You are on page 1of 18

FILIPINO

Ikalawang Markahan-Modyul 12- Week 2:


Pag-uulat ng mga Naobserbahang
Pangyayari sa Pamayanan
Filipino-Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan-Modyul 12: Pag-uulat ng mga Naobserbahang Pangyayari
sa Pamayanan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul

Manunulat: Jasmin A. Maniago


Editor: Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Tagasuri: Edna L. Pineda
Tagaguhit: Carlo D. Yambao/Timothy M. Bagang (cover)
Lourdes S, Torres (Master Teacher II) (nilalaman)
Tagalapat: Ryan A. Buan, Roland M. Suarez

Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V-Schools Division Superintendent


Melissa S. Sanchez, PhD, CESE- Assist. Schools Division Superintendent
Shirley B. Zipagan, Ph.D., Assist. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, EPS- ADM Division Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III – Division of Pampanga


June D. Cunanan, ADM Division Coordinator
Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes,
City of San Fernando, Pampanga
Telephone No: (045) 435-2728
E-mail Address: pampanga@deped.gov.ph
Alamin
Nilalayon ng modyul na ito na mapaunlad ang iyong
abilidad sa pagsasalaysay sa isang pangyayari naobserbahan sa
ating pamayanan.
Inaasahan din ang pagkakaroon ng kawilihan sa
pagsasagawa sa mga gawaing nakapaloob sa modyul na ito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
1. Naiuulat ang mga naobserbahang pangyayaring sa
pamayanan F3PS-Ii-3.1
2. Napapahalagahan ang pakikipagtulungan sa mga gawaing
bahay, paaralan at pamayanan

Subukin

Basahin at unawain ang mga sitwasyon o pangungusap. Isulat sa


patlang ang titik ng tamang sagot.
____1. Inutusan ka ng iyong inay na bumili ng suka sa tindahan.
Ano ang sasabihin mo?
a. Nay, mamaya na lang po may ginagawa ako.
b. Sige po inay, magkano po?
c. Nanonood po ako ng tv ‘nay!

____2. May takdang-aralin kayo sa asignaturang Filipino.


Ano ang gagawin mo?
a. Gagawin ko muna ang takdang aralin bago maglaro.
b. Mangongopya ako sa aking kaklase.
c. Ipagagawa ko ito sa aking nanay.

____3. Nakita mong nagtapon ng basura sa kanal ang iyong


kalaro. Ano ang sasabihin mo?

1
a. Magtapon ka riyan.
b. Bawal magtapon ng basura sa kanal upang maiwasan
ang pagbaha.
c. Ako din, magtatapon ng basura sa kanal. Lilinisin din
naman ng mga barangay tanod.
____4. Naglaro kayo ng iyong nakababatang kapatid, nakakalat
ang mga laruang ginamit ninyo. Ano ang gagawin mo?
a. Hayaang nakakalat ang mga ito.
b. Ipaliligpit sa kapatid.
c. Ililigpit ang mga ito.

____5. Tinatalakay ng iyong guro ang inyong aralin. Ano ang


gagawin mo?
a. Hindi papansinin ang guro.
b. Makikinig nang maayos sa guro.
c. Makikipagkwentuhan sa katabi.

Aralin Pag-uulat ng mga Naobserbahang


1 Pangyayari sa Pamayanan

Ang pag-uulat ng mga naobserbahang pangyayari sa


pamayanan ay kailangan tama ang impormasyon na iyong
inilalahad. Maging mapagmasid sa mga pangyayari sa ating
paligid upang maibahagi mo ito nang wasto at maayos. Ang
pag-uulat ng makatotohanang pangyayari ay isang paraan
upang magkaroon ng matiwasay na pakikisalamuha at
pakikipagkapwa-tao.
Nagiging daan ito sa mabilis na pagsalaysay sa mga
pangyayari sa ating pamayanan. Gamitin natin ito nang maayos.
Isipin muna ang gustong iulat o sabihin sa ating kapwa upang
ang maling impormasyon ay hindi masabi at maibahagi sa iba.
Ang modyul na ito ay makatutulong upang mahasa ang
iyong pag-uulat sa mga naobserbahang pangyayari sa
pamayanan.

2
Balikan
Isulat sa kahon ang B kung ang mga sumusunod na gawain
ay ginagawa sa bahay, P kung gawaing pampaaralan, at PN
kung gawain sa pamayanan.
1. Paghuhugas ng mga plato.
2. Pagsuot ng tamang uniporme.
3. Pagtatanim ng mga puno.
4. Pag-aalaga sa bunsong kapatid.
5. Paglilinis sa barangay.

