You are on page 1of 16

10

- -Modyul 15-Week 5 :
Ikalawang Markahan

Maikling Kwento
Filipino– Grade 10
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan-Modyul 15-Week 5: Maikling Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul

Manunulat: Carla T. Lapuz


Editor: Angela Lou R. Perez
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Tagaguhit: Carlo D. Yambao, Timothy M. Bagang (Cover Arts and Icons)
Tagalapat: Roland M. Suarez, Manuel D. Reyes Jr.
Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent
Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T Quiambao, Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III – Division of Pampanga

Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes,


City of San Fernando, Pampanga
Telephone No: (045) 435-2728
E-mail Address: pampanga@deped.gov.ph
Alamin

Ang pagpapala at kabutihan ng Diyos ay sumainyo!

Maraming makata at pilosopo ang nagtangkang bigyan ng kahulugan


ang salitang pag-ibig, ngunit hindi pa sila ganap na nagtatagumpay. Ang
tanging nababatid natin ay ang katotohanan na kapag ang isang tao ay
umiibig, nakararamdam siya ng isang kasiya-siya at panatag na
damdamin, kabaitan, at pagpapakasakit. Napili kong ibahagi sa iyo ang
kuwento ng Aginaldo ng mga Mago upang ipaunawa sa mga
mambabasang tulad mo ang tunay na kahalagahan ng pagsasakripisyo
at pagbibigayan lalo na tuwing sumasapit ang araw ng kapaskuhan.
Ang araling ito ay tatalakay sa isang maikling kuwentong Aginaldo ng
mga Mago na orihinal na akda ni O. Henry na isinalin sa Filipino ni Rufino
Alejandro. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa araling ito ang tungkol
sa Pokus sa Ganapan at Pokus sa Sanhi na makatutulong sa
pagsasalaysay ng mga pangyayari.

Sa Modyul na ito ay matatalakay at matutuhan natin ang tungkol sa:

MGA TEKSTONG BABASAHIN: Maikling Kuwento

GRAMATIKA: Mga Salitang Magkakasingkahulugan at Magkakaugnay

Narito ang mga kasanayang malilinang sa iyo sa pagtahak sa araling ito:

1. Nasusuri sa diyalogo ng mga tauhan ang kasiningan ng akda


(F10PN-IIC-d-70)
2. Naitatala ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan
(F10PT-IIe-73)
3. Nahihinuha sa mga bahaging pinanood ang pakikipag-ugnayang pandaigdig
(F10PD-IIE-71)
4. Naisasalaysay nang masining at may damdamin ang isinulat na maikling kuwento
(F10PS-IIe-75)

1
Balikan

EXPECTATION VS. REALITY

Ilagay sa loob ng kahong panregalo sa kaliwa ang nais mo sanang


matanggap noong nakaraang Pasko at ilagay naman sa kahong panregalo sa kanan
ang aktwal na natanggap mo.

Ano ang iyong naramdaman nang hindi mo natanggap ang iyong nais?
Mas nagagalak ka ba na iba ang iyong natanggap? Ipaliwanag ang sagot.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Lesson
MAIKLING KWENTO
1
Balikan

MASINSINANG PAGBASA!

ANG BITUIN AT ANG TATLONG HARING MAGO


Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon - (K) - Puti
(Isaias 60:1-6/Salmo 72:1-2, 7-8, 10-11, 12-13/Efeso 3:2-3a, 5-6/Mateo 2:1-11)

Ang Tatlong Haring Mago ay nagmula sa silangan. Hindi naman po sila mga
hari, sa halip sila ay mga pantas. Pumunta sila sa Herusalem upang hanapin ang Hari
ng mga Hudyo - ang Mesiyas. Dumaan sila sa bahay ni Haring Herodes upang
hanapin nila ang Mesiyas doon. Baka alam ni Herodes kung saan hanapin ang

