You are on page 1of 16

PAG-AALAGA NG ITIK

Ikalawang Edisyon
P A G - A A L A G A N G i t i k

A
ng itik ay pangalawa sa manok na nagbibigay ng kita sa
naghahayupan para sa produksiyon ng itlog at karne sa
ating bansa. Ang itik ay inaalagaan sa Pilipinas para sa lokal
na produkto tulad ng balut at itlog na maalat.

Ang pag-aalaga ng itik sa kasalukuyan ay nahahati sa dalawang


pamamaraan, ang una ay ang katutubong pamamaraan na tinatawag
na pagala, sa ganitong pag-aalaga ay ginagamit ang bagong aning
palayan, dito pinapastol ang mga itik upang makakuha ng pagkain.
Ang bagong ani na palayan ay sagana sa mga pagkain ng itik tulad ng
laglag na palay, suso, bunga at bagong sibol na damo, isda, insekto,
at iba pa. Sa pagala gumagawa ng pansamantalang silungan na may
bakod na fishnet, at sa dapit hapon ay dito iniipon at ikinukulong ang
mga itik. Ang silungan at kulungan ay kailangan upang magamit sa
pangingitlog ng mga itik at pag-iwas sa mga gala na hayop. Sa pagala
na pamamaraan nakakatipid sa pagkain at pabahay ang mga nag-

PAG-AALAGA NG ITIK
aalaga ng itik.

Ikalawang Edisyon

Ang ikalawang pamamaraan sa pag-aalaga ng itik ay ang


nakakulong o ang paggamit ng kamalig, sa ganitong pamamaraan
ang itik ay kailangang bigyan ng sapat na pagkain (katulad ng mga

2 3
P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

formulated na feeds) at pabahay. Ito ay kailangan ng isang itik para


sa kanyang paglaki upang mapanatili ang magandang kalusugan at I. PAGPAPALAHI NG ITIK
mataas na produksyon ng itlog.
Ang itik ay isang “egg type duck” o paitluging itik na may maliit
na pangangatawan na tumitimbang ng 1.3 - 1.4 kilo, nangingitlog sa
edad na 5 buwan, na may humigit kumulang na 55 - 70 bahagdan
(%) ng pag-itlog kada taon, at 65 - 70 gramo ang bigat ng itlog.

Ang 10 babaeng itik ay kailangang may 1 lalaking itik upang


mapataas ang pagkakaroon ng semilya ng itlog para sa produksiyon
ng balut at seho.

Malaki pa ang nakikitang pag-asa sa pag aalaga ng itik sa bansa


dahil sa laki ng pangangailangan sa produksiyon ng balut at itlog
na maalat. Nakikita rin ang mga magandang hinaharap nito dahil
sa may malawak na kaalaman ang mga lokal na nangangalaga ng
itik sa tamang pangangalaga o produksyon, mayroong mabibili sa Malaki ang maitutulong sa mga nangangalaga ng itik kung
merkado na formulated na feeds mula seho hanggang sa pag-itlog, magkakaroon ng kaalaman sa pagpili sa mga kasalukuyang lahi ng
pananaliksik ng mga eksperto tungkol sa pagpili ng magandang lahi ating itik. Ito ay sa pamamagitan ng pagsaalang-alang ng magandang
ng paitlugin na itik at ang pananatiling bird flu free ng Pilipinas. katangian ng isang “egg type duck” o paitluging itik para makuha o
mamana ng kanyang mga supling at sa susunod na henerasyon.
Subalit sa kasalukuyan may mga suliranin na hinaharap ang mga
nangangalaga ng itik (mag-iitikan), ito ay ang mataas na gastusin sa
produksyon ng itik, kakulangan sa magandang seho at dumalaga,
Katangian ng paitluging itik:
paiba-ibang halaga ng itlog (sariwa at proseso), papaliit na lugar
1. Maliit ang katawan : 1.3 – 1.5 kilo/ 5 buwan ang edad
ng pagalaan at kakulangan sa pagsasaliksik. Ang Kagawaran ng
2. Efficient egg converter : 120 – 140 gramo/araw/ulo
Pagsasaka sa pamamagitan ng Kawanihan ng Paghahayupan ay
3. Maraming mangitlog: > 200 itlog/taon/ulo
gumagawa ng pamamaraan upang mapataas ang kita sa pag-aalaga
4. Malaki ang itlog : 65 - 75 gramo
ng itik at patuloy na mapaunlad pa ang pag-iitikan sa Pilipinas.
5. Matagal ang pangingitlog: > 10 buwan
6. Sanay na sa lokal na kondisyon, hindi sakitin.

