You are on page 1of 12

COLLEGE OF EDUCATION

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang :

a. Nabibigyan ng kahulugan ang biodiversity ng Asya at Naiisa-isa ang mga


suliranin nito.
b. Napapahalagahan ang biodiversity ng Asya sa pagbabago ng panahon sa
kasalukuyan.
c. Nakayayari ng konsepto ukol sa mga suliranin ng kapaligiran o Biodiversity ng
Asya.
II. PAKSANG ARALIN
Yunit: I. Heograpiya ng Asya
Paksa: Ang Biodiversity ng Asya at ang mga
suliranin nito.
Batayang Aklat: Asya: Pagkakaisa sa kabila ng
Pagkakaiba
Kagamitang Pagtuturo: Mga Larawan, task card, Malikhaing
biswal
Kaugnay na kurikulum: Geography and Environmental Science
Pagpapahalaga: Napapahalagahan ang biodiversity ng
Asya sa pagbabago ng panahon sa
kasalukuyan

III. YUGTO NG PAGKATUTO


Lapit: Inquiry based
Method: Group Dynamics
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Pangunahan mo nga ang panalangin, Itungo po natin ang ating mga ulo at
Jericho. damhin ang presensya ng panginoon...
Sangalan ng Ama at Anak at Espirito
Santo Amen.
2. Pagbati
Magandang umaga mga mag-aaral. Magandang umaga din po Gg.
Pantaleon...

3. Pagtala ng Pumasok
Maaari mo bang iulat kung ang lahat ng Ikinagagalak ko pong sabihin na wala
iyong mga kamag-aral ay pumasok sa pong lumiban sa araw na ito.
araw na ito. Charlene

4. Pagwawasto ng takdang aralin


May inatas ba akong takdang aralin ? Opo.
Ilabas nyo na at ating iwawasto.
Makipagpalit sa inyong katabi.
(Pagwawasto ng Takdang Aralin)
Lahat ba nakakakuha ng mga tamang Opo.
kasagutan?
Ibalik nyo na ang kwaderno sa tamang
may-ari.
5. Pagbabalik-aral
Bago tayo dumako sa bagong aralin
balikan muna natin ang ating mga napag
aralan noong nakaraang araw.

Ano ang ating pinag-aralan noong Lerton: Mga likas na Yaman ng Asya
nakaraang araw? Lerton

Mahusay! Ano nga ba ang mga likas na Warren: Yamang Tubig, lupa, kagubatan
yaman sa Asya? Warren? at yamang mineral.

Magaling! Bigyan nyo sya ng Limang


bagsak.

6. Pagganyak
Ngayon ay lubos nyo ng naintindihan ang
ating nakaraang aralin.

Bago ang lahat nais kong tingnan nyo


kung may mga nakalagay na larawan sa
ilalim ng inyong mga silya.

Dalhin nyo dito sa harapan ang mga


larawan na inyong mga nakita at idikit ito
sa pisara.
Kapaligiran o Kalikasan, Mapa ng Asya, at
mga Ecological backlash.

Ano ang ipinapahiwatig ng larawan sa


inyong isip?

Mahusay! Ang bawat larawan ay


nagpapahiwatig ng Kapaligiran at suliranin
ng Asya Kaya ang tatalakayin natin
ngayon ay ang "Biodiversity ng Asya"

B. PANGLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Ang tatalakayin natin sa araw na ito ay
ang Biodiversitya ng Asya at mga suliranin
nito.

Ano nga ba ang Biodiversity? Ellie. Ellie: Ang biodiversity po ay tirahan ng iba't
Magaling! Bigyan nyo sya ng Ver Good -ibang organismo sa mundo sa partikular
Clap! na habitat o ecosystem
Ang Biodiversity ay ang pagkaiba-iba at
katangi tanging anyo ng lahat ng buhay na
bumubuo sa natural na kalikasan ay
tinatawag na biodiversity.
2. Pagtatalakay
Alamin na natin ang Biodibersity ng Asya
at ang mga suliranin nito.

Bakit nga ba ang Asya ay may Shiela: Dahil po ang Asya ay


pinakamalaking Global Biodivesity? pinakamalaking kontinente sa buong
Sheila. mundo.

