Professional Documents
Culture Documents
LAS Module 5
LAS Module 5
Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
Edukasyon
sa Pagpapakatao 9
Ikalawang Markahan, Linggo 1 - 4
Modyul 5
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Learning Objective:
Key Concepts
Exercises / Activities
1. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat.
Alin sa sumusunod ang tunay na diwa nito, maliban sa isa.
a. Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan.
b. Ingatan ang interes ng marami
c. Itaguyod ang karapatang-pantao
d. Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
2. Saan matatagpuan at makikilala ang Likas na Batas Moral?
a. Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino
b. Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao
c. Mula sa kaisipan ng mga Pilosopo
d. Mula sa Diyos
3. Paano nagbibigay ng proteksiyon sa tao ang prinsipyong “First Do No Harm” sa mga
medikal na doctor?
a. Gawin lagi ang tama
b. Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit
c. Gamutin ang sariling sakit bago ang iba
d. Ingatan na huwag saktan ang tao
4. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatang
pantao ng bawat mamamayan?
a. Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at
proteksiyon ng mga mamamayan.
b. Sa pamamagitan ng paglikha ng maraming batas
c. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pag-unlad
ng ekonomiya sa bansa
d. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sasagot sa
pangangailangan ng bawat mamamayan
5. Alin sa sumusunod ang hindi umaayon sa Likas na Batas Moral?
a. Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawang walang konsultasyon
b. Pagmunkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center sa
kanilang lugar
c. Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili
d. Paghikayat sa mga tao na magsimba sa araw ng lingo
6. Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral?
a. Ibinubulong ng anghel
b. Itinuturo ng bawat magulang
c. Naiisip lamang
d. Sumisibol mula sa konsensiya
7. Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?
a. Nagbabago ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon
b. Nag-iiba ang likas na batas moral batay sa kultura at kinagisnan
c. Ang Likas na Batas Moral ay para sa lahat
d. Maraming anyo ang likas na batas moral
8. Ang tama ay ang pagsunod sa mabuti. Ito ay totoo dahil______________
a. Umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon
b. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam
c. Angkop sa pangangailangan at kakayahan
d. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang
9. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
a. Ito ay ayon sa mabuti
b. Walang nasasaktan
c. Makapagpapabuti sa tao
d. Magdudulot ito ng kasiyahan
10. Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?
a. May pagsaklolo sa iba
b. Pagiging matulungin sa kapuwa
c. Pagkampi sa tao
d. Tunay na padsunod sa utos ng Diyos
- What to do: Sa gawaing ito, bubuo ka ng isang semantic web na sasagot sa core
question na “Bakit mayroong Batas?”. May apat na element ang semantic web: ang (1) core
question, (2) web strand,(3)strand support, at (4) strand lines. Ang core question ang
magiging focus sa web. Lahat ng impormasyon ay nauugnay sa core question.Ang sagot sa
core question ay ang web strand at isususlat ito sa paligid ng core question. Ang mga
katotohanan (facts) o paghinuha (inferences) naginagamit sa pagsuporta sa bawat web ay
tinatawag na strand support. Ang strand support ay nagmumula sa web strand. Ang
ugnayan ng mga strand ay tinatawag na trand ties. Narito ang halimbawa ng semantic
web. At pagkatapos mong nakagawa ng katulad na pormat sa iyong sagutang papel, ay
sagutin ang mga katanungan sa ibaba
Reflection
1.Magtala ng dalawang batas na sinusunod mo sa bahay at paaralan
2. Magtala ng dalawang batas na sinusuway mo sa bahay at paaralan
3. Mahalaga ba ang pagsunod sa batas? Bakit?
Answer Key
Bilang Sagot
1 A
2 D
3 D
4 A
5 A
6 A
7 B
8 C
9 A
10 B
TOPIC TITLE
Mudyol 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL
- Naisasagawa ang mga angkop ng kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang
-paglabag sa mga karapatang-pantao sa pamilya, paaralan, barangay,/pamayanan, o
lipunan/bansa. ( EsP9TT-IIb−¿5.4)
Key Concepts
Mapapatanong ka siguro kung bakit kailangan pa itong sabihin. Hindi ba't kaya nga pinili ng mga doktor
ang ganitong larangan dahil sa pagnanais na makapanggamot? Walang doktor ang magbibigay ng payong
medikal na ikasasama lamang ng kondisyon ng pasyente. Walang doktor ang papasok sa operasyon nang hindi
handa. Laging ang nasa isip nila ay ang makagaling ng pasyente.
Konsensya ba ito? Diyos ba ito? Takot ba ito sa aking magulang? Pressure mula sa mga kaibigan?
Tukso ng media? Isa ang totoo: naaakit ako sa alam kong mabuti.