4 5
P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

Ang Pilipinas ay umangkat noong 1950 ng Khaki Campbel na lahi kaparehong kulay o magkaibang kulay. Kung ito ay papalahian sa
ng itik. Sinundan ito ng pag-angkat ng Pekin o Pato na pang-karne pamamagitan ng magkaibang kulay, ito ay magkakaroon ng supling
at mayroon ding pag-angkat ng Tsaiya ng Taiwan. Hindi naging o seho na kulay kayumanggi. Nang dahil sa tamang pagpapalahi ng
maayos ang ginawang pagpapalahi kayat ang kinalabasan nito ay magkaibang kulay (itim at kaki), natuklasan na pagkapisa palang ng
mga itik na magkakahalo ang lahi na iba’t-iba ang katangian tulad seho ay makikita na ang lalaki at babae sa pamamagitan ng kulay ng
ng kulay, laki ng katawan, laki at dami ng itlog at iba pang katangian. balahibo.

Ngayon, ang pinaunlad na lahi ng native na itik ay tinawag na


Itik Pinas-ITIM, Itik Pinas-KHAKI at Itik Pinas- KAYUMANGGI.

Ito ay may katangian na parepareho ang timbang base sa kanyang


edad, sanay sa local na kundisyon, kayang magbigay ng dagdag na 50
itlog kada inahin kada taon ng pangingitlog na may bigat na higit sa
karaniwan na 65 gramo kada itlog na kailangan ng mga gumagawa
ng balut at itlog na maalat.

May ilang pagkakataon na binigyan ng pansin ang suliraning


ito na pagbaba ng kalidad ng ating itik ngunit hindi naipagpatuloy,
ngunit ito ay nagkaroon ng katuparan sa pagsasaliksik na pinondohan
ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources
Research and Development – Department of Science and Technology
(PCAARRD-DOST) at ng Bureau of Animal Industry – Department IP-ITIM (NSPRDC photo)
of Agriculture (BAI-DA) sa pamamagitan ng National Swine and
Poultry Research and Development Center (NSPRDC) sa Lagalag, Sa kasalukuyan ang mga Itik Pinas ay mabibili sa mga kabalikat
Tiaong, Quezon. Ang NSPRDC ay gumawa ng pananaliksik tungkol na mga mag-iitik sa Nueva Ecija, Batangas, Laguna at Quezon, na
sa maayos na pagpili (selection) at angkop na paraan ng pagpapalahi naging kasama sa pagbuo ng proyekto at ngayon ay nagpaparami
(breeding system) hanggang sa makagawa ng purong lahi ng native at nagpapalahi na ng ganitong uri ng itik. Maaari ding makipag-
na itik na pare-pareho ang kulay (itim at khaki), timbang sa 18 linggo ugnayan sa BAI-NSPRDC, Brgy Lagalag Tiaong, Quezon.
edad na may 1.1.-1.3 kilo at may mataas na produksyon ng pag-itlog.
Ang pananaliksik ay nagresulta sa pagkakaroon ng magandang lahi Ang BAI-NSPRDC ay patuloy na pinapalahi at pinaparami ang
ng native na itik na tinawag na Itik Pinas na mayroong purong kulay Itik Pinas upang mapataas pa ang kakayahan nito. Ito ay upang
itim at purong kulay kaki. Ang dalawang purong kulay itim at purong maipamahagi sa mga nag-iitikan at para makatulong sa pag-unlad
kulay kaki ng Itik Pinas ay maaring paglahiin ayon sa kanilang ng industriya ng pag-iitikan sa bansa.

