You are on page 1of 911

My Husband is a Mafia Boss (Season 2)

by YanaJin

******Please read Season 1 before this :)******

<3

=================

My Husband is a Mafia Boss (Season 2)

Please do read the Season 1 before this :)

Syempre Season 2 na to eh :)

=================

Chapter 1

Aemie's PoV

"Don't you have plans of going home, wife? Damn. It's nearly two in the morning"

"Sige Zeke una ka na may binabasa pa ko eh." Hawak-hawak ko ang isang folder kung
saan naka-compile lahat ng mga dapat i-review na mga agreements from different
clients from different companies. Nakakaramdam na din ako ng pananakit ng likod at
leeg dahil mula umaga hanggang gabi ganito ang ginagawa ko. Hayyy.

"Tss. As if I can do that."

Simula ng ikasal kamini Zeke ay nag-merge na din ang company ng Ferrer at Roswell.
Kaya yung dating sobrang daming trabaho na ginagawa ni Zeke,
"Wife"

Ngayon, mas sobra pa sa sobra. Pati mga meetings sunod-sunod. Ipinaubaya na kasi sa
aming dalawa ni mommy at daddy ang lahat ng negosyo ng Heartily at Ferrer.

Kaya tatlo ngayon ang inaasikaso namin. Ang sa Roswell, Heartily na minana ni mommy
sa mga magulang nya at ang pagmamay-ari ni daddy na Ferrer.

-Flashback-

“Guess what baby Ae? May surprise kami sa inyo ng daddy mo” Tuloy-tuloy pa din
akong kumakain pero nakatingin ako kay mommy dahil sa sinabi nya. Surprise? “Hindi
naman po namin birthday ah, bakit may surprise” Saka ang pagkaka-alam ko magkaiba
kami ng birthday ni Zeke.

“Hahaha. Then take it as a gift, a wedding gift” Sabi naman ni daddy.

Wedding gift? E naka-isang linggo na simula nung kinasal kami ni Zeke. Hindi na
lang muna ako nagsalita at nag-antay pa ng sasabihin nila mommy at daddy. “We’re
giving you our companies. All the Ferrer’s businesses, including all the properties
of the Heartilys. Ferrer and Roswell are the top 1 and 2 biggest companies, and
since mag-asawa naman na kayo, it would be better if magme-merge na lang ang
dalawa. What do you think?” Nakangiting tanong ni mommy.

Naibaba ko ang hawak kong kutsara at tinidor dahil sa sinabi nya. Tinignan ko muna
si Zeke na natigilan din sa pagkain at nakatingin sa akin. “Sigurado po ba kayo sa
sinasabi nyo mommy? P-pero—“
Ngumiti si daddy at mommy sa aming dalawa ni Zeke. “Daughter, tama ang mommy mo.
Habang bata ka pa, maganda yung alam mo na lahat ng gagawin sa Company”

“L-l-lahat po?” Gulat na gulat na tanong ko. Nagkatinginan muna si mommy at daddy.
At saka humarap sakin at nakangiting tumangong sabay. Hindi ba parang hindi naman
tama yon?

Yung kaming dalawa ni Zeke ang gagawa lahat?

-Imagination-

"Dong! Tapos ko na linisan ang First floor. Second, third, fourth" *punas ng
sobrang daming pawis*

Tagaktak nadin ang pawis ni Zeke habang hawak-hawak ang mop at isang baldeng tubig.
"I am done cleaning the remaining floors" Pinunasan nya ang pawis nya sa noo gamit
ang sleeves ng suot nyang white long sleeves na hindi na kulay white dahil puro
mantsa na.

Sabay kaming huminga ng malalim at napasandal sa pader ng building. “May dalawang


company pa tayong hindi nalilinis dong”

“Yeah”
Mabilis kaming nagkatingin ni Zeke nung makarinig kami ng sunod-sunod na ring ng
mga telepono. “Waaaa ako na dong, mag change costume ka na” Tumango naman sya at
agad na kinuha ang uniform ng guard.

-After 1 hour-

"Dong yung meeting" Hingal na hingal na sabi ko. Kakagaling ko lang sa baba dahil
nag-scan, print at fax ako ng mga papers.

"Dong?" Nasan na yun!

"ZEKE!!!!"

"Don't shout! Inayos ko lang yung mga sirang tubo sa comfort room." Tinignan ko si
Zeke mula ulo hanggang paa. At waaaa! Mukha na syang pulubi. Basang basa ang damit
nya at puro kalawang at dumi.

Huhuhuhu. "Maglilinis na ako ng kabilang company dong. Umattend ka na ng meeting"

"Alright." Tumalikod na sya at naglakad papasok ng conference room. Waaaa! Aattend


sya ng meeting ng mukhang pulubi?

-End of Imagination-
“Waaa teka naman mommy at daddy hindi naman po ako payag na ganon, madaming
mawawalan ng trabaho, sayang naman yung mga matagal ng nagtatrabaho kung saamin
dalawa nyo lang ni Zeke ipapaubaya ang—“

“I understand, mom, dad” WHAT?!

“Teka muna po mommy at daddy ha?” Hinila ko agad si Zeke palayo kanila mommy at
daddy saglit para kausapin. “Dong! Alam mo ba mga sinasabi mo? Pa I understand, I
understand ka pa, sigurado ka bang kaya nating dalawa lahat ng gagawin dun? Tatlong
company yun dong, tatlo!!” Paliwanag ko.

“Yeah”

Waaaaa? “Yeah?!”

“Baby Ae? May problema ba?” Nilingon ko si mommy at daddy na nakatingin sa aming
dalawa ni Zeke

“None mom, maybe she just need some rest”


“Dong!”

“Alright, wife we’ll take a rest. I’m sorry mom, dad. I really need to take her
upstairs.” Ngumiti naman si mommy at daddy. Aangal pa sana ko pero bago pa ako
makapag salita ay nagpaalam na din sila.

“Have a goodnight baby Ae” Lumapit sa akin si mommy at humalik sa pisngi ko. Ganun
din naman si daddy. “Goodnight my daughter”

Naglakad na palayo sila mommy at daddy “Per---“ Waaaaa! Pipigilan ko sana sila
mommy pero hinila na din ako ni Zeke paakyat ng kwarto. “Dong! Ano ba problema mo?
Kanina ka pa ah! Hindi mo ba naiintindihan yung sinasabi nila mommy at daddy? Gusto
mo ba talaga maging gwardya? Janitor? Taga timpla ng kape? Delivery boy? Messenger?
Dri—“

“What?”

Kita mo na, kita mo na! Yan ang sinasabi ko kay Zeke eh. Sasagot-sagot ng ‘I
understand, mom dad’ tapos hindi naman pala naiintindihan ang sinasabi ni mommy at
daddy. Hayyy! Buti nalang nandito ako para magpaliwanag kay Zeke.“Ayoko lang
mahirapan ka Zeke, masyadong nakakapagod"

"It's not what you think"

"Anong it's not what I think ka dyan---" Natigil ako sa pagsasalita dahil bigla
akong hinalikan ni Zeke sa labi.
-End of Flashback-

“Are you listening?”

"Hey wife."Itinaas ko ang ulo ko, mula sa pagkakatungo at saka lumingon kay Zeke.
Nakatingin lang sya sakin. "Bakit dong?" Takhang tanong ko. Tawag kasi ng tawag
tapos titignan lang naman pala ko. "Gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape? O ibili
ng cake? ice cream? Mogu-mogu?"

"I love you."

Eh? I love you? Saan ko naman mabibili yan? "Ikaw talaga Zeke pahirap ka sa buhay.
Hindi ba pwedeng chuckie na lang? Hehehe" Kumunot naman ang noo nya at napailing.
Feeling ko by this time, na-realize na nya yung sinasabi nya.

Naglabas si Zeke ng isang bote ng alak at baso kaya binalik ko na ang tingin sa mga
ginagawa ko.“Dong, wala ka bang balak mag-honeymoon?” Tanong ko habang seryosong
nag babasa, na ikinaubo naman nya. “Ayos ka lang ba Zeke?” Tatayo na sana ko para
lapitan sya pero itinaas nya ang kaliwang kamay nya, habang yung isang kamay nya ay
naka-hawak pa din sa bibig at umuubbo-ubo pa. “Y-yeah, don’t bother”

Hinantay ko munang tumigil sya sa pag-ubo bago ko tanungin ulit. “Ano nga dong?
Hehehe wala ka bang balak mag-honeymoon? Diba yung mga kinakasal may ganun? Diba
dati---“

“Where? Amusement park, again?” Natigilan ako nung makita ko ang reaksyon ng mukha
nya. Para naman kasing ayaw nya. Hayy, sayang kala ko pa naman nag-enjoy sya dun.
“Pero hindi naman doon dong eh. Actually may naisip na akong bago. Hehehe”
Nginitian ko sya ng pagkalapad-lapad.

“Where?” Tanong nya saka lumagok ng alak sa baso. “Underwater! Masaya yon diba?
Tapos hahanapin natin si nemo at ang atlantis, tapos—“

“Do you really know what honey---Aishh! Forget it”

Tumayo si Zeke at nagsindi ng sigarilyo. Samantalang ako nakaupo pa din at


nakatingin sa kanya. Ayaw ba nya ng naisip ko? “Sky diving dong gusto—“

*glare*

*pout*

Tumungo na ako at ibinalik ang tingin sa binabasa ko. Siguro dapat mag-google ako
ng ibang lugar. Eh kung itry kaya namin ni Zeke yung pagpunta sa buwan? Hihihihi.
Kaso masyadong mahal ang bayad don, matagal pati masyado.

“Gusto mo Zeke Kumain?” Tanong ko kay Zeke pagkapasok namin dalawa ng kwarto nya.
Dito na kami parehas natutulog simula nung nagpakasal kami. Nilagyan ko kasi ng mga
Barbie stickers at Barbie na gamit yung dating plain na plain na kwarto nya eh.
Pati yung bed sheet at curtain pink na din. Buti nga hindi nagagalit si Zeke eh.
“Yes please, wife.” Nakangiting sagot nya at saka lumapit sa dvd rack at nagtingin
ng mga DVDs pagkatanggal nya ng coat at necktie na suot-suot nya.

Simula din nung ikasal kami madami nang nagbago. Tulad nang—

-Flashback-

Tinatapos ko ang pagluluto ng pagkain habang si Zeke naman ay naghahanda ng mga


plato, baso, kutsara, tinidor at iba pang gagamitin namin sa pagkain.

“Dong hindi ka ba kakain?” Tanong ko sa kanya nung mailapag ko na ang niluto ko at


nakita kong iisa lang ang plato sa lamesa. “Kakain” Tipid na sagot nya. So kanyang
plato lang hinanda nya ganun? Hayy!

Kukuha sana ako ng isa pang plato pero biglang nagsalita si Zeke. “We vowed that we
would always share everything with each other. We promised that, remember wife?”
Nakatingin lang ako kay Zeke na nakangiti sa akin. “Ganun ba yun Zeke?” Curious na
tanong ko. Kailangan lahat i-share ko sa kanya?

“I guess so” Ngumiti muna sya bago ulit nagsalita. “Let’s eat?” sabi nya. Tumabi na
ako sa kanya, since hindi pwedeng magkalayo kami kumain dahil iisa ang naman ang
plato, at saka nag-umpisang maglagay ng pagkain.

“T-teka Zeke, pati ba damit share tayo?” Tanong ko bigla nung maalala ko. “Tss.
Except for personal things” Ahh. Grabe nakahinga ako ng maluwag dun ah. Akala ko
pati mga damit kong Barbie hihiramin nya eh. Pero pwede din naman hehehe.
-End of Flashback-

Nakasanayan na din namin na manuod ng mga dvds pagkarating ng bahay at manuod bago
matulog o kaya pagka walang ginagawa sa office hehehe. Kasama na sa daily routine.

Kinuha ko ang kakahubad nya lang na coat at necktie at saka ako tumakbo sa walk-in
closet nitong kwarto para ilagay ang marumi nyang damit at magbihis.

“Ano gusto mong kainin Zeke?” Tanong ko pagkabukas ko ng walk-in closet. Naka-white
fitted shirt at black pajama na din si Zeke. Ang bilis naman nito magbihis. Hehehe.
Sabagay, ang tagal kong namili ng isusuot na pajama kanina.

Tumingin muna sya sakin, at saka ngumiti. “Anything will do” Pagtapos ay binalik
nya ang tingin sa dvd na hawak nya. “Okay!” Sagot ko sakanya at saka tumakbo
palabas ng kwarto.

Pagkapasok ko ng pinto ng kwarto ay naka-low na ang setting ng lights kaya medyo


madilim na. Bukas na din ang DVD at TV kaya napalingon ako para manuod.

Isasara ko na sana ang pinto ng kwarto nung may nakakatakot na lumabas sa screen ng
tv. "Ahhh!!!" Hiyaw ko at saka mabilis na tumakbo palapit kay Zeke. Inilapag ko
muna ang isang glass bowl na puno ng popcorn sa side table ng kama bago tumalon.

"You left the door open."

"Dong eh kasi--Waaaaa!!" Hiyaw ko ulit nung may mukha ng Zombie ng nag-appear sa


screen. At saka yumakap sa braso ni Zeke. Grabe! Don't tell me hindi sya takot sa
Zombies?

“Isara mo muna ang pinto babae” Utos ni Zeke. “Waaa! Bakit ako? Ikaw nalang Zeke,
ikaw naman nakaisip eh. Okay lang naman saking bukas ang pinto. Hehehe” Ayoko nga
isara ang pinto, nakakatakot kaya. Baka mamaya may Zombie dun sa labas ng pinto.

*glare*

*pout*

“Tss.”

Pagkatapos isara ni Zeke ang pinto ay kinuha nya ang glass bowl na puno ng popcorn
at saka tumabi sa akin sa kama.

“Waaaaaa!” Hiyaw ko nung may lumabas ulit na Zombie. Grabe! Nakakakaba talaga
manuod ng mga horror movies. “Pfft. Don’t scream” Natatawang sabi nya. “Ano ba yang
palabas Zeke?” Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa screen ng TV.
Ako yung kinakabahan kasi para dun sa babae. Mukha syang stewardess, tapos na-stuck
sila sa airport. “Quarantine 2” Sagot ni Zeke. Hindi ko na sya sinagot at nanuod
nalang ulit ng movie. Parang ayoko na tuloy sumakay ng eroplano. “Waaaaaaa!
Omygod!! Hwag na kayo bumalik baka may Zombie dyan!” Hiyaw ko at saka nagtakip ng
unan hanggang kalahati ng mukha.

“They can’t hear you wife”

“Waaaa dong may Zombie doon eh”

“I know”

“Waaaaa Zeke, pupunta talaga sila!!”

“Hahahaha”

“Dong wag ka tumawa-tawa dyan! Magiging Zombie sila Zeke, walang nakakatawa dun---
Waaaa!” Nakakainis na to si Zeke. Tawa pa ng tawa kahit na nakakatakot naman ang
palabas. “You should see yourself screaming, wife. Pfft.”

“Ibahin mo na ang palabas dong, nakakatakot na!” Sabi ko kay Zeke, at saka yumakap
sa braso nya. “Ikaw na, ikaw nakaisip” Inangat ko ang ulo ko para tignan si Zeke,
nakangiti lang sya sakin. “Ginaya mo yung sinabi ko kanina eh”
“Really? I did not”

Lumingon ako sa TV at “Waaaaa Zeke naman eh”.

“Go and turn it off, wife. It’s just a movie, you don’t have to worry. Besides, I’m
watching you.” Sabi ni Zeke. Oo nga naman. Bakit nga ba ako natatakot eh palabas
lang naman yan. Tumayo ako at dahan-dahang naglakad palapit sa TV. Pero ang puso ko
pabilis ng pabilis ang tibok. Baka kasi may Zombie na mag-appear sa screen.
Nakakatakot kaya---

“WAAAAAA!!!” Taranta akong tumakbo pabalik at lumundag sa kama at pumulupot kay


Zeke. Sabi ko na eh may Zombie na lalabas sa screen. Huhuhuhu.

“Hahahaha. I love you, wife”

“Zeke, ikaw na kasi magpatay ng TV” Grabe naiiyak na ako sa takot, samantalang si
Zeke tawa ng tawa. Konting-konti na lang iisipin kong may saltik si Zeke, eh kasi
naman horror yung palabas pero tawa sya ng tawa.

“Fine, fine” Pagkasabi nya non ay pinatay nya na ang TV gamit ang remote kaya bigla
akong napatingin sa kanya.

“Nasayo pala remote, pinalapit mo pa ako doon sa TV” Sabi ko sa kanya.

“Did you ask for the remote control?” Nakangiting tanong nya. Sasagot pa sana ako
pero hinila na ako ni Zeke pahiga sa kama. “Let’s sleep. Goodnight wife. I love
you” Kalmadong sabi nya.
Hindi ko alam kung pagod lang ba ako, dahil pagkahiga ko sa braso ni Zeke ay hindi
ko na nagawang magsalita dahil inaantok na ako.

-KINABUKASAN-

“What time will you be done shopping?” Tanong ni Zeke habang nagda-drive. Ihahatid
nya ako ngayon sa mall kasi may usapan kaming dalawa ni Caileigh na magba-bonding.

“Uhmm hindi ko pa sure kay Caileigh, pero wala naman akong bibilhin eh. Hehehe may
ipapabili ka ba dong?” Tanong ko sa kanya.

“None.”

Tumigil na ang kotse kaya bumaba na din ako agad.

“Will fetch you later” Hinalikan ako ni Zeke sa noo pagkasabi nya non. “Wag na
dong, magtataxi na lang ako mamaya papunta sa Company” Aksaya naman kasi sa oras
pagka sinundo pa nya ako eh ang dami-dami pa namin kailangang tapusin. Hindi ko nga
lang matanggihan si Caileigh kaya pumunta ako dito sa mall eh.

“Alright. I love you” Sabi ni Zeke. Nginitian ko lang sya bago naglakad papasok sa
mall.
-

Nasan na kaya yun si Caileigh. Ang sabi nya nandito na sya sa mall. Hayy. Dinukot
ko ang cellphone sa bulsa ko para tignan kung may tawag or text ako galing kay
Caileigh pero wala.

Inilibot ko ang mata ko para hanapin si Cai. Pero imbes na si Caileigh. Si insan
ang nakita ko. Ano naman kaya ang ginagawa nya dito sa mall? Ang duga din nito ni
insan, pumupunta ng mall hindi man lang ako sinasama.

Hawak-hawak ko ang straps ng backpack na suot ko habang naglalakad palapit kay


insan. May hawak-hawak syang mga papel at ipinamimigay sa mga tao. Napaka-generous
talaga nito ni insan, pati mga taong hindi nya kakilala binibigyan nya ng mga
papel. Samantalang yung mga classmates ko, ang damot mamigay ng one fourth pag may
quiz.

Nung makalapit ako ay inabutan nya din ako ng isang papel. "Insan? Kumakandidato ka
ba?" Takhang tanong ko habang nakatingin sa papel.

"Bahay at lupa ang nakalagay dito sa papel. Tapos tatanungin mo ko kung


kumakandidato ako?"

Patuloy lang syang nag-aabot ng mga papel sa mga dumadaan, ako naman ay tumabi lang
kay insan. “Hehehe, hindi mo naman kailangan itago pa insan, alam ko kung gaano ka
kabuting tao kaya---“

“Part-time job ko to Aemie. Nagbebenta ako ng bahay, condo units, gets mo na?”
Iritang sabi ni insan. Nagbebenta? Eh bakit namimigay sya ng mga papel?

Pero teka—“Bakit ka nagtatrabaho insan? Hindi mo na naman kailangan magtrabaho kasi


may allowance naman na binibigay si mommy at daddy diba?” Nagtataka lang kasi ako
kung bakit nagpapakahirap pa si insan magtrabaho. E hindi na naman kami katulad ng
dati na pag hindi nagtinda si mommy wala kaming kakainin.

“Ayokong umasa kila tita at tito insan, gusto ko mag-sariling sikap” Sagot nya
habang tuloy pa din sa ginagawa nya. “Pero diba, may mga iniwang pera naman sayo
ang parents mo---“

“Ayoko ding umasa sa pera ng magulang ko” Sagot nya ulit.

“Hindi ka naman aasa insan eh, gagamitin mo para magtayo ng business”

“Tigilan mo ko Aemie Ferrer-Roswell” bigla akong natakot sa talim ng tingin sa akin


ni insan. Grabe naman. Huhuhu. Ayoko lang naman mahirapan sya sa ginagawa nya eh.
“Tulungan na lang kita magtinda insan, mali naman kasi ang ginagawa mo eh” Sabi ko
sa kanya at saka ngumiti. “Alam mo bang nag-aaksaya ka lang ng pera sa ginagawa mo,
nagpi-print ka nyang mga papel tapos tinatapon lang din naman nila” Dagdag ko pa
sabay turo dun sa mga binigyan nya ng papel na nagtapon sa basurahan. Kumunot ang
noo nya pero hindi ko na sya pinansin.

Amesyl’s PoV
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Aemie. Ano na naman kayang kalokohan ang
iniisip nitong insan ko na to. Tsss. Sinundan ko sya ng tingin na lulukso-lukso
pang naglakad palayo at kumuha ng upuan. Pag ito kalokohan na naman iiwan ko talaga
to dito sa mall.

Binuhat nya ang upuan at inilagay sa may bandang gitna ng mall. Hindi talaga
maganda ang kutob ko dito sa gagawin ni Aemie. “BAHAY!!! CONDOMINIUM!!! AY MGA SUKI
BILI-BILI NA KAYO! MURANG-MURA LANG HO” Napatampal ako sa noo. Sabi na eh. Tinignan
ko ang buong paligid na parang nag time-stop dahil lahat nakatingin kay insan. Agaw
atensyon naman talaga yung paulit-ulit nyang pag-sigaw habang nakatungtong sa
ibabaw ng upuan.

Bumaba sya saglit at saka lumapit sa isang matandang babae. “Nanay, bili na po kayo
ng bahay. Murang-mura lang po. Teka po saglit ah” Tumakbo sa akin si insan at
kumuha ng isang papel na hawak ko. Ako naman nakatayo lang at hindi makagalaw,
nakakahiya talaga to si Aemie kahit kailan. “Tignan nyo nanay oh, 1.5 million. Saan
kayo makakakita ng ganyang ka-murang bahay ngayon? Tapos hindi nyo naman po
kailangang magmadali, kung wala kayong cash pwede namang installment, pag nagpatayo
po ba kayo ng bahay pwede installment? Pwede po bang ngayong month, buhangin
bibilhin nyo, next month bintana.”

“Hindi” Sagot nung nanay.

“Kita nyo na, kita nyo na, eh dito buo na yung bahay, kayo na ang ho inaantay. At
saka nanay, safe pa po kayo kasi may guards ang labas ng subdivision. Sa papatayuan
nyo po ba may guards?”

“Wala” Sagot nung nanay.

“Kita nyo na po. Aba dapat safety first, kailangan ligtas ang pamilya kahit nasaan
diba po?”
“Oo naman”

“Nasan po pala si tatay? Kakausapin ko din po para sa---“

“Matagal nang yumao ang asawa ko ineng eh”

“Ay pasensya napo. Pero hindi lang yun nay, tignan nyo po. May swimming pool, may
court, pwede pa kayong mag-jogging. At saka nay---“ bumulong si insan pero sa
sobrang lakas ng boses dinig din naman hanggang sa pwesto ko. “Malay nyo dito nyo
makilala si Mr. Forever. Hehehe” Napailing nalang ako sa sinasabi ni insan habang
sinusundot-sundot ang tagiliran nung nanay.

“Paano ba bibili nyan iha”

“Waaaa! Bibili po kayo? Teka dito po sa insan ko. Naku naku nay, bilisan nyo po ang
pagbili dahil baka may mauna kay Mr. Forever.” Inalalayan ni insan yung matandang
babae palapit sakin. Seryoso bas yang naniniwala sya sa mga sinasabi ni insan?

“Insan! Bibili daw si nanay hehehe” Nakangiting sabi sakin ni insan.

“Bibili po kayo?” Paninigurado ko. Baka kasi nagkakamali lang itong matanda at--
"Oo iha"

Nanglaki ang mata ko sa sagot nya. Nauto sya talaga ni insan?


"Hehe teka insan ah." Tumakbo na naman palayo si Aemie kaya sinundan ko sya ng
tingin. "Ay mga suki bili-bili na kayo. BAHAY KAYO DYAN OH! MURANG-MURA LANG HO!"
Tumakbo na naman sya palapit sa mag-boyfriend? Mag-asawa? Na nakatingin sa kanya.

"Ate, kuya. Gusto nyo ba ng bahay na magdadala sa inyo ng swerte?"

Pfft. Puro talaga kalokohan. Umiling na lang ako at itinuloy ang pakikipag usap kay
nanay.

Aemie's PoV

"Hayy! Nakakapagod" Nakangiting sabi ko. Pero in fairness nakakatuwa kasi, lima ang
naibenta kong bahay hehehe. "Panong hindi ka mapapagod? E inihiyaw mo ang
pagbebenta." Tumingin ako kay insan na natatawa habang sinasabi yon.

"Pag hindi ko isinigaw yun insan, hindi nila malalaman na bahay yung binebenta
natin. Kita mo pag si mommy nagtitinda dati ng bananaque, turon, balot, at taho,
isinisigaw nya. Hindi naman namimigay ng papel." Minsan talaga si insan medyo slow.
Kung sabagay, naiintindihan ko naman kasi stressed na stressed lang siguro sa dami
ng ginagawa nya.

"Ewan ko sayo insan. Bakit ka ba nandito?"

Bakit nga ba ako andi--


Omygod!!

“Insan si Caileigh inaantay nga pala ako waaaa! Teka lang pupuntahan ko muna si Cai
insan ha?” Dali-dali kong kinuha ang phone ko, bago tumayo. 20 misscalls. 10
messages. Waaaa! Ang dami! Bakit ba kasi naka-silent ang phone ko huhuhuhu.

1st text - Caileigh : Aemie-girl, dito na ako malapit sa movie house.

2nd Text – Zeke : I miss you, wife.

3rd text – Caileigh : Aemie-girl where are you ba?

4th text – Caileigh : Hey.

5th text – Zeke : Wife, where are you?

6th text – Zeke : Are you busy?

7th text – Zeke : Wife.


8th text – Caileigh : Aemie-girl, why you’re not making sagot my phone calls?

9th text – Zeke : Why does your line went busy whenever I call?

10th text – Zeke : Dammit. Answer your phone, wife.

Napaupo ulit ako sa upuan nung mabasa ang mga messages. Sino ba sa kanilang dalawa
ang uunahin kong replyan at tawagan waaaa. “O akala ko ba pupuntahan mo si
Caileigh? Bakit nakaupo ka na naman dyan?”

“Eh insan si Zeke kasi nagtetext din, hinahanap na ako, ang paalam ko pa naman
saglit lang ako. Huhuhuhu”

“Aba edi itext mo. At puntahan mo na din si Caileigh” Sabi ni insan at saka tumayo.

Tumayo na din ako at nagsimula nang maglakad papunta sa may movie house. Sabi kasi
ni Caileigh sa text nandoon sya eh diba? Kaya pupuntahan ko nalang don.

“Caileigh!” Tinawag ko sya nung nakita ko syang nakatayo malapit sa movie house.
“Aemie-girl” Bati nya din. “Sorry kung matagal ha? Hehehe”
“It’s okay lang naman girl.” Nakangiti ako kay Caileigh pero bakit ganon? Parang sa
ibang direksyon sya nakatingin? Nung lumingon naman ako kung saan sya nakatingin.
Wala namang tao.

“Eh-he-he tara na Caileigh?” Kinakabahang aya ko sa kanya. “Uhh. Sige Aemie-girl”


Hinawakan ko agad ang kamay nya para mabilis kaming makaalis sa lugar. Natatakot
kasi ako sa kinikilos nya, wala naman syang tinitignan pero—Hayyy!

“Do you want to eat ba muna?” Tanong ni Caileigh na hndi ko naman tinanggihan kasi
feeling ko gutom na sya kaya kung anu-ano na nakikita nya.

Pagkadating namin sa isang restaurant ay umorder na agad si Caileigh. Ako naman


tahimik lang at nakatingin sa kanya. Pansin ko din na parang hindi sya mapakali.
May sakit ba sya? “Okay ka lang ba caileigh?” Tanong ko. Kanina pa kasi sya ganyan.

OMG!!!

Ayoko nang mga naiisip ko, pero hindi kaya may masamang espiritu na nanggugulo kay
Caileigh?

Waaaa!

“Yes, I think I’m fine naman girl. W-why?” Tanong nya. “Uhmm wala lang, hehehe”
Sagot ko. Hindi ko na sinabi sa kanyang napapansin kong may kakaiba sa kanya kasi
baka naman ayaw nya sabihin. Saka natatakot din ako. Naaalala ko pa yung Zombie sa
pinanuod namin ni Zeke. Baka mamaya nakakakita pala si Caileigh ng Zombie ng hindi
ko alam.
“Uhmm Aemie-girl, when nyo balak magka-baby ng hubby mo?” Napatingin ako kay
Caileigh dahil sa sinabi nya.

Baby? Binilhan ko na si Zeke ng baby doll Pero “Ayaw nya eh.” Sagot ko.

“Is that so?” Tanong ni Caileigh.

“Ang natatandaan ko kasi ayaw nya talaga. Pero tatanungin ko ulit, hehehe”

“You should. I want to have pamangkins na agad no” Nakangiting sabi nya sakin. Kaya
nagtaka ako. Gusto nya magkapamangkin? Eh bakit sakin nya sinasabi. May pera naman
sya eh, papalibre pa sya sakin. Hayyy! Sabagay di ko naman masisisi si Caileigh,
sanay sya sa mayamang buhay. Hayaan na nga. “Hehehe sige” Nakangiting sagot ko sa
kanya.

~I’m a Barbie girl, in a Barbie world---

Zeke’s calling...

Eh? “Teka lang Cai ah” Paalam ko kay Caileigh at saka pumunta ng restroom para
sagutin ang tawag ni Zeke.

[What took you so long?] Bulyaw ni Zeke sa kabilang linya pagka-pindot ko ng answer
button.
“Hehehe dong bakit ka tumawag?”

[I’m here outside]

Eh? Outside?

Binuksan ko ang pinto ng CR at sumilip para hanapin si Zeke. Tumingin ako sa


kaliwa’t kanan pero wala naman akong nakitang Ezekiel Roswell “Niloloko mo ba ako
Zeke? Wala ka naman sa labas ng CR ah” Hindi kaya ibang CR ang pinuntahan ni Zeke?

[Tss. outside the mall, stupid]

“Oh? Bakit ka nandyan sa labas? Hindi ka ba makapasok? Teka pupuntahan kita” Sagot
ko.

[Nah. I’m here to pick you up]

“Pero dong—“

[No buts, wife]


Waaa! Hindi pa kami nakakakain ni Caileigh eh.

-Meanwhile-

Meisha’s PoV

“Wengya, walang dugasan mga tol. Wag nyong pagsamantalahan ang kagwapuhan ko”
Kakamot-kamot ng ulo si Sebastian nung matalo na naman sya. Pfft. Ang yabang talaga
kahit kailan.

“Mei, it’s your turn” Cassandra.

“Naman oh! Hindi porket gwapo ako, pagsasamantalahan nyo na ang kahinaan ko.”
Parang bata si Seb na nagmamaktol habang nagbabalasa ng cards. Pfft.

“Aba matinde! Hindi porket, lagi mo ako nakakasama tol magiging gwapo ka na din
katulad ko.” Sagot nung kapatid kong conceited.

“Yown! Taas pangarap. Ayos lang yan dude, naiintindihan kita.” Lerwick said, saka
tinap ang balikat ng kapatid ko.
Halos matawa naman ako ng malakas sa itsura nilang dalawa.

“Meisha Maxine Lamperouge” Binaling ko ang tingin kay Cassandra na nag-aantay ng


pag-tira ko sa billiards. “Ako na?” Tanong ko sa kanya. Did I space out? Hindi
naman diba? Pinapanood ko lang sila Lerwick na naglalaro ng cards. “Obviously”
Ngiting-ngiti na sabi nya. “Stop smiling Cass, hindi ko gusto yang mga ngiti mo”
Banta ko sa kanya, at saka pumwesto na para tumira.

“Sebastian Lerwick” Bulong nya sakin bago ko tumira.

Aish! Leche! Bakit hindi shumoot yung bola. Aish!

“See? It works” Ngiting-ngiti na sabi ni Cassandra na may halong pang-aasar nung


sumablay ako ng tira. “Yeah, panira ka ng pagtira.” Inis na sagot ko sa kanya.

“Wala akong ginagawa ah, binanggit ko lang name ni Lerwick. And it seems like na-
distruct ko concentration mo?” Mas lalo pang naging nakakaloko ang ngiti sakin
nitong babaeng to. Ano ba gusto nyang palabasin? Na may gusto ako kay Lerwick? Err!

“Past is past!” Sagot ko kay Cass.

“Okay ka lang Mei?” Tanong ni Lerwick. Nakagat ko ang labi ko nung mapansing
nakatingin na silang lahat sa akin. Napalakas ba ang pagsagot ko kanina? “Yo sis,
may problema ba?” Tanong din ni Max.
Aemie’s PoV

"Ano ba yun dong bakit mo ako sinundo agad?" Tanong ko agad pagkapasok ng kotse. Di
ko tuloy na-enjoy pagmo-mall namin ni Caileigh. Sabi ko sa kanya magtataxi na lang
ako pagbalik eh. Hayy.

"Do you remember the guys on the cruise, wife?" Napaisip ako bigla sa sinabi ni
Zeke, habang nakatingin sa labas ng kotse. "Yun bang sa barko na pinuntahan natin
dati?"

"Yeah."

"Uhmm. Sino doon? Madami kayang tao dun dong."


Walanamandinakongmasyadongnakilaladuneh.Bukodkayguardianangelatchocolatefountain.

"The group we eliminated." Angnaalalakolang,magulongadunat—

"They're back"

Eh? "Totoo Zeke? Akala ko ba nasira na at lumubog yung barko? Inayos ba ulit nila?"
Nagtatakang tanong ko. Sana hindi na sila nag-effort gawin yun. Bumili na lang sana
sila ng bago.
Hindi sumagot si Zeke pero hinahawakan nya ang bridge ng ilong nya. May masama ba
sa sinabi ko? "Ano pala gagawin natin Dong? Hehehe"Hinarap ko sya kahit sa daan sya
nakatingin. "Gusto mo ba magpatawag ako ng meeting ng Yaji at Roswells?" Tanong ko.

Hindi lang businesses ang nag-merge dahil pati ang Yaji at Roswells ay kami na ding
dalawa ni Zeke ang namumuno.

"Not now." Hinawakan ni Zeke ang isang kamay ko. Kaya isang kamay na lang ang pang-
hawak nya ng manibela. "Do you want to take a break?" Tanong nya at saka hinalikan
ang mga kamay ko. "Pabalik pa lang tayo ng company tapos tatanungin mo na naman ako
kung gusto ko ng break?" Madalas talaga, ang gulo kausap nito ni Zeke eh.

*glare*

*pout* "Waaa! Sige na nga! Tara na. Bumalik na tayo ng mall"

"Tss. That's not what I mean. I was trying to ask you if you want to go out of
town, have some vacation leave."

"Honeymoon?!" Excited na tanong ko. "Magbi-beach na ba tayo dong? Yii! Sabi na eh.
Gusto mo din yun? mga ideas ko. Kunyare ka pa hehehe."

“Yeah.”
“Totoo ba yan?” Paninigurado ko.

“Yeah.” Nakangiting sagot nya. “Kyaaaa~ Eh kailan ba?” Excited na tanong ko.
Hehehe.

“Now.”

“A-ano? Teka dong, bakit biglaan?”

=================

Chapter 2

Meisha's PoV

"Love, are you okay?" Binitawan ko ang tako ng billiards na hawak ko at saka
lumapit kay Tristan. "O-oo naman love, wala namang dahilan para hindi ako maging
okay." I stared deeply into his eyes, para mabigyan ko ng assurance si love na okay
lang ako.

"Sigurado kang okay ka lang Mei?" Naaaninag ko sa peripheral vision ko si Lerwick


pero ayoko syang tignan. To hell I care with him.

-Flashback-
“This way Mam”

Sumunod lang ako sa waiter na sumalubong sa akin dito sa loob ng isang fine dine
restaurant "Ano bang problema mo at ginugulo mo ako?" Binagsak ko ang pouch na dala
ko sa lamesa. Hindi na din ako nag-abalang maupo dahil wala din naman akong planong
magtagal.

Simula ng pagtatagpo ng landas namin sa loob ng cruise ay hindi na nya ako


tinigilan ng text. Sobrang nakaka-irita na. To the point na I have to hide my phone
from my boyfriend, Tristan dahil baka biglang magtext itong sira ulong ‘to at
mapaghinalaan pa akong nangloloko.

Inalis nya ang shades na suot nya. "Let's go out babe." Binato ko agad sya ng
matatalim na tingin. "Dream on Lerwick. Baka nakakalimutan mong magka-away ang Yaji
at Roswells?"mataray na sagot ko. Ang kapal din talaga ng mukha nyang mag-aya no?
“At pwede ba? Tigilan mo ang pagtawag sakin ng babe.” I added.

He smirked na lalong nakadagdag ng pagkainis ko. "Sige, sasabihin ko na lang kay


Lampe ang tungkol sa'yo at sa Yaji." Sumipol-sipol pa sya na parang tuwang-tuwa pa.

For the second time, I feel defeated. "Bina-blackmail mo ba ako?"

"Sa gwapo kong to? Tsk tsk tsk. Wala naman sa bokabularyo ko ang mamilit ng
magagandang babae." He then grabbed his cellular phone na nakapatong sa ibabaw ng
table at saka sinuot ulit ang shades nya kaya napataas ang kilay ko.

Plano nya bang iwan ako dito? Psh. Napaka-indecent talaga nito kahit kailan.
And as expected. Tumayo na sya. "Text me pag nagbago na ang isip mo babe." I
gritted my teeth in anger habang pinapanuod sya naglalakad palayo, hawak-hawak ang
phone nya na nakalagay sa right ear. "Yo Lampe, may sasabihin ako sayo na
siguradong ikagugulat mo"

Mas lalo akong nag-ngitngit sa galit dahil sa mga narinig ko. And within 3 seconds
ay inagaw ko na ang cellphone at binigyan sya ng mga nakamamatay na tingin. "Binu-
bwisit mo ba talaga ako Lerwick?" Galit na bulyaw ko.

"Hahaha. Babe masyado kang hot. Date lang naman ang hinihingi ko diba?" Psh. Ang
kapal! Nakakainis.

Huminga muna ako ng malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili ko bago ko pa


mapatay tong mayabang na lalaki na nasa harap ko.

"Siguraduhin mong ititikom mo yang bibig mo pag pumayag ako."

"Naman babe. May isang sali--"

"Tahimik!"

Parang maamong tuta namang sumunod si Lerwick sa sinabi ko. Ganito ba sya talaga sa
mga babae? Napaka-grrr! Nakakaubos ng pasensya.
"Ayoko nang makikita ang pagmumuka pagkatapos nyang date na sinasabi mo."

"Haha. Ayos!"

-End of Flashback-

"Love" Tawag ni Tristan na nakapagpabalik sa akin sa sarili. "Y-yes love?" Mabilis


pero nauutal na sagot ko. "Natutulala ka na naman. Ano ba yang iniisip mo?"

"H-ha? Iniisip? Wala ah! Ano namang iisipin ko?"

"Baka yung past na sinasabi mo ate Meisha?" Nilingon ko ang sumingit sa usapan na
si Milka. Oh well, ang adorable na little sister ni Boulstridge.

"Anong past?" Balik na tanong ko sa kanya. Cassandra chuckled kaya sinamaan ko sya
ng tingin.

"Baby alam kong cute ka, pero hwag mo nang kulitin ang ate Mei mo." Singit ni
Lerwick.

"Paki mo bang panget ka?" Inalis ni Milka ang isang sapatos na suot nya at saka
ibinato kay Lerwick, kaya halos lahat kami ay nagulat. "Woo baby ang hard mo talaga
kahit kailan." Natatawang sabi ni Lerwick.
Okay. Spell awkward. Aish!! "Labas muna ko saglit." Humarap ako kay Tristan and
gave him a peck on his lips before leaving.

"Hey. What was that?" Sinamaan ko ng tingin ang sumunod pala sakin na si Cassandra.
“Anong what was that?” Taas kilay na tanong ko. I slid out one stick of cigarette
from its pack and then lit it up. Narinig ko syang tumawa kaya nainis ako. “I’m
really starting to get pissed off, Heather” I honestly said kaya mas lalo syang
tumawa.

“Getting pissed off by what, by mentioning Lerwick’s name?” She said with an
annoying smile. Grr! Naglakad sya papunta sa harap ko, kaya huminto ako sa
paglalakad pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Why would I? I’m not
guilty, wala akong feelings kay Lerwick so I don’t have reasons para umiwas sa mga
tanong. “And besides bakit ka nga ba naiinis every time I mention his name, Mei? At
ano bang past is past ang sinasabi mo?” She asked. I diverted my look on a glass
window. “Nag-date lang naman kayo ni Lerwick---“

“Shut up, Cass.” I hissed. “Hindi ka nakakatulong” I added at saka naglakad paalis.

Fauzia's PoV

"Lee. Baka gusto mong maupo?" Ayan na naman kasi sya sa paglalakad ng pabalik-
balik. “Oo nga, sabi ko nga mauupo muna ako eh” Seriously? What’s wrong with this
guy? Parang lagi na lang syang hindi mapakali.
I focused my attention on the screen in front of me. Pinapanuod ko ang
sinusubaybayan naming group. Nothing's suspicious so far. Oh no scratch that,
everything's suspicious but there's no difference from the first day of our
surveillance.

They are just keep on delivering illegal drugs, and smuggled cars.

"Sa tingin mo Lee, ano ang--" Stunned, I bit my lip. His face's too close kaya
hindi ko maituloy ang sasabihin ko. I don't know kung alam nyang nakatingin ako
sakanya. Because his eyes are nailed on the screen. "Ano sa tingin ko ang alin
Fauz--"

I gulped the moment he faced me. We're both stunned for five seconds. Ako ang unang
umiwas at ibinalik ang tingin sa screen. My heart is beating as if I just had a
100km run. This isn't good.

"Sa tingin mo ano ang ginagawa nila, aside from those?" I asked na parang walang
nangyari. And hey! Wala naman talagang nangyari. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya
kahit uncomfortable ako na sobrang magkalapit ang mukha namin. "I-I don't k-know" I
frowned nung dali-dali syang tumayo na parang lasing.

Napahilamos pa sya ng mukha. "Masama ba pakiramdam mo Lee?"

"Hindi, k-kailangan ko lang ng tubig."

I also stood up "Ikukuha na kita--"


"AKO NA!!!"

Na-shock ako nang biglang sigawan nya ako kaya hindi agad ako nakasagot. "O-kay?" I
answered na parang hindi sigurado. Ikaw ba naman sigawan without valid reason at
heto na naman kasi sya sa parang paranoid na parang ewan.

Aemie’s PoV

Pagpasok namin sa McDo ay naglakad agad ako papunta sa may counter para tignan kung
ano masarap bilhin. “Zeke ano ang gusto---“ Eh? Paglingon ko sa likod ko ay wala na
si “Zeke?” Nasaan na yon? “Dong?” Lumingon ako sa kaliwa’t kanan pero wala naman si
Zeke. “Waaaa ate, nakita mo ba si Zeke?” Tanong ko sa babaeng nasa likod ko.

“Si Zeke?” Tanong naman nya sakin pabalik.

“Oo si Zeke nga ate, nakita mo ba?” Waaaa nasaan na yon.

Sinimangutan naman ako ni ate at saka lumayo.

Anong problema nun? Sasagutin nya lang naman ako kung nakita si Zeke.
Weird.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa para sana i-text si Zeke nung mapatingin ako sa
pares ng sapatos na katapat ng paa ko kaya natigilan ako. “Dong, saan ka ba galing?
Bigla-bigla kang nawawala”

“Nothing, I just bumped into someone I know” Sagot nya saka hinawakan ang kamay ko
at tumingin sa counter.

“Ahh ganun ba? Sana nag-sorry ka” Paalala ko, alam nyo naman itong si Zeke,
tinatamaan ng pagka-walang galang minsan kaya kailangan lagi paalalahanan. “Yeah, I
feel sorry for her” Sagot nya habang nakatingin sa menu sa taas. Hindi na ako
sumagot kasi mukhang ayaw na nya pag-usapan.

Pero ‘her’ daw? Edi ibig sabihin babae yon? Bakit parang nakakainis?

Hindi kaya--- “Hindi, imposible naman mang-chiks si Zeke no”

“Yeah, that would be boring”

Lumingon ako kay Zeke nung sumagot sya. “Mind reader ka dong?” Tanong ko sa kanya
na nagtataka. “You said it out loud”

“Hi good afternoon Mam, Sir what can I get for you?”
"Uhmm--" Hindi ko pa naitutuloy ang pag-order ko pero napansin ko nang kay Zeke
nakatingin si ateng cashier. "Hubby, ano gusto mong orderin?" Nakangiting tanong ko
kay Zeke.

"One order of fries will be fine, how about you wife?"

"Gusto nyo po mag-add ng sundae?" Tanong ni ateng cashier. Pero hindi naman sumagot
si Zeke.

"Burger at fries sakin. Hehe"

"Gusto nyo po mag-add ng cheese Mam?"

"Para sa burger?" Nagtatakang tanong ko kay ate.

"Yes, mag-a-add lang po kayo ng--"

"Edi naging cheeseburger na po ang order ko pag ganun? Burger lang gusto ko ate"

Sinamaan ako ng tingin ni ateng cashier kaya tumahimik na ako. Mali ba nasabi ko?
Louie's PoV

“Aish! Ang tagal naman ni Momo.” Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa relo na suot ko.

First time kaya nag-aya ni Momo ng date. Kaya nga sobrang excited ako eh.

Hindi na bale, aantayin ko nalang. Tutal alas dos naman ang usapan, eh ala una y
media pa lang naman. Haha. Bakit ba? E sa gusto kong maaga dumating.

Hindi naman pati ako masyadong matagal na nag-aantay no! Sus! Baka naman isipin nyo
e kanina pa ako dito. Kararating-rating ko lang din naman.

“Waiter!” Tawag ko sa waiter.

“Oorder na po kayo Sir?”

“Pahing pa ngang tubig” Utos ko.


"Sir, hindi pa po ba kayo o-order? Magdadalawang oras na po kasi kayong puro tubig
lang ang hinihingi." Tinignan ko ang waiter na biglang sumulpot sa harap ko. "Hehe
maya na boss padating na din siguro si Momo ko." Napakamot ng ulo ang waiter bago
umalis.

Dalawang oras na ba ko dito? Psh. Pauso din. Excited ako. Pero hindi naman sobra
no.

"Aba ang aga!" Pakiramdam ko ay nagliwanag bigla ang paligid nung madinig ko ang
boses ni Amesyl. Sabi na eh. Maaga syang dadadating. Hihihi. “Anong ngini-ngiti-
ngiti mo dyan Birkins?” Masungit na tanong ni Momo. Tumayo ako para humila ng
upuan.

Umupo naman sya. Kinikilig ako. Si Momo ko kaya kinikilig din? Itinaas ko ang
kanang kamay ko at saka tumawag ng "Waiter!"

"Good afternoon Sir, Mam" Inabutan kaming dalawa ng tig-isang Menu na tinanggihan
naman ni Momo.

"Tubig lang ang akin." Mabilis na sagot nya.

"Momo naman eh, kumain ka ng kahit ano." Walanjo! Purgang-purga na nga ako sa
tubig. Kanina pa ko inom ng inom tapos pati order ni Momo, tubig?

Napansin kong palingon-lingon si Momo kaya tumingin din ako sa paligid. "2 glass of
water please" Masama sa loob ko ang order ko pero kung hindi kakain si Momo, hindi
na din ako kakain. Libre pa to.
"Tubig na naman?!" Asar na bulong nung waiter. Sasagutin ko sana sya pero biglang
hinablot ni Momo ang braso nung waiter. "Teka teka!" Nakatingin lang ako kay Momo
na itinaklob sa mukha nya ang menu. "Bigyan mo kami nito, nito, nito, nito, nito,
nito."

"Yun lang po ba Mam?"

"Oo."

"Ah eh Mam. Pwede ko na po ba makuha ang menu?"

"Hindi!" Mabilis na sagot nya. "B-Baka may orderin pa ko. Sige na alis na."
Isinenyas pa nya ang kamay nya kaya wala na ding nagawa ang waiter kung hindi
umalis.

"Momo may tinataguan ka ba?" Diretsong tanong ko. Pasilip-silip kasi sya sa menu na
hawak nya.

"Wala ah! Bakit ko naman tataguan si Jerson Ken Blood? Wala nama--"

"Jerson Ken Blo--ARAY!!" Napakamot ako ng ulo nung bigla akong hablutin ng sabunot
ni Momo. "Hinaan mo boses mo baklang betty boop, tatamaan ka sakin."

“Psh ano bang meron sa lalaking yan” Bulong ko sa kanya pero sinamaan nya lang ako
ng tingin. Nandito lang naman kasi ako.
-

“Momo, wala ka bang planong kumain?” Tanong ko sa kanya sa pagitan ng pag-nguya.


Kanina pa kami dito eh, hindi naman sya kumakain, panay lang ang sipat nya dun kay
Jerson Ken Blood na may mga ka-meeting na lalake.

“Naranasan mo na ba ang ma-love at first sight?” Napalunok ako sa tanong ni Momo.


Love at first sight?

-Flashback-

“All freshmen, please proceed to the gymnasium” Kakapasok ko lang ng high school
building nung marinig ko ang announcement. Pagkadinig na pagkadinig ko ng
announcement ay minadali ko ng tinahak ang daan papunta sa gym.

Aish! Ang hassle naman ng first day of school ng high school. At ang--“Ano ba!”
Nilingon ko ang babaeng nanlilisik ang mata na nabangga ko. Kyaaaa! A-ang ganda
nya. “OMG”

“Anong OMG? Bakla! Tss”

“Insan! Sino ba yang kausap mo. Ang sabi satin sa gymnasium pumun—Hello hehehe”
“Wala insan, tara na”

-End of Flashback-

“Hoy Birkins! Bakit hindi ka na sumagot?” Napangiwi ako nung makitang ang lapit na
ng mukha ni Momo sa akin.

“O-oo, tingin ko”

“Talaga?” Tanong nya ulit sa akin, pero nung tinignan ko kung kanino sya nakatingin

Kay-- Jerson Ken Blood.

Aemie’s PoV

Kung saan-saan tumitingin si Zeke kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi
magtanong. Kaharap ko pa naman sya. “Zeke? May problema ba?” Tanong ko pagka-kagat
ko ng burger kaya sinamaan nya agad ako ng tingin.
Nagsawsaw agad ako ng French fries sa ketchup at saka ko sinubuan si Zeke “Sabi ko
naman sayo hubby kumain ka ng kumain diba hehe, wag ka na magsasalita.” Sabi ko
sakanya at saka sya nginitian ng bonggang-bongga.

“What the fv—“

Pinunasan ko agad ng tissue ang bibig ni Zeke “O may ketchup ka pa sa bibig dong.
Nako naman, nako naman! Ang hubby ko talaga ang dungis-dungis kumain” He-he-he
ngini-ngitian ko lahat ng mga nakatingin sa aming tao. Minsan nakakahiyang kasama
to si Zeke, kasi bigla-bigla na lang magumura. Natatakot tuloy ako. Kaya para
maiwasan ang mga ganoon na nakakahiyang scene eh mas mabuti pang punuin ng pagkain
ang bibig nya.

Nung feeling ko na wala na syang balak magsalita ay nilabas ko ang phone ko para
maglaro ng coin dozer habang nakain. Hehehe. Ang cute kasi nito laruin, hulog ka
lang ng hulog ng coin tapos. “Wait for me here, ubusin mo yang pagkain mo” Bilin ni
Zeke kaya tumunghay ako para tignan sya.

“Pero hindi ka pa tapos kumain Zeke ah saan ka pupunta?” Nakakunot ang noo na
tanong ko. “May aayusin lang ako”

“Okayyyy!” Nakangiting sagot ko at saka humigop ng coke float. “Don’t go anywhere,


and do---“

“Don’t do anything stupid” Pagtutuloy ko sa sinasabi nya habang naglalaro ng coin


dozer. Memorize ko na kaya halos lahat ng lines ni Zeke. Lagi naman yun ang
sinasabi nya.
Naaninag ko sa gilid ng mata ko na napailing si Zeke. “Tss. Wai---“

“Wait for me here, I’ll be back” Sabi ko ulit.

“I—“

“Love you, wife” Pagtutuloy ko ulit sa sinasabi ni Zeke.

“Ginagago mo ko?” Galit na tanong nya kaya inalis ko ang tingin ko sa nilalaro ko.

“Waaa! Anduga Zeke, bakit may kasunod na ganyan!” Reklamo ko, dati naman kasi
hanggang I love you lang eh, bakit ngayon may kasunod na ganon.

*glare* “Why do you keep on mimicking me?” Galit na tanong nya ulit.

*pout* “Hala hindi ah! Ayoko lang kasi nahihirapan ka, kaya ako na nagsabi nun
huhu. Sige hindi na.”

“Tss.”

Tumingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin ang mga tao. “I love you too,
hubby. Bumalik ka agad ah” Sabi ko sabay kiss sa pisngi ni Zeke at saka ngumiti sa
mga tao sa paligid. Baka kasi isipin nila eh nag-aaway kami. Nakakahiya kaya, ito
kasing si Zeke eh.

Bigla nalang umalis si Zeke ng hindi man lang ako nililingon kaya umupo na ulit ako
sa lamesa, pero bago ko pa maituloy ang pagkain ay nakita ko ang phone nya sa
ibabaw ng lamesa. Mabilis kong iniikot ang mata ko para hanapin kung saan nagpunta
si Zeke pero hindi ko na nakita. ‘Hay, mamaya ko na nga lang ibibigay’ sabi ko sa
sarili ko saka ibinalik sa pagkakapatong sa lamesa ang phone nya at naglaro na
ulit. Hehe level 43 na kaya ako.

---

“Ayos ka lang ba dyan dong?” Nakadungaw ako sa labas ng bintana at sinubukang


sulyapan si Zeke na nasa harap ng nakabukas na hood ng kotse nya. "It's not even
working."

Eh? "Flat din ang tires.” Sabi nya pa.

“Flat din ang tires Zeke?” Ulit ko sa sinabi nya.

“Ibig sabihin?” Tanong ko. Kasi hindi ko magets kung ano yung gusto nya iparating.
Gusto ba nya hipan ko ang gulong? Medyo salbahe talaga to si Zeke.

“We're now fvcked up" Sagot nya.


Sumandal ako sa kotse samantalang si Zeke naman ay nasa labas pa din. Binuksan ko
ang pinto ng kotse para lumabas. Nasa may unahan pa din ng kotse si Zeke at
naninigarilyo.

Sinubukan ko naman tumingin-tingin sa paligid para humanap ng mahihingian ng


tulong. Pero puro matataas na puno lang ang nakikita ko.

Umihip ang malakas na hangin kaya lumapit ako papunta kay Zeke. “Zeke feeling ko
may multo dito” Bulong ko sa kanya. Tinignan naman agad nya ako ng masama kaya
ngumiti na lang ako. Hehehe malay ko bang takot din sya sa multo. “Hehehe di na
kita tatakutin Zeke. Pero paano ba tayo aalis dito?”

“Hand me your phone” Utos ni Zeke kaya inabot ko sa kanya ang cellphone ko. Kaso---
“Empty battery?” Taas kilay na tanong nya. “Hehe ang tagal mo kasi bumalik kani----
OMG Zeke! Yung phone mo nasa lamesa ng McDo. Balikan natin”

“How?” Tinuro nya sakin ang mga gulong ng kotse. Ano ba kasing nangyayari? Bakit
parang wala naman akong alam sa nangyayari.

“Hehe. Maglalakad tayo?” Tanong ko.

“No. Ako lang ang maglalakad” Sagot nya, kaya halos maiyak ako na tumingin ulit sa
paligid. Sobrang tahimik dito, tapos puro puno. Wala pang nadaan na mga sasakyan.
Tapos iiwan akong mag-isa dito ni Zeke? Grabeee! Hindi man ang ba nya naiisip kung
ano ang mangyayari sakin dito?

Pano kung may mga Zombies?


Pano kung may mga multo pala dito pag---umupo si Zeke sa harap ko kaya tumigil ako
sa pag-iisip at nagtaka. Parang nangyari na to dati, nung nagpunta kami ng
divisoria. “We’re twenty five kilometers away from the nearest town.”

“Zeke kaya ko naman---“

“Shut up. I am commanding you, wife. Just rest and leave the hardship on me.”

=================

Special Announcement

Hi Mafias! Bili kayo ng book ng My Husband is a Mafia Boss (published under Viva-
Psicom). The volume 1 is already out in the market. To follow ang mga next
volumes ;)

For more info and updates, follow us on Twitter : @mhiambwp

Page : https://www.facebook.com/MHIAMBOfficial

FB Group : https://www.facebook.com/groups/mhiambOFFICIAL/

Or---

Visit nyo ang PSICOM fb page, for updates kung saang places available ang book.
Hindi pa kasi yata sya available sa ibang places eh.

Thank you sa never-ending support MHIAMB Fam at readers, silent readers basta lahat
:*

Bili kayo ha? Promise?

♥ Yana

=================

Chapter 3

Aemie’s PoV

“Eh? Ito na ba yun Zeke?” Tanong ko habang nakatanaw sa isang bayan? Bayan ba
talaga to?

“I think so? This is the nearest place, so I guess we’re here?” Nung malayo pa kami
ni Zeke ang iniisip kong itsura ng town, yung sobrang laki, madami mabibili. Pero
mali pala ako. Sobrang lakas ng ihip ng hangin, madami pa ding mga puno sa paligid.
Muka nga syang maliit na bayan, pero mukhang bayan na matagal nang hindi
pinupuntahan ng tao.

Nakatayo lang si Zeke habang naka-piggy back pa din ako sa likod nya. Parehas
kaming patingin-tingin sa paligid, wala man lang kahit isang tao o sasakyan man
lang na dumadaan. Parang yung mga town to sa mga Zombie movies na pinapanuod namin
eh.

“Zeke ayun oh” Tinuro ko ang isang sobrang taas na building pero mukhang bahay na
may sign sa itaas na ‘Apartel’. Mukha syang bahay kasi gawa sya sa kahoy pero
parang building ang style. Ang gulo diba?
Nasagi ng ulo ko ang wind chimes na nakasabit sa pinto ng apartel pagpasok namin ni
Zeke. “Dong ibaba mo na kasi ako” Giit ko. “Zeke ano? Okay ka lang ba? Sabi naman
kasi sa’yo maglalakad na lang ako eh.” Inayos ko muna ang damit ko na nagusot. Ang
tagal ding karga ako ni Zeke habang papunta dito. Pwede naman kasi akong maglakad
nalang eh. Hayy.

“Do you have a room for two?” Hindi man lang sinagot ni Zeke ang tanong ko, at
kinausap ang babae sa front desk. Kaya naglalakad-lakad nalang ako ng konti para
tignan ang buong apartel.

Apartel yung tawag ko kasi yun yung nakalagay sa labas, apartel daw sya. Gawa sa
kahoy yung sahig kaya tumutunog sya pag niyayapakan. Medyo kinikilabutan tuloy ako.
Pakiram ko nasa loob ako ng isang horror movie, idagdag mo pa yung lumang tugtog na
naka-play. “Ang gandang piano” Hahawakan ko sana ang malaking piano na nasa harap
pero bigla akong sinita nung nasa front desk. “Bawal hawakan ang kahit na anong
gamit dito Miss” Lumingon agad ako sa direksyon nung babae. *pout* Hahawakan lang
eh. “Do I fvcking need to fill this all?” Tanong ni Zeke sa babae habang hawak ang
isang form.

“Opo sir” Tipid na sagot nung babae kaya bumalik na ang tingin ko sa paligid.

Hinawi ko ang malaking kurtina na medyo maalikabok pa para masilip ko ang view sa
labas. Grabe! Sobrang kapal ng ulap at ang dilim ng langit, feeling ko uulan ng
malakas mamaya. Hayy. Hindi pa kami makakalis agad dito ni Zeke. “Wife” Tawag ni
Zeke kaya lumingon ako. Sumenyas na sya para umakyat kaya sumunod ako.

Nakasunod ang tingin nung babae sa aming dalawa ni Zeke nung naglalakad kami kaya
hindi ko din inaalis ang tingin ko sa kanya. Bakit kaya sya nakikipagtitigan sa
akin? Weird.

Hinawakan ni Zeke ang kamay ko kaya nawala ang tingin ko sa babae at nabaling sa
mga kamay naming magka-hawak. “Don’t look at her, I’m getting jealous.” Kumunot ang
noo ko dahil sa sinabi ni Zeke, aba! Type nya yung babaeng yun? Type nya yon ha
ganon? Nag fill-up lang sya ng form at nag ‘opo sir’ lang sa kanya type na nya
agad?
Aalisin ko sana ang kamay ko sa pagkakahawak nya pero hindi nya binitiwan ang kamay
ko kaya hinayaan ko na lang at nagpatuloy kami sa paglalakad. Makipot ang daan
paakyat, saktong pang-dalawang tao lang at may kakaiba pang tunog pagka-naglalakad.

Naka-pako ang mga mata ko sa nilalakaran ko kasi pakiramdam ko anytime mahuhulog


ako sa ibaba dahil lumalangitngit ang sahig ng hagdan na gawa din sa kahoy. Magkano
kaya ang bayad ni Zeke dito sa apartel? Gusto ko itanong dun sa babae sa front desk
kung may mga kwentong kababalaghan ba dito kasi ang creepy talaga ng lugar.

“Hindi ba muna tayo kakain Zeke? Hindi ka ba nagugutom?” Tanong ko sa kanya habang
naglalakad kami paakyat.

“I ordered some food for us.” Sagot ni Zeke.

Pagkatungtong namin ng third floor, isang mahaba at makipot na pasilyo padin ang
natanaw ko. Puro pinto. Hehe, kaso as usual sinauna padin. Tapos may mga sinaunang
paintings na nakasabit sa dingding ng kisame sa pagitan ng mga kwarto. “Dito ba
tayo?” Tipid na tanong ko kay Zeke, tumango lang sya at saka nagpatuloy maglakad.
Mukhang pagod na nga si Zeke. Hindi na makausap eh.

Nung mapatapat kami sa Room 306 ay tumigil si Zeke. Ito na siguro yung kwarto.
Maging yung pinto ng kwarto ay sinauna din. “Zeke, may multo kaya dito?” Bulong ko
sa kana habang sinusubukan nyang buksan ang pinto.

“Hmm maybe?” Nakaramdam ako ng kaba nung sumagot sya ng ‘maybe’ huhuhu. Sabi na eh.
Naïf-feel din ni Zeke yung creepiness ng paligid. Mukhang hindi ako makakatulog
dito ng maayos . Huhuhu.
Pagkapasok na pagkapasok ng kwarto ay hindi na ako nagulat, mula sa labas pa lang
naman halata ng luma kaya malamang, luma din ang mga kwarto. Pero hindi ko naman
inexpect na ganito ka-luma. Inaantay ko pang magreklamo si Zeke pero dumiretso lang
sya sa kama para maupo.

Caileigh’s PoV

“Baka naman na-misunderstood mo lang yung sinasabi ni Amesyl-girl. Baka naman, she
likes you.”

“Aish! Huwag mo nga akong bolahin Cai. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano
tignan ni Momo yung Blood na yon.” I just sighed and grab empty cans of beers. “You
should rest nalang muna, I think? Para naman hindi bad vibes ang naiisip mo.” I
said, trying to lighten up his mood.

My eyes widened when he grabs another can of beer to drink. “Louie could you please
stop drinking na? Wala naman yang mahe-help na maganda. Instead of being too
dramatic and such, why don’t you hang-out and make friends with some other girls.”

He eyed me. “Ano bang mali sa’kin Cai? Bakit hindi makita ni Amesyl na mahal ko
sya?"

“Gad! You really don’t know Louie? Masyado mong binibigay ang full attention mo kay
Amesyl-girl, to the point na nasasakal na sya, which is obviously not right. Hindi
mo sya girlfriend, so don’t take all the responsibility of a boyfriend. Give
yourself and Amesyl an enough time to rest and have fun.”
Louie’s PoV

Mali ba talaga ginagawa ko? Mahal ko lang naman si Amesyl ah. Mali na ba magmahal
ngayon?

“What happened?” Nabaling ang tingin ko kay tita Alyana na kasabay na dumating si
tito Eiji. Ibang-iba na talaga si tita sa nakilala namin. Mula pananamit, hanggang
pananalita. “Louie is having a love issue tita. But don’t worry; I’ll be the one to
give him some payo to wake him up.”

Kumamot ako ng ulo nung tumawa si tita. Amp! Nakakahiya naman tong ginagawa ni
Caileigh, pati yun kailangan pang sabihin. Psh. “Buti naman nandyan ka Caileigh
para suportahan si Louie. By the way, we’re leaving, baka ma-late kami sa flight
namin.” Oo nga pala, ngayon ang alis nila tita at tito Eiji papuntang Europe. “Sige
po tita, mag-iingat po kayo.” Paalam ni Caileigh.

“Gusto nyo po bang samahan ko kayo sa airport?” Prisinta ko. Tumayo na din ako,
nasaan ba yung magpinsan? Alam naman nilang ngayon ang—“No, okay lang. Ayoko na din
magpahatid. Sinabihan ko nga din si baby Ae at pamangks na huwag na sila maghatid
sa Airport.”

“Sigurado po kayo?”

“Yes. So, see you next year?” Bumeso si tita kay Caileigh at ganoon din naman sa
akin. “Have a safe trip po tita.” Pahabol ko.

“Sure! And oh by the way Louie—“ Tumingin ako kay tita na nakangiti ng malapad sa
akin. “Boto ako sa’yo for pamangks.” Sabi nya sabay kindat.

Isang sentence lang yung sinabi ni tita. Pero hindi ko mapigilan na hindi ngumiti.
Yung kaninang dinadamdam ko, pakiramdam ko nawala ka lahat.

Huh! Sorry Jerson Ken Blood, mas boto sakin si tita Alyana.

“Where are you?.. Good..” I turned my back to look at Caileigh, sino kaya kausap
nito sa phone? “Alright, keep me updated na lang..... Alright, alright”

Ngumiti sya sa akin nung mapansin nyang nakatingin ako sa kanya. “That’s my former
classmate; she wants to set a reunion kasi, you know, something like girls night
out.” Tumango-tango ako pagkatapos nyang mag-explain. Wala naman akong pakialam sa
girls night out na sinasabi nya. Basta ang gusto ko lang si Momo ko.

“Uhh Louie, mag-stay ka ba dito until later? Is it okay if I go na?” Tanong nya.
Sumandal naman ako sa sofa nila. “Sige, mauna ka na, maya-maya na ako, hihintayin
ko muna siguro si Momo.” Hehehe.

“Are you sure? Mukha pa namang uulan” Hinawi nya ang kurtina kaya nasilip ko din
ang labas, mukhang umuulan na nga sa malayong lugar. Sobrang kapal ng ulap doon eh.
Hayy malas naman. Tumayo ako at inayos ang polo ko. “Sige maka-sibat na nga, baka
abutan pa ako ng ulan.”

Ngumiti si Caileigh sa akin. “Alright, bye. See yah” Paalam nya saka bumeso.

Itetext ko na lang si Amesyl mamaya.


Sisipol-sipol akong palabas ng main door nung humiyaw si Caileigh. “WHAT?!”

Nilingon ko sya para itanong kung-- “May problema?” Saglit nyang inalis sa tenga
nya ang cellphone at sinagot ang tanong ko. “Haha, no w-wala naman. Ingat ka sa
daan” Sagot nya, kaya tumango ako at umalis na. Weirdo.

Aemie’s PoV

Napapatakip ako ng tenga tuwing kukulog ng malakas. Hindi naman ako takot sa kulog,
hindi naman kasi nang-aano yon, hehehe. “Ang lakas ng ulan dong” Wika ko habang
nakatanaw sa bintana. “Stay away from the window, wife” Dinig kong paalala nya
kahit sobrang lakas ng ulan kaya lumayo ako sa bintana at umupo sa kama.

Kasing laki lang ng kwarto ko noon itong kwarto sa apartel, wala pa sa one fourth
ng laki ng kwarto ni Zeke sa bahay nya. Yung itsura ng kisame may mga agiw na,
tapos may T.V at teleponong naka-display pero hindi nagana. Kahit yung wall clock
hindi din nagana. Buti na lang at nagpapa-tugtog yung naka-tigil sa katabi naming
room kaya may tugtog akong naririnig. Kaso nga lang. Classical music, kaya mas
lalong nakadagdag sa ka-creepyhan nitong lugar.

“Hindi ka pala maarte sa kwarto Zeke no? Hehe” Umpisa ko ng topic. Nililinis nya
lang kasi ang baril na dala nya doon sa may kabilang gilid ng kama.Tumingin lang
sya sa akin at ngumiti. Hindi man lang nya sinagot ang tanong ko.

“Hayy! Ang boring.” Sabi ko sabay salampak ng higa sa kama. Gutom na din ako wala
pa yung pagkain. “Wala na yata balak magdala ng pagkain yung si ateng front desk”
Tumawa lang ng mahina si Zeke. Kung gutom ako, siguradong-sigurado ako na mas gutom
si Zeke. Hayyy! Bakit ba kasi ang tagal ng pagkain.

Pumikit na lang muna ako. Ang sarap pa namang matulog. Malakas ang ulan, malamig,
masarap magpahinga.

“Wala ka bang nararamdaman, wife?” Minulat ko ang mga mata ko nung marinig ko ang
sinabi ni Zeke. Tamo to, kung kailan pumikit ako, saka naman ako natripang
kausapin. Ibang klase din eh. Bumangon ako saglit at tinitigan si Zeke ng nakakunot
ang noo. “Anong akala mo sakin manhid? Nakakaramdam ako no! Kanina ko pa nga ramdam
na ramdam ang gutom—“

“Tss. Stupid” Umiling-uling si Zeke at saka tumayo bitbit pa din ang baril.

Kita mo na, kita mo na! Pagkatapos ako pag-isipan na manhid ako, sasabihan pa akong
stupid. Tapos saka tatayo at tatalikuran ako. Grabe talaga tong Zeke na to.
“Something’s not right” Bulong nya.

“Buti naman alam mo.” Sagot ko ng pabulong din.

“You’re saying something, wife?”

“Wala ah! Sabi ko—sabi ko good job! Hehe” Humiga na lang ako ulit sa kama at hindi
na nagsalita. Bakit pa ako makikipagtalo diba? Eh ako na nga yung manhid at stupid,
saka mananalo ba ako kay Zeke?

Pumikit ako kunwari nung tinignan nya ako ng masama pero nung tumalikod si Zeke ay
minulat ko ng kaunti ang isang mata ko para sumilip. “Dong wala kang makikitang
pagkain dyan” Sabi ko sa kanya nung makita ko syang nagbubuklat ng mga drawer.

“Shit! It’s just as I thought. Damn this!”

Muli na naman akong napabangon dahil sa sinabi ni Zeke.

Tumayo ako at lumapit sa kinaroroonan nya. “Hindi mo na ba talaga kayang tiisin ang
gutom dong? Alam mo noong elementary ako, pag nagugutom ako kasi ang tagal
magpalabas ng teacher namin sa school, iniimagine ko nalang na kumakain ako ng
masarap na ice cream. Hehe” Nakakainis naman kasi yung babae sa baba.

Tinignan ko si Zeke na tahimik at mukhang malalim ang iniisip, wala man lang syang
ka-kibo kibo mula ka pagkakatayo nya. Kawawa naman si Zeke. “Teka nga pupunta lang
ako sa baba” Paalam ko saka dali-daling naglakad palabas ng pinto.

“Wife! Don’t---“ Hindi pa tapos ang sinasabi ni Zeke nung saktong mawalan ng
kuryente pagkabukas ko ng pinto. “Zeke? Nasaan ka?!”

Tumahimik ang buong kwarto dahil nawala yung tugtog na nanggagaling sa kabilang
kwarto. Tanging ilaw lang din ng kidlat ang makikita.

“Don’t move wife, just stay there and wait for me.” Nung unang kidlat ay natanaw ko
si Zeke na maglalakad na palapit na sa akin, kaya napanatag na ang loob ko at nag-
antay na lang.

Nung sunod na kumidlat ay dalawang pigura ng tao ang nakita kong nasa likod ni
Zeke. “M-m-multo” Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Pero sinubukan kong maglakad
palapit sa kanya kahit wala akong makita. “Dong?”

“Shit!” Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko nung makarinig ako ng mga
kalabog at isang putok ng baril.

“Zeke?” Kahit wala akong makita ay sinubukan kong maglakad, ang tagal kasi akong
puntahan ni Zeke baka kung ano na ang ginawa sa kanya nang--- Abo’t-abot ang kaba
nung muling kumidlat at may maaninag na nakahandusay sa sahig. “Dong!!!” Sigaw ko
at saka tumakbo palapit sa kanya. Sinubukan ko muling makapa sa dilim pero puro
tubig ang nakakapa ko.

“Dong! Nasaan ka ba?! Magsalita ka naman oh” Naiiyak na ako at naginginig na hindi
ko alam ang gagawin. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Pupunta lang naman ako sa
baba para sana puntahan ang babae sa baba. Napaatras ako at gulat na gulat nung
kumidlat at tumambad sa harap ko ang mukha nung nakahandusay sa sahig. “Ahhh!”
Hiyaw ko. Hindi naman si Zeke ‘to! Waaa! Nasaan na ba kasi si Zeke.

Tumayo ako at sinubukan ulit maglakad-lakad. “Dong! Nasaan ka ba!?!”

Nung makapa ko ang pintuan ay tinahak ko ang daan palabas hanggang sa may nakapa
akong katawan ng lalaki. “Zeke, saan ka ba---“

Yayakapin ko sana ang nasa harap ko nung madinig ko ang boses ni Zeke mula sa
malayo sa bandang likod ko. “Wife!!” Dahilan para mapabitaw agad ako sa lalaking
nahawakan ko. Eksaktong kumidlat kaya nagkaroon ako ng chance na makita ang mukha
ng lalaki.

Kilala ko sya. Kung hindi ako nagkakamali sya si---


“Fuck you, Lionhart!” Patuloy ang pagkulog at kidlat kaya naaaninag ko si Zeke na
nakatayo sa malayo at napapalibutan na ngayon ng mga lalaki.

“Put down your gun, Roswell” Mas lalong humigpit ang pagkakasakal sa’kin nung
dating kaibigan ni Zeke kaya hindi ako makapagsalita.

"Do not hurt my wife...Please." Iba ang tono ng boses ni Zeke kumpara kanina nung
minura nya si Wallace. Pero tumawa lang ang dati nyang kaibigan. "Marunong ka na pa
lang makiusap ngayon, Roswell" May tinakip syang panyo sa mukha ko. Unti-unti ay
nakaramdam ako ng pagkahilo.

"Ate Aemie" Bumalikwas agad ako nung may madinig akong boses na nagsalita. Puno ng
pag-aalala ang boses nya. Tinignan ko agad ang paligid ko kung nasaan ako. Hindi
ako sigurado kung anong lugar to pero sigurado akong wala na ako sa apartel.

“Ate Aemie, okay ka na ba? Hindi ka ba nahihilo?”

Nakakunot ang noong tinignan ko si Milka.

Panaginip lang ba ang nangyari?


Pero teka-- "Nasaan si Zeke?" Tumayo agad ako at lumundag pababa ng kama "Dong!!"
Kanina kasi diba madaming lalaking nakapalibot sa kanya. Tapos sakal-sakal ako nung
dati nyang kaibigan. Ano nang nangyari sa kanya?

Huminto ako nung bubuksan ko ang isang pinto dahil may nadinig akong boses "Ayos na
ba si Ma'am Aemie?" Kakapasok lang ni Vash sa loob nitong kwarto at may dalang
isang tray ng pagkain. "Gising na po pala kayo Ma'am Ae--"

Pinutol ko ang sinasabi nya dahil ang gusto ko lang namang gawin ngayon ay makita
si Zeke. "Nasaan si Zeke?"

Ngumiti si Vash at inilapag sa ibabaw ng isang cabinet ang dala nyang tray ng
pagkain. "Nasa kabilang kwarto po" Sagot nya. Naglakad sya palabas kaya dali-dali
akong sumunod.

Pagbukas ni Vash ng pinto ay naabutan naming nakaupo na si Zeke sa kama pero naka-
hawak sya sa ulo nyang may benda. "Wife! Are you okay?" Puno ng pag-aalala ang
boses ni Zeke habang palapit sya sakin.

"Labas po muna ko boss"

Hindi ko na hinintay pa na makalapit si Zeke sa akin dahil lumapit na din ako agad
sa kanya at agad na yumakap. "Ikaw ba dong? Okay ka lang?"
Jacob's PoV

"Paanong nangyari yon?" Tanong ni Fauzia. Nagmamaneho ako ng sasakyan pero kanina
pa din ako nag-iisip.

"Paanong nangyari ang--" Lumingon ako sa kanya pero sobrang lapit na naman ng mukha
nya. "Shit!" Inapakan ko agad ang break to stop the car. "Ano ba! Magpapakamatay ka
ba?! Bakit bigla kang humihinto ng ganun?" Galit na tanong nya. "Bakit mo ba kasi
inilalapit ang mukha mo sakin?!" Sigaw ko sa kanya pabalik. Inalis nya ang tingin
nya sakin, and glance back at the window. “Does it matter? Wala namang masama. Pati
naman pagtingin ginagawan mo ng issue. Just drive, para makarating na agad tayo.”
She said.

I sighed, a louder one. ‘Bakit ko nga ba ginagawang big deal ang lahat? Psh.’ I
said at the back of my mind at saka inumpisahan ulit ang pagda-drive.

Aemie’s PoV

Tahimik kaming dalawa ni Zeke na kumakain dito sa kwarto. Hinihintay naming


dumating sila Jacob at guardian angel, sila daw kasi ang maghahatid sa amin sa
bahay. “Zeke oh” Sabi ko sabay subo kay Zeke ng pagkain na hindi naman nya
tinatanggihan.

“Zeke—“ Itatanong ko sana kay Zeke kung ano ba talaga ang nangyari pero sinagot na
nya agad ako. “I passed out after I got several hit on the head” nakatungong sabi
ni Zeke “If you are going to ask me about what happened, I’m sorry but that the
last thing I remember” Wika ni Zeke saka bumuntong hininga ng malalim.
So ibig sabihin parehas kaming cluless ni Zeke sa mga nangyari. Pero---“Si Vash at
si Milka, bakit sila ang kasama natin?” Tanong ko sa kanya, pagkatapos kong sumubo
ng pagkain. “Somebody called them.”

Tumango na lang ako. Bakit ganon. “Naguguluhan ako sa nangyayari Zeke.” Tinignan
ako ni Zeke ng diretso sa mata, I stared back at him. “May nagta-traydor ba sa atin
Zeke?” Out of nowhere, yan ang linyang lumabas sa bibig ko. Madami pang follow-up
questions ang gusto ko itanong but the thing is, kahit yung tanong na gusto kong
hanapan ng sagot ay hindi mabuo sa utak ko.

Sobra akong naguguluhan sa nangyayari. “That’s exactly what I am thinking”


Diretsong sabi ni Zeke.

---

A/N

See you guys nextweek :) (June 28, 2014) Sa SM Fairview yay! Bili kayo ng Book ng
MHIAMB ha?

Again, hindi ko po sya idi-delete sa wattpad, so feel free to read it over and over
again :) PERO BUMILI KAYO NG BOOK!!! HUHUHU!! Thank youuuu :*

=================

Chapter 4

This Chapter is dedicated to Miss Johannah Mauren :*


Aemie’s PoV

Wallace Martin – a tycoon who owns multiple hotel chains.

Ito lang? Wala man lang bang ibang description itong dating kaibigan ni Zeke? Hayy.
Pinasasakit nya ulo ko kakaisip.

“Wife, get some sleep. It’ll be a long day tomorrow.” Antok na antok na ang boses
ni Zeke,pero tuloy-tuloy pa din ako sa paghahanap ng informations tungkol kay
Wallace Martin Lionhart. Baka naman kasi may mga nakatago pang informations sa
internet na hindi ko pa nakiki—“Throw that goddamn laptop away and lay here beside
me.” Nahinto ako saglit sa pagta-type para tignan si Zeke. Nakapikit naman sya pero
bakit kaya—

“Wife, do you hear me?” Isinara ko agad ang laptop at ipinatong sa table nung
dumilat si Zeke. Akala ko kanina nagtutulug-tulugan lang eh. Totoo pa lang gising.

“Hehe sorry may tinignan lang ako.” Sabi ko nung makahiga ako. Yumakap lang si Zeke
at hindi na nagsalita. Hindi pa rin naman ako inaantok kaya wala ako magawa kung
hindi pagmasdan sya.

Hindi naman ito yung first time na makikita kong may sugat si Zeke. Hindi rin ito
yung first time na nakita kong may nakatutok na baril kay Zeke. Pero tuwing
mangyayari yon natatakot ako. Tuwing dadating sa point na ganun, hinihiling ko lagi
na ako na lang. Ayokong mawala si Zeke, siguradong iiyak ako ng bonggang-bongga.

Hayy! Ano ba yan! Bakit ba tumutulo luha ko!


Sa totoo lang nawi-wirduhan ako sa sarili ko ngayon. Pakiramdam ko kasi may
problema, at nararamdaman ko din na nahihirapan si Zeke. Kahit na alam ko minsan na
may pagka-shunga si Zeke, naniniwala akong matalino sya. Hindi naman siguro sya
makaka-graduate kung hindi diba? Pero ngayon kasi feeling ko isa ako sa mga
problema nya.

Kaya nga sinusubukan kong maghanap ng mga impormasyon tungkol sa dati nyang
kaibigan. Gusto kong tulungan si Zeke, sa kahit na anong paraan.

Hinawi ko ang buhok ni Zeke at saka bumulong. “I love you, hubby.” Inantay kong
sumagot sya, pero mukhang mahimbing na ang tulog. Hindi man lang nag-goodnight.
I-‘who you’ ko kaya sya bukas paggising?

Dahan-dahan akong tumayo para kuhanin ang cellphone at saka lumabas ng bahay.

Meisha’s PoV

“Time to sleep.” I said, almost whispering after a long yawn. Nakaka-stress din
pala mag-isip nang mag-isip. Tsk.

-Flashback-

“Hahahaha. Ang sarap mo pala kasama.”


“Tigilan mo ko, Lerwick.” I said, sarcastically pero hindi ko maiwasang hindi
mapangiti.

“Yan! Ngumiti ka lagi, para lalong lumitaw ang kagandahan mo.”

-End of Flashback-

Iritang-irita kong ginulo ang buhok ko, at nagtaklob ng unan. Kalma Meisha okay?
Tama na pag-iisip tungkol sa lalaking ‘yun. Walang madudulot na maganda ang---

“Leche! Sino naman kaya ‘tong tatawag ng ganitong oras.” Pabulyaw na tanong ko, as
if masasagot ang tanong ko nang hindi tinitignan ang cellphone.

Padabog kong dinukot ang phone sa ilalim ng unan at “Miss Aemie?”

[Uhh-hello, hehe. Meisha, matutulog ka na ba?]

Umupo ako para maayos na makapagsalita. Bakit kaya napatawag si Miss Aemie ng
ganitong oras. “May nangyari po ba? Nasaan po kayo? Do you want me to go there?”
Sunod-sunod na tanong ko at saka bumaba ng kama at naglakad papuntang closet.

[Hehe, hindi. Pasensya na sa istorbo, pero magtatanong lang sana ako tungkol kay
Wallace Martin Lionhart] I paused for a while, about Wallace?
Ibig sabihin, tama ang hinala ko na buhay sya.

-Flashback-

Nahagip nang mata ko na nagmamadaling tumakbo si Queen paakyat ng hagdan kaya


nagmadali ako para sundan sya. Hindi pwedeng mapahamak si Queen.

“Boulstridge, ano ginagawa ni Queen dito sa loob ng ospital?” Tanong ko habang


mabilis na tumatakbo over the line. Sigurado akong nakatutok din sila ni Caileigh
Ferrer sa mga mangyayari.

“She’s on her way to the 10th floor kung nasaan sila boss, sinusundan nya yung
halayang gansa.” Sagot naman ni Boulstridge.

“Need some back-up Mei?” Kung hindi ako nagkakamali, si Lerwick ang nagsalita sa
earphones.

“Kami na ni Fauzia. Kuhanin mo na sasakyan, Lerwick.” Utos ni Jacob Lee.

“Boss, nandyan na si Ma’am Aemie sa 10th floor.” Pahabol ni Boulstridge sa line.

Hindi na ako nagsalita at patuloy na lang na tumakbo paakyat.Mas lalong kailangan


ko na magmadali, nandoon si Queen, si Master Ferrer at si Miss Aemie.
“I’m warning you, put your guns down.” Kahit kalmado ay ramdam ko ang awtoridad sa
boses ni Ezekiel Roswell. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa 10th floor pero
kailangan ko nang magmadali.

“Sino ka para utusan kami?” If I’m not mistaken, si Kevin Alferez ang nagsalitang
yon.

Tumigil si Queen sa pagtakbo at dahan-dahang naglakad. Ikinasa nya ang hawak nyang
baril kaya sumunod ako.

“EIJI!!!” Nung humiyaw ni Violet Swansea ay nagsunod-sunod na ang putukan ng bala.


Tumakbo ako palapit pero huli na, nakahiga na silang lahat.

I saw Violet, may tama sya ng bala sa may tiyan. Ikinasa ko ang baril na hawak ko
para tuluyan sya pero pinigilan ako ni Fauzia Arcadia. “I think, gusto ni Queen na
buhayin pa sya.”

“What?“ I asked.

“Pitong minuto na lang ang natitira.” Tinignan ko ang nagsalitang si Jerson Ken
Blood. Nagtakbuhan na din silang lahat paalis, kaya pinihit ko na din ang mga paa
ko paalis. Pero bago ako makarating sa fire exit, ay lumingon ako.

I saw a female figure na lumapit sa kinaroroonan ni Wallace. Tatakbo pa sana ko


pabalik, pero wala na akong oras. Kaya dumiretso na ako pababa.
-End of Flashback-

[Meisha nandyan ka pa ba?]

Bumalik ako sa ulirat nung madinig ko si Ma’am Aemie. “Ano po gusto nyong malaman
tungkol sa kanya?” Tanong ko.

[Lahat, hehe. Kailangan ko ng background nya bukas. Okay lang ba?] Tanong ulit nya.

“Opo naman. I will send it to you, first thing in the morning tomorrow” Sagot ko,
with a question on my mind. Bakit tinatanong nya sakin ang tungkol kay Lionhart?
May nangyari ba?

[Yey! Thank you. Tulog ka na hehe.]

Sebastian’s PoV

“Honeybear, hindi pa ba tayo uuwi?” Inistraight ko ang vodka na hawak ko at saka


inakbayan ang babaeng katabi ko. “Maya-maya na honeybear, chillax ka lang.”
“Babes, akala ko ba ako ang kasama mo umuwi tonight.” Lumingon ako sa kaliwa at
saka kinindatan ang isa pang babae. “Bukas babes promise.” Syet, minsan ayoko na
talaga maging gwapo eh. Kaso wala na ako magawa kung hindi tanggapin na lang ang
katotohanan na habangbuhay ko nang kailangang pagdusahan ang pagiging gwapo.

“Sweetheart, may tumatawag sa’yo oh. ‘Miss Aemie’, sino ‘to? Don’t tell me, may iba
ka pang girlfriend bukod sa aming tatlo?” Naka-pout yang sinabi ni Belinda?
Melissa? Margarette? Ano nga ba pangalan nya? Aish! Basta sya! “Haha! Hindi ko
girlfriend si Miss Aemie, sweetheart, ayoko pang mamatay ng maaga.”

Takte! Bakit kaya tumatawag si Miss Aemie. Inabot ko ang cellphone at sinagot ang
tawag. “Miss Aemie.”

[Sebastian!!]

Halos lumundag ang puso ko palabas sa taas ng energy ni Miss Aemie. Tinalo pa yung
mga nagpaparty dito sa loob ng bar. “Ang nag-iisa, ano po maipaglilingkod ko?”

[Yung tungkol sa mga pinapasundan sa’yo dati ni Zeke, yung mga lalaking ghost
busters natatandaan mo pa ba?]

Tanong nya. Paano ko naman makakalimutan ‘yung limang ‘yun? Eh sila ang dahilan
kaya nakilala ko si Shin. Inalis ko ang pagkaka-akbay sa katabi ko sa kanan at saka
umayos ng upo. “Opo, bakit po?”

[Na-background check mo ba sila? Gusto ko sanang humingi ng informations tungkol


kay Phoenix Strife]
Phoenix Strife?

“Hindi po—“

[Okay, ibackground check mo at ibigay mo sa’kin as soon as possible. And huwag mo


sasabihin kay Zeke ang tungkol dito ha?]

“Teka-tek---“

Tek na yan! Bakit bigla nyang ibinaba? Aish! Anong meron doon kay Phoenix Strife?
“Honeybear, uwi na tayo. Gusto ko na matulog eh.” Malambing na sabi nung chiks sa
tabi ko.

“Next time na siguro honeybear, may kailangan ako gawin eh.” Nilagok ko muna ang
huling lagok ng alak at saka sila kinindatan at umalis.

-Kinabukasan-

Aemie’s POV

“Dong kain na.” Abot tenga ang ngiti ko nung pumasok si Zeke sa loob ng kusina.
“Ano yang dala mo?” Takhang-takha kong tanong, sobrang dami nyang dalang gamit.
“Lalayas ka ba? Ano bang ginawa ko Zeke?” Kinakabahan akong naglalakad palapit sa
kanya, may bitbit kasi syang dalawang maleta. “Galit ka ba sa’kin dahil hindi agad
ako natulog kagabi? Huwaaa huhuhu mamaya matutulog na ako ng maaga promise. Hindi
na ako magla-laptop bago matulog, hindi na din ako aalis para—“

“It’s not that, wife—“

“Eh ano?! Ayaw mo ba ng ulam?” Tarantang tanong ko at saka tumakbo papunta sa may
refrigerator. “Hindi mo naman kailangang maglayas kung ayaw mo ng ulam Zeke, teka
magluluto ako ng bago.” Sabi ko saka tarantang naghalungkat ng pagkain sa ref.

“Wife—“

“Zeke naman bakit mo naman ako iiwan ka—“ Hinatak ako ni Zeke palapit at saka
hinalikan ng mabilis sa labi. “Hindi ako aalis, tayo. We’re in trouble. A BIG one.”

Kumurap-kurap muna ako habang dini-digest ng utak ko ang sinabi ni Zeke. “We?”
Tanong ko.

“Yes.”

“In trouble?” Tanong ko ulit.

“Yes.”
“As in BIG?” Tanong ko pa.

“Yes.”

“Okay! Hehe. Eh saan tayo pupunta?” Excited na tanong ko. Mag-a-adventure na naman
ba kami ni Zeke?

“To a place where we can easily think of a plan.” Sagot nya at saka naupo sa dining
table kaya umupo ako sa tabi nya. “Saan naman ‘yun?” Tanong ko.

“Omygod! Underwater ba tayo magpa-plano Zeke?” Tinanaw ko ang sobrang ganda at asul
na asul na dagat. Namiss ko ang lugar na ‘to!!

Nandito kami ni Zeke sa tapat ng pink house na binigay nya sa’kin. Sabi ko na nga
ba at naiinspire sya tuwing makakakita ng Barbie at color pink eh. Sa dinami-dami
ng lugar, dito nya pa naisipang magpunta. Hehe.

“We’ll stay here for a week or two, until I manage to think of a better plan. But
that doesn’t mean that we will not continue to work.”

“Aye aye, captain!” Masayang sagot ko. “May maitutulong ba ako sa’yo Zeke?” Dugtong
ko.
“Don’t let yourself get hurt. And—uhh love me?” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni
Zeke. ‘Yun lang? “Wala na bang iba dong? Hindi ba pwedeng ganito na lang. Sasamahan
kita pag may adventure ka tapos tutulungan kitang makipag-barilan sa mga kaaway
mo?” Hindi ba mas exciting ‘yung naisip ko?

“You can do that, but not now. I am still on the process of collecting information
and—“

“Tutulungan din kitaaaaa! Dali na Zeke, huwag ka na mahiya—“

“Wife” Sumeryoso bigla ang tono nya kaya tumigil na ako. Hindi ko na kukulitin si
Zeke, baka ako pa mapagtripan nyang barilin.

Nakaharap ako sa laptop at nagche-check ng mga emails, baka kasi nag-email na si


Meisha habang si Zeke ay ganoon din ang ginagawa, medyo malayo nga lang sya sa’kin
dahil nagyoyosi sya habang naglalaptop.

Ano kayang pinagkaka-abalahan ni Zeke?

Tumayo ako saglit para magtimpla ng kape at saka iniabot ‘yun sa kanya at
pasimpleng sinilip ang ginagawa nya sa harap ng laptop.

“Dong oh, kape. Hehe.” Sabi ko pagka-patong ng kape sa ibabaw ng table.


“Thanks. I love you.” Sagot nya. Waaa! Mukhang good mood na si Zeke, pwede ko na
siguro itanong kung ano ‘yung ginagawa nya. Huhuhu gusto ko talaga tumulong. “Hehe,
I love you din, ano ‘yan gusto mo ba?---“

“Mrs. Roswell, go back to what you were doing.”

“Dong kasi—“

*glare*

*Pout*

Malungkot akong bumalik sa harap ng laptop at saka nag-facebook. Pero kahit nag-fe-
facebook pasulyap-sulyap padin ako kay Zeke. Nakakunot ang noo nya at hindi matinag
sa ginagawa nya. Ni hindi nya pa nga ginagalaw yung kape na dinala ko sa kanya
kanina.

Tumakbo ulit ako sa kusina para kumuha ng makakain ni Zeke. Hhmm ano kaya?

Nakakita ako ng piknik kaya kinuha at binuksan para kay Zeke. “Zeke oh piknik.”
Hehe ang gandang strategy talaga ng naisip ko.

Grethel Canary Lux (Pronunciation: Gre-tel Ca-na-ri Laks)


Satana Beatrix Lestrange (Ponunciation: Sa-ta-na Be-ya-triks Le-strange)

Casino

Chan

Smuggling

Auction

Hindi ko mabasa lahat, pero ilan lang ‘yan sa mga nabasa ko bago pa ako tignan ng
masama ni Zeke.

*Glare*

*Pout* “Dong tinitignan ko lang kasi kung anong story binabasa mo, nabo-bored ako
kaya gusto ko sana—“

*death glare*

“Hehehe. Manunuod na lang pala ako ng youtube, nagbago na ang isip ko dong, sige.
Magpaka-busy ka dyan ha! Hehehe I love you.”

Tumakbo na agad ako papunta sa may laptop ko pero sinisilip ko pa din si Zeke kung
nakatingin sa akin. Hindi naman sya nakatingin, pero nakangiti sya sa harap ng
laptop. Ano kayang meron sa laptop at pangiti-ngiti si Zeke?
Waaaaa naiinis ako! Bakit parang niloloko ako nito ni Zeke? Hayy!

Mamaya ko na nga iisipin ‘yun. Kailangan ko muna mag-search tungkol sa mga nabasa
ko. Alam ko ang casino, tatak ‘to ng alcohol diba? Pero mas okay na din siguro kung
magsesearch ako ng tungkol sa Casino, mamaya na yung mahahaba na parang pangalan—

Waaaa! Nanlaki ang mata ko nung nabasa ko sa Wikipedia ang meaning ng Casino. In
modern English, a casino is a facility which houses and accommodates certain types
of gambling activities

Alam ko na ang meaning ng smuggling kaya hindi ko na sinearch, sunod ko na lang


hinanap ang tungkol sa Auction, kahit medyo alam ko na meaning nito, sinearch ko na
din para mas clear. An auction is a process of buying and selling goods or services
by offering them up for bid, taking bids, and then selling the item to the highest
bidder.

Tumango-tango ako nung nabasa ang meaning ng auction sa Wikepedia, sunod kong
sinearch ang Grethel Canary Lux, Satana Beatrix Lestrange, at Chan. Pero walang
specific na sagot na binibigay ang google. No word found sa dalawang nauna, sa Chan
naman random ang nalabas. Hayy!

Pero sa tagal ko nang nagse-search, alam ko na ibig sabihin pag wala lumalabas na
ka-match na word. Pangalan! Tama! Pangalan yung Grethel Canary Lux, at---

Teka---

Grethel? Satana?
Bakit mga pangalan ng babae ‘tong nasa inaatupag ni Zeke sa laptop?

Inilipat ko ang tingin ko kay Zeke at nahuli ko syang nakatingin sa akin, at


nakangiti. “Ano nginingiti-ngiti mo dyan Zeke ha?!” Masungit na tanong ko. Kaya
naman pala nya ako ayaw pasilipin sa laptop kasi kung sino-sinong babae ang
inaatupag nya.

“I am innocent. I did not do anything, wife.” Natatawang sabi ni Zeke.

“Wala pa akong sinasabi Ezekiel Roswell, defensive ka agad?” Masungit na tanong ko


kay Zeke. Pero tinawanan lang nya ako.

“I can see anger in your eyes, that’s why I am trying to defend myself. Though, you
look pretty good when mad.” Tatawa-tawa na naman si Zeke kaya lalo ako nainis.
Feeling ko tinitrip ako nito eh. Hindi ko na nga lang sya papansinin.

Itinuon ko ang atensyon ko sa laptop at pinipilit ang sarili ko na hindi tumingin


kay Zeke pero nadidinig ko na tumatawa sya ng mahina kaya tinignan ko ulit sya.
“Why? I am not guilty.” Natatawang sabi nya.

“Bakit ka ba kasi tawa ng tawa dyan ha?!” Tanong ko ulit.

Kumunot ang noo nya bago sumagot. “What’s wrong with being happy?” Napaisip naman
ako bigla, minsan din naman nag-iisip talaga ‘to si Zeke, wala nga naman masamang
maging masaya. Hayyy! Kahit nakakainis, hayaan na nga!

Pero ano kayang meaning nitong mga word na nabasa ko na ‘to? Kung gusto kong
tulungan si Zeke, tingin ko kailangan ko din gayanin kung paanong way sya mag-isip.
“Dong, masama ba ang gambling?” Tanong ko, gusto ko kasi malaman kung ano ang
isasagot nya. Pinagmasdan ko kung ano ang magiging reaksyon ng mukha nya, and this
time, nakita kong sumeryoso sya ng tingin bago ako sinagot. “Definitely.” Tipid na
sagot nya. Alam naman pala nyang masama. “Na-try mo na ba ‘yon?” dugtong ko ulit.

“I think so?”

“Akala ko ba masama?! Bakit nagsusugal ka pa din?!” Mabilis na tanong ko nung


madinig ko ang sagot nya.

“Life’s a gamble; I always trust my senses and take the risk until I have much. But
not until I met you, I don’t want to play the game anymore. I want to just walk
away and keep the cards at my hand.” Saglit na tumigil si Zeke at saka huminga ng
malalim bago nagpatuloy. “I am not afraid of my enemy’s card. I am afraid to
witness myself what happens when I play my hand. I don’t want to bet, I don’t want
to lose.”

Kumunot ang noo ko habang pinipilit na intindihin ang sinasabi ni Zeke. “Ano bang
laro yan dong? Kung unggoy-ungguyan lang naman ako na lang maglalaro para sa’yo.
Hehehe naglalaro ako noon nyan kaya medyo marunong ako. Hehehe.”

Ngumiti na naman si Zeke sa akin, kaso yung ngiti nya parang malungkot. Kaya tumayo
agad ako at lumapit sa kanya para yakapin sya. “Hayaan mo Zeke, mamasterin ko lahat
ng klase ng laro ng baraha para hindi ka na malungkot.” Sabi ko habang nakayakap sa
likod nya.

Humarap si Zeke sa akin at saka ako hinalikan sa noo “Stupid.” Bulong nya. Aba aba!
Kita mo na kita mo na! Ako na ang nagmamagandang loob, ako pa ang nagging stupid?
Pagkabalik ko sa pwesto ko kanina ay nakita ko na namang tumatawa si Zeke. Hayy!
Ang hirap magkaroon ng asawang weird. Konting-konti nalang maiisipan ko nang
gamitin ang mga technique ni Jackie Chan sa kan---

Chan?

Natigilan ako bigla dahil may biglang pumasok sa isip ko. Posibleng ang ‘Chan’ ay
apelido. Tama-tama! Ibig sabihin, bukod sa Grethel at Satana may Chan pa. Pero
bakit yung kay Chan walang full name?

Hayyy! Bakit ba kasi hindi ko nabasa ng mabilis ang mga nakalagay sa laptop ni
Zeke. Tinitigan ko ang MS Word na nasa harap ko, Casino, Auction, smuggling at
names.

Casino, auction, smuggling, names.

Casino, auction, smuggling, names.

Ilang beses ko pang inulit-ulit sa utak ko ang mga yan hanggang sa may maisip ako.

Posible kayang magkaroon ng auction sa Casino?

Saglit akong tumigil para alalahanin ang definition, it accommodates any gambling
activities. Tulad ng ano? Tulad ng—
OMG!!! Smuggling!! Waaaa mga smuggled na gamit!

Siguro connected dyan yung mga names. OMG!

Tinignan ko si Zeke na busy na ulit kaya kinuha ko ang cellphone ko at itinext agad
si Cassandra.

Hello Cassandra! Hehehe. Pwede mo bang paki-check para sa akin kung ano-anong
Auction ang magaganap sa mga Casino sa buong Pilipinas? Hehe. Thank you!

Wala pang isang minuto ay nagreply agad sya. Sure thing, Miss Aemie.

A/N :

Thank you sa mga pumunta sa SM Fairview at bumili ng MHIAMB volume 1. Yii~ Bili din
kayo books guys pag available na sya sa mga NBS ha? Tapos punta kayo sa mga susunod
na events :)July 12 SM Bacoor

July 13 SM San Pablo

July 27 (yata or 26) SM Taytay

August 3 SM Lipa

August 10 Davao :D
Hindi ko sure ang sched. Paki-check nalang po ang page ng PSICOM kung tama :) Yii!
Thank you ulit :*

=================

Chapter 5

Aemie’s PoV

“Gaano na kayo katagal magkaibigan ni Wallace Martin Lionhart, Zeke?” Tanong ko kay
Zeke habang inaayos ang kurbata nya, aalis kasi kami ngayon.

“He’s not my friend, never been and never will.” Sagot nya. Bitter naman ang peg
nito ni Zeke. Eh ang sabi ni Kaizer magkakaibigan sila dati diba.

“Weh?” Tanong ko ulit nung matapos ko na ayusin ang necktie. Maniwala naman sa
kanya.

Tinitigan ako ni Zeke bago nagtanong din. “Why did you become interested all of a
sudden?” Kaya nag-iwas agad ako ng tingin, may sa manghuhula pa naman ‘to si Zeke,
madali nya mababasa iniisip ko pag nakatingin sya.

Sasabihin ko ba sakanya? Kaso natatakot baka magalit si Zeke pagka nalaman nya na
alam ko.

-Flashback-
Kanina pa ako palakad-lakad, hindi ko din alam kung bakit, nahahawa na yata ako kay
Zeke na weird. Hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko na hindi isipin yung mga
nabasa ko na sinned ni Meisha.

Pinsan ni Wallace si Shan Venice.

At dahil sa nalaman ko na yan, hindi ko na din napigilan ang sarili ko na humingi


pa nang ibang informations kay Meisha.

At—

Mas higit pa doon ang mga nalaman ko.

Si Zeke ang pumatay kay Shan Venice.

Si mommy ang pumatay kay Moo.

Ikinuyom ko ang kamao ko at saka bumulong. “Bakit?” Yan yung tanong na paulit-ulit
na tumatakbo sa isip ko. Bakit nila ginawa ang mga yon sa kanilang dalawa?

Gaano ba kalaki ang atraso ni Shan Venice at Moo kila mommy at Zeke?
Umupo ako sa pink na sofa at huminga ng malalim. Gusto ko tanungin si Zeke at
kumpirmahin kasi baka naman mamaya kung saang tsismosa lang nakuha ni Meisha yung
mga information na yon. Kaso may part din sa’kin na naniniwala sa mga nakasulat sa
documents.

Sa loob ng limang buwan simula ng makilala ko Zeke, ang daming nangyari, ang dami
din nagbago. Minsan feeling ko talaga panaginip lang lahat, pero hindi eh. Totoo
lahat ng nangyayari.

Waaaaaa! Masisiraan na yata ako ng ulo kakaisip!!! Hindi pwede ‘to!

-End of Flashback-

“Wife?” Nung mapansin kong nakatingin si Zeke ay lumayo na ako at kinuha ang bag na
dadalhin ko. “Wala naman dong, naitanong ko lang. Hehehe” Paano ko ba sasabihin sa
kanya?

Ngumiti si Zeke habang inaayos ang coat na suot nya kaya nakahinga ako ng maluwag.
“Alright, shall we go?” Tanong nya.

“Hehehe tara!”

***

“Good Morning Mr. and Mrs. Roswell, I am Sierra Valentine, Mr. Roswell’s new
secretary.”
Tumingin ako kay Zeke na may halong pagtatakha, pero mukhang hindi naman sya
nagulat. Kailan pa nagkaroon ng bagong secretary?

“Dong, takas ba sa mental yang isang yan?” Bulong ko sa kanya.

“Nah. She’s our new secretary.”

Seryoso? Naniniwala si Zeke sa mga sinabi nung babae?

Ibinalik ko ang tingin ko kay ateng new secretar. Fitted ang suot nyang damit kaya
litaw na litaw yung korte ng katawan nya, sa unang tingin kanina akala ko nga si
Barbie sya kasi ganon mga style ng damit ni Barbie minsan. Naka-super miniskirt pa
sya kaya para talaga syang Barbie. Napakapit naman ako sa braso ni Zeke nung
mapatingin ako sa suot na sapatos ni ateng new secretary.

Nakakatakot ang heels! Sobrang taas at sobrang nipis, feeling ko mas matalas at mas
makapangyarihan pa tong heels nya kaysa sa espada ni Juan Dela Cruz.

“May problema ba Mrs. Roswell?” Tanong ni ateng secretary. Medyo creepy din si ate
ha, bakit nya alam na may problema ako? Don’t tell me suma-sideline din sya na
manghuhula tulad ni Zeke?

“You may now leave.” Tinignan ko si Zeke na nagsalita. Sasagutin ko pa sana yung
secretary kaso naman pinaalis nya. Hayy!

Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang sundan na lang ng tingin yung secretary na
naglalakad palabas ng pinto. Omygod! Para syang model maglakad. Poise na poise
talaga. “Just call me Sir pag may kailangan kayo.” Nakangiting sabi ni ateng new
secretary bago lumabas ng opisina.

“Ang ganda nya---“ Eh? Paglingon ko kung saan nakatayo si Zeke kanina ay wala na
sya. Nakaupo na sya agad doon sa swivel chair nya at nakatingin sa laptop. “Dong,
ang ganda ni ateng new secretary diba?” Tanong ko habang naglalakad palapit sa
table ni Zeke.

“Really? I didn’t notice.”

Kaizer’s PoV

“Oh tol, bakit ka tulala dyan? Parang ang laki ng pinapasan mong problema ah.
Pfft.” Nabaling ang tingin ko sa gagong nakatayo sa harap ko at pangisi-ngisi.

Nginitian ko din ng nakakaloko si Lerwick bago sinagot ang tinatanong nya. “Ikaw ba
naman ang araw-araw problemahin kung paano babawasan kahit kaunti ang kagwapuhan,
hindi ba ang laking pasanin nun sa buhay?”

“Oo nga ‘tol eh. Umay na umay na nga ako maging gwapo.” Iiling-iling pa si Lerwick
habang sinasabi yan.
Kaya halos masamid ako sa sarili kong laway. Takte! Gusto kong tumawa sa sinasabi
nitong gagong nasa harap ko. Sigurado ba sya? “Ang alam ko ‘tol ang salitang gwapo
ay kakambal na ng pangalang Kaizer, kaya paano ka mauumay kung hindi mo naman
naranasan?”

“Ulul!”

“Psh. Sabay pa kayo nangangarap dyan?” Sabay kaming tumingin ng masama kay Boul na
nagsalita at may bitbit na bag.

Mabilis na tumayo si Lerwick at inakbayan si Boul. “Hayaan mo baby Vash mamaya


sabay din nating bubuuin ang mga pangarap natin sa buhay, muka kasing nagseselos ka
na naman eh.” Nakangising sabi nya. Anak ng tinola tong gagong to. Napaka-bakla
talaga.

Diring-diri na inalis ni Boul ang naka-akbay na kamay ni Lerwick sa kanya. Kaya


napailing nalang ako. Kahit naman ako nandidiri dito kay Lerwick kapag bumabanat ng
ganyan. “Tangnamo” Pfft. Sabi ni Boul.

“Kuya! Hindi pa ba tayo aalis?” Pinasadahan ko ng tingin ang kapatid ni Boul na


pormadong-pormado din tulad nya.

“San punta nyo?” Amputs! Nauna pa magtanong sa aking tong si Lerwick, yan din
itatanong ko eh.

“Sa mall/ Sa resort”


Saglit kaming nagkatinginan ni Lerwick dahil sabay na sumagot ang dalawa pero
magkaiba naman ang sagot. Wengya!

Maging silang magkapatid ay nagkatinginan din. Ano kayang problema nitong


magkapatid na to at mukha tense? May tinatago kaya silang dalawa?

“Oo tama sa resort nga / Sa mall pala”

Sa pagkakataong ito ay napahilamos na ako sa kaakit-akit at kapanapanabik kong


mukha. “Saan ba talaga?!” Tanong ko.

Bumalik sa pagiging kalmado ang mukha ni Boul. “Basta dyan lang.”

-Flashback-

Takte naman! Sa dinami-dami ng pwedeng ipagawa sakin bakit ako pa ang nautusang
mag-interview ng ba---“Good morning, Sir”

Whoa! Anak ng tinolang masarap!

Halos bumaliktad ako sa pagmamadali kong umayos ng upo nung may pumasok na
magandang babae. “P-please be seated” Sh*t! Nyetang dila ka umayos ka.
“Thank you.” Kasunod non ay ang pag-abot nya sakin ng curriculum vitae na hawak
nya.

Dama ko ang pagtagaktak ng pawis mula sa noo ko sa nerbyos pero hindi ko


pinapahalata. Takte! Pati kamay ko napapasma sa sobrang tense. Bakit ba ako ang
natetense eh ako ang mag-iinterview.

Whoa! “Ms. Sierra Valentine, graduate ka sa ibang bansa?”

“Yes sir, I also took my master’s degree abroad”

“Eh bakit for secretarial position ang ina-applyan mo?” Takhang tanong ko. Alam ko
informal masyado mga tanong ko pero ano bang magagawa ko? Eh sa wala ako maisip na
itanong, saka sa resume palang para sakin pasado na to.

“You guess” Tumawa sya ng mahina at sh*t pati pagtawa nya ang ganda. “Kidding
aside, I want to experience something new. And I believe that being Mr. Roswell’s
secretary will be a lot of fun.”

Fun? Whoa! I like her. I mean, gusto ko yung sagot nya.

“Okay. You passed”

“For real?”
“Yes.”

“Thank you!” Nakangiting sabi nya.

-End of flashback-

“Hoy Lampe! Natanga ka na naman dyan, kanina pa kita kinakausap” Nanlilisik ang
mata kong tinignan si Lerwick, hindi pa pala umaalis ang gagong to.

“O ano na naman? Kung kukulitin mo lang naman kung ano ang sikreto ng gwapo kong
mukha eh sorry tol, kahit alam kong napaka-buti mong kaibigan ay wala ng pag-asa
yang itsura mo.” Pang-aasar ko, pucha may iniisip pa ako eh istorbo.

“Gago! Kanina pa kita tinatanong kung ano tingin mo nangyayari kay baby Shin at dun
sa kapatid nyang kasing gago mo.”

Nanumbalik ang utak ko sa pag-iisip sa magkapatid na Boulstridge. “Hindi ko din


alam kung ano ang nangyayari sa dalawa.” Walang-kwentang sagot ko.

Nakayuko si Lerwick at malalim ang iniisip. Samanatalang ako ay nanatiling gwapo.


“Silang dalawa din ang tumawag sakin para sunduin sila Boss nung may mangyari sa
kanila dun sa isang hotel sa malayong bayan.” Tinignan ko ang direksyon kung saan
nanggaling ang boses ng nagsalita. Si Lee, naglalakad palapit sa amin kasama si
Fauzia na may hawak na CD.
“And look what we have.” Itinaas ni Fauzia ang CD na hawak-hawak nya.

“Amina.” Seryosong saad ni Lerwick at saka kinuha ang CD kay Fauzia. “Tol pahiram
laptop mo ha. Mabilis ba to? Baka naman puro porn ang laman nitong laptop mo.
Pfftt.”

Tang*nang to, manghihiram lang ng laptop ang dami pang sinasabi. “Ulul”

Pinagmamasdan ko si Lerwick mula sa pagbubukas ng laptop hanggang sa pagsasalang ng


CD. “Ano bang laman ng CD?” Usisa ko.

“It’s from the camera na ininstall ni Lee. Inutusan kami ni Mr. Roswell na bantayan
yang place na yan.”

Naka-abang kaming dalawa ni Lerwick at titig na titig sa screen. “Sh*t! Anong


ginagawa ng dalawang yan?” Tanong ni Seb.

Pucha! Yan din sana itatanong ko eh. Bakit ba lagging nangunguna to sakin. “We
don’t know either.”

Bakit nandito ang magkapatid na Boulstridge sa video? “Sino yang mga kausap nila?”
Dagdag na tanong ko.

“Wala pa kaming masyadong nakukuhang info tungkol sa kanila, hindi rin sinabi samin
ni boss kung sino sila. As of now, hindi pa kami makabalik sa lugar na yan dahil
madami pang nakabantay. Pasalamat na nga lang tayo at hindi nila napapansin yang
camera kaya kahit papaano may source tayo.” Paliwanag ni Lee.

“Naipakita nyo na to kay bossing?” tanong ni Lerwick, hindi nadin nya maiwasang
magsindi ng sigarilyo. “By now, siguro nakita na nya ang video, kahapon ko pa sya
sinendan ng copy.” Sagot naman ni Fauzia.

“Anong meron at may meeting kayo dyan?” Naisara ni Lerwick ang laptop sa
pagkabigla. Kasabay ng sabay-sabay naming pagtingin sa taong nagsalita.

“Sis!” Bati ko.

“Hi Mei.”

“Yo Mei!”

“Ms. Meisha.”

Umarko ang kilay ng kapatid ko na ikinalunok ko. “Anong meron?” Tanong nya. “Anong
pinapanood nyo?”

---
“Bakit hindi natin tanungin ang dalawa? Corner-in natin ng mga tanong.” Suhestiyon
nung gagong si Lerwick. Naiisip ko din yan kaso—

“We can’t. Hindi natin alam kung ano tinatago nila.” Seryosong saad ng kapatid ko.

“She’s right, hindi din natin alam kung may iba pang involve dito.” Dagdag pa ni
Fauzia.

“Mas mabuting magmanman muna tayo habang wala pang go-signal si boss” Sabi ni Lee.

“May silbi ka din naman pala Lee ano?” Pang-aasar ko.

Agad nya akong tinignan ng masama kaya natawa ako. “Ikaw lang naman ang wala.”
Sagot nya. Aba’y matinde! Gago to ah.

“I’ll ask for other Yaji member’s help.”

Hindi ko na nasagot si Lee dahil nagsalita agad ang kapatid ko. “Wag muna kaya sis?
Tulad ng sinabi ni Fauzia, hindi natin alam kung sino pa o kung may iba pang
involve dito. Mas magiging okay siguro kung konti lang tayong may alam.” Saad ko.

“For me, maaasahan naman silang tatlo. But if that’s what you want Max, then fine.”
Sagot nya. Kinindatan ko lang sya. Buti na lang hindi na kumontra pa ang kapatid ko
dahil siguradong hindi din naman ako mananalo sa kanya pag nakipag-debate pa sya.
“How about Queen Alyana and Master Eiji? Kailangan din nila malaman ang
nangyayari.”

Takte! Oo nga pala. Kailangan din ipaalam kila Ma’am Alyana ang nangyayari. Kaso
pag nalaman nila, siguradong gagawa agad silang dalawa ng hakbang at kung tama ang
iniisip ko. Sa mga oras na to panigurado akong may plano na si Boss, “Wag na din
muna siguro Sis, hinatayin muna natin ang sasabin ni Mr. Roswell satin.
Nakasisiguro din naman akong kung ano ang pinaplano ni nya ay para sa ikabubuti ng
Yaji at Roswell.”

“May utak ka din pala, Lamperouge. Sana dalasan mo paggamit para lagi kang may
silbi.” Nakangising asar ni Lee.

Aba’y matinde! “Sabihin mo tol kung isa ka sa insecure sa gwapo kong muka.”
Nakangisi ding sagot ko.

“HAHAHAHAHAHA nag-usap ang parehas na walang silbi.” Sabay kaming bumato ng


matatalim na tingin kay Lerwick.

“That’s enough Max and Lerwick.” Saway ni Mei sa amin.

“Bakit kami, babe? Si Lee kaya pasimuno.”

Wala pang isang Segundo ay nagbago ang mood ko. “Anong babe?” Tanong ko sag ago.
Kinilabutan ako nung tumingin ng malagkit sa akin si Lerwick. Mukhang alam ko na
ang sasabihin ng sira ulong to. “Hahahaha kalma baby Kaizer, sayong-sayo lang ako.”
Anak ng pusang-gala sabi na eh. Kadiri men!

“Hahahaha.”

“Hahahaahaha”

“Pfft.”

Aemie’s PoV

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinto ng opisina at ini-lock. Sumandal ako sa


pinto at tinignan ng masama ang laptop ni Zeke na nakapatong sa office table nya.

Magandang chance ‘to para mahalungkat ko ang laptop ni Zeke. Sinulyapan ko ang
Barbie na wall clock dito sa loob ng opisina. 2:05PM pa lang, may 55 minutes pa ako
para magbasa ng mga files hehehe.

Tumakbo agad ako sa swivel chair ni Zeke at saka ini-on ang laptop. Hehehe. Sure na
sure akong dito naka-save ang mga files ni Zeke.
Iniikot-ikot ko ang swivel chair habang nagiistart ang laptop. Pakiramdam ko isang
taon na akong nag-aantay sa sobra----Enter Password :

“Waaaaa!! Bakit may password ang laptop?!!”

Halos mahulog ako sa upuan sa sobrang gulat ko! Nakakainis! Sino ba naman kasi
nagpauso ng password? Feeling ko tuloy pinagsakluban ako ng langit at lupa.
Huhuhuhu!

Anong ilalagay kong password ni Zeke---

Alam ko na!

Zekelovesbarbie

Warning: Wrong Password!

“Waaaa! Huhuhu.” Isip Aemie, kering-keri mo ‘to. Baka naman war din sila ni Barbie?
Waaaa tama! Oo nga! Nakikita ko laging masama ang tingin ni Zeke kay Barbie, kaya
siguro magkagalit sila.

ZekemissesyouBarbiesomuch
Warning: Wrong Password!

Ano ba naman yan! Nakakainis talaga to si Zeke! Huhuhuhu! Eh kung itext ko kaya sya
gamit ang ibang number at itanong ko password ng laptop nya? Hindi naman siguro sya
maghihinala ‘no?

Tatakbo sana ako pabalik sa laptop ko para magtext gamit ang FreeSMS nung may bigla
akong maalala.

-Flashback-

“Wife, what’s your fb password?”

Takhang-takha ako tumingin kay Zeke habang subo-subo ang huling subo ng kinakain
naming noodles. “Bakit mo tinatanong dong? Gusto mo siguro pakialaman ang
groupchats at facebook groups ko ‘no?” O kaya baka dedekwatin nya ang mga naka-
private kong album ng barbie sa fb. Grabee!

“I just want to know.”

“Aemiebarbie143 hehe pati sa wattpad, twitter, instagram, youtube, gmail, yahoomail


at sa lahat yan ang password ko Zeke. Bakit pala kasi?”

Nginitian lang ako ni Zeke at saka kumiss sa pisngi ko. “Kadiri ka naman dong!
Kumakain kumikiss ka sa pisngi ko.” Baka mamaya may sauce pa ng noodles, ito talaga
si Zeke hindi marunong ng good manners. Kung madami lang akong oras, ituturo ko
sakanya lahat ng itinuro ni mommy eh.

Nginitian lang nya ulit ako saka nagsabi ng “I love you”

Weird.

-End of Flashback-

“Omygod! Omygod! Hindi kaya ginaya ni Zeke ang password ko?”

Dali-dali kong tinype ang Aemiebarbie143

Windows starting...

“WAAAA---” Tinakpan ko agad ang bibig ko nung mapansing kong sobrang lakas ng hiyaw
ko. Pero waaaa gumana nga---pero teka, bakit pati password ko ginagaya ni Zeke?
Ganun ba sya ka-insecure sa akin? Mygod! Ang dali-dali namang umisip ng password
nanggagaya pa sya. Walang originality. Hayy!

Abot tenga ang ngiti ko nung bumukas na ang---wait bakit picture ko ang wallpaper
nitong laptop? Don’t tell me pati mga naka-private kong picture sa fb
pinakakailaman ni Zeke? Hayyy! Napaka-pakialamero talaga nung lalakeng yon.
Isa-isa kong binuksan lahat ng files, inuna ko ang Drive C at saka hinalungkat
lahat ng laman ng documents.

Actually hindi mahirap maghanap kasi organized ang files ni Zeke. Bawat folder may
pangalan kung ano ang laman.

Sobrang daming files ang laman ng drive C, take note : Drive C pa lang yan. Tumakbo
ako saglit sa may laptop para kuhanin ang flashdrive at icopy lahat ng document
files ni Zeke. Hindi ko kasi kayang isa-isahin lahat, kukulangin ako sa oras pag
isa-isa ko pang binasa. Hehehe.

Nag-inat ako ng bras nung matapos ko kopyahin lahat at saka tumingin ulit sa wall
clock. Grabeee! Ang tagal ko pala? 2:45 na, hindi ko yata napansin ang oras kaka-
click kasi habang nagcocopy ay nagbabasa na din ako.

*knock* *knock*

“Come in.” Natatarantang sagot ko habang dali-daling inalis ang flash drive at
shinut down ang laptop ni Zeke.

“It’s locked. Tss” Omygod! Boses ni Zeke yun ah! Waaaa! Huhuhu! Hindi ko na din
mapigilan na hindi mapakagat sa mga kuko ko habang nag-aantay mag-shutdown ng
tuluyan ang laptop. Tarantang-taranta na talaga ako. “Open this goddamn door,
wife.”

“O-oo Zeke teka lang hinahanap ko ang susi hehe.” Sagot ko habang nakatingin pa din
sa laptop at inaantay mag shutdown. “Bilisan mo naman magshutdown huhuhu.”
“Susi?” Pakinig kong sabi ni Zeke sa likod ng pinto. Hindi ko na sinagot si Zeke at
ifinocus na lang ang tingin ko sa laptop. Naka-aircon naman dito sa opisina pero
feeling ko pawis na pawis na ako sa sobrang kaba.

Waaaa ano ba! Bilisan mo naman mag shut----“YESSS!!!”

Isinara ko agad ang laptop at saka tumakbo palapit sa pinto at pinagbuksan si Zeke.
“Hi dong! Hehehe.” Nakangiting sabi ko.

Nakatingin lang sya sakin hanggang sa maisara nya ang pinto. “What took you so
long?” Tanong nya.

“Hehehe hinanap ko nga ang s-susi diba? He-he-he---Ay dong nagugutom ka ba? Gusto
mo ba ikuha kita ng pagkain?” Akmang lalabas na ako ng pinto nung sumagot si Zeke
“No.” *pout*

“Okay he-he-he”

“You can open the door from the inside without the key.” Umiwas ako ng tingin kay
Zeke kasi alam ko naman! Ano ba akala nya sakin shunga? Syempre pwede kong buksan
ng walang susi. Hayy! Bakit nya ba kasi alam din yun?

“And why do you look pale?”

Ngumiti lang ako kay Zeke ng alangan, “Are you sick?” tanong nya ulit. Huh? Sira
ulo ba sya? May sick bang nakakatakbo pa papunta sa pinto. Humarap sya sakin at
hinawakan ang dalawang pisngi ko habang nakatitig sa mga mata ko at saka ulit
nagtanong. “Do you want to go home?” Dagdag pa nya.

Inalis ko ang pagkaka-hawak ni Zeke sa mukha ko at saka sya tinalikuran. Akmang


maglalakad na ako papunta sa table ko nung tawagin ako ni Zeke. “Wife, I am talking
to you.”

Humarap agad ako sa kanya bago pa sya magalit *pout* “Alam ko Zeke hehe—“

“Then why do you keep on ignoring my questions?”

“Hindi ko naman iniignore eh, hindi ko lang alam isasagot ko.”

“Why, are you mad at me?” Tanong nya ulit. Aba! May pagka-makulit pala to si Zeke
ano? Bakit naman ako---Waaaa! Oo nga pala galit nga pala ko dapat sa kanya kasi
gaya gaya sya ng password. “Well, if you are, I’m sorry.”

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Zeke. Anong meron? Hindi naman talaga ako
galit eh. Okay lang naman sakin kung makikigaya sya ng password. Password lang
gagawin kong bigdeal? “Hehehe hindi naman dong, hehehe sige maupo ka na dun kanina
ka pa nakatayo dyan sa may pinto dinaig mo pa sila kuyang guards sa baba eh.” Umupo
na din ako sa harap ng laptop at saka isinalpak ang flash drive.

“Tss.”

Habang inaantay ko mag-load ang flash drive ay pinagmamasdan ko si Zeke. Sana hindi
nya mapansing pinakialaman ko ang laptop nya. Pagkaupong-pagkaupo nya sa swivel
chair nya ay laptop agad ang hinarap nya.

Wait bakit tumigil si Zeke?

At..

Nakapatong lang ang kamay nya sa ibabaw ng laptop.

Nung makita kong tumingin si Zeke sa akin ay nagsalita agad ako. “Hindi ko
pinakialaman yang laptop mo dong ah!”

“You sure?”

“Oo no! Hindi ko nga alam na Aemiebarbie143 password mo paano ko pakikialaman yan.
Wag ka ngang bintangero, masama yan.”

“I didn’t say anything.”

“E bakit mo ko tinitignan?”

“I just want to.”


“Weh? Maniwala naman---“

“Why do you know my password anyway?”

Napalunok ako at hindi alam na susunod na isasagot ko. “H-hindi ko naman alam ah.”

“Kakasabi mo lang ng Aemiebarbie143” Tanong nya.

“Password ko yun no! Ikaw ba si Aemie ha? Ikaw ba?”

*glare*

*pout*

***

Medyo naiinis na ako kaka-basa ng kaka-basa. Kanina pa ako scroll ng scroll at


click ng click. “Hayyy!! Ano ba naman to bakit wala?”

“Ang alin?”
Napatakip ako ng bibig nung biglang magsalita si Zeke, nakatingin sya sakin at nag-
aantay ng isasagot ko. “Wala yung post ko sa fb hehehe kanina ko pa kasi
hinahanap.” Palusot ko.

Tumango lang si Zeke at bumalik sa pagkakaharap sa laptop nya kaya naman nakahinga
ako ng maluwag. Omygod buti na lang medyo madali maniwala ‘to si Zeke. Kanina nga
feeling ko di nya na nalaman na alam ko talaga password nya eh.

Masakit na ang mata at ulo ko. Nakakainis. Huhuhu. Halos lahat na ng folder natapos
ko na tignan isa-isa pero mukhang wala naman related dun sa mga nabasa ko last
time.

Nasa last folder na ako at wala akong ibang ginagawa. Nakatutok lang ang arrow ng
mouse sa tapat ng pangalan ng folder. Hindi ko pa magawang buksan kasi ang totoo
nyan nacu-curious din ako sa name nya. Karamihan kasi sa mga nabuksan ko kanina mga
company names, kung hindi company names, ay date or name ng project.

Vendetta

Bago ko buksan ang folder ay inuna ko magsearch sa Wikipedia kung ano ang meaning
ng word na yon. Vendetta may refer to Feud, a long-running argument or fight.

Pagkabasang-basa ko nun ay magkahalong excitement at kaba ang naramdaman ko bago


buksan ang folder.

“WAAAAA!!! BAKIT WALANG LAMAN?!” Halos mangiyak-ngiyak kong hiyaw.


“Walang laman?”

Omygod. Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Ang ingay mo naman kasi Aemie. Ano
sasabihin ko ditto kay Zeke, napaka-tsismoso naman kasi lahat na lang tinatanong.

“He-he-he, wala. Yung ano kasi---uhh”

“Yung?”

“Y-yung ahmm, y-yung tyan ko walang laman”

“Get us some food.” Nanlaki ang mata ko nung narinig ko ang sinabi ni Zeke. “Anong
gusto mo?” Tanong ni Zeke sakin habang may kausap sa deskphone nya.

“Kahit ano lang hubby hehe.” Haharap n asana ako sa laptop pero nadinig ko pang
nagsalita si Zeke. “Okay, I love you.”

I love you?

Bigla ako nakaramdam ng inis nung Makita kong hawak padin nya ang phone, halos
hindi ko na din madinig ang sinasabi nya sa kausap nya dahil sa sobrang inis.
“Sino naman ka-I love you-han mo dyan dong ha?” Tanong ko.

“Huh?” Tanong nya pagka-baba ng phone.

“Kita mo na! Kita mo na! Nagmamaang-maangan ka pa, kakasabi mo lang sa kausap mo ng


‘I love you’ tapos---“

“Pfft—Hahahaha you’re so cute wife, stop that.”

Aba! Aba! Ako ba eh pinaglololoko nito? Naiinis na ako dito tapos sya tatawa-tawa
pa. “Dong naman eh! Seryoso ako.”

“I am—hahaha serious too. You’re damn cute.”

“Ewan ko sa’yo Zeke! Nai-stress ako sayo! Ang gulo mo kausap, ang slow pa. Naiinis
na ako tinatawan pa ako.”

“Hahahaha why? What did I do?”

Ano ba yan! What did I do—what did I do? “Kakasabi ko lang---“

“I love you” Nakangitin sabi nya. Tumingin agad ako sa kaliwa’t-kanan, at sa buong
paligid ng opisina kung para kanino na naman yung I love you na yon.

“I love you, Aemie Ferrer-Roswell.”

“Weh?”

“Yeah. Hahahaha.”

“Para sakin ba yon talaga, dong?”

“Yes.”

“Hehehe thank you.”

“Thank you?”

Kumunot ang noo ko at nagtaka dahil inulit ni Zeke ang sinabi ko, “Welcome?”

“Where’s my I love you too?” Kita mo tong lalakeng to! Kung hindi slow, burara.
Hindi ko na sinagot si Zeke para hindi na kami magtalo. Anong malay ko na naman don
kung saan nya inilagay, lagi na lang sakin hinahanap. Hayy!
Ibinalik ko na ang tingin sa laptop ko, saktong may notification na dumating.

1 email received

Miss Aemie,

3 Auctions na lang po ang natitira ngayong taon. Ang pinaka-malapit po ay ang


auction na gaganapin sa Chan Western Tower Hotel, nextweek. It’s an underground
auction kaya pili lang ang mga makakadalo. But I already got 2 VIP passes kung
gusto nyo pong pumunta.

Best,

Cassandra Heather.

Chan? Diba yan din yung pangalan na nakalagay sa ginagawa ni Zeke last time?

Bakit ganon? Parang hindi maganda ang kutob ko.

Sinulyapan ko kung ano ang ginagawa ni Zeke pero nakatingin na din sya sa laptop
nya. “Zeke may maitutulong ba ko sayo?” Tanong ko, gusto ko naman kasi talaga
tumulong eh. Kahit ano naman ang gagawin gusto ko talaga tumulong.
Mas lalo pa ngayon na alam kong sila ni mommy ang dahilan kaya nawala si Moo at
Shan Venice. Mas lalo ko pa dapat tulungan si Zeke.

“Nah, I can handle this.” Sagot nya, ni hindi man lang nya ako nilingon.

“Galit ka ba Zeke? Sige na nga, tutulungan na kita hanapin yung I love you too mo.”

*glare*

*pout*

Tignan mo to, sya na tutulungan sya pa ang may ganang tumingin ng masama. Kaso
nagi-guilty ako kasi ang dami na iniisip ni Zeke, tapos kinukulit ko pa sya.

Hindi na ulit nagsalita si Zeke. Keri ko to mag-isa! Kung ayaw nya ng tulong---ahm
tutulong pa din ako hehehe.

Reply :

Sige Cassandra hehe, samahan mo ko nextweek.

Excited na ako! Ano kaya mangyayari don? First time ko din a-attend ng auction.
Kaso paano kaya ako magpapa-alam kay Zeke?
Lumingon ulit ako kay Zeke. Hindi na ako nagulat na nakatingin sya sakin, lagi
naman eh. Minsan iniisip ko kung naiinsecure lang sya. “I love you hubby”
Nakangiting sabi ko. Hindi naman kasi sya nagsasalita, nakatingin lang sya.

“I love you more than you love me.”

“Waaaa? Mas mahal kita!”

“Tss. Mas mahal kita.”

“Paano mo nalaman ha?” Pauso to si Zeke kahit kalian.

“I just know.”

A/N

Nasa SM Bacoor po kami this coming Saturday (July 12) Para sa GR3 J Punta kayo ha?

Ay nga pala, bili kayo MHIAMB book! Volume 1 ng season 1 J Thank you guyssss :*
Loves youuu!
=================

Chapter 6

Aemie’s PoV

“Gusto nyo po bang i-report ko na kay Master Eiji at Queen ang nangyari sa inyo ni
Mr. Roswell?” Tumunghay ako mula sa pagkakayuko. Kasama ko ngayon si Cassandra
Heather at kausap para magplano sa pagpunta naming dalawa sa Auction.

Natural ba sa mga Mafia ang pagiging tsismosa? Bakit pati naman yun kailangan nya
isumbong kila mommy. Paano na lang kung pagalitan ako ni mommy dahil sa nangyari?
Hayy! Hindi din nag-iisip tong si Cassandra. Sayang! Isa pa naman sya sa mga idol
ko kasi ang galing-galing nila. “Wag na, baka makaistorbo lang tayo kila mommy.
Hindi na naman pati siguro nila kailangan malaman pa.” Tumango sya pagkasabi ko nun
at ininom ang isang tasa ng kape na tinimpla ko sa kanya.

Buti na lang at mamaya pang gabi ang dating ni Zeke kaya napapunta ko si Cassandra
dito sa pink house. “Ito lang ba ang mga i-o-auction?” May mag-bid kaya sa auction?
Eh parang ang boring naman ng mga nandoon. Gems, Relics, pati naman mga documents
na hindi importante kasama sa mga i-o-auction. Hayy!

“Nope, meron pa po dito.” Tinignan ko ang sunod na folder at---

“Wowww!” Hindi ko na nagawang tignan pa ang ibang pictures dahil napako na ang
tingin ko sa larawan ng manika. Hindi sya Barbie kasi ang design nya ay katulad ng
mga design na manika sa Toy Industry. European doll. Pero ang ganda nya at—“They
said that the original owner of the doll is a daughter of one of richest Mafia
boss. And the said girl passed away three years ago together with her father. They
believe na may something sa manikang yan kaya kasama sa auction.” Bigla naman akong
kinilabutan sa sinasabi ni Cassandra.
Ang creepy kasi parang sa mga horror story ang kinukwento nya. Pero—naiintriga ako.
Gusto kong makita at mahawakan ng personal yung manika, feeling ko din may
something sa kanya. “Mahal kaya to?” Tanong ko kay Cassandra.

Sa ganda ng manika, siguro nasa five thousand ang presyo nito kaya naman tingin ko
kailangan ko na mag-ipon simula ngayon dahil next week na ang auction. Pero ano
naman kayang raket ang papasukin ko para maka-ipon ng pambili ng manika?

Alam ko na! Magtitinda na lang ako ng fishball hehehe.

“As far as I know, the starting bid for the doll is one and half a million.”

“ANOOOO?!?!” Halos mag-echo sa buong pink house ang boses ko sa lakas ng pagkaka-
tanong ko. S-s-seryoso ba sya sa sinasabi nya? “1.5 m-million?” Tanong ko ulit,
baka naman kasi nagkamali lang ako ng dinig.

“Yes, Miss Aemie. Starting bid pa lang yon.”

Omygod! Kung piso dalawa ng fishball, kailangan ko maka-benta ng 3million fishballs


sa loob ng 5 days. Huwaaaaa! Huhuhu kaya yan! Sasamahan ko na lang ng kikiam, squid
balls, kwek-kwek at iba pa para makaipon.

1 message received

SMS From Zeke : I am on my way home. I love you


Waaaaa patay pauwi na si Zeke! “Uhh—Cassandra pauwi na kasi si Zeke—“

Ngumiti sya sakin saka nagsimulang tumayo, at naglakad-lakad ng kaunti papunta sa


malaking glass window nitong kusina, kung saan tanaw ang dagat. Ano yan? Ngayon nya
pa natripang i-enjoy ang view kung kailang padating na si Zeke? Huhuhu

“Aalis na din po ako, Miss Aemie. Contact-in nyo lang po ako kapag may kailangan
kayo ipagawa.”

Hayy buti naman. “Hehehe sige ingat ka ha.”

Pinagmamasdan ko ang kotse ni Cassandra na tumatakbo paalis, pero ang laman ng isip
ay ang mga ibebenta ko para magkaroon ng pera.

1.5 million, ka-presyo na yan nung mga pinagebebenta ni insane na mga bahay.

Nung hindi ko na matanaw ang sasakyan ni Cassandra ay pumasok na agad ako sa loob
para maghugas nung tasa ng kape ni Cassandra. Baka makahalata pa si Zeke na may
pinapunta ako dito sa pink house. Ang bilin pa naman nya, wala dapat ibang makaalam
na nandito kaming dalawa nag-stay.

Pagkatapos kong maghugas ng tasa ay isinunod kong ligpitin ang mga folders na
nakapatong sa ibabaw ng dining table.

*dingdong*

Omg! Nandyan na si Zeke! Waaa! Saan ko ilalagay tong mga folders? Paano pag nakita
nya?

*dingdong* *dingdong*

“Saglit lang naman Zeke!” Hiyaw ko.

Tumigil ako saglit sa may living room para buksan ang isa sa mga cabinet at ilagay
ang folder. Hindi naman na siguro to papakialaman ni Zeke no? Mamaya ko nalang ulit
kukunin.

*dingdong* *dingdong* *dingdong*

“Eto naaaa! Bubuksan ko na nga eh.” Hiyaw ko ulit habang naglalakad papunta sa main
door. Maka-pindot naman ng doorbell tong lalaking ‘to kala mo hindi sya pag
bubuksan ng pinto

Pagkabukas ko ng pintuan ay nag-abang ako saglit na pumasok si Zeke, pero wala.


Kaya naman sinubukan kong dumungaw ng kaunti sa labas ng pinto—
“Zeke?” Tawag ko ng mahina.

Lumabas pa ako at tumingin sa kaliwa’t-kanan. Umihip pa ang malakas at malamig na


hangin, kumalansing tuloy ang nakasabit na chimes dito sa may pintuan kaya parang
horror movie ang atmosphere. Ang creepy huhuhu.

“Dong?” Tawag ko ulit.

“Zeke nasaan ka ba?” Sinubukan ko namang tanawin yung madilim na part sa malayo,
baka kasi nagtatago lang dun si Zeke.

Maglalakad pa sana ako pero natisod ako sa kung ano—“Ano to?”

Kahon? Halos kasing laki lang sya ng box ng sapatos.

Pinulot ko agad ang kahon. Ngumiti pa ako sa naisip ko. Siguro surprise to ni Zeke
sakin. Hehehe.

“A-a-no to?”

Naupo ako sa gutter at saka inilapag ang kahon. Hawak-hawak ko ang isang maliit na
photo album. Habang inililipat ko ang bawat pahina ay hindi ko alam kung ano ang
mararamdaman ko.
Puro picture naming dalawa ni Zeke, stolen shots. May picure pa ng kasal namin.
Nakakatuwa sanang alalahanin. Pero—bakit may parang dugo sa bawat picture? Inilipat
ko pa ng inilipat ang page ng photo album pero hanggang dulo puro ganun.

*Beep*Beep*

Zeke?

Tumunghay ako at tinignan ang kakaparada lang na kotse malapit sakin.

“Hubby!” Hiyaw ko sakanya. Nakangiti naman syang lumapit sa akin.

Ikiniss ako ni Zeke sa labi ng mabilis nung makalapit sya. “I missed you.” Bulong
nya.

“Hehehe.”

“Why are you here? Tss. Malamig.” Tanong ni Zeke.

T-teka, ibig bang sabihin hindi sya yung nag-doorbell sa pinto kanina? O baka naman
nagkukunwari lang sya na hindi sya yun?
Tumingin ulit ako sa kaliwa’t kanan para i-check kung may tao. Hindi ako pwedeng
magka-mali. May nag doorbell talaga kanina.

“What’s wrong?”

Pero kung hindi si Zeke, sino naman kaya ‘yun? Bukod sa aming dalawa, wala namang
ibang tao dito. Sinubukan ko pang tanawin ang malawak na dagat sa malayo. Wala
namang paa ang mga isda.

Hayyy! Sumasakit ang ulo ko.

Ibinalik ko ang tingin kay Zeke na nakatingin na din sa malayo. “Dong?” Tawag ko sa
kanya.

“Hmm?” Sumagot sya pero hindi nya inaalis ang tingin sa tinitignan nya. Nung
tanawin ko, wala naman ako ibang nakita kung hindi madilim na lugar at puro puno.

“Ano tinitignan mo Zeke?”

“May pumunta ba dito nung wala ako?” Tanong nya. Napalunok naman ako. Hindi ko
pwedeng sabihin na pumunta si Cass kasi baka magalit si Zeke.

“Uhmm wala dong, hindi pumunta dito si Cass. Hindi nga nya alam tong pink house eh.
Hehehe.”
Nginitian ako ni Zeke kaya nakahinga ako ng maluwag. “I see.” Hayy buti naman at
naniwala sya. Akala ko magtatanong pa eh. “What’s that thing?” Tanong nya. Tinignan
ko ang album na hawak ko at saka itinago sa likod ko. “Hehehehe wala—ano ba
namamalik-mata ka yata dong, siguro gutom ka na. Tara na sa loob hehehe.”

“Alright.” Inakbayan ako ni Zeke at saka kami sabay na naglakad papasok ng bahay.

“Dong? Bakit?” Tanong ko nung ini-off ni Zeke ang mga ilaw sa living room. At
pinalitan ng mas dim na light.

“It’s more relaxing now.” Tinignan ko ang buong paligid. In fairness may point din
naman si Zeke minsan. Mas relaxing nga kapag dim ang light. Kaysa kanina na sobrang
liwanag.

Naglakad sya palapit sa may center table at saka kinuha ang remote ng t.v at ini-
on. Hindi ba muna sya kakain? Hindi ako naalis dito sa kinatatayuan ko sa may
pinto, pinapanuod ko lang si Zeke sa mga ginagawa nya. Pagkatapos nyang lakasan ang
volume ng t.v ay sunod syang lumapit sa malaking glass window sa salas. Hinawi nya
ang kurtina para matakpan yung bintana.

Tatanungin ko din sana kung bakit, pero gabi naman. Kaya okay lang. Hindi naman
matatanaw ang view sa gabi.

Umupo na ako sa salas, kasi syempre para manuod ng t.v kaya nga binuksan ni Zeke
ang—“May I see that?” Inilahad ni Zeke ang kamay nya sa harap ko nung makalapit sya
sakin. Ito bang album ang tinutukoy nya? Tumungo na lang ako *pout* Wala nadin
naman ako magagawa kung hindi ibigay kay Zeke ‘to kaysa naman kulitin pa nya ako.
Tinititigan ko si Zeke na umupo sa tabi ko at naglilipat ng pages ng album. “Who
gave you this?” Tanong nya. Uhm—“Wala namang nagbigay sakin nyan dong, nakita ko
lang yan sa tapat ng pinto kanina. Akala ko nga ikaw ang—“

Tumigil ako sa pagsasalita dahil tumingin si Zeke sa may kurtina sa living room.
“Did you hear that?”

“Alin Zeke?” Sobrang lakas kaya ng volume ng T.V.

“Guns and footsteps?”

Sinubukan kong pakinggan, pero wala talaga ako nadidinig. “Gutom lang yan Zeke.”

Meisha’s PoV

“Where have you been?” I asked Cassandra, while aiming for the 5th ball of the
billiards. Actually, kanina ko pa hinihintay na dumating si Cassandra.

“Pinuntahan ko si Ms. Aemie.” Sagot nya sakin.

“Why? Ano ginawa mo doon?” Tanong ko. “Nothing, she asked me for some random
information kaya ayon.” Kinuha nya ang isang tako, at pumorma na titira.
Ms. Aemie also asked me about Wallace. She asked Seb about Phoenix Strife. “Ano
naman ang itinanong nya sa’yo?”

“You don’t care.” Sagot sakin ni Cass.

Tinitigan ko sya ng masama. “Once na malaman kong traydor ka Cassandra, hindi ako
magdadalawang isip na patayin ka.” I looked at her straight into her eyes.

“The feeling is mutual, Mei. I am protecting Ms. Aemie.” She replied.

Ibinagsak ko ang tako na hawak sa billiard table at saka umalis. Leche! I have a
trust issue now, kahit alam kong mapagkakatiwalaan sila. I can’t keep myself from
suspecting everybody. I also know na hindi lang ako ang nakakaramdam ng ganito.

Nagsindi ako ng sigarilyo nung makarating sa isang veranda. “Hey love. Bad mood?” I
turned my head to face Tristan. He’s holding two glasses of red wine. I shook my
head after puffing my cigar. “No. Wala ‘to.” Sagot ko, okay fine. I admit, hindi
convincing at halatang labas sa ilong pagkakasabi ko.

Iniabot nya sakin ang isang glass of wine. “Uminom ka muna, maybe it could help.”
Kinuha ko ang wine at saka sumandal sa railings ng veranda. We’ve been together for
two years, so hindi naman siguro masama kung i-open ko sa kanya ang topic diba? “Do
you have any idea of what’s happening, love?” I asked.

He sighed. “Oo. But I prefer to be silent hangga’t hindi pa naman kumpirmado ang
lahat.” I nodded. Yes, he’s my boyfriend but we always have different views
pagdating sa trabaho. We don’t share information and such unless kailangan. “By
chance, may alam ka ba sa nangyari kanila Ms. Aemie at Mr. Roswell doon sa
apartelle?”

Mabilis syang tumingin sa akin. Oh no! I think I hit a nerve. “Are you suspecting
me?” Halata ang pagkairita at pagbabago ng tono sa boses ni Tristan. “I—I was just
asking.”

Inalis ni Tristan ang tingin nya sa akin sabay pihit ng katawan nya paalis ng
veranda.

I sighed.

Aemie’s PoV

“Ano ba gagawin natin Zeke?” Kakatapos lang kasi naming kumain. Tapos dito kami
agad dumiretso sa kwarto.

Pagkadating namin dito ay inutusan ako mag-assemble ni Zeke ng baril kaya sinunod
ko agad sya. Samantalang sya ay inaayos ang sniping rifle. Hehehe. Siguro adventure
na naman ‘to.

Nakatitig ako sa ginagawa ni Zeke. Ilang ulit nya kasi sinisipat ang rear sight ng
rifle at saka eye piece. “Aww” Daing ko nung maipit ng kaunti ang laman ko sa palad
nung inilagay ko ang magazine. Inilapag ko ang baril sa ibabaw ng kama at tinignan
ang kamay ko. Bakit ba kasi ayaw pabuksan ni Zeke ang ilaw ditto sa kwarto? Ang
hirap tuloy tignan nito huhuhu.
“Tss. Does it hurt?” Naaninag ko na umupo si Zeke sa kama sa harap ko pero hindi ko
na pinansin. Bakit ko naman papansinin eh narinig na nyang nagsabi ako ng Aww tapos
tatanungin pa ako kung masakit. Hayy!

Kinuha ko pa ang isa pang baril at sinimulang assemble-in nung inagaw yun ni Zeke
sakin. “Ako na.”

Eh?

Tinaas ko ng konti ang ulo ko para tignan sya. “Sigurado ka dong? Baka maipit din
kamay mo.” Paalala ko, may pagka shunga pa naman si Zeke kaya concern talaga ako.
“Tss.”

OMG!

“Bakit ang bilis mo mag-assemble ng baril?” Maduga! Bakit ang galing nya. Hayy.

“Hahahaha. You’re better than me when I was starting.” Nakangiting sabi ni Zeke
saka kinuha ang kamay ko at tinignan. Aalisin ko sana pero bigla nyang hinalikan
yung palad ko. Waaaa! Anong meron?!

“Does it still hurt?” Tinignan ko yung kamay ko—“Hindi na, hehehe.” Weird. May
magic powers kaya tong si Zeke?

Lumingon ako dun sa sniping rifle na nasa may bintana, para syang telescope dun na
maayos na nakalagay, kaya nakaka-attract sumilip. “Dong—“

“Go ahead.” Sabi ni Zeke.

Waaa! Alam nya agad ang sasabihin ko? Yiii! Lulukso-lukso pa akong lumapit sa may
sniping rifle. Omygod, omygod ito na! First time ko makakasilip dito.

“Ang astiiiiiig!” Para pala talaga syang telescope kasi lumalapit talaga yung
tingin—

Eh?

Sino yon?

Sumilip uli ako sa eye piece ng sniping rifle, baka naman kasi namamalik-mata lang
ako. “Zeke m-may multo yata.” Waaaa! Bakit may nakikita akong mga anino na parang
tumatakbo. Huhuhuhu.

“Get your guns, wife.” Nagulat ako dahil nung inalis ko ang mata ko sa eyepiece ay
katabi ko na si Zeke. “Dong m-may—“

“They’re intruders.”
“Hindi ba sila multo?” Kinakabahang tanong ko. Sana naman hindi ang isagot ni Ze—

“No, they’re here to kill us.”

Waaaaa omygod omygod! Buti na lang! Hayyy! Nakahinga ako ng maluwag dun ah. Akala
ko talaga multo sila.

“Hehehe buti naman kung ganon dong. Sige, ano ba gagawin ko?”

Natigil si Zeke sa pagsipat doon sa sniping rifle, at saka ako tinaasan ng kilay.
“Buti naman?” Tanong nya.

“Buti naman at hindi sila multo, akala ko multo eh. Hehehe.”

“Pfft. Weirdo.”

Ako pa? Ako pa ang weird? *pout*

Kinuha ko nalang ang dalawang baril na nakapatong sa ibabaw sa kama, at saka


naglakad palabas ng pinto.

“Dong, lalabas na ba ako? Hehe.” Every time na lang na mag-a-adventure kami ni Zeke
ay naeexcite ako.
“Later.” Sagot nya.

“Okay hehehe.” Lumakad na lang ako palapit kay Zeke at nakitingin sa tinitignan
nya. “Ang dami nila, dalwa lang tayo ah, ano laban natin dyan.” Sabi ko habang
tinitignan ang mga anino sa labas ng pink house.

Pero wait—

Sino naman kaya yung mga tao na sinasabi nyang gusting pumatay samin. May kinalaman
kaya yon kay Wallace Martin Lionhart at Phoenix Strife?

Pati dun sa auction?

Sila kasi yung huling taong nagtangka sa amin---

“Dong—“

“Shhh”

Bahagyang binuksan ni Zeke ang bintana at saka kinalabit ang sniping rifle, dahilan
para mapatingin ang mga anino na nasa baba dito sa direksyon namin.
“Halaaaa!” Dali-dali akong yumuko nung bumaril din sila pero ilang saglit lang
nawala din yung mga putok ng baril na narinig ko.

Nung tumayo ako ay sumilip ulit ako sa bintana. Iilan lang yung nakahiga sa sahig.
“nakatakas yung iba Zeke?”

Inalis nya ang tingin nya sa sniping rifle at kumuha din ng dalawang handgun.
“Let’s go out.” Eh?

“Out as in date?” Grabe naman to si Zeke, may papatay na samin ngayon pa naisipang
mag-date? “Tss. Out as in outside this house. Tss.”

Ahhh. Ayaw kasi lilinawin. Hayy!

Mabilis na hinawakan ni Zeke ang isang kamay ko, at saka kami dahan-dahang lumabas
ng pinto ng kwarto. Yiii~ exciting to! Ganito yung mga napapanuod ko sa mga action
movies, madilim tapos may hawak na baril tapos mamaya may lalabas na mga kalaban
tapos magbabarilan.

Paglabas namin ni Zeke ng kwarto ay nakadinig kami ng ingay at mga kalabog na


nanggagaling sa baba ng bahay. “Dong ano yon? May magnanakaw yata?” Wrong timing
naman magnanakaw, ngayon pa nakisali kung kalian may papatay samin. Hindi man lang
namili ng ibang date.

Wala pang isang segundo ay naramdaman ko ang pagsandal ng likod ko sa pader at ang
paglapat ng labi ni Zeke sa labi ko. “I’ll meet you downstairs. Take the stairs;
I’ll jump off the window.” Kasunod non ay binuksan ni Zeke ang bintana na nasa dulo
ng hallway. “Wait—“ Bago ko pa man mapigilan si Zeke ay nakatalon na sya. Kaya wala
akong nagawa kung hindi silipin sya mula dito sa bintana. “I love you.” He mouthed.

Gusto ko din gayanin si Zeke kaso di ko naman kaya. Hayy maduga!

Hinarap ko ulit ang madilim na hallway ng bahay at saka dahan-dahang naglakad.


Nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay nakadinig na ako ng mga putukan sa ibaba kaya
nagmadali na akong tumakbo.

Huminto ako nung malapit na ako sa huling baitang ng hagdan dahil may naramdaman
akong mga kaluskos ng paa na nanggagaling sa kusina.

Ingat na ingat akong naglakad papunta kung saan ko nadidinig ang mga kaluskos.

“Walang tao dito.”

“Doon tayo sa taas.”

Habang palapit ako sa kusina ay nadidinig ko ang usapan ng dalawang lalaki, pati
nadin ang mga putok ng baril na nanggagaling sa labas.

Nakadinig pa ako ng mga yabag ng paa na nagmula naman sa living room kaya nagtago
agad ako sa likod ng malaking banga.
“Hanapin nyo na agad yung asawa ni Roswell.”

“Nandoon si Roswell sa labas.”

“Bakit di nyo pa agad pinatay?”

“Biglang nawala eh.”

“Lagot tayo nito kay Ma’am.”

Ma’am?

Lumabas ako mula sa pinagtataguan ko at nakisali sa usapan nila. “Sinong Ma’am?”

Nung makita kong umakmang itataas nung isang lalaki ang kamay nya at itututok sakin
ang baril ay inuhan ko syang paputukan, at saka tumakbo palapit sa tatlo pang
natitira.

I raised my hand and hit one of them using my gun. At saka ko tinutok ang kaliwang
baril na nasa kamay ko sa kanya. “Sinong Ma’am?” Tinignan ko ang lalaking nakahawak
pa sa ulo nya dahil sa hampas ng baril na ginawa ko. Yung baril sa kanang kamay ko
naman ay nakatutok sa dalawa pang natitirang lalake na nakatayo sa harap ko.
Inaantay ko kung may magsasalita sa kanila hanggang sa nagsalita ang lalaking
hinampas ko ng baril “Si Ma’am—“

Nagulat ako nung bigla na lang syang tinamaan ng bala katawan at ang bumaril pa
sakanya ay ang isa sa kasama nya kaya mabilis ko din syang binaril.

Kasabay ng pagbaril ko ay napansin kong hindi lang ako ang bumabaril dahil pati
yung isang lalaki ay tinamaan ng bala.

“Zeke” wika ko paglingon ko sa likod.

*****

“Saan na naman ba tayo pupunta dong? Hindi man lang ba tayo magdadala ng damit?”

“Bibili na lang tayo.”

“Okay hehehe.” Nakatanaw ako sa labas ng bintana nitong kotse at nakatanaw lang sa
mga nadadaanan naming.

“Sino kaya yung Ma’am na yon?” Tanong ko sa sarili.


“Huh?”

OMG!

Nagtakip agad ako ng bibig nung magsalita si Zeke. “Yung teacher na nakilala ko
dong—“

“Are you hiding something from me, wife?”

Ako pa daw! Ako pa ngayon ang nagtatago ah. “Halaaa hindi ah! Ikaw nga dyan eh!
Ayaw mo ipaalam sakin yung ginagawa mo. Ayaw mo din ako patulungin sa ginagawa mo.”
Kaya nga nagsosolo na lang ako eh. Syempre gusto ko tulungan si Zeke, kaya kung
ayaw nya, ako na gagawa ng paraan diba?

“Tss don’t make a move without me wife. I’m warning you.”

*pout*

Tumahimik na lang ulit ako hanggang makarating kami sa isang hotel ni Zeke. Ito na
naman, hotel nanaman. Pagka hotel talaga kinakabahan na ako eh. “Dito ba tayo sa
hotel matutulog Zeke?” Wala pa bas yang ka-dala dala? Last time na pumunta kami dun
sa apartelle eh mala-horror movie inabot namin.

Pero kung sa bagay, apartelle naman yon.


Hotel naman to.

“If you’re thinking of what we’ve experienced last time and the possibilities of it
to happen again, worry no more, because I will fvcking kill them first before they
fvcking kill us.”

Ngumiti ako kay Zeke pagka-alis ko ng seatbelt ko. Mas okay na ako ngayon dahil sa
sinabi nya. “Hehe, ako din Zeke ah. Pasali pagka may action ah.”

“Sure.” Sagot nya saka ako kinindatan. Waaaa! Totoo ba yung nakita at nadinig ko?
Waaa! Pwede daw! “Wala ng bawian yan Zeke ah, papayag ka ng tulungan kita ha?”
Tuwang-tuwa na tanong ko.

“Oo basta wag kang makulit, babae”

*****

“Ano yan?” Nakapangalumbaba ako sa tabi ni Zeke at pinapanuod syang maglaptop.

*glare*

*pout* Para nagtatanong lang eh. Ang sungit talaga nito ni Zeke.
Pinanuod ko nalang ulit ang ginagawa nya kahit medyo inaantok na ako.

OMG! “Yan yung manika na i-o-auction nextweek dong!” Napatayo pa ako mula sa
pagkakaupo ko nung makita ko yung manika na tinitignan ni Zeke sa picture.

So ibig sabihin tama yung naisip ko tungkol sa auction na gaganapin next week? Ibig
sabihin may kinalaman talaga yun sa ginagawa ni Zeke na ayaw nyang ipaalam sa akin?

“How did you know?” Tanong nya.

Tinignan ko naman ng masama si Zeke. “How did you know, how did you know ka dyan.
Kaya naman pala ayaw mo ipaalam sakin yan. Kasi ayaw mo na maunahan kitang bilhin
yan. Nakoooo Zeke ikaw ha. Madali naman akong kausap kung gusto mo talaga pwede
naman tayong mag-share sa manika---“

“What do you know about the auction nextweek? How did you find out? And who told
you about this?”

Eh?

Bakit ang dami-dami na namang tanong? “Hehehe”

“Wife.”
“Dong naman eh kasi bakit mo ba tinatanong? Pagagalitan mo ba ako? Sorry na.”

Tumungo ako sa ibabaw ng lamesa at nag-antay ng ise-sermon ni Zeke sakin. Kung


gusto nya yung manika, siguro pwede ko sya ayain magbenta ng mga fishballs at
kikiam para madali kami makaipon ng 1.5million hehehe. OMG! Ang talino mo talaga
Aemie.

Ilang minute pa ako nag-antay ng isesermon sa akin ni Zeke pero wala naman akong
nadinig kaya itinaas ko ang ulo ko at tinignan sya ulit.

Busy na ulit sa pagla-laptop si Zeke, at pagse-search ng kung anu-ano.

“Ano yan dong? Anong movie yan?”

“It’s a recorded video from a CCTV camera.”

Nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko kung sino yung nasa camera. Sila Vash at
Milka yun ah. “Anong ginagawa nila dyan, hubby?”

“I don’t know.”

“Inutusan mo ba sila?” Nagtatakhang tanong ko.


“No.”

