You are on page 1of 31

4

TALASANAYAN SA
ARALING PANLIPUNAN
Unang Markahan
4
TALASANAYAN SA
ARALING PANLIPUNAN
Unang Markahan

Ang Talasanayan (Activity Sheet) na ito ay magkatuwang


na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong
paaralan ng SDO Urdaneta City. Hinihikayat namin ang mga
gurong gagamit nito na magpadala ng kanilang mga puna o
mungkahi sa SDO Urdaneta City sa email address na ito:
urdaneta.city@deped.gov.ph | lrmdsdepedurdaneta@gmail.com

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Department of Education ● SDO Urdaneta City


Talasanayan sa Araling Panlipunan 4
Unang Markahan
2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

TALASANAYAN SA ARALING PANLIPUNAN 4 DEVELOPMENT TEAM

Writer/s: Romelda R. Bacsa


Evaluators/ Jevee Arellano Elvira Gancena
Reviewers: Edena Javillo Lenie Viray
Mark James Marmol Virginia Guerero
Illustrator: Rex Cairos V. Delmendo Jervis G. Fernandez
Layout Artist: Cherry A. Cuison Jervis G. Fernandez
Management Schools Division Superintendent Fatima R. Boado
Team: Asst. Schools Div. Superintendent Rosario O. Cabrera
Division EPS, LRMS Joel B. Caballero
EPS-In-Charge of Learning Area Barbara S. Milo
Project Development Officer II—LRMS Roseanne O. Cabrera
Librarian II—LRMS Jesusa S. Agbanlog

Printed by SDO URDANETA CITY—LEARNING RESOURCES DEVELOPMENT AND


MANAGEMENT UNIT
Department of Education—Region I

Office Address: High School Drive, San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan
Telefax: 075-568-3054
E-mail Address: urdaneta.city@deped.gov.ph
Talaan ng Nilalaman

Mga Aralin
Pagkilala sa Bansa 1
Gawain 1-3 2

Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa 5


Gawain 1-3 5

Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa 8

Gawain 1-3 9

Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa 11

Gawain 1-3 11

Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa 14

Gawain 1-3 15

Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa 17


Gawain 1-3 17

Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa 20

Gawain 1-3 21

Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa 23

Gawain 1-3 24

Mga Sanggunian 26
Pangalan: ___________________________________ Petsa: _____________

Baitang/Seksyon: __________________________ Iskor : ____________

Araling Panlipunan 4/ Unang Markahan/Unang Linggo

Pamantayan sa Pagkatuto Natatalakay ang konsepto ng


(MELCs) : bansa (AP4AAB-Ia-1)

Paksa: Pagkilala sa Bansa

Mga Dapat Tandaan


Bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng
tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya
makikita ang isa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.

Tao - tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teri-


toryo na bumubuo ng populasyon ng bansa.

Teritoryo - tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na


ng himpapawid at kalawakan sa itaas nito.

Pamahalaan - isang samahan o organisasyong politikal na


itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng
kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.

Soberanya o ganap na kalayaan - tumutukoy sa kapangyarihan


ng pamahalaang mamahala sa kaniyang nasasakupan.

1
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang tanong
Ang Pilipinas ba ay isang bansa? Ipaliwanag.

Rubric sa Pagmamarka:
Natatangi Natutupad Nalilinang Nagsisimula
Batayan
(4) (3) (2) (1)
May
Malinaw ang Magka-
kaugnayan Walang kaugna-
pahayag at kaugnay
Paksa ang ilang yan ang mga pa-
magka- ang mga pa-
pahayag sa hayag sa paksa.
kaugnay hayag.
paksa.
Maganda at Maayos
maayos, may ngunit may
Hindi mali-
kahulugan at ilang paha-
wanag ang Hindi maka-
kaugnayan yag ang wa-
simula at hulugan ang
Nilalaman ang simula at lang kaugna-
katapusan mga detalye sa
katapusan ng yan sa
ng nabuong proyekto.
hakbang/ hakbang o
proyekto.
proyektong proyektong
ginawa. ginawa.
Hindi
Hindi
Lubhang ma- gaanong
gaanong ma- Walang katoto-
katotohanan makatoto-
Pagkamaka- katotohanan hanan ang mga
ang mga hanan ang
totohanan ang mga hakbang na bin-
hakbang na mga
hakbang na uo.
binuo. hakbang na
binuo.
binuo