6 7
P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

Araw Bilang ng Dami ng Bilang ng Namatay/ Mga Puna


itlog/pcs pakain, kilo nabenta/hd

1 100 285 5 Napilay


2 to ? 1200 280 0
31 1800

Itik Pinas-ITIM Itik Pinas-KHAKI


II. PABAHAY NG ITIK
Ang pagpili ng magandang katangian ay makapagbibigay ng
Sa pagala na pamamaraan gumagamit ng lokal na kagamitan ang
pangmatagalan na solusyon sa patuloy na pagganda ng produksiyon
mga nag-iitikan tulad ng lona, kawayan, fishnet, dayami at ipa ng
ng native na itik.
palay bilang itlugan. Sa ganitong sistema madaling maililipat ng nag-
iitikan ang pabahay kung saan may makakain ang mga itik.
Ito ang isang nakikitang paraan upang magpatuloy ang pag-
aalaga ng itik sa kadahilanang patuloy pa rin ang pagtaas ng halaga
ng mga kailangan sa pag-aalaga nito. Ang tamang pag tatala ng datus
sa produksiyon ang isang mahalagang gawain ng nag-iitikan upang
maging basehan sa pagpili at pagpapalahi. Ang mga kailangan na
datus ay ang mga bilang ng itik na alaga, bigat ng itik, edad ng
unang pag-itlog, bilang ng itlog kada araw, dami ng pakain kada
araw, bilang ng namatay o nabenta na itik at iba pa. Ang datus na
makukuha ay magiging basehan sa naging produksiyon ng alagang
paitluging itik.

Halimbawa ng Record ng Itikan:

Pinagmulan/kulungan: Isabela/Pen 1
Petsa ng mapisa/edad ng itik: Hulyo 5, 2012/4 ½ buwan,
18 linggo Sa nakakulong na pamamaraan ay gumagamit ng kamalig o
Araw ng unang pag-itlog/edad : Disyembre 5, 2012 pabahay na pang matagalan. Ang kulungan ng itik ay dapat malayo sa
Bilang ng itik: 2000 Babae : 200 Lalake mga bahayan dahil sa ingay at amoy ng dumi nito at kinakailangang
Buwan: Disyembre 1-31, 2012 may magandang daloy ng tubig. Ang isang (1) metro kuwadrado ay
maaaring lagyan ng 3-4 ulo na paitluging itik. Ang mga itik ay hatiin
sa 300-500 ulo kada grupo na may sapat na pakainan at inuman.

8 9
P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

• Pakainan at inuman
• Bomba ng tubig, tangke ng tubig, sprayer ng tubig
• Kartilla, timba
• Panghuli at panghakot ng itik (poultry crates)
• Lalagyan ng itlog
• Makinang pisaan (incubator)

2. Pabahay ng itik
• Ang bahay ng itik ay nakaayon o pahaba mula sa silangan
patungong kanluran.

Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng lugar na pagtatayuan ng


itikan;
• Kailangan ay nasa lugar na agricultural o “agricultural zone”
• Dapat malayo sa lugar na malapit sa mga kabahayan dahil sa
ingay nito at amoy ng dumi ng mga itik
• Dapat may maayos na pagkukuhanan ng tubig
• May kalsada o daan na maaring daanan sa tag-ulan o tag araw
• May sapat na laki ng lupa na maaring gamitin kung magpaparami • Lapad ng pabahay: hindi hihigit sa 8-12 metro
pa ng bilang ng itik na aalagaan (expansion). • Klase ng pabahay : nakataas (slatted), nakalapag (kamalig) o
kumbinasyon
1. Uri ng mga kagamitan • Materyales ng pabahay: depende sa tibay na kailangan
• Kuluban o gamit na pampainit para sa mga seho • Itsura ng bubong: angulo 100-300
- Ang tamang sanepa ay makakatulong para sa ulan at
sikat ng araw
- Ang taas ay sapat upang makadaloy ang hangin at liwanag
sa loob ng kulungan
- Maglagay ng monitor (labasan ng init) sa bubong
• Pagitan ng kulungan: ang taas ng kulungan ay apat na beses
nito ang layo ng bawat kulungan
• Paliguan: ito ay kailangan kung nakakulong sa panahon ng
tag-init at paglinis ng balahibo ng itik

10 11
P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

• Lagyan ng partisyon ang kulungan na naglalaman ng 300


to 500 ulo ng itik bawat grupo, kung ang sahig ay nakataas
maaring 100 kada grupo.
• Ang kulungan ay binubuo ng tatlong parte, paitlugan,
pakainan, at pagalaan