Ang Mabuti
Pansinin na hindi pa talaga natin pinag-uusapan dito kung ano ang mabuti. Sinasabi lang na may natural
na pagkaakit ang tao sa mabuti. Ang mabuti ang laging pakay at layon ng tao. Ang isip at puso ang gabay para
kilatisin kung ano talaga ang mabuti. May matinong pag-iisip, pagsusuri, pagtitimbang at paglilinis sa mga
motibasyon ang kasabay ng pagkilala sa mabuti. Mabuti bang tumulong sa gawaing bahay? Mabuti bang
tumambay kasama ng barkada? Mabuti bang uminom ng alak? Ang tanungin ang tanong na Ang mabuti ay ang
siyang kilos "Mabuti ba?" bago bago pa gawin ang isang bagay at tanda na ng masikap na paghahangad na
matupad ang mabuti, hindi agad-agad lumulusong sa paggawa nang walang pagtitimpi at pagmumunimuni sa
kabutihan ng gagawin. Nakatatakot at delikado ang taong agad may sagot at hindi nag -iisip dahil malamang, ang
ginagawa pagtimbang kung tama ba talaga ang pipiliin, kung anu ang posebling epekto ng pagpili, at kung
mapanindigan ba niya ang mga bungang kaniyang kakaharapin. Sa pinakapayak na paliwanag, agn mabuti ay
pagsisikap na lagging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapapunlad ng sarili at ng mga ugnayan.
Iba ang mabuti sa tama. Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa pagkabuo ng sarili. Ang tama ay
ang pagpili ng mabuti batay sa panahon, kasaysayan, konteksto at sitwasyon. Tinitingnan dito ang mga
pangangailangan at kakayahan ng gagawa ng pagpili. Kung nakikita ni Ramil na makabubuti sa kaniya ang
isports, hindi lang siya basta-basta sasabak sa laro. Kailangan niyang tingnan ang kaniyang kakayahan
bago siya magsimulang magboksing. Kung nais nang magpakasal ni Estella at Ruben, kailangan
nilang siguraduhing handa na ang kanilang loob para sa kanilang kinabukasan bilang mag-asawa—ang bahay,
ang pambayad ng koryente, ng tubig, pagkain, at iba pa. Mabuti ang mag-asawa, tama na ba ito agad? Kahit sa
gamot, mabuti ang uminom ng gamot. Ngunit marapat ding tingnan ng doktor ang kakayahan ng pasyente na
bumili ng gamot at ang mga partikular na reaksiyon ng pasyente sa bisa ng gamot na ibibigay. Mabuti ang
gamot, ngunit may tamang gamot para sa tao. May ibang gamot na nagdudulot ng mga allergies sa mga
partikular na tao. May mga gamot na hindi mabisa sa mga ibang tao. Ganito ang prinsipyo ng generics. Ang
pasyente na ang bahalang humanap ng hihiyang sa kaniya batay sa reseta ng doktor. Tulad din sa likas na batas
moral, preskripsyon ang mabuti, ang tama ay ang angkop sa tao.
Ang Tama: Iba sa Mali: Maging Makatao
Wala bang mabuti na tama para sa lahat? Sa kayamanan ng sansinukob at karupukan ng ating kakayahang
Iba-iba man ang pormula ng umalam, napakahirap humanap ng isang tama na sasangayunan ng lahat.
likas na batas moral, tinuturo Iba-iba ang kultura, relihiyon, paniniwala. Iba-iba ang mga layunin, iba-
nito ay isa lamang: hindi ko iba ang mga pamamaraan. Maaaring magkasundo-sundo ang
kakasangkapanin ang tao. Na nagkakaiba-ibang tao sa mabuti, ngunit babalik pa rin sa iba’t ibang
ituturing ko bilang may paraan ng pagtupad sa mabuti. Walang isang porma ng tama ang mabuti.
pinakamataas na halaga ang Mag-aanyo ito ayon sa kondisyon at hinihingi ng pagkakataon. Wala nga
tao. Na gagawin ko ang lahat ba? May liwanag ng karunungan yata tayong maaninag sa sinusumpaan
ng mga doktor: First Do No Harm. Anumang kalagayan kasadlakan ng
upang ingatan at payabungin
tao, isa ang babalikan natin: ang huwag manakit. Nagsasalubungan ang
ang tao.
mabuti at
tama sa prinsipyo ng pag-iwas sa pananakit sa tao. Na ang pinakamahalaga at pinakamabuting dapat gawin ay
ingatan ang tao. Na iba-iba man ang pormula ng likas na bilang may pinakamataas na halaga ang tao. Na gagawin ko
ang lahat upang ingatan at batas moral, tinuturo nito ay isa lamang: hindi ko kakasangkapanin ang tao. Na ituturing
ko
payabungin ang tao.
Likas sa tao ang hangarin ang mabuti. Ano ang ibig sabihin nito? Na likas sa atin ang maging makatao (panig sa
tao):ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninuman. ang lumabag ditto ay lumalabag din sa sarili niyang
kalilkasan.
Matutupad ba natin ang likas na batas moral sa ating bayan? Isang simpleng sagot: habang may nakatingin sa
mabuti—nagtataka, nagtatanong—tiyak na hahakbang tayo papalapit sa mabuti.