Waaaa! Hindi si Zeke ang nag-utos? Eh diba Roswells si Vash? “P-paano at bakit
pupunta dyan si Vash kung hindi mo inutusan dong?” Tanong ko ulit.

Pero kung hindi si Zeke—“Sino kaya nag-utos sa kanilang dalawa.” Dagdag ko pa.

“I don’t know either.”

Tumingin ako kay Zeke, as in straight sa mukha nya. “Kung nahihirapan ka na Zeke,
nandito lang naman ako eh.”

Agad naman syang tumigil sa pagta-type sa laptop at inilipat ang tingin sakin. “I
know” Nginitan nya ako kaya nginitian ko din sya. “Quit staring at me like that
wife.”

Eh? “Bakit ba? Ano ginagawa ko sayo? Sabi ko lang naman, nandito lang ako pag
kailangan mo ng tulong. Ready naman ako tulungan ka sa kahit anong paraan hehe.”

Seryoso ang mukha ni Zeke kaya medyo kinabahan ako, ito na yata yung sermon na
inaatay ko kanina. “You never fail to make me fall for you over and over again. I
am completely mad and utterly in love with you wife.” Napangiti ako dahil sa sinabi
sa akin ni Zeke. Ang sarap kasi sa pakiramdam na marinig yun mula sa kanya. “I love
you too hubby.” Niyakap ko si Zeke kasi hindi ko din alam, basta naiiyak ako sa
sinabi nya. Feeling ko ang saya-saya ko.
“No matter where life takes us, I’ll love you even more than I did before.” Bulong
nya sa tenga ko kaya mas lalo ko hinigpitan ang pagkakayakap.

Jerson Ken’s PoV

“Next week na yung auction, Blood.” I shifted my glance at Cassandra Heather. She’s
scanning the list of items na i-o-auction next week.

“Tingin mo pupunta sila?” I asked her.

“Yes. May mga unfamiliar names sa list ng guests, so I guess kasali sila doon.”

“Good.”

I stood up, at saka lumayo kay Cassandra.

Its not that I don’t trust Cassandra Heather, gusto ko lang maka-siguro.
Nakikipagtulungan ako sa random people from other Mafia groups para mas magkaroon
ng wide information.

Nung masiguro kong hindi na ako madidinig ni Cassandra ay idinial ko na ang number
ni Roswell.
[Blood.]

“Confirmed, pupunta sila.”

[Who gave you that information?]

“The information came from Cassandra Heather of Yaji. Pfft—“ Natawa pa ako kasi
alam ko kung sino ang nag-utos kay Cassandra na alamin ang tungkol sa auction.
Napadali tuloy ang trabaho ko. “And guess kung sino ang nag-utos sa kanya.”

[Tss. My wife.]

“Mas magaling sya sa’yo dude. She figured it out before you do.”

[Tss. Don’t call me if you have nothing nice to say]

Napa-iling nalang ako at napangiti, saka nakapamulsang bumalik sa kinaroroonan ni


Cassandra. “Who was that?” She asked, and I can see the curiosity in her eyes.
“Pfft. My friend.”

“I see. Aalis na ako. Inform me pag may nalaman ka, epecially if it’s about the
auction.”
“No worries.” I smiled at her.

****

A/N

JULY 19 - SEE YOU AT SM TAYTAY FOR GR3 <3 PUNTA KAYO HA?

And please! Bili kayo ng MHIAMB Book, volume 1 po yan. Available na sya sa ibang
National Book Store, and I think available na din sya sa Pandayan? Not sure. Sa mga
nagtatanong kung kailan magiging available ang book sa National Book Store na
malapit sa inyo, soooon po! Kaya wait nyo. Bili kayo ahhhh! Maawa't-mahabag :(

Hi sa super ganda at sexyng si MERYL GALEON!! Hahahaha ayan na girl!

=================

Chapter 7

Aemie’s PoV

Nasa loob ako ng supermarket dahil sabi nung babae sa front desk ng hotel ay dito
daw ako makakabili ng fishballs at kikiam. Nasaan ba dito ang mga fishball? Sabi
nung babae kanina sa front desk dito daw sa supermarket makakabili eh—“Waaa ito!
Hehe, akala ko nagoyo ako dun eh.”

Halos mapuno ko ang push-cart ng mga fishballs at kikiam. Siguro naman okay na ‘to
para ipagbenta bukas? Nag-ikot-ikot pa ako saglit sa loob ng supermarket para
makahanap ng pagkain na pwede ipasalubong kay Zeke.

Natigilan ako bigla nung maramdaman kong may nakatingin sa akin. Paranoid na ba
ako? O nahawa lang ako sa pagiging weird ni Zeke?

Gusto kong tumingin sa likod kasi ramdam kong nasa may bandang likuran ko lang yung
kung sino man yung sumusunod nay un. Pero hindi ko na ginawang lumingon pa, syempre
no! Baka makahalata pa ako na alam ko, kaya kailangan ko umisip ng paraan kung
paano ko sya mahuhuli ng hindi ako napapansin na nakakahalata.

Tulak-tulak ko ang push-cart, ipinagpatuloy ko ang paglalakad at pag-iikot-ikot


dito sa loob hanggang sa makarating ako sa part na kakaunti ang mga tao.

Omygod!

This time hindi talaga ako pwedeng magkamali, meron talagang sumusunod! Naaninag ko
sa peripheral vision ko ang isang babae na kunwari ay nagtitingin ng kung anu-ano.

Sinubukan ko pang magpanggap na nakatingin sa mga panina na malapit sa kanya pero


umiwas sya ng tingin.

Sinamantala ko ang paglapit sa kanya habang hindi sya nakatingin. At eksaktong


pagharap nya ay nakita ko kung sino ang babaeng kanina pa nakasunod.

“A-ate Aemie.” Bati nya pero obvious ang kaba sa reaksyon at tono ng boses nya.

“Milka, bakit mo ako sinusundan? May kailangan ka ba sa akin?” diretsong tanong ko.
“Huh? H-hindi ako nakasunod, naghahanap l-lang ako ng—“ Tinignan nya ang paligid
kaya napangiti ako, dahil hindi nya din napansin na dito ako nagpunta sa diaper
section ng supermarket.

“Diaper? Naghahanap ka ng diaper? Para kanino, wala ka pa namang baby diba?” Putol
ko sa sinasabi nya. Mas lalo nagging balisa ang reaksyon nya. Kunga kanina ay mukha
lang syang kinakabahan, ngayon ay may kasama pang paglingon-lingon sa paligid.

May kasama kaya sya?

“Ahh—mauuna na ako ate Aemie ha? Baka kasi hinahanap na ako ni Kuya Vash” Paalam
nya at saka nagmadaling umalis.

Ni hindi ko na nga nagawang makapag-paalam ng maayos sa kanya.

Maglalakd na sana ako pabalik sa push-cart nung may ma-feel akong kakaiba kaya
imbes na sa push-cart ako dumiretso ay sa kabilang side ako pumunta para silipin
kung may tao. Baka naman kasi hindi pa tuluyang umalis si Milka.

Puro mga namimili lang ang nakita ko at wala ni isa sa kanila ang mukhang kahina-
hinala.

Hayy! Paranoid lang talaga siguro ako—“Aray!” Halos matumba ako nung may mabangga
akong kung ano.
At paglingon ko—

Magpapasalamat sana ako sa lalaking nakasalo sa akin pero—

OMYGOD!

Tiniganan ko mula ulo hanggang paa ang isang lalaki na sa itsura pa lang eh
nakakatakot na. Hanggang sa mahagip ng mata ko ang kamay nya na may hawak na baril
habang nakasuluksok sa gilid ng pantaloon nya.

Dali-dali akong tumayo at naglakad ng mabilis palabas ng supermarket.

Tuwing lilingon ako sa likod ko ay nakikita ko pa din ang lalaking sumusunod, may
kasama pa syang dalawa pang lalake kaya mas lalo akong na-tense.

“Sorry po”

“Pasensya na po”

Nakailang ulit ako nakabangga ng kung sino-sino dito sa mall dahil sa pagtakas ko
sa sumusunod sakin.

“Waaa-mmp” Hihiyaw sana ako nung may humila sa akin pero naunahan nyang takpan ang
bibig ko. “Sshh! Wag kang maingay.” He warned. Pero hindi sya sa akin nakatingin.
Doon sya nakatingin sa tatlong lalaki na sumusunod sa akin.

Nung maramdaman kong lumuwag ang pagkakatakip nya sa bibig ko ay hinwakan ko ang
kamay nya para alisin. Saka ko nilingon yung tatlong lalaki.

Nakita ko kung paano sila nagpalinga-linga at saka naglakad palayo.

Pero bago ko alisin ang tingin ko sa kanina ay nahagip ng mata ko si Milka.

Nandito pa din sya?

Akala ko ba pupunta na sya kay Vash?

Pero ilang saglit pa ay may-dinial sya sa cellphone at saka naglakad din palayo.

“Wala na sila.” Bulong ko.

“Bakit ka ba nila sinusundan?” Lumingon ako sa likod para tignan yung nagsalita.

Bakit nga ba nila ako sinusundan? “Hehehe, hindi ko nga alam eh.”
Kumunot ang noo nya saka ulit nagtanong. “Baka naman may atraso ka sa kanila?”

Atraso? Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kanina, naningkit naman ang mga
mata nya saka inilapit ang mukha sa akin. “Nagnakaw ka siguro sa kanila no?”

Eh?

Nakaw?

“Hindi no!” Bakit ko naman sila dedekwatan eh baril lang naman dala nung lalake.
Meron naman akong baril. At saka isa pa ang sabi ni mommy masama daw magnakaw.
Maka-bintang naman sya agad *pout*

“Hahahaha! Biro lang. By the way I’m Andrei.”

“Ahh hehe okay Andrei, aalis na ako ha? Sige salamat.” Pagka-paalam ko ay nagsimula
na akong maglakad palayo.

“Wait ihahatid na kita” Nagulat ako nung nakatakbo na pala agad sya at nasa harap
ko na agad.

“Naku wag na! Hehe kaya ko naman umuwi mag-isa.”


“No, I insist. Baka mapahamak ka pa.”

Ang kulit naman nito ni kuya, mukha ba akong kinder at kailangan pa ihatid pauwi?
Hayy! Napaka-mapagkawang-gawa.

Pero wala naman siguro masama diba? “Hehehe sige na nga.”

***

“Saan ka galing babae?” Pagkapasok na pagkapasok ko ng hotel room namin ni Zeke ay


nadatnan ko si Zeke ay nadatnan ko sya na naka-dekwatro sa salas at may binabasang
mga papel.

“Hello dong! Hehehe” Isinara ko agad ang pinto saka ako lumapit at naupo sa tabi
nya.

Ibinaba nya ang mga paepel na hawak nya at saka galit na tumingin sa akin. “Sabi ko
saan ka galing?” Waaa! Halata na ang galit sa tono ng boses nya kaya di ko
maiwasang hindi mapalunok.

“S-sa supermarket Zeke, bumili ako ng—“


Omygod!

Tinignan ko ang mga kamay ko kung may hawak na mga fishball pero waaaa! Nakalimutan
ko yung fishballs at kikiam bilihin! Huhuhu. Kamusta na kaya sila dun sa loob ng
push-cart?

“Bumili ng?” Tanong ni Zeke.

“Dong, huhuhu! Hindi pala ako nakabili.” Naiiyak na sabi ko. “May sumunod kasi
kanina sa akin na tatlong lalaki, tapos nakalimutan ko na bayadan yung mga inilagay
ko sa push-cart na fishballs at kikiam.”

“WHAT?!” Muntik ko ng matanaw ang lungs ni Zeke sa sobrang lakas ng hiyaw nya.
Huhuhu galit na nga sya. Hawak-hawak na din nya ang bridge ng ilong nya at mukhang
sinusubukang pakalmahin ang sarili.

“Alam ko naman dong na kulang na oras natin para sa pagbebenta ng fishballs at


kikiam eh, kaya nga sorry na, wag ka ng magalit, dodoblehin ko nalang ang pagsigaw
para madoble din ang benta.” Huhuhu.

“You should’ve told me that you’re in danger.” Puno ng pag-aalala ang boses ni Zeke
hanggang sa maramdaman ko ang pag-hila nya sakin palapit sa kanya at saka ako
niyakap ng mahigpit. “I should’ve not let you go, alone.”

“S-sorry hubby/S-sorry wife.” Natawa kami parehas nung nagkasabay kami ng


pagsasalita.
Nung humiwalay naman ako sa pagkakayakap ni Zeke ay kinuha ko ang laptop nya para
magbasa.

“What are you going to do?” Nakakunot ang noo na tanong nya nung makita nyang ini-
on ko ang laptop nya.

“Magbabasa?” Hehehe ano pa ba? Pwede bang mag-swimming dito sa laptop? Hayy! Ito
talaga si Zeke, minsan parang ewan.

“About?” Tanong nya ulit.

“Magbabasa lang ako nung mga files mo, ang dami kasi. Hindi ko nakopya lahat hehe.”

“Okay” Nakangiting sagot nya saka tumayo at lumayo.

Sinundan ko ng tingin kung ano ang gagawin ni Zeke, kaya nakita kong dinukot nya
ang cellphone nya mula sa bulsa ng pantaloon nya at saka pumasok sa walk-in closet
nitong hotel room.

After 30 minutes...

“Zeke wala ka bang information dito ng iba’t-ibang Mafia Organization?” Tanong ko


na ikinagulat ni Zeke. Don’t tell me wala syang copy?!
Saglit na nag-isip si Zeke at saka sumagot. “I haven’t saved any, so none.”

“Waaa! Seryoso Zeke?!”

“Yes, what for?”

“Wala hehe” Tumayo agad ako at saka kinuha ang laptop ko. Wala naman pala kasing
silbi ang laptop ni Zeke.

Nung mabuksan ko na ang laptop ko at dali-dali akong nag-log in sa email at


sinendan ng email si Meisha.

Meisha,

Could you please send me a complete list of all the Mafia Organization including
its history and all their members from the day they started? ASAP.

Thanks.

Aemie.

Sunod na pinadalahan ko ng email ay si Cassandra.

Cassandra,
Please send me information of Grethel Canary Lux and Satana Beatrix Lestrange.
ASAP.

Thanks.

Aemie.

Pagkatapos kong i-email silang dalawa ay si guardian angel naman ang tinext ko.

Guardian angel, can I have a favor? Pwede bang pakisundan si Milka at Vash for me?
Paki-alam lang ang daily routine nilang dalawa. Hehehe thanks.

“Ayan tapos na!” Mas gusto ko ang mga babae na hinihingian ng favor kasi mas
komportable ako sa kanila.

“Tapos na ang alin?”

“You’re becoming too secretive wife.”

Eh? Sya din naman eh, ayaw nya lagi ipaalam sa akin ang ginagawa nya. Kaya nga ako
na ang gumagawa ng paraan eh.

“Yes you are.”

“Hindi kaya.”
Lumapit si Zeke sa akin at ipinakita ang hawak nyang papel. “Ano yan dong?” Tanong
ko bago ko kuhanin.

“Paper?” sagot naman nya ng nakangisi kaya kumunot ang noo ko. “Alam kong papel yan
dong ang ibig kong sabihin ano ang—“

“Pfft. Hahahaha. Now you know the feeling.” Parang kinikilit sa sobrang wagas kung
makatawa to si Zeke.

Anong nangyayari dito?

Kinuha ko nalang ang papel na nabitawan na ni Zeke kakatawa.

“Ano bang klase ng katol ang tinira mo dong at nagkakaganyan ka?” Buti na lang
medyo sanay na ako sa paiba-iba ng mood nya. Kung hindi, baka naisip ko ng
nababaliw to si Zeke.

Teka—Ano to? Listahan ng mga pupunta sa Auction?

Tinignan ko si Zeke na tumatawa pa. “Paano ka nagkaroon ng listahan ng VIP Zeke?”


Seryosong tanong ko.
In half a second nawala ang ngiti nya sa labi at napalitan ng pagka-seryoso. “I’m
Ezekiel Roswell wife, what do you expect?”

Nanatili lang akong nakatingin kay Zeke dahil hindi ko makuha ang point sa sinabi
nya.

Ezekiel Roswell.

Parang may hindi tama.

Ibinalik ko ang tingin sa listahan ng VIP. “Hindi ko naman kilala ang mga ito eh.”
*pout*

Napalingon ako sa gawi ni Zeke, seryosong-seryoso na sya na nagsisindi ng


sigarilyo. “Most of them are using codenames.”

Codenames.

“Para hindi sila makilala?”

“Yeah.”

Wow ganun pala yun! Ang sosyal ah. “Pag pumunta tayo dong pwede din ba tayo mag-
codename?” Naisip ko lang kasi pwede namin gamitin ang Mr. & Mrs. Barbie, para
naman walang makakilala sa amin diba?

“Yes we can, but I’ll be the one to choose.”

Waaa! Sayang naman! May naisip na ako eh.

Kaizer’s PoV

“Tol pwede bang ikaw muna ang magbantay dun sa CCTV?”

Anak ng! “Anong CCTV bay an? Ikaka-gwapo ko ba pagbabantay dyan?” Tanong ko, dahil
kung hindi naman eh sisibat na lang ako at lilibangin ang buong mundo sa taglay
kong karisma.

“Hindi naman, pero ikakapangit mo kapag nalintikan ka kay Boss!”

Wengya! Para namang may ipapangit pa ako. Psh. Pero mabuti na yung sigurado. “Sabi
naman sayo dude, masipag ako magbantay ng CCTV, gusto mo ipag-hele ko pa para
makatulog eh.”
“Puro ka kalokohan Lampe.”

“Kagwapuhan tol”

“Lee, mauuna na ako sa kotse.” Tawag sa kanya ng kakababa lang na si Fauzia. Ibang
klase din tong dalawang to mukhang nagkakamabutihan na ah!

“Sige tol una na kami.”

“Bata pa tsong.”

Napakamot na lang ako ng ulo. “Anak ng tinola. Bakit ba pati CCTV kailangan pang
bantayan? Hindi naman tatakas yan. Aish!” Maktol ko habang padabog na umaakyat ng
hagdan papuntang control room.

“O sis? Aalis ka din?”

“Obviously Max.” Masungit na sagot nya nung nagkasalubong kami sa hagdan. Pababa n
asana sya nung nagtanong pa ako. “Saan lakad?”

“May inutos lang sakin si Ma’am Aemie.” Sagot nya. “And you? Wala ka bang gagawin?
You could at least help me.” Dagdag pa nya.
“Gusto ko sana. Kaso alam mo namang patokna patok ang kapatid mo sa mga chiks, kaya
pass muna siguro sis. Ayoko pagkaguluhan, kahit ngayong araw lang. Gusto ko muna ng
break.”

And as expected tinaasan nya ko ng kilay. Pfft. “Whatever you say Max.” Naglakad
sya pababa habang wine-wave ang kamay nya sakin.

Ihahakbang ko n asana ang paa ko paakyat nung may gagong sumulpot sa harap ko at
dali-dali ding nanakbo pababa.

“Yo Mei! Hintay! Sasama ako!”

Tinignan ko ng masama si Lerwick nung magkatapat kami. Gagong to. Kapatid ko naman
ang didiskartehan pagkatapos sa kapatid ni Boul?

Aba’y matinde!

“Wag kang mag-alala tol. Sasamahan ko lang naman si Mei. Kahit anong mangyari, ikaw
lang laman ng puso’t isipan ko. Kaya wag ka na magselos. Pfft.” May pagkagat pa ng
labi na nalalaman ang gago saka kindat ta saka mabilis na tumakbo pababa.

“Ulul!” Pahabol ko.

“Labyuu too!”
Wengya talaga yung gagong yun. Iiling iling na lang ako at saka nakapamulsang
naglakad.

“Anong mga pangalan nga ulit ang pinapahanapan ng impormasyon sa’yo ni Ma’am Aemie,
love?” Napahinto ako sa gitna ng paglalakad ko sa hallway nung mapatapat ako sa
kwarto ni Cassandra Heather kung saan may nadinig akong boses ng nagsasalita.
Naka-siwang ang pinto kaya dinig na dinig ko ang mga boses na nag-uusap sa loob.

“Grethel Canary Lux at Satana Beatrix Lestrange.” Sagot ni Cassandra.

“Ako na bahalang maghanap ng information.” Tugon ni Spade Clifford.

Anong tinutukoy nito ni Clifford?

“Are you sure? Baka may iba ka pang ginagawa? Kayak o naman maghanap ng information
ng mag-isa, love.”

Tinahak ko na ang daan paalis bago pa man nila ako mahuli.

Grethel Canary Lux ar Satana Beatrix Lestrange.

Aemie’s PoV
“Sigurado ka ba sa gagawin natin Zeke?” Tanong ko bago isuot ang helmet na binigay
nya. May kukuhanin daw kasi kaming importanteng files dun sa Base nung Chan ba yun?

Sya naman ay busy sa pag-aayos ng baril. Nung matapos sya ay tumingin sya sa akin
at sumagot. “Yeah” Agad akong napalunok sa sagot nya.

Kinakabahan ako!

First time kong sasakay ng motor kaya hindi ko alam ang feeling.

***

Inihinto ni Zeke ang motorsiklo sa isang bakanteng lote. Ito ba ang base nila?
Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid.

“Bakit bakanteng lote lang ang base nila? Ang boring naman.”

“Pfft. We will walk from here wife.”

“Ahh akala ko naman ito na yung base nila, hehe.”


Nung magsimula na kaming maglakad ni Zeke ay inalala ko agad kung ano ang mga
sinabi nya kanina bago kami pumunta dito.

-Flashback-

“You will walk from here, up to here.” Turo nya sa blue print nung base.

Tinignan ko ng mabuti yung blue print at saka tinandaan mula likod nung bahay
hanggang fourth floor. Pero ang daming pasikot-sikot.

“So meaning sa likod ako dadaan, ikaw sa entrance?” Paninigurado ko kasi baka mali
ang pagkakaintindi ko.

“Exactly.” Tipid na sagot nya.

“Okay dong, pero ano pala gagawin ko pagdating ko sa 4th floor?” hindi naman kasi
sinasabi pa ni Zeke. Paano nya naman pati malalaman kung nasa fourth floor na ako?
Dalhin ko kaya phone ko at mag-selfie para sure ano?

“You have to search for a flashdrive or any hard copy documents about the auction.”

Eh?
Eh naiutos ko nay un kila Cassandra at Meisha ah! Paano kung wala akong makuha?

“Eh ikaw dong ano ang gagawin mo?” Napaisip kasi ako bigla, kung ako ang kukuha ng
files, ano gagawin ni Zeke doon? Pwede din naman kasing sya lang ang kumuha diba?
Hindi naman siguro ganun kabigat yung flash drive.

“Ako ng bahala sa iba” Sagot nya saka ngumiti.

-End of flashback-

Huminga ako ng malalim nung huminto kami ni Zeke sa isang mataas na pader. Siguro
ito na yung likod ng base. Tiningala ko ang sobrang taas na pader, paano kaya namin
aakyatin yan?

Inalis ni Zeke ang backpack na hawak nya saka kumuha ng tali at hook. “O ano dong
magbibigti ka na kasi hindi mo din alam kung paano aakyatin yan? Pwede naman kasing
sa harap na—Waa! Astig!” Inihagis ni Zeke pataas yung hook na ikinabit nya sa dulo
ng tali saka ako inabutan ng dalawang gloves para isuot.

“Can you climb up using this rope wife?”

“Hindi ko pa nata-try pero susubukan ko. Hehehe.”

***
“Ang saya!!!”

“Tone down your voice wife.” Paalala ni Zeke.

“Hehehe, sorry” Bulong ko. Ang saya pala kasi umakyat sa tali, tapos doon ka din
magpapadausdos pababa. Astig!

Nasa likod kami ng isang malaking puno nung iniabot sa akin ni Zeke ang dalawang
handgun. Pagkatapos ay kumuha din sya ng mga baril nya.

“Waaa! Gagamitin din ba natin yan dong?” excited na tanong ko nung kumuha sya ng
dalawang black mask. Mukha syang mask na gamit ng mga karaniwang nagmomotor. Yung
tipong bibig at ilong lang ang natatakpan. Terno pa sa mga suot namin na itim na
damit kaya nakakatuwa.

“That’s the back door.” Turo ni Zeke sa isang pinto. Walang nagbabantay sa labas ng
pinto pero may natatanaw akong mga mangilan-ngilang lalaki na mukhng nagpapatrolya
sa lugar dahil kanina pa sila paikot-ikot.

“Are you ready?” Tumango ako pagkatanong nya. Hehe. Exciting na naman ito.

“Get inside after 3minutes.” Paalala nya bago umalis.


Inangat ko ang long sleeves sa kaliwang part ng braso ko para-i-start sa suot kong
Barbie wrist watch ang timer.

3:00

Yan!

Maya-maya ay may nadinig akong kumaluskos sa lugar na pinuntahan ni Zeke kaya


ikinasa ko agad ang dalawang baril na hawak ko.

Eh?

“Akala ko ba Zeke sa entrance ka dadaan, bakit bumalik ka?” Hehehe siguro natakot
sya kaya bumalik sya. Naisipan na lang siguro nyang sumama sa akin.

Inalis nya saglit ang mask na suot nya kaya lalo akong nagtaka. Ano to? Pinatakam
nya lang ako sa adventure sana na gagawin namin, tapos sasabihin nya umuwi na kami?

“I forgot this.” Sunod nyang inangat yung mask na suot ko saka ako mabilis na
hinalikan sa labi. “I love you.” Sabi nya. “Hehehe mahal din kita.” Nginitian nya
muna ako at tinap ang ulo ko bago umalis.

Nung makaalis si Zeke ay ibinalik ko ang tingin ko sa backdoor habang pabalik-balik


ang tingin ko sa relo. Nakaka 2minutes na. Pero 1 minute pa ang aantayin ko.
Hayy! Ang tagal nama—

Naalarma ako nung magtakbuhan yung mga lalaking nagpapatrol dito sa likod. Sinundan
ko ng tingin kung saan sila papunta.

Sa harap.

Omygod! Okay lang kaya si Zeke?

Ibinalik ko ang tingin ko sa relo dahil atat na atat na ako.

10 seconds na lang.

Inihanda ko ang mga baril at sinigurong maayos ang mask at damit na suot ko habang
nag-aantay ng 3minutes.

Lumabas ako sa pagkakatago saka mabilis na tumakbo papuntang backdoor.

Tulad ng nasa blueprint, isang mahabang pasilyo ang sumalubong sa akin pagkapasok
ko ng pinto. Tinahak ko ang daan at hinanap ang maliit na pasilyo sa kaliwa. Sa
blueprint kasi, nakalagay na may maliit na daan dito papunta sa 2nd floor. “Dapat
nandito lang yun eh.” Bulong ko sa sarili.
Ilang hakbang pa ay may pinto akong nakita sa bandang kanan. Siguro dito nay un.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at ingat na ingat na gumawa ng kahit na anong
ingay. Buti na lang at walang tao dito sa loob.

Inilibot ko ang tingin, pangkaraniwang salas ng mayayaman ang itsura. Ang


pinagkaiba lang ay may mga nakadisplay na alak at amoy sigarilyo din ang paligid.
Mukhang may tao dito kanina bago ako pumasok.

Nung matanaw ko ang hadganan papunta sa 2nd floor ay tinungo ko agad. Hindi pa man
ako nakakatungtong sa 2nd floor ay nadidinig ko na ang takbuhan ng ilang tao kaya
nagmadali akong umakyat.

Pagdating ko ng 2nd floor ay natanaw ko ang ilang mga lalaki na may sinisilip.
Madilim sa lugar na kinaroroonan ko kaya paniguradong hindi nila ako napapansin.

Omygod! Si Zeke yun ah!

Tanaw na tanaw ko mula dito si Zeke na nakikipag-barilan sa ibang lalaki. Pero


walang ingay na nanggagaaling sa sa mga baril nila. Waaa! Yun pala pag naka-
silencer no? Astig!

Ibinalik ko ang tingin sa ilang lalaking nakatayo. Mukang may pinaplano silang
hindi maganda dahil nakatanaw lang sila sa direksyon ni Zeke.
Kumuha yung isang lalaki ng isang sniping rifle, ang isa ay kumuha ng shotgun, ang
ilan naman ay naglabas ng kani-kaniyang handgun. Halos sabay-sabay nagkasa ng baril
at kasabay ng paglabas nila ay lumabas din ako sa madilim na lugar at saka isa-isa
silang pinaputukan.

Lumingon sa direksyon ko si Zeke na halatang nagulat din sa mga pangyayari kaya


kinawayan ko sya. Hehehe. Kinindatan nya ako at saka itinuro ang isa pang daan
pataas. Tumango ako at naglakad na ulit paakyat.

Sya naman ay tumalikod at naglakad sa kabilang direksyon.

Madami akong dinaanang pasilyo bago ako makatungtong sa hallway na dapat ko


puntahan.

Habang hinahanap ko yung kwartong pupuntahan ko ay may nadinig akong pamilyar na


boses.

“Lalabas ako para tignan.”

“Don’t. Baka may makakita sayo. Bring this with you, there’s a secret passage
behind that door.”

“Saan ang labas ko nyan?”

“Somewhere in Southwoods highway, if my memory was right, it’s near a ministop.”


Southwoods highway? Ministop?

Dali-dali kong kinuha ang phone na hawak ko at saka itinext si Meisha.

Meisha, mag-abang ka sa ministop sa southwoods highway now. Paki-text sa akin agad


kung may napansin kang kakaiba.

Naglakad na ulit ako papunta sa kwarto na pupuntahan ko at saka dahan-dahang


pumasok.

Sebastian’s PoV

“Lerwick ibalik, dun tayo sa Southwoods highway.”

“Huh? Kakalampas lang natin dun ah!”

“Basta ibalik mo, paki-bilis. Urgent to”

Mabilis kong ipinihit ang sasakyan pabalik-balik. Buti hindi traffic. Sinulyapan ko
si Meis na hawak ang cellphone nya.
Ang akala ko ba mangangalap kami ng impormasyon tungkol sa iba’t-ibang Mafia
Organization. Tapos takte! Biglang Southwoods? Tsk! Mga babae talaga, paiba-iba
isip.

“Dun tayo sa may ministop” Turo ni Mei sa isang ministop kaya pinark ko agad ang
kotse.

Napakamot na lang ako ng ulo sabay iling nung maupo sya sa may steel chair sa labas
ng ministop.

“Sana sinabi mo agad Babe na date pala ang gusto mo.” Tinignan nya ako ng masama
saka nagsalita. “Bumili ka nalang ng pagkain sa loob may aantayin lang ako dito.”

Kinindatan ko si Mei saka sisipol-sipol na pumasok sa loob.

2 choco latte in can at dalawang ham and cheese sandwich lang ang kinuha ko. “Good
evening, sir.”

“Good evening Miss Beautiful.” Nagblush pa ang cashier pagkabanggit ko ng Miss


Beautiful kaya ngumiti ako. Ang cute nya takte!

“Meron sana kaso hindi ko alam kung pwede.”

“Pwede pa naman po, sige lang Sir, ano po ba gusto nyo i-add, ako na ang kukuha.”
“Yung number mo sana Miss, gusto ko i-add sa phonebook.”

Mas lalo akong natawa nung kinilig pa sya. Kaso takte! Nasaan ba ang cellphone ko?
Kinapa ko na lahat ng bulsa ko pero di ko mahanap kung nasa—shit! Nasa dashboard
ata ng kotse! Aish!

“Mamaya na lang Miss, babalikan ko nalang bago kami umalis.” Kinindatan ko ulit ang
cashier bago inabot ang mga binili ko.

Paglabas ko ng ministop, nadatnan kong may kausap na lalaki si Mei.

Takte! All of a sudden, nagkaramdam ako ng inis.

Binilisan ko ang lakad papuntana sa table. “Tristan Klein?” Patanong na bati ko.

Tinignan nya lang ako saka ibinalik ang tingin kay Mei. “Aalis na din ako love.” So
sya pala ang inaantay ni Mei?

****

Mag-iisang oras na kaming nakaupo dito sa labas ng ministop mula ng makaalis si


Klein. Akala ko kanina si Klein ang inaantay pero mukhang hindi naman. Pasensya na!
Gwapo lang, nagkakamali din.
Ibinaba ko ang zipper ng hoody jacket na suot-suot ko at saka inalis. “Mei oh,
isuot mo.” Lumalalim na ang gabi, naka-sleeveless pa naman sya.

“Thanks.”

“Ilang oras ba tayo mag-aantay dito? Gusto mo ba umorder ako sa loob ng hot coffee?
Pag-aalok ko.

“Hindi na siguro, aalis na din tayo maya-maya.” Nakatitig lang ako kay Mei at
kanina pa sya ganyan. Oh well lagi naman syang ganyan. Mukhang malalim lagi ang
iniisip.

“May problema ba Mei?” Sa dami ng babaeng nakilala at nakasama ko, alam na alam ko
na kung kalian sila malungkot, masaya, kinikilig, nababadtrip. And this time, I can
feel her sadness.

“No, wala. May iniisip lang ako.” Sagot nya.

I sighed saka nagsindi ng yosi.

Naka-ilang hithit ako ng sigarilyo bago sya nagsalita.


“Lerwick, why do I have this feeling na may hindi sinasabi sa akin si Tristan?” I
paused, finding for the right words to say. “I feel like, nandyan sya pero parang
ang layo-layo nya sakin.” She continued.

Nakinig lang ako sa sinasabi nya. I don’t know what to say. “Last time na nag-uusap
kami, our topic was about kung may alam sya sa nangyari kila Ma’am Aemie.” As if on
cue, mabilis ko syang nilingon at nagtanong. “Ano ang sabi nya?”

“Nagalit sya at nag walk-out.”

I sighed again. Posible nga kayang may kinalaman sya?

“Kanina nag-text si Ma’am Amie. She asked me to go here. At sabihin sa kanya if


something suspicious appeared. Never did I thought na makikita ko si Tristan
dito.” Tumikhim ako when I saw tears coming from her eyes.

Dumukot ako ng panyo saka nag-iwas ng tingin. Amputs! Ayokong-ayoko sa lahat,


nakakakita ng mga babaeng umiiyak. “Oh” iniabot ko sa kanya ang panyong puti pero
hindi ako sa kanya tumingin.

“Was it a coincidence? O talagang may kinalaman sya?” Umiyak na tanong nya.

“Tahan na, mag-antay-antay muna tayo dito, baka naman coincidence nga lang.” Pilit
kong pinapagaan ang loob ni Meisha kahit parehas kaming aware na isang oras na
kaming nandito.
Aemie’s PoV

Pagkarating pa lang namin nagtimpla agad ako ng dalawang cup ng kape. “Zeke oh”
Iniabot kay Zeke ang kape saka umupo sa tabi nya.

Eksakto kasing pagkarating namin dito sa hotel ay bumuhos ang malakas na ulan kay
medyo malamig.

“Thanks. I love you, wife.”

Nakakapagod.

Ngayon ko lang naramdaman ang bigat ng katawan ko dahil sa dami ng ginawa ko buong
araw. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ni Zeke. Napapapikit na ako pero pilit ko
iminumulat ang mga mata kong antok na antok na.

“Magpahinga ka na, ako na bahala dito.” Sabi nya.

Antok na antok na talaga ako, konting hele lang sakin pakiramdam ko makakatulog na
ako pero pinipilit kong huwag makatulog dahil gusto kong panuodin ang ginagawa ni
Zeke sa laptop.

***
Day of the Auction

Formal attire ang requires na isuot sa auction. Si Zeke ang nagpabili ng mga damit
namin. Pansin ko lang ano, ang hilig nya sa black. Eh mas maganda naman ang pink.

Long black gown kasi ang binili nya sakin, sa kanya naman ay blak suit.

Komportable yung gown dahil hindi fitted yung ibaba kaya kahit mag-chinese garter
pa ako ay okay lang. Hehehe.

Kinuha ko ang baril na nasa ibabaw ng vanity table saka inilagay sa gun pocket na
nakatali sa may hita ko. Sunod kong iniayos ang buhok ko. Itinali ko at ipinusod
saka nilagyan ng pocket knife.

Pinag-ekis ko yung pocket knife para magmukhang deisgn. Habang tumatagal natututo
ako ng mga ganitong bagay. Hehehe kaya nakakatuwa.

“You’re damn beautiful wife.”

Ngumiti ako sa kanya saka humarap. “I love you Zeke.” Wika ko bago sya hinalikan.
Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa.

Basta alam ko mahal ko si Zeke.


Jacob’s PoV

Inaayos ko ang necktie na suot ko nung may biglang magsalita. “Saan ang lakad mo
Lee?!”

Bihis na bihis din si Spade Clifford na ipinagtaka ko. “Lee and I will have a
date.” That’s Fauzia, and thanks to her dahil hindi ko din alam kung ano ang
isasagot ko. “How about the both of you?!” She added, while looking at Clifford at
saka pababa pa lang din na si Cassandra Heather.

“None of your business.” Sagot ni Clifford. He then grab Cassandra’s hand at saka
tinahak ang daan palabas.

Sunod na nagmamadaling bumaba ay si Meisha. “Are they gone?!” Tanong nya.

Sumilip si Fauzia sa kurtina ng bintana before answering Mei. “Yes.”

-2 days ago, flashback-

Nakatanggap ako ng isang text messagemula kay Ma’am Aemie.


Meet me at Heartily’s Villa in Northville, today. (9:00PM)

It’s already 7:30PM at may kalayuan ang lokasyon kaya minabuti kong dalhin ang
motorsiklo ko. Pagdating sa lugar na nakalagay sa text message ay napansin kong may
mga naka-park na din na sasakan.

Tila ba may mga nauna ng dumating sa’kin.

Shiit ano to set-up?

Bumunot agad ako ng baril at saka marahan na pumasok sa loob.

“You’re one minute late.”

Nabigla ako sa tono ng boses ni Miss Aemie hanggang sa ngumiti sya. Aish! “Joki-
joki lang Jacob, actually wala pa din si Kaizer kaya wait una tayo ng konti.”

Nung inilibot ko ang tingin ko ay napansin kong may mga nakaupo din.

“Yo baby Lee!” Si Lerwick.


“Ulul” Bati ko din sa kanya.

Maging si Fauzia, Cassandra at Meisha ay nandito. “Nasaan si Boss?” Usisa ko.

“Yo! Sorry, alam ko namang sabik na sabik kayo makita ang gwapo kong mukha” Tss.
That’s Kaizer. Kahit kalian talaga tong gagong to.

“Yan kumpleto na!” Tuwang-tuwa na sabi ni Ms. Aemie at saka naupo sa dulo ng
lamesa.

“Siguro unang mapapansin nyo dito kung bakit wala si Zeke. That’s because hindi nya
din alam ang tungkol dito.”

Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Ms. Aemie. She stood up saka isa-isang
lumapit samin at nag-abot ng papel.

“I compiled all the information na pinakuha ko sainyo. Remember the email and text
messages I sent?” Sa pangalawang pagkakataon ay nagkatinginan muli kami.

Hanggang ngayon ay wala pa din kaming naiintindihan sa nangyayari.

“Zeke’s in trouble.” Sabi ni Miss Aemie pagkaupo nya.


“A-anong ibig mong sabihin Miss Aemie?”

Ngumiti sya sa amin, pero yung ngiti nya halatang nasasaktan.

“He was the one who set-up everything.”

A/N:

Thanks sa mga pumunta kanina sa Taytay ha! <3

August 2 - SM Clark.

Bumili kayo book haaaa! Oh come one, thank youuuu :*

=================

Chapter 8

Louie’s PoV

Tulad ng ipinayo ni Caileigh, medyo umiwas muna ako kay Momo. Siguro mas mabuti na
din yun para hindi sya nahihirapan at nasasakal. Sobra na nga siguro akong nagging
clingy. Aish!

“Isa pa nga nitong Bourbon neat” Sabi ko sa bartender. Kanina pa ako dito at hindi
ko alam kung hanggang kalian ko planong manatili dito. Siguro hanggang malasing na
lang ako ng tuluyan.
“One Mojito please.” Mabilis kong ibinaling ang tingin sa babaeng umupo sa tabi ko.
Psh. Akala ko naman si Momo, iba pala. Tch! Bakit ba si Momo na lang lagi ko
naiisip? *pout* hindi nya ba kasi ako nami-miss? Ang tagal ko nang hindi
nagpaparamdam sa kanya ah.

Samantalang sya, miss na miss ko na.

“If I’m not mistaken, you are Shan Venice’s twin brother.” Pakiramdam ko ay
binuhusan ako ng malamig na tubig nung madinig ko ang pangalan ni Shan.

“K-kaibigan ka ba nya?” Nauutal na tanong ko.

Doon na sya magsimulang mag-kwento tungkol kay Shan.

***

Nakangiti ako ng mapait habang iiling-iling na inaalala si Shan at pinapakinggan


ang kwento ni Grethel. How I love my twin sister.

“She’s a very good friend of mine.” Nakangiting sambit nya pagkatapos uminom ng
Mojito. “And I am so glad na nakilala kita.” Dagdag pa nya. Hinawakan nya ang kamay
ko na naka-hawak sa isang baso ng alak. “It’s my pleasure to meet one of her
friend.” Sagot ko.

Sana nakikita kami ni Shan ngayon. I’m sure matutuwa sya kasi kausap ko kaibigan
nya. “Thanks for sharing your memories of her.” Sabi ko pa. Kasi kahit saglit
nakalimutan ko si Momo. Bukod pa doon nagkaroon ako ng kausap tungkol kay Shan.

“You can call me anytime kung gusto mo ng kausap.” She smiled sweetly and gave me a
card. Then the next thing I knew, she’s kissing me.

After the kiss, ay naglakad na sya paalis. Wala akong ibang ginagawa kung hindi ang
titigan sya na naglalakad palayo.

“Grethel Canary Lux.”

Jacob’s PoV

“He was the one who set-up everything.”

Mas lalong gumulo ang mga nasa isip ko. Damn! ‘Zeke’s in trouble’ tapos ‘He was the
one who set-up everything.’?

Ako lang ba ang walang alam sa nangyayari?

Tinignan ko ang mga kasama ko at hindi maikakaila na maging sila ay nagulat din.
Walang nagsasalita. Lahat kami ay naka-abang lang sa mga sunod na bibitawang salita
ni Miss Aemie.

“Napansin ko lahat ng pagbabago mula nung gabing pag-bantaan kami ni Wallace Martin
Lionhart. Simula nun, lagi na syang may ginagawa.” Tumigil si Ma’am Aemie at
bahagyang tumingin sa itaas, mukhang nag-iisip. “Pero talaga naman lagi syang may
ginagawa.” Sabi nya habang nakalagay yung hintuturo nya sa may chin. Pfft. Tumingin
sya ulit sa amin nung tapos na syang mag-isip. “Ang kaso lang nag-iba mga kilos
nya.”

Tahimik pa din kami at nakikinig ng mga kwento nya.

“Someone’s blackmailing Zeke.” Humigpit ang hawak ni Miss Aemie sa mga papel na
nasa harap nya. “At pakiramdam ko nangyari ang lahat ng yun, pagkatapos nung gabing
may mangyari sa apartel.” Tumigil sya sa pagsasalita saka isa-isa kaming tinignan.

“Ilang araw na ang nakaraan, isinama nya ako. Ang sabi nya pupunta daw kami sa base
nung Chan para kumuha ng importanteng files. Naglalakad ako sa isang hallway nung
may madinig akong boses ng mga nag-uusap. That time, hindi pa ako sigurado kung
kaninong boses ang narinig ko. Pero this time, hindi ako pwedeng magkamali.”

Saglit akong nakaramdam ng kaba. Seryosong-seryoso na nagsasalita si Ms. Aemie.

“Si Zeke at si—“ Tumingin si Ms. Aemie sa gawi ni Meisha Lamperouge. “—Tristan
Klein, ang mga nadinig kong nag-uusap.”

Mabilis na napatayo ang kapatid ni Lamperouge na si Meisha. “A-ano? P-paano?”


Naguguluhang tanong nya. “I-ibig sabihin, t-traydor si Tristan?”
“No Meisha, you don’t get it. The mere fact na si Zeke ang kausap nya. Meaning Zeke
trusts him. Kaya imposibleng traydor si Tristan.” Paliwanag ni Ms. Aemie. “Like
what I’ve said, Zeke’s in trouble Mei. Pero naniniwala ako na ginagawa nya ang
lahat ng ‘to para walang mapahamak.” Dugtong pa ni Ms. Aemie.

“I highly agree!” Singit ko. Kilala ko si Boss, hindi sya gagawa ng kahit na anong
ikapapahamak ng Roswells at Yaji.

“How about Spade? Bakit hindi sya kasama dito? Does it mean na hindi natin sya
dapat pagkatiwalaan.?” Maging si Cassandra ay hindi na din napigilang hindi
sumingit sa usapan.

Tinignan sya ni Ms. Aemie at binuklat ang papel. “Take a look at this Cass, yung
information na binigay mo sakin about Grethel Canary Lux at Satana Beatrix
Lestrange is different from what Kaizer sent.” Agad kong binuklat ang pahina kung
saan makikita ang sinasabi ni Ms. Aemie.

May label ang dalawang magkaibang information. Tama si Ms. Aemie, magkaiba nga ang
information na binigay nila. “What? P-pero—“ Magsasalita sana si Cassandra nung
magsalita si Ms. Aemie. “Spade, gave you wrong information. Pero hindi naman ibig
sabihin traydor na si Spade. Somebody asked him to do that.”

“Si bossing?” Singit ni Lerwick.

“Oo.” Tipid na sagot ni Ms. Aemie.

“Si Boul at Shin, kasama din ba sila ni Bossing?” Tanong ulit ni Lerwick.
“Yes, sila ang kasama namin the next morning after sa apartel. I even saw Milka
following me sa supermarket. Kaya no doubt, kasama din sila ni Zeke.”

Unti-unti, medyo nagiging clear na sa akin ang lahat. Mukhang pumili si Boss ng mga
makakasama dahil ayaw nya malaman agad ni Ms. Aemie ang nangyayari. “Silang dalawa
din ang nasa CCTV, meaning they’re up to something.” Sabi ko.

“Right Jacob.” Miss Aemie smiled at me. “They’re up to something. But the thing is,
hindi ko pa alam kung ano yung something na yun.” She added.

“Pero isa lang ang sigurado ko, somebody’s blackmailing him, or worst, baka hindi
lang si Zeke ang bina-blackmail, possible ding silang lahat.”

Naikuyom ko ang mga kamao ko sa sinabi ni Ms. Aemie. Kaya ba umiiwas sila makipag-
usap samin? Kasi ayaw nila kami madamay? Darn! Dapat sinabi nila agad.

“ And mukhang trip pa nilang ubusin ang pera ni Zeke.” Kumunot ang noo ko dahil sa
sinabi ni Ms. Aemie.

Binuklat nya ulit ang papel kay maging kami ay bumuklat din.

“Humingi ako ng copy ng mga transaction ni Zeke sa bangko. Ilang ulit syang nag-
withdraw ng malalaking amount ng pera.”
For the third time nagkatinginan kaming lahat. “Para saan to Ms. Aemie?” Tanong ko
habang pinapakita kay Ms. Aemie ang listahan ng mga kung ano.

Complied list ng mga i-o-auction.

Compiled list ng mga Mafia Org.

“I think I get it.” Biglang nagsalita si Fauzia. “Mukhang hindi lang isa ang nagba-
blackmail kay Mr. Roswell.”

“Yan din ang nasa isip ko.” Pag-sang ayon ni Lampe. “Dahil imposible namang matinag
si Boss sa iisang grupo lang.”

“At kung ano man ang ginagawa ni Love, Spade, Boulstridge at Milka, I think we
should trust them.” Singit ni Meisha.

“Pero hindi tayo dapat magpahalata na alam na natin.” Naka-smirk na sabi ni


Lerwick.

“Basta talaga kalokohan Lerwick.” Sagot ko, mukhang gusto na naman nya pagtripan si
Boul. Psh. Puro mga kalokohan.

Tumikhim si Ms. Aemie sa gitna ng pag-uusap namin kaya natigilan kaming lahat.
“Balak ni Zeke mag-bid sa lahat ng nasa list ng i-o-auction. ”

“Seriously? Ang dami nito ah!”

“Takte! Ano naisipan ni Boss? Mag-aaksaya sya ng pera para dito?”

Napahilamos ako ng mukha dahil sa sinabi ni Ms. Aemie.

Almost 100 different kind of items ang i-o-auction, at hindi bababa ng isang milyon
ang starting bid ng mga items. At sa tinagal-tagal ko ng nanunuod ng at
nagpaparticipate ng auction, minsan umaabot ng hundred million ang mga bids. Dahil
ang karamihan ay nakikipag-kumpitensya pa at nakikipag-pataasan ng bid.

Aish! Problema to.

“Hindi ko din alam kung anong plano ni Zeke gawin sa mga yan, basta ang alam ko ay
balak nyang iuwi lahat yan.” Tinignan namin si Ms. Aemie. Halatang nahihirapan din
sya sa sitwasyon nya ngayon.

“Pag nagpatuloy to, hindi malayong mangyari na maubos ang pera ni Mr. Roswell,
kahit gaano pa yun kadami.” Nilingon ko si Fauzia na nakatitig lang sa papel at
mukhang malalim ang iniisip, maging ay iba ay ganoon din ang ginagawa.

“Kaya ko nga kayo pinapunta dito eh.” Sabay-sabay kaming lumingon kay Ms. Aemie na
nakangiti sa amin.
“Tutulungan natin sila Zeke, aalamin natin ang lahat—“ Nakaramdam ako ng excitement
sa mga binitawan nyang salita. “—Pero bago yon, pipigilan muna natin ang auction,
at kukuhanin lahat ng items.”

“Gusto ko yan!” Agad na pagsang-ayon ni Lerwick.

“Nice baby!” Isa pa to si Lamperouge na halatang tuwang-tuwa din sa mga sinabi ni


Ms. Aemie.

“I love the idea.” Maging sila Fauzia, Cassandra at Meisha ay napangiti din.

Ibinalik ko ang tingin kay Ms. Aemie. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig. Noon akala
ko, si Boss ang magpoprotekta sa kanya, pero ngayon...mukhang kabaligtaran ang
nangyayari.

-End of Flashback-

“Lee, ano pa tinayo-tayo mo dyan? Baka ma-late tayo.” Nilingon ko si Fauzia na


naghahanda ng mga baril. She looks—“Beautiful”

Tumaas ang kilay nya which I didn’t expect. “What?” Shit nasabi ko ba ng malakas?
Ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon at kunwari ay wala akong sinabi “W-
wala” Sagot ko, at saka nagsimulang maglakad palabas ng pinto. “Tara na, baka nga
ma-late tayo.” Pag-aaya ko.

Kaizer’s PoV

“Pakibilis-bilisan naman ang mga kilos! Mygosh! Malapit na magsimula ang kukupad.”
Umupo ako sa isa sa mga monoblock chairs para magpahinga. Saka pinunasan ang pawis
ko sa noo. Wengya! Dapat si Lerwick ang nagta-trabaho dito eh.

“Hoy ikaw!” Itinuro ako nung baklang organizer gamit ang malaking pamaypay na hawak
nya, takte! Napansin pa yatang namamahinga ako. “Yes baby?” Naka-smirk na sagot ko
sa kanya. Pfft, halos masuka ako nung nagkagat labi sya. Ka-lahi ni Lerwick amputs.
Agad syang lumapit sa akin at may pag-pisil pa sa braso kong nalalaman. Anak ng
tinola naman! “Pagod ka na baby? Gusto mo magpahinga?” Lalaking-lalaki yung boses
nya pero may landi ang bawat katagang binibitawan.

Wala naman akong galit sa mga bakla pero anak ng pating naman. Ang gwapo kong to,
sa bakla mapupunta? Madaming iiyak na magagandang dilag. At hindi ako makakapayag.

Marahan kong inaalis ang nakapulupot na kamay nya sa braso ko. “Baby, pwede bang
ako na lang mag-check ng mga items sa VIP room.” Sinubukan kong maging sweet ang
tono sa kanya para pumayag sya.

“Sure b—“

Tinakpan ko na ang bibig nya para hindi na nya maituloy pa ang sasabihin nya.
Amputa! Nandidiri ako tuwing naririnig ko yung term na ‘baby’. “Gimme the keys.”
Malambing na sabi ko habang hinihimik ang cheeks nya. Amfufu!

Nung maiabot nya sakin ang susi ay kumaripas na ako ng alis.

“Bumalik ka agad baby ha!” Pahabol na sabi nung bakla.

Kinindatan ko na lang sya, para naman hindi makahalata.

Tinungo ko ang VIP room na pinaglalagyan ng mga items, nanggaling na din kami
kanina dito ni Lerwick pero kailangan ko pa ding makasiguro.

Puno na ng security ang buong hotel, hindi tulad kanina. Pagkapasok ko sa VIP room
ay may dalawang malalaking lalaki agad na sumalubong sa akin at kinapkapan ako, “Oh
men! Wag dyan mga dude, baka mamaya maging dalagang pilipina ka.” Naka-smirk na
awat ko sa isang lalaki nung makarating ang kamay nya sa may maselang bahagi ng hot
na hot kong katawan.

Aba mahirap na! Magaling na ang sigurado.

Nung papasukin nila ako ay isa-isa ko ng inispet ang mga items kung napalitan na
lahat. Pfft. Natatawa ako, ang galing din kasi nilang maghanap ng replica nitong
mga to eh.

At kung hindi ako nagkakamali, nagpagawa pa si Aemie ng katulad na katulad nitong


manika.
“Hoy, hindi ka pwedeng magtagal dyan, bilisan mo.” Paalala nung isang lalaki.

“Yes boss. Patapos na ako mag-inspect.” Sagot ko.

Paglabas ko ay agad na naman nila akong kinapkapan. Tanginang lupit talaga ng


karisma mo Kaizer Maxwell Lamperouge, lahat ng kasarian nahuhumaling sa kagwapuhan
ko.

Nung matapos ay naka-smirk na akong naglakad patungo sa pupuntahan ko.

-Flashback-

“12 hours bago mag-umpisa ang auction, kailangan mapalitan nyo na ang mga items.
Dahil pagdating ng tanghali, maghihigpit na ang seguridad ng buong hotel hanggang
gabi.” Paliwanag ni Aemie.

Hindi ko mapigilang hindi mapabilib kay Aemie. Dahil halos parehas sila ni Ezekiel.
Bago sya magpatawag ng meeting ay planado na ang lahat. Kumbaga sa kanin, nakahain
na at isusubo na lang namin.

“Sebastian at Kaizer, kayo ang bahalang magpalit. Nasa kwarto sa itaas nitong bahay
ang mga Replica nung mga items na i-o-auction.”
“No prob.” Naka-okay sign na sagot ko.

“Areglado Ms. Aemie.”

Ngumiti sya bago ulit nagsalita. “Kayo na din ang bahalang gumawa ng paraan para
hindi matuloy ang aution.”

“Kahit anong paraan ba yan Ms. Aemie?” Tanong ni Lerwick, mukhang excited ang
mokong na to ah.

“Hindi, kasi may naisip na ako.” Nakangiting sagot ni Ms. Aemie sa kanya. Dahilan
para lalo akong ma-excite. Hindi ba exciting na kung dati ay si Ezekiel ang nagpa-
plano ng lahat, ngayon si Aemie na?

Wengya!

-End of Flashback-

Tinignan ko ang oras sa relos na suot ko., 30 minutes pa bago mag-simula, pero
naka-ready na ang lahat. Oras na lang ang kailangang bilangin. Siguro mabuti pa ay
mag-ikot-ikot muna ako.
Milka’s PoV

“Kuya sigurado ka bang hindi na ako sasama sa’yo?” Kanina ko pa kinukulit si Kuya
Vash. Gusto ko kasing sumama sa Auction, alam ko delikado para samin na magpagala-
gala doon, pero gusto ko din namang tumulong.

“Wag muna baby Mik, utos din yun ni Boss.” He replied before shutting the door.

Padabog akong pumunta sa may bintana at tinanaw ang paalis na sasakyan ni kuya
habang malakas ang buhos ng ulan.

-Flashback-

“How’s my wife?” Seryoso si Kuya Ezekiel na nakaupo, while puffing his stick of
cigarette. Kakalabas ko lang ng kwarto kung saan ay mahimbing na natutulog si Ate
Aemie.

“She’s okay na kuya, mahimbing pa din ang tulog nya.”

“Good.”

“Boss, hindi kaya maghinala sa’min sila Lee? Gago pa naman ang mga yon.” Tanong ni
Kuya Vash.
“Just let them.” Sunod-sunod ang pag-puff ni Kuya Ezekiel ng sigarilyo. He’s
obviously in his serious mood, but still napaka-calm nya. “Ano huling utos sa inyo
sa kabila?” Tanong ni Kuya Ezekiel.

I sat beside kuya Vash “Uhh mag-spy sa Yaji at Roswells. Yan pa lang kuya Ezekiel.”
Singit ko sa usapan nilang dalawa.

-End of Flashback-

I shook my head. This is what I wanted, gusto kong maging member ng Mafia, but I
never thought na ganito pala kahirap. I mean ganito ka-complicated. As if we’re
trapped on a big maze. We don’t know where to go.

Hindi naman siguro lahat, siguro kaya lang ako nahihirapan dahil sa sitwasyon namin
ngayon. I took a deep sigh. Pinunasan ko ang bintana na natabunan na ng moist.

-Flashback-

Aligaga ako sa paglalakad nung matanaw ko si Tita na nakaupo na sa table. She’s


holding the menu. “Tita Alyana, Sorry po natagalan ako. Si kuya Vash kasi eh, ayaw
agad ako payagan umalis.” Saglit nyang ibinaba ang menu then smiled at me. “It’s
okay Milka, maupo ka.”

After kong makaupo ay inayos ko ang buhok at damit ko. Nakakahiya naman kay tita
Alyana, ang haggard pa ng itsura ko. Ang lakas pa naman ng ulan sa labas.
“Anong gusto mo, don’t worry it’s my treat.”

“Uhmm kahit ano nalang po tita. Pinakain din kasi ako ni kuya bago umalis.” Si kuya
Vash ginagawa lagi akong bata.

“Alright. Two cappuccino and two black forest cake.”

Nakatingin ako kay tita Alyana habang kausap ang isang waiter. Simula nung nalaman
kong sya pala ang Queen ng Yaji. Naiilang na ako makipag-usap sa kanya, unlike noon
na ordinaryong tita lang ang tingin ko sa kanya. Kung kumilos kasi sya at kung mag-
salita, napaka-pormal. Parang ang taas-taas nyang tignan.

Pasimple kong tinitignan ang ayos ng damit ko, kung maayos na ba. Inilagay ko pa sa
tenga ang ilang hibla ng buhok ko. Hanggang sa hindi ko napansin na nakatingin na
pala si tita Alyana sa’kin. “After a month, aalis kami ni Eiji.” I stopped,
literally. “But not because we’re not around, iiwan na namin ang Yaji.” She
continued. “We’ll be leaving for a reason.”

I keep quiet at nag-antay lang ng mga sunod na sasabihin ni tita. “Roswells and
Yaji will be facing a big trouble.” For a moment naguluhan ako bigla. If Roswells
and Yaji will be facing a big trouble, bakit aalis sila ni tito?

-End of Flashback-

Umalis ako sa tapat ng bintana at saka pumasok sa loob ng kwarto.


I pulled a drawer on my bedside at saka kinuha ang isang itim na box with a gun
inside.

Nung una, hindi ko naintindihan kung ano ibig sabihin ni tita. Pero ngayon malinaw
na sakin ang lahat kung bakit umalis si tita Alyana at tito Eiji.

After kong maayos ang baril ay ipinatong ko muna saglit sa ibabaw ng bedside table.
Lumapit ako sa malaking closet, I opened it at kinuha ang gown na susuotin ko sa
Auction.

-Flashback-

“Hahahaha.” I am watching one of my favorite koreanovela nung napansin kong aalis


si Kuya Vash. Nagmamadali syang naglalakad palabas ng pinto, though hindi naman
bago sa’kin ‘to. “Gabi na ako uuwi, lock mo ang mga pinto ha. Bye baby.”

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla akong


kinutuban. “Saan ka pupunta kuya?” I asked, turning my head to face him, pero dire-
diretso lang syang lumabas ng pinto.

Ibinalik ko ang tingin sa T.V. Pero yung utak ko occupied na ng gagawin ni Kuya
Vash.

*****
‘Kuya Vash?’ I said to myself. ‘What is he doing here?’ Nakatago ako sa likod ng
isang sasakyan, almost 10 meters away from where he is. But I can’t be wrong.

May hawak si kuya pero hindi ko alam kung ano, it’s an attaché case. Si kuya Vash,
nakikipag-transact sa mga hindi ko kakilalang lalaki.

I was about to leave nung may maramdaman akong matigas na bagay na nakatutok right
behind my head. “Where do you think you’re going little rat?” My eyes widened.
Hindi ko pa man nililingon kung sino yun kinakabahan na ako. Boses ng babae ang
nagsalita.

Nanlalambot ang tuhod ko dahil hanggang sa makaharap ako ay naka-tutok pa din ang
baril nya sa’kin. “Dalhin nyo sya doon.” Utos nya sa dalawa pang kasama nyang
lalaki na hindi ko din kilala.

Hiniklat nung isang lalaki ang kaliwang braso ko. Halos makaladkad ako sa higpit ng
pagkaka-hawak at bilis ng paglalakad namin.

Natatakot akong magsalita dahil may naka-tutok na baril sa likod ng ulo at maging
sa may bandang mukha ko. Pero mas lalo akong natatakot sa sasabihin ni kuya Vash
sa’kin pag nakita nya ako.

“We have a new member here.” Pagkabanggit na pagka-banggit nung babae nun ay
lumingon sa gawi ko si kuya Vash pati ang mga kasama nyang lalaki.

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumungo. Tama ba yung nadinig ko? New member?
-End of Flashback-

“Not bad.” I whispered, looking at the gown I am wearing in front of a big mirror.
Kinapalan ko ang lagay ng make-up para hindi agad ako makilala ni kuya Vash if ever
magkita man kami sa Auction hindi nya ulit ako pagagalitan.

After few minutes of fixing myself, pumunta na akong parking to drive my way to the
Auction. Huminga muna ako ng malalim before starting the engine of my car. Hope
everything will be fine, lalo na si kuya Ezekiel.

-Flashback-

“Bakit ba ang tigas ng ulo mo Milka, hindi mo baa lam na pwede kang mapahamak sa
ginagawa mong pagsunod sakin!?” Nakatungo lang ako habang pinagagalitan ako ni kuya
Vash.

“Sorry kuya, na-curious lang naman kasi ako kung saan ka pupunta kaya sinundan
kita.” Nakatungong sagot ko.

Nahihiya ako, dito pa ako sinesermunan ni kuya. Nandito pa naman si Kuya Ezekiel.

“Nakatulong ba yang pagsunod-sunod mo sakin na yan ha? Nakita mo ba kung anong


nangyari sa’yo ha?!”
“Cut that Boulstridge.” Awat ni kuya Ezekiel. Sinubukan kong sulyapan sya. Hindi
sya nakatingin sa amin pero mukhang mainit din ang ulo nya. Kung bakit ba naman
kasi sumunod pa ako kay kuya Vash.

“Aish!!!” Asar na asar na umupo si kuya si Vash sa tabi ko. He took out a stick of
cigarette, a sign na talagang mainit ang ulo nya. Hindi naman kasi naninigarilyo si
kuya. Unless problematic or galit.

“Sorry kuya Vash.” Bulong ko habang nakatungo. I didn’t get any response from him.
Okay lang, kasalanan ko naman eh.

Hindi ko naman alam na naiipit na pala sila sa sitwasyon nila.

Tinignan ko silang dalawa. Una si kuya Vash na sunod-sunod ang pag hithit ng
sigarilyo. Nung tinignan ko si kuya Ezekiel, he’s looking at a picture. Pinasingkit
ko ang mga mata ko para mas makita ko kung ano ang larawang tinitignan nya.

Si ate Aemie.

I can’t keep myself from smiling, pero patago akong ngumingiti. Si ate Aemie pa din
ang iniisip nya kahit na hindi sila magkasama. Ang sweet isipin. Sana someday
magkaroon din ako ng asawang tulad ni kuya Ezekiel.

-End of Flashback-
“Shit! Bwisit na traffic!” Nahampas ko na sa asar ang manibela ng sasakyan ko. I am
running out of time, dagdag pa tong pesteng bagal ng usad ng mga sasakyan.

Kung hindi lang malakas ang ulan, at kung hindi lang ako naka-gown, kanina pa sana
ako tumakbo para makarating agad sa hotel. Halos mapasabunot ako sa buhok ko sa
asar. “Oh come on, kalian ba mawawala ang traffic sa Pilipinas?” Sunod-sunod ang
pag-businang ginawa ko. I don’t care kung mairita lahat ng sasakyan sa paligid ko.

Kailangan kong makarating agad sa Auction.

-Flashback-

Malakas ang buhos ng ulan, pati ang pagkulog at pagkidlat. Pero hindi ako
nagpatinag. Malaki ang tiwala ko kay Kuya Ezekiel.

Papasok sana ako sa loob ng apartel na kinaroroonan nila kuya Ezekiel at ate Aemie
pero may humila sa braso ko. “This way.” I am a bit shocked and confused at first.
May nakatakip sa mukha nya, pero alam ko kung kaninong boses yon.

Kay Spade Clifford.

“It’s not the right time para pag-isipan mo ako ng masama.” I frowned dahil sa
sinabi nya. He may be right, so I just nodded and follow him kahit hindi ako
sigurado sa ginagawa ko.
While walking, inabot nya sa akin ang mask na tulad ng sa kanya. “Mas mabuting nag-
iingat.” Bulong nya. Tumango lang ako. Wala man lang bakas ng kaba sa boses nya,
how does he manage to act as calm as this?

We went up straight to one of the apartel’s veranda until I stopped nung may
madinig akong boses. “Fuck you Lionhart!” Boses ni kuya Ezekiel yun. At malapit
lang pinanggagalingan ng boses. I think, I came on time. Hindi pa naman siguro ako
huli.

Wala man lang kahit maliit na ilaw na pwedeng magsilbi guide sa paglalakad namin. I
should be thankful dahil umuulan ngayon. Kung hindi pa dahil sa kidlat, hindi
magkakaroon ng kaunting liwanag.

“Put down your gun Roswell” Ma-awtoridad ang boses ni Wallace Martin Lionhart.

Hindi ako natatakot na may makakita sa akin dito, dahil kabilang na ako sa grupo
nila Wallace. Kaya kahit makita nila ako dito ay hindi nila ako pag-iisipan ng
masama.

“Do not hurt my wife...Please.”

“Marunong ka na pa lang makiusap ngayon, Roswell”

Naging mabilis ang mga pangyayari. Ni hindi ko namalayan na wala na si Spade sa


kinatatayuan ko. Nakarinig ako ng mga ingay at putok ng baril kaya kahit wala ako
gaanong maaninag ay naglakad ako papunta sa pinanggagalingan ng boses ni kuya
Ezekiel at Wallace kanina.
Inihanda ko ang baril na dala ko habang nakikiramdam.

“Tumakas na tayo.” Si Phoenix Strife.

***

“NASAAN NA SILA?” Hiyaw ko kay Phoenix. Malakas ang ulan at mabilis ang
pagpapatakbo nya ng motorsiklo kaya paniguradong hindi nya ako madidinig kung
mahina ang boses ko.

Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya hanggang makarating kami sa condominium
building na tinutuluyan naming ni kuya Vash. “Pumasok ka na sa loob.” Naka-poker
face na utos nya. Tumango ako at hindi na umimik pa, si kuya Vash na lang ang
uusisain ko mamaya kung anong nangyari.

“Ibigay mo ‘to kay Mr. Roswell.” Kinuha ko ang iniabot nya sa akin. “Pinabibigay
yan ni Queen.” Tumango ako sa kanya at ngumiti. “Sige. Ingat.”

-End of Flashback-

Ipinark ko ang kotse ko sa parking lot sa ilalim ng hotel.


Paglapit ko sa guard ay ipinakita ko ang VIP card na ibinibigay sa mga dadalo sa
Auction. “This way po Ma’am” Sumunod ako sa kanya na sumakay ng elevator. “Am I
late?” Tanong ko sa guard na kasama ko. “Hindi pa naman po nagsisimula. May kinse
minutos pa po Ma’am”. Sagot nya.

---

A/N

Nakaka-miss AeZeke moments no? Nami-miss ko nga din, kasi wala akong tinype na
moment nila. <3 See you sa SM Clark (Aug. 2) at SM Lipa (Aug 3.)

=================

Chapter 9

Aemie’s PoV

Tinitignan ko ang listahan ng mga i-o-auction habang nakaupo sa loob ng kotse.


‘Sana nakuha na nila lahat.’ Sabi ko sa isip.

Hayy.
“You seem troubled, wife. Is anything worrying you?” Tumingin ako kay Zeke na
nagmamaneho ng kotse. Ako pa daw ang troubled, eh sya nga yung may problema. Kaya
nga tinutulungan ko sya eh. Sasagutin ko pa lang sya nung mapansin kong nasa
parking lot na kami ng hotel.

Waaaa. Medyo kinakabahan ako.

Huminga muna ako ng malalim bago ko inabot ng kamay ko ang pinto ng kotse. “Hold
on.” Utos ni Zeke kaya naman tumigil ako.

Pagkatapos nyang alisin ang susi ng kotse ay mabilis syang bumaba at saka mabilis
na naglakad papunta sa may side ko at pinagbuksan ako ng pinto. “Thank you.” Naka-
ngiting sambit ko nung maka-baba na ako ng sasakyan. Saglit ko pang tinignan ang
suot kong damit pati ang suot ni Zeke kung maayos ba. “Wait dong!” Lumapit ako kay
Zeke para ayusin ang necktie nya na hindi medyo magulo. “Ayan.”

“What a very sweet couple.” Sabay kaming lumingon ni Zeke at tinignan kung sino man
yung nagsalita. Sino naman kaya sya?

Siniko ko si Zeke ng mahina at saka bumulong “Tropa mo ba 'yan Zeke?” Tanong ko


habang pinagmamasdan ang babae.

Naramdaman ko ang paghawak ni Zeke sa kamay ko kaya lumingon ako sa kanya.


Nakatingin lang sya dun sa babae. “Yes we’re friends.” Nakangiting sagot nung
babae. Nadinig nya pala yung tinanong ko kay Zeke. “Nice to meet you.” Inilahad nya
ang kamay nya sa harap namin.

Ohh so friends naman pala sila ni Zeke, kaya naman nginitian ko din sya.
Aabutin ko pa sana ang kamay nya pero naramdaman ko yung paghigpit ng hawak ni Zeke
sa kamay ko kaya imbis na makipag-shakehands ako dun sa babae ay—“Tara na sa loob
hubby?” Pag-aaya ko.

Hindi pa man sumasagot si Zeke, hinila ko na ang kamay nya para umalis. “Excuse
us.” Sabi ko. Halata naman kasing uncomfortable na si Zeke.

Habang naglalakad kaming dalawa ni Zeke palapit sa entrance ay lumingon ako sa


likuran naming dalawa para tignan yung babae kanina.

Nakatitig yung babae sa’kin, hanggang sa ngumiti sya. Pinasingkit ko ang mga mata
ko dahil yung ngiti nya sa’kin hindi ko mai-explain kung ano ibig sabihin. Pero isa
lang ang sigurado ko, mukhang kailangan namin mag-ingat sa kanya.

“Good evening Sir, Ma’am” Nakatitig pa din ang babae sa aming dalawa hanggang sa
maialis ko ang tingin sa kanya para ilipat ang tingin kay Zeke.

Bumitaw sya sa pagkakakapit sa kamay ko at may dinukot sa loob ng coat na suot nya
at saka nya iniabot sa guards. VIP Card.

Saglit yun na pinagmasdan nila kuyang guard. “This way po Sir, Ma’am.” Sabi nung
isang kuyang guard. Hinawakan ulit ni Zeke ang kamay ko pero diretso lang ang
tingin nya sa likuran nung sinusundan naming si kuyang guard. Gusto ko nga sana
itanong para usisain kung ano iniisip nya, kung may problema ba sya? Kung naiinis
ba syang kasama ako.

“Woooowww!” Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa ganda ng pag-gaganapan ng auction.


Iba talaga pag party ng mayayaman, sosyal lahat. Iniikot ko pa ang tingin ko, baka
sakaling makita ko sila Kaizer, pero wala naman. “Nasaan kaya sila?” tanong ko sa
sarili.

“Sinong sila?”

“Huh?” Tanong ko kay Zeke kaya kumunot ang noo nya.

Wait..

Omygod! Mabilis pa sa alas-kwatro akong napatakip ng bibig. Nasabi ko ba ng malakas


yung iniisip ko? Waaaa!

“Sinong sila ang hinahanap mo?” Tanong nya.

“Ahhh-ehh—sila ano—sila Mickey mouse at mini mouse, balita ko kasi a-attend din daw
sila ng auction.”

“What the?”

“Hehe. Joke lang dong, super serious ka naman kasi lagi.”

.
.

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at waaa! Malapit ng magsimula ang auction.


“Zeke, wait lang ah, magsi-C.R lang ako” Paalam ko. Tumango si Zeke pero yung
atensyon nya halata namang wala sa akin. Pero mas mabuti nay un, para naman ma-
contact ko sila Meisha.

Ezekiel’s PoV

I am rapidly shifting glances of the people inside the place. Same faces of
assholes whose craving for power and wealth. Tss. To be equal or to surpass their
rivals may be the primary goal of most of them, but not me. This is not my type of
game.

I turn back to see her. “Wif—“ What the? She’s nowhere to be seen. Where the hell
did she go?

“Looking for your wife?” I cover my anger with an expressionless eyes, when a
figure of a man blocked my way. I had no choice but to grit my teeth and get on
with it. “What do you want?” I asked on the asshole standing in front of me.

“Tinitignan ko lang kung gagawin mo mga inutos ko.” He smirked.

“You’ve been on it long enough. Just wait for my turn.”


Aemie’s PoV

Kanina pa ako paikot-ikot pero wala akong makitang C.R na walang tao. Hayy! Dapat
kasi may C.R din sila for disabled. Mas okay sana kung doon para solo ko lang at
hindi na kailangan magtago pa sa ibang tao.

Halos mapasigaw ako sa tuwa nung may makita akong sign ng C.R. Mukang tago naman
tong lugar na to kaya sure akong walang tao. Hehe. Sana.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng C.R ay inilibot ko agad ang mga mata ko. At saktong
walang tao sa sa loob kaya kinuha ko agad ang phone para tawagan sila isa-isa.

Una kong tinawagan si Kaizer para malaman ko kung ano ang nangyari sa mga items na
i-o-auction. “[Ayos na lahat] Sagot nya sa kabilang linya, kaya binaba ko na agad
ang phone.

Sunod kong idinial ang number ni guardian angel. [We’re in position.] Sabi nya
pagka-sagot na pagka-sagot nya pa lang ng phone. “Sila Cass?” tanong ko.

[Nag-aantay na lang din po ng go signal.]

“Okay” Nakangiting sagot ko. Buti naman at okay lahat.


Sumandal ako sa lababo habang ini-scroll down ang contacts. Tatawagan ko sana si
Cassandra nung may madinig akong nag-flush sa dulong cubicle.

Saglit ko pang pinakinggan at pinakiramdaman kung may lalabas na tao mula sa


cubicle na yun pero wala.

O-MY-GOD!!!

Waaaaa! Don’t tell me m-may multo dito?

Natataranta kong inilagay ang cellphone sa pouch na hawak-hawak ko at nagmadaling


maglakad papunta sa may pinto. Pero nung lalabas na ako ay nakarinig ako ng
langitngit. Tinanaw ko sa may salamin at kitang-kita ng dalawang mata ko kung
paanong dahan-dahan na bumukas ang pinto ng cubicle.

Waaaaaaaaaa!!!!

Kakaripas na sana ako ng takbo palabas ng CR pero bigla akong napahinto nung may
mapatingin ako sa salamin ng CR. May lumabas na babae mula sa cubicle.

Titig na titig lang ako sa salamin. Naka-gown din naman sya kaya malamang isa din
sya sa mga bisita dito sa auction. “You are planning something.” Kumunot ang noo ko
dahil sa sinabi nya. Halos mapako na nga ako sa kinatatayuan ko dahil sa
pagkakatingin sa kanya. Nadinig nya pala yung mga tinawagan ko? May pagka tsismosa
din pala itong si ateng cubicle. Hayy!
“O-kay?” Sagot ko sa kanya.

Tuluyan na sana akong aalis nung makita ko syang naglabas ng baril sa dala-dala
nyang sling bag.

Mabilis akong sumandal sa pinto, at binunot ang dalawang kutsilyo na nakalagay sa


buhok ko.

-Flashback-

“Throwing a knife is not that easy. But convenient gripping is the key.” Pinaikot
ni Zeke ang kutsilyo na hawak nya at saka tumingin ng diretso sa akin. “Too much
grip will hamper your release. While too little might cause the knife to fly off
your hand, and worst, it might hurt yourself instead your enemy.”

Tumigil sya sa paglalaro ng hawak nyang kutsilyo at saka yun iniabot sa akin.

“First, assume the proper stance...” Tinapik ni Zeke ng paa nya ang mga paa ko kaya
medyo inayos ko yung pagkakatayo ko. “Keep the knife a comfortable distance from
your head. It will keep you from cutting yourself when you swing to throw it.”
Tumango-tango ako habang iniintindi ang mga itinuturo ni Zeke.

Pumwesto sya sa may likod ko at saka hinawakan ang kanang kamay ko na may hawak ng
kutsilyo. Dahan-dahan nya yun itinaas “Second, swing the knife forward...” Kasabay
ng pagsabi nya ay ang pagswing nya din ng kamay ko na may hawak ng kutsilyo.
Mabilis, at dama ko ang bigat na napunta sa kamay ko. “Your goal is to swing your
arm straight up and down so that the knife doesn’t hit an angle.”
“Lastly, release the knife.” Pagkasabi nya nun ay binitawan ko ang kutsilyo. At
saka sinundan ng tingin ang lumilipad na kutsilyo kung saan tatama. “A well-timed
release will result to perfectly hit your target on the area you wanted.”

Napanganga ako nung makita kong sakto sa gitna tumama yung kutsilyo.

“Ganun lang dong?” Tanong ko.

“Yeah”

“Waaaa! Ang astig!!!”

“It’s now your turn wife.”

-End of flashback-

Bago pa man maitutok sa akin ni ateng cubicle ang baril ay naihagis ko na ang
kutsilyo kamay nya. “Shit!” Daing nya nung tamaan ko ang kamay nya at mahulog sa
sahig ang hawak nyang baril.

Inilock ko agad ang pinto nitong CR at saka tumakbo palapit sa pwesto nya. Bumunot
ako ng baril at saka ko sya diretsong tinanong. “Who are you?” Pero imbis na
sagutin nya ang tanong ko ay sinipa nya ang kamay ko na may hawak ng baril.
Waaaa! Nabitawan ko ang baril at tumalsik yun sa sahig. Nagkaroon si ateng cubicle
ng pagkakataon para kuhanin ang nahulog nyang baril. Halos sabay lang kaming
pumulot ng baril sa sahig, at nung mahawakan ko ang baril ko ay hindi na ako
nagdalawang isip na barilin si ateng cubicle.

Kung hindi ko sya inunahan ay malamang ako ang nakahiga sa sahig ngayon at walang
buhay.

Milka’s PoV

Nung makatungtong ako sa palapag kung saan gaganapin ang auction ay iniikot ko agad
ang tingin ko para maghanap ng Ladies’ Room. But of course, I prefer na sa medyo
isolated na ladies’ room ako magpunta.

Nakailang ikot na ako, ilang tao na din ang nakakasalubong ko. Hopefully hindi ko
makasalubong sila kuya, dahil siguradong pauuwiin ako.

“Thank goodness” I whispered, looking at the signage.

“It’s locked.” Bulong ko ulit. Sinubukan kong buksan pero naka-lock talaga. Malas
naman!

I turn around and begin a short and aimless walk away from the Ladies’ room nung
may makasalubong akong lalaki. “Uhh—sarado ang—“ I was about to warn him na naka-
close ang CR nung saktong binuksan nya ang pinto ng Men’s room.

So hindi naka-lock ang Men’s Room?

“May sinasabi ka?” Tanong nung lalaki.

“Uhh—nothing” Sagot ko. Medyo napahiya pa ako dun ah. Umacting ako na mukhang aalis
na hanggang sa makapasok yung lalaki sa loob ng CR.

How come na bukas ang Men’s room tapos ang Ladies’ room ay naka-lock?

Mabilis akong tumakbo pabalik sa tapat ng pinto ng Ladies’ room at kumuka ng pin. I
tried picking the door lock when—

“A-ate Aemie?” Natigilan ako for a second. Sobrang bilis din ng tibok ng puso ko.
Sino ba naming hindi matitigilan? She’s sitting on the floor, and in front of her
is a girl covered with blood.

I locked the door as fast as I could para walang ibang makakita.

Lumingon sya sa akin before responding. “Milka.” She said. She’s crying. “K-kasi
may baril sya eh. Huhuhuhu.” Lumapit ako sa kanya and hugged her tight. “It’s okay
ate, hindi mo kasalanan.” Sabi ko.

“B-barilin nya kasi ako eh.” Umiiyak pa din ng umiiyak si ate Aemie. And this is
not good. Baka may iba pang makakita saming dalawa.

“Ate Aemie mas mabuti pa lumabas ka na at bumalik kay kuya Zeke. Ako na bahala
dito.”

“Sure ka ba Milk—“

“Sige na ate Aemie, mauna ka na.” I said with a smile.

Aemie’s PoV

Nanginginig pa ang kamay ko nung makalabas ako ng CR. Hindi naman ito ang first
time na maka-baril ako ng tao. Pero hindi ko mapigilan na hindi maging emosyonal.

Bumuntong hininga ako bago tahakin ang daaan pabalik kung saan ko iniwan si Zeke.

Tinignan ko ang nilalakaran ko pero—saan nga ba yung lugar na yun? Waaaaa!


Naliligaw pa yata ako! Bakit ba kasi ang dami-daming pasikot-sikot dito sa hotel na
to. Hayy

“I’ve been looking for you.”


Ngumiti agad ako nung madinig ko kung kaninong boses yung nagsalita. “Dong!”
Lumapit agad sya sa akin at inilagay sa tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko. “May
problema ba?” Kinagat ko agad ang dila ko nung magtanong si Zeke. Baka kasi mamaya
hindi ko mapigilan ang sarili ko mai-tsismis ko agad kay Zeke ang nangyari.

Saka ko na lang siguro sasabihin sa kanya kapagka wala na syang ibang problema.
“Hehehe wala naman Zeke. Kailangan ba may problema ako? Sige hayaan mo mamaya iisip
ako ng problema.”

“Pfft. Let’s go inside.”

“Aye aye captain!”

***

“Mukhang malapit na mag-start Zeke.” Bulong ko sa kanya nung makapasok kami sa


loob. Medyo dim na kasi ang ilaw at nakaupo na ang ilang tao. Ang ilan naman ay
pumupunta na din sa kani-kaniyang pwesto para maupo.

“Yeah, maybe.” Tipid na sagot ni Zeke.

“Doon tayo dong” Itinuro ko ang dulong bahagi sa unahan na walang nakaupo. Sakto
lang para sa aming dalawa.

Tahimik lang si Zeke hanggang sa makaupo kaming dalawa. “Zeke, ganito ba talaga pag
may get together ang mga Mafia?” Curious na tanong ko.

“Huh?”

“Nagtataka lang kasi ako, kanina pa tayo dito pero wala man lang pagkain. Mas okay
sana kung sinasamahan nila ng pagkain lalo na’t mayayaman naman ang bisita nila.”

“Pfft. This is not children’s party.”

“Alam ko naman dong, bakit bata lang ba may karapatang magutom?” Grabe talaga to si
Zeke magsalita. Minsan hindi na iniisip ang sinasabi eh. Hayy.

“The auction will start in less than 10 minutes.” Umayos kaagad ako ng upo nung
madinig ko yung announcement.

“Hihihi” Natutuwa ako, first time ko makakapanuod ng auction tapos live pa.
Hehehehe.

“Why are you laughing wife?”

Eh? “Bawal ba?” *pout* Ang arte naman pala sa auction bawal ma-excite.

“Hindi naman. It’s just that..”


Tumingin ako kay Zeke dahil hinawakan nya ang kamay ko. “It’s just that ano Zeke?”

“It’s just that, I can’t take my eyes off you.” Nakangiting sambit nya. Halaa! Ano
na naman kaya ang nangyayari dito kay Zeke? Hahawak ko pa sana ang magkabilang
pisngi nya nung mamatay lahat ng ilaw kaya sabay kaming lumingon sa stage dahil yun
na lang ang natitirang may liwanag.

“It will begin in no time.” Bumalik na sa pagiging seryoso ang aura ni Zeke kaya
sumandal na lang ako sa upuan para mag-antay ng mangyayari.

Jacob’s PoV

Nakakunot na ang noo habang nakasandal sa pader na nag-aantay sa labas ng men’s


room si Fauzia nung madatnan ko. “Ano bang ginawa mo at ang tagal mo sa C.R?”
Iritang tanong nya, Nagpatay-malisya na lang ako kunwari ay hindi ko nadinig ang
sinabi nya. “Psh.” She hissed.

Lumapit sya at saka bumulong sa tenga ko “Can’t you pretend that I am your
girlfriend, just for tonight?” Sa tono ng boses nya ay halatang naiinis na sya sa
akin. Kasalanan ko bang mailang sa kanya? Psh. Hindi ba alam ng mga babae na
marunong din kami mailang?

“Lee are you listening?” Mas mataas at malakas na ang boses ni Fauzia kaya hindi
maiwasang maging sentro kami ng atraksyon ng mga tao sa paligid.
Hinarap ko sya at tinitigan sa mata. “I love you too babe.” Sagot ko sa sinabi nya
saka mabilis syang hinalikan sa labi.

Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata sa gulat at namula ang mga pisngi ni
Fauzia. At kung paano nag-apoy ang mga mata nya sa galit. Pfft.

Mabilis nyang hinila ang kurbatang suot-suot ko at—“Sh*t!” Daing ko, dahil hindi na
ako makahinga sa higpit ng pagkakahila nya. “Gusto mo bang mamatay Jacob Le—“

“The auction will start in less than 10 minutes.”

Inalis nya ang pagkakahawak sa kurbata ko pero nanlilisik pa din ang mga tingin
nya. “Magpasalamat ka Lee at magsisimula na.” Galit na bulong nya.

“Magtrabaho na lang tayo.” Seryosong saad ko.

I started to walk away from her hiding a small smile forming on my lips.

“Hoy Lee antayin mo nga ako.” Awts. She’s really cute.


Milka’s PoV

“The auction will start in less than 10 minutes.” Nung marinig ko yung
announcement ayhindi na ako nag-abalang umupo, tumayo lang ako dito sa bandang
likuran at nagtago sa dilim. Bukod sa kita ko ang lahat ng nakaupo ay hindi ako
mapapansin ng kung sino man dito.

“Wala ka bang balak maupo..” Pasok sa kabilang tenga, labas sa kabilang tenga lang
ang ginawa ko. Ni hindi ko ginawang lumingon kung sino man yung nagtanong. There
are things which are more important than him.

“BABY?” As if on cue, tumigil lahat ng tao sa paligid, well not literally of


course. “Wala ka bang balak maupo BABY?” Ipinikit ko ang mga mata ko. I actually
don’t know what to do. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng taong pwedeng makakita sa
akin dito, ito pang Sebastian Lerwick na ‘to?

“Ano bang problema mo at kailangan mo pang ipag-diinan yang ‘baby’ na yan?”


Sumandal ako sa pader as if hindi ako affected na nakita nya ako. Pero ngayon pa
lang kailangan ko na mag-isip ng idadahilan ko kay kuya pag nalaman nyang nandito
ko.

“So bakit nga hindi ka maupo? Bakit ka nagtatago dito sa dilim? Sino tinataguan
mo?” Sunod-sunod na tanong nya.

Inalis ko agad ang isang heels na suot-suot ko at handing-handa na akong ituktok


yun sa ulo nya. “She’s with me.” Halos sabay kaming napatingin dun sa lalaking
nagsalita. “P-Phoenix. Buti naman at dumating ka na kanina pa ako naiinip dito.”
Arte ko.

“Magkaasama kayo?” Nagtatakang tanong nung panget.


Nakapoker-face lang si Phoenix at hindi sinagot ang tanong ni Sebastian kaya ako na
ang sumagot. “Obvious ba?”

“Tss. Hindi naman hamak na mas gwapo ako dyan.” Dinig ko pa ang bulong nya bago
kami makaalis dalawa ni Phoenix.

“Umuwi ka na.”

“Huh?” Napatunghay ako at natigil sa paglalakad nung makalayo kaming dalawa. “Hindi
pa ako pwedeng umuwi—“

“Umuwi ka na kung ayaw mo pang mamatay.” Napaatras ako dahil sa mga sinabi nya.
Alam ko namang delikado dito. Pero—“Gusto mo bang sabihin ko sa kuya mo at kay
Roswell na nandito ka?” Puno ng sinseridad ang mga sinabi nya. At batid kong pag
hindi ko sya sinunod ay talagang sasabihin nya kila kuya na nandito ako.

“Pero paano kung mapahamak sila?”

“Ano ba sa tingin mo ang kaya mong gawin?” Napalunok ako, he’s right. Ano nga ba
kaya kong gawin? Wala naman. Mas madalas pa nga silang mapahamak dahil palpak lagi
ako.

Tumungo na lang ako at hindi na kinontra pa ang sinabi nya. “Okay.” I stated. Halos
mabasag nadin ang boses ko dahil naiiyak na ako. Truth really hurts.
Sinimulan ko ng tahakin ang daan papunta sa elevator. And I wish, na sana wala
namang mapahamak sa kanila.

“Ouch!”

I saw a hand holding a white hanky right in front of me. Kaya mabilis kong itinaas
ang ulo ko para tignan kung sino ang may hawak. “Masyado kang maganda para umiyak
baby.” Sebastian Lerwick na naman?

At may pakindat-kindat pa. Psh! “Bakit ka ba sunod ng sunod?” Asar na tanong ko.

“Sino may sabing sumusunod ako? Nagkataon lang na dun ako papunta. Pfft.” Itinuro
nya ang isa pang hallway. “At may nakita akong magandang babaeng umiiyak.”
Nakangiting sambit nya.

“And so? Edi pumunta ka na sa pupuntahan mo.” I said sarcastically, not showing my
real emotion.

“Okay” Nakangiting sagot nya.

Then the next thing I knew, hawak-hawak na nya ang kamay ko, at sabay na kaming
naglalakad. “You don’t have to obey things na kabaliktaran ng nararamdaman mo. Live
free. Kung ano gusto mong gawin, gawin mo without limiting yourself.” Tumingin ako
sa kanya at hindi makapaniwala sa mga sinasabi nya. We stopped. At saka nya ako
tinignan sa mata. “Then you will see the way to happiness.”

Humarap na ulit sya sa daan at nagsimula ng maglakad. For a moment, I just let him
hold my hand and drag me to where he goes.

“Anong ginagawa natin dito?” Inilibot ko ang tingin ko. Sobra nang dilim sa lugar
na nilalakaran namin at wala na ako halos makita.

“Lalabas na ng hotel.” Sagot nya.

“Lalabas? Eh bakit dito pa tayo dadaan?” Takhang tanong ko.

“Pfft. Baby puno na ng trap ang ibang daan palabas ng hotel, at ito na lang ang
daan palabas.” Mabilis kong binitawan ang kamay ni Sebastian dahil sa sinabi nya.

“Papaano sila? Nasa loob pa sila kuya, sila ate Aemie—“

Bago pa man din masagot ang mga tanong ko ay may nadinig na akong mga pagsabog sa
loob.

Aemie’s PoV

“Miss Aemie tara na po.” Hinawakan pa ni Jacob ang kamay ko at pilit akong inaaya
palabas pero inalis ko ang kamay nya. “Miss Aemie—“
“Mauna na kayo, hindi ko pwedeng iwan si Zeke.” Tinalikuran ko sya at saka tumakbo
pabalik.

-Flashback-

“Hehehe.”

“Stop laughing wife.”

“Uhh Zeke, malapit na magsimula ang auction, pero nagugutom ako, pwede mo ba akong
samahan kumain?” Tanong ko. Kasama sa plano namin nila Jacob na umalis bago
magsimula ang auction. At wala na akong ibang maisip na paraan para ayain palabas
si Zeke.

“Nah. I will ask someone to buy you a snack.”

Waaaa! “Eh pero dong kasi—“

“The auction is almost starting” Sagot nya.

“Pero nagugutom na talaga ako. Waaa huhuhu.” Ano ba naman to si Zeke. Hindi ba sya
nadadala sa acting skills ko?
“Tss. Fine.” Tinignan ko si Zeke na kinuha ang phone nya at saka nagsimulang mag-
dial ng number. “Do not let anyone win the bidding.” Dinig kong sabi nya bago
ibinaba ang phone.

Hinawakan ni Zeke ang kamay ko at saka kami sabay na naglakad paalis.

Pero wait—“Sino yung tinawagan mo dong?” Kinabahan ako bigla, dahil sigurado akong
isa kanila Vash, Milka or Tristan ang tinawagan ni Zeke.

“Nothing.” Tipid na sagot nya.

Ilang minuto pa lang kaming naglalakad ni Zeke palabas ay nagsimula na ang mga
pagsabog.

“Damn Boulstridge!”

Si Vash? “Zeke! Wait!” Wala pa ding isang segundo ay bumitaw na si Zeke sa


pagkakahawak sa kamay ko at mabilis na tumakbo pabalik. “Get the fvck out of this
hotel wife.” Hiyaw nya pabalik.

-End of Flashback-

Hindi ito ang unang beses na makita kong may nakatutok na baril kay Zeke, at hindi
din ito ang unang beses na mapapahamak si Zeke dahil sakin. Pero kahit pa yata
ilang ulit mangyari to. Parehas pa din ang nararamdaman ko. Sobrang lakas ng kabog
ng dibdib ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin. “Zekeeee!!” Hiyaw ko kaya
nabaling sa akin ang atensyon nung lalaking may hawak ng baril.
Tatakbo sana ako palapit kay Zeke, pero sunod-sunod na putok ng baril ang nadinig
ko.

Kasabay ng putok ng baril ay naramdaman ko ang mabilis na pagtama ng bala sa


katawan ko. This is the first time na makaramdam ako ng maliit na metal na sobrang
lakas ng impact. I felt a sudden pain, hanggang sa naramdaman ko ang pamamanhin
nung parting tinamaan ng bala.

“Shit!”

“Miss Aemie!”

“Z-eke”

“Wife!”

**

“Wife. Keep your eyes open.” Minulat ko ang mga mata ko nung madinig ko ang boses
ni Zeke. Nasaan na ba kami? Ramdam ko ang mabilis na andar ng sasakyan kaya alam
kong nasa loob kaming dalawa ng sasakyan. Kanina nasa hotel pa kami ah. OMG. Don’t
tell me may kapangyarihan na kaming magteleport?—Aww.
“Wife can you hear me?”

“O-oo n-naman dong, di ako b-bingi no.” Sagot ko. Bakit ganito? Feeling ko hinang-
hina ako at antok na antok. Ano ba nangyari?

Iminulat ko ulit ang mga mata ko kahit hilong-hilo na ako. Ngayon ko lang napansin
na nakahiga pala ako kay Zeke habang mahigpit nya akong yakap. Ano bang meron?
Ipinikit ko ulit ang mga mata ko dahil hindi ko kayang imulat ng matagal.

“Wife please, hold on.” Kahit nakapikit ako, alam kong umiiyak si Zeke dahil sa
tono ng boses nya.

Sira ulo ba sya? Ano wala akong karapatang mapagod? “Inaantok n-na ako—“ Unti-
unting sumisikip ang paghinga ko kaya halos hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin
ko. Ano bang nangyayari sa akin, dapat yata magpa-check up na ako.

“Fvck! This is all my fault!” Nakaramdam ako ng pagtulo ng luha sa pisngi ko kaya
kahit antok na antok ay sinubukan ko ulit imulat ang mga mata ko. Namamanhid na ang
mga braso ko at hindi ko na halos maingat. I tried to wipe his tears. “S-sino ba
umaway sayo Z-zeke?”

“Say you’ll never leave me wife. Please.”

Adik talaga to, hindi na nga ako magalaw paano ko pa sya iiwan? Hayyy! Minsan
talaga ang hirap i-explain ng mga bagay-bagay kay Zeke kaya mabuti pang wag na lang
magsalita.
“M-matutulog lang a-ako dong.” Sagot ko. Hindi ko na kaya. Feeling ko anumang oras
makakatulog na talaga ako.

“No. Don’t. Please.” Sunod-sunod ang agos ng luha sa mga mata nya at hindi ko alam
kung anong gagawin ko para patahanin sya. Sino ba kasing umaway kay Zeke? Malaman
ko lang! Nako nako!

“Fvck! I love you so damn much.” Kahit halos manhid na ang buong katawan ko ay
nangibabaw padin ang higpit ng yakap ni Zeke.

“Mahal d-din kita. Mahal na m-maha—“

***

A/N :

First, thank you sa lahat ng bumili ng MHIAMB volume 1 (season1) at sa mga hindi pa
nabili, bili na kayo guys!

Second, MHIAMB volume 2 (season 2) will be released this coming MIBF (Manila
International Book Fair) Sept 17-21 sa SMX Convention. Nandyan din po ako ng 20 and
21 for book signing. And yup, pwede kayo makipag-chikahan. Yii!

Third, Ito po booksigning sched for this month

Sept 13 – NBS SM Manila (Saturday) with Lloyd Cadena and Alesana Marie.

Sept 14 – NBS SM City North Edsa (Sunday) With Marcelo Santos III and Alesana
Marie.

Sept 28 – NBS Mall of Asia (Sunday) with Marcelo Santos III and Alesana Marie.
Yan, see you <3

Lastly, thank you sa mga comments, nagbasa ako ng comments kanina, as in lahat ng
comments dito sa season 2 and sa season 1. Actually nabasa ko na yung iba noon pa,
hahaha pero binasa ko ulit. Kung nag eenjoy kayo ulit-ulitin ang mhiamb season1,
mas nakaka-enjoy basahin ng paulit-ulit ang comments. Thank you guys :*

Happy birthday Peper and Krim :*

Sarrey ang haba ng note, namiss ko to eh!

=================

Chapter 10

Aemie’s PoV

Kahit punong-puno pa ng pagkain ang bibig ko ay kinuha ko yung natitirang chicken


legs at saka kinagat.

“Pfft.”

Bakit naman kaya pangiti-ngiti to si Zeke. “Do you need some water wife?”

Umiling ako ng paulit-ulit at saka ulit kumagat ng manok, hindi water ang kailangan
ko. Kailangan ko pa kumain. Grabe pakiramdam ko limang taon akong hindi kumain.
Pero ang hirap kumain ng isang kamay lang ha.
“Say ah.”

“Aaahh” Buti nalang nandyan si Zeke, sya nagsusubo sakin ng kanin eh, tapos ako na
bahala sa ulam. Hehehe. Buti na lang din at hindi sinusumpong si Zeke ng kasungitan
nya. Simula magising kasi ako lagi lang syang nakangiti eh.

“May problema ka ba sa utak dong?” Tanong ko pagka-lunok na pagkalunok ko ng


pagkain.

“What the hell are you saying?”

*pout* “Hehe. Wala.” Para nagtatanong lang naman ako eh, galit na sya agad. Pwede
naman nyang saguting wala. Maniniwala naman ako eh. Hayy.

“Quit talking and eat.” Masungit na sabi ni Zeke at saka ako sinubuan ng kanin.
“Ang sungit mo talaga Zeke.” Sabi ko kahit punung-puno ng pagkain ang bibig ko.

*glare*

*pout*

***
“Grabeeee ang sarap kumain!!!”

“You almost ate everything.”

“Oy hindi naman ah. Maka-almost ate everything ka naman dyan. Naka-apat na chicken
legs lang naman ako ah.”

“And 5 cups of rice”

“Pero hindi almost everything. Ang dami pa kayang tira.”

“Almost.”

“Hindi ah!”

“Pfft. I love you.”

“Hehe.” Parang masarap pa nga kumain ng leche flan eh. O kaya halo-halo. Waaaa.
Makabili kaya mamaya pag wala si Zeke.

Inilipat ko ang tingin ko sa kanya na seryoso lang na nakatingin sa akin. Anong


oras naman kaya nya balak umalis?
“Does your wound hurts?”

Tinignan ko ang kaliwang kamay ko na may benda at cast. Ang hirap pala kumilos pag
may ganito. “Bakit pala ako may ganito dong? Eh diba tinamaan lang naman ako ng
bala, hindi naman ako napilayan.” Tanong ko.

“Maglilikot ka na naman kasi pag walang ganyan tss.”

Hindi naman ako malikot ah. Nakaupo nga lang ako dito eh. “I’m glad you’re awake.”
Nakangiting sabi ni Zeke pagkaupo nya sa tabi ng hospital bed. Kinuha ko ang isang
kamay nya at hinawakan. “Hehe sabi ko naman kasi sa’yo matutulog lang ako no. OA ka
naman kasi paiyak-iyak ka pa dyan.”

Ngumiti sya at saka hinalikan ang kamay ko. “Pero teka pala Zeke, ilang araw ba
akong tulog?”

“Five.”

“FIVE?!?!” Gulat na gulat na tanong ko. Grabeee! Hindi naman ako kulang sa tulog,
bakit parang OA din sa tagal ang tulog ko.

Pinilit kong alalahanin kung may maalala akong panaginip.


Parang wala din naman ako naalalang napaginipan ko. “Seryoso ka ba Zeke? Ganung
katagal talaga akong tulog?”

“Yeah.”

Pero kung ganun nga..

OMYGOD!!! “Ano na ang nagyari sa Auction?”

“Everything goes as planned.” Nakangiting sagot nya. “You did great wife.” Kumunot
ang noo ko dahil sa sinabi nya.

“Alam mo yung plano namin?”

“Pfft. Nah. Lerwick told me.”

“Talaga? May pagkamadaldal pala ang isang yon, next time hindi ko na sya
pagsasabihan ng secrets.” Sabi ko habang nag-iisip ng malalim.

“Hahahaha.”

“Anong nakakatawa dong?”


“Kahapon nya lang naman kasi sinabi.”

Ahh. So hindi naman pala madaldal si Sebastian? “Eh pero kahit pa! Bakit nya sinabi
sa’yo?” Takhang tanong ko.

“Because I will kill him if he will not speak.” Tumango na lang ako kahit hindi
naman ganoong kalinaw sa akin ang lahat.

Nginitian ako ni Zeke kaya ngumiti din ako sa kanya. “I never thought you would do
that.” Nakangiting saad nya. “Ang alin?”

“The plan and everything. How did you find out?”

“Ahh hehe.”

-Flashback-

(A/N : Ito yung magkausap sila ni Zeke after nung incident sa apartel Chapter 3.
Inulit ko na yung umpisa ng conversation para hindi nyo na balikan.)

“Zeke—“ Itatanong ko sana kay Zeke kung ano ba talaga ang nangyari pero sinagot nya
agad ako. “I passed out after I got several hit on the head” nakatungong sabi ni
Zeke. “If you are going to ask me about what happened. I’m sorry but that the last
thing I remember.” Wika ni Zeke saka bumuntong hininga ng malalim.

So ibig sabihin parehas kaming clueless ni Zeke sa mga nangyari. Pero—“Si Vash at
si Milka, bakit sila ang kasama natin?” Tanong ko sa kanya, pagkatapos kong sumubo
ng pagkain. “Somebody called them.”

Tumango na lang ako. Bakit ganon. “Naguguluhan ako sa nangyayari Zeke.” Tinignan
ako ni Zeke ng diretso sa mata, I stared back at him. “May nagta-traydor ba sa atin
Zeke?” Out of nowhere, yan ang linyang lumabas sa bibig ko. Madami pang follow-up
questions ang gusto ko itanong but the thing is, kahit yung tanong na gusto kong
hanapan ng sagot ay hindi mabuo sa utak ko.

Sobra akong naguguluhan sa nangyayari. “That’s exactly what I am thinking.”


Diretsong sabi ni Zeke.

(A/N : Ito na yung kadugtong na part =) )

Tahimik akong kumakain habang iniisip pa din ang mga nangyayari. Hindi ako dapat
nag-o-overthink pero hindi ko maiwasan na hindi pagdudahan si Zeke. Tinignan ko ang
benda nya sa ulo.

Hit?

Several times?

Kaya wala syang maalala?


Dapat nasa hospital sya ngayon at puro stitches ang ulo kung ganon ang nangyari.
Tinitigan ko pang maigi ang benda nya sa ulo. Hangga’t maaari gusto ko paniwalaan
ang lahat ng sinabi nya kanina. Ang kaso lang. Nagtatalo pa din ang isip ko.

Tumingin sya sa akin at nahuli akong pinagmamasdan sya kaya ngumiti ako. “Why?”
Tanong nya.

“Hehehe. Natutuwa lang ako kasi okay ka.” Pinilit kong ngumiti ng bonggang-bongga
para hindi sya makahalata. Kanina ko pa napapansin na may hindi sinasabi sa akin si
Zeke. Kahit hindi nya naman aminin sa akin, alam kong hindi totoo lahat ng sinabi
nya kanina.

Ang kailangan ko malaman eh bakit hindi nya sinasabi sa akin ang totoo?

Tumayo si Zeke at saka kinuha ang coat nya na nakasabit sa isang upuan. Pinagmasdan
ko si Zeke habang sinusuot ang coat nya. Yun pa din yung coat nya kagabi kaya lalo
akong kinutuban.

“Are you done checking me?” Tanong ni Zeke ng nakangisi.

“Hehehe. May iniisip lang ako Zeke.” Sagot ko.

“Spill it.”
“Uhh—Iniisip ko lang kung sino ang traydor sa Roswells at Yaji.” Palusot ko. Pero
kanina ko pa talaga iniisip kung bakit walang dugo ang coat nya.

Kung nagkaroon si Zeke ng head injury, dapat puno na ng dugo yung coat nya.

-End of Flashback-

Tawa lang ng tawa si Zeke habang kinukwento ko sa kanya yung mga pagdududa ko. “Oh
well I guess, my acting skill sucks.” Natatawang sabi nya.

Natawa din naman ako sa ka-cornyhan ni Zeke. “Buti naman alam mo dong. Hayaan mo
minsan tuturuan kita umacting.”

“Pfft. That would be great.”

Sabi ko na, sabi ko na eh! Bilib din talaga si Zeke sa talent ko eh. Hehehe buti na
lang nagmana ako kay mommy.

“I love you.”

Speaking of mommy, kamusta na kaya sila mommy at daddy? Hindi pa sila tumatawag sa
akin simula nung makaalis sila. Hindi ba nila ako nami-miss? Huhuhu.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Zeke. Nag-aalala kasi ako kay mommy, hindi
naman ganun si mommy eh. Lagi nya akong tinatawagan pagka hindi kami magkasama.
Hayyy.

“What’s with the sad face wife?”

Umiling muna ako bago sinagot ang tanong nya. “Naalala ko lang kasi sila mommy at
daddy. Hindi ba nila ako pinuntahan dito?” Hayy ano ba naman Aemie. Paano naman
sila pupunta dito eh nasa Europe nga sila. Hayy. Minsan nahahawa na ako ng mga
kashungaan ni Zeke eh.

“No.”

Kahit gusto ko itanong kung tumawag sila mommy, hindi ko na tinanong. Kasi feeling
ko malulungkot lang din ako pagka sinabi ni Zeke na hindi naman tumawag sila mommy.

Tinignan ko si Zeke na diretso nang nakatingin sa akin at hindi na tumatawa. “Dong?


May sasabihin ka ba?”

“Uhh—“

“Yo! Aemie” Ngumiti ako sa kakadating lang na si Kaizer tapos ibinalik ko ulit yung
tingin ko kay Zeke.

Ibinalik ko agad ang tingin sa kanya. Hindi ko inaalis ang tingin kay Zeke dahil
hinihintay ko yung sasabihin nya. “Dong ano na yung sasabihin mo?” Tumayo na sya at
umupo sa couch.

Si Kaizer naman naglakad palapit sa akin. “Ehem, Aemie. Kamusta?”

Nakatitig lang ako kay Zeke hanggang maka-ayos sya ng upo sa couch. Kumuha sya ng
isang libro na nasa ibabaw ng table sa may gilid ng couch at saka nag-basa.

Ano kaya sasabihin nya?

“Hello? Aemie. Yuhoo. Pansinin mo naman ang ka-gwapuhan ko aba matinde.”

“Ano ‘yun?” Nagtatakhang tanong ko kay Kaizer nung mapatingin ako sa kanya. Nasa
may tabi na sya ng hospital bed ko at ipinakita ang box na hawak nya. “Dinalhan
kita ng cake, sabi kasi ni Mr. Roswell gising ka na daw.”

“Nasaan sila Vash?” Takhang tanong ko. Pati sila insan wala dito.

“Sus. Nagtakha ka pa.” Natatawang sagot ni Kaizer at saka lumapit sa akin at


bumulong. “Alam mo namang ayaw ni lover boy ng madaming tao dito sa kwarto mo.”

Ano daw? Sinong loverboy?


Saka kwarto ko?

Diba hospital room naman to? *pout*

“Lamperouge.”

“Pfft. Joke lang boss. Sige aalis na din ako. Baka may gusto pa kayo gawin eh.”
Nakadinig ako ng kasa ng baril kaya lumingon ako kay Zeke. Pagbalik ko ng tingin
kay Kaizer ay tumatakbo na sya palabas ng kwarto “Sibat na ako Aemie! Pagaling ka
ha.” Tumango ako at saka kumaway kay Kaizer.

“Hayy ang boring! Pwede na ba ako lumabas dito sa ospital Zeke?”

“Not yet.” Isinara nya ang hawak nyang libro saka lumapit ulit sa akin. “Do you
want to take a walk wife?”

OMG! OMG! “Sigeeee! Gusto ko yan! Hehehe.”

***

Nag-iisip ako ng topic kasi tahimik lang kaming dalawa na naglalakad-lakad ni Zeke
sa corridor ng hospital. Magkahawak-kamay kami tapos hawak-hawak nya din sa
kabilang kamay nya yung bakal na pinagsasabitan ng dextrose. “Ano pala nangyari
Zeke habang tulog ako?”
“Uhh nothing much.”

“Ganun ba?” Five days akong tulog tapos nothing much. Niloloko ba ako nito ni Zeke?

“Waaa! Zeke tignan mo yon!” Itinuro ko kay Zeke ang isang kwartong madaming baby.

Nursery Room

Yun pala tawag dito. Kyaaaa! Lumapit agad ako sa may salamin nung makita kong
gumagalaw yung mga baby sa loob.

“Ang cu-cute nila.” Napa-isip tuloy ako. “Bakit kaya sila nasa loob nung kwarto.
Nasaan naman kaya mga magulang nila? Grabe, bakit nila iniiwan ang anak nila dito
sa loob ng kwarto. Hayy! Ang mga magulang nga naman ngayon.”

“Pfft.”

“Bakit ka tumatawa? Cute naman talaga sila ah. Hayy ano bang klaseng magulang sila,
iniiwan nila ang gantong kaka-cute na babies.”

“Hahahaha. They didn’t.”


“Anong they didn’t, they didn’t ka dyan. Pinagtatanggol mo pa—“

“Excuse me po Sir/Ma’am. Ano pong surname nyo.”

“Ah no we’re just looking around.” Tinignan ko si Zeke nung sumagot sya na parang
nahihiya sa nurse na nakadungaw sa may pinto.

“Roswell po hehe.” Sagot ko sa nurse. Parang ewan kasi to si Zeke, tinatanong kung
ano ang apelido tapos sasagot ng ‘we’re just looking around’. Hayy!

Dali-daling pumasok yung nurse sa loob at saka may kinuhang papel. Ano kayang trip
nito ni ate at nagtanong ng apelido tapos iiwan din naman kami dito sa labas.

Lumingon ako kay Zeke pero sa ibang direksyon na sya nakatingin. Pero agad na
nawala tingin k okay Zeke nung lumabas ulit yung nurse at saka nagsalita. “Excuse
me po ulit Sir, Ma’am”

“Ano po yun ate?”

“Ahmm Ma’am wala po kasi sa listahan ng name ng babies yung Roswell.” Napakurap ako
ng mata ng mabilis saka kumunot ang noo. Nag-aadik kaya pagka-gabi to si ate? Paano
naman kaya magkakaroon ng baby doon na Roswell eh ang alam ko solong anak lang si
Zeke at saka nasa sementeryo na parents nya diba.
Lumingon ako para sana tanungin si Zeke pero wala na sya.

Nasaan na naman ba si Zeke? Lagi na lang syang nawawala. Hayy!

“Ano bang sinasabi mo ate?” Takhang tanong ko.

“Pero ido-double check ko po. Saglit lang po.” Tarantang-taranta si ateng nurse na
papasok na sana ulit sa loob ng nursery room nung pinigilan ko sya.

“Pwede ba akong sumama sa loob ng nursery ate?” Nakangiting tanong ko. Hehehe.
Parang ang sarap lapitan nung mga baby.

“S-sige po.” Halatang kabado pa din si ateng nurse hanggang makapasok kami dalawa.
Pinag-alcohol nya ako ng mga kamay at kung anu-ano pa.

**

“Eaaaat bulagaaaa!” Hehehe nakaktuwa! Kahit hanggang hawak lang ng kamay yung
nagagawa ko, nag-e-enjoy pa din ako.

“Excuse po Mrs. Roswell, itinawag ko na po yung tungkol sa anak nyo—“


“Huh? Anak? Ate wala pa po akong anak.”

Nagtatakha akong nakatingin kay ateng nurse nung may maaninag ako sa gilid ng mata
ko na lalaking nakatayo sa labas ng nursery room.

Nung subukan kong lingunin ay likod nalang nung lalaki ang natanaw kong mabilis na
lumayo paalis.

“Ate thank you sa pagpapasok dito sakin ah. Hehehe.” Hindi ko maiexplain ang itsura
ni ateng nurse pero lumabas na ako ng nursery.

“Saan ba naman kasi nagsususuot si Zeke?” Tanong ko sa sarili habang mabilis na


naglalakad pabalik sa kwarto tulak-tulak yung metal na may nakasabit na dextrose.

Ini-lock ko agad ang pintuan nung makapasok ako ng hospital room. Kahit hindi ko
aminin sa sarili ko. Dama kong medyo nahahawa na ako sa mga ninja moves ni Zeke.
Kaya alam kong may sumusunod sa akin kanina habang pabalik ako dito sa kwarto.

Isinara ko agad ang mga kurtina ng kwarto. Pagkatapos ay umupo ako sa hospital bed
at inalis ang dextrose na nakakabit sakin. Sunod kong inalis ang casket at benda sa
kamay ko. Wala naman kasi akong bali. Kaya hindi ko na kailangan to.

Sinbukan kong igalaw ang braso ko kahit dama ko ang pagkirot ng sugat sa balikat
ko. “Aww” Pero hindi din naman nagtagal medyo nasasanay na ako.
Lumapit ako sa bag na nasa ibabaw ng isang cabinet, na sure na sure akong mga damit
ko ang nakalagay kasi pink para kumuha ng mga damit. Hehe.

Tapos na akong magbihis at nung makadinig ako ng katok sa pinto.

*knock* *knock* “Check-up po.” Lalaki yung boses nung kumakatok kaya dali-dali kong
hinalungkat pa ang ibang gamit para hanapin ang—“Ito. Hehehe.” Buti nalang lagging
may silencer ang mga baril.

*knock* *knock*

“Saglit lang naman po kuya, ito na nga oh, bubuksan na.”

Kakapihit ko pa lang ng pinto ay halos mapahampas na ako sa pader sa lakas ng


pagkakatulak nung lalake. Itinutok ko agad sa kanya ang baril na hawak ko para sana
barilin nung may sumuntok sa kanya ng malakas kaya tumilapon sya papasok sa loob ng
kwarto.

“Zeke.” Bulong ko.

Sinuri kong maigi ang suot na damit ni Zeke at napansin kong may mantsa ng dugo ang
damit nya. Saan na naman kaya ‘to nanggaling. Minsan ang duga din nito eh. Nag-a-
adventure mag-isa.

Nakita kong bumunot ng baril yung lalaki at handa nang barilin si Zeke kaya
itinutok ko agad sa kanya ang baril na hawak ko at saka kinalabit ang gatilyo.
“Nice shot.” Nakangiting sabi ni Zeke.

“Feeling ko kailangan na natin umalis.” Wika ko.

***

“Zeke, hindi kaya hulihin tayo ng pulis pag may nakita silang nakahiga at duguan na
lalaki doon sa kwarto ng ospital?” Agad na tanong ko pagkapasok naming dalawa ng
kwarto.

“Nah, I called Lerwick to clean all the mess.”

“Ahh, pati yung bill sa hospital?”

“Yes.”

Pagkaalis na pagka-alis ni Zeke ng damit nya ay kumuha agad sya ng isang bote ng
alak at nagsalin sa isang baso. Problemado at hindi maipaliwanag ang itsura ni Zeke
nung umupo sya sa kama.

“Zeke ano ba kasing—“


“Your parents.”

Kahit hindi pa nagsasalita si Zeke ay pabilis na ng pabilis ang tibok ng puso ko.
Si mommy at si daddy. “A-anong nangyari sa kanila?”

“They were held by some group.” Mabilis na uminit ang mata ko at napuno ng luha.
Lumapit din ako sa may kama para maupo sa tabi ni Zeke. “They will kill your
parents if I refuse to their nonsense command.”

Tumungo ako at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko. So tama nga ang hinala ko.
May nangba-blackmail kay Zeke. Pero—“Diba nasa Europe sila mommy at daddy?”

“Nah. They were held even before they went off the country.” Napasabunot si Zeke sa
buhok nya. Ako naman ay napakagat ng labi.

Kaya pala.

Kaya pala hindi man lang tumatawag sila mommy at daddy.

“It is all my fault.” Kahit hindi magsalita si Zeke ay alam kong naiiyak na ang
boses nya. “I put your lives in danger. Everything happens because of me.” Nilagok
ni Zeke ang natitirang alak sa baso nya at saka ulit nagsalin ng isa pa at ininom.
Nung hindi sya nakuntento ay tinungga na lang nya ang alak mula sa bote at hindi na
gumamit ng baso.

“Ikaw ba Zeke ang kumidnap kila mommy?” Nagtatakang tanong ko.


“Huh? Why the hell would I?”

“O kita mo na, hindi naman ikaw ang kumidnap sa kanila. Kaya bakit mo sinisisi ang
sarili mo?” Hindi naman kasi talaga tamang sisihin nya sarili nya diba? Hindi naman
nya kasalanan na nakidnap sila mommy. Kaya bakit ba sya emote ng emote.

Tinignan ako ni Zeke ng diretso sa mata, pansin na pansin pa din ang lungkot sa mga
mata nya. “But you almost died because of me.” Pagkasabing-pagkasabi ni Zeke non ay
tumungo sya kasabay ng pagtulo ng luha nya.

Umusod pa ako palapit sa kanya at saka sya niyakap. “Ikaw ba Zeke ang bumaril sa
akin ha? Ikaw ba?”

“N-no.” Sagot nya kahit halatang umiiyak. Naramdaman ko din ang higpit ng yakap ni
Zeke dahil kumirot ang sugat ko sa balikat.

Itinulak ko sya ng mahina para makita ko ang mukha nya. Gamit ang likod ng palad ay
pinunasan ko ang mga luha ni Zeke. “Wala ka naman kasing kasalanan sa mga
nangyayari hubby. Kaya hindi mo dapat sinisisi ang sarili mo. At saka isa pa, hindi
mo naman kailangan solohin ang problema. Ready naman akong tulung—“ Bago ko pa
matapos ang sasabihin ko ay naramdaman ko na ang labi ni Zeke sa labi ko.
Nalalasahan ko pa yung alak na iniinom nya.

“I love you so damn much wife.”

“Mas mahal kita hubby.” Nakangiting sambit ko at saka hinalikan si Zeke sa labi.
Ilang Segundo ang itinagal nung maramdaman kong binuhat nya ako at saka inihiga sa
kama. We continued the kiss hanggang sa makahiga ako. Pumaibabaw naman si Zeke sa
akin.

“Zeke.”

“Hmm, wife?”

“BAKIT KA SAKIN NAKADAGAN. ANG LUWAG-LUWAG NG KAMA OH!” Hiyaw ko. Grabe ha! Ang
bigat-bigat pa nya. Nakakainis!

Halos mapalundag si Zeke sa bilis ng pag-alis. Ako naman ay mabilis na umupo mula
sa pagkakahiga. Nakaupo nadin sya sa kama sa tabi ko at nakasandal sa headboard
nung tinignan ko sya ng masama. “Sa susunod nga hwag kang iinom ng alak kung hindi
mo naman kaya ang sarili mo.” Trip pa nya akong gawing kama ha. Grabe lang.

“Pfft. Hahahaha.”

Kita mo na, kita mo na! “Tini-trip mo na naman ako Zeke no?”

Pero imbis na sagutin nya ako ay lalo lang syang tumawa kaya nilapitan ko sya at
saka inilapit ang mukha ko sa mukha nya para titigan sya. Natatawa si Zeke pero
kahit tumatawa sya bakit feeling ko pa din ang lungkot nya?

Balak ko lang sanang pitikin ang noo ni Zeke pero para akong mina-magnet palapit sa
kanya. After few seconds, I found myself kissing him again.
*** Next Morning ***

“Aww” Pakiramdam ko tinakbo ko mula Baguio hanggang Batangas sa sobrang bigat at


sakit ng buong katawan ko.

“I love you.” Ngumiti ako nung madinig kong bumulong si Zeke mula sa likod ko saka
hinigpitan ang yakap sa akin.

“Aww Zeke, yung balikat ko.” Daing ko nung makaramdam ako ng kirot sa parteng
tinamaan ng bala. “Sorry.”

Agad akong humarap kay Zeke at saka nagsalita. “I love you too hehe.”

“Thank you wife.”

Mabilis kong pinasingkit ang mata ko dahil sa sagot ni Zeke. Akala ko ba hindi
‘Thank you’ ang sagot sa I love you, bakit ngayon sinasagot ako nito ni Zeke ng
thank you?

“Anong tine-thank you, thank you mo dyan? Akala ko ba—“

“Thank you for last night.” Nakangising sagot ni Zeke.


Pakiramdam ko uminit yung mukha ko nung sinabi nya yon. “M-maligo ka na nga at
magbihis dong! Sabi mo maaga pa tayo aalis.”

“Alright wife.”

Tumayo na si Zeke at nagsuot ng damit nya. “Are you sure you can go with me on the
meeting?”

“O-oo naman, bakit naman hindi.” Sagot ko. Pinulot ni Zeke yung mga damit ko at
saka iniabot sa akin. “Thank you. Hehehe.”

“Pfft. Barbie addict.” Natatawang sabi nya pagka-abot sa akin nung mga damit ko.

***

“Aww.” Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan kasi ang bigat at ang sakit pa din ng
pakiramdam ko. Lalo na sa may bandang—waaaa! Ang uncomfortable pala sa feeling ng
ganito. Idagdag mo pa yung sakit ng balikat ko.

“Waaa Zeke!” Nagulat ako nung binuhat na lang ako bigla ni Zeke at saka dinala
papuntang kusina at iniupo sa dining chair. “You’re too slow. Pfft.”

“Eh ang sakit kasi ng katawan ko eh.” *pout* Sya kaya ang barilin ko at daganan,
tignan ko lang kung hindi sumakit ang buong katawan nya.

“Say ah“

“Kaya ko naman kumain dong.” Angal ko nung sinusubuan ako ni Zeke ng bacon. Wala
naman kasi akong cast. Kaso hindi nya naman inaalis kaya wala din ako nagawa kung
hindi isubo.

Pagkatapos nya akong subuan ay sumubo na din sya ng pagkain nya. “Dong, ganun ba
talaga pag first time sa sex, masakit sa—“

*cough* *cough* Natigilan ako sa pagsasalita nung biglang masamid si Zeke

“Okay ka lang Zeke?” Taranta akong nagsalin ng juice sa baso para ipainom kay Zeke.
“Dahan-dahan naman kasi pagkain, kaya nga nasasamid eh.” Sermon ko nung umiinom na
sya ng juice.

“Do you really have to mention ‘it’ wife?” Tanong nya pagkatapos nyang uminom ng
juice.

“Ang alin dong?”

“It”
“Anong ‘it’?” Ako lang ba? O talagang magulo si Zeke? “Wala naman akong sinabing
‘it’ ah?”

“The thing you were asking.”

May tinanong ba akong it? “Ang tinanong ko dong kung talagang masakit kapag first
time nag-se-se-hmmm”

“Yes. So shut up and eat.”

Punong-puno ang bibig ko sa sobrang dami ng kanin na isinubo nya sakin kaya hindi
na ako makasagot. Sila Kaizer na nga lang ang tatanungin ko mamaya sa meeting.

Tama-tama! Hehehe.

***

A/N : BOOKSIGNING

See you guys this coming MIBF. Nandoon lang ako sa booth ng PSICOM ng Saturday
(Sept 20) From 6PM-8PM then Sunday (Sept 21) 1PM-3PM for book signing ng MHIAMB
vol1 and vol2.
BTW, sa mga nagtatanong, kung season 2 yung ipinublish na volume2? NOPE. Kadugtong
po sya ng season 1 volume 1. Clear na po ba? Bili kayo haaaa!

Lastly, meet your co-readers, may meet-up po lahat ng Mafias ng sept 20 (1PM-6PM)
dyan lang sa seaside ng MOA. Magpi-picnic tayo! May dala kami food! May dala din
food ibang readers kaya kitakits! Then sabay-sabay na tayo punta sa mibf. Tapos sa
Sunday din meron around 3PM.

Hi Nica and Kath :* lovesyou!

=================

Chapter 11

Jacob’s PoV

Kanina ko pa pinagmamasdan si Boss at si Ma’am Aemie dahil parang may iba simula
nang dumating silang dalawa. Nagdikwatro ako at umayos ng upo habang hindi pa din
iniaalis ang tingin kay Ma’am Aemie.

Tumayo si Ma’am Aemie kaya sinundan naming sya ng tingin. “May pagkain ba dito?
Nagugutom ako eh, si Zeke kasi hindi na tinapos ang pagkain namin ng umagahan.
Hayy!” Tanong nya habang tinitignan ang loob ng refrigerator.

“Ubos na mga pagkain ate Aemie, inubos nung matakaw na pangit.”


“Whoa! Grabe ka naman baby, hindi ko nga binubuksan ang ref e.”

“Eh? Ikaw pala yung matakaw na pangit na sinasabi ni Milka?” Gamit ang index finger
ay hinawakan ni Ma’am Aemie lower lip nya at saka tumingin sa itaas na para bang
sobrang lalim ng iniisip. “Akala ko kanina si Kaizer yung sinasabi ni Milka, si
Sebastian pala?” Bulong nya habang nag-iisip.

Pfft. Nagpipigil ako ng tawa habang pinapanuod sila na nagkukulitan. Kahit si Boul
ay pansin kong kanina pa din gusting tumawa.

“Anak ng! Papayag akong matakaw, pero pangit? Sa gwapo kong to Aemie?” Naka-turo si
Lampe sa sarili nya at dismayadong-dismayado sa mga sinabi ni Ma’am Aemie. Pfft.
“Hahaha. Kay Ma’am Aemie na nanggaling ‘tol.” Hindi ko na napigilan ang sarili kong
hindi sumabat sa kanila.

Pinandilatan ako ng mata ni Lamperouge kaya lalo akong natawa.

“Hahahaha.”

“Hahahaha.”

“Hahaha. Pfft.”
“Ampucha!”

“Hwag kang mag-alala baby Lampe, kahit ikaw pa ang pinakamatakaw at pinakapangit na
nilalang sa buong mundo, mahal na mahal pa din kita.” Pfft. Halos mahulog ako sa
kinauupuan ko nung bumanat na naman si Lerwick. Ibang klase talaga trip nito sa
buhay.

“Ulul!”

“Pfft.”

Tumikhim si Boss kaya tumahimik kaming lahat liban kay Ma’am Aemie. “Dong, mag-
boyfriend ba si Sebastian at Kaizer?” Bulong nya kay Boss nung makabalik na sya sa
tabi nito.

“Yeah.”

Pfft. Gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa sagot ni Boss. “Ahh kaya pala ang
sweet nila lagi ano?”

“Bossing naman.” Kontra ni Lerwick habang nagkakamot ng ulo. Sya ‘tong mahilig
makipag-lokohan kay Lampe tapos ngayon aangal. Pfft.

“Bakit baby Lerwick tinatanggi mo na ba relasyon na’tin?” Nakangising sagot ni


Lampe. Mga gago talaga. Hindi ba sila nandidiri sa mga pinag-sasasabi nila? Ako nga
kinikilabutan eh.
Lumapit si Lerwick at saka hinimas ang likod ni Lampe. “Ikaw pa ba ang itanggi ko
baby Kaizer.”

“Yuckkk! Pangit na bakla pa!” Pang-aasar ni Milka.

Mabilis na lumayo si Lerwick kay Lampe. Pulang-pula na din ang mukha nito at
halatang nabagabag sa sinabi ni Milka. “Hindi ako bakla ah!” Pftt. Apektado din
naman pala ang loko.

“Weh?” Halos gumulong sa sofa kakatawa si Milka dahil asar na asar na ang itsura ni
Lerwick. Weirdo.

“Oh baby Lerwick, akala ko ba walang tanggihan ng relasyon?” Dinagdagan pa ni Lampe


ang pang-aasar kaya hindi ko na napigilan na hindi matawa ng malakas.

“Ulul!” Mukhang badtrip na si Lerwick.

Ganyan ba sya ka-apektado dahil lang sa pang-aasar ni Milka? Pfft.

“Lerwick, call someone to get some food.”

“Areglado Bossing.”
“Hindi ba dapat nagpapahinga pa si Aemie?” Bulong ni Lampe kaya lumingon ako at
sinulyapan sya. May punto naman si Lampe, kakagaling lang sa ospital ni Ma’am Aemie
at kung tutuusin dapat nagpapahinga pa sya.

Bumalik na ulit ang serious aura sa loob ng buong kwarto, maliban kay Ma’am Aemie
na kinukilit si Boss. Kanina pa ako atat malaman kung ano ba ang pag-uusapan.
“Hindi pa ba tayo mag-uumpisa boss?” Tanong ko.

“Uhmm wala pa kasi sila Meisha.” Sagot ni Ma’am Aemie.

Nakailang ulit akong sumulyap sa wrist watch na suot ko bago sumandal at mahinahong
nag-antay. No choice eh.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Ma’am Aemie. Hawak-hawak nya ang kanang kamay ni boss
habang nilalaro-laro.

Ang sarap siguro magkaroon ng girlfriend.

Aish! Bakit ba iyon ang pumasok sa utak ko.

“Zeke manuod tayo mamaya ng movie. Magda-download ako mamaya ng mga movie hehehe.”
Sabi ni Ma’am Aemie. Mahilig din kaya si Fauzia sa mga movies?
“Alright.” Sagot ni boss kay Ma’am Aemie. “You would never really like the feeling
of snipping off your eyes Lee.” Nanuyo ang lalamunan ko at mabilis na lumingon kay
boss.

“B-boss, may iniisip lang ako.” Depensa ko.

“You’re staring at her for two full minutes.” Ampupu! Aish!

“Uhh dong bago pa uminit ang ulo mo pumili na lang muna tayo ng movies.” Binuksan
ni Ma’am Aemie ang laptop nya at saka hinila ang braso ni boss. “Ano bang gusto mo
dong, ikaw na pumili baka sabihin mo naman unfair kasi hindi kita pinapipili.
Hehehe.”

“Okay, give me the list.” Sagot ni boss sa kanya. Para akong nabunutan ng tinik
dahil kay Ma’am Aemie na ulit nakatingin si boss.

“Pumili ka. Barbie in the pink shoes, Barbie : Mariposa and the Fairy Princess,
Barbie and Her Sisteers in A Pony Tale or Barbie : The Pearl Princess.”

“Pfftt.” *cough* *cough* Nagkunwari akong nauubo nung di sinasadyang matawa ako sa
binigay na pagpipilian ni Ma’am Aemie. Pfft. Sino ba namang hindi matatawa,
pinapili pa si boss, puro Barbie din naman.

“Ano na Zeke? May napili ka na ba? Hehehe.” Tanong nya.


***

Aemie’s PoV

“Ano? Gusto mo ba ako na lang pumili?” Nakakainis naman ‘to si Zeke. Sya na nga
pinapipili ko ng movie, ayaw pa nya. Tapos pag ako ang pumili sasabihin naman nya
pangit daw. Hayy. Hindi ko na talaga alam kung saan ako lulugar minsan.

“I don’t like Barbie movies wife.”

“Ganun ba? Osige iba na lang hehehe.”

Powerpuff Girls episodes

Kakatapos ko lang magtype sa search tab ng google nung may pumasok ng pinto. “Sorry
we’re late.” Isa-isa kong tinignan ang magkakasunod na pumasok ng pinto. Si
guardian angel, Meisha, Cassandra, Tristan at Spade. Hay yang tagal naman ng
pagkain, nauna pa silang dumating kaysa dun sa pagkain.

Isinara ko na din agad ang laptop dahil for sure magsisimula na ang meeting anytime
dahil nandito na sila.

“Yow Mei.” Nalipat ang tingin ko kay Sebastian nung batiin nya si Meisha. Katabi
nya lang din si Milka kaya nakita kong nakasimangot si Milka, tapos parang may
binubulong sya.
“Dong, ano napansin mo kay Milka?” Bulong ko kay Zeke.

“She’s jealous.” Nagulat ako kaya napatakip ako ng bibig sa sinabi ni Zeke. OMG!
“Tiboom ba si Milka?” Bulong ko ulit.

*glare*

*pout* Ano bang masama sa tanong ko? Tama naman ako hindi ba. Kung hindi naman
tiboom si Milka, bakit naman sya magseselos kung nag ‘Yow Mei’ si Sebastian. Hayy.
“Minsan magulo din kausap to si Zeke eh.”

“What did you say?”

“Huh?” Waaaa! Narinig ba nya yung sinabi ko? Waaa ano ka ba naman Aemie. “W-wala
hehe. Sabi uhh-“ Tumingin ako sa kanilang lahat at nilakasan ang boses ko. “Shall
we begin with our topic?”

“Game.”

“Yes”

“Okay”
“Simulan na yan!”

Pasimple kong tinignan si Zeke, as in ingat na ingat akong mahuli nyang nakatingin
ako kaso “Hehehe. Peace!” Nakatingin pala sya sa’kin. Sana naman nakalimutan na nya
yung sinabi ko. Kasi naman sya eh! “Dong simulan na natin, sayang oras oh.” Palusot
ko.

“Tss. Alright. Let’s begin.”

***

“Seryoso?”

“Paanong nangyari yon?”

Halos lahat sila hindi makapaniwala nung sinabi naming dalawa ni Zeke na kinidnap
sila mommy at daddy. Kahit din naman ako hindi makapaniwala nung una, akala ko kasi
mga bata lang ang naki-kidnap, ngayon naniniwala na akong pati matatanda pwedeng
kidnapin.

Pero nakaka-bahala na talaga ang mga nangyayari. “Paano natin malalaman kung okay
sila?” Puno ng pag-aalala ang boses ni Meisha kaya napangiti ako. “Don’t worry ate
Mei, okay lang sila. Lagi akong nagpupunta doon para i-check.” Sagot ni Milka. “And
they’re fine. Nasa loob sila ng isang mansion, pero bawal makipag-usap sa kanila.
Kaya hindi din ako nagkakaroon ng chance na makausap sila.” Dugtong pa nya.
“What?! What do you mean na lagi kang nagpupunta?”

“Napasali kasi ako sa kanila.” Nakatungong saad ni Milka. “Uhh pero hindi ko naman
sinasadya kasi sinundan ko that time si kuya Vash. I was curious kung saan pupunta
si kuya Vash, and then nahuli nila ako. I pretended na hindi ko kilala si kuya
Vash, good thing na wala namang may alam na magkapatid kami kasi ibang surname
gamit ko sa birth certificate kaya kahit investigate pa nila. Hindi naman nila—“

“Whoa! Hindi ba masyadong delikado yan baby?”

Nabaling ang tingin ko kay Meisha nung mapatayo ito at saka nagsalita. “And how can
you be so sure na hindi nila malalaman? Alam mo ba pwedeng mangyari sa’yo if ever
malaman nila na traitor ka?” Halatang galit dahil mataas ang tono ng boses nya.

Muling tumungo si Milka at hindi na nagsalita. “That’s right. Baka nga ngayon,
pinagpa-planuhan na nila ang gagawin nila sa atin eh.” Singit ni guardian angel.

Inilibot ko ang tingin ko sa kanilang lahat. Lahat ay tahimik lang at mukhang


malalim ang iniisip hanggang mapasulyap ako kay Zeke. Nakatungo lang din sya at
mukhang problemado.

“Ginagamit kasi nila sila mommy at daddy para mapasunod si Zeke.” Sabi ko, at alam
kong sa mga oras na to nakatingin na silang lahat sa’kin.

“Wengya! Kaya naman pala planong bilhin lahat ni Mr. Roswell lahat ng nasa
auction.” Singit ni Kaizer.
Tama! Kaya nga kaysa ubusin ni Zeke ang pera doon, inutos ko na lang na dekwatin
namin yon. Hehehe. Hindi ba ang gandang idea nung naisip ko? Napansin ko kasing
hindi bukal sa loob ni Zeke ang gagawin nya nung mga oras na yon.

“We can stay like this for the meantime habang wala pa tayong naiisip na plano, as
long as susundin ni Mr. Roswell lahat ng iuutos nila I think safe sila queen at
master.” Saad ni Tristan, “But the question is, for how long?”

“No, we can’t.” Kontra ko sa sinabi ni Tristan. “Hindi natin alam kung ano ang
iuutos nila kay Zeke kaya hindi tayo pwedeng magpaka-siguro.”

“Ms. Aemie’s right. What if iutos nila kay Mr. Roswell na patayin lahat ng members
ng Yaji?” Narinig ko ang malalakas na pagsinghap nila. Nanlaki naman ang mata ko sa
sinabi ni guardian angel, ayokong mangyari yon. Pero tama sya. Hindi imposibleng
ipagawa nila kay Zeke yung ganung bagay.

“Kailangan na nating umisip ng plano.” Singit ni Jacob.

“Tingin ko we should save Queen and Master first.”

“Yeah right.”

“Milka saan yung address ng pinupuntahan mo?”


“Uhmm teka isusulat ko po.”

“Maglalagay ako ng mga cameras nearby para mabantayan natin yung lugar.”

“Sabihin nyo lang kung ano maitutulong ko para masimulan ko na.”

Nagsimula silang mag-usap-usap sa mga gagawin pero tahimik lang kaming dalawa ni
Zeke. Hindi ko na din napigilan ang sarili ko na bumulong kay Zeke. “Hindi ba mas
maganda dong kung aalamin muna natin kung sino-sino mga nag-uutos sa’yo?” Takhang
tanong ko. Ngumiti sya sakin at saka umakbay. “I am actually thinking of the same
thing. I can’t set plans since I haven’t got any information yet.”

Sure na sure na ako na kasali si Wallace Martin Lionhart. Pero sino-sino pa kaya
ang kasama nya? Hayyy. Eh kung isa-isahin ko kayang tignan mga fb friends nya, baka
mamaya may clues doon diba? Tama! Hehe ang galing ko talaga.

***

Nagfe-facebook ako habang nag-uusap-usap sila at kumakain nung dineliver na


pagkain. Kanina ko pa chine-check isa-isa ang mga friends ni Wallace. Bakit ba ang
dami-daming friends nito sa FB at saka followers? Hayy! Hindi kaya poser account
‘tong tinitignan ko?

“Baby oh gusto mo?”


“Kaya kong kumain mag-isa.”

“Pfft. Hwag kang magpapapaniwala dyan kay Lerwick, Milka. Gabi-gabi, iba’t-ibang
babae ang katabi nyang matulog.”

Katabing matulog? Natigil ako bigla sa pagtitingin ng friends ni Wallace sa


facebook nung may maalala ako.

Tinignan ko si Kaizer at Sebastian, sino kaya sa kanilang dalawa ang tatanungin ko?
Hmm. Parang ayoko naman itanong kay Kaizer kasi mukhang hindi pa naman nagkakaroon
ng lovelife si Kaizer. “Ahh Sebastian” Tawag ko sa kanya.

Ramdam ko sa peripheral vision ko na tumingin din sa’kin si Zeke na umiinom ng soft


drinks. “Anong ginagawa mo pag may katabi kang babae sa pagtulog?” Umpisang tanong
ko.

*cough* *cough*

“Pfft.”

Mabilis akong pumaling kay Zeke at hinimas ang likod nya. Hayy sa susunod hindi na
nga ako magtatanong tuwing nainom si Zeke. Napansin ko kasing hobby nyang masamid
tuwing may tinatanong ako. “Ayos ka lang Zeke?”

“Hahaha. Bakit mo naitanong Miss Aemie?”


“Itatanong ko kasi kung—“

“Don’t mind her Lerwick.” Singit ni Zeke kaya tinignan ko sya saglit saka ibinalik
ang tingin kay Sebastian. “Itatanong ko kasi kung talaga bang—“

“Wife” Pinutol na naman ni Zeke ang sasabihin ko kaya natigilan ako.

“Kung talaga bang?” Tanong ni Sebastian.

“I said don’t mind her.” This time, mas mataas na ang tono ni Zeke at halatang
galit na pero tinuloy ko pa din ang itatanong ko. “Kung talaga bang masakit kapag
asdkfghj—“ Bago ko matapos ang itatanong ko ay punong-puno na ng french fries and
bibig ko.

“Quit talking and just eat.”

“Masakit ang alin?”

“Do you want to die Lerwick?” Nakarinig kaming lahat ng pagkasa ng baril kaya
tumigil na din ako magtanong. Hindi ko nadin naman magawang magsalita dahil punung-
puno na ng fries ang bibig ko. Ano na naman ba drama nito ni Zeke at nagkaka-
ganito na naman sya. Masama na ba magtanong?Mamaya ko na nga lang itatanong.
Ibinalik ko ang tingin ko sa laptop at itinuloy ang pagche-check ng profiles ng
friends ni Wallace. Huminga ako ng malalim dahil nawawalan na ako ng pag-asa.
Parang wala naman akong makukuhang information dito sa ginagawa ko.

***

“Tic-toc, tic-toc.” Bored na bored ako habang nakasubsob ang ulo ko sa desk at
sinusundan ang galaw ng kamay ng orasan na nandito sa ibabaw. “Hayy.” Tumayo ako at
saka tumanaw sa glass window. Saan ba ako dapat mag-umpisa?

“Do you want to go home?” Mahina lang ang boses ni Zeke pero dinig na dinig ko
dahil nasa likod lang ng tenga ko sya nagsalita. Sunod kong nadama ay ang pagyakap
nya sakin mula sa likuran.

Umalis agad ako sa pagkakayakap nya nung may maalala ako.

Home.

Posible kayang nag-iwan sila mommy at daddy ng clues sa bahay namin?

Nung ibinalik ko ang tingin kay Zeke ay nakakunot ang noo nya nakatitig sa’kin.
“Dong pwede bang doon muna ako sa bahay naming matulog?” Kinagat ko ang labi ko
nung mapansin kong naningkit ang mga mata nya. “P-pwede ba?” Kahit kinakabahan ay
inulit ko pa din ang tanong ko.
Umiba ng direksyon ng tingin si Zeke at saka huminga ng malalim.

“You just got discharged from the hospital...” Sa tono pa lang ng pananalita ni
Zeke feeling ko hindi nya ako papayagan. Huhuhu. “You should stay at home.”

*pout* Stay at home, stay at home pa si Zeke. Bakit hindi ba bahay yung bahay nila
mommy? Bahay naman yun ah.

“Have you also forgotten that our lives are in danger?” Hayy. Tumungo na lang ako
kaysa makipagtalo pa kay Zeke. “Tss. Fine. I will drop you off later.” Tumunghay
agad ako pero likod na lang ni Zeke ang nakikita kong naglalakad palayo sa’kin.

Tama ba yung nadinig ko? Ihahatid nya daw ako? Yiii! Hehehe.

Tumakbo ako agad at sumunod sa kanya para siguraduhin kung tama ba ang pagkakadinig
ko. “Ihahatid mo ako mamaya sa bahay nila daddy Zeke?” Nakahawak ako sa sleeves nya
at hinihila kasi nasa ibang bagay ang atensyon nya. “Yeah.”

OMG! OMG! Tama nga ang dinig ko. Pero—“Bakit? Ang akala ko kanina hindi ka papayag
kasi yung tono ng salita mo parang ayaw mo naman pumaya--”

“I can’t resist you.” Sagot nya saka humarap sa’kin. “And I don’t want to control
you. You can do whatever you want but please take good care of yourself when I’m
not around.”

Sa sobrang tuwa ko ay ikiniss ko si Zeke sa pisngi at saka ngumiti ng malapad at


sumagot “Aye aye captain!” Ngumiti si Zeke sa’kin saka ako mabilis na hinalikan sa
labi.

“Wooo! Hanggang dito ba naman!”

“Yung camera Lee!”

“Got it!”

OMG! Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko nung maalala kong nandito nga pala sila.
Nadinig ko ang sunod-sunod na tawanan nila kahit hiyang-hiya na ako dito pero bigla
ding naman silang tumahimik lahat.

Pagtingin ko sa kamay ni Zeke, may hawak na agad na baril. Ang bilis nya lagi sa
ganitong bagay. Hindi ko maintindihan kun magician ba sya or superhero eh.

***

“Did you bring your medicines?”

“Uhmm oo hehe.”

“Eat a lot.”
“Okay!!!”

“Do not sleep late”

“Hehehe susubukan ko dong—“

*Glare*

*Pout* “Eh kasi naman paano kapag may kailangan akong gawain—“

“Then do it the next day.”

“Paano kung—“ Halos mapasubsob ako nung biglang pumreno si Zeke. Buti nalang nagsi-
seatbelt na ako lagi.

“No buts.”

“Okay.” Matamlay na sagot ko.

“If something happens, call me.”


“Aye aye!”

“Call me from time to time.”

Eh? Hindi kaya maistorbo ko naman sya kapag lagi ko syang tinawagan? “Paano kung
wala akong sasabihing importante?”

“I don’t care.”

“Hehehe okay!”

“Never fall asleep with windows and door open.” Lumabas si Zeke ng kotse kaya
lumabas na din ako at saka sumagot. “Okayyy!”

“Don’t stress yourself.”

Ako pa daw ba ang na-stress? Sya nga yung lagging stressed eh. “Hehehe ikaw din.”

“Yeah.”
Ngumiti ako kay Zeke. “Gusto mo ba munang pumasok sa loob?” Tanong ko.

“Do you really want to do this?”

Eh? “Ang alin? Yung pag-tulog dito sa bahay? Ilang araw naman ah.” Minsan talaga OA
‘to si Zeke. Hindi naman ako habambuhay dito titira eh.

“Yeah. Nevermind” Natawa ako bigla dahil parang ang lungkot-lungkot naman ng tono
ng boses ni Zeke. Magkikita din naman kasi kami lagi dahil lagi din naman akong
pupunta ng opisina.

“I love you. Hehehe.” Nakangiting sabi ko sa kanya.

He smiled back, buti naman hindi na sya malungkot. “I love you even more.” Sagot
naman nya. “Pumasok ka na sa loob.” Dugtong pa nito.

“Hehehe sige.”

***

“Nasaan ba mga tao dito?” Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng bahay/mansion ni


daddy pero wala naman akong makitang tao.
Nasaan si insan? Pati yung mga kasambahay nila daddy wala.

Pero bukas naman yung pinto nung pumasok ako. Ano iniwan nilang bukas yung pinto at
gate?

“Insannnn!! Caileighhh!! Yuhoooo!” Naka-ilang ulit na akong sigaw pero wala pa ding
sumasagot.

“Ma’am Aemie, nandito po pala kayo.” Humahangos at pawis na pawis ang isang
kasambahay nung makalapit sya sa’kin. “Pasensya na po, sa likod po kasi kami madami
pong iniutos na gawain si Ma’am Caileigh bago umalis kanina.”

“Ikaw lang ba ang tao dito?” Tanong ko at saka ulit iniikot ang tingin sa buong
paligid. “Nasaan yung iba?”

“Inalis po ni Ma’am Caileigh yung ibang katulong at gwardya ng mansion dahil wala
naman po kayo dito, pati po sila Sir Eiji at Ma’am Alyana, matagal din naman daw po
bago makabalik—“

“Eh si insan? Nasaan si insan?” Tanong ko.

“Bihira lang pong umuwi dito si Ma’am Amesyl. Ang alam ko po ay kumuha sya ng
apartment malapit sa eskwelahan at pinapasukan nyang University.”

“Ahhh.” Tumango ako at saka ulit tumingin sa paligid. Ang lungkot na pala ng bahay
ngayon. “Ilan na lang kayong natira dito?” Tanong ko.
“Tatlo po, at saka dalawang gwardya. Pero palitan po yung dalawang gwardya. Isa sa
gabi at isa sa araw.”

“Ha?!” Gulat na tanong ko. Paano kung may mawalang gamit dito sa bahay ni daddy?
Hindi kaya magalit si daddy pagka-nalaman nya yon. Mukhang mamahalin pa naman ang
mga gamit dito. Yung iba nga sa pictures ko lang nakikita dati eh.

“O-opo pasensya na po.” Sagot naman nya.

Nagulat tuloy lalo ako, bakit naman sya humihingi ng pasensya eh hindi ko naman sya
inaano? Hayaan na nga!

“Hehehe okay lang ate.” Sagot ko.

Tumunghay sya at tumingin ulit sa akin. “Gusto nyo po ba ipagluto ko kayo ng


pagkain? Ano po ba ang gusto nyong kainin?”

“Hehehe sige po.” Tamang-tama nagugutom ako. “Kahit ano na lang pong pagkain,
hehehe.” Umupo agad ako sa dining table habang si ateng kasambahay naman ay
naghugas ng kamay at saka nagsimulang mag-ayos ng lulutuin nya.

“Kamusta naman po itong bahay?” Tanong ko kay ate.


“A-ayos naman po.” Sagot nya habang naghihiwa ng kung anu-ano.

“Hindi po ba tumatawag sila mommy at daddy?” Kunyaring tanong ko, syempre baka
makahalata si ate sa’kin sabihin nalang napaka-walang kwentang anak ko dahil hindi
ko man lang kinakamusta sila mommy at daddy.

“Hindi po eh.”

“Ahh baka po busy sila no?” Sabi ko. Ano nga kaya ginagawa nila mommy at daddy?
Hayy. Nalulungkot na naman tuloy ako.

“Siguro po.”

“Si Caileigh po kamusta?” Tanong ko ulit.

“I’m fine.”

Hindi na ako nagulat nung may sumagot mula sa likuran ko kasi kanina ko pa naman
nararamdaman na may tao.

“Ma’am Caileigh, nandyan na po pala kayo. Ano pong gusto nyong lutuin ko?” Napansin
kong natataranta si ateng kasambahay. Halos hindi sya magkaintindihan kung ano ang
unang hihiwain habang hindi makatingin ng diretso kay Caileigh.
“Natapos nyo na ba yung pinapalinis ko sa likod ng mansion?” Tanong nya kay ateng
kasambahay,

“O-opo.” Aligagang sagot ni ateng kasambahay.

“Gusto mo ate ako na mag-hiwa nyan?” Tanong ko. Nakakapag-alala naman kasi to si
ate. Dali-dali sa pag-hiwa. Baka mamaya pati daliri nya mahiwa nya. Konsensya ko pa
to dahil ako nakakakita.

“Hindi na po Ma’am Aemie, kaya ko na po ito.” Sagot nya.

“Sure ka ate ha?” Paninigurado ko. “Pag hindi mo kaya, sabihin mo lang po.
Tutulungan kita.” Hehehe. Mukha naman kasing first time magluluto tong si ate.

“Opo.” Tipid na sagot ni ate.

Bumalik naman ako sa kinauupuan ko kanina. Si Caileigh naman nakatingin lang


sa’kin. “Bakit ka nandito?” Tanong nya. Masyado na ba akong judgmental? Pakiramdam
ko kasi sarcastic yung pagkaka-tanong nya sa’kin.

“Hehehe wala, gusto ko lang dito matulog.” Sagot ko, tumayo ulit ako para naman
kumuha ng tubig sa ref. Bigla kasi akong inuhaw. Nakaka-tense naman kasi magtanong
‘to si Caileigh.

“Bakit hindi ka doon sa bahay ni Ezekiel matulog?”


Nagsalin ako ng tubig sa baso at saka ulit umupo sa may dining table bago sagutin
si Caileigh. “Hindi naman siguro bawal na matulog ako dito paminsan-minsan diba?”
Sabi ko. Hindi ko na din alam kung anong palusot ang gagawin ko. Bakit ba kasi sya
tanong ng tanong sa’kin. “Ayaw mo bang nandito ako?” Tanong ko sa kanya.

“Medyo uncomfortable lang, sanay na kasi ako ng walang ibang tao dito.” Hindi ko
alam kung ano ang mararamdaman ko sa isinagot sa akin ni Caileigh. Bakit ganito sya
magsalita ngayon? Galit ba sya sa’kin? May nagawa ba akong kasalanan sa kanya na
hindi ko maalala? “Sanay ako ng mag-isa.” Dugtong nya.

indiHindiHindiHinHindi naman sya dating ganito ah. “Anong palabas ba ang


nakakahiligan mong panuodin Cai?” Mukhang nasosobrahan sa panunuod ng mga madramang
palabas si Caileigh kaya nagkakaganito. Hayy wala kasi sila mommy eh. Kung nandito
sana si mommy edi puro powerpuff girls ang napapanuod nya.

“Tss.” Nagkusot ako ng mata dahil parang namalik-mata ako na sinamaan ako ng tingin
ni Caileigh. “Manang, pakibilis nga yang niluluto nyo. Pakidalahan na lang din ako
ng food sa room. Doon na lang ako kakain.”

“O-opo Ma’am Caileigh.”

***

A/N
Hi guys! May booksigning later (Sept 27) sa Market-market- 2PM, available doon ang
MHIAMB volume 1 and volume 2! Punta kayo ha?

And tomorrow (Sept 28) meron din sa SM MOA (2pm) available din dun ang MHIAMB
volume 1 and volume 2.