III. PAKAIN AT PAGPAPAKAIN NG ITIK:


Sa nakapagala nakakakuha na ng natural na pakain ang mga itik,
ngunit sa panahon na konte ang pagkain o lugar na pagalaan ang itik
3. Dami ng itik kada metro kuwadradong sahig ay kailangan dagdagan ng pagkain tulad ng darak, suso, commercial
(nasa lupang kulungan); feeds at iba pang lokal na pagkain upang mapanatili ang paglaki,
Edad Sukat ng sahig kalusugan at produksiyon ng itlog. Kung may alam na lugar na
• 0-1 linggo ang edad 30 ulo kada metro kuwadrado
bagong aning palayan maaring ilipat ang mga itik upang makakuha
• 1-2 linggo ang edad 20 ulo kada metro kuwadrado
• 2-8 linggo ang edad 8 ulo kada metro kuwadrado ng sapat na pakain.
• 8-18 linggo ang edad 5 ulo kada metro kuwadrado
• 18-pag-itlog 4 ulo kada metro kumadrado Sa nakakulong na pag-aalaga kailangang bigyan ng duck starter
mash na may kanin ang mga seho sa unang isang lingo na edad; duck
4. Mga dapat isaalang-alang sa pagtatayo ng starter mash hanggang sa edad na isang buwan, duck grower mash
pabahay mula 1-4 na buwan, at duck layer developer 4-5 buwan ang edad at
• Madaling linisin at matipid sa tubig duck layer pellet 4.5 - 5 buwan pataas. Mula seho hanggang 4.5 buwan
• Ang pabahay ay depende sa edad at klase ng itik edad, ito ay kakain ng 10-12 na kilong feeds. Gumamit ng mababang
• Naka desenyo para sa maginhawa, madali at maayos na uri ng nutrisyon 14% protina (CP) sa edad na 2-4 buwan at hindi
paggawa bababa sa 18% protina (CP) ang gamitin sa nagingitlog na itik.
• Maaliwalas at tuyo ang kulungan lalo na ang itlugan

IV. GABAY SA PAG-AALAGA NG ITIK:


A. Ang Seho o Bagong Pisang Itik
Sa nakapagala maglaan ng kuluban para sa seho na may kaukulang
painit (incandescent bulb 1 watt kada seho o balde na may uling)
haggang 2 linggo ang edad. Gumawa ng pabilog na kuluban gamit
ang hinati na linso (GI sheet), may sapin na ipa o dayami. Gumamit
ng sako bilang pakainan at plastik na painuman. Magdagdag ng ipa
o dayami kada araw upang mapanatiling tuyo ang kuluban.

12 13
P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

Ang itik ay hindi naglilimlim at nag-aalaga ng seho, ito ay • Lagyan ng 5-10 sentimetro na kapal ng dayami o ipa ang
kailangang magbigayn ng painit (kuluban) sa unang 2 linggo mula buong lugar na pinagkulungan.
ng sila ay mapisa. Ang pagkulob ay ang pagbibigay ng artipisyal na • Ihanda ang mga kinakailangan na kagamitan tulad ng
init para sa mga bagong pisang seho na nakakatulong sa maayos patukaan at painuman.
na paglaki. Mahalaga rin ito upang maibigay ang kinakailangang • Tiyakin din na may panggagalingan ng init para sa mga
bagong pisang seho, gumamit ng incandescent bulb, maaring
temperatura ng kanilang katawan at makaiwas sa pagkabansot at
maging basihan ang 1 watt kada sehong aalagaan, lagyan ng
pagkamatay ng seho. steel cover bawat bombilya upang maipon ang init. Ilagay ng
6 na pulgada ang taas mula sa ibabaw ng litter o sapin na
1. Paghahanda ng Kuluban/Brooder Cage dayami o bualaw/ipa.
• Bago ang takdang araw ng pagpisa ng seho, siguraduhin na • Ang dami ng seho kada metro kuwadrado na sahig ay ang
may maayos na paglalagyan ang mga ito. sumusunod:
• “Brooder guard” gumamit ng linso (GI sheet) na may taas na 1-7 araw : 30 seho kada metro kuwadrado
2 piye at pagdikitin ang dalawang dulo upang makabuo ng 8-14 araw : 20 seho kada metro kuwadrado
bilog na kulungan. Iwasang gumawa ng parisukat na brooder Ang dami ay base sa panahon, bentilasyon at materyales na
guard upang maiwasan ang pag-iipon-ipon ng mga seho sa gagamitin
sulok nito. • Magdagdag ng dayami o ipa kada araw. Bigyang pansin ang
lugar ng painuman para mapanatiling tuyo ang kuluban.
• Ang mga lalaking itik ay ihiwalay sa unang araw pa lamang.
• Ang tamang bentilasyon ay makakatulong upang mawala
ang ammonia sa pabahay.
• Ang 1 gallon na painuman na plastic drinker ay maaring
gamitin sa 50 na seho. Lagyan ng malinis na graba ang
painuman upang maiwasan na maligo ang mga seho. Ang
paggamit ng nipple drinker ay makakatipid sa tubig at
pagkabasa ng litter o sapin.