2
Gawain 2
Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang ipinapaha-
yag ng pangungusap ay tama at malungkot na mukha ( )
kung ang ipinapahayag ay mali. Isulat ang sagot sa patlang..
______1. Ang Pilipinas ay isang bansa.
______2. Hindi malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa.
______3. Tao, teritoryo, at pamahalaan lamang ang kailangan upang
masabi na isang bansa.
______4. Ang Thailand ay maituturing na isang bansa dahil ito
ay malaya, may sariling teritoryo, pamahalaan at may mga
mamamayan.
______5. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at walang
sariling pamahalaan ay hindi maituturing na bansa.

Gawain 3
Panuto: Punan ang patlang ng salitang bubuo sa diwa ng
pangungusap. Piliin ang sagot sa ulap.

Soberanya Tao
Bansa
Pamahalaan
Teritoryo

1. Ang __________________ ay tumutukoy sa lawak ng lupain


at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa
itaas nito.

3
Gawain 3
Panuto: Punan ang patlang ng salitang bubuo sa diwa ng
pangungusap. Piliin ang sagot sa ulap.

Soberanya Tao Bansa

Pamahalaan Teritoryo

1. Ang __________________ ay tumutukoy sa lawak ng lupain


at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa
itaas nito.

2. Ang __________________ ay lugar o teritoryo na may nanini-


rahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang
pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong
wika, pamana, relihiyon, at lahi.

3. Ang ___________________ ay tumutukoy sa grupong nanini-


rahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon
ng bansa.

4. Ang ___________________ ay isang samahan o organ-


isasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na
naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang
sibilisadong lipunan.

5. Ang ___________________ ay tumutukoy sa kapangyarihan


ng pamahalaang mamahala sa kaniyang nasasakupan.

4
Pangalan: ___________________________________ Petsa: _____________

Baitang/Seksyon: __________________________ Iskor : ____________

Araling Panlipunan 4/ Unang Markahan/Ikalawang Linggo

Pamantayan sa Pagkatuto Natutukoy ang relatibong lokasyon


(MELCs) : (relative location) ng Pilipinas batay sa
mga nakapaligid dito gamit ang
pangunahin at pangalawang direksyon.

Paksa: Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa

Tandaan
Ang relatibong lokasyon o kaugnay na kinalalagyan ng bansa ay
ang direksiyon o lokasyon ng isang lugar batay sa kinalalagyan ng
mga katabi o kalapit nitong lugar.

Gawain 1
Panuto: Isulat ang H kung sa gawing hilaga ng Pilipinas ito
matatagpuan, T kung sa timog, S kung sa silangan at K
kung sa kanluran. Isulat ang sagot sa patlang.

__________ 1. Indonesia
__________ 2. Bashi Channel
__________ 3. Karagatang Pasipiko
__________ 4. South China Sea
__________ 5. Taiwan

5
Gawain 2
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang hinihinging direksyon

A. Mga Pangunahing Direksyon

B. Mga Pangalawang Direksyon

6
Gawain 3
Panuto: Pag-aralan ang mapa ng Timog Silangang-Asya.
Pagkatapos, buuin ang dayagram. Isulat ang mga katubigan at
bansang nakapalibot sa Pilipinas.

Pilipinas

Direksyon Katubigan Bansa

(Silangan) ________________ ________________

(Kanluran) ________________ ________________

(Hilaga)
_______________ ________________

(Timog) ________________ _______________

7
Pangalan: ___________________________________ Petsa: _____________

Baitang/Seksyon: __________________________ Iskor : ____________

Araling Panlipunan 4/ Unang Markahan/Ikatlong Linggo

Pamantayan sa Pagkatuto Natutukoy ang mga hangganan at lawak


(MELCs) : ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang mapa.