Mahusay! Ang Asya, bilang Charlene: Dahil po sa pag-unlad ng mga


pinakamalaking kontinente sa buong bansa sa Asya at pag-usbong ng
mundo ay itinuturing na pangunahing kaunlaran nakakaapekto po ito sa
pinagmulan ng global biodiversity. kapaligiran dahil sa sobrang pag-unlad
Bakit kaya nagkakaroon ng suliraning mas lalo ding nasisira ang pinagkukunang
ekolohikal at pangkapaligiran ang yaman.
kontinente ng Asya? Charlene

Magaling! Kaya nagkakaroon ng


Suliraning ekolohikal at pangkapaligiran
ang kontinente ng Asya sapagkat sa
bunsod na hindi mapigilang pag-unlad ng
ekonomiya at patuloy ang paglaki ng
populasyon.

Basahin nga ng lahat. (Magbabasa ang mga mag-aaral).

Ang mga bansang Asyano ngayon ay


humaharap sa masalimuot na interaksiyon
ng mga isyung panlipunan, politikal,
ekonomiya at pangkapaligiran. Ang
masusing ugnayan at pagbabalikatan ng
bawat isa sa loob ng isang bansa, at
pagitan ng bawat bansa ay mahalaga
upang makapagbalangkas at
makapagpatupad ng angkop na solusyon
sa mga suliraning ito.

Ang bansang Pilipinas ay sakop ng Lerton: Bilang isang mamamayan ng


kontinente ng Asya, at ang ating bansa ay ating bansa makakatulong ako sa
nakahaharap sa mga problemang politikal, pamamagitan ng disiplina sa sarili.
panlipunan at pangkapaligiran. Ngayon
bilang mamamayan ng ating bansa paano
ka makapag-aambag upang makatulong
sa mga isyung kinahaharap ng ating
bansa ? Lerton.

Magaling bigyan natin ng tatlong bagsak! ...

Mahalaga ang disiplina sa sarili sapagkat


kung mayroon tayong wastong pag-iisip
hindi tayo natin masisira ang ating
kapaligiran at makapagtutulungan pa tayo
upang mapaunlad ang ating bansa na
hindi sinisira ang ating ating kalikasan at
maresulbahan ang mga iba't ibang isyu ng
ating bansa.

Nalaman na natin kung ano ang


kahulugan at kahalagahan ng biodibersity
dito sa Asya. Dumako na tayo sa mga
suliranin ng biodiversity dito sa Asya.

Magpapakita ako ng mga larawan upang


mas maintindihan lalo ninyo ang ating
tatalakayin

Ano nga ba ang desertification sa inyong Vic: Ito po ay isang suliranin ng iba't-ibang
pananaw? Vic. lugar sa mundo, nagkakaroon po ito sa
mga tuyong lugar na lalong sinisira ng tag
init.

Mahusay!

Basahin nga ng lahat.

1. Desertification- Tumutukoy sa (Magbabasa ang mga mag-aaral).


pagkasira ng lupain sa mga
rehiyong bahagyang o lubhang tuyo
na kapag lumaon ay humahantong
sa permanenteng pagkawala ng
kapakinabangan o productivity nito
tulad ng nararanasan sa ilang
bahagi ng China, Jordan, Iraq,
Lebanon, Syria , Yemen, India at
Pakistan.

Bakit kaya ang isang lugar na bahagya o Jeniffer: Dahil po kapag lubhang tuyo ang
lubhang tuyo ay himahantong ito sa isang lugar ay humahantong ito
pagkawala ng productivity? Jeniffer desertication sapagkat hindi po nararating
ng ulan ang Lugar kaya nasisira o
nawawala ang kapakinabangan nito.

Magaling bigyan natin sya ng Limang


Bagsak!

Sapagkat kapag hindi nararating ng ulan


ang lokasyon nito ay magiging
permanenye na ang pagkasira nito.

Dumako na tayo sa isa pang suliranin ng


Asya sa biodiversity nito.

Ano nga ba ang Salinization sa inyong Gilbert: Para po sa akin ang salinization
opinyon? Gilbert. po ay isang natural penomenon kung saan
tumataas ang tubig alat papuntang lupa
kaya nasisira po nito ang isang lugar.
Magaling tingnan nga natin kung tama ang
iyong mga sinambit.

Basahin nga ng lahat.


2. Salinization- Sa proseong ito, (Magbabasa ang mga mag-aaral).
lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang
asin o kaya naman inaanod
papuntang lupa. Ito ay nagaganap
kapag mali ang isinasagawang
proseso ng irigasyon, sa paligid ng
estuary at gayundin sa mga lugar
na mababa na ang balon ng tubig o
water table. Unti-unting nanunuot
ang tubig-alat o salt water kapag
bumababa ang water level gaya ng
narsranasan ng bansang
Bangladesh sapagkat nsnunuot na
ang tubig alat sa kanilang mga ilog.