2. Kagamitan at Pasilidad
• Pakainan
• Painuman
• Artipisyal na painit (Uling o bualaw sa balde, incandescent
bulb)
• Brooder Guard (linso na hinati 2 piye ang taas)
• Kung ang temperatura sa loob ng brooder house ay mataas na,
maaring di na gamitin ang mga nabanggit. Nangangailangan
din ng malinis at maayos na patukaan at painuman.
• Gumamit ng dayami (rice straw”) o bualaw/ ipa sa pabahay
na naglalaman ng 20-30 seho kada metro kuwadradong lugar
sa loob ng 1-14 araw na edad ng seho.

14 15
P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

3. Init o Temperatura na kailangan Araw-araw na Gawain


• Sa unang 2 linggo panatilihin na 32ºC ang temperatura sa • Pakainin/patukain at bigyan ng malinis na tubig 2-3 beses kada
brooder house araw-araw na tumatagal ng 24 oras. Maaaring araw.
patayin o bawasan kung mainit ang panahon. • Linisin ang patukaan at painuman
• Sa ikatlong linggo at sa mga susunod pa, hindi na • Linisin ang paligid ng brooder house.
kinakailangang bigyan ng artipisyal na init ang mga itik • Tiyakin na may sapat na init sa brooder house para sa mga seho.
sapagkat kaya na nilang mabuhay. • Alisin ang mahihina, may sakit at patay na seho.
• Kung mapapansin na ang mga seho ay lumalayo sa • Itala sa talaan ang mga datus tulad ng bilang ng nabenta, namatay,
pinanggagalingan ng init, ito ay nangangahulugang mataas pinakain atbp.
ang temperatura o mainit sa loob ng kuluban.
• Kung ang mga seho naman ay malapit at nakaumpok sa Talaan ng araw-araw na impormayson sa panahon
pinanggagalingan ng init, nangangahulugang mababa ang ng paglaki ng itik;
temperatura o malamig ang panahon.
Batch no.: ______________ Petsa ng mapisa: ________________
Pagtingin sa tamang init sa kuluban Buwan: ________________ House/pen no. : _________________
Lahi: __________________ Strain/line: _____________________

Petsa Bilang Bilang ng Natira Dami ng Mga Puna


pinakain
Kulang sa init nabenta namatay inilipat
1
2
3
4
5
Sobrang init to 31

4. Pagkain at Paraan ng Pagpapakain sa seho


• Sa unang 2 linggo, maaaring pakainin ng duck (chicken)
starter mash ang mga seho (ad libitum), maaring magdagdag
ng kanin sa mash na pakain.
• Sa ikatlong linggo hangang sa ika-apat na linggo, pinaghalong
Katamtaman
duck starter mash at duck grower mash naman ang ipinapakain.
ang init (ad libitum)
• Siguraduhin na may sapat at malinis na inuming tubig ang
mga ito.

16 17
P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

Mga Dapat Tandaan B. Ang Palakihing itik:


