You are on page 1of 59

UNIDA CHRISTIAN COLLEGES

KOMUNIKASYON AT
PANANALIKSIK SA
WIKA AT KULTURANG
PILIPINO
(Ikalawang Markahan)

GRADE 11
SENIOR HIGH
SCHOOL
Sharing Knowledge, Instilling Christian Values, Developing
Leaders
i
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina ng Pamagat............................................................................................................................. i
Talaan ng Nilalaman..........................................................................................................................ii
Talaan ng Kompetensi .....................................................................................................................iii
Deskripyon ng Kurso.........................................................................................................................v
MODYUL 1: Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino........................................................ 1
Kahulugan at Kahalagahan ng Komunikasyon..............................................................................4
Kakayahang Lingguwistiko/Gramatikal........................................................................................ 6
Kakayahang Pragmatik at Istratedyik............................................................................................ 6
HULING PAGTATASA....................................................................................................... 9
MODYUL 2: Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino
IKALAWANG BAHAGI.............................................................................................................. 10
Mga Anyo ng Di-berbal na Komunikasyon.................................................................................14
Kakayahang Diskorsal.....................................................................................................................
HULING PAGTATASA..................................................................................................... 17
MODYUL 3: Mga Sitwasyong Pangwika Sa Pilipinas................................................................18
A.Telebisyon, Radyo at Diyaryo, Pelikula at Kulturang Popular................................................21
B.Text, Social Media, Kalakalan, Pamahalaan, Edukasyon........................................................ 26
HULING PAGTATASA..................................................................................................... 30

MODYUL 4: Batayan Kaalaman Sa Pananaliksik.................................................................... 32


Ano ang Pananaliksik?.................................................................................................................35
Layunin ng Pananaliksik..............................................................................................................36
Bahagi ng Pananaliksik.....................................................................................................................
Pagpili ng Paksa....................................................................................................................38
Mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa..........................................................
Pagsulat ng pamagat.................................................................................................................
HULING PAGTATASA..................................................................................................... 41

MODYUL 4: Pagsulat Ng Tentatibong Bibliograpi...................................................................42


HULING PAGTATASA..................................................................................................... 53

TALASANGGUNIAN.......................................................................................................55

ii
TALAAN NG KOMPETENSI

y
Blg Pamagat ng Module CODE
Yunit ng Kompetensi
1 Kakayahang 1.1 Kahulugan at Kahalagahan ng F11PS –IIe – 90
Komunikatibo ng mga Komunikasyon
Pilipino 1.2 Kakayahang Lingguwistiko/Gramatikal F11PT- IIe – 87
UNANG BAHAGI
1.3 Kakayahang Sosyolingguwistiko
F11WG- IIf – 88
1.4 Kakayahang Pragmatik at Istratedyik
2 Kakayahang 2.1 Mga Anyo ng Di-berbal na F11PT –IIe – 87
Komunikatibo ng mga Komunikasyon
Pilipino 2.1 Kakayahang Diskorsal
IKALAWANG BAHAGI
3 Mga Sitwasyong Pangwika 3.1 A. Telebisyon, Radyo at Diyaryo, F11PN-IId-89
Sa Pilipinas Pelikula at Kulturang Popular
3.2 B. Text, Social Media, Kalakalan, F11WG- IIf – 88
Pamahalaan, Edukasyon
4 Batayan Kaalaman Sa 4.1 Ano ang Pananaliksik? F11PU-IIg-88
Pananaliksik
4.2 Layunin ng Pananaliksik F11WG-IIh – 89

Bahagi ng Pananaliksik
4.3
A.Pagpili ng Paksa
4 B. Mga bagay na dapat isaalang-
alang sa pagpili ng paksa

C.Pagsulat ng pamagat
5 Pagsulat Ng Tentatibong 5.1 P Pangalan ng May-akda/Awtor F11PB –IIg – 97
Bibliograpi -Pamagat ng kanyang isinulat
Impormasyon ukol sa
pagkakalathala
a. Mga naglimbag/pangalan ng
palimbagan
b. Lugar at taon ng pagkakalimbag
c. Pamagat ng aklat
d. Ilang mahahalagang tala ukol sa
nilalaman

iii
DESKRIPSYON NG KURSO

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Lilinangin ang pagunawa ng

mga mag-aaral sa kahalagahan ng komunikasyon tungo sa makabuluhang pananaliksik ukol sa

kalikasan, katangian, pag-unlad, at paggamit ng wikang Filipino sa mga sitwasyong komunikatibo

at kultural sa lipunang Pilipino.

iv
MODYUL 1:

Kakayahang Komunikatibo
Ng Mga Pilipino
(Unang Bahagi)

Pangalan:
Seksyon at Strand:
Guro:

1
LAGOM NG KASANAYANG PAMPAGKATUTO

UNANG KASANAYANG INTRODUKSYON SA


PAGKATUTO AKADEMIKONG PAGSULAT
A. Kahulugan at Kahalagahan ng
Komunikasyon F11PS –IIe – 90
F11PT-IIe – 87
B. Kakayahang Linggwistiko/ Gramatikal
F11WG- IIf – 88
C. Kakayahang Sosyolingguwistiko
D. Kakayahang Pragmatik at Istratedyik
PAGTATAYA:
1. Nakakagawa ng sariling pahayag na nagpapakita ng pagpili ng angkop na mga salita at
paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar,
panahon, layunin, at grupong kinabibilangan.
2. Makakapagbigay ng hinuha sa tatalakaying paksa.
3. Nailalarawan ang isang taong taglay ang kakayahang komunikatibo.
4. Nailalarawan ang isang sikat/ kilalang tao na taglay ang mga uri/ komponent ng
kakayahang komunikatibo.
5. Sasagot ang mga mag-aaral batay sa pagsusulit na ginawa ng guro.

PANGKALAHATANG PAMPAGKATUTO:

A. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan
batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan.
F11PS –IIe – 90
B. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan. F11PT – IIe – 87
C. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng
pagsasalita. F11WG- IIf – 88

2
Kasanayan sa Pampagkatuto:
1. Mailahad ang konsepto ng kakayahang komunikatibo sa konteksto ng wikang
Filipino.
2. Mabatid ang esensya nito sa pang-araw-araw na pakikisalamuha at pakikisangkot sa
pasalitang pandiskurso.
3. Magamit ang kakayahang ito tungo a pagkamit ng mahusay na pakikipagdiyalogo.

SALOK- DUNONG

PANUTO: Piliin ang mga salitang may kaugnayan sa salitang komunikatibo pagkatapos ay bumuo
ng mahalagang kaisipan gamit ang mga salitang nabanggit.

Pakikihalubilo kasanayan personalidad tugon o pidbak wika


pakikipagdiyalogo diskurso esensya
Mensahe pangungusap damdamin
1.
2.
3.
4.
5.

UNANG PAGTATASA

PANUTO: Bumuo ng mga pahayag sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na salita at paraan ng


paggamit nito sa mga usapan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin at grupong
kinabibilangan.

KAUSAP
1. Pakikipag-usap sa iyong guro dahil sa mababang marka.

PINAG- UUSAPAN
2. Salitang makunat bilang malakas o mahirap talunin sa larong Mobile Legends.

3
LUGAR
3. Salitang banas na nangangahulugan na inis o pagkayamot.

LAYUNIN
4. Gamitin ang salitang pabigat bilang nagbibigay pasakit sa pamilya.

PANAHON
5. COVID- 19

Ano ang
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO?

 Ang terminong kakayahang komunikatibo o communicative competence ay nagmula sa linguist,


sociolinguist, anthropologist, at folklorist na si Dell Hathaway Hymes noong 1966.
 Ito ang tawag sa abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hiningi ng isang
interaksiyong sosyal.
 Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes, ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat magkaroon ng
kakayahang gramatikal upang epektibong makipagtalastasan, nararapat din niyang malaman ang
paraan ng paggamit ng wika ng lingguwistikong komunidad na gumagamit nito upang matugunan
at maisagawa nang naaayon sa kanyang layunin.
 Sa pagtamo ng kakayahang komunikatibo, kailangang pantay na isaalang-alang ang pagtalakay sa
mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian ng wikang ginamit sa teksto. (Higgs at
Clifford 1992)
 Ang kakayahang komunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na konteksto ng lipunan at
kultura – ito’y ang wika kung paano ginagamit at hindi lang basta ang wika at mga tuntunin nito.
(Shuy 2009)

4
URI O KOMPONENT
NG KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO

 Kakayahang Lingguwistiko/Gramatikal- Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang indibidwal na


maging maalam sa gramatika o gamit ng sintaks at bokabularyo ng isang wika.

 Kakayahang Sosyolingguwistiko- Tumutukoy sa angkop na paggamit ng tao ng wika mula sa


iba’t ibang sitwasyong kinapapalooban niya.

