You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A CALABARZON
Sangay ng Batangas

Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc.


Banghay Aralin sa Filipino 10

Mga Kompetensi:

Pamantayan Pangnilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pang unawa at pagpapahalaga sa


Tulang nabasa.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mag aaral ay nakakabuo ng kritikal na pagsusuri sa mga


isinagawang critique tungkol sa tulang nabasa.

A. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Naibibigay ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga suliranin ay ipinaranas ng may akda
sa pangunahing tauhan ng tula ng epiko ( F10PB -Ie-f-65)

Mga tiyak na layunin:

a. Maibabahagi ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga damdaming nakapaloob sa tula
ay ipinaranas sa mga mambabasa.

b. Mabasa ng may damdamin ang piling saknong

c. Mabigyang reaksyon ang napakinggang damdaming naka paloob sa tula.

II. Paksang Aralin

Paksa: Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

Sanggunian: Mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean (Modyul ng Mag-aaral sa Filipino


10) pahina 90-95

Kagamitan: Laptop, Visual aids, Cartolina, Pentel pen

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagbati

3. Pampasiglang Gawain
4. Pagtatala ng liban

5. Pagbabalik Aral

B. Pagganyak

Aktibi 1: HUSGAHAN MO

Ano ang pumasok sa isip ninyo kapag nakita ang mga larawang ito?

Sagutin ang gabay na tanong:

1. Ano sa tingin nyo ang kaugnayan ng mga larawang iyan sa paksang tatalakayin ngayon.

D. PAGLINANG NG TALASALITAAN:

KAISIPAN MO'Y MAHALAGA!

Panuto: Ibigay ang katumbas na kahulugan ng tula.

1. Bitag - kawala

2. Bihag - Nakulong

3. Alpas - Kawala

E. Pag tatalakay ng paksa

Mag papabasa ang guro ng isang tula na pinamagatang Ang Tinig ng Ligaw na Gansa.

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

Ang tinig ng ligaw na gansa

nahuli sa pain, umiyak

Ako’y hawak ng iyong pag-ibig,

hindi ako makaalpas.

Lambat ko ay aking itatabi,

subalit kay ina’y anong masasabi?

Sa araw-araw ako’y umuuwi,

karga ang aking mga huli

Di ko inilagay ang bitag sapagkat sa pag-ibig mo’y nabihag.

Analisis 2
Mga gabay na tanong:

1. Sino ang persona o nag sasalita sa tula? Ilarawan ang kaniyang katangian at damdamin batay
sa nilalaman ng tula.

2. Ano ang impresyon o kakintalang naiwan sa iyo pagkatapos mong mabasa ang tula?

3. Paano nakatulong ang pagtingin sa iba't ibang pananaw o perspektibo ng tao buhay?

F. Abstraksyon

Panuto: Basahin at sagutin ang tanong.

Sa iyong palagay paano na ipakita sa tula ang simpleng pananaw sa komplikasyon ng buhay?

G. Aplikasyon

Hatiin ang klase sa apat na pangkat

Unang pangkat Bihag - Sumulat ng tula tungkol sa buhay

Pangdalawang pangkat - Gumawa ng slogan na nag papakita ng pisitibong pananaw sa buhay

Ikatlong pangkat- Umawit. Ng isang kanta na patungkol buhay.

PAMANTAYAN SA PAG MAMARKA

Pamantayan Puntos
Malinaw ang pagkakalahad ng detalye 5
Mahusay na naiugnay ang presentasyon 3
Lahat ng grupo ay nakipag kooperasyon 2
Kabuuan:

H. Ebalwasyon

Panuto lagyan ng (✓) ang patlang kung tama ang pahayag at ekis (×) kung mali naman.

✓ 1. Ang Tinig ng Ligaw na Gansa.

✓2. Ako'y hawak ng iyong pag ibig.

× 3. Lambat ko ay di itatabi

✓ 4. Sa araw araw ako ay uuwi

✓ 5. Ako'y hawak ng iyong pag ibig

IV. Takdang Aralin


Sumulat ng tula na patungkol sa buhay.

You might also like