• Maglaan ng isang lalaki sa kada limang babae hanggang sa
paglaki Ang palakihing itik na mula 1 hangang 4.5 na buwan ang edad ay
• Panatilihin na tuyo ang mga seho at huwag hayaang mawalan maari ng pawalan o pagalain sa pastulan. Siguraduhin na may sapat
ng painit. na pakain sa lugar ng pagalaan at kung nagkukulang magdagdag ng
• Siguraduhin na tama ang sukat ng pabahay para maiwasan
iba pang pamakain. Ikulong ang mga palakihing itik sa hapon at gabi
ang pagsisiksikan.
• Tiyakin na ligtas sa anumang mandaragit (pusa, daga, aso, upang makaiwas sa ibang hayop. Gawin ang pagpapagala hanggang
ahas atbp) ang mga seho. sa 4.5 na buwan ang edad.
• Panatilihin ang magandang bentilasyon ng bahay kuluban.
• Obserbahan araw-araw kung may nagkakasakit at bigyan ng Inililipat sa grower house ang mga itik sa edad na 1 buwan at
kaukulang lunas. aalagaan sa loob ng 4.5 buwan. Gumawa ng pabahay upang maging
• Ibaon sa lupa o sunugin ang mga namamatay na seho. silungan at paliguan. Ang paliguan ay maaring konkreto na may
• Siguraduhing may sapat na pagkain at malinis na inumin. lapad na 1 metro at lalim na 6 – 8 pulgada at ang haba ay depende
sa dami ng itik. Gumamit ng ipa bilang sapin sa bawat bahay ng itik.
Ililipat ang mga itik sa bahay na paitlugan sa edad na 4.5 na buwan
ang edad.

Sa Pagala
Tumatagal ng 20-24 linggo ang panahon ng pagpapalaki ng mga
itik kung ang mga ito ay inalagaan sa paraang pagala sa palayan
bago sila ikulong sa bahay-paitlugan. Sa pagala na pamamaraan
gumagamit ng lokal na pabahay ang mga nag-aalaga tulad ng lona,
kawayan, fishnet, dayami at ipa ng palay bilang itlugan. Sa ganitong
sistema madaling maililipat ng nag-aalaga ang pabahay kung saan
may makakain ang mga itik.

pakainan at silungan

Panatilihing malinis ang painuman at patukaan.


• Tanggalin at huwag hayaang makain ng itik ang mga sirang
pagkain (may kakaibang amoy o may amag).
• At higit sa lahat, huwag mahiya o mag-atubiling lumapit
at humingi ng tulong sa mga taong mas nakakaalam
(Technician o Veterinarian) para malutas ang problema kung
may kinalaman sa kalusugan ng mga alagang itik.
• Itala sa talaan ang lahat ng impormasyon o datus.

18 19
P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

May Pabahay 1. Kahalagahan ng pag-aalaga sa Pabahay confinement


Kung may pabahay naman ang itik simula pagkapisa, maaring • Naiiwasan ang pagkawala, namamatay at pagkakapalit-palit
ilipat na sila sa bahay paitlugan sa edad na 18 na linggo. Sa ng mga itik.
nakakulong na pamamaraan ay gumagamit ng kamalig o pabahay na • Madaling alagaan at hindi sayang ang oras sa pagbabantay.
pang matagalan. Maaaring gumamit ng nipa o yero bilang bubong; • Madaling ibigay ang mga kailangan nito halimbawa ng
ipa, kusot, at buhangin bilang sapin; at kawayan o fishnet sa dinding. gamot, tubig at pagkain
• Mas marami ang bilang ng dumalagang maisasampa sa bahay
paitlugan.
• Halos pare-pareho ang laki, itsura at timbang ng mga itik
• Mataas ang makukuhang pursiyento ng pangingitlog.
• Madaling iiwas sa baha o kalamidad

Pabahay sa palakihing itik:

paliguan kongkretong pakainan at


pagalaan silungan

daanan

20 21
P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

2. Paghahanda ng pagkukulungan 5. Gabay sa Pagpapakain at Timbang ng Itik


• Malinis at bagong palit ang sapin o beddings tulad ng dayami
o ipa. Edad Dami ng pakain Uri ng
Bigat ng Bigat ng
• Naayos ang mga sirang gamit tulad ng dingding, bubong, babaeng itik lalaking itik
(linggo) (gramo) Pakain
(gramo) (gramo)
paliguan at mga daluyan ng tubig
1 Full feeding duck starter 80 80
• May sapat na pailaw at mga gamit na painuman at pakainan. mash
2 Full feeding 190 190
• Ang pagpapalaki ay tumatagal ng mula 5 linggo hanggang 12
3 60 350 350
linggo ang edad ng itik.
4 70 520 520
• 13 linggo hanggang 16 linggo naman ang pagpapalaki ng
5 80 duck grower 650 650
mga ito. mash
6 90 740 740
• 16 linggo ang edad ng pagdadalaga ng itik.
7 100 860 860