Paksa: Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa

Tandaan
Ang Pilipinas ay bahagi ng Timog-silangang Asya. Napaligiran
ito ng Bashi Channel sa hilaga, Karagatang Pasipiko sa silangan,
Dagat Celebes sa timog, at Dagat Kanlurang pilipinas sa kanluran.
Humigit-kumulang sa 1000 kilometromang layo ng Pilipinas
mula sa kalakhang kontinente ng Asya. Napapaligiran ito ng
Taiwan, China, at Japan sa hilaga; Malaysia, Vietnam, Laos,
Cambodia, at Thailand sa kanluran; at Indonesia sa timog.
Ang lawak ng bansa ay umaabot sa 300 000 kilometro
kuwadro. May 1 851 kilometro ang haba nito mula sa hilaga
patimog, at umaabot naman sa 1 107 kilometro ang lawak mula sa
kanluran pasilangan.

Gawain 1
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at piliin ang salita
o impormasyong bubuo sa diwa nito. Isulat ang letra ng
sagot sa patlang.

1.Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ______________.


A. Timog-silangang Asya C.Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog Asya

8
2. Ang pinakamalayong bansa mula sa kanluran ng Pilipinas ay ang
______________.
A. Myanmar C. Thailand
B. Cambodia D. Laos
3. Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay ang
_____________.
A. Taiwan C. Japan
B. China D. Hongkong
4. Ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas ay ang
___________.
A. Dagat Celebes C.Bashi Channel
B. Dagat Kanlurang Pilipinas D. Karagatang Pasipiko
5. Ang direksiyon ng Vietnam mula Pilipinas ay nasa gawing
____________.
A. silangan C. timog
B. kanluran D. hilaga

Gawain 2
Panuto: Isulat ang W kung ang sinasabi ng pangungusap ay
wasto. Kung ito ay di wasto, palitan ang nakasalungguhit na
salita para maging wasto.

__________ 1. Ang Pilipinas ay isang arkipelago sapagkat ito ay


napaliligiran ng kagubatan.
__________ 2. Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa 7 100 mga pulo.
__________ 3. Ang Indonesia ay kabilang sa mga bansa sa Timog
Silangang Asya.
__________ 4. Ang Malaysia ay isa sa mga kalapit na bansa sa hilaga.
__________ 5. Ang Karagatang Pasipiko ay nasa gawing silangan ng
Pilipinas

9
Gawain 3
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Piliin ang tamang sagot
at isulat ang titik nito sa patlang.

_____ 1. Ilang kilometro kwadrado ang laki o lawak ng Pilipinas?


A.100, 000 C. 300, 000
B. 200, 000 D. 400, 000

_____ 2. Anong mabuting dulot ng mga katubigang nakapaligid sa


Pilipinas?
A.Ito ay napagkukunan ng mga halamang namumulaklak.
B.Ito ay napagkukunan ng mga perlas at pagkaing-dagat.
C.Ito ay napagkukunan ng maraming kahoy.
D.Ito ay napagkukunan ng mga alahas.

_____ 3. Ilan lahat ang mga pangunahin at pangalawang direksyon?


A. 4 C. 8
B. 6 D. 10

_____ 4. Kapag tumingin ng direksyon sa mapa, saang bahagi nito ang


kanluran?
A. Itaas C. kanan
B. Ibaba D. kaliwa

_____ 5. Gaano ang layo ng Pilipinas sa ekwador?


A. 4°
B. 8°
C. 10°
D. 20°

10
Pangalan: ___________________________________ Petsa: _____________

Baitang/Seksyon: __________________________ Iskor : ____________

Araling Panlipunan 4/ Unang Markahan/Ikaapat na LinggoLinggo

Pamantayan sa Pagkatuto Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon


(MELCs) : Pilipinas sa heograpiya nito

Paksa: Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa

Mga Dapat Tandaan


Ang Heograpiya ay tumutukoy sa pisikal na katangian ng
isang lugar gaya ng klima, lokasyon, hugis, topograpiya, anyong
tubig, anyong lupa, at mineral.
Ang Iskala ay isang paraang nagpapakita ng layo o distansya
ng mga lugar sa isa’t-isa sa mapa.

Gawain 1
Panuto: Isulat kung Tama o Mali ang ipinahahayag ng
pangungusap.

