Tvi Video Lesson Script Filipino 2 - Week 1

You might also like

You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ABRA

CONTEXTUALIZED VIDEO LESSON/ TV-BASED INSTRUCTION SCRIPT

EPISODE: ______
LEARNING AREA: FILIPINO
GRADE LEVEL: II
LESSON: Nagagamit ng Wasto ang Pangngalan
LENGTH: ____________(MINUTES)
Learning Objective: Nagagamit ng wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay at pangyayari.
Nagagamit ang pangngalan ng tamas a pangungusap.
LC Code: _________________________________________________

Running Time Parts (Bahagi ng Script) Spiel


(give the specific
time by
seconds/minutes)
e.g. 00.00
8 seconds Program ID The video editor/ creator plays the program ID video graph/clip with the
Music sustain Up and fade Under SILNAG theme song as the music bed.
(SILNAG Music) / video graph
20 seconds Self-introduction, opening greeting Magandang araw sa mga mahal kong mag-aaral ng ikalawang baitang!
Ako si teacher Limleth Aira L. Dapit, ang maghahatid sa inyo ng Aralin
sa Filipino 2. Siguruhin ninyong nasa isang lugar kayo ngayon na
maayos at sana ay nasa mabuti kayong kalagayan upang making at
aktibong makisali sa mga gawain natin sa araw na ito.
10 seconds Motivation Ngayon, siguruhin ninyo na may hawak kayong panulat, sulatang
papel at ang inyong worksheet sa Filipino 2 tungkol sa Nagagamit ng
Wasto ang Pangalan. Pwede na ba tayong magsimula?
10 seconds Introduction of the Lesson and Mga bata handa na ba kayong manood at making sa ating talakayan?
Giving of the Motive Question Sa puntong ito ay kailangan ko ang inyong konsentrasyon sa pakikinig
habang sinasabayan ninyo ako sa pagbabasa sa mga salitang nasa
kahon.
Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari
Gng. Cruz Lapis Aso Abra Kaarawan
Lolo Kopiko Blaki Paaralan Begnas Festival
Guro Sapatos Palaka Kusina Piyesta
Pulis Adidas Pusa Sagakat Pasko
ate mesa manok simbahan Buwan ng Wika

Oh, nasabayan niyo baa ko sa pagbabasa mga bata? Magaling!


Magaling! Palakpakan ang inyong mga sariling kung ganon.

20 minutes Discussion of the Lesson Ang mga salita na nasa loob ng kahon na ating binasa ay tinatawag na
pangngalan. Sa puntong ito, nais kong unawain natin ang mga
pangngalan sa loob ng kahon. (Pause)
Sa palagay ninyo, ano ang ibig sabihin ng pangngalan?

Tumpak! Ang pangangalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o


pangyayari.

Alam niyo ba mga bata na ang pangngalan ay may dalawang uri? Ito
ay ang Pangalang Pantangi at Pangalang Pambalana.

TV-based Instruction/Video Lessons by rtmarquez,EPS-LRMS -Page 1 of 4

Address: Actividad-Economia St., Zone 2, Bangued, Abra ISO 9001:2015 Certified


Telephone No.: (074)614-6918 Quality Management System
Website: http://www.depedabra.com CRN 50500994 QM15
E-mail: abra@deped.gov.ph
Accelerating and Bolstering Responsive Education that Nurtures Inspired and Outstanding LEARNERS. . . #ServingYOUwithaHeart
Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ABRA

Ang Pangngalang Pantangi ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao,


bagay, hayop, lugar o pangyayari.
Narito ang mga halimbawa. Maari ba ninyong basahin?

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari


Mariya Samsun Blaki Abra Provincial Kawayan
g Hospital Festival
G. Palaso Dora
Monggol Bangued Araw ng
Kalayaan

Magaling ang inyong pagbabasa! Ano ang inyong napansin sa


panimulang titik ng bawat Pangalang Pantangi?

Tama na naman ang inyong sagot! Ang mga Pangalang Pantangi ay


nagsisimula sa malaking titik.

Ngayon, basahin naman ninyo ang mga halimbawa ng Pangalang


Pantangi na ginamit sa pangungusap.
1. Si Mariya ay kumakain ng taho.
2. May limang anak ang aso kong si Dora.
3. Ako ay nakatira sa Amtuagan, Tubo, Abra.
4. Ang selpon ni mama ay Samsung.
5. Masaya tuwing Kawayan Festival lalo na at maraming
paninda na pagkain at damit.
Ang pangalawang uri ng pangngalan ay ang Pangangalang
Pambalana.
Ang Pangngalang Pambalana ay tumutukoy sa pangkalahatang
ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
Narito ang ilang halimbawa ng Pangngalang Pambalana. Basahin.

Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari


guro lapis aso barangay pista

tatay selpon manok bukid kaarawan

Magaling! Pansinin ang bawat salita sa kahon, paano naman


nagsisimula ang mga Pangalang Pambalana?

Tama! Nagsisimula ang mga ito sa maliit na titik.

Ngayon naman mga bata, sabayan niyo ult ako sa pagbabasa sa mga
halimbawa ng Pangngalang Pambalana na ginamit sa pangungusap.

1. Ang guro naming ay napakasipag.


2. May alaga akong putting pusa sa bahay.
3. Ang damit ni ate ay malinis at mabango.
4. Ang barangay naming ay payapa.
5. Ang pista sa amin ay napakasaya.
Magaling ang inyong pagbabasa!
TV-based Instruction/Video Lessons by rtmarquez,EPS-LRMS -Page 2 of 4

Address: Actividad-Economia St., Zone 2, Bangued, Abra ISO 9001:2015 Certified


Telephone No.: (074)614-6918 Quality Management System
Website: http://www.depedabra.com CRN 50500994 QM15
E-mail: abra@deped.gov.ph
Accelerating and Bolstering Responsive Education that Nurtures Inspired and Outstanding LEARNERS. . . #ServingYOUwithaHeart
Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ABRA

2- 3 minutes Comprehension check- up, Concept Ngayon natapos na nating talakayin ang tungkol sa paggamit ng wasto
Formation/Generalization sa pangngalan. Natitiyak kong handa na kayong sagutin ang mga
pagsasanay sa inyong worksheet.

Pero bago iyan, ano nga ulit ang ibig sabihin ng pangalan?

Tumpak! Ang pangalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o


pangyayari.

Ano naman ang ibig sabihin ng Pangalang Pantangi? (PAUSE)


Tama na naman ang inyong sagot! Ang Pangngalang Pantangi ay
tumutuloy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari
at nagsisismula ito sa malaking titik.

Ang ibig sabihin naman ng Pangngalang Pambalaba ay?

Tama! Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay,


hayop, lugar o pangyayari at ito ay nagsisimula sa maliit na titik.
20 seconds Reminders and Closing statement Sa puntong ito, binabati ko kayo mga bata dahil natapos na naman
natin ang aralin at mga gawain sa araw na ito. Natitiyak kong handa na
kayong sagutin ang mga pagsasanay sa inyong worksheet. Galingan
niyo ha!

Laging tandaan na sa anumang hamon ng buhay walang imposible


kung ang ating Panginoon ang magsilbi nating gabay. Mag-aral ng
Mabuti dahil ito ang isang susi upang magkaroon ng magandang
kinabukasan.

Muli, ako si Teacher Limleth Aira Dapit, ang inyong guro sa Filipino 2.
Stay safe and always be healthy. Paalam!
8 seconds Music sustain Up and fade Under The video editor/ creator plays the program ID video graph/clip with the
(SILNAG Music)/ video graph SILNAG theme song as the music bed
At least 26 minutes Total -End-
By:
_______________________
Name of the Teacher
Video Lesson/ TVI Lesson Creator
Position: ______________
School/ District: _________________________
Contact Number: ________________________

TV-based Instruction/Video Lessons by rtmarquez,EPS-LRMS -Page 3 of 4

Address: Actividad-Economia St., Zone 2, Bangued, Abra ISO 9001:2015 Certified


Telephone No.: (074)614-6918 Quality Management System
Website: http://www.depedabra.com CRN 50500994 QM15
E-mail: abra@deped.gov.ph
Accelerating and Bolstering Responsive Education that Nurtures Inspired and Outstanding LEARNERS. . . #ServingYOUwithaHeart
Republic of the Philippines
Department of Education
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ABRA

TV-based Instruction/Video Lessons by rtmarquez,EPS-LRMS -Page 4 of 4

Address: Actividad-Economia St., Zone 2, Bangued, Abra ISO 9001:2015 Certified


Telephone No.: (074)614-6918 Quality Management System
Website: http://www.depedabra.com CRN 50500994 QM15
E-mail: abra@deped.gov.ph
Accelerating and Bolstering Responsive Education that Nurtures Inspired and Outstanding LEARNERS. . . #ServingYOUwithaHeart

You might also like