Plus, I’ll be giving free MHIAMB bookmarks sa mga pupunta. You can bring your old
MHIAMB book para ipa-sign as long as nasa inyo pa NBS receipt or may price tag pa
sya ng National Book Store. Thank you and See you! :*

=================

Chapter 12

PHA+PHN0cm9uZz5BZW1pZeKAmXMgUG9WPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25
nPjwvcD4KPHA+SWxhbmcgbWludXRvIG1hdGFwb3MgYWtvbmcga3VtYWluLCBuYWthdXBvIHBhIGRpbiBha2
8gZGl0byBzYSBoYXJhcCBuZyBsYW1lc2EuIEluaXVzb2Qga28gYW5nIHBsYXRvIGtvIHBhbGF5byBzYSBha
2luIGF0IHNhIHB1bWFuZ2FsdW1iYWJhIHNhIGxhbWVzYS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9u
Zz7igJxNYeKAmWFtIEFlbWllJm5ic3A7IHRhcG9zIG5hIHBvIGJhIGtheW9uZyBrdW1haW4/IElsaWxpZ3B
pdCBrbyBuYSBwbyBhbmcgbWdhIHBsYXRvLuKAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3
N0cm9uZz48L3A+CjxwPlRpbmlnbmFuIGtvIHNpIGF0ZW5nIGthc2FtYmFoYXkgcGVybyBoaW5kaSBrbyBwY
SBpbmFhbGlzIGFuZyBwYW5nYW5nYWx1bWJhYmEga28uIDxzdHJvbmc+4oCcSGF5eSHigJ0gPC9zdHJvbmc+
SW5paXNpcCBrbyBwYSBkaW4ga3VuZyBiYWtpdCBnYW5vb24gc2kgQ2FpbGVpZ2guIDxzdHJvbmc+4oCcTmF
wdXR1bGFuIHBvIGJhIHRheW8gbmcgY2FibGU/4oCdIDwvc3Ryb25nPlRhbm9uZyBrbyBrYXkgYXRlbmcga2
FzYW1iYWhheS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxIaW5kaSBuYW1hbiBwbyBNYeKAm
WFtIEFlbWllLuKAnSA8L3N0cm9uZz5TYWdvdCBueWEgaGFiYW5nIGluaWlsaWdwaXQgYW5nIG1nYSBwbGF0
by4gSGluZGkgbmFtYW4gcGFsYSBuYXB1dHVsYW4sIGVoIGJha2l0IHNpIENhaWxlaWdoIHBhcmFuZyBwdXJ
vIGRyYW1hIGxhbmcgbmFwYXBhbnVvZCBzYSBUVi4gQW5nIHN1bmdpdC1zdW5naXQuPC9wPgo8cD4mbmJzcD
s8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcU2kgQ2FpbGVpZ2ggcG8gYmEga3VtYWluIG5hP+KAnSA8L3N0cm9uZz5UY
W5vbmcga28gdWxpdC48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxIaW5kaSBrbyBwbyBhbGFt
IGt1bmcga2luYWluIG55YSB5dW5nIHBhZ2thaW4gbmEgZGluYWxhIGtvIHNhIGt3YXJ0byBueWEgZWgu4oC
dPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxBaG
gu4oCdIDwvc3Ryb25nPklzaW51YnNvYiBrbyBhbmcgdWxvIGtvIHNhIGliYWJhdyBuZyBsYW1lc2EuIEFub
yBiYSBhbmcgbmFuZ3lheWFyaT8gPHN0cm9uZz7igJxBYWt5YXQgbmEgcG8gYWtvIHNhIGt3YXJ0byBhdGUu
IE1hdHV0dWxvZyBuYSBwbyBha28u4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25
nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxTaWdlIHBvIE1h4oCZYW0gQWVtaWUu4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD
4mbmJzcDs8L3A+CjxwPkhheXkhPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPlR1bWF5byBha28gYXQgbmFnbGFrY
WQtbGFrYWQgc2EgbG9vYiBuZyBiYWhheS4gRGlkaXJldHNvIHNhbmEgYWtvIHNhIGt3YXJ0byBwZXJvIG1h
cyBwaW5pbGkga29uZyBtYWctaWtvdC1pa290IG11bmEuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPlNvYnJhbmc
gdGFoaW1paywgYXQgd2FsYW5nIGthdGFvLXRhby4gS3VtcGFyYSBub29uIG5hIGhhbG9zIGxhaGF0IG5nIG
thbnRvIG5nIGJhaGF5IGxhZ2luZyBtYXkgbmFrYWJhbnRheS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+SXRpb
nVsb3kga28gYW5nIHBhZ2xhbGFrYWQgc2EgbWFoYWJhbmcgaGFsbHdheSBoYW5nZ2FuZyBzYeKAlDxzdHJv
bmc+4oCcU2lubyDigJh5dW4/4oCdIDwvc3Ryb25nPk11bGEgZGl0byBzYSBraW5hdGF0YXl1YW4ga28gYXk
gbmF0YXRhbmF3IGtvIGFuZyBwaWd1cmEgbmcgZGFsYXdhbmcgdGFvIHNhIGxhYmFzIG5nIGJhaGF5LiBUdW
1hZ28gYWtvIGF0IHNha2EgcGlsaXQgbmEgdGluaXRpZ2FuIGt1bmcgc2lubyB5dW5nIGRhbGF3YW5nIHlvb
i48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+U2kgYXRlbmcga2FzYW1iYWhheSB5dW5nIGlzYSwgeXVuZyBpc2Eg
bWF5IGhhd2FrIG5hIG1hbGFraW5nIGJhcmlsIGF0IG5ha2Etc3VvdCBuYSB1bmlmb3JtIHBhbmcgZ3VhcmQ
uIEhpeWlpaSBzaSBhdGUgbHVtYWxvdmVsaWZlLiBTaWd1cm8gbWFnYm95ZnJpZW5kIHNpbGEuPC9wPgo8cD
4mbmJzcDs8L3A+CjxwPlRla2HigJQ8L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+QWthbGFrbyBiYSBuYWdsaWxpZ
3BpdCBpdG9uZyBzaSBhdGU/PC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPlR1bWFrYm8gYWtvIHBhYmFsaWsgbmcg
a3VzaW5hIHBhcmEgc2lsaXBpbiBrdW5nIG5haWxpZ3BpdCBuYSBueWEgbGFoYXQgbmcgcGxhdG8uIFBhZ2t
hcmF0aW5nIG5hIHBhZ2thcmF0aW5nIGtvIGF5IG1heSBpbGFuZyBwbGF0byBwYSBha29uZyBuYWRhdG5hbi
BzYSBpYmFiYXcgbmcgbGFtZXNhIG5hIGhpbmRpIHBhIG5haWlsaWdwaXQuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+C
jxwPkFuZyBpYmFuZyBodWdhc2luIGF5IG5ha2F0YW1iYWsgbGFuZyBzYSBsYWJhYm8uPC9wPgo8cD4mbmJz
cDs8L3A+CjxwPkt1bmcgbmFuZGl0byBzaSBkYWRkeSBzaWd1cmFkb25nIG1hZ2FnYWxpdCBzaSBkYWRkeS4
gQXlhdyBuYSBheWF3IHBhIG5hbWFuIG55YSBuYSBuZyBoaW5kaSBtYWF5b3MgYW5nIGJhaGF5LjwvcD4KPH
A+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5JbnVtcGlzYWhhbiBrb25nIGlsaWdwaXQgYW5nIG1nYSBwbGF0byBhdCBuYWdod
WdhcyBuZyBwaW5nZ2FuLiBIYW5nZ2FuZyBzYSBtYXRhcG9zIGFrbyBheSBoaW5kaSBwYSBkaW4gYnVtYWJh
bGlrIHNpIGF0ZW5nIGthc2FtYmFoYXkuIEFsYW0ga28gbWFzYW1hIHl1bmcgbmFpaXNpcCBrbywgcGVybyB
oaW5kaSBrbyBtYWl3YXNhbiBuYSBoaW5kaSBtYWctaXNpcCBuZyBtYXNhbWEuIFdhYWFhITwvcD4KPHA+Jm
5ic3A7PC9wPgo8cD5OYWctdGFuYW4gbmEga2F5YSBzaWxhbmcgZGFsYXdhIG5pIGt1eWFuZyBndWFyZD88L
3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+RGFoYW4tZGFoYW4gYWtvbmcgbHVtYWJhcyBzYSBwaW50byBzYSBsaWtv
ZCBwYXJhIHNpbGlwaW4ga3VuZyBuYXNhYW4gbmEgc2lsYW5nIGRhbGF3YS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4
KPHA+TmFzYWFuIGtheWEgc2lsYT8gV2FsYSBuZyB0YW8gZGl0byBzYSBraW5hdGF0YXl1YW4gbmlsYSBrYW
5pbmEgYWguPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPkluaWxpYm90IGtvIGFuZyB0aW5naW4ga28gc2EgYnVvb
mcgcGFsaWdpZCwgc29icmFuZyBsYXdhayBuaXRvbmcgbGlrb2QgbmcgYmFoYXkgbmkmbmJzcDsgZGFkZHku
IElpbGFuZyBwYXJ0cyBsYW5nIGRpbiBhbmcgbWF5IHBvc3RlIG5nIGlsYXcga2F5YSBtYWRpbGltIHNhIGl
iYW5nIHBhcnRlLiBQYWFubyBrbyBrYXlhIHNpbGEgaGFoYW5hcGluLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD
48c3Ryb25nPuKAnEFubyBwbyBnaW5hZ2F3YSBueW8gZGl0byBzYSBsb29iIE1h4oCZYW0gQWVtaWU/4oCdI
Dwvc3Ryb25nPkhhbG9zIG1hcGFsdW5kYWcgYWtvIHNhIGd1bGF0IG51bmcgbWFkaW5pZyBrbyBhbmcgYm9z
ZXMgbmkgYXRlbmcga2FzYW1iYWhheS4gTmkgaGluZGkga28gbWFuIGxhbmcgbmFyYW1kYW1hbiBuYSBsdW1
hcGl0IHBhbGEgc3lhIHNhIGFraW4uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcVWhoLCBoaW
5haGFuYXAga2l0YSBhdGUsIHNha2EgeXVuZyBrYXVzYXAgbW8ga2FuaW5hbmcgc2kga3V5YW5nIGd1YXJkL
uKAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCc
UC1wbz/igJ0gPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPlR1bWluZ2luIGFrbyBrYXkgYXRlbmc
ga2FzYW1iYWhheSBkYWhpbCBuYXBhbnNpbiBrb25nIGtpbmFiYWhhbiBzeWEgc2EgdGFub25nIGtvLiA8c3
Ryb25nPuKAnE9rYXkgbGFuZyB5YW4gYXRlLCBoaW5kaSBuYW1hbiBtYXNhbWEgbWFnLWJveWZyaWVuZC4gS
GVoZWhlLuKAnSA8L3N0cm9uZz5QYWFsYWxhIGtvIHNhIGthbnlhLiBCYWthIG5hbWFuIGthc2kgaXNpcGlu
IG55YSBwaW5hcGFnYWxpdGFuIGtvIHN5YSBkYWhpbCBuYWdraWtpdGEgc2lsYSBuaSBrdXlhbmcgZ3VhcmQ
uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPlNpbnVrbGlhbiBkaW4gbmFtYW4gYWtvIG5nIG5naXRpIG5pIGF0ZS
wgbXVraGFuZyBuYWthaGluZ2Egc3lhIG5nIG1hbHV3YWcuIEhlaGVoZSBidXRpIG5hbWFuLiA8c3Ryb25nP
uKAnFBlcm8gbmV4dCB0aW1lIGF0ZSwgdXVuYWhpbiBueW8gcG8gbXVuYSBhbmcgZ2F3YWluZyBiYWhheSBr
YXNpIGF5YXcgbmkgZGFkZHkgbmcgbWFrYWxhdCBhbmcgYmFoYXku4oCdIDwvc3Ryb25nPklsYW5nIGJlc2V
zIGtvIHBhIG5hbWFuIG5hZGlkaW5pZyBzaSBkYWRkeSBuYSBwaW5hcGFnYWxpdGFuIGFuZyBtZ2Ega2FzYW
1hIG55YSBzYSBiYWhheSBwYWcgbmFrYWtha2l0YSBuZyBrYWxhdC48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+P
HN0cm9uZz7igJxPLW9wbyBNYeKAmWFtIEFlbWllLuKAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJz
cDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQWVtaWUsIHdoYXQgYXJlIHlvdSBkb2luZyBoZXJlPyH
igJ0gPC9zdHJvbmc+TWFiaWxpcyBha29uZyBsdW1pbmdvbiBzYSBsaWtvZCBudW5nIG5hZGluaWcga28gc2
kgQ2FpbGVpZ2guPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQWthbGEga28gbmFzYSBrd2Fyd
G8ga2Eu4oCdIDwvc3Ryb25nPk5hZ3RhdGFraGFuZyBzYWJpIGtvLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48
c3Ryb25nPuKAnEkgd2VudCB0byB5b3VyIHJvb20sIHBlcm8geW914oCZcmUgd2FsYS4gU28gY2hpbmVjayB
rbyBkaXRvIHNhIGJhYmEu4oCdIDwvc3Ryb25nPlBhbGl3YW5hZyBueWEuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+Cj
xwPjxzdHJvbmc+4oCcTWHigJlhbSBBZW1pZSwgbWFzIG1hYnV0aSBwb25nIHB1bXVudGEgbmEga2F5byBzY
SBrd2FydG8gbnlvIHBhcmEgbWF0dWxvZy7igJ0gPC9zdHJvbmc+U2FiaSBuYW1hbiBuaSBhdGVuZyBrYXNh
bWJhaGF5LiBLYXlhIG5hZ3BhYmFsaWstYmFsaWsgYW5nIHRpbmdpbiBrbyBzYSBrYW5pbGFuZyBkYWxhd2E
uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPkFubyBiYW5nIG1lcm9uPzwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5QYX
JhbmcgbWF5IGtha2FpYmEuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+LU5leHQgZGF5LTwvc3Ryb
25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcTWHigJlhbSBB
ZW1pZeKAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxlbT4qa25
vY2sqICprbm9jayo8L2VtPjwvcD4KPHA+PGVtPiZuYnNwOzwvZW0+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnE1h4o
CZYW0gQWVtaWUsIGdpc2luZyBuYSBwby4gVGFuZ2hhbGkgbmEgcG8u4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c
3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+S2ludXNvdC1rdXNvdCBrbyBhbmcgbWdhIG1hdGEga28g
YXQgc2FrYSB0YW1hZCBuYSB0YW1hZCBuYSBidW1hbmdvbi4gPHN0cm9uZz7igJxBbm8gYmFuZyBvcmFzIG5
hPyBCYWtpdCBoaW5kaSBtYW4gbGFuZyBha28gZ2luaXNpbmcgbmkgWmXigJTigJw8L3N0cm9uZz48L3A+Cj
xwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD5PTUchPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxlb
T4qa25vY2sqICprbm9jayo8L2VtPjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFNpZ2UgcG8g
c3VzdW5vZCBuYSBwbyBha28gc2EgYmFiYS7igJ0gPC9zdHJvbmc+U2Fnb3Qga28gaGFiYW5nIG5hZ21hbWF
kYWxpbmcgdHVtYXlvIHBhcmEga3VuaW4gYW5nIHBob25lIGtvIHNhIGJhZy48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD
4KPHA+T215Z29kISA0NCBtaXNzZWQgY2FsbHMuIEFuZCAyMiB0ZXh0IG1lc3NhZ2VzLiBOdW5nIHRpbmlnb
mFuIGtvIGFuZyBvcmFzIHNhIGNlbGxwaG9uZSAxMDowNUFNIG5hLiBOYXBhc29icmEgeWF0YSBha28gbmcg
dHVsb2cuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPldhYWFhYSBvbXlnb2QhIFB1cHVudGEgcGEgcGFsYSBha28
gbmcgb3Bpc2luYS4gSGFsYSEgSGluZGkga28gbmEgYmluYXNhIGFuZyBtZ2EgdGV4dCBtZXNzYWdlcyBuaS
BaZWtlIHBhcmEgaGluZGkgYWtvIG1hdGFnYWxhbi4gTWFiaWxpcyBha29uZyBuYWxpZ28sIG5hYmloaXMgY
XQgc2FrYSB0dW1ha2JvIHBhbGFiYXMgbmcga3dhcnRvLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5EaWRpcmV0
c28gc2FuYSBha28gc2EgaGFnZGFuIG51bmcgbWFwYWRhYW4gYWtvIHNhIGhhZ2RhbiBwYXB1bnRhIHNhIGt
3YXJ0byBuaWxhIG1vbW15IGF0IGRhZGR5LiBXYWxhIG5hbWFuIHNpZ3VybyBtYXNhbWEga3VuZyBwdXB1bn
RhaGFuIGtvIHNhZ2xpdCBhbmcga3dhcnRvIG5pbGEgZGliYT88L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+UGFna
2FidWthcyBuYSBwYWdrYWJ1a2FzIGtvIG5nIHBpbnRvIGF5IG5hZ3NpbXVsYSBuZyB1bWluaXQgYW5nIG1n
YSBtYXRhIGtvIGhhYmFuZyBpbmlsaWxpYm90IGtvIGFuZyB0aW5naW4gc2EgYnVvbmcga3dhcnRvLiBNYWF
5b3MgbmEgbmFrYWhhbGVyYSBzYSBpc2FuZyBtYWhhYmFuZyBsYW1lc2EgYW5nIG1nYSBwaWN0dXJlcyBuYW
1pbi4gUGF0aSBhbmcgbWdhIGx1bWFuZyBsYXJhd2FuIG5pbGFuZyBkYWxhd2EgbmEgbWFzYXlhbmcgbWFna
2FzYW1hIGF5IG5hcm9vbiBkaW4uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPk1hcyBsYWxvIGtvIHR1bG95IHNp
bGFuZyBuYW1pLW1pc3MuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPkx1bWFwaXQgYWtvIHNhIGlzYW5nIGxhcmF
3YW4gYXQgdGluaWduYW4uIFBpY3R1cmUgbmFtaW5nIGFuaW0gbmlsYSBtb21teSwgZGFkZHksIGluc2FuLC
BDYWlsZWlnaCwgWmVrZSBhdCBha28uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0c
m9uZz48ZW0+LUZsYXNoYmFjay08L2VtPjwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PGVtPiZuYnNwOzwvZW0+PC9wPgo8
cD48c3Ryb25nPjxlbT7igJxGYW1pbHkgbmcgYnJpZGUu4oCdIDwvZW0+PC9zdHJvbmc+PGVtPlNhYmkgbnV
uZyBlbWNlZS4gQWdhZCBuYSBsdW1hcGl0IHNpbGEgbW9tbXksIGRhZGR5IGF0IGluc2FuIHNhIGFtaW5nIG
RhbGF3YSBuaSBaZWtlIG5hIG5hbmRpdG8gcGEgZGluIHNhIGhhcmFwIG5nIGFsdGFyLjwvZW0+PC9wPgo8c
D48ZW0+Jm5ic3A7PC9lbT48L3A+CjxwPjxlbT5OZ3VtaXRpIGFrbyBrYXkgWmVrZSBwYXJhIG5hbWFuIG5n
dW1pdGkgc3lhIGthaGl0IHBhcGFhbm8uIEthbmluYSBwYSBrYXNpIHN5YSBtdWtoYW5nIGlycml0YWJsZS4
8L2VtPjwvcD4KPHA+PGVtPiZuYnNwOzwvZW0+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPjxlbT7igJxPa2F5LCBzbWlsZS
7igJ0gPC9lbT48L3N0cm9uZz48ZW0+U2FiaSBudW5nIHBob3RvZ3JhcGhlci48L2VtPjwvcD4KPHA+PGVtP
iZuYnNwOzwvZW0+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPjxlbT7igJxXYWl04oCdIDwvZW0+PC9zdHJvbmc+PGVtPlBp
Z2lsIG5pIG1vbW15IHNhIHBob3RvZ3JhcGhlci4
gPHN0cm9uZz7igJxDYWlsZWlnaCBoaWphIHN1bWFtYSBrYSBkaXRvLuKAnSA8L3N0cm9uZz5UYXdhZyBueW
Ega2F5IENhaWxlaWdoLiBLYXlhIG5hcGF0aW5naW4gYWtvIHNhIGdhd2kgbmkgQ2FpbGVpZ2guIE5ha2F0a
W5naW4gbGFuZyBzeWEgc2EgYW1pbi4gPHN0cm9uZz7igJxQLXBvP+KAnTwvc3Ryb25nPjwvZW0+PC9wPgo8
cD48c3Ryb25nPjxlbT4mbmJzcDs8L2VtPjwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz48ZW0+4oCcSGF5eSB
hbm8gayBhYmEgbmFtYW4u4oCdIDwvZW0+PC9zdHJvbmc+PGVtPkx1bWFwaXQgc2kgbW9tbXkgc2Ega2FueW
EgYXQgc2FrYSBoaW5hd2FrYW4gYW5nIG1nYSBrYW1heS4gTmdpbml0aWFuIGtvIHNpIENhaWxlaWdoIGthc
2kgcGFyYW5nIG5haGloaXlhIHBhIHN5YW5nIGx1bWFwaXQgc2EgYW1pbi48L2VtPjwvcD4KPHA+PGVtPiZu
YnNwOzwvZW0+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPjxlbT4tRW5kIG9mIGZsYXNoYmFjay08L2VtPjwvc3Ryb25nPjw
vcD4KPHA+PHN0cm9uZz48ZW0+Jm5ic3A7PC9lbT48L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPklwaW5hdG9uZyBrbyB1bG
l0IGFuZyBsYXJhd2FuIHNhIGliYWJhdyBuZyBsYW1lc2EgbnVuZyBtYXRhcG9zIGtvIG5hbmcgdGlnbmFuL
iBTdW5vZCBrb25nIGJpbmFsaW5nYW4gbmcgdGluZ2luIGFuZyBwaW50byBwYXB1bnRhIHNhIG9waXNpbmEg
bmkgZGFkZHkuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPkx1bWFwaXQgYWtvIHBhcmEgc2FuYSBwdW1hc29rIHB
lcm/igJQ8c3Ryb25nPuKAnG5ha2EtbG9jaz/igJ0gPC9zdHJvbmc+U2ludWJ1a2FuIGtvIHVsaXQgYnVrc2
FuIHBlcm8gbmFrYS1sb2NrIHRhbGFnYS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxNYeKAm
WFtIEFlbWll4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0
cm9uZz7igJxPbXlnb2Qh4oCdIDwvc3Ryb25nPk5hcGFoYXdhayBha28gc2EgZGliZGliIGtvIHNhIHNvYnJ
hbmcgZ3VsYXQuIDxzdHJvbmc+4oCcQXRlIG5ha2FrYWd1bGF0IGthIG5hbWFuLuKAnTwvc3Ryb25nPjwvcD
4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcUGFzZW5zeWEgbmEgcG8u4
oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxI
ZWhlIG9rYXkgbGFuZyBwby7igJ0gPC9zdHJvbmc+U2Fnb3Qga28uIDxzdHJvbmc+4oCcQXkgbmdhIHBhbGE
sIG5hc2FhbiBwbyBwYWxhIGFuZyBzdXNpIG5pdG9uZyBvcGlzaW5hIG5pIGRhZGR5P+KAnTwvc3Ryb25nPj
wvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcSGluZGkga28gcG8gY
WxhbSBNYeKAmWFtIEFlbWllLCBiYWthIHBvIG5hIGtheSBNYeKAmWFtIENhaWxlaWdoLuKAnSA8L3N0cm9u
Zz5TYWdvdCBuaSBhdGVuZyBrYXNhbWJhaGF5LiBJYmluYWxpayBrbyBhbmcgdGluZ2luIGtvIHNhIHBpbnR
vIG5nIG9waXNpbmEuIFNheWFuZyBuYW1hbiBoaW5kaSBrbyBtYXBhcGFzb2sgYW5nIGxvb2Igbml0byBuZ2
F5b24uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcSGluZGkgcGEgcG8gYmEga2F5byBrYWtha
W4/IE5hZ2x1dG8gbmEgcG8gYWtvIG5nIGFnYWhhbi7igJ08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5i
c3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFdhYWFhISBEYXBhdCBoaW5kaSBrYSBuYSBuYWctbHV
0byBhdGUsIGlwYWdsdWx1dG8ga28ga2FzaSBzaSBaZWtlIGVoLuKAnSA8L3N0cm9uZz5TYWJpIGtvLjwvcD
4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5OZ3VtaXRpIGxhbmcgc2kgYXRlIHNhIGFraW4gYXQgdHVtYWxpa29kIG5hI
HBhYWxpcy4gS2F5YSBuYWctdW1waXNhIG5hIGFrb25nIG1hZ2xha2FkIHBhbGFiYXMuIFBhcmFuZyBtYXkg
a3VuZyBhbm9uZyBodW1hdGFrIG5nIGF0ZW5zeW9uIGtvIHBhcmEgbWFwYXRpbmdpbiBzYSBzYWhpZyBuYSB
raW5hdGF0YXl1YW4ga28uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPk1heSBpbGFuZyBwYXRhayBuYSBrdWxheS
BwdWxhIGFrb25nIG5ha2l0YSBzYSBtYXkgZ2lsaWQgbmcgcGludHVhbi4gRHVnbz8gVGFtYSBiYSB5dW5nI
G5ha2lraXRhIGtvPyBEdWdvIG5nYSBiYSDigJh0bz8gUGVybyBiYWtpdCBuYW1hbiBtYWdrYWthcm9vbiBu
ZyBkdWdvIGRpdG8/PC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPlVtdXBvIGFrbyBwYXJhIG1ha2l0YSBrbyBuZyB
tYXMgbWFpZ2kgeXVuZyBibG9vZCBzcG90cyBzYSBzYWhpZy4gTXVraGFuZyBoaW5kaSBwYSBtYXN5YWRvbm
cgbWF0YWdhbC4gVHVtaW5naW4gYWtvIHNhIHBpbnR1YW4gYXQgbmFraXRhIHBhIGFuZyBpYmFuZyBibG9vZ
CBzdGFpbnMgc2EgbWF5IGJuZGFuZyBpdGFhcy48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxN
YeKAmWFtIEFlbWllIGhpbmRpIHBhIHBvIGJhIGtheW8gYmFiYWJhP+KAnSA8L3N0cm9uZz5NYWJpbGlzIGF
rb25nIHR1bWF5byBudW5nIG1hZGluaWcga28gYW5nIGJvc2VzIG5pIGF0ZW5nIGthc2FtYmFoYXkgbXVsYS
BzYSBtYWxheW8uIEF0IG11a2hhbmcgcGFiYWxpayBuYSB1bGl0IHN5YSBrYXlhIGlzaW5hcmEga28gbmEgY
WdhZCBhbmcgcGludG8gbmcga3dhcnRvIG5pbGEgbW9tbXkgYXQgZGFkZHkuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+
CjxwPkhhYmFuZyBuYWdsYWxha2FkIGFrbyBheSBwaW51cHVuYSBrbyBsYWhhdCBuZyBtYWtpdGEga28uIFd
hbGxzLCBzdGF0dWVzLCBwYWludGluZ3MsIG1hZ2luZyBhbmcgc2FoaWcgYXQga2lzYW1lLjwvcD4KPHA+Jm
5ic3A7PC9wPgo8cD5IaW5kaSBsYW5nIGlzYSBvIGRhbGF3YW5nIHBhcnRlIG5nIGhhbGx3YXkgYW5nIG5ha
2l0YWFuIGtvIG5nIGJsb29kIHN0YWlucy4gQW5nIGlsYW4gYXkgbXVraGFuZyBrdW11cGFzIG5hLjwvcD4K
PHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnE1heSBwcm9ibGVtYSBwbyBiYSBNYeKAmWFtIEFlbWllP+K
AnSA8L3N0cm9uZz5UYW5vbmcgbmkgYXRlbmcga2FzYW1iYWhheSBudW5nIG1ha2FyYXRpbmcgYWtvIHNhIG
t1c2luYS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+Ty1NLVktRy1PLUQhPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwP
k1heSBuYWctc2hvb3Rpbmcga2F5YSBuZyBob3Jyb3IgbW92aWUgZGl0byBzYSBiYWhheSBudW5nIHdhbGEg
a2FtaT88L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxNYeKAmWFtIEFlbWllP+KAnSA8L3N0cm9
uZz5NdWxpIGFrb25nIGJ1bWFsaWsgc2Egc2FyaWxpIGtvIG51bmcgbWFkaW5pZyBrbyBhbmcgYm9zZXMgbm
kgYXRlbmcga2FzYW1iYWhheS4gPHN0cm9uZz7igJxIYT8gQW5vIHBvIHl1bj/igJ0gPC9zdHJvbmc+VGFub
25nIGtvIHNhIGthbnlhLjxiciAvPjxiciAvPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxNYXkgcHJvYmxlbWEgcG8g
YmE/4oCdIDwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFdhbGEgbmFtYW4gcG8
gYXRlLiBIZWhlaGUgbWF5IGluaWlzaXAgbGFuZyBha29uZyBtb3ZpZS7igJ0gPC9zdHJvbmc+U2Fnb3Qga2
8gYXQgc2FrYSBuYWctdW1waXNhbmcgbWFnLWhhbmRhIG5nIG1nYSBsdWx1dGluIGtvLjwvcD4KPHA+Jm5ic
3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEF5YXcgbnlvIHBvIGJhIG5nIGluaWhhbmRhIGtvbmcgcGFna2Fpbj/i
gJ0gPC9zdHJvbmc+VGFub25nIG5pIGF0ZW5nIGthc2FtYmFoYXkuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjx
zdHJvbmc+4oCcTmFrdSBoaW5kaSBuYW1hbiBwbyEgSGVoZWhlIGlwYWdsdWx1dG8ga28gbGFuZyBwbyBrYX
NpIHNpIFpla2UgbmcgcGFna2FpbiB0YXBvcyBkb29uIHNhIG9waXNpbmEgbmEgbGFuZyBkaW4gcG8gYWtvI
Gtha2Fpbi7igJ0gPC9zdHJvbmc+U2Fnb3Qga28gc2Ega2FueWEuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPiZu
YnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4qKio8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc
+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEV4Y2l0ZWQgbmEgYWtvIG1ha2l0YSBzaSBaZWtlLiBIZWhlaGUu4oCdID
wvc3Ryb25nPkJ1bG9uZyBrbyBoYWJhbmcgbmFnbGFsYWthZCwgaWxhbmcgc3RlcHMgYmFnbyBtYWthcmF0a
W5nIHNhIHBpbnRvIG5nIG9waXNpbmEgbnlhLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEFu
ZCB3aHk/4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+QXNkZmd
oamtsISA8c3Ryb25nPuKAnFdhYWEgZG9uZyHigJ0gPC9zdHJvbmc+S2FtdW50aWthbiBrbyBwYW5nIG1hYm
l0YXdhbiBhbmcgYmFza2V0IG5nIHBhZ2thaW4gbmEgZGFsYS1kYWxhIGtvIGRhaGlsIHNhIHNvYnJhbmcgZ
3VsYXQuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcUGZmdC4gTGV04oCZcyBnbyBpbnNpZGUu
4oCdIDwvc3Ryb25nPlNhYmkgbnlhIGF0IHNha2EgbnlhIGJpbnVrc2FuIGFuZyBwaW50byBuZyBvcGlzaW5
hIG55YS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+TmFnbGFrYWQgYWdhZCBha28gcGFsYXBpdCBzYSB0YWJsZS
BuZyBtaW5pIGxpdmluZyByb29tIG5nIG9mZmljZSBhdCBzYWthIGJpbnVrc2FuIGF0IGlzaW5hbGFuc2FuI
GFuZyBwYWdrYWluZyBkYWxhIGtvLiBOYWd1Z3V0b20gbmEgZGluIGFrbyBlaC4gSGluZGkgbmFtYW4ga2Fz
aSBha28ga3VtYWluIGthbmluYSBiYWdvIHVtYWxpcy48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+TmF0aWdpbGF
uIGFrbyBzYSBwYWctYWF5b3MgbmcgbWdhIHBhZ2thaW4gbnVuZyBtYXVwbyBzaSBaZWtlIHNhIHVwdWFuIH
NhIGhhcmFwIGtvLiBSYW1kYW0ga28ga2FzaSBhbmcgbWdhIHRpdGlnIG55YSBzYeKAmWtpbiBrYWhpdCBuY
SBoaW5kaSBha28gbmFrYXRpbmdpbi4gPHN0cm9uZz7igJxIZWhlaGUgZG9uZyBiYWtpdD/igJ0gPC9zdHJv
bmc+S2luYWthYmFoYW5nIHRhbm9uZyBrby4gTmFhbGFsYSBrbyBrYXNpIHl1bmcgbWlzc2VkIGNhbGxzIGF
0IHRleHQgbWVzc2FnZXMgbnlhIG5hIGhpbmRpIGtvIHBhIGJpbmFiYXNhIGhhbmdnYW5nIG5nYXlvbi4gSH
VodWh1IG5ha2FsaW11dGFuIGtvIGthc2kgYmFzYWhpbi48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZ
z7igJxJIHRleHRlZCB5b3UgdG8gb3BlbiB5b3VyIHdpbmRvdyBsYXN0IG5pZ2h0IGJ1dCB5b3UgZGlkbuKA
mXQgbGV0IG1lIGluLuKAnSA8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo
8cD48c3Ryb25nPuKAnEhlLWhlLWhlIG8tb28gbmdhLuKAnSA8L3N0cm9uZz5TYWdvdCBrbywga2FoaXQgbm
FtYW4gaGluZGkga28gYWxhbSBuYeKAlHRla2EuIDxzdHJvbmc+4oCcQmFraXQga2EgbmFtYW4ga3VtYXRva
yBzYSBiaW50YW5hIG5nIGt3YXJ0byBrbz8h4oCdIDwvc3Ryb25nPkd1bGF0IG5hIGd1bGF0IG5hIHRhbm9u
ZyBrby4gSWJpZyBzYWJpaGluLCA8c3Ryb25nPuKAnFB1bXVudGEga2Egc2EgYmFoYXkga2FnYWJpP+KAnSA
8L3N0cm9uZz5UYW5vbmcga28gdWxpdC48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxZZWFoLi
BJIHdhcyB0aGVyZSBhbGwgbmlnaHQu4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb
25nPjwvcD4KPHA+U2VyeW9zbz8gPHN0cm9uZz7igJxCYWxpdyBrYSBiYT/igJ0gPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8
cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxNYXliZS7igJ08L3N0cm9uZz4
8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD5IdXdhYWFhYWFhISBMdW1hcGl0IGFnYW
QgYWtvIHNhIGthbnlhIGF0IGhpbmF3YWthbiBhbmcgbWFna2FiaWxhbmcgcGlzbmdpIG5pIFpla2UgcGFyY
SBzdXJpaW4gYW5nIG11a2hhIG55YS4gPHN0cm9uZz7igJxIaW5kaSBuZ2EgZG9uZz/igJ0gPC9zdHJvbmc+
V2FhYSBvbXlnb2Qgb215Z29kISBLYWlsYW5nYW4ga28gbmEgeWF0YW5nIGlwYS1kb2t0b3Igc2kgWmVrZS4
8L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxQZmZ0LuKAnSA8L3N0cm9uZz5JbmFsaXMgbnlhIG
FuZyBkYWxhd2FuZyBrYW1heSBrbyBuYSBuYWthaGF3YWsgc2EgcGlzbmdpIG55YSBoYWJhbmcgbmFrYW5na
XRpLiBPbXlnb2QsIHNpcmEgdWxvIG5nYS4gPHN0cm9uZz7igJxJIGp1c3QgbWlzc2VkIHlvdS7igJ0gPC9z
dHJvbmc+RWg/IDxzdHJvbmc+4oCcRWggYmFraXQgaGluZGkga2EgbmFnIGRvb3JiZWxsLCBlZGkgc2FuYSB
waW5hZ2J1a3NhbiBrYSBuZyBwaW50byBuaSBhdGVuZyBrYXNhbWJhaGF5P+KAnSA8L3N0cm9uZz5OYWd0YX
Rha2hhbmcgdGFub25nIGtvLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5BY3R1YWxseSwgbWFkYW1pIHBhIGFrb
25nIGd1c3RvbmcgaXRhbm9uZyBrYXkgWmVrZSwgdHVsYWQgbmcgYW5vIGFuZyBnaW5hd2EgbnlhIG1hZ2Rh
bWFnLiBJbXBvc2libGUgbmFtYW4ga2FzaW5n4oCUPHN0cm9uZz7igJxUZWthIFpla2UsIHB1bWFzb2sga2E
gc2EgbG9vYiBuZyBiYWhheSBuYW1pbj/igJ0gPC9zdHJvbmc+SGluZGkga2F5YSBwbGFubyBuaSBaZWtlIG
Rla3dhdGFuIGFuZyBiYWhheSBuaSBkYWRkeT88L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxZZ
WFoLuKAnSA8L3N0cm9uZz5UaXBpZCBuYSBzYWdvdCBueWEuIFN1bWFuZGFsIGFrbyBzYSB1cHVhbiBhdCBu
YXBhaXNpcCBuZyBtYWxhbGltLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFNpZ3VybyBuYWt
hLXR1bm9nIGthbmcgd2FsYW5nIHRhbyBzYSBiYWhheSBrYXlhIGthIHB1bXVudGEgZG9vbiBubz/igJ0gPC
9zdHJvbmc+VGFub25nIGtvLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnE5v4oCdIDwvc3Ryb
25nPlNlcnlvc29uZyBzYWdvdCBuaSBaZWtlLiA8c3Ryb25nPuKAnEkgd2VudCB0aGVyZSBsYXN0IG5pZ2h0
IHRvIHNlZSB5b3UuIEJ1dCBzb21ldGhpbmcgY2FtZSB1cC7igJ0gPC9zdHJvbmc+S3VtdW5vdCBhbmcgbm9
vIGtvIGRhaGlsIHNhIHNpbmFiaSBueWEuIFNvbWV0aGluZyBjYW1lIHVwPyA8c3Ryb25nPuKAnEJha2l0IG
Fub25nIG1lcm9uP+KAnSA8L3N0cm9uZz5UYW5vbmcga28gdWxpdC48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+P
HN0cm9uZz7igJxCdW5jaCBvZiBhc3Nob2xlcy7igJ0gPC9zdHJvbmc+S2ludWhhIG55YSBhbmcgbGFsYWd5
YW5hbiBuZyBrYW5pbiBhdCBzYWthIGJpbnVrc2FuIGF0IG5hZ2xhZ2F5IHNhIHBsYXRvLiBIZWhlaGUgbmF
rYWxpbXV0YW4ga28gbmFuZyBheXVzaW4gYW5nIHBhZ2thaW4uIDxzdHJvbmc+4oCcQWtvIG5hIGRvbmcu4o
CdIDwvc3Ryb25nPlNhYmkga28uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcV2hlbiB3aWxsI
HlvdSBjb21lIGJhY2sgaG9tZSB3aWZlP+KAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0
cm9uZz48L3A+CjxwPkluYWJvdCBrbyBhbmcgbGFsYWd5YW4gbmcgbWdhIHVsYW0gbmEgbmlsdXRvIGtvIGF
0IHNha2EgYmludWtzYW4gaXNhLWlzYS4gPHN0cm
9uZz7igJxVaGgsIGlsYW5nIGFyYXcgbmEgbGFuZyBzaWd1cm8uIEhlaGUu4oCdIDwvc3Ryb25nPlNhZ290I
GtvLiBQZXJvIHRla2HigJQ8c3Ryb25nPuKAnFNhYmkgbW8gbWF5IHB1bXVudGEgc2EgYmFoYXkgbmFtaW4s
IHNpbm8geXVuPyBOYXNhYW4gbmEgc2lsYT8gQmFraXQgcGFyYW5nIGhpbmRpIGtvIG5hbWFuIHNpbGEgbmE
tbWVldD/igJ0gPC9zdHJvbmc+VGFub25nIGtvLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnE
JlY2F1c2UgeW91IHdlcmUgc2xlZXBpbmcu4oCdIDwvc3Ryb25nPlNhZ290IG55YS48L3A+CjxwPiZuYnNwO
zwvcD4KPHA+QmFraXQgbmFndWd1bHVoYW4gYWtvLiA8c3Ryb25nPuKAnFRla2EgWmVrZSBoYSwgdWxpdGlu
IG5hdGluIHNhIHVtcGlzYS4gTWVkeW8gbWFndWxvIGthIGthc2luZyBrYXVzYXAgZWgu4oCdPC9zdHJvbmc
+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxUc3MuIEdvIGFoZW
FkLuKAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4
oCcSGVoZWhlLiBCYWtpdCBrYSBwdW11bnRhIHNhIGJhaGF5P+KAnSA8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJv
bmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEJlY2F1c2UgSSBtaXNzZWQgeW91LuKAnTw
vc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQW5vbm
cgZ2luYXdhIG1vIHNhIGJhaGF5P+KAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZ
z48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcTm90aGluZy7igJ08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7
PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEVoIHNhYW4gbW8gbmFraXRhIHl1bmcgbWdhIHNpbmFzYWJ
pIG1vP+KAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbm
c+4oCcSW5zaWRlIHlvdXIgaG91c2Uu4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb
25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxOYWtpdGEga2EgbmlsYT/igJ08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJv
bmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFllYWgu4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD4
8c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxOYS1tZWV0IG1vIGJhPyBOYWctaG
ksIGhlbGxvIGJhIGtheW8gc2EgaXNh4oCZdC1pc2E/4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuY
nNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxJIG1ldCB0aGVtLCBidXQgSSBkaWRu4oCZdCBzYXkg
aGkgb3IgaGVsbG8u4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA
+PHN0cm9uZz7igJxBaGguIEVoIG5hc2FhbiBuYSBzaWxhP+KAnTxiciAvPjxiciAvPjwvc3Ryb25nPjwvcD
4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxJbiBhIHBlYWNlZnVsIHBsYWNlLuKAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZ
z4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQWhoIHNheWFuZywgaGluZGkga28gc2lsYSBu
YS1tZWV0LiBGcmllbmQgZGF3IGJhIHNpbGEgbmlsYSBkYWRkeT/igJ08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJ
vbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnE5vLuKAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+Jm
5ic3A7PC9wPgo8cD5PbXlnb2QhIEt1bmcgaGluZGkgc2lsYSBmcmllbmQgbmkgZGFkZHnigJQ8c3Ryb25nP
uKAnEJha2l0IHNpbGEgbmFuZG9vbj/igJ0gPC9zdHJvbmc+SGluZGkga2F5YSBha3lhdC1iYWhheSBnYW5n
IHNpbGE/IFdhYWFhYSEgT215Z29kLiBQYW5pZ3VyYWRvbmcgbWFnYWdhbGl0IHNpIGRhZGR5IHBhZyBtYXk
gbmF3YWxhbmcgZ2FtaXQuPC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz
7igJxUbyBraWxsIHlvdS7igJ08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wP
go8cD48c3Ryb25nPuKAnFdhYWFhYSEgU2VyeW9zbz/igJ08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5i
c3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFllYWgu4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25
nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+SGF5eS4gTmFrYWhpbmdhIGFrbyBuZyBtYWx1d2FnIGRvb24gYW
guIDxzdHJvbmc+4oCcQnV0aSBuYSBsYW5nLCBha2FsYSBrbyBha3lhdCBiYWhheS1nYW5nIHR1bGFkIG51b
mcgbmFncHVudGEgZHVuIHNhIHBpbmsgaG91c2Uu4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNw
Ozwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxXaGF0P+KAnSA8L3N0cm9uZz5OdW5nIG1hcGF0aW5naW4
gYWtvIGtheSBaZWtlIGF5IG1hc2FtYSBhbmcgdGluZ2luIG55YSBzYeKAmWtpbi4gPGVtPipwb3V0KjwvZW
0+IDxzdHJvbmc+4oCcQmFraXQgWmVrZT/igJ0gPC9zdHJvbmc+VGFub25nIGtvLiBLYW5pbmEgb2theSBuY
W1hbiBhaC4gQmFraXQgYmlnbGEgbmEgbmFtYW4gc3lhbmcgbmFnYWxpdC48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4K
PHA+PHN0cm9uZz7igJxMZXTigJlzIGp1c3QgZWF0LuKAnSA8L3N0cm9uZz5LaW51aGEgbnlhIGFuZyBrdXR
zYXJhIGF0IHNha2EgbmFnbGFnYXkgbmcgcGFna2FpbiBzYSBrdXRzYXJhIGF0IGlzaW51Ym8gc2HigJlraW
4uIFBhZ3RhcG9zIGF5IGFrbyBuYW1hbiBhbmcga3VtdWhhIG5nIHBhZ2thaW4gYXQgc2FrYSBpc2ludWJvI
HNhIGthbnlhLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5LYWthbHVub2sga28gbGFuZyBuZyBwYWdrYWluIG51
bmcgbWF5IG1hYWxhbGEgYWtvIGJpZ2xhLiA8c3Ryb25nPuKAnE9teWdvZCBaZWtlLCBtYXkgbmFhbGFsYSB
ha28h4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz
7igJxXaGF0IGlzIGl0P+KAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+C
jxwPjxzdHJvbmc+4oCcTWF5IG5ha2l0YSBuZ2EgcGFsYSBha29uZyBtZ2EgYmxvb2Qgc3RhaW4gc2Ega3dh
cnRvIG5pbGEgbW9tbXksIHBhdGkgbmFkaW4gc2EgaGFsbHdheSBhdCBzYSBpYmFuZyBwYXJ0IHBhIG5nIGJ
haGF5LuKAnSA8L3N0cm9uZz5TYWFkIGtvLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5TaW51YnVhbiB1bGl0IG
FrbyBuaSBaZWtlIHBlcm8gaGluZGkgc3lhIHN1bWFnb3Qgc2Egc2luYWJpIGtvLiA8c3Ryb25nPuKAnFRhc
G9zIHNpIENhaWxlaWdoLCBwYXJhbmcgYW5vIHVobW3igJRwYXJhbmcgbWFzdW5naXQgbmEgc3lhIG5nYXlv
bi7igJ08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuK
AnE1hc3VuZ2l0P+KAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPl
NpbnVidWFuIGtvIG11bmEgc2kgWmVrZSBuZyBwYWdrYWluIGJhZ28gYWtvIHN1bWFnb3QuIDxzdHJvbmc+4
oCcT28ga2FzaSB0aW5hdGFub25nIG55YSBrdW5nIGJha2l0IGRhdyBha28gbmFuZG9vbi4gU2FiaSBueWEg
dW5jb21mb3J0YWJsZSBkYXcgbmEgbmFuZG9vbiBha28ga2FzaSBzYW5heSBkYXcgc3lhIG1hZy1pc2Eu4oC
dIDwvc3Ryb25nPlBhbGl3YW5hZyBrby4gPHN0cm9uZz7igJxBeSB0YXBvcyBkb25nIGFsYW0gbW8gYmEgc2
kgYXRlbmcga2FzYW1iYWhheSBhdCBzYWthIHNpIGt1eWFuZyBndWFyZCBmZWVsaW5nIGtvIG1hZy1qb3dhI
HNpbGEgaGloaWhpLuKAnSA8L3N0cm9uZz5LYWhpdCBuYSBtdWtoYW5nIGhpbmRpIG5hbWFuIGludGVyaXNh
ZG8gc2kgWmVrZSBzYSBraW51a3dlbnRvIGtvIGF5IHRpbnVsb3kga28gcGEgZGluIGFuZyBwYWdrdS1rd2V
udG8uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcTmFraXRhIGtvIGthc2kgc2lsYW5nIGRhbG
F3YSBuYSBuYWctdXVzYXAgc2EgbGlrb2QgbmcgYmFoYXkgbmFtaW4uIEZlZWxpbmcga28gaW4gbG92ZSBuY
SBpbiBsb3ZlIHNpIGF0ZW5nIGthc2FtYmFoYXkmbmJzcDsgc2Ega2FueWEuIE1hcyBwaW5pbGkgbnlhIGth
c2luZyBtYWtpcGFnLW1vbWVudCBrYXkga3V5YW5nIGd1YXJkIHNhIGxpa29kIG5nIGJhaGF5IG5hbWluIGt
heXNhIGh1Z2FzYW4geXVuZyBtZ2EgcGxhdG8uIEFrbyBuYSBsYW5nIHR1bG95IGFuZyBuYWdodWdhcyBuZy
BtZ2EgcGluZ2dhbi7igJ08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8c
D48c3Ryb25nPuKAnFdoYXQ/4oCdIDwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5FaD8gPHN0cm9u
Zz7igJxPbyBuZ2EsIGhlaGVoZSB0YXBvcyBudW5nIGx1bWFiYXMgYWtvLCBwYXJhIHNhbmEgc2lsaXBpbiB
zaWxhIHdhbGEgbmEgZWguIEhpbmRpIGtvIG5hIGRpbiBuYWFidXRhbi4gU2kgYXRlbmcga2FzYW1iYWhheS
BuYSBsYW5nIGFuZyBuYW5kb29uLiBBa2FsYSBrbyBuZ2EgbmFnLXRhbmFuIG5hIHNpbGEgZWgu4oCdPC9zd
HJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxXZWlyZC7i
gJ0gPC9zdHJvbmc+QnVsb25nIG5pIFpla2UuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcV2V
pcmQgbmdhIHRhbGFnYSwgcGF0aSBoaW5kaSBha28gc2FuYXkgbmcgdGFoaW1payB5dW5nIGJhaGF5IG5pIG
RhZGR5IGF0IHdhbGFuZyB0YW8uIERhdGktcmF0aSBrYXNpIGRpYmEgYW5nIGRhbWluZyB0YW8uIEVoIG5nY
XlvbiB3YWxhIG5hIGthc2kgc2FiaSBuaSBhdGVuZyBrYXNhbWJhaGF5IGluYWxpcyBkYXcgbmkgQ2FpbGVp
Z2ggeXVuZyBpYmFuZyBrYXNhbWJhaGF5IGF0IGd1YXJkcywga2F5YSBkYWxhd2FuZyBndWFyZHMgbmEgbGF
uZyBkaW4gbmF0aXJhLiBJc2Egc2EgdW1hZ2EgYXQgaXNhIHNhIGdh4oCU4oCcPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD
48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PGVtPiprbm9jayogKmtub2NrKjwvZW0+PC9wPgo8c
D4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQ29tZSBpbi7igJ0gPC9zdHJvbmc+U2Fnb3QgbmkgWmVrZS48
L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+UHVtYXNvayBzaSBhdGVuZyBuZXcgc2VjcmV0YXJ5IChTaWVycmEpIHN
hIGxvb2Igbmcgb3Bpc2luYSBhdCBzYWthIHBvcm1hbCBuYSBuYWdzYWxpdGEuIDxzdHJvbmc+4oCcWW91ci
BtZWV0aW5nIHdpbGwgc3RhcnQgaW4gMTUgbWludXRlcyBNci4gUm9zd2VsbOKAnSA8L3N0cm9uZz5TYWFkI
G55YS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxPa2F5LuKAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+
PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPlBhZ2thdGFwb3MgbnVuIGF5IHVtYWxpcyBuYSBkaW4
gYWdhZCBzaSBhdGVuZyBzZWNyZXRhcnkuIE1pbnNhbiBoaW5kaSBrbyBhbGFtIGt1bmcgYmFraXQga2FpbG
FuZ2FuIHBhIGxhZ2kgaXBhYWxhbGEgbmcgbWdhIHNlY3JldGFyeSBhbmcgbWdhIGdhbnVuZyBiYWdheSBla
CBtYXkgcmVsbyBuYW1hbiBzaSBaZWtlLiBXYWxhIGRpbiBuYW1hbiBzYSBpdHN1cmEgbmkgWmVrZSBuYSBu
YWtha2FsaW1vdCBzYSBtZWV0aW5nLiBIYXl5LiBEYXBhdCBrYXNpIGluby1vcmllbnQgeWFuZyBtZ2EgeWF
uIGVoLiBQYXRpIHR1bG95IHBhZ2tlLWt3ZW50byBrbyBuYXB1cHV0b2wuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+Cj
xwPjxzdHJvbmc+4oCcQ29udGludWUgeW91ciBzdG9yeSB3aWZlLuKAnSA8L3N0cm9uZz5TYWJpIG5pIFpla
2UuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQWhtbSBuYXNhYW4gbmEgbmdhIGJhIGFrbyBz
YSBraW51a3dlbnRvIGtvP+KAnSA8L3N0cm9uZz5IYXl5ISBOYWthbGltdXRhbiBrbyBuYSB0dWxveS4gPHN
0cm9uZz7igJxBYm91dCB0aGUgZ3VhcmRzLuKAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3
N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQWhoIG9vIGF5b24hIERhbGF3YSBuYSBuZ2EgbGFuZyBkYXcgY
W5nIGd1YXJkcywgaXNhIHNhIHVtYWdhIGF0IGlzYSBzYSBnYWJpLiBIZWhlaGUgYXl1biBsYW5nIG5hbWFu
IFpla2Uu4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9
uZz7igJxJIHNlZS7igJ08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD
48c3Ryb25nPuKAnFB1cHVudGEga2EgYmEgdWxpdCBtYW1heWEgc2EgYmFoYXk/4oCdIDwvc3Ryb25nPlRhb
m9uZyBrbyBzYSBrYW55YS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxZZXPigJ08L3N0cm9u
Zz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEVkaSBzdW1hYmF
5IGthIG5hIHNh4oCZa2luIHBhZy11d2kgaGVoZWhlLuKAnSA8L3N0cm9uZz5IaW5kaSBuYW1hbiBrYXNpIG
55YSBrYWlsYW5nYW4gc2EgYmludGFuYSBwYSBkdW1hYW4sIHB3ZWRlIG5hbWFuZyBzYSBwaW50by4gQmFrY
SBtYXBhZ2thbWFsYW4gcGFuZyBteWVtYnJvIG5nIGFreWF0LWJhaGF5IGdhbmcgb3IgYnVkb2wtYnVkb2wg
dG8gc2kgWmVrZSBzYSBnaW5hZ2F3YSBueWEuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcSSB
jYW7igJl0LiBJIGhhdmUgc29tZSBpbXBvcnRhbnQgdGhpbmdzIHRvIGRvIGJlZm9yZSBnb2luZyBob21lLu
KAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQ
WFudGF5aW4gbmEgbGFuZyBraXRhIGhlaGVoZS7igJ08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7
PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEFscmlnaHQuIFRoYXQgc291bmRzIGJldHRlci7igJ08L3N
0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnERvbmcga2
FtdXN0YSBuYSBwYWxhIHBhbmdiYS1ibGFja21haWwgc2HigJl5bz/igJ0gPC9zdHJvbmc+SGVoZWhlIG5ha
XNpcCBrbyBsYW5nIG5hbWFuIGt1bmcgYW5vIG5hIG1nYSBpbnV1dG9zIHNhIGthbnlhLiA8c3Ryb25nPuKA
nE1heSBtZ2EgaW51dG9zIGJhIHNh4oCZeW8gdWxpdCBuYSBnYXdpbj/igJ0gPC9zdHJvbmc+VGFub25nIGt
vLiBOYXBha2FnYXQgYWtvIG5nIGxhYmkgbnVuZyBtYXBhbnNpbiBrb25nIG5hZy1pYmEgYW5nIG1vb2Qgbm
kgWmVrZS4gPHN0cm9uZz7igJxIZWhlaGUgaHdhZyBtbyBuYSBzYWd1dGlu4oCdIDwvc3Ryb25nPkJha2Egb
WFtYXlhIHVtaW5pdCBuYSBuYW1hbiB1bG8gbnlhIGVoIG1haGlyYXAgbmEuIExhZ2kgcGEgbmFtYW4gc3lh
bmcgbWF5IGJhcmlsLiBBeW9rb25nIG1ha2F0dWxhZCBrYXkgS2FpemVyLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo
8cD48c3Ryb25nPuKAnFllcyBhbmQgSeKAmW0gc3RpbGwgd29ya2luZyBvbiBpdC7igJ0gPC9zdHJvbmc+U2
Fnb3QgbnlhLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8c
D48c3Ryb25nPuKAnEFoaC4gSGVoZWhlIGJ1dGkgbmFtYW4u4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25n
PiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxCdXRpIG5hbWFuP+KAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4
KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPldhYWEhIEJha2l0IG5nYSBiYSBidXRpIG5hbW
FuIGFuZyBzYWdvdCBrbz8gSHVodWh1LiA8c3Ryb25nPuKAnEJ1dGkgbmFtYW4gYXQgaGluZGkga2EgbmFnY
WxpdC4gQWthbGEga28ga2FzaSBnYWxpdCBrYSBzYSB0YW5vbmcga28gZWggaHVodWh1LuKAnTwvc3Ryb25n
PjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcUGZmdC4gV2h5IHd
vdWxkIEk/4oCdIDwvc3Ryb25nPlR1bWluZ2luIHNpIFpla2Ugc2Egd3Jpc3Qgd2F0Y2ggbnlhIGF0IHNha2
EgaWJpbmFsaWsgYW5nIHRpbmdpbiBzYSBha2luLiA8c3Ryb25nPuKAnEkgd2lsbCBiZSBiYWNrIHJpZ2h0I
GFmdGVyIHRoZSBtZWV0aW5nLuKAnSA8L3N0cm9uZz5TYWJpIG55YSBzYWthIG1hYmlsaXMgbmEga3VtaXNz
IHNhIGxhYmkga28uIDxzdHJvbmc+4oCcRmluaXNoIHlvdXIgZm9vZC7igJ0gPC9zdHJvbmc+VHVtYXlvIHN
pIFpla2UgYXQgc2FrYSBpbmF5b3MgYW5nIGNvYXQgbmEgc3VvdCBueWEuPGVtPmlpSGloaDwvZW0+PHN0cm
9uZz4g4oCcSSBsb3ZlIHlvdS7igJ0gPC9zdHJvbmc+U2FiaSBuaSBaZWtlLCBudW5nIG1ha2F0YXlvIGFrb
yBwYXJhIHR1bHVuZ2FuIHN5YSBzYSBwYWctYWF5b3MgbmcgZGFtaXQuIDxzdHJvbmc+4oCcSGVoZWhlIEkg
bG92ZSB5b3UgZGluLuKAnSA8L3N0cm9uZz5TYWdvdCBrby48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+KioqPC9
wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+QW1lc3ls4oCZcyBQb1Y8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdH
Jvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD5TaXJhdWxvbmcgYmFrbGEgeW9uISBUYWxhZ2FuZyBoaW5ka
SBuYSBha28ga2lub250YWshIEFyZ2hoISBCYWtpdCBiYSBha28gbmFpaW5pcz8gTWFzYXlhIG5nYSBha28g
a2FzaSBoaW5kaSBuYSBueWEgYWtvIGtpbnVrdWxpdC48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+SWJpbmF0byB
rbyBzYSBrYW1hIGFuZyBjZWxscGhvbmUgbmEga2FuaW5hIGtvIHBhIGhhd2FrLWhhd2FrIGRhaGlsIGlsYW
5nIGxpbmdnbyBuYSBkaW4gYWtvbmcgaGluZGkga2lub2tvbnRhayBudW5nIGJha2xhbmcgYmV0dHkgYm9vc
C4gVHNzLiBCYWhhbGEgbmdhIHN5YS4gUGFraWFsYW0ga28gYmEgc2Ega2FueWEuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8
L3A+CjxwPjxlbT4qZG9vcmJlbGwgc291bmQqPC9lbT48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+UGFkYWJvZyB
ha29uZyBuYWdsYWthZCBwYXB1bnRhIHNhIHBpbnR1YW4gbnVuZyBtYXBhdGlnaWwgYWtvLiBTaW11bGEgbm
FuZyBsdW1pcGF0IGFrbyBkaXRvIHNhIGFwYXJ0bWVudCwgd2FsYSBuYW1hbiBha29uZyBuYWdpZ2luZyBia
XNpdGEuIE1hbGFtYW5nIHdhbGEgbmFtYW5nIG1heSBhbGFtIG5pdG9uZyBhZGRyZXNzIGtvLjwvcD4KPHA+
Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5LYXlhIHBhYW5vbmcgbWFna2FrYXJvb24gYWtvIG5nIGJpc2l0YT88L3A+CjxwPiZ
uYnNwOzwvcD4KPHA+PGVtPipkb29yYmVsbCBzb3VuZCo8L2VtPjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3
Ryb25nPuKAnFNpbm8geWFuP+KAnSA8L3N0cm9uZz5EdW1pa2l0IGFrbyBzYSBwaW50byBwYXJhIHBha2luZ
2dhbiBhbmcgbGFiYXMgbmcgYXBhcnRtZW50LCBuZ3VuaXQgbmFwYWF0cmFzIGFrbyBkYWhpbCBzYSBtYWxh
bGFrYXMgYXQgc3Vub2Qtc3Vub2QgbmEga2FsYWJvZyBzYSBwaW50by4gPHN0cm9uZz7igJxTSU5PIEtBIEJ
BTkcgTElOVElLIEtBIT/igJ0gPC9zdHJvbmc+SGl5YXcga28uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPk5hZy
1hbnRheSBha28gcGVybyBpbWJpcyBuYSBtYWthdGFuZ2dhcCBha28gbmcgc2Fnb3QgYXkgc3Vub2Qtc3Vub
2QgbmEga2FsYWJvZyB1bGl0IGFuZyBuYWRpbmlnIGtvLiBBdCBtdWtoYW5nIHBpbGl0IG5nIGJpbnVidWtz
YW4gYW5nIHBpbnR1YW4gbmcgYXBhcnRtZW50IGtvLiBMZWNoZW5nIHRvLiBQYWcgaXRvIHNpIEJpcmtpbnM
sIGJhYmFsYXRhbiBrbyB0byBuZyBidWhheS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+TWFiaWxpcyBha29uZy
BidW1hbGlrIHNhIGxvb2Igbmcga3dhcnRvIGF0IGluaS1sb2NrIGFuZyBrd2FydG8uIERpbmlhbCBrbyBrY
WFnYWQgYW5nIG51bWJlciBudW5nIGJha2xh4oCUPC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwv
cD4KPHA+PHN0cm9uZz5bSGVsbG8/XSA8L3N0cm9uZz5UYWhpbWlrIGFuZyBiYWNrZ3JvdW5kIHNhIGtpbmF
yb3Jvb25hbiBuaSBCaXJraW5zLiBQaW5ha2luZ2dhbiBrbyBhbmcgbGFiYXMgbmcgYmFoYXkgbmEgc3Vub2
Qtc3Vub2QgcGEgZGluIGFuZyBtYWxhbGFrYXMgbmEga2F0b2suPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPlNvI
HNhIG1hZGFsaW5nIHNhbGl0YSwgaGluZGkgaXRvbmcgYmFrbGFuZyB0byBhbmcgbmFzYSBsYWJhcyBuZyBh
cGFydG1lbnQ/PC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+W0hlbGxvIEFtZXN5bD8gQmFraXQga2E
gdHVtYXdhZz9dPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+QW1lc3
lsPyBUaW5pZ25hbiBrbyBhbmcgY2VsbHBob25lIGtvIGRhaGlsIGJha2EgbmFna2FtYWxpIGFrbyBuZyBpZ
GluaWFsIG5hIG51bWJlci4gUGVybyB0YW1hIG5hbWFuLiA8c3Ryb25nPuKAnFdhbGEgbmFna2FtYWxpIGxh
bmcgYWtvIG5nIGRpYWzigJ0gPC9zdHJvbmc+U2Fnb3Qga28uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJ
vbmc+W0FoaC4gR2UuXTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPk
J1bWlsaXMgYW5nIHRpYm9rIG5nIHB1c28ga28gbnVuZyBtYWRpbmlnIGtvbmcgbWFsYWthcyBuYSBidW11a
2FzIGFuZyBwaW50byBuZyBhcGFydG1lbnQuIFNoaXQhIDxzdHJvbmc+4oCcTG91aWXigJ08L3N0cm9uZz48
L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPltPP108L3N0cm9uZz48L3A
+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFR1bHVuZ2FuIG1vIGtvLu
KAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+W0J1c
3kgYWtvLl08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD5OYWJpdGF3
YW4ga28gbmEgYW5nIGNlbGxwaG9uZSBudW5nIHN1bm9kIG5hIGJ1bXVrYXMgYW5nIHBpbnRvIG5nIGt3YXJ
0by4gPHN0cm9uZz7igJxTdW1hbWEga2Egc2FtaW4u4oCdIDwvc3Ryb25nPkthaGl0IGd1c3RvIGtvbmcgbH
VtYWJhbiBheSBoaW5kaSBrbyBtYWdhd2EuIExpbWFuZyBsYWxha2kgYW5nIG5hc2EgaGFyYXAga28uIExha
GF0IHNpbGEgbWF5IGhhd2FrIG5hIGJhcmlsIGF0IG5ha2F0dXRvayBzYSBha2luLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7
PC9wPgo8cD5XYWxhbmdoaXlhbmcgYmFrbGFuZyBiZXR0eSBib29wIHRvLiBQYWcgYWtvIG5hbWF0YXkuIEh
pbmRpIGtpdGEgdGl0aWdpbGFuLiBNdW11bHR1aGluIGtpdGEgZ2FiaS1nYWJpLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC
9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Kio8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7P
C9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPkEvTiA6IFN1cnByaXNlIFVEIDpEIExvdmVzeW91dXUgZ3V5cyEg
QmlsaSBrYXlvIGJvb2sgaGE/IFRoYW5rcyA6Kjwvc3Ryb25nPjwvcD4=

=================

Chapter 13

Louie’s PoV

“Kukuha lang ako ng drinks.” Paalam ni Grethel. Tumango ako at hindi na nagsalita
hanggang makabalik sya. Simula nung hindi ako nagparamdam kay Momo ay ganito na ang
naging routine ko. Ang magpaka-lunod sa alak araw-araw kasama si Grethel.
*phone vibrates*

“Who’s that?” Nawala ang tingin ko sa phone na nagri-ring nung nagtanong si


Grethel. “Si Amesyl.” Tipid na sagot ko.

Inangat ko na ang cellphone para sana sagutin nung hinawakan nya ang kamay ko at
pinigilan. “What Louie? Pagkatapos ka nyang paasahin at saktan, isang tawag lang
sasagutin mo na agad. You're unbelievable.” May punto si Grethel pero hindi ko alam
kung ano ang nararamdaman ko. Inalis ko ang pagkaka-hawak nya sa kamay ko bago
sagutin ang tawag.

“Hello.” Casual na sagot ko. Pinakinggan ko ang kabilang linya pero hindi sya
nagsasalita kaya ako na ulit ang nagsalita. “Hello Amesyl? Bakita ka tumawag?”

[Wala nagkamali lang ako ng dial] Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung epekto
lang ba ‘to ng alak o talagang masakit sa’kin na marinig ang boses nya. Siguro nga
lasing na ako.

“Ahh. Ge.” Hinihintay kong sigawan ako ni Momo, para magising ako pero hindi yun
ang nadinig ko.

[Louie]

“O?”
[Tulungan mo ko.] Unang pumasok sa isip ko ay si Blood. Plano nya bang humingi ng
tulong sa’kin para kay Jerson Ken Blood? Ampupu naman. Sa dinami-dami ng pwedeng
hingian ng tulong bakit ako pa.

“Busy ako.” Taliwas sa gusto kong sabihin ang naging sagot ko.

Naghintay ako ng isasagot ni Momo pero iba ang nadinig ko sa kabilang linya na
muling gumising sa akin. [Sumama ka samin] Tangina!

“Momo?” Humigpit ang hawak ko sa cellphone at awtomatiko akong napatayo mula sa


kinauupuan ko. “Momo anong nangyayari?”

*toot* *toot*

“Shit!”

Dali-dali akong lumapit sa desk para kuhanin ang car keys. “What happened?
Pupuntahan mo yung bitch na yon? After all this time, pagkatapos ng lahat ng ginawa
sa’yo ni Amesyl—“

Uminit ang ulo ko dahil sa sunud-sunod na ingay na sinabi ni Grethel, hindi ko na


din napigilan ang sarili ko na putulin sya sa sinasabi nya. “Ano bang ginawa sa’kin
ni Amesyl ha Grethel? Una sa lahat, ginusto kong mahalin si Amesyl, hindi nya ako
pinaasa. Pangalawa kung ano man ang gawin ko wala ka ng pakialam doon. At pangatlo
hindi porket dinadamayan mo ako may karapatan ka ng pagsalitaan ng masama si Momo.”
I hissed. Sawang-sawa na akong makinig sa mga payo ni Grethel.

Hindi na ako nag-abala pang tignan kung ano ang naging reaksyon nya sa sinabi ko.
Dumiretso na ako sa parking lot pagkatapos kong kuhanin ang susi ng kotse.

Hintayin mo lang ako Momo..

***

Aemie’s PoV
Nakaupo ako sa gutter sa labas ng bahay ni daddy at nagbibilang ng langgam na
magkaka-pilang naglalakad sa kalsada. “Anong oras kaya dadating si Zeke?” Hayy!
Bakit ba kasi hindi nya sinasagot ang tawag ko. Sabagay sabi nya busy nya.

Omygod!

Hindi kaya nag-adventure ulit si Zeke ng hindi ako sinasama?

*pout*

Ang duga! Nakakatampo na ha. Nag-aaral naman ako ng mga tinuro nya dating stunts
eh. Tapos hindi pa din ako isasali.

*beep* *beep*

Tumunghay ako at nakita ang kotseng nakatigil sa harapan ko. Teka kilala ko tong
—“Louie!!!” Ngiting-ngiti akong kumaway kay Louie. Pero bakit parang hindi naman
sya masaya?

Mabilis syang bumaba sa kotse kaya tumayo ako para lumapit sa kanya. “Si Momo?”

Eh?

“Nandyan ba si Momo?”

“Nandito ba si insan?” Napaisip ako dahil sa tanong ni Louie sa’kin. Ang sabi ni
ateng kasambahay bihira lang naman daw umuwi dito si insan diba?

“Aish!” Kumamot sya sa ulo at halatang balisang-balisa. Ano ba ang nangyayari?


“Wala ba dito si Amesyl?”

“Wala? Hindi naman daw sya dito umuuwi eh?” Patanong na sagot ko dahil ang totoo
nyan. Gulong-gulo ako.

Napa-atras ako nung hawakan ni Louie ang mag-kabilang balikat ko. “Hanapin natin si
Momo.” Hindi ko na nagawang sagutin ang sinabi nya dahil hinawakan na nya ang kamay
ko at saka pinasakay sa kotse nya.

Ano ba naman yan si insan. Wag nyang sabihing nawawala sya? Hayy! Ang sabi ko naman
kasi magdala ng mapa pag hindi nya alam ang pupuntahan nya eh. Iba na syempre yung
laging sigurado. Minsan talaga hindi marunong makinig yan si insan sa mga payo ko
eh.

***

“Louie teka nga, kanina pa tayo paikot-ikot dito ah.” Tinignan ko ang gilid, harap
at likod. Siguradong-sigurado ako, dumaan na kami dito eh.

“Hindi pa no.” Naka-kagat si Louie sa daliri nya habang gigil na nakahawak sa


manibela ng kotse. Kahit naman hindi nya sabihin halata sa kanya na alalang-alala
sya kay insan. Hayy! Si insan talaga sakit ng ulo minsan.

“Dumaan na talaga tayo dito.” Giit ko.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Louie. Inihinto nya ang sasakyan at saka sumubsob sa
manibela ng kotse. “Nasaan ka ba kasi Momo?” Mangiyak-ngiyak at puno ng pag-aalala
ang boses nya.

Ako naman ay hindi ko alam kung tatawa ako o matatakot kay Louie. Ikaw ba naman
makakita ng taong kinakausap ang manibela ng sasakyan eh medyo scary diba? “Uhh
Louie..” Sinubukan kong hawakan si Louie si balikat para kahit papaano ay mabawasan
naman ang pag-aalala nya. “Subukan kaya natin magtanong sa mall?”

Nilingon nya ako na may halong pagtatakha, bago ulit bumalik sa pagkaka-subsob sa
manibela. “Aemie naman eh. Ngayon mo pa naisipang mag-joke.”

Mukha ba akong nagjo-joke? Hindi naman nakakatawa ang sinabi ko ah. “Si insan kasi
nagpa-part time sa mall diba? Naisipan ko lang naman na—“

“Saang mall?”

O kita mo na! kita mo na! Tapos ngayon tatanong-tanong sya sa’kin kung saang mall.
Hayy! “Doon sa dinaanan natin kanina na mall, hehehe.”

“Aish! Bakit hindi mo agad sinabi?” Tanong nya habang sinisimulang paandarin ulit
ang kotse.

“Eh hindi ka naman nagtanong eh.” *pout*

Hindi na kami nag-usap ni Louie hanggang sa makarating kaming dalawa sa mall.

***

Nakatitig kaming dalawa ni Louie sa papel kung saan nakasulat ang address na
binigay nung kasama ni insan sa trabaho. “Ito ba yun?” Tanong ko saka tumingin sa
bahay.

“Ito nga yata.” Sagot nya ng nakatingin din sa bahay.

Tinignan ulit namin ng sabay ang address sa papel. Feeling ko naman ito nga yun.
“Tara na?” Aya ko kay Louie. “Teka lang Aemie, kinakabahan ako eh.” Hehehe natatawa
ako sa itsura ni Louie, naka-pout pa kasi sya at mukhang kinakabahan nga.

“Ano ka ba bakit ka naman kinakabahan?” Natatawang tanong ko. Hinila ko na agad si


Louie palapit sa pinto ng apartment ni insan at saka kumato—

“Eh?” Nagulat na lang ako nung bumukas ang pinto nung maitulak ko.

“Shit!”

Naramdaman ko na lang ang hampas ng hangin dulot ng mabilis na pagtakbo ni Louie sa


gilid ko papasok sa loob ng apartment ni insan.

Tamo yon, ang sabi sakin kanina nate-tense sya, tapos ngayon naman excited pumasok
sa loob. Ano ba talaga?! “Louie baka magalit si insan—“ omygod anong nangyari dito?

Inikot ko ang tingin ko sa buong salas ni insan, bakit parang dinaanan ng bagyo?
Humahangos na lumabas si Louie mula sa isang pinto na feeling ko eh kwarto ni
insan. “Aemie may problema tayo.” Nauutal at tensyonadong saad nya.

“Feeling ko nga din, feeling ko iba na trip ni insan kaya lumipat dito sa apartment
eh. Mukhang hilig na nya ang messy place. Kita mo naman sa—“

“Nawawala si Amesyl.” Putol nya sa sinasabi ko. Naglakad-lakad ako para tignan si
insan sa ibang parte ng apartment, pati ang kwarto nya sinilip ko din pero bigla
akong iniharap ni Louie sa kanya. “Naiintindihan mo ba Aemie? Kailangan natin syang
hanapin.”

“Alam ko, diba kanina pa nga natin sya hinahanap.” Ano ba sinasabi nito ni Louie,
eh kanina pa naman talaga namin hinahanap si insan.

“Hindi yun ang ibig kong sabihin. Aish!” Halos matanggal ang mga hibla nya sa tindi
ng pagsabunot nya sa sarili nya. Huhuhu naasar na yata si Louie sa’kin. “Tignan mo
sobrang gulo nitong apartment nya.” Sa pangatlong pagkakataon ay inilibot ko ulit
ang tingin ko sa paligid.

“Oo nga magulo nga.” Sagot ko, kita ko namang magulo eh. Hindi naman nya kailangan
sabihin pa. Ano bang nangyayari dito kay Louie.

“Kanina tinawagan ako ni Momo.” Nakayuko si Louie at tila ba paiyak na ang boses.
“Ang sabi nya tulungan ko sya.” Nanatili lang akong nakatayo at nakikinig sa
sinasabi ni Louie. Tumunghay sya at tumingin muna ng diretso sa akin bago
nagpatuloy. “May nadinig akong nagsalitang lalaki sa kabilang linya Aemie.” Kumunot
ang noo ko dahil sa sinabi ni Louie. Lalaki? Bakit naman magkakaroon ng ibang
lalaki na kasama si insan?

Napasabunot si Louie sa ulo nya at hindi magka-intindihan sa gagawin.

~I’m a Barbie girl, in a Barbie world, the life in plastic it’s fantastic—

“Hell—“

[Where are you?]


“Nandito sa apartment ni insan. Hehehe.” Lumayo ako saglit kay Louie para hindi nya
madinig ang ibubulong ko kay Zeke. “Dong, feeling ko si insan na-kidnap din.”
Bulong ko sa phone.

[Huh?]

“Oo. Hehehe, pero feeling ko lang yun ah. Hindi ko pa sure.”

[SMS me your exact location.]

“Uhhmm ngayon na ba?”

[Yes.]

“Sige hehehe.” Dinukot ko ang sa bulsa ko yung maliit na papel na pinag-listahan ng


address nitong apartment ni insan at saka itinext kay Zeke. “Natext ko na dong!
Nareceive mo na ba?”

[Yeah. Will be there in 15mins. Don’t go anywhere else.]

“Okay!”
***

“Hwag ka na malungkot Louie, makikita din natin si insan no.” Magkatabi kaming
nakaupo ni Louie sa gutter sa labas ng apartment ni insan nung dumating si Zeke.

“You better go home Birkins.” Nakatingin samin si Zeke ng diretso habang nakaupo pa
din kami ni Louie sa gutter. Sumubsob si Louie sa dalawang tuhod nya na magka-
dikit. Hehehe para syang bata minsan. Ako naman ay binalik ko ang tingin ko kay
Zeke. Kahit hindi sya nagsasalita ay naiintindihan ko ang gusto nya iparating sa
mga tingin nya.

“Uhmm Louie, gusto mo kami na lang ang humanap kay insan?” Lumapit ako sa may tenga
ni Louie at saka bumulong. “Dali na, masama na tingin ni Zeke eh.”

“Ehhh. Gusto ko sumama sa pagha-hanap kay Momo” Hehehe. Tama nga si insan, parang
bakla nga si Louie lagi.

Tumingin ulit ako kay Zeke na napa-iling na lang.

***

Sebastian’s PoV

“Saan punta mo baby?”

“Sa impyerno.”

“Pfft. Pupunta ka pa ng impyerno eh dito pa lang nag-uumapaw na hotness ko.”


Sinamaan ko ng tingin si Lampe dahil sa sinabi nya. Gagong ‘to. Kapal din mukha
dre.

“Ewan ko sa inyong dalawa.”


Dinampot ko ang naka-sampay na hoody jacket ko sa sofa at saka sumunod kay Milka
papuntang kusina. “Sasamahan na kita baby.”

Pinuno nya ang isang baso ng tubig at saka ako tinignan ng masama. “No thanks.”

***

Aemie’s PoV

“Sigurado bang nandyan si Momo?” Isinampa ko ang dalawa kong paa sa upuan ng
passenger’s seat at saka hinarap si Louie na nakaupo sa likuran ng kotse. “Oo
Louie, gusto mo bang tignan pa natin sa loob para sure? Hehehe.” Tinignan ko ang
isang malaking mansion. Malayo kami pero kitang-kita namin mula dito kung gaano
karami ang mga lalaking aramado ng baril na naka-bantay sa paligid ng mansion.

“Ano pang hinhintay natin? Pasukin na natin ang loob.” Nagkatinginan kaming dalawa
ni Zeke dahil sa sinabi ni Louie. Natatawa ako kasi kahit ilang ulit syang
napalunok ay ready pa din syang pumasok sa loob. “Sigeeee!” Pagsang-ayon ko,
hihihi.

Kukuhanin ko sana ang baril na nasa loob ng console box pero hinawakan at pinigilan
ni Zeke ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Umiling si Zeke bago nagsalita.
“We’ll drive you home Birkins. We can’t stay here for long. They might see us.”
Sumampa ulit ako sa upuan para silipin si Louie sa likod.

“Hindi ba natin ililigtas si Momo?” Malungkot at dismayadong tanong nya. “Hehehe


ite-text na lang kita Louie.” Sabi ko, para naman gumaan ang loob nya kahit
papaano.

“Sit properly wife.” Utos ni Zeke kaya umayos ako ng upo at tumingin ulit sa
mansion habang marahan na umaandar ang kotse. Posible kayang nandito din si mommy
sa loob? Sinulyapan ko saglit si Zeke na diretsong nakatingin sa kalsada at tahimik
na nagda-drive.
Paano kaya nalaman ni Zeke na nandito si insan sa loob ng mansion na ‘to?

“Why?”

“Hehe walaaa!”

***

Milka’s PoV

“Tumawag si Mr. Roswell. Wala daw aalis, papunta daw sila dito ni Aemie.” Kuya
Kaizer stated throwing himself on the sofa.

I stopped for a while from tying the shoelaces. Bakit kaya?

“Why? Gabi na ah.” Ate Meisha asked on her way down the stairs.

Bumalik ako sa pagsisintas ng sapatos pero patuloy pa din akong nakinig sa kanila.
“Hindi ko din alam, wala namang sinabing iba eh.”

“Tatawagan ko na din sila Lee at Fauzia.” Saad ni kuya Vash.

“Ge tol.”

“Oh baby paano ba yan hindi ka pa pwedeng umalis.” Sebastian smirked. Ughh napaka-
pangit talaga nito. “Tumahimik ka nga. Hindi mo ba alam na nakakairita ka na.” I
rolled my eyes bago ako tumayo para sundan si kuya Vash.

Kailangan ko mag-paalam kay kuya Vash. Baka makahalata sila Satana kapag hindi ako
umattend ng meeting sa kabila.
“Saan ka na naman ba pupunta baby?”

“Tigilan mo ako leche!” Bwisit na bwisit na ako dito kay Sebastian Lerwick. At
talagang sumunod pa sakin huh? Psh!

Sabay kaming huminto nung madinig namin ang boses ni kuya Vash na may kausap sa
cellphone.

“Nasaan ka ba talaga?.. Sigurado ka ba?... Aish... ”

Nagkatinginan kaming dalawa ni Sebastian ng naka-kunot ang noo dahil parehas ang
reaction naming dalawa. Like, who the hell is he talking to? Diba ang sabi nya si
kuya Jacob at ate Fauzia ang tatawagan nya?

“Sabihin mo lang kung pupuntahan kita... Sige babe...”

Babe? So si ate Caileigh?

Sumenyas sa akin si Sebastian at hinila ako paalis bago pa man makalingon sa pwesto
namin si kuya Vash.

“Hindi ba medyo weird yung kuya mo?” We’re now walking slowly dahil malayo na din
naman kami kay kuya.

I shrugged. Hindi ko alam kung a-agree ba ako sa sinabi nya or hindi. Well yeah,
nitong mga nakaraang araw, he’s a bit weird. But—“Siguro nagka-balikan na nga sila
ni ate Caileigh.” I said.

“Nag-break ba sila?” Gulat na tanong nya.

“Ang alam ko oo. Ewan ko sa kanila ni kuya. Hindi naman ako nagtatanong ng tungkol
sa relasyon nila eh.” Nagpatuloy ako sa paglalakad habang sinisipa ang maliliit na
bato sa dinaraanan namin. I can’t keep myself from thinking. May nangyari ba kay
kuya na hindi ko alam? Did I miss something important?

***

Sebastian’s PoV
Nakatungo akong bumalik kasabay si Milka. Syet! Kanina ko pa iniisip yung nadinig
ko kay Boul. Hindi kaya—“Oh ayan na pala ang dalawa boss.” Sh*t! Nandito na pala
sila Bossing at Ma’am Aemie. Matalim na ang tingin sa akin ni Bossing kaya
nagmadali na akong maupo sa pinakamalapit na upuan na nahagip ng mata ko.

“We’re going out tomorrow night.” Umpisa ni bossing. Hindi naman matinag ang tingin
ko kay Boul. Seryoso sya pero ilang ulit syang tumitingin sa cellphone nya.
Hinihintay ba nyang tumawag o magtext si Caileigh?

“Bukas pa? Bakit hindi pa ngayon dong?”

“Tss. I have some important things to do later.”

“Hayy! Ano ba yan, akala ko naman natapos mo na kanina yan.”

“Tss.”

Nagpabalik-balik ang tingin namin sa kanilang dalawa. Akala ko ba meeting?

***

Aemie’s PoV

“Tara na sa loob dong!” Hila-hila ko ang kamay ni Zeke pero parang estatwang bakal
ang hinihila ko sa bigat. “Dong, trip mo ba matulog dito sa labas?” Tanong ko. Kung
kalian naman kasing gabi at saka nya ine-enjoy ang view dito sa labas ng bahay ni
daddy.

“Yeah. Let’s go.” Sumagot sya pero hindi sya sa’kin nakatingin. Yung totoo, hindi
ito ang unang beses na ganito si Zeke, infact madalas nga eh. May sakit kayang
ganun?
“Anong gusto mong kainin Zeke?” Tanong ko. Hawak-hawak ko pa din ang isang kamay
nya habang naglalakad kaming dalawa papuntang kusina. Alam nyo naman si Zeke kapag
kung saan-saan tumitingin, mamaya mawawala na. Kaya mas mabuti pang hawak ko kamay
nya diba? Hehe.

“Anything will do.”

“Okay!” Masiglang sagot ko at saka kaming dalawa nagpatuloy sa paglalakad papuntang


kusina.

“Good evening po Ma’am Aemie, Sir Ezekiel.”

“Goodevening din po hehe.” Bati ko kay ateng kasambahay pabalik. “Zeke sya yung
sinasabi ko sa’yo.” Bulong ko.

“Ahh Ma’am Aemie, ano po ang gusto nyong kainin. Ipaghahanda ko po kayo.”

“Hwag na ate ako na po ang mag-luluto. Hehehe.” Sabi ko. Mas maganda kasi kung ako
ang maluluto diba nakalagay sa 10 ways on how to be perfect wife yun?

Pumunta na ako sa may ref para maghanap ng mga iluluto nung naglakad si Zeke
papunta sa may pinto ng kusina papunta sa likod ng bahay. “Dong saan ka pupunta?”
Tanong ko kaya lumingon sya sa direksyon ko.

“I am going to take a walk.”

Ng ganitong oras?

Tumango na lang ako at saka binalik ang tingin ko sa ref kahit hindi naman ako
sang-ayon sa sinabi nya. Hayy! Weird talaga yun si Zeke.

“Uhh—wife”
Lumingon ulit ako dahil tinawag ako ni Zeke. “Oh bakit dong? Akala ko ba
maglalakad-lakad ka?” Takhang tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang cheese,
ano kayang masarap iluto?

“Yeah, but would you mind if I ask you to join me?”

“Sa paglalakad?”

“Yeah.”

“Uhh—“ Tumingin ako kay ateng kasambahay na naglalakad na paalis, at mukhang


papuntang salas pero natigilan din sya nung inaya ako ni Zeke. “Uhh ate, okay lang
po ba kung—“

“Opo naman Ma’am Aemie, sige po. Ako na po ang magluluto. Samahan nyo na po si Sir
Ezekiel sa labas.”

Ibinalik ko ang cheese sa loob ng ref at saka naghugas ng kamay. Bago ako lumapit
kay Zeke.

“Ano ba naman naisipan mo Zeke, gabing-gabi na gusto mo pang maglakad sa labas.”


Bulong ko sa kanya. “Nakakahiya kay ateng kasambahay, sya pa pinagluto ko ng
pagkain natin.” Hayy! Minsan talaga isip bata ‘tong si Zeke.

“I don’t want to leave you alone inside. That’s why I asked you to join me.”
Seryoso ang tono ng boses ni Zeke kaya hindi na ako kumontra. “Bakit dong, may
problema na naman ba?”

“Something’s weird in this house.”

Mabilis pa sa alas-kwatrong pumulupot ako sa braso ni Zeke at sumubsob dahil sa


sinabi nya. Huhuhu. Ayoko ng multo. “Nasaan dong? Ilan sila?” Kinakabahang tanong
ko sa kanya.

“I’ve seen three not so far away from the entrance of your house. Two while on the
way to your kitchen and dining area and four at this moment.” Waaaaaaaa! “Hwag ka
namang manakot dong!” Mas lalo ko pang isinubsob ang mukha ko sa braso ni Zeke
dahil sa kaba. Ayoko talagang makakita ng multo. Huhuhu.

“Pfft. They can’t harm you.” Malamang patay na ang multo pero di ba may mga multong
nananakit ng mga tao? “Pero malay mo naman Zeke.” Tumingin ako sa kanya. Nakangiti
sya sa’kin kaya medyo nawala ang kaba ko. “I will kill them before they do.”

Eh? Sira-ulo ba to? “Paano—“

Mabilis akong niyakap ni Zeke gamit ang isang kamay kaya hindi ko naituloy ang mga
sinasabi ko. Sunod ko nalang namalayan nung makabitaw na sya sa’kin. Tinignan ko
ang mukha nya at laking gulat ko nung makita kong—“Waaa dong may sugat ka sa
mukha!” Paanong nagkasugat si Zeke?

Nakatingin si Zeke sa malayo at nung tignan ko ang isang kamay nya ay may hawak na
syang baril. Maya-maya pa ay itinaas nya ang kamay nya at kinalabit ang gatilyo ng
baril. Walang kahit na anong ingay ang nilikha ng baril dahil may silencer na
nakalagay.

Tinitigan kong maigi yung lugar na tinitignan ni Zeke pero wala naman akong makita.
Sobrang dilim sa banda roon kaya hindi ko maaninag kung ano ang nakikita nya na
hindi ko nakikita.

Omygod!

Wag nyong sabihing yun na yung multong tinutukoy nya?

“Waaa dong! Umalis na tayo dito.”

***
“Dong tingin mo ba kailangan ko ng tumawag ng mga espiritista?” Hindi ko alam kung
gaano katagal na tong bahay ni daddy, pero kung hindi ako nagkakamali eh pagmamay-
ari pa ito ng mga magulang nya. Kaya siguro maraming mga espiritu dito sa loob ng
bahay.

“What the hell are you talking about?” Tanong ni Zeke habang paikot-ikot sya sa
loob ng kwarto ko. Pumunta sya sa banyo, tapos lumabas din agad at sumilip sa
bintana ng kwarto.

“Sabi mo diba may mga multo dito sa bahay?” Huhuhu. Tapos ngayon nagkakaila sya.
Tinatanggi na nya mga nakita nya.

Tumigil sya saglit at saka tumingin sa’kin. “Did I say ghosts?”

“Hindi ba multo?” Takhang tanong ko.

“No.”

Eh pero teka—“Kung hindi mga multo, ano yung mga nakita mo?” Tanong ko. Pero at the
same time nakaramdam din ako ng excitement sa katawan. Feeling ko adventure time
to. Hehehehe.

“Group of bad guys?” Patanong na sagot nya.

Waaaaaa! Sabi ko na eh! OMG! “Nandito ba sa loob ng bahay ni daddy?” Excited na


tanong ko.

“Maybe? I don’t know.”

Halos sabay kaming lumingon ni Zeke sa gawi ng pinto nung may nadinig kaming
kaluskos.

“Shit!”

“Bakit Zeke?”
“I forgot to bring ammunition.”

Eh?

“Ibig sabihin—“

“I have no bullets left” Inalis pa ni Zeke ang magazine ng baril nya at ipinakita
sa’kin.

Feeling ko lumundag ang puso ko sa kaba. Omygod! Paano kami mag-a-adventure nyan
kung walang bala ang baril ni Zeke?

“Wait! Nandito yata yung baril ko.” Tumakbo agad ako sa mga drawer para hanapin ang
Teka—“Saan ko ba kasi inilagay ang baril ko?” Hindi na ako magkaintindihan sa pag-
bubukas ng mga drawer. Waaaaa!

We’re doomed!

“They’re here.” Kalmado ang boses ni Zeke pero ang puso ko gusto ng tumalon palabas
ng katawan ko sa sobrang kaba.

“Hala Zeke ano gagawin natin?” Kinakabahang tanong ko. Parang sa buong buhay ko
ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

Hinawakan ni Zeke ang kamay ko at saka kami naglakad papunta sa may pinto. Akmang
bubuksan na nya ang pinto nung pinigilan ko sya. “T-teka dong. Bakit mo bubuksan
ang pinto”

“It’s alright. We’ll get through this.” Nakangiting sambit nya.

Waaaaaaa! Paano nya nagagawang mag-relax ng ganun eh kung mga masasamang tao pala
ang nadito at saka—

Waaaaa! Kumapit ako ng mahigpit sa braso ni Zeke nung buksan nya ang pinto ng
kwarto ko.
Sobrang dilim, halos wala akong makita. Nakadinig ako ng kaluskos sa kanang bahagi
ko. Sinubukan kong kumawala sa pagkaka-hawak ni Zeke para sana lumaban sa nasa
gilid ko pero hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko.

Sunod kong naramdaman ay ang matigas na kung ano na nakatutok sa may ulo ko.
“Sumunod kayong dalawa samin.” May awtoridad ang boses ng lalaking nagsalita. Pero
pakiramdam ko kilala ang boses na yon.

Hawak-hawak pa din ni Zeke ang kamay ko nung madinig kong bumulong si Zeke. “Just
follow them wife.” Bulong nya sa kaliwang tenga ko.

Nagtatalo ang isip ko kung susunod ba ako o hindi. Paano kung may mangyari ulit sa
aming dalawa? Paano kung sila pala yung mga kumidnap kay insan at kanila mommy?

Waaaaaa! Huhuhu!

Bakit ba kasi ang shunga ni Zeke? Sa dami ng iiwan yung bala pa.

Hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko nalang kung ano ang mangyayari.

Ilang Segundo na din kaming nakatyo nung piniringan ako ng hindi ko alam kung sino.
Epic din ‘to si kuya eh. Madilim naman, kailangan pa nya ako piringan. Hayy.

***

Tahimik ang buong paligid, pero ramdam kong nasa loob kami ng sasakyan. Hehehe. Ang
cute pa kasi hanggang ngayon magkahawak-kamay kami ni Zeke. “Zeke ikaw ba yan?”
Paninigurado ko, baka kasi mamaya hindi na sya ang ka-holding hands ko eh. Kanina
pa kasi sya tahimik.

“Yeah.”

“Gaano ba katagal tong byahe? Nagugutom na ako eh.” Angal ko. Dapat kasi kumain
muna kaming dalawa kanina. Ito naman kasing si Zeke inuna pa paglalakad-lakad sa
labas eh.

Nag-antay ako kung may sasagot, pero wala namang sumagot sa tanong ko. Medyo snob
tong mga kidnappers namin. Sana yung kumidnap kila insan at mommy hindi snob.

Ilang minuto pa ay huminto na din ang sasakyan. Buti naman! Akala ko plano nilang
mag-joyride hanggang umaga eh.

“Baba!” Utos ng isang lalaki.


Ako ba?

Kami ba ang kausap?

Nanatili muna akong nakaupo kasi baka hindi naman kami ang kausap ni kuyang
kidnapper. Masabihan pa ako ng feeling close or assuming.

“Hoy hindi ba kayo bababang dalawa dyan?”

“Wife.” Tawag ni Zeke sa’kin. “Oo ito na nga bababa na po hehehe.” Highblood
masyado, gabing-gabi na eh. Pinakiramdaman ko si Zeke na tumayo na mula sa
pagkakaupo. Inaalalayan naman nya ako nung tumayo din ako.

“Bilisan nyo ngang kumilos. Ang babagal. Tss.”

Grabe naman ‘to si kuya sya kya ang bumaba sa sasakyan ng nakapiring.

Pero infairness pamilyar talaga sa’kin ang boses nila. Oo, nila. Hindi lang naman
kasi isang lalaki ang nadidinig kong nag-uutos sa amin.

Medyo malayo din ang nilakad namin. Malakas ang ihip ng hangin, pakiramdam ko,
umakyat kami ng burol o bundok dahil puro pataas ang nilakaran namin.

Maya-maya pa ay naramdaman ko ng inalis ang piring sa mga mata ko.

Hindi ko pa halos maimulat ang mga mata ko dahil ang tagal ko ng naka-piring.
Masakit kaya sa mata. Kinusot-kusot ko pa ng maigi para makita kung ano ang nasa
paligid.

“Whoaaaa! Astig!!” Inikot ko ang tingin ko sa paligid na puno ng lanterns. May


buffet ng pagkain at may dining table na parang sa mga romantic movies.

“Surprise.” Sabi ni Zeke.

T-teka—“Bibitayin na ba tayo dong?” Tanong ko.


“Huh?”

“Bakit ang daming pagkain?” Tanong ko ulit. “Ang babait naman pala ng mga kumidnap
sa’tin, akala ko katulad nung mga napapanood sa t.v na ikukulong sa loob ng
madilim at masikip na lugar tapos walang—“

“Tss. It’s your birthday.”

“Ahh kaya pala.” Tumango-tango ako dahil ngayon naiintindihan ko na. “Enjoy pala
pag kinidnap ka ng birthday mo, sagot na ng kidnappers ang handaan.”

“Darn! I made this for you.”

Tumigil ako sa pag-ikot ng tingin sa paligid nung bumitaw sa akin si Zeke.

Sya daw?

“Ikaw may pakana ng pag-kidnap sa’tin?”

May sa abnormal naman pala talaga ‘to. Ipa-kidnap ba daw ang sarili.

***

Kaizer’s PoV

“Hwag kang tumawa dyan pre. Mamaya tayo na naman ang malilintikan kay bossing pag
uminit ang ulo nyan.” Paalala ni Lerwick sabay siko sa tagiliran ko.

“Pero naaliw akong utusan si boss kanina ah.” Singit ni Lee.

Ako naman pigil-pigil ko ang tawa ko, dahil hanggang ngayon ay hindi pa din
nakukuha ni Aemie ang lahat.

-Flashback-

“Oh boss, napatawag ka.”

[We’re on our way there.]

“Bakit? Anong meron?”

[It’s Aemie’s birthday.]

“Whoa! Talaga? Saan ang party?”

[I assigned it to Lee and Fauzia Arcadia. But don’t mention it to everyone until I
said so.]

“Areglado!”
Ibang klase talaga ‘tong loverboy namin! Matinde pa sa matinde! Aba nga naman.
Hanggang gabi luma-lovelife. Naglakad na ako pabalik sa salas nung maibaba ko ang
cellphone “Tumawag si Mr. Roswell. Wala daw aalis, papunta daw sila dito ni
Aemie.”Saad ko, at saka umupo ng gwapong-gwapo sa sofa.

“Why? Gabi na ah.” That’s my gorgeous sis. Meisha. Tumingin ako sa relos na suot
ko. 7:00 o’clock PM, hindi pa naman masyadong gabi. “Hindi ko din alam, wala namang
sinabing iba eh.” Palusot ko.

“Tatawagan ko na din sila Lee at Fauzia.” Prisinta ni Boul. Sige tawagan mo ng


tawagan. Pfft.

“Ge tol.” Sagot ko na lang. Panigurado din namang busy yung dalawang yun, pag-aayos
ng kung ano mang inaayos nila.

Jacob’s PoV

Nakangiti ako habang pinapanuod si boss at Ma’am Aemie. Kahit hindi sila
magkaintindihan sa nangyayari alam ko namang parehas silang masaya.

-Flashback-

“Gusto mo tulungan na kita dyan?” Inabot ko ang kanina pang inaabot ni Fauzia sa
taas. Pfft. “Thanks.” Sagot naman nya.

Ang ganda talaga nya, lalo na kapag—“Hwag mo akong titigan Lee, madami pa tayong
aayusin.” Nanumbalik ako bigla sa diwa ko nung pansinin nya ako. Shit! Tinititigan
ko ba sya? “Mabuti pa, tawagan mo na yung restaurant at i-remind mo na 8PM dapat
nandito na sila.” Utos nya.
“Yes boss!” Sagot ko. Pfft. Nagulat pa sya nung tinawag ko syang boss.

“Is everything ready?” Tinayuan ako ng balahibo sa batok nung madinig ko ang boses
ni Boss na nagsalita sa likod ko.

“Malapit na boss. Konting ayos na lang, saka inaantay na lang namin yung pagkain.”

“Good.” Tumango sya at saka inilibot ang tingin sa paligid. Hindi rin nakaligtas sa
mata ko ang box na hawak nya. Naks! Yun oh! “Regalo ba yan boss?”

“What do you care?” Sabi ko nga, hindi na ako mangingialam eh. Takte! Bakit ba kasi
ako ang nautusan dito. Dapat sila Lampe na lang. Ayoko pa naman nakaka-one on one
conversation si boss. Inabot nya sakin yung box na itim. “Keep this, we’ll be back
at nine.”

Woo! “Okay boss.” Sagot ko.

-8PM-

“Wow! Ang ganda na!”

Isa lang napansin ko sa mga babae. Pare-parehas silang mahilig sa mga kumikinang
tulad nitong lugar na to na kumikinang sa dami ng lanterns sa paligid.
“Anong oras ba sila dadating? Nagugutom na ako.” Angal ko. Tang*na naman kasi
kanina pa kami hindi kumakain ni Fauzia.

“Mamaya pa siguro ‘tol papunta pa lang daw sila doon sa mansion nila Master Eiji
eh.” Sagot ni Tristan Klein habang dumudukot sa mga pagkaing inihahain nung mga
waiter at waitress sa buffet table. May katakawan din pala ang isang ‘to.

Nung makaalis yung mga waiter at waitress galing restaurant na naghanda sa buffet
table ay kami-kami na lang ulit ang natira. Si Meisha, Cassandra, Spade Clifford,
Tristan Klein, Milka, at Fauzia.

Sila Boul, Lampe at Lerwick ay ang mga sumundo kila boss at Ma’am Aemie. Potek!
Ngayon pa lang naiinggit na ako dahil sigurado akong nag-eenjoy yung tatlong yun sa
ginagawa nila.

-End of Flashback-

***

Sebastian’s PoV

-Flashback-
“Tol sundan mo yung lovers dun sa likod, ako na dito” Nilagyan ko ng pampatulog ang
panyong hawak ko, at saka sumimple ng punta sa kusina nitong mansion nila Ma’am
Aemie. Nung matanaw ko na ang kailangan ko ay agad akong lumapit para patulugin.

“Oh akala ko ba susundan mo sila bossing sa likod?” Tanong ko kay Lampe nung makita
ko sya sa likod ko at sumisilip sa bintana.

“Anak ng tinapa tol! May tao.” Wika nya.

“Para-paraan ka na naman baby Lampe para ma-solo ako ‘no?” Pftt. Biro ko, pero
lumapit din ako para silipin ang tinatanaw nya. Natanaw namin si bossing na
pinunasan ang pisngi nya at mabilis na hinila si Ma’am Aemie palayo.

“Yo may mga tao sa taas, pero nalinis ko na.” Sabay kaming lumingon ni Lampe kay
Boul na kakapasok lang sa kusina.

Ampupu din naman ‘tong mga ‘to mahilig makisabay. “Iikot muna ako sa paligid, baka
ma-todas tayo dito ng walang kaalam-alam.” Sabi ni Lampe, kaya tinanguan namin sya.

***

“Bagal mo tsong kanina pa kami dito.”

Nakahanda na ang lahat, nakapatay na din ang ilaw dito sa tapat ng kwarto ni Ma’am
Aemie para hindi nya kami mamukhaan.
“Aray! Nakanampucha. Bakit ba kasi ang dilim.” Pftt. Pinigilan ko ang sarili kong
matawa nung matalisod si Lampe. “Kamuntik pa tuloy matikman ng sahig ang ka-
gwapuhan ko.”

“Ulul! Tsansing ka ‘tol ang kamay mo.” Paalala ko kay Lampe, nakahawak pa kasi ang
kamay nya sa balikat ko. “Alam kong kapag madilim ako naiisip mo baby Lerwick, pero
hwag ngayon. May trabaho tayo.”

“Sige, aasahan ko yang quality time natin mamaya.” Sagot ko, kaya tinulak nya ako.
Pfft. Mas nauuna lagi syang mapikon sa mga biruan.

“O game na Boul, buksan mo na pinto.”

“Bakit ako? Kayo na.”

“Ayoko nga. Marami pang nangangarap saking babae. Sa’yo wala naman. Buksan mo na.”

“Sus naman. Dali na ‘tol, gutom na ako.” Singit ko sa kanilang dalawa.

“Ikaw na kaya Lerwick. Wala namang babaeng iiyak pag namatay ka.”

Amputaness! “Teka naman ‘tol. Ikaw na! Sanay ka namang mabangasan. Nasa likod mo
lang naman kami.” Sagot ko sabay tulak kay Boul palapit sa pinto.
“Mga gago!”

“Psh! Nak ng tinola! Ang duduwag nyo naman. Ako na nga!”

“Sige baby Lampe! Sagot ko na kape.”

“Akin ang biskwit.”

“Tang*na nyo!” Lumapit si Lampe at nakinig sa pinto. “Shit! Palapit na sila.”


Bulong nya sabay takbo palayo. Sunod ding tumakbo palayo si Boul kaya tumakbo na
din ako palayo. Sabay-sabay kaming nag-abang sa paglabas ng mga kikidnappin namin.

Tanginang mga kidnappers ‘to oo!

-End of Flashback-

***

Aemie’s PoV
Kumakain na kaming dalawa ni Zeke sa dining table pero hindi ko pa din
naiintindihan ang nangyayari. “Dong, ikaw din ba kumidnap kay insan, mommy at
daddy?” Bulong ko.

“No.”

Ano baaaa! “Eh bakit tayo nandito?”

“Because it’s your birthday.”

“P-pero si insan.” Tumungo ako at saka nagpatuloy sa paghiwa nung karne sa plato
ko. Nung mapatigil ako dahil hinawakan ni Zeke ang kamay ko. “They will be fine.”
Sinserong saad nya. Ngumiti ako kay Zeke dahil nakangiti din sya sa’kin.

“Woooo! Gutom na din kami!” Mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Zeke.
Kanina lang nakangiti sya, pero ngayon masama na ang tingin nya sa likuran ko.

Lumingon ako sa likod at nakita sila Kaizer, Vash, Jacob, Sebastian, Milka, Meisha,
Cassandra, Fauzia, Tristan at Spade na nakatayo doon kaya ngumiti ako sa kanila at
inaya silang kumain. “Kain tayo.” Aya ko sa kanila.

Wala pang limang Segundo ay nakatakbo na sila palapit sa buffet table.

“Happy birthday Ma’am Aemie.”

“Happy birthday Miss Aemie.”

“Happy birthday Aemie.”


“Happy birthday ate Aemie.”

Halos sabay-sabay nila akong binati. Kaya napangiti ako. Ang sayaaa!

Pero mas masaya sana kung nandito sila mommy, daddy at insan.

***

A/N :

To be continued ang birthday ni Aemie. Hahaha ang haba na pala ng na-type ko. Sa
mga hindi pa nakakabili ng MHIAMB book, available na po ang MHIAMB volumes 1 & 2
(Season1) sa mga book stores nationwide. Pag wala, ask nyo lang po sa customer
service. P195 each po ang book. Yiii~ bili kayo ah! Thanks!

Birthday greetings : Happy birthday kay Ate Nikka Parreno ni Kaye Parreno :D

Happy teacher’s day sa mga guro! And Eid Mubarak sa mga muslims. :D Tama ba? Paki-
correct kung mali ha. TY. <3

=================

Chapter 14

Aemie’s PoV

“Do you want to dance?” Umiling ako nung tinanong ulit ako ni Zeke. Nakaupo lang
kasi kaming dalawa habang pinagmamasdan namin yung iba na sayaw ng sayaw. Si
guardian angel at si Jacob, si Meisha at Tristan, si Cassandra at si Spade, si
Sebastian at si Milka.

Actually, nakailang tanong na din sya sa’kin kung gusto kong sumayaw at nakailang
tanggi na din ako. Hehehe.

Pero teka—

Tumingin ako kay Zeke nung may maalala ako. “Bakit nga pala wala dito si Louie at
Caileigh?”

“Dong?” Tanong ko ulit, kasi umiwas sya ng tingin sa’kin. Anong problema? Birthday
ko kaya dapat mga friends ko nandito diba? Huhuhuhu.

“It is for the better.”

Tumungo na lang ako. Bakit nga ba ako nagtatanong pa.“Okay.” Sabi ko after a loud
sigh.

“Pfft.”

Eh? *pout* Bakit na naman ‘to tuma-tawa-tawa dito. Wala namang nakakatawa sa
sinasabi ko. “It is very unusual. I was expecting ‘Dong waaaa bakit nga kasi wala
sila dito? Hindi ba mas better pag nandito ang friends ko sa birthday ko?’”
Nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa ni Zeke. Ilang segundo din akong natigilan at
nakatitig lang sa kanya hanggang matawa na lang ako. “Ang sagwa mo naman dong,
hindi naman ako ganyan.” Ang OA naman kasi nya umacting hindi naman ako ganun eh.

“Pfft.”

Eh? Hindi ko maiwasang hindi mapatitig kay Zeke. Pagkatapos nyang magsalita ng ka-
weirduhan nagagawa pa nya talagang tumawa?

“Does it feel strange?”

“Huh?”

“Me, mimicking you?” Nakangiting tanong nya. Ganon ba talaga ako? Hindi naman ah.
“The feeling is mutual.”

Huh? Mutual?

“Sometimes you speak and act extremely strange as well wife.” Hinawakan ni Zeke ang
kamay ko kaya doon ako napatingin. “I sometimes feel that I am talking to myself.”
Tumingin si Zeke sa malayo pero hindi ko inaalis ang tingin ko sakanya. “I always
have this feeling of wanting to know what's running behind your thoughts, your
silence, your smile." Waaaa oo nga 'no? Ganun din ang nafi-feel ko.

Inalis ko ang tingin ko at tumungo dahil napaisip din ako. "Bakit nga kaya ganon?"
Ibig bang sabihin nahahawa na ako sa ka-weirduhan ni Zeke? Sinulyapan ko ulit sya,
bakit sya nakangiti?

"I always get surprised by your actions" Tumango ako, ako din. Madalas nagugulat
ako sa mga ginagawa ni Zeke. Lalo

"I admire your intelligence and I am always puzzled with your next plan." Talaga?
Pero diba mas mahirap naman isipin kung ano ang plano nya? Masyadong matalino si
Zeke, lalo na pagdating sa pagpa-plano ng mga bagay-bagay.

"I am having a hard time reading your thoughts." Eh? Kung hindi ba naman sya shunga
eh ano tingin nya sa utak ko wattpad? Hayy!

“And sometimes I feel that you’re completely a different person.” Talaga? Hindi
naman ako nag-iiba ah. “Strange... But I always end up finding the answer here.”
Unti-unting itinaas ni Zeke ang kamay ko at itinapat sa may dibdib nya.

Ang bilis ng tibok ng puso ni Zeke. Inilapit ko pa ang ulo ko sa may dibdib nya
para pakinggan ng maigi ang tibok ng puso nya. Sigurado ba syang may sagot syang
nakukuha? Eh puro lubdub-lubdub nadidinig ko.

"Would you ever forgive me if I--"

"Aemie!! Gusto mo bang sumayaw?" Tumingin ako kung sino yung biglang sumingit sa
usapan namin. "Kaizer." Bati ko sa kanya pabalik. Abot tenga naman ang ngiti nya at
saka ulit nagsalita. "Sayang naman kasi ang ka-gwapuhan ko kung hindi ko maiisayaw
ang birthday girl diba?"
Uhh? Pero ayoko namang sumayaw eh, at saka paano kung magalit si--

"Go ahead." Pakiramdam ko slow motion ang pagkakabitaw ni Zeke sa kamay ko. Tama ba
pagkakadinig ko? Sinabi ban yang ‘Go ahead’?

"Tara na Aemie?" Tinignan ko ang kamay ni Kaizer na nakalahad sa harap ko saka ko


ibinalik ang tingin sa kamay ni Zeke na bumitaw sa kamay ko.

"Zeke..." Payag ba sya talagang makipag-sayaw ako kay Kaizer? Ibinalik ko muli ang
tingin kay Kaizer bago tumitig ulit kay Zeke. Hindi kaya may hidden agenda 'tong
dalawang 'to? "...Zeke sigu--"

"Feel free to do whatever you wish to do wife"

"Aemie alam mo ba na masamang pinag-aantay ang mga gwapo?" Inabot ko ang kamay ni
Kaizer ng hindi iniaalis ang tingin kay Zeke. Tumayo ako at kasabay ng pagtayo ko
ay sya ding pagtayo nya at pagtalikod sa amin at saka sya nagsimulang maglakad
palayo.

Sometimes you speak and act extremely strange as well wife

"Sometimes you speak and act extremely strange."

"May sinasabi ka ba Aemie?"


Nasabi ko ba ng malakas yung iniisip ko? Huhuhu. "Ahh--Ehh he-he wala. May iniisip
lang."

“Aba pre, baka gusto mong ipahiram sa’kin si Miss Aemie?”

“Ulul! Ngayon pa nga lang kami magsisimulang magsayaw sisingit ka pa. Mamaya ka
muna tol, umpisa sa pinaka-gwapo, dun ka muna kay Milka.”

“Pfft, selos ka na naman ba baby Lampe?”

Eh? Isasayaw lang pala ako ni Kaizer para pag-selosin si Sebastian?

“Hoy lalaking panget! Hindi pa ako tapos sa’yo. Nandito ka lang pala.”

“Baby naman—“

Nagsimula ng maghabulan sila Milka at Sebastian, kaya natawa na ang iba sa kanila.
Si Kaizer naman tinawag ng ate nyang si Meisha kaya naiwan na akong nakatayo dito
sa gitna habang pinapanuod silang lahat.

--
“Gusto mo na bang umuwi hubby?” Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa railings na
bakal. Tanaw mula dito sa kinatatayuan naming dalawa ni Zeke ang mga ilaw sa
siyudad. Dahil medyo malayo malayo kami, mukha tuloy silang mga bituin na
nagniningning sa gabi. Hehehe. Ang cute!

“Pagod ka na?” Tanong ko ulit.

“Hmm it’s nothing.”

Nothing daw, eh kahit naman hindi nya sabihin halata namang hindi okay si Zeke.
“Hehehe tara na umuwi, mukha namang hindi ka okay.”

“No, I just suddenly felt dizzy but I’m alright.” Alright pero nakahawak sa ulo?

--

Inilapag ko lahat ng regalo na natanggap ko pagkapasok namin ni Zeke ng kwarto.

“I told you, I am perfectly fine.”

“Magpahinga ka na lang dyan.” Itinulak ko si Zeke ng hindi naman super lakas sa


kama, paano naman kasi, kung hindi ko pa hihilahin eh wala talagang balak umuwi.
Alam ng masama pakiramdam nya eh inuuna pa pagpa-party.
“What the?!”

“Hehehe”

“Tss.”

Lumapit ako at saka hinipo ang noo nya. “Kita mo na, kita mo na!!! May lagnat ka
eh.” Inis na sabi ko. Bakit ba minsan pabaya sya sa sarili. “Saglit, kukuha lang
ako ng gamot.” Tumakbo agad ako papuntang kusina para kumuha ng gamut sa lagnat at
tubig.

“Dong! Ito na ang gamot oh inumin mo mu—“ Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko
dahil nakapikit na si Zeke at mukhang mahimbing na ang tulog. Grabe! Ganun ba sya
kapagod at mukhang nakatulog na agad sya? Itatanong ko pa sana kung gusto nya
manuod ng movie eh. Huhuhu may regalo pa namang DVD sa’kin si Milka. Ipinatong ko
ang gamot at ang baso na may tubig na hawak ko sa ibabaw ng bedside table at saka
umupo sa tabi nya.

--The Next Day—(6:00PM)

“Okay ka lang ba Aemie?”

Eh? Napasandal ako sa swivel chair na inuupuan ko dahil sobrang lapit ng mukha ni
Kaizer sa mukha ko. “Anong ginagawa mo dito sa opisina Kaizer? May kailangan ka
ba?”
“Anak ng! Kanina pa ako nandito ngayon mo lang ako napansin?” Kanina pa ba sya
dito? “May isang oras na akong nandito sa loob ng opisina ngayon mo lang ako
napansin? Amputs!”

“Hehehehe. Sorry may iniisip lang ako.” Si Zeke kasi eh, hindi ko maintindihan kung
ano bang drama nun sa buhay.

-Flashback-

“Sigurado ka bang aalis ka? Pero maaga pa ah, at saka masama ang pakiramdam mo
diba? Matulog ka kaya muna dong.” Sinubukan ko pa ding pigilan si Zeke kahit nasa
loob na sya ng kotse nya. “Sure ka ba talaga? Ang sarap pa kayang matulog, ayaw mo
bang magpahinga muna?” Sino ba naman kasing siraulo ang aalis ng alas dos ng
medaling araw, may lagnat pa sya nyan ha.

“Yeah.”

“Pero Zeke—“ Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nasimulan na nyang paandarin


ang kotse. Kaya naiwan akong nakatayo habang pinagmamasdan ang kotse na paalis.
“Ingat ka dong ah! I love you!” Hiyaw ko. “Nadinig kaya nya sinabi ko?” Hayy!
Makapasok na nga sa loob, inaantok pa ako eh.

-End of Flashback-

“Huy Aemie!”
“Hehehe ano yun?”

“Sabi ko nasaan si Mr. Roswell? Aish! Bakit ba wala ka sa sarili.”

“Uhh—si Zeke?” Tinignan ko ang cellphone ko na nakalapag lang sa tabi ko. Usually
naman nagte-text si Zeke, or tumatawag. Bakit ngayon kahit isang tawag wala?

“Ahh! Alam ko na, baka naman nililigtas na ni Mr. Roswell yung pinsan mo.”
Napatingin ako dahil sa sinabi ni Kaizer, kumindat pa sya nung magtama ang mata
namin. Oo nga ‘no?! Ang sabi ni Zeke sya na ang bahala kay insan eh.

“Ano ‘to?” Kinuha ni Kaizer ang box na itim na katabi ng cellphone ko, at saka
bikusan. “Whoaaa! Ang gara! Bigay ba ‘to ni Ezekiel sa’yo?” Hawak-hawak na nya
ngayon yung bracelet na laman nung black box.

“Ahh hindi, nakita ko lang ‘yan sa ibabaw ng lamesa sa gilid ng kama namin.”

Inumpisahan ko ng iligpit ang mga kalat sa ibabaw ng desk nung matanaw ko sa glass
window na madilim na.

“Nasa ibabaw ng table? Edi sa’yo nga!”

“Hindi yan sa’kin ‘no! Wala naman ako natatandaang bumili ako ng alahas eh.” Nakita
ko lang naman talaga ‘yun dun sa ibabaw ng bedside kanina nung magising ako ng mag-
a-alas dos. Naisipan ko lang dalhin dito sa opisina para pagka pumunta si Zeke
maibigay ko..
Pero mukhang hindi naman sya dadating. Hayy!

***

Kaizer’s PoV

Ibinalik ko ang bracelet sa loob ng black box. Takte naman ‘tong si Ezekiel, anong
oras ba nya balak bumalik. “Gusto mo bang kumain muna Aemie?” Gabi na ah.
Sinulyapan ko ulit ang relos ko.

“Ahh ‘wag na, sa bahay na lang ako kakain. Hehehe.”

Amputs! “Binilin ni Mr. Roswell na samahan kitang—“

“Nagkausap kayo ni Zeke? Kailan, nasaan daw sya? Bakit hindi sya tumatawag sa’kin o
kahit text? Anong oras daw ba sya uuwi para makapagluto ako sa bahay?”

Itinaas ko ang dalawang kamay ko para pigilan si Aemie. “Awat muna, isa-isa lang
ang tanong. Alam kong gwapo ako pero takte. Hindi ko naman kayang sagutin ng sabay-
sabay mga tanong mo.” Mukha namang nakuha ni Aemie ang sinabi ko kaya huminahon
sya.

“Nagkausap kayo ni Zeke?” Tanong nya.


“Mismo!” Sagot ko.

“Kailan?” Tanong nya ulit.

“Kaninang tanghali.” Tumungo sya at saka bumalik sa pagkakaupo sa swivel chair. May
hindi ba ako magandang sinabi? Takte! Minsan talaga hindi ko maintindihan ang mga
babae.

“Okay lang daw ba si Zeke?” Tanong nya ulit, pero this time halata na ang malungkot
na tono na boses nya.

“Bakit Aemie? Nag-away ba kayo ni Mr. Roswell?” Curious na tanong ko.

“Nag-away ba kami?”

Nakakapagtakha, bakit nga ba hinabilin sa’kin ni Mr. Roswell si Aemie.

“Fetch her and accompany her for a while.”

“Teka lang Aemie ah, lalabas lang ako saglit.” Tinanggal ko ang unang butones ng
longsleeve na suot ko, at saka itinaas ang magkabilang sleeve nung makalabas ako ng
opisina para magpahangin. Pucha! Ano na naman kaya pina-plano ni Ezekiel?
“Ouch!”

Anak ng! Napalalim yata ako ng iniisip at hindi ko na napansin ang mga
nakakasalubong ko. “Pasensya na— Sierra?“ Humawak ako sa dibdib ko dahil hindi ko
mapigilan ang mabilis na kabog.

Nakatitig ako hanggang pulutin nya ang mga envelope na nahulog nung magkabanggaan
kami. Anak ng tinolang pusa! “A-Ako na dyan.” Shit!

“Its fine, napulot ko na ‘no” Anak ng! Bakit ba ang bagal ng reflexes ko. “See you
around.” She waved her hand at tatalikod na sana. Syet chance ko na ‘to eh. “S-
saglit.” Pigil ko. “Yes? May kailangan ka ba?” Shit! Bakit ba kinakabahan ako.
Tatanungin ko lang naman kung “N-nag-dinner ka na ba?” Nyemas naman ano bang
problema at ngayon pa ako nautal.

Ipinihit nya ang katawan nya paharap sa gawi ko, kaya magkaharap na kami ngayon. I
gulped. Did I sound rude? “Not yet, why? Manlilibre ka ba” She replied with a
teasing smile. “Naman!” Yes! Pucha! “Okay, see you in 15 minutes, mag-aayos lang
ako.”

“Sure thing.” Kaswal na sagot ko saka nakapamulsang sumunod sa kanya at sumandal sa


pader katabi ng pintuan ng opisina nya.

***
Aemie’s PoV

Nakatungo ako sa desk at tinititigan ang cellphone ko. Tatawagan ko ba si Zeke? O


hindi? Ini-slide ko na ang screen para ma-unlock at hinanap ang number ni Zeke sa
phonebook. Ilang segundo pa akong nakakatitig hanggang sa automatic na mag-lock
ulit ang screen.

“Hayy! ‘Wag na nga, baka busy lang ‘yun.”

Bakit ba ganito nararamdaman ko? Ayoko namang tawagan si Zeke pero gusto ko, ni
hindi ko na nga maialis ang tingin ko sa phone eh.

Mabilis kong inunlock ulit ang phone at denial ang number ni Zeke..

Ringing...

Ringing...

Ringing...

The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try
your call later.
Eh? Tinry ko ulit tawagan pero hindi na nag-ring. Out of coverage daw? Baka naman
empty batt na. Bahla na nga!

**

Naglalakad ako papunta sa isang restaurant malapit sa building company pero


palingon-lingon ako sa paligid, baka kasi makasalubong ko si Kaizer, sabi nya kasi
saglit lang sya pero hindi na bumalik.

“Saan kaya nagpunta ‘yun?”

Kaka-lakad ko ng kaka-lakad hindi ko napansing medyo nakalayo na pala ako. Doon


lang dapat ako sa may restaurant malapit sa company eh. Pero hayaan na nga. Pwede
na din naman dito.

“Good evening Ma’am.”

“Hello po.”

“Do you have any reservation?”

“Uhh—“ Kailangan pa ba nun? Dapat nagkarendirya nalang kasi ako eh. Huhuhu. “Wala
po hehehe.”
“Table for how many Ma’am?” Lumingon ako sa kaliwa’t kanan ko dahil sa tanong ni
Kuyang waiter, isa lang naman ako ah. “One po hehehe.”

“Okay po, this way po.” Pagkatapos nyang sabihin ‘yun ay nauna syang maglakad kaya
sumunod ako.

Pagka-upo ko ay iniabot sa akin ni kuyang waiter ang menu. Sayang wala si Zeke.
Speaking of Zeke, kinuha ko agad ang cellphone dahil baka nag-text or tumawag sya
ng hindi ko nadidinig. Hayy. Kumain na kaya sya?

Carabona, lasagna, spaghetti...

Ini-scan ko ang menu nung mapasulyap ako sa may pinto at.. Zeke?

Hindi ko alam kung bakit pero napako ako sa kinauupuan ko. Hindi ako pwedeng
magkamali sa nakikita ko. Si Zeke ‘yun.

Pero sino ‘yung babaeng kasama nya?

Kasabay ng paglingon ni Zeke sa gawi ko ay ang paghila ko sa taong dumaan sa harap


ko. “Hey, miss.” Mahina lang ang boses nung lalaki pero tinakpan ko ang bibig nya.
Hindi ko padin binibitawan ang damit nya hanggang makaupo sya ng ayos. Buti naman
at nakaupo na din si Zeke at yung babaeng kasama nya.
Nakatalikod si Zeke sa gawi ko kaya imposibleng makita nya ako dito. Sa tapat naman
nya nakaupo ‘yung babae.

“Sino ba ‘yang tinitignan mo Miss?” Saka pa lang nagsink-in sa utak ko na may tao
nga pala sa harap—“Teka bakit ang lapit ng mukha mo sa’kin?” Gulat na gulat na
tanong ko. “Sino k aba?” Dagdag ko pa.

“Pfft. Hahaha. Ikaw kaya ang humila sa’kin. Tapos ako tatanungin mo kung sino ako?
Ibang klase.” Kumamot sya ng ulo nya at tatayo na pero pinigilan ko. Lumipat ako sa
upuan sa tapat nya para nakatalikod din ako sa gawi ni Zeke. “May tinataguan ka
ba?” Tanong nya. “Yun bang lalaking ‘yun”

“Ano ka ba! ‘Wag mo ngang ituro si Zeke, baka makita ka nya.”

-Flashback-

“Waaa-mmp” Hihiyaw sana ako nung may humila sa akin pero naunahan nyang takpan ang
bibig ko. “Sshh! Wag kang maingay.” He warned. Pero hindi sya sa akin nakatingin.
Doon sya nakatingin sa tatlong lalaki na sumusunod sa akin.

Nung maramdaman kong lumuwag ang pagkakatakip nya sa bibig ko ay hinawakan ko ang
kamay nya para alisin. Saka ko nilingon yung tatlong lalaki. Nakita ko kung paano
sila nagpalinga-linga at saka naglakad palayo. Pero bago ko alisin ang tingin ko sa
kanina ay nahagip ng mata ko si Milka.

Nandito pa din sya? Akala ko ba pupunta na sya kay Vash? Pero ilang saglit pa ay
may-dinial sya sa cellphone at saka naglakad din palayo.

“Wala na sila.” Bulong ko.


“Bakit ka ba nila sinusundan?” Lumingon ako sa likod para tignan yung nagsalita.
Bakit nga ba nila ako sinusundan? “Hehehe, hindi ko nga alam eh.”

Kumunot ang noo nya saka ulit nagtanong. “Baka naman may atraso ka sa kanila?”
Atraso? Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari kanina, naningkit naman ang mga
mata nya saka inilapit ang mukha sa akin. “Nagnakaw ka siguro sa kanila no?”

Eh?

Nakaw?

“Hindi no!” Bakit ko naman sila dedekwatan eh baril lang naman dala nung lalake.
Meron naman akong baril. At saka isa pa ang sabi ni mommy masama daw magnakaw.
Maka-bintang naman sya agad *pout*

“Hahahaha! Biro lang. By the way I’m Andrei.”

“Ahh hehe okay Andrei, aalis na ako ha? Sige salamat.” Pagka-paalam ko ay nagsimula
na akong maglakad palayo.

“Wait ihahatid na kita” Nagulat ako nung nakatakbo na pala agad sya at nasa harap
ko na agad.
“Naku wag na! Hehe kaya ko naman umuwi mag-isa.”

“No, I insist. Baka mapahamak ka pa.”

-End of Flashback-

Omygoddd! Kaya naman pala pamilyar ang itsura nya eh. “OMG ikaw ‘yung—“

“Hahaha ikaw yung babaeng may tinataguan din sa Mall diba?” Putol nya sa sinasabi
ko.

“Andrei tama?”

“Yup, and you are?”

“Aemie, hehehe.”

“Pfft. Bakit tuwing magkikita tayo lagi kang may tinataguan?” Tanong nya.

To be honest, ang gaan ng loob ko sa kanya. Mukha kasi syang mabait, saka lagi pa
syang nakangiti. “Aemie? Okay ka lang ba? Hahaha natulala ka na dyan.”
“Ha? Hehe sorry, ano kasi ‘yung sinasabi mo?”

“Sabi ko bakit lagi kang may tinataguan?” Speaking of tinataguan, dahan-dahan akong
lumingon sa likod ko at nagtago sa menu para silipin si Zeke. Nagsasalita ‘yung
babae at nakangiti. Ano naman kayang sinasabi nya kay Zeke? Hindi kaya binu-bully
na nya si Zeke? Nakakainis ha. “Sino ba kasi ‘yang babaeng ‘yan.”

“May atraso ka bas a kanila?”

Eh?? “W-wala ah.” Umayos na ako ng upo at humarap na ulit kay Andrei, “Wala pala eh
bakit ka tingin ng tingin sa kanila tapos tago ka pa ng tago.”

Oo nga ‘no? Bakit nga ba ako nagtatago eh wala naman akong kasalanan. “Hindi ko din
alam eh, hehehe.”

**

“Hehehe talaga?”

“Yup. Hahaha nakakahiya talaga.”

Kanina pa kami nake-kwentuhan ni Andrei habang kumakain, halos hindi ko na nga


namalayan na lumipas na ang oras. At tapos na ding kumain sila Zeke, pero bakit
hindi pa sila umaalis?
Kakatanong ko pa lang sa isip ko nung tumayo ‘yung babaeng kasama nya. Nung
makaalis ‘yung babae ay kinuha ni Zeke ang cellphone nya. Yes! Pagkakataon ko na
‘to para tawagan si Zeke.

“Uhh Aemie gusto mo bang umorder ng dessert?”

“Shh” Sumenyas ako kay Andrei nung mag-ring ang phone ni Zeke sa kabilang line.

[Wife.]

“Z-zeke hehehe.” Hindi ko nilalakasan ang boses ko dahil baka madinig nya na
nandito lang din ako sa loob ng restaurant. Ang hirap pala nito.

[Hmm?]

Ano nga ba sasabihin ko kay Zeke, huhuhu eh kanina kaya ko tinatawagan para itanong
kung nasaan sya eh. “Ahh itatanong ko lang sana kung ano gusto mong iluto ko
hehehe.”

[Any.] Ughh, bakit nga naman kasi pagkain ang tinanong ko, eh nakakain na sya.

“Uhmm nasaan ka pala dong?” Napatakip ako ng bibig. Hindi ko alam kung bakit
itinanong ko ‘yun pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang gusto kong pigilan
ang isasagot ni Zeke sa’kin.

[On a dinner meeting. Why?] Meeting? Ahhh so related pala sa trabaho ‘yung babaeng
kasama nya?

“Ahh, akala ko date hehehe.”

[Date?]

“Hehehe wala, babae ba kasama mo?” Kumunot ang noo ni Andrei nung banggitin ko yun
kaya sumenyas ako sa kanya ng ‘bakit?’

Umiling-iling si Andrei na parang hindi nya nagustuhan ang tanong ko kay Zeke.
“Zeke?” Tawag ko, balak ko sanang bawiin ang tanong ko nung magsalita si Zeke.

[N-no. Sorry wife, I need to hang-up now.]

Hindi na din ako nakasagot dahil ibinaba na agad ni Zeke ang phone. Hindi daw babae
ang kasama nya? Lumingon ako ulit sa table nila at nakitang palapit na ‘yung babae
sa table. Bakla ba sya? Pero mukha naman sya talagang babae eh. Mas maganda pa nga
sya sa’kin eh.

Mabilis akong tumalikod nung tumayo na si Zeke. Hindi nya ako pwede ng makita dito.
“Wala na sila.”

Lumingon ulit ako at tinanaw nga ang papalayong si Zeke at yung babae. Meeting? Eh
bakit magka-hawak sila ng kamay?

“boyfriend mo ba ‘yun?”

“Huh? Boyfriend? Si Zeke ba? Hindi ah!”

“Hindi naman pala eh, bakit parang inis na inis ka? Hahaha.”

Inis ba ako? Hindi naman ah, nagtatakha lang kasi ako. “Hindi naman ako naiinis
eh.”

“Nagseselos lang sa girlfriend nya?”

“Girlfriend?!” Girlfriend ba ni Zeke ‘yon? “Ang sabi nya sa’kin sa phone ka-meeting
nya ‘yun no! Hindi naman girlfriend eh.”

“Hahaha fine. Eh bakit magka-holding hands?”


Tumungo ako kasi hindi ko alam ang isasagot, bakit nga ba kasi sila magka-holding
hands? “Kidding, ‘wag mo na isipin ‘yun. Tara na ihahatid na kita, saan ba bahay
mo?”

**

“Ayan dyan!” Turo ko sa gilid ng gate ng bahay namin ni Zeke. “Gusto mo bang
pumasok muna sa loob?” Aya ko kay Andrei.

“Sure, pero next time.” Sagot nya sabay kindat.

“Sure ka ba?” Paniniguro ko bago bumaba ng sasakyan.

“Yup, sige na pumasok ka na sa loob.” Nakangiting sabi nya.

“Sige, thank you ha.” Masayang paalam ko.

“No worries, pag kailangan mo kausap. Tawagan mo lang ako sa number na binigay ko
ha?”

“Okay” Pinilit kong ngumiti ng malapad sa harap nya.

“Wag mo na ding isipin ang boyfriend mo. Hahaha.”


Wala nga sabi akong boyfriend eh. Ang kulit din nito. Asawa ko kaya si Zeke, di ko
naman boyfriend. “Goodnight.”

“Ba-bye!” Kumaway-kaway ako habang pinagmamasdan ang kotse nya na paalis.

**

Nakailang ikot na ako sa kama kasi hindi ako makatulog kaya bumangon muna ako
saglit. Makainom na lang muna ng tubig sa baba. Hehehe tama.

Lumingon ako sa alarm clock na nakapatong sa gilid ng kama. Wala bang balak umuwi
si Zeke? 1:00 o’clock AM na ah.

*Footsteps*

Halaaa! Nandyan na yata si Zeke!

Mabilis akong bumalik sa pagkakahiga at nagpanggap na tulog. Hanggang sa madinig ko


na lang na bumukas ang pinto ng kwarto. Sinubukan kong imulat ang isang mata ng
kaunting-kaunti para silipin kung sino ang pumasok at hindi nga ako nagka-mali. Si
Zeke nga. Pero mukhang nagmamadali sya. Ni hindi na nga nya nagawang buksan ang
ilaw. Bakit kaya?
Nakatalikod sya sa akin ngayon at may kinakalikot sa drawer. Pagkatapos ay lumapit
sya sa closet at nagpalit ng damit. Aalis ba sya ulit? Hindi naman kasi pantulog
yung isinuot nya eh. Dali-dali kong ipinikit ulit ang mga mata ko nung humarap na
sya sa gawi ko.

Nadidinig ko ang mahinang yabag ng paa ni Zeke na palapit sa’kin. Huhuhu. Bakit ba
kasi ako nagtulug-tulugan pa. Naramdaman kong hinawi ni Zeke ang buhok ko na
nakatakip sa mukha ko. Waaaa! Ipinangtatakip ko nga yun para hindi nya ako mahuli
pang iminu-mulat ko mata ko eh. “I love you wife.” Bulong nya sa kanang tenga ko.
At saka ako hinalikan sa noo.

Ano kayang nangyayari kay Zeke?

Nakatanaw ako sa bintana ng kwarto namin habang pinagmamasdan ang kotse ni Zeke na
palayo.

Siraulong bakla yun, sabi na! sabi na eh! Binu-bully nya nga siguro si Zeke.

=================

Chapter 15

--After 3 days--

Sebastian’s PoV

-Flashback-
“Doon naman tayo Ezekiel.”

Naikuyom ko ang kamao ko nung makita ko si Boss na hawak-hawak ang kamay ng isang
babae. Takte! Parang ako ang pinagtataksilan, pero ano naman kayang pumasok sa utak
ni Bossing at may kasama syang ibang babae.

“B-boss” I uttered unconsciously.

“Lerwick, what the hell are you doing here?” Mabilis nyang binitawan ang kamay nung
babae pero pumulupot yun sa braso nya.

“Sino sya babe?”

“He’s just someone I know. Let’s go.”

Tumalikod si boss kasama yung babae pero bago sila tuluyang makatalikod ay hindi
ako nakalamas sa mga matatalim na tingin ni bossing. Petengene! What the hell is
going on? Psh.

-End of Flashback-

Napahilamos ako ng mukha nung makapasok ako ng pinto. “O ‘tol, saan ka na naman
nanggaling?” Inayos ko ang tayo ko at nakapamulsang dumiretso sa loob. “Dyan lang.”
Sagot ko kay Spade Clifford at saka sisipol-sipol na pumasok sa loob.

“Trio Jack” Seryosong saad ni Boul saka inilapag ang limang baraha na hawak nya.
Nagpupusoy dos na naman sila?

“Trio King” Nakangising sabi ni Lee at saka kumpyansang inilapag ang baraha nya.

“Trio Alas” Ngiting-tagumpay naman si Lampe,

“Trio dos! Waaaa panalo ako hehehehe.” Pinagmasdan ko si Ma’am Aemie habang tuwang-
tuwa na kinukuha ang mga taya nung tatlong gago.

“Yo.” Bati ko.

Tumigil saglit si Ma’am Aemie sa pagkuha ng mga pera at saka masayang bumati sa
akin. “Hello Sebastian! Gusto mo din bang sumali?”

“H-ahahaha hindi na. Kayo nalang.” Sagot ko at saka umupo sa isang silya.

Pinagpatuloy ko lang ang panunuod kay Ma’am Aemie dahil kating-kati ang dila kong
sabihin sa kanya ang nakita ko tungkol kay Bossing. Hindi naman sa sinisiraan ko si
Boss pero takte! Ayoko naman na umiyak si Ma’am Aemie sa huli.
Nung tumayo si Ma’am Aemie para kumuha ng pagkain ay sumunod ako sa kanya papuntang
kusina. “Oh Sebastian, nagugutom ka ba? Gusto mo din ba ng cake? Hehehe.”
Nakangiting tanong nya, habang ipinapakita sa akin ang strawberry cake na hawak
nya.

“Pfft. Hindi ako mahilig sa cake.” Sagot ko

“Hehehehe okay, uubusin ko na ‘to ha.” Ipinatong nya ang cake sa ibabaw ng bar
counter at saka umupo sa high stool at inumpisahan ng kainin ang cake. Umupo din
ako sa isang high stool sa tapat nya. Tang*na! Sasabhin ko ba?

“Uhh Ma’am Aemie, si Boss...” Tumigil ako saglit at tinignan si Ma’am Aemie na
masayang kumakain ng cake. Tumingin sya sa’kin at saka nagtanong. “Si Zeke ay??
Anong meron kay Zeke?” Tanong nya.

“...Pupunta daw ba dito si Bossing, may itatanong kasi ako.” Dugtong ko. Syet!
Parang hindi ko kayang sabihin kay Ma’am Aemie ang nakita ko. Ayokong-ayoko pa
namang nakakakita ng mga babaeng umiiyak.

“Ahh.. Hmm hindi ko alam eh, hindi ko naman kasi nakakausap si Zeke.” Sagot nya.

“Hindi mo nakakausap si Boss?”

“Oo eh, feeling ko busy sya. Tuwing tatanungin ko kasi sasabihin nya nasa meeting
sya. Lagi nga syang umaalis ng bahay eh. Tapos pagka-uuwi saglit lang tapos aalis
na ulit.”
Shit! Ito na nga ba sinasabi ko eh. “Ahmm Miss Aemie, papaano kung—papaano kung
makita mo si Boss na may kasamang ibang babae?” Pinagmasdan ko si Ma’am Aemie na
natigilan sa pagkain at inilapag ang tinidor sa plato nya.

“Uhmm actually nakita ko na nga si Zeke na may kasamang ibang babae.”

What the?! “S-sigurado ba kayong si Boss ‘yung nakita nyo?”

“Uhmm oo, pero hindi ako nagpakita sa kanya non kaya ‘wag kang maingay ah, hehehe.”

“H-hindi ka nagalit?”

“Bakit naman ako magagalit?”

“Kasi may kasama syang ibang babae. Hindi ba dapat ikaw lang?”

“Hindi naman babae yung kasama ni Zeke eh, bakla naman daw yun. Pero kahit naman
babae yon, bakit naman ako magagalit eh para sa work naman yon.”

“Papaano kung hindi pala para sa trabaho? Paano kung may ibang mahal si Boss na
babae at niloloko ka na nya?” Nagulat si Ma’am Aemie sa mga sinabi ko, at aaminin
kong maging ako ay nabigla din. Amputs! Ano ba kasi pinagsasabi ko?
“Hindi naman siguro” Tumungo si Ma’am Aemie at saka nagpatuloy sa pagsasalita. “Ang
sabi sa’kin ni Zeke mahal nya ako. At saka sabi nya mag-tiwala ako sa kanya ‘di
ba?”

“Wengya kasi Ma’am Aemie kanina nakita ko—“

“You saw what Lerwick?” Nagtayuan ang balahibo ko sa batok nung madinig ko ang
boses na kilalang-kilala ko. Potek! Mas gusto ko pang makakita ng multo kaysa
madinig ang tono ng boses ni Boss na ganito.

“Dong!” Tila ba nagliwanag ang aura ni Ma’am Aemie nung dumating si Boss. Mabilis
syang umalis sa high stool at saka tumakbo kay Boss at yumakap.

“Lagi kang busy nami-miss na kita.”

“I missed you too.”

Nakatingin ako sa kanilang dalawa at kahit mabigat sa loob ko, hindi ko na lang
sasabihin kay Ma’am Aemie. Takte.

“Kumain ka na ba Zeke, gusto mo ba ng cake?”

“Pfft. Yes I had my lunch. How are you?”


Tumalikod na ako at nag-umpisa ng maglakad palabas ng kusina.

“Okay naman, kaso wala na akong ginagawa sa opisina kanina kaya pumunta ako dito.
Naglalaro kami ng pusoy dos, tara dali sali ka hehehe.”

“Lerwick.”

Tumigil ako sa paglalakad nung madinig ko ang malamig na boses ni Boss. Pero hindi
ko na nagawang humarap sa kanya. “Do not meddle with my business.” Saad nya.
Lumingon ako saglit, bago ko sya sagutin ay sinulyapan ko si Ma’am Aemie. Nakahawak
sya ng mahigpit sa braso ni Boss at nakatingin ng diretso sa kanya. “Ano bang
sinasabi mo kay Sebastian dong, anong business eh hindi naman sya pumupunta ng
opisina?”

Siguro nga hindi na dapat ako mangialam sa kanila.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa at saka sumaludo kay Bossing, bago tuluyang umalis
sa kusina.

**

Aemie’s PoV

“Hindi kaya masyado mo ng pinapagod sarili mo Zeke?” Tanong ko, pasakay na kasi
ulit ng kotse si Zeke. Sumaglit lang naman pala sya dito.
“No, I guess I’m fine.”

Lagi naman syang fine, wala naman syang alam isagot kung hindi fine. Haayy. Pero
sana nga, sana nga okay lang sya. “Okay.”

“I love you wife”

Tumingala ako para tignan sya ng diretso and as always, ang kalmado ng mukha nya.
“Mas mahal kita, hehehe.”

“Nope, mas mahal kita.”

Eh? “Mas mahal kita no!”

“Pfft. I would risk anything for you. Even my own happiness and life.”

“Ako din naman ah!”

“Hahaha. Shut up wife.” Anong nakakatawa sa sinabi ko? Totoo naman ah. Sya lang
naman kasi ang laging tumatanggi pag nag-aalok ako ng tulong. Excited nga ako lagi
sa mga bagong adventures. “And besides, I’d rather handle things on my own, alone.”
Huh? “Bakit?” Bakit mas pipiliin nyang mag-isa, eh pwede ko naman syang tulungan.

“You wouldn’t want to know.”

“Gusto ko!” Giit ko. Naikuyom ko na ang kamao ko sa sobrang kagustuhan na malaman.
Gusto ko malaman lahat ng nangyayari kay Zeke.

Ngumiti si Zeke at saka ako hinalikan ng mabilis sa labi. “That’s wonderful, thanks
wife...” Sumakay nang kotse si Zeke at inistart na ang engine. Wala ba talaga syang
balak sabihin? “...But I don’t want you to overstrain yourself. Just relax and
leave it all to me.”

Tumungo na lang ako kasi alam ko namang no choice na naman ako. “Pero—“

“By the way, your cousin will be back real soon.”

Nanlaki ang mga mata ko at napatunghay dahil sa sinabi ni Zeke, magte-thank you
sana ako, pero huli na dahil nakaandar na ang sasakyan.

Yiiii~ si insan! Makikita ko na ulit si insan. OMG!!! Aayain ko agad si insan


manuod ng mga movies. Hehehehe.

“Good mood ka yata Ma’am Aemie.”


“Sebastian!” Ngumiti ako kay Sebastian na nakasandal sa pader malapit sa akin.
“Kanina ka pa ba dyan?” Tsumi-tsismis kaya sya saming dalawa ni Zeke? May sa
tsismoso pa naman sya. Sya nagsabi nung plano dati kay Zeke eh. Huhuhu.

“Hahaha, kakarating ko lang. Magpapaalam sana ako kay bossing kaso nakaalis na
pala.”

Ohh. Buti naman, kala ko nasagap lang sya ng balita eh. “Gusto mong mamasyal?”
Tanong nya out of the blue.

“Gusto ko, hehehe kaso may pupuntahan pa ako eh.” Inaya kasi ako ni Andrei kahapon
na magpunta sa bahay nila.

-Flashback-

“Pfft. Barbie?! Hindi ba pang-bata ‘yun?”

“Anong pang-bata, bakit ilang taon na ba si Barbie? Bata pa ba si Barbie ha?”

“Hahahaha! Nagtatanong lang eh. Anyway, madaming Barbie sa bahay namin.” Omygod!
Kunwari pa syang ayaw ng Barbie. Hehehehe “Mahilig ka din pala sa Barbie, yay!”

“Hahaha baliw! Hindi sa’kin ‘yun. Sa kapatid ko ‘yun.”


“Talaga?! Omygod! Gusto ko ma-meet kapatid mo. Siguro pwede kaming manuod minsan ng
movie o kaya maglaro tapos—“

“I don’t think so, hindi naman sya mahilig sa Barbies eh.”

Nagtakha naman ako sa sinabi nya, kung hindi mahilig sa Barbie ang kapatid nya, “eh
bakit may mga Barbie sa inyo?”

“Hahaha. Kwarto ng kapatid ko lang ang puno ng Barbie. Mula bata pa kasi nawala na
ang kapatid ko, at sinimulan punuin nila mama at papa ng Barbie ang kwarto nya.
Maybe to lessen the pain and loneliness kaya nila ginawa ‘yun.”

“I-ibig sabihin nawawala kapatid mo?” Ang lungkot naman, naalala ko tuloy sila
mommy, daddy at insan. “Gusto mo ba tulungan kita maghanap? Uh—posible naman sigu—“

“Nahanap ko na sya.” Nakangiting sabi nya.

Waa, what a relief! “Buti okay lang sya.” Nakahinga ako ng maluwag dun ah.

“Yup. She grew up well.”

“Uhmm ilang taon na ba sya?” Hehehe na-curious ako bigla kasi hindi ko ma-imagine
kung ilang taon nawalay sa kanila kapatid nya.

“She’s 21.”

21? Ka-edad na pala sya nila insan, huwaaaa! Huhuhu. Nalulungkot ako. Ang tagal din
pa lang panahon na nagkahiwalay sila. Parang si daddy. Ang tagal kong hindi nakita.

“Buti na kaya nyang mabuhay mag-isa ‘no? Siguro lumaki syang mabait at maganda at—“

“Hindi naman sya lumaking mag-isa, may mga nag-alaga sa kanya. Thanks to them.”
Uminom si Andrei ng juice. And for a second, hindi ko maialis ang tingin ko sa
kanya. Para kasing may meaning ang mga sinasabi nya. “Ahh ayii ang sweet naman, pag
na-meet ko kapatid mo sana sunod kong makilala mga nag-alaga sa kanya. Siguro
manbabait din sila.” Ngumiti si Andrei sa akin kaya ngumiti din ako. “Nakilala mo
na din ba sila?” Parang nag-iba bigla ang mood ni Andrei, saglit kasing naging
seryoso ang mukha nya pero ngumiti din naman sya agad.

“Oo naman. Hahaha. Nakilala, nakausap, naka-kwentuhan.” Waaaa ang sweet. Huhuhu
what a touching story.

“Mabait ba sila?” Nakangiting tanong ko.

Humigpit bigla ang hawak ni Andrei sa baso ng juice nya. Magtatanong dapat ako kung
bakit nung maalala ko si Zeke, kaya lumingon ako sa likod ko para tignan kung anong
ginagawa nila nung babae.
At paglingon ko, nakangiti na ulit sya sa akin. “Gusto mo bang pumunta sa bahay?”

“Waaaa talaga?!” Omygod! Barbieeeee!

“Hahaha oo naman.”

-End of Flashback-

“Ma’am Aemie?”

“Ay Barbie! Waaaa ano ka ba Sebastian, nagulat naman ako sa’yo.”

“Tinatanong ko kasi kung saan ba ang lakad mo, baka lang gusto nyo magpahatid. Baka
ako pa ang masisi ni bossing pag may nangyari—“

“Hehehe wag na, kering-keri ko na ‘to. Pakisabi na lang din sa kanila na umalis na
ako ha. Hehehe.” Ayoko na din naman magpaalam kasi baka naman sumama pa sila, o
kaya baka magtanong sila ng madami. Hindi ko alam kung anong isasagot ko pag
tinanong nila kung bakit kasama ko si Andrei kahapon. Alangan naman isagot ko na
dahil tsumi-tsismis kami kayla Zeke at doon sa babaeng kasama nya diba?

“Ba-bye!” Kumaway ako kay Sebastian at nagsimula ng maglakad palayo. “Tawagan mo


lang ako pag may problema Ma’am Aemie.” Sumaludo pa si Sebastian sa’kin nung
lumingon ako sa kanya kaya nag-okay sign ako.
**

Napanganga ako sa ganda ng bahay nila Andrei, nasa labas pa lang kami pero ang
sobrang ganda na. Maganda din naman ang bahay ni daddy at Zeke. I mean, super laki
ng bahay ni daddy. Madaming magagandang decorations. Pero iba ‘tong bahay nila
Andrei, modern ang style kaya ang sosyal tignan. Made out of steel and glass halos
lahat ng mga kagamitan. Kaya parang kumikinang.

“Hindi mo ba nagustuhan? Pasensya na—“

“Waaaaa! Super ganda kaya!”

“Hahahaha akala ko plano mo ng umuwi. Hindi ka kasi nagasasalita eh.”

“Ang ganda kasi waaaa!”

“Pfft. Salamat, pasok na tayo sa loob?”

“Sigeeee!”

Woooowww! Manghang-mangha kong inilibot ang tingin ko sa buong paligid. Sobrang


lawak ng loob. Triple yata ang ganda nito sa bahay namin ni Zeke eh. Bahay pa ba
‘to? O museum?
“Hahaha doon ang papunta sa kwarto ng kapatid ko.” Itinuro ni Andrei ang hagdan na
made out of steel and glass din. At saka kami nagsimulang maglakad. Nakasunod ako
sa kanya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi tignan ang buong paligid.
Pati ang kisame nila sobrang taas. Huhuhu parang sa mga simbahan sa sobrang taas.

Halata naman sa itsura ni Andrei na mayaman sya.

Pero hindi ko naman akalaing ganito pala sya kayaman!

Ano kayang raket nya? Paano kaya sya yumaman ng ganito? Dapat pala malaman ko, para
naman yumaman din ako tapos bibilhan ko si Zeke ng mga Barbie stuffs, hihihi. Tama
tama!

“Nandito na tayo.”

Waaaaaaaaaaaa!! Omygod!! Barbie na carpet, Barbie na wall, Barbie na kama, closet,


lampshade, tv. Waaaaa halos lahat ng gamit Barbie. Huhuhuhu. Ang ganda dito!!

Tumakbo agad ako at saka lumundag at humiga sa Barbie na kama. Ang lambot. Waaa ang
sarap siguro matulog dito araw-araw. “Pftt. Hahahaha.” Omygod! Mabilis akong
bumangon at umalis sa kama nung maalala ko si Andrei.

Nakatayo pa din sya sa may pinto ng kwarto habang tumatawa na nakatingin sa akin.
“Huhuhu sorry hindi ko kasi mapigilang hindi matuwa nung nakita kong puro Barbie.”
“Hahahaha bakit ka nagso-sorry. I’m glad you’re happy.”

Ang bait nyaaaa! Waaaa sana sya na lang naging kuya ko.

**

Fauzia’s PoV

“Nasaan na sila ate Aemie at kuya Ezekiel?” I glanced at Milka, she’s looking
directly at Sebastian Lerwick na kakapasok lang sa loob.

“Ahh, umalis na sila baby. Bakit?”

“Sayang. Aayain ko pa sana si ate Aemie may date pala sila ni kuya Eze-“

“Hindi naman sila ni Bossing magkasama eh. May ibang pupuntahan daw si Ma’am
Aemie.” He stated at saka umakbay kay Milka.

“Tanggalin mo nga yang kamay mo lalaking panget!.”

They went separate ways? But why? Saan kaya pupunta si Miss Aemie? Napatampal ako
sa noo nung may maalala ako. Darn! For heaven’s sake, why am I doing nothing? I
should be her guardian angel Dammit.

I grabbed my gun, at saka tumayo. I need to find out what’s happening.

“Kailangan mo ba ng kasama?” Nakangising tanong ni Lee pagkalabas ko ng pinto. Kaya


tinaasan ko sya ng kilay. “No thanks...”

“...But on the second thought—“

Lee held my hand at saka ako hinila papuntang kotse at binuksan ang pinto. What the
hell? “Get in, hindi na tayo dapat nag-aaksaya ng oras.” He said with the wink.
Psh!

**

Cassandra’s PoV

Nakatanaw ako sa bintana, looking straight at Fauzia and Jacob na paalis. Are they
going on for a date? I’m quite bothered sa mga nangyayari. About Queen, Master and
Miss Amesyl.

“What’s up Cass?”
“Mei.”

Tinignan ko si Meisha, she’s smiling at me na parang walang iniisip. “Troubled? Is


there something bothering you Cass?” She asked.

Kumunot ang noo ko, I am a bit puzzled. “Hindi ka ba nag-aalala kila Queen?”

“Nag-aalala, but what can we do?” Ngumiti sya sa’kin at saka tinap ang shoulder ko.
“I know, iniisip mo na kailangan nating kumilos, or tumulong. Pero hindi naman
natin pwedeng pangunahan si Mr. Roswell at Miss Aemie.”

Yeah right, she has a point as always. Call be stubborn but—“Wala naman silang
ginagawa to bring them back, kaya bakit hindi na lang tayo ang gumawa ng paraan?” I
asked. I can’t keep myself from being stubborn pag dating sa mga ganitong bagay. I
love Yaji. I really do. I offered my loyalty simula ng makapasok ako.

And.. “I can’t stand seeing Yaji’s downfall.” Because little by little, admit it or
not, bumabagsak na ang Yaji.

I clenched my fist sa sobrang inis. “Downfall? Hahahaha. Masyado kang paranoid


Cass.” She’s looking straight into my eyes. Suddenly, biglang nawala ang ngiti nya
at napalitang ng pagka-seryosong mukha. “Hindi mangyayari ‘yon. Over my dead body.”
It was such a relief. I mean, hearing that line from Mei. “Let’s patiently wait sa
sasabihin sa’tin ni Miss Aemie, or Mr. Roswell. We all know how they love Yaji and
Roswells as much as we love the group.” Naglakad si may papunta sa dart board at
saka kinuha ang tatlong nakatusok na dart.

“But for now, maybe we should not let our guards down.” Inabot nya sakin ang isang
dart after hitting the bull’s eye. Inabot ko ang binigay nyang dart and hit bull’s
eye as well. “Impressive” She said with a smile. Ngumiti din ako sa kanya. “Wanna
play billiards?” Tanong ko.
“Hahaha that’s the best line you’ve said so far.”

**

Aemie’s PoV

“Ang daming damit!” Waaaa! Ngayon lang ako nakapasok sa ganito, isang kwarto na
punung-puno ng mga damit at costumes.

Iniwan ako ni Andrei dito sa loob ng kwarto ng kapatid nya dahil sabi nya may
kailangan lang daw syang gawin saglit. Kaya nung makatapos ako sa panunuod ng isang
Barbie movie ay naisipan kong libutin ang kwarto. At hindi ko alam na may walk-in
closet... No mali, parang boutique ng mga damit sa sobrang dami!!

Naisusuot pa kaya ng kapatid nya ‘to? Feeling ko kahit oras-oras sya magpalit ng
damit hindi ‘to masusuot sa sobrang dami.

Pagkalabas ko ng walk-in closet ay isa-isa ko namang tinignan ang mga drawer, at


shelves na puno ng mga Barbie at stuff toys.

Kanina pa din ako paikot-ikot..


Pero..

Bakit wala akong makitang picture ng kapatid nya? Hindi ba sya mahilig mag-picture?
Tuturuan ko pala sya mag-selfie pag na-meet ko sya hihihi.

Hahaha. Kwarto ng kapatid ko lang ang puno ng Barbie. Mula bata pa kasi nawala na
ang kapatid ko, at sinimulan punuin nila mama at papa ng Barbie ang kwarto nya.
Maybe to lessen the pain and loneliness kaya nila ginawa ‘yun.

Oo nga pala, nawawala nga pala dati ang kapatid nya. Hayy bakit ko ba nakalimutan.

Napatingin ako sa may pintuan nung may kumatok ng dalawang beses at saka bumukas
ang pinto. “Halaaa amina tulungan na kita.” Tumakbo agad ako palapit dahil halata
namang hirap si Andrei sa tray ng pagkain na hawak nya. “Hahaha ‘wag na ‘no,
kayang-kaya ko na ‘to.” Sagot nya, kaya isinara ko na lang ang pinto.

“Wow! Kaya naman pala nawala ka eh, bumili ka pa ng cake.” Mukhang masarap! Kyaaa!

“Pfft. Ako ang nag-bake nyan.”

Inabot nya sa’kin ang isang tinidor. Pero nakatitig lang ako sa kanya. Tama ba
nadinig ko? “Ikaw ang nag-bake nito?”

“Yup. Hahahaha natutunan ko yan nung nasa US ako.”


Ahhh galing pala sya ng US? Ang sossy naman. “Doon ka nag-aral?”

“Doon ako lumaki, in fact kakauwi ko lang dito nung isang bwan yata?” Waaaa totoo
ba ‘yun? Hindi kasi sya katulad nung ibang lumaki sa US na english speaking.
Straight sya mag-tagalog at wala man lang American accent. Ang galinggg!

“So... ayaw mo ba?” Tumingin sya sa cake na hindi ko pa din nasisimulan kainin.
“Gusto mo bang mag-bake ako ng bago?”

“Ay! Hehehe gusto ko ‘no!” Sinimulan ko na agad kumuha ng cake para tikman “Waaaaa!
Ang sarap! Parang yung mga tinitinda sa tindahan ng cakes.” Huhuhu. Dapat magpaturo
ako sa kanya mag-bake ng cake, para naman naiipag-bake ko si Zeke.

“Hahaha. Thanks.”

Ang bait talaga ni Andrei. Sana may kuya din akong kasing sarap nya mag-bake. Waaa!
Para araw-araw at anytime pwede ako magpa-bake ng cake, cookies—pero teka, speaking
of kuya, “Anong oras para dadating ang kapatid mo?” Tanong ko bago uminom ng kape
na tinimpla din nya.

“Ahh. Hindi naman sya umuuwi dito eh.” Sagot naman nya.

Hindi daw umuuwi dito? Pero—“Sayang naman ang ganda pa naman ng kwarto nya.”
Malungkot na sabi ko, kung ganito kaganda ang kwarto ko, kahit hindi na ako lumabas
ng kwarto habangbuhay. Hehehe. Pero syempre jokijoki lang ‘yun.
**

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, madilim ang paligi pero saktong nakaharap
ako sa may binatana kaya medyo tanaw ko ang labas ng bahay. Madilim pa din pala,
ibig sabihin gabi pa. Umuwi na kaya si Zeke?

Inikot ko ang paningin ko sa buong paligid at—

OMYGOD!!!

Dito pala ako nakatulog?

“Waaaaaa!” Dali-dali akong bumangon at lumabas ng kwarto habang tinitignan ang oras
sa cellphone ko.

10PM na!! Waaaa baka nakauwi na si Zeke sa bahay. Sabihin lakwacha ako ng lakwacha
huhuhu.

“Nasaan nga ba dito ang exit?” Bulong ko sa sarili habang mabilis na naglalakad.
Kanina wala akong problema dahil nakasunod lang naman ako kay Andrei.

“O, nagising ka pala.” Tumingin ako sa kanan. Naglalakad sa pasilyo si Andrei. Waaa
buti nandito sya. “Andrei!!” Tumakbo agad ako palapit sa kanya, buti na lang at
nakita ko sya. “Nakatulog pala ako, huhu sorry doon pa ako natulog sa kama ng
kapatid mo.” Pagkatapos kasi naming kumain ng cake ni Andrei, nanuod ulit ako ng
movie. Hindi ko naman alam na makakatulog pala ako habang nanunuod ng movie.
Huhuhu.

“Hahaha bakit ka nagso-sorry? Ako nga dapat humingi ng pasensya kasi hindi kita
ginising. Para kasing ang sarap ng tulog mo kanina nung binalikan kita sa kwarto
eh. Pfft.”

“Hehehehe.”

“Ihahatid na ulit kita.” Nakangiting sabi nya.

**

Lumingon ako sa kaliwa’t kanan para i-check kung naka-park ang sasakyan ni Zeke at
waaaaaaaaa!! Nandito na si Zeke? Waaaa! Huhuhu patay ako!

Tinignan ko ang kabuuan ng bahay. Patay ang mga ilaw kaya dahan-dahan kong binuksan
ang maindoor. Sana tulog na si Zeke. Huhuhu.

Bawat hakbang ko ay sinisiguro kong hindi ako makakagawa ng ano mang ingay. Mahirap
na, baka pag nadinig ako ni Zeke bigla na lang akong barilin sa sobrang galit.
Hayyy! Bakit ba kasi ako ginabi eh.

“Have you eaten?” Halos mapasubsob ako nung biglang may magsalita kasabay ng
pagbukas ng mga ilaw dito sa may salas, kaya lumingon ako sa bandang kanan ko. Nasa
may pasilyo si Zeke at mukhang kakagaling lang ng kusina.

“Hehehe. Hi dong!”

“Hey.” Nakangiting bati nya pabalik sa’kin. Hindi ba sya galit?

“Hehehe kanina ka pa?” Tanong ko habang palapit sa kanya. Hindi ba sya galit sa’kin
kahit gabi na ako umuwi?

“Nah, I got home few minutes ago. I didn’t find you upstairs so I thought you’re at
the kitchen.” Ahhhh. Naningkit ang mata ko dahil sa sinabi ni Zeke, kaya naman pala
hindi sya nagalit kasi kakauwi lang naman pala nya.

-Kinabukasan-

“Lalalala~” Lulukso-lukso pa ako habang naglalakad dito sa loob ng mall para


maghanap ng restaurant na kakainan ng lunch. Feeling ko ang ganda-ganda ng buong
araw ko. Ang saya ko kasi hindi nagalit si Zeke kagabi, tapos doon pa sya sa bahay
natulog. Hehehe.

Hmmm saan naman kaya ako kakain? Food court? Mcdo? Jollibee? KFC? Greenwich? Hehehe
bakit ba kasi ang dami-daming klase ng fast foodchain at restaurants. Minsan naman
pare-parehas lang tinda nila. Hindi na lang pag-isahin.
Puro puno naman lahat, huhuhu.

Ahhh! Doon na lang kaya. Hehehehe.

Lulukso-lukso pa din akong pumunta sa isang restaurant. Siguro naman hindi super
mahal ng mga paninda dito diba? Ayoko din naman kasing maubos ang pera sa pagkain
sa mga mamahaling restaurants.

Pero teka—

Kumain na kaya si Zeke?

Kinuha ko ang phone ko at nagtext habang naglalakad.

Hi dong! Wag kang papalipas ng gutom ha? I love you!

*Message Sent*

Ayan hehehe—

“Omygosh!”
“Waaaa hala sorry.”

“What the fvck did you do?”

“Waaaa omg omg sorry!” Mabilis akong dumampot ng tissue at pinunasan yung babae.
Waaaa! Hindi ko naman sinasadya eh. Huhuhu nagtetext kasi ako kaya— “That’s enough
okay? Tama na.” Pinigilan nya ang kamay ko sa pagpupunas pero tinuloy ko pa din ang
pagpupunas sa—

“She said that’s enough Miss. Haven’t you heard my girlfriend?”

Para akong naging estatwa sa kinakatayuan ko. Yung kabog ng dibdib ko pabilis ng
pabilis.

Kilalang-kilala ko kung kaninong boses ang narinig ko.

No imposible..

Umayos ako ng tayo at tinignan ‘yung itsura ng babaeng natapunan ko ng softdrinks.

S-sya yung babaeng kasama ni Zeke.


“What are you still doing in front of me? Miss, pwede ka ng umalis—“

Hindi ko pinansin ang sinabi nung babae at nilingon ang katapat nyang si Zeke.

Halatang nagulat si Zeke nung tumingin ako sa kanya. Ang bigat-bigat ng pakiramdam
ko. Hindi ko alam kung bakit, pero nasasaktan ako. Umiwas ng tingin si Zeke sakin
kaya ibinalik ko ang tingin ko sa babae. “Miss, naiistorbo na ang lunch date namin
ng boyfriend ko—“

“Satana.”

“Boyfriend?” Ibinalik ko ulit ang tingin ko Zeke. Tama ba nadinig ko? Boyfriend? At
sino yung satana? Ito bang sinasabi nyang bakla na mukhang babae si Satana?

“Yes you heard it right. And ano ba? Balak mo bang tumayo dyan hanggang mamaya?”

Hinigit ko ang damit nung babae para maglapit ang mukha nya sa mukha ko. “Boyfriend
mo ‘tong kasama mo?” Tanong ko sa kanya. Nilingon ko muna saglit si Zeke bago ko
ibinalik ang tingin ulit dun sa baklang mukhang babae at saka itinuloy ang
sasabihin ko. “Wala kang taste.” Dugtong ko. Saka ko sya itinulak para mapaupo ulit
doon sa upuan nya.

“What the hell?!” Hiyaw nya pagka bagsak nya sa upuan. “Hey babe, paalisin mo na
nga yang babaeng yan.” Sabi nya kay Zeke.
***

A/N :

Yehess bitin ulit kayo I know. Peace, labsyuuuall :*

=================

Chapter 16

Satana’s PoV

“Babe, I said stop her!” I shouted and gritted my teeth sa sobrang inis. The girl
is looking directly into my eyes.