Activity 1 -mula sa iyong binasa sagutan ang mga sumusunod na tanong (1papel)
1. Paano nalalaman ang mabuti?
2. Ano ang pagkakaiba ng mabuti at tama?
3. Ano ang kaisa-isang Likas na Batas Moral?
4. Bakit pinakamahalaga ang pagiging makatao?
5. Magkakaiba ba ang Likas na Batas Moral sa iba-ibang kultura o iisa lamang? ipaliwanag
6. Bakit First Do No Harm ang sinasabi ng may akda na unang hakbang sa pagtupad sa mabuti?
Activity 2
– sa isang pirasong papel sagutan ang concept web ang mga mahahalagang konsepto na iyong
natutunan mula sa iyong mga binasa.
Makatutulong sa iyo ang gabay na tanong na?
1. Bakit mahalaga ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral?
2. Ano ang maitutulong nito tungo sa pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao?
Pagsunod
Sa
Batas
Reflection
Batay sa iyong nabasa, bilang isang magiting at matatag na nabubuhay sa loob ng
lipunan, anu ang iyong batayan sa pagsunod sa mga batas na hindi nakakaapekto sa larangan
ng pagiging ganap na taong may moral tungo sa mga suliranin na posebling mangyari sa
hinaharap kagaya ng NCOVID?
Learning Objective:
- Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa likas na Batas Moral,(Esp9TT-IIc-6.1)
- Nasusuri ang mga batas na umiiral at panukala tungkol sa mga kabataan batay sa
pagsunod ng mga ito sa Likas na Batas Moral (Esp9TT-IIc-6.2)
- Nahihinuha na ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral (Natural
Law), gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao at umaayon sa dignidad ng
tao at sa kung anu ang hinihingi ng tamang katwiran, ay mahalaga upang makamit ang
kabutihang panlahat. (Esp9TT-IId-6.3)
- Naipahahayag ang pagsang-ayon o pagtutol sa isang umiiral na batas batay sa pagtugon
nito sa kabutihang panlahat. Esp9TT-IId-6.4)
Time allotment: 120 minutes
Key Concepts
Mga Batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral, Pahina 76
Gawain 4
Panuto:
1. Magsagawa ng mga pagsusuri sa mga pinagtibay na batas na ipinatutupad sa
kasalukuyan.
2. Pumili ng tatlong batas na iyong sinasang-ayunan dahil pinaniniwalaan mong nakatuon
ang mga ito sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
3. Pumili rin ng tatlong batas na iyong tinututulan dahil pinaniniwalaan mong hindi
nakatuon ang mga ito sa kabutihang panlahat.
4. Mahalagang mangatwiranan ang iyong pagtutol o pagsang-ayon. Mahalagang banggitin sa
pagsusuri ang mga probisyon sa batas na siyang lumalabag sa Likas na Batas Moral.
5. Gamitin ang katulad na pormat na nasa ibaba.
GAWAIN 5
Panuto: sumulat ng isang paninilay gabay ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa journal.
Ano-ano ang konsepto at Ano ang aking pagkaunawa Ano-anong hakbang ang
kaalamang pumukaw sa akin at reyalisasyon sa bawat aking gagawin upang
konsepto at kaalamang ito mailapat ang mga pang-
unawa at reyalisasyong ito sa
aking nuhay
GAWAIN 6
Panuto.
1. Kung isa kang mambabatas, anong batas ang iyong ipanukala upang maingatan
ang karapatan ng kabataan ayon sa likas na batas moral? Pangatwiranan.
2. Makatutulong sa iyo ang pormat na nasa ibaba. Lagyan ng mga sanggunian na
pinagbatayan mo ng iyong panukala.
Ipanukala ni:_____________________________________
Isang Batas na
____________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
___________________________________________.
Reflection
Panuto.
Sa iyong palagay anu ang iyong nais mapuna at gustong baguhin sa umiiral na batas
na may epektong likas moral bilang isang mag-aaral at isang kabataan na naninirahan sa
lipunan na may malaking pagmamalasakit sa sarili at sa kapwa.
Author:Glorina A. Omallao
School/Station: Agusan del Sur National High School
Division: Agusan del Sur
email address: glorina.omallao@deped.gov.ph
2 2.2 Nasusuri ang mga paglabag sa Basahin ang bahaging Send outputs to messenger or
karapatang pantao na umiiral sa pagpapalalim any other platforms
pamilya, paaralan/pamayanan o recommended by the school
lipunan/ bansa.
Week 2 Quarter 2
Day Learning Competency Learning Tasks Mode of delivery
1 2.3 napatunayan na ang karapatan ay Send outputs to
magkakaroon ng tunay na kabuluhan Basahin ang mga batas na likas na messenger or any
kung gagampanan ng tao ang kanyang batas moral other platforms
tungkulin na kilalanin at unawain, gamit Basahin ang talata pinamagatang recommended by
ang kanyang katwiran, ang pagkapantay- Ang Mabuti the school
pantay ng dignidad na lahat ng tao