Kapag nagkakaroon ng high tide ang tubig April: Maaari pong masira ang kalikasan
alat ay inaagos papuntang lupa at kapag at mawala ang kapakinabangan nito.
nagka low tide naiiwan ang asin sa lupa,
ano kaya ang mangyayari sa kalikasan
kapag naunuoot ang asin sa lupa? April.

Magaling! Magbigay ka nga ng mga April: Stomserge, pagbaha, mali ang


pangyayari na nararanasan ng mundo ukol irigasyon.
sa salinization? April.

Mahusay! Bigyan nyo ng Angel clap! ...

Ngayon lubos nyo ng nalaman ang


salinization dumako na tayo sa isa pang
sakop ng biodiversity ng Asya.

Magbigay nga kayo ng kuro-kuro hinggil Lovely: Ang habitat po ay tirahan ng mga
sa Habitat? Lovely. hayop at iba pang organismo.

Tama!

Basahin nga ng lahat!


3. Habitat- Tirahan ng mga hayop at (Magbabasa ang mga mag-aaral).
iba pang mga bagay. Ito ay
pangunahing apektado ng land
conversion o ang paghahawan ng
kagubatan, pagpapatag ng bundok
o burol na lugar upang mabigyan ng
daan sa mga proyektong
pangkabahayan.

Kapag patuloy ang konstruksyon at Chiara: Maaari pong mamatay ang mga
pagpapatayo ng iba't ibang hayop at hindi maging balanse ang
establisyemento o pag sira ng kagubatan kanilang pamumuhay.
ano kaya ang mangyayari sa Habitat?
Chiara.

Tama! Bigyan nyo ng dalawang bagsak! ...

Kapag patuloy ang land conversion mas


nasisira nito ang pamumuhay ng mga
hayop o halaman na humahontong sa
hindi balanseng pamumuhay.

Dumako na tayo sa isa pang sakop ng Josephine: Ang hinterlands po ay lugar


biodiversity ng Asya na malayo sa isang lungsod.
Ano nga ba ang hinterlands sa inyong
pananaw? Josephine.

Tama!

Basahin nga ng lahat!

4. Hinterlands- Malayong lugar, (Magbabasa ang mga mag-aaral).


malayo sa mga urbanisadong lugar
ngunit apektado ng mga pangyayari
sa teritoryong sakop ng lungsod.
Ang lungsod ay nangangailangan
ng pagkain, panggatong at troso
para sa konstruksyon na naitutustos
ng hinterlands na humahantong sa
pagkasaid ng likas na yaman nito.

Sa pagkonstruksyon ng lungsod at sa Denis: Mauubos po ang likas na yaman.


pagkonsumo nito ng mga iba't-ibang
pangangailangan, ano ang mangyayari
kapag patuloy ang pagkonsumo ng
lungsod sa likas na yaman ng hinterlands?
Denis.

Mahusay!
Pakibasa at magbigay ng paliwanag!
Lerton

5. Ecological Balance- Balanseng Lerton: (Nagbabasa)


ugnayan sa pagitan ng mga buhay Ang ecological balance po ay balanse ang
at kanilang kapaligiran. interaksyon ng hayop, halaman at
kapaligiran sa isa't isa.

Magaling! Magbibigay ako ng sitwasyon. Joysan: Di po magiging balanse ang


Kapag naubos sa palayan ang ma ecosystem sa pagkat kapag naubos ang
predator (snake) ano naman kaya mga snake dadami po ang mga mice at
mangyayari sa mga pray (Mice)? Joysan. maituturing po itong peste sapaggkat
maninira na po ito ng pananim.

Napakahusay! Tama ang iyong mga


sinambit sapagkat nauubos na yung mga
kakain sa mga daga ang tendency lalaki
ang populasyon ng mga daga at maninira
ito ng pananim at ututuring mga peste.

Isa sa mga suliranin ng ating kontinente


ang deforestation.

Ano nga ba ang deforestation? Maricris? Maricris: ang deforestation po ay pagputol


ng tao sa mga puno upang gawing troso.
Magaling!
Basahin nga ng lahat!

6. Deforestation- Pagkaubos at (Magbabasa ang mga mag-aaral).


pagkawala ng mga punong kahoy
sa mga gubat. Isa ito sa mga
problemang kinahaharap ng asya
sa kasalukuyan. Ayon sa Asian
Development Bank (ADB),
nangunguna ang Bangladesh,
Indonesia, Pakistan, at Pilipinas sa
mga bansang may pinakamabilis na
antas o rate ng deforestation.