 Kakayahang Pragmatik at Istratedyik- Tumutukoy naman ito sa mga estratehiyang nagagamit


ng tao upang mas madali niyang maipaunawa ang kaniyang mensahe sa pinakasimpleng paraan.

 Kakayahang Diskorsal- Ang komponent na ito ay ang abilidad ng isang tao na mapanatili at
lalong mapatatag ang kasalukuyang kombersasyong kanyang kinasasangkutan.

 Kakayahang Lingguwistiko/Gramatikal- Ang kakayahang gramatikal ay ang pag-unawa at


paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga
tuntuning pang-ortograpiya. (Canale at Swain)

Mungkahing Komponent ng Kakayahang Gramatikal mula kina Celce-Murcia,


Dornyei, at Thurell (1995)

5
Kakayahang Sosyolingguwistiko
 Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay ang pagsasaalang-alang ng isang tao sa ugnayan
niya sa mga kausap, mga impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar na kanilang pinag-
uusapan pati na rin ang kontekstong sosyal ng isang wika.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Epektibong Komunikasyon


SPEAKING MODEL (Dell Hymes)

Kakayahang Pragmatik at Istratedyik


 Ang kakayahang pragmatik ay ang kakayahan ng isang tao sa ng mensaheng sinasabi at di-
sinasabi at batay pagtukoy ng kahulugan sa kinikilos ng taong kausap.
 Ang kakayahang istratedyik ay ang kakayahang magamit ang berbal at di-berbal na mga
hudyat upang maipabatid nang mas malinaw ang isang mensahe.

KOMUNIKASYON
Hinango sa Latin na “communis” na nangangahulugang panlahat o para sa lahat. Ginagamit
ito ng mga tao upang maipahayag ang iniisip o nadarama.
Ang komunikasyon ay isang sistema o paraan ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng telepono, telegram, radyo, telebisyon o computer. Pagpapalitan ito ng ideya o
opinion sa sagutang pagpapahayag at pagbibigay-impormasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-
unawaan (Webster, 1987).
Ito rin ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pasalita o
pasulat. Ito ay isa ring proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng
mga simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.

6
ELEMENTO/ PROSESO NG KOMUNIKASYON

Tagahatid Mensahe Tsanel Mensahe Tagahatid

BALIK- TUGON

1. TAGAHATID - itinuturing na ulo o simula


2. MENSAHE – ang elementong ito ay naglalaman ng damdamin, opinion at kaisipan ng
tagahatid.
3. TSANEL – sa pamamagitan nito dadaloy ang mensaheng nabuo mula sa pagproproseso ng
tagahatid. Ito ang itinuturing na behikulo na nagdadala n mensahe mula sa tagahatid patungo
sa tagatanggap pabalik mula sa tagahatid.
4. TAGATANGGAP – ang tagatanggap ay ang elemento sa proseso ng komunikasyon na
nagbibigay kahulugan sa mensahae.tumutugo siya sa mensahe batay sa kung paano niya
naunawaan ito.
5. BALIK-TUGON- ang balik-tugon o feedback ng tagatanggap ang magiging batayan ng
susunod na siklo ng komunikasyon. Ito ang tumitiyak na ang mensahe ay natanggap o
naunawaan.

URI NG KOMUNIKASYON

1. Berbal – ang komunikasyon na ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa


kahulugan ng mensahe.
2. Di-berbal – hindi ito gumagamit ng salita bagkus ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng
katawan upang maiparating ang mensahe sa kausap.
Hal: Pagtuturo ng direksyon gamit ang daliri, pagkumpas ng kamay, pag-irap.

7
YUGTO NG PAGKATUTO

Pangalan: Petsa:
Taon at Pangkat: Guro:
Marka: _____/50

Panuto: Pumili ng isang kilalang o sikat na tao (artista, influencer, vlogger atbp.) na sa iyong
palagay ay nagtataglay ng apat na kakayahang komunikatibo. Idikit o ilagay ang kanyang
larawan. Pagkatapos, ipaliwanag kung bakit siya ang iyong napili at itala ang mga katangian ng
epektibong kakayahang komunikatibo na kanyang taglay. Lagyan ito ng sariling pamagat.
Maging malikhain sa paggawa.

RUBRIKS
Nilalaman 50 puntos
Kalinisan at Kaayusan 25 puntos
Pagkamalikhain 25 puntos
KABUUAN 100 PUNTOS

LUSONG-KAALAMAN

Isulat sa TALADERNO

"Mahalagang pag-aralan at dapat nating taglayin ang katangian ng isang taong may
epektibong komunikasyon dahil
"

8
PAKSA: Pagpapatupad ng Online Class

HULING PAGTATASA:

I. Pagkilala
PANUTO: Tukuyin kung sino o ano ang tinutukoy sa pahayag.

_______________1. Ayon kay _______, ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat magkaroon ng
kakayahang gramatikal upang epektibong makipagtalastasan, nararapat din niyang malaman ang
paraan ng paggamit ng wika ng lingguwistikong komunidad na gumagamit nito upang matugunan at
maisagawa nang naaayon sa kanyang layunin.
_______________2. Ang kalagahan nito ay mabatid ang tuntuning panggramatika.
_______________3. Mga bokabularyo o salita.
_______________4. Kapag kausap ay guro : Ma’am/ Sir, kain na po tayo. Ito ay halimbawa ng
kakayahang _____________.
_______________5. Ang pagturo ng kinaroroonan ng bahay gamit ang daliri ay halimbawa ng
kakayahang ____________.

II.Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pahayag ang may tamang ayos ng pangungusap.
Letra lamang ang isulat sa bawat patlang.

___1. A.Mahusay kumanta si Sarah at maganda siya.


B.Mahusay at magandang kumanta si Sarah.

___2. A.Malaki ang t.v nila na katulad sa atin.


B.Malaki ang t.v nila tula ng t.v natin.

___3. A. Si President Duterte ay mahusay at may paninindigang lider.


B. Si President Duterte ay mahusay na lider at may paninindigan

___4. A.Nagugutom at napapagod na ako sa kalalakad.


B.Pagod at nagugutom na ako sa kalalakad.

___5. A.Nakita niya ang magandang larawan ni Rodel.


B.Nakita niya ang larawan ni Rodel na maganda.

9
MODYUL 2:

Kakayahang Komunikatibo
Ng Mga Pilipino (Ikalawang Bahagi)

Pangalan:
Seksyon at Strand:
Guro:

10
LAGOM NG KASANAYANG PAMPAGKATUTO

IKALAWANG KASANAYANG INTRODUKSYON SA


PAGKATUTO AKADEMIKONG PAGSULAT
A. Mga Anyo ng Di- Berbal na Komunikasyon
F11PT – IIe – 87
B. Mga kakayahang Diskorsal

PAGTATAYA:
1. Natutukoy ang mga larawan na nagpapakita ng mga di-berbal na komunikasyon.
2. Naiguguhit ang kanilang emosyon o damdamin gamit ang anyo ng komunikasyong di-berbal
na kinesika (kinesics).
3. Matapos tukuyin ang mga larawan at mga salitang hindi nakaayos, sasagutin ng mga mag-
aaral ang mga gabay na tanong na may kaugnayan sa paksa.
4. Makakapagbigay ng hinuha sa tatalakaying paksa.
5. Ang mga mag-aaral ay nakapipili ng isang bagay na sumisimbolo o nagpapahiwatig sa kanila.
(artifacts)
6. Ang mga mag-aaral ay nakakapagbigay ng saloobin kung ano ang tungkulin ng di berbal na
anyo sa araw araw nating pakikipag-usap.
6. Sasagot ang mga mag-aaral batay sa pagsusulit na ginawa ng guro.

PANGKALAHATANG PAMPAGKATUTO:

A. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan. F11PT – IIe – 87


B. Naibabahagi ang kahalagahan ng iba’t ibang anyo ng di-berbal na komunikasyon.
C. Nakaguguhit ng isang simbolo na nagpapakita ng personalidad at estado sa buhay.

11
Kasanayan sa Pagkatuto:

1. Mailahad ang konsepto ng kakayahang komunikatibo sa konteksto ng wikang Filipino.


2. Mabatid ang esensya nito sa pang-araw-araw na pakikisalamuha at pakikisangkot sa
pasalitang pandiskurso.
3. Magamit ang kakayahang ito tungo a pagkamit ng mahusay na pakikipagdiyalogo.

SALOK- DUNONG:

PANUTO: Pagmasdan ang mga larawan at mga salita na hindi nakaayos. Tukuyin kung ano ang
nais iparating ng mga larawan at salita.

