You are on page 1of 30

PAGKAMARTIR SA

BAGUMBAYAN
Kabanata 25
Kabanata 25
FUERZA SANTIAGO
HULING 24 ORAS
Disyembre 29, hanggang alas sais ng umaga ng
Disyembre 30, 1896 - naging abala siya sa
pagtanggap ng bisita kasama na ang paring
Heswita, Josephine Bracken at mga miyembro
ng kanyang pamilya, ang kabalitaan ng isang
pahayagang Espanyol, ilang kaibigan at lihim
niyang tinapos ang kanyang pahimakas.
Hongkong Telegraph
(Septyembre 24, 1892)

Maluwag niyang tinanggap ang mamatay


para sa kanyang mahal na bayan na tinawag
niyang “Perlas ng Silanganan” sa kanyang
huling tula sa isang artikulong pinamagatang
“Kawawang Pilipinas”
• Alas sais ng umaga sa Disyembre 29,
1896 binasa kay Rizal ni Kapitan
Rafael Dominguez na babarilin siya sa
likod ng isang iskuwad na Espanyol sa
ganap na alas siyete ng umaga sa
Bagumbayan.
• Alas siyete ng umaga, isang oras
pagkaraang basahin ang
sintensyang kamatayan, dinala si
Rizal sa kapilya ng preso kung
saan siya namalagi.
• 7:15 ng umaga, umalis na si Rektor
Saderra.Masayang ipinaalala ni Rizal kay
Padre Viza ang istatwa ng Sagradong Puso
ni Hesus na inukit niya sa tulong ng
kanyang lanseta noong siya ay estudyante
pa ng Ateneo.
• 8:00 ng umaga, dumating si Padre
Antonio Rosell para palitan si Padre Viza.
Inanyayahan siya ni Rizal na saluhan siya
sa agahan, at kanya namang pinaunlakan.
• 9:00 ng umaga, dumating si Padre Federico Faura.
Ipinaalala ni Rizal sa kanya na sinabi niyang siya
ay mapupugutan ng ulo dahil sa pagsulat niya ng
'Noli'.
• 10:00 ng umaga dinalaw si Rizal nina Padre Jose
Villaclara (guro ni Rizal sa Ateneo) at Vicente
Balaguer (misyoneryong Heswita sa Dapitan na
naging kaibigan ni Rizal nang siya'y desterado
noon).
12:00 - 3:30 naiwang mag-isa si Rizal sa kanyang
selda
❑ Sa mga oras na ito niya rin isinulat ang kanyang
tulang pamamaalam na itinago niya sa kanyang
alkohol na lutuan
❑ Isinulat din niya ang huling liham niya kay
Professor Blumentrit ang kanyang matalik na
kaibigan sa salitang Aleman
Aking Kapatid,
Pagkatanggap mo sa liham na ito, maaring patay na ako.
Bukas ng alas siyete, babarilin ako; ngunit ako ay inosente
sa krimen nga rebelyon.
Mamatay akong malinis ang konsiyensiya.
Paalam aking matalik at pinakamatalik na kaibigan at
huwag ka sanang mag-isip ng masama sa akin.
JOSE RIZAL
Ibati mo ako sa buong pamilya, kay Sra. Rosa, Loleng,
Conradito at Federico.
Iiwan ko sa iyo ang isang aklat bilang huling alaala mula
sa akin.
• 3:30 ng hapon - bumalik si Padre
Balaguer sa Fuerza Santiago para talakayin
kay Rizal ang pagbawi niya sa mga
ideyang anti-katoliko sa kanyang sulatin at
pagsapi sa mga masunerya.
• 4:00 ng hapon - dumating ang ina ni Rizal
• 6:00 ng gabi - tinanggap ni Rizal ang isang
bagong panauhin, si Don Silvino Tuno, ang
Dekano ng Katedral ng Maynila
• 8:00 ng gabi - huling hapunan ni Rizal.
• 9:30 ng gabi - dinalaw si Rizal ni Don Gaspar
Casteno, ang piskal ng Royal Audencia de
Manila
• 10:00 ng gabi (Disyembre 29) - ang burador ng
pagbawi na pinadala ang arbosispong anti -
Pilipino na si Bernandino Nazoleda (1890-1903)
ay isinumeti ni Padre Balaguer kay Rizal para
lagdaan, ngunit hindi ito ginawa ng bayani dahil
napakahaba at hindi niya ito gusto.
□Itinakwil ni Rizal ang Masonerya at ang mga
relihiyosong ideyang anti - Katoliko
• 3:00 ng umaga ng Disyembre 30,
1895, nakining ng misa si Rizal,
nangumpisal at nangmunyon
• 5:30 ng umaga, ang huli niyang agahan sa
lupa. Pagkatapos nito, sumulat ng
dalawang liham si Rizal, ang una'y para sa
kanyang pamilya at ang ikalawa ay para sa
kanyang nakakatandang kapatid na si
Paciano.
Liham para sa cckanyang Pamilya