2
Mesiyas. Kaya, dumaan sila kay Herodes upang magtanong kung nasaan ang Hari
ng mga Hudyo.
Nang marinig ito ni Herodes, nagulat siya. Nagulat rin ang bayang Herusalem
dahil ipinanganak na ang Mesiyas. Isinalaysay ng mga Pantas kung bakit hinahanap
nila ang Hari ng mga Hudyo. Nakita nila ang bituin ng Mesiyas sa Silangan. Ang ibig
sabihin noon, ipinanganak na ang Hari ng mga Hudyo. Kaya, laki ang gulat nina
Herodes at ang mga Hudyo.
Palagay ko, takot na takot si Herodes nang marinig niya iyon. Ang aga-aga pa,
may papalit na sa kanya. Ayaw niyang ibigay ang kanyang paghahari sa ibang
kandidato. Gusto niyang, siya lang ang hari at wala nang iba. Ang papalit lang sa
kanya ay ang anak niya. Parang baga'y nais ni Herodes na maging isang diktador.
Ayaw niyang ibigay kay Hesus ang kanyang paghahari.
Hindi alam ni Herodes ni ang mga Hudyo kung saan ipinanganak ang Anak ng
Diyos. Kaya, nagtanong sila ang mga punong saserdote at ang mga eskriba. Ang mga
punong saserdote at ang mga eskriba lamang ang nakakaalam tungkol sa
kapanganakan ng Mesiyas. Sila ang mga nag-aral ng mga Salita ng Diyos noong mga
panahong iyon. Kaya, kung may tanong ang mga Hudyo tungkol sa Banal na
Kasulatan, tatanungin nila ang mga punong saserdote at mga eskriba.
Ayon sa mga saserdote at mga eskriba, ang Mesiyas ay ipanganganak sa Betlehem.
Sa Betlehem ng Juda kung saan ipinanganak si Haring David. Ang ibig sabihin noon,
ang Mesiyas ay nagmumula sa lahi ni David. Kaya, ang tawag kay Kristo noong lumaki
na siya ay, "Anak ni David." Ang dahilan kung bakit tinatawagang "Anak ni David" ang
Panginoon ay dahil sa Betlehem siya ipinanganak. Siya ang pinakasikat na taong
ipinanganak sa Betlehem, mula sa lahi ni David.
Dahil doon, pinahanap ni Herodes ang sanggol na ito mula sa mga Pantas na
ito. Ang dahilan kung bakit pinapahanap ni Herodes ang sanggol ay dahil gusto raw
niyang sambahin ang sanggol na ito. Pero ang totoo, nais patayin ni Herodes ang
bata. Gustong patayin ni Herodes ang sanggol na ito para wala nang haharang sa
kanyang paghahari. Makamundo si Herodes, gusto niya siya ang hari, siya ang
mamumuno sa bayan. Kaya, pinapahanap niya ang sanggol hindi upang sambahin,
kundi patayin.
Pagkatapos noon, lumitaw muli ang tala na nakita ng mga Pantas bago pa sila
pumunta kay Herodes. Lumitaw ito uli at sumunod ang mga Pantas sa tala na ito.
Alam nila na ang tala na ito ay gagabay sa kanila upang matagpuan nila ang
Panginoong Hesukristo, ang Mesiyas, na matagal nilang hinahanap upang sambahin.
Noong dumating sila sa sabsaban kung saan ipinanganak ang Panginoon, natagpuan
nila ang sanggol na nasa piling ng kanyang inang Maria. Sinamba nila ang sanggol
na Hesus, at naghandog ng ginto, kamanyang, at mira. Ito nga ay mga regalong
handog ng Tatlong Haring Mago sa Tunay na Hari ng mga Hari.

Gawain 1: Ikuwento Mo
Panoorin ang kuwento ng 3 Idiots at magsalaysay ng isang bagay na

3
magkaiba at magkahalintulad mula doon sa napanood at sa kuwentong binasa.
Sumulat din sa Venn Diagram ng isang pangyayari sa napanood na palabas at
nabasang kuwento na may kinalaman sa kulturang umiiral sa pagbibigay ng
regalo.