1. NOYRESKSE GN HAMUK 2. BOIMSLO 3. ASRO

4. GISN ANGUALEG 5. SAAYDTNIS

12
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang napapansin mo sa larawan? ________________________________________
2. Ikaw ba ay gumagamit ng mga kilos o mga simbolo sa pagkikipag-usap sa iyong kapwa? ____
3. Magbigay ng senaryo na kung saan ay gumamit ka ng kilos, ekspresyon ng mukha o mga simbolo
sa pakikipagkomunikasyon. _______________________________________________
________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

UNANG PAGTATASA

PANUTO: Ipagpalagay natin na tayo ay nagpapaskil o nagbabahagi ng isang post sa ating mga
social media. Gumuhit ng isang larawan o gumawa ng memes na kumakatawan sa sariling emosyon
o damdamin gamit ang anyo ng komunikasyong di-berbal na kinesika (kinesics). Maaari mo itong
lagyan ng iyong pangalan at caption kung bakit ito ang ginuhit mo.

13
MGA ANYO NG
DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON

May mga iba’t ibang anyo ang mga di berbal na komunikasyon na maaaring magamit upang
maipahatid ang mga mensahe. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

 Kinesika (Kinesics)- Ang katawan at mukha ay may iba’t ibang gamit sa komunikasyon:

Sagisag: thumbs-up, peace sign


Tagapaglarawan: magturo, magbigay-diin sa direksyon
Pakontrol na berbal na interaksyon: pagtango, pagtaas ng kilay, pag iling
Padamdam: pagngiti, pagngiwi, pagsimangot

 Oculesics- Ang iba’t ibang galaw ng mata, paraan ng pagtitig at pagtingin ay may iba’t ibang
kahulugan gaya ng panalalaki at pagdilat ng mata na may kaakibat na emosyon.

 Proxemics-Ang espasyo o distansya ay nagpapahayag din ng mensahe

Intimate: magkalapit ang balat ng katawan


Personal: may sukat na 18 pulgada – 4 na piye
Sosyal: mula 4 – 12 na piye ang layo
Pampubliko: mula 12 – 25 na piye ang layo

 Haptics- Ang paghipo ang pinakaprimatibong anyo ng komunikasyon at naghahatid ng iba’t


ibang mensahe tulad ng tapik sa balikat, yakap, sampal, kalabit at iba pa.

 Artifacts- Ang mga bagay na gawa ng tao ay nagagamit din sa komunikasyon gaya ng disenyo
ng kasuotan, dekorasyon, alahas, na may sikolohikal na epekto.

 Olfactory- Ang pang-amoy ay nagdadala rin ng mensahe tulad ng paggamit ng pabango


 Colorics- Ang bawat kulay ay maaaring magsaad ng kahulugan at mensahe na kaakibat ang
damdamin o ano mang representasyon.
 Chronemics-Ito ay may kinalaman sa komunikasyong temporal at kung paano ginagamit ng
tao ang oras at panahon. Ang bawat kultura ay may “social clock” kung kalian dapat
manalangin, kumain, mag-asawa at iba pa.

14
 Iconics- Paggamit ng mga simbolo o logo para maisaad ang kahulugan ng mensahe.
 Paralanguage-Ang mga tunog na di-berbal tulad ng pagtaas at pagbaba ng boses, bilis ng at
bagal ng pagsasalita, halinghing, maging ang pananahimik ay nagsasaad din ng mensahe

Kakayahang Diskorsal
 Ang kakayahang diskorsal ay ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na
bumubuo ng isang makabuluhang teksto. Ang isang taong may kakayahang komunikatibo ay
nakapagbibigay rin ng wastong interpretasyon ng napakinggan o nabasang pahayag upang
makabuo ng isang makabuluhang kahulugan.

Dalawang bagay na isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal:


 Kohesyon (Cohesion) – ito ay ang kaisahan ng lahat ng pahayag sa isang sentral na ideya.
 Kohirens (Coherence) – ito ay ang ugnayan ng kahulugan sa loob ng isang teksto.
Masasabing may kohirens kung maiuugnay ang kasalukuyang pahayag sa mga naunang
pahayag.

“Ang pagkakaroon ng kakayahang komunikatibo ay susi sa pagiging isang epektibong


komyunikeytor.

15
YUGTO NG PAGKATUTO

ILARAWAN MO!
PANUTO: Gumuhit ng isang bagay na tumutukoy sa iyong sarili o personalidad na nagpapakita ng
iyong estado o kalagayan mo sa grupong iyong kinabibilangan.

a. Bakit mo nasabing ito ang sumisimbolo sa iyo? ____________________________________


_______________________________________________________________________

LUSONG KAALAMAN

Isulat sa TALADERNO:

Sa tingin mo, ano ang gampanin ng mga di berbal na anyo sa araw-araw nating
pakikipagkomunikasyon? ________________________________________________________

16
PAKSA: Pagpapatupad ng Online Class

HULING PAGTATASA

I. Pagkilala
PANUTO: Tukuyin ang sumusunod na mga kilos/ sagisag kung anong anyo ng di- berbal na
komunikasyon.
_____________1. Peace Sign
_____________2. Panlalaki ng kamay
_____________3. may sukat na 18 pulgada – 4 na piye
_____________4. pagkalabit
_____________5. Dekorasyon
_____________6. bilis o bagal ng pagsasalita
_____________7. simbolo/ logo
_____________8. paggamit ng pabango
_____________9. pagbibigay- diin sa direksyon
_____________10. disenyo ng kasuotan

II. Pagtapat-tapatin
Panuto: Isulat Ang Letra Lamang Bilang Sagot Sa Bawat Patlang

Sagot A B
1. may quiz ba tayo, di ako A. Act
nakapag-aral, bahala na Sequence
2. sa loob ng klasrum B. Ends
C.
3. mga mag-aaral Instrumentalities
4. pakopya naman D. Genre
5. daluyan E. Norms
6. hindi katanggap-tanggap
ang pangongopya sa mga
pagsusulit F. Keys
7. nagpapaliwanag G. Setting
8. impormal H. Participants
9. sa canteen
10. mga magulang

17
MODYUL 3:
Mga Sitwasyong Pangwika sa
Pilipinas

Pangalan:
Seksyon at Strand:
Guro:

18
LAGOM NG KASANAYANG PAMPAGKATUTO

INTRODUKSYON SA AKADEMIKONG
IKATLONG KASANAYANG PAGKATUTO
PAGSULAT
A. Telebisyon, Radyo at Diyaryo, Pelikula
at Kulturang Popular
● Telebisyon
● Radyo at Diyaryo
● Pelikula
● Flip Top
● Pick-up Lines
● Hugot Lines
F11PN-IId-89
B. Text, Social Media, Kalakalan,
F11WG- IIf – 88
Pamahalaan, Edukasyon
a. Text
● Ano nga ba ang katangian ng wika
sa SMS o text?
● Code swtiching
b. Social Media at Internet
c. Kalakalan
d. Pamahalaan
e. Edukasyon

PAGTATAYA:
1.Naiisa- isa ang ibat ibang sitwasyon ng wika sa pamamagitan ng talakayan.
2. Ang mga mag-aaral ay nakakapagbigay ng obserbasyon patungkol sa estado ng wikang Filipino sa
ika-21 na siglo.
3. Natutukoy ng mga mag-aaral ang mga salita batay sa gamit at grupong kinabibilangan nito.
4. Nalalaman ang mga sitwasyong pangwika sa Pilipinas.
5. Nakakasulat ng skript ng tv broadcasting na Filipino ang midyum.
6. Nakakapagbigay ng ambag sa paglinang ng wikang Filipino sa new normal set-up
7. Sasagot ang mga mag-aaral batay sa pagsusulit na ginawa ng guro.

PANGKALAHATANG PAMPAGKATUTO:
A. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa mga
panayam at balita sa radyo at telebisyon. (F11PN-IId-89)
B. Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit ng wika
sa iba’t ibang sitwasyon. (F11WG- IIf – 88)
C. Naiisa- isa ang iba’t ibang sitwasyong pangwika sa Pilipinas sa Ika-21 na siglo.

19
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula sa
mga panayam at balita sa radyo at telebisyon.
2. Naipapaliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan ng paggamit ng
wika sa iba’t ibang sitwasyon.
3. Naiisa- isa ang iba’t ibang sitwasyong pangwika sa Pilipinas.

SALOK- DUNONG

PANUTO: Gamit ang concept map, ibigay ang iyong obserbasyon at pananaw sa sitwasyon o
estado ng wikang Filipino sa ika- 21 siglo.

Wikang Filipino
Sa
Ika- 21 na Siglo

UNANG PAGTATASA

Tukuyin ang mga salita batay sa gamit at grupong kinabibilangan nito. Ihanay ang mga salita batay
sa rehistro nito.

20
Facebook pasukan pagsusulit mobile legends
Live stream brigade eskwela Eow Phowzxc
Jejemon BPO networking Pinterest call center
Memo kontrata trending

Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino. Malaki ang epekto ng mga pagbabagong dala
ng panahon at ng makabagong teknolohiya sa mga pagbabago rin sa kalagayan o sitwasyon ng ating
wika. Nasaan na nga ba o ano na nga ang kalagayan ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan?