3. Araw-araw na gawain 8 120 950 950


• Pagpapakain sa alagang itik at pagbibigay ng malinis na 9 120 1010 1010
inumin. 10 120 1130 1130
• Pagpapanatiling malinis ng patukaan at painuman. 11 120 1150 1180
• Pagsasaayos ng mga sirang gamit o parte ng kulungan. 12 120 1260 1260
• Paglilinis ng kulungan. 13 120 1280 1290
• Pagtatala ng mga datus/ impormasyon tungkol sa mga 14 120 1290
gawain tulad ng dami ng pakain, namatay, binigay na gamot,
15 120 1290
pagpapalit ng pakain, atbp.
16 120 1300
4. Pagkain at Paraan ng pagpapakain 17 120 1300
• Pakainin ng duck grower mash ang mga alagang itik. Maaaring 18 120 1300
gumamit ng commercial feeds upang maging sabay-sabay ang
paglaki ng mga ito.
• Maaaring maghalo ng ibang klase ng pamakain tulad ng Mga Dapat Tandaan
darak. • Ihanda ang lilipatang kulungan 2 linggo bago ang takdang
• Tiyakin ding may sapat at malinis na inumin at tubig sa paglilipat.
paliguan. • Siguraduhing may sapat na pagkain at malinis na inumin.
• Tiyakin lamang na hindi masikip, nagsisiksikan o
nagpapatung-patong ang mga itik.
• Tiyakin na may tamang dami ng itik sa kulungan.
• Timbangin ang 5 bahagdan (%) ng alagang itik isang beses
kada linggo, gawin sa umaga bago pakainin upang malaman
kung tama ang dami ng pakain.

22 23
P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

• Panatilihing malinis ang bahay kulungan at tuyo ang sapin


(beddings).
• Ihiwalay ang may sakit, mahina o pilay na itik. Ibaon sa lupa o
sunugin ang mga patay na itik.
• Huwag pagsamasamahin ang magkakaibang edad sa isang
kulungan.

C. Ang Paitluging Itik:


Ang dumalagang itik ay kailangan ang sapat na pakain at
pabahay. Bigyan ng duck layer pellet ang mga itik sa edad na 4.5
buwan at mag laan ng malinis na tubig sa lahat ng oras. Maglagay
ng malinis na paitlugan araw-araw upang mapanatiling malinis ang
mga itlog. Ang madumi at basa na itlog ng itik ay hindi maaaring
gamitin para sa produksiyon ng balut. Bigyan ng sapat na pakain
ang mga nagingitlog na itik 120-130 gramo kada araw. Iwasan ang
pagkagulat ang mga itik na maaaring maging dahilan ng paghina ng
Sa edad na 16 linggo, magsama ng lalaking itik sa mga babae (1 pag-itlog.
lalaki sa 10 babae).
• Maglaan ng 5 bahagdan (%) na reserbang lalaki para sa Ang Pag-aalaga ng Paitluging itik
magkakasakit at mamamatay na lalaki.
• Maglagay ng paliguan para sa alagang itik para makaiwas sa init
at makatulong sa paglilinis ng katawan at balahibo. paliguan
pagalaan

Konkretong sahig na pababa

Lupa na sahig na may ipa

paitlugan

24 25
P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

1. Pabahay sa paitluging itik 3. Paitlugan


• Mula 18 linggong edad hanggang sa nangingitlog. • Tiyakin na palaging tuyo at bago ang sapin upang maiwasang
• Maglaan ng 300 to 500 na ulo kada partisyon. madumihan at mabasa ang mga itlog.
• Panatilihing malinis, tuyo ang sapin (beddings) lalo na ang • Isara ang paitlugan sa umaga at buksan lamang sa hapon
paitlugan. hanggang sa gabi.
• Sa bagong lipat na itik, hayaan munang bukas sa umaga at
• Tiyakin na tama ang sukat ng kulungan sa dami ng itik na
gabi ang paitlugan at unti-unting isara hangang masanay na
aalagaan 3-4 itik kada metro kuwadradong sahig. sa gabi lang nakabukas ang paitlugan.
• Maglaan ng 1 pugad kada 5 itik.