“Miss—m-my apologies.“

The girl quickly diverted her glance at my boyfriend. What the heck is he thinking,
bakit sya nagso-sorry sa babaeng yan? Ako ang natapunan ng softdrinks, ako ang
nasaktan. And now, he’s saying sorry, doon sa babaeng gumawa nun sa'kin.

Tumalikod na ‘yung babae and started to walk away. Ganoon na lang ba ‘yun? After
all she did to me. I eyed Ezekiel, but it seems like wala naman syang ibang gagawin
dahil nakatungo lang sya. Psh. I thought he’s man enough to defend me.

“Bitch.” I mumbled at saka ko kinuha ang glass of of wine na nasa ibabaw ng table
and throw it dun sa babae habang hindi pa sya nakakalayo.
I’m literally trembling in anger and shocked as she grabs a knife on one of the
table and throws it on my direction. I am completely stunned nung mabilis na
lumipad ang kutsilyo at dumaan sa left part ng mukha ko. That was close! I even
heard the sound of the knife the tumusok sa wooden wall sa likod ko.

I can’t move for seconds.

“That’s enough Satana!” I eyed Ezekiel before glancing back at the girl in front of
me. She really got the nerve to mess with me huh? I want to slit her throat right
now. Tinignan nya ako ng masama before turning her back at me.

“Hey Missy.” Tawag ko sa babae. She stopped. Kaya tumayo ako at naglakad palapit sa
kanya. I can’t let her do this to me, I don’t mind kung gumawa ako ng eskandalo
dito.

“Why?” She asked. She really has the guts to look straight into my eyes.

“Kilala mo ba kung sino ako?” I asked in a sarcastic note. Better run bitch.

“Satana, I said enough!”

“Shut up Roswell!” I exclaimed.


“You should not treat your boyfriend that way.” What? Hindi lang pala bitch,
pakialamera pa.

“Ano bang pakialam mo?! Gagawin ko kung ano ang gusto kong gawin.”

“Okay.” And once again, she turned her back at me. But before she landed her first
step away from me hinawakan ko na sya sa balikat to stop her. “You can’t walk away
from me bitch.”

“I don’t want a fight Satana.”

“How pathetic, you started this and now you’re saying that you don’t want a fight?”

“Look at your boyfriend.” Tumingin sya sa likod ko kaya tinignan ko din si Ezekiel,
and they are looking at each other. “Ayaw nya ng gulo. So let’s stop this.”

“Do you really know kung sino binabangga mo?” I asked.

“Satana, Satana Beatrix Lestrange. Tama ba?” My eyes widened. “Daughter of


Henrietta and Steve Lestrange, the ownder of the Lestrange group. Your family has
83 five star hotels all over the world and other establishments... do you want me
to continue?”

“How did you know that?” Well I am not that surprised, ano bang nakaka-bigla doon.
Kilala naman talaga pamilya namin lalo na sa business.
“You studied at Southville College from kinder to high school. You took Bachelor of
Science in Business Administration at Olympus University, had several relationship
in college, do wild things with every man on the campus. But what caught my
interest is that you have a psychological prob—“

“Fuck you!” I lifted my hand and ready to slap her as hard as I could nung may
humawak ng braso ko. Padiin ng padiin ang pagkaka-hawak nya. And slowly, my hand is
starting to get numb. Mabilis kong nilingon kung sino ang may hawak sa braso ko. “I
will kill you if don’t stop.” I tried to step a back, pero sobrang higpit na ng
hawak nya sa’kin. Is he serious? Oh hahaha no, of course not.

“I’m leaving.”

“M-my apologies.”

“Okay lang. Next time turuan mo ng good manners yang girlfriend mo.”

“Y-yeah, I’m sorry.”

**

I kept quiet for half a minute. I wonder what’s going on his mind. He keeps on
looking at his phone. Kanina pa naman sya ganyan. Is he cheating on me?
-Flashback-

“Sure ka bang ayaw mong kumain babe?” I asked him.

“Yeah, I’ll eat later at home.” Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi nya. What’s
the sense of asking me out kung ako lang naman ang kakain. “So... how’s Miss Alyana
and Mr. Eiji again?” He asked. “Oh well, ganoon pa din.” I answered in a bored
tone.

“I see.”

He’s so handsome, why I can’t take my eyes off him. “Are you waiting for something?
Kanina ka pa nakatingin dyan sa cellphone mo.”

“Uhh—no, maybe I am just sick or tired—damn.” Seriously? What’s wrong with him?
Bigla na lang syang ngumiti nung may nag-text. He looks handsome that way though.

“Omygosh!” Nagulat ako nung may babaeng dumaan at nasagi ang baso ng softdrinks ko.
My dress is now wet, what a clumsy bitch! I was about to ask for Ezekiel’s help
when I saw him texting. Isn’t he aware of what’s going on?

“Waaaa hala sorry.”

It took for a while, bago pa mapansin ni Ezekiel ang nangyayari. “What the fvck did
you do?”
“Waaaa omg omg sorry!”

“That’s enough okay? Tama na.” Pinigilan ko na ang babae sa ginagawa nya dahil baka
lalo lang madumihan ang damit na suot ko. Duh! She already ruined my date.

“She said that’s enough Miss. Haven’t you heard my girlfriend?” Aww that’s sweet. I
think I don’t need to defend myself anymore.

I am currently waiting sa gagawin ni Ezekiel. But when the girl looked at him, I
saw his facial reaction na nag-iba at saka sya umiwas ng tingin. What a coward!
Hindi man lang nya ako mapagtanggol sa babaeng ‘to?

“What are you still doing in front of me? Miss, pwede ka ng umalis—“ I was shut by
Ezekiel’s glare. But I don’t care, I’m not afraid of him.

“Miss, naiistorbo na ang lunch date namin ng boyfriend ko—“

“Satana.”Okay I know now, he’s mad. But still, wala akong ginagawang masama. If he
can’t defend me, then I will defend myself.

“Boyfriend?” Tanong nya at saka tinignan si Ezekiel. I knew it! She likes my
boyfriend. What a slut. I’m starting to be irritated.

“Yes you heard it right. And ano ba? Balak mo bang tumayo dyan hanggang mamaya?” I
stated arcing my left eyebrow. Siguro naman aware na sya ngayon at maisipan na
nyang umalis.

“Boyfriend mo ‘tong kasama mo? Wala kang taste.”

“What the hell?!” Damn this bitch! Ang sakit ng likod ko dahil sa lakas ng
pagkakatulak nya. But what caught my attention was Ezekiel’s reaction. Tama ba yung
nakita ko? Was he smirking? No way in hell.

“Hey babe, paalisin mo na nga yang babaeng yan.”

-End of Flashback-

**

Ezekiel’s PoV

I watched her walk away knowing how she was badly hurt. I felt like a thousand of
daggers were being thrust into my chest and twisted. My breath came in short,
painful gasps that left me dizzy and nauseated.

There is a nagging feeling at the back of my head when I try to mask and endure the
pain but I can’t. I just can’t ignore this. I am damn stupid.
“I’m going home.”

“Wait babe, hindi mo ba ako ihaha—“

“Hands off.” I glared at her before I struggled to run after my wife.

I hopped in my car and drove as fast as I could all the way home, crying. It’s like
my soul has been smashed into a million pieces. Goddammit! Didn’t even know how
many times I cursed myself.

-Flashback-

“What brought you here?” I asked Milka.

She handed me a letter? “What’s this for?”

“Pinabibigay daw po ni Queen at Master.” I nodded. “Thanks.”

-End of Flashback-
I arrived home breathless. I run around every corner of our house to find her.

My heart is pounding real damn hard as I enter our bedroom. She’s sitting on our
bed, hugging a pillow with her knees tucked up. She’s crying, and it synchronize
with the loud beat of my heart. My conscience plays up, feeling deeply sorry for
putting her in this situation.

“W-wife.” I whispered as I walk towards her. I could not stop my eyes from welling
up. The emptiness and guilt feeling explains it all.

“Z-zeke.” The immediate feeling was a deep sense of numbness in the pit of my
stomach while at the same time a despair for which I had no explaxanation.

I sat down beside her, with blank thoughts. “Huwaaa huhuhu Zeke.” I wrapped my arms
around her and hugged her tight. I want to say sorry but I can’t utter a word. The
pain is dragging me down. I just want to stay like this for a minute.

She pushed me gently away so I looked at her intently, I didn’t even bother my damn
self to wipe this fucking tears that keep on coming out from my eyes.

“Okay ka lang ba Zeke?” She asked with tears falling from her eyes. Damn! What did
I do?

I wiped her tears with my thumb before starting to speak. “I—I don’t know how will
I start wife, b-but I’m sorry. For hurting your feelings—“
“Huwaaaaa! Sabi ko na, sabi ko na eh. Huhuhu! Sabi ko na nga ba binu-bully ka nyang
baklang mukhang babae.” She’s whining like a child, and I was shut when I came to
realize that she’s crying because she thought Satana is bullying me? Not because of
the thought that I have someone else?

“Nakita mo ba Zeke kung paano ka na lang i-shut up Roswell kanina? Huhuhuhu!”

Aemie’s PoV

“Huhuhuhuhu.” Niyakap ulit ako ni Zeke pero pagkatapos non, gumaan na loob ko kaya
tumigil na ako sa pag-iyak.

“Pfft. Hahahaha.”

Eh? Kanina lang umiiyak ‘to si Zeke tapos ngayong tumatawa na naman.

OMG! Hindi kaya nahahawa na sya doon kay Satana? Pero teka “Ano nga ba ‘yung
sinasabi mo kanina dong? Diba nag-i-speech ka kanina pag dating mo? Huwaaa! May
ginawa ba sa’yo si Satana? Inutus-utusan ka ba ulit at shinut up, shut up?”

“No, I just thought you are jealous because she’s my girlfriend.” Sabi nya pero
tumatawa sya, kaya medyo umurong ako palayo sa kanya. Hmm. Actually, nung una
nasaktan naman ako nung makita kong magkasama sila nung babae.
“Pero bakit naman ako magseselos sa kanya?” Dapat ba mag-selos ako? At wait lang,
“Sya ‘yung lagi mong kasama dong?” Tanong ko. Tumango sya saglit bago kami sumandal
parehas ni Zeke sa headboard ng kama at saka nagpatuloy sa pagchi-chikahan.

“Bakla ba talaga si Satana?” Ang tanda ko nung sinearch ko noon ang profile nya
babae naman sya eh, pero ang sabi naman kasi sa’kin ni Zeke hindi daw babae ‘yung
kasama nya.

“Pfft. Babae sya.” Natatawang sagot nya.

“Bakit ka naman tumatawa dyan?”

“Because you actually think that she’s gay.”

“Eh sabi mo kasi hindi babae yung kasama mo, eh kitang-kita naman ng dalawang mata
ko na babae ang kasama mo.”

Tumungo si Zeke bago nagsalita ng “I’m sorry.” Nagtatakha lang ako at kanina pa
nag-iisip kung bakit hindi sinasabi ni Zeke sa’kin ang tungkol kay Satana. “Kung
sinabi mo agad sa’kin edi sana hindi ako nagulat kanina. Hehehe pero buti na lang
naka-acting agad ako na hindi kita kilala.” Pero hindi acting ‘yung pagka-inis ko
doon nung makita kong binubully nya si Zeke ha. Huhuhuhu. Naiiyak na naman tuloy
ako.

“Damn, why are you crying again?” Pinunasan ni Zeke ang luha ko at saka ako niyakap
ulit. “Eh kasi naman dong, hindi ko kasi matanggap na sinigaw-sigawan ka lang nung
babaeng yon huwaaaa! Ako nga hindi kita masigawan tapos sya shuma-shut up Roswell,
shut up Roswell pa.”
“It’s no big deal wife.”

“Hindi pa ako tapos! Huhuhu.” Nadinig kong tumatawa na naman si Zeke kahit
nakayakap sa’kin pero hindi ko pinansin, kailangan mailabas ko lahat ng sama ng
loob ko. “Bakit sya lang ‘yung may pagkain sa table nyo? Akala mo ba hindi ko
napansin ‘yon? Huhuhu kahit nung nakaraang dinner meeting nyo, nakita ko konti lang
pagkain mo tapos sya madami. Huhuhu. Kita mo na, kita mo na! Ginugutom ka pa nya.
Ang bully huhuhuhu.”

“Damn, I love you.” Mas lalo pang humigpit yung yakap ni Zeke kaya napangiwi ako.
Trip nya ba akong patayin sa yakap? Hihiwalay pa lang sana ako sa pagkaka-yakap
nung naunang humiwalay sa yakap si Zeke.

“What about your line? What’s the meaning of that?”

“Line? Anong line Zeke?”

“Boyfriend mo ‘tong kasama mo, wala kang taste.”

Hehehe. Natawa ako dahil pati ‘yung tono ng boses ko kanina ginaya ni Zeke. Pero
“Wala naman talagang taste si Satana sa boyfriend ah.”

“What?! So does it mean that I am not an ideal boyfriend?”


“Hahahah ang pangit mo Zeke.” Halos mapahiga ako kakatawa sa itsura ni Zeke. Ang
sagwa pala nya mag-pout, hehehehe parang bakla.

“Stop laughing wife. I’m serious.”

Umupo ulit ako ng maayos at tumabi kay Zeke kahit natatawa pa din ako. Sinubukan
kong kalabitin sya para tumingin sa’kin. Pero gusto ko pa ding tumawa. Ganito pala
si Zeke magtampo? Hehehehe “Dong galit ka ba?” Tanong ko. Huwaaaa hindi sya
nasagot, galit nga yata. “Wag ka na magalit, sinasabi ko lang nama yung totoo eh.”

“...”

Halaaaa! Galit nga si Zeke?

“Zeke!” *poke* *poke* “Uy dong, wag ka na magalit.”

“...”

“Bati na tayo huhuhu.”

“...”
“Bakit ka ba nagagalit? Kasi hindi ka ideal boyfriend? O dahil walang taste si
Satana?”

“...” Tinalikuran ako ni Zeke kaya kinalabit ko ulit sya. “Uy dong..”

Humarap sa’kin si Zeke kaya natuwa ako. Hindi na ba sya galit? “Does it mean that I
am not your ideal boyfriend?”

“O-oo? Hehehe.” Pagkasagot na pagkasagot ko ay humiga na si Zeke sa kama at


nagtakip ng unan sa mukha. Waaaa! Galit na talaga si Zeke sa’kin?

“Dong.” *poke* *poke*

“Uy hubby, sorry na.”

“...”

“Kaya ko lang naman nasabing wala syang taste sa boyfriend kasi dati diba
girlfriend mo din si Fiona tapos ang cold ng treatment mo, huhuhuhu. Kaya hindi ka
ideal boyfriend para sa’kin.”

“...”
“Pero ideal husband ka naman eh.”

Wala pang isang segundo ay nakaupo na ulit si Zeke at nakaharap na sa’kin kaya
nagulat ako. “Really?”

“O-oo mukha ba akong nagjo-joke?” Tanong ko, ang moody din nito ni Zeke eh. Kanina
lang ayaw ako pansinin tapos ngayon nakangiti na sa’kin.

“I am an ideal husband for you?” Nakangiting tanong nya.

“Oo nga, kakasabi ko lang dong ah, gusto paulit-uli-hmm” Hindi ko na natapos ang
sasabihin ko dahil mabilis akong hinapit ni Zeke palapit sa kanya at saka ako
hinalikan.

-Kinabukasan-

Iminulat ko ang mata ko pero mabilis ko ding tinakpan dahil nasilaw ako sa sinag ng
araw na nangagagaling sa bintana.

Aww! Hindi ko naman first time, pero ang sakit pa din ng buong katawan ko. “Good
afternoon wife.” Lumingon ako sa may pinto. Nandoon si Zeke at nakangiti sa’kin.
“Just done preparing our lunch.”
“Waaa, hindi ka pumasok? Wala ka bang trabaho dong?” Nagtatakhang tanong ko,
syempre diba nung mga nakaraang araw lagi syang wala. Nauwi nga lang sya dito para
magpalit ng damit eh. Kaya nakakagulat lang na hindi sya aalis ngayon. Ano kayang
mabuting espiritu ang sumanib dito kay Zeke.

“Pfft. Just get up. I will be waiting downstairs.” Sabi nya at saka lumabas na sa
pinto.

Hindi man lang sinagot ang tanong ko, bastos din eh.

*door opens*

“I love you.”

*door closed*

“MAS MAHAL KITA ZEKE!” Sigaw ko. Akala ni Satana sya lang marunong sumigaw kay Zeke
ah.

Pero nadinig naman ba kaya ni Zeke ang sinabi ko? Minsan pa naman bingi ‘yon.
Bumangon na ako sa kama para maligo.

*door opens*

“I love you more than you love me wife.”


“Mas mahal pa din ki—“

Nagulat ako nung mabilis na tumakbo si Zeke palapit sa’kin at saka ako hinalikan.
“You don’t know how much I love you, so shut up.” Pagkatapos nyang sabihin yun ay
naramdaman ko ulit ang pagdampi ng labi nya sa labi ko.

Mas mahal pa din kita Zeke! Pasalamat ka lang di ako makasagot.

**

A/N : Yung mga hindi nasagot na tanong nyo sa mga susunod na UD na. Pati yung
flashback ni Zeke na walang kwenta. Natawa din ako dun eh. Basta kalma lang :D Wag
nyo na po itanong kung kalian ang next UD. Hindi naman matatagalan ang UD :D
Sembreak naman. Hahaha.

Hello sa sweetmin na si Mousse :* Birthday mo ba? Loves youuu!

=================

Chapter 17

-After 3 weeks-

Fauzia’s PoV
“Sensya natagalan.” Hinihingal pa ang tono ng boses ni Lee nung makabalik sya. But
instead of looking at him ay ipinagpatuloy ko lang ang pagmamatyag sa mansion na
mag-wawalong oras na naming binabantayan. “Sabi ko sa’yo Lee pasukin na natin ‘tong
mansion eh.” I stated.

“Oh inom ka muna.” I stared for five seconds sa iniaabot ni Lee na softdrinks na
naka-plastik pa. Nakatapat sa harap ko ‘yung plastic. I glanced at him, wondering
why. “Ayaw mo ba?” He asked again. I grabbed the plastic of softdrinks in one swift
move.

“Hahaha akala ko ayaw mo eh.” He teased. Psh. “Kanino kayang mansion ‘yan ‘no?” He
asked. I’ve been asking that to myself too mula pa nung makarating kami dito. Hindi
ako sumagot. Sinubukan ko ulit silipin sa binoculars ang paligid ng mansion. “Hindi
kaya may dating kaibigan si Ma’am Aemie?” Tanong ulit ni Lee.

“I doubt that.” Sa tagal ko ng binabantayan sila Miss Aemie at sinusundan, ngayon


lang ako nakarating dito.

“Ano ba!” Angal ko nung inagaw ni Lee ang plastic ng softdrinks sa akin at saka
sumipsip sa straw bago nagsalita. “Kung hindi old friend, edi new friend.” New
friend?

“Hoy! Kayong dalawa, kanina pa kayo dyan ah!”

“Shit!”

“Darn!” I was about to run after Lee nung ma-out of balance ako bigla kaya muntik
na akong bumagsak sa sahig. “Dahan-dahan.” He said, nung masalo nya ako. “T-
thanks.” Did I stutter? Oh damn.

“Hoy kayong dalawa!”

“What the heck Lee?!” Tanong ko dahil nabigla ako nung buhatin ako ni Jacob Lee.
“Mas mabilis pag ganito.” Sagot nya. Nakaka-insulto ha. I am an assassin, at kung
tutuusin mas mabilis pa nga yata akong tumakbo sa kanya. But this isn’t the time
para makipagtalo. There are three men chasing us.

Aemie’s PoV

“Wala ka pa bang planong umuwi? Pfft. Maghapon ka na dito, baka hinahanap ka na sa


inyo.” Inilapag ko ang mga dvd ng Barbie na kanina ko pa pinagpipilian para tignan
ang oras sa relo ko.

“5PM pa lang naman eh. Maaga pa, hehe saka walang hahanap sa’kin ‘no!” Ang sabi
sa’kin ni Zeke baka hatinggabi na daw sya makauwi. Wala din naman akong gagawin sa
bahay kaya dito muna ako hehehe.

“Hahahaha. Sure ka ha?”

Tumingin ako kay Andrei, nasa tapat lang sya ng pinto at nakasandal sa may pader.
“Uhmm oo, bakit? Pinapauwi mo na ba ako?” Tanong ko. Pwede naman kasi nyang
diretsuhin sa akin sabihin na umuwi ako kung ayaw na nyang nandito ako. Hayy. Medyo
masama pala ugali nito ni Andrei ha.
“Hahahaha syempre hindi ‘no! Gusto ko nga lagi kang nandito eh.” Parang nagningning
ang paligid nung madinig ko ‘yung sinabi ni Andrei. “Talaga?!” Tuwang-tuwa na
tanong ko. Gustung-gusto ko din kasing nandito. Kaya nga ilang linggo na din ako na
halos araw-araw nandito sa bahay nya.

“Oo naman. Pfft. Ayaw mo ba?” Tanong nya.

“Waaaa! Anong ayaw? Gustung-gusto ko ngang laging nandito eh.” Tuwang-tuwa na sagot
ko.

“Hahahaha edi dito ka na lang lagi. Pfft.” Suggest nya.

OMYGOD! Gusto ko ‘yun! Kaso—“Hindi pwede eh. Hehehe. Pupunta na lang ako dito
palagi.” Sagot ko. Hindi naman ako pwedeng nandito palagi. Syempre kapag nasa bahay
si Zeke dapat nandoon ako ‘no! Sino mag-luluto at maghahanda ng pagkain ni Zeke pag
wala ako.

“Pfft. Oo naman. Hahaha inaraw-araw mo na nga eh.” Pinasingkit ko ang mata ko at


saka tumingin sa kanya. Hindi naman ako araw-araw nandito ah. Halos lang. Wala
naman ako dito kahapon dahil maghapong nasa bahay si Zeke kahapon eh.

“Hahahah ang sama mo naman tumingin. Tara na lang kumain, nag-bake ako cake.”

“Talaga?!” Excited na tanong ko.


“Pfft. Oo. Tara na. Mamaya mo na ituloy ‘yang panunuod mo.” Natatawang sabi nya.
Inilapag ko lahat ng DVD bago tumayo at naglakad palapit sa kanya.

**

“Cake lang ba ang alam mong iluto?” Tanong ko kay Andrei pagkasubo ko ng binake
nyang cake.

“Pfft. Actually hindi, nagluluto din ako ng iba’t-ibang klase ng ulam, pasta, uhmm
marunong din ako mag-mix ng drinks.”

“Waaaa talaga?! Eh bakit laging cake bine-bake mo?”

“Alam ko kasing favorite mo cakes hahaha.”

Waaa ang galing naman! “Paano mo naman nalaman?!” Nagtatakhang tanong ko sa kanya.
Eh parang hindi ko naman nasabi ‘yon sakanya.

“Basta alam ko lang.” Nakangiting sagot nya.

Inenjoy ko na lang ang pagkain ng cake kaysa magtanong pa sakanya. Sakto namang
nag-ring bigla ang cellphone nya. “Uhmm wala ka bang balak sagutin phone mo?”
Nakapatong lang kasi ‘yun sa ibabaw ng lamesa. Mukha namang walang balak sagutin ni
Andrei. Nakaka-ilang ring na din kasi eh.
“Pftt. Hindi naman siguro importante. Saka kumakain ka pa eh. “ Nakangiting sagot
nya sa’kin.

“Hehehe ayos lang naman, sagutin mo na. Baka importante eh.”

“Hahaha sure ka?”

“Oo naman ‘no hehe.”

“Pfft. Sige wait lang.” Tumayo sya at saka lumayo ng kaunti bago sinagot ang phone
nya. Susubo na sana ulit ako ng cake kaso may napansin akong kakaiba.

“Tss. Ano ba sinasabi mo?... Anong ayaw nya? Lintik!... Tss.... Ge.”

Nagulat ako dahil sa way ng pananalita ni Andrei. Feeling ko nag switch sya bigla
sa maldita mode kasi nag-iba tono ng boses nya.

Humarap si Andrei at bumalik sa pagkakaupo sa tapat ko, pero ‘yung mood nya mukhang
badtrip na. “Aish!” Medyo ginulo pa nya ang buhok nya sa inis kaya muntik na akong
matawa. Ngayon ko lang kasi nakitang ganito sya. Isinubo ko ang cake at
pinipigilang matawa ng hindi inaalis ang tingin sa kanya.

“Bakit?” Tanong nya, pero omygod! Ang seryoso ng mukha nya. Hehehehe.
“Wala lang, hehehe.”

“Aish. Aalis muna ko.” Kakaupo nya lang pero aalis na agad. “Kapag hindi ako
nakabalik agad ng maaga, ipapahatid na lang kita bahay mo. Ayos lang ba?” Tanong
nya.

“Uhmm sige, ingat ka ah. Hehehe.” Yung kaninang badtrip nyang mukha ay saglit na
nawala. “Susubukan ko din bumalik agad.” Nakangiting sabi nya. Tumango ako at
kumaway bago sya tuluyang makaalis ng kusina.

Hehehehe. 5:40 Makakapag-movie marathonako ng Barbie mamaya habang wala si Andrei.

**

“OMYGOD!!!” Mabilis akong napabalikwas nung magising ako bigla.

Halaaaaa!! 9’oclock na! Waaaaa. Nakatulog na naman pala ako kanina habang nanunuod
huhuhu. Kahit inaantok pa ako ay Inilibot ko agad ang paningin ko. Bukas ang ilaw
ng kwarto, bukas din ang T.V pero tapos na ang palabas.

Bumangon ako at isinuot ang sapatos. Mukhang hindi pa din nakakabalik si Andrei.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at saka idinial ang number ni Zeke.
The subscriber cannot be reached. Please try your call later.

“Haaay.” Inumpisahan ko ng iligpit ang mga kalat ko dito sa loob ng kwarto ng


kapatid ni Andrei. Pati na din ang mga DVDs na pinagpilian ko kanina. Nung matapos
kong ayusin lahat ng kalat ay pinatay ko na ang ilaw at saka lumabas ng kwarto.

“Buti na lang kabisado ko na ‘tong bahay ni Andrei.” Bulong ko habang naglalakad-


lakad. Siguro mas okay kung aantayin ko muna sya saglit. Baka naman kasi dumating
na din sya.

Okay. Ngayon kailangan ko namang problemahin kung anong pagkaka-abalahan ko habang


nag-aantay. Medyo nakakaramdam na din ako ng gutom kaso nakakahiya naman kung
kakain na lang ako basta-basta sa kusina huhuhu.

Hindi naman siguro mahahalata ni Andrei kung makikikain ako ng konti diba?
Hehehehe. Nagsimula na akong maglakad papuntang kusina nung may mapahinto ako dahil
sa pamilyar na boses ng babae. “Aemie?”

Lumingon ako sa likod ko nung madinig ko ang boses. “Caileigh?” Bakit nandito si
Caileigh?

“Why are you here?” Tanong nya. Halatang-halata din sa boses nya ang pagkagulat at
pagtatakha.

“Lagi akong nandito. Ikaw bakit ka nandito?” Tanong ko din sa kanya. Ang tagal ko
ng nagpupunta dito pero—“Umalis ka na nga dito!” Napahawak ako sa bibig dahil sa
pagkabigla.
Bakit galit si Caileigh. Bahay nya ba ‘to? Kay Andrei naman ‘to ah. Huhuhu.
Hinawakan nya ang kamaya ko at saka hinila palabas ng bahay.

“T-teka lang Cai, hihintayin ko pa kasi si Andr—“

“Hwag ka ng babalik dito okay?!” Sabi nya. “Excuse me, are you the driver?
Pakihatid na nga si Aemie sa bahay nila.”

“Yes Ma’am.”

Hindi na ako sumagot at malungkot na sumakay ng kotse.

Naguguluhan pa din ako sa nangyayari. Sure naman akong bahay ni Andrei ‘yon. Pero
bakit nandoon si Caileigh? Anong nangyayari?

“Ahmm Ma’am saan po ba ang daan papunta sa bahay nyo?” Tanong ni kuyang driver.

“Sige po ituturo ko na lang po.” Walang ganang sagot ko at saka tumingin sa daan.

**Pagkadating na pagkadating sa bahay ay naupo ako sa sofa para mag-isip. Feeling


ko may mali sa nangyayari. Bakit ako pinagbabawalan ni Caileigh na pumunta doon sa
bahay ni Andrei?
Teka lang—Omygod.

Dinukot ko agad ang cellphone at saka tinawagan si Vash.

[Ma’am Aemie.]

“Uhmm Vash, kakamustahin ko lang sana kayo ni Caileigh. Hehehe.” Tanong ko, tumayo
ako para sumilip sa kurtina ng bintana. Baka kasi parating na si Zeke.

[P-po?]

“Sabi ko kamusta na kayo ni Caileigh?”

[Wala na kami, matagal na.] Natahimik ako at hindi makapagsalita sa sinabi ni Vash.
Hindi ko naman kasi alam kung ano ba dapat isagot pag ganun ang sinabi eh. Akala ko
naman kasi okay sila. Huhuhu.

“A-aahh ganoon ba?”

[Opo.] Malungkot ang boses ni Vash at mukhang hindi naman sya magke-kwento kahit
tanungin ko kung anong nangyari kaya hindi ko na inusisa pa. “Sige, salamat.” Sagot
ko bago ini-end ang call.
Bumalik ulit ako sa pagkakaupo sa sofa. Itinaas ko ang dalawang binti ko at saka
nangalumbaba. “Hayy.” I sighed. Paano ‘yan? Ang sabi ni Caileigh wag na daw ako
babalik doon, edi hindi na ako pwedeng manuod ng movies doon? “Hayy.”

“What made my wife frown?” Nanlaki ang mata ko nung madinig ko ang boses ni Zeke.

“Dong!” Niyakap ko agad si Zeke at kiniss sa cheeks. “Kumain ka na?” Tanong ko sa


kanya. “Nah. Haven’t eaten any.”

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Zeke. “Bakit naman hindi ka kumakain? Hayyy!
Tapos pag nagkasakit ka ako sisisihin mo? Hayy nako Zeke.” Tumayo agad ako at
hinila si Zeke papuntang kusina.

“Pfft.” Natatawa si Zeke nung makaupo na sya sa dining chair. Ako naman ay
nagsimula ng maghanda ng lulutuin since hindi pa din naman ako kumakain.

“So what were you thinking?” Tanong ni Zeke habang chinecheck ko ang ref. Tumigil
ako saglit at tinignan sya bago ko ibinalik ang tingin sa ref at itinuloy ang
pagpili. Yung kanina ba ‘yung tinutukoy nya? “Wala naman dong, iniisip ko lang si
Caileigh hehe.”

“What about her?”

Kinuha ko na lahat ng mga gulay at karne at sinimulan ng hugasan. “Uhmm. Wala naman
medyo nawi-weirduhan lang ako sa kanya.” Sagot ko sa tanong ni Zeke at saka
“You talked to her?”

“Uhmm oo kanina. Hehehe.” Tumigil muna ako saglit at saka humarap kay Zeke.
“Feeling ko may tinatago si Caileigh.” Inilipat ko ang tingin kay Zeke pero umiwas
sya ng tingin at hindi sinagot ang sinabi ko. “So uhmm-how’s my wife?” Pag-iiba ni
Zeke sa topic.

Kumunot ang noo kaya tumalikod na ako at itinuloy ang ginagawa ko kanina. “Weird.”
Sabi ko sa sarili. I felt weird kasi feeling ko may tinatago din si Zeke.

-2 weeks later-

Nakababad ako sa laptop at nagbabantay ng mga posts ni Caileigh sa facebook.


“Parang wala namang kakaiba dito sa mga nilalagay nya sa FB. Hindi din naman sya
active sa twitter.” Hayy!

~I’m a Barbie girl, in a Barbie wor


“Hello!” Masayang bati ko nung masagot ko ang phone.

[Pfft. Bakit gising ka pa? Iimbitahin lang sana kita dito sa bahay bukas.]

Halaaa! Ano sasabihin ko kay Andrei? “Uhmm, may ginagawa kasi ako eh. Hehehe.”
Palusot ko.

[Ganun ba? Sayang naman. Sige next time na lang siguro.] Sagot nya. Nakakalungkot
tuloy. Gusto ko na nga din bumalik sa bahay nya eh. Huhuhu.

“Hehehehe sige.”

Bumuntong hininga ako pagkababang-pagkababa ko ng cellphone. “Waaaaaaaaaa!!!” Hiyaw


ko. Huhuhu. Bakit ba lahat na lang sila parang may tinatago sa akin?

“What the fuck wife! What happened? Why are you screaming?” Tinignan ko si Zeke
mula ulo hanggang paa. Gulo-gulo pa ang buhok nya, walang suot na shirt. Naka-
pajama at iisa lang ang tsinelas. “Hahahaha. Bakit ganyan itsura mo Zeke?”
Tatawang-tawang tanong ko.

“Tss. I heard you scream. And so I woke up.” Walang ganang umupo si Zeke sa tabi ko
at saka humiga. “Dong! Sa taas ka na matulog, may ginagawa ako oh.” Sabi ko. Bakit
ba naman kasi sa’kin pa humiga. Ano ba naman akala nya sa’kin unan?

“I’m starving.”

Starving pero nakahiga sa lap ko at nakapikit. Minsan di ko alam kung bobo sa


English ‘to si Zeke oh nakahithit ng drugs eh.

“May pagkain pa sa ref dong.” Sabi ko at saka ipinagpatuloy ang pag-e-fb.


“Let’s go out.” Bumangon bigla si Zeke kaya tinignan ko sya. “Go out? Alas dos ng
madaling araw? Ano namang trip ‘yan Zeke?” Kunot-noong tanong ko.

Sumeryoso ang mukha ni Zeke bago nagsalita. “I want some ice cream.”

Pagkasabi nya non ay napaisip ako. Omygod! Kakaubos ko lang ng ice cream kanina.
Huhuhu. “Bukas ka na mag ice cream dong. Naubos ko na kanina ‘yung ice cream sa
ref.” Ibinalik ko na ang tingin sa laptop sa pag-aakalang hindi na mangungulit si
Zeke.

“I’m serious wife.”

Lumingon ako kay Zeke na may halong pagka-inis. “Seryoso din ako Zeke. Bukas ka na
mag ice cream.” Inis na sabi ko. Bakit ba nya ako iniinis. Gabing-gabi eh.

“Tss.”

Sinundan ko ng tingin si Zeke na padabog na naglakad papuntang kusina. Ano bang


problema non? Parang menopausal eh.

*Yawn* Makapag log-out na nga sa facebook at makatulog na. Hayy. Mukha din namang
wala akong mapapala dito sa pang-stalk sa FB ni Caileigh. Mas mabuti pa sigurong
sundan ko na lang sya kung saan sya pumupunta lagi. Hehehe. Tama tama!
Inoff ko na ang laptop at naglakad na papuntang hagdan.

“I’m going out.”

Huh?

Lumingon ako sa likod ko dahil nadinig kong nagsalita si Zeke.

“Aalis ka ng ganyan ang itsura?” Kunot-noong tanong ko. Pajama lang kasi ang suot
ni Zeke. Baka mapagkamalan syang tambay sa kanto pagka lumabas sya ng ganon.
“Ikukuha muna kita t-shirt sa taas dong, wait lang” Tumakbo agad ako pataas at
kumuha ng shirt. Kahit ano na lang. Gabi na naman eh.

“Oh.”

“Thanks.” Mabilis nya akong hinalikan “I will be back.” Dugtong nya. “Ingat ka ah.”
Ngiti lang ang isinagot sa akin ni Zeke bago lumabas ng maindoor.

**

“Wife, wake-up!”

Antok na antok akong bumangon dahil niyuyugyog ni Zeke ang braso ko. “Ano ba ‘yun
dong?” Tanong ko habang kinukusot ang mata.

“Let’s eat.”

Pagkadinig ko ng sagot ni Zeke ay nahiga ulit ako. Grabeeee! Kakatulog ko lang


bubulabugin agad ako. Ano ba naman mga naiisipan nito ni Zeke.

“Wife!”

“Zeke inaantok pa ako.” Nakapikit na sagot ko at saka nagtakip ng unan sa mukha.


Huhuhu grabe naman kasi. Pwede naman syang kumain mag-isa kung nagugutom sya eh.

“Tss.”

Naramdaman kong umalis na si Zeke sa kama kaya yehes! Makakatulog na ulit ako.

Ayon ang akala ko.

Dahil ilang minuto pa lang nakakalipas nadinig kong bukas ang TV dito sa loob ng
kwarto. “Zeke naman eh!! Paano ako makakatulog kung bukas ang TV?!” Inis na tanong
ko.

“Sa TV ka ba hihiga?”
“Hindi!” Waaaaa!

“Then sleep as long as you want. Sweet dreams wife. I love you.”

Iminulat ko ang mata ko at nakita sya na nakaupo sa tabi ko habang nakain ng ice
cream at nanunuod ng TV. “Saan mo kinuha ‘yang ice cream?” Tanong ko. Ang alam ko
nga kasi talaga wala ng ice cream—

“I bought this. Do you want some?”

Itinapat nya sa mukha ko ang ice cream at—

At—

“What the?! Are you alright?” Tarantang tanong ni Zeke na nasa likod ko lang at
hinihimas ang likod ko. Mabilis kasi akong tumakbo dito sa loob ng CR. Hindi ko pa
alam kung paano ako sasagot kasi parang bumabaliktad pa din ang sikmura ko.

“How do you feel? Are you alright?” Tanong nya ulit habang chini-check ang pisngi
ko, leeg ko, noo ko.

Pagkatapos kong mag-tootbrush ay umupo na ulit ako sa kama. “Here.” Abot ni Zeke sa
isang basong tubig. “Ano bang flavor nung ice cream na binili mo. Parang kadiri.”
Sabi ko pagkatapos ko uminom ng tubig.

Umupo si Zeke sa tabi ko at saka iniayos ang ulo ko para makahiga sa lap nya. “Tell
me if you need something alright?” Gumaan ang pakiramdam ko nung naramdaman kong
hinihimas ni Zeke ang buhok ko. Nakakaantok na tuloy. “Get back to sleep.” Feeling
ko magic word ‘yun dahil pagkasabi nya non ay automatic na nakatulog na agad ako.

**

Huhuhu. Bakit ba feeling ko magkaka-trangkaso ako. Hindi ako pwedeng magkasakit


ngayon. Madami akong kailangang gawin. Susundan ko pa si Caileigh, papasok pa ako
sa opisina.

At saka pupuntahan ko pa si insan.

Speaking of insan, nalulungkot ako pag naalala ko ‘yung time na magkita ulit kami.

-Flashback-

Nung malaman kong umuwi si insan sa apartment na tinutuluyan nya ay nagpasama agad
ako kay Zeke para bisitahin si insan.

“Waaaaaa! Insaaaan! Huhuhu. Miss na miss na kita.” Niyakap ko ng mahigpit si Amesyl


pero tinulak nya ako ng bahagya palayo sa kanya. “Insan?” Takhang tawag ko sa
kanya. Umiwas sya ng tingin sa’kin at saka naglakad palayo.

“Medyo pagod ako Aemie. Gusto ko sana munang magpahinga.” Sabi nya.

Sayang, miss na miss ko pa naman si insan. Gusto ko din sana sya maka-bonding kaso
mukhang pagod nga sya dahil walang gana mga sagot nya.

“Sige insan babalik na lang ako dito minsan ah.”

“Ge.”

“Zeke galit ba si insan sa’kin?” Tanong ko habang nakasakay ako sa kotse na


minamaneho ni Zeke.

“Nah.”

“Talaga tingin mo hindi sya galit?” Baka kasi nagtatampo si insan kasi hindi ako
sumama sa pagliligtas sa kanya.

“Yeah.”
“Eh bakit kaya sya ganun?”

“Maybe she’s just confused” Confused? Ano naman ang dapat ika-confuse ni insan?
Hmm. “Let her think for a while wife, it could help her a lot.” Hindi ko na
kinontra ang sinabi ni Zeke, kung ‘yun ang mas makakabuti kay insan. Hahayaan ko na
lang muna sya. Baka lalo pa ako makagulo sa pag-iisip ni insan pag pinakialaman ko
sya.

Kaso huhuhu. Miss na miss ko na din sya eh.

-End of flashback-

“Hayy.” Humiga ulit ako sa kama at tumingin sa kisame. Okay Aemie. Alisin mo muna
sa listahan si insan. Baka hindi pa din sya okay makipag-usap.

“Breakfast is ready.”

Tinignan ko ng masama si Zeke kasi ang aga-aga ang lakas ng boses. “Bakit ba pasok
ka na lang ng pasok ng kwarto Zeke ha? Ang ingay-ingay mo pa. Gusto ko pa matulog
eh.” Inis na tanong ko. May hawak-hawak syang isang tray ng pagkain pero hindi ko
‘yun pinansin.

“What the?”
What the, what the? Hindi ba nya alam na ang sama ng pakiramdam ko. Hayy!
Nagtalukbong ako ng kumot at pilit ipinikit ang mga mata ko kahit hindi na ako
inaantok.

“Wife. Aren’t you gonna eat this?”

“Mamaya na Zeke, inaantok pa ako.” Masungit na sagot ko.

“Is that true?” Nadinig kong inilapag ni Zeke ang tray sa ibabaw ng table at
—“Hahahaha. Z—Hahahaha Zeke---Hahahaha.”

“What? Pfft.”

“Hahahaha Zeke”

“Yes?”

“Dong—hahahahaha—naman eh—“ Feeling ko mamamatay na ako kakatawa. Bakit ba ayaw


kasing tumigil ni Zeke sa pagkiliti. Huhuhu “Hahahahaha Zeke”

“Why? You keep on saying my name. Pfft.”


“Hahahahaha. Tama hahahahaha na kasi.”

“Pfft. Alright.”

Para akong nabunutan ng tinik nung natapos si Zeke sa pagkiliti sa’kin. Grabe! “You
were in a bad mood. Why all of a sudden wife?” Tanong nya habang hinahawi ang buhok
ko.

Uminom muna ako ng gatas na nasa tray bago ko sinagot si Zeke. “Eh kasi naman pasok
ka ng pasok. Ang ingay-ingay mo pa. Kakagising ko lang eh.”

“I was just excited to serve your breakfast in bed.”

“Hehehe. Thank you.”

“You’re more than welcome.” Nakangiting sagot nya.

**

“Ano ba naman Zeke! Late na tayo. Hindi ka pa ba tapos dyan?!” Asar na hiyaw ko
habang naka-cross arms, naka-kunot ang noo na hinihintay si Zeke. Sabi nya may
kukuhanin lang daw sya sa loob ng bahay. Tapos ang tagal-tagal naman.
May conference meeting pa mamaya sa opisina tapos kung anu-ano pa inuuna. Hayy!

“Hey gorgeous.” Lumingon ako sa kanya na naglalakad palapit. “Ano? Hindi pa ba tayo
aalis?” Asar na tanong ko.

“Pfft. You’re mad again?” Nakangiting tanong nya. Sino ba namang hindi maiinis. Ang
dami-dami pang gagawin tapos—“I got something for you.” Kumunot ang noo ko dahil
may hawak na bouquet ng red roses si Zeke. Tinanaw ko pa ang bahay.

Diba sa loob ng bahay sya nanggaling? “Anong flower vase ang pinakialaman mo Zeke?”
Taas-kilay na tanong ko.

“Huh? I ordered those flowers.” Nakangiting sagot nya.

Ano bang ngini-ngiti ngiti nito ni Zeke? “Wag kang ngumiti Zeke, naiinis ako.”

“Pfft. Are you p—“

“Sinabi ng ‘wag kang ngumiti ‘diba?”

“Hahaha fine fine. I’m just happy.”


“Zeke naman eh!”

“Alright, alright. I’m sorry.” Pinagbuksan ako ni Zeke ng pinto ng sasakyan pero
nadidinig ko syang tumatawa.

**

“Miss Aemie this is the—“

“Pwede ba mamaya mo na ipakita sa’kin yan Sierra? May ginagawa pa ako.” Asar na
sagot ko kay Sierra.

“Okay Miss Aemie.”

Bago pa makalabas si Sierra ay nagsalita si Zeke kaya tumingin ako sa gawi nya.
“Put those files here.” Sabi nya na sinunod naman agad ni Sierra. Kainis ‘to ha.
May relasyon ba sila ni Zeke? Niloloko ba nila ko?

“Do you want to take a rest wife?” Tanong ni Zeke nung mapalingon sya sa gawi ko.
Nakaalis na din pala si Sierra, hindi ko na napansin.

“Ayoko!”
“Do you want to eat?”

“Ayoko!”

“Then what do you want?”

“Bakit ako tinatanong mo dong? Bakit hindi si Sierra tanungin mo?”

“Pfft. Are you kidding me?”

“Mukha ba akong nagjo-joke?” Kita mo na. Kita mo na! Lahat na lang kasi dinadaan
nya sa joke. Huhuhu. Di nya alam nakakasakit na sya ng damdamin.

“Pfft. I love you.” Tumayo si Zeke mula sa kinauupuan nya saka lumapit sa’kin. “I
will call a doctor to set an appointment later if that’s okay with you.”

Huh? Para saan? Hinipo ko ang leeg ko kung mainit pa. Kanina kasing umaga nung
magising ako medyo mainit ako. Pero ngayon “Okay naman na ako.”

“Yeah. I know.” Nakangiting sagot ni Zeke.


“Ayan ka na naman sa pangiti-ngiti mo Zeke nang-iinis ka na naman.”

“Hahaha don’t get mad. Do you know how much I fall in love with you when you’re
mad?”

“Talagang gusto mong iniinis ako?”

“Nah. I just find it cute.” Cute-cute. Pauso din ‘to si Zeke eh. “But you are
beautiful when you’re smiling.”

**

A/N : Mafias! Bili kayo ng MHIAMB Volume 1 and 2. Available sya in all leading book
store nationwide. Kapag wala naman, pa-reserve na lang po kayo sa customer service.

Volume 3 will be published soooooooon.

Bale 5 volumes ‘yung Season 1 ha? Yay! Thank you pala sa lahat ng bumili ng books
<3 Sa mga wala pa. Aba’y bili na. Hehehe. Loves <3

=================
Chapter 18

PHA+PHN0cm9uZz5TZWJhc3RpYW7igJlzIFBvVjwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N
0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQW5vbmcgbmFuZ3lheWFyaSBrYXkgTWHigJlhbSBBZW1pZT/igJ
0gPC9zdHJvbmc+QnVsb25nIG5pIExlZSBzYeKAmWtpbi4gVGluYW1wYWwga28gYW5nIGthbWF5IG55YW5nI
GR1bXVkdWtvdCBzYSBraW5ha2FpbiBrb25nIFBpYXRvcy4gPHN0cm9uZz7igJxXYWcga2FuZyBwYXJhLXBh
cmFhbiBkcmUu4oCdIDwvc3Ryb25nPlNhYmkga28uIFRha3Rlbmcg4oCYdG8hIE1ha2lraWthaW4gbGFuZyB
kaW5hZGFsaWhhbiBwYSBha28gbmcga2Fsb2tvaGFuLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPu
KAnFNlYmFzdGlhbiHigJ0gPC9zdHJvbmc+VGF3YWcgbmkgTWlzcyBBZW1pZS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvc
D4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxZbyBNaXNzIEFlbWll4oCdIDwvc3Ryb25nPlR1bWF5byBhZ2FkIGFrbyBhdCBs
dW1hcGl0IHNhIGthbnlhLiA8c3Ryb25nPuKAnE5hc2FiaSBiYSBuaSBaZWtlIGt1bmcgYW5vbmcgb3JhcyB
zeWEgYmFiYWxpaz/igJ0gPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPH
A+UHV0ZWshIE5hc2FiaSBiYSBuaSBib3NzaW5nIGt1bmcgYW5vbmcgb3JhcyBzeWEgYmFiYWxpaz8gPHN0c
m9uZz7igJxNYXlhLW1heWEgc2lndXJvIG5hbmR5YW4gbmEg4oCYeXVuIE1pc3PigJTigJw8L3N0cm9uZz48
L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEFubyBiYSBuYW1hbiD
igJh5YW4gc2kgWmVrZSEgU2FiaSBrbyBiaWxpc2FuIGVoLuKAnSA8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPiZuYnNwOz
wvcD4KPHA+U2ludWJvIGtvIGFuZyBrYW5pbmEga28gcGEgaGF3YWsgbmEgUGlhdG9zIG5hbmcgaGluZGkga
W5hYWxpcyBhbmcgdGluZ2luIGtheSBNaXNzIEFlbWllLiBLYW5pbmEgcGEgc3lhIHBhbGFrYWQtbGFrYWQg
YXQgbXVraGFuZyBpbmlwIG5hIGluaXAgbmEuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcWW8
gQWVtaWUgZ3VzdG8gbW8gYmFuZyBtYWdsYXJvIG5nIHB1c295P+KAnSA8L3N0cm9uZz5TaW5naXQgbmkgTG
FtcGUuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPlR1bWlnaWwgc2kgTWlzcyBBZW1pZSBzYSBwYWdsYWxha2FkI
GF0IHRpbmlnbmFuIG5nIG1hc2FtYSBzaSBMYW1wZSA8c3Ryb25nPuKAnE11a2hhIGJhbmcgZ3VzdG8ga29u
ZyBtYWctbGFybyBuZyBwdXNveT/igJ08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc
+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEJvb20gYmFzYWch4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+Cj
xwPjxzdHJvbmc+4oCcV2hvYSBjaGlsbCHigJ0gPC9zdHJvbmc+TmFrYXRhYXMgcGEgYW5nIGthbWF5IG5pI
ExhbXBlIG5hIHVtYXRyYXMga2F5YSBuYXRhd2EgYWtvLiBNYWdpbmcgc2lsYSBMZWUgYXQgQm91bCBheSBu
YXRhd2EgZGluLiA8c3Ryb25nPuKAnFBha3l1LuKAnSA8L3N0cm9uZz5IZSBtb3V0aGVkIGtheWEgbGFsbyB
rYW1pbmcgbmFndGF3YW5hbi48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxWYXNoLuKAnSA8L3
N0cm9uZz48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+TXVudGlrIHBhbmcgbWF0YXBvbiBhbmcgYmVlciBpbiBjY
W4gbmEgaGF3YWsgbmkgQm91bCBkYWhpbCBzYSBndWxhdCBudW5nIGJpZ2xhIHN5YW5nIHRhd2FnaW4gbmkg
TWlzcyBBZW1pZS4gUGZmdC4gV2VuZ3lhISBBbm8gbmdhIGtheWFuZyBuYW5neWF5YXJpIGtheSBNaXNzIEF
lbWllPyBOYWctYXdheSBiYSBzaWxhIG5pIEJvc3Npbmc/IE8gYmFrYSBuYW1hbi4gU2hpdCEgSGluZGkga2
F5YSBhbGFtIG5hIG55YSDigJh5dW5nIHR1bmdrb2wgZG9vbiBzYSBiYWJhZT88L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvc
D4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxNLW1pc3MgQWVtaWUu4oCdIDwvc3Ryb25nPk5hdXV0YWwgbmEgc2Fnb3Qgbmkg
Qm91bC48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+TmFwYWhpbGFtb3MgYWtvIG5nIG11a2hhIGRhaGlsIHNhIG5
haXNpcCBrby48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxNYWctdXNhcCBuZ2EgdGF5byBWYX
NoLuKAnSA8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+TmFnLWFhbGFuZ2FuIHBhbmcgdHVtYXlvI
HNpIEJvdWwgcGVybyBtYWJpbGlzIHBhIHNhIGFsYXMga3dhdHJvIHN5YW5nIHR1bWF5byBhdCBzdW11bm9k
IGtheSBNaXNzIEFlbWllIG51bmcgdGluaWduYW4gc3lhIG5nIG1hc2FtYS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4
KPHA+PHN0cm9uZz7igJxTYWJpIHNh4oCZeW8gbWF5IGtha2FpYmEga2F5IE1h4oCZYW0gQWVtaWUgZWgu4o
CdIDwvc3Ryb25nPlNhYWQgbmkgTGVlLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEFuYWsgb
mchIE5hZ3VsYXQgYWtvIHNhIGlzaW5hZ290IHNh4oCZa2luIGFoLuKAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0
cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQmFzYWcga2Eg4oCYdG9sIG5vP+KAnSA
8L3N0cm9uZz5OYXRhdGF3YW5nIGFzYXIga28uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcTX
VraGEgbW8ga2F5YSBiYXNhZ2luIGtvIExlcndpY2s/4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuY
nNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+SHVtYXdhayBha28gc2EgZGliZGliIGtvIG5hIGt1bndhcmluZyBuYXNh
c2FrdGFuLiA8c3Ryb25nPuKAnEF3dyBiYXR0ZXJlZCBiYWJ5IGJhIGFrbyBzYeKAmXlvIGJhYnkgTGFtcGU
/4oCdIDwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4o
CcVWx1bCEgVGlnaWxhbiBtbyBha28gTGVyd2ljay4gR3dhcG8ga29uZyDigJh0byBwYXBhdG9sIHNhIGJha
2xhP+KAnSA8L3N0cm9uZz5QZmZ0LiBBbmcgc2FyYXAgZ2FndWhpbiBuaXRvIG5pIExhbXBlIGVoLiA8c3Ry
b25nPuKAnEF3dyBiYWJ5IExhbXBlLCBnYW55YW5hbiBuYSBiYSB0YXlvPyBQYWdrYXRhcG9zIG1vbmcgYW5
na2luaW4gYXQgcGFnc2F3YWFuIGFuZyBtdXJhbmcga2F0YXdhbiBrbz/igJ0gPC9zdHJvbmc+VW1hcnRlIG
FrbyBuYSBuYXNhc2FrdGFuIGtheWEgYmluYXR1a2FuIGFrbyBuaSBMYW1wZS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvc
D4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxNdXJhIGtvIGd1c3RvIG1vP+KAnSA8L3N0cm9uZz50YW5vbmcgbnlhLjwvcD4K
PHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcSGFoYWhhaGEgZHJlLiBLYWx
tYS4gQWxhbSBtbyBuYW1hbmcgaGluZGkgYWtvIHB1bWFwYXRvbCBzYSBwYW5naXQu4oCdIDwvc3Ryb25nPj
wvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4qKjwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+C
jxwPjxzdHJvbmc+VmFzaOKAmXMgUG9WPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25n
PjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxNaXNzIEFlbWllLuKAnSA8L3N0cm9uZz5JIGd1bHBlZC4gTmFrYXRhbGl
rb2QgbGFuZyBzeWEgc2HigJlraW4gYXQgaGluZGkgbmFnc2FzYWxpdGEga2F5YSBuYWdoaW50YXkgYWtvIG
5nIGlsYW5nIHNhZ2xpdC48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxUaGlyZCBwYXJ0eSBiY
SBkYWhpbGFuIG5nIHBhZ2hpaGl3YWxheSBueW8gbmkgQ2FpbGVpZ2g/4oCdIDwvc3Ryb25nPkhpbmRpIGtv
IGluYWthbGFuZyBkaWRpcmV0c3VoaW4gbnlhIGFrbyBuZyB0YW5vbmcuIEFpc2guIDxzdHJvbmc+4oCcSGl
uZGkgcG8u4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+TWFiaW
xpcyBuYSBodW1hcmFwIHNh4oCZa2luIHNpIE1pc3MgQWVtaWUgYXQgdGluaWduYW4gYWtvIG5nIG1hdGEgc
2EgbWF0YS4gPHN0cm9uZz7igJxLdW5nIGhpbmRpIHRoaXJkIHBhcnR5LCBhbm8/4oCdIDwvc3Ryb25nPlNl
cnlvc29uZyB0YW5vbmcgbnlhLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5BbmcgdG90b28gbnlhbiwgaGluZGk
ga28gZGluIGFsYW0ga3VuZyBhbm9uZyBpc2FzYWdvdCBrby4gTmFrYW5hbXB1Y2hhISA8c3Ryb25nPuKAnE
hpbmRpIGtvIGRpbiBhbGFtIGt1bmcgYW5vIGFuZyBkYWhpbGFuIE1pc3MgQWVtaWUgZGFoaWwgYmlnbGEgb
mEgbGFuZyBuYWtpcGFnLWhpd2FsYXkgc2HigJlraW4gc2kgQ2FpbGVpZ2gu4oCdIDwvc3Ryb25nPkF0IOKA
mHl1biBhbmcgdG90b28uIEd1c3R1aGluIGtvIG1hbmcgaXRhbm9uZyBzYSBrYW55YSBhbmcgZGFoaWxhbiB
oaW5kaSBrbyBtYWdhd2EgZGFoaWwgaGluZGkgbmEgZGluIG55YSBha28ga2luYWthdXNhcC48L3A+CjxwPi
ZuYnNwOzwvcD4KPHA+SHVtYXJhcCBzaSBNYeKAmWFtIEFlbWllIHNhIGFraW4gbmEgbmFrYWNyb3NzLWFyb
XMgaGFiYW5nIG1hbGFsaW0gYW5nIGluaWlzaXAuIDxzdHJvbmc+4oCcR2FudW4gYmE/4oCdIDwvc3Ryb25n
PnRhbm9uZyBueWEuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcR2FudW4gbmdhIHBvIE1h4oC
ZYW0gQWVtaWUu4oCdIDwvc3Ryb25nPkkgYW0gc3RhcmluZyBhdCBoZXIgcGVybyBwYWtpcmFtZGFtIGtvIH
NpIGJvc3MgYW5nIGthdXNhcCBrby48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxIaSBXaWZlL
uKAnSA8L3N0cm9uZz5QYXJhbmcgaGFuZ2luIG5hIGR1bWFhbiBzaSBib3NzIGF0IGx1bWFwaXQga2F5IE1h
4oCZYW0gQWVtaWUgbmEgc2luYWx1Ym9uZyBuYW1hbiBzeWEgbmcgeWFrYXAga2F5YSBsdW1heW8gYWtvIG5
nIGthdW50aS4gPHN0cm9uZz7igJxEb25nIeKAnSA8L3N0cm9uZz5NdWxhIHNhIHNlcnlvc28gYXkgbmFnYm
FnbyBhbmcgZWtzcHJlc3lvbiBuZyBtdWtoYSBueWEuIEFpc2ghIEliYSBuYSBhbmcgaW4gbG92ZS48L3A+C
jxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+QW1wISBQYWdrYWthdGFvbiBrbyBuYSDigJh0b25nIHVtYWxpcy4gRGFoYW4t
ZGFoYW4gYWtvbmcgbmFnbGFrYWQgcGFsYXlvIHBhcmEgc3VtaWJhdCBuIGFzYW5hIG51bmcgbWFnc2FsaXR
hIHNpIE1h4oCZYW0gQWVtaWUga2F5YSBodW1pbnRvIGFrby4gPHN0cm9uZz7igJxWYXNoLiBIaW5kaSBwYS
B0YXlvIHRhcG9zIG1hZy11c2FwLuKAnSA8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+SHVtYXJhc
CBha28gcGFyYSBzdW1hZ290IG5nIOKAmE9wb+KAmSBwZXJvIG5hdW5hbmcgbWFnc2FsaXRhIHNh4oCZa2lu
IHNpIEJvc3MuIDxzdHJvbmc+4oCcV2lmZSwgd2UgaGF2ZSBhbiBhcHBvaW50bWVudCByZW1lbWJlcj/igJ0
gPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+VGluaWduYW4gbXVuYS
Bha28gbmkgTWHigJlhbSBBZW1pZSBiYWdvIG55YSBzaW5hZ290IHNpIEJvc3MuIDxzdHJvbmc+4oCcSGF5e
SEgS2FuaW5hIHBhIGthc2kgYWtvIG5hZy1hYW50YXkgZGl0bywgYW5nIHRhZ2FsLXRhZ2FsIG1vLuKAnSA8
L3N0cm9uZz5BbmdhbCBueWEga2F5IEJvc3MgaGFiYW5nIG5hZ2xhbGFrYWQgc2lsYW5nIGRhbGF3YSBwYWx
heW8gc2HigJlraW4uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcUGZmdC4gU29ycnku4oCdID
wvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7P
C9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPkthaXplcuKAmXMgUG9WPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25n
PiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxCYWthIG5hbWFuIGJ1bnRpcyBzaSBNaXNzIEF
lbWllIGtheWEgbWFzdW5naXQ/4oCdIDwvc3Ryb25nPk5ha2FuZ2lzaW5nIHNhYWQgbmkgTGVyd2ljaywgc2
FiYXkgc3VibyBudW5nIGtpbmFrYWluIG55YS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+QWJhIG5nYSBuYW1hb
iBha2FsYWluIG1vIG5nYSBuYW1hbmcgbmFrYSBob21lIHJ1biBuYSBwYWxhIGFuZyBsb3ZlciBib3kuIDxz
dHJvbmc+4oCcUHdlZGUgcHdlZGUu4oCdIDwvc3Ryb25nPk5ha2FuZ2lzaW5nIHNhZ290IGtvLjwvcD4KPHA
+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFRhbm9uZyBtbyBkdWRlLCBuYW5nIG1hcGFnLWhhbmRhYW4gbm
EgbmHigJl0aW4u4oCdIDwvc3Ryb25nPlNhYmkgbmkgTGVyd2ljayBzYWJheSB0dWxhayBzYSBha2luLiBHY
Wdvbmcg4oCYdG8uIEthaWxhbmdhbiBwYSBuYW51bnVsYWs/IDxzdHJvbmc+4oCcUG9ya2V0IGFrbyBwaW5h
a2EtZ3dhcG8sIGthaWxhbmdhbiBha28gYW5nIG1hZ3RhdGFub25nPyBXYWcgZ2FueWFuIOKAmHRvbC7igJ0
gPC9zdHJvbmc+UGVybyBrdW5nIHRvdG9vbmcgYnVudGlzIG5nYSBzaSBBZW1pZSwgYWJh4oCZeSBkYXBhdC
BuYW5ndW5ndW5hIHNhIGxpc3RhaGFuIGFuZyBwaW5ha2Fnd2Fwby48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+T
HVtYXBpdCBzaSBMZXJ3aWNrIGF0IGhpbmltYXMgYW5nIGxpa29kIGtvLiA8c3Ryb25nPuKAnEFsYW0ga28g
YmFieSBMYW1wZSBsaWJyZSBhbmcgbWFuZ2FyYXAsIHBlcm8g4oCYd2FnIG5hbWFuIGFidXNvIGhhLuKAnTw
vc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPkFuYWsgbmchPC9wPgo8cD
48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+QWttYW5nIGhhaGFtYmFsdXNpbiBrbyBuZyBsYXRhI
G5nIHBpa25payBzaSBMZXJ3aWNrIG51bmcgZHVtYWFuIHNpbGEgTXIuIFJvc3dlbGwgYXQgQWVtaWUuIDxz
dHJvbmc+4oCcSGluZGkgYmEgcHdlZGVuZyBidWthcyBuYSBwdW11bnRhIFpla2U/4oCdIDwvc3Ryb25nPjw
vcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcTmFoLuKAnTwvc3Ryb2
5nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcU2FhbiBhbmcgb
GFrYWQgbnlvIGJvc3Npbmc/4oCdIDwvc3Ryb25nPk1hYmlsaXMga29uZyBzaW5pa28gYW5nIHVzaXNlcm9u
ZyBzaSBMZXJ3aWNrIHNhIHNpa211cmEgZGFoaWwgdHVtaW5naW4gc2EgYW1pbiBzaWxhIE1yLiBSb3N3ZWx
sIGF0IEFlbWllLiA8c3Ryb25nPuKAnEF3dHMgbmFtYW4uIFN3ZWV0IG1vIHRhbGFnYSBtYWdsYW1iaW5nIG
JhYnkgTGFtcGUu4oCdIDwvc3Ryb25nPk1hZ3RhdGFub25nIHBhIGthc2kuIEhpbmRpIG5hIGxhbmcgbWF0d
XdhIGRhaGlsIGFhbGlzIG5hIOKAmHl1bmcgZGFsYXdhbmcgaGlnaGJsb29kLjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4m
bmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcVHNzLiBMZXTigJlzIGdvIHdpZmUu4oCdIDwvc3R
yb25nPkhhd2FrLWhhd2FrIGFuZyBrYW1heSBuaSBBZW1pZSBheSBuYWdsYWthZCBuYSBzaSBNci4gUm9zd2
VsbCBwYWxheW8uPC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4qKjwvc
3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+QWVtaWXigJlz
IFBvVjwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4
mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPkthaGl0IGxhYmFnIHNhIGxvb2Iga28gYXkgbmFwaWxpdGFuIGFrb2
5nIHN1bWFtYSBrYXkgWmVrZSBkaXRvIHNhIGhvc3BpdGFsIHBhcmEgbWFncGEtY2hlY2sgdXAuIE5hbmlua
XdhbGEgbmFtYW4ga2FzaSBha29uZyB3YWxhIGFrb25nIHNha2l0LiBTbyBiYWtpdCBwYSBha28gbWFncGFw
YWNoZWNrLXVwPzwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFVobSBleGN1c2UgbWUgcG8gU2l
yLCBNYeKAmWFt4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+Qm
FoYWd5YW5nIGhpbmlsYSBuaSBaZWtlIGFuZyBrYW1heSBrbyBwYXJhIG1ha2FsYXBpdCBkb29uIHNhIG51c
nNlIG5hIG5hc2EgZnJvbnQgZGVzayBrYXlhIHN1bXVub2QgbmEgbGFuZyBkaW4gYWtvIHNhIGthbnlhLjwv
cD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFdlIGhhdmUgYW4gYXBwb2ludG1lbnQgd2l0aCBEcmE
uIFNhbnRvcy7igJ0gPC9zdHJvbmc+U2FiaSBuaSBaZWtlIGRvb24gc2EgYmFiYWVuZyBudXJzZS4gTWF0YW
5na2FkIOKAmHl1bmcgYmFiYWUsIG1hcHV0aSwgZml0IG5hIGZpdCBhbmcgdW5pZm9ybSBueWFuZyBwYW5nL
W51cnNlLCBpbi1zaG9ydCBtYWdhbmRhLiBQd2VkZSBuYSBuZ2FuZyBtYWdwYWdhd2EgbmcgYmlsbGJvYXJk
IG5nIGhvc3BpdGFsIHRhcG9zIHN5YSDigJh5dW5nIG1vZGVsLiBIaW5hd2kgcGEgbnVuZyBiYWJhZW5nIG5
1cnNlIGFuZyBidWhvayBueWEgc2EgdGVuZ2EgYmFnbyBzaW5hZ290IHNpIFpla2UuPC9wPgo8cD4mbmJzcD
s8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQW5vIHBvbmcgbmFtZSBueW8gU2lyP+KAnSA8L3N0cm9uZz5OYW5pbmdra
XQgYWdhZCBhbmcgbWdhIG1hdGEga28gc2EgdGFub25nIG55YS4gPHN0cm9uZz7igJxLYWlsYW5nYW4gcGEg
YmEgbnlhbmcgbmFtZS1uYW1lIG5hIOKAmHlhbj/igJ0gPC9zdHJvbmc+QWFzYXIgbmEgdGFub25nIGtvLiA
8c3Ryb25nPuKAnE8tb3BvIE1h4oCZYW0gcGFyYSBwbyBtYS1jaGVjayBrbyBrdW5nIG1heSBhcHBvaW50bW
VudCBuZ2Ega2F5byBrYXkgRHJhLiBTYW50b3Mu4oCdIDwvc3Ryb25nPlNhZ290IG5hbWFuIG51bmcgbnVyc
2UuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQmFraXQgYW5vbmcgdGluZ2luIG1vIHNh4oCZ
bWluIGJ1ZG9sLWJ1ZG9sIGdhbmc/IE11a2hhIGJhbmcgbmlsb2xva28ga2EgbmFtaW7igJ0gPC9zdHJvbmc
+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxIYWhhaGEuIFJlbG
F4IHdpZmUu4oCdIDwvc3Ryb25nPk1heSBkaW51a290IHNpIFpla2Ugc2Egd2FsbGV0IG55YSBuYSBwYW5pZ
3VyYWRvbmcgY2FsbGluZyBjYXJkIGF0IGluaWxhcGFnIHNhIHRhYmxlLiBEYWRhbXB1dGluIG5hIHNhbmEg
4oCYeW9uIG51bmcgYmFiYWVuZyBudXJzZSBwZXJvIG1hYmlsaXMga28g4oCYeXVuZyBraW51aGEuPC9wPgo
8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcUGFuZ2FsYW4gbGFuZyBoaW5paGluZ2kgWmVrZSwgaGluZG
kga2FzYW1hIGFkZHJlc3MsIGNvbnRhY3QgbnVtYmVyIGF0IGNvbXBhbnkgYWRkcmVzcy7igJ0gPC9zdHJvb
mc+U2lyYS11bG8gZGluIOKAmHRvbmcgc2kgWmVrZSBrdWxhbmcgbmEgbGFuZyBwYXRpIHN1a2luZyB0aW5k
YWhhbiBpYmlnYXkgbnlhIGVoLiA8c3Ryb25nPuKAnEV6ZWtpZWwgUm9zd2VsbCBuYW1lIG55YS7igJ0gPC9
zdHJvbmc+Qndpc2l0IG5hIHNhYmkga28gc2EgbnVyc2UuIFRhbmdoYWxpbmcgdGFwYXQgcGluYWlpbml0IH
VsbyBrby48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxTaWdlIHBvIE1h4oCZYW0sIHVwbyBtd
W5hIHBvIGtheW8gZG9vbiBhdCBtYWdoaW50YXkgc2FnbGl0LuKAnSA8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPiZuYnNw
OzwvcD4KPHA+UGFkYWJvZyBrb25nIGhpbmlsYSBzaSBaZWtlIHBhcHVudGEgZG9vbiBzYSB3YWl0aW5nIGF
yZWEgbmEgdGludXJvIG51bmcgYmFiYWUuIDxzdHJvbmc+4oCcS2l0YSBtbyBuYSBaZWtlIGhhPyBLaXRhIG
1vIG5hISBQYWdoaWhpbnRheWluIHBhIHRheW8gZGl0bywgbmFzYXNheWFuZyBhbmcgb3JhcyBuYeKAmXRpb
i4gSW1iZXMgbmEgbmF0YXRhcG9zIG5hIGxhaGF0IG5nIG1nYSBkYXBhdCB0YXB1c2luIHNhIHRyYWJhaG8g
ZWjigJTigJw8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25
nPuKAnEhhaGFoYS7igJ0gPC9zdHJvbmc+VHVtaWdpbCBha28gbnVuZyB0dW1hd2Egc2kgWmVrZSBhdCBzYW
thIGFrbyBpbmFrYmF5YW4uIDxzdHJvbmc+4oCcWW914oCZcmUgbG92ZWx5LuKAnSA8L3N0cm9uZz5TYWJpI
G55YSBzYWJheSBraW5kYXQuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Kio8L3N0cm9uZz48L3A+
CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+U2ludXN1bmRhbiBrbyBsYW5nIG5nIHRpbmdpbiBhbmcgbWdhIHBhbGFrYWQ
tbGFrYWQgbmEgcGFzeWVudGUsIG1nYSBkb2N0b3IgYXQgbnVyc2VzLiBBbmcgYm9yaW5nIG5hbWFuIGthc2
kuIFNhYmkgbnVuZyBudXJzZSBtYWdoaW50YXkgZGF3IHNhZ2xpdC4gPHN0cm9uZz7igJxFaCBrdW5nIGJ1b
WFsaWsgbmEgbGFuZyBrYXlhIHRheW8gZGl0byBidWthcyBkb25nP+KAnSA8L3N0cm9uZz5TdWdnZXN0IGtv
IHBlcm8gbmdpdGkgbGFuZyBhbmcgaXNpbmFnb3QgbnlhIHNh4oCZa2luLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo
8cD48c3Ryb25nPuKAnE1yLiBFemVraWVsIFJvc3dlbGwu4oCdIDwvc3Ryb25nPlRhd2FnIG51bmcgYmFiYW
VuZyBudXJzZSBrYXlhIHNpbmFtYWFuIGtvIGFnYWQgc3lhIG5nIHRpbmdpbi4gS2FpbGFuZ2FuIGJhIHNpI
Fpla2UgbGFuZyBhbmcgdGF3YWdpbj8gQW5vbmcgYWthbGEgbnlhIHNh4oCZa2luIHByb3BzPzwvcD4KPHA+
Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5IdW1pZ3BpdCBhbmcgaGF3YWsgbmkgWmVrZSBzYSBrYW1heSBrbyBhdCBzYWthIG1
hYmlsaXMgbmEgdHVtYXlvLiBHYW55YW4gYmEgc3lhIGthLWV4Y2l0ZWQgcGFnIHRpbmF0YXdhZyBwYW5nYW
xhbiBueWE/IEhheXkhIE5ha2FrYWluaXMhPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPkhhd2FrLWhhd2FrIG5pI
Fpla2UgYW5nIGthbWF5IGtvIGF0IHNhYmF5IGthbWluZyBuYWdsYWxha2FkIHBhcHVudGEgc2EgbWF5IHBp
bnRvIGRpIGthbGF5dWFuIHNhIGtpbmF1dXB1YW4gbmFtaW4ga2FuaW5hLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo
8cD48ZW0+RHJhLiBBbWVsaWEgU2FudG9zPC9lbT48L3A+CjxwPjxlbT5PYnN0ZXRyaWNpYW4tR3luZWNvbG
9naXN0PC9lbT48L3A+CjxwPjxlbT4mbmJzcDs8L2VtPjwvcD4KPHA+T2ItZ3luZT8g4oCYRGkgYmEgcGFuZ
yBtZ2EgYnVudGlzIOKAmHlvbj8gVGluaWduYW4ga28gc2kgWmVrZSBuYSBrYWthdGFwb3MgbGFuZyBrdW1h
dG9rIG5nIGRhbGF3YSBzYSBwaW50by48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+UGFna2FwYXNvayBuYSBwYWd
rYXBhc29rIG5hbWluZyBkYWxhd2EgYXkgbmFraXRhIGtvIGFuZyBkb2t0b3JhbmcgbmFrYW5naXRpIG5hIG
J1bWF0aSBzYeKAmW1pbi4gTXVraGFuZyBiYXRhIHBhIOKAmHl1bmcgZG9rdG9yYS4gRmVlbGluZyBrbyBuZ
2Egd2FsYSBwYSBzeWFuZyBhc2F3YSBlaC4gPHN0cm9uZz7igJxHb29kIGRheSBNci4gYW5kIE1ycy4gUm9z
d2VsbOKAnSA8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25
nPuKAnEdvb2QgZGF5LuKAnSA8L3N0cm9uZz5CYXRpIG5pIFpla2UgcGFiYWxpay4gQXQga2F5YSBuYW1hbi
BwYWxhIGV4Y2l0ZWQg4oCYdG9uZyBzaSBaZWtlIGthbmluYSBwYSBrYXNpIG1hZ2FuZGEg4oCYeXVuZyBkb
2t0b3JhLiBIYXl5IG5ha28uIEt1bmcgYWxhbSBrbyBsYW5nIGVkaSBzYW5hIGFrbyBuYSBsYW5nIG5hZ2hh
bmFwIG5nIGRvY3Rvci48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxTby4uIEhvdyBhcmUgeW9
1IGZlZWxpbmcsIE1ycy4gUm9zd2VsbD/igJ0gPC9zdHJvbmc+SWJpbmFsaW5nIGtvIGFuZyB0aW5naW4ga2
8gc2EgZG9rdG9yYSBkYWhpbCBzYSB0YW5vbmcgbnlhLiA8c3Ryb25nPuKAnFVobW0gYXlvcyBsYW5nIG5hb
WFuLuKAnSA8L3N0cm9uZz5XYWxhbmctZ2FuYW5nIHNhZ290IGtvLiBJbmFhbnRvayBuYSBha28uIEhhbmdn
YW5nIGFub25nIG9yYXMgcGEgYmEga2FtaSBkaXRvLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuK
AnE11a2hhbmcgd2FsYSBzYSBtb29kIHNpIE1ycy4gUm9zd2VsbC7igJ0gPC9zdHJvbmc+QnVsb25nIG55YS
BrYXkgWmVrZS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxZZWFoLuKAnSA8L3N0cm9uZz5OY
XRhdGF3YW5nIHNhZ290IG5hbWFuIG5pIFpla2UuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPk8gc2lnZSBzaWxh
bmcgZGFsYXdhIG5hIGxhbmcgYW5nIG1hZy11c2FwLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPio
qPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+SGluZGkga28gbmEgaW
5pbnRpbmRpIGt1bmcgYW5vbmcgcGluYWdzYXNhc2FiaSBudW5nIERyYS4gU2FudG9zIGJhc3RhIGFuZyBhb
GFtIGtvIGxhbmcgYXkga2ludWhhYW4gYWtvIG5nIGR1Z28gYXQgdXJpbmUgc2FtcGxlIHBhcmEgbWF0aWdu
YW4gZGF3IGt1bmcgcG9zaXRpdmUuIEdhZ2F3aW4gcGEgYWtvbmcgZHJ1ZyBhZGRpY3Qgbml0b25nIGRva3R
vcmFuZyDigJh0by48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxaZWtlIG5hYm8tYm9yZWQgbm
EgYWtvLiBLYW5pbmEgcGEgdGF5byBuYWctYWFudGF5LuKAnSA8L3N0cm9uZz5BbmdhbCBrby4gUGluYWctY
WFudGF5IG5hIG5hbWFuIGthc2kga2FtaS4gSGF5eS4gTmFrYWthaW5pcyBwYSBsYW5nIG1hZy1hbnRheS4g
PHN0cm9uZz7igJxIdWg/IE9ubHkgMyBtaW51dGVzIGhhdmUgcGFzc2VkIHdpZmUuIEFuZCBpdCBpcyBub3Q
gYSBsb25nIHRpbWUgdG8gd2FpdC7igJ08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbm
c+PC9wPgo8cD5UaHJlZSBtaW51dGVzIHBhIGxhbmcgYmE/IEJha2l0IGZlZWxpbmcga28gbnVuZyBpc2FuZ
yB0YW9uIHBhIGthbWkgbmFnLWFhbnRheS4gQW5nIHRhZ2FsLXRhZ2FsISA8c3Ryb25nPuKAnEluYWFudG9r
IG5hIGRpbiBha28uIEh1aHVodS7igJ08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc
+PC9wPgo8cD5JbmloaWdhIG5pIFpla2UgYW5nIHVsbyBrbyBzYSBiYWxpa2F0IG55YSBwYWdrYXNhYmkga2
8gbnVuLiBLYXlhIHB1bWlraXQgbmEgbGFuZyBha28uIDxlbT4qeWF3bio8L2VtPjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7P
C9wPgo8cD5TYWdsaXQgcGEgbGFuZyBha29uZyBuYWthcGlraXQgbnVuZyBtYXBhbXVsYXQgYWtvIGJpZ2xh
IGF0IHNha2EgdW11cG8gbmcgbWFheW9zLiA8c3Ryb25nPuKAnFdoeT/igJ08L3N0cm9uZz4gS3Vub3Qtbm9
vbmcgdGFub25nIG5pIFpla2UuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcRmVlbGluZyBrby
BtYXkgbmFrYXRpbmdpbiBzYeKAmXRpbiBkb25nLuKAnSA8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic
3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFdoYXQ/4oCdIDwvc3Ryb25nPlRhbm9uZyBueWEuPC9w
Pgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPkhpbmRpIGFrbyBwd2VkZW5nIG1hZ2thbWFsaS4gUmFtZGFtIG5hIHJhbWR
hbSBrbyB0YWxhZ2Ega2FuaW5hbmcgbWF5IG5ha2F0aW5naW4gc2EgYW1pbi4gVHVtaW5naW4gYWtvIHNhIG
lzYW5nIGJhaGFnaSBuZyBvc3BpdGFsIG5hIHdhbGEgZ2Fhbm9uZyB0YW8uIFdhbGEgc2Egc2FyaWxpIGFrb
25nIHR1bWF5byBhdCBtYWJpbGlzIG5hIG5hZ2xha2FkIHBhcHVudGEgc2EgZGlyZWtzeW9uIG5hIOKAmHl1
bi48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+UGFna2FkYXRpbmcgbmEgcGFna2FkYXRpbmcgbmFtaW4gbmkgWmV
rZSBzYSBrYW50byBuZyBoYWxsd2F5IG5hIG5pbGFrYXJhbiBuYW1pbiBheSBtYXkgbmFraXRhIGthbWluZy
BsYWxha2kgbmEgbWFiaWxpcyBuYSBuYWdsYWxha2FkIHBhbGF5by4gU29icmFuZyBsYXlvIG5hIGRpbiBue
WEgc2Ega2luYXJvcm9vbmFuIG5hbWluZy48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxTaGl0
IeKAnSA8L3N0cm9uZz5Vc2FsIHNpIFpla2UuIEJpbml0YXdhbiBueWEgYWdhZCBhbmcga2FtYXkga28gYXQ
gc2FrYSBtYWJpbGlzIG5hIG5hZ2xha2FkIGthc3Vub2QgbmcgbGFsYWtlLiBLYXlhIG5haXdhbiBha29uZy
BuYWthdGluZ2luIGxhbmcgYXQgcGluYXBhbm9vZCBzeWEgbmFnbGFsYWthZCBwYWxheW8uIFRhdGFsaWtvZ
CBuYSBzYW5hIGFrbyBwYXJhIGJ1bWFsaWsgc2Ega2luYXV1cHVhbiBuYW1pbiBrYW5pbmEgcGVybyBiaWds
YSBzeWFuZyB0dW1pZ2lsIG51bmcgbmFzYSBnaXRuYSBuYSBzeWEgbmcgaGFsbHdheSBhdCBzYWthIGh1bWF
yYXAgc2HigJlraW4uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQmFraXQgYnVtYWxpayBrYS
BaZWtlPyBIaW5kaSBtbyBiYSBzdXN1bmRhbiDigJh5dW5nIGxhbGFrZT/igJ0gPC9zdHJvbmc+VGFraGFuZ
yB0YW5vbmcga28gbnVuZyBtYWthbGFwaXQgc3lhIHNh4oCZa2luLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48
c3Ryb25nPuKAnE5haC7igJ0gPC9zdHJvbmc+U2Fnb3QgbnlhIHNha2EgdW1ha2JheSBzYeKAmWtpbi48L3A
+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxQZXJvIGJha2l0PyBQYWFubyBrdW5nIGJ1bWFsaWsg4o
CYeXVuZyBsYWxha2kgZGl0bz/igJ0gPC9zdHJvbmc+S2luYWthYmFoYW5nIHRhbm9uZyBrby4gUmFtZGFtI
GtvIGthc2luZyBoaW5kaSBtYWdhbmRhIGludGVuc3lvbiBudW5nIGxhbGFrZSBlaC48L3A+CjxwPiZuYnNw
OzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxUaGVuIHRoYXTigJlzIHRoZSB0aW1lIHRoYXQgSeKAmWxsIGtpbGwgaGl
tLuKAnSA8L3N0cm9uZz5LdW1weWFuc2FuZyBzYWdvdCBuaSBaZWtlLiBCYWtpdCBoaW5kaSBwYSBueWEgc2
ludW5kYW4/IFB3ZWRlIG5hbWFuIG55YW5n4oCUPHN0cm9uZz7igJxJIGNhbuKAmXQgbGVhdmUgeW91IGFsb
25lIHdpZmUuIEVzcGVjaWFsbHkgaW4geW91ciBjb25kaXRpb24u4oCdIDwvc3Ryb25nPkR1Z3RvbmcgcGEg
bnlhLiBTYWthIG5ndW1pdGkgdWxpdC48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4qKio8L3N0cm9
uZz48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxIaW5kaSBiYSBwd2VkZW5nIGJ1a2FzIG5hIG
xhbmcgbWFnLW1hbGwgZG9uZz/igJ0gPC9zdHJvbmc+SW5hYW50b2sgbmEgdGFub25nIGtvLiBLYW5pbmEgc
GEgYWtvIGluYWFudG9rIGVoLiBLYWthc2FrYXkgbGFuZyBuYW1pbmcgZGFsYXdhIHNhIGtvdHNlIHRhcG9z
IG5hZy1hYXlhIG5hbWFuIGFnYWQgbWFnLW1hbGwg4oCYdG8gc2kgWmVrZS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4
KPHA+PHN0cm9uZz7igJxOYWguIDkgbW9udGhzIG
lzbuKAmXQgdGhhdCBsb25nLuKAnSA8L3N0cm9uZz5TaW11bGEga2FzaSBudW5nIHNpbmFiaSBudW5nIGRva
3RvcmEgbmEgYnVudGlzIGRhdyBha28gcGFyYW5nIGV3YW4gbmEgc2kgWmVrZS4gUGluaWtpdCBrbyBuYSBh
bmcgbWF0YSBrbyBkYWhpbCBpbmFhbnRvayB0YWxhZ2EgYWtvLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3R
yb25nPuKAnFdoYXQgYnJhbmQgb2YgY2FyIGRvIHlvdSB0aGluayBoZSB3b3VsZCBjaG9vc2U/4oCdPC9zdH
Jvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxXaWZlLCBJI
GhhdmUgYW4gaWRlYS4gSSB0aGluayB3ZSBzaG91bGQgYnV5IHNldHMgb2YgZ3VuIGZvciBoaW0gdG9vLuKA
nTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQnV
0IHdlIHNob3VsZCBkZWNvcmF0ZSBoaXMgb3duIHJvb20gZmlyc3QuIEhvdyBhYm91dCBjb29yZGluYXRpbm
cgd2l0aCBhIHByb2Zlc3Npb25hbCBpbnRlcmlvciBkZXNpZ25lciBmb3IgaGlzIHJvb20gd2lmZT/igJ08L
3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEV3YW4g
a28gc2HigJl5byBaZWtlLuKAnSA8L3N0cm9uZz5JbmFhbnRvayBuYSBzYWdvdCBrby4gPHN0cm9uZz7igJx
IaW5kaSBiYSBwd2VkZW5nIG1hdHVsb2cgbXVuYSB0YXlvIGJhZ28g4oCYeWFuZyBtZ2Eg4oCYeWFuP+KAnS
A8L3N0cm9uZz5EdWd0b25nIGtvLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5CYWdvIHBhIGFrbyB0dWx1eWFuZ
yBtYWthdHVsb2cgYXkgbmFkaW5pZyBrbyBwYW5nIG5hZy1zYWxpdGEgc2kgWmVrZS4gPHN0cm9uZz7igJxJ
IHNob3VsZCBhbHNvIHN0YXJ0IGxvb2tpbmcgZm9yIGEgcHJlc3RpZ2lvdXMgc2Nob29sLuKAnSA8L3N0cm9
uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPioqKjwvc3Ryb25nPj
wvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPlNlcnlvc28gYmEgdGFsYWdhIOKAmHRvb
mcgc2kgWmVrZT88L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+TmFrYXRheW8ga2FtaW5nIGRhbGF3YSBuZ2F5b24g
c2EgdGFwYXQgbmcgaXNhbmcgYm91dGlxdWUgc2EgbWFsbCBuYSBwdXJvIHBhbmcgYmFieSBhbmcgcGFuaW5
kYS4gQW5nIGFsYW0ga28ga2FwYWcgYnVudGlzIDkgbW9udGhzIHBhIOKAmGRpYmE/IEJha2l0IG5hbmRpdG
8gbmEga2FtaSBhZ2FkPzwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnERvbmc/IEhpbmRpIGthe
WEgbWFna2EtYWxpa2Fib2sgbGFuZyDigJh5YW4gc2EgYmFoYXkga2FwYWcgYmluaWxpIGFnYWQgbmF0aW4/
4oCdIDwvc3Ryb25nPlRhbm9uZyBrby4gSGluZGkgcGluYXBhbnNpbiBuaSBaZWtlIGFuZyBzaW5hc2FiaSB
rbyBkYWhpbCBidXN5IHN5YSBzYSBwYWd0aW5naW4gbmcgbWdhIGNyaWIuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+Cj
xwPjxzdHJvbmc+4oCcTWFnYW5kYSBwbyDigJh5YW4gU2lyLiBCYWdvbmcgbGFiYXMgbGFuZyBwbyDigJh5Y
W5nIGNyaWIgbmEg4oCYeWFuIGF0IG5hZy1paXNhbmcgc3RvY2sgbmEgbGFuZyBwby7igJ0gPC9zdHJvbmc+
U2FiaSBudW5nIHNhbGVzbGFkeS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxXYWxhIG5hbWF
uZyBuYWd0YXRhbm9uZy7igJ0gPC9zdHJvbmc+QnVsb25nIGtvLiBXYWdhcyBwYW5nIG1ha2FuZ2l0aSBrYX
kgWmVrZS4gTyBzaWdlIHNpbGEgbmEgbWFnLW5naXRpYW4uIDxzdHJvbmc+4oCcRG8geW91IGxpa2UgdGhpc
yBvbmUgd2lmZT/igJ0gPC9zdHJvbmc+VGFub25nIG5pIFpla2Ugc2HigJlraW4uIElzYSBwYSDigJh0b25n
IHNpIFpla2UuIEJha2l0IGJhIGFrbyB0aW5hdGFub25nIG55YS4gRWggaGluZGkgbmFtYW4gYWtvIGFuZyB
oaWhpZ2EgZG9vbi48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxPa2F5IGxhbmcu4oCdIDwvc3
Ryb25nPldhbGFuZyBnYW5hbmcgc2Fnb3Qga28uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcS
G93IGFib3V0IHRoaXMgb25lP+KAnSA8L3N0cm9uZz5UdXJvIG5pIFpla2Ugc2EgY29sb3IgYmx1ZSBuYSBj
cmliLiBMYWdpbmcgYmx1ZSEgQmFraXQgYmEgbGFnaW5nIGJsdWUuIERhcGF0IHBpbmsuIE5hZ3NpbXVsYSB
uYSBuYW1hbmcgbWFnLWlrb3QtaWtvdCBzaSBaZWtlIGF0IG1hZ3RpbmdpbiBuZyBrdW5nIGFudS1hbm8uIE
t1bmcga2FuaW5hIGNyaWIgbGFuZyB0aW5pdGlnbmFuIG55YSwgbmdheW9uIHBhdGkgc3Ryb2xsZXIsIG1nY
SBkYW1pdCBhdCBpYmEgcGFuZyBiYWJ5IHN0dWZmcy48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7i
gJxQYW5nIGlsYW5nIHRhb24gcG8gYmEgU2lyP+KAnSA8L3N0cm9uZz5UYW5vbmcgbnVuZyBpc2FuZyBzYWx
lcyBsYWR5IGthc2kgaGF3YWstaGF3YWsgbmkgWmVrZSBhbmcgbWFsaWl0IG5hIHJ1YmJlciBzaG9lcy4gUG
VybyBoaW5kaSBuYWthbGFtcGFzIHNhIG1nYSBtYXRhIGtvIGt1bmcgcGFhbm8gbnlhIHRpZ25hbiBzaSBaZ
WtlLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5CYWtpdCBiYSBhbmcgaGlsaWcgbmlsYW5nIHNpIFpla2UgYW5n
IHRpbmF0YW5vbmcuIEhheXkuIEZlZWxpbmcga28gdHVsb3kgbGFnaSBuaWxhbGFuZGkgbmcgbWdhIGJhYmF
lIHNpIFpla2UuIEhheXkhPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+LUFmdGVyIGFuIGhvdXItPC
9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+TWFna2EtaG9sZGluZyBoY
W5kcyBrYW1pbmcgbmFnbGFsYWthZCBuaSBaZWtlIGRpdG8gc2EgbWFsbCBudW5nIG1hZ3NhbGl0YSBzeWEu
IDxzdHJvbmc+4oCcV2h5IGRvIHdlIGhhdmUgdG8gd2FpdCBmb3IgYSB3ZWVrP+KAnSA8L3N0cm9uZz5BY3R
1YWxseSwga2FuaW5hIHBhIHN5YSBwYXVsaXQtdWxpdCBuYSB0YW5vbmcgbmcgdGFub25nIG5nIGdhbnlhbi
4gUGFhbm8gYmEgbmFtYW4ga2FzaSDigJh5dW5nIG1nYSBiaW5pbGkgbnlhIG5leHR3ZWVrIHBhIGRhdyBpZ
GUtZGVsaXZlciBzYSBiYWhheS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxLYWhpdCBuYW1h
biBpLWRlbGl2ZXIg4oCYeXVuIG5nYXlvbiwgbWFnLWFhbnRheSBrYSBwYSBkaW4gbmcgOSBtb250aHMu4oC
dIDwvc3Ryb25nPlNhZ290IGtvIHNhIGthbnlhLiA8c3Ryb25nPuKAnFRzcy7igJ0gPC9zdHJvbmc+SGVoZW
hlIGd1c3RvIGtvbmcgdHVtYXdhIGthc2kgbmFrYW5ndXNvIG5hIG5hbWFuIHNpIFpla2UuIEFuZyBwYW5na
XQgcGEgbmFtYW4gbnlhIGthcGFuZyBndW1hZ2FudW4uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPlBlcm8gdGVr
YeKAlDwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFpla2UgYmFraXQgcHVybyBjb2xvciBibHV
lIGFuZyBiaW5pbGkgbW8/IEF5YXcgbW8gYmFuZyBidW1pbGkgbmcgcGluaz/igJ0gPC9zdHJvbmc+VGFub2
5nIGtvLiBIYWxvcyBiaWxpaGluIGthc2kgbmkgWmVrZSBsYWhhdCBuZyBtYWtpdGEgbnlhbmcgZ2FtaXQgb
mEgcGFuZy1iYWJ5IGJhc3RhIGNvbG9yIGJsdWUuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCc
TmFoLiBJIHdvbuKAmXQgbGV0IG15IHNvbiB0byB1c2UgcGluayBzdHVmZnMu4oCdIDwvc3Ryb25nPjwvcD4
KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFNvbj/igJ0gPC9zdHJvbmc+VHVtaWdpbCBha28gbmcgcG
FnbGFsYWthZCBrYXlhIHR1bWlnaWwgZGluIHN5YS4gTnVuZyBtYWthaGFyYXAgc2kgWmVrZSBheSB0aW5hY
XNhbiBrbyBhZ2FkIHN5YSBuZyBraWxhLiA8c3Ryb25nPuKAnEthaWxhbiBrYSBwYSBuYWdrYXJvb24gbmcg
c29uIFpla2UgaGE/4oCdIDwvc3Ryb25nPk5haWluaXMgYWtvIGhhLCBuYWlpbmlzIGFrby48L3A+CjxwPjx
zdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFNvb24u4oCdIDwvc3Ryb25nPjwvcD
4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5OZ2luaXRpYW4gbmEgbmFtYW4gYWtvIG5pIFpla2Uga2F5YSBsYWxvIGFrb
25nIG5haW5pcy4gUGVybyBiaWdsYW5nIG5haGludG8g4oCYeXVuIG51bmcgc2FiYXkga2FtaW5nIG1hcGFs
aW5nb24gbmkgWmVrZSBzYSBpc2FuZyBkaXJla3N5b24uPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPldhbGEgbmF
tYW5nIHRhbywgcGVybyBmZWVsaW5nIGtvIG1heSBuYWthdGF5byBrYW5pbmEgZG9vbi4gU3Vub2Qga29uZy
BuYXJhbWRhbWFuIGF5IGFuZyBwYWdoYXdhayBuaSBaZWtlIHNhIGJhYmEga28gYXQgc2FrYSBkYWhhbi1kY
WhhbiBpbmlsYXBpdCBhbmcgbXVraGEgbnlhIHNhIG11a2hhIGtvLiA8c3Ryb25nPuKAnFlvdSBhbHNvIGZl
bHQgdGhhdD/igJ0gPC9zdHJvbmc+VGFub25nIG55YS4gPHN0cm9uZz7igJxZdW5nIGxhbGFraS4gWXVuIOK
AmHl1bmcgbGFsYWtpIGthbmluYSBzYSBvc3BpdGFsLuKAnSA8L3N0cm9uZz5OZ3VtaXRpIHN5YSBwYWdrYX
RhcG9zIGtvbmcgc2FndXRpbiBhbmcgdGFub25nIG55YS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZ
z7igJxJZ25vcmUgaGltIGFuZCBwcmV0ZW5kIHRoYXQgeW91IGRpZG7igJl0IHNlZSBoaW0u4oCdIDwvc3Ry
b25nPlV0b3MgbmkgWmVrZSBoYWJhbmcgbmFrYW5naXRpLiBOZ3VtaXRpIGRpbiBha28ga2F5IFpla2UgYml
sYW5nIHR1Z29uLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5TYWJheSB1bGl0IGthbWluZyBuYWdsYWthZCBuaS
BaZWtlIHBhcmEgbWFnaGFuYXAgbmcgcmVzdGF1cmFudCBuYSBrYWthaW5hbi4gUGVybyBoYWJhbmcgbmFnb
GFsYWthZCBrYW1pLCByYW1kYW0ga29uZyBwYXJhbWkgbmcgcGFyYW1pIGFuZyBzdW11c3Vub2Qgc2HigJlt
aW4uIEx1bWluZ29uIGFrbyBrYXkgWmVrZSBwZXJvIGhpbmRpIG5hZ2JhYmFnbyBhbmcgaXRzdXJhIG55YS4
gS2FsbWFkb25nLWthbG1hZG8gcGEgZGluIGFuZyBtdWtoYSBueWEuIFBhYW5vIG55YSBuYWdhZ2F3YW5nIH
VtYWN0aW5nIG5hIGthbG1hZG8ga2FoaXQgYWxhbSBueWFuZyBtYWRhbWluZyBuYWthc3Vub2Qgc2EgYW1pb
j88L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxBbmcgZGFtaSBuYSBuaWxhIGRvbmcu4oCdIDwv
c3Ryb25nPkJ1bG9uZyBrbyBrYXkgWmVrZS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxIb3c
gbWFueT/igJ0gPC9zdHJvbmc+S2FsbWFkb25nIHRhbm9uZyBueWEuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPl
Bhc2ltcGxlIGtvbmcgaW5pbGlib3QgYW5nIHRpbmdpbiBrbyBhdCBiaW5pbGFuZyBrdW5nIGlsYW4gYW5nI
G5ha2FzdW5vZCBhdCBuYWthdGluZ2luIHNhIGFtaW5nIGRhbGF3YSBuaSBaZWtlLiA8c3Ryb25nPuKAnDE3
4oCdIDwvc3Ryb25nPkJ1bG9uZyBrby48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxXb3cu4oC
dIDwvc3Ryb25nPkx1bWluZ29uIGFrbyBkYWhpbCBmaXJzdCB0aW1lIGtvIHlhdGFuZyBuYWRpbmlnIG5hIG
5hZy13b3cgc2kgWmVrZS4gQXQgc2EgZ2FuaXRvbmcgcGFna2FrYXRhb24gcGEgdGFsYWdhPyBUaW5pZ25hb
iBrbyBwYSBhbmcgaGFyYXAgbnlhIGRhaGlsIGJha2EgbWF5IG5ha2l0YSBsYW5nIG1hZ2FuZGFuZyBiYWJh
ZSBrYXlhIG5hZy13b3csIHBlcm8gd2FsYSBuYW1hbi48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7
igJxNYXkgcHJvYmxlbWEgYmEgZG9uZz/igJ0gPC9zdHJvbmc+Q3VyaW91cyBuYSB0YW5vbmcga28uPC9wPg
o8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcTmFoLiBJIGFtIGFtYXplZCBhdCBob3cgeW91IGNhbiBmd
WxseSBzZW5zZSB0aGVtLuKAnSA8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9w
Pgo8cD5UYWxhZ2E/IDxzdHJvbmc+4oCcUGVybyDigJhkaSBiYSBpa2F3IGRpbiBuYW1hbiByYW1kYW0gbW8
gZGluIG5hbWFuP+KAnSA8L3N0cm9uZz5UYWtoYW5nIHRhbm9uZyBrbyB1bGl0LjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC
9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFllYWgsIGJ1dCBpdCB0b29rIHllYXJzIGZvciBtZSB0byBsZWFybiBpdC7ig
J0gPC9zdHJvbmc+SGFsb3MgbWF3YWxhIG5hIHNhIGlzaXAgbmFtaW5nIG5pIFpla2UgbmEgbWF5IHN1bXVz
dW5vZCBzYSBhbWluIGRhaGlsIHNhIHBhZ2NoaWNoaWthaGFuIG5hbWluIGhhYmFuZyBuYWdsYWxha2FkIG5
1bmcgc2FrdG9uZyBtYXkgbWFrYXNhbHVib25nIGthbWluZyBsYWxha2kuIE1heSB0dWxhay10dWxhayBuYS
BwdXNoIGNhcnQgYW5nIGxhbGFraSBhdCBtYWRhbWluZyBsYW1hbi48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+V
2FsYW5nIHByZW5vbmcgbmFnbGFsYWthZCBuZyBtYWJpbGlzIGFuZyBsYWxha2kgcGFsYXBpdCBzYSBhbWlu
ZyBkYWxhd2EuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPkhpbmRpIG1hbGksIHNhIGFraW4gbGFuZy48L3A+Cjx
wPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+SWl3YXMgc2FuYSBha28gbnVuZyBtYWd1bGF0IG5hIGxhbmcgYWtvIG51bmcgYm
lnbGEgYWtvbmcgeWFrYXBpbiBuaSBaZWtlLCBwYXJhIGlpd2FzIGR1biBzYSBsYWxha2kuIDxzdHJvbmc+4
oCcRGFtbiB5b3UgYXNzaG9sZSHigJ0gPC9zdHJvbmc+R2FsaXQgbmEgc2FiaSBuaSBaZWtlIHNhIGxhbGFr
aSBwZXJvIHBhcmFuZyB3YWxhIG5hbWFuZyBuYWRpbmlnIOKAmHl1bmcgbGFsYWtpLiA8c3Ryb25nPuKAnEZ
1Y2sh4oCdIDwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFpla2Ugb2theSBsYW
5nLuKAnSA8L3N0cm9uZz5TYWJpIGtvIGtheSBaZWtlLiBLYWhpdCBhbmcgdG90b28gbnlhbiBndXN0byBrb
25nIGhhYnVsaW4geXVuZyBsYWxha2kgcGFyYSBiYXJpbGluLiBQYWFubyBrdW5nIG5hYmFuZ2dhIGFrbyBu
dW5nIHB1c2gtY2FydD8gSGluZGkgYmEgbnlhIGFsYW0gbmEgYnVudGlzIGFrbz8gV2FhYWFhYSEgRGFwYXQ
gcGFsYSBtYWctaW5nYXQgYWtvIGxhZ2kuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQXJlIH
lvdSBodXJ0P+KAnSA8L3N0cm9uZz5QdW51bmctcHVubyBuZyBwYWctYWFsYWxhIGFuZyBtYXRhIG5pIFpla
2UuIEtheWEgbmdpbml0aWFuIGtvIHN5YSBwYXJhIGlwYWtpdGFuZyBva2F5IGFrbyBkYWhpbCBoaW5kaSBu
YW1hbiB0YWxhZ2EgYWtvIG5hc2FrdGFuLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEhpbmR
pLCBva2F5IGxhbmcu4oCdIDwvc3Ryb25nPlNhZ290IGtvLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5NYWxha2
FzIGFuZyBrdXRvYiBrbyBuYSBtYXkgZ3VzdG9uZyBtYW5ha2l0IHNh4oCZbWluIG5pIFpla2UuPC9wPgo8c
D4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcRG8geW91IHdhbnQgdG8gZWF0IGhlcmUgd2lmZT/igJ0gPC9z
dHJvbmc+VGFub25nIG5pIFpla2UgbnVuZyBtYXBhdGlnaWwga2FtaSBzYSBpc2FuZyByZXN0YXVyYW50IG5
hIG11a2hhbmcgbWFtYWhhbGluLiA8c3Ryb25nPuKAnEhtbSBzYSBiYWhheSBuYSBsYW5nIGtheWEgdGF5by
BrdW1haW4u4oCdIDwvc3Ryb25nPlNhZ290IGtvL
iBTYSBtZ2Egb3JhcyBuYSDigJh0byBrYXNpIG1hcyBndXN0byBrb25nIG1hdHVsb2cgbmEgbGFuZy48L3A+
CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxBbHJpZ2h0LuKAnSA8L3N0cm9uZz5OYWthbmdpdGluZyB
zYWdvdCBuaSBaZWtlLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPioqPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD
4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+TWlsa2HigJlzIFBvVjwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mb
mJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcTmF0YWxvIGthIHNhIHB1c3RhaGFuIG5h4oCZdGlu
IGtheWEgbWFubGlicmUga2EgbmEgbGFuZy7igJ0gPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjx
zdHJvbmc+4oCcQW5nIHRha2F3IG1vIG5hbWFuIGJhYnkuIFBsYW5vIG1vIGJhbmcgdWJ1c2luIGxhbWFuIG
5nIGJhbmsgYWNjb3VudCBrbz/igJ0gPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4
oCcV2FnIGthbmcgT0EgaGEhIENoZWVzZWNha2UgbGFuZyDigJh5YW4u4oCdIDwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+
Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEFpc2ghIEFpc2ghIFNpZ2Ugc2lnZSBuYS7igJ0gPC9zdHJvbmc
+PC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPlBhcmFuZyBwaW5hZ3Nha2x1YmFuIG5sYW5naXQgYXQgbHVwYSBzaS
BTZWJhc3RpYW4gTGVyd2ljayBkYWhpbCBzYSBtZ2EgaW5vcmRlciBrb25nIGNoZWVzZWNha2UuIE5hZyB0Y
WtlLW91dCBuYSBkaW4gYWtvIHBhcmEgbWF5IG1ha2FpbiBzaWxhIGxhaGF0IHNhIGJhaGF5LiA8c3Ryb25n
PuKAnFNhIHN1c3Vub2QgbmdhIGhpbmRpIG5hIGFrbyBtYWtpa2lwYWctbGFybyBzYeKAmXlvIG5nIGJpbGx
pYXJkcy7igJ0gPC9zdHJvbmc+TmFrYWJ1c2FuZ290IGFuZyBtdWtoYSBueWEgaGFiYW5nIHNpbmFzYWJpIG
55YSB5YW4uIE5pIGhpbmRpIG55YSBkaW4gdGluaWttYW4g4oCYeXVuZyBjYWtlIG5hIGlub3JkZXIga28uP
C9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQXlhdyBtbyBiYT8gQW1pbmEgYWtvIG5hIGxhbmcg
YW5nIGtha2FpbuKAlEF3dyHigJ0gPC9zdHJvbmc+SGluaW1hcyBrbyBhZ2FkIOKAmHl1bmcga2FtYXkga28
gbmEgdGluYW1wYWwgbmkgU2ViLiBQYW5naXQgbmEsIHNhZGlzdGEgcGEuIEtheWEgaGluZGkgbmFna2FrYS
1naXJsZnJpZW5kIGVoLiA8c3Ryb25nPuKAnFNpbm8gbWF5IHNhYmluZyBheWF3IGtvP+KAnSA8L3N0cm9uZ
z5OYWthbmdpc2luZyBzYWJpIG55YS48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD5J
IHJvbGxlZCBteSBleWVzIHNha2Egc3VtdWJvIG5nIGNha2UuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJ
vbmc+4oCcU2ViIeKAnSA8L3N0cm9uZz5JIGNhbGxlZCBoaXMgbmFtZS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPH
A+PHN0cm9uZz7igJxZZXMgYmFieT/igJ0gPC9zdHJvbmc+SWRpbnVybyBrbyBuZyBiaWJpZyBrbyDigJh5d
W5nIG5hZ2xhbGFrYWQgZGkga2FsYXl1YW4gc2EgYW1pbmcgZGFsYXdhLiA8c3Ryb25nPuKAnEJhYnkgbmFt
YW4hIERpdG8ga2EgcGEgcnVtZS1yZXF1ZXN0IG5nIGhhbGlrLCBzaWd1cmFkbyBrYSBiYSBkeWFuIHNh4oC
UQXd3IHNoaXQh4oCdIDwvc3Ryb25nPkhlIGFsbW9zdCBzaG91dCBpbiBwYWluIGRhaGlsIHRpbnVrdHVrYW
4ga28gc3lhIG5nIHRpbmlkb3Igc2EgdWxvLiA8c3Ryb25nPuKAnFRpZ25hbiBtbyDigJh5dW5nIG5hc2Egb
Glrb2QgbW8u4oCdIDwvc3Ryb25nPkdpZ2lsIG5hIGJ1bG9uZyBrbyBzYSBrYW55YS48L3A+CjxwPiZuYnNw
OzwvcD4KPHA+TmFrYWhhd2FrIHBhIHN5YSBzYSB1bG8gbnlhIGhhYmFuZyBoaW5paGltYXMtaGltYXMgbnV
uZyBsdW1pbmdvbiBzeWEgc2EgbGlrb2QgbnlhIHBhcmEgdGlnbmFuIOKAmHl1bmcgdGludXR1cm8ga28uID
xzdHJvbmc+4oCcQW5vbmcgZ2luYWdhd2EgbmlsYSBkaXRvP+KAnSA8L3N0cm9uZz5UYW5vbmcgbnlhIG51b
mcgbWFrYWhhcmFwIHN5YSBzYeKAmWtpbi48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxBYmEg
bWFsYXkga28uIENsb3NlIGJhIGthbWk/4oCdIDwvc3Ryb25nPk1hdGFyYXkgbmEgc2Fnb3Qga28uIEl04oC
ZcyBhdGUgQ2FpbGVpZ2gsIGt1eWEgSmVyc29uIEtlbiwgYW5kIFBob2VuaXggbmEgbWFna2FrYXNhbWEuIF
Nob3VsZCB3ZSBlYXZlc2Ryb3Agb3Igbm90PzwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPioqPC9zd
HJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz5BZW1pZeKAmXMg
UG9WPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+UGFna2F0YXBhayB
uYSBwYWdrYXRhcGFrIHBhIGxhbWFuZyBuYW1pbmcgZGFsYXdhIG5pIFpla2UgbmcgcGFya2luZyBsb3Qgc2
EgYmFzZW1lbnQgbmcgbWFsbCBheSBtYWJpbGlzIG5hIG55YW5nIGJpbmFyaWwgYW5nIG1nYSBDQ1RWIGhhY
mFuZyBoaW5kaSBwYSB0dW1hdGFwYXQgc2EgZ2F3aSBuYW1pbi4gU3Vub2QgYXkgbWFiaWxpcyBrYW1pbmcg
bmFnbGFrYWQgcGFyZWhhcyBwYXB1bnRhIHNhIGtvdHNlIG55YSBuYSBuYWthLXBhcmsuPC9wPgo8cD4mbmJ
zcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcSSB3aWxsIGJlIGJhY2su4oCdIDwvc3Ryb25nPklzYW5nIG1hYmlsaX
MgbmEga2lzcyBzYSBsYWJpIGFuZyBnaW5hd2EgbnlhIGJhZ28gbnlhIGlzaW5hcmEgYW5nIHBpbnRvIG5nI
GtvdHNlLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5OYWtha2FyYW1kYW0gYWtvIG5nIGFudG9rIHBlcm8gaGlu
ZGkgYWtvIG1ha2F0dWxvZyBrYXNpIGFsYW0ga29uZyBuYWctYWFkdmVudHVyZSBzaSBaZWtlIGF0IGhpbmR
pIGFrbyBrYXNhbGkuIEh1aHVodS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+Tm8gY2hvaWNlIGVoLiBIYXl5Li
BTdW1hbmRhbCBuYSBsYW5nIGFrbyBzYSB1cHVhbiBhdCBwcmVudGVuZyBpdGluYWFzIGFuZyBwYWEuIEFhb
nRheWluIGtvIG5hIGxhbmcgc2kgWmVrZSBtYWth4oCUb215Z29kITwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5M
dW1pbmdvbiBhZ2FkIGFrbyBzYSBrYW5hbiBrbyBkYWhpbCByYW1kYW0ga29uZyBtYXkgcGFwYWxhcGl0IHN
hIGtvdHNlLiBUaW50ZWQgYW5nIGJpbnRhbmEgbmcga290c2Uga2F5YSBzdXJlIGFrb25nIGhpbmRpIGFrby
BraXRhIGRpdG8gbmcgbGFsYWtpbmcgcGFsYXBpdC4gSGluZGkga28gaW5hbGlzIGFuZyB0aW5naW4ga28gc
2EgbGFsYWtpbiBwYWxhcGl0IGhhYmFuZyBraW5ha2FwYSBrbyBhbmcgYm94IG5hIG5hc2EgZGFzaGJvYXJk
IG5hIG1heSBsYW1hbmcgYmFyaWwuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPk51bmcgbWFidWtzYW4ga28gYXk
gYm94IGF5IHNha3RvbmcgaWxhbmcgbWV0cm8gbmEgbGFuZyBhbmcgbGFwaXQgbmcgbGFsYWtpIHNhIGtvdH
NlLiBQYWJpbGlzIG5nIHBhYmlsaXMgYW5nIHRpYm9rIG5nIHB1c28ga28gZGFoaWwgbmFraXRhIGtvIG5hI
HN5YSBuYSBpa2luYXNhIGFuZyBoYXdhayBueWFuZyBiYXJpbC48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+SWtp
bmFzYSBrbyBkaW4gYW5nIGJhcmlsIG5hIGhhd2FrIGtvLiBBdCBuYWctaGloaW50YXkgbGFuZyBuYSB0dWx
1eWFuZyBtYWthbGFwaXQgYW5nIGxhbGFraS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+QWFudGF5aW4ga28gYm
FzIHlhbmcgbWFrYWxhcGl0PyBPIGJ1YnVrc2FuIGtvIG5hIGFuZyBwaW50byBuZyBrb3RzZT88L3A+CjxwP
iZuYnNwOzwvcD4KPHA+TmFndWd1bHVoYW4gYWtvIGRhaGlsIHNpZ3VyYWRvbmcgcGFnIGFrbyBhbmcgbmFn
YnVrYXMgbmcga290c2UgYXkgbWF1dW5haGFuIG55YSBha29uZyBidW1hcmlsLiBIaW5kaSBrbyBuYW1hbiB
zeWEgcHdlZGVuZyBiYXJpbGluIG5nIG5ha2FzYXJhIGl0b25nIHBpbnRvIG5nIGtvdHNlIGRhaGlsIHRhdG
Fsc2lrIHNh4oCZa2luIGxhaGF0IG5nIGJ1Ym9nIG5nIHNhc2FreWFuLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8c
D5PbXlnb2QhPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPkhhd2FrIGtvIG5hIGFuZyBwaW50byBuZyBrb3RzZSBw
ZXJvIGhpbmRpIGtvIG1hZ2F3YW5nIGJ1a3NhbiBkYWhpbCB0YXRsbyBuYSBzaWxhbmcgcGFsYXBpdCBkaXR
vIHNhIGtvdHNlLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5CYWhhbGEgbmEuPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+Cj
xwPlBpbmloaXQga28gYW5nIHBpbnRvIG5nIGtvdHNlIGF0Li48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0c
m9uZz7igJxaZWtl4oCdIDwvc3Ryb25nPk5haWl5YWsgbmEgYmFuZ2dpdCBrbyBzYSBwYW5nYWxhbiBuaSBa
ZWtlLiBIZeKAmXMgc3RhbmRpbmcgcmlnaHQgYmVzaWRlIHRoZSBkb29yIG9mIHRoZSBjYXIuPC9wPgo8cD4
8c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+TmFrYWhpbmdhIGFrbyBuZyBtYWx1d2FnIG51bmcgbW
FraXRhIGtvbmcgbmFrYWhpZ2EgbmEgc2Egc2FoaWcgYW5nIHRhdGxvbmcgbGFsYWtpLiBIYWxvcyBtYWl5Y
WsgcGEgYWtvIHNhIHNvYnJhbmcgdHV3YSBkYWhpbCBmb3IgdGhlIGZpcnN0IHRpbWUsIG5ha2FyYW1kYW0g
YWtvIG5nIGthYmEuIDxzdHJvbmc+4oCcU2hoLiBJ4oCZbSBoZXJlIG9rYXk/4oCdIDwvc3Ryb25nPjwvcD4
KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Kio8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPj
xzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEdyYWJlIHBhZ29kIG5hIHBhZ29kI
GFrby7igJ0gPC9zdHJvbmc+SHVtaWdhIGFnYWQgYWtvIHNhIGthbWEgYXQgcHVtaWtpdCBudW5nIG1hdGFw
b3MgYWtvbmcgbWFsaWdvLiBCdXRpIG5nYSBzaSBaZWtlIGFuZyBuYWdsdXRvIG5nIHBhZ2thaW4ga2FuaW5
hIGhhYmFuZyBuYXR1dHVsb2cgYWtvIHNhIHNvZmEgZWguPC9wPgo8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPkFuZyBkYW
1pbmcgbmFuZ3lhcmkgYnVvbmcgYXJhdy4gPHN0cm9uZz7igJxIaSBiYWJ5LiBEbyB5b3Ugd2FudCB0byB3Y
XRjaCBzb21lIG1vdmllcz/igJ0gPC9zdHJvbmc+UGFyYW5nIG5hZy1wYW50aW5nIGFuZyB0ZW5nYSBrbyBu
dW5nIG1hZGluaWcga29uZyBuYWdzYWxpdGEgc2kgWmVrZS48L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+QXQgc2l
ub25nIHRpbmF0YXdhZyBuaXRvbmcgYmFieT88L3A+CjxwPiZuYnNwOzwvcD4KPHA+TWFiaWxpcyBha29uZy
BidW1hbmdvbiBhdCBzaW5hbWFhbiBuZyB0aW5naW4gc2kgWmVrZS4gPHN0cm9uZz7igJxQZmZ0LiBXaHk/4
oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxB
bm9uZyBwcm9ibGVtYSBtbyBkb25nP+KAnSA8L3N0cm9uZz5JbmlzIG5hIHRhbm9uZyBrby48L3A+CjxwPiZ
uYnNwOzwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxJIGFtIGFic29sdXRlbHkgZmluZSB3aWZlLiBXaGF04oCZcyB3aX
RoIHRoYXQgZmFjZT/igJ0gPC9zdHJvbmc+TmF0YXRhd2FuZyB0YW5vbmcgbnlhLiBOYW5nLWlpbmlzIGJhI
HN5YSB0YWxhZ2E/IDxzdHJvbmc+4oCcRWggc2lubyDigJh5dW5nIHRpbmF0YXdhZyBtb25nIGJhYnk/IEF0
IHRhbGFnYW5nIHBpbmFwYWRpbmlnIG1vIHBhIHNh4oCZa2luIHBhbWJhYmFiYWUgbW8gaGEh4oCdIDwvc3R
yb25nPktvbnRpbmcta29udGkgbmEgbGFuZyBiaWJpbmdvIG5hIHNh4oCZa2luIOKAmHRvbmcgRXpla2llbC
BSb3N3ZWxsLjwvcD4KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnFdoYXQgYXJlIHlvdSBzYXlpbmc/I
EnigJltIHRhbGtpbmcgdG8gbXkgYmFieS7igJ0gPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnNwOzwv
c3Ryb25nPjwvcD4KPHA+QWJhIHRhbGFnYW5nIHNpbnVidWthbiBha28gbml0byBuaSBaZWtlIGFoLjwvcD4
KPHA+Jm5ic3A7PC9wPgo8cD5UdW1heW8gYWdhZCBha28gYXQgcGFyYSBrdW11aGEgbmcgYmFyaWwgbnVuZy
BtYWJpbGlzIG5hIHN1bXVub2Qgc2EgYWtpbiBzaSBaZWtlIGF0IHl1bWFrYXAgbXVsYSBzYSBsaWtvZCBrb
y4gPHN0cm9uZz7igJxDYXJlZnVsIHdpZmUuIFlvdSBhbmQgb3VyIGJhYnkgbWlnaHQgZ2V0IGh1cnQu4oCd
IDwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcV2F
hYWEgWmVrZSHigJ0gPC9zdHJvbmc+TmFubGFraSBhbmcgbWdhIG1hdGEga28gbnVuZyBiaWdsYSBha29uZy
BidWhhdGluIG5pIFpla2UgYXQgZGFoYW4tZGFoYW5nIGluaWxhcGFnIHNhIGthbWEuIDxzdHJvbmc+4oCcS
SBsb3ZlIHlvdSBib3RoLuKAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+
CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcTWFzIG1haGFsIGtpdGEu4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPiZuYnN
wOzwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz7igJxOYWguIEkgbG92ZSB5b3UgbW9yZS7igJ08L3N0cm9uZz
48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEF5YW4ga2EgbmEgb
mFtYW4gWmVrZSwgc2FiaSBuZyBtYXMgbWFoYWwga2l0YSBlaC7igJ08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJv
bmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEJ1dCBJIGxvdmUgeW91IG1vcmUgdGhhbiB
5b3UgbG92ZSBtZS7igJ08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD
48c3Ryb25nPuKAnFBpbmFrYSBtYWhhbCBraXRhLuKAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzc
Ds8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcWW914oCZcmUgbXkgb25lIGFuZCBvbmx5LuKAnTwvc3Ry
b25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcDs8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcQWtvIGRpbiB
uYW1hbiBhaCEgSSBsb3ZlIHlvdSBmb3JldmVyLuKAnTwvc3Ryb25nPjwvcD4KPHA+PHN0cm9uZz4mbmJzcD
s8L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcUGZmdC4gSSBsb3ZlIHlvdSBiZXlvbmQgZm9yZXZlci7ig
J08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo8cD48c3Ryb25nPuKAnEV3
YW4ga28gc2HigJl5byHigJ08L3N0cm9uZz48L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+Jm5ic3A7PC9zdHJvbmc+PC9wPgo
8cD4mbmJzcDs8L3A+CjxwPjxzdHJvbmc+4oCcSGFoYWhhaGEu4oCdPC9zdHJvbmc+PC9wPg==

=================

Chapter 19

Aemie’s PoV

Palakad-lakad ako sa loob ng supermarket kasama sila Vash, Jacob, Sebastian at


Kaizer. Hindi ko nga alam kung bakit kailangan kasama ko pa silang apat. Dagdag
lang sa sakit ng ulo eh. Hayy!

“Ano bang flavor ang ibinilin ni bossing?”

“Avocado at strawberry ‘tol”

Tinignan ko silang apat na busy sa paghahanap ng avocado at strawberry flavor na


ice cream. Umiling-iling na lang ako. Naiisip ko pa lang ‘yung lasa pakiramdam ko
umiikot na agad tyan ko. Kumuha ako ng isang bote ng fresh milk na nakita ko at
uminom. “Saraaap.”

“Uhhm Ma’am babayaran nyo po ‘yan”

Lumingon ako sa saleslady na sumita sa’kin. “Huh?” Kunot noong tanong ko.
Sumimangot sa’kin ‘yung saleslady at saka mataray na nagsalita. “Yan pong fresh
milk kasi binuksan nyo na agad dito sa loob kaya pinapaalala ko lang po na—“

“Kung ayaw nyong binubuksan ang mga paninda nyo dito. Lagyan nyo ng padlock.” Hayy!
Ano bang akala nitong babaeng ‘to hindi ko babayaran ‘tong ininom ko?

“Sinasabi ko lang naman pong bayadan nyo yang binuksan nyo.”

Kukuhanin ko na sana ang baril ko sa bag nung biglang humarang sa gitna naming ng
saleslady si Sebastian. “Yo Miss, babayadan namin ‘yan okay.”

Nakaharang sa tapat ko si Sebastian kaya hindi ko makita ang reaction nung babae.
Nung silipin ko naman ay namumula ang mukha nya at mukhang nahihiya na tumingin kay
Sebastian. Naglakad na ako palayo kaysa bwisitin pa ang sarili ko doon sa babae.

“Yo Aemie, di pa kami nakakahanap ng avocado flavored na ice cream.”

“Sige humanap lang kayo, dito muna ako.” Paalam ko kay Kaizer at saka ipinagpatuloy
ang paglalakad palayo sa kanila.

“Ano pa ba bibilhin ko?” Bulong ko sa sarili. Nailagay ko na kanina sa push cart


ang siopao, siomai, fresh milks, fruits, yogurt. Ano pa ba ang kulang?
Waaaaaaa! Cheese!

-After 2 hours-

“Nasaan na nga ba kasi naka-park ‘yung kotse?” Kanina pa ako paikot-ikot dito sa
parking lot A pero hindi ko pa din makita kung nasaan sila. Sabi ko magsi-CR lang
ako eh. Baka naman iniwan na nila ako?

Pagka-likong pagka-liko ko sa tapat ng isang kotse ay may humablot sa akin. Parang


isang iglap lang ang mga nangyari. Kanina naglalakad lang ako, ngayon nakaupo na
ako sa loob ng kotse.

May lalaking nakaupo sa magkabilang side ko. May nakaupo din sa driver at passenger
seat. Nung tanawin ko ang labas ng kotse ay nandoon ang iba pang mga lalaki. “We
just want to sit down and talk to you.” Sabi nung lalaking katabi ko. “Wag kang
mag-alala wala kaming gagawin.” Dagdag pa nya.

Nanatili akong tahimik hanggang sa umandar na ang kotseng sinasakyan namin. Hindi
ko alam kung ilang minuto ang inabot ng byahe pero pakiramdam ko ay may isang oras
din dahil medyo malayo itong pinuntahan namin. Bumaba kami sa tapat ng isang old
mansion.

Madaming mga lalaki na mukhang body guards ang nagkalat kung saan-saan. Hanggang
makapasok kami sa loob. Sumunod ako sa paglalakad nung lalaki hanggang sa
makarating kami sa isang silid. Old style ang itsura ng buong mansion pero halatang
pang mayaman. “Maupo ka.” Wika nya na agad kong sinunod.

Sa tantya ko, halos ka-edad lang sya ni Zeke. Or baka mas matanda lang sya ng konti
kay Zeke. May pumasok na babaeng naka maid outfit at naglagay ng juice sa ibabaw ng
lamesa. “Anong flavor nyan?” Tanong ko sa babae. Color red kasi, feeling ko
strawberry. Itsura pa lang mukhang masusuka na ako. “Strawberry po—“

“Ayoko nyan, paki-alis sa harap ko please.” Naiinis na sabi ko. Mabilis naman ‘yon
na sinunod nung babae. “Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa Aemie.” Sabi nung lalake
na nakaupo sa harap ko. “Hiwalayan mo si Ezekiel Roswell.”

Daig ko pa ang nasa mga romantic movie na biglang nag-i-slow motion ang paligid pag
nakikita ang crush nila dahil pakiramdam ko tumigil ang buong paligid nung madinig
ko ang sinabi nya.

Hiwalayan ko si Zeke? Ikinuyom ko ang kamao ko at saka tumayo. “Sira ulo ka ba?”
Sigaw ko. Halos sabay-sabay na nagkasa ng baril ‘yung mga lalaking naka body guard
na outfit sa paligid namin at itinutok sa akin. Inis na inis na ako pero ‘yung
lalaking kaharap ko nakaupo pa din sa harap ko at kalmadong-kalmado pa ang itsura.

“Hahayaan kitang mamili, buhay ng batang dinadala mo. O makikipag-hiwalay ka kay


Roswell?”

Bakit? Sa movies lang ‘to nangyayari diba? Sa mga teledrama lang sa hapon at gabi
ko ‘to napapanuod. Anong sunod na mangyayari? Pagkapanganak ilalayo ang bata sa
magulang? Hanggang sa buong storya maghahanapan nalang sila ng nawawalang magulang.

“Uuwi na ako.” Paalam ko sa kanya.

Terrence Von Knight’s PoV (New Character)


“Uuwi na ako.” Gumuhit sa mga labi ko ang maliit ng ngiti nung talikuran nya ako.

“Lumayas nga kayo sa harap ko.” Utos nya sa mga tauhan ko na humarang sa daraanan
nya at tinutukan sya ng baril.

Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya. “Sa ayaw at sa gusto mo Aemie, darating
ang panahon na kailangan mong mamili.”

“Abnormal!”

Mabilis syang tinutukan ng baril nung isa kong tauhan sa ulo pero sa isang iglap
lang ay inagaw agad ni Aemie ang baril at saka inihampas sa lalaki. Sunod ay ang
pagtutok nya ng baril at pagkalabit sa gatilyo.

Itinaas ko ang kanang kamay ko upang pigilang makialam ang iba kong tauhan sa mga
pangyayari. Muli, ay humarap sya sa akin. May talsik pa ng kaunting dugo ang pisngi
nya habang sinasabi nya ang mga salitang. “Hindi ko hihiwalayan si Zeke. Kung wala
kang magawa sa buhay mo. Maglaslas ka.” Gigil na saad nya saka ako tinalikuran.
“Sira ulong ‘to. Ako pa bu-bwisitin.” Bulong pa nya. “Oh ikaw bakit ang sama mo
makatingin?” Bulyaw nya sa lalaking nakaharang sa may pinto.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang bumalik sa pagkakaupo “Ihatid nyo na sya
pabalik.” Utos ko. “Yes Mr. Knight.”

“At pakilinis na din nung kalat.” Dugtong ko ng nakatitig sa lalaking nakahandusay


sa sahig.
-

“O ano?” I eyed Andrei Lewis and gave him a smirk nung dumating sya. “Pfft. Anong
ngtiti ba ‘yan Knight?”

“I met her. In fact kakaalis-alis nya lang bago ka dumating.”

Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nya pero napakuyom sya ng kamao. “Si Aemie?”
Tanong nya. “Hindi ba sinabi ko ng ako na ang bahala kay Aemie?”

Ibinaba ko ang kopitang hawak ko “Wala pa akong ginagawa Lewis.” At mas lalong
hindi pa ako nagsisimulang makipag-laro.

“Siguraduhin mo lang Knight.”

“Nagtatalo na naman ba kayong dalawa?” Tanong ni Caileigh at saka umupo sa ibabaw


ng isang desk.

Kasunod nyang pumasok sa silid sila JK Blood at Phoenix Strife. “Yo!” Ipinagpatuloy
ko ang pag-inom ng tsaa habang pinagmamasdan ang mga dumating.

**
Sebastian’s PoV

“Galing na ako sa Parking lot A pero wala si Ma’am Aemie doon.”

“Tumawag ako sa bahay nila, ang sabi nung katulong hindi pa daw dumadating si Aemie
doon.”

“Nakailang ikot na din kaming dalawa ni Boul sa loob ng mall. Pati loob ng sinehan
pinasok na namin pero wala din si Miss Aemie.”

“Shit!” Sabay-sabay na singhap naming apat.

Napahilamos na lang ako ng mukha sabay sandal sa kotse. “Magsisimula na ba akong


maghukay ng libingan?”

“Kung ako sa inyo mga ‘tol tatawagan ko na si bossing at sasabihin na nawawala si


Miss Aemie.”

“O ano pang hinihintay mo Boul tawagan mo na.”

“Ulul. Bakit hindi ikaw? Ikaw nakaisip e.”


“Iiyak si baby Shin pag ako ang namatay. Dagdag mo pa si Mei.”

“Gago!” Hiyaw sa’kin nila Lampe at Boul. Petengene! Mga utol nga pala nila ‘yon.

“Yan na lang si Lee o, wala din naman lablayp yan.”

“Pakyu dre.”

“Pare-parehas lang naman kayong torpe eh. Nag-aaway-away pa kayo.” Walang kabuhay-
buhay ang pag-imik nya at tila ba pagod na pagod na dumaan sa amin kaya tumgil kami
sa pagtatalong apat.

Walanjo! Hindi ako torpe ah! “Miss Aemie! Kanina pa namin kayo hinahanap.” Mabilis
kong binuksan ang pinto at pinaupo sya.

Nagkatinginan kami dahil hindi kami pinansin ni Miss Aemie.

**

Aemie’s PoV

Buhay ng batang dinadala ko, o makikipag-hiwalay ako kay Zeke. Sino ba sya para
bigyan ako ng ganitong choices? Wag nga syang marunong pa sa’kin!

“Miss Aemie may problema ba?”

Pero paano kung totohanin nya ‘yung sinasabi nya kanina? Huhuhu. Mabilis na uminit
ang mata ko hanggang sa blurred na ang paningin ko dahil punung-puno na ng luha na
nagbabadyang tumulo ang mga mata ko.

“Aemie ayos ka lang ba?”

Ayoko din namang hiwalayan si Zeke eh. Pero paano kung—

“Ma’am Aemie. Shit! Bakit kayo umiiyak?”

“Ha?” Napansin kong lahat sila ay nakatitig sa’kin at nagtataka. Kinuha ko din ang
puting panyo na inabot ni Sebastian. “Salamat.” Wika ko at sakamabilis na pinunasan
ang mga luha ko na tuloy-tuloy na umaagos sa pisngi ko.

“May nangyari ba?”

Tinignan ko ng masama si Kaizer na halos dumikit na ang mukha sa’kin dahil


nakadungaw sya dito sa likod. “Whoa! Sabi ko nga walang nangyari eh.” Umayos sya ng
upo habang nagkakamot ng ulo at saka sumipol na lang.
**

Nasa labas pa lang kami ng bahay ng matigilan kami sa paglalakad dahil ang dami ng
bulaklak. ‘Anong meron?’ tanong ko sa sarili.

“Si loverboy na naman siguro may pakana nito.” Ibinaba ni Kaizer ang mga bitbit
nyang plastic ng groceries at saka pinakialaman ang mga bulaklak.

Kaya pati ‘yung tatlo nakigaya din. “Woo! Iba talaga pag in love.”

“Palibhasa ikaw torpe ka ‘tol!”

“Gago! Sinong nagsabi?”

“Si Ma’am Aemie.”

Ano bang pinag-uusapan ng mga ‘to pati ako dinadamay. “Palibhasa mga walang love
life.” Bulong ko.

“Hindi ako torpe ulul! Sadyang nahihirapan lang akong pumili. Tsk. Sa dami ba naman
ng mga patay na patay sa’kin.”
“Pftt. Pakigising nga si Lampe.”

“Ina mo Lerwick!” Binato ni Kaizer si Sebastian kaya umiwas ako sa lumilipad na


flower pot.

At hindi pa sila nakuntento, dahil talagang nagbatuhan pa sila ng mga paso at


bulaklak. Kinuha ko na lang at binitbit ang ibang mga plastic ng groceries para
hindi makasama sa kaguluhan nila.

*door opens*

Natawa ako ng mahina dahil bigla silang nag-pause lahat. Kung ano ‘yung itsura nila
nung bumukas ang pinto, ganun pa din sila ngayon. “Hihihi.” Nagtakip ako ng bibig
para hindi maka-sira sa moment nila.

“Boss!”

“Yo Boss!”

“Bossing.”

“Mr. Roswell.”
“What the hell is this mess?” At ang mas lalo pang nakakatawa dahil mukhang
kakagising lang ulit ni Zeke pero mainit agad ang ulo. Maluwag ang suot nyang
necktie na gray, unbuttoned na ang half ng suot nyang white na long sleeves na naka
tuck-out na din. Pero may hawak syang baril.

“Hahahaha.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtawa nung tumungo sila Jacob
na parang mga bata.

Lumipat ang tingin ni Zeke sa’kin kaya tumigil ako sa pagtawa. “Hi beautiful.”
Naka-ngiting bati nya. Kumunot ang noo nya nung makita nyang buhat-buhat ko ang mga
plastic ng groceries.

“Damn baby Lampe! Pinabuhat mo kay Miss Aemie ang mga plastic?”

“Gago! Si Lee ang nagbigay nyan.”

“Ulul si Boul ang nakita kong nag-abot kay Ma’am Aemie nyan.”

“Mga gago!”

Kinuha ni Zeke ang mga plastic na hawak ko. “Okay lang Zeke. Hindi naman mabigat.”
Hinalikan nya ako sa labi na nakapagpabalik sa iniisip ko kanina. Inakbayan ako ni
Zeke at saka kami sabay na pumasok sa loob.

Binitbit nila Vash ‘yung ibang plastic ng groceries at saka sumunod sa amin sa
pagpasok sa loob. “Arf arf!” Lumundag agad kay Kaizer si baby Eisz pagkapasok nya
ng bahay. “Yo Zup pup?” Si baby Amiel naman as usual nasa itaas lang ng mga cabinet
at hindi nakikisalamuha sa iba.

Pagkalapag ng mga plastic sa ibabaw ng dining table ay nauna pa si Zeke sa akin na


maghalungkat ng mga pinamili. “Got you!” Tuwang-tuwa na sabi nya sa gallon ng ice
cream.

Tahimik kong kinuha ang gatas na binili ko at saka nagsalin sa baso. Waaaa ang
sarap! “Zeke gusto mo?” Alok ko sa baso na hawak ko. Waaaa! Ano ba ‘to! Hindi ko
makausap si Zeke kasi busy sya sa paglalagay ng ice cream sa bowl.

***

Umalis din agad sila Sebastian nung mailagay na nila lahat ng plastic dito sa
kusina. Si Zeke ayun. Halos paubos na nya agad ‘yung isang gallon ng ice cream. Ako
naman kakatapos ko lang maghiwa ng apple, carrots, cucumber, tomato at cheese.
Masarap kasi ‘yan isawsaw sa gatas. Feeling ko lang naman.

“Kanina ka pa ba naka-uwi?” Tanong ko sa kanya pagkaupo sa tabi nya. Tumigil sya


saglit sa pagkain ng ice cream. “About 2hours.” Tipid na sagot nya saka nagpatuloy
sa pagkain. Kaya naman pala nakatulog na sya dito eh. Ahh, kanina pa pala sya.

Tumingin ako sa relo na suot ko. Mag 5PM pa lang. Maaga pa naman pala eh. Siguro
mamaya na lang ako tatakas pag tulog si Zeke.

-After 1 week-

Ughh. Kahit sobrang sama ng pakiramdam ko ay pinilit kong bumangon ng madaling


araw. Ilang araw ng ganito. Tuwing umaga ang sama-sama ng pakiramdam ko pero hindi
pa din ako nasasanay.

And this is my usual day, simula nung magkausap kami nung lalaki. Simula non ay
walang tigil na ako sa pag-iimbestiga ng lahat ng tungkol sa kanya at sa mga plano
nya.

Sinadya ko talagang gumising ng madaling araw para makatakas kay Zeke dahil may
transaction akong kailangang puntaha—“Nasaan si Zeke?” Takhang tanong ko. Dahil
nung bumangon ako ay wala na sya sa tabi ko. Nakaalis na agad sya? Eh 3:30 pa lang
ng madaling araw ah.

-Flashback-

(Around 3 in the afternoon)

Hindi naging mahirap sa’kin ang mag-disguise. Nagsuot lang ako ng simpleng white
blouse at slacks. Naglagay din ako ng wig para maikli ang buhok ko. Actually wig
‘to ng manikin na Barbie na maikli ang buhok eh. Hiniram ko muna hehehe.

Mas mabuting si Caileigh muna ang sundan namin dahil sa kanilang lahat mukhang kay
Caileigh ako makakakuha ng impormasyon na gusto kong malaman.

“Dito na lang muna Meisha.” Utos ko. Si Meisha ang nagmamaneho ng kotse na
sinasakyan namin habang si Cassandra at Fauzia ay nakaupo sa likod.

Nakatanaw ako sa bintana ilang metro ang layo sa coffee shop na pinasukan ni
Caileigh. At dahil gawa sa bubog ang wall ng shop ay tanaw mula rito ang ginagawa
nya.

Sino kayang inaantay nya?

Inilagay ko sa pouch ang baril na dala ko na may silencer. At saka isinuot ang
shades na dala-dala ko. Mas mabuti na may dala ako laging baril in case of
emergency.

Nung makapasok ako sa coffee shop ay agad akong pumwesto sa bandang likod ni
Caileigh. Kaya magka-talikuran kami. Gustuhin ko mang humarap para makita ginagawa
nya ay hindi naman pwede dahil baka mapansin agad ako. Hayy. Ang hirap pala ng
ganito.

Ilang minuto pa ang nakalipas, dumating na ‘yung order kong cake pero wala pa ding
dumadating na katagpo si Caileigh.

May imi-meet ba sya dito sa coffee shop?

O baka naman tamang hinala lang ako.

Hayy. Pero hindi pwede. Kailangan kong alamin lahat ng dapat kong malaman. Hindi
ako papayag na maghiwalay kami ni Zeke.

Matamlay akong kumakain ng cheesecake at malapit ng mawalan ng pag-asa nung may


matanaw akong naglalakad sa malayo.
Kuya Ken?

Pinasingkit ko ang mga mata ko para mas maaninag ko ang naglalakad sa labas. At
hindi nga ako nagkamali. Si Kuya Jerson Ken Blood nga.

“Hey, sorry kung matagal. Nainip ka ba?” Kahit nakatalikod ako sa kanila ay dinig
na dinig ko naman ang pinag-uusapan nila. Hehehe ayos ‘to!

“No, hindi naman.” Hindi daw, eh nauna pa nga sya sa’kin dito eh. Ito talaga si
Caileigh minsan may something eh.

“Ano na ang balita?”

“Uhh so far hindi pa naman bumabalik si Aemie-girl kila Kuya Andrei. Errr—I mean ni
Andrei, so I don’t know. Hindi ko pa din sya nakikita.”

Kuya? Bakit nya tinawag na kuya si Andrei? Omygod! Sya ba ang kapatid ni Andrei?
Kaya din ba nandoon si Caileigh last time?

“Hindi mo kina-kamusta?”

“No.”
“Why? Alam mo namang buntis sya diba” Alam nila na buntis ako? Paano naman nila
nalaman? Eh hindi nga namin sinasabi ni Zeke ‘yun. Hindi ko nga din natatandaang
sinabi ko ‘yun kanila Kaizer, or kahit kila Meisha. Kaya papaanong alam nila?

“Not that I don’t care, but I just don’t want to.” Bakit? Gusto kong sumingit sa
usapan nila para magtanong pero hindi naman ako pwedeng makisali. Edi sinayang ko
lang effort ko pagdi-disguise. Hayy.

“How about Amesyl?”

“Same.” Kamusta na nga kaya si insan? Hindi ko pa din sya nakakausap. Huhuhu. “I
haven’t talked to her, but nakausap ko si Grethel. She’s taking care of Louie. As
far as I’m concern.”

“Okay.”

Okay? Anong okay pinagsasabi nito ni kuya Ken. Hindi okay ang dapat na sagot dun.
Hayy! Sinong Grethel ‘yung tinutukoy ni Caileigh? Si Grethel Canary Lux ba?

Information overload.

Una si Andrei, kakilala ni Caileigh at Kuya Ken. Sunod si insan, Louie at Grethel.
At ang pangatlo, alam nilang buntis ako?
Eh bukod sa’kin at kay Zeke.. ‘yung doktora lang ang may alam na buntis ako ah.
Don’t tell me, nai-tsismis agad nung doktorang ‘yun kung kani-kanino ang tungkol
sa’kin? Hayy—

Omygod!

Hindi kaya kilala nila Caileigh ‘yung lalaking nakausap ko?

“Tama!” Naibagsak ko ng malakas ang tinidor na hawak ko dahil sa sobrang


excitement. Napukaw tuloy ng ginawa ko ang atensyon ng iba kaya nagpanggap agad ako
na may kausap sa phone. “Yah that’s right. Omygod you’re so great. Tama yan!”
Palusot ko habang naglalakad paalis ng coffee shop at kunwaring may kausap sa
phone.

-End of Flashback-

Pero on the second thought ngumiti ako dahil mas madali akong makakatakas.
Hehehehe. Pagkatapos kong mag-shower ng mabilis at magbihis ay dahan-dahan kong
binuksan ang pinto ng kwarto. Nakapikit pa ako nung isinasara ang pinto para huwag
makagawa ng kahit na anong ingay. Baka kasi nasa baba lang pala si Zeke siguradong
patay ako pag nahuli ako.

Nakahawak ang hintuturo ko sa may baba dahil hindi ko mapigilang hindi mag-isip.

Kung gising na si Zeke, bakit patay pa ang ilaw dito sa hallway.


Ang creepy tuloy.

Palingon-lingon ako sa paligid ng buong bahay. Pero talagang wala si Zeke. Nung
makadating ako sa living room ay lumapit agad ako sa drawer. May mga baril na
nakalagay dito kaya—

I’m a Barbie girl, in a Barbie world~

Number lang? Sino kaya ‘to. “Hello?”

[Good Morning Aemie.] Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko nung madinig ko ang
boses nya. Kahit lampas isang linggo na ang nakalipas ay hindi ko pwedeng
makalimutan ang bwisit na boses nitong Abnormal na lalaki na kumausap sa’kin.

“Ano bang kailangan mo?” Iritang tanong ko.

Hindi pa sumisikat ang araw, sira na ang araw ko dahil nadinig ko ang boses nya.

[Kapag hindi ka namili, parehong mawawala sa’yo ang anak mo. At si Ezekiel
Roswell.]

Ano? “A-anong sinasabi mo?” Naiinis ako pero ‘yung kabog ng dibdib ko ay pabilis ng
pabilis. [Kung si Ezekiel Roswell nga nagagawa kong paikutin sa mga kamay ko. Ikaw
pa kaya?] Sabi nya at saka sya tumawa. Abnormal talaga.
“Nakakainis!!” Hiyaw ko at saka ibinato ang cellphone ko sa pader. “Waaaaaa!”
Dinampot ko ang vase na pinakamalapit sa’kin at saka hinagis sa sahig. Hindi ko
alam kung paanong sigaw ang gagawin ko para mawala ang inis ko.

“Shit wife. Are you alright?” Halos hindi magkaintindihan sa paglapit si Zeke sakin
“Dammit!” Nanlaki ang mga mata ko nung makita kong nayapakan nya ang basag na vase.
“Waaa dong.”

“Shit!” Daig nya.

“Huwaaa sorry.” Tinakbo ko agad ang switch ng ilaw at kumuha ng medicine kit. “Wife
do not run.” Paalala ni Zeke. “Oo na, oo na.” Sagot ko habang pabalik malapit sa
kanya.

“Bakit ka ba kasi naka-paa. At bakit ka nasa kusina.” Tanong ko habang binubuksan


ang medicine kit. Sya naman ay busy sa pag-aalis ng mga bubog na tumusok sa paa
nya.

Tinititigan ko ‘yung ginagawa ni Zeke at hindi ko maiwasan na hindi ma-amaze.


Parang hindi naman ito ang unang beses na mabubog sya. Simpleng-simple lang sa
kanya ginagawa nya.

Nung matapos si Zeke sa pag-aalis ng mga bubog ay sinimulan ko ng linisin ang sugat
nya. “Why did you scream?” Kalmadong tanong nya out of nowhere. Ipinagpatuloy ko
lang ang paglilinis ng sugat. Hindi ko naman pwedeng sagutin ang tanong nya kaya
mas mabuti ng—“I am asking you wife. Why the heck did you scream?” This time mas
malakas na ang boses nya at galit na.

“Uhh kasi—“
“And look at your phone.” Tumigil ako saglit sa ginagawa ko at tinignan ko ‘yung
cellphone ko na wasak-wasak na nasa sahig. “Wife, you’re stressing yourself too
much.” Yung tono ng boses ni Zeke, naging kalmado na ulit. Hindi katulad kanina na
galit.

“Dong, hindi mo naman kasi ako naiintindihan eh.” Sagot ko. Hindi nya naman kasi
alam ang nangyayari kaya hindi nya ako naiintindihan.

“What do I need to understand wife?”

‘Hindi mo kasi naiintindihan ‘yung sitwasyon ko.’ Yan ‘yung linya na gusto kong
isagot kay Zeke. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang sagutin. Nilagyan
ko ng benda ang paa ni Zeke nung matapos kong gamutin ang mga sugat.

“What bothers you wife?” He’s gently wiping my tears away using his right thumb. At
hindi ko din naman alam na umiiyak pala ako. Siguro ito ‘yung nabasa ko sa google
na emotional ang mga buntis.

“Wala naman hubby hehe.” Pinilit kong ngumiti sa harap nya kahit naman walang dapat
ikangiti. Dahil bukod sa ngayon ko lang naalala na aalis nga pala ako, ay hindi ko
pa alam kung paano ko tatakasan ‘tong si Zeke.

“Zeke ano ba bakit tumayo ka agad.” Tanong ko habang ibinabalik sa medicine kit
yung mga gamit. Paano ba naman. Kakatapos ko lang linisan sya ng sugat tapos
naglakad agad. “I’m fine wife. Don’t mind me.” Sagot nya. Sinimulan nyang ligpitin
‘yung mga bubog sa sahig kaya sinaway ko ulit sya. “Zeke! Ako na dyan! Inaayos ko
lang ‘to.”
“Do you think I will let you pick up these pieces of broken vase?” Habang
pinagmamasdan ko si Zeke na namumulot ng basag na vase ay napansin ko nakabihis
pala sya. Hindi ko naman kasi agad napuna kanina dahil natataranta ako nung
mayapakan nya ang basag na vase eh. “Kakauwi mo lang ba?” Seryosong tanong ko.

Pero imposible naman kasi katabi ko naman sya buong gabi. Hindi ako pwedeng
magkamali kasi ang tagal ko pa bago makatulog dahil naiinis ako sa besheet ng kama.
Pakiramdam ko ang kati-kati.

“No.”

“Eh bakit nakabihis ka?” Tanong ko sa kanya.

“Should I take off my clothes then?”

Abnormal din ‘to eh. Nagtatanong lang naman ako kung bakit nakabihis, tapos
tatanggalin naman. “Seryoso kasi ako Zeke.” Inis na sabi ko. “Wag ka nang ngumiti.”
Dugtong ko pa nung makita ko syang ngumiti sa’kin. Nakakaloko kasi mga ngiti nya.

“Hahaha. There you go again wife. I’m just kidding. I have some business to deal
with. So that explains why.” Paliwanag nya. At parang nagnigning naman ang mga mata
ko nung madinig ‘yun. “Ngayon na ba?” Excited na tanong ko. Sinulyapan nya saglit
ang wristwatch nya kaya tumingin din ako sa nakasabit na orasan. Mag-aalas singko
pa lang.

“Yeah. I guess. But don’t worry, I will be back imme-“


“Ano ba dong! Kahit magtagal ka pa okay lang!” Sabi ko.

“What?”

“Uhh kasi plano kong matulog buong araw, eh baka kasi mag-ingay ka lang ng mag-
ingay kapag nandito ko.”

“Tss. But still, I will be back before 7 in the morning.” Sagot nya.

***

Okay. Isang oras at kinse minuto na lang ang meron ako. Kailangan maunahan kong
umuwi si Zeke para hindi sya makahalata.

“Dito na ba ‘yun?” tanong ko kay guardian angel nung tumigil ang motorsiklo na
sinasakyan naming dalawa sa parking lot ng isang hotel. Kotse sana ang gagamitin
namin, kaso panigurado namang magkukulang sa oras. 5:30 pa naman magaganap ang
transaction na pupuntahan naming. “Yes.” Tipid na sagot nya.

Hawak-hawak ko ang dalawang handgun sa magkabilang kamay habang papunta sa


elevator. “Okay na ba lahat?” Tanong ko. “Yes Miss Aemie. Tumulong si uhh—Lee sa
pag-aayos ng mga CCTV at connections ng hotel.” Ayoko sanang ipaalam kanila Jacob
ang tungkol dito dahil baka mai-tsismis na naman ni Sebastian kay Zeke kaso no
choice na din naman dahil tumulong na pala si Jacob.
Sila Meisha at Cassandra ay nandoon na din panigurado sa 29th floor dahil 4:45AM
ang usapan naming magkikita-kita. “Okay.” Sagot ko.

Ikinasa ko parehas ang hawak kong handgun. Magkahalong excitement at kaba ang
nararamdaman ko ngayon dahil for the first time, hindi ko kasama sa adventure si
Zeke.

Pagbukas na pagbukas ng pinto ng elevator s 29th floor ay sabay naming itinutok ni


guardian angel ang baril namin sa pag-aakalang may makakasalubong kami. Buti naman
at wala.

Dalawang hallway ang nilakad namin hanggang ang sunod na hallway ay madami ng mga
lalaki na mukhang body guards. Inilipat ko ang isang baril sa isa ko pang kamay
saka ko iniayos ko pa ang wig na suot ko dahil baka malaglag. Bale ang dalawang
baril na dala ko ay hawak ko sa iisang kamay na nakatago naman sa likod ko. Syempre
baka barilin kami nitong mga lalaking ‘to pag nakitang may dala kaming baril.

Tinitignan ko isa-isa ang mga lalaki habang palapit kami ng palapit. Kilala ko
‘tong mga lalaking ‘to. Ito rin ‘yung mga body guards na nandoon sa bahay nung
lalaking abnormal eh. May lahi din palang 711 ‘tong mga lalaking ‘to ha. 24hours
open.

Para kaming kakainin ng buhay nung mga lalaki kung makatingin sila sa aming dalawa
ni guardian angel. “Parang pamilyar ka sa’kin Miss.” Wika nung isang lalaki na
halos katapat ko na. “Talaga?” Tanong ko. Ang galing naman nya. Naka-wig na nga ako
nakilala pa nya ako? Sabagay. Ako nga nakilala ko din sila eh.

Akmang bubunot ng baril ‘yung lalaki nung mabilis kong kinuha sa kabilang kamay ang
isang baril kaya hawak ko na ulit sila magkabila. At saka ko itinutok sa lalaki at
mabilis na kinalabit ang gatilyo. Ganoon din ang ginawa naming dalawa ni guardian
angel sa iba pang lalaking kasama nila.
Nung matapos kami sa pagbaril saka lang namin napansin na nandito na din sila
Meisha at Cassandra.

Akala ko ba tumulong si Jacob? Bakit parang wala naman dito.

“Miss Aemie, papasukin na ba natin ang loob?” Tanong ni guardian angel. Hawak-hawak
nya ang isang card, na kinuha nya sa isa sa mga body guards na nakahandusay sa
sahig. Malamang para sa pinto ng hotel room ‘yun.

“Sige.”

Isinwipe ni guardian ang hawak nyang card.

Halos sabay-sabay kaming pumasok at itinutok ang baril sa mga nasa loob.

“Shit!”

“Whoa!”

“Damn!”

“Dammit!”
“The fuck?”

“Darn!”

“What the hell?!”

“Waaaa!” Hiyaw ko. Dahil umuulan ng mura sa paligid ko. Paanong hindi sila
mapapamura eh ang nadatnan naming nandito sa loob ng hotel room ay sila Sebastian,
Jacob, Kaizer, Vash, Tristan, Spade, at si Zeke. At muntik pa naming barilin ang
isa’t-isa dahil sabay-sabay kaming nagtutok kanina ng baril.

Mabilis na lumapit sa’kin si Zeke at saka ako niyakap. “Dammit!”

“Woo syet! Umiiyak si Mr. Roswell oh!” Mabilis na pinaputukan ng baril ni Zeke si
Kaizer. Kaya nagtawanan sila. Ako naman hindi ko alam kung matatawa ako dahil
talaga namang naiyak si Zeke.

At kaninang-kanina ko pa gustong itanong kung bakit sila nandito?

**

“Ano ba kasing ginagawa nyo doon Zeke?” Tanong ko habang pasakay kaming dalawa ng
kotse nya. Umalis din kasi agad kami doon sa hotel room dahil baka may ibang
makakita sa’min.

“Katulad din ng plano mo Aemie.” Si Kaizer naman ang sumagot ng tanong ko, na naka-
park ang kotse sa tabi ng kotse ni Zeke.

“Zeke.” Tawag ko kay Zeke. Kasi hindi nya ako kinakausap kanina pa.

“Wife. You are pregnant and yet you’re doing this. What do you want me to say?”
Napalunok ako at natigilan dahil sa sinabi ni Zeke.

“Buntis ka Miss Aemie?”

“Wuhoo! Nice one lover boy!”

“Whoa! Party party!”

“Oh my, congrats!”

“Painom ka naman bossing!”

“Ninong kami nyan!”


“Ninang kami.”

Hindi nya pinansin ang mga sinasabi nila Sebastian at tahimik na sumakay ng kotse,
kaya ganun din ang ginawa ko.

Magte-30 minutes na kaming nasa byahe nung lumingon ako sa kanya. “Zeke galit ka
ba?” Tanong ko. Kanina pa kasi sya walang kibo.

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa bintana dahil hindi din naman sinagot ni Zeke
ang tanong ko. Hindi nya din naman kasi ako naiintindihan. Hindi ko naman pwedeng
hindi gawin ‘to.

Kasi silang dalawa ng baby sa tyan ko ang pinag-uusapan. Hindi ba nage-gets ni Zeke
‘yun?

Tinignan ko ulit si Zeke. Seryoso syang nakatingin sa daan at hindi man lang
tumitingin sa’kin. Dapat ba sabihin ko na sakanya ang tungkol sa sinabi nung lalaki
sa’kin?

Dapat sabihin ko sa kanya na pinapipili ako nung lalaking nakausap ko?

Natatakot kasi akong sabihin kay Zeke. Paano kung pumayag syang maghiwalay kami
para sa kapakanan ng bata? Paano kung—
“I don’t want to lose you.” Mabilis akong lumingon ulit kay Zeke nung magsalita
sya. “That’s why I was there. And I guess that was frame-up.” Nagmo-moment pa ako
dito eh, tapos bigla syang nagsasalita. “May lahi ka bang manghuhula Zeke?” Tanong
ko. Tinatanong ko pa lang kasi sa isip ko tapos sinagot na nya.

Pero frame-up? Nino? Nung lalaking abnormal? Abnormal talaga ‘yun. Pinapainit nya
talaga ang ulo ko. Hayyy!!!

“Wife, you don’t have to tell me everything. Because just by looking at you, I know
you’re hiding something. And if you can’t say it, then keep it. But do not let do
dangerous things alone.” Ano bang alone? Eh kasama ko naman sila guardian angel,
Meisha at Cassandra—“You can always count on me.”

Tumungo ako dahil sa mga sinabi nya. “Alam ko naman ‘yun eh.” Sagot ko. “Hindi ko
lang talaga alam kung paano ko sasabihin.” Dugtong ko.

Ipinark ni Zeke ang kotse sa isang tabi at saka nagsalita. “About—choosing between
me and our baby?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Zeke.

“P-paano mo—“

“I have my ways wife.” Sabi nya sabay kindat sa’kin. Anong I have my ways, I have
my ways. Feeling BDO? “Paano nga?” Gigil na tanong ko.

“It was just a guess. So that’s it?” Tanong nya.


That’s it? Dina-that’s it, that’s it nya lang ‘yun. “Baby natin ‘yun Zeke, at saka
ikaw.” Inis na sabi ko sa kanya. “Hahaha I know.”

“Huwag mo akong tawanan!” This time naiinis na talaga ako. “Alright, alright. I’m
sorry. I just can’t keep myself from smiling when you’re mad.”

“So ano na bang next na plano mo?” Tanong ko sa kanya.

“My next plan? Hmm. I want to buy books.”

“Books? Aanhin mo naman ang libro?”

“For baby names?”

“Ewan ko sa’yo!” Sumandal na lang ako ulit sa upuan nung madinig ko sinabi nya. Ang
akala ko plano kung paano namin huhulihin ‘yung lalaking abnormal. ‘Yun pala baby
names? Pwede namang mag-search sa google.

“Hahaha.”

“Bakit ba maghahanap ka pa ng libro, eh ayan naman si Barbie.” Turo ko sa Barbie


keychain na nakasabit sa carkeys nya.
“Hell no!”

“Hahaha.” Ako naman ang natawa dahil sa itsura ng reaction ni Zeke. Niloloko ko
lang naman eh. Mas type ko kaya ang name na Hello Kitty.

**

A/N

HAPPY HAPPY HAPPY BIRTHDAY SA AKING TATLONG LOVESSSS!! FERRERO, FAUZIA’S OP, AND
KAIZER’S OP. I LOVE YOU THREEEEEE :*

Sa mga nagtatanong ang pronunciation ng Zeke ay “Zik” pero it’s up to you naman
kung ano gusto nyong gamitin. =)

Hello sa mga readers na nagpuyat aba matinde! Nag-antay talaga. Nakakaloka! Love
you guys :*

=================

Chapter 20

Aemie’s PoV

“Zeke ano ba ‘yang binabasa mo?” Kanina pa sya doon basa ng basa at hindi makausap.
Ipinakita nya sakin ang cover ng book na binabasa nya. Baby names for boys and
girls. Hayy! Talaga pa lang tinotoo nya ang pagbili ng libro? Akala ko nagjo-
jokijoki lang sya eh.

“Ako Zeke may naisip na akong name.” Lumapit ako at umupo sa tabi nya. Isinandal
naman nya ako sa kanya at saka sya nagbasa ng nakasandal ako sa dibdib nya kaya
nababasa ko din ang binabasa nya. “So what name do you want?” Bulong nya sa tenga
ko.

Umalis ako sa pagkakasandal kay Zeke at saka nag indian sit para nakaharap ako sa
kanya. “Uhmm. Hello Kitty” Nakangiting sabi ko. Cute naman diba? Hello Kitty F.
Roswell. Hehehehe.