Telebisyon
 Ito ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa
dami ng mga mamamayang naaabot nito.
 Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa ating bansa. Halos lahat ng
mga palabas sa mga lokal na channel ay gumagamit ng wikang Filipino at ng iba’t ibang
barayti nito.
 May mangilang-ngilang news program sa wikang Ingles subalit ang ito’y hindi sa mga
nangungunang istasyon at madalas ay inilalagay sa gabi kung kailan tulog na ang nakararami.
 Ang madalas na exposure sa telebisyon ang isang malaking dahilan kung bakit sinasabing
99% ng mga mamamayan sa Pilipinas ay nakapagsasalita ng wikang Filipino at maraming
kabataan ang namumulat sa wikang ito bilang kanilang unang wika maging sa lugar na hindi
kabilang sa Katagalugan.

21
Radyo at Diyaryo

 Katulad sa telebisyon, Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo, mapa-AM man o FM.
 May mga istasyon ng radyo sa probinsiyang may mga programang gumagamit ng rehiyonal
na wika pero kapag kinapanayam na sila ay karaniwang sa wikang Filipino sila nakikipag-
usap.

 Sa diyaryo naman, wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino
naman sa mga tabloid maliban sa People’s Journal at Tempo na nakasulat din sa wikang
Ingles.
 Tabloid ang mas binibili ng masa o ng mga karaniwang tao tulad ng drayber, mga tindera,
ordinaryong manggagawa at iba pa dahil sa mas mura at nakasulat sa wikang higit nilang
naiintindihan, kaya malawak ang impluwensiya ng mga babasahing ito sa nakararaming
Pilipino.

22
Pelikula

 Bagamat mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipalalabas sa ating bansa
taon-taon, ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti
nito ay mainit ding tinatangkilik ng mga manonood.
 Iyon nga lang, Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino tulad ng One
More Chance, Starting Over Again, You’re Still the One at iba pa.

 Hindi nga maitatangging Filipino ang wika o lingua franca ng telebisyon, radyo, diyaryo, at
pelikula. Ang pangunahing layunin ng mga ito sa paggamit ng Filipino ay upang makaakit
ng mas maraming manonood, tagapakinig o mambabasang makauunawa at malilibang upang
sila ay kumita ng malaki.
 At dahil sa malawak na impluwensya ng wikang ginagamit sa mass media ay mas maraming
mamamayan sa bansa ngayon ang nakapagsasalita, nakauunawa at gumagamit ng wikang
Filipino.

23
KULTURANG POPULAR
(Flip Top, Pick-up Lines, Hugot Lines)

Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman kung
anong uso, anong sikat at anoang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ngteknolohiya at
napakadali na para sa mga tao na makiuso atmagpauso sa pamamagitan ng lahat ng uri ng media.
Lahat ng nabanggit kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit b anapakaimportante sa mga tao
makasabay sa uso? Ano nga ba talaga ang kulturang popular? Ating alamin kung ano ba talagaang
ibig sabihin ng uso o mas pormal na kilala bilang kulturang popular.

Flip Top
 Ito’y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa
balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat sa
Flip Top ay hindi nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan.
 Ang mga salitang ibinabato ay di-pormal at maibibilang sa iba’t ibang
barayti ng wika.
 Laganap ang Flip Top sa mga kabataan. Katunayan, may mga malalaking samahan o mga
kompetisyong pwedeng salihan dito.
 Ang karaniwang paraan ng paglaganap ng Flip Top ay sa pamamagitan ng YouTube.

24
Pick-up Lines
 Ito ay makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na
madalas maiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. ss
 Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais na
magpapansin, magpakilig, magpangiti, at magpa-ibig sa dalagang nililigawan.
 Karaniwang wikang Filipino at mga barayti ng wika ang ginagamit dito subalit nagagamit
din ang Ingles o Taglish dahil kadalasang mga kabataan ang nagpapalitan nito.

Hugot Lines
 Ito ay tinatawag ding love lines o love quotes. Ito rin ay isang patunay na ang
wika nga ay malikhain.
 Karaniwang nagmumula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmarka
sa puso’t isipan ng mga manonood subalit madalas nakagagawa ang mga tao ng sarili
nilang hugot lines depende sa damdamin o karanasang pinagdaraanan nila sa
kasalukuyan.
 Minsan ang mga ito’y nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglish ang gamit dito.

25
MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS
(Text, Social Media, Kalakalan, Pamahalaan, Edukasyon)

Text

 Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na lalong kilala bilang
text message ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa.
 Ang Pilipinas ay tinaguriang “Texting Capital of the World” dahil humigit-kumulang apat
na bilyong text ang ipinapadala at natatanggap ng ating bansa araw-araw.
 Higit na itong popular kaysa sa pagtawag sa telepono o cellphone.

Ano nga ba ang katangian ng wika sa SMS o text?

 Gumagamit ng magkahalong Filipino at Ingles.


 Madalas ginagamit ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa
pagpapahayag.
 Binabago o pinaiikli ang baybay ng mga salita para mas madali o mas mabilis itong mabuo.

Social Media at Internet

 Sa panahong ito, mabibilang na lang marahil sa daliri ang mga taong wala ni isang social
media account tulad ng Facebook, Instagram, Twitter at iba pa.
 Marami ang nagtuturing ditong isang biyaya dahil nagiging daan ito ng pagpapadali ng
komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o ng mga mahal sa buhay lalo na iyong mga
malalayo sa isa’t isa at matagal nang hindi nagkikita.

 Katulad sa text, karaniwan din dito ang code switching o pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino
gayundin ang pagpapaikli ng mga salita o paggamit ng daglat sa mga post o komento rito.

26
 Sa Internet, bagamat marami ng website ang mapagkukunan ng impormasyong nasusulat sa
wikang Filipino ay nananatiling Ingles pa rin ang pangunahing wika nito. Wikang Ingles ang
nangungunang wika sa mga websites at iba pang impormasyong mababasa, maririnig at
mapapanood sa Internet.
 Mayroon ding mga babasahin at impormasyong nasusulat sa wikang Filipino sa Internet.
Mababasa rito ang mga dokumentong pampamahalaan tulad ng saligang batas, mga kautusan at
impormasyon mula sa iba’t ibang sangay gayundin ang maraming akdang pampanitikan at mga
awiting nasusulat sa wikang Filipino.
 Mahalaga ang pagtutulungan ng bawat isa upang kung anuman ang mayroon tayo sa
kasalukuyan ay lalong madagdagan pa upang sa hinaharap ay mapayaman ang paggamit ng
wikang Filipino sa mundong tinatawag na “virtual”.

Kalakalan

 Wikang Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng malalaking kompanya at


korporasyon lalo na sa mga pagmamay-ari ng mga dayuhan na tinatawag na multinational
companies.
 Wikang Ingles rin ang gamit sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center
pati na rin ang mga dokumentong nakasulat tulad ng memo, kautusan, kontrata at iba pa.

 Gayunpaman, nananatiling Filipino ang wika sa mga pagawaan, mga mall, restawran,
pamilihan o palengke at maging sa direct selling.
 Wikang Filipino rin ang kadalasang ginagamit sa mga komersyal sa telebisyon at radyo na
umaakit sa mga mamimili upang tangkilikin ang kanilang produkto o serbisyo.

27
Pamahalaan

 Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na “nag-aatas sa lahat ng


kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng
mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga
transaksiyon, komunikasyon at korespondensiya,” naging mas malawak ang paggamit ng
Filipino sa lahat ng sangay ng pamahalaan.
 Ito ang isa sa malaking kontribusyon ni dating Pang. Corazon Aquino sa paglaganap ng
wikang Filipino sa pamahalaan.
 Sa panahon rin ni dating Pang. Benigno Aquino, ay binigyang suporta niya at pagpapahalaga
sa wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit nito sa kanyang mga talumpati tulad ng
State of the Nation Address (SONA) mula nang siya ay nanunungkulan.

Edukasyon

 Sa mababang paaralan (Kinder hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit bilang wikang
panturo at bilang hiwalay na asignatura.
 Sa mas matataas na antas ay nananatiling bilingguwal kung saan ginagamit ang wikang
Ingles at wikang Filipino bilang mga wikang panturo.
 Ang pagkakaroon ng mga batas at pamantayang sinusunod sa mga paaralan ay nakatutulong
nang malaki upang higit na malinang at lumaganap ang unang wika ng mga mag-aaral,
gayundin ang wikang Filipino, kasabay ng pagkatuto ng wikang Ingles.

“Malayo na ang nalakbay ng Wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa lalong pagsulong at pag-
unlad nito, ikaw ang inaasahan.”