Tuklasin
Magandang araw! Ako ay nagagalak na
makasama ka upang tuklasin ang bagong aralin. Bilang isang
bata, paano ka tumutulong sa mga gawain sa bahay, sa
paaralan o pamayanan? Katulad ka rin ba ng mga bata sa
larawan? Buong puso mong isasalaysay ang mga nakikita o
naobserbahan mo sa mga larawan. Tandaan mo kailangang
malakas ang boses at maayos ang pagsasalita upang marinig ka
ng iyong nanay o kasama sa bahay. Paalala sa mga kasama sa
bahay, pakigabayan po ang inyong anak sa pagsagot sa mga
aralin. Pakinggan po siya nang maayos.

Masdan ang mga larawan.

1.

3
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang napansin mo sa larawan?
2. Sino-sino ang mga gumagawa ng gawain?
3. Ano-ano ang mga ginagawa nila?
4. Saan kaya nila ginagawa ang mga tungkulin?
5. Ikaw, ginagawa mo ba ang iyong tungkulin sa bahay?
Sa paanong paraan at Bakit?
Batay sa mga tanong, isalaysay mo ang mga naoobserbahang
pangyayari sa larawan?
Mahusay! Ikaw ay isang magaling na tagapag-ulat sa
naoobserbahan mo sa larawan. Bigyan natin ng puntos ang
ginawa mo gamit ang rubriks sa ibaba. Iguhit ang puso ( )sa
tapat ng kahon ang iyong sagot. Maging matapat sa sariling
pagsagot.

Rubriks:

May kakulangan

Mag-ensayo pa
Napakahusay
Pamantayan

Di-gaanong
mahusay
Mahusay
5

1
Di-
Malinaw gaanong
Malinaw at Paulit-ulit Malayo
ngunit hindi malinaw at
organisado ang ang
Pagtalakay organisado di-
ang pagtalakay tinatalakay
sa Paksa ang organisado
pagtalakay sa paksa na paksa
pagtalakay ang
sa paksa
ng paksa pagtakay
ng paksa
Hindi alam
Sapat, ng
May Ang mga
wasto, at tagapag-
Kaangkupa kaunting impormasy
makabuluh Kulang ang ulat ang
n ng kalituhan sa on ay hindi
an ang impormas- mga
ideyang mga sapat para
impormasy yon impormasy
ginamit impormas- maunawaa
on ong
yon n ng
ibinabahag
nakikinig
i

4
Pagbigkas Angkop ang Angkop Di- Mahina Hindi
tinig, diin ng ang tinig gaanong ang tinig marinig
mga salita, ngunit mali angkop ng boses at ang boses
malakas at ang diin ng ang tinig, diin at diin
malinaw ang mga salita diin, at di-
boses at gaanong
halatang malakas at
nangingini malinaw
g ang ang boses
boses
Tindig Napakaayos Maayos Di-gaanong Nakayuko Magalaw
nang tindig ang tindig maayos habang sa
ang tindig nakatindig pagkatitin
dig
Hikayat Nahikayat Medyo Di-gaanong Maraming Hindi
ang mga nahikayat nahikayat katanunga nahikayat
tagapakinig ngunit may ang mga n ang mga ang mga
kaunting tagapaki- tagapaki- tagapaki-
katanu- nig nig nig
ngan ang
mga
tagapaki-
nig
2.

Iulat ang mga napansin sa larawan. Gawing gabay ang mga


tanong.
1. Ano ang napansin mo sa ikalawang larawan?
2. Ano-ano ang mga ginagawa nila?
3. Sino-sino ang mga gumagawa ng gawain?
4. Saan kaya nila ginagawa ang mga tungkulin?
5. Ikaw, tumutulong ka ba sa mga gawaing pampaaralan?
Bakit?

5
Magaling! Bigyan natin ng puntos ang ginawa mo gamit
ang rubriks. Iguhit ang puso ( )sa tapat ng kahon ang iyong
sagot.
3.

Isalaysay ang ikatlong larawan. Basahin ang mga tanong upang


maisalaysay ito nang maayos.
1. Ano ang napansin mo sa ikatlong larawan?
2. Ano-ano ang ginagawa nila?
3. Saan kaya nila ginagawa ang tungkulin?
4. Paano mo ipinapakita ang pagtulong sa inyong
pamayanan?