“No.”

“Kerokerokeroppie?”

“Tss. That’s for frogs.”

“Snoopy”

“Nah.”

“Tazmania”
“Seriously?”

“Bakit? Maganda naman ah. Tazmania Roswell. Tapos ang nickna—“

“Next.”

“Bugs bunny.”

“Definitely not.”

“Minnie Mouse”

“Name for frogs, dogs, rabbit and now for a mouse? What’s next?”

“Uhmm Daisy duck na lang kaya?”

“The hell? No!”

“Hindi naman para sa palaka, aso, rabbit at daga ‘yun ah.”


“My son is not a duck.”

Ang arte naman nito ni Zeke. “Cookie Monster”

“...”

“Elmo”

“...”

“Big bird”

“Can’t you think of something unique?”

“Unique naman ang Big Bird ah, bakit may naging classmate ka na bang Big bird? Or
may na-meet ka na bang big bird ang name?” Pauso din ‘to si Zeke, puro unique names
nga sinasabi ko eh. Palibhasa wala syang taste sa names eh.

“It’s really nice to think that you want to help me with this. But—“ Tumingin si
Zeke sa’kin at saka ngumiti. “It’ll be great if I choose the name of our son.”
“Son?” Lagi kong napapansin na ang bukang bibig ni Zeke ay son. “Paano ka naman
nakakasiguro na lalaki ang magiging anak natin?”

“I just know.”

Nagpatuloy si Zeke sa pagbabasa ng libro kaya kinuha ko ang cellphone nya at saka
nagsuot ng earphones at nagpatugtog. Nilagyan ko ‘to kanina ng Barbie Girl na kanta
para pwede ko i-play anytime eh.

-After 20 Barbie Girl songs-

“I’m a Barbie girl, in a Barbie world. Life in plastic, it’s fantastic. You can
brush my hair, undress me everywhere. Imagination, life is your creation.” Naka-
dalawampung beses na yatang paulit-ulit sa playlist ‘tong Barbie girl na kanta. At
kanina ko pa din sinasabayan sa pagkanta.

“Bakit?” I mouthed. Nakatingin kasi sa’kin si Zeke. Hindi ko din naman alam kung
may gusto syang sabihin o ano. O baka kinakausap pala nya ako hindi ko lang
nadidinig dahil naka-earphones ako. Baka naman napag-isip isip nya mas magaganda
ang mga suggestions kong name kaysa sa binabasa nya.

Pero imbis na sumagot sya ay inalis nya ang tingin nya sa’kin kaya inalis ko ang
earphones na suot ko, pero ‘yung sa kaliwang part lang. Kaya nadidinig ko pa din
ang Barbie song sa kabilang part ng tenga ko. “Bakit mo ako tinitignan kanina
dong?” Tanong ko.

Ibinaba nya sa lamesa ang librong hawak nya. “I am just wondering if...” Lumipat
ang tingin nya sa may bintana kaya hindi ko maiwasan na tumingin din sa bintana.
Gabi na at madilim sa labas, kaya reflection naming dalawa ang natatanaw ko sa
malaking glass window.

“If?” Tanong ko.

Tumayo si Zeke at saka isinara ang kurtina. “If you want to play hide and seek?”

Huwaaaaaa. “Seryoso ka dyan sa tinatanong mo Zeke?” Tuwang-tuwa na tanong ko.

“Yeah.” Sagot nya habang papalapit sa’kin.

Daig ko pa ang nanalo sa lotto sa sobrang tuwa at excitement. Ang tagal na din kasi
nung huli akong mag-laro ng tagu-taguan at never ko naimagine na makakalaro ko pa
si Zeke hehehe.

“Game na!!” Excited na sabi ko.

“Alright. Start hiding.”

“Sige!” Tumalikod agad ako pero hindi pa ako nakaka-isang hakbang ay humarap ulit
ako kay Zeke. “Bakit hindi ka nagtatakip ng mata?” Taas-kilay na tanong ko. Huwag
nga nya akong niloloko. “DInuduga mo ba ako? Siguro maninilip ka ‘no?” Dapat kasi
nakatungo sya sa pader at nagbibilang diba?
“Pfft. No. I will give you enough time to hide.”

“Sige magbilang ka na magtatago na ako ah. Lakasan mo bilang para alam kong hindi
mo ako dinuduga ah.”

“How about a twist, to make the game more exciting?”

“Anong twist naman ‘yan?” Curious na tanong ko.

“I will give you 5 minutes to hide. But whenever you hear me coming, you can always
change the location where you can safely be hidden.” Tumigil si Zeke saglit saka
nagpatuloy. “Lights will be off too.”

Hihihi parang lugi pa sya doon sa sinabi nyang walang ilaw. Medyo shunga talaga
‘to. Hirap kaya maghanap ng madilim. Hehehe.

Waaaa! Ibig sabihin pwede akong magpalipat-lipat pagka nadidinig kong parating na
si Zeke? Hehehehe. “Sige game ako dyan!” Tuwang-tuwa na sabi ko. “Alright, let the
game begin.”

Tumalikod agad ako pagkasabi ni Zeke at saka nag-umpisang maglakad paakyat ng


hagdan. Sa taas ako magtatago para madali ako makapag-ikot-ikot.
“Uhh wife.”

Lumingon ako nung nagsalita na naman si Zeke. “Ano na naman?” Naiinis na tanong ko.
Inaaksaya nya kasi ‘yung five minutes. “Walk carefully.” Ngumiti ako at saka nag
okay sign. Tapos ay nagsimula na akong maghanap ng tataguan.

Didiretso sana ako sa kwarto namin kaso sure naman akong doon nya ako unang
hahanapin. Ay alam ko na! Hehehe sa kwarto na lang dati nung magkahiwalay pa kami
ni Zeke. Hihihi. Tama-tama. Sakto, may daan pa naman doon papunta sa kabilang
kwarto kaya pwede ako lumipat kapag nadinig ko si Zeke na padating.

Naglakad agad ako papunta sa dati kong kwarto. Kahit gusto kong i-on ang ilaw at
aircon ay hindi ko magawa kasi baka mahanap agad ako ni Zeke.

Ang kailangan ko na lang gawin ay mag-intay ng five minutes. Hehehe feeling ko


nakaka-two minutes pa lang simula nung umakyat ako kaya may 3 minutes pa. Umupo
muna ako sa kama para maghintay saglit. Maya-maya pa ay nakadinig ako ng mga
kalabog sa baba.

Tumayo ako at saka lumapit sa pinto at idinikit ang tenga ko para mas madinig ko
kung parating na si Zeke.

“Ano kayang ginagawa ni Zeke doon sa baba?” Bulong ko. Bakit kasi parang ang ingay-
ingay.

Waaa! Nagpanic ako nung makadinig ako ng tumatakbo. Pero mukhang lumampas sya dito
sa may—“Aww” Daing ko nung mapaatras ako sa cabinet na nasa tabi ng pinto. Tumumba
‘yung isang picture frame kaya for sure nadinig ‘yun ni Zeke.
Mabilis kong itinapat ang tenga ko sa pinto at waaaaaa! May nadidinig nga akong
naglalakad palapit dito. Huhuhu. Lumingon ako sa kaliwa at kanan para humanap ng
tataguan kaya nakita ko ‘yung daan papunta sa kabilang kwarto. Magkadugtong kasi
itong kwarto ko at ‘yung kabilang kwarto kaya may daan papunta doon.

Nandito na ako ngayon sa kwarto na katabi ng kwarto ko. Sumilip ako ng konti sa
pinto na pinasukan ko hanggang matanaw ko ang pigura ng isang tao na dahan-dahan
pumasok sa kwarto ko. Omygod! Nandyan na si Zeke! Sinigurado kong wala akong
magagawang ingay nung isinara ko ang pinto at nilock.

Lumabas agad ako sa kwarto at nagmadaling maglakad sa hallway. Muntik na akong


mahuli ni Zeke dun ah. Buti na lang. Hehehe. Nagtago ako sa likod ng isang malaking
figurine at inabangan na lumabas si Zeke sa kwarto ko. At maya-maya pa ay nakita ko
nga sya ng lumabas. “Hihihi.” Mahinang tawa ko.

Tinakpan ko agad ang bibig ko at sumiksip ng maigi sa figurine nung lumingon sya sa
direksyon ko. Huhuhu.

Naghahanda na ako para tumakbo kung sakaling mahuli ako ni Zeke na nandito tatakbo
talaga ako ng mabilis—Eh? Naglalakad na sya palayo, hindi ba nya alam na nandito
ako? “Hihihi tangi talaga ‘to si Zeke.”

Naglakad na ako papunta sa ibang direksyon para maghanap ng panibagong tataguan.

-Few minutes later-

Umupo ako sa isang sulok dahil medyo pagod na ako kakatago. Kanina pa ako lipat ng
lipat ng pwesto. Ilang beses na din akong muntikang mahuli ni Zeke.
-Flashback-

Nakadinig ako ng mga kalabog sa kusina kaya pumunta akong salas para doon sana
magtago pero hindi pa ako nakakadating ng salas ay nakita ko si Zeke doon at
papunta sa kusina.

Eh?

Paanong—

Sunod akong nakadinig ng kalabog sa itaas kaya lumingon ako doon. Siguro pagod lang
ako.

-End of Flashback-

“Found you.” Tumingala ako para tignan si Zeke. “Kanina mo pa nga ako dapat nakit—“
Pinindot ni Zeke ang switch ng ilaw at—“Anong ginagawa nyo dito?” Gulat na tanong
ko kanila Kaizer at Sebastian.

Anong ginagawa nilang dalawa dito? Sinamaan ko agad ng tingin si Zeke “Sabi na nga
ba at dudugain mo ako eh.”

“Hahaha ano kasi ‘yan Aemie ganito ‘yan...” Kakamot-kamot ng ulo si Kaizer na
bumaba ng hagdan. “Wala akong panahon sa explanation mo.” Masungit na sabi ko kay
Kaizer at saka naglakad papuntang living room pero nakasalubong ko si Vash at Jacob
na may bitbit na mga katawan ng lalaki. “Saan naming dadalhin ang mga ‘to boss?”
Tanong ni Jacob.

Lumapit agad ako kay Zeke at saka bumulong “Anong nangyari?” Curious na tanong ko
habang sinusundan ng tingin si Jacob at Vash na palabas ng bahay dala yung mga
duguang katawan ng lalaki. “Yan nga ‘yung ineexplain ko sa’yo Ae—“

“Kausap ba kita ha?” Si Zeke tinatanong ko eh. Sabat ng sabat ‘tong Kaizer na ‘to

“Sabi ko naman kasi sa’yo gwapo ka na Kaizer Maxwell Lamperouge kaya hindi ka na
dapat sumabat.” Kumunot ang noo ko dahil salamin naman ngayon ang kausap ni Kaizer.
Di kaya may sira na ‘to?

**

“Ahh ganun pala.” Tumango pa ako dahil ngayon ko lang nagets lahat. Kaya pala nag-
aya si Zeke maag taguan dahil may mga napansin syang lalaki na aali-aligid sa bahay
namin. At nagkataong papunta din dito sila Kaizer kaya pati sila nandito.

Pero teka—

“Bakit hindi nyo ako sinali sa adventure?” Lumingon ako kay Zeke na umiinom na
ngayon ng chuckie. Nakakainis ha. Kunwari pa pala syang gusto nyang maglaro ng
taguan, pero ang totoo ayaw nya akong isali sa adventure. Nakakatampo hiuhuhu.
“It’s for your safety.”

“At mula ngayon dito na kami titira. Ayos ba ‘yon?” Nakangiting sabi ni Kaizer.
Mabilis naman akong lumingon kay Zeke. “Totoo ba ‘yung sinasabi nya Zeke?” Itong
maiingay at magugulong ‘to dito titira sa bahay? Anong trip ni Zeke sa buhay? Araw-
araw akong bwisitin? Hayyy!

“For the meantime, yes.”

Padabog akong umupo sa sofa kaya sinamaan ako ng tingin ni Zeke. “Careful.” Sabi
nya. Hayy! Nakakainis naman kasi. Baka mamaya ubusin pa nila ‘yung mga gatas at
cheese ko sa ref. Sakto pa namang pang tatlong araw ‘yung mga binili ko.

“Waaaaaa!”

“What the hell?!”

Sabay kaming tumayo ni Zeke at humiyaw kaya tumingin ako sa kanya. “Yo may problem
aba mga tsong?!” Tanong ni Sebastian habang nilalantakan ang ice cream. Si Vash
naman ay hawak-hawak ang fresh milk ko.

“Kita mo na, kita mo ng ginawa mo dong?! Wala pa silang isang araw nambu-bwisit na
sila huhuhu.”

Lumingon ulit ako kay Zeke para tignan kung bakit hindi nya ako sinagot. Pero wala
na si Zeke. “Nasaan na ‘yun?” Tinignan ko din kung kinatatayuan nila Sebastuan at
Vash pero wala na din sila.
“Itinuloy nila paglalaro ng taguan. Pfft.” Natatawang sabi ni Jacob.

Nakadinig ako ng putok ng baril at hiyaw ng pangalang ‘Boulstridge’ at ‘Lerwick’


kaya malamang naghahabulan sila. Hayy.

Tumalikod na ako at uupo na sana ulit nung madinig ko si Kaizer na umimik. “Hahaha
wengya. Buti na lang itong cheese ang kinuha ko.” Nagpanting bigla ang tenga ko sa
nadinig ko at mabilis na humarap. Punung-puno pa ang bibig nya at halos paubos na
ang cheese na hawak-hawak nya nung ngumiti sya sa’kin.

“Jacob amina ‘yang baril mo.” Sabi ko ng hindi inaalis ang tingin kay Kaizer.

“Po?”

“Sabi ko amina ‘yang baril mo!!” Gigil na ulit ko. Kaya mabilis nyang iniabot
sa’kin ang baril nya.

Pagkakasa ko ng baril ay pinaputok ko agad kay Kaizer kaso mabilis naman nyang
naiwasan kaya lalo akong nainis. “Whoa!! Shit Aemie. Delikado yan.” Tarantang-
taranta na sabi nya habang nakataas pa ang dalawa nyang kamay. “Hindi magandang
biro yan.” Pakiramdam ko ay mangingiyak na ang boses ni Kaizer dahil nakatutok pa
din sa kanya ang baril na hawak ko.

Pero mas lalo lang akong nainis nung mapatingin ang sa dalawang kamay nya nakataas.
Hawak-hawak pa nya ang lalagyan ng cheese na wala ng laman. Huhuhu ang cheese ko.
“Sino ba may sabing nagbibiro ako?” Seryosong tanong ko.

“Wengya ibibili kita ng madaming-madaming keso pagkabukas na pagkabukas ng mall.”

Kakalabitin ko na dapat ang baril nung may umagaw nun sa kamay ko. “Zeke.” Ngumiti
sya sa’kin. “Let me kill him.” Pagkasabi ni Zeke nun ay tumakbo na si Kaizer
palayo.

“Sorry late. Ang traffic eh.”

“Meisha.” Bati ko. Kasama nyang dumating sila Tristan, Spade, Cassandra, Fauzia at
Milka.

“Ma’am Aemie. Mahilig ka daw sa cheese, fruits at milk?” Tanong ni Meisha habang
nilalapag nila lahat ng dala nila.

“Dinalhan ka namin ng madami ate Aemie.”

“Waaaa! Totoo?!” Pero biglang nagbago ang mood ko nung may naalala ako. “Don’t tell
me dito din kayo titira?” Pinaningkitan ko sila ng mata at umaasang ‘hindi’ ang
isasagot nila pero—

“Yun kasi ang sabi ni kuya Ezekiel, ate Aemie.” Sabi ni Milka. Hayy! Hindi naman sa
ayaw ko ng nandito sila. Kaso ang dami-dami nila, ang iingay pa naman ng mga ‘to
pag magkakasama. Lalo na ‘yung apat. Hayy!
**

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa loob ng kwarto namin ni Zeke. Gusto ko kasing
lumabas at tignan ang ref baka mamaya ubos na pala mga pagkain at gatas ko doon
hindi ko pa alam.

“Zeke matagal ka pa bang matapos dyan?” Katok ko sa pinto ng C.R. Bakit ba kasi
nauna syang maligo sa’kin.

“You are very welcome to join me if you can’t wait wife.” Tatawa-tawa pa si Zeke
kaya mas lalo akong naiinis. Binuksan ko ang pinto ng C.R at sakto namang nasa may
pinto na din si Zeke. Tumutulo pa ang tubig na katawan nya. “Done.” Nang-aasar pa
‘yung ngiti nya kaya tinaasan ko lang sya ng kilay at saka pumasok sa C.R.

Nung matapos ko ng gawin lahat ng dapat kong gawin sa C.R ay lumabas na agad ako.
“Are you in a hurry?”

“Hindi ba halata Zeke ha?”

“Pfft.”

“Ang aga-aga dong ha.” Sinisimulan na naman ako nito ni Zeke sa pangiti-ngiti nya.
“Hahaha. Sorry.” Lumapit sa’kin si Zeke habang nagsusuot ako ng sapatos. “I’m very
sure that my son will be hot-headed just like you.” At nagsalita naman ang smiling
face ng bayan.

Hayy! “Ewan ko sa’yo!”

Kinuha ko ang sling bag ko at saka lumabas ng kwarto. “Yo Miss Aemie.” Tinaasan ko
ng kilay ‘yung apat dahil nandito sila sa tapat ng pinto namin ni Zeke. Isa-isa ko
silang tinignan. “Anong ginagawa nyo dito?” Inis na tanong ko.

“Ha-ha-ha! Ahh ano kasi Aemie, napadaan lang ako. Hinila ako nito ni Lee sabi mag-
record daw kami.”

“Ulul! Si Lerwick ang kumaladkad sa’kin dito eh.”

“Anong ako? Itong si Boul ang nangungulit sabi kuhanan daw kayo ng video nila
bossing.” Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila dahil nagtuturuan na naman sila.

“Bakit nyo naman kami kukuhaan ng video Vash?” Tanong ko kay Vash.

**

Sebastian’s PoV
Pftt. Sumisimple na ako ng alis habang nakatingin pa si Miss Aemie kay Boul. Ang
bangis pa naman ni Miss Aemie ngayon.

“Uhh—“ kakamot-kamot ang ulo ni Boul dahil hindi alam ang isasagot.

-Flashback-

Kakatapos ko lang mag-joggingat plano ko na sanang mag-shower. “O ‘tol jogging-


jogging din. Hindi ka na makakahabol nyan sa kagwapuhan ko.” Pang-aasar ko kay
Lampe nung makasalubong ko sa hallway dahil mukhang kakagising lang. Pinupunasan ko
ang mga pawis ko sa noo nung magkatinginan kami dahil parehas naming napansin na
nasa tapat kami ng pinto ng kwarto nila Bossing at Miss Aemie.

At mukhang parehas din ang iniisip namin kaya dumukot agad ako ng cellphone. Si
Lampe naman ay idinikit ang tenga sa pinto. “O ano may nadidinig ka ba?” Usisa ko.

“Wengya! Tulog pa yata ‘yung dalawa. Tahimik eh.”

“Tss. Ako nga.” Hinawi ko si Lampe para ako naman ang makinig sa pinto.

“Good morning wife.”

“Anong maganda sa morning kung nakangiti ka na naman dyan?”


Wooo! Bangis! “Barado si bossing ‘tol” Pfft. Amputs.

Para kaming mga siraulong nakikinig kanila Miss Aemie at Bossing.

“Anong ginagawa nyo dyan?”

“Wengya! Wag kang maingay ‘tol!” Saway ni Lampe kay Lee.

“Hahahahahaha Zeke tama—hahahaha na!”

“Shit! It’s showtime na yata mga tol”

“Padinig nga ako.” Hinawi naman kaming dalawa ni Lee. Kaya sya ng mag-isa ngayon
ang nakikinig sa pinto. “Ilusot mo ‘to sa pinto Lampe. Camera ‘to” Utos ni Lee kay
Lampe.

“Yown! Nice one Lee.” Agad namang isinuot ni Lampe ang maliit na camera sa ilalim
ng pinto nung eksaktong dumating si Boul.

“Yo Boul, bihis na bihis ah saan ang date?” Tanong ni Lampe.


“Inggit ka ba baby Lampe?” Inakbayan ko si Lampe at saka kinindatan. “Mamaya magde-
date din tayo.” Pfft.

“Wengya! Amoy pawis ka pa!”

Hindi na nakisali sa asaran si Boul dahil umalis na sya agad.

-After 30 minutes-

“Wala naman akong makita sa video eh. Puro paa ‘tol. Puro paa.”

“Mamayang gabi pupuslit ako. Magkakabit ako ng camera.”

“Yown!”

“Akalain mong may utak ka din naman pala Lee.”

“Gago!”

“Yung kwarto ko Lee ‘wag mong lalagyan ng camera sasamain ka sa’kin.” Paalala ko.
“Bakit baby Lerwick ayaw mo bang mapanuod nila mga ginagawa natin sa gabi?” May
halong landi ang boses ni Lampe at talaga namang nakakasukang isipin. Walanjo!
“Syempre baby Lampe, kailangan natin ng privacy.”

Pfft. Mukhang napipikon na si Lampe nung dumaaan na naman si Boul. “O ‘tol akala ko
ba may date ka?”

“Baka hindi sinipot.”

“May lubid ako dito.”

“Kabaong for sale.”

“Karo for rent.”

“Yo Miss Aemie.” Mabilis kong bati nung bumukas ang pinto. Ito na nga ba sinasabi
ko eh. Mahuhuli na naman kami.

-End of Flashback-

“Vash tinatanong kita, bakit nyo kami kukuhaan ng video?” Pinulot ni Miss Aemie
‘yung maliit na came na ipinalusot ni Lee kanina sa ilalim ng pinto.
“Sila Lampe ‘yun Ma’am Aemie. Napadaan nga lang ako dito.”

“Anak ng tokwa naman Boul, tayo-tayo na lang ayaw mo pa umamin kay Aemie.” Iiling-
iling na sabi ni Lampe. “Una na ako mga ‘tol ah. Kailangan ko na mag-shower.
Nakakapagod mag-jogging.” Paalam ko para makasimple na ng sibat, kaysa maabutan pa
ako ni bossing dito. Mas lalo akong malilintikan.

“Sebastian.” Doomsday. Dahan-dahan akong lumingon kay Miss Aemie. Uumpisahan ko na


bang magtawag ng mga santo? “Samahan mo ako mamaya.” Para akong binunutan ng tinik,
at daig ko pa ang bagong paligo sa sobrang gaan ng pakiramdam nung ‘yun lang ang
sinabi ni Miss Aemie. “Areglado Miss Aemie.” Sumaludo pa ako bago tuluyang
makaalis.

Akala ko tuluyan ng mag-e-extinct ang lahi ng mga gwapo.

**

“Saan ba lakad natin Miss Aemie?”

“Basta mag-drive ka lang. Iisipin ko muna kung saan tayo pupunta.” Utos nya.
Nakakapagtaka. Aalis lang sya ng bahay kailangan naka wig pa sya at shades? Amputs.
Pero sa biglang tingin aakalain mo talagang hindi si Miss Aemie ang nasa tabi ko.

Inistart ko ang engine ng kotse at nagsimula ng paandarin. Walanjo! Saan naman kaya
ako pupunta ni—“Umpisahan mong puntahan ‘yung parking lot ng mall na pinuntahan
natin.” Utos ni Miss Aemie kaya mabilis kong binaling ang kotse at tinahak ang daan
papuntang mall.
-After few minutes-

Ipinark ko na ang sasakyan dito sa parking lot B ng mall nung pigilan ako ni Miss
Aemie. “Mag-drive ka ulit ituturo ko na lang ang daan.” Utos nya. Ang hirap pala
pakisamahan ng buntis. Paiba-iba. Akala ko gustong mag-mall tapos hindi pa nga kami
nakakababa pinapag-drive na ako ulit. Amputs! Dapat si Boul na lang ang isinama ni
Miss Aemie eh.

“Kumaliwa ka dyan.”

Ilang kilometro pa din ng kaliwa at kanan ang ginawa ko hanggang makarating kami.
“Itigil mo na dito.” Mahinahong saan ni Miss Aemie. Sinisipat nya ng tingin ang
isang malaking gate ng isang mansion. May kalumaan na ang mansion at masyadong
madaming puno.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Walang bantay dito sa labas pero sa tanaw sa
bakal na gate ang mga bantay sa loob.

“Uhmm excuse me.” Walanjo! Kailan pa nakalabas ng kotse si Miss Aemie?

Mabilis akong lumabas ng kotse at nagsindi ng sigarilyo. Ako ang kinakabahan dito
ampupu! Buntis pa naman ‘to. Paniguradong double dead ang abot ko nito kay bossing.

“Ano yon Miss.” Sagot ng lalaki. Nakapako ang tingin ko sa dalang baril ng lalaking
kausap ni Miss Aemie ngunit hindi ko pinapahalata sa kanya. “Wag ka lang
magkakamaling bumunot ng baril tsong. Kahit gwapo ako mas mabilis ako sa’yo” Sabi
ko sa isip.
“Dito ba nakatira si Andrei Lewis?” Tanong ni Miss Aemie.

“Hindi. Si Mr. Terrence Von Knight ang nakatira dito.” Sagot nung lalaki. “Bakit?
May kailangan ka ba?” May kaangasan ang isang ‘to! Takte! Akala mo hindi babae ang
kausap. Tsk.

“Sorry. I thought dito nakatira si Andrei, ito kasi ‘yung binigay nyang address.
Anyway, thanks for the info.” Sabi ni Miss Aemie at saka tinalikuran ‘yung lalaki.

“Sandali lang.” Pigil nung lalaki. Pagkaharap ni Miss Aemie ay nagsalita ulit ‘yung
lalaki. “Nagkita na ba tayo dati?”

“Huh?”

“Wala. Medyo kamukha mo kasi ‘yung babaeng dinala dito ni Sir Knight.”

“Excuse me kuya, pero wala akong panahon sa tsismisan. Thank you ulit.” Pfft.
Bengga ka boy!

Pinagbuksan ko ng pinto ng kotse si Miss Aemie. Nung makaupo na sya ng ayos ay


isinara ko na ang pinto at saka pinasadahan ulit ng mabilisang tingin ang mansion.
Ano kayang dahilan at pumunta kami dito?
**

“Terrence Von Knight pala huh.” Ngingisi-ngisi si Miss Aemie kaya hindi ko maiwasan
na hindi magtanong. “Sino ‘yung Andrei Lewis Miss Aemie?” Tanong ko.

“Ahh wala, gusto ko lang talaga malaman kung ano pangalan ng nakatira doon kaya
umimbento ako ng palusot doon sa lalaki.”

Tumango-tango ako dahil sa mga ngiti nya mukha namang ‘yun talaga ang dahilan ng
pagpunta namin doon. “Sino naman si Terrence Von Knight?” Tanong ko ng nakatingin
ng diretso sa daan.

“He’s my target.”

Sa pagkagulat ko ay naipreno kong bigla ang kotse. “Shit!”

“Ano ba Sebastian magdahan-dahan ka nga sa pagmamaneho!” Halos sumigaw naman sa


galit si Miss Aemie. Ampucha! Teka, tama ba ang dinig ko. “Target?” Tanong ko ng
naka-tingin ng diretso sa kanya.

“Oo. Target.” Nakangiting sagot nya. At ‘yung mga ngiting ‘yun ang nagbigay kilabot
sa’kin. Lumunok muna ako bago itinanong kung “Para saan, bakit may target?”

“Napaka-tsismoso mo talaga Sebastian, mag-drive ka na lang ulit. Doon naman tayo sa


apartment ni insan.”
**

Nagsindi ulit ako ng sigarilyo nung makapasok si Miss Aemie sa gate ng apartment ng
pinsan nyang si Miss Amesyl. Hindi naman ako sunog-baga. Hindi ko lang talaga
maiwasang hindi makaramdam ng tensyon. Takte!

“Sebastian hindi ka ba sasama sa’kin sa loob?” Nakatanaw si Miss Aemie na nasa loob
na ng gate. Ako naman ay nakasandal lang sa kotse. “Hindi na Miss Aemie.” Dito na
lang siguro ko sa labas.

Pinagmasdan kong maglakad si Miss Aemie. Nakakatatlong hakbang pa lang sya nung
bumukas ang pinto ng apartment. “Anong ginagawa mo dito?”

“Insan, pwede ka bang makausap?” Puno ng lungkot ang boses ni Miss Aemie. Sabagay,
ang tagal na nyang hindi nakakausap ang pinsan nya. Pero ano bang problema dito kay
Miss Amesyl, tinalo pa nya si Miss Aemie sa kasungitan.

“Busy ako Aemie, ‘wag ngayon.” Naglakad na papuntang gate si Miss Amesyl kaya
umayos ako ng tayo. Mukhang ayaw nya talaga kausapin si Miss Aemie.

“Insan kahit sagli—“

“Hindi mo ba nadinig ang sinabi ko? Busy ako. ‘Wag ka ngang makulit.”
Sa pagkakataong ito ay hindi na napigilan ni Miss Aemie na maiyak kaya mabilis kong
niyapakan ang sigarilyo ko at saka lumapit sa kanya para abutan sya ng panyo. “Ayos
lang ako Seb.” Mabilis nyang pinunasan ang mga luha nya at saka ulit nagsalita.
“Galit k aba sa’kin insan?”

“Oo. Galit ako sa’yo. Kaya pwede ba ‘wag mo na akong pupuntahan.” Diretsong sagot
ni Miss Amesyl. Inalalayan ko si Miss Aemie dahil pakiramdam ko matutumba sya.
Mabilis din naman syang umayos ng tayo. “At isa pa, ‘wag mo na ako tawaging
‘insan’.”

**

Aemie’s PoV

Pagkagaling namin ni Sebastian sa apartment ni insan ay dito na agad kami dumiretso


sa bahay. Balak ko pa sanang pumunta sa bahay nila mommy at bahay ni Andrei. Plano
ko pa din sanang sundan si kuya Ken, kaso sobrang sama ng pakiramdam ko dahil sa
mga sinabi ni insan.

Ano bang problema ni insan at nagkakaganun sya? Bago naman sya ma-kidnap hindi sya
ganun. Bakit ba sya nagagalit sa’kin?

Gusto ko naman talaga syang iligtas dati, pero kasi ang sabi ni Zeke sya na daw
bahala eh. “Huhuhu.” Wala na akong ginawa maghapon kung hindi ang umiyak. Sanay na
akong nagagalit si insan sa’kin pero hindi ‘yung galit na tulad ngayon. Ni ayaw na
nya akong maging pinsan.

“Wife are you okay?” Tumingin ako kay Zeke na mabilis na pumasok sa loob ng kwarto
at saka inalis ang coat na suot nya. “Lerwick told me that what happened—“

“Ang daldal talaga nyang Sebastian na ‘yan” Huhuhu. Wala pang isang araw nai-
tsismis na agad kay Zeke. Hindi man lang nya ipinagpabukas. Grabe ha! Grabe!

Niyakap ako ni Zeke kaya mas lalo akong naiyak. “Masama ba akong tao Zeke?” Tanong
ko habang umiiyak.

“No, you’re not.” Mas lalong hinigpitan ni Zeke ang yakap sa’kin pero mas lalo din
akong naiyak. “Eh bakit ayaw na sa’kin ni insan? Huhuhu. Hindi ko naman sya inaaway
ah.” Hindi sumagot si Zeke kaya nagpatuloy lang ako sa pag-iyak hanggang sa kusa na
ding tumigil ang mga luha ko. Alam kong wala akong makukuhang sagot sa kanya dahil
mukhang kahit anong pilit ko ay hindi magsasalita si Zeke.

“You have to eat.” Pinunasan ni Zeke ang mga natirang luha sa pisngi ko at saka ako
mabilis na hinalikan.

Nagpatuloy ako sa pag-iisip habang naglalakad kami papuntang kusina. Nabanggit ni


kuya Ken si insan kay Caileigh nung magkasama sila sa coffee shop, ibig sabihin may
alam sila tungkol sa nangyari kay insan?

‘Yung lalaking abnormal na si Terrence, si Andrei, si Caileigh, si kuya Ken at si


Grethel. Ano naman kaya koneksyon nila sa isa’t-isa.

“I will cook for whatever you wish to eat wife. Just tell me what you want.”

Feeling ko may alam din sila sa nangyari kay insan. “Sila mommy Zeke, ano na ang
balita kila mommy at daddy?” Tanong ko pagkaupo ng dining chair.

“I’m still working on it.” Tumalikod si Zeke at pumunta sa may ref.

Iba din ang kutob ko doon sa sinasabing girlfriend ni Zeke na si Satana. Dahil
kasama sila sa auction. Kaya malamang kasali din sila sa Mafia.

Ang dami kong gustong malaman! At ang mas nakakainis, hindi ko makalimutan ang
sinabi sa’kin nung lalaking abnormal.

“Kamusta na kayo nung Satana?” Tanong ko. At sa unang pagkakataon gusto kong
kalbuhin ‘yung Satana ‘yun nung maalala kong tinawag-tawag nga pala nyang ‘babe’ si
Zeke nung nasa restaurant kami. Hayy!

Siguraduhin nyang hindi magku-krus ang landas naming dalawa.

Hinintay kong sumagot si Zeke pero iba ang isinagot nya. “Do you want beef steak
and veggie salad.” Tumango na lang ako kaysa mangulit pa. Feeling ko naiintindihan
ko na si Zeke. Kasi kahit ako, pag tinanong nya ako tungkol sa lalaking abnormal ay
wala din akong balak sagutin o sabihin sakanya ang mga pinag-usapan namin.

Hindi sa ayokong sabihin kay Zeke, kaso—ayokong dumagdag sa mga iniisip nya. “I
love you Zeke.”

“I love you more.”


“I love you most. Hehehe.”

“I love you more than—“

“Huwaw! Nagluluto si loverboy! Anak ng tokwa! Saktong-sakto gutom na ako!” Umupo


agad si Kaizer sa isa sa mga dining chair at saka inilagay ang table napkin sa
dibdib nya

“Wanna die Lamperouge?”

“Hahahaha.” Natatawa talaga ako kapag ang sungit-sungit ni Zeke. Mas bagay sa kanya
‘yan kaysa kapag nakangiti sya.

Tumingin sa’kin si Zeke at ngumiti kaya biglang nagbago na naman ang mood ko. “Ano
na naman Zeke?” Masungit na tanong ko.

“Hey hey, we brought some foods.” Dumating sila Milka, Fauzia, Meisha at Cassandra
na may dalang pizza at French fries. Kasunod naman na pumasok sa kusina sila
Sebastian, Jacob, Vash, Tristan at Spade at wala pang limang minuto ay naubos na
laman nung dalawang box ng pizza. Tig dadalawa kasi kinuha nung iba.

“Where’s the pizza?” Kunot-noong tanong ni Zeke habang may hawak na sandok.

“Oh deym Boul inubusan mo si loverboy?” Sabi ni Kaizer.


“Ito talagang si Boul laging binubully si bossing.” Gatong naman ni Sebastian.
Nagtawanan silang lahat dahil doon sa dalawa. Pati ako natatawa dahil sa itsura ni
Vash.

At dahil mukhang anytime ay bubunot na ng baril si Zeke dahil walang natira sa


kanyang pizza ay lumapit ako sa kanya para ibigay ‘yung slice ng pizza na hawak ko.
“Zeke oh.” Alok ko.

“I prefer this.” Nanlaki ang mata ko nung bigla akong hinalikan ni Zeke sa labi sa
harap nilang lahat.

“Aww sweet.”

“Wooo syet naman!”

“Deym porn!”

“Gago ‘wag kang magtakip ng mata ilabas mo agad ang camera!”

“Lee ang camera!!”


***

A/N :

So here’s my birthday treat :D Thank you sa lahat ng birthday greetings, sa lahat


ng silent readers, maiingay na readers, mga ops, sweets. I love you all guys! Thank
youuu <3

=================

Chapter 21

Aemie’s PoV

“Whoaaa! Ang dami naman ng mga ‘yan.” Wika ni Kaizer. Lahat sila ay tuwang-tuwa
habang isa-isang ipinapasok sa bahay at iniaakyat sa bakanteng kwarto ‘yung mga
gamit na pang-bata na pinagbibili ni Zeke. Mula sa crib, stroller, walker, diapers,
baby carrier, highchair at iba-iba pang gamit pag kumakain na ‘yung baby, mga
damit, laruan, pati lahat ng furniture at pang-display sa kwarto ng baby meron na
din.

“Bakit puro blue?” Tanong ni Meisha. Tinanong ko na din ‘yan kay Zeke.

“Simply because we’re having a son.” Nakangiti namang sagot ni Zeke. “Right wife?”
Umakbay pa sya sa’kin at saka ngumiti ulit. Pinilit kong ngumiti at tumango para
naman wala na kami pagtalunan. Hindi ko maintindihan bakit ipinipilit nyang lalaki
ang anak namin eh wala namang sinabi ‘yung doctor.
“Ayos! Sigurado akong madaming paiiyaking chiks ‘yan paglaki. Manang-mana sa ninong
Kaizer eh.”

“Max! Eh kung ikaw kaya paiyakin ko.”

“Sis naman, nagbibiro lang ‘yung gwapo oh.” Sagot ni Kaizer. “Yo Aemie, bakit hindi
Kaizer the second ipangalan mo sa magiging inaanak ko. Para naman pangalan pa lang
—“

“Wanna die Lamperouge?”

“Sabi ko sainyo mga tsong mas maganda Ezekiel Roswell Jr. eh.” Sabi ni Kaizer. Ang
pangit kaya ng Junior. Ano magiging nickname nun Junjun? Hayy! Mas gusto ko pa
tweety bird kaysa dun eh.

***

Milka Shinize’s PoV

“Kuya Vash okay ka lang ba?” Nakaupo kaming dalawa ni kuya Vash sa bench malapit sa
garden. Gabi at malamig ang simoy ng hangin. November na din naman kasi, ilang
linggo na lang pasko na. Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga stars.

“Bakit nandito ka sa labas baby Mik? Malamig ah.” Tumayo si kuya. Dumukot sya ng
isang stick ng sigarilyo sa bulsa at saka nagsindi. Paano ko ba ioopen sa kanya ang
topic tungkol sa nakita namin?
“Gusto ko lang sana ayain ka mag-shopping bukas kuya.” Nginitian ko sya but he just
stared at me. At mukhang hindi sya naniniwala sa sinabi ko. “Aish! Baby Mik pwede
mo naman akong kausapin ng hindi nagsha-shopping.” I bit my lower lip at tumungo,
kilalang-kilala talaga ako ni kuya Vash. Alam nya pag may gusto ako sabihin.

Pinagdikit ko ang hintuturo ko. “Si ano kasi kuya...“ Nakatingin sa kawalan si kuya
Vash pero alam kong hinihintay nya ang sasabihin ko.

“...Si ate Caileigh kasi...Uhh...” Tinignan ko ulit si kuya Vash bago ako bumalik
sa pagkakayuko. “Nakita kasi namin sya sa isang coffee shop kasama nila kuya Jerson
Ken at Phoenix.”

Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang walang pakialam si kuya Vash sa mga
sinasabi ko. Gustuhin ko mang mainis kay ate Caileigh pero wala naman akong sapat
na dahilan. “Kuya Vash may alam ka bang dahilankung bakit magkakasama sila?”
Diretsong tanong ko. Bahagya syang lumingon sa’kin nung tawagin ko sya.

“Iniisip mo ba na baka may ka-relasyon si Caileigh sa isa sa kanilang dalawa?”

Uhh—hindi naman sa iniisip ko pero si Phoenix kasi ‘yung tipo ng tao na hindi naman
makikipag-usap kung hindi kailangan. Mukha din kasing wala syang hilig sa babae
kaya imposible—pero “Posible din naman kasi nab aka lang ano—baka may namamagitan
sa kanila ni Phoenix Strife.” Saad ko.

“Pfft. Gusto mo si Phoenix Strife?”


“HA?!” Tumayo ako sa pagkagulat sa sinabi nya. “Hindi ah!”

“Eh bakit si Strife lang ang tinanong mo, kasama din naman nya si Blood.”

“Kuya!!!!” Hiyaw ko ulit sa kanya para matigil ang sinasabi nya. Nakakahiya naman.
Err! Bakit ko ba kasi sya tinanong pa! Pakiramdam ko tuloy pulang-pula na ang mukha
ko dahil sa kahihiyan.

“Yo. Nandito pala kayo kanina ko pa kayo hinahanap.”Tinignan ko ng masama si Kuya


Vash. Hindi naman siguro nadinig nitong pangit na si Sebastian Lerwick ang pinag-
uusapan naming ni kuya ‘diba?

“Papasok na ako sa loob.” Paalam ko sa kanilang dalawa.

“Baby!”

Ang hirap mag-pretend na nakakahiya. Ano ba kasing pumasok sa isip ni kuya Vash at
nasabi nyang gusto ko si Phoenix.

“Tek na ‘yan. Ang bilis mo namang maglakad.”

Eh ang sungit-sungit nung lalaking ‘yun. At saka ni hindi ‘yun marunong ngumi—
*Phone vibrates*

From Phoenix : Pumunta ka daw dito bukas.

“Baby bakit bigla kang nag-blush dyan? Alam kong gwapo ako—“

“Huwag kang feelingero Sebastian Lerwick.”

Hinawakan ko ang dalawang pisingi ko habang naglalakad palayo sa pangit na si Seb.


Talaga bang nagba-blush ako? Wtf! Ano bang nangyayari sa’kin.

***

Meisha Maxine’s PoV

“Oh Milka, naka-ready na dinner.” I tried approaching her pero mukhang wala sya sa
sarili. Is there something wrong?

“Baby—ano bang—“

“L-Lerwick.” I looked away nung makita kong kasunod nya si Lerwick na pumasok. I
don’t even know why, I just don’t want to look at him. On the first place anong
ginagawa nilang dalawa sa labas?
“Oh Mei.” He paused right in front of me making me feel conscious. “Nakahanda na
dinner.” Tinalikuran ko na sya.

“Awts. Ano bang problema sa’kin at kanina pa ako wino-walk outan ng mga babae.
Gwapo naman ako.”

I smiled. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘to.

“What’s with the smile Maxine?” Cassandra asked and gave me a teasing smile.
“What?” I asked in return.

“Hahaha nothing.”

Itinuloy ko na ang paglalakad pabalik ng dining area. “Sis hindi pa ba ako pwedeng
magsimula dito?” Tanong ni Max. Inip na inip na ang mukha nya habang pinagmamasdan
ang mga pagkain sa mesa. “Kanina ko pa gustong banatan ‘tong mga ‘to eh.” He
whispered.

“Gutom na din kami.” Nakasimangot na si Spade Clifford sa harap ng pagkain.

“We have to wait for Mr. Roswell and Miss Aemie.”


“Wengya naman! Bakit ba ang tagal-tagal bumaba nyang mag-asawang highblood?” Angal
ni Max.

“Sino ‘yung mag-asawang highblood?” Nanlaki ang mata ni Max na tumunghay nung
dumating sila Ms. Aemie. Nasa likuran nya si Mr. Roswell at kasunod na naglalakad.

“May sale ba ng kape at biskwit sa mga supermarket ngayon?” Tanong ni Lee at saka
binigyan ng mapang-asar na ngiti si Max. Ginantihan naman sya agad ni Max ng
matatalim na tingin.

“Kaizer ano ‘yung sinasabi mo kanina?” Tanong ni Ms. Aemie na umupo sa isa sa mga
dining chair katapat ni Max.

“Whoa! Oh ayan na pala ang mag-asawang ubod ng bait at saksakan ng haba ang
pasensya.” Natatawa si Max pero obvious naman na umiiwas na naman syang masermunan.
“Pwede na tayong magsimulang kumain ha-ha-ha.” Tumikhim ako para tumigil ang
kapatid ko sa kalokohan nya.

“Sira ulo” Bulong ni Ms. Aemie. “Nasaan na ‘yung iba?” Pag-iiba nya sa usapan.

Umupo na din ako, on my left is Tristan tapos vacant naman ang dining chair sa
right ko. Nasa tapat namin ni Tristan sila Cassandra at Spade.

“Yo.” Kahit hindi ako lumingon alam ko kung kaninong boses ang nagsalita. “Yo Mei.”
Lerwick greeted pagkaupo nya sa right ko. What the hell is he thinking? Bakit dito
pa sya umupo.
“Hey.” I greeted back...awkwardly. Even though walang dahilan para maging awkward.

“Sorry, nag-shower pa ako kaya na-late ako.” That’s Fauzia. She occupied the seat
beside Lee. “Dinaanan ko pala si Milka sa kwarto ang sabi nya busog daw sya.” She
added.

“Asus! Kinilig lang ‘yun sa’kin.” Lerwick blurted out.

Ano bang nangyari sa kanilang dalawa? Bakit parang—“Mei ayos ka lang ba?” I stopped
thinking the moment na tinanong ko ni Lerwick. “O-ofcourse I’m okay. Why would I
not be?”

“Pfft. Natanong ko lang, ang higpit kasi ng hawak mo sa table napkin.” I switched
my glance on the table napkin. At nung mapansin kong mahigpit nga ang hawak ko ay
agad ko ‘yung binitawan.

“Yo! Sorry late.” Boulstridge came in just exactly on the right time, for me. At
least na-divert ang atensyon nila sa kanya.

“Pfft. Tapos ka ng mag muni-muni sa labas ‘tol?” Lerwick asked.

“Let’s eat.” Mr. Roswell commanded.

“Wooooo! Nice! Let the feast begin!” At nag-umpisa na naman ang kapatid ko sa mga
kalokohan. I just sighed.
***

“Mei, don’t get me wrong. But what’s with you and Seb?” I was caught off guard with
Cass’ question. “W-what are you talking about?”

“Oh well, alam ko namang may something sa inyo noon, pero ‘diba you alam mo naman
na may Tristan ka na.” What the hell is she saying.

“Will you—“ Naputol ang sasabihin ko dahil biglang may nagsalita.

“Stop lecturing her Cassandra. It’s her feelings, not yours. So it’s also her
business to deal with and not yours.” Fauzia said. Nagulat kaming dalawa ni
Cassandra sa biglang pagsulpot nya. “Need a hand?” She asked offering her help.
Madami-dami din kasi ‘tong mga hinuhugasan naming plato, baso and all likes.

“Yes please.” I gave her a smile to say thanks. She smiled back at nagsimula ng
tulungan kami. “But Mei, hangga’t maaga pa mamili ka na. Ikaw din ang mahihirapan
dyan in the end pag pinatagal mo pa.” Cass reminded. And I have nothing to do but
to keep quiet dahil hindi ko din naman alam ang isasagot ko sa mga sinabi nya.

-Kinabukasan-

Aemie’s PoV
Huminga ako ng malalim bago ko pinindot ang doorbell. Nandito ako ngayon sa may
gate ng mansion ni Andrei. Gusto kong malaman kung bakit sya nabanggit ni Caileigh.

Maya-maya ay pinagbuksan ako ng gate ng guard. Kilala ko na ‘to si kuyang guard sa


mukha dahil lagi naman akong nandito noon. “Ahmm nandyan po ba si Andrei?” Tanong
ko.

“Opo Ma’am nasa loob po. Saglit lang po sasabihin ko kay Sir na nandito kayo.”
Sagot nya.

“Sige po.”

Nag-antay ako ng ilang saglit kasama ang iba pang guard ng bahay habang wala pa si
kuyang guard. Pumasok kasi sya sa loob. Maya-maya pa ay lumabas si Andrei. “Aemie.”
Nakangiti sya sa’kin habang hawak ang cellphone nya sa kanang kamay.

“Hehehe hello!” Bati ko.

“Tara sa loob.” Nakangiting aya nya.

**

“Ang tagal mong hindi pumupunta dito ah, may nangyari ba?” Tanong nya habang
naglalakad kaming dalawa papasok ng bahay nila.
“Medyo naging busy lang ako sa office.” Pagdadahilan ko.

“Ahh.” Tumigil sya saglit at saka ngumiti sa’kin. “So kamusta naman?” Tanong nya.

“Ahmm ayos naman, ikaw kamusta ka dito?” Tanong ko. “Pfft. Ayos lang din.” Sagot
nya. Mukha namang walang kakaiba sa mga kinikilos nya. Pero imposib—“Gusto mo bang
sumama mamaya? May party akong pupuntahan.” Pag-aaya nya.

Hindi ko alam kung ‘oo’ o ‘hindi’ ang isasagot ko. Pag nag-oo ako baka magalit si
Zeke pag nalaman nya, pero mataas ang possibility na may makuha akong impormasyon.
Pag ‘hindi’ naman—

“Saglit lang naman ‘yung party.” Nakangiting saad nya. “It’s actually an engagement
party.” Sabi nya. For unknown reason, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. This
will be the first time na a-attend ako ng isang engagement party.

***

Milka Shinize’s PoV

Tahimik akong naglakad papasok ng mansion ng mga Lestrange. “Kanina pa kita


hinahantay.” Hindi ako makatingin kay Phoenix dahil paulit-ulit na nagpe-play sa
utak ko ‘yung tinanong ni kuya Vash sa’kin kahapon. “Anong problema?” Natigilan din
ako sa paglalakad nung tumigil si Phoenix. “Huh? W-wala.”
“Tss.” We started walking again. “A-Anong meron, bakit ako pinatawag?” Tanong ko.

“Malay.” Tipid na sagot nya.

Tinignan ko si Phoenix nung tumigil kami sa paglalakad. Matagal ko ng iniisip kung


kakampi ba namin sya nila kuya Ezekiel o hindi. Basta ang alam ko lang sumusunod
sya sa mga inuutos nila tita Alyana.

Pumasok kami sa isang kwarto. “Dito na lang muna tayo.” Madami-dami na din ang mga
taong nandito pero wala akong kilala ni isa maliban kay Phoenix. “Shin Hamilton
ikaw ang magbigay ng mga invitations.” Iniabot sa akin ng isang babae ang isang box
na puno ng invitations.

Shin Hamilton ang alam nilang pangalan ko dahil ‘yun ang nakalagay sa birth
certificate ko. “Okay. ‘Yun lang ba?” I asked. But I’m wondering kung invitation
‘to para sa anong okasyon?

“Yes, may listahan na dyan kung kanino mo dadalhin ang mga invitations.” Sabi nung
babae. “Okay.” I answered back.

I started moving out nung makasalubong ko ang babaeng dahilan kung bakit ako
nandito. “Hey Shin.” She kissed me on my left cheek as if we’re close. Maybe she’s
in good mood. Pero ano kaya ang dahilan? Mas ayos na ‘to kaysa naman sa ugali nya
pag wala sya sa mood. I really hate her. Hindi ko alam kung

-Flashback- (From chapter 8, with continuation)


‘Kuya Vash?’ I said to myself. ‘What is he doing here?’ Nakatago ako sa likod ng
isang sasakyan, almost 10 meters away from where he is. But I can’t be wrong.

May hawak si kuya pero hindi ko alam kung ano, it’s an attache case. Si kuya Vash
nakikipag-transact sa mga hindi ko kakilalang lalaki.

I was about to leave nung may maramdaman akong matigas na bahay na nakatutok right
behind mu head. “Where do you think you’re going little rat?” My eyes widened.
Hindi ko pa man nililingon kung sino yun kinakabahan na ako. Boses ng babae ang
nagsalita.

Nanlambot ang tuhod ko dahil hanggang sa makaharap ako ay naka-tutok pa din ang
barik nya sa’kin. “Dalhin nyo sya doon.” Utos nya sa dalawa pang kasama nyang
lalaki na hindi ko din kilala.

Hiniklat nung isang lalaki ang kaliwang braso ko. Halos makaladkad ako sa higpit ng
pagkaka-hawak at bilis ng paglalakad naming.

Natatakot akong magsalita dahil may naka-tutok na baril sa likod ng ulo ko at


maging sa may bandang mukha ko. Pero mas lalo akong natatakot sa sasabihin ni kuya
Vash sa’kin pag nakita nya ako.

“We have a new member here.” Pagkabanggit na pagkabanggit nung babae nun ay
lumingon sa gawi ko si kuya Vash pati ang mga kasama nyang lalaki.

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumungo. Tama ba ‘yung nadinig ko? New member?
**

“So what’s your name bitch?” Tanong nung babae. Ganito ba sila mag-welcome dito. Or
rather, am I really one of them?

I am sitting on a chair and she’s standing in front of me with her arms crossed.
“Shin Hamilton.” I replied.

“Verify her identity.” Utos nya sa isang lalaki. She smiled at me and offer her
hand to shake. “I am Satana Beatrix Lestrange. It’s not so nice to meet you.” She
said with her lips smiling like an evil witch.

‘It’s not so nice to meet you too’ I answered at the back of my head and offered my
hand to shake.

-End of Flashback-

“Are you leaving already?” Tanong ni Satana. “Sana, I still need to distribute
these.” I looked at the box of invitations I am holding bago ko sya tinignan ulit.
“Oh I see.” She giggled.

“Samahan na kita?” I paused when I heard Phoenix.

“Wag na!” I said at saka mabilis na tumakbo palabas.


Habol-habol ko ang paghinga ko nung tumigil ako sa pagtakbo. Inilapag ko muna
saglit ang box na hawak ko. “Ang bilis ng tibok ng puso ko.” I whispered.

“Bakit ka ba kasi tumatakbo?”

Yeah right, why am I running away—“Phoenix?” I uttered. Dahan-dahan akong humarap


sa kanya to check if tama ang pagkakakilanlan ko sa boses ng lalaking nagsalita sa
likurad ko. And I was right. He’s looking at me straight into the eyes.

“Tss. Tara na nga.” He said and grabbed the box.

***

Sierra Valentine’s PoV (Mr. Roswell’s Secretary)

“Who is she?” I asked when I saw a lady in a white long sleeves top and a black
pencil-cutted skirt. “Ah sya ‘yung nakuhang secretary ni Ms. Aemie.” One of the
girls replied. “May secretary si Ms. Aemie?” I started wondering.

“Yes, hindi na din daw kasi palaging makakapunta dito sa opisina si Ms. Aemie kaya
kumuha ng secretary.”

-Flashback-
“Do I really have to apply as a secretary?” I asked. I am managing my own business
in U.S and yet I will be here just to apply for the position of a secretary?

“You have no choice, this is an order Ms. Valentine. Hindi mo sila mababantayan
kung hindi ka mag-a-apply na secretary.”

“Fine.” Anyway, it doesn’t matter. Mukha namang enjoy din ang gagawin ko.

“I’m keeping your words. Once you betrayed me, you know what will happen.” She
smirked and headed her way out of the coffee shop.

I guess I really have no choice.

-End of Flashback-

I really have no choice but to keep an eye on both of them. Hindi lang sila, pati
na din ang mga company ng Ferrer, Roswell at Heartily. This is too much, but
honestly, I’m enjoying it.

Nothing suspicious happened. Not until today.

Sino naman kaya ang babaeng ‘to na bagong secretary ‘daw’. I looked at her from
head to toe while walking to greet her. “Hi. You are Miss...” I said.
“I am Sapphire Griffin.”

“Nice meeting you Ms. Griffin. I’m Sierra Valentine.”

“Same.” She answered.

We both entered the CEO’s office. Since secretary ako ni Mr. Roswell, at secretary
sya ni Ms. Aemie, I should get along with her dahil mukhang matagal-tagal ko syang
makakasama dito.“So... naiayos mo na pala mga gamit mo dito.” I said habang
tinitignan ang bagong table na nakalagay sa loob ng office.

“Yes, yes. I moved in this morning.” She said with a little smile. Okay.

I sat down to scan the papers on my table. I think, this isn’t the right time to
chat with her because I have loads of things to do.

I stopped nung bumukas ang pinto. “Are you my secretary?” Ms. Aemie entered the
door so I automatically stood up to greet her. “Good afternoon Ms. Aemie.”

“Yes Ms.—“

“Good. I will not be here later kaya paki-email na lang sa’kin mga kailangan kong
gawin na trabaho okay?” She said. “And Ms. Valentine, may naka-schedule ba si Zeke
na meeting or any work-related na kailangan nyang attendan tonight?” She asked.

Kinuha ko agad ang listahan ng schedule ni Mr. Roswell to double check. “No Ma’am,
he’s free all day.” I replied.

“Talaga?” She paused and started thinking. “Yes po, pina-cancel po nya lahat ng
meetings nya for today Ms. Aemie.” I explained.

“Okay. I’m leaving.” She said and started to walk away. “Tawagan nyo agad ako kapag
may problema dito sa office.”

“Yes po.” I answered back.

**

Aemie’s PoV

Naka-ilang hikab na ako habang nanunuod ng Barbie at umiinom ng gatas. Kanina ko pa


nilalabanan ang antok ko. Hindi ako pwedeng makatulog dahil kailangan ko pang
pumunta ng party mamayang gabi. Feeling ko kasi kapag natulog ako bukas na ako
gigising. “You should take a nap wife.” Lumapit si Zeke at umupo sa tabi ko.

“Hindi ako inaantok hehe.” Palusot ko. Kailangan ko magpakabait kay Zeke ngayon
para payagan akong umalis mamaya.
“Tss. You’re overstressing yourself.”

“Hindi ah. Hindi talaga ako inaantok. May kailangan kasi akong puntahan mamaya.”

“Where to?”

“Meeting.” Sagot ko, saka ibinalik ang tingin sa T.V habang sinisipsip ang straw ng
gatas na iniinom ko. Pag kay Zeke ako tumingin paniguradong mahuhuli nyang
nagsisinungaling ako.

“What time?”

“8:00 o’clock.”

“Alright. I will accompany you.”

*Cough* *Cough* Napasobra ang inom ko nung magulat ako sa sinabi ni Zeke. “Shit!”
Mabilis naman na lumapit si Zeke at hinimas ang likod ko. “Should I get some
water?” Sumenyas ako gamit ang kamay ng ‘no need’ habang patuloy pa din sa pag-ubo.
Bakit ba kasi gusto pa nyang sumama eh ayoko nga sya isama.

Akala ko okay na dahil hindi na nagtanong si Zeke pero nung tumigil ako sa pag-ubo
ay nagsalita ulit sya. “What’s wrong with this f*cking milk?” Sabi nya habang
kausap ang karton ng gatas na iniinom ko kanina. “We better look for another brand
of milk. I won’t let you drink again this stuff.” Sabi nya kaya tinignan ko sya ng
masama.

“Huwag mo akong umpisahan Ezekiel Roswell.” Sabi ko at saka ko inagaw sa kanya ang
gatas.

“Do not sip too much.” Paalala nya.

“Bakit ba marunong ka pa sa’kin?”

**

Sebastian’s PoV

“Ikaw Lee, kamusta na kayo ni Fauzia?” Nakangising tanong ko kay Lee.

Mag-aalas singko pa lang ng hapon at dahil wala kaming magawang apat ay naisipan
naming mag-inuman. “May pupuntahan si Clifford at Klein kaya hindi daw sila
makakasali dito.” Sabi ni Lampe. Sinubukan nya kasing ayain ulit sila Spade at
Tristan.

“Woo puro trabaho, puro trabaho.” Sabi ko at saka lumagok ng alak. “Hoy Lee, ano
na?” Tanong ko ulit. Lahat kami ay tumingin kay Lee. Sunud-sunod nyang nilagok ang
isang bote ng alak na hawak nya. “Aba naman ‘tol dahan-dahan sa pag-inom gusto mo
bang magpakamatay? Babarilin na lang kita.” Pagbibiro ni Lampe.
“Uyy concern si baby Lampe, selos ako awts.” Biro ko.

“Gago.”

“Gwapo ‘tol, gwapo.” Pagtatama ko. Pfft.

“Si Fauzia...” Tumahimik kaming lahat nung mag-umpisang magsalita si Lee. Bihira
din naman kaming mag-usap ng seryoso. Ngayon pa nga lang din ang unang beses na
magkakausap-usap kami ng tungkol sa mga ganitong bagay. “Hindi ko nga din alam kung
anong meron kay Fauzia. Amf.” Kumamot ng ulo si Lee at saka ulit lumagok ng alak.
“Basta alam ko lang masaya ako pag kasama si Fauzia, tapos ang kwento.” Saad ni
Lee.

Tama nga si Miss Aemie, torpe nga si gago.

“Tinamaan nga yata ‘tong gagong ‘to.” Singit ni Boul na kanina pa nananahimik.
Bigla tuloy sumagi sa isip ko si Caileigh Ferrer.

“Pfft. Hahahaha.” Hindi ko mapigilang matawa. Lahat kasi yata sila may problema sa
pag-ibig, buti na lang ako kuntento ng gwapo.

“Ikaw Lerwick, pinopormahan mo ba kapatid ko?” Tinignan ako ng masama ni Boul kaya
mas lalo akong natawa. “Si Shin? Pfft. Ang bata-bata ng kapatid mo eh.” Sabi ko.
Cute si Shin at aaminin ko nag-eenjoy akong asarin sya kasi para syang si Mei.
Ang sungit-sungit lagi. Pfft. “Eh ang kapatid ko?” Tanong ni Lampe.

“Si Mei? May boypren ‘tol.” Sagot ko at saka uminom ng alak.

“Buti na lang wala akong kapatid.” Singit nung gagong si Lee. “Sinabi mo pa,
tirador ng mga kapatid na babae ‘tong si Lerwick eh.” Dagdag pa ni Lampe.

“Asus, selos ka naman baby Lampe?”

“Wag mong ibahin ang usapan ‘tol. Kung walang boyfriend ang kapatid ko liligawan mo
ba?” Diretsong tanong ni Lampe.

Natahimik ako bigla. Hindi dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Ayokong sumagot
dahil ayokong madinig ang mga sasabihin nila. “Hindi din ‘tol.” Pagsisinungaling
ko, at saka ako uminom ng alak.

Unang beses ko pa lang nakilala si Mei alam ko sa sarili kong gusto ko na. Kaso
amputspa! May boypren. Gwapo ako, pero hindi ako marunong manira ng relasyon. Mas
mabuting sarilinin ko na lang.

“Ikaw Lampe, akala ko ba gwapo ka. Bakit parang wala pa ding nalilinlang ‘yang
pinagmamalaki mong kagwapuhan na ‘yan.” Sabi ni Lee.

“Sus! Ayoko lang magpaiyak ng babae kaya wala pa akong sinasagot.”


“Gago.”

“Ulul.”

“Mabalik tayo sa’yo Lerwick, paano kung maghiwalay ang kapatid ko at si Klein.”

Tumayo ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanila. Takte! Makapasok na nga lang
muna sa loob. Masisiraan yata ako ng ulo ng sa mga tanong nila. “Oy Lerwick! Saan
ka pupunta?!” Hiyaw ni Lee.

“May kukunin lang ako sa loob.” Palusot ko. Amputs! Bakit ba kasi nasali si Mei
sausapan.

“Nilagok ko ang natitirang alak sa bote ng alak na hawak ko at saka ipinatong sa


nadaanan kong bench ang bote. “Aish! Kailangan ko yatang uminom ng malamig na
tubig.” Bulong ko habang kinakamot ko ang buhok ko.

“Are you sure love?”

Napalingon ako sa gawing kaliwa nung madinig ko ang boses ni Mei. Magkausap sila ni
Klein. Pormadong-pormado sila Klein at Clifford. Saan kaya lakad nitong mga ungas
na ‘to.

“Oo, tatawagan agad kita kapag nandoon na ako.”


Dinukot ko ang earphones sa bulsa ko at ikinabit sa cellphone at saka ko isinuot sa
dalawang tenga ko dahil mukhang alam ko na ang mga susunod na eksena nitong
paalaman na ‘to nila Mei.

“Sige. Ingat kayo ha.” Paalala ni Mei.

“Sure thing. I love you.”

“I love—“

Hindi ko na nadinig ang mga sunod na sinabi ni Mei dahil pinindot ko na ang play
button ng music player. Amputs! Nahahawa yata ako sa kasentihan nung tatlong gago.

Nag-umpisa na ulit akong maglakad papuntang kusina para uminom ng malamig na tubig.

Inalis ko agad sa magkabilang tenga ko ang earphones nung may humablot sa balikat
ko. “Kanina pa kita tinatawag Sebastian.”

“Miss Aemie.” Gulat na gulat ako dahil nakapamewang sya ngayon sa harap ko.
“Samahan nyo kong dalawa ni Meisha.”

Lumipat ang tingin ko sa katabi nya. “Yo Mei.” Binati ko sya pero umiwas na naman
ng tingin si Mei. Aish! “Saan lakad natin Miss Aemie?” Tanong ko nung maibalik ko
ang tingin ko kay Miss Aemie.
“Sa party.” Nakangiting saad ni Miss Aemie.

“Party?” Nagkatinginan kaming dalawa ni Meisha, mukhang nagulat din sya sa sinabi
ni Miss Aemie, so ibig sabihin ngayon lang din sya nainform tungkol dito.

Pero amputs! Mapapalaban yata ako dito sa dalawang ‘to ah.

Tinignan ko silang dalawa na parehas nakapamewang. Wooo syet! Parehas mabangis!

“Oo pero mamaya pa naman.” Sagot ni Miss Aemie. “At ‘wag nyong sasabihin kahit
kanino.” Paalala nya. Ano naman kayang meron sa party na ‘yun? “Meisha,
pakibantayan si Sebastian ha. May pagka-tsismoso pa naman ‘yan. Baka mamaya ikwento
agad kay Zeke.” Dagdag pa nya. Takte! ‘Tong gandang lalaki kong ‘to tsismoso?
Walanjo!

“Sige Miss Aemie.” Sagot naman ni Mei.

“Wife.”

“Zeke, anong ginagawa mo dito? Sabi ko babalik din agad ako sa taas ah.”

“You’re taking too long so I followed you.” Lumapit si bossing at saka yumakap kay
Miss Aemie. Takte! Kailangan ba dito pa silang dalawa maglambingan? Ayo slang sana
kung wala si Mei eh. Vivideohan ko pa silang dalawa.
“Ito kasing si Sebastian eh, kukuha ako ng pagkain dinadaldal ako.” Tinignan ako ng
masama ni Miss Aemie kaya wala akong ibang nagawa kung hindi akuin ang lahat.

“Sensya na Bossing, may tinatanong lang ako kay Miss Aemie.” Napakamot na lang ako
ng ulo. Hindi ko din alam kung anong idadahilan ko. Nasan ba kasi ‘yung gagong si
Boul, sya dapat an nandito eh.

“Lerwick.” I gulped nung tawagin ako ni Bossing. ‘Yang mga tono pa lang na ganyan
ni bossing gusto ko ng maglaho na parang bula.

“Hayaan mo na dong, tulungan mo na lang akong kumuha ng mga pagkain.” Hinila na ni


Miss Aemie si Bossing papunta sa may ref kaya nakahinga ako ng maluwag.

“Balak mo bang mag-stay dito hanggang mamaya?” Tanong sa’kin ni Mei. Iinom pa ako
ng tubig pero—nung lingunin ko ay nakatingin ng masama sa’kin si Miss Aemie kaya.
“Haha tara sa labas.” Aya ko kay Mei.

Takte! Bakit ba puro mababangis ang mga kasama ko.

**

Aemie’s PoV
“What were you talking about?” Tanong ni Zeke. Patuloy lang ako sa paghihiwa ng mga
kamatis at pipino.

“Ahh may tinatanong lang sa’kin si Sebastian.”

“Will you stop fooling around wife?” Nagulat ako dahil biglang nag-iba ang tono ni
Zeke. Feeling ko lang ba ‘yun? O talagang galit sya sa’kin? “Sorry.” Tumungo ako
kaya mas lalo kong naramdaman ang mga luha na malapit ng tumulo mula sa mga mata
ko. Grabe!

“N-nagpapasama kasi ako sa kanila mamaya.” Sinabi ko na din kay Zeke ang totoong
dahilan at saka itinuloy ang ginagawa ko bago pa ako tuluyang maiyak.

Naramdaman ko na lang ang yakap ni Zeke mula sa likod ko. Mas lalo yata akong
naiiyak nung yumakap sya. “I’m sorry. I just feel bad when you keep on telling
lies.” Iniharap ako ni Zeke sa kanya at saka nya pinunasan ang mga luha ko.

Ayokong gumawa ulit sya ng mga bagay na ikakapahamak nya.Sorry din Zeke, pero hindi
ko talaga pwedeng sabihin sa’yo lahat ng gagawin ko.

Hindi pa muna sa ngayon.

“I will accompany you on the party. And that’s final.” Sabi nya.
Nginitian ko na lang sya at saka nagpatuloy sa ginagawa ko.

‘Sorry.’ Sabi ko sa isip.

**

A/N :

Hi guys! Out na po ang MHIAMB Volume 3 sa market :) P195 po sya same with volumes 1
and 2. Yay! Bili kayo ha?

Sa mga nagtatanong ng official group ito po


->https://www.facebook.com/groups/mhiambOFFICIAL/

=================

Chapter 22

Louie’s PoV

“Lumayas-layas ka nga sa harapan ko Birkins.”

“Momo naman eh.”

“Isa.”

“Momo, ano bang nangyayari sa’yo?”


“Ano bang pakialam mo?”

“Mo—“

“Layas!”

“Ayos lang sana kung ako lang pinapalayas mo eh. Sanay na ako eh. Kaso bakit pati
ang pinsan mong si Aemie.” Tinalikuran ko na si Momo at nagsimula ng maglakad
palayo.

“Wala kang alam Birkins. Kaya ‘wag mo kong pagsalitaan na parang alam mo lahat ng
nararamdaman ko.”

“Psh. Alis na ako.” Paalam ko.

“Louie.” Huminto ako saglit nung tawagin ako ni Momo. Hinarap ko sya para tignan.
Umiiyak si Momo. Kaya imbis na umalis ay nilapitan ko sya.

**

Aemie’s PoV
“Omygodddd!” Mabilis akong bumangon nung maalimpungatan ako. “Anong oras na?”
Tarantang-taranta na ako, idagdag mo pa ang feeling nung lumingon ako sa bintana.
Madilim na kaya malamang gabi na.

Wala pa naman akong cellphone kaya hindi ko ma-cocontact si Andrei. Nagmadali na


akong maligo at magbihis. Nagdala din ako ng mga susuotin na damit at wigs namin
nila Meisha at Sebastian para hindi kami makilala nung ibang mga guests.

Bahala na kung hindi ako payagan ni Zeke pero kailangan ko talaga umalis.

Pagkababa ko ng hagdan ay inikot ko agad ang tingin ko para hanapin si Zeke.

“Aemie. Umalis si Mr. Roswell kani-kanina lang.” Ani ni Kaizer.

“Umalis? Papaanong—“ umalis, eh ang sabi nya sa’kin sasamahan nya ako.

“Hindi ko din alam, may tumawag kanina sa kanya eh. Hinabilin nya lang na sabihin
sa’yo nab aka gabihin na daw sya ng uwi. At...”

Gagabihin ng uwi si Zeke? Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi ni Kaizer pero
sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pakiramdam ko hindi maganda ang mangyayari.
Pero dapat matuwa ako diba? Kasi makakatakas ako—

“...wag ka daw aalis sabi ni Mr. Roswell.”


“Ano?!” Gulat na tanong ko. Tinaasan ko agad ng kilay si Kaizer dahil hindi ko
maiwasang hindi mainis sa sinabi nya. Naplano ko na lahat ng gagawin ko tapos
—“Whoa! Teka! Kumalma ka Aemie.” Sabi nya sabay atras. “Sige ganito na lang.
Papayagan kitang umalis basta sasama ako.” Sabi nya.

“At bakit kita susundin?” Asar na tanong ko.

“Anak ng tinola! Ang hirap naman nito.” Bulong nya habang nagkakamot ng ulo.

“Si Sebastian at Meisha ang isasama ko. Okay na ba ‘yun?” Tanong ko. Mabilis na
humarap sa’kin si Kaizer at nag-okay sign sabay sabing “Ayos! Basta babalik kayo
agad bago bumalik si Mr. Roswell.” Sabi nya. Ngumiti ako at saka tumalikod sa kanya
para umalis.

Bakit kaya biglang umalis si Zeke? Akala ko talaga—“Ano ba! Amina nga ‘yan!
Pakialamero ka talagang panget ka!” Sinundan ko ng tingin si Milka na tumatakbo at
hinahabol si Sebastian.

“Amina sabi ‘yan!”

Anong meron dun sa box na ‘yun?

“Hahahaha sure, basta ba aagawin mo sa’kin eh.”

Pinulot ko ‘yung isang papel na nahulog mula dun sa box na itinakbo ni Sebastian.
Wedding Invitation

“Sebastian. Tama na ‘yan. Magbihis ka na.” Pagkasabi ko nun ay iniabot ko sa kanya


ang paper bag na hawak ko. Kinuha ko din ang dapat na susuotin ko at ni Meisha at
saka iniabot kay Meisha.

**

*door knocks*

“Come in.” Nasa loob ako ng kwarto namin ni Zeke at inaayos ang wig na suot-suot
ko. Hindi na din naman namin kailangan sa ibang lugar pa magbihis dahil wala naman
dito si Zeke.

“Miss Aemie it’s already 6 in the evening.” Paalala ni Meisha.

“Sige susunod na ako, tatapusin ko lang ‘to.” Sagot ko.

Huminga ako ng malalim at humawak sa dibdib. Hindi ko talaga maiwasang hindi


kabahan pag naiisip ko si Zeke. Ipinatong ko ang suklay na hawak ko sa ibabaw ng
table at—
Wedding invitation

Mabilis kong binuksan ang wedding invitation. Ibabalik ko sana ‘to kay Milka but
the weird thing is, parang may nag-uudyok sa’kin na buksan ko ‘to.

Ezekiel Roswell and Satana Beatrix Lestrange Nuptial.

“Bakit?”

Kasal na kami ni Zeke ah.

Don’t tell me, ‘yung engagement party na pupuntahan namin—wait, alam ba ni Zeke ang
tungkol dito? Because if he knows, hindi nya sasabihin sa’kin na sasamahan nya ako.

-Flashback-

“Zeke kung inaantok ka matulog ka na, hindi ako inaantok.” Kailangan kong
manatiling gising hanggang mamaya. Ayokong ma-late. Baka may clues or hints doon sa
engagement party dahil involve si Andrei.

“I can arrange for another meeting. So please, let’s just sleep. I’m freaking
tired.”
“Halata nga.” Kanina pa sya pipikit-pikit eh. “Wala ka bang pupuntahan? Meeting?
Works?”

“I cancelled them all. I just want to sleep for the rest of the day.” Sagot nya
habang nakapikit na.

“Dong may tumatawag sa’yo.” Sabi ko habang nakatingin sa phone nya na nagva-
vibrate. Kanina pa din ‘yan.

“It’s Satana. Don’t mind her.”

“Tinatawagan ka nya ulit para saan?”

“I don’t know. Maybe for dinner? Or shopping.”

“Hahahaha. Nagsha-shopping kayong dalawa?”

“Stop laughing wife, you don’t know how sick I am when I’m with her.”

“Bakit hindi mo na lang layuan.” Hindi ko din naman nage-gets ang sense kung bakit
kailangan pa ni Zeke magpanggap na boyfriend ni Satana.

“You know I can’t.”


“Bakit nga?” Tanong ko ulit.

“Because I love you.”

-End of Flashback-

“Mas mahal kita Zeke.” Nakangiting sabi ko at saka sinunog ang wedding invitation.

**

Sebastian’s PoV

“Pfft. Hahahaha ‘tol bagay sa’yo ang porma mo ngayon.” Pang-aasar ni Lee.

“Saang circus ba pupuntahan nyo? Pfft. Wengya!” Dugtong ni Lampe.

“Shut up Max.” Saway ni Mei.


Aish! Sa dinami-dami naman kasi ng pwedeng isuot bakit naman ganito pa natripan ni
Miss Aemie. Hindi ko alam kung matatawa ako o maawa sa itsura ko ngayon eh.

“Magbihis kayong lahat.”

Sabay-sabay kaming napatingin sa gawi ni Miss Aemie. Nakasuot sya ng light brown na
curly wig at black dress. Sa sobrang kapal at fierce ng make-up na nasa mukha nya
ay hindi mo aakalaing sya si Miss Aemie. Nasa pinakataas sya ng hagdaan at
nakatingin saming lahat. “Sasama kayong lahat sa pupuntahan ko. You have 10 minutes
to fix yourselves, after that bumalik kayo dito.”

Saglit kaming nagkatinginan lahat dahil sa bilis ng mga pangyayari. Kanina lang
pinagtatawanan nila ang suot ko ngayon—“Bilis ng mga karma mga ‘tol no?” I smirked
at them.

“Make sure na hindi kayo makikilala sa mga susuoting nyo.” Paalala ni Miss Aemie,
tumango naman ang lahat bago sila nagsialisan.

Ibinagsak ko ang katawan ko paupo sa mahabang sofa. Si Meisha ay naupo din sa isang
upuan malapit sa’kin. Si Miss Aemie naman ay naglalakad pababa ng hagdan at palapit
sa kinaroroonan namin. Mei gave me a questioning look and I have nothing to do but
to shrug. Hindi ko din kasi alam kung bakit lahat kasama na.

“Miss Aemie I thought kami lang dalawa ni Lerwick ang kasama..”

Tinignan ko si Mei dahil hindi na nya napigilang magtanong.


Umupo si Miss Aemie sa isang upuan pero hindi sya nagsalita. Mukhang occupied din
ang isip nya kaya hindi nya napansing nagtanong si Mei.

Ilang minuto pa ang lumipas nung sinulyapan ko si Mei na nananatiling tahimik.


Amputs! Bakit ang ganda nya sa suot nya. Mukha syang foreigner sa blonde na buhok
at—“Get your guns.” Utos ni Miss Aemie. Nung inilibot ko ang tingin ay hindi ko
napansing nandito na pala ang lahat. Pucha!

Binunot ko ang baril ko na kanina pa nasa gun pocket ko. Ready to lagi mga tsong!

“Okay so ito ang gagawin mga gagawin nyo...” Kinuha ni Miss Aemie ang isang papel
na may naka-print na mapa. “Ito ang mapa na paggaganapan ng engagement party.”
Pinagpasa-pasahan namin ang printed map para tignan.

“Lahat ng information ng mga guests kailangan nyong kuhanin, even the sponsors, all
the names involved.”

“Tatapusin ba lahat ng nandoon?” Naka-smirk na tanong ni Lampe sabay kasa ng baril


nya. Yabang talaga nitong gagong ‘to.

“No, baka makagulo tayo sa mga plano ni Zeke pag ginawa natin ‘yun. Sa ngayon all
we need is information.” Sagot ni Miss Aemie. “I know he’s planning something na
hindi natin alam.” Tahimik kaming lahat at nag-aantay lamang ng mga susunod na
sasabihin ni Miss Aemie. “Kilala nyo si Zeke, mas gusto nyang kumikilos mag-isa.”
Tama si Miss Aemie. Bihira lang humingi ng tulong si bossing.

**
Aemie’s PoV

Bago pa makapasok ng hotel ay sumalubong na sa’ming dalawa ni Andrei ang malaking


tarpaulin na may nakasulat na Ezekiel Roswell and Satana Beatrix Lestrange
Engagement Party.

Tahimik kaming dalawa na naglakad papasok ng hotel at naupo sa dalawang upuan ng


isang maliit na round table.

Bonggang-bongga pa talaga ‘tong party na ‘to. Bakit kami ni Zeke noon walang
engagement party?

“You’re not surprised?”

Ibinaling ko ang tingin ko kay Andrei na nakatitig sa’kin. “May dapat ba akong ika-
surprise?” Tanong ko sa kanya. Alam ko na naman kanina pa na engagement party ‘to
ni Zeke at Satana.

“Pftt. Akala ko lang kasi ‘diba?”

“Alam mong engagement party ni Ezekiel Roswell ang pupuntahan natin. Alam mo ding
sya ‘yung lalaking tinitignan ko sa restaurant...” Bakit hindi nya sinabi sa’kin
kanina pa na si Zeke pala ang ikakasal?
“Uhm oo hahaha. Ayokong sabihin kasi baka masaktan ka, dahil boyfriend mo ‘yung
ikakasal.”

“Hindi nakakapagtaka ‘yun. Pero ang nakakapagtaka ay ikaw. What’s your relationship
with him? Bakit invited ka dito?” Diretsong tanong ko.

“Andrei! I thought hindi ka makakapunta.” Sabay kaming lumingon ni Andrei sa


dumating at sumingit sa usapan naming dalawa. Si Zeke, kasama ‘yung Satana. Bakit
bigla akong nainis? Gusto kong agawin ‘yung wine na hawak ni Satana at ipalunok sa
kanya ng buo ‘yung baso.

At talagang nakahawak pa sya sa braso ni Zeke huh.

Umupo silang dalawa ni Zeke sa round table na kinaroroonan namin ni Andrei. Maliit
lang ‘tong table. Saktong-sakto lang para saming apat. At

“Girlfriend mo ba sya?” Tanong ni Satana. At mukhang hindi nya ako nakilala dahil
sa itsura ko ngayon. Pero mas okay na ‘yun. Umiwas ako ng tingin nung mapansin kong
nakatitig sa’kin si Zeke. Nakikilala nya ba ako?

“Pfft. Hahaha what do you think?” Tanong ni Andrei sabay akbay sa’kin kaya
napatingin ako sa kanya.

“She looks pretty.” Nakangiting sagot ni Satana at saka ibinalik ang tingin nya kay
Andrei “Mind introducing me to your girlfriend?”
“Oh she’s A—“

“Amelia.” Pagpapakilala ko, at saka binigyan ng ngiti si Satana. Sinulyapan ko si


Andrei kung aangal sya pero hindi sya kumibo kahit ibang pangalan ang ipinakilala
ko.“What a wonderful name. And ohh before I forgot, he’s my fiancé... Ezekiel
Roswell.” Pagpapakilala ni Satana.

“Good to see you Mr. Roswell.”

“Yeah.” Sagot ni Zeke. Napalunok ako nung makita kong matatalim ang tingin nya
sa’ming dalawa ni Andrei.

“You know what? Matagal na kaming friends ni Andrei at ngayon ko lang nalaman na
may girlfriend sya.” Sabi ni Satana saka humigop ng wine nya.

Kahit naman ako, ngayon ko lang nalaman na may girlfriend sya, at ako pa talaga ang
ipinakilala nyang girlfriend. “How long are you together?” Tanong ni Zeke kaya
napatingin kaming tatlo sa kanya. Bakit ba ganyan ang mga tanong nya. Sya ang
nagpauso nitong mga ganitong actingan tapos magtatanong-tanong sya ng ganyan. Hayy!

“We’ve been in a relationship for a month.” Sagot ko at saka nginitian si Satana.

“Is that so?”

“Yes, do you have a problem with that?”


“Babe.” Yung tono ng pagkakabanggit ni Satana ng babe ay halatang pinipigilan nya
si Zeke magsalita. “Don’t mind him Amelia, talagang masungit sya minsan.” Paliwanag
sa’kin ni Satana.

“Alam ko.” Na-realize ko na lang na nasabi ko pala ng malakas ang dapat ay sa isip
ko lang isasagot nung nakatingin na sila sa’king tatlo. “I mean, halata naman
kasing masungit sya.” Natatawang palusot ko. Ito naman kasi Zeke, kung makatingin
parang ang laki-laki ng atraso ko sa kanya. Eh sya nga ‘tong nasa engagement party.

“Yah. But he’s kind though.” Natatawa ding sagot ni Satana. Ihiniga nya ang ulo nya
sa balikat ni Zeke kaya umiwas ako ng tingin. Hindi ko ma-explain ang nafi-feel ko,
last time naman nung magkita kami sa restaurant hindi naman ako nakaramdam ng
ganito.

At paano naman nya nalaman na mabait si Zeke? “So kalian ang kasal?” Tanong ni
Andrei kaya nilingon ko sya.

Anong kasal ang sinasabi nito eh kasal na kami ni Zeke kaya hindi pwedeng—“Exactly
10 days from now.” Sagot ni Zeke.

Ano?!

Halos masamid ako sa sarili kong laway nung sya pa talaga mismo ang sumagot. Akala
ko ba boyfriend-girlfriend lang sila. At saka isa pa, hindi pwedeng magpakasal si
—“We’re getting married abroad. Hindi pa ba nakakarating sa’yo ang wedding
invitation Andrei?” Tanong ni Satana.

“Wait lang ha. Excuse me.” Paalam ko. At saka ako mabilis na tumayo at lumayo sa
kanila. Feeling ko hindi ko kakayanin pakinggan ang lahat ng pinag-uusapan nila.
Naglakad-lakad ako at hindi ko napansing nasa labas na pala ako ng hotel kung saan
may maliit na garden kaya naupo ako sa isa sa mga bench.

Ano bang iniisip ni Zeke. Bakit sya magpapakasal kay Satana.

Pero paano sya magpapakasal, eh kasal kaming dalawa? Wala namang divorce dito sa
Pilipinas.

“It’s cold. You shouldn’t be here...Amelia” Naramdaman kong may nagpatong sa


balikat ko ng kung ano. Boses pa lang, alam ko ng si Zeke ang nagsalita. Pati ang
amoy ng pabango ng coat na nasa balikat ko.

Ngumiti ako at saka inalis ang coat nya sa balikat ko at iniabot ulit kay Zeke.
“Papasok na ako sa loob.” Paalam ko. “Thanks for your concern Mr. Roswell.”

“Ae--Amelia. Aish! Akala ko umalis ka na.” Humahangos si Andrei nung dumating.


“Bakit bigla ka na lang umalis doon. Pfft. Muntik ko ng isiping nagseselos ka.”
Dugtong pa nya habang palapit sa’kin. “Oh Ezekiel, hinahanap ka ni Satana.”

“Yeah.” Naglakad na si Zeke palayo, ako naman ay lumapit kay Andrei.

“Gusto mo na bang umuwi?” Puno ng pag-aalala ang boses ni Andrei. Hindi ko alam
kung totoo ba ang pinapakita nya sa’kin o hindi. Kakilala nya si Satana, pero
itinago nya sa’kin ang totoo. Bakit? Ano ang dahilan?

Muli kong sinulyapan si Zeke na naglalakad palayo sa’ming dalawa.


Anong iniisip mo Zeke?

**

Satana’s PoV

“You’re good.”

“I know Grethel. Akala ba nya mapapaikot nya ako? Alam kong ginagamit nya lang ako
para makakuha ng information tungkol kay Alyana Heartily Ferrer at Eiji Ferrer. No
one can fool me.” I smirked. I just need a little time.

“Plano mo talagang ituloy ang kasal?”

“Of course Von, of course.” Ezekiel will be mine soon. “Hindi naman ako papayag sa
deal na ‘to kung hindi ko makukuha ang gusto ko.”

“But we want him dead.” I eyed Terrence Von Knight. “Don’t dare kill him idiot. I
need him.” I stated.

**
Aemie’s PoV

“So magkakilala pala talaga sila.” Wika ko habang pinapanuod sila Satana, Terrence
at Grethel sa recorded na video na sinet-up ni Jacob Lee kanina. Nakauwi na kaming
lahat at nagtipon-tipon kami lahat dito sa salas para mag-usap.

“Sino yang lalaking yan?” Tanong nila.

“He’s Terrence Von Knight. Isa sya sa humahawak ngayon ng Black Organization.”
Paliwanag ko. Nung malaman ko ang pangalan nung baliw na si Terrence Von Knight ay
gumawa na ako ng mga research tungkol sa kanya, pati lahat ng kakayahan nya.

“Whoa! Seryoso ka ba dyan Aemie?” Gulat na gulat si Kaizer at hindi makapaniwala.

“Shit! Ibig sabihin delikado tayong lahat.”

“Siguradong alam na ni Boss ang tungkol dito.”

Nakakasiguro din akong sila ang nangba-blackmail kay Zeke.

Ang black organization ay samahanna pinamumunuan ng walong makapangyarihang Mafia


Boss. At isa si Terrence Von Knight doon. Tago ang mga identity ng mga kasali sa
Black Organization kaya medyo nahirapan akong alamin ang tungkol kay Terrence. At
bukod sa kanya, hindi ko na alam kung sino pa ang pito.

“Wala naman akong naiisip na nagawang atraso natin sa Black Organization.” Sabi ni
Sebastian.

“Bukod sa gwapo kong mukha, ano pa ba ikaiinggit nila sa’tin.” Dugtong ni Kaizer.

“May possibility na na-threaten sila dahil nagkasundo ang Roswell at Ferrer.” Tama,
mataas ang chance. Hindi, ito talaga ang dahilan kaya nila ‘to ginagawa samin.
Gusto nilang alisin ang Roswell at Yaji sa listahan ng mga makapangyarihang Mafia.

“Aba nga naman! Akalain mong malalim pala pinaghuhugutan ng mga ‘yan.”

“Anong plano?” Tanong ni Vash.

“Makiki-ride tayo sa kanila/We will play along.”

Tumingin ako sa may pinto para tignan kung sino ‘yung kasabay kong nagsalita. So
ito ang ginagawa nya all this time. “Nagpe-pretend ka na minamanipulate ka nila?”
Tanong ko.

“Nosy wife. You figured it out too fast.” Nakangiting sagot ni Zeke. “I had no
choice but to play with them.” Sagot nya habang palapit sya.
“My wife’s right, black organization is responsible for what’s happening today.”
Tumigil si Zeke at umupo sa tabi ko. “They’ve been targeting us because we are a
threat to them.”So tama nga ang conclusion ko sa mga nangyayari. “I don’t want to
tell you this because I want you to look innocent to them.”

“Kailangan kong makausap sila mommy Zeke.” Sabi ko.

Alam kong hindi totoong nakidnap sila mommy. At si Zeke ang nagplano nitong lahat.

“Right away commander.”

Kanina ko lang din nalaman ang lahat.

“Tungkol kay insan...” Tumingin silang lahat sa’kin. Hinawakan din ni Zeke ang
kamay ko. Alam ko na din ngayon kung bakit ako nilalayuan ni insan, at kung bakit
ayaw ni Zeke sabihin sa’kin. “...alam ko ng hindi ko sya totoong pinsan.”

-Flashback- (After makita ni Aemie ang wedding invitation)

Lumapit ako sa office table ni Zeke na nakalagay dito sa loob ng kwarto. Madalas
syang nandito. And sa tingin ko kung may itatago syang importanteng bagay, dito nya
sa kwarto itatago.
Isa-isa kong binuksan ang mga drawer hanggang sa matapat ako sa drawer na naka-
lock. Tinry kong hilahin ng mas may pwersa ang drawer pero ayaw talaga.

Tumakbo ako palapit sa vanity table at saka kumuka ng isang maliit na pin.

Pagkatapos ng ilang minuto, nabuksan ko din ang drawer. Brown envelope lang ang
nandito at wala ng iba.

You should see this.

– Alyana Heartily Ferrer.

“Omygod!”Napatakip ako ng bibig nung makita ko ang laman ng brown envelope.

DNA test result ni insan.

At hindi ko sya totoong pinsan?

-End of Flashback-

“Whoa?”
“Paano nangyari ‘yun?”

“Sigurado ka ba dyan sa nalaman mo Miss Aemie?”

“Pero diba simula pagkabata magkasama na kayo?”

“I don’t get it.”

Tinignan ko si Zeke. Tulad nila, ‘yun din ‘yung mga tanong ko sa isip. At sure
akong si Zeke lang ang makakasagot. “Caileigh is your real cousin, and Amesyl
is...”

“Kapatid ni Andrei Lewis?” Tanong ko.

“Exactly. Miguel Romero switched them when they were young.”

**

Amesyl’s PoV

“Wala ka bang balak sagutin ang cellphone mo Momo? Kanina pa nagri-ring ‘yan.”
Tanong ni Louie. “Ayoko.” Tipid na sagot ko. Hanggang ngayon hindi pa din matanggap
ng sistema ko ang lahat.
-Flashback-

“Ano bang gagawin nyo sa’kin?” Binigwasan ko ang isa sa mga lalaking mahigpit na
nakahawak sa braso ko.

“Amesyl.”

“Sino ka?” Tanong ko sa lalaking palapit sa’kin. Nakangiti sya kaya mas lalo akong
kinabahan. At ang nakapagtatakha doon, nakangiti sya pero mukhang naiiyak sya.
Bakla ba ‘tong isang to?

“Andrei Lewis, lil sister.”

Sister? Tama ba ‘yung nadinig ko. “Anong pinagsasasabi mo? Wala naman akong
kapatid.” Nag-iisa lang akong anak nila—

“Hindi ka totoong anak nila Sylvia at Alexander.”

Ano? Naguguluhan ako sa mga sinasabi nya. Naupo sya sa isang upuan. Pinagmamasdan
ko lang sya habang dumudukot ng isang piraso ng sigarilyo at lighter. Hindi naman
sya mukhang nagsisinungaling. Pero—“Anong ginagawa ko dito? Bakit kailangan sa
ganitong paraan mo pa ako kausapin.”
“Hindi ka naman kasi makikipag-usap sa’kin ng maayos. Matagal ka na naming
hinahanap.”

“Ayoko! Hindi totoo lahat ng sinasabi mo.” Tinalikuran ko sya at handa ng umalis
nung..“Wala ka ng babalikan. Si Caileigh Ferrer ang totoong pinsan ni Aemie.
Ipagsisiksikan mo pa ba ang sarili mo sa mga Ferrer?” Natigilan ako dahil sa sinabi
nya.

Si Caileigh ang totoong Amesyl Cross?

At kapatid ko ‘tong lalaking to?

-End of Flashback-

“Ikaw bahala momo.” Sabi ni Louie. Maghahatinggabi na pero hindi pa din sya umaalis
dito sa apartment. “Wala ka ba talagang balak kausapin si Aemie?” Tanong nya.

“Hoy baklang betty boop! Tigilan mo nga ‘yang pagtatanong sa’kin. Hindi ko alam.
Gulung-gulo ako. Paano ko ipapaliwanag kay insan na hindi kami magpinsan.” Kung ako
sa sarili ko hindi ko din matanggap. Bakit ba hindi na lang kasi kami naging
magpinsan.

Pero tama si Andrei, sino nga ba ako para ipagsisikan ang sarili ko sa mga Ferrer.
Eh hindi naman nila ako kamag-anak.

“Pfft. Para namang hindi mo kilala si Aemie. Maiintindihan ka nun.”


***

Caileigh’s PoV

-Flashback- (Tanda nyo pa ‘yung Epilogue ng Season 1? So here it is :))

“Saan ka galing? I told you not to get out. Masyadong delikado.” I exclaimed sa
padabog na dumating na si Wallace. May hawak syang bote ng alak sa kaliwang kamay
at sigarilyo naman sa kabila.

“Ano bang paki mong babae ka? He killed Fiona!” Sigaw nya sakin pabalik.

“May tamang panahon Lionhart. Wag kang masyadong mag-madali” Phoenix said,
kakapasok nya lang sa loob nitong unit ko.

“Nakaka-tang*na na! Ilang bwan pa? Ilang bwan pa akong mag-aantay?”

“Hanggang makabalik sila kuya.” I said. “We’ll build a group, better than the
Swanseas, and stronger than Yaji and Roswells.” Pagpapatuloy ko.

-End of Flashback-
I can’t keep myself from smiling, with my tears falling. Ang stupid ko kasi. I was
so devastated that time. I tried to look for my real parents.

-Flashback-

I went to the orphanage na nasa files ni dad. Only to find out that my real name
is..“Andrea Lewis.” That’s according to the nun na napagtanungan ko.

So that’s my real name. Lewis? It doesn’t sound familiar. But I think nakita ko
‘yung name na ‘yun somewhere sa mga files ni dad.

-A week after-

“Anong kailangan mo?” Wallace asked. I have no idea kung kanino magtatanong. I’m
nahihiya din namang mag-ask sa iba.

“I—I am just wondering if do you someone whose surname is ‘Lewis’” I asked.

-End of Flashback-

That’s how my communication with them begins. I really thought that I am Andrea
Lewis, only to find out that—I—I am the real Amesyl. My tears falls like there’s no
ending because...
I sacrificed a lot. Even my relationship with Vash.

Because I though I am one of their enemies.

But now, I am sure of what I am doing.

-Flashback-

“What do you want?” Ezekiel asked.

“Let me help you.” I stated.

“I don’t need a help from a traitor.” He smirked. And I am a hundred precent sure
that he want to blow my head right at this moment.

“I am serious. Please, I know I can help you. Gusto kong itama ‘yung mga mali ko.”I
cried.

“Do what you want.”


-End of Flashback

**

Aemie’s PoV

Nagpahinga muna kami saglit, ang ilan sa kanila ay umalis pa para mangalap ng ibang
impormasyon kaninang 10PM. Magtatatlong oras na din halos mula nung umalis ‘yung
iba. “You know what wife? You must be sleeping by now.” Sinulyapan ko ang relo na
nakasabit sa wall. 12:30AM na. Ang sabi nga pala ng doctor bawal ako magpuyat pero
huhuhu. “Mamaya na ng konti, ngayon lang naman ako magpupuyat eh.” Sabi ko.

*glare*

*pout*

“Tss. Fine. But starting tomorrow I don’t want to see you sleeping late.”

“Aye aye! Matutulog agad ako ng 10PM” Masayang sagot ko.

“8:00 o’clock.”
“9PM?” Tawad ko. Grabe naman kasi ‘yung 8, ano ako elementary?

“8:30” Sabi nya.

Tinignan ko ng masama si Zeke. 30 minutes na lang hindi pa nya pinalampas? Talagang


8:30 pa talaga ang gusto—“Fine 9:00 o’clock. No more, no less.” Napayakap ako kay
Zeke sa sobrang tuwa. Waaaa! Grabe feeling ko binilhan ako ng isang box ng Barbie
sa sobra tuwa. Ang babaw huhuhu.

“Pfft. Crazy.” Niyakap din ako ni Zeke at hinalikan sa noo.

“Wooo lovebirds, di kami makapag-concentrate dito oh.”

Mabilis kong dinampot ‘yung baril na nakapatong sa center table nung magsalita si
Kaizer. Itong si Kaizer ang hilig talagang—“Whoa! Relax! Wengya nagbibiro lang ako
eh.” Tumakbo agad si Kaizer at nagtago sa likod ng isang malaking banga.

“We’re back.” Umupo si guardian angel sa mahabang sofa sa tapat namin ni Zeke,
tumabi naman sa kanya si Jacob. Lagi silang dalawa ang magkasama. “Ang tagal naman
nila Mei.” Humihikab si Sebastian at mukhang inaantok na. Isa pa ‘to si Sebastian,
hindi ko alam kung si Milka ba ang gusto o si Meisha. Pero ang sabi naman ni Zeke
si Kaizer daw. Ang gulo tuloy hayy!

-After few minutes-

“Everyone’s here?” Tanong ni Zeke. Inilibot ko ang tingin ko. Mukha naman wala ng
kulang.

Nandito sila Tristan, Spade, Meisha, Cassandra, Kaizer, Vash, Jacob, Sebastian,
Milka, Fauzia at kaming dalawa ni Zeke.

Tumango ang iba sa kanila at ang iba ay lumingon din. “Kumpleto na bossing.” Sabi
ni Sebastian.

“Like what my wife said, Black Organization is responsible for blackmailing me.
They are experts in manipulating people so beware.”

“May nakuha akong impormasyon na si Violet Swansea ay isa sa walong leader ng Black
Organization nung nabubuhay pa sya.” Saad ni Meisha.

Napaisip tuloy ako, kaya naman pala ang galing nyang umarte at pati si daddy
namanipula nya. “Edi ibig sabihin 7 na lang sila ngayon?” nagtatakhang tanong ko.

“No. She had replaced by Terrence Von Knight.”

“Ibig sabihin bago lang ‘yung abnormal na ‘yun?” Tanong ko.

“Yeah. That explains why he’s dumb.” Walang-ganang sagot ni Zeke. Kumunot ang noo
ko dahil sa sinabi ni Zeke hanggang sa magsalita sya ulit. “They have no idea that
I know everything.” Nakangiting sabi ni Zeke. “Ang tungkol sa Black Organization?”
Tanong ko.
“And all their plans.” Nakangiting sagot nya kaya tinaasan ko sya ng kilay. “What?
Hahaha. Stop staring like you want to eat me wife.”

“Ayan ka naman eh. Hindi mo sinasabi sa’kin.” Sabi ko. Wala na nagtatampo na ako.
Gulong-gulo na ako dahil sa sinabi sa’kin nung baliw na si Terrence tapos sasabihin
nya alam nya din—teka—alam nya ba talaga ang tungkol dun?

“Alam mo ba talaga ang tungkol sa pagkikita namin?” Nagtatakhang tanong ko. Akala
ko kasi nagjo-joke lang sya nung nagfi-feeling BDO sya.

“Yeah.”

“Papaano—“

“I’m stalking you. Pfft.”

“Anong pagkikita yan? Whoa Aemie nangangaliwa ka?” Tinignan ko agad ng masama si
Kaizer. “Palibhasa walang napatol sa’yo.” Inis na sabi ko. Nakakainis na ‘to si
Kaizer ah. Paano kung maniwala si Zeke sa sinasabi nya? Medyo tanga pa naman minsan
‘to.

“Meron ah. Diba baby Lerwick?” Hinimas pa nya ang likod ni Sebastian. “Ulul.” Hiyaw
sa kanya ni Sebastian.
“Yuck mga bakla.” Natawa ako sa tono ng pagkakasabi ni Milka. Mas lalo tuloy namula
si Sebastian. Pero teka—“Paano nga dong?” Tanong ko ulit.

“Blood is helping me. As well as Caileigh Ferrer and what the hell is that asshole
name? Uhh—I guess its Phoenix Strife.”

“Si P-Phoenix?” Tanong ni Milka.

“Si Cai?” Sabay kaming dalawa ni Vash na nagtanong. Sinundan ko pa naman si


Caileigh, akala ko kasi kalaban sya pero—ngayon I realized, siguro tumutulong sya
kasi nalaman nyang magpinsan kami. Kaya naman pala magkausap sila ni kuya Ken.

“Teka teka. Sa madaling salita bossing ang kalaban natin ngayon dito ay ang Black
Organization?” Tanong ni Sebastian.

“Yeah.”

“Paano sila Queen? Nasaan sila?” Singit ni Cassandra.

“They’re currently residing on one of our Villas. They’re both fine. So there’s
nothing to be bother about.”

“Mukhang natunugan nila Queen na mangyayari ‘to.” Tumingin kami kay Tristan. Kanina
kasi tahimik lang sya.
“Yeah. They know that this will happen.”

“So meaning, hindi talaga sila umalis ng bansa? Wengya! Akala ko naman
makakapagpabili na ako ng sapatos.”

“Lamperouge.”

“Ha-ha-ha sorry Mr. Roswell. Tang*na nito ni Boul kasi, inutusan ako bumili sapatos
nya.”

“Gago!”

Kanina pa ako napapaisip. “Kilala mo na ba Zeke kung sino pa ‘yung pito sa Black
Organization?” Tanong ko. Pati ang iba ay nakatingin sa kanya dahil sa tanong ko.
Sabi nya kasi pati plano nila alam na nya diba.

“Yes.” Diretsong sagot nya.

Sumingkit agad ang mata ko dahil sa sinabi nya. “Alam mo ba kung ilang oras ang
nasayang?” Naiinis na tanong ko. Pinakalap pa naming ng impormasyon ang iba eh alam
naman pala nya. Hindi talaga nag-iisip ‘tong si Zeke eh.

“Pfft. I thought you want to find it out by yourself.” Mas lalong sumama ang tingin
ko sa kanya nung nginitian nya ako.
“Naiinis ako sa’yo wag mo akong ngitian.” Tumayo na ako at umakyat ng hagdan.

“Wife. We’re not yet done.” Natatawang hiyaw ni Zeke.

“Ewan ko sa’yo wag mo akong kausapin!”

“Hahaha. I love you too Amelia!”

Isa pa yan! Isa pa ‘yang tungkol kay Satana na ‘yan.

=================

Chapter 23

Aemie’s PoV

Kanina pa ako palakad-lakad at hindi mapakali. Akala ko ba nandito sila mommy?


Inilibot kong muli ang paningin ko sa paligid pagkababa naming dalawa ng kotse.
Ngayon lang ako nakarating dito sa Villa na pagmamay-ari nila Zeke. Bukod sa mukha
syang bahay-bakasyunan, wala na naman akong ibang masabi tungkol dito.

“Akala ko ba nandito sila Zeke? Bakit parang wala namang tao?” Sobrang tahimik sa
lugar kaya puro huni lang ng ibon at hampas ng alon na nanggagaling sa dalampasigan
ang nadidinig naming dalawa ni Zeke.

“Yeah.”

Maya-maya pa ay hinawakan ni Zeke ang kamay ko at naglakad papasok sa bahay.Bakit


ganun? Wala namang tao eh. Niloloko na naman yata ako nitong Zeke na ‘to.
Pagkabukas na pagkabukas ni Zeke ng pinto ay nakangiting sumalubong sa amin sila
mommy at daddy.

“Baby Ae.”

“Waaaa mommy!” Sinalubong ko agad ng yakap si mommy. So totoo ngang nandito sila.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak. Ang tagal-tagal naming hindi
nagkikita at nagkakausap nandito lang pala sila huhuhu. “Daddy.” Yumakap din ako
kay daddy.

“Nandito lang po pala kayo.” Pinunasan ko ang mga luha ko habang natatawa. Kaya
naman pala hindi nila ako kino-contact kasi nandito lang sila.

Ngumiti si mommy at saka nagtanong. “Inexplain na ba ni Ezekiel sa’yo ang lahat


baby Ae?” Tumingin ako kay Zeke at saka itinaas ang isang kilay. Wala naman kasi
syang ineexplain. Mamaya ka sa’kin Ezekiel Roswell.

“Hahaha. Not yet mom.” At talagang tumatawa pa sya.

“Why don’t we eat first?” Nakangiting sabi ni mommy at saka ako hinila papuntang
kusina. Kasunod naman naming naglakad sila daddy at Zeke.

“I heard you’re pregnant.” Sabi ni mommy habang inaayos 'yung mga pagkain na nasa
lamesa. “Uhmm opo.”Sagot ko habang tinutulungan sya mag-ayos ng mga kutsara.

“So that explains why you are a little weird.” Natatawang sagot ni mommy. Kumunot
ang noo ko. Weird? Kailan pa ako naging weird?

“Not a little mom. Pfft. She’s really weird...” Tinignan ko ng masama si Zeke na
umupo sa upuan na nasa tabi ko. “...and hot-headed.”

Sinamaan ko ng tingin si Zeke dahil nag-uumpisa na naman syang mang-asar. “Wag mo


akong umpisahan Ezekiel Roswell.”

“Hahaha. Yeah yeah.”

“Nang-iinis ka talaga?”

“Of course not wife, why would I?”

“Tama na 'yan, mabuti pa kumain na tayo.” Saway ni mommy sa aming dalawa ni Zeke.
Kaya tinignan ko ulit ng masama si Zeke. “What? Hahahaha. Stop glaring at me wife.”
Nag-umpisa na kaming kumain. Katapat namin na kumakain din sila daddy at mommy. And
as ususal, share kaming dalawa ni Zeke sa plato.

“Have you thought of our next plan Ezekiel?” Tanong ni daddy. Tumigil ako sa
pagkain at tumingin kay Zeke. Until now, hindi ko pa din alam ang eksaktong plano
nila. “Ano pala 'yung plano nyo?” Tanong ko din habang nakatingin kay Zeke.

**

Alyana’s PoV

I glanced at my daughter;this is not the right time for them to have their first
baby. Pero somehow I think it can be a great help. Her personality changed, and I
can see that. I stared at her without noticing na humihigpit na ang hawak ko sa
glass wine. “Mommy may problema po ba?” She asked.

“Wala naman baby Ae. May naalala lang ako. By the way, do you have any idea kung
ano ang black organization?”I asked.

“Opo mommy, ayun po 'yung may walong powerful na Mafia Boss diba?” She replied.

-Flashback-

“The black organization ordered to kill us.” Ezekiel said calmly.


“What the hell are you talking about Ezekiel?” I was shocked when I heard the news.
Expected ko ng magyayari ‘to but not too soon.

“Do you have any plans mom?” He was still at the same state. I tightened my grip on
the glass of wine I am holding and tried to catch some air. “I should be the one
asking that, do you have plans.” Literally speaking, I don’t know if we’re capable
of defeating Black Organization, sa ngayon. They are mentally strong; they are
wealthy, powerful, with lots of connections all over the world.

And nobody dared mess with them. “Are we able to defeat them?” I asked once more.

“Leave it to me mom.” Ipinako ko ang tingin kay Ezekiel Roswell, hindi kami
nagkamali ng pagkakakilala sa kanya. He’s strong-willed. I don’t even have a
single clue on what’s running on his mind though. “No you will not be alone.” Sabay
kaming tumingin ni Ezekiel kay Eiji. He was sitting on a brown recliner puffing his
tobacco. “Masyadong malakas ang Black Organization.” Dagdag pa nya. He was right.

Dati ng kasali si Eiji sa Black Organization, he know the rules. He knows them
better than anybody else.

“Yes dad.”

“Good, now tell us your plan kid.”

Ipinaliwanag ni Ezekiel ang buong plano nya and all I can say is ”Cool.” I uttered
because I am lack of better words to compliment him.
--Next day—

I went on a coffee shop to meet someone. Ito 'yung first time na mami-meet ko sya.
But I have checked everything about her.

“Uhmm excuse me—“a young lady approached me and interrupted my thoughts. I looked
at her from head to toe, and I think sya na 'yung inaantay ko. “Ms. Sierra
Valentine, am I right?” I asked.

“I am very pleased to meet you Miss Alyana Ferrer.” She’s half smiling.

“My pleasure dear, please be seated.” I said on a bored tone.

She’s looking at me nervously kaya nagtanong ako. “Why are you nervous? Do I look
scary?” I asked and smiled a little at her nung makaupo na sya. “A-a little Ma’am.”
She responded quickly.

I laughed. “There’s nothing to be afraid of. As long as susundin mo ang ipapagawa


ko. You are free from harm.” I smirked.She nodded.

“Alam mo na naman kung ano ang gagawin mo diba? I just need a confirmation from
you.” I sip a bit of my coffee.

“Do I really have to apply as a secretary?”She asked.


I put down my coffee and lit a stick of cigar. “You have no choice; this is an
order Ms. Valentine. Hindi mo sila mababantayan kung hindi ka mag-a-apply na
secretary.”

“Fine.”

“I am keeping your words. Once you betrayed me, you know what will happen.”I warned
her.

-Next day-

“Tita Alyana, sorry po kung natagalan ako. Si kuya Vash kasi eh, ayaw agad ako
payagan umalis.”

“It’s okay Milka, maupo ka.” I watched her na aligagang nag-ayos ng buhok at damit
na basang-basa ng ulan. “Anong gusto mo, don’t worry it’s my treat.”

“Uhmm kahit ano nalang po tita. Pinakain din kasi ako ni kuya bago umalis.”

“Alright. Two cappuccino and two black forest cake.”

“After a month aalis kami ni Eiji. But not because we’re not around, iiwan na namin
ang Yaji. We’ll be leaving for a reason.” She’s staring at me and so I continued.
“Roswells and Yaji will be facing a big trouble.” I didn’t explain further, kasi
kahit i-explain ko, she will not be able to fully understand their situation.

(A/N: Ito na 'yung scene na na-cut.)

“Phoenix Strife will be your partner.” Tumingin ako sa lalaking nakaupo sa katapat
naming table. And as if on cue, tumayo sya at lumapit sa table namin.

He bowed as he spoke. “Miss Ferrer.”

“This is Milka Boulstridge.”

“Hey.”

I smiled to the both of them. Maybe I can also be a matchmaker. Geez. What the hell
am I thinking? “Anyway, like what I’ve said. He will be your partner.” Tumingin si
Milka kay Strife once again. “Don’t worry, you can trust him.” I whispered.

--

Dinatnan ko na magkausap si Eiji at Ezekiel. They both looked at me nung makapasok


ako sa loob ng pinto. “Ooops, am I a disturbance to your man to man conversation?”
I asked with a smile.
“Not at all love.” Eiji smiled at me.

Ezekiel stood up and greeted. “Good evening mom.”

“Hey son.” I greeted back. “I’m done with my role, so what’s next?” I asked at saka
umupo sa bakanteng upuan in front of Ezekiel. “Next will be the kidnapping.” He
smirked.

“What about it.”

“Yan 'yung pinag-uusapan naming love. We will play like we were kidnapped by one of
the leader of the Black Organization, Steve Vernon Lestrange. But the truth is,
tayo ang ki-kidnap sa kanya.”

Sounds interesting but...“How are we going to take him?” I asked.

“I’m currently on the process of it mom.” Ezekiel smiled wickedly. He’s really
something. Kahit kalian hindi nya ako binigo. And I am so proud to be his mother-
in-law. “You never failed to impress me.”I said.

“I’m just doing my job as your son-in-law, as a husband and a Mafia Boss mom.” He
answered.

“And you’re doing great.” Nakangiting sabi ni Eiji.


-End of Flashback-

“Ahh—ibig sabihin, ang alam ni Satana kinidnap ng daddy nya sila mommy at daddy
pero ang totoo, hawak mo ang daddy nya?” Tanong ni baby Ae kay Ezekiel. He smiled
at her “Yes wife.”

“Waaaa! Ngayon ko lang na-gets...” I also smile nung makita ko syang ngumiti. “Pero
teka, bakit kayo magpapakasal ni Satana kung—“

Pinutol ni Ezekiel ang itatanong ni baby Ae. “Who on earth would want to marry her?
It’s a trap wife.” He stated.

“Huh? Paanong magiging trap 'yun? Nakita ko 'yung invitation Zeke. Wag mo nga akong
niloloko.” Batid ko ang pagkabugnot sa itsura at tono ng boses ni baby Ae. And I
can’t keep myself from smiling. Ganito pala epekto sa kanya ng pagbubuntis.

**

Aemie’s PoV

Tinignan ko si Zeke ng nakakunot ng noo. Nagsisimula na akong mainis. Seryoso.


Hanggang sa harap nila mommy lolokohin nya ako? Eh kitang-kita ko pa nga sila. May
engagement party pang nalalaman.“It’ll be a fake wedding. I will explain the
details later at home.”Nakatitig pa din ako at hindi inaalis ang tingin. “Pauso
mo.” Bulong ko. Ako pa ba gagawin nyang shunga?
Tumawa si mommy kaya nalipat ang tingin ko sa kanya. Ano naman kaya tinatawa-tawa
nito ni mommy? Masaya pa syang niloloko ako ni Zeke? “Your husband’s right baby Ae.
It was all an act. Their relationship, the engagement party, and lahat alam namin.”

“Alam nyo pong dalawa ni daddy?” Tinignan ko si daddy at tumango din sya.

Talagang proud pa silang kinukunsinti nila si Zeke?

Ipinagpatuloy ko ang pagkain at hindi na umimik pa nung magtawanan sila. Hindi ko


sila naiintindihan at mas lalo lang umiinit ang ulo ko dahil nadidinig ko ang
tawanan nila.

“Kamusta pala ang dadating na kasal?” Tanong ni daddy.

“Everything’s ready dad.” Sagot naman ni Zeke.

Ipinagpatuloy ko pa din ang pagkain kahit feeling ko hindi ko na malunok ang


pagkain. Kailangan ba sa harap ko pa pag-usapan 'yung kasal nila ni Satana? Baka
gusto nila ako pag magkasal sa kanilang dalawa para naman feel na feel nila lalo.

“9 days na lang bago ang kasal diba?” Singit ko sa usapan nila.

“Yes wife.”
Yes wife your face.

“Ano bang oras? Para naman makapunta ako at makapagdala ng regalo.” Sabi ko
pagkatapos kong isubo 'yung isang slice ng manggang hinog.

“No, you’re not allowed to attend the wedding.”

Tinignan ko ng masama si Zeke dahil sa sinabi nya. “Ano?” Asar na tanong ko.

Humawak si Zeke sa bridge ng ilong nya. Sya pa may ganang mainis ngayon? Eh sya na
nga 'yung ikakasal sa iba, tapos ako pa 'yung ayaw nya pa-attendin. Tapos—

“Baby Ae, nagkausap na ba kayo ni Amesyl?” Tanong ni mommy sa gitna ng pag-uusap


namin ni Zeke.

Natigilan ako at biglang nagbago ang mood ko. Kanina inis na inis ako, ngayon naman
feeling ko maiiyak ako. Pero—“Totoo po ba mommy?” Nakita ko na ang DNA test result
ni insan at Caileigh. Pero si mommy ang nagpalaki sa aming dalawa ni insan, kaya
mas alam nya ang totoo.

“Oo.” Malungkot na sagot ni mommy. “Nung una hindi ko agad naalala...”

**
Alyana’s PoV

-Flashback-

“Sino sya?” Tanong ko sa batang hawak-hawak ni Miguel.

“Si Amesyl, pamangkin natin. Hindi mo ba maalala?”

Amesyl? Nagpa-salon ba 'yang batang 'yan? “Bakit parang iba 'yung itsura?”
Nagtatakhang tanong ko. Hindi naman ako ulyanin. Naalala ko itsura ni Amesyl,
laging nakangiti. Bakit ang batang ito parang hindi naman tumatawa. Waaaaa! Ano
kayang nakakalungkot na movie pinanuod nya? Huhuhu baka naman nagugutom sya. O baka
naman—

“Pagod ka lang siguro Alyana, mabuti pa magpahinga ka na.” Tinitigan ko muli ang
batang kaharap ko. Nakatingin sya kay baby Ae na nakapatong sa bedside.

-End of Flashback-

“...hindi ko agad naalala ang araw na unang beses kong nakita si Amesyl simula nung
magising ako.” Nito ko lang ulit naalala na kahit nawala ang memorya ko, ay alam
kong ibang Amesyl na ang nasa harap ko.
Unti-unti ko ng naramdaman ang pag-init ng mga mata ko. “It’s all my fault. Kaya
ako na ang humihingi ng patawad baby Ae.”

“Huh? Bakit po kayo nagsosorry mommy? Hindi nyo naman po kasalanan 'yung nangyari.”

Ako ang may kasalanan kaya nahihirapan ngayon sila Amesyl, Caileigh at si baby Ae.
“Kung narealize ko lang sana agad na hindi si Amesyl 'yung dinala ni Miguel, edi
sana—“

“Kung narealize nyo po agad na hindi si insan 'yun, hindi ko makikilala at


makakasama si insan.” Tumingin kaming lahat kay baby Ae. Hindi pa din pala sya
nagbabago. She always look on the positive side. Akala ko pati 'yun nagbago dahil
sa pagbubuntis nya. “Ang cute pa nga mommy eh, kasi dalawa na insan ko. Si Caileigh
at saka si insan. Hehe. Excited na nga ako matapos sa pagdadrama si insan, para
makapag-bonding na ulit kami.” Nakangiting sabi nya.

**

Aemie’s PoV

“Good evening Ms. Aemie and Mr. Roswell.”

“Yo Aemie! Yo boss!”

“Yo bossing, Ms. Aemie.”


“Kumain na kayo?”

“May pagkain pa sa kusina ate Aemie at kuya Ezekiel.”

Lahat sila ay nagtipon sa salas nung dumating kaming dalawa ni Zeke. “Are you
hungry?” tanong ni Zeke. “Hindi naman busog pa ako. Pag-usapan na natin 'yung
tungkol sa kasal.” Sagot ko. Kanina pa ako nagpipigil. Kanina ko pa gusto pag-
usapan ang tungkol sa gagawin. At kanina ko pa din gustong barilin si Zeke para
matauhan.

“How’s the preparation for the wedding?” tanong ni Zeke, pagkaupong-pagkaupo namin
sa salas. Naningkit naman agad ang mga mata ko. Bakit nung kasal namin kaming
dalawa lang ang nagpe-prepare, samantalang ngayon inuutusan nya pa ang iba na
maghanda.

“Naayos ko na lahat ng kailangan ng multimedia team boss.” Mabilis na sagot ni


Jacob.

Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya sumandal ako sa balikat ni Zeke. Masyado yata
akong napagod ngayon. Hayy. Inaantok na ako.

---

Mabilis akong bumangon nung maalimpungatan ako. Ano na ang nangyari sa pinag-
uusapan? Inilibot ko ang tingin ko. Nasa kama na ako, madilim na ang paligid at
mahimbing ang tulog ni Zeke sa tabi ko. Anong oras na ba? “Waaaaaaa!”
“What the fuck?”

“What happened?”

“Are you alright wife?”

Sunud-sunod ang tanong ni Zeke sa’kin habang hawak-hawak nya ang magkabilang pisngi
ko. “Nakatulog ako.” Malungkot na sabi ko. “Hindi ko na alam ang nangyari sa plano
nyo sa kasal nyo ni Satana.” Huhuhu. Naiinis ako.

“Hahahaha.”

Mas lalo akong nainis nung tumawa ng malakas si Zeke. “Anong tinatawa-tawa mo
dong?” Asar na tanong ko.“Alam mo bang naiinis ako sa’yo?”

Sumeryoso bigla ang mukha nya. “Why?”

“Eh pano, may engagement party kayo ni Satana. Tayo naman noon walang engagement
party. Tapos ngayon nagpe-prepare kayo ng kasal, lahat kasali sa pagpe-prepare,
samantalang noon tayong dalawa lang naghahanda ng kasal natin. Huhuhu. Feeling ko
talaga mas mahal mo Satana.”

“What the hell?”


“Wag mo ko ma-what the hell, what the hell dyan ha.” Asar na asar na ako, malapit-
lapit ko ng hampasin ng unan 'tong si Zeke.

“Hahahaha. So you’re jealous?”

Sinasabi nya bang nagseselos ako? Hindi naman ako nagseselos, pero paano ba
nalalaman pag nagseselos na? Naiinis lang naman ako. Hindi ako nagseselos! “Hindi!
Naiinis lang ako kasi ang unfair.”

“Life is fair wife.”

Tinignan ko ng masama si Zeke, at nakangisi lang sya sa’kin. “Hahahaha what’s with
the glare? I remember you saying those lines, and now you’re mad.”

“Gabing-gabi Zeke ha, wag mo ako bwisitin.” Inis na sabi ko at saka sya hinampas ng
unan.

“Hahahaha I love you.” Niyakap ako ni Zeke at saka hinalikan sa pisngi. Akal aba
nya mauuto nya ako sa pa-I love you, I love you nya?

Umalis ako sa kama at saka itinali ang buhok ko. Nagugutom ako, kakain na lang ako
kaysa bwisitin ang sarili ko dito. “Where are you going?” Tanong ni Zeke.
“Kay Satana, dudukutin ko laman loob tapos gagawin kong sisig.”

“That’s gross.” Natatawang sagot nya kaya padabog akong naglakad palabas ng kwarto.

--

Pagdating ko sa kusina ay kumuha ako ng bowl bago ko binuksan ko agad ang ref at
naghanap ng pwedeng kainin. Dumampot ako ng ubas at isinubo agad ang isa.
Pagkatapos ay naglagay na ako ng ilang piraso sa bowl na hawak ko, sunod ay kumuha
ako ng apple, saging, melon, at lahat ng pwedeng prutas na ilagay except sa
strawberry kasi ayoko ng amoy nun. Sinamahan ko din ng nata de coco, langka, beans
at iba pang sweets na nasa bote.

Nung mahiwa ko na at mailagay lahat ay binuhusan ko ng konting condensed milk at


cream. Saka ko nilagyan ng madaming cheese.

“Wow! That looks great.” Tinignan ko ng masama si Zeke na nakasandal pala sa may
bar counter. “Kanina ka pa dyan?” Inis na tanong ko. Hindi ko namalayan na nandito
pala sya sa sobrang inis ko kanina.

“Hmm, about 3 seconds after you came here.”

“So kanina ka pa nga.” Inis na sagot ko.

“Hahaha. Yeah.” Lumapit si Zeke at saka kinuha sakin ang bowl ng fruit salad na
ginawa ko. “It’s good.” Sabi nya pagkatapos nyang tumikim ng isang subo. Sinubuan
nya din ako bago kami maglakad papuntang living room.
Tinitignanko si Zeke kasi kanina pa nya hinahalo ng hinahalo 'yung bowl ng fruit
salad. “Ano bang ginagawa mo dyan dong?” Tanong ko.

“I’m looking for strawberries.” Sagot nya habang busy sya sa paghahalo at
pagtitingin doon sa bowl. “Ahh hindi ko naman nilagyan.” Sagot ko saka ko kinuha sa
kanya ang bowl ng salad. “What? But why?”

“Hindi naman masarap 'yun.”

“It is.” Nakakunot na ang noo ni Zeke na nakatingin sakin kaya sinamaan ko din sya
ng tingin. “Hindi!” Asar na sagot ko. “Get some strawberries and put it there.”
Utos nya kaya pinandilatan ko sya ng mata. “Ayoko! Pagkain ko 'to. Gumawa ka ng
pagkain mo.”

“Ginagago mo ba ako babae ha?”

“Tigilan mo ako Ezekiel Roswell ha.” Umiba na ako ng tingin at nagpipigil ng asar.
Bakit ba pinipilit nyang lagyan ng strawberries 'to, hindi naman masarap 'yun eh.

“Wife.” Halata ang galit sa tono ng boses ni Zeke.

“Ano?” Inis na sagot ko.


“Alright. I will get it myself.” Kukunin sana ni Zeke ang bowl ng salad sa’kin pero
mabilis ko 'yung inilayo sa kanya. “Lumayas ka nga dito. Dun ka sa kusina at gumawa
ka ng sarili mong fruit salad.” Inis na sabi ko. Nakikikain na nga lang,
nagrereklamo pa.

“Tss.”

“Kay Satana ka magpagawa ng fruit salad.” Dagdag ko pa habang naglalakad sya


papuntang kusina.

“Tss.”

-The wedding day-

Pabalik-balik ako ng lakad at hindi mapalagay. Mamayana ang kasal ni Zeke at


Satana. Hanggang ngayon hindi pa kami nag-uusap ni Zeke dahil dun sa strawberry.
Hindi na din naman kami nakapag-usap kasi lagi syang wala dahil busy sa
pagpeprepare nung kasal. Dapat ba mag-sorry ako? O hayaan ko na lang sya?

“Hayy nakakainis!” Umupo ako sa kama kasi hindi ko na alam ang gagawin. Wala pa
naman akong cellphone, simula nung binato ko sa pader 'yung cellphone hindi pa ako
nakakabili ulit kaya hindi ko din naco-contact si Zeke.

“Are you alright?” Nadinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto. “Huwaaaa
huhuhuhu! Zeke bati na tayo.” Tumakbo agad ako at yumakap kay Zeke.
“Huh?” Sagot nya.

“Diba galit ka kasi hindi ko nilagyan ng strawberries 'yung salad?” Naiiyak na sabi
ko.

“Hahaha. Why would I get angry only because of that fvcking strawberries, are you
insane?” Sinamaan ko ng tingin si Zeke dahil sa sinabi nya. Ang tagal naming hindi
nagpapansinan tapos sasabihin nya hindi sya galit?

“Eh bakit hindi mo ako pinapansin?” Tanong ko.

“I am. But you’re running away.”

-Flashback-

Nakaupo ako sa living room at nanunuod ng TV kasama ang iba. Anong oras kaya
dadating si Zeke? “Hindi ba sinabi ni Zeke kung anong oras sya dadating?” Tanong
ko.

“Hindi Ms. Aemie eh.”

“Ahh. Okay.” Malungkot na sagot ko.


Sinadya ko kasing tanghali magising para hindi ko maabutan si Zeke, baka kasi galit
pa sya sa’kin dahil sa strawberries.

“Missed me wife?” Nakangiti si Zeke nung pumasok sa maindoor at nakatingin sa’kin.


“Inaantok na pala ako, aakyat na ako sa kwarto.” Paalam ko sa kanilang lahat.
Kinakabahan kasi ako baka pagalitan ako ni Zeke, dahil sa pagsagot-sagot ko
sakanya.

-End of flashback-

“Akala ko kasi—“

“I love you.” Sabi nya saka ako hinalikan sa labi. Huhuhu. “Mamaya may kiss the
bride din.” Naiiyak na sabi ko. “Edi ibig sabihin magki-kiss din kayo ni Satana.”
Humiwalay ako kay Zeke at saka bumalik sa pagkakaupo sa kama.

“Tapos pagkatapos ng kiss the bride, reception na. Tapos dun ka na matutulog kila
Satana.” Tuluyan na akong naiyak. Pakiramdam ko paranoid na paranoid na ako.
“Bibisitahin mo pa ba ako dito Zeke?” Tanong ko sa kanya na nakatayo na sa harap ko
ngayon. Umupo sya sa sahig kaya magka-level na ang mga mata namin.

“You are my one and only wife.”Sabi ni Zeke.

“Pero mamaya hindi na.” Naiiyak na sagot ko.


“This would be the least thing that I want to ask now, but do you want to attend
the wedding?”

Tinignan ko muna si Zeke ng diretso sa mga mata, halata ngang ayaw nya akong
pasamahin sa kasal. At alam kong delikado pero—“Oo pero kung ayaw mo—“

“Alright, dress up and be my guest.”

“S-seryoso ka?” Magkahalo ang excitement at kaba na nararamdaman ko. Excited ko,
kasi ako mismo babaril kay Satana pag may ginawa syang hindi kanais-nais sa kasal
nila ni Zeke, at kinakabahan naman ako kasi huhuhu, ikakasal si Zeke. Ako pa din
naman ang legal wife diba?

Kinindatan ako ni Zeke at saka pinunasan ang mga luha ko sa pisngi. “No, but I want
to put your mind at ease.” Nakangiting sagot nya.

“Promise, hindi ako manggugulo sa kasal nyo.” Nakangiti ding sagot ko.

“I will look forward to that Amelia.” Natatawang sagot nya.

“Zeke naman eh! Tigilan mo nga ako dyan sa kaka-Amelia mo.” Naiinis na sagot ko.
“Tumayo ka na at mag-ayos, ilang oras na lang kasal nyo na oh, hindi ka man lang ba
excited?” Tanong ko.

“No.”
“Grabeee! Ganyan ka din ba nung kasal natin?”

“I was already on the church 2 hours before our wedding.” Nanlaki ang mga mata ko
dahil sa sinabi ni Zeke. “Anong ginagawa mo dun? Bakit ang aga mo? Don’t tell me,
tumulong ka pa sa pagdedecorate ng simbahan?” Nagtatakhang tanong ko.

“Waiting for you, what else.” Sagot naman nya.

“Seryoso?” Tanong ko.

“Yes.”

“Huwaaa!” Niyakap ko agad si Zeke kasi naawa ako sa kanya. Ang shunga kasi nya.
“Hindi ka ba nainform sa oras ng kasal? Huhuhu ang tagal mong nag-antay.”

“Tss. Insane.” Natatawang sagot nya at saka ako niyakap din.

“Ehem. Ehem.” Sabay kaming tumingin nung bumukas ang pinto. “Yo, dalawang oras na
lang kasal na.” Paalala ni Kaizer.

“Alam namin.” Asar na sagot ko saka ako umayos ng upo. Ano ba naman kasing akala
nya sa aming dalawa ni Zeke, hindi marunong tumingin ng oras? Eh kakapaalala ko nga
lang din kay Zeke ng kasal eh.
“And so?” Sagot naman ni Zeke.

“Ha-ha-ha baka lang kasi nakalimutan nyo.” Pilit 'yung tawa ni Kaizer at hindi
makatingin ng diretso sa aming dalawa ni Zeke. “Pero kung gusto nyo pa gumawa ng
kapatid ng gwapong si Kaizer Maxwell Junior, ayos lang naman. Basta bilisan nyo
lang ah. ‘Wag ng sesecond round.”

Tatayo sana kaming dalawa ni Zeke pero naisara na agad ni Kaizer ang pinto. Dinig
na dinig din ang mabilis na yabag ng paa nya palayo sa kwarto.

“Remind me to kill him after the wedding wife.” Sabi ni Zeke. At saka lumapit sa
wardrobe at kinuha ang black suit na susuotin nya.

“Zeke.” Naiiyak na tawag ko.

“Hmm?” Tumingin sya sa akin habang hawak-hawak nya ang black suit. “Sigurado ka ba
sa pagpapakasal kay Satana? Hindi na ba kita mapipigilan?” Ito na naman ako, tutulo
na naman luha ko. Alam ko nag-usap na kami ni Zeke tungkol dito kani-kanina lang
pero hindi ko talaga mapigilan na hindi malungkot.

Ngumiti si Zeke at saka lumapit sa office desk na nandito sa loob ng kwarto.


Inilagay nya ang isang flashdrive at saka iniharap sa’kin ang laptop. “Read this.”
Nakangiting sabi nya.

Lumapit ako at tinignan ang file na pinakita ni Zeke.


Black Organization.

“Some of them will attend the wedding.”

“Ito ba 'yung sinasabi mong trap?” Tanong ko, dahil ngayon pa lang nag-sink in
sa’kin ang lahat ng sinabi nya. “Yeah.”

Iniscroll ko ang mouse at nakita ko ang isa pang pangalan na kasama sa walong
leader ng Black Organization. “Steve Vernon Lestrange.” Basa ko ng malakas.

“He’s Satana’s father.”

Nakangiti ako habang nagbabasa ng profiles ng mga leader ng Black Organization.


“I’m now getting scared with your smile wife.” Saad ni Zeke.

“Huh?” Tanong ko sa kanya.

“What are you thinking?” Tanong nya.

“Wala naman hehehe.”


Will Travon

Jagger Frits

Jax Blaine

Damon Evo Hunter

Greg Lennox

Iñigo Rances

Steve Vernon Lestrange

Terrence Von Knight

Kayo pala nagpa-planong pumatay sa’min ah.

“You’re giving me goosebumps.”

=================

Chapter 24

Meisha’s PoV

“Nasaan na ba ‘yung—“
“Ito ba?” Nakangiting iniabot sa’kin ni Lerwick ang purse ko. I arched my left
eyebrow. “Nasa ibabaw 'yan ng dining table. Naiwan mo siguro kanina, kaya dinala ko
na dito.” Nagsawalang-kibo ako dahil mukhang acceptable naman ang reason nya.
“Thanks.” I mumbled saka ko kinuha sa kamay nya ang black purse.

“Ano maglalambingan na lang ba kayo dyan hanggang mamaya?” Lumundag si Max mula sa
likod ng sofa paupo at kinagat ang apple na hawak nya. “Shut up Max!” I exclaimed.

“Whoa! Chill sis! Makikisabay ka pa ba sa hotness ko?”

“Psh.” Isinuot ko ang mga gloves ko. At naghanda ng mga dadalhin. I put out my
Ruger SR9c. Maliit lang ito para madaling mailusot sa wedding dahil for sure
mahigpit ang seguridad doon.

“Sure kayong magdadala kayo ng mga baril?” Pababa ng hagdan si Miss Aemie at Mr.
Roswell, kasunod nila sila Tristan at iba pang myembro ng Yaji maging si Fauzia at
Lee.

“Syempre naman Aemie. Alam mo namang hindi tayo mabubuhay ng walang dalang baril.”
Sagot ng magaling kong kapatid.“WHOOAAA! Takte! Baka naman matalbugan mo nyan ang
bride Aemie.” She’s absolutely stunning in her simple but elegant white cocktail
dress. Makapal ang make-up nya tulad ng make-up nya nung engagement party at naka-
curl ang buhok.

“At alam nyo ding hindi kayo makakapasok ng may dalang baril.” Sagot ni Miss Aemie.
She’s right. Tulad nga ng sinabi ko kanina, siguradong mahigpit ang seguridad sa
wedding.

“There are approximately five hundred to one thousand security on the wedding.”
Saad ni Mr. Roswell.
“Ang OA naman ng security. Gawa ba sa ginto 'yang si Satana.” Ms. Aemie is
frowning. She’s obviously not in the mood again.

“Anak ng! Hahahaha. Baka naman gawa sa dyamante ang ngipin kaya madaming security.”

“Joke ba 'yan Kaizer?” Tanong ni Ms. Aemie. “Si Boul ang nagturo nun Aemie. Gago
talaga mga jokes nito ni Boul, puro korni.”

“Ulul.”

“Enough!” Saway ni Mr. Roswell.

“Kailangan na nating umisip ng plano kung paano ipapasok ang guns and ammos.”

“Mang-aagaw na lang ako ng baril. Sigurado namang madaming dalang baril 'yung mga
ibang gago na pupunta dun.” Sabi ni Lerwick.

“May utak ka din pala minsan tol?”

“Hahaha oo naman 'tol. Palibhasa sa mukha ko ikaw lagi nakatingin eh. Tsk tsk tsk.”
“Bakit hindi nyo balutin?” Singit ni Miss Aemie at saka ipinatong sa ibabaw ng
center table ang gift wrappers.

“Whoa! Naisip ko din talaga 'yan eh, naunahan lang ako ni Aemie.”

“Max.”Saway ko sa kapatid ko. Dahil nakikini-kinita ko na magkakaroon ng lamay


mamayang gabi kapag hindi pa nya itinikom ang bibig nya.

***

Aemie’s PoV

“Wow. You look great.”

“Thank you. Hehehe.” Kakarating ko lang dito sa bahay nya. Buti hindi pa sya
nakakaalis. Mas mabuti kasing sa kanya ako sumabay papunta sa wedding, tutal kaming
dalawa naman ang magkasama nung engagement party.

“Shall we?” Nakangiti nyang inilahad ang kamay nya sa harap ko. Hindi ko pa din
maimagine na itong nasa harap ko ay kapatid ni insan. Kaya naman pala ang gaan ng
loob ko sa kanya kasi kapatid sya ni insan.
Ngumiti lang ako bilang tugon at sumakay sa kotse ni Andrei.

Nakatanaw ako sa labas ng binatana at pinagmamasdan lahat ng dinadaanan namin.


Kanina pa nanlalamig ang kamay ko. Hayy! Ganito pala feeling kapag a-attend ka sa
kasal ng asawa mo 'no? “So—Amelia ba ulit ang itatawag ko sa’yo?” Tanong ni Andrei.

Tumingin ako sa kanya. Nakangiti sya habang nagda-drive. Bakit nya kaya ginagawa
'to? “Ayos lang.” Walang-ganang sagot ko. Wala din naman ako pakialam kahit tawagin
pa nya akong Aemie. Kahit naman ano itawag nya sa’kin, ikakasal pa din si Zeke.
Huhuhu.

“Nandito na tayo.” Sabi nya.

Mabilis akong umayos ng upo at saka tinignan kung maayos ang sarili ko. Humarap pa
ako sa salamin para tignan kung okay na suot ko. “Masyado ka ng maganda para mag-
ayos pa. Hahaha.” Lumingon ako kay Andrei na nakatingin sa’kin at tatawa-
tawa.Inalis ko din naman ang tingin ko at ibinalik sa salamin para mag-ayos ng
make-up.

Kahit wala akong pakialam kung makilala ako ni Satana, kailangan ko pa ding
galingan ang pag-arte para hindi makasira sa mga plano nila Zeke. Hayy!

Tumanaw ako sa labas ng kotse, tama nga si Zeke. Nasa parking lot pa lang kami ng
simbahan ang daming security ang nagkalat sa paligid. At lahat sila armado ng
baril.Idagdag mo pa 'yung mga security na kasama ng mga guests. Halos lahat ng
natatanaw ko may kabuntot na security. Kahit nga si Andrei may tatlong kotse ng
security na kasama.

“Gusto mo ba munang mag-stay dito?” tanong ni Andrei.


“Hindi na. Gusto ko na pumasok sa loob.” Sagot ko habang nakatanaw pa din sa labas.

Maya-maya pa ay pinagbuksan na ako ng pinto ni Andrei. Huminga muna ako ng malalim


bago ko inabot ang kamay nya na nakalahad ulit sa harap ko. “Pfft. Tensed? Parang
ikaw ang ikakasal ah.” Tinignan ko ng masama si Andrei pero mabilis ko ding binago
ang reaksyon ng mukha ko. Pasalamat sya kapatid sya ni insan at ayoko naman na
mawalan ng kuya si insan.

“Ako na magbibitbit nyan.” Sabi nya. Kukuhanin nya sana ang regalo na dala ko pero
hindi ako pumayag. “Wag na, ayos lang. Ako na magdadala nito hehehe.” Sagot ko.
Baka mamaya kung saan pa nya ilapag 'tong regalo. May baril pa naman 'to sa loob.

Tulad ng inaasahan, bago kami makatungtong sa mismong simbahan ay may general


inspection. May mga babaeng security na todo kapkap sa mga babaeng guests.

“Matagal pa bang matatapos 'yan?” Inip na inip na tanong ko sa dalawang babae na


kanina pa kumakapkap sa’kin. Kulang na lang hubaran nila ako dito eh. “Okay na po
Ma’am.” Sabi nung isang babae.

Inilibot ko ang tingin ko nung makapasok ako sa simbahan. Sobrang laki! “Ang
gandaaaaa.” Grabe! Kahit alam kong si Zeke ang ikakasal hindi ko maiwasan na hindi
magandahan sa mga dekorasyon sa buong simabahan. Ginastusan talaga ang kasal nila.
Gold, white and silver ang motif ng kasal nila, kaya ang sosyal tignan. “Parang
fairy tale.” Manghang bulong ko.

“With a beautiful princess.” Lumingon ako sa likod ko para tignan kung sino ang
nagsalita dahil kilala ko kung kaninong boses 'yun. At tama nga ako, nakatayo si
Zeke sa likod ko habang nakangiti sa’kin. “Anong ginagawa mo?” Tanong ko. Baka may
makakita sa’min. Nagpalinga-linga ako para tignan kung may mga nakatingin sa’min.
Hello? Kasal nya 'to tapos—
“So?”

“Anong So Zeke—“

“It’s an honor to see you again Amelia.” Nakangiting sabi nya at saka dahan-dahang
inangat ang kamay ko at hinalikan. Hindi pa din ako mapakali at patingin-tingin sa
paligid dahil may mangilan-ngilan na nakatingin sa’min. Sya ang groom, malamang sya
ang titignan ng mga tao.

“O-of course Mr. Roswell. It’s my pleasure.” Nakangiting sagot ko.

“Nah. It’s my pleasure to see you.”

“You have a wonderful wedding.” Puri ko. Waaaa ano ba sasabihin ko, medyo
nadagdagan na ang mga nakatingin sa’min ngayon. “I mean, your bride will surely
love this.” Dagdag ko pa.

“I HAD a wonderful wedding, and my bride loved it.”

“Well that’s good.” Sa mga oras na 'to kinakabahan na ako. Hindi naman siguro
nadinig ng mga tao sa paligid ang sinabi ni Zeke diba?

“Nah. That was perfect.” Nakangiting sagot nya.


Tinaasan ko na ng kilay si Zeke. Ayoko na makipag-usap. “Nang-iinis ka ba?”
Pabulong na tanong ko. “No I was just greeting my guest. Did I sound rude to you,
Miss?”

“Maghanap ka ng ibang guest na kakausapin Mr. Roswell 'wag ako okay?”

“But I want you.” Tumingin ako sa paligid dahil medyo malakas ang pagkakasabi ni
Zeke kaya may ibang napalingon sa direksyon namin. “I want you to know that I’m
interested with the business you were asking for.” Palusot nya.

“Great. Best wishes and see you around.”

Tinalikuran ko na si Zeke para hindi na makasagot pa. Sumingit ako sa mga bisita na
nagkukumpulan. Kanya-kanya silang kwentuhan ng tungkol sa mga kayamanan nila. 'Yung
mga may edad na babae pagandahan ng pagandahan ng mga suot nilang alahas at mga
dala nilang bag. At ang mga may edad na lalaki naman ay nag-uusap-usap tungkol sa
mga business.

“Anong oras ba dadating ang bride?” Tanong ko sabay hinga ng malalim. Feeling ko
sasamaan ako ng pakiramdam dito.

“You are 15minutes early, kaya mamaya pa siguro.” Ngumiti 'yung lalaking katabi ko
nung tignan ko sya. Sinabi ko bang sagutin nya tanong ko? Napaka-tsismoso naman
nito. “Jax Blaine.” Inilahad nya ang kamay nya sa harap ko para makipagshake-hands.

Wait sinabi ba nyang Jax Blaine?


Nilingon ko sya ulit at tinignan mula ulo hanggang paa. Pasimple kong dinukot mula
sa purse ko ang maliit na tracking device na galing kay Sebastian.“Amelia.. Amelia
Park.” Pagpapakilala ko at saka ko iniangat ang kamay ko para sana iabot sakanya at
makipagkamay.

Malapit ko ng makamayan si Jax Blaine. Maiilagay ko na sana ang tracking device.

“I’m glad you came Mr. Blaine.”

Kung hindi lang sana sumingit si Zeke para kamayan si Jax Blaine. “What a good
timing Mr. Roswell. I just met one of your guests.”

“I think, I have to go.” Paalam ko.

“You should be.” Sagot ni Zeke ng masama ang tingin sa’kin kaya napatingin sa kanya
si Jax Blaine. Mabilis na nag-iba ang expression ng mukha nya at nginitian ako.
Pero nafifeel ko pa din sa kanya nag alit sya.“The ceremony is about to begin.”
Dugtong ni Zeke. “Yeah yeah. Nice meeting you.” Nakangiting sabi kokay Jax Blaine.

Ano ba naman 'yan si Zeke? Hindi marunong umarte. Kanina pa kami muntik mapahamak
dahil sa kanya. Tapos sya pa ang nagagalit eh sya nga 'tong laging basta-basta na
lang nasulpot. Humanda talaga sa’kin 'yang Zeke na 'yan mamaya pag-uwi.

“Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap.” Tumigil ako sa paglalakad nung


makasalubong ko si Andrei. “Uhh-nag-ikot-ikot?” Isa pa 'tong Andrei na 'to. Sya nga
'tong biglang nawala kanina tapos ako ang tatanungin nya kung saan ako
galing.

“Hahaha tara na nga.” Pag-aaya nya.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa relo na suot ko. Tatlong minuto na lang
magsisimula na ang kasal. Inilipat ko ang tingin ko sa malaking pinto ng simbahan
na ngayon ay nakasara pa. Tatlong minuto na lang bubukas na ang pintong 'yun tapos
lalabas si Satana, tapos magpapakasal na sila ni Zeke. Waaaaa! Huhuhu.

Sunod kong tinignan ang mga bisita. Mas lalo akong kinabahan dahil lahat sila
nakangiti at excited sa mangyayaring kasal. Ako lang yata ang hindi. Syempre! Bakit
naman ako magiging excited eh kasal ng asawa ko 'to!

Napahawak ako sa ulo ko dahil nakaramdam ako ng pagkahilo.

“Okay ka lang ba?”

“May nahihilo bang okay?” Inis na tanong ko kay Andrei.

“Hahaha sungit ah! Baka iba na 'yan.” Mabilis ko syang nilingon at saka ako umayos
ng tayo. Hindi nga pala nya alam na buntis ako.

Huminga ulit ako ng malalim and this time, kay Zeke naman ako nakatingin. Nakakunot
ang noo nya at nakatingin sa’kin. Nginitian ko naman sya pero imbis na ngumiti sya
ay nakita kong bumuka ang bibig nya. “Are you okay?” He mouthed.
Ngumiti ulit ako at saka tumango ng isa, para masiguro sa kanya na okay lang ako.
Eksakto namang bumukas ang pagkalaki-laking pinto ng simbahan kaya lumingon ako
para tumingin.

Lahat ng tao nakatingin sa malaking pinto.

“Where’s the bride?”

“Sinong nagbukas ng pinto?”

“Nasaan si Miss Lestrange?”

Sunud-sunod ang bulungan ng mga tao. Ang ilan wala pa ding hinala kung ano ang
nangyayari samantalang ang iba naman ay pasimple ng umaalis sa simbahan. Ngumiti
ako at nagsimula ng maglakad. “Saglit!” Hinawakan ni Andrei ang braso ko kaya
nilingon ko sya. “Masyadong delikado, dito ka lang.” Paalala nya sabay hila nya
sa’kin palapit sa kanya.

“Ano bang ginagawa mo?” Kunot-noong tanong ko sa kanya.

“Delikado Ae—Amelia. Wala kang alam kung gaano ka-delikado dito.” Sagot nya.

Ngumiti ako at saka inalis ang pagkakahawak nya sa kamay ko. “Thanks for your
concern Andrei. Pero kailangan ko na talagang umalis.” Paalam ko at saka naglakad
palayo pero hinawakan nya ulit ang braso ko. Hayy! Kung hindi lang talaga 'to
kapatid ni insan binigwasan ko na—“I love you.”

“Ano?”

“Sabi ko mahal kita.”

Lumapit ako sa kanya at inamoy-amoy sya. Hindi naman sya amoy alak. “Rugby boy ka
ba?”

“Hahaha hindi 'no.”

“Solvent boy?”

“Hindi din. Pftt.”

“Kulang ka lang sa tulog.” Sabi ko at saka tumalikod.

“Saglit.” At sa pangatlong pagkakataon, hinawakan nya na naman ang braso ko para


pigilan. “Hindi mo ba alam kung gaano sila kadami na gusto kayong patayin?” Kumunot
ang noo ko dahil sa sinabi ni Andrei. Ibig sabihin may alam nga sya sa mga
nangyayari. “Masyadong delikado kaya sasamahan kita.” Pagpi-prisinta nya.
Nginitian ko ulit si Andrei at hindi na nagsalita. Paalis na ako nung makadinig
kami ng putukan sa labas ng simbahan.

“Shit! Anong nangyayari?” Tanong ni Andrei at saka ako hinila palapit sa kanya,
pero bago pa ako tuluyang mapalapit sa kanya ay kumalas na ako sa pagkakahawak nya
at saka mabilis na naglakad palayo.

Inilibot ko ang tingin ko nung makalayo ako ng kaunti kay Andrei. Nakaalis na ang
ibang bisita at kakaunti na ang tao sa loob ng simbahan. Dumaan ako sa gilid ng
simbahan para makapunta sa exit, doon ay nag-aantay ang sasakyan na dala ni Meisha.
“O dong, bakit nandito ka?” Nakasandal sya sa isa sa mga poste ng simbahan at
nakatingin sa’kin.

“Waiting. And you are late.” Ang init naman ng ulo nya. Si Andrei naman kasi ang
daldal masyado eh. Naglakad kaming dalawa ni Zeke palabas nung magtanong sya. “Are
you—“ Hindi ko na pinatapos si Zeke sa itatanong nya kasi sure naman ako na si
Satana ang hahanapin nya. “Hehehehe.” Nag-peace sign lang ako sa kanya at ngumiti
para naman hindi na uminit ang ulo nya.

“Tss. You should’ve told me your plans.”

“Eh malay ko ba kung anong plano nyo, nakatulog ako eh, kaya gumawa na lang ako ng
iba.”

“Tss.”

“Wag ka ng magalit dong, di naman nasira plano mo 'diba?”


“Tss.”

Binuksan ni Zeke ang kotse na si Meisha ang nagmamaneho para pasakayin ako. “Ingat
kayo Zeke.” Paalam ko habang naglalakad sya palayo papunta sa tatlong kotse.
Nandoon naman sila Sebastian at ang iba pang lalaki. Lumingon sa gawi ko si Zeke at
saka nagsabi ng “I love you.” Ng walang tunog. Hayy! Buti na lang. Ang akala ko
talaga galit na naman sya eh.

“Tara na Meisha.” Sabi ko. Sumaludo si Meisha at saka nagsimulang mag-drive paalis.

**

Cassandra’s PoV

“Sino ba kayo? Pag nalaman ni babe 'to for sure magagalit sya sa inyo.” I stared at
her for a minute. “Pathetic.” Fauzia whispered habang nakatingin din sa kanya.
Mahigpit ang pagkakatali sa kanya habang nakasalampak sya sa sahig.

Natawa ako ng malakas dahil sa sinabi nya. Kung ako kay Miss Aemie, babalatan ko pa
'to ng buhay gamit ang cheese grater. Masyadong makapal ang mukha eh. “Sinong babe
tinutukoy mo? Si Mr. Roswell ba?” I asked.

Tumawa sya ng malakas. And it sounds like hell. Ang sakit sa tenga. “Of course. I
know he will come to rescue me.” Natatawang sabi nya. “Dream on slut.” I mumbled.

Tinalikuran ko sya at saka umupo sa isang steel chair.


“Shin! Shin Hamilton. Help me.” She pleaded.

“I’m enjoying this.” I said with a smile while looking at Satana na nagmamakaawa
kay Milka para tulungan sya.

“Oh sorry Ms. Lestrange. But my real name is Milka Shinize Boulstridge. Hindi Shin
Hamilton.” Milka stated.

“Hindi pa din yata nya nakukuha hanggang ngayon.” Fauzia said with a smirk.

**

Meisha’s PoV

Tahimik akong nagda-drive sa isang malawak na highway. Halos walang dumadaaan na


sasakyan kaya mabilis kong pinapatakbo ang sasakyan. Lumingon ako kay Ms. Aemie.
She’s staring at the side mirror of the car I am driving. “May sumusunod sa’tin.”
Saad nya. Inayos ko ang rear view mirror using my right hand. There I saw three
black cars tailing us.

Shit!
Inapakan ko ang accelerator and drove as fast as I could while grabbing my cellular
phone para magtawag ng back-up. Ms. Aemie’s pregnant kaya hindi ako pwedeng gumawa
ng kahit na ano. All we need is to escape this crap.

“Ms. Aemie anong ginagawa mo?” Tanong ko. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya
dahil nag-dadrive ako. Pero naaaninag ko na nag-aayos sya ng dalawang baril.

Dumaan sya sa gitna para lumipat sa likurang bahagi ng kotse at saka nya binuksan
ang pinto sa likod ng driver’s seat. Kahit na gustuhin kong itigil ang sasakyan ay
hindi ko magawa dahil maaabutan kami ng mga nakasunod sa’min. What the hell is she
thinking?“Ms. Aemie isara nyo na po ang pinto. Masyadong delikado.” I said pero
hindi nya ako pinakinggan.

Pinaputukan nya ang mga kotse na nasa likod habang ako naman ay tinatry na kontakin
ang cellphone ng kapatid kong si Max. “Come on Max, pick-up your phone.” I
whispered. Puno na ng kaba ang dibdib ko. I really don’t know what the heaven will
I do to stop Ms. Aemie.

[Yo sis.]

“Max, may nakasunod sa’min.”

[Alam ko. Pfft.]

“What?”

Naputol bigla ang linya kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapamura.
“Leche talaga 'tong kapatid ko.” Sinulyapan ko si Ms. Aemie sa rear view mirror at
prente na syang nakaupo sa backseat.

‘Anong nangyari?’ I asked at the back of my head.

Sinulyapan ko ang rearview mirror at wala na 'yung tatlong kotse na nakasunod


sa’min kanina. Pero—“Mukhang pamilyar 'yung motor at kotse—“

“Ahh sila Zeke. Ewan nga bakit nakasunod mga 'yan eh. Hindi tuloy ako ang nakabaril
dun sa huling kotse.” Sabi nya saka humiga sa backseat. “Inaantok na ako, gisingin
mo na lang ako Meisha kapag nakarating na tayo ha.”

Ngumiti na lang ako at napailing.

Ibinaba ko ang bintana ng kotse nung madinig kong bumusina ang motor na sumabay sa
tabi ko.

“Ayos ka lang Mei?” Tanong ni Sebastian na nagda-drive ng motor.

“Oo.” Nakangiting sagot ko. Pero ang totoo, kinabahan ako ng sobra-sobra kanina.
Hindi ko alam ang gagawin kung sakaling may masamang nangyari kay Ms. Aemie.
“Thanks, buti dumating kayo.” I said habang nakatingin sa dinadrive ko.

“Naman!” Damang-dama ko ang kahanginan sa tono ng sagot nya. “Psh.”


Nung marating namin ang dulo ng highway ay naghiwalay kami ng tinatahak na
direksyon.

**

Cassandra’s PoV

Itinigil ko ang pagbabasa ng libro nung dumating sila Meisha at Miss Aemie. I
glanced at Satana.

“Amelia.” She frowned. Puno ng pagtatakha ang mukha nya na nakatingin kay Miss
Aemie. “May alam ka dito?” Tanong ni Satana kay Miss Aemie.

She lowered her head down to face Satana. “Alam mo bang mahilig ako sa fairy tales.
Do you want me to tell you one?” Miss Aemie asked. Hindi na nya hinintay na sumagot
si Satana. Tumayo ulit sya at naglakad palayo habang nagsasalita.

“Once upon a time there lived a filthy princess named Satana. She had been raised
well to fulfill one mission.” Tumingin si Miss Aemie kay Satana bago nagpatuloy.
“And this mission is to become the successor of their kingdom and to replace the
throne of her father as one of the leader of the Black Organization.”

Tumigil muna sya saglit before she continued. “And in order to do her mission. She
need to win against a kingdom ruled by a prince named Ezekiel Roswell.” Ngumiti si
Miss Aemie. Ipinikit ko ang mga mata ko and leaned on a wooden table behind me para
mas dama ko ang pakikinig. I never thought fairy tales would be this awesome.
“Until one day, the princess met thishandsome prince. She was so captivated by his
deep and catastrophic eyes. She thought he was the man of any girl’s dream. And so
the princess decided to marry the prince instead of killing him.”

“Little did she know that her prince was already married to another princess of a
kingdom, ruled by a queen and a king who was once one of the leader of the Black
Organization.”

“And when Princess Satana found it out, she made another plan. And that is to
manipulate the prince by killing the prince’s father and mother in laws.”

“Princess Satana always believe that everything will fall into the right
place...”nakangiti ako habang nagku-kwento si Miss Aemie. “She thought everything
was fine and under her control.”

I opened my eyes at umayos ng upo. “But not every fairytale has a happy ending.
Especially if you are not the protagonist of your own fairytale.”Kinuha ni Miss
Aemie ang baril na nasa ibabaw nitong wooden table na sinasandalan ko.

Nagtayuan ang balahibo ko sa batok nung ngumiti si Ms. Aemie kay Satana. “Don’t
tell me—“

“I am Aemie Ferrer-Roswell, your prince’s wife. Any last words Princess Satana?”

Tumawa si Satana. An evil one. “Stupid! Hindi mo din ba alam na hawak ni daddy ang
mga magulang mo?” Satana asked. “Sa mga oras na 'to baka patay na sila.”
“Okay. I-greet mo na lang ako sa kanila. Iyon ay KUNG magkikita kayo.” Sagot ni Ms.
Aemie at saka ikinasa ang baril na hawak nya.

“Sisiguraduhin kong makakarating sa Black Organization lahat ng ito.”

“How?” Nakangiting tanong ni Ms. Aemie at saka itinutok ang baril na hawak nya kay
Satana. “Paano mo pa sasabihin sa kanila ang mga nangyari?” Tanong nya ulit.

“Fuck you!” Hiyaw ni Satana.

Nginitian lang sya ni Ms. Aemie at saka kinalabit ang gatilyo ng baril na hawak
nya. “Best wishes.” She whispered at saka tumalikod.

“Sad ending.” Iiling-iling na sabi ko at saka ulit nagbasa ng librong hawak ko.

=================

Chapter 25

Meisha’s PoV

We drove back to Mr. and Mrs. Roswell’s house pagkatapos kay Satana. And as
expected, sumalubong sa amin si Mr. Roswell.
“Where have you been?” Nasa may maindoor pa lang kami nung magtanong sya.

“Kay Satana.” Tipid na sagot ni Ms. Aemie saka pumasok sa loob ng bahay. Tinignan
kami ni Mr. Roswell bago nya sinundan sa loob si Ms. Aemie.

Inalis ko ang gloves na suot ko habang papasok sa loob ng bahay. “What did you do
to her?”

Nasa living room kaming lahat pero wala kang madidinig na kahit na anong ingay,
maliban sa boses nilang mag-asawa.

“Wife. I’m asking you. Are you responsible for Satana’s not showing up in our
wedding?”

Ms. Aemie remained quiet as she rested herself on the sofa.

“Wife.”

“Uhhm Mr. Roswell I think kailangan nya muna magpa—“

“I’m not talking to you Ms. Lamperouge.” Tumahimik ako nung pinutol ni Mr. Roswell
ang sasabihin ko.
“Ginawa ko lang kung ano 'yung tingin kong dapat.” Kumuha si Ms. Aemie ng isang
magazine at nagsimulang ilipat ang mga pahina. I feel so uneasy. Siguro hindi lang
ako 'yung nakakaramdam nito sa mga oras na 'to dahil talagang ang dilim ng
atmosphere ditto sa buong living room.

“Dapat?!” May kalakasan na ang boses ni Mr. Roswell at lalong tumataas ang tension
sa paligid namin. “Ano ba ang dapat Aemie?!” Nagkatinginan kaming lahat nung
tawagin nya sa pangalan si Ms. Aemie. Maging si Ms. Aemie ay tumigil sa pag-scan ng
magazine na hawak nya and glared at him.

Tumayo si Ms. Aemie at nagsimulang maglakad paalis. “Don’t turn your back at me.”
May diin ang bawat salita ni Mr. Roswell na halatang nagpipigil ng galit.