________ 1. Mahalaga ang kaalaman sa paggamit ng iskala sa mapa


para maipakita ang tunay na sukat ng lupa.
________ 2. Ang paglubog ng araw ay maaaring gawing batayan sa
pagtukoy sa direksyon.
________ 3. Sentimetro ang yunit na panukat sa iskala.
________ 4. Ang pangalawang direksyon ay nakagugulo sa pagtukoy
ng tiyak na lokasyon ng isang pook.
________ 5. Sa iskala ng mapa ang 1 sentimetro ay palaging 100
kilometro ang katumbas.

11
Gawain 2
Panuto: Kumuha ng mapa ng Asya. Gamit ang ruler at ba-
tayang iskala sa ibaba, sukatin ang layo o distansiya ng
mga hangganan ng Pilipinas mula sa kalupaan nito. Isulat
ang sagot sa patlang.

Iskala: 1 cm = 5 000 km

1. Bashi Channel ____________________


2. Karagatang Pasipiko ____________________
3. Dagat Celebes ____________________
4. Dagat Kanlurang Pilipinas ____________________
5. Indonesia ____________________

Gawain 3
Panuto: Ano ang dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon?
Piliin at bilugan ang letra nang tamang sagot.

1. Nasa silid-aklatan si Nina. Hinahanap niya sa mapa ang


tungkol sa kanyang takdang-aralin. Biglang tumunog ang bell.
Oras na para bumalik sa klase. Ano ang dapat gawin ni Nina?
A. Huwag munang pumasok sa klase.
B. Humiram ng mapa at dalhin ang mapa sa klase.
C. Ibalik ang mapa sa wastong lugar at balikan na lamang
pagkatapos ng klase.

2. May ipinatuturong bansa sa globo ang guro. Marami sa klase


ang nakakaalam, ngunit nais ni Nestor na siya ang magturo
nito sa globo. Ano ang dapat gawin ni Nestor?
A. Makipag-unahan siya sa pagturo sa harapan.
B. Itaas ang kamay para matawag ng guro.
C. Isigaw sa klase kung saan ito matatagpuan.

12
3. Sabado ng umaga, napakinggan ni Lita ang isang mamang
naghahanap ng bahay ng isa nilang kapitbahay. Alam niya
kung saan naroroon ang bahay. Ano ang dapat gawin ni Lita?
A. Ituro ang direksyon ng hinahanap na bahay.
B. Ituro siya sa ibang direksyon.
C. Tawagin ang nanay at utusan siyang ituro ito.

4. Pupunta ang mag-anak ni Mang Luis sa Batangas para dumalo


sa kasal ng kaibigan. Ngunit hindi nila alam ang patungo sa
lalawigan. Ano ang dapat gawin ni Mang Luis?
A. Ipagpaliban ang pagtungo sa lalawigan.
B. Magtanong sa mga naglalakad.
C. Pag-aralan ang mapang panlalawigan.

5. Nais ni Cita na ipasyal ang pinsang balikbayan sa kanilang


magandang plasa. Ang plasa ay may 50 metro ang layo sa
kanilang bahay. Ano ang dapat gawin ni Aling Cita?
A. Maglakad patungo sa plasa dahil malapit lang ito.
B. Sumakay ng kotse patungo sa plasa.
C. Ipakita na lamang ang larawan ng plasa.

13
Pangalan: ___________________________________ Petsa: _____________

Baitang/Seksyon: __________________________ Iskor : ____________

Araling Panlipunan 4/ Unang Markahan/Ikalimang Linggo

Pamantayan sa Pagkatuto Nailalarawan ang pagkakakilanlang he-


(MELCs) : ograpikal nito (a) Heograpiyang Pisikal
(klima, panahon, at anyong lupa at an-

Paksa: Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa

Mga Dapat Tandaan

Ang klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa


isang lugar na may kinalaman sa atmospera o hanging nakapaligid sa
mundo, temperatura ang sukat ng init o lamig ng paligid, at iba pang
nakaaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito.

May apat na uri ang klima sa Pilipinas ayon sa dami ng ulan.


Unang uri – may anim na buwan ng tag-araw at anim na
buwan ng tag-ulan
Ikalawang Uri – umuulan sa buong taon
Ikatlong Uri – maulan at may maikling panahon ng tag-araw
Ikaapat na Uri – pantay-pantay ang dami at pagkakabahagi
ng ulan sa buong taon.