Tuklasin

Aginaldo ng mga Mago


O. Henry
Maikling Kuwento – United States of America
Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro

Piso at walampu’t pitong sentimos. Iyan lang. At ang animnapung sentimos nito ay barya.
Makaitlong bilangin ni Della. Piso at walumpu’t pitong sentimos.
At kinabukasan noon ay Pasko.Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa
munting gusgusing sopa at magpalahaw. Kaya’t iyon nga ang ginawa ni Della.
Tinapos ni Della ang kaniyang pag-iyak at hinarap ang kaniyang mga pisngi. Siya’y nagpulbos.
Tumayo siya sa tabi ng bintana at matamlay na pinagmasdan ang isang abuhing pusang nanunulay sa
isang abuhing bakod sa likod bahay.
Kinabukasan noon ay araw ng Pasko at ang pera niya’y wala kundi piso at walumpu’t pitong
sentimos lamang para ipambili ng pang-aginaldo kay Jim. Kung ilang buwan siyang nagtabi ng pera-
pera at ito ang kaniyang naipon. Gaano ba naman ang itatagal ng kitang dalawampung piso isang
linggo! Naging malaki ang kaniyang mga gastos kaysa kaniyang inaasahan. Laging gayon ang
nangyayari. Piso at walumpu’t pitong sentimos lamang na pambili ng aginaldo para kay Jim. Sa
kaniyang Jim. Maraming oras ang ginugol niya sa pag-iisip ng isang magandang pang-aginaldo kay
Jim. Isang pang-aginaldong maganda, pambihira at yari sa pilak – yaong maaari nang sabihing karapat-
dapat ariin ni Jim.
Kagyat siyang pumihit at nilisan ang bintana at humarap sa salamin. Nagniningning ang
kaniyang mga mata, datapwa’t dalawampung segundong nawalan ng kulay ang kaniyang pisngi.
Maliksi niyang inilugay nang puspusan ang kaniyang buhok.
Ang mag-asawang James at Della Dillingham Young ay may dalawang ari-ariang
ipinagmamalaki nila nang labis. Ang isa’y gintong relos ni Jim na minana niya sa kaniyang ama at sa
ama ng kaniyang ama. Ang isa pa ay ang buhok ni Della.At ngayo’y nakalugay ang magandang buhok
ni Della, alon-alon at kumikislap na parang buhos ng kayumangging tubig sa isang talon. Abot
hanggang sa ibaba ng kaniyang tuhod at mistulang pananamit na niya. At pagkatapos ay maliksing
pinusod niyang muli na nangangatog pa ang kaniyang mga kamay. Minsan siyang natigilan
samantalang dalawang patak na luha ang tumulo sa gasgas na pulang karpet sa sahig.
Isinuot ang kaniyang lumang dyaket na kulay kape: isinuot ang kaniyang lumang sombrerong
kulay-kape rin. Umalembong ang kaniyang saya at nagkikinang ang kaniyang mga mata nang siya’y
humagibis na papalabas sa pintuan, manaog at lumabas sa lansangan.
Sa tapat ng hinintuan niya ay may karatulang ganito ang mababasa: “Mme. Sofronie. Lahat ng
Uri ng Kagamitang Yari sa Buhok.” Patakbong pumanhik si Della sa unang hagdanan at saka naghinto
upang bigyang-panahon ang kaniyang paghingal.
“Gusto ba ninyong bilhin ang aking buhok?” ang tanong ni Della.“Bumibili ako ng buhok,” sabi
ng Madame. “Alisin mo ‘yang sombrero mo’t nang makita ko ang hitsura niyan.” ni Della ang alon-alon
niyang buhok.
“Beinte pesos.” Ang wika ng Madame, habang iniaangat ng sanay na kamay ang makapal na
buhok.