Lahat kami ay nakaabang sa mga susunod na mangyayari sa kanilang dalawa nung


tumigil si Ms. Aemie sa paglalakad. She’s standing behind Mr. Roswell. This this
the first time I saw them both na nagpipigil ng galit. Humarap sa kanya si Mr.
Roswell pero nanatili lang nakatalikod si Ms. Aemie. I can’t figure out kung ano
ang tumatakbo sa isip nya sa mga oras na 'to. All I can see is her closed fist and
gloomy eyes.

“Do you know the possible consequences of what you have done? Do you aware of what
they can do to you, to us? Do you know—“

“Kung ikakagalit mo ang ginawa ko kay Satana. Go ahead. But one thing is so sure
about me, kahit ulitin ang mga pangyayari, gagawin at gagawin ko pa din kung ano
man ang ginawa ko.” Tumingin si Ms. Aemie kay Mr. Roswell bago ulit nagsalita.
“Ginawa ko 'yon kasi mahal kita, ginawa ko 'yon kasi ayokong balang araw may
mangyaring hindi maganda sa’yo, sa baby natin, sa Roswells, sa Yaji. At ginawa ko
'yon kasi ayokong dumating ang panahon na pagsisisihan ko lahat ng hindi ko ginawa
nung mayroon pa akong chance.” Tumigil si Ms. Aemie sa pagsasalita as a tear fall
from her eyes. “At handa akong gawin lahat para sa inyo.” She turned her back pero
hinawakan ni Mr. Roswell ang kamay nya para pigilan.
“I-I’m sorry.” Wika ni Mr. Roswell. Bumitaw si Ms. Aemie sa pagkakahawak saka
naglakad paakyat.

Nanatili kaming tahimik ng hindi ko alam kung ilang minuto, pero maging ang kapatid
ko at si Lerwick na puro biruan ang alam ay seryoso sa mga panahong 'to at walang
bakas ng kalokohan sa mga mukha.

**

Grethel’s PoV

“I know what I saw.” Padabog kong ipinatong ang bote ng alak na hawak ko sa desk.
Pero mukhang hindi pa din naniniwala si Jax at Terrence na nasa harap ko ngayon.
“Believe me, my car is right next to the bride’s car. At kitang-kita ng dalawang
mata ko kung sino ang humarang sa kotse nya.”

I already warned Satana about this. Bakit ba kasi hindi sya nakikinig sa’kin. I
told her to do the wedding abroad pero she didn’t listen, she never listen to me.
“What?! Hindi man lang ba kayo magsasalita dyang dalawa?” I asked in annoyance.

Naglakad na ako palabas ng pinto. But one of Terrence’s butler came in. “We found
Ms. Satana’s body.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa balita and immediately shifted
my glance on Terrence and Jax.

“May itim na kotseng nag-iwan ng cadaver pouch sa tapat ng gate, at nung tignan
namin, napag-alaman po naming si Ms. Satana Lestrange.” Paliwanag nung butler ni
Terrence.

Hinihintay kong magsalita silang dalawa, I am waiting for them to order their men
na patayin ang Roswell at Yaji. Pero mukhang naghihintay lang ako sa wala. I sighed
nung makalabas 'yung butler. I didn’t speak a word. Instead, nagsindi ako ng isang
stick ng sigarilyo.

“Strange.” Saad ni Terrence. “Sa pagkakakilala ko kay Roswell, hindi sya


magpapadalos-dalos ng kilos ng ganito.”

“Pero sigurado daw daw si Grethel.” Jax uttered.

Puzzled, Terrence replied. “Posible kayang asawa nya ang gumawa nun?”

“I met her. And I think she’s capable of doing that.” Sagot ni Jax.

May pinindot si Terrence na button ng telepono na nasa ibabaw ng desk nya. Kasunod
non ay may pumasok ulit na butler sa loob nitong opisina. “Yes Mr. Knight.”
Magalang na bati ng butler.

“Magpatawag kayo ng meeting sa Black Organization. As soon as possible.” He


ordered.

**
Milka’s PoV

“Puntahan ko kaya si ate Aemie sa taas?” Bulong ko kay kuya Vash na tahimik na
umiinom ng bottled beer. Sabay kaming lumingon ni kuya Vash kay kuya Ezekiel. Hindi
nya sinundan si ate Aemie nung umakyat sa taas. Mula nun ay hindi sya nagsalita o
nagtanong, patuloy lang sya sa pag-lagok ng alak. Wala din namang magtangkang
kumausap sa kanya.

Tumingin ulit sa’kin si kuya Vash. Walang pagtutol sa mga mata nya kaya dali-dali
akong umakyat at tumungo sa kwarto nila ate Aemie.

Dalawang beses akong kumatok bago ko binuksan ang pinto ng kwarto. Madilim na ang
buong kwarto nila, liwanag na lang ng bwan na nanggagaling sa binta ang
nagsisilbing ilaw. “Ate Aemie.” I whispered, sapat lang para madinig ang boses ko
ni ate Aemie. Nadidinig ko ang mahihinang paghikbi nya kaya alam kong gising pa
sya.

Hindi sumagot si ate Aemie kaya tuluyan na akong pumasok sa loob.

I hugged her as tight as I could nung makalapit ako sa kanya. Niyakap nya din ako
ng mahigpit. I don’t know how she feels or kung ano ang iniisip nya. Kanina ang
dami kong gusting sabihin pero ngayon, I think ang kailangan nya lang ay ang taong
maiiyakan.

Ilang minuto din kaming magkayakap ni ate Aemie habang patuloy sya sa pag-iyak.

“Thank you Milka ha.” Pinunasan ni ate Aemie ang mga natitirang luha nya sa pisngi.
Ngumiti naman ako at saka nagpaalam na umalis. “Magpahinga ka na muna ate Aemie.
Mas mabuting hindi ka na mag-isip ng kung anu-ano.” Tumango si ate Aemie kaya
lumabas na ako ng kwarto.

I sighed pagkasarang-pagkasara ko ng pinto.

“K-kuya Ezekiel.” I stuttered nung Makita ko si kuya Ezekiel sa harap ko.


Napatingin ako sa hawak-hawak nya. He’s holding a tray na puno ng pagkain. I tried
to smile at him at saka binuksan ang pinto ng kwarto.

“Milka bakit ka buma—“ Nadinig ko pa si ate Aemie na nagsalita nung pumasok si kuya
Ezekiel bago ko isinara ang pinto ng kwarto.

**

Aemie’s PoV

Natigilan ako sa pagsasalita nung maaninag kong hindi pigura ng babae ang pumasok.
Hayy. Ayoko pa makipag-usap kay Zeke. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya
ngayon.

Binuksan nya ang ilaw at inilapag ang tray na hawak nya sa ibabaw ng side table.

“I brought some foods.”


Alam ko. Tingin nya sa’kin bulag? Ang dami-dami nyang dala, sa lagay hindi ko
nakita 'yun? Hayyy! Nainis tuloy ako bigla.

“Nakikita ko nga.” Sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya. Hindi ako makatingin ng


diretso kay Zeke, feeling ko kasi galit pa din sya sa’kin. Tapos sumagot-sagot pa
ako kanina. Eh kasi naman eh!

Umupo sya sa tabi ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

“Uhh-about what happened earlier...”

“Huwaaaaaa dong sorry na. Huhuhu.”Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Yumakap na
agad ako sakanya pero marahan nya akong inilayo sa kanya at saka hinawakan ang
dalawang kamay ko.

“No wife, I should be the one apologizing. I’m s-sorry.” Nakatungong sabi nya.

“Eh galit ka kasi kanina sa’kin eh.”

“I am not mad, I am worried...” Ngumiti sya sa’kin pero makahulugan ang ngiti nya.
Malungkot si Zeke, huhuhuhu. “I am so scared of the things that my happen to you—
and to our baby.” Paliwanag nya. Niyakap ko ulit si Zeke. “Wala namang mangyayari
sa’min dong eh. Saka isa pa kaya ko ang sarili ko.”

“I know.” Sagot ni Zeke.


Alam pala naman nya tapos nag-aalala pa.

“You better eat.” Nakangiting sabi nya saka kinuha ang pagkain sa tray. “I made
this. Look, you should try this one.”

“Halata ngang ikaw ang gumawa.” Nakasimangot na sagot ko. “Ako ba talaga ang kakain
nito Zeke o ikaw?” Tanong ko habang nandidiring nakatingin sa mga strawberries.
Napakadami naman nito.

“Hahahaha we’re going to eat this.” At talagang nakuha pa nyang tumawa ah.

“Kukuha na lang ako ng ibang pagkain sa baba.” Sagot ko at saka tumayo at umalis sa
kama.

“Wife.”

“Ano?” Irita akong lumingon sa kanya. Don’t tell me pipilitin na naman nya akong
kumain ng strawberries. Yuck!! Iniisip ko pa lang bumabaliktad na sikmura ko.

“You’re not going anywhere.” Utos nya habang seryosong nakatingin sa’kin kaya
tinignan ko sya ng masama. “Uumpisahan mo na naman ba ako Ezekiel Roswell?”

Mabilis na nagbago ang facial expression ni Zeke, mula sa pagkaseryoso ay ngumiti


sya at saka tumayo. “I’ll go and get what you want, so stay here.” Sabi nya saka
ako mabilis na hinalikan sa noo at lumabas ng kwarto.

**

“Kung ikaw ba sila ano gagawin mo?” curious na tanong ko kay Zeke pagkasubo ko ng
salad. “I will kill you.” Nalunok ko ng buo 'yung nata de coco na sinubo ko dahilan
para mapaubo ako.

“What the hell?”

Hinampas ko si Zeke ng mahina habang umiinom ng tubig na inabot nya. “Nagulat naman
kasi ako sa’yo dong. Bigla kang nagsalita dyan ng ‘I will kill you’ eh kung ikaw
kaya patayin ko.” Sinamaan ko sya ng tingin pero tinawanan nya lang ako.

“I just answered what you’ve asked.”

“Ibig sabihin, baka sa mga oras na 'to pinagpa-planuhan na nila akong patayin?”
Sinubuan ko ng salad na kinakain ko si Zeke, hindi naman sya tumanggi. “Possibly.”
Sagot nya habang nginunguya ang isinubo ko.

“Aren’t you afraid?”

Natigilan ako sa paghahanap ng cheese dito sa fruit salad na hawak ko nung


magtanong sya. “Ha? Takot? Saan naman?” takhang tanong ko.
“Of them. Aren’t you afraid of them?” Tanong nya ulit.

Kinuha ko naman ang bowl ng vegetable salad na hawak nya saka sya sinubuan ng
lettuce. “Hindi naman. Siguro pag namatay na sila matatakot na ako baka multuhin
nila ako, pero sa ngayon hindi pa naman.” Sagot ko.

“Are you fucking serious?” Natatawang tanong nya.

“Mukha ba akong nakikipaglokohan?” Kunot-noong tanong ko.

“Pftt. Nah, that’s not what I meant.”Natatawa pa din si Zeke at konting-konti na


lang maibubuhos ko na sa kanya 'tong laman ng salad bowl na hawak ko. “You’re
always doing great. Like you don’t really need someone to protect you.”

Napaisip ako sa sinabi ni Zeke kaya tumingin ako sa kanya. “Kailangan ba hindi?”
Tanong ko pero mas lalo syang natawa.

“Isa pang tawa mo Zeke isusubo ko sa’yo 'tong buong bowl ng salad.”

“Sorry.” Sabi nya pero natatawa pa din naman sya. “Isusungalngal ko talaga sa’yo
'tong kutsara pang di ka tumigil.” Naiinis na sabi ko.

“Fine. Fine. It was just like...” Tumigil si Zeke sa pagtawa pero nakangiti pa din
sya.“...the whole time I am here to protect you but you always want to do it on
your own and you never cease to amaze me.”
Nakatingin lang ako sa kanya at pinipilit na intindihin ang sinabi nya. “Hindi
Zeke.” Tipid na sagot ko. “Hindi mo naiintindihan.” Dagdag ko pa.

“Nah. I get it. You could do a lot better without me.” Sabi nya.

“Kaya ko ginagawa 'yun mag-isa kasi ayaw mo akong isama.” Sagot ko. 'Yung kaninang
nakangiting mukha ni Zeke, biglang sumeryoso habang nakatitig sya sa’kin. “Hindi mo
sinasabi sa’kin kung ano ang mga plano mo, kaya nagpa-plano ako mag-isa. I can do a
lot better without you. Siguro oo, pero we can do a lot of best things if we’re
together.” Ngumiti si Zeke at saka binitawan ang bowl ng salad na hawak nya at
inalis din sa kamay ko ang bowl ng salad na hawak ko.

“Alright. From this day forward, I will tell you every single detail of my plan,
and you will accompany me in everything.”

“Totoo ba 'yan?” Nakangiting tanong ko.

“Yeah. That’s what partners must do.” Sagot nya saka ako kinindatan.

“Sabi mo 'yan ah.” Natatawang sagot ko. “Kapag hindi mo ako sinali sa mga
adventures mo, nako, nako! Who you ka talaga sa’king Zeke ka.”

“Uhh can I make an exception?” Tanong nya habang nakatingin sa tyan ko.
“Yan na nga ba sinasabi ko Zeke. Kakasabi mo lang eh.”

“Hahaha I love you.”

“Mas mahal kita.”

“Oh come on, how many time are we gonna fight about this.” Tumawa ako ng mahina. Si
Zeke naman ay ngumiti bago ako hinalikan sa labi.

**

-Kinabukasan-

Amesyl’s PoV

Ano ba naman!!! Day off ko pero an gaga-aga may nambubulahaw dito sa apartment.
“Anong ginagawa mo dito?”

“Can we talk?” Hinayaan ko lang bukas ang pinto saka ako naglakad papuntang salas
at naupo. Sigurado namang kahit sabihin kong ayoko makipag-usap, ipipilit pa din
nyang makipag-usap. Manang-mana sa pinsan nyang si Aemie.
“Thanks.” Saad nya saka isinara ang pinto ng apartment at tuluyan ng pumasok sa
loob.

“Ano bang gusto mong pag-usapan?” Tanong ko kay Caileigh nung makaupo na sya sa
tapat ko. “Kung tungkol 'yan kay Aemie, or sa kahit ano na may kinalaman sa Ferrer,
pakiusap wag mo na akong kausapin.” Paalala ko. Wala na akong papel na dapat
gampanan sa buhay nila kaya. Kaya ayoko ng manghimasok sa pamilyang—sa pamilyang
hindi ko naman kadugo.

“Why are you like that?” Hiyaw ni Caileigh sa’kin. “Why are you so mean?” Dagdag pa
nya.

“Ako pa ba? Nasasabi mo 'yan kasi hindi ikaw ang nasa lugar ko Caileigh. Naranasan
mo na bang ma-echepwera?” Tanong ko.

“I’ve been there. Buong buhay ko Amesyl that’s what I felt.” Tumulo ang luha ni
Caileigh. Nararamdaman ko na din ang pagsikip ng dibdib ko dahil pinipigilan kong
tumulo ang luha ko. “And it also came to the point na galit ako sa lahat pati ang
sarili ko. I was so downhearted back then. Pero wala 'yung nadulot na maganda.”
Dagdag pa nya.

“You’re lucky, because for 20 years kasama mo sila. And I’m sure kahit malaman nila
ang totoo they will still treat you as their family. Kaya hindi ka dapat
nagkakaganyan. Aemie needs you.” Sunud-sunod ang ginawa kong paglunok para pigilan
ang pagtulo ng luha ko. Pero hindi ko din napigilan.

**
Aemie’s PoV

Maaga akong gumising at kumain ng agahan. Pagkatapos, bumalik ako sa kwarto namin
ni Zeke para pag-aralan lahat ng files ng Black Organization. 5:30AM pa lang, tulog
na tulog pa si Zeke samantalang ako gising na gising na. I must know kung ano ang
weaknesses and strengths ng mga kalaban namin.

Tama si Zeke, hindi ko alam kung ano ang mga possible consequences ng ginawa ko,
kaya kailangan kong maghanda ng mabuti.

Una kong chineck ang buong history ng Black Organization. Tuwing may mamamatay o
aalis na leader, mabilis nila 'yung napapalitan.

“Ibig sabihin pag may pinatay kaming leader ng Black Organization, papalitan lang
din nila agad?” Tanong ko sa sarili. Edi useless lang pala gagawin namin?

“That’s right.”Tumingin ako sa gawi ni Zeke dahil nadinig ko syang nagsalita. Antok
na antok pa ang boses nya. Nakahiga pa din sya sa kama namin.

“Gising ka na ba hubby?” Nagtatakhang tanong ko habang kagat-kagat ang pambura ng


lapis na hawak ko.

“Not yet.”

Tumaas ang isang kilay ko nung sumagot si Zeke. Hindi daw, pero nagsasalita.
“Okay.” Sagot ko saka itinuloy ang pagbabasa.
Kasama sa rules ng Black Organization na patayin ang sino mang leader na titiwalag
sa kanila. “Huh? Eh diba umalis si daddy sa Black Organization? Ibig sabihin
papatayin din sya?” Nagtatakhang tanong ko.

“Correct again.” Tumingin ulit ako kay Zeke dahil nagsalita na naman sya.

Humigop ako ng gatas saka sumandal sa recliner. “Ano bang dapat naming gawin?”

“Let’s get back to sleep. Fck wife, it’s too early for that.” Kinuha ko ang unan na
nakapatok sa isang mahabang upuan malapit sa’kin saka ko ibinato kay Zeke. “Matulog
ka na lang dyan. Daldal ka ng daldal.” Inis na sabi ko. Inaantok pa pala sya eh
bakit hindi sya matulog, sagot sya ng sagot sa mga tanong ko hindi naman sya ang
kausap ko. May konti din 'to eh.

“Do you still remember what I have told you last night?” Nakasubsob pa si Zeke sa
kama pero patuloy pa din sa pagdaldal. Saan ba nagmana ng kadaldalan 'tong lalaking
'to. “We’re partners right?” Paalala nya.

“Oo na manahimik ka na dyan at matulog ulit.” Sagot ko.

**

Excited akong umalis ng bahay para pumunta sa supermarket. Ang tindi ding matulog
ni Zeke, dati naman ang aga-aga nyang matulog samantalang ngayon gising na yata ang
lahat pero sya tulog na tulog pa din sa taas.
“Sure ka bang ayos lang na umalis tayo kahit tulog pa si bossing?” Tanong ni
Sebastian. “Oo naman no, saka kailangan ko ng magmadali at pumunta ng supermarket,
madami akong lulutuin para kay Zeke hehehe.”

Pagdating na pagdating namin ni Sebastian sa supermarket ay inumpisahan na naming


hanapin ang mga ingredients na nasa listahan ko.

Napapangiti ako tuwing maiisip kong hindi naalala ni Zeke na monthsary namin ngayon
hehehe. Kahit kalian talaga 'yung lalaking 'yun shunga. Tapos maaalala nya lang
lagi kinabukasan na.

“Hindi kaya magtakha si bossing pag pumunta sya ng opisina tapos wala ka naman dun
Ms. Aemie?” Tanong ni Sebastian. Patuloy lang ako sa pagpili ng brand ng pasta,
para sa mga pasta dishes na lulutuin ko. “Hehehe hayaan mo sya maghanap para mas
madami akong time mag-prepare.” Nawala din kasi sa isip ko na 13 pala ngayon. Buti
na lang nakita ko sa date ng laptop kanina.

**

-Meanwhile-

Milka’s PoV

“Seen my wife?” tanong ni kuya Ezekiel while jogging down the stairs. “Umalis boss
kasama ni Lerwick.” Sagot ni kuya Jacob.
“Pfft. As expected.” Kinuha nya ang cellphone nya at saka may idinial na number.

“Is everything ready for tomorrow?... Good.”

Nakangiting umupo si kuya Ezekiel sa sofa saka kumuha ng isang libro para basahin.

“Whoa good mood ah! Naka-score ba boss?” Tumahimik agad si kuya Kaizer nung tignan
sya ng masama ni kuya Ezekiel. “Kalma! Wengya! Nagbibiro lang ako eh.”

“What time will they be back?”

“Hindi namin alam boss eh. Pero siguro saglit lang 'yung mga 'yun.” Sagot ni kuya
Vash.

“Can I ask something? Nagtatakha lang kasi ako.” Tumingin kami kay ate Fauzia nung
nagsalita sya. “Bakit magkaibang date ang alam nyong monthsary?” Thank goodness
tinanong ni ate Fauzia, kanina ko pa din gustong itanong 'yun.

“Hahahaha. Gabi ng February 13 kasi sila nagpakasal noon. Midnight na, kaya
February 14 na. Ang buong akala ni Aemie February 13 pa din. Ito namang si boss
February 14 lagi nagcecelebrate.”

“Then why don’t you celebrate it every midnight. I mean, between 13 and 14.” Singit
ni ate Cassandra sa usapan.
Hindi sumagot si kuya Ezekiel pero nakangiti sya while listening to the
conversation. “Naks! Oo nga naman 'no.”

**

Sebastian’s PoV

Sinusulyapan ko si Ms. Aemie na kanina pa tinitignan ang bracelet na binili nya.


Tahimik syang nakaupo sa tabi ko habang ako naman ay nagmamaneho nitong sasakyan.
Pauwi na kami. Kanina pa nga sya nagmamadali dahil magluluto pa daw sya. “Tingin mo
ba magugustuhan 'to ni Zeke?” Gawa sa white gold na chain deisgned ang binili nya.

“Oo naman. Ang bangis kaya nyang napili mo.” Nakangiting sagot ko.

“Talaga?” Tuwang-tuwa na tanong nya habang nakatingin sa bracelet.

“Naman!” Kumpyansang sagot ko.

Napakunot ako ng noo nung may mapansin akong kakaiba. Tae! Hindi pwedeng mangyari
‘to.

Ilang ulit ko pang sinubukan diinan ang pagkaka-apak sa preno pero talagang hindi
kumakagat. “Sebastian may problema ba?” Nakangiting tanong ni Ms. Aemie.

Syet!

Ngumiti ako at pinilit itago sa sarili ko ang nangyayari. Habang patuloy lang akong
nagda-dive sa gitna ng highway. “Hahaha meron. Masyado akong gwapo. Laking problema
nun.”

“Kapal ng mukha.” Natawa ako ng mahina nung nadinig ko syang bumulong.

“Ms. Aemie, paki-check naman ang seatbelt mo kung nakaayos ng mabuti. May
nanghuhuli kasi dito sa gitna ng highway.”

Dali-dali nyang sinunod ang pakiusap ko at tinignan ang seatbelt nya. “Uhmm oo,
ayos naman.”

“Hahaha nice! May unan sa likod. Ginagamit ko 'yun pag natutulog dito sa kotse.”
Umpisa ko.

“Huh? Ano naman ngayon?” Tanong nya.

“Pakikuha naman oh. Medyo maselan kasi ako sa gamit. Kaya ayokong kung saan-saan
nakapatong 'yung unan. Ayos lang ba na hawakan mo muna saglit?” Takte! Ano ba
namang dahilan 'yang mga naiisip ko.
Sinulyapan ko si Ms. Aemie, nakakunot ang noo nya at mukhang nagtatakha na din sa
mga pinagsasasabi ko. Pero hindi din naman nagtagal at kinuha din nya ang unan at
saka inilagay sa harap nya. “Nays. Salamat.” Nakangiting sabi ko.

Hanggang sa mga oras na 'to hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko pang sinubukang
tapakan ang preno ng sasakyan pero petengene! Talagang ayaw kumagat.

Wala na akong choice.

Pinihit ko ang manibela ng sasakyan nung makakita ako ng puno saka mabilis kong
tinanggal ang seatbelt na suot-suot ko para yumakap kay Ms. Aemie.

Nadinig ko ang malakas na pagbangga ng sasakyan namin at ang sunod-sunod na busina


ng mga sasakyan bago ako tuluyang nawalan ng malay.

**

Grethel’s PoV

“Kamusta?” Tanong ko sa isa sa mga utusan ko.

A little smile formed in his lips. “Hindi namin magagawang patayin ang asawa ni
Roswell sa public place kaya ginawan na lang namin ng paraan Ma’am.”
Padabog kong inilapag ang baso ng wine na hawak ko. “Are you nuts? How can you be
so sure na nagawan nyo ng paraan?” I asked. Halos mag-hysterical na ako na inis. I
want that bitch dead.

Kinuha nya ang remote control ng TV to turn it on. And to my surprise there’s a
breaking news. “An accident in highway?” I asked.

I smiled when I saw the news. And the good thing is, both of the passengers are in
critical condition. “I am hoping na isa dyan si Aemie Roswell.” I chuckled.

**

A/N :

Happy New Year everyone! :* Loves!

=================

Chapter 26

Meisha’s PoV
“WHAT?! What happened? Where the fuck are they? How’s my wife?” Mr. Roswell
exclaimed. Sunud-sunod ang mga tanong na pinakawalan nya. He’s in a rush to leave
when Jacob Lee asked him. “Ano nangyari boss?”

“Boss.” Vash stood up pero parang walang nadinig si Mr. Roswell.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko, I was actually waiting for an answer. Maging ang
iba ay nag-aantay din. Pero mukhang hindi din naman nya kami masasagot. Nagsuot sya
ng hoodie jacket bago lumabas ng pinto.

“Anak ng! Mukhang hindi maganda ang kutob ko dito ah.” Max’ said.

So we have no choice but to follow Mr. Roswell. Kinuha ako ang jacket ko at saka
nagmadaling isuot. I hopped on my motorbike pagkapunta ko ng parking lot and drive
as fast as I could para makasunod kay Mr. Roswell.

“Where is he going?” Cassandra loudly asked while driving her own bike.

“I don’t know.” I shouted back.

Hindi lang kaming dalawa ni Cassandra ang sumunod kay Mr. Roswell. Jacob, Max,
Vash, Milka, Tristan, Spade tailed his car as well.

This is weird, why do I feel so nervous?


Habang palayo ng palayo ang tinatakbo ng motorbike na dala ko, pabigat ng pabigat
ang pakiramdam ko. May hindi ba magandang nangyari?

Mr. Roswell’s car slowed down sa gitna ng highway. At nung tinignan ko kung saan
sya papunta. I started slowing down my bike, pero kabaligtaran ang nararamdaman ko.
Dahil pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Nagsimula na ding manlamig ang mga
kamay ko habang pababa ako ng bike.

“Oh shit! What the hell happened?” Bulong ni Cassandra nung makababa din sya ng
motorbike. “I don’t know.” I answered in shaking tone, almost whispering.

“Let’s keep moving.” Tristan held my hand at saka kami sabay na naglakad. Masyadong
crowded ang lugar. Ang daming mga nakiki-usisa. There are ambulances, police cars,
even reporters from different TV stations and civilians everywhere.

“Wife!” We heard Mr. Roswell’s voice kaya nagmadali na kaming pumunta sa


pinanggagalingan ng boses nya.

**

Sebastian’s PoV

Humawak ako sa ulo ko nung makaramdam ako ng sakit. Tang*na! Nakapikit pa ako at
patuloy lang na nakikiramdam sa paligid ko.
May nadidinig akong hiyaw at iyakan ng mga tao, tunog ng sasakyan ng pulis, busina
ng mga sasakyan. At tunog ng ambulansya—“Shit si Miss Aemie!”

Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at inilibot ang paningin. Nasa loob
ako ng isang sasakyan. An ambulance mobile car to be exact. Inalis ko ang puting
tela na nakakumot sa’kin at saka nagmadaling binuksan ang likod para lumabas.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto nitong ambulansya ay bumulaga agad sa’kin ang


labi ng isang tao na buhat-buhat ng dalawang pulis. Nakatalukbong ng puting kumot
at isasakay nila sa isa pang ambulansya. Madami ding mga taong nakapaligid at mga
nakatigil na sasakyan. Pero nakatutok lang ang tingin ko sa labi na buhat-buhat ng
mga pulis.

Shit si Miss Aemie!

Hinilamos ko ang mukha ko at saka sumunod sa dalawang pulis. “Mga bossing teka.”
Pigil ko sa dalawang pulis. Takte naman! Tumigil silang dalawa habang ako naman ay
nanlalamig ang mga kamay.

Kita ko ang panginginig ng kamay ko nung hinawakan ko ang puting tela na nakatakip
sa buong katawan nung taong nakahiga sa harap ko. Huminga ako ng malalim at
inihanda ang sarili ko. Unti-unti kong inalis ang puting tela at—

“Sebastian? Okay ka na ba?”

Mabilis kong ibinalik sa pagkakatakip ang puting tela at lumingon sa likod ko.
Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya. “Miss Aemie.”
Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.

“Okay ka na ba?”

“Ayos ka lang ba?” Tanong ko pabalik sa kanya habang palapit.

“Ikaw 'yung nawalan ng malay tapos ako ang tatanungin mo kung ayos lang ako?
Siraulo ka ba?” Natatawang sagot nya. “Oo nga pala, kinuha ko cellphone mo,
pinatawagan ko si Zeke para puntahan nila tayo dito.” Nakangiting sabi nya habang
pinapakita sa’kin ang cellphone ko na hawak-hawak nya.

“Anong nangyari?” Tanong ko habang pinipilit alalahanin kung ano ang nangyari. “Ang
alam ko nadinig kong bumangga ang sasakyan natin bago ako nawalan ng malay.”
Naguguluhang saad ko.

“Huh? Ayun 'yung sasakyan oh.” Sinundan ko ng tingin ang sasakyan na itinuro ni Ms.
Aemie. Nakatigil ang sasakyan na sinasakyan namin kanina sa may gilid ng highway at
walang kahit na anong bakas ng gasgas.

“Pero may nadinig talaga akong malakas na kalabog bago—“

“Ayun siguro 'yung nakita mo.” Tinuro nya ang isa pang sasakyan na halos hindi na
makakilala. Sumalpokang sasakyan sa barricade ng highway. Kitang-kita ko pa ang mga
gasgas sa ibang barricade. Mukhang kinaladkad pa ng sasakyan ang gilid ng highway
bago tuluyang sumalpok.
Inihilamos ko ang dalawang kamay ko sa mukha. Hindi pa din ako makapaniwala.
Paanong nabuhay kami? “Ang akala ko—“

Ngumiti lang si Ms. Aemie at saka ako inayang maupo sa likod ng isa pang ambulansya
na nakabukas. “Excuse me, may tubig po ba kayo?” Tanong nya sa isa sa mga nurse.
Umalis agad ang nurse, at pagbalik nito, may dala na syang isang bote ng mineral
water.

“Oh, uminom ka muna habang hinihintay natin silang dumating.” Sabi ni Ms. Aemie.
Inilipat ko ang tingin ko sa paalis na sasakyan ng ambulansya lulan ang mga labi ng
inakala kong si Ms. Aemie. Kasunod nun ay napatingin ako sa kumpulan ng mga tao.
May isa pa silang taong pinagtitinginan. “Grabe 'yung nangyari sa kanila 'no?” Saad
ni Ms. Aemie habang nakatitig din sa kumpulan ng tao.

Hindi ko man alam kung ano ang buong pangyayari, nagpapasalamat akong ayos kaming
dalawa. Lalo na si Ms. Aemie at ang anak nila ni bossing.

“Wife!”

“Shit! Ano nangyari?”

“Are you both alright?”

“Anak ng tinola Lerwick ano 'yang nasa ulo mo?”


“Thank goodness you’re alright.”

“Kinabahan ako don ah.”

**

Aemie’s PoV

Ngumiti ako at yumakap agad kay Zeke nung makarating sila. “What happened? Are you
alright? Do you want to eat? Drink? How’s our baby? Do you need something?” Sunud-
sunod na tanong ni Zeke nung makaalis ako sa pagkakayakap nya habang tinitignan nya
ako mula ulo hanggang paa.

“Hahahaha para kang tanga dong.”

“What the? I am damn serious wife. How can you even laugh about it?”

“Hahahaha.” Hindi ko mapigilan na hindi matawa kahit galit na galit na si Zeke. Ang
OA naman kasing mag-react. Tapos idagdag mo pa 'yung malamig nyang kamay na ang
higpit ng kapit sa kamay ko.

“Wife stop laughing. It’s not funny.”


“Hahaha.” Sinubukan kong pigilan ang tawa ko pero natatawa talaga ako. Huhuhu. “Wag
ka kasing ganyan Zeke, natatawa ako lalo sa itsura mo eh.” Sagot ko.

“Shut up.” Iritang sagot nya kaya tinakpan ko ang bibig ko para hindi ako matawa.
Nung tumigil na ako sa pagtawa ay saka lang sya ulit nagtanong. “What exactly
happened?” Seryoso ang tingin ni Zeke.

-Flashback-

“Tingin mo ba magugustuhan 'to ni Zeke?” Pinagmamasdan ko ang bracelet na hawak ko.


Excited na ako hehehehe. Hindi ko alam kung magugustuhan 'to ni Zeke pero siguro
naman 'no? Ang hirap kayang pumili.

“Oo naman. Ang bangis kaya nyang napili mo.” Nginitian ko si Sebastian dahil
nakangiti din sya habang sinasabi nya 'yun.

“Talaga?”

“Naman!”

Hehehehe pero okay lang din naman kung hindi 'to magustuhan ni Zeke bumili naman
ako ng reserba. Dinukot ko mula sa bulsa ko ang isa pang bracelet at saka tinignan.
Barbie 'yung design ng bracelet. Just in case lang naman na hindi magustuhan ni
Zeke 'tong binili ko diba? Para sigurado hehehe.
Lumingon ako kay Sebastian nun mapansin kong parang hindi sya mapalagay. Lumingon
din ako sa likuran ng sasakyan. Wala namang sumusunod saming dalawa na kahina-
hinalang sasakyan. “Sebastian may problema ba?” Ngumiti ako sa kanya para hindi nya
mahalata na alam kong may iba sa kilos nya.

“Hahaha meron. Masyado akong gwapo. Laking problema nun.”

“Kapal ng mukha.” Bulong ko. Napatingin ako sa side mirror ng kotse na sinasakyan
naming ni Sebastian. Tanaw ko mula sa kinauupuan ko ang isang kotse mula sa malayo
na pagewang-gewang ang andar.

Posible kayang ayun ang napansin ni Sebastian?

“Ms. Aemie, paki-check naman ang seatbelt mo kung nakaayos ng mabuti. May
nanghuhuli kasi dito sa gitna ng highway.” Mabilis kong tinignan ang seatbelt ko
kung maayos. “Uhmm oo, ayos naman.” Sagot ko nung matapos ko ng inspeksyunin.

“Hahaha nice! May unan sa likod. Ginagait ko 'yun pag natutulog dito sa kotse.”
Sabi ni Sebastian.

“Huh? Ano naman ngayon?” Tanong ko. Sinulyapan ko muli ang kotse na pagewang-gewang
ang andar kanina. Medyo mas malapit na sya ngayon sa’min. Tinignan ko si Sebastian
kung tumitingin sya sa likod pero mukhang hindi naman 'yun ang napapansin nya.

“Pakikuha naman oh. Medyo maselan kasi ako sa gamit. Kaya ayokong kung saan-saan
nakapatong 'yung unan. Ayos lang ba na hawakan mo muna saglit?” Pakiusap nya.
Tinignan ko sya ng nakakunot ang noo dahil sa mga sinabi nya. May sa sira ulo din
pala 'tong si Sebastian, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya ngayon pero
mas mabuti na ding sumunod ako.
Kinuha ko ang unan sa likod ng kotse, abot ng kamay ko ang unan kaya hindi naman
ako nahirapan. Pero mula sa pwesto ko ay mas kita ko na ang kotseng kasunod namin.
Ang ibang sasakyan ay nagsisitabi na dahil sa mabilis na sasakyang parating pero
mukhang hindi pa din 'yun nakikita ni Sebastian.

“Nays. Salamat.”

Sinulyapan ko muli sya, pati ang kotseng palapit ng palapit sa direksyon namin.
Pabalik-balik lang ang tingin ko. Iniliko ni Sebastian ang kotse kaya nanlaki ang
mga mata ko. Pag nagtuloy-tuloy ang andar ng kotse sa amin babangga ang kotse sa
likod.

Nabigla ako sa mabilis na pagyakap ni Sebastian sa akin kasabay ng pag-abot ko sa


manibela para iliko sa kabilang direksyon. Hinatak ko ang handbreak at pinatay ang
makina ng sasakyan. Kasabay ng paghinto ng sasakyan namin ay sya namang pagsalpok
ng isang sasakyan sa barrier ng highway. Mabilis ang paghinto ng sasakyan namin
kaya medyo malakas ang impact dahilan para humampas ang ulo ni Sebastian sa
dashboard ng kotse.

“Ano ba naman ‘to si Sebastian, bakit ka ba naman kasi yumakap pa?” Tanong ko sa
kanya pero mukhang hindi na nya ako nadidinig.

“Sebastian.” Tinapik ko ng mahina ang pisngi nya pero mukhang hindi nya ako
nadidinig.

Iniayos ko sya ng upo bago ako lumabas ng kotse.


“Omygod!” Napatakip ako ng bibig nung makita ko ang sinapit ng sasakyan.

Sunud-sunod din ang busina ng mga naabalang motorista sa kalye, meron na din agad
tunog ng ambulansya na paparating.

Ilang saglit pa ay may dumating na mga ambulansya, kasunod ang mga patrol sa
highway. Meron na ding mga nagkumpulang tao at pati mga reporters. Grabe! Ang bilis
namang kumalat ng balita ngayon.

“Uhm excuse me.” Tawag ko sa isang nurse na lumabas mula sa ambulansya. “Yes
Ma’am?”

“Yung kasama ko kasi nawalan ng malay saka medyo nasaktan na din. Pwede bang paki-
check naman?” Pakiusap ko sa kanya.

“Opo.” Mabilis na sagot nung nurse at saka ko sya sinamahan papunta sa kotse.
Tumawag din sya ng dalawa pang lalaking nurse para ihiga si Sebastian sa stretcher.

“Excuse me Ma’am kasama po ba kayo sa aksidente. Pwede po bang malaman ang pangalan
nyo at—“

“Excuse me din ho ano? Tatawagan ko pa po ang asawa ko. Kaya pwede bang mamaya na
kayo magtanong.” Inis na sabi ko sa isang reporter. Malay ko ba dyan sa aksidenteng
sinasabi nya. Eh hindi naman kami 'yung naaksidente. Bakit hindi 'yung mga
naaksidente ang interviewhin nila. Nakakainis ah.
Sumilip ako sa loob ng kotse saka kinuha sa dashboard ang cellphone ni Sebastian.
“Ma’am paki fill-up naman ho nitong papel.”

“Para saan naman 'yan?” Tanong ko. “Para ho dun sa boyfriend nyo.”

“Boyfriend? Wala akong boyfriend.” Sagot ko habang hinahanap sa contacts ang number
ni Zeke.

“Yung lalaki hong kasama nyo. Kailangan nyo po kasing fill-upan 'to para sa check-
up and medication.” Pangungulit nung nurse.

“O sige. Tawagan mo asawa ko.” Iniabot ko sakanya ang cellphone ni Zeke ng padabog.
Nakakairita naman kasi. Emergency 'to ang dami pang kailangang fill-upan. Hindi ba
pwedeng asikasuhin muna nila si Sebastian bago magpa fill-up ng kung anu-ano.
Hayy!! Pinaiinit ang ulo ko.

-End of Flashback-

Nakasakay na kaming dalawa sa kotse ni Zeke nung matapos ako sa pagkwento ng


nangyari. “Wait me here.” Kumunot ang noo ko dahil binuksan ni Zeke ang pinto ng
kotse nya para lumabas. “I’m gonna check your car’s brake.” Nakangiting sabi nya
saka lumapit sa kotse na sinakyan namin kanina ni Sebastian.

Umayos ako ng upo at saka tumingin sa mga tao sa labas ng kotse. Ang dami pa ding
tao kahit wala na dito ‘yung mga sakay nung nabanggang kotse. Ano naman kaya trip
nitong mga 'to sa buhay.
Patuloy lang ako sa pagtingin nung may mapansin akong dalawang lalaki na nakatingin
sa direksyon ko. Inalis ko agad ang tingin ko sa kanilang dalawa para hindi nila
mahalata na nakita ko sila. Isinakbit ko ang bag na dala ko sa balikat ko at saka
bumaba ng kotse.

Palapit ako ng palapit sa direksyon nung dalawang lalaki pero hindi ako tumitingin
sa kanilang dalawa.

“Don’t move.” I warned the guy right in front of me habang patagong nakatutok sa
kanya ang baril na hawak ko. Nginitian ako nung lalaki kaya dininiin ko sa tyan nya
ang baril na hawak ko. “Wala akong pakialam kahit gaano kadami ang tao dito.”
Babala ko. Pero syempre jokijoki lang 'yan no! Ayoko kayang makulong.

Aalis sana 'yung isang lalaking kasama nya para tumakas pero naharangan agad sya
nila Tristan at Spade. Nginitian ko silang dalawa, pati ang sumulpot na lang bigla
na sila Vash, Jacob at Kaizer.

Tinanggal ko sa pagkakatutok ang baril na hawak ko saka naglakad pabalik sa kotse.


Sinundan ko ng tingin ang dalawang lalaki na pinasakay nila Kaizer sa isa pang
kotse. “You’re so damn impressive.” Lumingon ako at ngumiti kay Zeke. Nasa tabi ko
na sya at nakatingin din dun sa dalawang lalaki kanina.

“Brake failure.” Tipid na sabi nya. Brake failure? “I saw some hot spots on the
car. It actually resist the friction from the brake shoes and pads, so the breaking
power is lost.”

'Yun kaya ang dahilan kaya hindi mapakali si Sebastian kanina? “Pero okay naman
'yung kotse nung umalis kami.” Paliwanag ko.

“Maybe it was really an accident or—“


“Pwedeng may gusto talagang mawalan ng preno ang sinasakyan namin.”

“I guess it’s the latter.” Sabi nya habang nakatingin sa dalawang lalaki na ngayon
ay nasa loob na ng kotse ni Kaizer.

Pinagbuksan ako ni Zeke ng pinto ng kotse bago sya sumakay.

Black Organization.

“Talagang ginagalit nila ako ah.” Bulong ko. Nakadinig ako ng mahinang pagtawa mula
kay Zeke na kakasakay lang ng kotse. “We better go to the hospital and take a
proper check-up before we proceed talking to those two bastards.” Sabi ni Zeke
pagka-start nya ng engine ng sasakyan. “Wait dong! Na-check mo na ba 'yang sasakyan
mo? Baka naman mamaya--”

“Hahaha yes boss, it’s perfectly fine.” Natatawang sabi nya.

“Maganda na 'yung sigurado. Pero teka, okay din naman ako, kaya wag na tayong
dumaan ng ospital.”

“But—“

“Ayos lang ako Zeke ano ba!”


“You sure?”

Sinabi na ngang ayos lang pa you sure, you sure pa. “Gusto pa paulit-ulit?” Naiinis
na tanong ko. Gusto ko ng kausapin 'yung dalawang siraulo kanina eh.

“Hahaha.”

Tinignan ko ng masama si Zeke dahil tumawa pa talaga sya bago tuluyang pinaandar
ang sasakyan. Nginitian lang nya ako saka ibinalik ang tingin sa daan. Batukan ko
kaya 'to?

Isinandal ko ang ulo ko sa headrest ng upuan ng kotse. Nakakaantok. Feeling ko ang


dami-dami ko ng ginawa kahit naman—

“Waaaa!”

Mabilis na inihinto ni Zeke ang sasakyan nung humiyaw ako. “What the hell?!”
Hinampas pa nya ang steering wheel nung makatigil na kami.

“Dong! Kailangan ko na pala umuwi.” Nagmamadaling sabi ko. Naalala ko bigla na


kailangan ko nga pala magluto. Huhuhu. Bwisit naman kasi si Sebastian, kung hindi
ba naman sya pashunga-shunga kanina edi sana hindi na-delay paghahanda ko para sa
monthsary namin.
“I thought you want to talk to those two assholes.” Kunot-noong tanong ni Zeke.

“Oo nga pala 'no.” Sumandal ulit ako sa upuan at saka inihiga ang ulo ko. “Sige
bilisan na lang na’tin.” Sabi ko.

Sinimulan na ulit ni Zeke ang pagpapaandar ng kotse. Ako naman ay nakatitig lang sa
kanya. “Don’t kill me with your stare wife.” Natatawang sabi ni Zeke. Hindi ko pa
din inaalis ang tingin ko sa kanya. Naisip ko lang kasi bigla, hindi ba nya
naaalalang monthsary namin ngayon?

Sinulyapan nya ako saka sya nagtanong. “Why?”

“Uhmm wala ka bang naalala na alam mo na dong.”

“Huh? I don’t get it.”

“Abnormal din.” Bulong ko. Alangan sabihin ko sakanyang monthsary namin ngayon.
Wala man lang ba syang sariling kusa na tandaan ang date ng monthsary namin?

“Hindi mo ba talaga alam kung anong meron sa 13?” Diretsong tanong ko sa kanya.

“No.” Mabilis na sagot nya.


“Eh kung iuntog kaya kita dyan sa steering wheel Zeke ha?!”

Tumawa ng malakas si Zeke kaya nanlaki ang mga mata ko sa inis. “What so special
about 13? It’s just a number. I don’t find it cute nor interesting.”

“Ulul!” Bulyaw ko sa kanya saka ko sya tinalikuran at hinarap ang bintana ng


sasakyan. Bahala ka dyan magdadaldal.

“Hey! When and how did you learn to cuss?” Tanong ni Zeke. Pero naririnig ko namang
tumatawa sya ng mahina. “Ewan ko sa’yo. Talk to my hand.” Tinakpan ko ang dalawang
tenga ko at saka pinikit ang mga mata ko saka prenteng sinandal ang ulo ko sa
headrest ng upuan nitong sasakyan. What so special, what so special your face.
Nakakainis ah!

**

Iminulat ko ang mga mata ko nung may maramdaman akong humalik sa pisngi ko.
“Lovely.” Umayos sya ng tayo kaya napansin kong nasa labas na pala ng kotse si Zeke
at hinihintay na din akong lumabas ng kotse. Nandito na pala kami? Nakatulog pala
ako kanina.

Inilahad ni Zeke ang kamay nya para alalayan akong bumaba ng kotse. “Thanks.”
Nakangiting sabi ko sa kanya pagkababa ko ng kotse. “Always welcome.” Sagot naman
nya saka ako kinindatan.

Inilibot ko ang tingin ko sa lugar na kinaroroonan namin. Nasa tapat namin ang
isang maliit na building na parang wala namang nakatira sa loob pero hindi naman
luma. First time ko lang pumunta dito.
“Lakad.”

Lumingon ako sa kanan nung madinig ko ang boses ni Kaizer. May mga hawak na silang
baril at nakatutok sa dalawang lalaki.

Naunang maglakad sila Jacob at Vash. Kasunod nila sila Fauzia at Milka. Sa likod ni
Fauzia at Milka ay ang dalawang lalaki. Nasa gilid naman ng dalawang lalaki sila
Tristan at Spade. Sa likod ng dalawang lalaki ay naglalakad sila Kaizer at
Sebastian.

Inaya ako ni Zeke na maglakad kaya naglakad kami. Nasa likuran naman namin sila
Meisha at Cassandra. Para tuloy kaming mga langgam, pila-pila pa sa paglalakad.
Hehehe.

Nung makapasok kami sa building ay may sumalubong sa’min. Mga men in black na naman
ang trip nito dahil puro naka-black suit.

“Mga tao mo sila Zeke?”

“Yeah.”

Minsan nga naiisip ko kung bakit kailangang ganun pa ang suot nila? Hindi masyadong
magastos pag nakaganyan sila lagi. Pwede namang sando at shorts na lang para tipid.
Imagine araw-araw kailangan nilang magsuot ng ganyan? Ang gastos nun ah. Eh kung
sando at shorts? Tatlo isang daan lang nun sa palengke.
Mai-suggest nga 'yun kay Zeke.

Hindi na ako nagsalita hanggang makarating kami sa basement. Sumalubong sa amin ang
isang pagkalaki-laking steel door. Parang isang malaking vault ang itsura nito.

“Maiiwan na lang muna kami dito.” Sabi ni Cassandra. Kasama nya sila Milka, Spade
at Tristan na nagpaiwan sa labas ng pinto.

Pinasok na namin ang malaking steel door. Inilibot ang paningin ko sa buong lugar.
Ang sahig ay marble, may mga steel tables at steel chairs. Sa dalawang steel table
ay may iba’t-ibang klase ng armas. Lumapit ako para isa-isang inspeksyunin ang mga
'yun. Habang 'yung dalawang lalaki ay pinaupo nila Kaizer saka nilagyan ng bakal na
kadena sa kamay at paa.

Parang nagningning ang mga mata ko nung tinignan ko lahat ng nasa table. Lahat
mukhang sobrang talim. Mula sa pinaka-maliit na surgical knife hanggang sa mga
iba’t-ibang uri ng kutsilyo, pati katana meron. Sa kabilang steel table naman ay
iba’t ibang uri ng baril ang nakapatong.

Tinignan kong maigi ang buong lugar. Nagtayuan ang mga balahibo ko nung sumagi sa
isip ko na baka ito ang ginagamit nilang lugar pag may tinotorture. Huhuhu.
Nakakatakot. Edi ibig sabihin pala madaming multo dito?

Tumakbo ako palapit kay Zeke at kumapit ako ng mahigpit sa braso nya kaya tumingin
sya sa’kin. “Missed me?” Bulong nya ng nakangiti.

“Hindi.” Sagot ko. Magkasama kami tapos mami-miss ko sya? Grabe din. “Naisip ko
lang kung may mga namatay na dito?” Bulong ko sa kanya.
“Uhh yeah. Why?”

Huhuhu sabi ko na, sabi ko na eh! “Wala.” Hindi ko pinapahalata kay Zeke pero
talagang kinakabahan na ako. Kayo kaya dito sige tignan nyo kung hindi kayo
kabahan.

Tumingin ako sa dalawang lalaki nung makadinig ako ng pagdaing. “Umayos kayong
dalawa kung gusto nyo pang sikatan ng araw.” Madiin na sabi ni Sebastian sa kanila.
Hindi maipinta ang mukha nya. Ngayon ko lang nakitang ganito ka-seryoso si
Sebastian.

Lumapit sya sa steel table na tinitignan ko kanina at saka pumili ng kutsilyo.


“Kayo bang dalawa ang dahilan kung bakit walang preno ang sasakyan namin?” Tanong
nya habang naglalakad pabalik sa dalawang lalaki.

Walang kahit na isa sa kanilang dalawa ang sumagot. Parehas lang silang nakatungo.
At talaga namang kung makikita nyo ang itsura nilang dalawa ang sarap nilang iuntog
sa sahig. “Hindi nyo ba nadinig ang tanong ni Sebastian?” Inis na tanong ko.

“Wife. Calm down.”

“Nakakainis dong eh. Pigilan mo ako, babanatan ko 'yang dalawang 'yan.” Ang simple-
simple lang naman kasi. Sasagot lang ng oo o hindi, hindi pa nila magawa.
Tumawa si Zeke ng mahina. Kasunod ng pagtingin sa’min nila Sebastian. “Ako na nga
ang magtatanong sa kanila.” Pagpri-prisinta ko.

Kumalas ako sa pagkakakapit kay Zeke at saka ako lumapit sa steel table para kumuha
ng baril. “Alam nyo bang nawalan ng preno sasakyan namin kanina ni Sebastian?”
Tanong ko habang nilalagyan ng bala ang baril na kinuha ko.

Hindi sila sumagot kaya nagtanong ulit ako. “Kayo ba ang may gawa nun?” Tanong ko
ulit. Natapos ko na ang paglalagay ng bala kaya lumapit na ako sa kanilang dalawa.
Ikinasa ko ang baril na hawak ko at saka ipinutok sa binti ng isang lalaki.
Umalingawngaw ang putok ng baril sa buong kwarto. Sunod ay nadinig namin ang
pagdaing ng lalaki dahil sa ginawa ko.

“Ayaw nyo talagang magsalita?” Ikinasa ko ulit ang baril na hawak ko at saka
itinutok sa lalaking pinaputukan ko kanina. “Huling tanong, sino ang nag-utos sa
inyo na gawin 'yun?”

Kakalabitin ko na ang gatilyo ng baril nung magsalita ang isang lalaki. “S-si
Grethel.” Bulong nya. Grethel? Si Grethel Canary Lux ba ang ibig nyang sabihin?

“Sinong Grethel?” Singit ni Vash.

“Grethel Canary Lux.” Mabilis na sagot nung lalaki.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Zeke. So tama nga, si Grethel nga. Hindi naman
kasali si Grethel sa Black Organization, pero sya din 'yung nasa video na kasama
nila Satana. Bruhildang babaeng 'yun. Binubwisit nya ako.
“Sino pa?” Tanong ni Kaizer. “May iba pa ba kayong alam?”

Bumalik na ako sa steel table at ibinalik ko ang baril na hawak ko. Pagkatapos ay
dali-dali akong lumabas ng basement para lumabas ng building.

“Wife wait. Where are you going?” Hinawakan ni Zeke ang braso ko para pigilan kaya
napahinto ako sa paglalakad. “Kay Grethel. Sasaktan ko talaga 'yung babaeng 'yun
Zeke. Naiinis ako ha.” Sagot ko. Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko.
Sobrang init ng mukha ko sa galit.

Gusto nya kaming mamatay? Paano kung may nangyari sa baby namin ni Zeke kaya ba
nyang palitan ang anak namin pag nawala? Ahhhh! Nakakainis.

“Don’t make such impulsive decisions.” Sabi nya habang hawak-hawak pa din nya ang
braso ko. “Anong gagawin ko? Mag-aantay ako dito Zeke ha? Mag-aantay ulit ako kung
kalian ulit nya kaming pagplaplanuhang patayin ng anak mo?” Inis na tanong ko.
Hindi ba nya ako naiintindihan? Ayokong may mangyaring masama sa anak namin.

Bumuntong hininga si Zeke at saka ako binitawan. “Then what are you going to do?
Kill her, without thinking of whats gonna happen to you and our baby?” Hinawakan ni
Zeke ang bridge ang ilong nya at saka ulit itinuloy ang pagsasalita. “If you want
to kill her, I won’t stop you. That’s exactly what I want to do right at this
moment. I want to kill that bitch as much as you do. But not now wife. Not now.”

Biglang nagbago ang nararamdaman ko, kanina inis na inis ako pero nung magsalita si
Zeke feeling ko nawala lahat ng inis ko. “Huhuhu kasi naman eh.” Umupo ako sa
gutter, nasa tapat na kaming dalawa ng likod ng kotse ni Zeke.

Tumawa lang sya ng mahina at saka iniakbay ang kamay nya sa braso ko.
Ngumiti din ako kay Zeke kaya hinalikan nya ako sa noo. “Sorry Zeke ah. Pinaiinit
ko ulo mo.” Sabi ko saka ko iniba ang tingin ko at teka—

Tama ba 'yung nakikita ko sa plate number?

“Hahahaha. No worries wife.”

Number 13?

Tinignan ko ng masama si Zeke nung may naalala ako. “No worries your face.” Tumayo
ako mula sa pagakakaupo at saka naglakad papunta sa kotse. Sasakay na dapat ako
nung pinigilan ako ni Zeke. “What was it all about?”

“Did I say something wrong?” Halata kay Zeke na gulung-gulo na sya. Don’t tell me
hindi nya naalala mga sinabi nya kanina? Galing din nito umarte eh. Bigyan ko kaya
ng award?

“Wag mo akong kausapin, naiinis nga pala ako sa’yo.”

“Why?”

Binuksan ko ang pinto ng kotse at saka mabilis na sumakay at ni-lock. Bahala ka sa


buhay mo dyan. Nothing special, nothing special ka pa sa 13 ha.

=================

Chapter 27

Aemie’s PoV

“Ano ba naman 'tong patatas na 'to ang hirap balatan. Si Princess Sara naman easy
lang pagbabalat.” Kanina pa ako nag-aayos dito ng mga ihahanda ko kasi nga hehe
monthsary namin ni Zeke ngayon.

“Ms. Aemie tulungan na kita?” Tanong ni Sebastian na kakapasok lang ng kusina.


“Disabled ka tapos tutulungan mo pa ako?” Taas kilay na tanong ko kay Sebastian.
Ang lakas kasi ng loob nyang alukin ako ng tulong eh may benda pa naman sya sa ulo.

“Hahaha. Sus wala lang 'to Ms. Aemie 'no.” Sagot nya saka lumapit sa may lamesa at
saka ako tinulungan maghiwa ng mga gulay. “Wala lang daw, pero nahimatay pa
kanina.” Bulong ko habang naghihiwa ng patatas. “Hahaha.” Dinig kong tawa ni
Sebastian.

Lumayo ako sa lamesa nung matapos ko ng hiwain ang patatas para i-check naman ang
pinakukuluan ko. “Si Zeke ba hindi pa nakakabalik ulit?” Tanong ko sa kanya habang
hinahalo ang pasta at chini-check kung okay na.

“Hindi pa po Ms. Aemie eh.”

“Hayy! Kita mo na, kita mo na Sebastian ha! 'Yan talagang lalaking 'yan, grabe eh.
Monthsary namin ngayon tapos umalis pa.” Nagsisimula na naman tuloy akong mainis.
Kanina hindi nya alam kung ano mayroon sa 13, tapos pagkauwi namin umalis din. Sino
ba namang matutuwa kung ganyan ang asawa diba? Hay nako talaga.

“Baka naman bumili ng regalo para sa inyo Ms. Aemie? Ano sa tingin nyo?” Omygod!
Tumigil ako bigla sa ginagawa kong paghalo ng pasta at saka nakangiting humarap kay
Sebastian. “Oo nga 'no. Hehe.” Dapat pala hindi na ako mainis. “Ang galing mo
talaga Sebastian minsan.”
“Naman!”

***

“Hayy! Ang tagal namang dumating ni Zeke!” Angal ko habang palakad-lakad dito sa
tapat ng pintuan. Eh pano ba naman, kanina pa ako tapos magluto wala pa din si
Zeke. Grabe talaga 'yung lalaking 'yun. Hindi man lang nya naiisip ang feelings ko
at ang monthsary naming. Huhuhu.

“Ma’am Aemie baka gusto nyo po munang maupo, kanina pa kayo palakad-lakad dyan.”
Mabilis kong tinignan ng masama ang nagsalitanbg si Vash.

“Wooo yare!” Hiyaw ni Sebastian.

“Paki mo ba?” Asar na sagot ko kay Vash. Palibhasa hindi nya alam ang feeling ng
inindian sa mismong araw ng monthsary. Huhuhu. Nalulungkot talaga ako.

“Mga gago!”

“Miss Aemie, bakit hindi ka na lang sumali dito sa’min.” Singit bigla ni Spade sa
gitna ng pag-iisip ko. Ibinalik ko ang tingin ko kanila Vash, Sebastian, Jacob,
Tristan at Spade na naglalaro ng baraha.

“Ano bang nilalaro nyo?” Tanong ko sa kanila.

“Poker. Si Boul ang Bangka.” Nakangising sagot ni Jacob.

“Sali ka na Ms. Aemie, para ma-relax relax ka naman.” Segunda naman ni Sebastian.

“Aish! Wag nyo nga pilitin si Ma’am Aemie, igagaya nyo pa sa inyong mga sugarol.
Patay kayo kay Boss.” Pigil ni Sebastian.

“Hindi naman magagalit si bossing.”


“Oo nga, saka naglalaro naman talaga si Ms. Aemie ng baraha.”

“Ayaw mo lang matalo Boul.”

Sunud-sunod na ang usapan nila kaya sumilip na lang muna ako sa bintana para
tanawin kung nakadating na si Zeke. Pero wala pa din naman, at hindi ko pa alam
kung hanggang kalian ako maghihintay kaya—“Sige Sali ako!” Nakangiting sagot ko,
habang palapit na naglalakad sa table na kinaroroonan nila. “Pero gusto ko may
pustahan ah.” Sabi ko sa kanila. Hehehe siguro naman swerte ako kasi monthsary
namin ni Zeke diba?

“Yown!”

“Ayos!”

“Masaya 'to”

***

-After 1hour-

Sebastian’s PoV
Nagkatinginan kami nila Boul nung matalo na naman si Ma’am Aemie. “Hayy ano ba
'yan, inindian na nga ako ni Zeke tapos talo pa ako. Malas na ako sa lovelife pati
sa pera malas pa din ako huhuhu.” Inilabas ni Ma’am Aemie ang huling pera na laman
ng wallet nya, para ibigay kay Boul.

“Hahaha eh kung punasan na lang kaya ng marker sa mukha ang talo?” Suhestyon ko,
panigurado kasing malilintikan kami kay bossing pag nalaman ang ginagawa namin.

“Kanina ko pa gustong i-suggest 'yan Lerwick.”

Biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Ma’am Aemie kaya napalunok ako. “Bakit ayaw
nyo na ng may pustahan? Ayaw nyo bang makabawi ako?” Walang emosyon na sabi nya.

“Ha-ha hindi naman sa ganun Ms. Aemie, kaya lang kasi, masama ang magsugal diba?”
Depensa ko, at palusot na din.

“Saka ibabalik na din ni Boul ang pera Ma’am Aemie.” Dagdag ni Lee sabaysiko kay
Boul. “O-oo nga Ma’am Aemie, ito na ang pera nyo oh.” Dali-daling iniurong ni Boul
ang mga pera na nasa ibabaw ng lamesa palapit kay Miss Aemie, pero mabilis itong
ibinalik ni Miss Aemie sa kanya. “Sa’yo na 'yan, napanalunan mo 'yan diba?”
Nakangiting sagot ni Miss Aemie. “Feeling ko naman mananalo na ako ngayon eh.”
Dagdag pa nya.

“Umpisahan mo na ulit magbalasa Vash.” Utos ni Ms. Aemie. “Kotse ni Zeke ang
ipupusta ko ngayon para makabawi ako. Hehehe.” Nanlaki bigla ang mga mata namin.

“S-sigurado po kayo? Baka magalit si boss ny—“

“Bakit? Hindi naman ako matatalo ah, mananalo na ako ngayon, kaya magbalasa ka na.”

Abot-abot din ang tension sa pagbabalasa ni Boul. Woo! Gandahan mo balasa Boul. Ako
kinakabahan tuwing matatalo si Ms. Aemie eh.

-After 1 hour-
“Itigil na kaya natin 'to, nagugutom na ako eh. Ha-ha” Palusot ko. Petengene nemen!
Lahat na yata ng ari-arian ni Bossing ipinusta na ni Ms. Aemie.

“Wala ng kotse si Zeke, mga damit, bahay, gamit, hmm ano pa ba ipupusta ko?”
Nakatingin kaming lahat kay Ms. Aemie na kanina pa nag-iisip at bumubulong. “Ayoko
naman kasing ipusta ang mga barbie stickers ko, paano na lang pag wala na akong
nakitang ganung designs, saan ko pa hahanapin 'yun.” Namamawis na ang kamay ko sa
kaba. Walanjo! “Ahh! Alam ko na! Game! Ipupusta ko naman ang Roswell Company!”

Naibuga ni Boul ang iniinom nyang beer.

“What the hell is happening here?” Mabilis akong tumayo nung pumasok si bossing sa
loob ng bahay, kasunod si Lampe.

“Bossing! Ha-ha. N-nagkakatuwan lang sila Boul, pinanunuod ko lang sila.”

“Whoa! Pustahan ba 'yan? Pasali ako dyan mga tsong!” Tumakbo agad si Lampe at saka
kumuha ng silya nya at naupo sa tapat ng lamesa.

“Oh Zeke, sali ka? Kaso hindi ka na pala pwedeng sumali kasi wala ka naman pang-
pusta.” Kalmadong-kalmado si Ms. Aemie na pinipintahan ang dalawang baraha na
hawak-hawak nya.

“Magandang ideya 'yang naisip mo Aemie, pilitin mo si boss sumali, para mabawasan
naman kayamanan nya at madagdagan ang akin.” Bulong ni Lampe. Gagong 'to, kung alam
nya lang.

“Ahh, wala na eh. Roswell Company na lang natitira kay Zeke, na kay Vash na lahat
at waa!!!! Huhuhu ang ingay mo kasi Kaizer! Tignan mo, tignan mo! Ang pangit ng
baraha ko. Talo na naman ako. Ayoko na! Wala na akong pang pusta.” Tumayo si Ms.
Aemie at saka naglakad palapit kay bossing. Si bossing naman ay nakatingin lang kay
Ms. Aemie at mukhang hindi pa din naiintindihan ang nangyayari.

“O dong, tara na kumain? Hayaan mo, may pera pa naman ako sa bangko, kapag
kailangan mo ng pera ako na lang magbibigay sa’yo hehe.”

“Huh?”
“Why would I, I have my own.”

“Anong I have my own? Wala na 'no! Na kay Vash na nga lahat, 'yung huling pinusta
ko 'yung buong Roswell company, natalo pa! Ang ingay nyo kasi ni Kaizer, minalas
tuloy ako. Hehe.”

“Wife.”

**

Aemie’s PoV

“Who the hell started this shit?” Tinignan ko si Zeke na nagpipigil ng galit.
Nakatingin sya kanila Sebastian. Galit ba sya kasi hindi na sya makakasali? Kung
sabagay nakakatampo naman talaga 'yun. Mga friends nya naglalaro, tapos sya hindi
makasali kasi wala na syang pampusta. “Hayaan mo na Zeke, iipon ako pera tapos next
time ikaw naman palalaruin ko. Wag ka ng magtampo.”

Ibinaling ni Zeke ang tingin nya sa’kin. “When did you learn to gamble wife?”
Huhuhu. Galit na nga talaga si Zeke, ang sama na kasing tumingin.

“Si Boul kasi bossing, inaya si Ms. Aemie na maglaro ng baraha.”

“Oo nga boss, pinipigilan nga naming sumali si Ma’am Aemie pero pinilit talaga nito
ni Boul.”
“Boulstridge!” Hiyaw ni Zeke.

“Hindi naman si Vash 'yung nag-aya Zeke. Sila Jacob at Sebastian.” Sabi ko. Sila
naman kasi talaga diba? “Pero hindi naman sila namilit. Gusto ko din talagang
maglaro kasi naman, kanina pa kita hinihintay umuwi, 'yung mga niluto ko malamig na
wala ka pa.” Tumingin si Zeke sa’kin, kanina galit sya pero this time, hindi nag
alit ang mukha nya.

“Ikaw ba naman indianin ng asawa mo sa araw ng monthsary nyo, ano ba gagawin mo?
Kaya ayun, nakipaglaro na lang ako sa—“

“It’s not our monthsary today wife.” Diretsong sabi nya.

Kumunot agad ang noo ko habang titig na titig sa kanya. “Monthsary natin ngayon ah.
13 kaya ngayon.” Giit ko. “Nabasa ko sa google 'yan dong, hindi mo ako maloloko.
Line 'yan ng mga lalaking nakakalimutan ang monthsary nila. Hayy.”

“Nah, it’s really not our monthsary today. Because 14 is our special day.”

“Huh? Nagda-drugs ka ba? Tandang-tanda ko date. 13 'yun.”

“No, it was 14.”

“13!!!” Tumingin ako kay Kaizer, dahil kasama namin sya nung time na 'yun. “Kaizer
diba 13 'yun?” Tanong ko sa kanya.

“Hahahahaha wengya! Lampas 12 midnight na kasi 'yun Aemie, kaya 14 na.”

Napaisip ako bigla. “Ibig sabihin, bukas pa talaga ang monthsary natin?”
“Yes wife.” Nakangiting sagot ni Zeke. “I’m starving.” Sabi nya saka nya hinawakan
ang kamay ko at hinila ako papuntang kusina. Ibig sabihin hindi pala ako dapat
naghanda ngayon, kasi bukas pa ang monthsary namin. Waaaaa!

Mabilis kong tinampal ang kamay ni Zeke na kukuha sana ng carbonara sa lamesa.
“What was that for?” Inumpisahan ko ng ligpitin ang mga pagkain na nasa ibabaw ng
lamesa para ilagay sa ref. “What the hell are you doing wife? I’m starving.”

Tinignan ko ng masama si Zeke “Bukas mo na 'to kainin, ireref ko muna.”

“What the fvck?!”

Tumingin ako kay Zeke, mukha ngang gutom na gutom na sya dahil ang sama na ng
tingin nya sa mga pagkain. Eh kaso naman, bukas pa ang monthsary namin sabi nya
diba? Huhuhu. “Ehh kasi naman dong sabi mo bukas pa ang monthsary natin, eh handa
ko nga 'to para sa monthsary natin kaya bukas mo na lang kainin, ipaghahanda na
lang kita ng ibang pagkain okay?” Explain ko sa kanya.

Ilalagay ko na sana ang mga pagkain sa ref kaso nakakaawa naman si Zeke. Huhuhu.
“Sige na nga, bibigyan kita, pero konti lang ah. Magtira ka para bukas.” Sabi ko
habang binubuksan ulit ang mga niluto kong pagkain kanina.

“Huwag mo akong ngitian Zeke, naiinis na naman ako sa’yo” Saway ko kay Zeke nung
makita kong nakangiti na sya sa’kin. Magsasalita pa sana sya nung mag-ring ang
phone nya.

Kumuka ako ng pinggan at saka inumpisahang maglagay ng pagkain ni Zeke sa plato.

“Wife, it’s for you.”

Eh?

Kinuha ko sa kanya ang cellphone. Sino naman kaya 'to.

“Hello?”
[Good evening Miss Aemie, this is Sapphire Griffin. I would like to inform you
something lang po...]

Kumunot ang noo ko dahil mukhang hindi maganda ang kutob ko sa sasabihin nya.
Tumingin ako kay Zeke na ganun din ang reaksyon habang titig na titig sa’kin.

[...But If you don’t mind po, can we talk about that personally. Para mas mai-
explain ko po ng maayos.]

Inalis ko ang tingin kay Zeke bago ako sumagot. “Okay, can we do it tomorrow?”
Tanong ko sa kanya, hindi ko pa nga tapos ipaghanda si Zeke ng pagkain. Alangang
iwan ko agad si Zeke diba.

[But Ma’am Aemie, this is about the Roswell Company.] Sabi nya. Malamang tungkol sa
Roswell Company ang sasabihin nya, doon sya nagtatrabaho. Alangan namang tungkol sa
coca cola or pepsi ang sabihin nya sa’kin. Hayy! Sino ba kasi ang nagpasa dito sa
secretary ko na 'to.

“I know.” Walang ganag sagot ko.

[Malaking pera na po ang nalulugi sa Company. And this only happened in just two
weeks.] Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya sa’kin.

“So how come ngayon mo lang sinabi?” Inis na tanong ko at saka ibinalik ang tingin
kay Zeke. Mas lalong hindi mai-explain ang itsura nya. For sure, gusto nya na din
malaman kung ano ang pinag-uusapan naming.

[I’m sorry Ma’am, ngayon ko lang din po kasi nakuha ang reports.]

“Okay, I will be there in two hours.” Sagot ko, at saka mabilis na ibinalik kay
Zeke ang cellphone nya pagka-end ko ng call.
“What was that?” Tanong ni Zeke. Bumalik muna ako sa ginagawa ko kaninang paghahain
ng pagkain nya bago ko sinagot ang tanong nya. “Ahh wala 'yon hehe.” Pano ko ba
sasabihin sa kanyang nalulugi na ang company nya?

Imagination

“Waaa Zeke nalulugi na ang Roswell Company. Wala ka ng pera, wala ka ng bahay,
lupa, kotse, huhuhu lahat-lahat mawawala na sa’yo”

“Kung ganon mas mabuti pang maghiwalay na tayo wife.”

“What?! Hiwalay?!”

“Oo, wala na akong pera. Wala na akong pambili ng mga Barbie stickers mo.”

-End of Imagination-

Waaa! Hindi ko pwedeng sabihin! Ayokong dumagdag sa problemang iniisip ni Zeke.


Susubukan ko munang gawan ng solusyon bago ko sabihin kay Zeke. Tama tama!

“Wala?”

“Oo wala, ano ba! Maliit na bagay.”

“Are you sure?”


Ibinagsak ko ang plato ni Zeke sa harap nya nung matapos kong lagyan ng mga
pagkain. “OO SABI!! KUMAIN KA NA!” inis na bulyaw ko sa kanya. Napakakulit kasi.
Sinabi ng wala eh.

“Hahaha okay.”

***

Nakatingin lang ako sa wall clock na nakasabit sa pader na halos katapat naming
dalawa. Habang si Zeke naman ay panay ang kain sa tabi ko.

“Wife, say ahh.”

Ngumanga ako at sinubo ang isinusubo ni Zeke na pagkain pagkatapos ay ibilik ko


ulit ang tingin ko sa orasan. 9:30PM na. Nakaka-trenta menutos na simula ng tumawag
sa’kin kanina si Sapphire. Ang sabi ko in two hours nandoon na ako.

Nilunok ko ang nginuya kong pagkain bago tanungin si Zeke. “Matagal ka pa bang
matapos kumain Zeke?” Sinubuan nya ako ng ginawa kong fries saka sya sumagot.
“Yeah. Why?” Itinuloy nya ang pagkain. Ako naman ay bumalik sa pagbibilang ng oras.

“Shit!”

Mabilis akong tumingin kay Zeke at saka nagsalin ng juice at binigay sa kanya. “O
bakit ano nangyari nabubulunan ka ba? Natinik? Ano?”

Tinanggihan nya at inilapag sa ibabaw ng lamesa ang baso ng juice na iniabot ko.
“No, I remembered something.”

“Ano naman 'yun?”


“It’s fucking late. Are you sleepy?”

Omygod! Kailangan ko nga pala laging matulog ng maaga. “Uhm Zeke, pwede ba akong
magpuyat? Kahit ngayon lang...” Tumingin ako kay Zeke na mukhang sasagot na agad ng
‘Nah’ kaya itinuloy ko na agad ang sasabihin ko. “...May kailangan kasi akong
puntahan sa opisina. Importanteng-importante lang talaga.”

“N—“

“Ngayon lang naman eh, please. Bukas 4PM pa lang matutulog na agad ako.”

“No.”

“Saglit lang naman ako eh.”

“I said no.”

“Importante kasi 'yun Zeke.”

“Nope. Your health, and our baby’s health is more important.”


“Ezekiel Roswell.”

“Tss. Fine. But I will accompany you.”

Sasama si Zeke? Edi nalaman nya din ang tungkol sa nalulugi nyang kumpanya? Hayy!
Bahala na nga. Gagawa na lang ako mamaya ng paraan para hindi nya madinig.

After another 30 minutes ay natapos na din saw akas kumain si Zeke. Kaya nagmadali
na akong magligpit ng mga pinagkainan nya. Iniayos ko lang lahat ng hugasin sa
lababo. Saka kami naglakad papuntang living room.

“Tulog na sila?” Takhang tanong ko. Wala na kasing tao dito sa salas. Kanina nung
bago kami pumunta sa kusina, nagkakagulo pa sila dito at naglalaro eh.

“Maybe.” Sagot ni Zeke.

Tumango-tango na lang ako bago kami umakyat sa taas para mag-ayos.

***

Tumingin ako sa digital clock na nasa kotse ni Zeke. 11:32PM. Hayy grabe! Gabing-
gabi na. Nandoon pa kaya si Sapphire?

“Zeke pahiram nga ako ng phone mo saglit.” Sabi ko sa kanya. Agad naman nyang
iniabot sa’kin ang phone nya.

We’re on our way to the company. Hintayin mo lang ako dyan.

Message sent!
Hindi ko muna ibinalik kay Zeke ang phone para if ever na magreply si Sapphire.

1 message received.

From Sapphire : I will wait you po.

Nakahinga ako ng maluwag nung mabasa ko ang reply ni Sapphire kaya ibinalik ko na
kay Zeke ang phone.

“Fuck! We’re almost out of gas.”

Tinignan ko ang gas meter at konting-konti na nga lang ang gas. “Ayun dong oh may
gas station.” Turo ko sa gas station na malapit na sa kinaroroonan namin.

“Full tank.” Sabi ni Zeke sa gasoline boy pagkababa nya ng salamin ng kotse.
Sumandal ako sa upuan ng kotse at saka pumikit saglit.

***

“Wife.”

Iminulat ko ang mga mata ko nung madinig ko ang boses ni Zeke at saka ko inibot ang
tingin ko sa paligid. Nasa loob pa din pala ako ng kotse.

“We are here.” Umayos agad ako ng upo at tumingin sa labas. Nasa parking lot na
pala kami ng company.

Wala nang mga sasakyan na naka-park. Malamang syempre gabi na. sxa mall nga nauubos
ang naka-park pag gabi eh, dito pa kaya.

Kinuha ko ang maliit na shoulder bag na dala ko at saka bumaba ng kotse nung
pinagbuksan ako ni Zeke. Inalalayan nya ako para makababa ng kotse kaya as usual ng
sabi ako ng “Thanks.”
“Good Evening Mr. and Mrs. Roswell.” Bati ng guard sa’ming dalawa ni Zeke saka kami
pinagbuksan ng glass door.

Puro guards na patuloy sa pag-iikot sa buong company ang nakakasalubong namin.


Mangilan-ngilan na lang din ang bukas na ilaw. Kaya hinigpitan ko ang kapit sa
braso ni Zeke. Baka mamaya kasi hindi na pala guard ang kasalubong namin. Paano
kung multong guard pala diba? Huhuhu.

Mahigpit akong nakakapit sa braso ni Zeke hanggang makarating ng elevator. Dati


ginagabi din naman kami lagi ni Zeke dito nung hindi pa ako buntis. Pero may mga
mangilan-ngilan pa ding mga nagoovernight dito sa company para ituloy ang mga
trabaho nila kaya hindi masyadong creepy. Bakit ngayon parang walang ibang tao
bukod sa guards at sa’min.

Omygod!

“Zeke bilisan na’tin. Baka mamatay na sa takot sa opisina si Sapphire.” Sabi ko


nung maalala kong hinihintay nga pala kami ni Sapphire. Kung ako kasi 'yun, hindi
ko kaya mag-isa sa loob ng opisina.

***

“Good evening Mr. and Mrs. Roswell.” Bati ni Sapphire pagkabukas na pagkabukas ni
Zeke ng pinto ng CEO’s office.

“Good evening.” Bati ko pabalik. Sumimple ako ng senyas kay Sapphire habang
naglalakad si Zeke sa swivel chair nya para maupo. Sumunod sa’kin si Sapphire kaya
sabay kami halos na naglakad papunta sa table ko.

Inilapag nya ang isang folder sa harap ko kaya agad ko 'yung binuklat para tignan.

Kumunot agad ang noo ko pagbuklat ko ng folder dahil una kong nakita ang amount na
sinasabi nyang lugi ng company.

1.2 Billion pesos.

Paanong nangyari 'to?

Iniscan ko ang mga sunod na pahina ng papel. Si Sapphire naman ay lumayo sa table
at kumuha ng mas madami pang folders saka inilapag ulit sa harap ko.
“Need a hand?”

Lumingon ako saglit kay Zeke. Nakangiti sya sa’kin habang nakasandal lang sa swivel
chair nya at nilalaro sa kamay nya ang isang knife. Parang baliw talaga 'tong si
Zeke. Paano kung makita sya ni Sapphire, baka mamaya matakot. Akalain criminal pa
sya. Minsan talaga hindi nag-iisip 'to eh.

“Hindi na.” Tipid na sagot ko at saka tinignan ulit ang nilalaro nyang kutsilyo.
Agad nyang ibinulsa ang hawak nyang kutsilyo nung mapansin nyang doon ako
nakatingin. Buti naman at nadadala pala sa tingin 'tong si Zeke.

Ilang minuto na ang nakakalipas at hindi na halos ma-digest ng sistema ko ang


sunud-sunod kong nababasa, nung magpaalam si Zeke. “Wife, I’ll just go out and
check something outside.”

“Sige.” Sagot ko. Pero hindi ko inaalis ang tingin ko sa mga papel.

Pagkasaradong-pagkasarado ni Zeke ng pinto ng opisina ay nagsalita ako para


kausapin si Sapphire. “Bukod sa’yo, sino pa ang nakakaalam ng tungkol dito?”

“Ang buong board po. Nagpapatawag nga po sila ng meeting. In fact kakatawag lang po
nila sa’kin a while ago. Ready po sila makipag-meeting kahit dis oras ng gabi.”

Sumandal ako sa swivel chair habang tinitignan pa din ang mga papel sa harap ko.
“Kahit ngayon?” Tanong ko.

“Yes po.”

“Okay. Magpatawag ka ng meeting. In 30 minutes, we will start the meeting.” Utos ko


kay Sapphire saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Ilang minuto ulit ang nakalipas ay bumalik si Sapphire. “Okay na po Ma’am. They’re
on their way here.”
“Good.” Sabi ko.

Wala pa akong naiisip na plano kung paano mababawi ang pagkalugi ng company. Hindi
ko din makita dito sa mga papers na ini-scan ko kung nasaan ang mali at bakit
nagkakaganito.

Hayy! Sumasakit ang ulo ko di—

*phone rings*

Halos mapalundag ako nung tumunog ang telepono na nasa ibabaw ng office desk ko.
Sino naman kaya 'tong istorbong 'to at dis oras na ng gabi. Naisipan pang tumawag.

“Aemie Roswell speaking” Sabi ko pagka-angat ko ng phone.

“I wanna make you smile whenever you’re sad” Isang line pa lang ang nakakanta, alam
ko na agad kung kaninong boses ang kumakanta sa kabilang linya kaya inilapag ko
saglit ang folder na hawak ko para makinig.

“Carry you around when your arthritis is bad. All I wanna do is grow old with you.
I’ll get your medicine when your tummy aches. Build you fire if the furnace breaks.
Oh it could be so nice, growing old with you.”

Sumandal ako sa swivel chair na inuupuan ko at saka pinikit ang mga mata ko.
Inaantok ako sa boses ni Zeke.

“I’ll miss you. Kiss you. Give you my coat when you are cold. Need you. Feed you.
Even let you hold the remote control—“

“Ma’am Aemie.”
Mabilis kong ibinaba ang telepono at umayos ng upo nung madinig ko ang boses ni
Sapphire. “Ano 'yun?” Tarantang tanong ko saka ko aligagang binuklat ulit ang mga
folders para i-review ulit.

“Nandyan na po ang board.”

“What? Ang bilis naman!” Angal ko habang ibinibalik ang mga papel sa folders para
iligpit. Tinulungan ako ni Sapphire kaya madali naming naisalansan lahat. At nung
matapos na, siniguro ko namang okay ang itsura ko.

“Pakitignan naman kung nasa labas si Zeke.” Agad naman akong sinunod ni Sapphire at
sumilip sa labas ng pinto.

“Wala po si Mr. Roswell, Ma’am.”

“Good. Let’s go.” Mabilis akong tumungo sa may pinto at lumabas para dumiretso sa
conference room. Nauna sa may pinto si Sapphire para pagbuksan ako ng pinto.

Hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko sa board. Pero kailangan ko muna silang
harapin bago pa malaman ni Zeke ang tungkol dito.

Huminga ako ng malalim bago pumasok.

Pagpasok ko ng conference room ay nakapatay ang lahat ng ilaw. Kaya agad akong
tumalikod para sana lumabas ng pinto pero huli na dahil ang nadinig ko na lang ay
ang pag-lock ng pinto ng conference room “Sapphire! Buksan mo 'tong pinto!” Matigas
na utos ko habang kinakalabog ang pinto ng conference room.

“I’m sorry Ma’am Aemie. But I can’t.” Sagot nya.

Gusto kong magmura sa inis pero hindi ko magawa. Sinubukan kong kapain ang pader
para buksan ang ilaw pero hindi ko alam kung nasaan ang switch.

Binunot ko ang baril na nasa gunpocket sa may hita ko. Nung eksaktong may nadinig
akong kaluskos.

“Let me do the dishes in our kitchen sink.” Tumulo ang luha ko nung madinig ko ang
boses ng kumakanta.

“Zeke.” Mahinang sambit ko.


“Put you to bed if you’ve had too much to drink.” Palapit ng palapit 'yung boses
sa’kin at patuloy naman akong naiiyak. Siguro dahil halo-halo na ang nararamdaman
kong emosyon kaya ang naiyak na lang ako.

“I could be the man who grows old with you. I wanna grow old with you.” Nung ramdam
kong nasa harap ko na si Zeke ay agad ko syang niyakap. “Happy monthsary wife.”
Pagkatapos ng kanta ay bumukas ang ilaw sa conference room. Kaya inalis ko ang
pagkakayakap ko kay Zeke. Iniabot nya sa’kin ang isang bouquet ng red roses saka
ako hinalikan sa labi.

“I love you wife.”

“Mas mahal kita 'no!”

“Hahaha here we go again.” Inilibot ko ang tingin ko sa paligid na punung-puno ng


flowers, balloons, at may mga pagkain din.

“HAPPY MONTHSARY!!!” Tumingin ako sa gawing kaliwa kung saan nagkumpulan silang
lahat.

“Happy monthsary to the both of you.” Masayang bati ni Meisha.

“Happy monthsary guys!” Sunod naman si Fauzia.

“Akalain mo nga naman.”


“Yo Ma’am Aemie, happy monthsary.”

Sunud-sunod na ang naging pagbati nila, kaya tanging ngiti na lang ang naisagot ko
sa kanilang lahat.

“Ehem, ehem.” Tumingin ako kay Kaizer na naupo sa isa sa mga swivel chair ng
mahabang conference table. “Mrs. Roswell, nakahanda na ang buong board para sa
sasabihin mo.”

“What? Ibig sabihin—“ Tumingin ako kay Zeke na mahigpit na hawak-hawak ang kamay
ko.

“That wasn’t true. It was all for this surprise.” Mula sa nakangiti, ay biglang
nagbago ang mood ko. Kaya sinamaan ko ng tingin si Zeke.

“Happy monthsary sa inyo ni Ezekiel baby Ae.” Nabaling naman ang atensyon ko nung
lumapit sila mommy at daddy.

“Mommy, daddy.” Niyakap ko sila mommy at daddy na nandito din. Grabe. Daig pa namin
ang nag-reunion.

“Mamaya ka sa’kin Roswell.” Banta ko kay Zeke habang yakap ko sila mommy at daddy
pero tinawanan lang nya ako.

***

A/N :

Sorry guys, ngayon lang nakapag-update. Hell month kasi ang January. L

Anyways, may mga ka-date na ba kayo this coming Valentine’s day? Pwede bang ako na
lang? Hahaha gusto ko kasi kayo iinvite sa book signing!! Yes book signing!
WHEN : FEBRUARY 14, 2015 (Saturday), 1PM onwards

WHERE : Function Rooms A&B, Megatrade Conference Center, SM Megamall.

I will be with other PSICOM authors pala. Kaya see you there Mafias! Punta kayo ha!
:* Loves!

=================

Chapter 28

-After 6 months-

Vash’s PoV

Lumingon ako sa gawi nila Lamperouge at Lerwick nung himasin ni Lerwick ang likod
ni Lampe. “Ano ba baby Lampe, kanina ka pa kalabit ng kalabit sa’kin. Mamaya tayo
magqua-quality time sa kwarto” Gago talaga ‘to si Lerwick. Tss.

“Ulul! Tignan mo kasi ‘yun” ngumuso si Lampe kaya pati ako ay sumunod ng tingin.
“Ano pre pati si Miss Aemie karibal ko na sa pag-ibig mo? Okay lang sana sa’kin,
kaso patay ka kay bossing”

“Gago!” Singit ko. Ibinalik ko ang tingin kay Ma’am Aemie na pabalik-balik sa
paglalakad habang hawak-hawak ang tyan na malaki na at mukhang malalim ang iniisip.

“Oh nag-seselos ka ba ‘tol? Ayan si Hakob oh. Iyong-iyo na”

“Tss”
“Ito talagang si Lerwick, puro kabaklaan ang alam kaya hindi magka-girlfriend e”
Iiling-iling na sabi ni Lee. Pfft.

“Dude! Hiyang-hiya naman ang gwapo kong mukha sa katorpehan mo kay Fauzia”

“Masakit ba tyan mo Aemie? Kanina ka pa dyan nakahawak at hindi mapakali”

Pumihit ng tingin sa aming apat si Ma’am Aemie kaya natigilan kami sa pag-uusap.
“Huwag nga kayong maingay! Hindi ako makapag-isip ng maayos!” Bulyaw nya habang
nakapamewang. Tss. Ayan na nga ba sinasabi ko eh.

“Si Boul kasi Miss Aemie, kanina pa ako kinukulit” Binalingan ko ng tingin si
Lerwick na sisipol-sipol na. Gago talaga ‘to.

“Ano ba iniisip mo Aemie? Kanina ka pa pabalik-balik dyan. Maupo ka muna, ako ang
nahihirapan sa ginagawa mo eh” Sabi ni Lampe. Mabilis na lumapit sa amin si Ma’am
Aemie saka nagtanong. “Iniisip ko kasi kung ano bang date ang birthday ni Zeke,
alam ko kasi this month ‘yun, kaso hindi ako sure”

Kinapa ko ang bulsa ng pantalon ko nung mag-vibrate ang cellphone.

“Gusto ko kasi sana i-surprise si Zeke, kaso hindi ko alam kung anong exact date ng
birthday nya, ikaw Kaizer, diba kababata mo si Zeke?”
“Awts. Ayun ang hindi ko alam Aemie, kahit naman magkababata kami, wala naman akong
alam sa mga birthday-birthday na ganyan”

Caileigh calling...

Shit! Bakit kya natawag si Caileigh? May problema kaya?

“Hayy ano ba ‘yan!” Pumadyak ng paa si Ma’am Aemie at inis na inis.

Nagdadalawang isip pa akong tumayo para sagutin ang tawag pero mukhang urgent call
kaya kahit natatakot ako ay nag-ayos ako ng pantas saka tumayo. “Excuse lang po
saglit Ma’am Aemie” Paalam ko. Tinignan ako ni Ma’am Aemie na may expression na
nagtatakha. Tumungo ako bago sagutin ang cellphone habang naglalakad palayo sa
kanila.

**

Caileigh’s PoV

[Hello]

“Vash” It’s been a while since the last time we talked. But parang kailan lang. The
time is so madali talaga.
[Bakit napatawag ka? Anong meron?] Tanong nya, with a cold tone. “I’m following
Louie kasi, he’s a bit odd nung nagpunta sya dito and he was mad nung tinatanong
nya sa’kin if I know something about sa death ni Shan. Uhh do you have an idea ba
kung anong nangyari?”

-Flashback-

“Caileigh!”

Hinawi ko agad ang curtain when I heard a very familiar voice. “ Caileigh lumabas
ka nga dyan!” What the fudge? Is that Louie? Bakit sya nandito? And why he look so
galit?

“Wait! Papunta na” I shouted as I hurried out.

“Lou—“ Before I can say anything, he pinned me against the door. His eyes are full
of anger. “May alam ka ba sa pagkamatay ni Shan” He gritted his teeth while waiting
for my answer.

“Huh? Anong sinasabi mo Louie, I know nothing” I answered, though I am puzzled. I


took a glance of my wrist na namamanhid na sa pagkakahawak nya. He sighed before
leaving me dumbfounded.

-End of Flashback-
[Huh? Ano? Eh ano ang sabi mo?] I paused for a moment with a sudden realization.
May alam ba si Vash sa totoong nangyari?

“I said wala, because that’s the truth. Ikaw ba? Do you kno—“ I didn’t have the
chance to complete my sentence kasi nagsalita na sya. [Ahh geh.]

“Hello Vash? Vash? Are you still there?”

I sighed. Ugh! What’s wrong with him?! Bakit bigla na lang akong binabaan. Geez.

“Miss Caileigh—“

“Ahh kuya, magtataxi na lang ako pauwi. Thanks” I said with a smile sa sumalubong
sa’king driver ng kotse ko. Tinalikudan ko na agad ang driver ko, heading my way to
call a cab.

Umayos agad ako ng upo sa taxi na pinara ko. “Manong paki-sundan naman po ‘yung
kotseng blue na kakaalis lang” Sabi ko, with my eyes still nailed on Louie’s car.

**
Amesyl’s PoV

“Ano kayang pinagkaka-busyhan nito ni Wakwak at hindi sinasagot ang tawag ko? Tss
kahit kailan talaga ‘tong baklang ‘to paimportante masyado” Buti na lang naka-on
ang GPS ng cellphone ni Louie, kaya nasundan ko sya.

Nakapag-desisyon na akong kausapin si insan, hindi ko alam kung paano sya haharapin
pagkatapos ng ilang beses kong pagtulak sa kanya palayo. Kaya nga gusto ko sanang
magpasama kay Louie. Kaso ito namang baklang betty boop na ‘to, ilang oras ko ng
tinatawagan hindi naman sinasagot ang cellphone. Psh.

Wala akong tigil sa paglinga-linga sa mga malapit na restaurant. “Saang restaurant


ba ‘yun pumasok?” Sabi sa GPS nandito lang sya. Aish. Masasabunutan ko talaga yang
baklang ‘yan.

Naglakad-lakad pa ako nung may makita akong pamilyar na babae na bumaba sa isang
taxi na mukhang kanina pa naka-park dahil patay na ang makina. “Caileigh?”

Lumingon sya sa’kin ng nakakunot ang noo. “Amesyl! What are you doing here?” Tanong
nya, tumingin sya sa loob ng restaurant kaya sinundan ko ang tingin nya bago
sagutin ang tanong. “Hinahanap ko 'yung baklang pa-VIP, ikaw?” teka— “Si Louie ba
‘yung nasa—“

”AT SINO ‘YANG BABAENG KASAMA NYA?” Bulyaw ko kay Caileigh. “Malanding bakla!!!
Kaya naman pala ayaw sagutin ang tawag ko dahil may kasamang babae” Damang-dama ko
ang pagkulo ng dugo ko. Ano mang oras pakiramdam ko ay makakapatay ako ng malanding
bakla.

“Relax lang girl. Tara Lumapit” Sabi ni Caileigh. Hindi na ako nagsalita. Inalis ko
agad ang sapatos na suot ko para paglapit namin ay isusungalngal ko agad sa kanila,
saktong-sakto tig-isa silang dalawa. “Hey ano ka ba Ame. Wear your shoes again”
Natatawang bulong ni Caileigh

“Isa ka pa Caileigh, kinukunsinti mo pa ‘yang kalandian ng baklang ‘yan. Pati ikaw


—“

“Look at him” Sabi ni Caileigh. Tinignan ko si Caileigh ng nakakunot ang noo.


Nakatingin sya kay Louie nung magsalita sya ulit. “There is something with him na
kailangan na’tin malaman. He stormed out of our house pagkatanong nya kung sino
pumatay kay Shan. Isn’t it intriguing?” Kunot noo kong tinignan si Louie bago ko
isinuot ulit ang dalawang sapatos na hawak ko.

“Anong meron sa pagkamatay ni Shan?” Tanong ko, “I don’t know either. But we need
to find out as soon as possible dahil kinakabahan ako” Ako din, hindi ko alam bakit
kinakabahan ako.

**

Naupo kami sa likod ni Louie. Tanga talaga ‘yan. Ni hindi man lang kami nakilala ni
Caileigh. Bale magkatalikuran ang pwesto namin. Dahil magkatabi kami ni Caileigh,
tapos nasa likod namin si Louie.

“Ano bang sabi ng sumulat sa’yo?” Nagpapanting talaga tenga ko tuwing madidinig ko
ang boses ng babaeng kausap ni Louie. Ang landi pa ng boses, halatang haliparot.

“Tanungin ko lang daw lahat ng mga taong malapit sa’kin at malalaman ko kung sino
ang pumatay kay Shan” Galit at seryoso ang tono ng boses ni Louie,
“Natanong mo na ba lahat?” Tanong uli nung haliparot.

“Si Caileigh pa lang” Tipid na sagot ni Louie

Nagkatinginan kaming dalawa ni Caileigh, pero parehas pa rin kaming walang imik at
naghihintay ng mga susunod nilang pag-uusapan.

“Yo late ba ako bro?”

“Di naman ayos lang”

“Hey Wallace, it’s been a while”

“Yo Grethel”

“Upo ka ‘tol”

Nadinig ko ang paghila ng upuan, mukhang naupo nga si Wallace. Kung hindi ako
nagkakamali, sya ‘yung pinsan nila Shan at Louie dahil nagkita na kami noon sa
burol ni Shan.

“Bakit ka biglang nagtext, may problema ba?” Tanong ni Wallace,


“May alam ka ba tungkol sa pagkamatay ng kakambal ko?”

Nagkatinginan ulit kaming dalawa ni Caileigh. Ang tagal bago sumagot ni Wallace.
May kinalaman kaya sya? Kaso bakit naman nya papatayin ang sarili nyang pinsan.
Tanga din ‘to si Louie eh. “Wala” Tipid na sagot ni Wallace.

“Why don’t you ask Aemie,” Suhestyon nung haliparot na babae. Isa pa ‘tong tangang
‘to. Ano naman kinalaman ni insan doon. Lalong umiinit ang dugo ko dito sa babaeng
‘to. At kapag ako napuno sasaksakin ko sya ng tinidor sa mata.

**

Mabilis akong pumunta sa bahay ni Andrei pagkatapos ng mga nadinig namin sa


restaurant. “Amesyl, are you really sure na tatanungin na’tin ang kuya mo?” Tanong
ni Caileigh, tiniganan ko sya bago magsalita. “Kung ayaw mo sumama Caileigh, pwede
ka ng umuwi” Hindi ko naman sya pinilit na sumama dito. Sya naman ang pasunod-sunod
sa’kin.

“Sabi ko na nga ba hindi mo ko matitiis Andrea. Hahaha. Uuwi at uuwi ka din dito sa
bahay” Pababa ng hagdan ang kuya ko ‘daw’. Oo na, kuya ko na. Kami naman ni
Caileigh ay naghihintay lang dito sa baba.

“Psh. Hindi ako nagpunta dito para dito na tumira Andrei, itatanong ko lang kung
may alam ka sa pagkamatay ni Shan” Mabilis at diretsong tanong ko.

“Hmm si Shan? ‘Yung kapatid ng manliligaw mo?” Casual ang sagot nya at mukhang
walang pakialam sa tinatanong ko. Maraming connection si Andrei Lewis kaya hindi na
ako nagtatakha kung alam nya tungkol dun. “Nadinig ko nga ang pagkamatay nya. Tagal
na nyan ah”

“Pwede ba sagutin mo na lang tanong ko” Naiinis na tanong ko.

“Wala ako sa posisyon para sabihin sa inyo ang tungkol doon. Bakit nyo ba gustong
malaman, ano ang plano nyo?” Tanong nya. Hindi man lang nya iniisip ang pwede
naming isipin sa sinabi nya. Sa madaling salita, alam nga nya ang tungkol sa
pagkamatay ni Shan.

“May kinalaman ka ba dun?”

“Hahahaha. Wala sus! Alam mo namang si Aemie ang gusto ko”

“Are you serious Andrei?” Gulat na tanong ni Caileigh. Hindi pa pala nya alam?

“Hindi ba nya alam?” Tanong ni Andrei ng nakatingin sa’kin at nakaturo kay


Caileigh. “Malamang, nagtanong eh diba?” Sagot ko.

“Hahahaha” Tumawa lang sya saka naupo sa mahabang black na sofa sa salas. Isa pa
‘tong malandi, alam namang may asawa si insan ‘yun pa ang gustong patusin. “Tigilan
mo nga pinsan ko, tss. Alam mo namang may asawa ‘yun”

“Sinabi ko bang aagawin ko? Pfft baliw”


Lumapit ako at naupo malapit sa kanya. “Oo na, sabihin mo na lang sa’kin kung ano
ang alam mo tungkol sa pagkamatay ni Shan”

Nakangiti syang humarap sa’kin “Bakit ko sasabihin sa’yo?”

“Kasi kung may kinalaman ‘yan kay insan, kailangan mong sabihin sa’kin dahil galit
na galit si Louie”

“Ahh ganun ba?”

“Oo kaya kung maaari please, sabihin mo na” Tumingin sya sa’ming dalawa ni
Caileigh. Umayos ng upo bago nagsalita. “Yung asawa ni Aemie, ayun ang pumatay kay
Shan” Diretsong sabi ni Andrei. Nagkatinginan kaming dalawa ni Caileigh. “Paanong—
Papaano gagawin ng asawa ni insan ‘yun. Nasisiraan ka ba Andrei?”

“Bakit hindi si Aemie mismo ang tanungin mo Andrea, siguradong alam ni Aemie ang
tungkol dyan. Ako nga alam ko eh, si Aemie pa kaya,”

Napaisip ako saglit, kung alam ni insan ang tungkol doon—“Shit!” Mabilis akong
tumayo at naglakad palabas ng bahay. Lumingon ako kay Andrei bago tuluyang
makalabas ng pinto “Pahiram naman ng sasakyan, kailangan kong pumuntan agad sa
bahay nila insan”

Tumingin sya sa isa sa mga body guard na malapit sa kanya. “Ihatid nyo silang
dalawa sa bahay nila Aemie”
“Opo Mr. Lewis”

**

Nakaupo kaming dalawa ni Caileigh sa loob ng isang kotse. “Pakibilisan naman ang
pagda-drive, kailangan namin makaratin agad doon” Utos ko sa driver.

“Opo Ms. Lewis”

Kahit naguguluhan ako sa mga nangyayari kailangang mauna ako kay baklang betty
boop. Hindi pa naman ugaling magsinungaling ni insan. Natatakot ako nab aka aminin
nya kay Louie ang tungkol sa pagkamatay ni Shan. Pag nagkataon, baka pati ‘tong
baklang ‘to magalit kay insan.

Ang daming tanong na nabubuo sa utak ko ngayon, bakit pinatay ng asawa ni Aemie si
Shan. Anong meron sa kanila.

At paano nya pinatay? Isang mayamang businessman lang naman ang asawa ni Aemie,
paano nangyari ‘yun?

“Are you okay Ame-girl?” Tumingin ako kay Caileigh na gulung-gulo. “Paano nagawa
‘yun ng asawa ni Aemie?” Naguguluhang tanong ko.

“Simply because, her husband is a Mafia Boss” Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi
ni Caileigh. “Si tita Alyana at si tito Eiji din, even your brother”

“Pati ikaw?” Kunot-noong tanong ko.


“Haha of course not,”

“Eh bakit alam mo ang tungkol dito?” Ako lang ba ang may hindi alam?

“Matagal ko ng alam ang tungkol dito Amesyl, simula pa nung inaalam ko kung sino
ang real parents ko”

“Eh si Louie, may alam ba sya?”

“I think wala din,”

**

Aemie’s PoV

“Sure ba kayong 12 ang birthday nya?”

“Oo naman, wala ka bang tiwala sa’min Aemie?” Nakangising sagot ni Kaizer. “Wala”
Sagot ko. Ano kaya magandang surprise para kay Zeke. Never ko pa naman na-try mang-
surprise eh.
“Ano bang gusto ng mga lalaki?” Seryosong tanong ko sa kanilang apat.

“Sexy, maganda, mabait, understanding—“ Tinignan ko agad ng masama si Sebastian


kaya natigilan sya sa pagsasalita. “Yan ang mga gusto ko sa babae Ma’am Aemie, kaso
si bossing, hindi ko alam eh”

Tanghaling tapat, pinaiinit nitong Sebastian na ‘to ang ulo ko. “Oh chillax lang
Aemie, mai-stress ang baby nyo nyan, ilang araw na lang din malapit ka na kami
maging ninong”

“Nasaan na nga ba si Bossing, bakit wala pa—“

Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto nung may mag-doorbell. “Ayan baka si bossing
na ‘yan. Boul buksan mo pinto. Miss Aemie maupo ka dito sa upuan” Lumapit sa’kin si
Sebastian at saka ako hinawakan sa magkabilang balikat at pinaupo sa kanina’y
inuupuan nya. “Baka magalit si Bossing kapag nakita nyang hinahayaan ka naming
nakatayo lang”

Minsan shunga ‘tong mga kaibigan ni Zeke na ‘to. Kung si Zeke ang nasa pinto, hindi
na magdo-doorbell ‘yun. Hayy.

Naglalakad si Vash palapit sa pinto, sunud-sunod na ang doorbell kaya dumampot ako
ng baril na nasa ibabaw ng lamesa. Pati sila Sebastian, Kaizer at Jacob ay may
hawak na ding mga baril. Si Vash naman ay nakahawak sa baril na nasa likod ng pants
nya, pero hindi pa nya binubunot.

“Nasaan si Aemie?” Mabilis na tanong ng boses ng isang lalaki—teka lang si—“Si


Louie ba ‘yan?” Ibinalik ko agad ang baril na hawak ko sa ibabaw ng lamesa, saka
dahan-dahang tumayo. Ang hirap pala ng Malaki ang tyan. “Oh Ma’am Aemie, tulungan
na kitang tumayo” Sabi ni Sebastian

Inalalayan ako ni Sebastian hanggang makalapit sa may pinto. “Louie, pumasok ka


muna dito sa loob” Nakatayo lang kasi sya sa labas ng pinto at nakatingin sa aming
tatlo. “Pwede ba kitang makausap saglit Aemie?” Seryosong tanong nya.

“Oo naman, tara dito” Pag-aaya ko ulit.

“Gusto ko sana tayong dalawa lang ang mag-uusap, kung ayos lang?” Tumingin sya kay
Sebastian at Vash na nasa magkabilang gilid ko.

“Ang sabi kasi ni Mr. Roswell, huwag daw namin palalabasin si Ma’am Aemie kaya—“

“Okay lang Sebastian ano ba, kaibigan ko naman si Louie” Sabi ko kay Sebastian kaya
tumigil sya sa pagsasalita. “Basta saglit lang tayo Louie ha”

Tumango si Louie kaya ngumiti ako sa kanya.

**

Amesyl’s PoV

“Insan!!” Sunud-sunod ang ginawa kong pag doorbell sa pinto ng bahay nila para
buksan nila agad ang pinto. “Amesyl relax, there’s nothing to worry about, mukhang
hindi pa naman nakakarating dito si Aemie—“

Pagbukas na pagbukas ng pinto ay itinulak ko na agad ang nagbukas saka pumasok sa


loob. “Insan!!”

“May problema ba” Tanong ni Vash kay Caileigh. “Uhh we’re looking for Aemie-girl
kasi” Sagot naman ni Caileigh.

“Insan!!!!”

Nagsalita naman ang lalaki na nasa likod ko, na nagbukas ng pinto “Uhh excuse lang.
Kakaaalis lang ni Aemie, kasama ‘yung kaibigan nyong si Louie Birkins”

Humarap ako sa lalaking nagsalita. Ito ‘yung mayabang na ex-boyfriend ni Shan


Venice na si Kaizer Maxwell. “ANO!?” Hiyaw ko sa kanya.

“Oh kalma! Hindi mo kailangang magulat na gwapo ako, dahil matagal ko ng alam ‘yun”

“Siraulo” bulong ko. “Saan daw sila nagpunta?” Nagmamadaling tanong ko. “Hindi
sinabi eh” Sagot nya. At relax na relax na naglakad pabalik ng upuan. Agad kong
inalis ang sapatos ko at saka ibinato sa ulo nya bago pa man din sya makaupo sa
sofa. “Aray ano ba!” Bulyaw nya sa’kin

“Gago ka kapag may nangyari kay insan. Kakayudin ko ng kutsilyo ‘yang mukha mo”
“Aba matinde! Talagang ang gwapo ko pang mukha ang pinag-diskitahan”

“Bakit ano bang meron?!” Tanong nung Jacob Lee. “Gusto malaman ni Louie if sino ang
pumatay kay Shan. And Amesyl is so galit kasi baka sabihin daw ni Aemie-girl ang
totoo”

“Shit! Sundan na natin sila” Sabi nung Sebastian.

Tinignan ko ng masama ang lalaking mayabang. “Oh ikaw unggoy na mukhang tao, wala
ka bang balak sumama?” Inis na inis na tanong ko sa kanya. Komportableng-
komportable kasi syang nakaupo sa sofa.

Uminit lalo ang ulo ko dahil imbis na sagutin nya ako ay tumingin sya kay Vash
Boulstridge. “Boul kausap ka ng pinsan ni Aemie. Huwag kang bastos, sumagot ka”
Kung hindi baklang betty boop ang kausap ko, unggoy na mukhang tao naman.

**

Nasa harap kami ng puntod ni Shan, hindi ko alam kung bakit dito napili ni Louie na
mag-usap kami. Pero kanina ko pa sya napapansin na tahimik at mukhang galit.

Nakaharap kaming dalawa ni Louie sa lapida ng puntod ni Shan. Nakahawak ako sa tyan
ko, dahil kanina ko pa nararamdaman ang pag-sipa ng baby. Manang-mana talaga ‘to
kay Zeke, hindi mapakali lagi.

“May isang taon na din halos simula ng mamatay ang kakambal ko” Umpisa nya. Mag-
iisang taon na pala? Ibig sabihin, nung mag birthday si Zeke last year hindi ko
alam. “Kami na lang ang magkasama noon, kasi matagal ng patay ang mga magulang
namin” Dugtong pa nya.

“Alam mo ba kung gaano kasakit mawalan ng kakambal Aemie?” Tanong nya, na hindi ko
sinagot, kasi wala naman akong kapatid.

“Hinding-hindi ko mapapatawad ang gumawa nun sa kanya” Tinignan ko ang kamay ni


Louie na nakakuyom ang kamao sa galit. Pumasok sa utak ko si Zeke, alam kong si
Zeke ang gumawa nun kay Shan, pero ginawa nya ‘yun kasi ililigtas nya ako, dahil
babarilin ako ni Shan.

Humarap si Louie sa’kin. Nag-aapoy ang mga mata nya sa galit kaya napalunok ako.
“Tapatin mo nga ako Aemie,” Tinignan ko sya ng diretso sa mata “May alam ka ba sa
pagkamatay ng kakambal ko?”

Huminga ako ng malalim saka bahagyang tumungo. Alam kong sa mga oras na ‘to ay
nasasaktan si Louie, gustung-gusto nyang malaman kung sino ang pumatay kay Shan
para makapag-higanti sya.

Tumingin ako saglit sa puntod ni Shan bago ko ibinalik ang tingin k okay Louie.
“Wala” Ito yata ang unang beses na nagsinungaling ako ng hindi ako nakokonsensya.
“Wala akong alam sa sinasabi mo Louie, matagal na ‘yun. Bakit hindi na lang natin
kalimutan” Dugtong ko pa.

Alam kong kasalanan ang ginawa ni Zeke, pero mahal ko si Zeke at ayokong ipahamak
sya. At isa pa, kaibigan ko si Louie, ayokong dahil doon maging masama syang tao.

“Sigurado k aba sa sinasabi mo?”


Tumango ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

“Insan!!!” Pinunasan ko agad ang luha ko bago tumingin sa paparating. “Insan ano
ginagawa mo dito?” Nagtatakhang tanong ko. Tumingin muna sya kay Louie bago
ibinalik ang tingin sa’kin. “Uhh gusto kasi kita makausap” Tumingin muna sya saglit
kay Louie na nakakunot ang noo ngayon at mukhang takhang-takha din, bago nya
bibinalik ang tingin nya sa’kin.

“Tungkol saan insan?” Tanong ko sa kanya. Ang tagal na din nung huli kaming magka-
usap ni insan. Hindi na kaya sya galit sa’kin?

Ngumiti sya saglit sa’kin bago nagsalita. “Tungkol sa’tin dalawa,” Nilingon nya
ulit si Louie, “Okay lang ba Wakwak na mag-usap kami ni Aemie?” Tanong nya. “O may
pag-uusapan pa kayo?” Dugtong pa nya.

“Wala na, sige una na ako” Malamig ang pagkakasabi ni Louie,

**

Iyak ako ng iyak hanggang matapos kami magkausap ni insan. “Hindi ka na talaga
galit sa’kin insan?” Tanong ko habang umiiyak. “Oo naman insan ‘no, tumahan ka na
nga dyan” Feeling ko tuloy, nabunutan ako ng tinik nung magkausap kami. Ang tagal
nya ding hindi ako pinapansin eh.

Pinunasan ni insan ang luha ko, “Tulungan mo akong mag-isip ng surprise kay Zeke”
Nakangiting sabi ko.
“Surprise? Bakit ano meron?”

“Birthday nya” Nakangiting sabi ko.

“Okay, sure!” masiglang sagot ni insan.

**

Lumipas ang isang linggo na naging busy kami sa paghahanda ng birthday party ni
Zeke. Dinner date lang naman, ayaw din naman kasi ni Zeke ng malaking party. At isa
pa, sabi nila Kaizer mas sweet daw kapag ganito ang ginawa ko.

“O Aemie, malapit na dumating si Mr. Roswell, ready ka na?” Tanong ni Kaizer.


Ngumiti ako sa kanya. Nandito pa kami sa bahay. Nakabihis na ako at nag-hihintay na
lang na dumating si Zeke. Hindi ko alam kung paano sya yayayain na sumama sa dinner
date mamaya, pero bahala na. Hehe. Sure naman akong sasama sya.

“Dong!” Masayang bati ko pagkapasok nya ng pinto. Yumakap agad ako kay Zeke. “Happy
birthday, kumain ka na ba?” Tanong ko sa kanya. “Yeah, thanks” Nakatingin sa’kin si
Zeke, at mukhang nagtatakha kung bakit bihis na bihis ako. Pero umalis din sya agad
at umakyat ng kwarto kaya sinundan ko kahit—hayyyy! Ang hirap maglakad.

“Zeke, galit k aba kasi akala ko nakalimutan ko na ang birthday mo?” Tanong ko nung
makaupo na sya sa kama. Inalis nya ang coat ng suot nya at niluwagan ang necktie
bago sumagot. “No, I’m not mad. I’m just tired”
Ako lang ba? O talagang kakaiba tono ni Zeke?

Naupo ako sa tabi nya saka inalala ang mga nangyari this past few weeks. Hindi nga
kami masyadong nagkakausap ni Zeke ngayon dahil madami syang ginawa. Tapos ako
naman busy sa paghahanda ng birthday nya nitong nakaraang linggo.

“May problema ba Zeke?” Nag-aalalang tanong ko. “I told you, I’m just tired so shut
the fvck up!” Nabigla ako dahil sa sinabi nya, pero hindi ko pinansin. Birthday nya
kasi, baka naiinis lang kasi ngayon ko lang sya binate. Ngumiti ako saka sya
tinanong. “Ahh Dong! Pwede ba tayo lumabas ngayon at mag-dinner?”

Tumingin sa’kin si Zeke, nakakunot ang noo nya kaya hindi ko na sya hinintay
sumagot. Tumungo muna ako bago nagsalita, “Sige kung pagod ka na, pahinga ka na
lang muna” Naiiyak ako. Hindi ko naman nakalimutan ang birthday nya eh. Tapos
nagagalit na lang sya basta-basta.

Tumalikod na ako at lumapit sa closet at kumuha ng pamalit na damit. “Okay, let’s


eat dinner together” Mabilis akong humarap kay Zeke na abot tenga ang ngiti.
“Talaga Dong? Yehes!” Hinagis ko agad pabalik sa loob ng closet ang damit na kinuha
ko saka lumapit kay Zeke at humawak sa braso nya. “Tara na, baka magbago pa isip mo
eh. Ang moody mo pa naman. Hehehe” Sabi ko, pero hindi man lang kumibo si Zeke.

**

“Thank you Kaizer” Nakangiting sabi ko kay Kaizer na pinagbuksan ako ng pinto ng
sasakyan. “Dong tara na, bakit ayaw mo pang bumaba dyan?” Tanong ko habang
sinisilip si Zeke na nakaupo pa sa loob ng sasakyan. Hindi sya nagsalita. Tahimik
lang syang bumaba ng sasakyan at natigilan nung makita ang view.

“Surprise!! Happy birthday ulit” Yumakap ako kay Zeke pagkababa nya ng sasakyan. “I
love you Dong!” Masayang bati ko habang yakap-yakap sya. Bumitaw ako sa
pagkakayakap bago sya tinanong “Nagustuhan mo ba?”

For the nth time, hindi na naman nagsalita si Zeke, naglakad sya sa palapit sa
table. Naiwan ako saglit na nakatayo kung saan nya ako iniwan, ni hindi nya man
lang hinawakan ang kamay ko. Hindi tulad noon. Ang bigat sa dibdib. Kanina ko pa
pinipigilan ang iyak ko pero hindi pwede. Kailangan masaya ako kasi birthday ni
Zeke. Tama! Pagod lang ‘yan Aemie.

Naglakad ako palapit sa table na sinet-up namin nila Kaizer at naupo sa harap ni
Zeke. Nilagyan ko sya agad ng pagkain sa plato nya. Nakatitig sa’kin si Zeke habang
ginagawa ko ‘yun kaya tinanong ko sya. “Kulang pa ba? Gusto mo ba dagdagan ko—“

“Nah,” Tipid na sagot nya kaya tumigil na ako sa palalagay. “Oo nga pala Dong, alam
mo bang okay na kami ni insan? Nagkausap na kami last week. Natutuwa nga ako kasi
tinulungan nya pa ako sa pag-aayos dito,”

Tumigil ako sa pagsasalita at tumingin kay Zeke. Titig na titig sya sa’kin pero
hindi sya nagsasalita. Hindi na ako nagtanong kasi ayoko namang mabadtrip si Zeke,
ngumiti na lang ako at itinuloy ang pagke-kwento “Saka ano pala, si Louie—uhh”
Sinulyapan ko sya ng tingin, hindi pa din nya inaalis ang tingin nya sa’kin pero
nakakunot na ang noo nya.

Huwag ko na kayang ituloy? Baka madagdagan lang ang problema ni Zeke. “Si Louie,
magkasama kami kanina tapos namasyal kami hehe” Hindi ko na binanggit ang tungkol
sa pagtatanong ni Louie sa kung sinong pumatay kay Shan. Hindi na naman siguro
importante ‘yun, saka isa pa ayokong makadagdag sa iniisip ni Zeke.

Ngumiti muna ako kay Zeke bago inumpisahan ang pagkain. Nakailang sulyap din ako sa
kanya dahil hindi man lang nya ginagalaw ang pagkaing nilagay ko. At hindi nya din
inaalis ang tingin nya sa’kin “Kain ka na Dong” Nakangiting sabi ko.
“I want to end this”

Tumigil ako sa pagkain nung madinig ko ang sinabi nya. “Huh? Pero hindi ka pa
nagsisimula sa pagkain ah,”

“No, I’m talking about you and me. I’m getting tired of our relationship, so lt’s
end this,”

“Ah—ano bang—“ Bago ko pa maituloy ang sasabihin ko ay tumayo na si Zeke at


nagsimulang lumakad palayo.

Lumingon ako sa likod ko para sundan sya ng tingin pero hindi ko na sya makita
dahil blurred na ang paningin ko dahil sa mga luha na nagbabadya ng tumulo. “Dong”
Sinubukan kong tawagin si Zeke pero dire-diretso sya sa paglalakad palayo.

**

A/N : Konti na lang, finals na namin nextweek magiging regular na UD. Thanks sa mga
naghintay sa UD :*

P.S : Basahin nyo Writer’s Block ah. Yiii~ New story ko ‘yan :D

=================

Chapter 29

Aemie’s PoV
“Dong!” Sa pangalawang pagkakataon ay tinawag ko ulit si Zeke, kahit tuloy-tuloy na
ang agos ng luha ko pero hindi pa din nya ako nilingon.

“Oy Zeke saan ka ba pupunta kasi?” Tanong ko sa pagitan ng iyak. Tumayo ako nung
tumigil sa paglalakad si Zeke.

Natigilan ako nung magsalita si Zeke “Don’t you dare follow me” Nakatalikod sa’kin
si Zeke sa’kin kaya hindi ko makita ang mukha nya. Pero bawat salita na binibitawan
nya may diin.

“Okay” Tipid na sagot ko.

**

Kaizer’s PoV

“Mauuna na ba tayo pre? O hihintayin pa natin ‘yung mag-asawa?” Tanong ni Lerwick,


nagsindi ako ng sigarilyo. “Wala ka bang napapansing kakaiba ‘tol?” Dugtong nya pa.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Ayokong magsalita dahil kanina pa din ako may
napupuna.

“Oh ayan na si Bossing, ang bilis naman yata nila kumain,” Itinapon ko ang
sigarilyo na hinihithit ko nung matanaw namin ni Lerwick si Mr. Roswell na palapit
na.
Hindi nakaligtas sa mga mapupungay kong mata ang panyo na kakasilid nya lang sa
bulsa nya. Lumipat ang tingin ko sa mga mata ni loverboy na mukhang galing sa iyak.
Wengya! Anon a naman nangyari dito sa mag-asawang highblood.

Umalis ako sa pagkakasandal sa kotse dahil akmang sasakay na si Mr. Roswell sa


driver’s seat. “Take her home” Tipid na sabi nya bago sumakay sa kotse na
sinasandalan ko.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Lerwick nung paandarin ni loverboy ang kotse palaya.
Anak ng pusang kinalbo! Ano bang problema na naman?

“Anong nangyari sa isang ‘yun?” Kamot-ulong tanong ni Lerwick.

Sinundan ko ng tingin ang sasakyan ni Ezekiel. Ilang segundo simula ng makalayo sya
ay sunud-sunod ang pagharurot ng mabibilis na kotse ang dumaan sa harap naming
dalawa ni Lerwick. “Shutanginers ‘tong mga kotseng ‘to! Gusto pa yatang dalihin ang
katawan kong ubod ng—“

“Sama” Dugtong ko.

“Tsk tsk. Para namang hindi mo nakita ang lahat sa’kin pre”

“Ulul” Akmang susuntukin ko sa balikat si Lerwick nung may magsalita sa harap


naming dalawa.
“Si Zeke?”

“Oh Aemie, sabi ni Mr. Roswell hatid ka daw namin pauwi. May nangyari ba?” Usisa
ko.

Lumingon sya sa tinahak na daan ni Mr. Roswell at nung mga kotseng mabibilis ang
andar. Hanggang ngayon ay nauulininigan ko pa ang tunog ng makina ng mga dumaang
sasakyan. May luha pa sa mga mata nya kaya kahit naman hindi nya sabihin alam kong
umiyak sya. Wengya! Ano ba talagang nangyari?! Anak ng tinola naman.

“Ahh wala, naaabno lang si Zeke, tara na umuwi” Pag-aaya nya.

“Sigurado ka bang ayos ka lang Miss Aemie?” Paninigurado ni Lerwick.

“Oo naman ‘no, wala ‘to” Sagot pa nya.

**

“Miss Aemie huag ka ng umiyak”

“Waaa huhuhu! Hindi ko kasi alam bakit ganun. Bakit biglang sinabi ni Zeke sa’kin
‘yun. Tapos sasabihin nya ‘wag ko daw syang sundan”
“Tang*na din ‘yan si bossing. Ano na naman ba ang pumasok—Aww!” Napahagalpak ako ng
tawa nung hinampas ng unan ni Aemie si Lerwick.

“Wag mo ngang minumura si Zeke,” Inis na sabi nya kay Lerrwick. Hahaha pfft.

“Baka naman may nangyari kay kuya Ezekiel na hindi natin alam?” Sabi ni Milka.
Iniabot nya ang kakatimpla nya lang na juice kay Aemie. “Uminom ka muna ate Aemie”

“Yah she’s right” Pagsang-ayon ng kapatid ko na kanina pa din malalim ang iniisip.

Humikbi si Aemie at saka inabot ang binigay na juice ni Milka. “Thank you”

“Hindi kaya may ibang babae si Bossing?” Sabay-sabay kaming tumingin ng masama kay
Lerwick. Gago talaga ‘tong tukmol na ‘to sa lahat ng pwedeng sabihin—

“Oo nga ‘no, baka may ibang—“

“Sus! Si Boss mangbababae? I doubt that” Putol ni Lee kay Aemie, na mukhang
naniwala agad sa sinabi ni Lerwick. Imposible ngang gawin ni loverboy ‘yun.
Napahawak ako sa mapang-akit kong mukha saka nag-isip ng malalim. “Anak ng tokwa!”

“Bakit Kaizer?” Wengya!


“Ahh wala, may lamok lang hahaha” Palusot ko. Umayos ako ng upo nung makita kong
nakatingin na sila sa’king lahat. Hindi kaya may kinalaman ‘yung mga sasakyang
kasunod ni Mr. Roswell? Sino kaya ang mga ‘yon?

“Huhuhuhu”

“Tahan na Miss Aemie, magiging okay din ang lahat. Let’s just trust him”

Napailing ako habang pinapanuod sila na pinapagaan ang loob ni Aemie, hanggang sa
madapo ang tingin ko sa kapatid ko na nakatingin sa’kin. Nakakunot ang noo nya saka
nya ako tinaasan ng kilay.

“Hindi ko kasi maintindihan si Zeke eh! Ang sabi nya hindi na daw kami magtatago ng
sikreto sa isa’t-isa. Lagi daw kami magtutulungan. Tapos—tapos-huwaaaa huhuhu”
Hindi na naituloy ni Aemie ang paglalabas ng sama ng loob dahil bumunghalit na
naman sya ng iyak. Gago talaga ‘yang si Mr. Roswell eh.

Walang magawa ang lahat kung hindi damayan sya. Birthday pa naman ni Mr. Roswell
ngayon.

“‘Wag talagang makakauwi-uwi ‘yang Ezekiel Roswell na ‘yan dito sa bahay. Humanda
talaga sya sa’kin ‘yan. Hinding-hindi ko sya papapasuki—“

*dingdong*

Mabilis na nagpunas ng luha si Aemie nung madinig nya ang doorbell. Tumayo sya mula
pagkakaupo. “Ako na magbubukas ng pinto Ma’am Aemie” Nakatayo na din si Lee at
akmang maglalakad na nung pigilan sya ni Aemie.

Tumaas ang kilay ko nung nakangiti na sya at hindi na umiiyak. Anak ng! Mood swing?
“Ako na magbubukas, sigurado namang si Zeke na ‘yan. Hehe” Nakasunod kaming lahat
kay Aemie ng tingin na naglalakad papalapit sa pinto na parang walang nangyari.
Sigurado bang ayos lang sya?

“Hi dong!” Masayang bati nya kay Mr. Roswell pagkapasok ng bahay.

**

Aemie’s PoV

Sinundan ko si Zeke na diri-diretso sa paglalakad sa kwarto. Pero hindi tulad


kanina, hindi na ako nagsasalita ngayon. Ayoko kasing makulitan sya sa’kin.

“I will move out from this house... tonight”

Tumango ako at binuksan ang closet na malapit sa’kin para kuhanin lahat ng damit
nya. “Dadalhin mo ba lahat ng damit mo?” Tanong ko sa kanya. Naglabas din ako ng
bag na paglalagyan ng mga damit at ng iba pang kailangan nya.

Nakakunot ang noo nya habang titig na titig sa’kin. Inalis ko ang tingin ko sa
kanya kasi ayokong maiyak. Ayoko din naman syang pigilan sa gusto nya. May tiwala
ako kay Zeke, kahit naiinis ako.
Umupo ako sa kama, hawak-hawak ang ilang damit na kinuha ko sa closet saka nag-
umpisang tiklupin at ayusin ang mga damit.

Kahit hindi ako nakatingin sa kanya, kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin


sya sa’kin kaya tumunghay ako at saka nya nginitan bago ko ibinalik ang tingin sa
mga damit na inaayos ko. Nasa gitna naming dalawa ang bag ng damit. Gusto ko ng
ihambalos kay Zeke ang bag, kasi hindi man lang nya ako tulungang magsalansan ng
damit. Pasalamat sya, birthday nya ngayon.

Nung mailagay ko na lahat ng damit sa bag ay saka pa lang ako nagsalita. “May iba
ka pang kailangan dalhin?” Tanong ko, pero hindi sya kumibo. Tahimik lang sya kaya
ako na ang nagkusang tumayo at kumuha ng pulbo, cologne, mga shampoo, sabon,
deodorant, towel, toothbrush, toothpaste, at kung anu-ano pang mga gamit na
kakailanganin nya.

Hanggang sa mailagay ko lahat ng kinuha ko ay hindi pa din nagsasalita si Zeke.


Nagbirthday lang, na-pipi na. Kahit kailan talaga ‘tong lalaking ‘to. Hayy.

“Okay na” Sabi ko.

Tumayo si Zeke saka lumapit sa vanity table. Pasilip-silip naman ako kung ano ang
kinakalikot nya doon. Parang ang tagal-tagal naman kasi, hanggang sa lumapit sya at
binuksan ang bulsa ng bag. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti nung
inilagay nya ‘yung binigay ko noon na Barbie watch, Barbie na bracelet at Barbie na
keychain.

Dinampot nya ang bag na nakapatong sa ibabaw ng kama. Hindi naman nya sinabi kung
kailan sya babalik, kaya kahit naiiyak ako tuwing tumitingin ako kay Zeke ay hindi
ko pa ding napigilang hindi sya tignan sa mukha.
Iiwan na ba nya talaga ako?

Nakatitig sya sa’kin. Gustung-gusto ko syang tanungin, kasi parang may gusto din
syang sabihin. Gusto ko syang pigilang umalis, pero hindi ko alam kung bakit kahit
alam kong nasasaktan ako hinahayaan ko lang.

“I’m leaving” Paalam nya. Pero hindi pa din sya umaalis sa harap ko.

May sampung segundo pa akong nakatingin lang sakanya bago ako ngumiti at tumango,
pinipigilan kong tumulo ang mga luha ko na kanina pa excited tumulo. “Ingat” Sagot
ko.

Hindi pa din umaalis si Zeke sa harap ko kaya tumungo ako at naupo sa kama. Bakit
ba hindi na lang sya umalis. Kanina ko pa gustong umiyak, hindi tuloy ako makaiyak.

Maya-maya pa ay nag-umpisa ng maglakad si Zeke palabas ng kwarto.

Hindi ko na napigilang umiyak.

**

Amesyl’s PoV
Hinila ko si Caileigh paupo. Manang-mana talaga ‘to sa pinsan nya. Patanga-tanga
minsan. “Gusto mo bang mahuli nila tayo dito?” Inis na tanong ko sa kanya.

“I’m sorry girl,”

Sumilip kaming dalawa sa sasakyan na tinataguan namin. “Oh em!” Mabilis kong
tinakpan ang bibig ni Caileigh. “Isa pang mag-ingay ka Caileigh tatadyakan talaga
kita para humagis ka dyan sa pinsan ng baklang si Louie”

“Sorry” She mouthed habang nakangiti at naka-peace sign. Nawala din agad ang inis
ko. Ngayon ko lang napagtanto na bagay na bagay ngang magpinsan sila ni Aemie.
“There’s probably a huge problem lurking here. What do you think Ame-girl?”
Nakatingin lang ako sa dalawang tao na kasama ni Wallace,

Kilala ko sila, lagi silang kasama ni insan eh.

Sila Tristan at Spade.

“Hindi ko alam Caileigh, pero hindi ko din alam kung kanino natin dapat sabihin ang
tungkol dito”

“Kay Aemie. Or sa husband nya kaya? What do you think?”

Hindi naman namin alam ang dahilan kung bakit sila nandito. Masyado din naman
kaming malayo ni Caileigh para madinig ang pinag-uusapan nila. “Minsan ko ng
nakasama si Wallace about planning and such. And I know na Malaki ang galit nya sa
husband ni Aemie-girl” Tumingin ako kay Caileigh. “Si Spade at Tristan, diba lagi
silang kasama ni insan. Kaya bakit magkakasama sila?” Bulong k okay Caileigh.

“I don’t know the answer either. Basta as far as I remember, they’re both in a
relationship with Meisha and Cassandra. ‘Yun lang. No more, no less”

Ibinalik ko na ang tingin ko sa tatlong magkakasama. Lahat silang tatlo ay seryoso.


Sinubukan ko pang basahin ang buka ng bibig nila para kahit papaano ay may
maintindihan ako. Pero isang word lang ang naintindihan ko

Roswell

“Isa pa girl, I believe na may alam si Wallace sa ginawa ng husband ni Amie-girl


kay Shan,” mabilis akong tumingin sa sinabi ni Caileigh. “Alam nya?” Bulong ko sa
kanya pabalik. “Feeling ko, lahat naman kasi ng kilos ng Roswells binabantayan
nila. So it’s not impossible na hindi nya alam. Kuya mo nga alam eh, si Wallace pa
kaya” Tuluy-tuloy na sabi ni Caileigh. Tama nga din naman.

Kung ganoon, bakit hindi nya sinabi sa baklang betty boop ang tungkol sa nangyari?

**

Aemie’s PoV

Nagkusot ako ng mata nung magising ako mula sa pagkakatulog. Kahit yata tulog ako
umiiyak ako kasi basa pa ang mata ko. Huhuhu. Si Zeke kasi eh. Bumangon ako saglit
at tumayo para ayusin ang kwarto.

Inilibot ko muna ang tingin ko sa buong kwarto bago ako lumapit sa vanity table na
hindi man lang isinara ni Zeke. Napaka talaga nung lalaking ‘yun. Aalis na nga lang
lahat-lahat iniiwan pang nakabukas ang—

‘Ano ‘to?’ tanong ko sa isip.

Inalis ko ang lighter na nakalagay sa lalagyan ng Barbie keychain. Sa ilalim ng


lighter ay may nakatiklop na puting papel.

I love you so damn much wife. There are so many things you need to know, but I
can’t fvcking spill out the truth. They can see us, they can even hear us.

Multo lang ang peg? Anong ibig sabihin nito ni Zeke. Itinuloy ko ang pagbabasa..

This is all about the Black Organization. They will kill me the moment I let my
guards down. And they will kill Yaji, Roswells and our son.

Aba’t talagang ginagalit ako ng Black Organization na ‘yan ah. Ang buong akala ko
tumigil na sila dahil wala na akong nadidinig mula sa kanila nitong mga nakaraang
buwan, pero talagang hindi pa pala.

I will try to play along with their game until our baby Bullet comes out. I love
you both.
“Huwaaaa! Napakawalang-puso talaga nyan ni Zeke. Ang kapal ng mukha nyang iwan ako.
Hindi man lang nya naisip kung anong mangyayari sa anak namin pag lumaking walang
tatay” Acting ko saka kinuha ang lighter na kanina ay nakapaibabaw dito sa note.
Inumpisahan kong sindihan ang sulat na ginawa nya hanggang sa unti-unting matupok
ng apoy.

Paanong nakikita at nadidinig nila kami?

At teka—anong baby Bullet ang sinasabi ni Zeke? Huwag nyang sabihing ayun ang gusto
nyang pangalan? Sya na nga nagdecide ng gender, sya pa nagdecide ng pangalan?

Huhuhu nakapag-decide na pa naman ako ng pangalan. Gusto ko pa namang pangalan


‘yung Ulap Tweet Tweet Roswell.

=================

Chapter 30

Meisha’s PoV

It’s almost midnight pero wala pa din kahit isa sa amin ang umaalis dito sa living
room. Kanina pa nakaalis ng bahay si Mr. Roswell, si Miss Aemie naman ay hindi na
bumaba, siguro tulog na.

Inilibot ko ang tingin ko sa mga kasama ko dito sa living room. Si Milka ay busy sa
pagte-text, Cass is playing cards alone, sina Lee at Fauzia naman ay may sariling
conversation. Si Vash Boulstridge ay tahimik lang at mukhang malalim ang iniisip.
While Max and Lerwick are busy playing with the dog and cat.

“Wala pa ba sila kuya Spade at kuya Tristan?” Tanong ni Milka, kaya lumipat ang
tingin ko sa kanya. Oo nga ‘no, gabing-gabi na wala pa ang dalawang ‘yun.

Tumingin ako kay Milka at tinignan ang ginagawa nya. She’s holding her phone, nung
sagutin sya ni Cass “Wala pa, bwisit nga eh, kanina ko pa tine-text si Spade di
naman nagrereply” Tumango lang si Milka saka ipinagpatuloy ang pagte-text. I
frowned. ‘weirdo’ I said at the back of my head.

Hindi ko pa inaalis ang tingin ko sa kanya nung tumayo si Max at naglakad palabas
ng bahay. Kanina ko pa ding napapansing kakaiba ang kinikilos nito.

Inayos ko ang damit ko nung makatayo ako saka sya sinundan. Tawag ko nung ilang
metro na ang layo namin sa bahay. “Max” Nagsisindi sya ng sigarilyo at nakatalikod
sa’kin kaya lumapit pa ako para humarap sa kanya. “What happened?” I asked, sila
ang kasama ni Mr. Roswell at ni Miss Aemie kanina sa dinner date kaya siguradong
sila ang may alam.

Tumingin sya ng diretso sa mga mata ko. I frowned. Hindi sya nagsasalita pero alam
ko na may gusto syang sabihin. “What’s the matter?” Tanong ko na naman.

Umiling-iling sya habang natatawa. “Hindi ko din alam sis” Based on his smile, I’m
now sure na may mali sa mga nangyayari.

Nagsawalang-kibo na lang ako. “Ahh. Balik na ako sa loob,” I replied, before


walking away. Nakiramdam ako sa paligid if someone’s watching us. And tama nga ang
iniisip ko. Who the hell are they at bakit sila nakabantay sa’min—lumingon ako sa
kapatid ko. Naninigarilyo sya, and relax na relax as always.

Alam kong may alam si Max, “Max” I shouted.

Lumingon sya sa gawi ko. He’s now wondering. “Oh sis? Akala ko papasok ka na sa
loob?” He asked back. Lumakad ako pabalik sa kanya, with my both hands inside my
pocket. “I’ve changed my mind,” I took a deep breath and listened to my
surrounding. This is bullshit. I can clearly hear the sound of the guns, although
hindi ganoon kalakas. Kung hindi tahimik ang paligid ay siguradong wala akong
mapapansin.

“Gusto mo?” Max handed me a cigar. Hindi ko naman tinanggihan. Makakatulong din
naman ‘to to relieve some stress.

**

Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakalipas, mag-iisang oras na yata. Tahimik
lang kaming dalawa ni Max. ‘Wala ba silang balak umalis? Talaga bang bawat kilos
namin kailangan nilang bantayan?’’ I asked at the back of my head. Tss. Pathetic.
Masyado yata silang naduduwag.

“Should I check Ms. Aemie?” Basag ko sa katahimikan.

“Sige lang sis. Kaysa naman nandito ka. Mai-speechless ka lang sa kagwapuhan ko,”

Wow! My ever conceited brother. I rolled my eyes. “Sumunod ka na din maya-maya,”


Sabi ko sa kanya before leaving.

On my way to Ms. Aemie and Mr. Roswell’s bedroom, nakita ko na si Ms. Aemie. She’s
wandering on the hallway. “Miss Aemie, hindi po ba masyado ng gabi para magpalakad-
lakad pa kayo. Dapat natutulog ka na. Hindi mabuti ang nagpupuyat sa buntis,” I
said.

Lumingon sya sa’kin. Naglalakad naman ako palapit sa kanya. “I know. May iniisip
lang ako,” Sagot naman nya.

“Oo nga pala, I have to tell you something. Alam kong madami kang iniisip Ms.
Aemie, pero kailangan mong malaman ‘to. Nasa labas ako kanina at—“

“Bukas mo na lang siguro sabihin Meisha, medyo nahihilo ako. Tingin ko kailangan ko
ng matulog,” She smiled at me, before sya nagmadaling maglakad papunta sa kwarto
nila ni Mr. Roswell.

**

Aemie’s PoV

“Ms. Aemie, aalalayan ko na po kayo hanggang sa—“ Inalis ko ang mga kamay ni Meisha
na humawak sa braso ko. “Okay lang ako Meisha, matulog ka na din.” Nginitian ko
ulit sya, para masigurado sa kanya na okay talaga ako. Hindi naman talaga ako
nahihilo. Ayoko lang ituloy nya ang sasabihin nya. Dahil sabi nga ni Zeke, nakikita
at nadidinig kami ng Black Organization.

At hindi ko hahayaan na may malaman sila.

Pinatay ko na ang switch ng ilaw saka humiga sa kama. Gustuhin ko mang sumilip sa
bintana hindi naman pwede kasi baka makahalata sila.

“Ano na kayang ginagawa ni Zeke?” Bulong ko bago pumikit para matulog.

-Kinabukasan-

“Pupunta lang ako saglit sa office,” Paalam ko sa mga kasama ko sa bahay nung
makababa ako sa hagdan. Hindi naman porket umalis si Zeke, kailangan pabayaan ko na
din ang company. Dapat nga mas asikasuhin ko ‘yun kasi walang mag-aasikaso.

“Samahan na kita Ms. Aemie,” Sabi ni Sebastian.

“Ako din Aemie, sasama na ako,” isa pa ‘to si Kaizer.

Tumango ako sa kanilang dalawa at naglakad na palabas ng bahay.

“Si Ms. Aemie ba ang gusto mong samahan baby Lampe, o ako?”

“Ulul”

Para talagang mga ewan ‘tong mga kaibigan ni Zeke. Hindi mo maintindihan kung bakla
ba o ano. Nung makarating na kami sa tapat ng kotse ay pinagbuksan ako ni Sebastian
ng pinto,“Thanks”

“Naman!”

Si Kaizer naman ay dumiretso sa driver’s seat at umayos ng upo. Hayy grabe ang
lapit-lapit lang naman ng nilakad namin pero napagod ako dun. Feeling ko ang bigat-
bigat ko.

“Diretso na ba tayo sa opisina o dadaan muna tayo sa restaurant para kumain?”


Tanong ni Kaizer.

“Sa opisina na lang siguro, doon na lang din tayo kumain” Sagot ko saka tumingin sa
labas ng bintana. Sinusubukan kong sulyapan kung may ibang tao sa labas ng bahay
nung mapansin ko ang isang maliit na bagay na nakadikit sa may pinto ng kotse. It’s
a device, para madinig ang pinag-uusapan ng mga tao.

Hindi agad sya kapansin-pansin dahil mas maliit sya konti sa isang butones. Parehas
pa silang kulay itim nung pinto kay mas lalong hindi mo mapapansin.

Inalis ko din agad ang tingin ko. Tumingin na lang ako sa daan sa labas. ‘Yun ba
ang ibig sabihin ni Zeke, kaya nya nasabing nadidinig kami ng Black Organization?

Ibig sabihin, pwede ding may mga hidden cameras dito sa loob ng kotse, at sa buong
bahay?

Napatakip ako ng bibig.

Umusod ako ng kaunti at kumapit sa mga headrest ng upuan nila para medyo lumapit
ako kila Kaizer at Sebastian. “Kaizer, Sebastian” Tawag ko sa kanilang dalawa.

“Yow Aemie?” Tanong ni Kaizer, hindi sya nakatingin sa’kin dahil nakatingin sya sa
daan. Si Sebastian naman ay inalis ang earphones na suot-suot. “Oh Miss Aemie, may
problem aba?” Tanong ni Sebastian.

Sinulyapan ko saglit si Kaizer bago si Sebastian. “Hehe ahmm naiihi na kasi ako,
pwede bang bilisan natin ng konti?” Palusot ko. Kinagat ko din ang labi ko para
hindi ako makapagsalita.

Hayy. Nararamdaman ko na ang nararamdaman ni Zeke, gusto kong magsalita at sabihin


kay Kaizer at Sebastian pero hindi ako makapagsalita kasi alam kong may makakadinig
ng usapan namin.

“Kinabahan naman ako doon Ms. Aemie, akala ko manganganak ka na eh,”

Sumandal ulit ako sa upuan at hindi na nagsalita

**

“Good morning Ms. Aemie,”


“Good morning Mrs. Roswell”

“Good morning,” Binati ko din ang dalawang secretary na sumalubong sa’min pagpasok
ng opisina.

“H-hi”

Lumingon ako kay Kaizer na nakatingin at hindi makapagsalita sa harap ni Sierra.


Samantalang si Sebastian ay dire-diretsong naupo at pinaikot-ikot pa ang swivel
chair ni Zeke. “Miss Sapphire Griffin, patingin nga ako ng updates,” Naglalakad ako
palapit sa table ko.

“Yes po Mrs. Roswell,” Tumalikod si Sapphire at lumapit sa table nya. Si Sierra


Valentine naman ay lumapit sa’kin. “Yes Ms. Valentine?” Tanong ko sa kanya habang
ino-open ko ang laptop ko.

Tumingin sya kay Sapphire na may inaayos na folder sa lamesa nya kaya kumunot ang
noo ko, “Ms. Valentine may sasabihin ka ba?” Tanong ko. Ibinalik nya sa’kin ang
tingin nya. Bakit parang kinakabahan si Sierra Valentine? Ano kayang meron? “Ahh
Miss Aemie, may gusto po sana akong sabhin. But if you don’t mind pwede po bang
tayong dalawa lang?” Pakiusap nya.

Tinignan ko kung ano ang ginagawa ng mga kasama namin dito sa loob. Si Sebastian ay
mukhang aliw na aliw sa upuan ni Zeke, dahil kanina pa nya ‘yun pinaiikot-ikot. Si
Kaizer naman ay nagbabasa ng magazine, at patingin-tingin kay Sierra. Samantalang
si Sapphire ay nag-aayos pa din. Gaano ba kahaba ang hinihingi kong updates at
napakatagal ibigay nitong si Sapphire. Hayy! Buti pa ‘tong si Sierra, dapat
nagpalit kaming dalawa ni Zeke ng secretary eh.

“Sige doon na lang tayo mag-usap,” Turo ko sa private conference room dito sa loob
ng opisina.

“Sige po,”

Naglakad kaming dalawa ni Sierra papasok sa loob kwarto. “Ano ba ‘yung gusto mong
sabihin sa’kin Sierra?” Casual na tanong ko. Kung tungkol sa company naman ang
gusto nyang sabihin, bakit di na lang nya kay Zeke sabihin since secretary naman
sya ni Zeke.
Lumapit sa’kin si Sierra at humawak sa mga kamay ko. Sobrang lamig ng mga kamay
nya, at namumutla na din sya. “Gusto mo bang umuwi at magpahinga? Kung gusto mo
okay lang, kaya naman namin dito sa opisina,” Sabi ko.

“No Ms. Aemie, may gusto po akong sabihin pero hindi ko alam kung papaano i-
eexplain,”

Kumunot ang noo ko. Sa itsura ni Sierra, mukhang hindi magandang balita ang
sasabihin nya.

**

Sierra’s PoV

I don’t know how to start, all I know is I really need to tell her everything.

-Flashback-

“Yes, thank you. Ako na lang ang magsasabi kay Mr. Roswell ng tungkol sa offer
nila.”

“Thank you Ms. Valentine”

“No worries”

I diverted my glance sa mga papalapit na lalaki. God! He’s so freaking handsome.


But jJudging their looks and their acts, mukhang hindi sila nandirito for something
good.
“Excuse me, do you have an appointment?” I asked nung mlapit na sila sa’kin.

“I’m looking for Mrs. Aemie Roswell,” I frowned, “Mrs. Roswell is not here. She’s
on leave” I said.

Sumenyas sya sa kasama nya para buksan ang office nila Mr. and Mrs. Roswell kaya
nagmadali akong sumunod sa kanila sa loob ng office. What the hell are they doing?
“Excuse me Sir, hindi po tama ‘yang ginagawa nyo.” They are entering without
permission. Pwede akong tumawag ng police anytime.

Tumawa ang lalaking nasa harap ko. Is he insane? “Who do you think you are?” He
asked. My eyes widened nung maglabas sya ng baril and when I looked at the other
men, may mga hawak na din silang guns. Are they freaking insane? I stepped back.
“W-what are you doing? T-tatawag ako ng pulis kapag hindi pa kayo umalis” I said
with my voice shaking. Oh god!

Hindi ko maintindihan kung ano ang ginagawa ng ibang lalaki, they’re scattered
everywhere at may mga inaayos, may mga hinahanap. I don’t know, I don’t understand.
“What do you guys want?” I asked nung makakuha ako ng lakas ng loob.

“I want them dead” Sagot nya ng natatawa. I gulped. Now I’m more than scared.
Tumahimik ako dahil inaalis ng dalawang lalaking katabi ko ang pagkakatutok ng
baril sa’kin. Are they going to kill me afterwards? No that’s impossible, hindi
nila kayang gawin ‘yun.

It was a relief nung bumukas ang pinto ng office. Papasok pa lang si Sapphire sa
loob, but she stopped nung winarningan ko sya. “Sapphire call some guards,” but
instead of following my order, pumasok sya sa loob ng opisina na parang walang
nangyari.
“Ouch!” Daing ko when the guy beside me slapped me hard across my face. “Sapphire,”
Now I’m confused, Sapphire is just standing right in front of me while smiling.

“Nagawa mo ba mga pinapagawa ko Sapphire?”

“Of course Jax,”

“Good, aalis na kami” Paalam nung lalaki. “But before I forgot, Miss. Oras na
sabihin mo sa kahit na kanino ang tungkol dito—“ He smirked, bago nya itinuloy ang
sasabihin nya “—you’re dead,”

--End of Flashback—

Ikinwento ko kay Ms. Aemie Roswell ang buong pangyayari. Because this is the right
thing, and later pupunta ako kay Mrs. Alyana Ferrer para mag-report tungkol sa
nangyari.

“Jax?” Tanong ni Ms. Aemie.

“Yes I heard Sapphire. I heard her call his name, and it was Jax”

**

Aemie’s PoV
Si Jax Blaine kaya ang tinutukoy ni Sierra? Malaki nga ang possibility na sya ‘yun.
“Ms. Aemie, can I excuse myself. Pupunta lang po akong powder room,” Paalam nya.

“Oo naman sige, tara na sa labas,” Pag-aaya ko. Hindi ko maiwasang mapaisip habang
naglalakad kami palabas at pabalik ako ng tabl—“Saan galing ‘to?” Tanong ko habang
nakatingin sa mga pagkain na nasa ibabaw ng lamesa. Si Sebastian at Kaizer ay halos
paubos na din sa mga kinakain nila.

Ahh siguro umorder sila—“Huh? Akala namin ikaw ang umorder ng pagkain Ms. Aemie?”
Tanong ni Sebastian.

Hindi ko sya sinagot. Naupo muna ako at binuksan ang paper bag na may pagkain.

Kinuha ko agad ang karton ng fresh milk at ano ‘tong nasa ilalim ng gatas—

You should never skip breakfast wife. I love you.

Pinilit kong ikunot ang noo ko kahit na gustung-gusto kong ngumiti dahil sa note
“Buti naman at dumating na inorder ko, kanina pa ako nag-text ngayon lang dumating.
Hayy! Nagtayo pa sila ng restaurant, kung ang babagal naman nila kumilos. Gutom na
gutom na tuloy ako.” Acting ko, dahil naaaninag ko sa peripheral vision ko na
nakatingin sa’kin si Sapphire Griffin. Ni hindi man lang nila napansin na wala
naman akong cellphone. Hayy. Minsan talaga hindi ko alam kung matalino ba sila o
feelingero at feelingera lang eh.

Binalingan ko ng tingin si Sapphire para alukin, “Nag-breakfast ka na ba Sapphire?”


Nakangiting tanong ko.

“Yes po,” Nakangiti ding sagot nya saka lumapit sa may table ko. “Ito na nga po
pala ‘yung update na hinihingi nyo Mrs. Roswell,”

Kagat-kagat ko ang straw ng freshmilk habang ini-skim ang folder ng updates na


binigay nya. “Thanks, mamaya ko na lang babasahin,” Sabi ko sakanya.

“Sige po, uhm Mrs. Roswell, pupunta lang po akong restroom,” Paalam nya.

“Sure,” Mabilis namang sagot ko.


**

“Aemie, saan pala nagpunta si Sierra?” Tanong ni Kaizer. Isinubo ko ang huling
kagat ng tinapay na kinakain ko bago sinagot ang tanong ni Kaizer, “Uhm sa powder
room daw eh. Bakit?” Tanong ko sa kanya saka humigp ng gatas.

“Ahh wala lang,” Mukhang inip na inip si Kaizer at hindi mapakali. “Yown! Pumapag-
ibig!” Hiyaw ni Sebastian. Pero bigla ding nagbago ang mood nya, mula sa nakangiti
biglang naging malungkot. Humawak pa sya sa dibdib nya at parang iiyak. “Ganyan ka
naman baby Lampe eh. Ako ang nandito pero naghahanap ka ng iba. Nakakasakit ka na
ng damdamin,” Sabi nya.

“Ulul—“

“Ahhhh!”

Sabay-sabay kaming tumingin sa may pinto nung may madinig kaming hiyaw ng babae, at
hindi lang isa o dalawa. Sunud-sunod ang hiyaw na nadinig namin.

Tumayo sila Kaizer at Sebastian. Ako din ay nag-umpisang tumayo. “Aemie, dito na
lang kayong dalawa ni Lerwick. Ako na lang ang titingin kung anong nangyari”

“Wait, sasama ako” Pagpupumilit ko. Baliw din ‘to si Kaizer eh, paano kung
nasusunog na pala ‘tong buong building? Edi sya lang ang nakalabas.

Hinarang ni Kaizer ang kamay nya nung lalapit na ako sa may pinto. “Aemie hindi
pwede, ka-bwanan mo na. Kami ang mayayari ni Mr. Roswell pag may nangyaring hindi
maganda”

Tinignan ko sya ng masama. “Ikaw ang yayariin ko Kaizer kapag hindi mo ako
pinadaan”

“Awtsu. Sige na tsong, ako na bahala umalalay kay Ms. Aemie. Mauna ka na,” Sabi
naman ni Sebastian. Tumango lang si Kaizer at nanakbo na palabas. Si Sebastian
naman ay humawak sa braso ko. “Kaya ko naman sarili ko Sebastian,” Paalala ko sa
kanya.
“Haha Ms. Aemie, mas mabuti ang nag-iingat.” Sagot nya sa’kin.

“Sinong walang puso ba ang gumawa nyan?”

“Omygod, nakakatakot.”

“Ano bang nangyayari. Bakit ginawa sa kanya ‘yan?”

Sobrang dami ang nagkumpulang empleyado. May mga tumatakbo na ding guards na
palapit at hinahawi ang mga tao.

“Ano bang nangyari?” Tanong ko sa mga taong nasa paligid dahil hindi ko pa makita
kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

Unti-unting nahawi ang mga empleyado sa paligid kaya naman nakapasok ako sa loob ng
powder room at nakita ko kung ano ang pinagkukumpulan nila. “Omygod” Napatakip ako
ng bibig sa tumambad sa harap ko. Sinong gagawa nito kay Sierra. May mga tama sya
ng baril at naliligo sa sariling dugo.

Hindi pa ako nakakalapit sa bangkay ay may mga pulis na dumating at pinaalis lahat
ng tao. “Good morning Mrs. Roswell, I’m detective Bermudez of NBI, maaari po ba
namin kayong mainterview saglit” Tanong sa’kin ng lalaking kaharap ko.

Humawak ako sa tyan ko dahil nakaramdam ako ng pagkirot.

“Saglit lang mga bossing, pwede bang mamaya na ‘yang interview na ‘yan?” Singit ni
Sebastian sa usapan.

**

Sebastian’s PoV
“Para saan ba ‘yang interview? Dapat yata si Ms. Sapphire Griffin ang una nyong
tanungin dahil silang dalawa ang laging magkasama ni Sierra” Binalingan ko ng
tingin si Lampe na hindi makuhang tignan ang duguang katawan ni Ms. Sierra
Valentine.

“Detective, may nakita pa kaming katawan ng isang babae sa kalapit na C.R at napag-
alaman po naming Sapphire Griffin ang pangalan ng babae,”

“Ano?!” Gulat na gulat na tanong ko. Sabay hlamos sa mukha.

“Anak ng tinola!” Si Lampe ay napahampas na lang ng kamay sa isa sa mga cubicle.

“Kung hindi ako nagkakamali ay mga sekretarya ang dalawang pinaslang tama ba?”
Usisa nung detective. “Oo boss” Ako na ang sumagot na tanong.

“Mrs. Roswell, may kilala ba kayong pwedeng gumawa nito sa kanila?” Lumingon ako
kay Ms. Aemie na nakahawak sa tyan nya. “Mrs. Roswell” Tawag ulit ng detective pero
tila hindi sya nadidinig ni Ms. Aemie.

Shit!

“Ms. Aemie ayos ka lang?”

“Aemie, anong nangyayari?”

“Ahh-m-manganganak na yata ako” Bigla akong nataranta nung madinig ko ang sinabi
nya. Shit! Manganganak! Ano ba dapat kong gawin? Upuan tama! “Pakuha naman ng isang
upuan” Putspa!

“Wengya! Teka saglit tatawag ako ng ambulansya” Aligagang sabi nung gagong si
Lampe. Pati ang mga pulis na kanina ay tutok na tutok sa bangkay ni Ms. Sierra
Valentine ay nalipat ang atensyon sa’min. Lahat sila ay aligaga na din. Nag-utos
din ang isang pulis na tumawag ng ambulansya. May nagpapaypay na din kay Ms. Aemie,
may nagpabili ng tubig at kung anu-ano pa.

“Shit oo nga ambulansya!” Tarantang-taranta ko din namang dinukot ang cellphone ko


sa bulsa para tumawag ng ambulansya.

[Express pizza delivery, can I take your order?]

“Amputs! Bakit pizza delivery ‘to?” Inend ko agad ang cellphone at nag-dial ng
panibago.

“Uhh Sir, doon po sa kabila ang daan palabas,”

“Oo nga sabi ko nga doon nga e, anak ng tinola!”

Nagda-dial ako habang tinitignan si Kaizer na hindi alam ang daan palabas, gago
talaga.

[Yes babe namiss mo ba ako? Kailan ka ba ulit pupunta--] Ini-end ko ang tawag bago
pa matapos nung babae ang sasabihin nya. Amputs! Ano bang number ng petengeneng
ospital?!

Lumingon ako kay Ms. Aemie nung akmang tatayo mula sa pagkakaupo. “Ms. Aemie”
Hinawakan ko ang braso nya para alalayan “Ano ayos ka lang? May masakit ba sa’yo,
gusto mo ba ng maiinom?”

Hindi ko alam kung anong nararamdaman nya. Pero sa itsura pa lang nya ay mukhang
sobrang sakit ng tyan nya. Pinapawisan ang noo nya at hindi makapagsalita.

“Move”
Daig pa ang alarm clock dahil gising na gising ako nung madinig ko ang boses na
kilalang-kilala ko. “Bossing” Matatalim na tingin ang natanggap ko bago nya kunin
si Ms. Aemie para buhatin.

**

A/N

Hi Mafias! I would like to announce something. Gold rising 4 na! Kita-kits tayo sa
SM Fairview this coming April 11 (Saturday). Mag-start po ang registration ng 10AM
then ang booksigning ay 1PM. Release na din po ng MHIAMB volume 4 dyan, kaya bili
kayo ng MHIAMB books ha :D Tapos ahm, madaming kasamang authors syempre. Kitakits
tayo ha! Pag kayo wala dun! Who you kayo sa’kin! Jokes.

Follow me on twitter : @mhiambwp

BASAHIN NYO DIN PO ANG NEW STORY KO! Writer’s Block ang title :D Dadalhin ko naman
kayo sa ibang mundo. Chos! Hahahaha. Thank youuu!

=================

Chapter 31

Meisha’s PoV

“Excuse me Miss, saan ‘yung delivery room?” Nagmamadaling tanong ko sa nurse na


nasa front desk ng hospital.

“Doon po Ma’am,”

“Thank you”
Tumakbo agad kami papunta sa may delivery room. Tinawagan kasi ako ni Lerwick
kanina ang sabi manganganak na daw si Miss Aemie.

Nasa dulo pa lang kami ng hallway natatanaw ko na si Lerwick at Max na nakaupo sa


waiting area, samantalang si Mr. Roswell ay palakad-lakad sa tapat ng delivery
room.

“Kamusta na?”

“Ano ng nangyari?”

Tumayo si Lerwick at Max at pinaupo sila Milka at Fauzia, “Mei, maupo ka muna” Sabi
ni Lerwick. I just rolled my eyes and crossed my arms.

Nakatungo si Max, he’s obviously on his serious mood. “Patay na din ‘yung mga
sekretarya nila Mr. Roswell at Aemie,” sabi nya. Mabilis kong inalis ang mga kamay
ko namagka-cross kanina. “What?”

“Papaano nangyari ‘yun? As in dalawa silang sabay na namatay?”

“Dalawa, pero magkaiba ang location, magkaibang CR.” Paliwanag ni Lerwick. I


shifted my gaze at Mr. Roswell na mukhang hindi naman kami nadidinig, he’s pacing
back and forth. “Do you have any idea why it happened?” Bulong ni Cassandra, enough
for us to hear, hindi naman magkakalayo ang distance naming lahat para hindi
madinig ang sinabi nya.
“Hindi nga eh,” Iiling-iling na sabi ni Lerwick.

“Nasaan na si insan?” Lumingon ako sa likod ko para tignan ang kakarating lang,
sila Amesyl at Caileigh. Hinihingal pa silang dalawa at may konting pawis sa mga
noo.

“Nasa loob pa eh, upo muna kayo dito,” Sagot naman ni Fauzia sa kanila.