Tropikal ang klimang nararanasan sa Pilipinas dahil ito ay


malapit sa ekwador at nasa mababang latitud.
Ang Pilipinas ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng anyong lupa at
anyong tubig.

14
Gawain 1
Panuto: Isulat sa patlang ang W kung ang sinasabi ng
pangungusap ay wasto. Kung di-wasto, palitan ang salitang
nakasalungguhit upang maging wasto ang pangungusap.

_________ 1. Ang Pilipinas ay bansang tropiko sapagkat malapit ito sa


ekwador.
_________ 2. Malamig ang klima ng isang lugar kapag mataas ang
temperature nito.
_________- 3. Malamig ang nararanasan ng mga taong nakatira sa
Baguio sapagkat ito ay kapatagan.
_________ 4. Madalas daanan ng bagyo ang Batanes kaya ang kanil
ang bahay ay yari sa bato.
_________ 5. Malamig ang lugar na malapit sa katubigan.

Gawain 2
Panuto: Basahin ang tanong at bilugan ang titik nang
wastong sagot.

1. Bakit tinawag na “Kamalig ng Palay ng Bansa” ang Gitnang


Luzon?
A. Dahil sa kanyang malawak nataniman ng pinya
B. Dahil dito nagmumula ang malaking bahagi ng bigas na
kailangan ng bansa
C. Dahil mura ang bilihan ng palay ditto
2. Bakit kilala ang Ilog Cagayan?
A. Sapagkat ito ang pinakamalalim na ilog sa bansa
B. Sapagkat malinaw ang tubig ditto
C. Sapagkat ito ang pinakamahabang ilog sa bansa

15
3. Bakit mahalaga ang Talon ng Maria Cristina sa mga taga Lanao?
A. Dahil napakataas ng talon
B. Dahil nagagamit nila itong languyan
C. Dahil nakapaglalayag ang mga sasakyang pandagat dito.
4. Bakit dinarayo ng marami ang bukal sa Los Baños?
A. Dahil sa paniniwalang nakagagaling sa maysakit ang mainit na
tubig nito
B. Dahil sa paniniwalang nagmimilagro ang mainit na tubig nito
C. Dahil sa paniniwalang magiging mahusay ang lumalangoy ditto
5. Bakit lumulubog at lumilitaw ang ibang pulo sa bansa?
A. Dahil sa init ng panahon
B. Dahil sa lamig ng panahon
C. Dahil sa high tide at low tide

Gawain 3
Panuto: Pagtambalin ang mga anyong lupa at anyong tubig
na inilalarawan. Isulat ang titik nang wastong sagot sa
patlang.
X Y
Anyong Lupa
____ 1. Pinakamataas na anyong lupa a. Talampas
____ 2. Patag na lupain sa itaas ng bundok b. Bundok
____ 3. Malawak at patag na lupain c. Kapatagan
____ 4. Patag na lupa sa pagitan ng mga bundok d. Lambak
____ 5. Nakakabit sa malaking bahagi ng lupa sa e. Bulkan
pamamagitan ng isthmus f. Tangway
Anyong Tubig
____ 6. Tubig na nanggagaling sa ilalim ng lupa g. Bukal
____ 7. Tubig na bumabagsak mula sa itaas h. Channel
____ 8. Bahagi ng dagat na napaliligiran ng lupain i. Karagatan
____ 9. Pinakamalawak na anyong tubig j. Golpo
____ 10. Nag-uugnay sa dalawang malalaking k. Look

16
Pangalan: ___________________________________ Petsa: _____________

Baitang/Seksyon: __________________________ Iskor : ____________

Araling Panlipunan 4/ Unang Markahan/Ikaapat na Linggo

Pamantayan sa Pagkatuto Nailalarawan ang pagkakakilanlang


(MELCs) : heograpikal nito (b) Heograpiyang
Pantao (populasyon, agrikultura, at
industriya)
Paksa: Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa

Mga Dapat Tandaan


Ang populasyon ay katipunan ng mga tao o tumutukoy sa dami
ng tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar.
Ang populasyon ng mga rehiyon ay nagkakaiba. Sa Rehiyong
NCR at Rehiyong IV-A ang may pinakamalaking populasyon. Ang
Rehiyong CAR ang may pinakamaliit na populasyon.