28
YUGTO NG PAGKATUTO

Pangalan: Petsa:
Taon at Pangkat: Guro:

Panuto: Sumulat ng isang maikling iskrip para sa isang tv broadcasting na gumagamit lamang ng
wikang Filipino sa pagpapahayag.

RUBRIKS
Nilalaman 50 puntos
Kalinisan at Kaayusan 25 puntos
Pagkamalikhain 25 puntos
KABUUAN 100 PUNTOS

LUSONG KAALAMAN

Isulat sa TALADERNO:

1. Paano nakakatulong ang telebisyon sa pagpapalaganap ng wikang Filipino sa iba’t ibang bahagi
ng bansa?
2. Sa paanong paraan maaring makatulong ang pagsasagawa ng Fliptop gayundin ng pick-up lines at
hugot lines sa pagpapalaganap ng wikang Filipino lalo na sa kabataan?
3. Ano ang maiaambag mo upang higit na mapayaman ang wikang Filipino sa new normal set-up?

29
PAKSA: Pagpapatupad ng Online Class

HULING PAGTATASA

PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.

____ 1. Ano ang SMS?


a. smart message system
b. small messaging system
c. short messaging system
d. short message text

____2. Tawag sa pagppapalit- palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag sa text.


a. language switchin
b. text editing
c. fil am style
d. code switching

____3. Tawag sa mga taong aktibo ang social life sa social media gaya ng facebook, twitter at iba pa?
a. social climber
b. citizen
c. netizen
d. idealistic

____4. Ang “TEA ka ba? TEAnamaan kasi ako sayo e” ay isang halimbawa ng?
a. di-berbal na pahayag
b. hugot line
c. fliptop
d. pick-up line

____5. Ang lingua franca ay nangangahulugang “dila” at “wika” na nagmula sa bansang _________.
a. Pranses
b. Roma
c. Italya
d. Calapacuan

____6.”Ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang


arbitraryo.” Sino ang nagsabi nito?
a. Si Paz at Hernandez
b. Si Natoy

30
c. Si Charles Darwin
d. Henry Gleason Jr.

____7. Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.


a. Fliptop
b. Balagtasan
c. Pick-up lines
d. Debate

____8. Wikang Nihonggo ang nangangahulugang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng


mga lokal na channel.
a. Tama
b. Mali

____9. Wikang Ingles ang hindi ginagamit sa mga boardroom ng mga malalaking kompanya o
korporasyon.
a. Tama
b. Mali

____ 10. Wikang Filipino ang nangungunang wika sa Radyo sa AM man o FM, may mga programa
lamang na gumagamit ng wikang ingles.
a. Tama
b. Mali

31
MODYUL 4:

Batayang Kaalaman sa Pananaliksik

Pangalan:
Seksyon at Strand:
Guro:

32
LAGOM NG KASANAYANG PAMPAGKATUTO

INTRODUKSYON SA
IKAAPAT NA KASANAYANG PAGKATUTO AKADEMIKONG
PAGSULAT
A. Kahulugan ng
Pananaliksik
 Ano- ano ang mga katangian ng isang
pananaliksik
B. Layunin ng Pananaliksik
 Tumuklas ng bagong kaalaman
 Magpatunay ng mga umiiral na teorya
 Makapagbigay n g bagong interpretasyon ang
isang lumang impormasyon F11PU-IIg-88
 makapagbigay ng linaw ang isang F11WG – IIh – 89
pinagtatalunan isyu
 Mapatunayan ang bisa at katotohanan
ang isang ideya
C. Bahagi ng Pananaliksik
 kabanata 1
 kabanata 2
 kabanata 3
 kabanata 4
 kabanata 5
PAGTATAYA:
1. Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng sariling kaisipan patungkol sa pananaliksik
2. Tatalakatin ang ang mga katangian at bahagi ng pananaliksik.
3. Nailalahad ang kahalagahan ng pananaliksik bilang isang indibidwal.
4. Ang mga mag-aaral ay maghahanap ng mga halimbawa ng pananaliksik at tutukuyin ang mga
bahagi nito.
PANGKALAHATANG PAMPAGKATUTO:
A. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik. (F11PU-
IIg-88)
B. Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang
mga ideya sa isang sulatin. (F11WG – IIh – 89)
C. Matalakay ang kahulugan, katangian at kahalagahan ng pananaliksik sa wika at
kulturang Pilipino

33
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
1. Matalakay ang kahulugan, katangian at kahalagahan ng pananaliksik.
2. Maisa- isa ang mga tungkulin at pananagutan ng isang mananaliksik
3. Mailahad ang mga pamamaraan ng pagbubuo ng bawat bahagi ng pananaliksik.

SALOK- DUNONG

PANUTO: Piliin ang mga salitang may kaugnayan sa salitang pananaliksik pagkatapos ay
bumuo ng mahalagang kaisipan gamit ang mga salitang nabanggit.

Datos kritikal hypotesis teorya


Paksa oras balangkas buod eksperimentasyon
Prediksyon makatwiran orihinal

UNANG PAGTATASA
PANUTO: Sagutin and mga tanong para sa isang impormal na sarbey. Lagyan ng tsek ang kahon ng
iyong sagot o isulat o sa linya.
1. Ilang aklat ang nababasa mo sa loob ng isang taon?

1-3 5-6

4-5 10 o higit pa

2. Ano ang pamagat ng huling aklat na nabasa mo?

3. Tungkol saan ang aklat na ito?

4. Ilang oras ang nauubos mo sa internet araw-araw para sa mga bagay na walang kaugnayan sa
mga gawain mo sa paaralan? (Maaari sa paglalaro ng video games, panonood ng video sa
Youtube, paggamit ng social media atbp.)

34
0-1 4-6

2-3 7 o higit pa

5. Ano ang kadalasang ginagawa mo sa aklatan kapag pumupunta ka roon?

Nagbabasa o nanghiram ng aklat, magasin at dyaryo


Nakikipagkita sa kaibigan
Gumagamit ng internet

6. Kailan ka huling gumamit ng internet, hindi upang mag log-in sa Facebook, Instagram, Twitter
o maglaro ng video games, kundi maghanap ng impormasyon o magsaliksik tungkol sa isang
paksa?

Kahapon sa kasalukuyang lingo

Sa kasalukuyang buwan sa kasalukuyang taon

Ano ang PANANALIKSIK?

 Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap ng kasagutan sa isang makabuluhang


katanungan.
 Ito ay isang kritikal na pagsisiyasat tungkol sa suliranin na nangangailangan ng masusing
paghahanap, pagtatala, pagsusuri, at pagbibigay ng interpretasyon sa mga datos.
 Isang akademikong gawain na nangangailangan ng kasanayan sa mahusay na pagsasagawa
ng obserbasyon at eksperimentasyon.

Ano-Ano Ang Mga Katangian Ng Isang Pananaliksik?

1. Nakabatay sa mga datos mula sa mga obserbasyon o aktwal na karanasan


2. Sistematiko
3. Kontrolado
4. Gumagamit ng matalinong pagkukuro (hypothesis)

35
Hypothesis – ito ay isang matalinong prediksyon na inaasahan ng mananaliksik na makita o
mapatunayan.
5. Masusi ang pagsusuri at angkop ang proseso
6. Makatwiran at walang kinikilingan
7. Orihinal
8. Gumagamit ng mga mapagkakatiwalaang mga datos
9. Hindi minamadali

Layunin ng Pananaliksik

1. Tumuklas ng bagong kaalaman – ang mga bagong impormasyon ay nagiging kapaki-


pakinabang sa mga tao.
2. Magpatunay ng mga umiiral na teorya – sa tulong ng pananaliksik, maaaring kumpirmahin
ng bagong pag-aaral ang isang umiiral na katotohanan.
3. Makapagbigay ng bagong interpretasyon ang isang lumang impormasyon – maaaring gawan
ng inobasyon ang isang makalumang imbensyon.
4. Mabigyan ng linaw ang isang pinagtatalunang isyu – nabibigyan ng sapat na basehan kung
nakabubuti ba o nakasasama ang ilang mga pangyayari sa lipunan.
5. Mapatunayan ang bisa at katotohanan ng isang ideya – napatutunayan o naipaliliwanag nang
mabuti ang isang ideya na umiiral.

BAHAGI NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay binubuo ng limang (5) kabanata.

Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral


a. Introduksyon – ito ay naglalaman ng rasyonale o dahilan kung bakit isinagawa ang pag-aaral.
b. Paglalahad ng Suliranin – sa bahaging ito, ipinapahayag ang ibig pag-aralan tungkol sa paksa.
Ang paksa ng pananaliksik ang batayan sa pagbubuo ng suliranin.
c. Pala-palagay/Haypotesis – pagbibigay prediksyon sa maaaring tugon sa mga katanungan sa
pananaliksik.
d. Kahalagahan ng Pag-aaral – sa bahaging ito, iniisa-isa kung sino at paano sila makikinabang
sa pananaliksik.
e. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral – ito ay tumutukoy sa simula at hangganan ng
pananaliksik. Lokasyon at pook na pagdarausan ng pag-aaral gayundin ang populasyon kung
saan manggagaling ang mga kalahok.
f. Depinisyon ng mga Terminolohiya – binibigyan ng tiyak na pagpapakahulugan ang mga
salitang may malalalim at malalawak na konteksto.