4
“Bayaran n’yo ako agad,” ang wika ni Della.
O, at ang sumunod na dalawang oras ay masayang nagdaan. Hindi pala. Sa loob ng dalawang
oras na sumunod ay walang ginawa si Della kundi ang halughugin ang mga tindahan sa paghahanap
ng maipang-aaginaldo kay Jim.
Sa wakas ay nakakita siya. Talagang bagay na bagay kay Jim. Parang ipinasadya. Walang
ibang tindahang mayroon noon. Isang magandang kadenang platino, na ang disenyo ay simpleng-
simple ngunit nakaaakit. Sa tingin lamang ay talagang makikilalang mamahalin. At sadyang karapat-
dapat sa relos. Pagkakitang-pagkakita niya sa kadenang iyon ay sumaksak agad sa loob niya ang
bagay na iyon kay Jim. Katulad na katulad nito – mahinhin at mahalaga. Dalawampu’t isang piso ang
ipinabayad nila roon sa kaniya at nagmamadali siyang umuwi, dala ang dalawampu’t pitong sentimos
na natitira. Kapag nakabit na ang kadenang iyon sa kaniyang relos ay pihong madalas na titingnan ni
Jim ang oras sa harap ng kaniyang mga kaibigan.
Bagaman sadyang maganda ang relos, palihim kung ito’y dukutin ni Jim upang tingnan ang
oras dahil sa lumang katad na nakakabit.
Nang dumating ng bahay si Della, minabuti niya ang gumawa ng kaunting pag-iingat. Kinuha
niya ang kaniyang pangulot at pinainit ang kalan at kinumpuni ang kasiraang nilikha ng pag-ibig na
pinalubha pa ng kagandahang loob.
Nang alas-siyete na’y handa na ang kape at ang pagpriprituhan ng karne.Si Jim ay hindi kailan
ginagabi ng dating. Kinuyom ni Della ang kadena sa kaniyang palad at naupo sa sulok ng mesang
malapit sa pintong laging dinaraanan ni Jim.
Narinig niya ang mga yabag ni Jim sa unang hagdanan, at siya’y namutlang sandali. Ugali na
niya ang magdasal nang kaunti patungkol sa mumunting bagay na nangyayari sa araw-araw at ngayo’y
bumulong siya ng ganito, “O Poong Diyos, marapatin Mo pong sabihin niya na ako’y maganda pa rin.”
Bumukas ang pinto at pumasok si Jim at pagkatapos ay isinara uli iyon. Parang nangayayat
siya at ang mukha niya’y walang bakas ng kagalakan. Kawawa naman!
Dadalawampu’t dalawang taon lamang siya at nag-iintindi na dahil sa kaniyang pamilya! Kailangan niya
ang isang bagong damit na pang-ibabaw at wala pa rin siyang guwantes.
Pumasok si Jim at walang katinag-tinag. Ang mga mata niya’y nakapako kay Della at ang tingin
niya’y nakapagpangilabot sa babae. Hindi naman galit, ni pagtataka, ni pagpipintas, ni hilakbot, ni ang
alin man sa mga simbuyong pinaghahandaan na ni Della. Basta’t nakatitig si Jim sa kaniya na ang mga
mata’y nagpapahayag ng isang damdaming hindi mahulaan.
Maingat na bumaba si Della mula sa mesang kaniyang kinauupuan at lumapit kay Jim.
“Jim, mahal ko,” ang wika niya, “huwag mo sana akong masdan nang papaganyan. Ipinaputol
ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa hanggang sa isang Pasko kung
hindi kita mabibigyan ng isang aginaldo. Ito nama’y hahaba uli – huwag ka sanang magagalit ha, ha?
Talagang kinailangang gawin ko iyon. Malakas namang humaba ang aking buhok. Hala, sabihin mong
Maligayang Pasko, Jim at tayo’y magsaya. Hindi mo nalalaman kung gaano kaganda ang aginaldong
binili ko para sa iyo.”
“Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na parang naghihirap ng pagsasalita.
“Ipinaputol ko at ipinagbili,” ang wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit na putol ang aking
buhok?” Dinukot ni Jim ang isang balutan sa kaniyang bulsa at inihagis sa mesa.
“Huwag ka sanang magkakamali tungkol sa akin, Della,” ang wika. “Sa palagay ko’y walang
makababawas sa aking pagkagusto sa aking giliw dahil sa buhok o sa pabango, o ano pa man.
Datapwat kung bubuksan mo ang pakete ay mauunawaan mo kung bakit ako nagkagayon noong
bagong dating ako.”
Ang balutan ay pinunit ng mapuputi at magagandang daliri. At isang malakas na tili ng galak,
at pagkatapos ay – isang hagulgol na sinasabayan ng pagdaloy ng masaganang luha.
Pagkat ang dala ni Jim para sa kaniya ay mga suklay – isang huwego ng mga suklay na malaon
nang inaasam-asam ni Della mula nang ang mga iyon ay makita niya sa isang bintana ng tindahan sa
Broadway. Idinaiti niya ang mga yaon sa kaniyang dibdib, at sa wakas ay naitaas niya ang kaniyang
paninging hilam sa luha ang winika, “Malakas humaba ang buhok ko, Jim.”