Gawain 1
Panuto: Bilugan ang titik nang wastong sagot.

1. Ang Gitnang Luzon ay malawak na ______________.


A. Kabundukan C. karagatan
B. Kapatagan D. kontinente
2. Ang _____________ ay pambansang kabisera ng bansa.
A. Makati C. . Malabon
B. Mandaluyong D. Maynila
3. Ang _____________ ay pambansang rehiyon ng bansa.
A. ARMM C. CARAGA
B. CAR D. NCR

17
4. Ang hangganan ng NCR sa hilaga ay ang ______________.
a.Bulacan c. Laguna
b.Cavite d. Rizal

5. Ang Lungsod ng _________ ang tinatawag na Islamic City of


the Philippines.
a.Cotabato c. Pagadian
b.Marawi d. Sulu

6. Ang Bundok Apo ay matatagpuan ang malawak na taniman ng


_____________.
a.Davao c. Tawi Tawi
b.Surigao d. Zamboanga

7.Sa Bukidnon matatagpuan ang malawak na taniman ng


______.
a.mais c. pinya
b.palay d. tubo. Pito

8. Ang Mindanao ay binubuo ng __________ na rehiyon.


a.lima c. pito
b.anim d. walo

9. Ang _________ ay tinaguriang “Rehiyon ng Asukal”.


a.Rehiyon III c. Rehiyon V
b.Rehiyon IV-4 d. Rehiyon V

10. Ang Pulo ng Boracay ay dinarayo ng maraming turista dahil


sa maputi nitong _____________.
a.buhanginan c. korales
b.kabibe d. tubigan

18
Gawain 2
Panuto: Buuin ang tsart na nagpapakita ng detalye ng
bawat rehiyon.

Bilang ng
Rehiyon Pangalan Sukat Populasyon
Lalawigan

I
II
CAR
III
NCR
4-A
4-B
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
ARMM

Gawain 3
Panuto: Sagutin ang tanong sa tatlong makabuluhang
pangungusap.

Kung ikaw ay papipiliin, saang rehiyon mo nais manirahan? Bakit?

19
Pangalan: ___________________________________ Petsa: _____________

Baitang/Seksyon: __________________________ Iskor : ____________

Araling Panlipunan 4/ Unang Markahan/Ikaanim na Linggo

Pamantayan sa Pagkatuto Nakapagmumungkahi ng mga paraan


(MELCs) : upang mabawasan ang epekto ng
kalamidad

Paksa: Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa

Mga Dapat Tandaan

Ang Pacific Ring of Fire o Circum-Pacific Belt ay isang lugar o


rehiyon kung saan nakalatag ang maraming aktibong bulkan at
kung saan nagaganap ang madalas na mga paglindol.
Ayon sa PHILVOCS, may humigit-kumulang 22 aktibong
bulkan sa ating bansa.
Mahalaga ang pagsagawa ng earthquake drill sa mga
paaralan at iba pang ahensiya o institusyon.
Ang hazard map ay mapang nagpapakita ng mga lugar na
panganib sa mga kalamidad.
Ang storm surge ay hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig
sa dagat o karagatan dulot ng lakas ng hanging dala ng bagyo.
Ang tsunami ay epekto ng nagaganap na paglindol.
Ang DRRMC ang ahensiya na nangangasiwa sa mga
pagsasanay para sa kaligtasan ng bawat mamamayan.

20
Gawain 1
Panuto: Punan nang tamang salita para mabuo ang diwa
ng pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat
ang titik nito sa patlang.

