You are on page 1of 4

Semi-detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7

Ika- 15 ng Hulyo, 2020


Isang oras (1 hour)

Pamantayan ng Nilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran at tao
sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
Pamantayan sa Pagganap:
Malalim na nakapaguugnay-ugnay sa bahaging ginampanan ng kapaligiran at
tao sa paghubog ng sinaunang kabihasnang Asyano.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang tao sa
Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon.

I. Layunin

a. natutukoy ang mga suliraning pangkapaligiran sa Asya;


b. nabibigyang halaga ang balanseng kalagayang ekolohikal ng Asya ; at
c. nakagagawa ng Tri-linear model na magpapakita ng solusyon ng suliraning
pangkapaligiran sa Asya.

II. Nilalaman
a. Paksa: Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asya
b. Talasanggunian: Luistro, A., Ocampo, D., (2014). ASYA: Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba. Pasig City: Enduresources Publishing, Inc.
c. Mga Kagamitan: PowerPoint presentation, laptop

III. Proseso sa Pagkatuto


A. Panimulang Gawain (tatlong minuto)
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng liban sa klase
d. Pagbabalik-aral (tatlong (3) minuto) TAMA O MALI
 Nararapat na mapanatili ang ecological balance hindi lamang sa Asya
kung hindi sa buong daigdig.
 Ang paglaki ng populasyon ay nangangahulogan din ng pagdami ng
basura na nagbubunsod ng polusyon at kontaminasyon sa hangin, lupa
at tubig.
 Bawat isang asyano ay dapat na tumolong sa pagpapanatili ng
Biodiversity sa Asya.

B. Panlinang na Gawain (limang minuto)


1. Pagganyak
Ang guro ay may inihandang kanta na original composition tungkol sa
suliraning pangkapaligiran kasabay nito ay ang pagpapakita ng mga larawan. At
pagkatapos ng kanta magtatanong ang guro kung ano ang ipinapahayag sa video.

2. Paglalahad (apat na minuto)


 Ano ang mga suliraning pangkapaligiran ang ipinakita sa mga larawan?
 Bakit nararanasan ang mga suliraning pangkapaligiran na ito sa Asya?
 Paano ito nakaapekto sa kabuhayan ng mga Asyano?

3. Paglalahat (20 minutes)


 Pagkasira ng Lupa - nagbubunsod ng malalang mga suliranin gaya ng
salinization at alkalinization na nagaganap kapag mali ang isinagawang
proseso ngirigasyon.
 Urbanisasyon- dahil sa mabilis na urbanisasyon sa Asya, labis ng
naapektohan ang kapaligiran nito. Ito ay nagbubunsod sa mga kaugnay na
problema gaya ng pagdami ng mahihirap na lugar or depressed areas at may
mga pamayanan na may mataas na insedente ng pagkakasakit at iba pang
panganib sa kalusugan.
 Pagkawala ng Biodiversity- ang konteninte ng Asya ay itinuturing na isa sa
may pinakamayamang biodiversity sa buong mundo. Ang China, India,
Thailand, Indonesia, at Malaysia ay katatagpuan ng pinakamaraming species
ng mga isda, amphibian, reptile, ibon at mammal.
 Pagkasira ng Kagubatan- ang deforestation o tahasang pagkawasak ng
kagubatan ay isang napakakritikal na problemang pangkapaligiran. Masama
ang dulot nito sa natural ecosystem sapagkat ang likas na yaman ng
kagubatan ay nababawasan.

4. c (10 minutes)
MAALAALA MO KAYA

Ang guro ay magpapakita ng isang video clip tungkol sa surilaning pangkapaligiran


na ang pamagat ay “Liham ng inang kalikasan” at ang bawat mag-aaral ay gagawa ng Tri-
linear model na magpapakita ng solusyon kung paano mapapanatili ang “Ecological Balance”
sa Asya at isulat sa kalahating papel.

1. Pamantayan Puntos
Mga solusyon kung paano
mapapanatili ang Kaayusan ng 10
“Ecological Balance” sa 2.
presentasyon
Asya.
Kawastohan ng 10
3.
sagot
Kabuohan 20

5. Pagtataya (5 minutes)
Lagyan ng Tsek (/) kung tama at ekis (X) kung mali ang bawat pahayag.
__1. Ang deforestation ay nangangahulugan ng tahasang pagkawasak ng mga
kagubatan.
__2. Ang salinization ay nagaganap kapag mali ang isinagawang proseso ng
irigasyon.
__3. Walang direktang epekto ang paglaki ng populasyon sa ekolohikal na
kalagayan ng kapaligiran sa Asya.
__4. Ang kontinente ng Asya ang mayroong pinakakonting biodiversity sa buong
mundo.
__5. Ang overgrazing ay nangyayari kung ang kapasidad ng damuhan ay hindi
sapat sa laki ng kawan ng hayop.

IV. Pagpapayamang Gawain


Magsaliksik sa internet
1. Anu ano ang mga programang inilumsad ng mga Aysano para sa pagtugon ng
suliraning ekolohikal sa Asya sa kasalukuyan?

Inihanda ni:
IANA ANGELIKA C. BUÑI
Social Studies Teacher 1 Applicant

You might also like