“Omygosh! I’m so excited na, ano kaya itsura ng baby ni Aemie-girl?” Nakangiting
tanong ni Caileigh. “Syempre kamukha ko,” Singit ni Max. Wow ha. Naglakad ako sa
katapat na upuan at naupo.

“Kung sa’yo lang din naman magmamana, ‘wag na lang. Baka bata pa lang ang baby ni
insan lumalambitin na sa puno ng saging,” Sagot ni Amesyl.

“Sabagay, ang hirap maging gwapo. Ayokong pagdaanan ng anak nila Aemie at Mr.
Roswell ang hirap na dinanas ko,” Iiling-iling na sabi ni Max.

I smiled habang tinitignan ko kung paano umusok sa galit si Amesyl dahil sa sinabi
nya. I’m sure, Max and Amesyl will be a cute couple if ever. Why not diba?

“O Mei, good mood? Hahaha”

“Problema mo Lerwick?”
**

Amesyl’s PoV

“Hirap talaga ang dadanasin pag sa’yo nagmana ng itsura. Kahit naman ako, kung
ganyan ang itsura ko, baka maisumpa ko mga magulang ko” Inis na sagot ko sa unggoy
na mukhang tao.

“Hahahaha wala ka pala Lampe eh,”

“Baby Lerwick, ipagtanggol mo nga ako. Inaaway ako ng tomboy na ‘yan,” Nagpanting
ang tenga ko dahil sa nadinig ko.

“Ulul! Kayang-kaya mo na ‘yan baby Lampe”

“Hahahaha”

“Eww,”

Ako? Tomboy?
“Hoy lalaking pinaglihi sa homo erectus, pata sabihin ko sa’yo—“

“Congratulations, it’s a baby boy”

Agad akong tumayo at lumapit sa nakangiting doctor na lumabas mula sa delivery


room. Ganun din ang ginawa ng iba pa naming kasama, “Where are they? Can I see
them?” Natawa ang doctor dahil sa sinabi ng asawa ni insan. “Kayo po ba ang ama ng
baby

He’s teary eyed nung ngumiti sya sa doctor bilang sagot, na ikinagulat namin.

“Mamaya Mr., makikita mo din sila.”

Ngumiti ulit si Mr. Roswell sa doktok ar bahagyang tumango. We are all speechless.

I can’t explain the feeling, he’s being too emotional, nakalimutan nya yatang
nandito kami.

**

Grethel’s PoV
I am heading to my office for few business deals I need to settle. And while I’m on
my way, sinalubong ako ng secretary ko. “Miss Lux, okay na po mga pinaayos nyo,
nakabili na po kami ng shares sa businesses ng Roswells, Ferrer at Heartily.”

“Very well, Amanda. May mga meetings ba ako today?” I asked habang kinukuha ko ang
phone sa sling bag na dala-dala ko.

Louie : Grethel, saan ka? Pwede ba tayong magkita?

“Yes Miss Lux, may lunch meeting po kayo mamaya, and another meeting sa hapon,”

Should I reply ‘I’m busy’ or not?

Reply: I’m quite busy, but you can drop by here sa office.

“Isa pa nga po pala Miss Lux, may pumunta po dito kaninang maagang-maaga...”
Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa sekretarya ko. I wasn’t expecting someone,
so sino naman ang pupunta.

Ugh never mind, maybe it was someone from the Black Organization. Itinuloy ko ang
paglalakad hanggang makapasok kaming dalawa ng office. “Anong sabi?” I asked
without looking at her,

“Ang sabi po nya... gawin ko daw po ‘to”


I was about to look at her para malaman kung ano ang pinapasabi ng pumunta when I
felt a stab on my right. Dammit. “He said pag tinuloy mo lahat ng pinaplano mo, sya
mismo gagawa nito sa’yo,” I was left alone nung tumakbo sya palabas ng office.
Shit! Sumalampak ako sa sahig habang hawak-hawak ko ang tagiliran ko.

The right part of my clothes is now soaked with my own blood.

Kinuha ko ulit ang phone sa sling bag ko to dial Louie’s number.

[Greth--]

“Louie, pumunta ka na agad please may sumaksak sa’kin,”

[ANO?! Sige sige papunta na ako]

**

Terrence Von Knight’s PoV

“Anong nangyari?” Humigpit ang hawak ko sa baso na hawak ko habang kausap ko si


Grethel sa telepono.
[Hindi ko din alam, sinabi ko lang. Sige na matutulog muna ko. Nahihilo ako sa
gamot. Ugh]

“Okay sige,” Si Roswell lang naman ang kilala kong pwedeng gumawa nun kay Grethel.
Talaga bang sinusubukan nya ang Black Organization?

-Flashback-

“Si Grethel na ang bahalang bumili ng shares,” I said. Si Grethel Canary Lux ang
isa sa mga prospect para pumalit sa position ng tatay ni Satana Beatrix Lestrange
sa Black Organization. Pero madami syang katunggali sa position.

We have Andrei Lewis at..

Si Ezekiel Roswell.

“Kayanin naman kaya ni Lux? Tingin ko masyado syang mahina para maging isa sa
leader ng Black Organization,” Greg Lennox.

“Mayaman si Grethel. At isa pa, kayang-kaya nyang paikutin ang kaibigan ni Aemie
Roswell na si Louie Birkins.” Saad ko. Humigop ako ng kaunting wine bago
nagpatuloy--“At kung sa atin papanig si Birkins, siguradong tayo din ang papanigan
ng grupo ni Lionhart,” Tumango ang ilang leader ng Black Organization tanda ng
pagsang-ayon sa sinabi ko.
“How about Andrei Lewis? Malawak ang connection nya,” Jagger Frits.

“Pasado para sa’kin si Lewis, minsan na din syang nakipag-tulungan sa Black


Organization kaya alam kong hindi nya tayo tatraydurin,” Inigo Rances.

“I agree,” Pag sang-ayon ko. “Pero kapatid nya si Amesyl Cross, na malapit kay
Aemie Roswell, malaki ang posibilidad na bumaliktad sya,” Dugtong ko pa.

“Bakit hindi natin i-consider ang kakayanan ni Roswell? He’s smart and he has so
much wealth” Damon Evo Hunter

“Tutol ako dyan, kung hahayaan natin si Roswell na makasali sa Black Organization,
para na din nating hinayaan sya na buwagin ang organisasyon,” Saad ko. “Ang
kailangan nating gawin ay paghiwalayin ang Roswell at Ferrer nang sa ganon ay
madali rin natin silang mapabagsak”

“Mas mahahawakan natin sa leeg si Roswell kung nandito sya,” Inigo Rances

“Tungkol kay Eiji Ferrer, hindi ko sya mahagilap. Siguro itinatago sya sa’tin ni
Roswell,” Will Travon.

“Yan ang sinasabi ko, mas macocontrol natin ang kilos ni Roswell kung isa sya
sa’tin,” Inigo Rances.

Nag-umpisa na ang mga bulung-bulungan at mukhang sumang-ayon na ang lahat. Tss.


Kaya naman pala madali lang silang napapaikot ni Roswell.
“I somewhat agree,” Panimula ni Jax Blaine. “Pero kailangan nating bantayang mabuti
ang mga kilos ni Roswell, hindi sya dapat makipagtulungan sa mga ka-grupo nya.
Lalong-lalo na kay Ferrer”

Bumukas ang pinto ng conference room kaya lahat kami ay lumingon para tignan kung
sino ang mabilis na pumasok dito sa loob.

“Rules are rules gentlemen, I killed Steve Vernon Lestrange. So whether you like it
or not, I will take his place,” Umupo si Roswell na kumumpleto sa walong silya na
nasa paikot na lamesa nitong conference room. “Don’t mind me, just continue
discussing on how are you going to kill me,” Walang bahid ng takot o kahit na anong
emosyon akong nakikita sa mukha nya habang nagsasalin ng wine sa baso sa harap
nya.

Saglit na natahimik ang loob ng conference room. Pare-parehas kaming


nagpapakiramdaman sa mga kilos namin.

Dudukutin ko sana ang baril na nasa loob ng coat ko pero naunahan ako ng
pagsasasalita ni Roswell kaya natigilan ako “Is this your way of welcoming me,
Knight?”

Tinignan ko sya ng mata sa mata nung tumingin sya sa’kin.

-End of Flashback-

“Good afternoon Mr. Knight, may natanggap po kaming balita na nanganak na si Ms.
Aemie Roswell,” Tumango ako sa pumasok na lalaki. “Kukunin na ba namin ang anak
nila?” Tanong nya.

“Hindi muna sa ngayon” I smiled.

**

Aemie’s PoV

“Hahahaha gago huwag kang maingay baka magising si Aemie,”

“Ulul! Ikaw dyan ang maingay eh. Alam mo ‘tol kung naiinggit ka, sabihin mo lang.
Pwede din naman kitang bigyan ng anak,”

“Tumigil na nga kayong dalawa. Napakaingay nyo kahit kailan”

“Fauzia, sawayin mo nga ‘yang inggitero mong syota, kita mo nagseselos na naman,”

“Ulul”

“Aish. Ingay”
“Hoy Boul, saan ka pupunta?”

Bakit ba ang ingay-ingay ng paligid. Ano bang meron? Iminulat ko ang mga mata ko
para tignan kung bakit nadidinig ko ang boses nila Kaizer.

“Miss Aemie,” Si guardian angel ang una kong nakita pagkamulat na pagkamulat ko
dahil sya ang pinakamalapit sa’kin. “Guardian angel, anong ginagawa mo dito sa
kwarto namin ni Zeke?” Tanong ko.

Gulat na gulat naman ako nung tumalon sa harap ko si insan at naupo sa tabi ko,
“Insan! Ayos ka na? Ano nararamdaman mo?”

Ano bang sinsabi nito ni insan? Natulog lang ako, paano ako hindi magiging o—

Teka, “Waaaaaa!” Mabilis akong umupo sa kama kahit may nararamdaman pa akong kirot
sa ibabang bahagi ng katawan ko. “Insannnn! Nasan na ang anak namin ni Zeke?”
Omygod! Kinuha ng mga doktok kanina ‘yung baby namin eh. Pag may nangyari lang
talagang masama sa anak namin ni Zeke, kakasuhan ko ‘yang mga doctor na ‘yan.
Huhuhu.

“He’s here wife,” Tumingin ako sa kakapasok lang sa pinto, si Zeke. Nakangiti syang
naglakad palapit sa’kin. Karga-karga nya ang baby name. Nakasunod sa likuran ni
Zeke sila Kaizer at Sebastian na todo silip.

“Ang bangis syet! Kamukha ko”


“Kapal ng mura pre ah. Kitang-kita ang ebidensya, manang-mana sa ninong gwapo nya”

Nakangiti si Zeke hanggang sa makaupo sya sa hospital bed. “How do you feel?”
tanong nya. Kinuha ko kay Zeke ang baby namin para ako naman ang kumarga. “Hi baby”
Omygod, hindi ko alam kung paano ko ieexplain ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako
kasi baka mapadiin ako ng hawak, pero gustung-gusto ko syang yakapin.

“I love you so much wife”

Gusto kong punuin ng kiss ang buong mukha nya kaso baka naman hindi sya makahinga
pag ginawa ko ‘yun.

“Wife”

Bagay na bagay talaga sa kanya ang pangalang Ulap Tweet Tweet. “Baby nadidinig mo
ba ko?” Nakangiting tanong ko.

“He can hear you, but he’s like his mother who completely ignores me”

“Tol parang si Bossing ang kamukha eh,”

“Sus sang layo ah. Mata pa lang dude, Kaizer Maxwell Lamperouge na. Lalo na ang
muscles nyan pagbinata na ‘yang inaanak ko na ‘yan”
“Hoy huwag nga kayong maingay dyang dalawa,”

“Hahahahaha”

“Yan talang unggoy na ‘yan kahit kailan ubod ng daldal. Insan palabasin mo nga
‘yan”

“Akina nga muna si Baby Bullet, ibabalik ko muna sa nursery para naman makapag-usap
kayong dalawa,” Kinuha sa’kin ni guardian angel ang baby namin ni Zeke kaya
tumingin ako sa kanya.

“Baby Bullet?” Tumingin ako kay Zeke na nakangiti sa’kin. “Dong naman eh! Ulap
Tweet Tweet Roswell ang gusto kong pangalan eh”

“What? Where the hell did you get that fvcking name?”

“Naisip ko lang Zeke, diba maganda naman? Bagay na bagay sa kan—“

“No”

Nagtawanan pa silang lahat bago sila lumabas para iwan kaming dalawa dito ni Zeke
sa loob ng hospital room.
“Zeke, hindi na ba talaga magbabago isip mo? Maganda naman ‘yung—“

“No”

“Pero diba—“

“No buts wife” Ayan na naman ‘yang no buts nya, ‘pero’ naman ‘yung sinabi ko eh.

“Maganda naman talaga ‘yung Ulap Tweet Tweet eh. Unique pa,”

*glare*

*pout*

“Ano nga pala pag-uusapan natin Dong. Bakit kailangan pa nating mag-usap?”
Nagtatakhang tanong ko. Gusto ko pa kasing kargahin ‘yung baby namin kaso kinuha
naman ni guardian angel.

Lumapit si Zeke sa side table at kumuha ng pagkain. Kita mo na, kita mo na! Kakain
lang naman pala sya, hindi na lang lumabas at doon sa canteen ng hospital kumain.
Talaga namang dumayo pa dito ng pagkain.
“Ah” Itinapat sa’kin ni Zeke, ang kutsara na punung-puno ng pagkain. Ngumanga naman
ako para kainin, gutom na gutom na din naman ako eh.

“Alam mo pala Zeke, patay na si Sierra saka si Sapphire” Kwento ko habang nginguya
ang pagkain ko.Tumango si Zeke kaya tumigil ako sa pagnguya. Bawal din kaya dito
mag-chikahan? “Uhmm meron bang—“ Hindi ko pa man din natatapos ang sasabihin ko
sinagot na nya ako. “None”

“Alam mo ba itatanong ko Dong ha? None-none ka agad dyan,”

“Just eat. We can chat later”

Tignan mo ‘to si Zeke, magkasama na kami, chat pa ang gusto? Hindi ba nya
nakikitang naka-dextrose pa ako. Nextweek ko pa nga sana gustong mag-facebook.
Hayy.

**

Nung matapos akong kumain at uminom ay nagsimula ng magkwento si Zeke. “I joined


the Black Organization”

“Ano?” Binuksan ko agad ang drawer na nasa tabi ng hospital bed. Alam ko naman
kasing naglalagay sila ng baril sa cabinet tuwing nasa hospital. Pero naunahan ako
ni Zeke damputin ang baril “Let me explain first”
“Siraulo ka ba Dong? Bakit ka sumali sa Black Organization” Kinakabahang tanong ko.
“Magpapakamatay ka ba? Akina nga ‘yang baril ako na babaril sa’yo,” Giit ko.
Naiinis na ako dito kay Zeke ha. Hindi ko alam kung ano ba iniisip nya bakit naman
sa dinami-dami ng pwedeng gawin. ‘Yun pa ang naisip nya. Hayyyy!

“It’s the only way to eliminate them”

“Pano pag bigla ka nalang nilang pinatay dun?” Shunga din ‘to si Zeke eh,

“They can’t. That’s against their rules”

“Edi hindi mo din sila pwede saktan kung nandoon ka sa kanila. Kasi syempre nasa
rules nila ‘yun, edi kailangan mo ding sumunod.”

“I don’t fvcking care about their rules”

“Eh paano kung sila din walang pakialam sa rules nila?” Curious na tanong ko, pwede
din naman kasing parehas sila ng iniisip ni Zeke.

“Just watch” Sinulyapan ko ang T.V dito sa loob ng hospital room. Naka-off naman,
anong—“Aww!” Mangiyak-ngiyak ako nung pitikin ni Zeke ang noo ko. “Grabe ka naman
Dong! Inaano ba kita? Hindi mo ba nakikitang nasa hospital bed pa ako, tapos
nananakit ka na?” Naiiyak na tanong ko habang hinihimas ang noo ko.
“Hahahaha because you shifted your glance at the TV and that’s not what I meant”

“Nakakatawa ka pa ha” *pout* Hinihimas ko pa din ang noo ko kung may maalala ako.
“Dong,” Tawag ko.

“Hhmm?”

“Sabi mo sa note hanggang makalabas si Baby Bullet, edi ibig sabihin uuwi ka na sa
bahay ngayon?” Tanong ko. Siguro naman ‘no?

Umiling si Zeke, “Ibig sabihin hindi pa?” Hayy, nakakalungkot naman. “Omygod Dong
may naalala pala ako, may nakita ako sa kotse na maliit na device tapos—“

“Yeah. There lots of it in each and every corner of our house, cars, office—“

“Pero bakit may ganun—bakit hindi mo inaalis?” Putol ko sa sinasabi ni Zeke. “It’s
just a test of the Black Organization, I’m on probation and ordered to follow
certain condition,”

“Ahhh” Medyo nakukuha ko na, kaya naman pala. Parang mas enjoy nga pag nakasali ng
Black Organization, “Isali mo nga din ako dyan,” Mabilis na tumingin sa’kin si Zeke
saka sumagot ng “No”

“Dong seryoso ako, hindi na ako buntis kaya keri ko ng gawin ang gusto ko” Pwede ko
na ulit samahan si Zeke sa mga adventures nya. Masyado naman kasing delikado kung
sya lang mag-isa diba? Alam nyo pa namang minsan may konti ‘to si Zeke.
“So do I”

Pero gusto ko pa ding sumali.

=================

Chapter 32

Kaizer’s PoV

*baby cries*

Tumayo ako para silipin si Aemie. Anak ng tinola! Paniguradong puyat na naman si
Aemie. Ang sabi pa naman ni Mr. Roswell tulungan namin si Aemie na mag-alaga ng
inaanak namin. Kaso naman itong si Aemie ayaw pahawakan samin ang gwapo naming
inaanak na manag-mana sa gwapong ninong Kaizer nya. Tsk

“Tang*na ang gwapo ko talaga” Lumingon ako sa sofa kung saan nakahiga si Lerwick
saka tiinakpan ng unan ang pagmumukha nya. Hanggang pagtulog lakas mangarap nitong
gago na ‘to. “Mas gwapo ko sa’yo ulul!” Sagot ko sa natutulog na kwago.

Nag-jog ako paakyat ng hagdan para pumunta sa kwarto nila Aemie.

*baby cries*
Malayo pa ako ay dinig na dinig ko na ang iyak ni Bullet. “Wait lang ito na baby
oh” Ni walang bakas ng pagkainis o irita ang tono ng pananalita ni Aemie. Amputs!
Kahit alas tres ng madaling araw game na game syang mag-alaga ng bata. Ibang klase!

Ilang linggo na din ang nakalipas simula nung manganak si Aemie kaya sanay na sanay
na sya.

Sumilip ako sa nakabukas na kwarto nila ni Mr. Roswell. Busyng-busy sya sa


pagtitimpla ng gatas habang ang inaanak kong gwapo ay gising pero hindi na umiiyak
katulad kanina. Ibang klase, madaling kausap ‘tong inaanak ko. Akalain mong hindi
na umiiyak agad kahit hindi pa nabibigyan ng gatas.

“Aemie, kaya mo na ba dyan?” Tanong ko habang nakasandal sa may pinto.

Lumingon sya sa’kin saka ngumiti. “Oo hehe” Bumalik sya sa pagtitimpla ng gatas
pero tumigil sya ulit at saka tumingin sa’kin. “Kaizer, hindi pa ba nadating si
Zeke?” Tanong nya. Umiling naman ako bilang sagot. Nasaan na nga kaya ‘yun si Mr.
Roswell at ano kayang pinagkakaabalahan?

Nitong mga nakaraang araw ay gabi-gabi na din syang nauwi dito. Hindi ko nga alam
kung nangyayari sa kanila eh. Takte! Basta ang bilin nya, bantayan naming maigi
itong mag-ina.

“Ahh, eh bakit ka nga pala nandito? May kailangan ka ba o gusto mo din ba ng


gatas?” Pinakita nya sa’’kin ang sa gatas para sa inaanak ko na nasa loob ng bote
bago nya itinuloy ang pagsasalita. “Magtimpla ka na lang ng para sa sarili mo kung
gusto mo ha? Gusto kasi nito ni Baby Bullet buhat-buhat sya habang nainom ng milk
kaya hindi kita maipagtitimpla hehe”
“Hahahaha anak ng! Sumilip lang ako ‘no” Tang*na! Hindi ko alam kung saan hinuhugot
nito ni Aemie ang mga banat nyang ganyan eh.

**

Aemie’s PoV

“Sure ka?” tanong ko ulit, kanina pa kasi sya patingin-tingin. Okay lang naman
talaga sa’kin kung hihingi sya ng konting gatas ni Baby Bullet. Masama kaya maging
madamot sabi ni mommy.

“Hahaha oo naman ‘no! Sure na sure!” Iiling-iling si Kaizer habang tawa ng tawa.
Ano bang nangyayari sa kanya? Totoo naman kasi ang sinasabi ko eh. “Sige ikaw ang
bahala” Sagot ko.

Kinuha ko na si baby Bullet sa crib at kinarga para painumin ng gatas. “Hello baby”
Ang cute-cute talaga ni Baby Bullet. Gusto ko na nga syang lumaki agad para
maglalaro na kami sa susunod. Bibilhan ko sya ng madaming Barbie stuffs kasi for
sure mahilig din sya sa Barbie tulad ni Zeke.

“O dong? Nakakain ka na?” Tanong ko nung makita ko si Zeke na pumasok sa loob ng


kwarto. Lagi na syang umuuwi dito kasi ang sabi nya wala na daw mga camera at kung
anu-ano pang gadgets, tapos na kasi ang probation period nya sa Black Organization.
Ang galing ‘no? May ganun pa silang nalalaman, saka in fairness ang galing na
palang umacting ni Zeke.

“Nah, not yet. Missed me wife?” Nakangiting tanong nya habang naglalakad palapit
sa’min ni baby Bullet. Sasagot sana ako nung makalapit na sya at mabilis akong
hinalikan sa labi. “I missed you too” Sabi nya saka kinuha si baby Bullet sa’kin.
Ganyan sya lagi eh. Kahit kakarating lang nya, sya ang nag-aalaga kay baby Bullet.

“Hey kiddo I got something for you” Hawak-hawak ni Zeke sa isang kamay ang isang
toy car na color red, sa kabilang braso naman nya, karga-karga nya si baby Bullet.

Tumingin ako sa ibang mga toy cars na binili ni Zeke nung mga nakaraang araw.
“Dong, alam mo feeling ko hindi nya gusto ‘yang mga toy cars na binibili mo. Hindi
naman nya nilalaro eh. Tignan mo oh,” Tinuro ko ang halos dalawampung toy cars na
nabili na nya. Naka-display lang naman dito sa loob ng kwarto. Nginitan lang ako ni
Zeke saka kiniss sa pisngi. “Feeling ko talaga si Barbie ang gusto ni baby Bullet
eh”

*glare*

*pout*

“Totoo naman Zeke eh, tina-try ko kaya minsan ipakita kay baby Bullet ang Barbie,
tapos ngumingiti sya. Eh tignan mo kapag ‘yang mga binibili mo wala man lang syang
reaction—“

“Tss”

*death glare*

*pout*
“He-he. Kukuha muna ako ng pagkain mo ha, ikaw muna dyan ha?” Hindi ko na hinintay
sumagot si Zeke, tumalikod na agad ako at nagmadaling maglakad palabas ng kwarto
bago pa nya ako kagalitan. Ang sama naman kasing tumingin eh totoo naman talaga
‘yung mga sinasabi ko eh.

“Siguro gumagawa na naman ng panibagong inaanak natin sila Bossing”

“Ang tindi talaga ni lover boy walang pinipiling oras, kahit malapit ng tumilaok
ang manok sige pa rin”

“Hahahaha gago baby Lampe baka marinig tayo. Kung naiinggit ka at hindi ka na
makapag-pigil nandito naman ako”

“Anong pinag-uusapan nyo?” Nagtatakhang tanong ko sa kanilang dalawa nung makababa


ako ng hagdan. Kanina ko pa kasi sila nadidinig na nag-uusap.

Mabilis silang umayos ng pagkakaupo at parang may sinisilip sa likod ko kaya


lumingon din ako sa likod. Sino kayang tinitignan nung dalawa? “May nakikita ba
kayo sa likod ko?” Nagtatakhang tanong ko sa kanilang dalawa.

“Hahaha wew! Akala namin may kasama ka Miss Aemie eh” Sagot ni Sebastian kaya
tumakbo agad ako palapit sa kanila. Omygod! “D-don’t tell me—“

“Walang multo dito Aemie, akala lang namin kasama mo si lover boy” Paglilinaw ni
Kaizer. “Ahh hehe buti naman, sige pupunta na akong kusina” Paalam ko sa kanilang
dalawa.
**

Dala-dala ko ang isang tray ng pagkain na hinanda ko para kay Zeke nung pumasok ako
ng kwarto. Dahan-dahan pa akong pumasok kasi nadidinig kong tahimik.

Ngumiti na lang ako nung makita kong nakahiga na si Zeke sa kama at tulog na. Pati
si baby Bullet ay himbing na himbing na natutulog sa dibdib nya.Ipinatong ko ang
tray ng pagkain sa side table ng kama. Inalis ko din ang mga damit ni baby Bullet
sa ibabaw ng kama, pati ang diaper.

Hehe pinalitan pa talaga ni Zeke ng diaper at damit?

“Sorry, sige matulog ka pa” Sabi ko nung makita kong nagising si Zeke. Dahan-dahan
syang bumangon saka inilipag si baby Bullet sa loob ng crib. Kapag nandito talaga
si Zeke, wala akong ginagawa masyado kasi gusto nya sya ang nag-aalaga kay baby
Bullet. Mukhang pangarap nya ngang maging mommy eh.

Nung mailapag nya na si baby Bullet ay pumunta naman sya sa side table ng kama saka
kinuha ang tray ng pagkain na inihanda ko. “Anong gagawin ko dito Dong? Hindi naman
ako nagugutom. Saka isa pa tumitikim-tikim na ako kanina nung nagluluto ako kaya
busog na din ako hehe”

“Tss. Feed me”

“Huwaaaa Dong bakit may masakit ba—hmm”


“Tone down your voice wife. Our son is sleeping” Sabi nya pagkatapos nya akong i-
kiss. “May masakit ba sa’yo Zeke? Huhuhu kawawa ka naman, patingin nga. Pilay ka na
ba? Mamamtay ka na ba? Huhuhuhu bakit naman mamamatay ka agad Ze—“ Hindi ko na
naituloy ang sasabihin ko dahil hinalikan ulit ako ni Zeke sa labi.

*baby cries*

“Tss. That’s what I’m talking about” Padabog na tumayo si Zeke mula sa pagkakaupo
sa kama at saka lumapit sa crib para buhatin ulit si Baby Bullet. “Ikaw naman kasi
dong, kung anu-anong kalokohan ang sinasabi mo. Gumagawa ka pa ng story na napilay
ka at mamamatay ka na para lang subuan kita ng pagkain”

“I didn’t make any of those. Tss.”

“Oo kaya” Sagot ko. “Pauso mo” Bulong ko pa.

“Wife”

“Hehe joki joki lang Zeke, ito naman”

“I don’t get much attention from you, so—“

“Pinapansin naman kita ah” Putol ko sa sinasabi nya.


“Nah”

“Oo kaya, eh sino bang kausap ko ngayon? Hindi ba ikaw?” Ito talagang si Zeke pauso
minsan eh. May masabi lang.

Hindi na sumagot si Zeke habang patuloy pa din sya sa paghehele kay Baby Bullet.
Ako naman nakaupo lang sa kama at hinihintay syang matapos. Buti nga mabilis
tumahan si Baby Bullet eh. Hindi katulad nung ibang baby na nababasa ko sa internet
na mahirap patahanin.

“Wife” Tumingin agad ako sa kanya nung tinawag nya ako. “I’m planning on having our
son baptized next month. What do you think?” What do I think? “Uhmm wala naman
dong”

“So... do you agree?”

“Uhmm sa binyag ba Zeke?” Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, parang ayoko
kasi gaano na inilalabas si baby Bullet. “Yeah. What do you think?” Tanong nya
ulit.

“Uhmm ano kasi Zeke, naisip ko lang kung safe na kaya na ilabas natin si Baby
Bullet?” Hindi naman ako natatakot sa Black Organization, kaso kasi—“Para kasing
ayokong ilabas si Baby Bullet, baka kasi—“

“Hahaha, okay then”


Tinignan ko si Zeke na may halong pagtatakha. “Hindi mo man lang ba ako kokontrahin
Zeke?” Ang iniisip ko pa naman ipipilit nya sa’kin ang gusto nya.

“Nah. Mother knows best”

“Hindi ko naman kasi ayaw eh. Gusto ko na nga pabinyagan si Baby Bullet para
syempre—“ Ipapaiba ko sa pari ang pangalan na nakalagay sa birth certificate kapag
hindi nakatingin si Zeke.

“Para syempre ano?” Tanong nya. “He-he wala Dong, para syempre belong na sya sa
Christian community,”

“But what made you hesitate?”

“Kasi—“ Bakit nga ba? “He-he hindi ko din alam, pero sige pwede naman ituloy, kaso
okay lang ba Dong kung dito na lang sa bahay? Ayoko kasi sa mga hotel or kahit
saan” Sabi ko pa.

“Alright”

**

-After one week-


“Manila Hotel, Dusit Hotel, Diamond Hotel, Fairmont, Shangri-La, Acacia, Sofitel—
Zeke nahihirapan naman akong pumili sa mga hotels na ‘to eh” Kanina ko pa
tinitignan ang listahan ng mga hotel na napili ni Zeke, hehehe naisip kasi naming
okay din naman na gawing bongga ang binyag. Si Zeke naman kasi, sabi nya once in a
lifetime experience lang naman daw. Kaya dapat ginagawang special. Kaya pumayag na
din naman ako.

Tumingin ako kay Zeke na parang nakakita ng multo habang titig na titig sa karga-
karga nyang si baby Bullet. “Shit!” Mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil hindi mai-
explain ang reaction ng mukha ni Zeke kaya binitawan ko agad ang mga hawak ko saka
lumapit sa kanilang dalawa ni baby Bullet.

“Bakit Dong anong nangyari?” Nag-aalalang tanong ko. Omygod, teka ano ba gagawin
ko? Tatawag na ba ako ng dok—

“He smiled. Damn! He fvcking smiled at me. Did you see that? Shit!” Nakangiting
tumingin sa’kin saglit si Zeke pero binalik nya nya agad ang tingin kay baby
Bullet. “Paano ko makikita Zeke eh kakarating ko lang dito? Nandoon kaya ako sa may
table kanina” Tinititigan ko si baby Bullet at inaabangan kung ngingiti pero wala
naman eh.

“Come on kiddo, show your smile” Nakangiti si Zeke at pinipilit pangitiin si baby
Bullet, ako naman hindi ko alam kung nasisiraan ba ng ulo ‘to si Zeke o
naghahallucinate. “Paano naman ngingiti si baby Bullet, Dong? Eh wala namang
nakakatawa,” Hayy hindi talaga ‘to nag-iisip minsan eh. Umiling-iling na lang ako
at saka bumalik sa may lamesa.

“Your mom’s just jealous because she hasn’t seen your smile”

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa pamimili ng venue kaysa intindihin ang mga
sinasabi ni Zeke. Ang daming kalokohan lagi nito ni Zeke, hindi ko ba alam kung
saan nya napupulot. Hayy. Sana naman paglaki ni baby Bullet hindi sa kanya magmana.
**

Sebastian’s PoV

Nandito sa loob ng bahay ang event organizer ng binyag ng gwapo kong inaanak na
syempre, manang-mana sa ninong nya na malakas ang dating!

“Dong gusto mo ba ako muna ang kumarga kay baby Bullet? Dalawang oras mo ng buhat
‘yan” Bulong ni Miss Aemie. Pfft. Pansin ko nga kay Bossing, tuwing nandito sa loob
ng bahay gusto nya sya ang nag-aalaga sa inaanak ko.

“Nah”

“Eh tulog naman kasi, pwede mo naman kayang ilapag sa crib para hindi ka
nahihirapan”

“I am perfectly fine”

“Sige ikaw ang bahala”

“May napili na po ba kayong theme para sa party ni Baby Bullet?” Magalang na tanong
nung maganda at sexyng organizer. Deym! Bakit ba ang—“Yang mata mo Lerwick, mahiya
ka naman” Sita ni Mei sa’kin kaya tumingin ako sa kanya.

“Uhm opo, pink po sana saka purple”

“What the hell?”

Tang*na! Pero wala pa ding papantay sa ganda ni Mei. Shit! Inalis ko agad ang
tingin ko kay Mei bago pa nya ako masungitan na naman.

“Baby Lerwick, bakit ka nagba-blush dyan? Kinikilig ka sa’kin? Anak ng!” Huli na ng
mapansin kong kay Lampe na pala ako nakatingin. Putspa! “Ulul!” Bulyaw ko sa kanya
saka humanap ng upuan.

“Kadiri” Bulong ng pinsan ni Miss Aemie. Pfft. Parang may namumuong kakaiba dito
kay Lampe at dito sa pinsan ni Miss Aemie ah. “Ano na naman tomboy? Mang-aasar ka
na naman?”

“Bakit pa kita aasarin? Eh mukha mo palang pang-asar na, baka umiyak ka pa”

“Huwaw!”

“Lamperouge” Pftt. Tahimik lang akong nanunuod kaysa madamay pa ako sa galit ni
Bossing. Buti nga dito kay Lampe, puro kasi kalokohan ang alam.
Tumahimik si Lampe at ang pinsan ni Miss Aemie, pero hindi nawawala ang matatalim
na tingin nila sa isa’-isa. Hahaha. Syet!

“We prefer blue, white and black for the colors”

“Dong! Purple at pink nga. Masyado namang common ‘yang blue”

“Pink for our son? Nah.”

“Sige na po, ilista nyo na. Pink and purple”

“Wife”

“Dong”

*glare*

“Masyado naman kasi talagang common, lagi na lang pagka lalaking baby ang
binibinyagan color blue. Eh pwede namang pink diba? Para maiba naman,”

“No”
“Good Morning” Masayang-masaya na pumasok sila Mr. and Mrs. Ferrer dito sa loob.

“Mommy, daddy” Tumayo agad si Ms. Aemie para lapitan sila at yakapin. “Hi baby Ae”
Bati ni Ma’am Alyana. “Buti po nakapunta kayo dito” Sagot naman ni Miss Aemie saka
yumakap kay Mr. Ferrer. “Syempre naman, pwede ba namang mawala kami ng daddy mo?”
Nakangiting sagot ni Ma’am Alyana.

“Hey son, how’s my grandson?” Agad na kinuha ni Ma’am Alyana ang gwapo kong
inaaanak kay Bossing para sya naman ang magbuhat. “He’s as lovely as his mom”
Nakangiting sagot ni Bossing. Naks! Mga banatang Mr. Roswell.

**

Aemie’s PoV

Habang busy sila Zeke, mommy at daddy sa pag-uusap tungkol kay baby Bullet ay
pasimple akong lumapit sa event organizer. “Ate patingin nga ako nyang sinusulat mo
dyan” Bulong ko sa kanya. Iniabot naman nya agad sa’kin ang notepad na hawak nya.

Theme: Blue, white and black

“Ate pahiram ako ng ballpen mo” Bulong ko ulit sa kanya na mabilis naman nyang
sinunod. Nakahanda na ang kamay ko para burahin ang nakasulat nung bigla akong
tawagin ni Zeke.
“Wife, what are you doing?” Muntik pang malaglag ang notepad at ballpen na hawak ko
sa sobrang pagkakagulat. “He-he chine-check ko lang Dong kung tama ‘yung nilista ni
ateng organizer, baka kasi hindi ka sinunod sa kulay eh” Sagot ko.

“Let me see” Omygod! Buti hindi ko pa nabubura.

“Oh ito oh” Iniabot ko agad sa kanya ang notepad. Tumingin naman sya sa’kin at saka
ngumiti. “Very well”

Inilahad ko ang mga kamay ko nung matapos nyang tignan ang nakasulat pero imbis na
sa’kin nya iabot ang notepad ay kay ateng organizer nya iniabot saka nya hinawakan
ang kamay ko, at hinila palapit kila mommy, daddy at baby Bullet. “Zeke hindi pa
naman tayo tapos dun sa ginagawa natin, color pa lang ang nakasulat—“

“We can resume later”

Waaaa! Hindi ko pa napapalitan ang colors eh!!

**

A/N :
Hello Mafias! See you sa SM Bacoor this coming April 19. Punta kayo ha. Bili kayo
ng MHIAMB na book, available na sya hanggang volume 4. Then nandoon din ako for
book signing. 10AM ang registration tapos 1PM ang start ng event. See you! Thank
you sa mga pumunta at bumili ng books last Saturday sa SM Fairview :* Lovesyouuu!

=================

Chapter 33

Aemie's PoV

"Zeke pati ba cotton candy na booth kukuha din tayo?" Tanong ko, lahat na yata kasi
ng booth nasa listahan na ginagawa ko.

"Yeah, everything"

Pumayag si Zeke na Fairy and angels ang theme ng binyag ni baby Bullet basta daw
blue, black and white ang motif. Kahit may event organizer syang kinuha, mas madami
pa din kaming inaasikaso. Baka kasi mamaya kung anu-ano na naman ilagay ni ateng
organizer.

At dahil gusto ko lahat naka-costume, kumuha kami ni Zeke ng designer para sa


isusuot ng mga magiging ninang at ninong. Hehe. Syempre fairy costume ang suot ng
mga ninang, tapos ang mga ninong ay black suit at baby blue na necktie.

Kahit ang mga bisita na hindi ninong at ninang ay pinagawan din namin ng damit.
Baka kasi mamaya may magsuot ng superman o kaya mojojojo eh hindi naman sakto sa
theme tapos mapahiya pa, syempre kawawa naman.

May mga list din kami ng mga pagkain na idinagdag sa mga Italian buffet na pinili
ni Zeke.

Fairy bread

Marshmallow cereal bars

Meringues

Mini rock cakes


Chocolate eclairs

BBQ chicken wings

Cheddar star biscuits

Pizza rolls

Chicken sticks

Spicy chicken drumsticks

Salmon sushi

Potato chips

Biscuit wands

Cake pops

Churros

Rainbow lollipops

Chocolate fountain

Bukod pa dyan, may mga booths pa gaya ng photobooth, face paint, mga inflatables
din. Mayroon din puppet show at shadow art illusion and magic para sa mga batang
inimbita namin. Bukod kasi sa mga invited na mga kakilala namin ay nag-imbita kami
ni Zeke ng tatlong bahay ampunan para mai-share sa kanila 'yung blessings na meron
si baby Bullet. Hehe.

At syempre kasali sila sa mga pinagawan namin ni Zeke ng costume. Hehehe.

"Zeke hindi kaya sobra-sobra na itong mga hinahanda natin?" tanong ko. "It's
nothing, compared to the happiness he brought" Nakangiting sabi ni Zeke pagkalapag
nya kay baby Bullet sa crib. Ngumiti ako kasi tama naman sya. Sobrang saya namin
nung dumating si Baby Bullet. Lalo na si Zeke, binilhan pa nya ako ng bagong
cellphone para lang matawagan nya ako at para masendan ko daw sya ng pictures ni
baby Bullet kapag wala sya dito.

"May I see" Iniabot ko agad ang mga papel na inaayos k okay Zeke. Tinitignan ko sya
habang kagat-kagat ko ang dulo ng pink na ballpen na hawak ko.

Ano na naman kaya ang ipapadagdag nito ni Zeke? Sya kasi ang padagdag ng padagdag
dito eh. "I think we can still add two to three orphanages" Sabi nya habang
tinitignan ang lists. "And foods for the children of course,"

"Dong wala pa akong nakikitang binyagan na ginawang children's party ang ceremony.
Hindi kaya sobrang dami naman nyan?" Nag-aalala lang naman kasi ako kasi tatlong
bahay ampunan na ang ininvite namin tapos magdadagdag pa kami ng tatlo. Baka mamaya
mag-away-away pa 'yung bata. Saka baka awayin nila si Baby Bullet.

Kumuha si Zeke ng isang silya saka umupo sa tabi ko. "As an orphan they know
nothing about having a family. They have guardians but literally speaking, they
don't have parents who will love them endlessly. And as father, I realized how
hopeless and maybe helpless state of mind they are going through. Because that's
what I felt when mom and dad passed away" Ngumiti ako dahil sa mga sinasabi ni
Zeke. "And I want them to experience it. Having a mother and a father, even for
just one day,"

Nakatingin lang ako sa kanya habang sumisinghot kasi hindi ko na mapigilan 'yung
luha ko. "Huwaaa dong ang bait mo talaga," Yumakap ako kay Zeke. Hindi ko
maipaliwanag 'yung nafi-feel ko kasi nakakaiyak 'yung mga sinabi nya. "Saan mo ba
natututunan 'yang mga paganyan-ganyan mo Dong" Naiiyak na sabi ko. Niyakap nya din
ako pero hindi sya nagsasalita.

"Huhuhu. Siguro nanunuod ka ng mga drama series ng hindi ko alam kaya inspired kang
magdrama," Sabi ko habang patuloy sa pag-iyak. Nadinig ko naman syang tumawa kaya
tumigil ako saglit. Oh see? Guilty!

**

Kakapasok ko lang ng kwarto namin nila Zeke at nadatnan ko silang dalawa na


nakahiga sa kama.

"Zeke bakit ba kanina ka pa dyan nakatitig kay baby Bullet? Ano bang tinitignan
mo?" nakitingin na din ako sa mahimbing na natutulog na si baby Bullet. "I can't
wait to see him crawl, stand, walk, run. I can't wait to see him study his lessons,
play around, learn new things. I can't wait to see him grow and become a man,"
Waaaa! Oo nga! Pati tuloy ako na-excite. Naupo ako sa kama kaya napapagitnaan na
namin ngayon si baby Bullet "Tapos tuturo ko kay Baby Bullet 'yung mga nilalaro ko
nung bata ako. Tuturuan ko syang mag jackstone, Chinese garter, lutu-lutuan, bahay-
bahayan, paper dolls—"

"Wife"

Tumigil agad ako at tumingin kay Zeke kasi parang ang sungit ng tono ng boses nya.
"That's only for girls"

"Hmm jumping rope?"

"No"

"Eh piko ba pwede?"

"Nah"

"Luksong tinik?"
"No"

"sungka?"

"No"

"Ano ba naman 'yan Dong! Lahat na lang hindi pwede baka naman maging lampa na si
baby Bullet nyan" Apila ko.

"He can do taekwondo or any martial arts for his train—"

"Edi manunuod na lang kami ng movies"

"Hell no!" Napaupo pa si Zeke sa kama pagkasabi nya nyan. Napakadamot din nito ni
Zeke minsan eh. Manunuod lang naman ng movies eh. Ano bang masama don?

Natigilan naman ako nung magsink-in sa'kin ang sinabi nya kanina "Omygod Dong,
magte-training din si baby Bullet? Ako naman ang magtuturo pwede ba?" Waaaa excited
na ako. Gusto ko din makita ang baby naming makipaglaban kanila Kaizer hehehe.
"Aww!"

Hawak-hawak ko ang noo ko pero si Zeke tumatawa lang ng mahina.

**
"One, two, three, smileee!" Ang cuteeee! Hehehe feel na feel pa ni Zeke 'yung mga
pag-pose sa picture, sobrang dami na nga nilang picture dito ni baby Bullet eh
samantalang noon ayaw nya magpakuha ng picture.

Lumapit ako kay Zeke para ipakita ang picture nila ni baby Bullet. "Doon naman tayo
Zeke" Turo ko. Nandito kasi kaming tatlo ngayon sa park para mag picnic at
maglibot-libot kasama si baby Bullet.

"Omygod ang cute nung baby"

"Pati 'yung tatay girl ang cute"

Tinignan ko 'yung mga babaeng kasalubong namin, lagi na lang si Zeke at baby Bullet
ang cute. Kung sabagay cute naman talaga si baby Bullet. Pero si Zeke—tumingin ako
sa kasabay kong naglalakad na si Zeke, tulak-tulak nya ang stroller. "Cute ka daw
Dong?" Parang hindi naman, gwapo kaya si Zeke.

"Tss"

Oh kita mo 'tong lalaking 'to. Sya na sinabihan ng cute, sya pa nagsusungit. Dapat
nga ako ang naiinis kasi sila lang ang cute eh.

Pagkadating namin sa may wishing well nagkusa na si Zeke na maglabas ng cellphone.


"Your turn" Ayiii! Hehehe. Dumikit ako agad sa stroller ni baby Bullet saka nag-
peace sign sa camera at ngumiti.

"Done"

"Tapos na agad?" Kakangiti ko pa lang eh. Niloloko naman yata ako nito Zeke eh.
"Yeah, my turn" padabog kong kinuha kay Zeke ang cellphone. Eh paano ba naman, mula
kanina ngayon pa lang kaming nag-picture ni baby Bullet. "Maduga! Wala pa akong
picture eh, tapos sya na naman" Bulong ko habang naglalakad palayo sa kanilang
dalawa para picture-han.

"Hahaha"
Tamo tapos tatawanan ako. Maduga talaga 'tong Zeke na 'to eh.

**

"Hayy nakakapagod!" Naupo muna ako sa isa sa mga bench dito sa park. Si Zeke ayun,
picture ng picture kay baby Bullet. Parang hindi man lang napapagod.

"Inay oh si kuya inagaw ang pagkain ko"

"Nagugutom ako eh!"

"Inay oh!"

"Nag-aaway na naman kayo, mga anak. Mag-share na lang muna kayo sa pagkain.
Pamasahe na lang ang laman ng pitaka ko."

"What are you looking at?" Ngumiti ako kay Zeke na katabi ko na pala. "Ahh
nakakatuwa kasi ang dami nilang magkakapatid, hehe" Ang cute palang tignan kapag
ganun. Gusto ko sana sila isama sa picnic namin ni Zeke, ang dami din naman naming
dalang pagkain eh.

"Hahaha, I love your idea"

"Talaga Zeke?"
"Yeah, I want to see what it would be like to have a big family" Kumunot ang noo ko
dahil sa sinabi nya. Kita mo na, kita mo na! Lumilipad na naman utak nitong si
Zeke, may big family pang nalalaman. "Gusto ko lang namang isama sa picnic 'yung
mga bata,"

*glare* "You're not talking about having another baby?"

Eh? "Hindi ano bang sinasa—oy Dong! Saan na naman ba kayo pupunta?" Napaka-walang
manners talaga nito. Hind pa kami tapos mag-usap umaalis na. Ano ba nangyari dun?
Hayy!

Tumayo ako para lapitan 'yung mga bata kanina. Yumuko ako kasi ang liliit nila
hehehe. Siguro ganito din ka-cute si baby Bullet paglaki nya "Hello!" Masayang bati
ko sa kanila.

Mukha ba akong masamang tao? Parang hindi kasi sila natutuwa na nakikita nila ako.
Hindi man lang sila nagiti sa'kin. Huhuhu. "Hehehe, gusto nyo ba sumama sa amin
kumain mamaya?" Tanong ko sa apat na cute na cute na bata na nasa harap ko.

Natuwa lalo ako nung ngumiti silang apat, ang cuuute! "Waaa talaga po kakain tayo?"
Nasaan na nga ba ang mommy nila? Kanina lang nandito 'yun eh. "Oo gusto nyo ba?
Isasama din natin ang mommy nyo pati ang daddy nyo"

"Baka po hindi sila sumama kasi nagtitinda po sila" Sagot nung pinakamatangkad sa
kanilang apat. "Ganun ba? Ahmm hindi ba sila pwede muna tumigil saglit sa
pagtitinda? Kakain lang naman eh," Tanong ko ulit.

"Hindi po kasi sabi ng inay wala daw po kami kakainin kapag hindi sila nagtinda"

"Ha? Eh pero may kakainin na nga kayo eh, hehe nagluto ako ng madaming pagkain"

"I already asked their parent's permission, and they said yes"
"Waaaa talaga Zeke? Edi pwede na nating silang isama sa picnic?" Nakangiting
tumango si Zeke kaya tumayo na agad ako,

**

"Kain lang kayo ng kain ah"

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko 'yung apat na batang kain ng kain. Ano kaya
itsura kapag may mga kapatid din si baby Bullet? Tapos sabay-sabay kami kakain,
manunuod ng movies, matutulog. Hayy.

-Imagining-

"Wife manunuod na tayo ng Barbie, tawagin mo na sila baby Bullet"

"Waaaa! Sige Dong, magluluto na din ako ng pop corn. Hehe"

"Sige, magdala ka ding marshmallows at ice cream ha"

"Aye aye!"

-End of imagination-
"Hihihi"

"You like them?" Paglingon ko kay Zeke masama na ang tingin nya sa'kin. Hindi ko
naman sya inaano. "Hehehe oo naman Dong bakit?"

"Nothing"

Ngitinitan ko na lang si Zeke kasi mukhang wala sya sa mood. "Ate mukhang galit po
yata sa'min 'yung kasama nyo" Bulong sa'kin nung isang bata. "Ahh hindi sya galit,
nahihiya lang sya sainyo. Medyo mahiyain kasi sa tao 'yan si Zeke. Pero mabait
naman 'yan" Paliwanag ko sa isang bata.

"Dong, mag-smile ka naman. Baka matakot sa'yo 'yung mga bata" Bulong ko naman kay
Zeke. "You like them, so I hate them" Para talagang ewan kausap 'to si—

Napansin ko bigla ang lalaking medyo may kalayuan sa'min na nakatingin sa amin.
Pero umalis din sya agad nung nakia nyang nakatingin ako. Hindi na nga sya nakita
ni Zeke nung tumingin si Zeke eh.

"Nakita mob a 'yun Dong?"

"What was that?"

"May lalaki kasi kanina dun, pero—"

Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko tumayo na agad si Zeke at kinuha si baby Bullet,
"Dong saan ka pupunta? Bakit dala mo pa si baby Bullet?" Nag-aalalang tanong ko.
"We'll check the asshole you were talking about"
"Ha? Eh paano ako? Ano gagawin ko dito?" Maduga! Sila lang ni baby Bullet ang
aalis. Huhuhu. "Send the kids back to their parents then get back in the car" Kahit
nakakalungkot, sinunod ko na lang ang utos ni Zeke. Wala na din naman akong
magagawa eh.

**

Pabalik-balik ako sa labas ng kotse kasi hindi ako mapalagay. Palubog na ang araw
pero wala pa sila. Isinama pa kasi ni Zeke si baby Bullet eh, baka mamaya kung ano
pa ang mangyari sa baby namin. Idadamay pa nya sa barilan, eh pwede namang sya na
lang. Huhuhu.

Habang tumatagal lalong bumibilis ang tibok ng puso ko, nanlalamig ang kamay ko at
hindi na talaga ako mapakali. Wala na akong pakialam kung ilang tao ang dumadaan at
nagtatanong sa'kin kung okay lang ako. Hindi ba nila nakikitang hindi ako okay?
Itatanong pa nila. Huhuhu.

Binuksan ko ang pinto ng kotse pero hindi ako pumasok sa loob, ewan ko nga ba bakit
ko binuksan eh. Nahahawa na yata ako kay Zeke na laging nalipad ang isip. Hayy.

Isasara ko na sana ulit ang pinto ng kotse nung may makita akong reflection ng
dalawang lalaki sa side mirror ng kotse. Malayo sila pero mukhang dito sila
nakatingin sa may gawi ko. Mabilis akong lumingon sa likod.

Nakatayo pa din sa pwesto nila 'yung dalawang lalaki kanina at nakatingin ng


diretso sa'kin. Tinalikuran ko sila para kumuha ng baril sa loob ng kotse. Malaman
ko lang na silang dalawa ang may kasalanan kung bakit hindi pa nakakabalik sila
Zeke naku! Who you talaga sila sa'kin.

Nung makaharap ako sa kanilang dalawa ay tinalikuran naman nila ako. Inilagay ko sa
loob ng suot kong pink na jacket ang baril para walang ibang tao na makakita.
Dahan-dahan lang ang paglalakad nila palayo sa'kin kaya sumunod ako. Hindi ko
inaalis ang tingin ko sa kanila kasi baka kapag nalingat ako mawala na sila. Ang
dami pa namang ibang tao na naglalakad dito sa park.

Sinundan ko sila hanggang makarating kami dito sa isang isolated na CR at parang


hindi na pinupuntahan ng mga tao. "Sino kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
Nakasuot silang dalawa ng black suit, kaya feeling ko tauhan sila ng isa sa leader
ng Black Organization. "Nasaan sila Zeke?" tanong ko ulit sa kanilang dalawa.

Pagkaharap nilang dalawa sa'kin ay may hawak na silang mga baril na may mga
silencer. Omygod! H-hindi kaya ganto din ang ginawa nila—Hindi! Imposible nilang
gawin kay Zeke 'yun kasi magaling si Zeke sa adventure, tinuruan pa nga nya ako eh
diba?

Biglang nagbago 'yung expression ng mukha nila, kanina nakangiti sila ng nakakaloko
pero ngayon hindi na. At nakatingin silang dalawa sa likod ko kaya lumingon ako.
"Waaaa Zeke" Iniabot nya sa'kin si baby Bullet kaya kinuha ko naman agad at
niyakap. "Omygod! Kanina ko pa kayo hinihintay. Huhuhu" Sabi ko habang naglalakad
palabas ng CR. Ang creepy naman kasi don. Baka mamaya may white lady pa dun sa loob
'no! Katakot!

"Oh dong? Nasaan na 'yung dalawa?" Kakalagay lang ni Zeke ng baril sa loob ng coat
nya. Papasok sana ako sa loob ng CR para tignan 'yung dalawang lalaki kanina pero
inihrang ni Zeke ang kanang kamay nya, habang 'yung isa naman nyang kamay ay kumuha
ng phone at nag-text. Ano bang gagawin nila kasi dun sa loob ng CR? In fairness ang
tatapang nila ha. Hindi man lang sila natatakot sa loob.

"Let's go" Kinuha ni Zeke sa'kin si baby Bullet para kargahin, saka nya ako
hinawakan sa kabilang kamay nya para maglakad. "Wait lang Zeke, 'yung dalawang
lalaki sa loob ng CR, hindi ba natin sila aayain lumabas? Malapit na kaya gumabi.
Nakakatakot pa naman sa—"

"Somebody will pick them up so don't bother,"

Palingon-lingon pa din ako sa may pinto ng C.R. Inaabangan ko din kasi baka lumas
'yung dalawa pero wala naman. Hayaan na nga.

**

Kanina ko pa iniisip kung may nakalimutan ba akong ilista sa mga listahan ng ninong
at ninang ni baby Bullet

Baby Bullet's Fairy Godmothers

-Amesyl Cross

-Caileigh Ferrer

-Fauzia Arcadia

-Cassandra Heather

-Meisha Maxine Lamperouge


-Milka Shinize Boulstridge

-Juliana G. Dela Cruz

-Coleen Kate C. Almazon

-Ma. Aunice Louper Josh P. Valdez

-Sharlene Mejia

-Dorothy Nicole Climaco

-Gwyneth Jewel Pilon

-Angelica Denise A. Nones

-Charlotte Godleth B. Dulla

-Patricia Claire Cruz

-Jeisheil Grace Sardina

-Sheilla Regidor

Baby Bullet's Fairy Godfathers

-Louie Birkins

-Andrei Lewis

-Jerson Ken Blood

-Tristan Klein
-Spade Clifford

-Jacob Lee

-Vash Boulstridge

-Sebastian Lerwick

-Kaizer Maxwell lamperouge

"Zeke" Tawag ko habang tinititigan ang listahan ng mga ninong at ninang. Gusto ni
Zeke tig 50 ang mga ninong at ninang at sabi nya magdadagdag pa daw sya. Hehehe
feeling ko yayaman talaga ako tuwing pasko.

"Hmm?"

"Hindi mo ba kukuhaning ninong si Wallace Martin Lionhart?" Lumingon ako kay Zeke
na natigilan sa pagtitimpla ng gatas. "Why would I?" Tanong nya. Mukhang nawala
bigla sa mood si Zeke dahil sa tanong ko.

"Naisip ko lang naman kasi, kababata mo sya eh diba?" Parang ang lungkot naman
kasing tingnan kung hindi sila kumpletong magkakaibigan. "Nandito din naman si
Kaizer at kuya Ken, kaya bakit hindi pati si Wallace?" Tanong ko.

"I'll think about it" Ngumiti ako nung sabihin nya 'yun. At least hindi sya nag-no.
Hehehehe.

**

A/N : (Promote-promote!)

Tweet nyo koooo! @mhiambwp hahaha. Also, para malaman nyo if may update, nagttweet
naman kasi ako pag meron.

Book signing schedule :

April 19 — SM Bacoor

April 25 — Marquee Mall Pampanga

May 2 — SM Baguio

May 16 — SM City Lipa

And yes, present po ako sa lahat ng 'yan. Kaya bili na kayo ng books! See you
Mafias!

Kung fantasy naman ang genre na hanap nyo, well I guess, same tayo! Kaya basahin
nyo po ang Writer's Block. Dream ko gumawa ng fantasy ng story eh. Hahahaha! And
first timer here, kaya pagpasensyahan nyo na. Loves~

=================

Chapter 34

Amesyl's PoV

Napangalumbaba ako sa ibabaw ng lamesa dito sa kusina nila insan habang pinapanood
ko sya sa harap ko. "Insan sigurado ka bang gusto mong isama sa mga ninong 'yung
kaibigan na unggoy ng asawa mo?"

Nagtatakha syang tumingin sa'kin. Pfft. Malamang, hindi nya kilala ang unggoy na
tinutukoy ko. "Ha? Ano insan?"

"Si Kaizer Maxwell Lamperogue, a.k.a unggoy na mukhang tao. Wala ka bang planong
alisin dyan sa listahan ng ninong?"
"Insan hindi naman unggoy si Kaizer, tao kaya 'yun"

"Unggoy 'yun insan, naka-disguise lang kaya medyo muhang tao" bulong ko sa kanya
habang seryosong-seryoso ako sa mga sinasabi ko. Kagat-kagat ni insan ang dulo ng
technical pen na hawak-hawak nya at mukhang malalim ang iniisip. Ilang segundo din
bago nya alisin ang pagkakagat sa techpen.

"Talaga?" Konting-konti na lang maniniwala na sa'kin si insan kaya lalo ko pang


ginawang seryoso ang tingin ko bago ako tumango. "Oo, kapatid nya kaya 'yung unggoy
na kasama ni Dora"

"Si Boots insan?"

"Oo, kakambal nya 'yun. Bukod kay Meisha, kapatid nya din nila si Boots"

"Edi unggoy din si Meisha?"

"Hindi, ampon kasi si Kaizer saka 'yung kakambal nyang si boots, kaya tao si
Meisha" Hahaha nakagawa na ako ng storya dahil dito sa unggoy na mukhang tao na
'to.

"Waaa ang astig pala nya insan 'no? May kakambal na cartoons" Kita nyo? Paniwalang-
paniwala ang magaling kong pinsan. "Gawin ko din kayang ninong ni baby Bullet si
Boots, tapos si Dora isama ko din sa ninang" Bulong ni insan habang nakatingin na
ulit sa listahan.
"Wag na insan! Busy sila" Singit ko. Kung hindi ba naman tanga eh. Gagawing ninong
at ninang ang cartoons. Akala ko naman magbabago na 'to si insan dahil mahahawahan
ni Roswell, kaso mukhang baliktad ang nangyayari.

"Oy tomboy ano na naman 'yang binubulung-bulong mo kay Aemie," Lumingon ako nung
may madinig akong boses ng talipandas na lalaking dumaan sa gilid ng lamesa at
dumiretso sa may ref para kumuha ng juice. "Wala naman, sinasabi ko lang kay insan
ang tunay na pagkatao mo"

Halos maibuga nya ang juice na iniinom nya kaya natawa ako. Sayang, mas ayos sana
kung nasamid sya at namatay. Tiningnan nya ako ng masama kaya ganun din ang ginawa
ko. "Aemie! Anong sinasabi sa'yo nyang tomboy mong pinsan?"

Tumingin sa'kin si Aemie at saka bumulong "Insan, okay lang bang sabihin ko kay
Kaizer na unggoy sya?"

"Hahahaha oo naman insan, alam naman nyang unggoy sya" Sagot ko

"Hoy! Ikaw!" Hawak-hawak nya an pitcher ng juice at inaambang ibato sa'kin kaya
tumayo ako at inalis ang isang sapatos ko,

"Oh ano ha?"

Inilipat nya ang tingin nya kay insan. Tapos biglang naging maamo ang mukha "Aemie
oh! Inaaway ako nyang pinsan mong tomboy" Tss. Para din pa lang si Louie ang unggoy
na 'to. Bading din.
"Hindi ka naman nya inaaway" Nagtatakhang sagot ni insan, pero bigla ding nagbago
ang ekspresyon ng mukha ni Aemie. Naging mukhang excited "Pero waaaa!" Lumundag sya
at yumakap sa unggoy "Whoa! Aemie! Teka sandal! Alam kong gwapo ako pero ayoko pang
mamatay" Pilit inaalis nung unggoy ang pagkakayapos ni insan sa kanya. Kaso si
insan ayaw tigilan 'yung unggoy.

"Wife" Buhat-buhat ng asawa ni Aemie ang pamangkin ko kaya lumapit ako para kuhanin
muna saglit. "Akon a muna bubuhat kay Bullet" Para maganda-ganda pagkakabaril nya
sa unggoy. "Nakikita mo ba yung unggoy na nilalambitinan ng mommy mo? Huwag kang
didikit don, aagawan ka nun ng pagkain" Pinapadinig ko talaga sa unggoy ang mga
sinasabi ko. Wala din naman syang magawa kasi nasa harap nya ang asawa ni Aemie.
Hahaha. Buti nga.

"What the hell are you doing wife?!!" Pasigaw na ang pagkakatanong ng asawa ni
insan dahil hindi pa din tumitigil si insan sa pagyakap sa unggoy. Pfft.

"Dong! Kapatid sya ni Boots, 'yung unggoy na kasama lagi ni Dora!! Diba ang cute
cute non" Kinurot-kurot pa ni insan ang mga pisngi nung unggoy. Gusto kong tumawa
ng malakas kaso mukhang lalong umusok ang ilong ng asawa ni Aemie kaya tatahimik na
lang muna ako.

"Ano?!!! Wengya!"

**

Aemie's PoV
"What the fvck are you talking about? And if you will not stop trifling with that
asshole. I will kill him. Mark my words"

"Whoa! Wengya! Teka! Chill okay?! Relax!" Pilit inaalis ni Kaizer ang yakap ko kaya
bumitaw na ako. Tinitigan ko na lang sya ng medyo malapit sa mukha. At oo nga 'no?
Parang may mga angulo na hawig nya si Boots. Hehehe. "Aemie hindi ko gusto 'yang
mga tingin mo" Umaatras si Kaizer tapos sinusulyapan nya si Zeke,

"Wife"

"Sisibat na ako ha. Sisibat na ako. Huwag kang aalis dyan Aemie!" Paatras syang
naglalakad habang ang dalawang kamay nya ay nakataas. Parang pinipigilan nya akong
lumapit. *pout*

**

"Explain" Nandito na kaming dalawa ni Zeke sa kwarto. Ayaw nya kasi doon sa kusina
mag-explain pwede naman doon. Wala namang pagkakaiba ang sasabihin ko kung nandito
ako.

Saka totoo naman ang sinasabi ko, bakit ba ayaw nyang maniwala? "Kapatid sya ni
Boots, Dong!"

"Of course not!"

"Oo 'no! Kapatid sya talaga! Kambal sila, tapos inampon lang sila ng parents ni
Meisha kaya naging magkapatid sila ni Meisha" Napaisip tuloy ako bigla "Kaya pala
hindi sila masyadong magkahawig ni Meisha 'no?"

"That's insane wife.

-Imagination-

Dora : Come on, vamonos.

Kaizer : Everybody let's go.

Dora : Come on, let's get to it.

Kaizer : I know that we can do it.

Dora : Where are we going?

Kaizer : To little baby Bullet!

Dora : Where are we going?

Kaizer : To little baby Bullet!

Dora : Where are we going?

Kaizer : To little baby Bullet!

-End of Imagination-

"Are you listening to me wife?"

"Ha?" Pinipigilan ko pa ang tawa ko kasi baka magalit si Zeke. Bagay ngang Boots si
Kaizer 'no? Bakit kaya ngayon ko lang 'yun napansin.
*knock* *knock* *knock*

"Insan! Insan! Buksan mo 'tong pinto, bilis!" Sunud-sunod na kumakatok si insan sa


pinto at nagmamadali kaya natigilan kaming dalawa ni Zeke. Nagkatinginan muna
kaming dalawa bago kami sabay na tumingin sa pinto, saka ulit namin ibinalik ang
tingin namin sa isa't-isa. Unang pumasok sa isip ko si baby Bullet dahil nasa kanya
si baby Bullet.

"Waaa dong!" Ako ang unang nag-react kasi parang natameme si Zeke, nakatingin lang
sya sa'kin at hindi din ma-express ang mukha.

Pero ilang segundo lang din halos ay kumaripas na sya ng takbo papunta sa may pinto
para buksan. "What is it? Where's my baby? Is he okay?" Lalabas sana si Zeke ng
kwarto nung dumating naman si Kaizer buhat si baby Bullet. Sabay kami ni Zeke na
lumapit at tinignan ang tulog na tulog na si baby Bullet.

Hinalikan ni Zeke sa noo si baby Bullet nung makuha ko na kay Kaizer. Pumasok ako
saglit sa loob ng kwarto para ilagay si baby Bullet sa loob ng hayy, color blue na
crib.

Lumabas ulit ako sa tapat ng kwarto nung mailagay ko na si baby Bullet sa crib. Si
Zeke ay nakapwesto sa may kanto ng nakabukas na pinto at sinisilip-silip si baby
Bullet sa loob.

"Speak" Umpisa ni Zeke kay insan at Kaizer. Nagkatinginan si insan at Kaizer kaya
nagkatinginan din kami ni Zeke. Bakit pa puro tinginan lang ang ginagawa namin?
"Si Spade Clifford kasi.." Kumunot ang noo ko habang hinihintay ang kadugtong ng
sasabihin ni insan. Ano kayang meron kay Spade? "Omygod! Nambababae si Spade 'no?
Kaya hindi nya nirereplyan si Cassandra kasi—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko
kasi nagsalita na si Kaizer.

"Patay na sya"

"Waaaaaa!" Napatakip ako ng bibig at hindi makapaniwala. "Anong nangyari? Bakit sya
namatay? Na-hit and run ba? Nagkasakit ba? Na-hold up? Na-budol-budol ba?" Omygod!
Omygod!

Lumingon ako kay Zeke para tignan ang reaction nya. Nakatungo sya at mukhang
iniisip din ang ikinamatay ni Spade. "Hindi din namin alam eh" Sagot ni Kaizer.

"Eh paano nyo nalaman na patay na sya? Baka naman nagjo-jokijoki lang?" Sabi ko.
Pwede naman kasing trip nya lang magpatay-patayan para ma-miss sya ni Cassandra
hehehe.

"Basta na lang kasi may tumawag kay Cassandra na taga funeraria ang sabi nandoon
daw mga labi ni Spade. Pati tuloy kapatid ko napasugod dahil si Clifford at Tristan
Klein ang laging magkasama," Tumingin si insan kay Kaizer kaya napatitig ako kay
insan. Mukha ding malalim ang iniisip nya. Wala namang alam si insan dito ah? Pero
bakit parang hindi sya nagugulat?

"Insan? May alam k aba?" Nagtatakhang tanong ko.

Nag-aalanggan pa nung una ang itsura nya na magsalita pero di rin nagtagal
nagsalita din sya. "Nakita na kasi namin minsan ni Caileigh na magkakasama sila
Tristan Klein, Spade Clifford at Wallace Martin Lionhart. Hindi kaya konektado 'to
sa nangyari insan?"
"Huh? Bakit kailan nyo ba sila nakita insan?" Nagtatakhang tanong ko, "Kahapon lang
ba?" Dugtong ko pa.

"Hindi. Medyo matagal na" Seryosong sagot nya. "Medyo matagal na pala eh, paano
'yun magiging connected? Ikaw insan ha! Masama mangbintang sabi ni mommy diba?"
Paalala k okay insan. Baka kasi nakakalimutan na nya mga itinuro sa amin ni mommy.

"Isipin mo kasi insan ah. Silang tatlo lang naman kasi 'yung magkakasama diba?
Hindi nga natin sila nakakasama"

Tinignan ko kung ano ang reaction ni Zeke at Kaizer. Si Zeke ay tahimik lang, tapos
paminsan-minsan sumusulyap sya kay baby Bullet. Si Kaizer naman ay nakatungo at
nakahawak sa ilalim ng labi nya.

**

"Saan ka pupunta Zeke?" Tanong ko nung makita kong pang-alis na damit ang kinuha ni
Zeke sa loob ng closet. Na-feel ko na din na aalis si Zeke kasi nung magpaalam sila
insan na bababa saglit ng salas ay nag-shower agad si Zeke.

"Somewhere"

"Down the road?" Tanong ko. "Dong naman eh! Saan nga?! Hindi ka talaga makausap ng
matino"
*glare*

*pout*

Totoo naman eh, palaging kalokohan ang sagot sa'kin. Nagtatanong naman ako ng
maayos. "In Black Org. We have a meeting"

Nanlaki ang mga mata ko, at the same time na-excite. "Wow dong talaga? Tropa-tropa
na ba kayo? Kukuhanin na ba natin silang ninong?" Excited na tanong ko.

*glare* "Nah"

*pout* "Sayang naman akala ko naman okay na kayo"

Lumapit sa akin si Zeke nung matapos nyang i-butones ang polo na suot nya. Tumungo
sya hanggang sa maging magkasing level na ang mga mmukha namin. Nakaupo kasi ako sa
kama. Pero inunahan ko na sya sa pagsasalita "I will be back" Sabi ko saka ko sya
kiniss sa labi. Hehe

Kumunot ang noo ni Zeke kaya ako na din ang nagsalita ng dapat na sasabihin nya
nung akmang magsasalita na sya. "What the hell are you doing wife?" Sabi ko, ginaya
ko pa ang tono ng boses ni Zeke at—"Aww!" Humawak ako sa noo ko dahil nagulat ako
sa pag-pitik nya. "Waaaa! Dong naman eh! Ano ba problema mo?"
"You love mimicking me, don't you?" Hindi naman mukhang galit si Zeke dahil
natatawa pa sya. Lumapit sya ulit sa'kin saka inalis ang kamay ko sa noo at
hinalikan ako sa labi. Waaaa! Hindi ko 'to na-predict ah!

Pagkalayo ng labi nya ay magsasalita na sya nung magsalita ako "I love you wife"
Sabi ko.

"Wrong!" Mabilis at natatawang sabi ni Zeke saka ulit ako hinalikan kaya nanlaki
ang mga mata ko. Ano ba at paulit-ulit 'tong si Zeke?

"You are the best thing that ever happened to me" Pagkatpos nyang sabihin 'yun ay
hinalikan naman nya ako sa noo. Saka nya ako kinindatan. "You didn't see it
coming?" Nakangiting tanong nya. Ang duga! Sinasadya nya talagang ibahin ang lines
nya kasi alam nyang ginagaya ko sya. "Maduga!" Bulong ko.

"Hahaha I love you"

Hinalikan ulit ako ni Zeke ng mabilis sa labi saka naman sya lumapit kay baby
Bullet. "Keep your eyes on your mother, son" Kiniss din ni Zeke si baby Bullet bago
sya tuluyang umalis ng kwarto.

"I love you" hindi pa ako nakakasagot ng mas mahal ko sya isinara na ni Zeke ang
pinto ng kwart. Hayy! Ang bastos talaga.

**
"Insan"

"Uy insan! Gising"

Iminulat ko ang mga mata ko at nagkusot-kusot. "Oh insan bakit?" Inaantok na tanong
ko. Nakaidlip pala ako. Buti hindi naiyak si baby Bullet.

"Pakiramdam ko talaga may ginagawa sila Wallace na kakaiba eh," Humihikab pa ako
nung sinasabi ni insan 'yan. Hindi pa din nakakamove-on si insan sa topic na 'yun.
Nakatulog na ako, sya ayun pa din ang iniisip. "Paano mo naman nasabi insan?"
Tanong ko.

"Eh kasi nga diba magkasama sila? Paano kung may pinaplano silang gawin, tapos
hindi sumunod si Spade kaya pinatay sya ni Wallace"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni insan. "Ang wild naman masyado ng imagination
mo insan, kung anu-ano agad naimagine mo" Bakit ako walang naiisip na masama. Saka
eh ano naman kung magkasama sila? "Malay mo naman nagba-bonding lang sila, o kaya
window shopping, o kaya may plano silang mag movie marathon. Diba ginagawa din
naman natin 'yun nila Caileigh dati?"

Hinampas ako ni insan dahil sa mga sinasabi ko sa kanya. Huhuhu parehas talaga sila
ni Zeke na sadista eh. "Anong bonding, window shopping at movie marathon ang
pinagsasabi mo dyan? Baka mamaya may kasama na 'yang spa at body massage" Galit na
sabi ni insan.

"Oo nga 'no? Ang galing mo talaga insan! Hehehe, tapos pedicure at mani—waa! Bakit
ka ba nanghahampas!?"
"EH KASI NAMAN! GINAWA MO NAMANG BAKLA 'YUNG TATLO!"

*baby cries*

"Ayan tuloy umiyak tuloy si baby Bullet" Dali-dali akong tumayo sa kama at pumunta
kay baby Bullet para kargahin. "Ako na magtitimpla gatas insan" Prisinta ni insan,
kaya hinayaan ko na lang sya.

"Ang sinasabi ko kasi insan. Hindi ba masyadong kasuspe-suspetsya silang tatlo?"

"Talaga? Hindi naman ah"

"Wag ka nga munang maingay dyan! Hindi pa ako tapos!" Sabi nya. "Hehe. Okay!" Sagot
ko.

"Pinsan ni Wakwak si Wallace diba? Malay mo kung tinutulungan nya si Louie sa


kalokohan nung baklang betty boop na 'yun. Tapos may plano silang masama. Concern
lang naman kasi ako sa inyo insan. Lalo na sa'yo at sa pamangkin ko 'no!" Lumapit
si insan habang shini-shake shake ang bote ng gatas ni baby Bullet.

Kumatok si insan sa lamesa na malapit sa'min "Knock on wood insan, pero kung ang
taong kasing edad na natin kaya nilang gawin ang ganun. Pano pa kaya kung—"
Tumingin sya kay baby Bullet kaya inilayo ko si baby Bullet sa kanya. "Ano ba 'yang
iniisip mo insan! Syempre hindi ko sila papayagang gawin 'yun!" Huhuhu! Makikipag-
away talaga ako sa kanila kapag si baby Bullet ang sinaktan nila.
"Kaya nga kailangan nating magpakisigurado diba? Sino-sino ba kaaway nyo?" Tanong
ni insan.

"Uhm 'yung Black Organization. Pero plano ko ngang sumali don insan eh. Kaso wala
pa akong time alamin kung paano ako makakasali" Bumukas ang pinto ng kwarto kaya
sabay kaming lumingon ni insan.

"Para makasali sa Black Organization, kailangan mong palitan kung ang nakaupo sa
pwesto ng isa sa kanila"

"Huh? Bakit ganon?" Nagtatakhang tanong ko.

"Ganun talaga eh"

"Ano namang ginagawa mo ditong unggoy ka?"

Parang ang dali naman ng kailangang gawin? "Hihintayin ko lang mangalay sila sa
pagkaka-upo tapos pag tumayo na sila saka naman ako ang uupo" Tumingin muna silang
dalawa sa'kin at saka sila sabay na tumawa ng malakas.

Siraulo ba silang dalawa?

"Ita-translate ko sa lenggwahe nating mga tao ang sinabi ng unggoy na 'to insan.
Ibig sabihin kailangan mo pumatay ng isang kasali sa Black Organization para
makasali ka din"

Tumango-tango ako. "Ahh. Sino naman kaya sa kanila ang papatayin ko? Hmm," Inisip
ko kung sino-sino ang mga leader ng Black Organization. Buti na lang at minemorize
ko mga names nila.

Will Travon

Jagger Frits

Jax Blaine

Damon Evo Hunter

Greg Lennox

Inigo Rances

Terrence Von Knight

Ezekiel Roswell

Ang astig talaga ni Zeke kapag naiisip ko na kasali na sya dun. Ang duga pa hindi
man lang ako isinali.

"Insan? Seryoso k aba dun sa sinabi mo?" Nung mapatingin ako kay insan at Kaizer ay
nakatitig silang dalawa sa'kin. "Alin insan?" Tanong ko.

"Yung sa kung sino ang papatayin mo sa kanila" sabi ni insan.


"Ahh hehe akala ko naman kung ano. Oo naman insan, medyo nahihirapan lang ako
pumili sa kanila kasi pare-parehas magaganda pangalan nila eh,"

"Ano ba 'yang iniisip mo na 'yan insan!!! Hindi mob a alam kung gaano kadelikado
'yang sinasabi mo at ano 'yang patay-patay na 'yan!?"

Nagulat ako dahil naalala kong hindi nga pala alam ni insan na sumasama ako sa mga
adventures ni Zeke. Huhuhu. "Wala 'yun insan hehe" Palusot ko.

"Hindi ako papayag na gagawin mo 'yan mag-isa! Sasama ako! Sasali din ako dyan sa
Black Organization na 'yan!"

"Wengya! Akala ko naman pipigilan mo si Aemie, sasamahan mo pa? Psh tomboy ka


talaga"

"Ikaw unggoy ka manahimik ka, ibabalik kita sa jungle!"

=================

Chapter 35

Aemie's PoV

Nakaburol si Spade sa isang chapel malapit dito sa bahay ni Zeke. "Nandito po mommy
'yung mga diaper ni Baby Bullet ah" Itinuro ko kay mommy ang lalagyanan ng gamit ni
baby Bullet. "Tapos nandito po 'yung mga damit, 'yung mga lotion nandito po sa may
drawer" Paliwanag ko habang itinuturo kay mommy isa-isa kung saan 'yun naka-pwesto.

"Aren't you done yet?" Pumasok si Zeke dito sa loob ng kwarto saka lumapit sa'kin.
"Tapos na Dong, tinuturo ko lang kay mommy 'yung mga lalagyan ng gamit ni baby
Bullet hehe,"

Tumingin si Zeke kay mommy. "Please take care of him mom" Lumapit si Zeke kay baby
Bullet as usual, saka hinalikan sa noo. Ganun din ang ginawa ko. Hindi naman kasi
namin gustong isama si baby Bullet doon sa burol, kasi syempre masyado pa syang
baby para sa mga ganun. "Babalik din po kami agad" Kumiss din ako kay mommy
pagkatapos kong i-kiss si baby Bullet.

"Ingat kayo ah"

"Opo"

"Yes mom"

Palabas na kami ng kwarto ni Zeke nung pumasok naman si daddy. "Daddy aalis na po
kami" Kumiss ako kay daddy bago tuluyang lumabas. "Take care of her, son" Bilin ni
daddy kay Zeke. "Always, dad" Sagot naman ni Zeke. Hindi talaga nagbabago tawag nya
kila mommy at daddy. Mom at dad talaga. Ang sossy.

**
"Dong alam mo na ba kung anong nangyari kay Spade?" Tinititigan ko ang names ng mga
leader ng Black Organization na nakalagay sa note ng phone ko. Paanong pagpili kaya
ang gagawin ko dito.

"Not yet, but I guess it has something to do with the Black Organization" Wala
namang iba eh. Sila lang din naman ang naiisip ko eh. Tinitigan ko si Zeke. Pero
wala naman akong mabasa sa mukha nya. "Wala ka pa talagang alam Zeke?" Tanong ko
ulit.

"Pfft. Are you suspecting me?"

"Hindi naman 'no. Hindi lang ako naniniwala na wala ka pang alam hehe" Diretsong
saad ko. Nagulat ako nung tumawa si Zeke. Nababaliw na naman yata 'to. Hayy. "You
know me that much?" Umiling-iling na lang ako at tumingin sa bintana. Sabi kasi ni
mommy, kung wala naman daw ako magandang sasabihin manahimik na lang daw ako. Eh
ayoko namang sabihang baliw si Zeke

"I had the chance to talk to Lionhart. He expressed his deep sorrow and extended
his most sincere condolence to Yaji and of course to Clifford's girlfriend"

Nakangiti akong tumingin kay Zeke. "Okay na kayo?"

Umiling sya na parang hindi sigurado sa isasagot nya. "Nah. I'm unsure of that" Eh
kung ako kaya ang kumausap sa kanya minsan para ako na ang personal na magtatanong
'no? Hmm. Tama! Kukuhanin ko na lang din syang ninong. Hehehe.

"We're here" Sumilip ako sa bintana ng kotse habang ipina-park ni Zeke ang kotse.
Gabi na pero mukhang madami-dami ang taong nasa burol. Hindi ko akalaing madami
palang friends 'tong si Spade? "Thank you" Mahinang wika ko, kinindatan naman ako
ni Zeke nung sabihin ko 'yun. Inayos ko ang dress kong itim nung makababa ako ng
kotse. Pati na din ang necktie na suot ni Zeke.
May mga bumabati sa'ming dalawa ng good evening nung pumasok kaming dalawa sa loob.
Nginingitian ko naman sila at binabati din ng good evening. Si Zeke kasi hindi sila
pinapansin. Umusod si Meisha papalayo kay Cassandra nung makarating kami ni Zeke sa
harapang bahagi kung nasaan sila. Kaya naupo agad ako sa tabi ni Cassandra.

Si Zeke ay lumapit kanila Seb at Kaizer na nakatayo sa may gilid.

"Condolence" Malungkot na sabi ko. Nakatingin lang si Cassandra sa harap. Nagsimula


syang umiyak at yumakap sa'kin kaya niyakap ko din sya. Hindi ko alam kung ano ang
sasabihin ko sa kanya kaya hinayaan ko na lang muna na magkayakap kami ng ilang
segundo.

Habang yakap-yakap ko si Cassandra ay natanaw kong naglalakad si Milka palabas ng


chapel. 'Sumama pala si Milka dito?' Sabi ko sa isip ko. Ang buong akala ko kasi
nagpaiwan sya sa bahay kasama nila insan, Caileigh, Jacob at Fauzia.

After ng ilang minutes ay humiwalay din sa yakap si Cassandra. "Pasensya na Ms.


Aemie ah. Hindi ko lang talaga macontrol luha ko" Umiiyak pa sya habang sinasabi
nya 'yan. Kaya pati ako nahahawa. Naiiyak na din tuloy ako. "He-he, okay lang"
Pinunasan ko din ang luha ko na tumulo. Naiintindihan ko naman sya. Masakit naman
talaga mawalan ng mahal sa buhay.

Nagulat ako kasabay ng mabilis na tibok ng puso ko nung makadinig kami ng malakas
na kalabog kasunod ng malakas na screech ng kotse. Parang may nahulog, o bumagsak
na bagay.

"Omygod!"
"Shit 'yung babae"

"Tumawag kayo agad ng ambulance"

Napatayo ako bigla nung makadinig kami ng kaguluhan sa labas. "Shit anong
nangyari?" mabilis ding tumayo sila Meisha. Maging si Cassandra ay tumigil sa pag-
iyak at napatayo.

"Stay here" Bulong ni Zeke sa'kin. Nakasunod sa kanya sila Sebastian, Kaizer at
Vash na palabas nitong chapel.

Omygod! Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Pero ayoko namang tumayo lang
dito at maghintay.

"Lalabas lang ako saglit ah, susunod ako kila Zeke" Paalam ko kanila Meisha at
Cassandra. "Sasamahan ko si Ms. Aemie" Saad ni Meisha saka sumunod sa'kin.

Palabas pa lang kami ng chapel natanaw na namin na may buhat-buhat si Vash at


isasakay sa loob ng kotse. "Omygod!" Nagkatinginan kaming dalawa ni Meisha saka
kami sabay na tumakbo palabas. Naabutan pa namin sila Vash na kakasakay lang sa
loob ng kotse. Nadampot ko pa ang nahulog na cellphone ni Milka na puno ng dugo
kaya pinulot ko.

"Susunod na lang kami 'tol" Tumango si Kaizer at mabilis na pinaharurot ang kotse
paalis.
Nanginginig pa ang mga kamay ko, hawak-hawak ko kasi ang cellphone ni Milka. "Anong
nangyari?" Tanong ko kay Sebastian at Zeke na nasa harap namin. Napahilamos ng
mukha si Sebastian at parang hindi pa din makapaniwala sa nangyayari.

Nag-alisan na ang mga taong kanina ay nakiki-kumpol sa'min dito, kaya apat na lang
kami nila Meisha, Zeke at Sebastian dito.

"Hit and run" Nanginginig ang boses ni Sebastian. Hindi din sya mapakali at
palakad-lakad. Si Zeke, tahimik lang na patingin-tingin sa paligid. "Are you okay?"
Lumapit sa'kin si Zeke at ipinatong sa likod ko ang coat na kanina ay suot-suot
nya. Nanginginig kasi talaga ako. Pero hindi sa lamig o takot.

Umiling ako bilang sagot sa tanong ni Zeke. "Why?" Tanong nya ulit. "I'll get you a
drink" Paalis na si Zeke pero hinawakan ko ang kamay nya para pigilan. "Para kasing
kinutuban ako ng masama Dong, tawagan mo kaya sila mommy"

"Ako na ang tatawag Ms. Aemie" Pagpi-prisinta ni Meisha. Si Zeke naman ay pumasok
sa loob para kumuha ng maiinom. "Sebastian, huwag ka ngang magpalakad-lakad dyan.
Nahihilo ako sa'yo" Sabi ko. Kanina pa kasi sya palakad-lakad sa harap namin.

"Bakit hindi ka na lang muna sumunod sa hospital, Lerwick?" Tanong ni Meisha habang
nakalagay sa tenga nya ang cellphone. Nakasandal ako sa railing at nakaabang na may
sumagot ng tawag ni Meisha. "She's not picking up her phone Ms. Aemie, baka naman
nakatulog na si Queen sa pagbabantay kay Bullet,"

"Uhmm, si insan or si Caileigh kaya? Try mo tawagan" Nakisabay na ako sa paglakad-


lakad ni Sebastian, kaya ngayon para kaming sundalo na sabay na nagmamartsa.

"Drink this" Iniabot sa'kin ni Zeke ang isang bottled water na kakabukas nya lang.
Inabutan nya din ng tig-isa si Meisha at Sebastian. "Hindi din sila sumasagot Ms.
Aemie eh"

Kung kanina kinukutuban lang ako, ngayon kinakabahan na ako. Bakit ba hindi sila
sumasagot sa tawag? Baka naman maling number ang dina-dial ni Meisha? "Zeke hindi
daw sumasagot sila mommy sa tawag" Kinakabahang sabi ko kay Zeke.

"What?" Dali-daling kinuha ni Zeke ang cellphone nya sa bulsa at may dinial na
number. "Lee, pick up your fucking phone" Galit na bulong ni Zeke, mukhang hindi na
din sya mapakali. Huhuhu. "Lee—" Tumigil si Zeke saglit, mukhang may sumagot ng
tawag kaya lumapit ako sa kanya. Tinititigan ko ang mukha ni Zeke kung ano ang
reaction.

"Lee, Lee! What the fuck?!" Tinignan pa ni Zeke saglit ang phone nya. "We need to
go" Hindi man lang nya kami hinintay magsalita or magreact basta na lang nya ako
hinila hanggang makapasok sa loob ng kotse wala syang imik.

**

"OMYGOD!!!"

"FUCK!"

"Tang*na!"

"Shit!"
Kakapasok pa lang namin ng salas, tumambad na samin ang gulu-gulong mga gamit. May
mga tama ng baril ang ibang appliances at furniture sa bahay. Si Caileigh ay
nakahiga sa sofa at puro dugo. Si insan ay nakadapa sa sahig at puno din ng dugo.
Nangingilid na ang luha ko at nanginginig na ang mga kamay ko. Pakiramdam ko ang
lamig ng buong katawan ko at gusto kong mahimatay. Pero hindi pwede.

Hindi ko na sila nagawang tignan, dahil tumakbo na agad ako sa kwarto. Halos
kasabay kong tumakbo si Zeke, nauuna lang sya ng konti.

Napatakip ako ng bibig nung makita ko si daddy sa harap ng pinto ng kwarto namin ni
Zeke. May tama sya ng baril sa ulo at nakasalampak sa sahig. "Daddy" Bulong ko,
kasabay ng pag-agos ng luha sa mga mata ko.

Pumasok si Zeke sa loob ng kwarto, kaya sumunod ako. Nakahiga si mommy sa kama
namin ni Zeke, may tama din sya ng baril sa katawan.

"Dammit!" Lumingon agad ako nung madinig kong nagmura si Zeke. Kalong-kalong nya si
baby Bullet habang umiiyak sya. Napanatag ang loob ko nung makita kong gumagalaw
ang kamay ni baby Bullet kaya lumakad ako palapit sa kanilang dalawa at saka kinuha
si baby Bullet sa kanya.

Pinunasan agad ni Zeke ang luha nya pagkakuha ko kay baby Bullet saka sya lumapit
sa kinaroroonan ni mommy at pinulsuhan. "She's still alive" Medyo nakaramdam ako ng
pag-asa dahil sa sinabi nya.

"Bossing! Kailangan na natin silang dalhin sa ospital sa lalong madaling panahon"


Humahangos na sabi ni Sebastian pagkapasok nya ng kwarto. Binuhat ni Zeke si mommy.
Ako naman ay sumunod sa kanilang dalawa pababa habang karga-karga ko si baby
Bullet.
Isa-isang isinakay nila Zeke at Sebastian sila mommy, insan, Caileigh, guardian
angel, at Jacob. "Ako na lang muna ang maiiwan dito" Sabi ni Meisha. "Sigurado ka
Mei?" Tanong naman ni Sebastian. "Oo, sige na. Ingat kayo ha" Umiiyak pa din ako
hanggang makasakay kami ng van.

**

Nakaupo ako sa waiting area ng ospital. Dito din sa ospital na 'to dinala si Milka
kaya nandito din si Vash at Kaizer. Pare-parehas kaming nakaupo, sila Kaizer, Vash
at Sebastian ay nakaupo sa mahabang bench na katapat ng inuupuan namin ni Meisha,
"I called a hotel to prepare a suite for us. We can stay there for a while. I know
you're tired," Sabi ni Zeke pagkalapit nya sa'kin. Kinuha nya sa'kin si baby
Bullet. "Kamusta na daw sila Dong?" Tanong ko.

"The operation is still ongoing so I can't tell,"

"Tatawag na lang din daw ang funeraria kapag iri-release na ang mga labi ni Master"
Malungkot na saad ni Meisha. Gusto kong umiyak, pero feeling 'yung mga mata ko wala
ng mailabas na luha. Kanina pa kasi ako iyak ng iyak.

"Bakit ba kasi ganito ang nangyari?" Bulong ko.

"Tingin ko dapat magpahinga na muna kayo, Mei sumama ka na kila Ma'am Aemie.
Magpahinga ka din muna. Ako na ang mag-aantay kay Master. Dadaan na din ako kay
Cassandra para sabihin ang nangyari," Sabi ni Sebastian.

"Sasamahan ko na lang si Boul dito magbantay sa ospital," Dagdag ni Kaizer.


Inalalayan ako ni Zeke na tumayo gamit ang isa nyang kamay. Parang anytime,
babagsak na ako sa pagod at panghihina. Nagsisimula pa lang kaming maglakad paalis
ay tumigil na si Meisha saglit dahil nag-ring ang cellphone nya.

"Yes this is his girlfriend, why?... WHAT?!" Napaupo ulit si Meisha at saka
nagsimulang umiyak. "Shit! Mei ano nangyari?" Dali-dali namang lumapit sa kanya si
Sebastian at tumabi, kasabay ni Kaizer "Sis. Bakit?"

"Pulis 'y-yung tumawag" Umiiyak si Meisha at halos hindi makapagsalita. "Natagpuan


daw patay si T-tristan" Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Zeke, sobra na 'yung mga
nangyayari. Hindi na yata kayang i-digest ng sistema at utak ko ang mga naririnig
at nakikita ko.

Kinuha ko ang baril na nakasuot sa loob ng coat ni Zeke, kasama ang susi ng van na
ginamit namin kanina saka mabilis na tumakbo palayo sa kanila.

"Wife!" Hiyaw ni Zeke, pero hindi ko sya pinakinggan. Diri-diretso pa din akong
tumakbo palayo sa kanila.

Hindi ko na kayang palampasin ang mga nangyayari.

=================

Chapter 36

Aemie's PoV

Kinuha ko ang cellphone ko habang dini-drive ko mag-isa 'tong van. Buti na lang
automatic 'tong van kaya hindi ako mahihirapan i-drive. Pinatay ko agad ang
cellphone ko, para hindi ma-trace nila Zeke kung saan ako pupunta. Hinila ko din
ang wire na kumo-konekta sa GPS nitong van.

Ipinarada ko agad ang van sa tapat ng bahay. Dito muna ako unang pumunta para
kuhanin ang mga kailangan ko.

Nagkalat pa ang mga sira-sirang gamit sa loob ng bahay. Pati ang mga dugo. "Arf!
Arf!" Kumunot ang noo ko dahil tumahol si baby Eisz, lumulundag-lundag pa sya at
parang gusto nya akong lumapit sa kanya. Kaya lumapit ako. "Bakit baby Eisz?"
Tanong ko. Tumakbo agad sya palayo saka ulit tumahol.

Nandoon si baby Amiel at may kagat-kagat na kung ano.

Damon Evo Hunter Identification card.

Kinabisado ko ang information na nakalagay sa I.D saka ko sinindihan sa stove.


"Very good baby Amiel at baby Eisz" Pinat ko ang ulo nilang dalawa at nilagyan sila
ng pagkain sa bowl nila, at tubig habang hinihintay kong matupok ng apoy ang I.D.
Nung makita kong tupok na ng apoy ang ID ay tumakbo paakyat sa kwarto namin ni
Zeke.

Mabilis akong nagpalit ng damit. Pants na itim, shirt na itim, at jacket na itim
ang isinuot ko. Pero bago ko ilagay sa lalagyan ng maruming damit ang mga damit na
hinubad ko ay nakapa ko pa ang cellphone ni Milka, kaya kinuha ko 'yun. Puro mantsa
ng dugo ang phone pero wala na akong oras para linisin pa, kaya ibinalot ko muna sa
isang panyo. Nagsuot din ako ng sapatos para mas komportable ang paggalaw at
pagtakbo ko. Kumuha ako ng isang malaking maleta saka ko isinilid ang mga damit ko,
at iba ko pang gamit.

Binuksan ko ang isang malaking cabinet na naglalaman ng mga baril at ammunitions.


Kinalas ko ang naka-display sa loob ng cabinet na Barrett .50 Cal, isang sniper
rifle. Paniguradong magagamit ko 'to. Maganda 'to kasi ang maximum range nya ay
2600 meters. Kahit gaano pa sila kalayo sa'kin, hindi sila makakaligtas.

Dinampot ko din ang isang Springfield Armory 1911 at isang FN Five Seven, na
parehas handgun. Chineck ko muna parehas kung may lamang mga bala ang magazine bago
ko isinilid sa magkabilang gun pocket ng jacket na itim na suot ko.

Kumuha din ako ng dalawang pocket knife, mga grenade, dinamihan ko din ang flash
bang, smoke grenade, mask, timed bomb at rope.

Lahat ng mga gamit na kinuha ko, ay isinilid ko sa kanya-kanyang safety box, bago
ko inilagay isa-isa sa malaking maleta na dala ko. Lumapit ako sa vanity table saka
kinuha sa drawer ang lighter na inilagay ni Zeke dito dati. Saglit akong napatitig
sa mukha ko, pinunasan ko ang mantsa ng dugo sa may pisngi ko at saka tinali ang
buhok ko.

Kakadampot ko pa lang ng maleta nung may madinig akong yabag ng paa na naglalakad
kaya mabilis kong dinukot ang baril sa gun pocket ng jacket na suot ko at nagtago
sa gilid ng pinto.

Eksaktong pagka-pwesto ko sa gilid ay sya namang pagbukas nito. Hindi ko kita kung
sino ang nagbukas dahil nasa gitna namin ang pinto. Hanggang sa mag-umpisa syang
maglakad papasok sa loob. Hindi ko kilala kung sino ang lalaking pumasok dahil
nakatalikod sya. Pero sigurado akong hindi sya si Zeke, mabilis ko syang tinutukan
ng baril pero humarap sya sa'kin at hinampas ang kamay ko kaya tumilapon ang baril
sa sahig.

I grabbed his left arm and twisted it, saka ko dinukot ang isa pang baril sa loob
ng jacket na suot ko at itinutok sa ulo nya ng madiin. "Wallace Martin Lionhart"
bulong ko, nung makilala ko sya.
"Kung papatayin mo ako, hindi ko kayo magagawang tulungan" Kumunot ang noo ko saka
ko sya hinampas ng baril sa ulo. Hindi ako naniniwala, hindi na ako maniniwala
kahit kanino kasi pare-parehas silang lahat na sinungaling. Ang gusto lang nila ay
patayin ang Yaji at Roswells.

"Tss" Pinunasan nya ang dugong tumulo mula sa ulo nya. "Yo!" Binaril ko agad sa
binti ang pumasok na lalaki sa loob ng kwarto "Shit!" Daing nya. "Kuya Ken?"
Lalapitan sana sya ni Wallace pero binaril ko din si Wallace sa binti "Kapag
gumalaw ka pa, papatayin na kita" Sabi ko sakanya. Seryoso ako, kahit sabihin
nilang kababata sila ni Zeke, papatayin ko talaga silang dalawa kapag nalaman kong
kasali sila sa mga pumasok dito sa loob ng bahay kanina.

"Ibaba mo 'yang dala mong baril kuya Ken" Utos ko. Sumunod naman agad si kuya Ken,
at ibinaba ang baril na hawak nya. "Ms. Aemie to clear things out, kakampi mo kami.
Nandito kaming dalawa ni Lionhart para alamin ang mga nangyari at siguraduhing ayos
kayo"

"Ayos? Gulu-gulo ang bahay, puro basag at sirang gamit. Nagkalat ang dugo sa
paligid. Tapos titignan nyo kung ayos kami?" Hindi ba sila nag-iisip na dalawa.

"Okay-okay. Calm down, pero believe us, hindi kami kaaway" Tinignan ko ulit silang
dalawa. Parehas silang nakahawak sa binti nila na binaril ko. Malapit lang sa
kanilang dalawa ang baril ko na tumilapon, pati ang baril ni kuya Ken na ibinaba
nya pero hindi naman nila dinadampot. Mukha ngang nagsasabi sila ng totoo.

Dinampot ko ang baril ko na nasa sahig. Saka ibinalik sa gun pocket ng jacket na
suot ko. Kahit naglalakad ako sa papunta sa malaking maleta na inayos ko ay
nakikiramdam ako sa paligid. Baka kasi niloloko lang nila ako at may balak silang
barilin ako kapag nakatalikod na ako sa kanila. Pero hanggang sa mapalapit ako sa
maleta ay wala silang ginawang masama.

Itinayo ko ang maleta pero hindi ko pa inangat ang handle dahil napatingin ako sa
crib ni baby Bullet. 'Bakit kaya wala silang ginawang masama kay baby Bullet' 'yan
ang tanong sa isip ko nung maalala ko ang nangyari sa kanilang lahat. Lumapit ako
sa crib, baka naman kasi—
We will spare your son's life for now, Ezekiel and Aemie Roswell.

"Ano 'yan?" lalapit sana si Wallace palapit sa'kin nung paputukan ko ang sahig na
lalakaran nya. Tinignan ko ang loob ng crib kung may iba pang nakalagay pero wala
na. Kaya ibinulsa ko na lang ang note saka naglakad pabalik sa may maleta.

Itinaas ko ang handle ng maleta saka hinila.

"Miss Aemie saglit! Saan ka pupunta? Alam ba ni Ezekiel na nandito ka? Shit!"
Binaril ko ulit silang dalawa sa binti para hindi nila ako masundan. Daplis lang
naman 'yun kaya siguradong hindi sila mamamatay.

Pagkadating ko sa labas ng bahay, pinaputukan ko agad ang mga gulong ng sasakyan


nilang dalawa. For sure kasi, susundan nila ako. Or baka sabihin nila kay Zeke na
dumaan ako dito.

**

Nilagyan ko ng silencer ang dalawang handgun bago ko isinilid sa magkabilang gun


pocket ng jacket na suot ko. Kinuha ko sa loob ng maleta ang wig na dinala ko.
Naglagay din ako ng makapal na make-up para hindi ako gaanong makilala kung
sakaling may makasalubong ako na nakakakilala sa'kin. At kahit gabing-gabi ay
isinuot ko ang smokey shades na dala. Tahimik akong naglakad papasok ng hotel.
Dumiretso ako sa front desk para kumuha ng kwarto, katabi ng kwarto ni Damon Evo
Hunter.
Nung makuha ko na ang kwartong gusto ko ay. Sumaglit ako sa labas ng hotel para
tawagan si Zeke.

"Zeke"

[Wife!]

"Zeke, babalik din ako agad kapag natapos ko na gagawin ko,"

[Where the fvck are you?]

"Hindi na 'yun importante, sige aalis na ako"

[Get back here and take care of—]

"Tatawag na lang ako uli mamaya. I love you" Ibinaba ko na agad ang telepono para
hindi na maka-sagot si Zeke.

Naglakad ulit ako papasok ng hotel. "Miss pakidalahan ako ng pinakamahal na meal sa
room 2505. Thanks." Umalis na kaagad ako
**

Sebastian's PoV

Kanina pa pabalik-balik si Bossing at hindi mapakali, hindi nya magawang sundan si


Ms. Aemie dahil hindi nya din maiwan-iwan ang inaanak ko. Ayaw nya kasing
ipagkatiwala sa amin ang pag-aalaga kay Bullet.

"It's still fucking turned off!!" Ibinato nya sa kama ang cellphone na hawak nya,
ampupu! Nasaan na ba 'yung gagong si Lampe at bakit hindi pa tumatawag? "Baka naman
magkasama na sila ni Lampe, bossing" Sinusubukan kong pakalmahin si Bossing gamit
ang mga 'baka'. Dahil alam ko naman na kahit gaano ka-lakas ang karisma ko ay hindi
uubra kay Bossing.

Hindi pa yata nakakalipas ang isang minuto nung mag-ring ang cellphone ni Bossing.

"Wife! Where the fvck are you?... Get back here and take care of—DAMN! What the
fvck is happening to my wife?! Answer me Lerwick or I'll kill you!" Napalunok ako
dahil sa sinabi ni Bossing at umayos ng upo. "B-baka gusto lang magpahangin
Bossing. Masyado yatang na-stress sa mga nangyari. Uuwi din naman 'yun panigurado"
Sabi ko.

"When huh? When?!! She doesn't sound like she has a plan of returning" Galit nag
alit at gigil na gigil na ang tono ng boses ni Bossing. Takte! Mukhang ako na ang
susunod na isusugod nito sa ospital.

*doorbells*
Tumayo agad ako nung tumunog ang doorbell nitong suite na tinitigilan namin. Si Mr.
Roswell ay dumampot agad ng baril na nasa ibabaw ng lamesa. Maging ako ay bumunot
ng baril. Sinilip ko sa peep hole kung sino ang nag door bell. "Si Phoenix Strife
bossing" wika ko. "Let him in,"

Kakasara ko pa lang ng pinto ng hotel room ay may nag doorbell na naman. Petengene!
Hindi pa nakisabay ang isang 'to kay Strife. Sinilip ko kung sino ang nasa labas ng
kwarto. "Bossing si Andrei Lewis" Tumango si Bossing at sumagot na naman ng 'Let
him in'.

"Yo!" Pinapasadahan ko ng tingin ang dalawa kung may ikikilos silang hindi kaaya-
aya. Pero wala akong napapansing kakaiba. Pati si bossing ay tila kampante na
nandito sila. Ibig sabihin ayos ang samahan nila ni Bossing? Ampupu! Outdated yata
ako sa mga pangyayari ah!

Pabalik na ako sa kinauupuan ko kanina nung may putang*nang nag doorbell na naman!
"Hoy Strife, ikaw naman magbukas ng pinto" Utos ko. Petengene kanina pa ako bukas
ng bukas eh. Nakakuha sila ng gwapong utusan. Tsk tsk.

"Tss. Ikaw na"

*doorbells*

"Aba matinde 'tol! Kanina pa ako bukas ng bukas ng pinto may nadinig ba kayo
sa'kin? Kahit magandang lalaki ako, hindi ako reklamador!"
"Lerwick!"

Tumayo agad ako at lumapit sa may pinto bago pa mag-iba ang timpla ni Bossing. May
araw sa'kin 'tong Strife na 'to. "Yo 'tol balita?" Shit! Dinukot ko agad ang baril
na nakasuksok na sa pants ko nung makita ko kung sino ang nasa likod ni Lampe.
"Kalma! Okay lang 'yan baby Lerwick"

Anong ginagawa ni Lionhart dito?

Hinayaan kong makapasok sila Lionhart, Blood at Lampe sa loob ng hotel room.
Pinasadahan ko ng tingin sina Blood at Lionhart na parehas iika-ika.

**

Aemie's PoV

Habang hinihintay kong iakyat dito sa kwarto ang pagkaing nirequest ko kanina ay
nag-ayos na ako ng mga kailangan ko. Flashbang, pocket knife, dalawang handgun at
extra ammunitions.

Nilagyan ko ng madaming pins ang wig na suot ko para hindi matanggal. Nag-retouch
na din ako ng make-up at kinapalan ang red lipstick na inapply ko.

*doorbells*
"What's that?" Mataray na tanong ko sa babaeng may tulak-tulak ng pagkain. "Ma'am
hindi po ba kayo umorder ng pagkain? Ido-double check ko na lang po, pasensya na po
sa istorb—"

"No, pero I think doon 'yan sa kabilang room" Itinuro ko ang kabilang kwarto. Ang
hotel room na kinaroroonan ni Damon Evo Hunter. "Kanina pa kasi may lumalabas na
lalaki, at mukhang may hinihintay,"

"Ahh ganun po ba. Thank you and pasensya na po ulit" Ngumiti ako sa kanya at
isinara kunwari ang pinto. Naghintay ako ng pitong segundo bago ko ulit binuksan
ang pinto ng hotel room ko. Nung makalabas ako ay nasa tapat na sya ng kabilang
kwarto kaya casual akong naglakad papunta sa direksyon na 'yun.

Katulad ng kinalkula kong oras, kakabukas lang ng pinto nung tumapat ako sa pinto
ng kwarto nila. Dinukot ko agad ang pocket knife at isiningit sa gilid ng pinto
para hindi maisara ang pinto. Huminto ako at naghintay na isara ang pinto. I
smiled, nung buksan ulit ng isang lalaki ang pinto para tignan kung bakit hindi nya
maisara. Sinipa ko sya pabalik sa loob saka ko binato ang dalawang flash bang sa
loob.

Hinila ko ang babaeng hotel crew palabas ng kwarto saka ako pumasok sa loob. Wala
din syang makita dahil kasama sya sa loob nung sumabog ang flash bang kaya
siguradong hindi nya ako nakilala.

15-30 seconds ang itatagal ng pansamantalang pagkabulag nilang lahat kaya habang
hindi pa bumabalik ang paningin nila ay sinimulan ko na silang pagbabarilin, gamit
ang baril ko na may silencer, hanggang matira ang isa. Si Damon Evo Hunter.

Itininutok ko sa ulo nya ang baril na hawak ko habang hinihintay kong bumalik ang
paningin nya. Nagsimula akong magsalita nung makita kong nanlaki ang mga mata nya,
tanda bumalik na ang paningin nya. "Any last wish?" Tanong ko, kaso masyado syang
agresibo. Inagaw nya ang hawak kong baril na nakatutok sa kanya. Kaya itinutok ko
ang isa ko pang hawak na baril sa ulo nya saka kinalabit ang gatilyo.
Kinuha ko ang maliit na note na nakuha ko sa loob ng crib ni baby Bullet pagkapasok
ko ng hotel room ko. Isinulat ko kasi kanina dito sa likod ng papel ang mga
pangalan ng leader ng Black Organization. Saka ko kinuha ang techpen na isinilid ko
kanina sa gilid ng maleta. Nilagyan ko ang guhit ang pangalan ng unang leader ng
Black Organization na nasa listahan ko.

Damon Evo Hunter

Will Travon

Jagger Frits

Greg Lennox

Inigo Rances

Jax Blaine

Terrence Von Knight

=================

Chapter 37

Aemie's PoV

Binabasa ko ang file ni Will Travon na nasa harap ko. Sya pala ang CEO ng Travon
trade and industries. Sabagay sabi nga nila puro mayayaman ang leader ng Black
Organization kaya hindi na nakakapagtakha. Advantage para sa'kin na puro sila
kilalang tao dahil madali ako makakahanap ng mha impormasyon tungkol sa kanila
kahit walang tulong ng ibang tao.

Inilista ko sa papel ang mga contact numbers na pwede ko tawagan para mag-set ng
appointment. Lumapit ako sa table na pinagpapatungan ng telepono nitong hotel suite
dito. Alas tres y media pa lang ng madaling araw. Hindi ko nga alam kung gising na
ang secretary na tatawagan ko eh.

[Hello good morning]

"Hi, good morning. This is Amelia from Hunter's Corporation and I would like to
know if I can set an appointment with Mr. Will Travon today," Wala naman sigurong
masama kung gagamitin ko ang pangalan ng corporation ni Damon Evo Hunter.

[I'm sorry Ma'am but I think lunch time lang ang free time ni Mr. Travon]

"This is about an important business deal we were talking last week.


Nakakapanghinayang naman sa part nya kapag hindi kami nakapag-usap about dito" Giit
ko.

[Ganun po ba?]

"Yes. Can I at least know when he will be there? Para alam ko kung kailan ako
magda-drop by,"

[Dumadating po sya dito before 7 in the morning, and leaves before 5 in the
afternoon]

"Okay. Thanks"
Ibinaba ko na ang telepono at nag-shower ng mabilis. Binuksan ko ang laptop na dala
ko habang nagbibihis. Tinignan ko ang oras sa relos na kakasuot ko lang. "3:47AM"
Lumapit ulit ako sa laptop para hanapin sa google ang location ng opisina ni Will
Travon.

Habang naghahanap ako sa google ng apartment na pinakamalapit sa building ng Travon


trade and industries ay maingat kong nililinisan ang mga parts Barret .50 Cal. Nung
maibalik ko na sa lalagyan ang sniper rifle ay nag-umpisa na akong mag-dial ng mga
hotels at apartments na malapit sa building ni Will Travon para magpa-book ng room.

[Hello, thank you for calling the Aria Hotel. My name is Erica Gin. How can I help
you?]

"I'd like to make a reservation"

[Certainly. When would you like to check in?]

"Today. I will be there before 6 in the morning. And I need my rooms to be prepared
before my arrival"

[How many rooms, and for how many nights will that be Ma'am?]

"5 rooms for 2 nights" Wala naman akong planong magtagal, pero kailangang matagal
ang check-in ko sa mga hotel, para hindi ako agad paghinalaan.
[Do you have other concerns in terms of the rooms?]

"Yes I would love to see the roads in the morning and evening, so it would be
better if you have available rooms that I can view those scenery"

[Of course Ma'am. We have different types of rooms available for that. We have
executive suites and stan—]

"I prefer the executive suites"

[Okay 5 executive suites for 2 nights. May I have your name, please?]

"Amelia Park"

[Great! Miss Amelia, so how will you be paying?]

"I'll pay cash as soon as I arrive."

[Okay thank you. Have a good day Ma'am]

Ibinaba ko agad ang telepono at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit. Nagbihis ako ng
damit na mukhang pang-mayaman, nag-high heels, at make-up.
Pagkatapos ay iniligpit ko lahat ng gamit ko. Pinunasan ko lahat ng hinawakan ko,
leaving no trace. Nung masiguro kong okay na lahat ay dumiretso ako sa front desk
ng hotel para magcheck-out.

**

Sebastian's PoV

"Sabi ni Aemie, gusto nya daw sumali sa Black Organization. 'Yan 'yung pinag-
uusapan nila nung pinsan nyang tomboy eh" Basag ni Lampe sa katahimikan nitong
silid.

"What the fuck?" Halos maibuga ni Bossing ang alak na iniinom nya. Antok na antok
na ako, dahil mula kagabi pa ako hindi natutulog. Samantalang sya mukhang hindi man
lang nakakaramdam ng antok.

"Ibang-iba nga si Miss Aemie nung madatnan namin sya ni Wallace kagabi sa bahay
nyo, Ezekiel"

Kumunot ang noo ni Bossing. Kanina pa kami magkakasama dito pero ngayon lang sila
nag-usap-usap dahil busy si Bossing sa pag-aalaga sa kanyang baby boy.

"Sya nga ang bumaril sa'min ni Blood eh. Tss" Wika ni Wallace. Magsisindi sana sya
ng sigarilyo nung tignan sya ng masama ni Bossing. "You can smoke outside,
Lionhart" Tumingin si Lionhart sa natutulog na si Bullet saka natawa at ibinalik sa
lalagyan ang stick ng sigarilyo na hawak nya.
"What happened to your goddamn plan Lionhart? I thought it went well, how did it
end up like this?"

**

Jerson Ken's PoV

-Flashback-

"She's not here" I threw my coat on the passenger's seat and lit a cigarette.
"Hindi pa ba tayo aalis dude? Wala naman si Lux dito. Darn it!" I said but
Lionhart's hooking up with somebody over the phone. "This is not the right place to
do that Wallace. Psh. I thought you're not yet over with Fiona. Tapos may ka—"

"Tss asshole. It was Lux's secretary,"

I frowned. But before I could even react, my nagbukas ng pinto ng kotse sa likod
namin. "Hi babe"

"Hey. May gusto akong iparating mo kay Lux. And don't mention my name please"

"Sure babe basta ikaw"


-End of Flashback-

"Then we found out na buhay pa pala si Lux" I stated. "Dahil tinulungan ng magaling
kong pinsan," Wallace added.

"Pfft. 'Yan 'yung dumidiskarte sa kapatid ko diba?" Singit ni Andrei Lewis. Tumango
naman si Wallace habang natatawa. Pati ako ay natawa. You can see how small our
world is. And I am glad na wala ng galit si Wallace kay Ezekiel simula nung
mabalitaan nyang magkakaroon ng anak si Ezekiel. He badly wants to be one of the
godfathers like what the heck!

"So what's our next plan?" I asked.

"Ezekiel, you're the boss. Ikaw magplano" Wallace said, sincerely.

"Always Lionhart, always" Nakangiting sagot ni Ezekiel.

"Wooo! Group hug na ba ang next dito?"

"Aww baby Lampe naman, init agad ng katawan ko ang hanap mo?"

"Ulul!"
"Mga siraulo" Tumayo si Phoenix Strife at kumuha ng alak.

Itinaas ni Andrei Lewis ang left hand nya while holding his cellular phone on his
right hand. We're all quiet while waiting. "Oh?... Huh? Sigurado ka ba dyan
Knight?... Anong nangyari?... Sige ako na ang pupunta at mag-aalam..Ge ge" Ibinaba
ni Andrei Lewis ang telepono saka tumingin sa'ming lahat. "Patay na daw si Hunter"
He stated.

Nagkatinginan kaming lahat. I know, we have the same conclusion in mind. Nandito
kaming lahat kaya sino naman ang gagawa nun?

Umayos ng upo si Kaizer and started to speak "Wala akong ibang naiisip na pwedeng
gumawa nun kung hindi si—"

"My wife/Miss Aemie/Aemie"

**

Sebastian's PoV

"Syet! Ang bangis talaga ni Miss Aemie!" Sabi ko.

"Pfft. Sila Blood at Lionhart nga pinilayan eh. Parehas tuloy pilantod ngayon"
Tinignan ng masama nila Lionhart at Blood si Lampe kaya natawa ako. Wew! Kaya
minsan mas takot pa ako kay Ms. Aemie kaysa kay Bossing eh.
"I bet she will kill the rest of the leaders of the Black Organization as well"
Saad ni Bossing.

**

Pinaghati-hatian namin ang pagmamatyag sa mga leaders ng Black Organization dahil


hindi namin alam kung sino ang isusunod ni Ms. Aemie, except kay Bossing. Dahil
naiwan sya kasama ni Bullet. Pfft. Kung makikita nyo lang ang itsura nyang bwisit
na bwisit dahil hindi sya makaalis.

"Dalian mo naman 'tol, nakasingit tuloy 'yung isang 'yun" Binusinahan ko ang isa
pang sasakyan na sumingit sa harap ko.

"Mapagbigay kasi ako tsong. Hindi mo ba nakikitang chiks 'yung nagmamaneho nun."
Inihinto ang sasakyan tatlong metro ang layo sa hinintuan ng kotse ni Travon. "Big
time talaga mga leader ng Black Organization. Travon trade and industries 'tol oh"
Binuksan ko ang bintana ng kotse para magsindi ng sigarilyo. "Ako na lang
maghihintay dito sa sasakyan 'tol. Ikaw na ang sumunod sa kanya sa loob" Tumango si
Lampe pagkasabi ko nun pero hindi pa sya bumababa ng sasakyan.

"Maghihintay muna kong makapasok sya sa loob ng building bago ko sundan. Baka
makahalata ang gago eh" Wika nya.

Pinagmamasdan ko ang body guard na nagbukas ng kotse ni Travon.

Bumaba sa sasakyan ang isang matikas na lalaki. Na agad na napalibutan ng body


guards. "Wew dami kasama—Shit!" Kitang-kita ng dalawang mapupungay kong mata kung
papaano tinamaan ng bala sa likod ng ulo si Travon.

"Anak ng tinola!" Halos magkasabay kaming bumaba ng sasakyan ni Lampe para i-scan
ang buong paligid. Lalo na ang mga nagtataasang building na posibleng pinagmulan ng
bala ng baril. "Wengya!" Napasinghap ako habang pinagmamasdan ang aligagang mga
tauhan ni Travon, at ang duguan nyang katawan na pinagpe-pyestahan na ng mga
tsismosa at tsimoso.

**

Aemie's PoV

Sunod kong pinaputukan ang gulong ng sasakyan ni Sebastian. Pagkatapos ay mabilis


kong kinalas ang Barret .50 Cal na ginamit ko at maingat na ibinalik sa lalagyan.

Kinuha ko ulit ang note at techpen para lagyan ng guhit ang pangalan ang
pangalawang leader ng Black Organization.

DamonEvo Hunter

Will Travon

Jagger Frits

Greg Lennox

Inigo Rances

Jax Blaine
Terrence Von Knight

Kinuha ko ang cellphone ni Milka na nakabalot pa sa panyo hanggang ngayon. Inopen


ko at sinet sa airplane mode para walang makatawag or text. 33 ang unread messages
ni Milka kaya tinignan ko isa-isa. Baka kasi may mga importanteng messages.

"Close pala sila ni Phoenix Strife?" I whispered habang binabasa ang palitan nila
ng messages.

Phoenix: Oo

Milka: Paano mo nalaman? Hindi naman nila magagawang kunin si baby Bullet.

Phoenix: Basta bantayan nyong maigi. Hindi tayo nakakasiguro.

Milka: Sige, ako ng bahala magsabi kay ate Aemie at kuya Ezekiel. Mag-iingat ka
dyan.

Phoenix: Sige.

"Bitch!" Bulong ko nung mabasa ko ang text ni Phoenix Strife tungkol kay Grethel
Canary Lux, plano ni Grethel na kuhanin si baby Bullet at ilayo sa amin ni Zeke?
Nasisiraan na ba sya ng ulo?

Binasa ko din ang huling messages na binasa ni Milka bago sya nabangga.

From unknown number: May pinabibigay si Queen, lumabas ka dito sa labas.


Tumayo ako habang tinitignan ang kahina-hinalang number, saka naglakad palapit sa
telepono nitong hotel room. I dialed the number at hindi ako na-surprise sa narinig
kong boses.

"Hello?! Who the hell are you and bakit hindi ka nagsasalita?!" Iritang-irita na
ang boses ni Grethel Canary Lux. Ang tanga naman nya, hindi man lang sya gumamit ng
ibang number pang-text kay Milka. Hayy!

**

**Fast forward**

Grethel's PoV

"Duh, Terrence! Wala namang ibang gagawa nyan kay Hunter kung hindi si Roswell.
Kaya mag-ingat ka. Baka naman bago pa natin magawa ang plano na'tin ikaw na ang
isunod nya" I laughed. Habang naglalakad papuntang elevator. It's almost evening at
nagugutom na ako. I thought Louie will drop by, pero hindi naman dumating. Ugh.

[Psh. Hindi mangyayari 'yan]

"Confident much?" I rolled my eyes. "Kailan ba ako makakasali dyan sa Black


Organization? Palabasin mo na lang kaya na ako ang pumatay kay Damon Evo Hunter,
para wala ng kailangan pang seremonyas. I need power, Knight" I demanded.
[Soon Grethel]

"Alright then, sige na. Tatawagan ko pa 'yung boyfriend ko."

He just laughed at me before hanging up the phone.

"Oh shit!" I step backward dahil nagulat ako nung bumukas ang elevator. Louie's
holding a bouquet of red roses. I smiled.

"Para sa pinakamagandang babae" He said sweetly. "Thanks love" I gave him a peck
bago ako pumasok sa loob ng elevator. "Akala ko hindi mo na ako susunduin eh"

"Pwede ba naman 'yun? Ako pa?! Makalimutan kita? No-no-no!" Natawa ako dahil sa mga
sinasabi nya. He's always s the sweetest and I'm thankful na nakilala ko sya. Noon,
plano ko lang din syang paikutin. But like what they always say, nothing's
permanent.

Naglakad kami hanggang marating namin ang parking space. "My car, or yours?" Tanong
ko. "Akin na lang" Nakangiting sagot nya. I wrapped my left arm on his right arm,
habang hawak-hawak ko ang bouquet ng flowers sa kanan hanggang makarating kami sa
naka-park nyang sasakyan.

"Thanks love" I said sweetly pagkabukas ni Louie sa pinto ng kotse. I placed the
bouquet at the back. Habang hinihintay kong makapasok si Louie ay kinuha ko na ang
seatbelt to buckle it up. I heard a loud sound na parang may nauntog or something
kaya sinilip ko si Louie. "Love?" tawag ko.
It was a relief nung bumukas ang pinto kaya ipinagpatuloy ko ang pages-seatbelt.
"Akala ko naman kung ano 'yung narinig ko" I said, habang inaayos ang—

"Really? Don't worry, he's not included on my list" Natigilan ako when I realized
na babae 'yung boses nung nagsasalita. I slowly looked up to see her face pero
naka-mask sya. Dinampot ko agad ang sling bag na dala-dala ko to get my gun inside
"Who the hell are—" I suddenly felt dizzy dahil sa malakas na hampas nya sa ulo ko.
She's holding a gun.

"A-Aemie" I whispered nung alisin nya ang mask nya. Umiikot pa din ang paningin ko,
pero pinipigilan kong mawalan ng malay. "P-please don't kill me. Gagawin ko lahat
ng iuutos mo, I can even tell kung ano ang mga susunod na gagawin ng Black
Organization—H-huwag mo lang akong patayin," I pleaded. My tears started to fall.
God! I don't wanna die.

Ngumiti sya sa'kin and held my right my face gently. I knew it. This one's a stupid
bitch. Madaling mapaikot. "I am not a fairy godmother. And I have no power to grant
your every wish," She said with a sweet voice. Bitch.

She pointed her gun on my head. "Please" I tried to beg even on the last
millisecond of my life, until everything went black.

**

A/N

Hi guys! Wala po ako sa Baguio sa May 2, kasi masyado maaga ang call time. 5:30 in
the morning sa cubao. Eh mahirap magbyahe ng ganong time from Batangas-Cubao. Ayun
lang po. Sorry.
@mhiambwp ß——- follow me on twitter, tweet nyo lang sa'kin mga hinaing nyo masipag
akong mag-retweet hahahaha! And of course, to know the latest updates kapag merong
UD. Haha. Sipag ko 'no? Bawing-bawi na ako sa UD ha!

Thank you sa messages, comments, posts. Nababasa ko! Pati ang mga tanong nyo kung
bakit hindi nyo mabasa ang chapter 34-36. Actually di ko din alam. Ganyan din sa
phone ko tuwing may latest update, ang ginagawa ko nire-refresh ko. Or log-out
tapos log-in ulit. Or remove sa library nung story, tapos add ulit. Sana nakatulong
:>

Hi sa magaganda at mga sexyng sweetmins na gising na gising pa hanggang ngayon!


Gomen, Lieselotte, Inori, Babyruth and Yuri. Hahaha Lovesyouuu :*

PS : MALAPIT NA 'TONG MATAPOS!!! :> Bili kayo books ha! Haba na author's note ko
aba, sibat na ako. Bye loves :*

=================

Chapter 38

Sebastian's Po.V

Nadaanan ko ang nakapatong sa table at kanina pa nagri-ring na cellphone ni Mr.


Roswell. "Bossing may tumatawag" Hindi nya kasi sinasagot dahil pinapalitan nya ng
diaper ang gwapo kong inaanak na manang-mana sa'kin.

"Can't you see that I'm fvcking busy?!" Galit na sagot nya habang patuloy sa
pagpapahid nung tinatawag na baby wipes sa inaanak ko. "Baka lang naman kasi si
Miss Aemie ang tumatawag. Taktge! Baka galit na 'yun" Ibinaba ko na ang cellphone
at plano ko ng umalis sana nung tignan ako ni Mr. Roswell "Answer the phone and set
in on a speaker mode" Seryosong utos nya.
[Zeke] Inilapit ko ang cellphone kay Mr. Roswell. Si Lampe na kakapasok lang dito
sa loob ng suite ay napatingin at naki-tsismis din.

"Wife! When will you come back?"

[Kumain ka na ba? Si baby Bullet nasaan?]

"Yeah. He's here. How about y—"

[Napainom mo na ba ng milk?]

"Yeah. Will give him another one la—"

[Buti naman, pinalitan mo na ba diaper at damit? Gabi na.]

"I'm working on it right now. Where are y—"

[Ahh sige tatawag na ulit ako. Alagaan mong mabuti si baby Bullet ah. I love you]
"What the fuck?! You're not answering my ques—GODDAMMIT!"

Puro beep sounds na ang nadinig namin kaya hindi din naituloy ni Bossing ang
sasabihin nya. Pigil-pigil ko ang tawa ko

"Pfft. Hahaha" Tumawa ng malakas si Lampe kaya hindi ko na din napigilan ang
paghalakhak. Ampupu! Baka ito pa ang ikamatay naming dalawa.

Shit!

Umatras na ako palayo kay Mr. Roswell nung makita kong kumuha sya ng baril na may
silencer. "Whoa! Teka—Shit!—Si Lerwick 'yun!" Tang*nang 'to ako pa ang isinumbong.
Kumaripas na din ako ng takbo, dahil muntik na mahagip ng bala ang paa ko. "Wooo
syet!" Hiyaw ko habang tumatakbo palabas ng pinto.

**

Vash's PoV

Nakangiti akong naglalakad papunta sa suite na sinabi ni Lampe dala ang magandang
balita. Nakaligtas na sa kritikal na kondisyon ang iba pa naming kasama. Ang kaso
nga lang, hindi pa alam ng doctor kung kailan sila magigising. Wala namang kaso
sa'kin 'yun. Ang importante ay nasa maayos na kalagayan na sila.

Binigyan ako ng duplicate ng susi ng suite kanina ni Lampe kanina. Hindi ko inaalis
ang ngiti ko hanggang makapasok ako ng suite. "Yo—shit!" Umilag kaagad ako sa bala
na sumalubong sa'kin pagkabukas ko ng pinto. "Ayan Bossing! Si Boul, kakapasok pa
lang tumatawa na," Kinarga ni boss si baby Bullet saka nya itinutok sa'kin ang
baril na hawak nya.

"Do you have a problem with me Boulstridge? Who gave you the permission to smile?
Are you making fun of me because I got nothing to do but to babysit?" Lintek! Ilang
litro ba ng baygon ang tinira nito ni Mr. Roswell at ganito magsalita.

Pinaputukan ni Mr. Roswell ang kinatatayuan ko kaya napalundag ako. "Shit! S-saglit
boss! Kakarating ko lang" Tinignan ko ng masama ang nakatago sa likod ng bar
counter na sila Lampe at Lerwick. "Tang*na nyong dalawa ah!"

**

Aemie's PoV

Inayos ko ang buhok ni mommy na nakaharang sa mukha nya. "Hayaan mo mommy, ako na
ang gaganti para sa'yo sa pakawala ni daddy" Hindi pa din sya gumigising hanggang
ngayon. Ang sabi ng mga doctor kanina sa'kin. Maghintay-hintay lang daw,
magkakaroon din sila ng malay. Masyado lang daw madaming nawalang dugo sa kanila.
Buti at naalis na ang mga baling tumama sa kanila.

Thankful ako sa kanila, sobra. Kasi alam kong hindi nila pinabayaan si baby Bullet
nung wala kami ni Zeke.

Ini-on ko ang cellphone ko para tawagan si Meisha.


[Ms. Aemie] Malungkot ang boses ni Meisha, dinig ko din ang kaunting ingay sa
background.

"Meisha, kamusta na sila daddy, Tristan at Spade?" Malungkot na tanong ko. Ang
hirap pala ng ganito. 'Yung hindi mo alam kung ano ang uunahin mong intindihin.
Nasa ospital sila mommy, nakaburol sila daddy, may baby pa na dapat alagaan at may
mga abnormal na dapat tapusin.

[Magkakasama na po silang nakaburol dito sa chapel]

"Okay sige" Pinunasan ko ang luha ko na tumutulo nung mai-end ko ang tawag.
Isinilent ko muna ang cellphone ko bago ko kiniss si mommy at inilapag ang
cellphone ko sa ibabaw ng table na katabi ng hospital bed nya.

Sumilip din ako sa mga kwarto nila insan, Caileigh, Jacob, Fauzia at Milka para i-
check kung okay lang sila bago ako tuluyang umalis. Buti naman at walang naliligaw
dito na tiga Black Organization.

Nag-set ako ng appointment meeting kay Jagger Frits. Hindi ko alam kung pupunta
sya, o kung may iba syang plano.

Pagkadating ko ng van ay inihanda ko ang dalawang time bomb na dala ko. Pinagkabit-
kabit ko ang mga wires at sinigurong maayos at gumagana ang nag-iisang detonator
para sa dalawang bomba.

**
Jagger Frits' PoV

Nakailang sulyap na ako sa relos ko dahil ang sabi ni Mrs. Roswell ay alas dyes ng
gabi kami magkikita dito sa restaurant na ito. "Boss, mukhang patibong lang 'to.
Wala pang sasakyan dumadating" Bulong ng isa sa mga tauhan ko. Madami akong
isinamang tauhan dahil sa sunud-sunod na pagkakamatay ng mga leaders ng Black
Organition kaya mas maigi ng nakakasiguro ako.

Pumayag akong makipagkasundo kay Aemie Roswell dahil maganda ang offer nya sa'kin.
Sya ang may karapatang pumalit sa pwesto ng mga leader na nawala. Bukod pa don,
lahat ng ari-arian nila Damon Evo Hunter at Will Travon ay sa kanya din mapupunta
dahil ayon 'yun sa legal na kasulatan na pinirmahan ng mga leaders.

At kapalit ng kalayaan ng Yaji at Roswells sa Black Organization ay ibibigay nya


sa'kin lahat ng ari-arian na makukuha nya sa dalawang leader.

Sino ba naman ako para tumanggi.

At kung may hindi sya magandang pinaplano ay hindi ako makakapayag na maunahan nya.

Inilapag ko sa mesa ang baso ng alak na hawak ko kanina at sumenyas sa waitress


para dagdagan ang yelo sa loob.

"Sorry dumaan pa ako sa hospital kaya ako natagalan" Tumayo ako saglit at nagpaka-
maginoo. Hinila ko ang katapat na upuan para sa kanya. "Thanks" She said. Iniabot
nya sa'kin ang attache case na dala nya. Bukod sa kasulatan ay humiling ako ng
karagdagang bayad. Hindi naman sya tumutol doon.

"I don't want to consume a lot of time on this meeting. May pupuntahan pa akong
burol kaya kailangan ko ding umalis agad. Nasaan na ang papers na kailangan kong
pirmahan?" Tanong nya. Sumenyas ako sa isa sa mga tauhan ko para sa iabot sa amin
ang ipinahanda kong kasulatan.

Dito nakasulat na sa akin lahat mapupunta ng kayamanang dapat ay kay Aemie Ferrer-
Roswell. Wala namang mawawala sa kanya kung tutuusin dahil ano ba naman ang
kayamanan nila Hunter at Travon sa kayamanan nila ni Roswell.

Nakangiti kong iniabot sa kanya ang folder at isang pen. "Pirmahan mo pagkatapos
mong basahin" Wika ko.

"Mga mukha talaga kayong pera 'no?" Nakangiting sabi nya habang binabasa nya ang
laman ng folder. I just smirked at her at hindi na nagsalita. Ilang minuto nyang
binasa ang laman ng kasunduan, pagkatapos ay pinirmahan nya din. "It has been a
great pleasure dealing with you" Inilihad ko ang kamay ko sa harap nya nung maiabot
nya pabalik sa'kin ang folder na may sign nya.

"My pleasure" nakangiting sagot nya saka ako kinamayan. Tumayo na kami parehas para
lisanin ang lugar.

Halos magkasunod kaming naglalakad papunta sa parking lot nung pigilan kami ng
tauhan ko. "Boss" Sa tono pa lang ng salita nya ay alam ko ng may mali. "Nakita
namin ang bombang 'to sa loob ng attache case" Ipinakita sa'kin ng tauhan ko ang
bomba na nakapailalim sa mga pera. "I-defuse nyo ang bomba" Utos ko sa dalawang
tauhan na nasa likod ko. "Pagkaalis ko, saka nyo sya patayin" Dagdag ko pa.

I smirked before calling her. "Mrs. Roswell" Tumigil sya sa paglalakad para
lumingon sa'kin. Halatang nagulat sy nung ipinakita ko sa kanya ang bukas na
attache case na may lamang mg pera at bomba. Sumenyas ulit ako sa mga tauhan ko.

Agad syang nilapitan ng syam na tauhan na kasama ko at tinutukan sya ng mga baril.
"Hindi ko alam na tuso pala ang asawa ni Roswell" nakangiti at iiling-iling na
pahayag ko.

"Boss" Lumingon ako sa tauhan ko na kumapkap kay Aemie Roswell. Isang detonator ang
nakuha mula sa kanya.

Saglit kong tinignan ang dalawang tauhan ko na nagdedefuse ng bomba. Inilayo nila
ang bomba sa may bakanteng parte ng parking lot. Nakakunot ang noo ni Aemie Roswell
habang hawak-hawak sya ng mga tauhan ko. "Wala namang nangyaring masama sa'yo.
Hindi pa ba ako pwedeng umalis?" Tanong nya. Ni walang bakas ng takot akong
nakikita sa mukha nya. Pinindot ko ang button ng detonator, at wala nan gang
nangyari. "O see? Just let me go" Sabi nya.

"Kayo na bahala sa kanya" Utos ko sa mga tauhan ko na malapit sa'kin saka ako
nagsimulang maglakad papunta sa kotse.

Napailing na lang ako at natatawa. Hindi ko akalaing namatay sila Hunter at Travon
ng ganun kadali dahil sa asawa ni Roswell. She look fearless, pero babae pa din
sya.

Inistart ko ang engine ng sasakyan at nagsimula ng paandarin palayo sa kanila. "Bye


Roswell" I mouthed, habang tinitignan ko sya sa rearview mirror ng kotse ko.

She smiled at me na nagbigay sa'kin ng panandaliang takot. She took out a gun and
killed all the men around her, that easy. Itinigil ko ang kotseng minamaneho ko,
nung makita kong sasakay na sya sa van. Kumuha ako ng baril saka ko binuksan ang
pinto. And the last thing I knew, I heard a loud explosion.
**

Aemie's PoV

Siniguro kong walang natirang tauhan si Jagger Frits bago ako sumakay ng van.
Eksaktong pagkasakay ko ng van ay sumabog ang sasakyan ni Jagger Frits. Natapos na
siguro ang 2 minutes.

Dalawa ang dala kong time bomb. 'Yung isa inilagay ko sa attache case. At ang isa
ay ikinabit ko kanina sa ilalim ng sasakyan nya bago ako pumasok sa loob ng
restaurant.

Pinaandar ko ang van dahan-dahan habang inilalabas ko ang listahan ko.

Damon Evo Hunter

Will Travon

Jagger Frits

Greg Lennox

Inigo Rances

Jax Blaine

Terrence Von Knight


**

Amesyl's PoV

Wala pa akong lakas na igalaw ang katawan ko nung iminulat ko ang mga mata ko.
"Buti naman at naisipan mong gumising tomboy"

Sinubukan kong bumangon at sumandal sa kama, "Paano ka nakalusot sa mga gwardya?


Akala ko ba mahigpit na pinagbabawal ang mga hayop sa ospital?" nanghihinang tanong
ko. Ilang drum ba ng dugo ang nawala sa'kin at hinang-hina ako?

"Tss. Hindi ka na makakilos ng maayos nakukuha mo pang mang-asar? Ibang klase!"


Umiling-iling 'yung unggoy na mukhang tao saka dumampot ng isang mansanas. "Nahiya
ka pa. Hindi pa saging ang dinampot mo" Sabi ko.

"Manahimik ka na nga. Mamamatay ka na nga napakadaldal mo pa"

"Kung ikaw kaya patayin ko?"

"Kung kaya mo ba eh" Ang sarap naman nya talagang patayin. Pasalamat sya at hindi
pa ako makagalaw. "Oh, kumain ka. Para naman hindi mukhang tanga dyan"

"Aba't talaga—mmm" Sinungalngal nya sa'kin ang mansanan na binalatan at hiniwa nya.
"Dude! Masyado mo yatang inaapi kapatid ko" Pumasok ang hanggang ngayon ay nag-
aalangan pa din ako kung kuya ko daw, na si Andrei. Kasama si—s-si—

"Hi Miss Amesyl. Kamusta na ang pakiramdam mo?"

**

Kaizer's PoV

Tumingin ako sa likod ko para malaman ko kung sino ang dumating. Si Lewis at Blood
lang pala. "Labas muna ko ah" Paalam ni Lewis. Tinanguan ko naman sya. Si Blood ay
nanatili naman dito sa loob ng hospital room

"Oh bakit para kang hindi mapakali dyan?" Tanong ko sa lampang tomboy na pinsan ni
Aemie. Hindi sya makapagsalita at hindi din maalis ang tingin nya kay—wengya!

"Huwag mong sabihing kursunada mo 'yang pilantod na si Blood?" Tanong ko. "Awtsu!"
Bugnot kong kinamot ang parte ng ulo ko na kinutusan nya.

"Napakaingay mong unggoy ka!" akala ko ba wala ng lakas ang isang 'to? Bakit halos
mabutas ang bungo ko sa lakad ng kutos. "Anak ng tinola! Ako pa maingay?! Eh ikaw
'tong—"

"Okay na ako, ikaw ba? Kumain ka na ba? Maupo ka muna." mahinhin na sagot nya
habang nakatingin kay Blood. Bakit kapag si Blood ang kausap nito nagiging babae?
"Kumain na ako. Sige dito muna ako" Nakangiti ding sagot ni Blood.

"Si Blood pala ang kursunada mo ah" Naka-smirk na asar ko habang pabalik-balik ang
tingin ko sa kanilang dalawa.

Palihim nya akong kinukurot pero hindi nya inaalis ang matamis nyang ngiti kay
Blood. "Aray—aray!"

"Kapag hindi ka tumigil unggoy ka, kakalderetahin kita" Gigil na gigil na bulong
nya saka ulit bumalik sa pakikipag-ngitian kay Blood. Umupo si Blood sa isa sa mga
upuan saka naglabas ng cellphone.

"Tss. Hanep din mga type mo eh 'no? Kung kagwapuhan lang naman ang pag-uusapan,
isang buwang paligo ang lamang ko kay Blood" Bulong ko.

"Kahit ano sabihin mo, unggoy ka pa din" Bulong nya ulit sa'kin.

Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Blood na busy sa pagce-cellphone. "Ano bang
natype-an mo dyan? Parang wala namang dating para sa'kin—Aww! Nakakadalawa ka na
ah!"

"Tatahiin ko 'yang bunganga mo kapag nadinig tayo ni JK"

"Wow may code"


Hinampas nya ulit ako saka sya nagsalita. "Bigyan mo na nga lang ako ng pagkain,
para magkaroon ka naman ng silbi sa mundong ibabaw"

Anak ng!

**

Aemie's PoV

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa suite na tinutuluyan nila Zeke. Sure akong
wala dito si Zeke dahil iniwan ko ang phone ko sa hospital kaya pupunta si Zeke
doon. Humingi na din ako ng duplicate key sa baba, ang dami pang hiningi bago sila
pumayag. Hayy. Ayaw pa yatang maniwala na asawa ko si Zeke.

Tulad nga ng ine-expect ko, sobrang dilim dahil nakapatay ang ilaw ng suite
pagkapasok ko. At walang katao-tao.

May ingay na nanggaling sa likuran ko, kasunod ay nadama ko ang malakas na pwersa
na humila sa'kin kaya kinapa ko agad ng isang kamay ko ang ang baril na nakasingit
sa likod ng pants ko.

Nahuli nya ang isa ko pang kamay and pinned me against the wall. Pinipilit kong
manlaban pero mas lalo lang humihigpit ang hawak nya. Pati ang baril na kakakuha ko
lang ay nagawa nyang maagaw sa'kin.
Madiin nyang itinutok ang baril sa ilalim ng mukha ko.

Hindi ako natatakot mamatay. Pero wala akong ibang iniisip ngayon kung hindi si
Zeke at si baby Bullet. Hindi ko man lang ba sila pwede makita?

And the next thing I knew...

He's kissing me.

"Zeke" Sabi ko habang kinakapa ko ang mukha nya na hindi ko maaninag dahil sobrang
dilim. "You should be more careful next time wife" Ngayon ko lang naramdaman 'yung
takot kaya niyakap ko si Zeke. "I missed you" Bulong nya saka ulit ako hinalikan.

**

A/N :

'Yung story ko na Writer's Block saka ko pa po iuupdate. Kapag natapos ko na 'tong


MHIAMB. Hahaha. Binabasa nyo baaaa? Loves~ Have a great day ahead Mafias!

=================

Chapter 39

Sebastian's PoV
Pinatutunog ko ang mga buto ko sa leeg habang naglalakad kami nila Lampe at Boul
pabalik sa suite. Mag-aalas tres na ng umaga at gusto ko ng matulog para makapag-
pahinga.

Hinintay kong mai-slide ni Lampe ang e-card na hawak nya para makapasok sa loob.
Dahan-dahang binuksan ni Lampe ang pinto ng hotel suite. "Mauna ka na Lerwick"
Sumipol ako at binaling ang tingin kay Boul. "Boul, alam na. Una ka na" Sabay pa
naming itinulak ni Lampe si Boul papasok sa loob para hindi na sya makaangal.

"B-boss"

Nakiramdam muna kaming dalawa ni Lampe sa labas ng suite. "Tol, walang kasa ng
baril"

"Hindi yata highblood si lover boy"

Oo nga 'no? Dahan-dahan kong idinungaw ang ulo ko sa nakabukas na pinto para
silipin ang ginagawa ni Bossing. Shutanginers! Pants, at walang pang-itaas na damin
si Mr. Roswell.

"Wooo porn!" Hiyaw ni Lampe. Gago talaga 'to. Idadamay na naman kami nitong hayup
na 'to.

Natahimik ako at naghintay na bumunot ng baril si Mr. Roswell pero wala! Like wat
da pak is happening to the world?! Hindi pa din naaalis ang ngiti nya habang may
binabasang papel. "Good mood bossing?" Kinuha ko ang bote ng alak na nasa ibabaw ng
lamesa saka nagsalin.
"Zeke meron ka bang—o nandito pala kayo," Sabay-sabay kaming tumingin na tatlo kung
sino ang lumabas mula sa isa sa mga kwarto nitong suite. Si Miss Aemie na kakatapos
lang maligo at nakasuot pa ng bathrobe.

Sabay-sabay din naming ibinalik ang tingin namin kay Bossing. Pagkatapos kay Miss
Aemie ulit. Ang bangis! Kaya naman pala good mood ang lover boy ng bayan.

Syet! Mukhang may kapatid na ang gwapo kong inaanak ah!

"Woohooo! Wengya! Kaya naman pala maganda ang ngiti ni Mr. Roswell dahil nandito ka
Aemie... at mukhang..."

Dinaanan lang kami ni Bossing. Lumapit sya kay Miss Aemie saka inakbayan at lumakad
pabalik sa kwarto. "Don't mind those assholes wife"

"Whoa! Boul amina ang cellphone. Mukhang naka-round 1 na si Mr. Roswell kaya iba na
ang timpla"

"Oo nga 'tol paksyet kailangan mai-record natin ang round 2" Gatong ko sa sinasabi
ni Lampe.

"Ayan na naman kayo mga siraulo!" Pinigilan ko si Boul dahil nag-umpisa na syang
maglakad papunta sa isa pa sa mga kwarto. "Meron yata si Boul" Bulong ko kay Lampe.
"Sus! Lumulundag na naman ang puso mo at nasolo mo na naman ang kagwapuhan ko baby
Lerwick" Inakbayad ako ng gagong si Lampe at kumindat pa! Shutanginamels! Kadiri
potek! "Ulul!" Inalis ko ang nakapulupot na braso nya sa balikat ko saka dumiretso
sa banyo ng kwarto.

Makapag-shower na lang at ng masarap-sarap ang tulog ko.

**

**Morning**

Kaizer's PoV

Isinuot ko ang isang fitted blue shirt saka nag-spray ng pabango para sa
humahalimuyak na kagwapuhan. "Hoy Lerwick! Bumangon ka na dyan" Hinampas ko ng unan
si Lerwick kaso ang walanghiya hinablot sa kamay ko ang unan at itinakip sa tenga
nya. Wengya!

"Sige 'tol, sagot ko na kabaong mo kapag si Mr. Roswell pa ang pumunta dito.
Paniguradong mahimbing ang tulog mo habangbuhay"

At sa isang iglap lang, nakatakbo na kaagad 'yung gago sa loob ng banyo. "Boul, una
na ako sa labas" Tinanguan lang ako ni Boul na abala sa paglalagay ng wax sa buhok.
"Huwag ka ng mag-abala pang maglagay nyan 'tol, wala din namang magbabago" Pang-
aasar ko habang tumatawa palabas ng kwarto.
"Gago!" Hiyaw ni Boul.

"Yo! Pakarga naman ako sa inaanak ko Aemie. Wengya! Hindi ko man lang mahawakan
'yan kapag si Mr. Roswell ang nag-aalaga eh" Hindi naman nagdalawang-isip si Aemie
na iabot sa'kin si Bullet. "Wengya! 'Yung hubog ng mukha, kuhang-kuha talaga sa'kin
eh. Mukhang marami 'tong paiiyaking babae paglaki"

"Let me see" Aba'y gago 'to si Blood ah! Kakahawak ko lang sa inaanak ko inagaw na.
"Tss" Pumunta na lang ako sa lamesa at naupo. "Wooo makakatikim na naman ako ng
masarap na luto ni Aemie" I gulped nung halos padabog nyang ilapag sa harap ko ang
isang malaking lalagyan ng niluto nyang kare-kare.

"Syet imba! Sarap nyan ah!"

"Tang*na naman dude! Magbihis ka muna p*ta pati ako nababasa sa'yo eh" Pinunasan ko
ang braso ko dahil dito sa gagong si Lerwick, hindi pa nakakapagbihis, tumutulo pa
ang tubig sa katawan nakikigulo na dito. Anak ng pusang gala!

"Baby Lampe, kung natutukso ka sa abs ko. Sabihin mo lang" Malandi at nakakdiring
sagot nya sa'kin sabay himas ng basang kamay nya sa likod ko. "Wengya 'tol!" Lumayo
agad ako bago pa mabasa ng tuluyan ang damin ko potek! Ano na lang sasabihin ng mga
chikababes sa'kin.

"Hahaha may chemistry pala kayong dalawa" Sinamaan ko ng tingin ni Blood na


tumatawa habang karga-karga ang inaanak ko.

"Baby Blood gusto mo maki-love triangle sa'min" Pfft. Anak ng pucha talaga 'tong si
Lerwick, walang pinapatawad. Mabilis na napalitan ng seryosong ekspresyon si Blood.
"No thanks" Sagot nya sabay layas palayo.
"Hahahahaha busted agad!"

**

Aemie's PoV

"Zeke okay na ba 'yang niluluto mo?" Lumapit ako at tinignan niluluto ni Zeke. "I
think so" Nakangiting sagot nya. Kumuha ako ng lalagyan at isinalin ang niluto kong
adobo, ikinuha ko na din ng lalagyan 'yung kalderetang niluto ni Zeke.

"Mga siraulo talaga kayo"

"Iginaya mo pa kami sa'yo Strife"

"Huwag mo ngang ibalandra 'yang patpatin mong katawan dito Lerwick"

"Ang sabihin mo natutukso ka lang baby Lampe"

"Okay na ba 'to dyan?" Tanong ko kay Zeke habang pinapakita ang lalagyan na kinuha
ko. "Yeah, I guess that would be fine" Sagot naman nya. "Ako na ang maglalagay"
Prisinta ko. Kanina pa talaga ako humahanap ng tyempo para makatakas. Sigurado kasi
akong hindi ako papayagan ni Zeke umalis kapag nagpaalam ko.
Kaya nililibang ko muna sya habang wala pa akong nakikitang tamang pagkakataon.

Yumakap si Zeke sa'kin mula sa likod ko habang busy ako sa paglalagay ng kaldereta.
"I love you" Sabi nya.

"Mas mahal kita 'no?"

"Really?"

"Oo naman"

"Does it mean that you're not thinking of escaping, again?" Natigil ako sa
pagsasandok ng kaldereta at napalunok dahil sa tanong ni Zeke.

"ANG AGA NAMANG PORN NYAN WOOOO!" Umalis agad ako sa yakap ni Zeke at ipinatong sa
lamesa ang hawak kong bowl ng kadereta. Hayy! Nakatingin na pala sa'min sila
Andrei, Wallace, Kuya Ken, Phoenix, Sebastian, Kaizer at Vash.

Buti na lang nandito sila Kaizer, kung wala hindi ko alam isasagot ko. "Asshole"
Bulong ni Zeke nung makaupo na sya sa may dining table.

Nagsalin muna ako ng adobo at inihanda ang iba pang gagamitin namin sa pagkain bago
ako naupo.
"Ano ba 'yang itsura mo Lerwick? Magbihis ka nga muna. Nawawalan ako ng gana
kumain" Magkasabay na dumating at naupo sa dining chair sila Meisha at Cassandra.

"Hahahaha apir tayo dyan sis. Sabi naman sa'yo 'tol nakakasuka katawan mo eh,"

"Teka mga dude tumatawag si Knight" Tumingin ako kay Andrei at kumunot ang noo.
Close pala sila ni Knight?

"Oh?... Tss ang aga-aga... Huh? Talaga?... Ge ge pupunta agad ako dyan mamaya...
Ge" Tumingin sya sa'min bago sya nagsalita. "Patay na din daw sila Will Travon,
Grethel Canary Lux at Jagger Frits" Seryosong saad nya habang nakatingin sa'kin.

Pati si Zeke at 'yung iba pa naming kasama ay tumingin sa'kin. "He-he kain na
tayo," Kukuhanin ko na sana ang serving spoon para lagyan ng pagkain si Zeke sa
plato nya pero pinigilan nya ang kamay ko. "Stop what you are thinking, and leave
all the rest to me" Tumango na lang ako at pinilit na ngumiti sa sinabi ni Zeke
para hindi na kami magtalo. Kahit wala sa plano ko ang ipaubaya sa kanya ang Black
Organization.

**

"Tapos na ako Zeke, ikaw na mag-shower" Sabi ko pagkalabas ko ng CR. Umalis sya sa
pagbabantay sa natutulog na si baby Bullet sa crib saka lumapit sa'kin "I am still
the Boss" 'Yung totoo, hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Zeke sa sinabi nya
bago nya ako hinalikan.
Pagkapasok na pagkapasok nya ng loob ng C.R ay nagmadali na akong magbihis. Wala pa
yatang 2 minutes nan aka-ayos na ako at handa ng tumakas. Sumaglit ako kay baby
Bullet para i-kiss sya saka ako nagmadaling lumabas ng kwarto.

"Oh Aemie, saan ang lakad?"

"Miss Aemie, saan kayo pupunta?"

Dire-diretso akong lumabas ng hotel suite at binalewala lahat ng tanong nila.


Dumaan ako sa mall at bumili ng mga kakailanganin ko. Bumili ako ng binoculars, mga
extrang damit at kung anu-ano pa.

Meron na akong nakuhang schedule ni Greg Lennox at ang dapat ko na lang gawin ay
mag-abang, katulad ng ginawa ko kay Will Travon. Ang kaso nga lang, wala akong
nahanap na hotel na malapit sa mga roads na dadaanan nya. Mabuti na lang at may
nakita akong abandunadong building na pwede kong pwestuhan habang naghihintay.

**

Nakatanaw ako sa binoculars habang inaabangan ang pagdaan ng sasakyan ni Greg


Lennox. Bakit ganon? Kung hindi ako nagkakamali ng tantsa dapat natatanaw ko na sa
mga oras na 'to ngayon ang sasakyan nya.

Bakit wala pa?

Tumayo ako at lumapit sa may railings ng rooftop para tanawin ang iba pang side.
Ilang minuto din akong naghintay. Pero walang sasakyan na dumaan.
Inalis ko agad ang pagkaka-assemble ng sniper rifle at ibinalik sa lalagyan. Baka
nagkaroon lang ng sudden changes sa schedule ni Greg kaya hindi ko napansin. Bitbit
ko ang box ng rifle habang pababa ng hagdan ng abandunadong building. Hindi pa din
mawala sa isip ko kung saan ako nagkamali.

Nasa huling step na ako ng hagdan papunta sa floor bago ang rooftop nung makaramdam
ako ng malakas na hampas sa likod ko ng isang matigas na bagay. Masyadong mabilis
ang mga pangyayari, at hindi koi to inaasahan. Napasalampak ako sa sahig pero agad
kong binunot ang baril—"Aww" Daing ko when somebody twisted my hand.

In just a second naka-posas na ang mga kamay at paa ko kaya hindi na ako makakilos.
Isang lalaki ang hinila ang buhok ko hanggang makatayo ako. Iniikot ko ang tingin
ko sa paligid para makita kung sino-sino sila. Nakangiti silang lahat sa'kin. Ang
dami-dami nila. Hindi nakaligtas sa mata ko ang itsura ng lalaking nakatayo sa
malayo habang naninigarilyo. "Greg Lennox" Bulong ko. Tumawa naman ang lalaking
nasa harap ko saka ako sinikmuraan at hinampas ng baril nya sa ulo. And once again
I fell on the floor.

"Stand up Roswell, I thought you're good enough?" Natatawang sabi ng isang lalaki.

Lasang kalawang na ang bibig ko, dahil nalalasahan ko ang dugo na tumutulo galing
sa upper part ng ulo ko na hinampas ng baril.

Sinubukan kong bumangon kahit nahihilo na ako dahil sa hampas ng baril pero sinipa
lang ako ng isang lalaki kaya bumagsak ulit ako sa sahig.

I feel hopeless.
Pinilit ko ulit tumayo. Pero tumigil ako nung may nakita akong pares ng sapatos na
nakatayo sa tapat ko. Dahan-dahan kong itinaas ang mukha ko para makita ko sya ng
tuluyan.

Si Greg Lennox, at may hawak syang baril na nakatutok sa'kin "Goodbye Roswell"
Ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa makarinig na lang ako ng putok ng baril.

Pero hindi lang isang putok ng baril ang narinig ko, madami.

Hanggang sa naramdaman kong may kumalas ng pagkakaposas ng mga kamay at paa ko,
saka ako binuhat. "I told you wife. I am still the Boss," Iminulat ko ang mga mata
ko at sinamaan ng tingin si Zeke. "Hahaha what? I am your hero. I deserve a kiss"

"Teka Zeke, maglalakad na lang ako" Bumitaw na ako sa pagkakabuhat ni Zeke at


nagpaalalay na lang sa kanya sa paglalakad. Kaya ko pa naman kasing maglakad. Hindi
naman na ako masyadong nahihilo at konting sakit na lang ng katawan ang
nararamdaman ko.

Lumingon ako sa likod namin. Nakasalampak na sa sahig lahat ng lalaking pangiti-


ngiti lang sa'kin kanina. Lahat sila ay naliligo na sa sarili nilang mga dugo.
Maging si Greg Lennox.

Nakahawak ako kay Zeke habang naglalakad kami pababa. Akala ko nasa itaas lang ang
mga lalaki, madami din palang tauhan si Greg Lennox dito. Dahil bawat floors na
daanan namin may nadadaanan kaming mga lalaking duguan sa sahig.

"Papaano mo nalaman na nandito ako?" Nagtatakhang tanong ko.


"I just know" Nakangiting sagot nya. "Hinayaan mo muna talaga ako mabugbog bago ka
lumabas?"

"Nah, I was late. I had to change our son's clothes and diaper first. I also made
sure he's on a deep sleep before leaving him with the assholes," Natawa ako habang
pasakay na kami ng sasakyan. "Sira ka talaga Zeke"

"You are. You almost got killed. Tss."

Naisip ko din 'yun. Muntik na ako dun. Kung hindi dumating si Zeke, malamang
nabaril na ako ni Greg Lennox. "Hindi naman kasi 'yun 'yung nasa plano eh. Ang alam
ko kasi dadaan 'yung sasakyan nila tapos—"

"But they've found out your plan,"

Tumungo ako at saka tumahimik. "You're smart wife. You really are. But you should
always remember that there are tons of people who are smarter than you, smarter
than us. That's why you need to be more careful"

*pout*

Tahimik pa din ako at hindi makapagsalita dahil may point naman talaga mga sinabi
ni Zeke, masyado siguro ako nagpadalos-dalos sa mga ginagawa ko.
"Pfft. What's with the sad face wife? Cheer up. You're still the most awesome woman
I've ever met"

**

Sebastian's PoV

"Ako naman 'tol kanina mo pa hawak inaanak ko"

"Mamaya ka na dude, hindi mo ba nakikita na gustung-gusto sa'kin ni Bullet. Manang-


mana daw kasi sa gandang lalaki ko" Inilayo ko si Bullet kay Lampe na kanina pa
gustong kuhanin sa pangangalaga ko ang inaanak kong gwapo.

Anong oras kaya dadating sila Bossing? Sana naman mamaya pa sila dumating, para
mahabang oras kong mabuhat itong si Bullet.

-Flashback-

Nagpapakiramdaman pa kami nila Boul kung sino unang magsasalita. Dahil pare-parehas
kaming hindi sinagot ni Miss Aemie nung lumabas sya ng hotel suite.

Pucha!
Baka naman aalis ulit sya? "Shit! Potek! Patay tayo kay Bossing, hindi natin
pinigilan si Ms. Ae—"

"That's fine." Bihis na bihis ding lumabas ng kwarto si Mr. Roswell habang nag-
aayos ng baril na hawak nya. "Look after my son, I'll follow my wife" Utos nya.
"Areglado Bossing!" Sagot ko.

"Walang problema boss!"

"Yown! Makakapag-alaga din!"

Pero palabas pa lang ng hotel suite si bossing ay umiyak na si Bullet. Pfft.

"Damn it!" Isinuksok nya sa likod ng pants nya ang baril na hawak nya saka
nagmadaling tumakbo pabalik ng kwarto. "Hindi pa din talaga maiwan ni lover boy ang
baby boy nya" Iiling-iling at natatawang sabi ni Lampe.

-End of Flashback-

"Pakarga naman ako Lerwick!" Inilayo ko ulit si Bullet kay Lampe na pilit pa ding
inaagaw sa'kin si Bullet.

"Mamaya ka na!"
"Sige na baby Lerwick, promise buong linggo akong sayo" Kasuklam-suklam ang tono ng
boses ni Lampe at nakakapangilabot. "Ulul!" Bulyaw ko sa kanya.

*baby cries*

"Shit!" Hindi ako magkaintindihan sa gagawin nung biglang umiyak ang inaanak ko
habang kalong ko. "Tol huwag mo kasing tignan, natatakot yata sa mukha mo. Lumayo
ka kasi!" Inilayo ko ulit si Bullet dito kay Lampe. Ang bagsik pa naman ng
pagmumukha nitong gagong 'to.