Palakpakan ang iyong sarili sa mahusay na pagsagot sa mga


katanungan batay sa mga larawan. Ngayon tingnan natin ang
iyong iskor sa rubriks. Iguhit ulit ang puso ( ) sa tapat ng iyong
sagot.

Suriin

Pagbati sa mahusay na paglalahad sa mga larawang


naobserbahan! Madadagdagan ngayon ang iyong kaalaman at
pang-unawa sa tamang paraan nang pag-uulat sa mga
naobserbahang pangyayari sa pamayanan. Mapapahalagahan
din ang mga tungkulin at gawaing pamayanan.

6
Ang pag-ulat ay maaaaring ipahayag sa pasalita o pasulat.
Sa pasalitang pag-uulat mahalagang malaman ang mga
kasangkapan gaya ng pagtalakay sa paksa, kaangkupan ng
ideyang ginamit, pagbigkas, tindig at hikayat sa mga
tagapakinig. Makatutulong ang pagsagot sa mga tanong na
sino, ano, saan, kalian at bakit sa pagbibigay ng mga
mahahalagang impormasyon lalo na sa pag-obserba sa mga
pangyayari sa pamayanan.
Sa pag-obserba sa pamayanan may mga tungkuling dapat
gampanan sa bahay, paaralan, at pamayanan.

Bahay Paaralan
1. Sumunod sa mga utos at 1. Makinig at sumunod sa guro.
bilin ng mga magulang. 2. Gawin ang mga takdang-
2. Igalang sila at mga kasama aralin.
sa bahay. 3. Sumunod sa batas at alituntunin.
4. Magsuot ng tamang uniporme.
3. Pagkatapos maglaro, iayos at 5. Igalang ang ating
iligpit ang mga laruan. watawat.
4. Tumulong sa gawaing bahay. 6. Pumasok sa tamang oras.

Pamayanan
1. Sumunod sa batas trapiko.
2. Makiisa sa proyeto ng pamayanan.
3. Panatilihing malinis ang lugar.
4. Makisama sa mga kapitbahay.

7
Pagyamanin
Gabay na Gawain 1
Ang pamilya ay ang bumubuo sa ating komunidad, ang
lahat ng gawain ay napapadali kung nagtutulungan, nagkakaisa
at nagmamahalan. Alamin natin sa kwentong “Ang Pamilya ni
Neya” kung paano sila nagkakaisa sa mga gawaing bahay.

Basahin ang kuwento.


Ang Pamilya ni Neya
ni: Jasmin A. Maniago

Masayang namumuhay ang pamilya ni Neya. Ang kanyang


ate ay katulong ng kanyang ina sa paglilinis at pagluluto
samantalang ang kanyang kuya at ama ang nag-aayos ng mga
sirang gamit at nagpapaganda ng kanilang hardin. Si Neya
naman ang nagliligpit ng kanyang mga laruan pagkatapos
maglaro. Silang magpapamilya ay nagtutulungan upang
mapadali ang kanilang mga gawain sa bahay.

Batay sa kwentong iyong binasa, maaari mo bang isalaysay


ang naobserbahan mo sa pamilya ni Neya? Gawing gabay ang
mga tanong.

1. Sino-sino ang miyembro ng pamilya?


2. Ano-ano ang ginagawa nila sa bahay?
3. Bakit nagiging madali ang kanilang mga gawain?
4. Ikaw, paano mo ipinapakita ang pagtupad sa mga
tungkulin sa bahay?

8
Tingnan natin ang iyong iskor sa mahusay mong
paglalahad. Iguhit ang bituin ( ) sa tapat ng iyong sagot.
Gawing gabay ang rubriks.

Gabay na Tayahin

Basahin nang maayos ang kwentong “May Magagawa Ka”


upang magawa mo ang gawain sa ibaba.

May Magagawa Ka
ni: Jasmin A. Maniago

Sa mga nakalipas na buwan nakaranas tayo ng Enhanced


Community Quarantine dahil sa COVID-19. Maraming
mamamayan ang nawalan ng hanapbuhay kaya ang pamilya ni
Mong ay hindi nagdalawang isip na tumulong sa kanilang mga
kabarangay.