Alam natin patuloy ang pagputol ng mga Jason: Mapapangalagaan ko po ito sa


puno sa kasalukuyan bilang mag-aaral pamamagitan ng malawak na pag-iisip at
paano mo mapapahalagahan ang ating angkop na pagdedesisyon sa buhay.
mga puno? Jason. Magiging halintulad po ako sa mga
kabataan at makikilahok sa mga iba't-
ibang programa ng ating bansa ukol sa
tree planting.

Mahusay! Bigyan nyo ng 2 bagsak! ...

Dumako na tayo sa isang problema ng


ating kontinente ang Siltation.

Pakibasa nga ng lahat (Magbabasa ang mga mag-aaral).

7. Siltation- Parami at padagdag na


deposito ng banlik na dala ng
umaagos na tubig sa isang lugar.

Ang siltation ay isa sa mga problemang Kyla: Dahil po sa bunsod ng pagkasira ng


kinahaharap ng mga bansa sa Asya. kagubatan at erosyon kaya bumababa ang
Satingin nyo ano ang pinagmulan nito? banlik at umaagos papuntang lawa o ilog.
Kyla.

Mahusay! Bigyan ng Very Good Clap! ...

Alamin pa natin ang isa pang isyung


kinahaharap ng Asya.

Magbigay ka nga ng sarili mong opinyon Jannel: Ang redtide po ay isang natural na
ukol sa Redtide? Jannel. pangyayari kung saan nakalutang sa
dagat ang mga dinoflagellates.

Magaling!

Basahin nga ng lahat!

8. Red tide- Ito ay sanhi ng (Magbabasa ang mga mag-aaral).


dinoflagellates na lumulutang sa
ibabaw ng dagat.

Ang dinoflagellates ay isang bacteria o Danica: Malalason po


salot ng karagatan. Kapag nakakain ang
tao ng tahong na apektado ng redtide ano
kaya ang mangyayari sa nakakain nito?
Danica.

Tama!

Alamin pa natin ang isa pang suliranin ng


ating kontinente.

Ano nga ba ang Global Climate change sa Jennifer: Ang Global Climate change po
inyong pananaw? Jennifer. ay pagbabago ng klima ng mundo.

Tama!

Basahin nga ng lahat!

9. Global Climate Change- (Magbabasa ang mga mag-aaral).


Pagbabago ng pandaigdigan o
rehiyonal na klima na maaaring
dulot ng likas na pagababago sa
daigdig o ng mga gawain ng tao.

Ano kaya ang sanhi ng Global Warming? Charlene: Dahil sa gawain ng tao sa
Charlene. kalikasan.

Tama!
Magbigay ka nga ng mga pangyayari o Charlene: Pagputol ng mga puno,
gawain ng tao hinggil sa Global Climate Pagkalbo ng kagubatan, Mga usok galing
change? Charlene. pabrika at mga chemical o langis na
humahalo sa tubig.

Mahusay ! Bigyan nyo sya ng Limang ...


bagsak!

Dumako na tayo sa ikahuling suliranin ng


biodiversity dito sa Asya.

Ano nga ba ang ozone layer? Jericho. Jericho: isang bahagi po ng atmosphere.

Tama!

Basahin nga ng lahat

10. Ozone layer- Isang suson sa (Magbabasa ang mga mag-aaral).


stratosphere na naglalaman ng
maraming konsentrasyon ng ozone.

Bakit kaya dapat pangalagaan ang ozone Joyce Anne: dahil po ang ozone layer
layer? Joyce Ann. ang nagpoprotekta sa lahat ng organismo
sa buong mundo mula sa sinag ng araw.
At kung di po natin pangngalagaan ito lalo
pong masisira ang ozone nagpoprotekta
sa atin sa araw.

Mahusay! Bigyan nyo ng limang bagsak! ...


Kapag lalong numinipis ang ozone layer
dahil sa mga usok nanggagaling sa mga
pabrika sa buong mundo numinipis ang
ozone layer kaya nagkakaroon ng global
warming, natutunaw ang yelo at
bumababa at nagkakaroon ng pagbaha,
namamatay ang mga hayop, halaman at
higit sa lahat ang tao.

Ito ang mga larawan na nagppapkita ng


Biodiversity dito sa Asya.