5
At si Della’y lumuksong animo’y isang pusang napaso, at ang sabi, “Oh! Oh!” Hindi pa nakikita
ni Jim ang magandang aginaldo sa kaniya. Iniabot iyon ni Della sabay pagbubukas ng kaniyang palad.
Ang mahalagang metal ay kinang na gaya ng apoy ng kaniyang kaluluwa.
“Hindi ba maganda, Jim? Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita ko iyan. Pihong
matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses maghapon. Akina ang relos mo.
Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung maikabit na ang kadena.”
Sa halip ng ibigay ang hinihingi, si Jim ay nagpatihiga sa sopa at iniunan ang kaniyang ulo sa
kaniyang mga palad, at saka ngumiti.
Dell, itabi muna natin ang ating mga pang-aginaldo at itago natin ng ilang araw. Sayang na gamitin
agad ngayon ang mga iyon. Ang relos ay ipinagbili ko para maibili ng mga suklay para sa iyo. Mabuti
pa’y prituhin mo na ang karne.”
Gaya ng alam na ninyo, ang mga Mago ay mga taong marurunong – napakarurunong – at sila
ay nagdala ng mga alay sa Sanggol sa sabsaban. Sila ang may imbento ng pagbibigay ng mga aginaldo
kung Pasko. Palibhasa’y marurunong, pihong ang kanilang mga alay sa Sanggol ay may magagandang
kahulugan, marahil ay yaong maaaring ipakipagpalitan kung sakaling magkakapareho. At dito’y pinag-
inutan kong isalaysay sa inyo ang simpleng kasaysayan ng dalawang hangal na bata na nakatira sa
isang abang tahanan, na buong talinong nagsakripisyo para sa isa’t isa kahit na mawala ang lalong
mahalagang ari-ariang ipinagmamalaki ng kanilang tahanan.
Ngunit parang huling paalala sa marurunong ng ating kapanahunan, dapat sabihin dito na sa
lahat ng nagbigay ng aginaldo, ang dalawang ito ay siyang pinakamarunong. Sa lahat ng nagbigay at
tumanggap ng aginaldo, sila ang pinakamarunong. Sila ang pinakamarunong sa lahat ng dako. Sila
ang mga Mago.

MAIKLING KUWENTO
Ang maikling kuwento ay isang anyo ng tuluyang panitikan na may banghay na
kinasasangkutan ng ilang mga tauhan at kadalasang umiikot sa isang suliranin.
ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO
1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.
2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.
3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
Mayroong limang(5) bahagi ang banghay:
▪ Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.
▪ Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento.
▪ Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento.
▪ Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang problema.
▪ Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento.

4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.
5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan sa kwento.
7. Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o
tao laban sa kalikasan.
8. Paksang Diwa – Ito ay ang pinakakaluluwa ng kwento.

6
Surrin

PAG-UNAWA SA MGA TAUHAN!