36
Kabanata 2: Mga Rebyu ng mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
 Sa bahaging ito, inilalahad ang ilang mga impormasyon tungkol sa paksang tinatalakay.
 Hangga’t maaari ay ihiwalay ang mga lokal na literatura at pag-aaral sa banyagang literatura
at pag-aaral.
 Tukuyin kung sino ang may-akda o kung saan nagmula ang mga datos na nakalap.

Kabanata 3: Metodolohiya
a. Disenyo ng Pananaliksik – ito ay tumutukoy sa pamamaraang gagamitin sa pananaliksik
 Pamamaraang Palarawan (Descriptive Method)
 Pamamaraang Eksperimental (Experimental Method)
 Pamamarang Pangkasaysayan (Historical Method)
 Pag-aaral ng Kaso (Case Study)
b. Lokal ng Pag-aaral – inilalahad kung saang lugar idadaos o gagawin ang pag-aaral.
c. Pinagmulan ng Datos – ito ay tumutukoy sa mga respondente o tagatugon mula sa napiling
lugar ng pananaliksik.
d. Instrumentasyon – ang kaalaman sa pamamaraan at pangangalap ng datos ang magbibigay-
daan sa mga mananaliksik na matukoy ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik. (hal.
interbyu/panayam, sarbey-kwestyoner)
e. Paraan ng Pangangalap ng Datos – ito ay ang proseso o mga hakbang kung paano isasagawa
ang pananaliksik.
f. Tritment ng mga Datos/Istadistikang Paglalapat ng mga Datos – sa bahaging ito, inilalarawan
kung anong istatistikal na paraan ang gagamitin sa pananaliksik.

Kabanata 4: Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos


 Ito ay naglalaman ng mga natuklasan sa pag-aaral, mga sagot sa suliranin, ebalwasyon at
interpretasyon ng mga resulta ng isinagawang pananaliksik at mga literaturang pansuporta sa
ginawang interpretasyon sa mga nakalap na datos.
 Ang paglalahad ng datos ay maaaring sa pamamaraang tekstwal, tabyular at grapikal.

Kabanata 5: Buod, Konklusyon at Rekomendasyon


 Buod – pinagsasama-sama ang mga datos at mga impormasyong nakalap ng mananaliksik.
 Konklusyon – ito ay iniaayon sa suliraning nakalahad. Ibig sabihin, kung ilan ang suliranin
ay dapat gayundin ang bilang ng konklusyon.
 Rekomendasyon – ang bahaging ito ay nakabatay sa konklusyon. Maaaring banggitin ang
mga kakulangan sa isinagawang pag-aaral, mga obserbasyon sa ginawang pag-aaral at
pagbibigay ng mungkahi para sa mga susunod na mananaliksik.

37
PAGPILI NG PAKSA

 Ang paksa ay ang pangunahing ideya na nagbibigay-daan sa takbo ng isinasagawang


pananaliksik.
 Ito ay nararapat na pinag-isipang mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuri upang
matiyak na makabubuo ng isang makabuluhang sulatin.

Mga Bagay na Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa

PAGSULAT NG PAMAGAT

 Ang isang pananaliksik ay kailangang magkaroon ng mahusay na pamagat. Ang pagbuo nito
ay nangangailangan ng pagsasaalang-alang ng mga sumusunod na salik:

Akronim na SMART

a. Tiyak (Specific) – ang pamagat ng pananaliksik ay nakatuon sa isang tiyak na paksa


lamang upang higit na magiging malinaw ang daloy ng pag-aaral na gagawin.
b. Madaling Masukat (Measurable) – ang isang pamagat ng pananaliksik ay
kakikitaan ng mga pahiwatig kung ano ang susukatin o sosolusyunan at paano
masusukat ang isang pag-aaral.
c. Maisasagawa (Attainable) – sa pamagat pa lamang ay makikita na realistiko o
makatotohanan ang gagawing pag-aaral.
d. Mapapakinabangan (Reliable) - ang pamagat ng pananaliksik ay inaasahang
makapagbigay ng bagong kaalaman o ‘di kaya ay solusyon sa isang suliranin.
e. Kayang gawin sa itinakdang oras (Time-bound) – sa pamagat pa lamang ay
makikita ang kapasidad ng mananaliksik na ito ay magagawa batay sa itinakdang
panahon o palugit.

38
“Maraming maibubungang mabuti ang pananaliksik sa pagtugon sa mga suliranin at katanungan
sa isip.”

YUGTO NG PAGKATUTO

PANUTO: Magsaliksik ng isang thesis o pamanahong papel. Maaari mo ring gamitin ang mga
nagawa mong pananaliksik. Pagkatapos, ibigay ang hinihingi ng kahon sa ibaba

BAHAGI NG PANANALIKSIK NILALAMAN


Pamagat/ Titulo
1. Rasyonal at Kaligiran ng pag- aaral
(buod)

2. Paglalahad ng Suliranin

3. Layunin at kahalagahan ng Pag-


aaral

4. Rebyu at Kaugnay na Literatura

5. Teoretikal na Gabay at Konseptwal


na Balangkas

39
LUSONG KAALAMAN

Isulat sa TALADERNO: DUGTUNGAN TAYO!

Ang kahalagahan ng pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino ay ___________________


________________________________________________________________________________
_______________________________________.

40
PAKSA: Pagpapatupad ng Online Class

HULING PAGTATASA:

TAMA o MALI: Isulat ang iyong seksyon kung TAMA ang nasabing pahayag at kung MALI,
isulat ang iyong Strand

__________ 1. Ang rekomendasyon ay iniaayon sa suliraning nakalahad.

__________2. Sa Kabanata 4 , inilalahad ang ilang mga impormasyon tungkol sa paksang


tinatalakay. Hangga’t maaari ay ihiwalay ang mga lokal na literatura at pag-aaral sa banyagang
literatura at pag-aaral.
__________3. Sa lokal ng Pag-aaral naman inilalahad kung saang lugar idadaos o gagawin ang pag-
aaral.
__________4. Ang pinagmulan ng datos ay tumutukoy sa mga respondente o tagatugon mula sa
napiling lugar ng pananaliksik

__________5. Ang tritment ng mga datos/istadistikang paglalapat ng mga datos ay inilalarawan


kung anong istatistikal na paraan ang gagamitin sa pananaliksik

__________6. sa metodolohiya nakapaloob ang mga disenyo ng pananaliksik, lokal ng pag-aara,l


pinagmulan ng datos, instrumentasyon, paraan ng pangangalap ng datos tritment ng mga
datos/istadistikang, paglalapat ng mga datos.
__________7. ang pananaliksik ay isang matalinong prediksyon na inaasahan ng mananaliksik na
makita o mapatunayan.
__________8. sa kahalagahan ng pag-aaral ay iniisa-isa kung sino at paano sila makikinabang sa
pananaliksik
__________9. Ang instrumentasyon ay ang kaalaman sa pamamaraan at pangangalap ng datos ang
magbibigay-daan sa mga mananaliksik na matukoy ang instrumentong gagamitin sa pananaliksik
__________10. Ang lokal ng pag-aaral ay inilalahad kung saang lugar idadaos o gagawin ang pag-
aaral

41
MODULE 5:
Paghahanda Ng Tentatibong
Bibliograpi

Pangalan:
Seksyon at Strand:
Guro:

42
LAGOM NG KASANAYANG PAMPAGKATUTO

INTRODUKSYON SA
IKALIMANG KASANAYANG PAGKATUTO
AKADEMIKONG PAGSULAT
● Pangalan ng May-akda/Awtor
● Pamagat ng kanyang isinulat
● Impormasyon ukol sa pagkakalathala
a. Mga naglimbag/pangalan ng
palimbagan
b. Lugar at taon ng F11PB – IIg – 97
pagkakalimbag
c. Pamagat ng aklat
d. Ilang mahahalagang tala ukol
sa nilalaman

PAGTATAYA:
1. Paglilista ng mga nobela at pelikula upang sukatin ang memorya at sipag ng mga mag-aaral sa
pagtatala.
2. Pagsagot ng mga gabay na tanong na may kaugnayan sa gawain
3. Paghahanap ng mga datos sa magasing, radyo o tv, libro, internet
4. Naibabahgi ang kahalagahan ng sistematikong paggawa ng bibliograpi
5. Sasagot ang mga mag-aaral batay sa pagsusulit na ginawa ng guro.