Maagang gumising ang kanyang ama upang mamili ng


mga de lata at bigas. “Inay, tama po ba ang paglalagay ko ng
mga ng mga delata sa plastic?”, masayang wika ni Mong sa
kanyang nanay. “Oo anak, tama yan”, nakangiting wika ng ina.
“Ilagay mo rin itong bigas sa plastic”, dagdag pa ng kanyang ina.
Nagtulong-tulong silang magpapamilya upang magrepak ng
mga pagkain para sa kanilang kabarangay. Hindi man mayaman
sina Mong ngunit buong puso silang nagbigay ng tulong. Maliit
man o malaki, ito’y magdudulot ng kasiyahan sa kapwa.

Sagutin:

Paano ipinakita ng pamilya ni Mong ang kanilang pagtulong


sa mga kabarangay? Isalaysay ang kwento.

Magaling! Bigyan natin ng puntos ang ginawa mo. Iguhit


ang masayang mukha ( )sa tapat ng kahon ang iyong sagot.
Maging matapat sa sariling pagsagot. Tingnan ang rubriks.

9
Gabay na Gawain 2
Mahal mo ba ang iyong pamilya? Iguhit ang puso sa
patlang ( ) kung tama ang sinasaad ng pangugusap. Huwag
itong iguhit kung hindi.

_______1. Tumulong si ate sa pagluluto ng pagkain.


_______2. Nagdabog si Mina nang hindi matirhan ng pagkain
dahil sa kakalaro.
_______3. Kinausap si Mina ng mahinahon ng kanyang ina.
_______4. Nagalit si Mina dahil kinausap siya ng kanyang ina.
_______5. Humingi ng paumanhin si Mina sa ina.

Gabay na Tayahin 2

Tumutulong ka ba sa paglilinis sa inyong pamayanan?


Magaling! Katulad ng bata sa kwento kaisa rin siya sa
pagpapanatili ng kagandahan sa pamayanan. Halina’t basahin
natin ito.
Barangay Malinis
ni: Jasmin A. Maniago

Tuwing umaga, abalang-abala ang mga mamamayan


sa isang barangay upang maglinis ng kanilang kapaligiran.
Siyempre, hindi pahuhuli sina Neya at ang kanyang lolo
Nong sa paglilinis.
“Neya, halika na at tumulong na tayong maglinis”,
nakangiting wika ni Lolo Nong. “Opo lolo Nong, nandiyan na po”,
masayang sabi ni Neya sa kanyang lolo.

10
Isang araw may ibinalita ang kanilang kapitan. “Mga mahal
kong kabarangay, nagpalabas ng anunsyo ang ating alkalde na
magkakaroon ng paligsahan sa pinakamalinis at
pinakamagandang barangay. Inaasahan ko ang inyong pakikiisa
sa paglilinis”, wika ng kapitan.
Naglabasan ang mga mamamayan sa barangay.
Nagtulong-tulong sila sa paglilinis at pagtatanim ng mga
halaman. Binukod din nila ang mga basurang nabubulok, di
nabubulok at nareresiklo.
“Wow! Malinis at maganda na ang ating barangay”,
masayang wika ni Neya. “Oo nga apo, sa pagtutulungan, lahat
ay nagiging madali at maayos”, wika naman ni Lolo Nong.
Dahil sa ipinakita nilang bayanihan. Iginawad sa kanilang
barangay ang tropeyo na “Barangay Malinis”. Nasiyahan ang
lahat sa kanilang pagkapanalo.

Ngayon, iulat mo nga ang mga pangyayari kung bakit nanalo sila
bilang pinakamalinis na barangay.

Magaling! Bigyan natin ng puntos ang ginawa mo. Gamit


ang rubriks. Iguhit ang araw ( )sa tapat ng kahon ng iyong
sagot. Maging matapat sa sariling pagsagot.

Malayang Gawain 1
Tingnan ang larawan at basahin ang kwento.
Estudyante ako, Kaisa ako
ni: Jasmin A. Maniago

11
Si Denden ay nasa ikatlong baitang. Pagdating niya sa
paaralan magiliw niyang binabati ang guro at mga kamag-aral.
“Magandang umaga po”, ang masaya niyang wika. Habang
hindi pa nagsisimula ang kanilang klase. Kasama ni Denden ang
mga kamag-aral na nagtutulong-tulong sa paglilinis,
pagpupunas, pagtatanim, at pagdidilig ng halaman at iba pang
mga gawain sa paaralan. “Maraming salamat mga bata sa lagi
ninyong pagtulong sa akin”, nakangiting wika ng guro. “Lahat
kayo ay masisipag”, dagdag pa niya.