Mula sa kuwento ilarawan ang mga tauhan ayon sa kanilang mga dayalogo. Ilarawan
ito batay sa kanilang mga pananalita,nakikita,naiisip,nararamdaman at
pinagdadaanan gamit ang Character Traits Organizer.

TALASALITAAN:
Isulat sa loob ng regalo ang mga salitang magkakatulad o magkakaugnay ng kahulugan at
gamitin ito sa isang pangungusap.

walang katinag-tinag umalembong sumalagmak


hilam humarurot lumuklok
lagablab lumandi simbuyo
napaupo malakas na iyak panlalabo
halungkatin silakbo lagablab
kulabo hagulgol tangis
tumulin halughugin humagibis

7
Pagyamanin

KASANAYANG PAMPANITIKAN:

1. Sa anong panahon nangyari ang kuwento?Bigyan ng patunay ang iyong sagot gamit ang
mga kaisipan na mula sa kuwento?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay naging makabuluhan ba ang ginawa ng bawat tauhan sa kuwento?


Ipaliwanag ang iyong sagot.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Pumili ng dayalogo sa kuwento at ipaliwanag kung paano ito nakatulong upang maihayag
ng tauhan ang kanyang saloobin sa masining na kaparaanan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Kung ikaw ang magiging may-akda ng kuwento, ano ang katapusan ang isusulat mo sa
kuwento.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

8
B. Isulat sa loob ng lobo ang mga bagay na kaya mong isakripisyo para sa kasiyahan
o kapakanan ng iyong mahal sa buhay. Ipaliwanag ang mga ito sa loob ng kahon.

C. Maglagay ng opinyon tungkol sa konsepto ng kahalagahan ng pagbibigay ng


aginaldo.

AGINALDO

D. Isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga tauhan.

Pagkakaiba

Pagkakatulad

9
Isaisip

Nabatid mo ang mga konsepto ukol sa tekstong impormatibo, ngayon, tunghayan ang mga
kaalaman hinggil sa kakayahang komunikatibo.

Mga Uri ng Maikling Kwento


May sampung uri ng maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Kwento ng Tauhan Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga
tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng
isang mambabasa.
2. Kwento ng Katutubong Kulay Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng
mga tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa
nasabing lugar.
3. Kwentong Bayan Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng
buong bayan.
4. Kwento ng Kababalaghan Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapani-
paniwala.
5. Kwento ng Katatakutan Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Kwento ng Madulang Pangyayari Binibigyang diin ang kapanapanabik at
mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o
nakapagbago sa tauhan.
7. Kwento ng Sikolohiko Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may
kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa
ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
8. Kwento ng Pakikipagsapalaran Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento
ng pakikipagsapalaran.
9. Kwento ng Katatawanan Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa.
10. Kwento ng Pag-ibig Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.

Isagawa

Isulat ang buod ng maikling kuwento gamit ang Story Map.

KASUKDULAN
SAGLIT NA
KASIGLAHAN KAKALASAN

PANIMULA
WAKAS

10
Tayahin

Basahin nang may kahusayan ang mga pahayag. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.
__1) Magkano ang pera ni Della para pambili ng aginaldo kay Jim?
a. Piso at walumpu't pisong sentimos
b. Dalawang piso at walumpu't pisong sentimos
c. Tatlong piso at walumpu't sentimos
d. Apat na piso at walumpu't sentimos

__2) Anong mga katangian ng aginaldo ang hinahanap Ni Della para kay Jim?
a. Maganda, magarbo at yari sa ginto b. Maganda, makulay at yari sa pilak
c. Maganda, kakaiba at yari sa bakal d.Maganda, pambihira at yari sa pilak

__3) Ano ang dahilan ng pagpapagupit ni Della?


a. Upang paghandaan ang darating na Pasko
b. Upang sumunod sa nauusong hairstyle
c. Upang ipagbili ang kannyang buhok
d. Upang sundin ang kagustuhan ni Jim