PANGKALAHATANG PAMPAGKATUTO:
A. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagpili ng paksa.
B. Natutukoy ang mga impormasyong kailangan sa bibliograpi.
C. Nakagagawa ng isang tentatibong bibliograpi tungkol sa paksang napili
D. Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino . (F11PB
– IIg – 97)

43
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
A. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagpili ng paksa.
B. Natutukoy ang mga impormasyong kailangan sa bibliograpi.
C. Nakagagawa ng isang tentatibong bibliograpi tungkol sa paksang napili.

SALOK- DUNONG

PANUTO: Marami ka na bang nabasang kwento, artikulo o napanood na prokula? Natandaan mo


pa ba ang mga ito? Ngayon, itala ang mga ito sa tsart.

Mga Napanood kong Pelikula Mga Nabasa kong Nobela

1. Naging madali ba sa iyo ang pag- alala ng mga nabasa at napanood? Bakit?

2. Kung gusto mong matandaan at maalala ito, ano ang pinakamabisang gawin? Ipaliwanag.

3. Naging mapanuri ka ba sa mga nabasa at napanood mo?

4. Alam mo ba ang sistematikong paraan ng pagsasaayos ng mga nakalap mong datos o


impormasyon para sa iyng isusulat na pananaliksik? Itala ang mga ito.

UNANG PAGTATASA

Isaayos ang gulo-gulong letra, pagkatapos ibigay ang kahulugan ng mga salita. Isulat ang kasagutan
sa sagutang papel.

1. NADSAREPM
2. GLOB
3. RULANOJ
4. NMSIGA
5. OEIALKDYRP

44
BIBLIOGRAPHIYA

Ang paggawa ng bibliograpiya o talasanggunian ay isang kasanayang susubok sa sipag,


tiyaga, at katapatan ng isang mananaliksik. Ang magandang balita sa panahon ngayonay marami ng
websites na tumutulong sa mga mananaliksik upang gumawa ng kanilang bibliograpiya. Layunin
nilang mapagaan ang mga gawain ng mga mananaliksik at mabigyan ng tamang kredito ang
pinagmulan ng mga impormasyon.

Habang nangangalap ka ng impormasyon o datos para sa iyong gagawing pananaliksik,


siuraduhing naihanda mo na rin ang bibliograpiya o talagsanggunian ng isang pananaliksik o aklat
sapagkat ito ay isa sa katibayan ng pagiging makatotohanan ng pananaliksik o aklat na ginawa. Sa
pagsulat ng bibliograpiya o talasanggunian, mahalagang makuha ang pangalan ng may-akda,
pamagat ng aklat o artikulo, lugar kung saan ito nailathala tagapaglathala, taon kung kailan ito
nailathala.

May iba’t ibang paraan ng pagsulat ng bibliograpiya:

1. APA o American Psychological Association


2. CMS o Chicago Manual of Style.

PAGHAHANDA NG TENTATIBONG BIBLIOGRAPI

 Ang bibliograpiya/bibliograpi ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat,


artikulo, report, peryodiko, magasin, web site at iba pang nalathalang materyal na ginamit.

 Para sa epektibong pananaliksik, mahalaga ang paggamit ng mga aklat at Internet.

 Maging maingat at suriing mabuti ang mga talang makukuha sa Internet sapagkat maraming
impormasyon mula rito ang kaduda-duda o minsan ay walang katotohanan.

 Makatutulong ang paghahanda ng kard ng bibliograpiya para sa bawat sanggunian. Ito’y


maaaring isang 3’’ x 5’’ na index card na kakikitaan ng mga sumusunod na impormasyon:

Pangalan ng May-akda/Awtor
Pamagat ng kanyang isinulat
Impormasyon ukol sa pagkakalathala
a. Mga naglimbag/pangalan ng palimbagan
b. Lugar at taon ng pagkakalimbag
c. Pamagat ng aklat
d. Ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman

45
Halimbawa:

Aklat

Artikulo/Magasin

Internet

Mga Dapat isaalang alang sa Pagsulat ng Talasanggunian

1. Mahalagang makuha ang pangunahing impormasyongaya ng pangalan ng may- akda, pamagat, at


aklat o artikulo, lugar ng publikasyon, tagapaglthala, at ang taon kung kailan ito nailimbag.
2. Isaayos ito ayon sa alpabeto sa tulong ng apelyido ng mga manunulat
3. Ilagay ito sa hulihang bahagi ng aklat o ng pananaliksik
4. Kanakailangang nakapasok ang ikalawa o sumunod na linya ng sanggunian sa pagsulat nito.
5. Sa pagsulat ng pangalan ng may- akda, unang isulat ang apelyido ng may-akda.
6. Isaalang-alang ang wastong bantas sa bawat bahagi.

46
Paraan ng Pagsulat ng Bibliograpiya ng Iba’t Ibang Sangunian

Sa paggawa ng bibliyograpiya o talasanggunian, mahalagang makuha ang sumusunod na


mga impormasyon.

Chicago APA
 Ihanay ang tatlong pangkat ng impormasyon  Ihanay ang tatlong pangkat ng impormasyon
(may-akda, pamagat, at tala ng (may-akda, pamagat at tala ng publikasyon)
publikasyon).  Unahin ang apelyido at susundan ng unang
 Unahin ang apelyido, buong unang pangalan letra n unang pangalan at gitnang apelyido
at gitnang apelyido ng may-akda. ng may-akda
 Isulat nang buo ang pamagat ng aklat  Isulat ang taon ng publikasyon sa loob ng
maging ang subtitle. parenthesis.
 Paghiwalayin ang tuldok ang tatlong  Isulat nang buo ang pamagat ng aklat
pangkat ng impormasyon. maging ang subtitle.
 Paghiwalayin ng tutuldokang lugar ng  Paghiwalayin ng tuldok ang tatlong pangkat
publikasyon at publisher ng impormasyon.
 Paghiwalayin ang publisher at taon ng  Naka-italicize ang pamagat ng aklat.
publikasyon  Ginagamitan ito ng hanging indention.
 Naka-italicize ang pamagat ng aklat
 Ginagamitan ito ng hanging indention.

Kung isa lamang ang may akda

Chicago APA
Geronimo, Jonathan V. Komunikasyon at Geronimo, J.V. (2016) Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Queszon City: Rex Book Store, 2016 Queszon City: Rex Book Store.

Kung dalawa ang may-akda


Chicago APA
Geronimo, Jonathan V. at Jayson D. Petras. Geronimo, J.V. & Petras, J.D. (2016).
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Queszon City: Rex Kulturang Pilipino. Queszon City: Rex
Book Store, 2016 Book Store.
Pansinin na sa pagsulat ng ikalawang Pansinin na sa pagsulat ng una at ikalawang
pangaan ay isinusulat nang buo at nauuna na ang pangalan ay mahkatulad lamang ang pormat na
pangalan kaysa sa apelyido. Gumamit din ng ginamit. Gumamit ng “&” (ampersand) sa
“at” sa pagitan ng dalawang pangalan ng may- pagitan ng dalawang pangalan ng may-akda.
akda

47
Kung higit sa dalawa ang may-akda:

Chicago APA
Geronimo, Jonathan V., Jayson D. Petras at Geronimo, J.V., Petras, J.D., & Taylan D.
Dolores, R. Komunikasyon at Pananaliksik (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa
sa Wika at Kulturang Pilipino. Queszon Wika at Kulturang Pilipino. Queszon City:
City: Rex Book Store, 2016 Rex Book Store.
Pansinin na sa pagsulat ng ikalawang Pansinin na sa pagsulat ng una at ikalawang
pangaan ay isinusulat nang buo at nauuna na ang pangalan ay mahkatulad lamang ang pormat na
pangalan kaysa sa apelyido. Gumamit din ng ginamit. Gumamit ng “&” (ampersand) sa
“at” sa pagitan ng dalawang pangalan ng may- pagitan ng dalawang pangalan ng may-akda.
akda
Kapag higit sa tatlo ang may-akda isinusulat lahat ng pangalan at hindi ginagamitan ng
“et.al”(salitang Latin para sa “at iba pa.).