Desertification Ecological Balance

Salinization Deforestation

Habitat Siltation
Hinterlands Red Tide

Global Climate Change Ozone Layer

3. PAGLALAHAT
Balikan muli natin ang ating pinag aralan Lerton: Ang Biodiversity ay ang pagkaiba-
ano nga ba ang biodiversity? Lerton iba at katangi tanging anyo ng lahat ng
buhay na bumubuo sa natural na
kalikasan ay tinatawag na biodiversity
Mahusay! Bigyannyo ng Very Good Clap!

Isasahin mo nga kung ano-ano ang isyung Jericho: Desertification, Salinization,


pangkapaligiran at ekolohikal na Habitat, Hinterlands, Ecological balance,
nararanasan ng biodiversity dito sa Asya? Deforestation, Siltation, Red tide, Global
Jericho. Climate Change, at Ozone layer.

Magaling! bigyan nyo ng Angel Clap! ...

4. Pagpapahalaga
Ano kaya ang kahalagahan ng Denis: Ang kahalagahanpo ng
pangangalaga sa biodiversity? Denis. pangangalaga ng kalikasan o biodiversity
ay mahalaga sapagkat ito po ay
tumutulong upang matugunan ang
pangangailangan ng bawat organismo na
nabubuhay sa mundo.

Tama! Ano naman kaya ang iyong May: bilang isang mag-aaral ang
magagawa upang sa ganoon ay magagawa ko po upang makatulong tayo
makatulong tayo sa pangangalaga ng sa ating biodiversity, maging kusa sa
ating biodiversity? May. lahat, makilahok sa mga ibang actibidad
tulad ng tree planting, pag-aayos ng mga
basura at magkaroon ng disiplina sa sarili.

Mahusay! Bigyan nyo sya ng limang


bagsak!

5. PAGLALAPAT
(Ang klase ay hahatiin sa apat na grupo)

Panuto: Bumuo ng konsepto na


nagpapakita ng kahalagahan at mga
suliranin ng biodivesity ng Asya.

Pangkat isa: Concept Map


Pangkat dalawa: Concept Web
Pangkat tatlo:Cause and Effect Chart
Pangka apat: Tree chart

Bibigyan ko kayo ng pitong minuto upang


pagplanuhan ang inyong gawain.

Ang inyong Leader ang mag-uulat ng


nabuo nyong konsepto.

Ito ang pamatayan o rubriks.


Pamantayan sa pagbibigay ng marka

Pamantayan Puntos Iskor


Maliwanag na 5
ipinaliwanag
ang mga
impormasyon
na nakaatas
sa kanila
Organisasyon 5
ng
impormasyon
Tama ang 5
mga
impormasyon
na nakatala sa
pag-uulat
Kooperasyon 5
ng grupo
Kabuuan 20

IV. PAGTATAYA
Test I. Panuto: Tukuyin ang tamang
kasagutan sa bawat bilang. Bilugan ang
titik ng tamang sagot. 1. B
2. A
1. Ito ay ang pagkaiba-ba at katangi- 3. D
tanging anyo ng lahat ng buhay na 4. B
bumubuo sa natural na kalikasan ay 5. D
tinatawag na ................. 6. – 15.
a. Ecosystem Desertification
b. Biodiversity Salinization
c. Environment Habitat
d. Natural resources Hinterlands
2. Ito ay isang uri o isyung Ecological Balance
pangkapaligiran na nararanasan sa Deforestation
Asya na kung saan tumataas ang Siltation
tubig alat at naiiwan ito sa lupa. Red Tide
a. Salinization Global Climate Change
b. Siltation Ozone layer
c. Habitat
d. Hinterlands
3. Saang parte makikita ang ozone
layer sa Atmoshere?
a. Lithoshere
b. Mesosphere
c. Troposphere
d. Stratosphere
4. Ang Deforestation ay isa sa mga
problemang kinahaharap ng asya,
anong organisayong nagsabi na
nangunguna ang mga bansang
Bangladesh, Indonesia, Pakistan at
Pilipinas sa pagputol ng mga puno
o deforestation?
a. African Development Bank
b. Asian Development Bank
c. Association South east Asian
Nation
d. World Bank
5. Ano ang sanhi ng redtide?
a. Algae
b. Bacteria
c. Dinoflagellates
d. None of the above

Test II. Panuto: Isa-isahin ang mga isyung


kapaligiran na nararanasan sa asya (10
pts.)

Test III. Panuto: Gumawa ng limang


pangungusap ukol sa kahalagahan ng
Biodiversity sa buhay ng mga nilalang sa
ating mundo. (essay)(5pts.)

V. TAKDANG ARALIN

Maghanap ng mga larawan na


nagppapakita ng likas na yaman ng Asya
ilagay sa malinis na ael.

You might also like