Sa aking pamilya,
Humihingi ako ng tawad sa inyo
para sa mga pagdurusang naidudulot
ko sa inyo, ngunit balang araw ay
mamamatay din ako, at mas mabuti
ng mamatay ako ngayon nang
masagana ang aking konsensiya.
Mahal kong mga magulang at mga kapatid,
pasalamatan natin ang Diyos dahil nanatili
akong matatag bago ang aking kamatayan.
Mamatay ako nang mapayapa dahil umaasa
akong sa pagkamatay ko ay magiging
mapayapa na rin sa wakas ang inyong buhay.
A, mabuti na nganng mamatay kaysa
mabuhay nang nagdurusa. Aliwin ninyo ang
inyong kalooban.
Hinihiling ko na patawarin ninyo ang
isa't-isa para sa mumuntig kasamaan ng
buhay at sikaping mabuhay upang
nagkakaisa sa kapayapaan at
kapalagayang-loob. Tratuhin ninyo ang
ating mga magulang gaya ng gusto
ninyong maging trato sa inyo ng inyong
mga anak. Mahalin ninyo sila sa
ala-alang sa aking alaala.
Ilibing ninyo ako sa lupa. Lagyan ng
lapidang bato at krus ang aking puntod.
Ang pangalan ko, petsa ng kapanganakan
at kamatayan. Wala nang iba. Kung gusto
niyong bakuran ang aking libingan ay
maari ninyong gawin. Walang mga
anibersaryo. Gusto ko sana ay sa Paang
Bundok.
Kaawaan ninyo si Josephine.
Liham para sa kanyang
cc kapatid na si Paciano

Aking mahal na kapatid,


Mga apat at kalahating taon na
nang di tayo nagkikita ni
nagkakausap. Hindi ito dahil sa wala
tayong pagmamahal sa isa't-isa kaya
di natin kailangan pang mag-usap
para magkaunawaan tayo.
Ngayo'y mamatay na ako, at sa iyo
ko ihahandog ang aking mga huling
pangungusap , sasabihin sa iyo na
ako'y nalulungkot na iiwan kitang
mag-isa sa buhay, at papasanin ang
mga pananagutan sa pamilya at
aking matatandang magulang.
Iniisip ko kung gaano kahirap para sa
iyo ang bigyan ako ng karera;
naniniwala ako na hindi ko sinubok na
aksayahin ang aking panahon. Kapatid
ko: sakaling ang bunga ay naging
mapait, hindi ko ito kasalanan, kundi
bunga ng mga pangyayari. Alam kung
nagdurusa ka dahil sa akin, at ako'y
humihingi ng tawad.
Sinisiguro ko, aking kapatid, na
mamamatay akong inosente sa
krimen ng rebelyon. Kung ang aking
mga isinulat ang naging dahilan
para rito, hindi ko pasusubalian ito;
ngunit naisip kung nabayaran ko na
ang nakaraan sa pamamagitan ng
aking deportasyon.
Sabihin mo sa ating ama na naalala ko
siya, at kung gaano! Naalala ko ang
aking kabataan, ang kanyang
pagmamahal. Ihingi mo ako sa kanya ng
kapatawaran para sa mga pagdurusang
naidulot ko sa kanya.
Ang iyong kapatid,
JOSE RIZAL
• 5:30 ng umaga, dumating si Josephine
Bracken, kasama ang kapatid ni Rizal
(Josefa). Lumuluhang nagpaalam si
Josephine kay Rizal.
□ Binigay ni Rizal ang kanyang regalo -
isang relihiyosong aklat ang Imitation of
Christ ni Padre Thomas a Kempis.
Kabanata 25
IMITATION OF CHRIST
• 6:00 ng umaga habang
naghahanda ang mga sundalo para
sa pagmartsa sa Bagumbayan,
sinulatan niya ang kanyang mga
mahal na magulang:
Sa mahal kung ama,
Patawarin ninyo ako sa mga
pagdurusa ninyo na aking isinukli sa
kalungkutan at mga sakripisyo para sa
aking edukasyon.
Hindi ko ito ginusto ni pinili
Paalam, Ama, paalam...
JOSE RIZAL
Sa mahal kung ina,
Sa mahal kung ina,
Sra. Dona Teodora Alonso
6:00 ng umaga ng Disyembre 30,
1896

JOSE RIZAL

You might also like