Peryodikal. Tumutukoy ito sa anunmang publikayson na lumalabas nang regular. Narito ang mga
impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay peryodikal:
A. Pangalan ng may-akda
B. Pamagat ng artikulo
C. Pangalan ng peryodiko
D. Bilang ng bolyum
E. Bilang ng isyu
F. Petsa
G. Mga pahina ng buong artikulo

Chicago APA
 Ihanay ang tatlong pangkat ng impormasyon  Ihanay ang tatlong pangkat ng impormasyon
(may-akda, pamagat, at tala ng publication) (may-akda,pamagat, at tala ng publikasyon)
 Unahin ang apelyido ng may-akda  Unahin ang apelyido at sundan ng initials ng
 Paghiwalayin ng tuldok ang tatlong pangkat may-akda.
ng impormasyon.  Isulat ang taon ng publikasyon sa loob ng
 Ilagay sa panipi ang pamagat ng artikulo parenthesis
 Naka-italicize ang pamagat ng peryodikal  Isulat nang buo ang pamagat
 Nakaparentesis ang taon at petsa.  Paghiwalayin ng tuldok ang tatlong pangkat
 Inilalagay rin ang tomo o volume at bilang ng impormasyon.
ng isyu. Kung minsan hindi nakalagay ang  Naka-italicize ang pamagat ng peryodikal
tomo at bilang.  Inilalagay rin ang tomo at volume at bilang
ng isyu at paghiwalayin ito ng kuwit.
 Ginagamitan ito ng hanging indention.

48
Journal. Ito ang peryodikal na lumalabas sa akademikong komunidad.
Chicago APA
Del Rosario, Mary Grace C. “Wikang Filipino.” Del Rosario, M.G. (2010) Wikang Filipino.
EJ Forum 4 (Agosto 2010): 1-16. El Forum 4 (Agosto 2010): 1-16.

Magasin. Ito ang peryodikal para sa publiko


Chicago APA
Bennet, Dahl D. “Coming Clean” Working Bennet, D.D.(October 2012) “Coming Clean”
Mom, October 2012, 107 Working Mom, 107

Pahayagan. Ito ang peryodikal na araw-araw lumalabas


Chicago APA
Beigas, Leifbilly. “Publiko kinondisyon na sa Beigas, L.(October 19, 2015) “Publiko
disqualification ni Poe?” Bandera, October kinondisyon na sa disqualification ni
19, 2015 Poe?” Bandera, p.2

Di Nakalathalang Sanggunian
Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay hindi
nakalathala:
A. May-akda
B. Pamagat
C. Anyo ng manuskrito
D. Impormasyon tungkol sa pinagmulan at lokasyon ng sanggunian
E. Petsa ng pagkasulat
Chicago APA
Del Rosario, Adeian Paolo. “Harmful Effescts of Del Rosario, A.P. (2008) “Harmful Effescts of
Computer Games to Teenage Students” Di- Computer Games to Teenage Students” Di-
nakalimbag na manuskrito. Nasa pag-iingat nakalimbag na manuskrito. De La Salle
ng may-akda.2008. University, Dasmarinas.

Di Limbag na Batis

Pelikula. Kilala rin bilang sine o pinilakang tabing na nililikha sa pamamagitan ng pagrekord sa
tulong ng kamera. Narito ang mga impormasyon isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian
ay pelikula.

A. Manunulat, direktor, o prodyuser


B. Pamagat
C. Pangunahing artista
D. Kompanyang nag-prodyus

49
E. Taon ng pagpapalabas
Chicago APA
Quintos, Rory B,.direktor. Anak. Kasama sina Quintos, R.B., (direktor).(2000) Anak. Kasama
Vilma Santos at Claudine Barreto. Star sina Vilma Santos at Claudine Barreto. Star
Cinema, 2000 Cinema.

Pograma sa Telebisyon at Radyo. Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya


kung ang sanggunian ay mula sa programa sa telebisyon o radio:
A. Pamagat ng segment, serye, o programa
B. Prodyuser, direktor, manunulat, o artista
C. Broadcasting corporation
D. Petsa
Chicago APA
Soho, Jessica. “Mathinik na Bulilit.” Kapuso Soho, J. (Writer), & Collado, A. (Director).
Mo, Jessica Soho. Jessica Soho, (October 18, 2015) “Mathinik na Bulilit.”
tagapagdaloy ng programa. GMAT, October Kapuso Mo, Jessica Soho. Jessica Soho,
18, 2015 tagapagdaloy ng programa. GMAT.

Web Site. Narit ang mga impormasyong ininasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay mula
sa website:
A. May-akda
B. Petsa ng publikasyon
C. Pamagat ng artikulo
D. Pinanggalingang URL

Chicago APA
Clinton, Jerome W. “The Tragedy of Sohrab Clinton, J.W. (2014, December 5 ) The Tragedy
and Rosram.” December 5, 2014, galing sa of Sohrab and Rosram.galing sa
http://www.heritageinstuitute.com/zoroaria http://www.heritageinstuitute.com/zoroariani
nism/shahnameh sm/shahnameh

Blog. Ito ay pang katawagan o pinaiksing salita para sa weblog at ito rinay websayt na parang
taalarawan. Narito ang mga ipormasyong isinasama sabibliyograpiya kung ang sanggunian ay mula
sa blog:
A. May-akda (kunghindi nakalagay ang pangalan ng may-akda, maaaringscreen name lamang ang
ilagay)
B. Petsa ng publikasyon, Pamagat ng artikulo (Pansining hindi naka-italicize)
C. Pinangalingang URL

50
Chicago APA
Pamintuan, Ma. Celina M. “Tara na! Dito sa Pamintuan, M. (March 17, 2014) Tara na! Dito
Pilipinas” (blog). March 17, 2014, sa Pilipinas. galing sa
http://kaygandangpilipinas.weebly.com http://kaygandangpilipinas.weebly.com

Nayon ay natutunan mo na ang kahulugan ng bibliyograpiya at paraan ng pagsulat nito


bilang bahagi ng pananaliksik. Inaasahan ko na naunawaan mo ang iyong binasa.

YUGTO NG PAGKATUTO

Pangalan: Petsa:
Taon at Pangkat: Guro:
Marka: _____/100

Panuto: Kumuha ng ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino gamit ang
notecard o index card sa ibaba. Bigyang-pansin ang mga bagay na dapat isaalang alang sa pagsulat
ng pansamantalang bibliograpiya. Pumili ka kung anong estilo ang iyong gagamitin.

Radyo o TV

Magasin

Libro

51
Internet

LUSONG KAALAMAN:

Isulat sa TALADERNO:
Bilang mananaliksik, ano ang kahalagahan ng sistematikong paggawa ng bibliograpi?

52
PAKSA: Pagpapatupad ng Online Class

HULING PAGTATASA:

I. PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot.


_____1. Ano ang hindi ginagamit sa bibliograpiya ng aklat
A. Pahina
B. Lokasyon
C. Pamagat
D. Internet address
_____2. Ano ang nakapaloob sa bibliograpiya?
A. Tungkol sa Bibliya
B. Listahan ng mga paghahanguan ng impormasyon ng gagamitin sa pananaliksik
C. Listahan ng mga datos na ginamit
D. Listahan ng mga taong kinausap
_____3. Saan nakikita ang bibliograpiya sa isang pananaliksik?
A. Una
B. Gitna
C. Index card
D. Dulo ng pananaliksik
_____4. Alin ang wala sa tala ng sanggunian mula sa internet?
A. Pamagat
B. Lokasyon
C. Internet address
D. Petsa kung kailan inilabas ang artikulo
______5. Pagkatapos gamitin ang internet at aklat sa paghahanap ng mga materyal na pwede
gamitin sa papel na pananaliksik saan ito inilalagay

A. Note card
B. Index card
C. Report card
D. Note pad

II. TAMA O MALI


PANUTO: Suriin mo ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang kahon bago ang bilang kung ito ay
tama at (X) kung hindi.

1. Hindi mahalaga ang kawastuhan ng bantas kung ito ay makagugulo lamang.


2. Matatagpuan ang bibliograpiya sa unahang bahagi ng sulating pananaliksik
3. Nakaayos ang mga ito nang paalpabeto ayon sa pamagat ng mga sanggunian.

53
4. Isinusulat ang pangalan ng may- akda nang nauuna ang pangalan at sinusundan ng
apleyido.
5. Ginagawa lang ang bibliograpiya kung ang sanggunian ay aklat o pahayagan

54
TALASANGGUNIAN

Website

Mga Konseptong Pangwika


https://www.scribd.com/document/474032727/Komunikasyon11-Q1-Mod2-KonseptongPangwika-
Monolingguwal-1-version-3

Introduksyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


https://www.scribd.com/document/492766665/Kom11-Q2-Mod7-Introduksyon-sa-Pananaliksik-sa-Wika-at-
Kulturang-Pilipino-v4

Rosarie Orito
Kulturang Popular
https://www.academia.edu/23725241/Ano_Ang_Kulturang_Popular

Joeham Lahibon
Ano ang Kulturang Popular?
https://www.academia.edu/23725241/Ano_Ang_Kulturang_Popular

Arlene Marie Amurao Carreon


https://www.scribd.com/document/470954544/MODULE-1-KOMUNIKASYON-AT-
PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG-PILIPINO-docx

Libro

Jose Arrogante
2012
Quad Alpha Centrum Bldg.125 Pioneer St. Mandaluyong City 1550
UGNAYAN: Komunikasyon sa Akademikong Filipino

55

You might also like