You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

PANGASINAN STATE UNIVERSITY


School Advanced Studies
Urdaneta City
Telefax No: (075) 568-2658

Pangalan: Judith C. Itliong


Asignatura: CAF 211 Linggwistika at ang Pagtuturo ng Filipino
Propesor: Ma.Theresa Macaltao

Mga Konsepto ng Panahon,Tagal, Dalas, Oras at Petsa


( Nakasulat na Ulat )

I. Layunin
1. Natutukoy ang mga salitang nagpapakita ng konsepto ng Panahon, Tagal,
Dalas, Oras at Petsa.
2. Nagagamit ang mga salitang nagpapakita ng konsepto ng Panahon, Tagal,
Dalas, Oras at Petsa.

II. Paksa

Ang konsepto o mga salitang nagpapahayag ng Panahon, Tagal, Dalas, Oras at


Petsa kung ating susuriing mabuti ay kabilang sa bahagi ng pananalita na
PANG-ABAY NA PAMANAHON. Kaya naman sa pagkakataong ito ay tatalakayin
natin ang mga mag-abay na pamanahon at ano ang ipinapakita nito kapag
ginamit na sa pangungusap.

Ano nga ba ang PANG-ABAY?


- Ayon sa https://www.academia.edu/37732654/Pang-abay , ito ay
ang mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing sa pandiwa,
pang-uri o kapwa pang-abay. Mayroon itong tatlong uri. Ang Pang-
abay na Pamaraan, Pang-abay na Panlunan at Pang-abay na
Pamanahon na nagpapakita ng konsepto ng Panahon, Tagal, Dalaas,
Oras at Panahon.

Ano ang PANG-ABAY na PAMANAHON?


- Ang pang-abay na pamanahon batay nadin sa nabanggit na
sanggunian sa itaas ito ay ang mga salitang naagsasaad kung kailan
naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.

Tatlong Uri ng Pang-abay na Pamanahon

1. May pananda
- Gumagamit ng mga salitang gaya ng: nang, sa, noon, kung, kapag,
tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang.
Halimbawa: Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
Paliwanag: Ang pang-abay na ginamit ay araw-araw at ginamitan ito ng
panandang nang.

2. Walang Pananda
- Gumagamit ng mga salitang gaya ng: kahapon, kanina, ngayon,
mamaya, bukas, sandali at iba pa.
Halimbawa: Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang
Pilipino.
Paliwanag: Ang pang-abay na ginamit sa pangungusap ay bukas.

3. Nagsasaad ng Dalas
- Gumagamit ng mga salitaang gaya ng: araw-araw, tuwing umaga,
taun-taon, at iba pa.
Halimbawa: Tuwing buwan ng Disyembre ay nagtitipon ang bawat mag-anak
upang ipagdiwang ang pasko at bagong taon.
Paliwanag: Ang salitang tuwing ay pang-abay na pamanahon na nagpapahayag
ng dalas kung kalian isinagawa ang paandiwa.

Matapos mailahad ang kahulugan at mga uri ng Pang-abay na Pamanahon,


ngayon naman ay magsusuri tayo ng mga halimbawang pangungusap na nagtataglay
ng ibat-ibang pang-abay na pamanahon na nagpapahayag ng konsepto ng Panahon,
Tagal, Dalas, Oras at Panahon.

1. Kailangan ba talagang pumasok nang araw-araw?


- Sa pangungusap ay mapapansin gumamit ng pang-abay na araw-
araw at ito ay nagpapahayag ng konsepto ng dalas.
2. Inaasahan tayong dumalo sa paligsahan sa gabi, hindi sa araw.
- Sa gabi ang ginamit na pang-abay sa pangungusap at ito ay
nagpapahayag ng konsepto ng oras.
3. Tuwing Disyembre maraming tao ang umuuwi sa kani-kanilang probinsya.
- Sa pangungusap ay mapapansin gumamit ng pang-abay na tuwing at
ito ay nagpapahayag ng konsepto ng dalas.
4. Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang trabaho.
- Sa pangungusap ay mapapansing gumamit ng pang-abay na noong
at sinundan ng salitang lunes kaya naman ito ay nagpapahayag ng
konsepto ng petsa.
5. Kapag tag-init marami sa atin ang pumupunta sa Beach upang
magpalamig.
- Kapag ang pang-abay na ginamit sa pangungusap at sinundan ng
salitaang tag-init kaya naman masasabing ito ay nagpapahayag ng
konsepto ng panahon.

Mahalaga ang paggamit ng mga konsepto ng dalas, panahon, tagal at oras sa


pagpapahayag ng opinyon o pananaw. Matutulong ito upang magkaroon ng mabisa
aat maayos na talastasan sa pagitan ng bawat tao.

You might also like