A. Batanes F. Karagatang Pasipiko


B. Dagat Timog Tsina G. Leptospirosis
C. Hazard Map H. Paglindol
D. Kanluran I. Pisikal
E. Kapuluan J. Silangan

1. Ang Pilipinas ay isang ______________ sapagkat ito ay binubuo


ng malalaki at maliliit na pulo.
2.Matatagpuan sa bahaging _____________ ng Pilipinas ang
Karagatang Pasipiko.
3.Napaliligiran ng Dagat Timog Tsina ang ilang bahagi sa gawing
______________.
4.Madalas daanan ng bagyo ang Pilipinas na nanggagaling sa
______________ at lumalabas sa (5) ______________.
6.Ang Pilipinas ay nakararanas ng ____________ sapagkat ito ay
nakahimlay sa “Pacific Ring of Fire”.
7. Karaniwang mababa at yari sa bato ang mga bahay sa lalawigan
ng ______________ sapagkat ito ay madalas daanan ng bagyo.
8. Iwasang maglaro o maglakad sa baha upang hindi magkasakit ng
______________ na mula sa ihi ng daga.
9.Ang ______________ ay nakatutulong para magkaroon ng
kaalaman sa mga lugar na lubhang naaapektuhan ng mga
kalamidad.
10.Ang _________________ na katangian ng Pilipinas ay
nakatutulong din sa pag-unlad nito.

21
Gawain 2
Panuto: Magtala ng tiglimang lugar na madalas
nakararanas ng pagbagyo at napipinsala nang husto ng
malakas na paglindol.

Lugar na Nakararanas ng Mada- Lugar na Nakararanas ng


las na Pagbagyo Pinsala ng Paglindol

1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Gawain 3
Panuto: Alin sa mga nakalista ang dapat mong gawin
para sa mga biktima ng kalamidad? Lagyan ng puso
ang iyong sagot.

__________ 1. Magbigay ng donasyon sa kanila.

__________ 2. Alamin ang kanilang kalagayan.

__________ 3. Sumali sa proyektong pangkalamidad.

__________ 4. Magsaliksik ng paraan para maiwasan ito.

__________ 5. Tulungan silang lumikas sa ibang lugar.

22
Pangalan: ___________________________________ Petsa: _____________

Baitang/Seksyon: __________________________ Iskor : ____________

Araling Panlipunan 4/ Unang Markahan/Ikapitong Linggo

Pamantayan sa Pagkatuto Nakapagbibigay ng konlusyon tungkol sa


(MELCs) : kahalagahan ng mga katangiang pisikal
sa pag-unlad ng bansa.

Paksa: Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa

Tandaan

Ang Pilipinas ay isang kapuluan.


Ang archipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng
malalaki at mamaliliit na mga pulo.
Binubuo ang bansa ng malalawak na kapatagan,
mahahabang bulubundukin, nakabibighaning mga kabundukan
at bulkan, napakagandang mga dalampasigan, nakahihikayat na
mga ilog at malalaki at maliliit na mga pulo.
Malaki ang pakinabang ng bansa sa turismo nito.
Maraming magagandang tanawing dulot ng katangiang
pisikal ng bansa ang dinarayo ng mga turista mula sa ibat’ibang
bansa gayundin ng mga local na turista.

23
Gawain 1
Panuto: Sumulat ng isang islogan na nagsasaad ng kahala-
gahan ng mga katangiang pisikal ng bansa sa
pag-unlad nito.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang mga larawan sa ibaba. Piliin sa loob
ng kahon ang iyong sagot at isulat sa patlang.

Mayon Volcano Underground River


Pagsanjan Falls Bangui Windmills
Banawe Rice Terraces

1._______________________ 2. ________________________

24
3.________________________ 4. ______________________

5._______________________

Gawain 3
Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng sumusunod na mga
katangiang pisikal sa pag-unlad ng bansa. Ano ano ang
mga pakinabangan nito.

Katangiang Pisikal Kahalagahan

Bulubundukin

Dalampasigan

Bulkan

Talon

Kapatagan

25
Sanggunian:
1. Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag- aaral Meralco
Avenue Pasig City, Department of Education- Instructional Materials
Council Secretariat (DepEd- IMCS), 2015 ;Cuya, Maria Luisa T., and
Ethel H. Estrella, Lagisan 4
2. Binhi ng Yamang Pilipino, Quezon City: Neo Asia Publishing Inc.,
2017
3. Curriculum Guide in Araling Panlipunan 2015
4.Most Essential Learning Competencies (MELCs) 2020

Written By: Romelda R. Bacsa


Position: Teacher III
School: Nancalobasaan Riverside Elementary School

26
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Schools Division Office of Urdaneta City

High School Drive, San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan 2428
Telephone Number: (075) 569-3054
Email Address: urdaneta.city@deped.gov.ph | lrmdsdepedurdaneta@gmail.com

You might also like