4. Pangangasiwa sa itlog na pipisain


• Palabasin ang mga itik sa pagalaan.
• Pulutin ang mga itlog 2 beses sa umaga.
• Pulutin muna ang mga itlog sa labas ng pugad at saka ang
nasa pugad

Mga dapat tandaan


• Para maiwasan ang stress, ilipat o isampa sa bahay paitlugan
ang mga itik sa malamig na oras sa umaga o sa hapon.
• Piliin lamang ang magaganda at may maayos na
pangangatawan.
• Tanggalin ang maliliit/bansot o may mga depekto dahil
maliit ang tyansang mangitlog ng maayos.
• Ihanda ang mga kinakailangang kagamitan tulad ng patukaan
at painuman. Araw–araw na Gawain
• Dapat may malinis na painuman at paliguan para sa mga ito • Patukain at painumin ang mga itik
• Maglaan ng sapat na ilaw sa loob ng kulungan. • Pulutin ang mga itlog ng itik sa umaga
• Hugasan ng malinis na tubig ang sobrang duming itlog at
2. Pagkain at pagpapakain ihiwalay ito.
• 18 linggo na edad ay pakainin ang mga itik hanggang kaya • Lagyan ng palatandaan ang itlog bago ilagay sa egg room.
(ad libitum) • Linisin ang patukaan at painuman na nagsisilbi ding paliguan
• Ang pagkain ay umaabot ng 125 to 140 gramo kada ulo kada nito
araw depende sa panahon at dami ng itlog.
• Linisin ang paligid ng kulungan.
• Maaaring magpakain sa umaga at sa hapon.
• Tiyakin na tuyo ang paitlugan. Palitan o dagdagan ng ipa o
dayami kung kinakailangan.

26 27
P A G - A A L A G A N G i t i k P A G - A A L A G A N G i t i k

• Ihiwalay ang may mga sakit at pilay na itik. Ang mga patay
naman ay sunugin o ibaon sa lupa. V. PANGANGASIWA
• Isulat sa talaan ang mga datus tulad ng dami ng itlog, dami
ng pinakain, mga basag na itlog, gamut na binigay at namatay SA KALUSUGAN NG ITIK
• Maselan ang mga itik lalo na kung sila ay nasa stage ng
pangingitlog kung kaya iwasan ang kahit anong uri ng stress Pag-iwas sa mga Sakit:
o hindi kaaya-ayang gawain sa kanila.
• Tiyaking naibibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga Bumili lamang ng malusog na seho o dumalagang itik. Ang
ito upang mangitlog ng maayos. seho na malusog ay aktibo o maliksi, at tuyo ang balahibo. Ang
dumalagang itik na maganda ang napagalaan ay malalakas na halos
5. Talaan ng datus sa pag-itlog pantay ang laki at itsura, pareho ang haba at itsura ng balahibo
Pinagmulan/kulungan: _____________ (hindi lugon). At iwasan ang pagsasama ng ibat-ibang edad ng itik sa
Petsa ng mapisa: _____________ isang kulungan. Ihiwalay ang mga may sakit at pilay na itik. Bigyan
Petsa ng unang pag-itlog : _____________ ng masustansiyang pagkain at painom ang mga itik. Panatilihin na
Bilang ng itik: malinis ang kamalig o pabahay. At iwasan ang paghahalo ng bagong
Babae: _______ bili na itik sa dating alaga (sound quarantine/bio-security procedure).
Lalake: _______
Buwan: _____________ Ang native na itik ay may likas na katangian na may panlaban sa
karaniwang sakit kumpara sa dayuhang mga itik, subalit maari ding
magkasakit kung hindi maayos ang pag-aalaga tulad ng maruming
Bilang ng Bilang ng Dami ng pakain, Bilang ng
Petsa Mga Puna paligid, pakainan at painuman, hindi sapat ang pagkain at maling
itik itlog kilo Namatay/nabenta
pabahay kaya malaki ang maitutulong na mayroong maayos na
programa sa kalusugan at pag-iwas sa mga sakit sa ating itikan.
1
2
3
4
5
to 31

28 29
Para sa iba pang impormasyon, makipagugnayan kay:

Rene C. Santiago, DVM, MSc.


Center Chief IV
Bureau of Animal Industry
National Swine and Poultry Research
and Development Center
Brgy. Lagalag Tiaong, Quezon
(042) 585-7727
renecsantiago@yahoo.com

This publication is funded by the Department of Agriculture-Bureau of Agricultural Research

You might also like