hinggil sa mga paksang panlipunan.

Paano Gagamitin ang Estratehiya?

1. Magsaliksik ng tekstong naratibo tulad ng maikling kuwento o mabahagi ng sariling


karanasan na may kaugnayan sa akdang natalakay.
2. Ipagawa ang masining na pagkukuwento ng isahan.
3. Maglaan ng 5 minuto pagkukuwentohan ng mga mag-aaral.
4. Gumamit ng rubric sa pagmamarka o pagbibigay ng iskor.

ESTRATEHIYA 8 (MGA SULIRANIN,TUTUGAN NATIN!)

Sa araw-araw na pamumuhay, nahaharap ang tao sa mga suliraning kailangan niyang lutasin.
Upang mabigyang-lunas ang naturang mga suliranin, kailangan hanapin ng tao ng angkop na
lunas ang mga suliranin sa pamamagitan ng paglilimi, angkop na proseso at lohikal na
pagpapasya. Sa estratehiyang ito ihaharap sa mga mag-aaral ang iab’t ibang suliranin na
kailangang bigyan ng lohikal na pasya sa pamamagitan ng proseso ng pag-iisip, pagpaplano,
at sariling pagtataya.

Batang Teoretiko

Ang estratehiya ito ay nakabatay sa mga paniniwala ni Matyushkin (1973) na upang malutas
ang anumang suliranin sa buhay, nararapat na magtalaga ng panahon upang mag-isip nang kritikal
at magnilay.

Paano Gagamitin ang Estratehiya?

1. Pangkatin ang klase sa lima. Sa isang pangkat, may tagakuha ng larawan may
analyst, at presenter.
2. Kukunan ng larawan ang mga suliraning nakikita nila sa loob ng paaralan (e.g nahuhuling
mag- aaral, makalata na canteen, silid-aralan na kulang ang mga upuan, maraming
basura).
3. Iprint ang mga larawan. Suriin ito gamit ang talahanayan.
larawan Ano-ano ang mga sahi nito? Ano-ano kaya ang possible lunas? Sino-
sino ang tutulong para malunasan?

4. Lulat sa klase ang output. Magbibigay ng pagbubuo ng grupo.


5. Maglalahad ng commitment ang mga mag-aaral

ESTRATEHIYA 9 (HALINA’T ISATAO!)

Ang estratehiyang halina’t isatao! ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na magpakita


ng kanilang pag-unawa sa kilos at gawi ng mga tauhang nabasa sa teksto o ng mga karakter na
nakikita nila sa araw-araw. Sa pamamagitan nito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-
aaral na mag pahayag ng kanilang damdamin, suliranin, at mga possibleng lunas sa mga
sitwasyon. Maaring gamitin sa estratehiyang ito ang mga tagpo sa pinag-aaralang teksto o ang
mga awtentikong karanasan ng mag-aaral sa araw-arw
Sa estratehiyang ito, kailangan ng pangunahing tauhan(major character) at mga katulong na
tauhan (minor character). May gaganap ding tagamasid (observer) ta tagasuri (analyst). Tinitignan
ng tagamasid ang emosyong ipinakikita ng mga tauhan habang pinapansin naman ng tagasuri ang
kaangkupan ng pananalitang ginamit. Pagkatapos ng palabas, magbabahagi ang tagamasid ng
kanilang mga obserbasyon.

Batayang Teoretiko

Ang estratehiyang ito ay nakabatay sa mga paniniwala nina Chesler at Fox (1966) na ang
estratehiyang pagsasatao ay may maabisang Teknik at kapaki-pakinabang sa maraming guro sa
pagpapadaloy ng mga gawaing pang-klase upang matamo ang mga tunguhing pampag-aaral. Sa
konteksto ng pagtuturo, nabibigyang-pagkakataon ang mga mag-aaral na gumaganap ng iba’t ibang
papel maaaring pangunahing tauhan, pantulong na tauhan, tagamasid, o tagasuri. Dahit ditto mas
napapalawak ng guro ang saklaw ng paglinang ng kritikal na pagiisip sa mga mag-aaral.
Paano Gagamitin ang Estratehiya?

1. Magpabasa ngtekstong naratibo (kuwentong-bayan, parabula, alamat, at iba pa).


Maaaring gagawin ng guro ang estratehiyang masining na pgkukuwentuhan o masing na
pagbabasa habang ang mga mag-aaral ay tahimik na sumusunod sa binasa
2. Pagkatapos hatiin ang klase sa limang pangkat (isang pangunahing tauhan, dalawang
katulong na tauhan, isang tagamasid, at isang tagasuri)
3. Sa metacard ihahanda ng guro ang sitwasyon isasatao ng mga mag-aaral (hango sa mga
tagpo sa nabasang naratibo o mga kaugnayan na sitwasyon ng mga tagpo).
4. Bigyan ng 5-10 minutong paghahanda.
5. Ipakita/isakilos ang mga tagpo o sitwasyon.
6. Sa patnubay ng guro, maglalahad ng obserbasyon ang tagamasid at tagasuri (3 minuto bawat
isa)
7. Tatawag ang gurong ilang mag-aaral na maglalahad ng pag bubuo.

ESTRATEHIYA 10 (PAGKATUTO KO, SAGOT KO!)

Ang estratehiyang pagkatutoko, sagot ko! ay nagsimula sa masinop na pagkakilala ng guro


sa kaniyang mga mag-aaral. Ang pagtukoy sa individwal na pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral ay
lubhang makabuluhan sa estratehiyang ito. Gagamit ang guro ng mga pamamaraan at Teknik
na hindi karaniwang ginagawa sa loob ng klase. Ito ay nasasalig sa mga simulain ng independent
learning na nagging makatotohanan lamang kung ang mga mag-aaral ay may mataas na antas ng
motibasyon.

Batayang Teoretika

Ang estratehiyang ito ay nakabatay sa mga paniniwala ni Charles Wedemeyer (1971) na ang
tunguhin ng edukasyon ay dapat magbigay ng diin sa pagkatutong makapukos sa mag-aaral.
Kailangang turuan ang mga mag-aaral ng mga kasanayan at pagpapahalaga na kapaki-pakinabang
upang sila ay maging Malaya sa proseso ng pagkatuto kahit sa labas man ng paaralan.

Paano Gagamitin ang Estratehiya?

1. Magpasaliksik ng mga balita mula sa paahayagan. Gupitin ang bahging balita. Idikit ito sa
isang bond peper.
2. Tukuyin ang mahahalagang detalye ng balita (lugar, panahon, taong kasangkot, at
ang mahalagang pangyayari).
3. Ilahad ang kuro-kuro patungkol sa nabasang balita.
4. Ibahagi sa klase ang gawain.

Sanggunian

 Roseta V. Comiso-Gallo, Restituto M. Mendoza, at Rene P. Sulta/PAGTUTURO NG FILIPINO


SA ELEMENTARYA (ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO/Rex Book Store

You might also like