__4) Magkano ipinagbili ni Della ang kanyang buhok?


a. Beinte pesos b. Treinta pesos
c. Kwarenta pesos d. Singkwenta pesos

__5) Ano ang tanging bagay na binili Ni Della para kay Jim upang kanyang maging
aginaldo?
a. Isang bagong kwintas na yari sa ginto
b. Isang makulay na damit na malambot ang tela
c. Isang magandang kadenang platino
d. Isang kakaibang sunglass na kulay ginto

__6) Ano naman ang tanging bagay na binili ni Jim para kay Della upang kanyang
maging aginaldo?
a. suklay b. pabango
c. kolorete sa mukha d. bagong damit

__7. Ano ang reaksyon ni Della sa aginaldo sa kanya ni Jim?


a. Abot tenga ang saya
b. Hindi masukat na tuwa
c. Walang kibo
d. Isang hagulgol na sinabayan ng pagdaloy ng masasaganang luha

__8. Ano Naman ang reaksyon ni Jim sa aginaldo ni Della?


a. Abot tenga ang tuwa b. Kitang kita sa mukha ang kaligayahan
c. Katulad ng reaksyon ni Della d. Walang reaskyon

11
__9) Ano ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksyon ni Jim?
a. Dahil alam ni Della ang kanyang gusto
b. Dahil hindi na niya magagamit.
c. Dahil iba ang kanyang gusto
d. Dahil hindi siya nakuntento

__10) Ang mga sumusunod na kwento ay maihahalintulad sa kwentong ito, maliban


sa isa . . .
a. Ibong Adarna b. Romeo and Juliet
c. Ang Kwintas d. Ananias at Safira

Karagdagang Gawain

Pumili ng isang maikling kuwento na may tema ng pagbibigay. Isalaysay ito sa


pamamagitan ng Radio Story Telling.

Ang mga sumusunod ang magiging batayan sa pagbibigay ng marka sa iyong


ginawa.

• Tema 20 pts.
- Ang napiling kuwento ay may kaugnayan sa pagbibigay.

• Pagsasalaysay
- Masining na naisasalaysay ang mga pangyayari sa kuwento. 15 pts.

• Emosyon
- Naipakikita ng pagsasalaysay ang nilalaman na damdamin
ng kwentong napili. 15 pts.

12
13
Tayahin Isagawa
1. A Ang sagot ay batay sa
2. D
sariling sagot ng mga mag-
3. C
aaral.
4. A
5. C
6. A
7. D
8. C
9. B
10. A
Pagyamanin Suriin Subukin
A. Sariling opinion ng Sariling sagot ayon sa
mga mag-aaral. interpretasyon ng mga mag-
A. Sariling sagot aaral.
ayon sa
B. Sariling pananaw ng interpretasyon ng Balikan
mga mag-aaral. mga mag-aaral.
Sariling sagot ayon sa
C. Sariling pananaw B. Talasalitaan interpretasyon ng mga mag-
ng mga mag-aaral. aaral.
Susi sa Sagot
Sanggunian
Online Resources:

ANG BITUIN AT ANG TATLONG HARING MAGO


Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon - (K) - Puti
(Isaias 60:1-6/Salmo 72:1-2, 7-8, 10-11, 12-13/Efeso 3:2-3a, 5-6/Mateo 2:1-11)

PINAGKUNAN: http://pagnilayannatin.blogspot.com/2013/01/ang-bituin-at-ang-
tatlong-haring-mago.html

AGINALDO NG MGA MAGO


O. Henry
Maikling Kuwento – United States of America
Salin sa Filipino ni Rufino Alejandro

PINAGKUNAN: https://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/aginaldo-ng-mga-
mago.html?m=1&fbclid=IwAR2jbItmPnYIVNTBNJG9KGKjVAImK90cvWe8UkI6Fmm
yf-o9esYpflgWDJg

MAIKLING KUWENTO AT URI NITO

PINAGKUNAN: https://pinoycollection.com/maikling-kwento/

ELEMENTO NG MAIKLING KUWENTO

PINAGKUNAN: https://philnews.ph/2019/07/19/elemento-ng-maikling-kwento-8-
elemento-kahulugan/

You might also like