Katulad din ba ninyo si Deden na nakikiisa sa pagtulong sa


paaralan? Ilahad ang pangyayaring napansin sa kwento upang
mapadali ang gawain sa paaralan. Tingnan ang iyong iskor sa
rubriks.

Malayang Tayahin 1

Masdan ang mga larawan. Alin sa mga ito ang kaya mong
gawin. Isalaysay kung paano mo ito ginagawa.

1. 2. 3.

4. 5.

12
Tingnan ang iyong iskor sa rubriks.
Malayang Tayahin 2
Basahin ang tula.
Sa Aming Pamayanan
ni: Jasmin A. Maniago
Sa aming pamayanan pagmamahalan siyang tunay
Pagkakakaisa at pagtutulungan ay buhay
Payapang pamumuhay dito’y taglay
Kaya ang mga mamamayan puso’y inaalay.

Ikaw at ako ay may tungkulin


Gampanan ang mga alituntunin
Sa bawat pamayanan ating kinabibilangan
Upang ngiti sa bawat isa’y masusulyapan.

Isalaysay ang mga naobserbahan sa tulang binasa. Maging


gabay ang
mga tanong.
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Sino-sino ang tinutukoy sa tula?
3. Tungkol saan ang tula?
Bigyan natin ng puntos ang ginawa mo gamit ang rubriks.
Iguhit ang bituin ( )sa tapat ng kahon ang iyong sagot. Maging
matapat sa sariling pagsagot. Tignan ang rubriks.

Isaisip

Ang mga gawaing pampamayanan ay napapadali kung


nagkakaisa ang bawat miyembro nito. Buong pusong tuparin ang
mga tungkulin para sa
pag-unlad ng pamayanan. Pakikiisa at respeto ang manaig sa
bawat puso. Maging magandang halimbawa sa tamang pag-
uulat ng mga pangyayari sa ating pamayanan. Dahil ang
pinakamahalaga ay ang wastong pakikitungo sa ating pamilya
at kapwa.
Kulayan ng pula ang puso ( ) kung sumasang-ayon ka sa
tamang pagtupad ng mga gawaing pampamayanan. Huwag
itong kulayan kung hindi ka sumasang-ayon.

13
1. Nagtatapon si Mario ng basura sa tamang lagayan.
2. Sinigawan ni Luisa ang kapatid dahil ayaw iligpit ang
mga laruan.
3. Inunang ginawa ni Carlo ang mga takdang-aralin
bago nakipaglaro.
4. Nagwalis ka sa inyong bakuran.
5. Hindi ka tumawid sa tamang tawiran.

Isagawa

Masdan ang larawan. Ilahad ang naobserbahang pangyayari.

Gawing gabay ang Rubriks na nasa pahina 4-5.

Tayahin

Tingnan ang larawan. Isalaysay ang naobserbahan.

Gawing gabay ang Rubriks na nasa pahina 4-5.

14
Karagdagang Gawain

Bilang isang bata, sabihin mo nga nang buong puso ang iyong
pangako upang matupad ang iyong mga gawain sa bahay,
paaralan, at pamayanan.

“Pangako Ko”

Tingnan ang rubriks .

15
16
Malayang Tayahin 1 Subukin
Tignan ang rubriks sa pahina 5-6. 1. b
2. a
Malayang Tayahin 2
3. b
Tignan ang rubriks sa pahina 5-6. 4. c
5. b
Isaisip Balikan
1. 1. b
2. p
2. 3. pn
4. b
3. 5. pn
4. Tuklasin
Tignan ang rubriks sa pahina 5-6.
5.
Pagyamanin
Isagawa
Gabay na Gawain 1
Tignan ang rubriks sa pahina 5-6.
Tignan ang rubriks sa pahina 5-6.
Tayahin
Gabay na Tayahin
Tignan ang rubriks sa pahina 5-6.
Tignan ang ruriks sa pahina 5-6.
Karagdagang Gawain
Gabay na Gawain 2
Tignan ang rubriks sa pahina 5-6.
1.
2.
3.
4.
5.
Gabay na Tayahin 2
Tignan ang rubriks sa pahina 5-6.
Malayang Gawain
Tignan ang rubriks sa pahina 5-6.
Susi sa Pagwawasto

You might also like