"Ulul! Baka sa'yo natatakot, amina nga!"

*baby cries*

Sinubukan kong i-hele at isayaw-sayaw si Bullet pero ayaw pa din tumahan. "Syet!
Tahan na baby. Ano bang gusto mo? Gusto mo ba patayin ko 'to si Lampe?" Itinuro ko
si Lampe pero lalong umiyak si Bullet.

"Ulul!"

"O itong si Boul na lang patayin natin gusto mo?"

"Pakyu!"
"Tangina mga 'tol ayaw tumahan!" Kaming tatlo pa naman ang tao dito sa hotel suite,
wala sila Mei at ang iba pa. Potek! "Boul, sa'yo daw gustong sumama ni Bullet"
Iniabot ko agad si Bullet kay Boul. Dahil nakadinig na ako na parang may
paparating.

"What the fuck are you three doing? Who made my son cry?" Inaalalayan ni Mr.
Roswell si Aemie nung pumasok silang dalawa dito sa loob. Mukhang napasabak silang
dalawa sa gyera dahil may natuyong dugo pa si Ms. Aemie sa may pisngi nya.

"Si Boul Bossing,"

"Wengya talaga 'tong si Boul!"

Sabay na tumingin si Miss Aemie at Bossing kay Boul na karga-karga si Bullet. Huli
ka balbon!

"Vash/Boulstridge." Sumimple na ako ng alis bago pa ako ang mapagdiskitahan nung


mag-asawa.

**

A/N

Mafias! See you sa Book signing sa SM San Lazaro next week. (May 9) and SM Lipa
(May 16) Yii. Punta kayo ha?
WARNING: SPOILER ALERT!!! Huwag makulit, kung ayaw ma-spoil, wag nag i-scroll.

.
.

.
.

Sasagutin ko lang ang laging tanong na 'Magkakaroon po ba ng kapatid si Bullet?'

*Yes. And here's the list of their names, in order :D hahaha.

-Bullet

-Trigger

-Caliber

-Katana (girl)

Hahahaha! Walang basagan ng trip sa name! Tweet me your comments. @mhiambwp :D Sa


madaling araw po ako active :)

=================

Chapter 40

Aemie's PoV

"Are you sure you're fine?" Tanong ni Zeke habang nililinisan nya ang sugat ko sa
ulo. "Oo naman Zeke 'no," Sagot ko. Kinuha nya ang papel na kanina ko pa hawak-
hawak. Naglalaman 'yun ng mga information tungkol kay Inigo Rances. "They would be
thankful if you let them live a little bit longer than they need to," Natatawang
sabi nya sa'kin.

Iniabot sa'kin ni Zeke ang maliit na papel pagkatapos nya akong lagyan ng benda sa
ulo. Hindi naman ganun kalala ang sugat ko. Maarte lang talaga 'tong si Zeke.

"Nasa'yo pala 'to?" Tumatawa sya nung lumayo sya para kumuha ng pen. Inilahad ko pa
ang kamay ko kasi akala ko ibibigay nya sa'kin ang techpen. Pero mali pala ako.
Nakangiti sya nung kinuha nya sa'kin ang note. Pagkatapos nyang guhitan ay iniabot
nya ulit sa'kin.

Damon Evo Hunter

Will Travon

Jagger Frits

Greg Lennox

Inigo Rances

Jax Blaine
Terrence Von Knight

"Let's have a game wife" Inalis ko ang tingin ko sa note na ngayon ay may guhit na
ang pangalan ni Greg Lennox.

"Anong game?" Nakakunot ang noo ko habang titig na titig ako sa kanya. Palaisipan
sa'kin kung ano ang gusto nyang sabihin dahil hindi ko gusto ang ngiti nya.
"Whoever kills the most number of leaders of the Black Organization wins" Ibinalik
ko ulit ang tingin ko sa note.

Tatlo na ang sa'kin, isa ang kay Zeke. At may apat pang natitira.

"3-1 na ang standing" Bulong ko habang pinagmamasdan ang listahan

"Nah, it's 3-2. I killed Steve Vernon Lestrange remember? Satanas's father"
Pinasingkit ko ang mga mata ko saka iniabot ulit kay Zeke ang papel.

"Edi 3-2. Ano naman ang pusta?" Tanong ko. Parang masaya ang naiisip ni Zeke na
laro.

"Whoever loses the game will never hold a gun, or any deadly weapon for the rest of
his/her life,"

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Zeke, "Seryoso ka ba
dyan? Papaano kapag kailangan? Papano kapag—"
"You had live your life for 20 years without it wife, you can still continue living
without those,"

"Eh ikaw?" Nagtatakhang tanong ko.

"I won't lose"

"Ayoko. Dinuduga mo ko" Tumayo na ako para lumabas ng kwarto. Pero hinawakan ni
Zeke ang kamay ko "Then I have no choice but to watch your every move," Tinignan ko
ng diretso sa mga mata si Zeke at mukhang hindi nga sya nagbibiro "Sira ulo" Sabi
ko saka ako bumitaw sa pagkakahawak nya para lumabas.

"Zeke naman eh!" Sinubukan kong itulak at sipain ang pinto na hindi ko mabuksan.
Tumatawa-tawa lang si Zeke habang nakahiga sa kama. "Wife, you know how much I love
you. But I can't stand seeing you like you're fucking stronger than me"

Hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni Zeke, pinipilit ko pa ding itulak para buksan
ang pinto ng kwarto. "Zeke naman, wala akong panahon makipagbiruan sa'yo" Seryosong
sabi ko habang gigil na gigil na ako sa pagsipa sa pinto.

"I am damn serious too. Wife, you killed 3 leaders of Black Organization including
their men. You've killed Satana, and Grethel and I won't tolerate it. Not anymore,"

Padabog akong tumigil sa pagkalampag ng pinto. Wala akong ibang nagawa kung hindi
humarap kay Zeke at sumandal sa pinto. Tumungo muna ako bago nagsalita, "Ikaw naman
nagturo sa'kin nito eh"

"I taught you how to defend yourself, and not to be a murderer" Madiin na sagot
nya.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya dahil dun. Naiintindihan ba nya talaga ako?
"Zeke, pinatay nila si Spade. Si Tristan. Si daddy. Pati sila mommy nanganib ang
buhay, naiintindihan mo ba 'yang sinasabi mo?"

Naghihintay ako ng sasabihin nya kaya nakatingin lang ako sa kanya. Tumayo sya at
nagsimulang lumapit sa'kin kaya tinalikuran ko sya para piliting itulak ang pinto
palabas. Naiinis ako kay Zeke at ayoko ng pahabain ang conversation namin. Gusto
ko ng lumabas ng kwarto.

"Maybe you are not aware of this but you are the one who erased the evil side of
me, you are the one who taught me how to appreciate things, value life, and forget
the hatred and anger in my heart," Tumigil ako sa ginagawa ko hanggang sa
maramdaman ko ng nasa tabi ko na si Zeke.

Nakangiti sya sa'kin nung tignan ko sya.

Pinihit nya ang door knob at hinila para buksan. "It's not locked. You're just
trying to open it the wrong way. That's what happens when your heart is full of
anger," Pinat nya ang ulo ko saka sya bumalik sa pagkakahiga sa kama.

**
Kaizer's PoV

Nagkanya-kanya kaming tago nung bumukas ang pinto ng kwarto nila Mr. Roswell.
Papano ba naman, kanina pa namin nadidinig ang mga kalabog sa pinto. Wengya! Akala
namin panibagong round na naman ng mainit na aksyon ang nagaganap sa loob. "Tol
hindi yata maganda ang nangyari" Nakatayo lang si Aemie sa may pinto at parang wala
sa sarili nung isara nya ang pinto ng kwarto at mag-umpisang maglakad para maupo sa
may sofa.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Lerwick saka lumabas mga pinagtaguan namin. Sisipol-
sipol akong naglakad at kumuha ng magazine sa ibabaw ng center table para basahin
kunwari.

"Hooo! Nakakapagod maglinis takte!" Binitawan ni Lerwick ang hawak nyang mop at
naupo sa tabi ko. Amf! Saan kaya nito nakuha ang props nyang mop. Gago talaga eh.

"Ms. Aemie ayos ka lang ba? Gusto mo ba ng makakain? Maiinom? Mababasa?


Mapapanood?" Binatukan ko ang ungas na si Lerwick dahil wala namang naitutulong ang
mga walang saysay na sinasabi nya. Hindi muna maghinay-hinay sa mga tanong.

Inililipat ko ang pahina ng hawak kong magazine habang nagtatanong. "Aemie, kung
gusto mo ng kausap nandito lang gwapong-gwapong ako—tang*na bakit ka naniniko?"
Pinandilatan ko ng mata si Lerwick. Wengya! Kayo kaya sikuhin sa abs.

"Masama ba ako?"

Nagkatinginan kaming dalawa ni Lerwick dahil sa seryosong itinanong ni Aemie. Anak


ng pusa! Nag-away kaya sila ni lover boy kaya ganito magsalita si Aemie?
"Hindi naman masyado Ms. Aemie, nakakatakot ang tamang salita," Walang habas na
sagot ni Lerwick kaya binigwasan ko sya. "Hindi ka naman masama Aemie, siguro ayaw
mo lang na nasasaktan ang mga mahal mo sa buhay. Sino ba namang tao ang gugustuhing
mapahamak ang mga mahal nya diba?" Makabuluhang sagot ko. Patuloy ako sa paglilipat
ng page ng magazine kahit ang totoo, tinitignan ko si Aemie sa gilid ng mga mata
ko.

Tahimik lang sya at malayo ang tingin.

Huminga sya ng malalim at saka tumayo at nagsimulang maglakad palabas ng hotel


suite. Ampucha! Saan na naman kaya sya pupunta. "Aalis muna ako" Paalam nya, "Hindi
ko alam na mahilig ka pala sa Barbie, Kaizer"

Sabay kami ni Lerwick na tumingin sa hawak kong magazine. "Takte! Sino ba kasi
naglagay ng magazine na 'to dito sa center table" Ibinato ko pabalik sa table 'yung
Barbie magazine na hawak ko.

"Hahahahaha petengene tol! May lihim ka pala huh?!"

"Ulul!"

"Hahaha! Alis din muna ako. Pupuntahan ko si Mei,"

Shit! Kailangan ko na nga din pa lang mag-ayos. Baka tumalon na sa building ng


hospital 'yung tomboy na pinsan ni Aemie kapag puro pagmumukha ni Blood ang
nakikita nya.
**

Amesyl's PoV

"Talaga?" Nahihiyang tanong ko kay Jerson Ken Blood. "Buti naman pala okay na sila
nung asawa ni insan 'no?" Dagdag ko pa.

"Hahaha yes"

Inilagay ko ang buhok ko sa tenga at saka tumungo. Nakakahiya naman kasi kay JK.
Wala pa akong ligo nitong lagay na 'to ha.

"Teka lang gusto mo bang kumain? Ibibili muna kita ng pagkain saglit"

"Ano ka ba. Huwag ka ng mag-alala 'no. Hindi pa naman ako nagugutom" Nahihiyang
sagot ko. "No, I'm serious. Kailangan mong kumain bago bumalik ang nurse mamaya
para makainom ka na din ng gamot" Sagot nya habang nakatingin sa relo nya. Ang
sweet talaga ng isang 'to. Kung ganito ba naman lahat ng lalaki sa mundo edi walang
problema.

"Sige na nga" Mahinhin na sagot ko.

"Sige, babalik ako agad. Tawagan mo ako kapag may problema ha?" Nakangiting paalam
nya. Sinundan ko sya ng tingin hanggang makalabas sya ng hospital room.
**

"Hoy tomboy"

"Hoy gising"

Nadidinig ko pa lang ang bunganga ng unggoy na gumigising sa'kin nagpapanting na


ang tenga ko. Iminulat ko ang mga mata ko at tinignan sya ng masama. "Ano bang
kailangan mo? Bumalik ka na nga sa loob ng Zoo, hindi ka kailangan dito sa ospital"
Nakakapikon talaga pagmumukha nitong unggoy na 'to kahit kailan panira ng araw.

"Tss. Dinalhan kita ng pagkain, bumangon ka na dyan at kainin mo 'to" Utos nung
pakiealamerong unggoy.

"May pagkain na ako, bibilhan ako ng pagkain ni JK kaya ikaw na lang ang kumain
nyan" sagot ko saka ko muling ipinikit ang mga mata ko.

"Hahaha. Sa bagal kumilos nung pilantod na 'yun, tirik na mga mata mo sa gutom bago
pa 'yun makabalik."

"Ano bang pakielam mo lumayas ka nga! Hindi ako nagugutom!!!"

Itinitutulak ko palayo sa'kin ang hindi mo maintindihan kung tao, o gorilla na nasa
harap ko nung bumukas ang pinto ng hospital room. "Ms. Amesyl" Bumitaw agad ako sa
unggoy nung makita kong si JK ang pumasok. "Hehe nakabalik ka na pala" Nakangiting
bati ko kay JK.

Lumapit sya sa'min saka inilapag ang isang supot na bitbit nya. "Hindi ko alam kung
gusto mo 'to pero—"

"Hindi daw sya gutom 'tol sabi nya"

Tinignan ko agad ang pakialamerong unggoy na sisipol-sipol pa. "Ganun ba? Pero
kailangan mo ng kumain kasi—"

Ngumiti agad ako kay JK saka pinutol ang sinasabi nya. "Oo naman kakain ako—"

"Asus ayun naman pala eh, ihahanda ko na 'tong dala ko. 'Tol, amina na 'yang dala
mo ako na mag-aayos. Ano ba 'yang binili mo?"

"Uhh fast food restaurant lang kasi ang nakita kong malapit. Kaya doon na ako
bumili"

"Wengya! Bawal 'tong ganitong pagkain. Amina ako na lang kakain" Nanlaki ang mga
mata ko nung kuhanin ng unggoy ang pagkain na binili ni JK at inumpisahang
lantakan. Pigilan nyo ako, talagang tutuluyan ko 'tong unggoy na 'to! "Ms. Amesyl,
okay ka lang ba?" Pinilit kong ngumiti dahil kinakausap ako ni JK.

"He-he-he oo naman, wala naman akong magagawa kung may lahing patay gutom 'tong
kaibigan mong unggoy. Dahan-dahan sa pagkain Kaizer ha? Baka 'yan pa ikamatay mo."
**

Sebastian's PoV

Tahimik akong naglakad papasok ng chapel at naupo sa tabi ni Mei. "Gusto mo ba


munang magpahinga? Umuwi muna kayo ni Cassandra sa hotel, ako na muna dito" Saad
ko.

Huminga sya ng malalim saka ngumiti sa'kin. "Nang-aasar ka ba Lerwick?" Natatawang


tanong nya. Pero 'yung mga tawa nya halatang peke. Shit! Ako tuloy ang nahihirapan
dahil dito. Kung ako naman ang tatanungin, walang kaso sa'kin kahit habangbuhay
kong itago 'yung nararamdaman ko. Ang mahalaga, masaya si Mei.

Kaso potek! Sa dinami-dami ng pwedeng kuhanin. 'Yung taong mahal pa nya. Napailing
na lang ako saka tumahimik. Hanggang sa may mapagtanto ako. "Alam mo ba Mei, kung
bibigyan ako ng pagkakataon. Handa naman akong mawala kahit anong oras at ipagpalit
ang sitwasyon ko kay Klein,"

"Mas ayos pa kung ako ang nawala. Wala naman akong girlfriend. Wala din akong
pamilya. Nakakatawang isipin, pero wala namang malulungkot at iiyak kapag ako ang
nawala," Kaysa naman nakikita ko na nahihirapan ng ganito si Mei. Paksyet lang
diba?

Magsasalita pa sana ako pero nakatanggap ako ng isang malakas na sampal galing kay
Mei kaya tinignan ko sya. Shit! "May nasabi ba akong masama?" Napasabunot na lang
ako sa ulo ko dahil umiiyak na si Mei nung tumayo sya at umalis. Deym! Ano bang
sinabi kong mali?
**

Aemie's PoV

Gabi na nung bumalik ako sa hotel. Umalis muna kasi ako kanina para mas makapag-
isip-isip. Wala akong ibang nadatnan pagkapasok ko ng suite kung hindi si Zeke.
Nakaupo lang sya sa sofa.

"Have you had your dinner?" Umiling ako. "Si baby Bullet?" Tanong ko sa kanya.
Inilapag nya ang binabasa nya bago sumagot. "He's sleeping"

Tumayo si Zeke at naglakad papunta sa may ref kaya sumunod ako. "Ikaw ba kumain ka
na?" Tanong ko sa kanya. "Nah, I was waiting for you." Tinulungan ko syang maghanda
ng kakainin namin. Parehas lang kaming tahimik. Hindi ko pa din alam kung anong
sasabihin ko hanggang ngayon.

Dahil 'yung totoo, galit pa din ako sa Black Organization.

Hindi kami parehas nagsasalita hanggang sa matapos kaming kumain. "Payag na ako sa
sinasabi mo Zeke..."

Natigilan sya saglit habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "...payag na ako
doon sa game" Diretsong sabi ko.

Ngumiti sya saka ako mabilis na hinalikan sa labi. "Then let the game begin"
**

Rules of the game:

1. One target at a time.

2. No cheating. Asking your opponent's thoughts is strictly prohibited.

3. No one is allowed to take action without the knowledge of the other.

4. Working time must not exceed 24 hours after the battle has been declared.

5. The person who had the most number of failed target must accept his/her
defeat, wholeheartedly.

Binabasa ko ang ginawang rules ni Zeke. "Ito lang?"

"It's up to you if you want to add more" Sabi nya.

Wala na din naman akong naiisip na pwede pang idagdag. Huminga ako ng malalim saka
ibinalik ulit sa kanya ang papel. "Kailan tayo magsisimula?" Tanong ko.

"Anytime" Nakangiting sagot nya. Sa mga ngiti nya pa lang parang sigurado na syang
mananalo sya. Matalino si Zeke at mas madami na syang experience sa'kin pag dating
sa ganito. Feeling ko matatalo ako dito. Huminga ulit ako ng malalim at saka
tumungo.
Naramdaman ko na lang na niyakap nya ako. "I am still on your side no matter what
happens wife. I'm your lifetime partner remember?" gumaan ang pakiramdam ko sa
yakap at sinabi ni Zeke. Humiwalay ako sa yakap nya saka ngumiti. "Sige game, bukas
ng gabi ang start" sabi ko.

"Alright," Nakangiting sagot nya. Saka ako hinalikan.

*baby cries*

"Damn!"

=================

Chapter 41

Aemie's PoV

Kagabi pa ako nagsimulang magplano ng gagawin ko. Mula sa paghahanda ng mga


kakailanganin ko.

-Flashback-

"Aemie nakatawag na ako sa kakilala ko para sa sasakyan na gusto mo. Bukas daw ng
umaga pwede ng kuhanin. Para saan ba ang—whoa! Ano 'yang mga bitbit mo 'tol?"
PInakuha ko kay Sebastian ang lahat ng baril na pwede kong pagpilian para sa
gagamigtin ko kay Inigo Rances. Nagpabili din ako kay Kaizer ng isang bagong bullet
proof na sasakyan.

"Thanks Kaizer." Lumapit ako para buksan ang isang pagkalaki-laking metal na
lalagyan na hinila ni Sebastian para pumili ng magandang baril.

"Wengya! Saan ba tayo mamaya Aemie?" Nakidampot ng baril sila Sebastian at Kaizer
kaya tinignan ko silang dalawa. "Hindi kayo kasama" Sabi ko.

Lumabas mula sa kwarto si Zeke kaya tumigil kaming tatlo. "Lamperouge and Lerwick,
where are the diapers I've asked you to buy?" Tanong nya. Buhat-buhat nya si baby
Bullet kaya lumapit ako. "Hi baby," Kiniss ko si baby Bullet saka kinuha kay Zeke.

"Oh shit! Ang bigat kasi nung pinakuha ni Ms. Aemie bossing"

"Wengya nawala din sa isip ko!" Tumayo silang dalawa saka naglakad

"B-balik na ulit kami Bossing, bibili na kami"

"Tss."

Tumayo agad si Sebastian kasama si Kaizer at parehas mabilis na naglakad palabas ng


hotel suite. Tinignan naman ako ni Zeke saka nya kinuha sa'kin si baby Bullet. "How
about you wife? You should give yourself a time to rest and relax. You won't be
able to defeat me if you're stressed out," Kumpyangsang-kumpyansa sya talaga na
mananalo sya? Wala man lang ba syang balak mag-ready?

-End of Flashback-
"Ahm—Kaizer, Sebastian. Pwede bang huwag muna kayong umalis dalawa mamaya? Paki
bantayan muna si baby Bullet habang wala kami ni Zeke" Kumakain ako ng sandwich at
umiinom ng kape habang binabasa ko ang blueprint ng bahay ni Inigo Rances.

Hapon na, at ilang oras na lang mag-i-start na ang game namin ni Zeke. Kanina ko pa
nailagay sa kotse lahat ng kakailanganin ko. Alam ko na din kung saan at paano
pumunta sa bahay ni Inigo Rances. Samantalang si Zeke, natulog lang maghapon.

Napuyat yata masyado si Zeke sa pag-aalaga kaya puro tulog ang ginagawa. Kaya ako
na ang nag-alaga kay baby Bullet kanina. "Areglado Miss Aemie! Pero ano bang meron?
Second honeymoon nyo na ba ni Bossing?"

Humigop muna ako ng kape bago ko sinagot si Sebastian, "Hindi. Maglalaro kasi kami,
padamihan kami ng mapapatay na leader ng Black Organization"

"Whoa! Anak ng!"

"Syet! Exciting!"

"Wala ba kayong balak isama kami Aemie?" Tumingin ako kay Kaizer na nakaupo sa
tapat ko. "Wala" Sagot ko. "Walang magbabantay kay baby Bullet kapag sumama kayo"
Dagdag ko pa.

"Nandyan naman si Boul Ms. Aemie eh" Sabi ni Sebastian. "Hindi pa din pwede" Sagot
ko. Tumayo na ako at pumunta sa may salas.

Binuksan ko ang laptop ko para i-check ang mga camera inilagay ko sa palibot ng
bahay ni Inigo Rances at naka-konekta dito. Kailangan kong makasiguro na hindi
aalis ng bahay si Rances, o kung may plano man syang umalis, at least alam ko.

Kumuha ako ng dalawang Glock pistols handgun, based sa mga nagamit ko ng handguns,
dito ako pinaka-komportable. At dito ako pinaka-dadalian gamitin kaya mas okay kung
ito ang gagamitin ko. Nilinis ko muna parehas habang nagpapalipas ng oras habang
nakatutok ako sa laptop.
"Getting ready?" Nginitan ko si Zeke at tinanguan nung lumabas sya sa kwarto. "Si
baby bullet?" Tanong ko. "Still asleep" Sagot nya. Lumapit sya sa'kin at kumiss
bago sya pumunta sa kusina. "Ipagluluto muna kita Zeke bago tayo umalis"

Pumunta ako sa kusina para ipagluto si Zeke pero inabutan nya ako ng isang cup. "A
cup of coffee would be enough" Sagot nya sabay kindat sa'kin kaya pinagtimpla ko na
sya agad ng kape, para makabalik na ako sa ginagawa ko.

**

15 minutes bago kami umalis, tapos na akong mag-ayos. Hinihintay ko na lang matapos
si Zeke magbihis. "Ang tagal naman ni Zeke" Bulong ko habang karga-karga ko si baby
Bullet. Kakatulog lang ulit ni baby Bullet kaya kampante akong iwan sya. Buti kapag
ganitong edad ng bata walang ginagawa kung hindi matulog ng matulog.

Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Zeke nung lumabas sya ng kwarto. Naka gray
shirt at black pants lang sya. Hawak-hawak nya ang isang baril na kakalagay nya
lang ng magazine. At saka maingat na isinuksok sa likod ng pants nya. Samantalang
ako, itinali ko pa ang buhok ko at naglagay ng pocket knife in case of emergency.
Madami din akong dalang extrang bala. Nagbaon pa ako ng flash bangs at rifle sa
kotse.

"Lets' go?" Nakangiting tanong nya sa'kin. Hindi pa din maalis ang tingin ko sa
kanya hanggang sa makuha nya sa'kin si baby Bullet. "Hey! Both of you, look after
our son" Sabi nya kanila Sebastian at Kaizer.

"Areglado Bossing!" Sagot ni Sebastian. Sumaludo naman si Kaizer. Parehas silang


sumunod kay Zeke papasok sa kwarto nung ibabalik na ni Zeke si baby Bullet sa crib.

Humawak si Zeke sa kamay ko, saka kami sabay na naglakad palabas ng hotel suite.
Tahimik kami parehas na naglalakad. Kasi nagtatakha ako! Bakit parang wala lang sa
kanya 'tong gagawin namin? Parang hindi man lang sya naghanda!

"Pfft. What's with that face wife?" Tanong nya nung nakasakay na kami sa elevator
pababa sa parking lot. "Naiinis kasi ako sa'yo Zeke. Bakit parang hindi ka
prepared? Isang baril lang ang dala mo. Tapos wala ka pang dalang extrang bala?
Paano kapag naubusan ka ng bala, ano na gagawin mo?" Naiinis na tanong ko.
Tinawanan lang nya ako bago nya ako sinagot.

"That's not going to happen,"

Umiling na lang ako. Pakiramdam ko kasi minamaliit ni Zeke ang kakayahan ko. Parang
sure na sure kasi syang mananalo sya. "As long as I have you, I'm gonna win"
Bumukas na ang elevator kaya hindi ko na nasagot 'yung sinabi ni Zeke. Pero 'yung
inis ko kanina, biglang nawala dahil sa sinabi nyang 'yun.

Magkatabi ang sasakyang gagamitin namin. Pinagbuksan muna ako ni Zeke ng pinto at
pinasakay sa kotseng gagamitin ko bago sya sumakay sa kotse nya. "I love you" He
mouthed nung tumingin ako sa kanya.

Kapag ini-start ko na ang engine ng sasakyan, mag-sisimula na din ang game. Kaya
huminga muna ako ng malalim bago ko 'yun ginawa.

Pinihit ko ang manibela palabas ng parking lot. Nauuna ako kay Zeke sa ngayon kaya
sinusulyap-sulyapan ko sya sa rearview mirror ng kotse. Nung makalabas na ang kotse
sa malawak na kalsada ng highway ay binilisan ko na ang pagpapatakbo ng sasakyan.
Ilang kotse na ang inover-take-an ko at hindi ko na matanaw ang kotse ni Zeke.

**

Malayo pa ako sa mismong bahay ni Inigo Rances, ipinark ko na ang kotse. Maglalakad
na lang ako hanggang makarating sa bahay nya. Iniayos ko at isinuot ang backpack na
dala ko. Dito ko inilagay lahat ng gamit na kakailanganin ko kung sakali.

Hanggang makalapit ako sa matataas na bakod ng bahay ay hindi ko pa nakikita si


Zeke. May part sa'kin na natutuwa kasi malaki ang chance kong manalo kung ako ang
nauna.

Kinuha ko ang isang hook at rope sa backpack saka ikinabit at inihagis sa mataas na
bakod ng bahay ni Rances para akyatin. Pinili kong dito dumaan dahil ito ang
pinakatagong side ng bahay nya according sa blueprint. At sa pagkakakilala ko kay
Zeke, mas pipiliin nyang sa harap mismo ng bahay ni Inigo Rances dumaan.

Pinaputukan ko ng baril na may silencer ang mga tauhan ni Rances na nagbabantay


malapit sa kinaroroonan ko saka ako maingat na pumasok sa isang pathway.

Sobrang dilim at madaming pasikot-sikot. Pero ang mas napansin ko ay ang larawan ng
mga sinaunang paraan ng execution. Sa mga paintings at rebulto lang may ilaw kaya
mas lalo akong natakot. Bukod doon ay may mga rebulto din ng hindi ko alam kung
demons ba o ano. Para namang kasali sa kulto 'tong si Inigo Rances.

Mas gugustuhin ko pang makasalubong ng sampung lalaki na armado ng baril kaysa


makasalubong ng multo. Tumigil ako nung makadinig ako ng yabag ng paa. Sumandal ako
saglit sa may pader para abangan kung sino man ang naglalakad.

Bakit ba multo ang naiisip ko ngayon? Nanlalamig na ang mga kamay ko at hindi na
ako mapakali. Mahaba at madilim ang pasilyo na nasa harap ko. At sa dulo ng pasilyo
ay may ilaw na nakatutok sa pugot na ulo na rebulto ng isang pari.
Sa kaliwa ko ay may malaki at nakakatakot na rebulto ng isang demon na sa tingin ko
ay nakatingin sa'kin at gusto akong kainin ng buhay.

Naiiyak na ako nung maramdaman kong may yumakap sa'kin. "Don't be scared," Parang
magical 'yung sinabi ni Zeke kasi nawala agad 'yung takot na nararamdaman ko
kanina. Hinawakan nya ang kamay ko saka kami sabay na umakyat sa sunod na palapag
ng bahay.

May tatlong baitang pa ng hagdan bago ang sunod na palapag, may nadidinig na kaming
mga boses ng lalaki. Napakarami naman palang tauhan nitong mga leader ng Black
Organization. Tumingin sa'kin si Zeke kaya tinanguan ko sya. Kahit hindi sya
nagsasalita gets ko ang ibig nyang sabihin. Kailangan na namin maghiwalay para sa
game.

Binitawan nya ang kamay ko at nauna syang umakyat, sunud-sunod ang ginawa nyang
pagpapaputok. Ako naman ay dumiretso sa ikatlong palapag. Naghagis muna ako ng
flash bang bago ako tuluyang makaakyat. Walang habas kong pinaputukan lahat ng
lalaking makakasalubong ko hanggang sa makarating ako ng tapat ng kwarto ni Inigo
Rances.

**

Sebastian's PoV

"Nandito na si ninong gwapo baby huwag ng umiyak" Inaalog ko ang gatas na tinimpla
ko. Takte! Ang hirap pala maging ama.

Buti pa 'tong siraulong si Lampe, mukhang sanay na sanay. Sya nga lagi may hawak
kay Bullet eh. "Yak! Lerwick, huwag mong turuan ng kabalbalan ang inaanak ko"
Kinuha ni Lampe sa kamay ko ang bote ng gatas na hawak ko saka isinubo kay Bullet
na agad namang tumahan.

"Kita mo 'tol, wala kang bilib sa karisma ko. Diba pareng Bullet? Ang gwapo ni
ninong Kaizer 'no?" Parang siraulo na kinakausap nung ungas si Bullet. I-video ko
kaya?

"Gago! Tigilan mo 'yan, baka mabulunan si Bullet sa mga pinagsasasabi mo"


Lalabas dapat ako ng kwarto para manuod saglit ng TV pero biglang umimik si Lampe.
"Lerwick" Lumingon ako sa kanya ng nakakunot ang noo. "May naaamoy ka ba?" Tanong
nya.

Nilanghap ko ang paligid at—"Bukod sa natural at mapang-akit kong amoy, wala na


akong ibang naaamoy. Bakit? Sabi ko naman sa'yo pre huwag ka gaanong magsasalita"

"Ulul! Parang ano talaga dude, lumapit ka dito"

Hindi pa ako nakakalapit pero parang alam ko na ang sinasabi nung gago. "Shit! May
gagawin nga pala ko takte!" Lumabas agad ako ng kwarto dahil shutanginemers! Hindi
ako marunong magpalit ng diaper!

"Anak ng! Hoy wengya huwag mo akong iwan dito! Wala kang kiss sa'kin mamaya"

"Ulul—oh Boul, nandyan ka na pala"

"Tss"

Lumabas si Lampe karga-karga si Bullet. "Oh tamang-tama dude, pakihawak muna si


Bullet. Nagtext kasi si Mr. Roswell, kailangan nya daw ng gwapong kasama. Eh alam
naman nating lahat na ako lang ang gwapo. Kaya pano ba 'yan?" Umiling-iling na lang
ako sa mga sinabi nung ungas. Napakagaling talagang magsisinungaling.

Wala namang kaangal-angal si Boul nung kuhanin nya si Bullet. Pfft. "Yung diaper
'tol nasa may drawer malapit sa crib. Alis muna ako, kailangan daw ako ni Mei"
Palusot ko saka kumaripas ng lakad palabas ng hotel suite.

**
Aemie's PoV

Dahan-dahan kong pinihit ang door knob ng kwarto nya.

Alerto kong itinutok ang baril nung bumukas ang pinto pero wala akong nakitang tao.
Iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Hanggang dito ay punung-puno pa
din ng mga nakakatakot ng paintings at rebulto.

May pintong nakabukas sa kaliwang bahagi ng kwarto kaya maingat akong naglakad
papunta doon.

"Zeke" Bulong ko nung makita ko si Zeke na nakatayo. Nakatutok ang baril na hawak
sya sa lalaking nakasalampak sa sahig. Si Inigo Rances. Sa kanang bahagi ng kwarto
ay may bintanang nakabukas at kurtina na nililipad ng hangin. Maduga! Kaya naman
pala nauna sya dito.

Hinablot ni Inigo Rances ang baril na malapit sa kanya saka mabilis na itinutok kay
Zeke. Isang kalabit na lang ng gatilyo ng baril na hawak ni Zeke, makaka-puntos na
sya kaya nagmadali akong unahan sya. Ikinasa ko agad ang baril at itinutok kay
Inigo Rances.

Halos magkakasabay lang kaming kumalabit sa gatilyo ng baril. Pero hindi ko


inasahan ang ginawa ni Zeke. Imbis kasi ni Inigo Rances ang barilin nya, itinutok
nya ang baril nya sa likuran ko kasabay ng pag-ilag nya sa bala na pinakawalan ni
Inigo Rances.

Ramdam ko ang hangin mula mabilis na bala na dumaan malapit sa kanang bahagi ng
pisngi ko. Kasabay ng pagbagsak ni Inigo Rances ng tuluyan sa sahig at pagdaing ni
Zeke sa baling dumaplis sa braso nya.

4-2.

Tumakbo agad ako palapit kay Zeke. "Okay ka lang ba Zeke?" Nag-aalalang tanong ko.
"Yeah," Kumuha ako ng panyo sa backpack para talian ang braso ni Zeke na nadaplisan
ng bala. At habang tinatalian ko ang braso nya. Nakita ko ang lalaking duguan at
nakahiga sa sahig sa lugar malapit sa kinatatayuan ko

kanina. Kaya ba hindi nya pinatay si Inigo Rances at sa may bandang likod ko nya
pinaputok ang baril?

Tumigil ako sa ginagawa ko at tumingin kay Zeke para itanong at makasigurado. "Yung
lalaki Zeke—"
"He was about to kill you"

Hindi ko mapigilan na hindi maluha. Ako lang ba? O talagang hindi ko deserve ang 4-
2 na standing? Dahil hinayaan lang nya si Inigo Rances, kahit na may nakatutok din
na baril sa kanya. Huhuhu. "T-thanks" Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya thanks na
lang ang sinabi ko.

**

Hanggang sa makabalik kami ni Zeke sa hotel suite ay iniisip ko pa din 'yung


nangyari. Nandito ako sa loob ng kwarto namin at hinihintay si Zeke na pumasok.
Sinesermunan nya kasi sa labas sila Sebastian at Kaizer dahil iniwan nila si baby
Bullet kay Vash.

Nakangiting pumasok si Zeke at lumapit sa'kin. Ako naman, kanina ko pa hawak 'tong
pen at note.

"How do you do that wife?" Tanong nya, pagkaupo nya sa kama. Iniisip ko naman kung
ano 'yung ibig nyang sabihin. "Ang alin Zeke?" Tanong ko. "You look so sad and yet
you are still the most beautiful woman in my eyes,"

"Zeke naman eh. Huwag mo nga ako niloloko! Kanina pa nga hindi matahimik ang isip
ko eh."

"Pfft. What's the matter?" Tanong nya. "Hindi ko kasi matanggap na ako 'yung naka-
score. Tingin ko dapat sa'yo 'yung point" Diretsong sabi ko sa kanya. Iniabot ko sa
kanya 'yung pen at note ng mga names ng leader ng Black Organization na hawak ko.

"What about it? You've killed Rances, fair and square"

"Hindi eh, ikaw sana babaril sa kanya kung hindi mo lang binaril 'yung nasa likod
ko" Sagot ko.

"And?"
"Kaya ikaw dapat ang may point"

"Nah. It was my choice. And our game is all about who will kill the most number of
leaders, so don't be upset wife. You played it well,"

=================

Chapter 42

Kaizer's PoV

"Ikaw na magsabi," Bulong ni Lerwick. Nakatingin kaming dalawa kanila Ezekiel at


Aemie. Si Aemie busyng-busy sa pagpa-plano, habang si Mr. Roswell naman ay tahimik
syang pinapanuod.

"Wengya! Ikaw na, ikaw naman may gusto eh." Bulong ko pabalik kay Sebastian. May
hawak akong walis tambo, si Lerwick naman may hawk na feather duster dahil
pinaglilinis kaming dalawa ni Mr. Roswell ng buong hotel suite. Gago kasi 'tong si
Lerwick. Kung pinalitan nya ng diaper si pareng Bullet, edi sana hindi kami
naglilinis dalawa ngayon.

"May kalat pa dito, tss" Sabay naming ipinukol ang mga matatalim na tingin namin
kay Boul na kanina pa nagkakalat. "Wengya naman 'tol! Linis kami ng linis, ikaw
kalat ng kalat! Hanggang kailan mo ba balak apihin ang gwapo mong kaibigan?"
Humawak ako sa dibdib ko at umarte na nasasaktan.

"Talaga Boul, nagpi-prisinta kang tumulong sa paglilinis?! Hooo syet! Napaka-buti


mong kaibigan!" Hiyaw ni gago habang minamasahe ang likod ni Boul. "Bossing nadinig
nyo 'yun? Si Boul na daw maglilinis ng buong hotel suite" Pangiti-ngiti pa si gago.

"Lerwick"

Anak ng! Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Sumimple na ako ng alis nung magsalita
naman si Aemie. "Kaizer, Sebastian. Gusto nyo bang sumama sa next game?" Hinigpitan
ko ang hawak kong walis tambo. "Potek! Let's get it on baby!" 'Yan lang naman ang
hinihintay ko eh.

"Woooo syet! Gustung-gusto Ms. Aemie!"


"Sige maglinis muna kayong dalawa" Pagkasabing-pagkasabi ni Aemie nun ay binilisan
ko na ang pagwawalis. Pati 'yung ungas na si Lerwick ay mukhang ginanahan din sa
pag-pupunas ng mga alikabok. Parehas kaming pursigido na matapos kaagad ang mga
gawain.

Dahil ehem, sasabak na naman ang gwapong si Kaizer Maxwell Lamperouge sa bakbakan.

**

Aemie's PoV

Parang mas excited pa sa aming dalawa ni Zeke si Sebastian at Kaizer, kanina wala
sila sa mood maglins. Samantalang ngayon, pati ang mga sulok ay talagang
nililinisan at pinakikintab nilang dalawa. Ibinalik ko ang tingin sa laptop. Kanina
pa ako nagbabasa ng tungkol kay Jax Blaine, kung ikukumpara sya sa mga naunang
leader, mas tuso pala ang isang 'to.

"Are you sure about asking them to join wife?" Tinignan ko si Zeke, kanina pa niya
ako pinapanuod sa ginagawa ko. Inilapit ko kay Zeke ang laptop at pinabasa sa kanya
ang information ni Jax Blaine.

Weakness ni Jax Blaine ang magagandang babae, wala namang ibang babae ang pwede
naming isama. Hindi naman pwedeng si Meisha at Cassandra dahil parehas pa silang
nagbabantay sa chapel. "Kung ayaw mo Zeke ako na lang" Suggest ko, okay lang din
naman sa'kin. Marunong naman akong umacting, ang kaso nga lang hindi naman ako
maganda.

*glare* "Lerwick and Lamperouge"

"Yow Bossing"

"At your service Mr. Roswell"


"Get ready, you'll join us tonight"

"Naman!"

"Opkors!"

**

Meisha's PoV

Sa chapel ako naglalagi kasama ni Cassandra Heather. But then of course, hindi ko
din pwede pabayaan sila queen. It is our duty to serve and protect them kahit ano
pa pinagdadaanan namin.

Walking down the hospital corridor, there are people coming and going. Doctors,
nurses and orderlies are rushing around. Some random people tried to smile kapag
nakaka-eye contact ko sila. Kaya ngumingiti din ako, but probably a weak and fake
smile. I am surrounded by people, but still alone. Ang hirap ng ganitong
pakiramdam.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni queen. Ilang araw na din ang nakalipas.Nadatnan
ko dito sa loob ng kwarto nya si Phoenix Strife. "Queen" I whispered nung makita
kong nakaupo na sya. I think, they're on the middle of a conversation nung pumasok
ako dahil parehas silang tumigil.

"I'm sorry kung nakaabala ako, lalabas po muna ako" Tumalikod na ako but she spoke.
"I was asking him kung kamusta na sila baby Ae at ang apo namin," Humarap ulit ako
kay Queen, then I shifted my glance at Strife. "Nasabi mo na ba?" I asked,
pinupunto ko kung nasabi na ni Strife ni Strife ang tungkol kanila Master.

Umiling si Strife saka tumayo at naglakad palapit sa'kin. "Ikaw na ang magsabi,
pupuntahan ko muna si Milka" Tumango ako at naglakad palapit kay Queen. "Nasabi ang
alin?" She asked. Humigpit ang hawak nya sa telang puti na nakakumot sa mga binti
nya.

Umupo ako sa tabi ni Queen. Pinilit kong huwag maiyak, ayoko na ding balikan at i-
kwento ang buong pangyayari. "W-wala na po sila Spade, Tristan at... M-master"

Ngumiti sya sa'kin but I know that she's faking it. "Ganun ba?" Her voice broke
down and tears threatened to roll down her cheeks. I am thankful na hindi na ipina-
kwento ni Queen ang nangyari. For a minute, tahimik lang kaming dalawa. Until I
heard her cry.

Niyakap ko si Queen as tight as I could trying to ease the pain she's feeling right
now kahit papaano habang pinipigilan ko pa din ang sarili kong maiyak. I know how
painful it is na mawalan ng mahal sa buhay. Dahil nararamdaman ko din 'yun sa mga
oras na 'to.

**

After an hour ng pag-stay ko sa kwarto ni Queen, umalis muna ako at hinayaan syang
makapagpahinga. Binisita ko ang ibang kasama namin na nandito sa loob ng ospital.
Wala pa ding malay-tao sila Milka at Caileigh. Habang si Lee naman ay kasabay ko na
ngayong papunta sa kwarto ni Fauzia Arcadia.

He insisted na sumama, kahit kaninang umaga lang sya nagising. Nasabi ko na din sa
kanya ang mga nangyari.

Lerwick is the last person I want to see sa mga oras na 'to. I don't know, I am
really not comfortable talking to him. Because for unknown reason, nagi-guilty ako,
at nasasaktan. Kaso sa dinami-dami ng pwede naming makasalubong ni Lee, si Lerwick
pa. "Tol!! Anak ng pucha tibay ah!" Pabiro nyang bati kay Lee sabay hampas sa
balikat kaya inalalayan ko si Jacob Lee. Kung makahampas naman kasi parang hindi
nakikita nan aka-hospital gown pa si Lee. Psh. Baliw talaga.

"Hayop ka talaga" Sagot ni Jacob sa kanya while laughing.

"M-mei" Ngumiti sa'kin si Lerwick pero iniba ko ang direction ng tingin ko. "Lee,
mauuna na ako sa kwarto ni Fauzia" I said.

"Sama na ako" Sagot naman nya. "Tol maya na lang, bibisitahin ko muna si Fauzia"
Tumango si Lerwick pagkasabi ni Jacob Lee nun, kaya nagsimula na kaming maglakad ni
Jacob Lee papunta sa kwarto ni Fauzia.

Pagkapasok pa lang namin sa hospital room ni Fauzia, lumapit na agad si Jacob Lee.
Tulad nila Caileigh at Milka, wala pa ding malay si Fauzia. "Anong sabi ng doctor,
kailan daw magigising si Fauzia?" Lee asked, he's holding Fauzia's hand. I smiled
bitterly, not because I am jealous. But dahil naiinggit ako, masarap sa pakiramdam
kapag alam mong mahal ka nung taong mahal mo.

"Hindi na din naman siguro magtatagal, magigising na si Fauzia" Sagot ko dahil 'yun
ang sabi ng mga doctor. Ngumiti ako at nagpaalam na kay Lee since hindi ko pa naman
makakausap si Fauzia. "I have to go, babalik na ako sa chapel"

Pagkasabi ni Lee ng "Sige, ingat" ay naglakad na ako palabas ng hospital room.

Again, I walked alone sa mahabang hallway ng ospital. I stopped nung mapatapat ako
sa room ni Milka, for a while bigla akong kinabahan dahil nakabukas ng bahagya ang
pinto ng kwarto. Kung anu-anong masamang pangyayari agad ang pumasok sa isip ko.
You can't blame me, sa dami ng nangyari, hindi imposible lahat ng iniisip ko.

"Milka!" I called her name as I entered the room hurriedly. And it was too late for
me to realize kung gaano ka-epic ang ginawa ko. I saw Milka and Lerwick, sinusubuan
ni Lerwick ng pagkain si Milka, sabay pa silang dalawa na tumingin sa'kin dahil nga
sa ginawa kong pagpasok basta-basta.

"S-sorry nakabukas kasi 'yung pinto, akala ko kung anong nangyari" I explained.
Hindi ko na hinintay na sumagot sila, tumalikod na ako agad at umalis. Akala ko ba
nandoon si Phoenix Strife, bakit si Lerwick na ang nandoon. Aish!

I held my chest dahil nararamdaman ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko.

**

Aemie's PoV

"Hahahaha"

Kanina pa tawa ng tawa si Zeke habang naglalakad kami. Nandito kaming dalawa sa
mall kasama si baby Bullet, nagla-last minute shopping muna kami para sa outfit
namin mamaya.

"Zeke kanina ka pa tawa ng tawa" Tulak-tulak nya ang stroller ni baby Bullet,
bitbit ko naman ang isang basket na may mga lamang accessories. "Maganda ba?"
Tanong ko habang hawak ang isang color black na gown, "Nah, you are more beautiful"
Ibinalik ko ang gown na hawak ko sa clothes rack. "Nakakainis ka naman Zeke, lalo
tayong tatagal nito"

Imbis na tulungan ako ni Zeke, tumawa pa sya ng tumawa. Formal party ang pupuntahan
namin mamaya kaya kailangan naming bumili ng mga damit.

**

"Yown dumating din!"

"Sa wakas! Kanina pa namin kayo hinihintay. Hindi pa ba tayo aalis?"

Tinignan ko si Kaizer at Sebastia mula ulo hanggang paa, naka formal suit na sila,
naka-wax na ang mga buhok. Kumikintab pa ang mga suot nilang itim na sapatos.
"Bakit nagbihis kayo agad?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Inilapag ni Zeke lahat ng
paper bags na bitbit nya sa ibabaw ng center table saka nya kinuha sa'kin si baby
Bullet habang tumatawa.

Tignan mo 'tong si Zeke, hanggang ngayon tawa pa din ng tawa.

"Kung sa bagay, alam ko ang gusto mo iparating Aemie. Hindi ko na talaga kailangang
pumorma pa para lang gumwapo. Tsk tsk tsk" Sabi ni Kaizer habang hinihimas-himas
ang mukha nya. SI Zeke naman lalong tumawa.

"Zeke ano ba nangyayari sa'yo?" Kunot-noong tanong ko.

"Pfft. Nothing. Hahahaha" Tumalikod na sya at nagsimulang maglakad papunta sa


kwarto. Kaming tatlo naman nila Kaizer at Sebastian ay nakatingin sa kanya. "I
forgot something" Bumalik uit si Zeke saka naglakad papalapit sa'kin. "I love you
so damn much" Sabi nya pagkatapos nya akong halikan.

"Hooo syet ayan na naman!"

"Porn everywhere wengya!"


Parang walang narinig si Zeke dahil tawa pa din sya ng tawa hanggang makapasok sya
sa loob ng kwarto.

"Game na... Kaizer at Sebastian" Humarap ako sa kanilang dalawa saka ngumiti kaya
kumunot ang mga noo nila.

**

Sebastian's PoV

Nakasunod ang tingin naming dalawa ni Lampe kay Ms. Aemie nung mag-umpisa syang
maghalungkat sa mga paper bag na nasa ibabaw ng center table. "Maligo muna kayong
dalawa ulit tapos magbihis muna kayo ng kahit ano habang hinahanda ko mga susuotin
nyo" Nakangiting sabi sa aming dalawa ni Ms. Aemie.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Kaizer pero sumunod din kami agad. Takte! Sigurado
naman kasi ako na kahit anong bihis ang gawin ko, mangingibabaw at mangingibabaw
ang gandang lalaki ko sa party.

**

Hindi na ako nagsuot ng damit pang itaas. Pinupunasan ko ng puting towel ang buhok
ko nung lumabas ako sa kwarto. "Napakarami naman nyan Ms. Aemie, magagamit mo ba
lahat ng 'yan?" Ampupu! Ibang klase talaga mga babae, ang bangis! Ang daming mga
nilalagay na kolorete sa mukha.

"Hindi lang naman sa'kin 'to" Ngumiti si Ms. Aemie sa'kin saka kakalabas lang din
sa kwarto na si Lampe. "Sa'ting lahat 'to" Sabi nya.

Wat da pak?

"Sa'tin?" Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa mga nadinig ko. Potek!
"M-Ms. Aemie, sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Sunud-sunod ang ginawa kong paglunok
ng laway. Tinignan ko ang mga gown na nakasabit, ang iba't-ibang pang pintura sa
mukha na nakasalansan sa sahig. Ang iba't-ibang disenyo ng wig. Ang mga aksesorya
na unang tingin ko pa lang pakiramdam ko nangangati na ako.

At ang higit sa lahat, ang mga nagtataasan at nagkikinangang sapatos. "Syet" Bulong
ko.

"Anak ng tinola Aemie, s-sigurado ka sa gagawin mo sa'kin? Kay Lerwick paniguradong


ayos lang. Pero sa'kin?!" Tinuro ni Lampe ang sarili nya kaya binatukan ko sya para
matauhan. "Alam naman natin parehas na mas mukha kang babae sa'kin 'tol"

Tumalikod na ako para bumalik sa kwarto. "Pucha! Kahit ikamatay ko pa hindi ako
magsusuot ng damit pangbabae, at maglalagay ng pintura sa mukha,"

"Mas lalo naman ako" Sabi ni Lampe.

Halos magkasunod kaming dalawa na naglakad pabalik sa kwarto para magbihis ulit ng
formal suit nung makadinig kami ng dalawang kasa ng baril.

Dahan-dahan kaming humarap ni Lampe at—"Are you fvcking sure?" Nakatutok na sa ulo
ko ang baril na hawak-hawak ni bossing. Kay Lampe naman nakatutok ang baril na
hawak ni Ms. Aemie. I gulped. "B-bosing, hindi naman kayo m-mabiro" Takte!
"Kukuhanin ko lang sana 'yung black stockings sa loob ng kwarto, may naka-reserba
talaga ako para sa mga ganitong pagkakataon" Singit ni Lampe. Petenge! Galing din
magdahilan ng gagong 'to eh.

**

"Ang gaganda nyo grabe!"

Hindi ko alam kung papuri o insult ang sinabi ni Ms. Aemie. Hindi na maipinta ang
mukha naming dalawa ni Lampe dahil sa itsura namin ngayon. Mukha akong suman dahil
suot-suot ko ang isang pagkasikip-sikip na mahabang tela na kulay pula.

Ang bigat ng gwapo kong mukha dahil sa inilagay ni Ms. Aemie na pintura sa mukha
ko, ang mapupungay kong mata nilagyan nya din kung ano. At ang hindi ko matanggap
sa lahat ang suot-suot kong mabigat at mataas na sapatos. Hindi ko alam kung paano
nagagawang maglakad ng mga babae kapag naka ganito sila.

Paksyet na malagkit! Ano na lang sasabihin sa'kin ng mga chiks ko kapag nakita
akong ganito?

Tawa ng tawa sila Ms. Aemie at Bossing dahil sa itsura naming dalawa ni Lampe.
Shit!

"Game Zeke ikaw naman"

Pfft. Petengene! Gusto kong lumundag at tumawa ng malakas dahil sa ekspresyon ng


mukha ni Bossing.

"Hahahahahahaha! Wengya!"

"WHAT THE FUCK ARE YOU LAUGHING AT LAMPEROUGE?!"

"W-whoa! Shit—-T-teka Mr. Roswell hindi ako makatak—Anak ng tinola Aemie si Mr.
Roswell pigilan mo—relax—-shit—!" Pfft. Pigil-pigil ko pa din ang tawa ko dahil
halos madapa si Lampe sa pagtakbo palayo kay Bossing.

"Zeke, tama na 'yan baka magising si baby Bullet. Baka din masira ang make-up ni
Kaizer. Lumapit ka na dito sa'kin para maayusan na kita" Seryosong tawag ni Ms.
Aemie kay Bossing.

"Fuck! Are you damn serious?!" Nagpatay-malisya ako. Kunwari wala akong nadidinig
na nag-uusap para hindi ako ang balingan ng galit ni Bossing. Takte mahirap na!
Ayokong matulad kay Lampe.

"Ayaw mo ba?" Tanong ni Ms. Aemie.

"Who the hell would want to put those damn girly stuffs on?"

"Sige magbibihis na ako" Kinuha ni Ms. Aemie ang isang gown saka naglakad palayo.
"Wait wife" Halata sa itsura ni Bossing na tutol sya pero naupo pa din sya sa
kaninang kinauupuan ni Ms. Aemie. SYET! Ibig bang sabihin pumapayag syang
magpalagay ng kolorete sa mukha at mag-gown? Pffttt! Pucha!

Nakangiting naglakad si Ms. Aemie palapit kay Bossing. "Damn! This is really
insane!"
**

A/N:

SPECIAL ANNOUNCEMENT: (And para masagot ang mga tanong kung may season 3 ang
MHIAMB)

-Honestly speaking, WALA! Kaya nga may Writer's Block na kasi hanggang Season 2
lang ang MHIAMB. Pero alam ko unang-una na magdedemand ng Season 3 ang operators ng
mga characters at sweetmins (admins ng mhiamb). And 'yun na nga ang nagyayari
ngayon Haha. Kaya gumawa ako ng dalawang ending. 'Yung isa, 'yung original ending
ng mhiamb season 2. 'Yung second, kapag may season 3. (Also, may plot na ang Season
3)

If ever na magkaroon, it will be the next generation of mafia groups. Next


generation meaning, 'yung mga anak na nila.

And I know hindi lang operators at sweetmins 'yung may gusto ng Season 3. Ito 'yung
announcement. (at the same time deal) Kapag ng trend sa twitter 'yung
#WEDEMANDMHIAMBS3 (tonight) sige i-push natin ang Season 3. Pero kapag hindi, stick
na lang tayo sa original ending.

This is not compulsory. Hindi ko naman pwede ituloy ang MHIAMB kung madami ng may
ayaw diba? Pero sa may mga gusto, tawagin nyo na lahat ng friends nyo, gawa na kayo
ng accounts, walang imposible basta ginusto ;)

Again, Later eve @ twitter

May 5, 2015

6PM onwards

#WEDEMANDMHIAMBS3

=================

Chapter 43

Kaizer's PoV
Daig pa namin ang sinampal sa sobrang pula ng pisngi naming tatlo. At tila sasali
kami sa contest ng papulahan ng nguso. Mapapamura ka na lang talaga sa itsura
namin. Wengya!

"Zeke, huwag kang masyadong magulo. Nagugulo naman wig mo eh" Pfft.

"Tss"

Kanina pa inaayos ni Aemie ang pfft wig ni Mr. Roswell. Ang lupit talaga ni
loverboy! Akalain mong napagbihis babae ni Aemie.

"Sebastian! Huwag mong kainin 'yan" Tinampal ni Aemie ang kamay ni Lerwick dahil
babantan na ng gago ang isang plastic ng buns na nakapatong sa ibabaw. "Ilagay nyo
na 'to dali. Para magkaroon kayo ng dibdib. Magbibihis muna ako," Takte! Hindi ko
pinangarap magkaroon nyan sa tanang buhay ko!

Pagkapasok ni Aemie sa loob ay nagkatinginan kaming dalawa ni Lerwick. "Mr. Ros—"

"Shut the fck up!" Sabi ko nga hindi na ako magsasalita eh. Ampupu! Kanina lang
good mood na good mood si lover boy samantalang ngayon—"Yo—Pftt ano 'yang trip nyo?
May gay pageant ba?" Sige lang mga gago! Magsaya kayo. Bwisitin nyo lang si Mr.
Roswell.

Naka-smirk ako sa kakarating lang na sila Blood, Lionhart, Strife at Lewis. "Mr.
Roswell gusto na yatang malumpo ng tuluyan nung dalawang pilantod"

"Hey! I was just kidding Ezekiel... ang totoo nyan, you look..." Naghintay kami ng
sasabihin ni Blood "..gorgeous"

"..and gay" Dugtong ni Lionhart. Habang tumatawa silang dalawa ni Blood. Boom patay
wrong move! Kumuha agad ng baril si Mr. Roswell at itinutok sa kanilang dalawa.
"Ginagago nyo ba akong dalawa?" Nakakapangilabot ang tono ni Mr. Roswell kaya
tumahimik ang buong kwarto.
**

Aemie's PoV

Pagkalabas ko ay naghahabulan na naman silang lahat. Ang kukulit, sabi ng masisira


make-up nila eh. Hinahabol ni Zeke sila Kuya Ken at Wallace kaya natawa ako dahil
hindi halos makatakbo si Zeke sa sobrang taas ng heels na suot nya. Kanina pa ako
natatawa sa itsura ni Zeke, Kaizer at Sebastian.

Si Sebastian ay nakasuot ng deep red gown. Flirty but not promiscuous. Bagay na
bagay sa skin tone ni Sebastian ang gown. Nilagyan ko pa sya ng black gloves at
pinagsuot ng black stockings para hindi halata ang legs nya kahit sobrang haba ng
slit ng gown.

Si Kaizer naman ay sobrang sexyng tignan sa black halterneck and backless at the
same time with a big bow sa base ng spine nya. Sobrang haba kaya sayad na sa sahig
ang gown.

Si Zeke naman ay nakasuot ng spaghetti strapped dress with white shawl. May mixture
ng silver and white all over the dress. Plus ang mga Swarovski gems na lalong
nakapagdagdag kinang sa gown. Nilagyan ko din si Zeke ng tiara para lalo syang
magmukhang prinsesa.

At syempre, lahat sila nakasuot ng high heels. Naka make-up at may suot na
magagandang accessories. Ako naman ay nakasuot lang simpleng black dress."Tama na
'yan Zeke, masisira make-up mo nyan" Sabi ko. Agad naman silang tumigil sa pagtakbo
at tumingin sa'kin.

"Tara na?" Tanong ko kanila Kaizer, Sebastian at Zeke. Hindi ko ma-explain kung
anong itsura nila Sebastian at Kaizer. Pero mukhang masamang-masama ang loob nila
sa suot nila. Ang ganda kaya nilang dalawa. Si Zeke naman ay inayos ang dala nyang
pink na bag saka humawak sa kamay ko. Lalo tuloy ang tangkad nilang tatlo sa'kin
dahil sa mga heels na suot nila.

"Kayo na muna bahala kay baby Bullet ah?" Sabi ko kanila Kuya Ken, Wallace Andrei
at Phoenix. Bago kami tuluyang makalabas ng hotel suite.

**
Sebastian's PoV

"Ang daming chikababes deym!" Bulong ko, saka lumapit sa isang kumpol ng mga
kababaihan. "Wengya! Heaven 'tol!" Tamo 'tong siraulong 'to, manyakol talaga. Nauna
pa sa'kin makipag-usap sa mga chiks.

Nasa harap ko ang isang magandang babae na nakasuot ng fitted skin tone colored na
gown. Syet! "Omy golly! I love your dangling earrings. May I know kung saan mo 'yan
na buy?" Nakangiting tanong nya sa'kin. Paking deep! Lakas talaga ng karisma ko
kahit nakabihis babae. "Sa friend ko 'to hihihi" Malanding sagot ko. P*ta.

"Ahh really?—Omygod! Look at him! Ang gwapo" Nabaling bigla ang atensyon ng mga
babae sa lalaking dumating na napapalibutan ng mga body guards.

"Oh my god, I wanna marry him"

"God! He's so hot"

Sunud-sunod ang papuri nila doon sa lalaking dumating kaya kaming dalawa na lang ni
Lampe ang magkatabi ngayon. "Gwapo ba?" Bulong nya sa'kin.

"Di ko alam 'tol, hinahanap ko nga din kung saan banda ang sinasabi nilang gwapo"
Balewalang sagot ko. Ang mga babae talaga, hindi marunong tumingin ng gwapo. Tsk
tsk.

Akalain mo 'yun? Nasa harap na nila ang tunay na grasya, lumingon pa sa iba. "Tara
na nga" Pag-aaya ko kay Lampe. "Mabuti pa nga" Sagot naman nya. "Fuuutaa!" Tinakpan
ko agad bibig ko nung matapilok ako, syet! Ang sakit pucha! "Dahan-dahan lang kasi
baby Lerwick"

"Ulul!" Bulong ko.

**
Ang kailangan lang daw naming gawin ni Lampe ay maaya si Jax Blaine at maakit na
pumunta sa VIP room.

"Bebe Jax ano ba ang mga tipo mo sa mga babae? Hihihi" Tinakpan ko ang bibig ko na
kunwaring nahihiya habang tumatawa, saka dumekwatro na parang babae. Petengene!

"Gusto mo ba ng mapipilantik na mata tulad nito?" Iniharap ni Lampe si Jax Blaine


sa kanya saka ikinurap ng paulit-ulit ang mata nya. Habang hinihimas-himas ang
binti ni Blaine. Putek! Expert talaga sa kabaklaan itong si Lampe.

Kinuha ko ng dalawang kamay ko ang mukha ni Jax Blaine saka iniharap naman sa'kin.
"Bebe Jaxy. Huwag kang tumingin sa haliparot na 'yan. Gusto ko sa'kin ka lang
tumingin" P*ta! Patayin nyo na ako sa mga pinagsasabi ko, ngayon na!

"Oh come on baby Jax. Take me into your loving arms"

Tumunghay ako at tumingin kay Lampe na ngayon ay nakapulupot na sa braso ni Blaine.


Pfft. Gusto kong tumawa kaso lintek! Nahagip ng mga gwapo kong mata ang matatalim
na tingin sa akin ni Bossing.

Bago pa ako mapatay ni Bossing sa sama ng tingin ay mabilis ko ng kinuha ang


dalawang kamay ni Jax Blaine at ipinulupot sa'kin katulad ng sa titanic. "O my gosh
bebe Jax look I'm flying. I'm flying bebe Jax. I'm flying," Malanding sabi ko saka
ako humarap at hinimas-himas ang abs niya na hindi ko makapa. Amfufu! Mas adonis pa
ang katawan ko dito sa gagong 'to eh.

"Damn she's really beautiful"

Sinundan ko ng tingin kung sino ang sinasabi ni Blaine na maganda. At


shutanginabels! Sinipa ko kaagad ang paa ni Lampe dahil abala pa sya sa pag-amoy at
paghimas sa braso ni Blaine. "Aray p*ta! Sinong naninipa?!" Sinamaan ko ng tingin
si Lampe, at halatang nabigla din sya sa mga sinabi nya.

"Hihihi I mean, ouchy! Emeged, I think may something dito sa paligid. Hindi pa ba
tayo aalis dito baby Jax?" Malanding bawi ni Lampe sa kapalpakan nya sabay hampas
ng malalantik nyang daliri sa pisingi ni Jax Blaine.

**
Aemie's PoV

Hawak-hawak ko ang isang glass ng red wine kahit wala akong balak inumin.
Pinagmamasdan ko lang ang ginagawa ni Kaizer at Sebastian kay Jax Blaine mula dito
sa kinauupuan ko. Sana naman galingan nila ang pag-acting. Hayy!

Sinulyapan ko ng tingin si Zeke na nakaupo sa malayo at nakatitig sa'kin. Siguro


iniisip nya at inaabangan kung ano ang susunod kong gagawin. Pero in fairness ang
ganda ni Zeke ngayon. Mas maganda pa nga sya sa mga babaeng katabi nya.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Jax Blaine. Nakatingin na sya sa'kin ngayon at
nakangiti. Wala akong choice kung hindi ang ngumiti din. Makapal ang inilagay kong
smoky eyeshadow at ibang-iba din naman ang style buhok ko dahil sa wig. Kaya
imposible naman na makilala nya ako.

Hindi nya inaalis ang tingin nya sa'kin kaya napahigop ako ng red wine na hawak ko,
sinulyapan ko din ng tingin si Zeke. Kanina nakatitig lang sya sa'kin. Ngayon
masama na ang tingin niya.

**

Jax Blaine's PoV

"Bebe Jaxy, huwag kang tumingin sa iba, nagseselos ako"

"Baby Jax. Anong pabango mo? Nakaka-addict kasi eh. Hihihi"

Inalis ko ang kamay nung dalawang babae na mukhang bakla na kanina pa lingkis ng
lingkis sa'kin. These two shitty creature thinks they can fool me. Tumayo ako at
inayos ang niluwagan ng bahagya ang necktie na suot ko bago ako nag-umpisang
maglakad.
"Baby Jax wait. Don't leave me. I'm all out love. I'm so lost without you"

Diretso lang akong nakatingin sa babaeng kanina ko pa tinitignan. "Hi" I greeted.

"H-hey" Natawa ako dahil mabilis nyang ininom ang red wine na hawak-hawak nya. Saka
kumuha ng isa pang glass ng red wine sa dumaan na waiter. "Tama na 'yan, baka
malasing ka nyan" Nakangiti kong kinuha sa kamay nya ang iinumin nya sanang glass
ng red wine.

"Have we met before?" I asked ng hindi inaalis ang tingin sa kanya. Kahit naman ang
totoo kilala ko sya.

"I don't know. Maybe yes, maybe no" Casual na sagot nya. Damn! Who would've thought
that I would like her? This is the second time that I saw her. Yeah, I know her.
Dahil hindi ako ganun kadali paikutin.

I stared at her face for a minute. "Did someone tell you how amazingly beautiful
you are?" I asked as I kissed her hand gently. Inalis nya ang kamay nya before
speaking. "I—I am really not comfortable here, pwede ba tayong lumipat ng lugar?
Where—-you know, 'yung tayo lang dalawa ang tao?" She asked.

I held her hand and gently before answering. "If that's what you want," I said with
a smirk. Naglakad kaming dalawa. I wrapped my arms around her waist and guide her
the way to the VIP room.

"Fck!" My loud booming voice almost shook the venue dahil sa pagkabigla ko sa
babaeng bumangga sa'kin ng pagkalakas-lakas dahilan para mapabitaw ako sa
pagkakahawak kay Aemie at sumalampak kaming dalawa nung babae sahig. "Careless
bitch" I said to her, nung makatayo ako. I felt a little pain on my neck pero hindi
ko na pinansin.

"Ayos ka lang ba?" Aemie asked. Pinagpagan ko ang suit na suot ko and held her
again. "I'm fine" sagot ko saka ko tinignan ng masama 'yung babaeng bumangga
sa'kin. "Bitch" I mouthed bago kami tumuloy sa paglalakad ni Aemie.

**

Sebastian's PoV

Lumapit kami agad ni Lampe kay Bossing nung makaalis na sila Ms. Aemie at Jax
Blaine. Takte! Saan naman kaya nila balak pumunta? Pagkatapos ng nakakadiring
ginawa namin ni Lampe kanina, hindi pa din namin naakit 'yung gagong 'yun?
"Bossing ayos ka lang? Banatan na ba namin si Blaine?" Tanong ko nung makalapit
kaming dalawa kay Mr. Roswell. Kung nakamamatay lang ang mga tingin, kanina pa
paniguradong tumba 'tong si Blaine kay Bossing.

"Hindi ba na'tin sila susundan Mr. Roswell?" Tanong ni Lampe.

"Baka kung mapaano si Ms. Aemie" Segunda ko.

"Nah, that's fine," Nagkatinginan kaming dalawa ni Lampe sa sagot ni Bossing. "Pero
diba Mr. Roswell may pustahan kayo ni Aemie? Paano ka mananalo kung hindi ka naman
kikilos?" Naikwento din sa'min ni Ms. Aemie ang nangyari kay Inigo Rances dahil
hindi nya matanggap na sya ang magkakaroon ng puntos.

-Flashback-

"Alam mo Aemie, hindi sa minamaliit ko ang kakayahan mo pero sa pagkakakilala ko


kay Mr. Roswell. Kaya nyang kumitil ng buhay ng kahit na sino, kahit saang lugar."

"Ibig sabihin, pinagbibigyan lang talaga ako ni Zeke?"

"Kung talagang gusto ni Bossing manalo, hindi mo sya mauunahan" Dugtong ko sa


paliwanag ni Lampe. Tumahimik si Ms. Aemie at mukhang nag-iisip. "Pero bakit naman?
Si Zeke ang may sabi na ang matatalo hindi na hahawak ng baril o kahit anong deadly
weapon kahit kailan. Kaya bakit naman magpapatalo si Zeke?" Naguguluhang tanong ni
Ms. Aemie. Takte! "Yun ba talaga sabi ni Bossing?" Tanong ko. Pati tuloy ako
naguguluhan na.

-End of Flashback-

"The point of the game is to let her to do the things that will make her feel
better. Even if it's the strong urge of revenge. I want her to explore life and
learn from her own mistakes. But I will not let her do all of these things alone,"
Nagkatinginan na lang kaming dalawa ni Lampe dahil sa lalim ng pinaghugutan ng
sagot ni Bossing.

"Amp! Bossing paano 'yung pustahan nyo?"

"If I win by earning points, things will get worse before they get better. It may
only push her to try harder in taking revenge" Nagkatinginan ulit kami ni Lampe at
hindi na tinangkang umimik kaya tinignan kami ng masama ni Bossing.

"Tss. Dispose this" Iniabot niya sa aming dalawa ang isang syringe sa'kin kaya
nagulat ako. Para saan naman 'to? Si Lampe ang kumuha ng syringe at inilagay sa
pfft kumikinang na pouch bag na hawak nya.

Nag-umpisa na syang maglakad. Akala ko ba walang plano si Bossing na sumunod kanila


Ms. Aemie? Eh bakit ngayon, naglalakad na kami papunta sa direksyon na pinuntahan
nila?

"Ibang klase talaga 'tong si loverboy" Bulong ni Lampe. "Baka gusto tayong i-kama
baby Lampe" Bulong ko pabalik.

**

Jax Blaine's PoV

As we entered the VIP room, hinila ko agad sya at isinandal sa pader. I saw fear at
the same time shocked in her eyes. She wasn't really expecting this. I pinned her
against the wall. Her heart was pounding as I looked down at her. "Roswell has a
good taste" I whispered. Sinusubukan nyang manlaban kaya mas lalo kong hinigpitan
ang hawak sa mga kamay nya.

I was about to remove her dress when I felt something unusual, sumikip ang paghinga
ko. I can't move. Feels like unti-unting sumasakit ang mga kalamnan ko hanggang sa
mawalan ng pakiramdam lahat ng parte ng katawan ko. Shit! I fell on the ground. In
just a blink of an eye I can't feel anything, pero p*tang*na alam ko pa ang
nangyayari sa paligid.

Napasalampak din sa sahig si Aemie, may takot sa mga mata nya habang nagmamadali
syang kuhanin ang isang baril sa loob ng bag na dala niya.

Itinutok niya agad ang baril at pinaputok sa'kin. Shit! Funny thing is, kahit ilang
ulit niya akong paputukan ay wala akong nararamdaman hanggang sa tuluyan na akong
malagutan ng hininga.

**

Aemie's PoV

Nagising si Zeke nung tumabi ako sa kanya sa kama. Hawak-hawak ko ang note kung
saan nakasulat ang mga pangalan ng leaders ng Black Organization pati ang papel na
pinagsulatan ng rules ng game, at ang isang lighter. Pero hindi nya pinansin ang
hawak ko. "W-wife. Are you still mad at me?" Tanong nya.

-Flashback-

Kakatapos ko lang maligo at magbihis pero hanggang ngayon nandidiri pa din ako kasi
naaalala ko 'yung nangyari. Natauhan lang ako nung maramdaman kong may yumakap
sa'kin. Muntik na ako dun. Muntik na.

"Stop crying" Mababa ang tono ng boses ni Zeke habang pinupunasan niya 'yung mga
luha ko. Kanina pa pala ako umiiyak. "Muntik na ako Zeke—bakit ba kasi ang tagal
mong dumating?" Naiinis ako kay Zeke. Pakiramdam ko kasi pinabayaan niya ako
ngayon. "Alam ko namang parehas na'tin gusto manalo Zeke pero hindi ko akalain na
hahayaan mong ganon—" Naiinis ako—dahil sa nangyari, naiinis ako sa sarili ko kasi
sinisisi ko si Zeke.
Hahawakan nya sana ako pero inalis ko ang kamay nya. Pinunasan ko mag-isa ang mga
luha ko saka tumayo. "Wife—"

"Huwag mo akong kausapin!" madiing saad ko saka lumabas ng hotel suite.

**

Nagpalipas ako ng ilang oras sa chapel. At halos madaling araw na nung bumalik ako
sa hotel suite.

"Hindi ko pa pala naiitapon 'tong pinapatapon ni Mr. Roswell" Hindi ko pa


nabubuksan ng tuluyan ang pinto ng hotel suite nung matanaw ko kung ano ang hawak
ni Kaizer. Bakit may hawak si Kaizer na syringe? Pumasok ako sa loob ng hotel
suite, mabilis na itinago ni Kaizer 'yung hawak nyang syringe kaya nagpanggap na
lang ako na hindi 'yun nakita.

"Aemie, ayos ka na ba? Kanina ka pa hinihintay ni Mr. Ros—" Diri-diretso ako sa


loob ng kwarto namin ni Zeke. Wala akong pakialam sa sinasabi ni Kaizer.

Mahimbing ang tulog ni baby Bullet sa loob ng crib. Ganun din naman si Zeke na
tulog na tulog sa kama. Lumapit agad ako sa trash bin ng kwarto namin para
halungkatin ang gown na isinuot nya. Itinapon kasi ni Zeke lahat ng isinuot niya
kanina. Hayy! Bakit hindi ko mahanap ang hinahanap ko.

Nakailang halungkat ako bago ko makita ang pouch bag na gamit ni Zeke kanina. At
tama nga ang hinala ko. Nakuha ko ang isang maliit na bottle. Succinylcholine. Kung
hindi ako nagkakamali, neuromuscular paralytic drug 'to. In short, it causes all
the muscles in the body to be paralyzed. They simply stop functioning, including
those used for breathing. Hindi lang siguro agad umepekto ang gamot dahil sa dosage
na ininject.
Inalala ko ulit ang nangyari kanina, habang tinitignan si Zeke na natutulog.

Nung una, iniligtas ako ni Zeke nung muntik na akong mabaril ng tauhan ni Inigo
Rances, tapos ngayon muntik na akong mapagsamantalahan, sya pa din ang dahilan kaya
hindi natuloy.

-End of Flashback-

"I'm s-sorry it was—"

"Huwaaaa huhuhu dong" Hindi pa tapos magsalita si Zeke niyakap ko na sya agad
habang umiiyak ako. "Sorry na, galit ka ba sa'kin kasi sinisisi kita kanina? Bati
na tayo huhuhu" Inilayo niya ako sa kanya bago niya ako sinagot. "I can never be
mad at you" Huhuhu. Pagkatapos ko syang sisihin kanina hindi man lang sya
nagagalit? Abnormal talaga 'tong si Zeke eh

"Stop crying wife" Pinupunasan ni Zeke ang luha ko pero naiiyak kasi talaga ako eh.
"Ayoko na" Umiiyak na sagot ko.

"Huh?"

Ibinigay ko sa kanya ang note at papel ng rules na hawak-hawak ko at ang lighter.


"Ayoko na nyang game mo! Dinuduga mo ako," *pout* "Laging ako ang nananalo kahit
hindi naman talaga ako ang panalo"

Niyakap ako ni Zeke habang tumatawa sya. "Because that's what you want"
*pout*

Kinuha ko ulit sa kanya ang dalawang papel saka ko pinunit at itinapon sa sahig.
"Ayoko na nyan! Kaya walang panalo!!!"

Tinignan ko si Zeke kung ano ang magiging reaction niya sa sinabi ko.

Ngumiti lang sya ng nakakaloko saka ako hinila palapit sa kanya "Nah, apparently we
both won the game"

"Hin—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinalikan na agad ako ni Zeke.
Kahit kailan talaga 'to si Zeke walang manners.

=================

Chapter 44

-After 6 months-

Amesyl's PoV

"Insan balak mo pa rin ba talagang isama sa mga ninong at ninang 'yang unggoy na
'yan?" anim na buwan na ang nakakalipas simula ng mamatay sila tito EIji. Ngayon
lang nila planong ituloy ang binyag ng pamangkin ko.

Anim na buwan na ding payapa ang buhay namin. Siguro nga tama din 'yung ginawa nila
insan na hinayaan na lang nila si Terrence Von Knight. Umalis na kasi siya sa
pagiging leader ng Black Organization simula nung mawala ang iba pang leader. Kaya
ang Black Organization ay hawak na ngayon ng Yaji at Roswells.

Kalong ko ang cute na cute kong pamangkin na parang pinagsakluban ng langit at


lupa. "Bullet, gusto mo bang maging ninong 'yung unggoy?" Matatawa ka na lang kapag
nakita nyo si Bullet. Hindi man lang ngumingiti. Daig pa ang pinaglihi sa sama ng
loob.

"Kita mo insan, hindi sumasagot anak nyo. Sabi ko naman sa'yo ayaw niya talagang
maging ninong si unggoy eh"

"Huwag mo akong kausapin insan naiirita ako sa boses mo" Sagot niya. Menopausal ba
'tong si insan at napakasungit? Aba himala yata! Wala sya sa katinuan ngayon.

"Pfft. Why are you so damn serious wife?" Okay, tingin ko kailangan ko ng lumabas
ng kwarto nila dahil nandito na ang asawa niya. "Ako na muna bahala dito insan kay
Bullet ah,"

"Pareng Bullet!" Sinamaan ko ng tingin ang unggoy na naglalakad palapit at mukhang


nagbabalak na kuhanin sa'kin si Bullet.

Itinulak ko palayo ang pagmumukha nung unggoy. Pilit kasi niyang inilalapit sa
pamangkin ko ang itsura nya. Akala mo naman nakakatuwa. Eh ang sarap niyang
sampalin. "Huwag mo ngang inilalapit 'yang pamumukha mo! Kaya natatakot 'yung bata
eh"

"Psh. Sa'yo nabu-bwisit 'yan!" Aba't talagang sumasagot pa 'tong loko na 'to ah.
"Diba pareng Bullet?"

Lumingon kami sa dalawang tao na hindi mapag-hiwalay. Akala mo naman ikaka-gwapo at


ikaka-ganda nila 'yun. "Hey guys!"

"Yo mga 'tol"


"Yo Lee, Fauzia." Hindi ko alam kung anong meron dito sa dalawang 'to at bakit
parehas nakangiti. "May napapansin ka bang kakaiba dun sa dalawa?" Inilipat ko ang
tingin sa tsismosong unggoy na nagsasalita sa may tenga ko. "Bakit mo ba ako
kinakausap? Close ba tayo ha?" Feeling close din an isang 'to eh.

**

Aemie's PoV

"Ano ba Zeke naiinis ako sa'yo pangiti-ngiti ka na naman dyan!" Kakapasok lang ni
Zeke ng kwarto pinaiinit na naman ulo ko. Hindi ba nya nakikita na nag-aayos ako
dito. Hindi na nga natuloy-tuloy ang binyag ni baby Bullet eh.

Yumakap sa likod ko si Zeke saka nagsalita. "Look what I got here" Pagkasabi niya
nun ay ipinakita niya ang isang brown na supot ng drug store? "Ano 'yan Zeke, wala
naman akong sakit. Lumabas ka nga muna, an gaga-aga iniinis mo na naman ako" Dahil
hindi ko pinansin 'yung binibigay niya sa'kin. Sya na mismo nagbukas.

Kumunot lalo ang nook o nung makita ko na ang laman. "Pregnancy test?" Tanong ko.

"Ano dong, feeling chiks ka? Bakit may ganyan ka?" Ang lakas ding mangarap nito ni
Zeke, sa dinami-dami ng matitripang bilihin pregnancy test pa.

Tumawa sya kaya hinampas ko sya ng mahina sa braso. "Ayan ka na naman dong eh!
Binubwisit mo na naman ako eh"

"It's not for me. It's for you," Natatawang sagot niya saka ako hinila papunta sa
CR. "Go ahead use it. I'm fucking excited to know the result" Sya na mismo nagsara
ng pinto ng CR kaya naiwan akong nakatayo at nakatingin sa pregnancy test.

Nagulat na lang ako nung makadinig ako ng katok. "Wife are you done?"

"Kakasara mo lang ng pinto, done agad?" Nakakainis talaga 'tong si Zeke, parang
hindi nag-iisip.

Sinunod ko ang instructions na nakalagay sa likod ng lalagyan. 3 drops lang daw ng


chenes tapos hintayin na lang daw ang—"ANO BA ZEKE?! BAKIT KA PASOK NG PASOK HINDI
PA AKO TAP—" Mabilis na inagaw sa'kin ni Zeke ang pregnancy test na hawak ko saka
sya lumabas ng CR kaya naiwan akong nakaupo sa bowl. Napaka-bastos talaga nung
lalaking 'yun kahit kailan.

Dahil nasa C.R na din naman ako, at ang init ng panahon. Nag-shower na muna ako
bago lumabas ng C.R. Paglabas ko pa lang binuhat na agad ako ni Zeke at inihiga sa
kama "ZEKE!! ANO BANG—Hahahaha"

**

Kaizer's PoV

"Parang puno na ang diaper ni Bullet" Sabi ni tomboy. "Hoy unggoy. Kumuha ka nga ng
diaper sa taas papalitan ko ng diaper 'tong pamangkin ko"

"Huwaw! Makapag-utos ka kala mo—"

"O sige hawakan mo 'tong pamangkin ko, ako kukuha ng diaper. Ikaw na din magpalit
ng diaper"

Hinila ko agad si Lerwick na kanina pa tahimik na nag-iisip, pati si Lee na


napabitaw pa sa pagkakahawak ni Fauzia. At ang kakadaan lang na si Boul, para
samahan nila akong tatlo na kumuha ng diaper. Wengya! Ayoko nga magkakasalubong
landas namin ni Aemie, dahil high blood masyado tapos.

"Hahaha magluluto na lang muna kami nila Caileigh, Meisha at Cassandra ng lunch
natin"
"Oh yeah right, it's almost lunch na din pala" sagot naman ni Caileigh na kakabitaw
lang ng hawak nyang magazine.

"Kukuha lang ng diaper gusto pa isang batalyon ang kasama?" Masungit na sabi nung
tomboy. Inilapit ko muna ang mukha ko sa mukha nya na halos magkadikit nab ago ako
nagsalita. "Wala kang pakialam—Aray!!" Potek! Ang bilis ng kamay wengya!

Akmang magsasalita na ako para gantihan sya ng pang-aasar nung magsalita ulit sya.
"Kukuha ka ba ng diaper o gusto mong ikaw ang magpalit ng diaper nito ni Bullet?"

Anak ng! "Psh."

"Hahahaha wala ka pala 'tol e" Binalingan ko ng tingin 'yung tatlong ugok na
tumatawa. "Dyan nagsimula lolo at lola ko pre" Pang-aasar ni Lee habang paakyat
kami ng hagdan.

"Baka hindi mo namamalayan 'to nahuhulog ka na pala sa pinsan ni Ms. Aemie" Gatong
pa nung siraulong si Boul.

"O ano 'to mga pre harap-harapang bastusan? Nandito ako oh" Mas nakakagagong singit
ni Lerwick. "Diba baby Lampe?" wika nya sabay himas sa likod ko. "Ulul!" Bulyaw ko
sa kanya.

"Hahaha tama na—hahahaha kasi Zeke-hahahaha." Nanlaki ang mga mata ko sabay lingon
sa tatlong ungas na nakangising aso na. Sabay-sabay naming idinikit ang mga ulo
namin at—

**

Aemie's PoV

Tumigil si Zeke sa pagkiliti sa'kin nung bumukas ang pinto at tumumba sa sahig sila
Kaizer, Vash, Sebastian at Jacob. Bumangon agad ako sa kama saka ko kinuha ang
baril sa ibabaw ng side table ng kama tinanong sila. "Anong ginagawa nyo dito?"
Tanong ko pagkatutok ko ng baril. Dali-dali silang apat na tumayo.
"W-whoa t-teka. Relax Aemie, K-kukuha lang kami ng diaper ni B-Bullet" Kinuha ni
Zeke sa'kin ang baril na hawak ko pero hindi ko inalis ang masamang tingin ko
kanila Kaizer. Bakit ba kasi kahit dito sa bagong bahay namin nila Zeke kasama
namin sila? Pwede naman sa ibang bahay na sila tumira.

"Akala ko ba kukuha kayo ng diaper ni baby Bullet? Bakit nakatayo pa kayo dyan?"

"Hahaha" Inakbayan ako ni Zeke saka kiniss sa left cheek kaya inilipat ko sa kanya
ang tingin ko. "Anong tinatawa-tawa mo dyan?" Tanong ko pero lalo lang natawa si
Zeke saka ulit ako kiniss. Ano na naman ba problema nito? Pero aysa bwisitin ko ang
sarili ko, mas mabuti pang kuhanin ko na lang si baby Bullet kay insan para
alagaan. Ibinalik ko ang tingin dun sa apat na ngayon ay pangiti-ngiti na na habang
tinitignan kami ni Zeke.

"Sinabi ko bang ngumiti kayo?" Tanong ko sa kanilang apat.

**

Meisha's PoV

"Talaga? Ibig sabihin kayo na ulit ni Vash?" Tanong ni Fauzia. Nakangiting tumango
si Caileigh. I know these two will end up together, kasi kahit naman hindi sila
magsalita obvious naman na mahal pa rin talaga nila ang isa't-isa. "I'm happy for
the both of you" I said with a smile habang patuloy sa paghihiwa ng karne.

"Ibig sabihin ate na ulit kita?" May halong pang-aasar sa mga ngiti ni Milka.
"Huwag mo na ulit iiwan si kuya Vash ah" Dugtong pa niya.

"Oo naman 'no! I love him kaya"

"Eh kailan kayo magpapakasal?"


Nagtawanan kami dahil nag-blush si Caileigh sa tanong ni Milka. Pilya talaga 'tong
kapatid ni Vash. No wonder kung bakit nagustuhan sya ni Lerwick. Tumungo ako at
ipinagpatuloy ang paghihiwa nung may pumasok sa kusina.

"Oh Ame, where's baby Bullet?" Tanong ni Caileigh kay Amesyl na dumampot ng
hinihiwa ni Caileigh na carrots saka kinain. "Kinuha ni insan sa'kin eh. Sya na daw
magpapalit ng diaper at magmomoment daw sila ni baby Bullet sa labas"

"Eh si Max nasaan?" I asked habang nakangisi. I will be the happiest sister on
earth kung silang dalawa ni Max ang magkakatuluyan. I really love their tandem.
Lalong-lalo na kapag binabara ni Amesyl si Max sa mga kahanginan nito. "B-bakit ako
ang tinatanong mo?" Umiwas ng tingin si Amesyl kaya natawa kami. "Malay ko sa
unggoy na 'yun"

**

Aemie's PoV

Maganda ang panahon ngayon kaya pagkatapos kong palitan ng diaper ay dinala ko si
baby Bullet dito sa garden para basahan ng fairytale. Nasa loob sya ng stroller
habang ako naman ay nakaupo sa duyan. "Once upon a time, there was a kind girl
named Cinderella. All of the animals loved her especially the two mice name Gus and
Jaq. They'd do anything for the girl they called Cinderelly" Nginitian ko si baby
Bullet na titig na titig sa'kin. Ganyan sya lagi tuwing binabasahan ko sya ng mga
fairytale.

"Cinderella lived with her stepmother and her two stepsisters, Anastasia and
Drizella.They were very mean to Cinderella, making her work all day cleaning,
sewing, and cooking. She tried her best to make them happy. She enjoyed giving
Cinderella extra chores to do, such as bathing her cat, Lucifer." Pagkalipat ko ng
sunod na pahina ng story book ay nabaling ang atensyon ko sa pigura ng tao na
natanaw ko sa peripheral vision ko. Parang may naaninag ako kaninang tao sa labas
ng bakod na nakatingin sa'min.

Tumayo ako saglit at sinubukang ilibot ang mga mata ko sa buong paligid pero wala
naman. Siguro guni-guni ko lang.

Umupo ulit ako at pinat ang ulo ni baby Bullet na hindi inaalis ang tingin sa'kin.
"One day, a messenger arrived with a special invitation. There was going to be a
royal ball at the palace" Nakangiting pagpapatuloy ko sa binabasa ko. "The King
wanted his son to find a bride. Every young woman in the kingdom was invited—
including Cinderella." Isinara ko agad ang libro na binabasa ko dahil ang weird ng
feeling ko. Pakiramdam ko may nagmamasid sa'ming dalawa.
Binuhat ko agad si baby Bullet para pumasok sa loo—"Omygod!" Kung may sakit ako sa
puso, siguro inatake na ako sa sobrang gulat kay Zeke. "Bakit ka ba nanggugulat
Zeke?! Basta-basta ka na lang sumusulpot"

"Sorry wife, I didn't mean to scare you. I was just about to call you for lunch"
Kinuha niya sa'kin si baby Bullet saka niya hinawakan ang isang kamay ko.
Nagpalinga-linga pa ako at tumingin-tingin sa paligid habang naglalakad kami ni
Zeke papasok sa loob. "Is there something bothering you?" Tanong niya. Nasa may
tapat na kami ng main door kaya umiling na lang ako at pinilit ngumiti para hindi
na ulit magtanong si Zeke.

"Naks! Happy family ah!" Sinimangutan ko si Kaizer na pangiti-ngiti sa'min pagpasok


namin ng pinto. "Insan, pwede bang patulong dito sa kusina saglit. Hindi kasi namin
makita 'yung cheese grater" Sabi ni insan pagkalabas niya ng kusina. Lumingon muna
ako kay Zeke saglit para magpaalam. "Go ahead, I'll take care of our son"

**

Meisha's PoV

"Mamaya 'yang asaran na 'yan mauwi sa kasalan ha Amesyl-girl—Oh here's Aemie-girl


na pala. Kanina pa namin hinahanap 'yung cheese grater. Where ba nakalagay?"
Lumapit si Ms. Aemie sa isa sa mga cabinet and viola nandoon lang pala ang kanina
pa namin hinahanap. "Mata kasi ang gagamitin sa paghahanap Caileigh ha" Masungit na
sagot ni Ms. Aemie. She's a little weird these past few days.

"Hahaha sorry Aemie-girl."

"Bakit parang ang saya nyo yata. Anong meron?" Tanong ni Ms. Aemie habang tumitikim
ng cheese na gine-grate ni Caileigh. Moody, craving for cheese, I think I already
figured out kung bakit.

"Simply because... Fauzia and Jacob are getting married"


"H-ha? Kayo ba?" Natawa kaming lahat dahil ganyan din ang initial reaction namin
when we heard the news. "Papaano kayo magpapakasal eh hindi naman kayo mag-
boyfriend?" Tanong ni Ms. Aemie.

"Bakit insan nung kinasal ka ba sa asawa mo naging mag-boyfriend muna kayo?" Tanong
ni Amesyl after bitting an apple. "Insan, iba naman 'yung sa'min ni Zeke" sagot ni
Ms. Aemie pagkatapos tumingin ulit sya kay Fauzia. "Guardian angel, sigurado ka
bang magpapakasal ka kay Jacob? Baka lokohin ka lang—"

She's almost done with her line nung pumasok si Lee at lumapit kay Fauzia. Followed
by Vash na lumapit kay Caileigh. Okay, lovebirds everywhere. "Miss Aemie, mahal na
mahal ko si Fauzia at hindi ko sya lolokohin" Hindi pa din naniniwala si Ms. Aemie
sa mga sinasabi ni Lee, and it's obvious on her reaction. "Ewan ko sa inyong
dalawa"

"Congrats! Sino ikakasal—whoa Lee, hindi ka na torpe?" That's Max na kakapasok lang
dito sa kusina.

"Ulul! Sino kaya torpe sa'ting dalawa?" Lee said with a smirk.

"Inggit ka na namang unggoy ka? Palibhasa walang magkamaling pumatol sa'yo"

"Hoy tomboy huwag mo akong simulan ha!"

Ilang saglit pa ay dumating si Wallace with a bouquet of roses and gave it to


Cassandra. They're dating each other for a month now. And it's a good thing dahil
mas nanumbalik ang dating samahan nila Mr. Roswell at Wallace nung napadalas ang
pagpunta niya dito.

"Hindi mo ba kasama si JK?" Amesyl asked. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang


itsura ng kapatid ko nung magtanong si Amesyl about Jerson Ken. "Nagtext sa'kin si
Blood ang sabi may date daw sya ngayon" Max answered so I laughed. Is he jealous or
something? "Ikaw ba tinatanong ko unggoy ha?"

"Oh Zeke, nasaan si baby Bullet?"


"He fell asleep, so I put him on his crib"

Mr. Roswell and Ms. Aemie, Caileigh and Vash, Jacob and Fauzia, Max and Amesyl,
Wallace and Cassandra, and I'm now out of place.

Where's Milka and Sebastian by the way?

"I think kailangan ko na tawagin sila Lerwick para makapag-lunch na tayo" As I


walked out from the kitchen ay sinimulan ko ng hanapin sila Lerwick. Saan naman
kaya nagsuot 'yung lalaking 'yun? Una kong pinuntahan ang kwarto niya para i-check
pero wala. Tinignan ko din ang kwarto ni Milka pero wala ding tao.

Halos malibot ko na ang buong bahay nung maisipan kong lumabas. And there I saw the
both of them. Seryoso sila parehas na nag-uusap. Palapit na sana ako para tawagin
silang dalawa nung may madinig ako.

"Matagal ko ng gustong sabihin sa'yo 'to kaso takte! Hindi ko alam kung paano ko
sisimulan" Natigilan ako nung makita kong kinuha ni Lerwick ang kamay ni Milka. Oh
shit Meisha, umalis ka na. This isn't good. "Mahal na mahal ki—" I turned my back
to run away dahil hindi ko mapigilan ang luha ko. I wasn't expecting that. And it
fcking hurts like hell.

**

Sebastian's PoV

"Matagal ko ng gustong sabihin sa'yo 'to kaso takte! Hindi ko alam kung paano ko
sisimulan" Kinuha ko ang mga kamay ni Shin saka tumikhim bago ipinagpatuloy ang
sasabihin ko. "Mahal na mahal kita...Mei"

Binitawan ni Shin ang kamay ko saka ako hinampas. "Alam mo ang pangit! Wala man
lang ka-emo-emotion"

Takte! "Ano pa bang emotion ang sinasabi mo. Hindi pa ba madadama ni Mei 'yun?"
"Syempre ano ka ba naman! Habaan mo pa ng konti ang speech mo. Ilabas mo kasi lahat
ng feelings mo. Hello Lerwick! Ang tagal mo kayang tinago niyang nararamdaman mo.
Siguro naman madami-dami 'yang gusto mong sabihin diba?"

Kailangan ba talaga ganun? "Ano na? Bilisan mo na. Malapit na si Phoenix. Baka
mamaya nandi—Oh! Nandito na nga!" Lumingon ako sa kakarating lang. Tumakbo agad si
Shin para salubungin ng yakap si Phoenix Strife. Ampupu! Hindi pa ako tapos mag-
pratice sa speech ko kay Mei dumating naman agad ang isang 'to.

"Yo!"

"Yo pre!"

Nag-uusap at lambingan silang dalawa kaya sumibat na ako at pumuntang kusina.


Nakaupo na silang lahat sa dining table at mukhang mag-uumpisa ng kumain. "Oh 'tol.
Nasaan si Milka at Meisha?" Petengene! Puro loverboy pala ang nandito sa kusina.
Nasaan ba kasi si Mei? "Si Shin kasama ni Strife. Si Mei—nasaan si Mei?" Tanong ko
sa kanila.

"Akala ko tatawagin niya kayo?"

**

Aemie's PoV

"Eat a lot" Bulong ni Zeke habang patuloy sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Sige hahanapin ko muna si Mei" Para silang mga sira. Ang aga-aga pa nagtataguan
na. Hayy. "Ikaw din Zeke kumain ka ng kumain" Bulong ko kay Zeke habang nilalagyan
ko naman ng pagkain ang plato niya.
"So when is your wedding date?" Tanong ni Zeke kanila guardian angel at Jacob.
Magpapakasal ba talaga sila?

"Wala pang date Boss, pero as soon as possible sana" Tinitignan ko ang mga kamay
nila Jacob at guardian angel na magkahawak. Parang kinikilig naman ang iba pa
naming kasama dito sa kusina. "Well, congratulations" Bati ni Zeke sa kanila.
Nanatili lang akong tahimik habang nakatingin kay Jacob. "Ha-ha-ha Ms. Aemie naman,
natatakot ako sa mga tingin mo"

Bakit ba sinagot 'to ni guardian angel? Parang hindi naman nakaka-in love. Isa pa
'tong si Caileigh, nakipag-balikan pa kay Vash. Pati itong si insan mukhang
nagkakagusto na kay Kaizer. Wala ba silang taste?

"Wife, what are you thinking?" Nawala ako sa pag-iisip nung hawakan ni Zeke ang
kamay ko. "Zeke, sure ka bang matino 'tong mga kaibigan mo? Para naman kasing puro
kalokohan lang ang alam nila" Diretsong saad ko.

"Aray ko bhe! Kahit naman gwapo ako Aemie, matino naman ako" singit ni Kaizer sa
usapan namin ni Zeke. "Kita mo 'yang si Kaizer, daig pa ang naka-shabu. Laging
high" Bulong ko pa kay Zeke kaya tumawa naman sya. "Stop worrying too much Mrs.
Roswell. It's not good for our baby"

Pinasingkit ko ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Zeke. "Ano namang connect ng pag-
iisip ko kay baby Bullet?"

"Oh my gosh!"

"Congrats!"

"Naks umaariba Mr. Roswell ah!"


Naguguluhan akong tumingin sa mga kasama namin na nakangiti at nakatingin sa'min.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Zeke. Hindi ko nage-gets ang mga pangyayari hanggang
sa magsalita sya. "We're having our second baby in few months"

"Talaga dong?!"

"Yeah, so relax and eat" Pinaupo ulit ako ni Zeke para kumain. Ibig sabihin may
chance na maging Ulap Tweet Tweet ang pangalan ng sunod naming baby?

**

*yawn* Kaya pala inaantok na naman ako lagi kasi buntis ako. "You tired?"
Magkahawak ang mga kamay namin ni Zeke habang paakyat sa kwarto. Tingin ko nga
kailangan kong matulog saglit. "Uhmm medyo?" Sagot ko. Hinawakan niya ako sa bewang
at isinandal ang ulo ko sa balikat niya habang naglalakad kami.

"Buti hindi pa nagigising si baby Bullet" Sabi ko nung malapit na kami sa kwarto.
Wala kasi kaming nadidinig na ingay eh.

Pagkapasok namin ay dumiretso agad ako sa crib para i-check si baby—"OMYGOD


ZEKE!!!" Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nung makita kong walang laman ang crib.
At wala pang tatlong segundo nasa tabi ko na agad si Zeke. "FCK!" Sabay kaming
nagmadali at aligaga sa paghahanap.

Umiiyak na ako habang abot-abot ang kaba na nililibot at chine-check ang buong
kwarto. Samantalang si Zeke ay kumaripas na ng takbo palabas ng kwarto.

Nung nalibot ko na lahat ay nagmadali akong lumabas ng kwarto. Lahat na yata ng


santo natawag ko na habang pababa ako ng hagdan. "Shit wala naman sa garahe 'tol"

"Chineck ko na din lahat ng kwarto"

Hilong-hilo akong naglakad palabas ng bahay. Plano ko sanang mag-drive at


magbakasaling maghanap nung matanaw ko si Zeke sa garden.

Daig ko pa ang nabunutan ng tinik nung may makita akong baby na yakap-yakap niya
kaya agad ko silang nilapitan kahit halos hindi na ako makalakad sa sobrang hilo.
"P-paano napunta dito si baby Bullet, Dong?" Tanong ko. Ang pagkakatanda ko kasi
sabi ni Zeke sa crib niya iniwan si baby Bullet. "Take a look at this" Iniabot niya
sa'kin ang isang sulat.

Halos masuka ako dahil sa amoy ng dugo na ginamit na pangsulat sa papel.

We will take and kill your son... soon.

– Black Organization

Nagtakha ako dahil sa nakasulat sa papel. Kami na ang may hawak ng Black
Organization. Kaya anong ibig sabihin nito. "Black Organization?—Papaanong—"

"I don't know. Let's get inside wife" Lumakad na si Zeke pabalik sa bahay pero
hindi ko maiwasang ilibot ang tingin ko sa paligid kaya mas lalo akong nahilo.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na bumagsak na ako sa sahig

"Shit! Wife!"

Bago ko ipikit ang mata ko may nakita akong pigura ng lalaki sa malayo na
nakatingin sa gawi namin.

=================

Chapter 45

Amesyl's PoV

"The handsome and the beast, the handsome and the beast, the handsome and the
beast" Tumatawa si Bullet tuwing tinuturo at sinasabi kong beast 'tong unggoy na
may karga sa kanya kaya paulit-ulit ako. "Tomboy huwag mo ngang turuan ng kagaguhan
si pareng Bullet"
"Anong kagaguhan? Eh tuwang-tuwa nga sa sinasabi ko" Depensa ko. Totoo naman eh.
Bihirang-bihira tumawa si Bullet at talagang tuwing tatawagin pang beast 'tong
unggoy. "Ayaw mo nun? May silbi ka na sa mundong ibabaw ngayon. Ang patawanin si
Bullet"

"Psh. Sa sinasabi mo ba talaga natatawa o sa itsura mo?" Nakangising tanong niya.


Hinahamon ba ako nitong GGSS na 'to? "Sa'yo. Mukha ka daw kasing joke"

"Ang gwapo ko namang joke" Hahawak-hawak pa siya sa baba niya at talaga namang
nakakairita ang pagmumukha. "Alam mo—" Hindi ko pa tapos ang sinasabi ko may
nadinig na kaming yabag ng mga paa na mabilis na pababa ng hagdan.

"Kamusta na si insan?" Tanong ko. Kanina pa din kami naghihintay dito sa salas
dahil lahat kami ay nag-alala nung mawalan ng malay si insan kanina.

"She's fine. But according to her OB, she has a weak cervix and she's told to spend
much of her time lying down on the bed, for now" Sagot niya. Ang ilan sa'min ay
nagkatinginan dahil dun. Parang ang hirap ng ganun ah.

Nakakunot ang noo ko nung bumulong ako sa unggoy. "Ganyan din ba si insan noon?
Nung buntis kay Bullet?" Umiling lang siya. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan
niya. Nakatitig siya sa asawa ni insan at mukhang malalim ang iniisip. At ano naman
kaya ang iniisip ng unggoy na 'to.

Nakasunod kaming lahat sa kanya na lumapit sa bintana at sumilip sa makapal na


kurtina. "Bossing, may problema ba?"
"What do you think Lerwick?" Sagot niya habang nakatingin pa din sa labas. "Mukha
ngang may problema" Bulong nung unggoy. "A-Ano ba!" Itinulak ko ang mukha niya
palayo dahil hindi ko napansin na magkalapit na pala ang mga mukha namin.

"Ano ba problema mo?!" Nagulat din siya sa pagtulak ko kaya medyo napataas ang tono
ng boses niya. Tumingin tuloy silang lahat sa amin."Ah—-ha-ha-ha. May pinag-uusapan
lang kami Mr. Roswell nitong tomboy. Pasensya na," Nung tignan ko 'yung asawa ni
insan, nakatingin pala sya ng masama sa unggoy. Pati tuloy ako nahiya dahil pati
'yung iba naming kasama, nakatingin na sa'min nitong unggoy. Ka-lalaking tao kasi
napaka-eskandaloso.

Ilang saglit pa ay bumaba na din ang doktora na nag-checkup kay insan kaya tumayo
kami. "Okay na naman si Mrs. Roswell, pero hangga't maaari dapat ay nakahiga lang
sya parati lalo na ngayong first trimester ng pagbubuntis niya dahil malaki ang
posibilidad na makunan sya" Saad nung doktora.

"Sige po, makakaasa po kayo" Ako na ang sumagot dahil mukhang wala sa mood ang
asawa ni insan. "Iniwan ko na din sa table niya ang vitamins na kailangan niyang i-
take every day" Paalala pa nung doktora. "And please visit me regularly for her
prenatal check—"

"Can't you just fucking leave?! You're so damn loud and annoying"

"I'm sorry. I'm leaving" Magalang na paalam nung doktora saka mabilis na umalis.

Kakasara pa lang ng pinto, bigla na namang bumukas ang pinto kaya sabay-sabay
kaming napatayo at tumingin kung sino ang dumating. "What happened?" Humahangos si
tita at alalang-alala nung pumasok sya dito sa bahay. Tinawagan ko kasi agad sya
kanina nung may mangyari. Pati 'yung kuya ko at syempre tinawagan ko din si... JK,
hehe.
Lumapit ako kay tita na balisang-balisa pa sa ngayon. "Ang mabuti pa po tita,
puntahan na lang na'tin si insan sa taas" Tumingin ako sa asawa ni insan para
malaman kung agree ba sya na pumunta kami ni tita sa taas. Nung tumango siya ay
saka lang kami umakyat ni tita sa taas.

"Baby Ae!" Dali-dali si tita sa paglalakad at pagbubukas ng pinto ng kwarto nila


insan. "Mommy" Babangon sana si insan para salubungin si tita pero lumapit ako agad
sa kanya saka pinigilan siyang bumangon. "Insan ang sabi ng doctor mahiga ka lang
daw diba? Makakasama sa inyo ng baby mo 'yan sige ka" Nilipat ko ang tingin ko kay
tita dahil alam kong magtatakha siya dahil hindi pa naman niya alam ang tungkol sa
pagbubuntis ni insan.

At tulad nga ng inaasahan kong reaction niya. Halatang nagulat siya pero hindi na
siya kumibo. Lumapit din siya kay insan para umupo sa tabi ng kama.

"Nawalan po kasi ng malay kanina si insan nung inakala naming nawawala si Bullet"
Ako na ang unang nagpaliwanag dahil tahimik lang si insan. "Mommy, dito po kasi
iniwan ni Zeke si baby Bullet. Kaya nakakapagtakha naman masyado kung sa garden
namin siya makikita diba?" Dugtong ni insan. Nakakapagtakha naman talaga kung
papaano napunta ang pamangkin ko dun. Eh ni hindi pa nga 'yun marunong maglakad.

"Tapos ang nakakapagtakha pa po, may sulat pang nakalagay" Sabi pa ni insan.

"Sulat?!" Sabay kami ni tita na nagulat sa sinabi ni insan kaya nagkatinginan din
kami. "Anong sulat baby Ae?" Tanong ni tita.

"Nakalagay po na kukuanin nila si Baby Bullet, tapos nakalagay po na galing daw


'yun sa Black Organization" Sagot ni insan. Paano naman mangyayari 'yung sinasabi
niya? Eh hindi ba't kanila na ang Black Organization. "Ibig bang sabihin insan may
gumagamit ng pangalan ng Black Organization? Imposible naman kasi, diba? O kaya
pwede ding dating leader ng Black Organization ang gumagawa niyan" Biglang sumagi
sa isip ko si Terrence Von Knight na umalis na sa Black Org. Hindi kaya sya ang
gumagawa nitong mga 'to?
"Amesyl, mabuti pa tawagin mo muna si Roswell sa ibaba para makapag-usap kaming
tatlo nila baby Ae dito sa kwarto. Pakisabi din na isama niya ang apo ko dito" Utos
ni tita Alyana.

"Sige po tita." Mabilis na sagot ko. "Insan, sa baba muna ako" Tumangi si Aemie
sa'kin saka bumalik sa pag-iisip niya ng malalim.

**

Sebastian's PoV

Kanina pa dumating 'yung bulaklak na pina-deliver ko pero petengene! Hindi ako


makakuha ng tyempo para kausapin si Mei. "M-Mei" Takteng dila naman 'to ngayon pa
nautal. Buti na lang at gwapo ako kaya hindi masyadong halata.

Tinignan ako ni Mei kaya napalunok ako. "P-pwede ba kita makausap?" Halatang wala
sa mood si Mei pero kailangan ko na sya makausap bago pa malanta 'tong hawak kong
bulaklak sa likod ko. "Wala tayong pag-uusapan Lerwick" Umiwas agad ng tingin si
Mei at nag-umpisang maglakad palayo. Shit naman!

Tumakbo ako para habulin si Mei pero binilisan niya rin ang paglalakad.Hinawakan ko
ang kamay niya para pigilan syang makalayo pero inalis niya ang pagkakahawak ko.
"Lerwick ano ba!" Hinawakan ko ulit si Mei. "Makinig ka muna sa'kin Mei" Huminto si
Mei sa paglakad palayo kaya pumwesto ako sa harap niya.

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa kamay niya saka sya nag cross-arms. I gulped.
Halatang wala sa mood si Mei pero futa! Wala ng atrasan to. "Ano ba kasing
sasabihin mo?" Shit ito na! Potek!

Ano nga ba 'yung pinraktis ko kaninang linya? Tang*na! Bakit ngayon ko pa


nakalimutan?! Takte naman! "Pinagti-tripan mo ba ako Lerwick? Hindi na kasi
nakakatuwa" Tumatagaktak na ang pawis ko sa noo sa sobrang nerbyos at mas lalo pa
akong kinabahan nung tignan ko si Mei. Nangingilid na ang luha niya sa mga mata.
Amputs!

"A-ano kasi Mei" Humigpit ang hawak ko sa bouquet ng bulaklak na nasa likod ko
dahil sa sobrang kaba. Umalis na ng tuluyan si Mei kaya naiwan akong nakatayo at
hindi pa rin nasasabi sa kanya ang gusto kong sabihin. Shit!

Lumingon ako at tinignan sya habang mabilis na naglalakad palayo. "Mahal na mahal
kita Mei" Katamtaman lang ang lakas ng boses ko para madinig ni Mei.

Tumigil sya sa paglalakad kaya nagsimula na akong magsalita habang naglalakad


palapit sa kanya. "Mahal na kita noon pa man, kaso lintek na 'yan! Hindi ko alam
kung paano poporma" Natawa ako at napailing. "Sa dinami-dami ba naman kasi ng babae
sa mundo na pwede kong magustuhan, 'yung babaeng may mahal na iba pa ang minahal
ko. Tang*na diba?" Nung makalapit ako kay Mei, iniabot ko sa kanya ang bouquet ng
bulaklak na kanina ko pa hawak-hawak.

Pinunasan ko ang luha niya sa pisngi. Saka ko itinuloy 'yung sasabihin ko.
"Nakakatawang isipin. Ang gwapo kong nilalang pero ang torpe ko sa pag-ibig"
Sinamaan ako ni Mei ng tingin kaya binawi ko agad ang sinasabi ko. Takte! Nagbibiro
lang naman ako dahil ayoko syang nakikitang umiiyak.

Tang*na heto na naman ako at hindi ko na naman masabi ang gusto kong sabihin.
Amfufu! Napahilamos ako ng mukha dahil nakatingin sa'kin si Mei. "A-ano Mei. P-
pwede bang manligaw?" Hooooo! Syet! Nasabi ko din!
**

Kaizer's PoV

Natahimik ang buong paligid nung matanaw namin si Mei na naglalakad sa hallway sa
tapat mismo namin. "Anak ng!" Bulong ko, nung makita kong umiiyak ang ate ko.
Tatayo sana ako para lapitan sya pero pinigilan ako nung tomboy na katabi ko.
"Tignan mo 'yun oh" Bulong niya habang turo-turo ang naglalakad palapit at may
hawak na bulaklak. Wengya!

"A-ano Mei. P-pwede bang manligaw?"

Pinipigilan kong matawa habang patuloy si Lerwick sa pagdiskarte sa kapatid ko.


Ibang klase 'tong dalawang 'to ah, dito pa talaga sa harap naming lahat piniling
magligawan.

Wala namang kaso sa'kin kung sila ng kapatid ko ang magkatuluyan. Mas pabor pa nga
sa'kin 'yun dahil madali ko syang mapapatay oras na lokohin nya kapatid ko.

"D-diba si Milka ang mahal mo?"

"Huh?"

Nagkatinginan kaming dalawa nung tomboy na katabi ko saka kami sabay na tumingin
kay Milka. Aba'y gago 'tong si Lerwick ah. Dalawa-dalawa kinakana?
Tumingin sa'min si Milka saka sya umiling. Hinigpitan niya ang hawak niya sa braso
ni Phoenix Strife saka isinandal ang ulo niya sa balikat nito. Wengya! Oo nga
naman. May Strife na si Milka, ano bang sinasabi nitong kapatid ko?

"Nadinig ko kanina pag-uusap nyo ni Milka... sabi mo..." Tumungo ang kapatid ko
kaya binalingan ko ng masamang tingin si Lerwick. Gago 'tong si Lerwick ah! Tatayo
na ulit sana ako para lapitan sila pero pinigilan na naman ako nung tomboy sa tabi
ko. "Huwag ka na sabing mangialam" Bulong niya ng may diin. Anak ng!

Tinignan ko ang mga kasama namin, at takte lang! Bakit nakangiti silang lahat?
Hindi man lang ba nila nakikita na gingago na nitong si Lerwick ang kapatid ko.
Wengya!

"...sabi mo mahal mo si Milka" Pagpapatuloy ng kapatid ko. Aba'y matinde! Talaga


namang—"Hahahaha! Ate Meisha, nagpa-practice lang kami kanina ni panget ng speech
niya para sa'yo" Gulat na gulat silang dalawa na tumingin sa amin. Sa madaling
salita, hindi nga nila alam na nandito kami? Ampotek 'tong mga 'to!

**

Sebastian's PoV

Shit! Bakit sila nandito? Napahilamos ako ng mukha dahil sa kahihiyan. Tinamaan ng
lintek! Pati mga siraulo nandito pa. Hindi na nga ako magkaintindihan sa sobrang
kaba, tapos may audience pa pala kami. Nakakunot ang noo ni Mei habang nakatingin
kanila Shin at Strife na magkahawak ang mga kamay ngayon. "Totoo 'yung sinasabi ni
Shin, Mei. Nagpapatulong kasi ako kanina. Takte!" Tinignan ko ng masama sila Lampe,
Boul at Lee nung sumisimple ng tawa.
"Torpe kasi 'yang pangit na 'yan ate Mei" Inilipat ko ang masamang tingin ko sa
kapatid ni Boul. Kung hindi lang 'to cute matagal ko na 'tong pinatulan eh. Ayos na
diskarte ko eh. Dinudugtungan pa ng ganun petengene! "Ahh Mei" Tinawag ko si Mei
kasi mukhang di pa din sya naniniwala.

"Psh. Oo na. Sige na, sige na" Tumalikod si Mei sa'kin at akmang maglalakad na
palayo kaya pumwesto ulit ako sa haapharap ni Mei at hinawakan ang magkabilang
balikat niya. "Anong oo na Mei?! Ibig sabihin tayo na?"

"Hoy gago! Anong kayo na?! Ang sabi mo kanina liligawan mo lang kapatid ko"
Tinignan ko ng masama si Lampe na malakas bumasag ng trip. Tang*nang 'to! Hindi na
nga pinansin ni Mei eh, pinansin pa niya. "Huwag kang magselos baby Lampe, ayaw mo
ba nun? Kapag kami ni baby Mei nagkatuluyan, araw-araw na tayong magkasama sa
bahay" Sabi ko kay Lampe sabay kagat sa mapupula kong labi at akbay kay Mei.
"Awts!" Napahilamos ako sa gwapo kong mukha nung ihampas sa'kin ni Mei ang bulaklak
na hawak niya. Paksyet! Nawala tuloy pagkaka-akbay ko sa kanya.

"Baliw ka talaga!"

"Baliw sa'yo" Sabi ko sabay kindat kay Mei.

Natawa si Mei kaya umakbay ulit ako. "Lerwick 'yang kamay mo ah" Tinapunan ako ng
masasamng tingin ni Mei kaya inalis ko na pagkaka-akbay ko habang tumatawa. "Haha
biro lang. Labyu!"

Sinamaan ako ng tingin ni Mei kaya napakamot ako ng batok. Ang ganda talaga ni Mei
paksyet! Palihim akong ngumiti dahil takte! Ayokong magmukhang siraulo dito na
pangiti-ngiti.

"Tita Alyana!" Sabay-sabay kaming napatingin sa direksyon ni Ma'am Alyana na


nagmamadaling lumabas ng bahay. Kasunod niyang naglalakad ang pinsan ni Miss Aemie
na tumayo sa sofa para sundan siya. "Tita saan po kayo pupunta?" Humarap si Ma'am
Alyana. Inilibot niya ang tingin niya sa'min bago niya tinignan ng mata sa mata ang
pinsan ni Miss Aemie. Takte! Mukhang rakrakan na naman 'tong iniisip ni Ma'am
Alyana ah.

"May aalamin lang ako. There's nothing to worry about" Sabi niya. 'Yun naman pala
eh! Ngumiti siya sa'min saka ulit nagsalita. "Ang mabuti pa, asikasuhin nyo na ang
binyag ng apo ko. Ang gusto ni baby Ae at Ezekiel ay sa isang araw na gawin ang
binyag" Dugtong pa niya.

Whoa! Syet! "Ang bilis naman yata?" Tanong ko. Kung sa bagay, anim na buwan na din
naman ang gwapo kong inaanak na mana sa'kin. "It's for the better," Sagot niya saka
niya kami tinalikuran at naglakad palabas ng pinto.

**

Amesyl's PoV

"Insan, anong sabi ng pari? Pwede ba raw siya sa isang araw?" Inaayos ko ang
pagkain ni insan na personal na niluto ng asawa niya. Kaso hindi din naman siya
nagawang pakainin dahil umalis din agad pagkatapos magluto. Karga-karga ni insan si
Bullet kahit na nakaupo siya sa kama. "Oo insan. Naipadala na rin namin ang mga
invitations kanina pagkaalis pa lang ni tita kaya tuloy na tuloy na ang binyag ni
Bullet sa isang araw" Sagot ko.

"Ahh eh saan nagpunta si Zeke?" Tanong ulit niya.

Hindi ba sinabi sa kanya ng asawa niya? Kasi hindi ko din alam kung saan nagpunta.
Ako ba ang asawa? "Hindi naman sinabi insan" Tipid na sagot ko habang nag-aayos ng
pagkain sa tray.
"Yun talagang lalaking 'yun, hindi mapirmi dito sa bahay" Pfft. Bugnot na bugnot na
naman si insan as usual. "Amina na muna si Bullet insan, kumain ka muna" Sabi ko
naman saka ko kinuha si Bullet at ipinatong sa tabi niya ang tray ng pagkain.

Iniwan ko muna si insan sa kwarto habang kumakain siya. Ako na muna ang nag-alaga
kay Bullet. "Hoy unggoy!" Tawag ko sa unggoy na nasa may tapat lang din ng kwarto
nila insan. Agad naman siyang lumapit sa'kin kahit nakakunot ang noo niya. "Saan
nagpunta asawa ni insan?" Tanong ko. "Tinatanong sa'kin kanina hindi ko alam
isasagot eh. Kilala mo naman si insan, mamaya hahanapin na naman ang asawa niya"
Dugtong ko pa.

"Hindi ko alam eh. Wala ring nabanggit sa'min si Mr. Roswell" Tinitigan ko si
unggoy na nag-iisip ng malalim. Kung titignan pala, kapag seryoso may itsura rin
naman pala siya kahit papaano. "Baka naman aalamin niya kung sino ang may gawa nung
kanina?" Pero mas gwapo pa rin talaga si JK.

"Ano sa tingin mo tomboy?" Hhmm pero parang parehas lang naman sila, huwag lang
aandar ang pagiging mahangin nitong unggoy na 'to.

"Hoy tomboy!" Nagulat ako nung bigla syang nag-snap ng daliri niya sa mukha ko.
"Sinasabi ko na nga ba't pinagpapantasyahan mo ang gwapong-gwapo kong mukha eh.
Patawag-tawag ka pa dyan ng unggoy kunwari ha, pinagnanasaan mo naman pala ko. Anak
ng tino—Aray!"

Sinungalngal ko sa mukha niya ang pacifier na subo-subo kanina ni Bullet. "Ang


kapal ng mukha mo!" Sabi ko saka ko sya tinalikuran. Tss. Ang yabang! Akala mo
gwapo. Mukha namang unggoy.
=================

Chapter 46

Aemie's PoV

Ang daming pauso nung doktora na nag check-up sa'kin. Feeling ko naman okay ako.
Tumayo ako para tumulong sa pag-aayos sa binyag ni baby Bullet. "Insan okay na ba
'yung-"

Kakapasok lang ng kwarto namin si insan kaya gulat na gulat siya. "Ano ba insan!
Diba ang sabi sa'yo ng doctor, mahiga ka lang lagi?!"

"Alangan namang umattend ako ng binyang ni baby Bullet habang nakahiga dito sa
kama?!" Nakakainis 'to si insan, nahahawa na yata kay Kaizer. Inirapan niya ako at
ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa may cabinet ni baby Bullet. "Psh, insan
kapag may nangyari sa'yo babatukan pa kita. Ang tigas talaga ng ulo mo kahit
kailan" Dumiretso na ako sa C.R para maligo bago pa ako tuluyang mainis sa mga
sinasabi ni insan.

"Bakit nandito ka pa din?" Tanong ko sa kanya. Nakakainis kasi tapos na kasi ako
maligo pero nandito pa din sya sa kwarto namin ni Zeke. Ano balak pa niya ako
panuorin magbihis? Baka gusto pa niyang magpasko dito sa loob ng kwarto.

"Napaisip lang kasi ako insan, ano ba. Hindi k aba nag-aalala?" Kumunot ang noo ko
sa tanong niya. Pero dumiretso ako sa may vanity table para mag-ayos. "Nag-aalala
saan?" Tanong ko.

"Syempre binyag ngayon ng pamangkin ko, madaming invited na kung sino-sinong tao.
Baka mamaya-huwag naman sana" Pagtutuloy niya habang kumakatok sa lamesa na malapit
sa kanya. Para namang may pinto 'yung lamesa at pakatok-katok pa sya.

"Ang layo naman ng narrating ng imagination mo insan" Sabi ko sa kanya. "Wala naman
mangyayari kay baby Bullet 'no. Nandyan naman si Zeke" dugtong ko pa habang
nagsusuklay ng buhok. "Alam ko, pero nandyan din naman asawa mo nung may mawala si
Bullet at mapunta sa garden diba?" Natigilan ako saglit sa sagot ni insan. May
point nga sya. Idagdag mo pa 'yung sulat na nakalagay doon nung makita namin si
baby Bullet.

"Pero may tiwala ako kay Zeke" Tipid na sagot ko saka ipinagpatuloy ang
pagsusuklay.

Ilang segundo pa ay pumasok si Zeke sa loob ng kwarto "Getting ready?" Tanong niya.
Tumango ako dahil nakatingin ako sa reflection niya sa salamin. Buhat-buhat niya si
baby Bullet. Parehas silang nakabihis na. Ako na nga lang yata hinihintay nila eh.

Lumabas na si insan sa kwarto, si Zeke naman naupo sa dulo ng kama nung mailapag na
niya si baby Bullet sa crib. Oh ano naman 'to si Zeke, ka-relyebo ni insan sa
panunuod sa'kin? "Dong, hindi ka ba lalabas?"

"Nah"

"Eh magbibihis ako!"

"Okay" Sagot niya. Pero nakaupo pa din sya sa kama kaya binato ko sya ng suklay na
sinalo lang niya. Hayy! "Anong okay Zeke? Sabi ko magbibihis ako"

"Do what you want wife. No one's stopping you" Tinignan ko sya ng masama kaya
tinawanan niya ako na lalong nakakapag-init ng ulo ko. "Why?" Natatawang tanong
niya "Oh I get it, you want me to put your clothes on?" Mas lalo pang lumakas ang
tawa niya kaya binato ko sya ng lotion, pulbo, sanitizer at tissue box na walang
kahirap-hirap niyang inilagan lahat. "Naiinis na ako sa'yo Zeke ah"

"Pfft. Hahaha. Okay, okay I'm sorry. I was just teasing you" Tumayo na sya at
pinulot lahat ng ibinato ko saka naglakad palapit sa'kin. "I will wait behind the
door until you're done. Call me if you need anything" Humalik sya sa noo ko bago
naglakad palabas ng pinto. Tumayo naman ako at naglakad na din papuntang closet.
Aalisin ko na sana ang bathrobe na suot ko nung bumukas ang pinto ng kwarto. "I
love you so damn much wife"
"Dong naman eh!" Nakakainis talaga 'to si Zeke.

**

Amesyl's PoV

Nauna na kaming pumunta sa simbahan na paggaganapan ng binyag. Puro mga ninong at


ninang lang naman ang pupunta dito sa simbahan. Ang ibang bisita diretso na sa
reception, ganun naman lagi eh diba?

Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari. Nandito kasi ang kuya kong si Andrei at may
kasamang babae. "Andrea!" Ayan ang tawag niya sa'kin. Sabi ng mas gusto ang Amesyl
eh. Doon na ako nasanay, kahit na kay Caileigh naman talaga ang pangalan na 'yun.
Gulo namin diba?

"Ano?" Wala sa mood na sagot ko kaya lumapit sa'kin, hila-hila ang kamay ng babaeng
kasama niya. "Si Suzette nga pala girlfriend ko. Si Andrea, kapatid ko" Nagulat ako
sa sinabi niya kaya tinignan ko ang kasamang babae ni kuya Andrei mula ulo hanggang
paa. Sus! Akala ko ba si insan ang gusto nito? Moved on agad?

Magsasalita sana ako at lalaitin ang babaeng kasama ng kuya ko nung may matanaw ako
sa malayo na kakababa lang ng kotseng itim. "Si JK" Bulong ko. "Pfft." Natatawang
umalis ang kuya ko, kasama 'yung babae na ka-holding hands pa niya. Sigurado ba sya
sa isang 'yun? Parang hindi ko gusto eh.

Gumuhit ang mga ngiti ko sa labi nung magtama ang mga mata namin ni JK. Nakakahiya
pa nga dahil naka-dress ako ngayon, bihira pa naman akong magsuot ng ganito.
Ngumiti sya habang naglalakad kaya lalo ako napangiti. Ang akala ko lalapitan niya
ako pero nag-iba ang direksyon ng tingin niya. Umikot sya sa may passenger seat
para buksan ang pinto.

Mabilis na nawala ang mga ngiti ko nung makita kong inalalayan niya ang babae na
bumaba ng kotse niya. Sino naman ang babaeng 'yun? Ang sweet pa ng tingin nila sa
isa't-isa at parang ang saya-saya nila parehas. Nangingilid na ang mga luha ko pero
kahit gusto ko alisin ang tingin ko sa kanila, hindi ko naman magawa.

"Yo 'tol!" Naksunod ang tingin ko sa unggoy na bumati kay JK. "This is Camila,
girlfriend ko. And honey, he's Kaizer. 'Yung sinasabi ko sa'yong kababata ko"
Pormal na pagpapakilala niya sa babae. Lumingon si unggoy sa direksyon ko
pagkatapos magsalita ni JK kaya iniba ko agad ang direksyon ng tingin ko dahil pati
si JK tumingin sa'kin. Kahit kailan talaga pahamak ang isang 'yun eh.

Wala akong kagana-ganang lumakad palayo sa kanila. Sa loob ng simbahan na lang


siguro ako maghihintay. "Andrea" Huminto ako sa paglalakad nung madinig ko ang
boses ng unggoy. "Ano?" Sagot ko, pero hindi ko sya nililingon. At sino nagbigay sa
kanya ng karapatang tawagin ako sa totoong pangalan ko?

"Ayos ka lang ba?" Pumwesto pa sya sa harap ko at tumitig sa mukha ko kaya umiba
ako ng tingin. Ayoko namang masira ang binyag dahil lang sa pag-iinarte ko. Kahit
wala na ako sa mood at gustung-gusto ko ng umuwi ngayon. Minabuti kong hindi na
lang sagutin ang tanong nung unggoy. Naglakad na ulit ako.

"Oy Andrea"

Buti na lang dumating na sila insan. Kaya hindi na din nagkaroon ng chance 'yung
unggoy na kulitin ako dahil nagsimula na ang ceremony.

Hanggang sa matapos ang binyag ay nanatili lang akong tahimik at walang kibo. "Ame-
girl, are you alright? May sakit ka ba?"" Nag-aalalang tanong ni Caileigh nung
naglalakad na kami palabas ng simbahan para pumunta sa reception. "Wala, naiinitan
lang ako" Matipid na sagot ko. Magkahawak sila ng kamay ni Vash Boulstridge kaya
lalo akong nabi-bitter. Kahit saan ako tumingin puro mga sweet na magjowa ang
nakikita ko. Oh sige na! Sila na ang masaya sa lovelife nila. Ako na ang
brokenhearted!

Tumigil ako sa mismong pinto ng simabahan nung makita ko sila na kanya-kanyang


sumakay sa mga dala nilang sasakyan. Daig pa nila ang mga gradeschool na pumarada
dahil by partners pa talaga sila. Si Fauzia sumakay sa kotse ni Jacob. Si insan sa
sasakyan ng asawa niya syempre kasama ni Bullet. Si Caileigh sa kotse ni Vash. Si
ate Meisha sa sasakyan ni Seb. Si Milka sa kotse ni Phoenix. Si Cassandra sa kotse
ni Wallace. Si Kuya Andrei kasama 'yung sinasabi niyang girlfriend niya.

At si Jk... kasama 'yung babaeng girlfriend niya daw-

"Pamangks, gusto mong sumabay sa kotse ko?" Lumingon ako kay tita Alyana na
kakalabas lang din ng simabahan. Mukhang wala naman akong choice, dahil ang ibang
ninang at ninong ay may kanya-kanya ding sasakyan.

"Ma'am Alyana, ako na lang po magsasabay kay Andrea"

Tiningnan ko ng masama ang unggoy na nasa tabi ko na. Anong balak nito? Aasarin na
naman niya ako? "Alright. See you both sa reception"

"Wait tita!" Sinubukan kong pigilan si tita Alyana dahil mas gusto ko sa kanya
sumabay kaysa bwisitin lalo ang sarili ko kasabay nitong unggoy na mukhang tao.
Pero pakiramdam ko kasabwat nito na nang-aasar si tita dahil diri-diretso sya at
parang walang nadinig habang tumatawa.

"Tara na tomboy" Nagpanting ang mga tenga ko nung madinig ko na naman ang boses
niya. "Wala ako sa mood makipag-asaran sa'yo unggoy ha"

"Oh bakit mainit na naman ulo mo dyan? Kaya nga ako nandito kasi tignan mo. Mukha
ko pa lang nakakaganda na ng araw" Mabilis ko syang tinignan ng masama dahil tinalo
niya pa ang mga naglalakihang poste dito sa simbahan sa sobrang kapal ng mukha.
"Kakasimba lang unggoy, huwag ka magsinungaling. Lulunurin kita sa holy water para
mawala 'yang masamang espiritu sa pagmumukha mo"

"Aba matinde! Ikaw na nga 'tong pinapagaan ang loob ayaw mo pa? Bahala ka dyan"
Naglakad sya palayo sa'kin para pumunta sa sasakyan niya. Akala mo naman hahabulin
ko sya? Sige lang. Edi umalis sya. Pwede naman akong makisabay sa-

Nasan na ang ibang tao? Tumingin ako sa buong paligid. Tahimik na tahimik na ang
buong lugar at tanging ihip na lang ng hangin ang nadidinig ko. Tumingin ako sa
kotse nung unggoy nung madinig kong buksan niya ang engine ng sasakyan niya "Hoy
unggoy!" Nagmadali na akong bumama sa hagdan, para habulin ang papaalis na kotse.
"Ihahampas ko talaga sa tuktok mo 'tong takong ng sapatos na suot ko kapag hindi ka
tumigil"

Ikinakaway-kawa pa niya ang kaliwang kamay niya sa labas ng bintana habang dahan-
dahang pinapaandar ang kotse. "bakit ba kasi kailangan pa mag high heels" Angal ko
habang nagmamadaling bumba ng hagdan ng simbahan. Ang hirap tuloy tumakbo, bwisit!

"Hahaha dali tomboy" Inalis ko parehas ang suot kong heels saka tumakbo at sumakay
sa kotse. "Aray! Ano ba!" Pumapalatak pa sya habang hinihimas ang ulo niya na
pinukpok ko ng takong ng sapatos. "Napakawalanghiya mo talaga! Bakit kailangan mo
pa akong pahabulin sa'yo?"

"Hahahaha pasensya. Ganyan talaga mga gwapo habulin ng chiks, kahit nga tomboy kita
mo humahbol sa kagwapuhan ko"

"Psh! Kotse ang kailangan ko, hindi ikaw. Bilisan mo na nga lang mag-drive!"
"Aba't! Wala ka ring utang na loob eh 'no? Pinasakay na kita, ikaw pa nagagalit.
Tsk tsk tsk"

"Ako pa ang walang utang na loob? Eh pasasakayin mo lang ako, kailangan mo pa akong
pahabulin?" Naiirita na ako ha. Konti na lang tatadyakan ko na 'to palabas ng kotse
niya. "Palibhasa sanay na sanay kang tumakbo at sumabit-sabit sa mga puno" bulong
ko pa. "Aray! Ano ba! Bakit bigla kang pumepreno?!" Bulyaw ko nung mauntog ako sa
salamin ng pinto na katabi ko.

"Hahahaha" Tumawa lang sya saka nagmaneho ulit. "tatawa-tawa pa, kala mo
nakakatuwa" bulong ko. Naghihintay ako na sumagot ulit sya ng pang-aasar pero
mukhang hindi naman sya naaasar dahil pangiti-ngiti pa sya habang nagda-drive. "Ano
bang ngini-ngiti ngiti mo dyan?" Iritang tanong ko. Mas lalo pang kumunot ang noo
ko nung hindi sya sumagot.

"Aray!" daing niya ng hindi inaalis ang tingin sa daan pagkatapos ko syang batukan.
"bakit ka nga pangiti-ngiti? Nag-hahallucinate ka na ba at tingin mo sa kalsada ay
saging kaya maligayang-maligaya ka?"

Tumawa sya ng mahina bago sinagot ang tanong ko. "Natatawa lang ako kasi hindi mo
na iniisip ngayon si Blood. Samantalang kanina, para kang pinagsakluban ng langit
at lupa" Napasandal ako sa sandalan ng inuupuan ko dahil sa sinabi niya. Oo nga
'no? Hindi ko na naalala na brokenhearted nga pala ako. Ito kasing unggoy na 'to
ang lakas mambwisit. "Malakas talaga makapagpabago ng mood ang kagwapuan ko ano?"

"Oo kanina, bwisit lang ako. Ngayon, bwisit na bwisit na bwisit na ako"

"Asus! Talaga ba?"

Hindi ko na pinatulan ang pang-aasar niya at tumanaw na lang bintana.

**
Aemie's PoV

"Hayy! Ito talagang si Zeke, nakakainis" Kanina ko pa dinudutdot ang chocolate ice
cream na kinakain ko. Iniwan kasi ako ni Zeke dito sa isa sa mga lamesa. Ang sabi
pa niya, huwag daw akong aalis dito para hindi ako mapagod. Kaya wala akong magawa
kung hindi ang tanawin na lang ang mga bisita.

"Kayo po ba ang mommy ni baby Bullet?" Tanong ng isang cute na cute na batang babae
na may dala-dalang regalo. Tumigil ako sa pagkain saka nakangiting tumango sa
kanya. Ang cuteeee! Nag-smile din sya sa'kin. Hehehe. "Bakit mo naitanong?" Tanong
ko sa kanya.

"May nagpapabigay po kasi nito" Kinuha ko naman sa kanya ang regalo saka ulit
ngumiti. "Thank you. Ang cute-cute mo naman" Kinurot ko pa ng mahina ang pisngi
niya dahil nakakagigi. Gusto ko ngang punuin ng kiss ang pisngi niya eh kaso
tumakbo na sya palayo sa'kin.

"Kuya paki-dala naman 'to dun sa mga lalagyan ng gifts" Sabi ko sa napadaan na
waiter. "Opo Ma'am" Magalang na sagot niya. Sinundan ko ng tingin si kuyang waiter
kung dadalhin nga niya sa lalagyan ng regalo. Nakita ko kasi syang inaalog-alog ng
mahina ang box, akala ko may interes sya sa regalo eh. Pati ba naman si baby Bullet
aagawan niya ng-"Omygod!"

Napatakip ako ng bibig nung sumabog ang regaling ipinatong niya. Buti na lang medyo
malayo na si kuyang waiter, at mahina lang ang pagsabog. Lahat ng mga bisita
nakatingin na din sa lugar na 'yun. Buti medyo isolated 'yung table na pinapatungan
ng mga gifts kaya walang nasaktan. Pera teka-

Sino naman ang may gawa nun? "ate" Tumingin ako sa batang lalaki na humihila ng
suot kong dress. "Ate may nagpapabigay po nito" Inabot niya sa'kin ang isang white
envelope. Mabilis ko 'yung itinago sa loob ng pouch na awak ko nung dumating si
Zeke.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya. Tumango ako at tumingin ulit sa table na
may mga tao na ngayon na mabilis na nililinis ang pinagsabugan. Nandoon din si
Sebastian na mukhang nakikitsismis sa nangyari. "Sorry Aemie, hindi na ako naka-
attend kanina sa simbahan. May dinaanan pa kasi ako" Hindi ko pa sya nakikita, pero
kilala ko na agad kung kaninong boses ang nagsalita dahil simula naman high school
kakilala ko na sya talaga.

"Louie" Ngumiti ako sa kanya at hindi pinapahalata ang pagtatakha ko sa itsura


niya. Ibang-iba na sya kumpara noong nakakasama namin sya ni insan. Parang ang
mature na niya kumilos at iba na din sya kung tumingin. "Okay lang 'no. Ang
importante pumunta ka" Dagdag ko pa.

May kasama syang hindi ko kilalang babae na agad din naman niyang ipinakilala nung
mapansin niyang nakatingin ako sa babae na kasama niya. "Si Angelique, fiancée ko
nga pala" Mas lalo akong napatitig sa babaeng kasama niya nung sabihin niyang
fiancée niya. Pagkatapos ni insan, si Grethel tapos ito namang babaeng 'to?

Tinignan ko si Zeke na nakatingin kay Louie at sa kasama niyang babae. "Dong. Nasan
si baby Bullet?" Napansin ko kasing hindi niya hawak-hawak si baby Bullet. Wala din
namang hawak si insan, Kaizer at ang iba pa naming kasama.

Tumingin sa'kin saglit si Zeke saka biglang napamura "Damn!" Mabilis syang umalis.
Tatayo din sana ako nung hinarangan ako nung babaeng kasama ni Louie. "I'm so glad
na nagkakilala na din tayo. Matagal ka na kasing naikwento sa'kin ni Louie"
Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko kaya tinignan ko iyon bago ko ibinalik ang
tingin ko sa kanya. Wala naman syang ginagawang masama sa'kin pero pakiramdam ko
kumukulo ang dugo ko sa kanya.

"Excuse me, hahanapin ko lang anak namin" Wala sa mood na sagot ko. Ayokong maging
bastos, pero naiinis talaga ako sa kanya.

"What an attitude. You'll thank me someday Aemie Ferrer-Roswell. Mark my words"


Hinawi ko ang kamay niya na nakalahad pa din sa harap ko dahil sa sinabi niya.
"Hindi tayo close, kaya huwag kang FC" Umalis na ako pagkasabi ko nun bago pa ako
tuluyang mainis.

**

Amesyl's PoV

Bumalik ako sa pagkakaupo nung may mag-announce na wala lang daw ang nangyaring
pagsabog kaya walang dapat ipag-alala. Pati ang mga bisita at mga batang aliw na
aliw sa party ay bumalik sa kani-kaniyang ginagawa.

Ako? Ito, mag-isa sa isang round table. Hindi naman ako mahilig sa party. At wala
din akong makausap dahil busy silang lahat sa mga lovelife nila.

"This is so good" Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa girlfriend ni JK na


sinusubuan pa niya habang kumakain. Nakaupo sila sa kabilang round table na katapat
lang ng table ko.

Paralisado ba 'tong lintek na 'to at gusto pa sinusubuan sya?Natatawa pa si JK at


sweet na sweet na pinunasan ng tissue ang gilid ng labi nung disabled niyang
girlfriend. Ang baboy kasi kumain. Kakain lang, may kumakalat pa sa gilid ng bibig.

Psh. Nagugutom na ako kaso nakakatamad naman makipagsiksikan sa mga taong pabalik-
balik sa buffet table.

"Hoy" Tinapik nung sira-ulong unggoy ang braso ko kaya halos sumubsob ako sa lamesa
nung dahil nakapangalumbaba nga ako diba? "Ano ba?!" Bwisit na tanong ko sa kanya.
Saka ibinalik sa pagkaka-panagalumbaba ang kamay ko. "Masamang gumaganyan sa harap
ng pagkain"

"Wala namang pagkain sa harap ko" Wala sa mood na sagot ko. Disabled na babae kasi
ang nakikita ko sa harap ko. Umayos ako ng upo nung may ilapag 'yung unggoy na
isang plato na punung-puno ng pagkain. Mas lalo tuloy akong nagutom.

"Bibitayin ka na ba at napakarami ng kinuha mong pagkain?" Tanong ko sa kanya na


kakaupo lang sa tabi ko. "Tss. Sa'ting dalawa 'yan. Kumain ka. Para hindi kung anu-
ano ang iniisip mo" Utos niya. "At kailan ka pa naging diktador?" Tanong ko.
Pasimple akong napangiti dahil hindi ko na kailangang tumayo at kumuha ng pagkain.

"Minsan din pala may silbi ka 'no?" Sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang tinidor at
inumpisahan ng kainin ang carbonara sa plato.

"Gwapo pa" Dugtong niya. Habang nakikipang-agaw ng carbonara sa'kin. Natawa ako
dahil ngayon ko lang din naranasang maki-share ng plato. At isang unggoy pa.
"Hayaan mo, minsan ililibre kita ng bananaque, turon o kaya saging con yelo para
makabawi sa'yo"

"Andrea"

"Ano ba! Kanina pa kita napapansin. Bakit ba aliw na aliw kang tawagin akong
Andrea, ha Maxwell?"
"Pfft. Diba pangalan mo 'yun?" Natatawang sagot niya.

"Oo pero tigilan mo ako sa pagtawag sa totoong pangalan ko" Tinignan ko sya ng
masama pagkatapos kong sumubo ng pagkain. "Masamang nag-aaway sa harap ng pagkain
Andrea" Natatawa-tawa pa sya habang sinasabi niya 'yun. Psh.

"Where's my son?" Sabay kaming natigil nung unggoy sa pagkain nung lumapit sa'min
ang asawa ni insan. Shit! Hinampas ko sa braso ang unggoy na mukhang natulala pa.
"Ibinigay ko sa'yo kanina si Bullet unggoy ah"

"Takte! Kinuha sa'kin kanina nila Lee si pareng Bullet eh" Lumingon ako sa table na
kinauupuan nila Fauzia at Jacob Lee. Sweet na sweet din sila pero wala naman sa
kanila si Bullet. Tinignan ko din ang iba pa naming mga kasama. Pero wala ni-isa sa
kanila ang may hawak kay Bullet.

=================

Final Chapter

Louie's PoV

Ang kailangan ko lang gawin ay ipaubaya kay Terrence Von Knight ang lahat at
maghintay ng tamang pagkakataon.

-Flashback-

"So hindi niya sinabi sa'yo kung sino pumatay sa kakambal mo?" Umiling ako ng may
halong pagtatakha. "Even Amesyl?" Mas lalo pa akong nagtakha sa mga sinasabi ni
Grethel. "May alam ka ba sa nangyari?" Tanong ko.

**

Nakakuyom ang mga kamao ko hanggang matapos si Grethel sa pagku-kwento ng buong


pangyayari, mula sa ginawang pagkitil sa buhay ng mga magulang namin ni tita
Alyana. Hanggang kay Nico, at pati sa ginawa ng asawa ni Aemie sa kakambal ko. "Mga
hayop sila" I just grit my teeth in anger and try to get through it.

"Pinagmukha ka nilang tanga. Lahat sila alam ang mga nangyari, pero mas pinili
nilang itago sa'yo ang lahat"

Tch. Itinuring ko silang kaibigan, tapos ganito ang gagawin nila. Hinding-hindi ko
sila mapapatawad kahit kailan.

"Louie, bakit natahimik ka dyan? I'm telling the truth"

"Alam ko"

Mas mabuti kung humanap ako ng tamang pagkakataon at sisiguraduhin kong sampung
beses na mas masakit sa naranasan ko ang mararanasan nila.

-End of flashback-
Akala ko pa nung una iba si Aemie sa asawa niya at mga magulang niya. Na hindi niya
kayang gumawa ng mga masasamang bagay. Hanggang sa natuklasan ko na sya ang
pumukpok ng ulo ko at pumatay kay Grethel nung gabing magkasama kami.

Maling-mali na itinuring ko silang mga kaibigan.

Natawa ako ng mahina habang napapailing. "Nasa kotse na po 'yung cadaver ng sanggol
Mr. Birkins" Bulong ng isa sa tauhan ni Angelique. Si Angelique ay mula sa mayamang
angkan. Maimpluwensya ang pamilya niya kaya kahit hindi ko sya mahal, malaki ang
maitutulong niya sa'kin.

"Kasing edad ba ni Bullet Roswell ang nakuha mo?" Paninigurado ko.

"Opo Mr. Birkins"

"Mabuti kung ganon. Nasaan na si Von?" Tanong ko. Si Terrence Von Knight ang
nagplano na patayin ang anak ni Aemie. Iniabot sa akin ng tauhan ni Angelique ang
isang maliit na papel na may nakasulat ng address. "Ihanda niyo na ang sasakyan"
Utos ko.

"Opo"

**
Amesyl's PoV

Mabilis akong tumayo para tumulong sa paghahanap kay Bullet nung pigilan ako nung
unggoy. "Saan ka pupunta Andrea? Hindi ka pa tapos kumain aalis ka na agad? Kaya ka
nangangayayat eh" Binatukan ko agad sya. Manhid ba 'to? O natural na sa kanya
pagiging tanga? "Nawawala si Bullet, unggoy! Kaya tumayo ka na dyan at tumulong ka
ring maghanap" Puro lamon ang inaatupag.

Imbis na sundin niya ako ay ipinagpatuloy niya ang pagkain. "Pfft. Kalma! Baka
naman tumambay lang dyan sa tabi-tabi si pareng Bullet at dumidiskarte sa mga
chikababes. Madami kasing chiks, alam mo naman kaming mga gwapo—Aray! Wengya!"
Binitawan niya ang kutsara na hawak at ikinamot sa ulo ang isang kamay.

"Wala pang isang taon si Bullet. Anong tambay-tambay ang sinasabi mo dyan?!"
Nakakakulo talaga ng dugong kausap ang isang 'to. "Hahaha joke lang naman eh"

"Bilisan mo na nga" Hinampas ko pa ang kamay niya para bitawan na niya ang hawak-
hawak niyang tinidor. "Oo na. Ito na nga oh, tutulong na ako sa paghahanap" Sagot
niya na halata namang napilitan lang.

Una naming nilapitan ang table nila ate Meisha at ni Sebastian Lerwick. "Parang
mainit ulo ni ate Meisha" bulong ko sa unggoy.

Tumigil sya sa paglalakad. Mula sa pagiging seryoso, bigla naman syang nag-smirk.
"Kailan pa naging ate Meisha ang tawag mo sa ate ko? Tsk tsk ikaw tomboy ha.
Nakakahalata na ako sa'yo" Natigilan ako bigla dahil sa tanong niya. "Sinabi ko
bang ate Meisha? Ang sabi ko Meisha" Pagtatama ko. Kung anu-ano iniisip.

Naglakad na ako palapit sa table nila Meisha at Sebastian Lerwick. "Baby Lampe,
namiss mo na ba kaagad ako? Nakangising tanong niya sa unggoy. "Nawawala si Bullet"
Singit ko bago pa man din makasagot 'yung unggoy. Dahil panigurado kapag hindi ko
agad sinabimag-uumpisa na naman sa kabaklaan itong dalawang 'to.

"Paanong nawawala?Nakita ko kaninang kasama ni Ma'am Alyana si Bullet eh" Sabi


naman ni Meisha. Para akong nabunutan ng tinik nung sabihin niya 'yun. "Sigurado ka
ba?" Tanong ko sa kanya. "Oo kasi kanina inaantok si Bullet tapos kinuha ni Ma'am
Alyana, ang sabi niya patutulugin na lang daw muna niya saglit kaya hinayaan ko na"
So wala naman pala dapat ipag-panic?

Tumango ako at tumingin sa unggoy. "Sabi naman sa'yo walang dapat ipag-alala dahil
nandyan lang sa paligid si pareng Bullet eh," Umupo 'yung unggoy sa isa sa mga
upuan sa table. "Wengya! Nasayang tuloy 'yung kinakain natin kanina" Sabi niya
sabay kamot ng ulo.

"Psh. Hayaan mo ikukuha kita mamaya ng isang buong puno ng saging" Umupo na din ako
sa isa sa mga upuan. "Takte! Baka naghahanap pa hanggang ngayon si Mr. Roswell kay
pareng Bullet" Ay shit oo nga! Baka pati si insan na imbis na nagpapahinga,
naghahanap na din. "Teka hahanapin ko lang saglit si insan,"

"Tignan mo 'tong tomboy na 'to hindi mapakali sa isang tabi" Tumayo na agad ako
para hanapin si insan. "Hoy tomboy hintayin mo naman ang gwapong ako aba!" Hiyaw
nung unggoy. Nakakahiyang kasama 'to. Eskandaloso.

"Excuse me, excuse" Ang hirap maghanap kapag ganito kadami ang bisita! Palinga-
linga ako, habang sumisingit sa mga nakakasalubong ko.

"Nasaan ba kasi si insan?" Bugnot na tanong ko sa sarili ko. "Amesyl Cross"


Natigilan ako nung may madinig akong boses na lalaki na kilalang-kilala ko. Ang
kaso nga lang, masyadong cold ang pagkakabanggit niya sa pangalan ko. Dahan-dahan
akong lumingon sa kanya para makasiguro kung sya nga. "L-Louie" I stuttered, at
hindi ko alam kung bakit.
Siguro dahil ibang-iba ang itsura niya ngayon. Pati kung paano niya ako tignan ay
kakaiba rin. I feel guilty dahil sa pagtatago namin sa kanya ng katotohanan. "A-ang
tagal na nating hindi nagkita" wika ko.

"Oo nga" Nakangiting sagot niya. "By the way this is my fiancée, Angelique" Ngayon
ko lang napansin na may kasama pala syang babae. Tinignan ko ang babaeng kasama
niya mula ulo hanggang paa dahil kakaiba ang mga tingin at ngiti niya sa'kin. May
gusto ba syang iparating?

"So you're Amesyl Cross" Nakangiting saad niya. "O mas gusto mong tawagin kita sa
pangalang Andrea Lewis?" Dugtong pa niya kaya nagsalubong agad ang kilay ko.
Pagkatapos ay tumingin ako kay Louie. "Ikakasal ka na?" Gulat na gulat na tanong
ko. Nagkibit balikat naman sya habang nakangiti.

Hindi na talaga sya ang Louie na nakilala ko noon at naging kaibigan, daig pa niya
ang nasaniban ng masamang espiritu dahil sa mga kinikilos niya eh. "Takte tomboy
nandito ka lang pala!" Sabay-sabay kaming lumingon sa right side nung sumulpot
bigla 'yung unggoy.

Halata ring nagulat sya nung makita niya si Louie. Naglakad 'yung unggoy hanggang
sa magkatabi kaming dalawa saka sya tumingin ulit kay Louie. "Yo" Napalunok ako
nung magkatinginan silang dalawa. "Kamusta na 'tol?" Tanong ni Maxwell. Ngumiti si
Louie sa kanya bago sya sinagot. "Ikaw 'yung dating boyfriend ng kakambal ko hindi
ba?" Bakit ganito? Pakiramdam ko bawat salitang binibitawan ni Louie makahulugan.

O baka naman naninibago lang ako sa kanya dahil matagal na panahon na nung huli
kaming magkausap. Nung mga panahon pa na 'yun hindi ko matanggap na hindi ako ang
totoong Amesyl Cross.

Tinignan ko 'yung unggoy na halatang ayaw pag-usapan ang tungkol kay Shan. Maging
ako, alam ko kung gaano niya kamahal si Shan Venice noon. Shit! Si insan nga pala.
"Saglit lang, naalala ko bigla. Hinahanap ko nga pala si insan" Sabi ko. Saka ko
inexcuse ang sarili ko. Hindi ko na nga "Oy tomboy! Hintayin mo ako"
**

Aemie's PoV

Naglalakad ako nung tumigil ako saglit at kumapit sa isa sa mga upuan. Sobrang dami
ng mga bisita kaya hindi ko alam kung saan pa maghahanap. Ayoko namang ipa-tanong
sa mga emcee dahil kung may kumuha kay baby Bullet, mas lalo pa 'yun makakahalata
na hinahanap namin.

Madaming mga batang nagtatakbuhan, mga clowns, waiters at waitresses. Nag-uumpisa


na naman tuloy akong makaramdam ng pagkahilo. Humigpit ang hawak ko sa upuan dahil
nawawalan na ako ng balance.

"Sit here and don't move a muscle" Inalalayan ako ni Zeke, hanggang sa makaupo ako
sa upuan na hinahawakan ko kanina. "Akala ko ba hahanapin mo si baby Bullet, bakit
ka nandito?"

"Yeah, I was looking for him but then I saw you here" Naiinis ako lalo kasi imbis
na nakakatulong ako, nagiging pabigat pa ako. "Dong, si baby Bullet" Hawak-hawak ko
ang kamay ni Zeke at naiiyak na ako dahil parang walang katapusan 'tong nangyayari
sa'min. At sa dinami-dami naman ng pwedeng mawala si baby Bullet pa. Pwede namang
si nemo na lang ulit.

Tumango si Zeke at bumitaw na sa kamay ko. 'Yung mga tao sa paligid ko patuloy lang
sa pagpaparty at walang kamalay-malay sa nangyayari. Pangiti-ngiti pa sila sa'kin.
"Insan!" Hingal na hingal si insan nung makalapit sya sa'kin kaya kinabahan ako.
"Anong nangyari insan, bakit ka nagmamadali?" Nag-aalalang tanong ko.

"Nag-aalala kasi ako sa'yo. Baka kasi hinahanap mo si Bullet eh na kay tita Alyana
lang naman" Hindi pa ako nakakapag-react sa sinabi ni insan nung mag-ring ang phone
ko.

~I'm a Barbie girl in a Barbie world..

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko na nasa loob ng pouch bag ko. "Hello mommy?"
sagot ko, habang nakatingin kay insan na kakaupo lang sa may tabi ko.

[Baby Ae]

"Bakit po?"

[Kasama ko lang si Bullet ha] Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni mommy.
'Yun pala ang sinasabi ni insan sa'kin. Naniniwala na ako ngayon dahil si mommy na
ang tumawag. Hindi ko talaga kakayanin kapag nawala ng tuluyan si baby Bullet.
Mangiyak-ngiyak pa ako sa sobrang tuwa dahil sa sinabi niya. "Sige po mommy"
naluluhang sagot ko

**

Alyana's PoV
I was about to give her a hint kung ano ang nangyayari talaga pero inalis na ni
Terrence Von Knight ang cellphone sa tapat ng tenga ko. "Wala kang puso!" I
whispered at his face, na nakangiti ng nakakaloko sa'kin.

"Parehas lang tayo" Kalmadong sagot niya.

"No, hindi ako nandadamay ng mga batang wala pang muwang" Diretsong sagot ko.

Nananakit na ang mga kamay at paa ko dahil sa higpit ng pagkakatali sa'kin dito sa
upuan. Kung hindi ako nagkakamali, nandito kami sa loob ng bahay niya. Isa-isa kong
tinignan ang mga lalaki na nakapalibot sa walang kamuwang-muwang kong apo. May mga
kani-kaniya silang hawak na kutsilyo na nakatutok sa apo ko. Crap!

Humila ng isang silya si Terrence Von Knight at naupo sa harap ko. He's staring at
me with a smile na mala-demonyo.

"Dapat nga magpasalamat ka pa sa'kin dahil kikitilin ko ang buhay ng anak nila
Roswell. Hindi niya mararanasan na lumaki sa masasamang magulang" He answered. He's
really out of his mind. "Hindi mo kailangang idamay ang bata. Nakikiusap ako, huwag
mo ng idamay ang apo ko dito" He motioned his finger kaya lumapit sa akin ang isang
tauhan niya para turukan ako. Sinubukan ko pang pumiglas pero sobrang higpit ng
pagkakatali sa'kin.

Nakakailang segundo pa lang nung maturukan ako, umiikot na ang paningin ko. "What
the heck did you do to me?" I asked. And it feels like kinakain ko ang mga salitang
sinabi ko.

"Hahaha. Drugs, huwag kang mag-alala. Hindi nakakamatay 'yan" Sagot niya. I started
to feel afraid for no reason. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko takot na takot
ako at nanginginig. But I can still think clearly, shit!

**

Aemie's PoV

"Hooo! Nakakapagod" Medyo hinihingal din si Kaizer nung bigla syang sumulpot na
lang mula sa kung saan. Ano naman kaya ginagawa nito dito? "Bakit ba ang bilis mong
maglakad?" Tanong niya kay insan. "Hinahanap ko nga kasi si insan" Sagot naman ni
insan. "Nasaan si Mr. Roswell?" Ngayon ko lang din naa;a;a na naghahanap nga pala
si Zeke kay baby Bullet. "Omygod! Baka hinahanap pa niya hanggang ngayon si baby
Bullet" Sagot ko.

"Wengya! Baka umiinit na ang ulo nun ni loverboy ah." Napakamot ng ulo si Kaizer at
napa-palatak. "Sige, ako na muna hahanap kay Mr. Roswell para hindi mag-alala"
Tumango ako kay Kaizer at nagpasalamat. "Thanks" Kumindat pa si Kaizer bago umalis.
Akala niya yata bagay sa kanya 'yung ganun. Hayy!

"Insan nandito pala si Louie?" Bulong sa'kin ni insan kaya lumingon ako sa kanya.
Oo nga pala, "Kasama niya pa 'yung sino nga 'yun?"

"Angelique" matipid na sagot ko. "Psh. Hindi ko gusto 'yung sinasabi niyang
fiancée" Tumingin ulit ako kay insan at natawa dahil halata ngang naiinis sya.

And speaking of Angelique, bigla kong naalala 'yung sinabi niya sa'kin.

You'll thank me someday Aemie Ferrer-Roswell. Mark my words.


"Anong ibig sabihin nun?" Bulong ko.

"Anong ibig sabihin ng alin insan? 'Yung sinabi ko? Sus! Ibig sabihin hindi ko sya
gusto, parang may pinaplano syang masama. Kakaiba kasi makatingin. Akala mo kung
sino" Diri-diretsong saad ni insan. Ano bang sinasabi nito eh hindi ko naman sya
kinakausap.

"Hayy nako insan, nahahawa ka na kay Kaizer" Bulong ko.

**

Halos isang oras na din ang nakakalipas, 'yung ibang mga bisita ay nagsisimula ng
mag-uwian. May mga kausap na businessmen si Zeke, pero paminsan-minsan ay
lumilingon sya sa may gawi ko. Hayy! Ang hirap naman ng ganito. Kailangan ba talaga
maupo lang ako dito hanggang mamaya?

Gusto ko pa namang tikman ang mga handa. Huhuhu.

Isinubsob ko ang ulo ko sa table at patuloy lang sa pagmamasid ng mga tao sa


paligid namin. "Tired?" Paano ako mapapagod eh kanina pa nga ako nakaupo dito.
"Gusto ko ngang tumayo at magikot-ikot eh" Walang ganang sagot ko. Naupo si Zeke sa
tabi ko saka hinawi ang ilang piraso ng buhok ko. "We can take a walk if you want"

Nakangiti akong tumingin sa kanya. "Talaga dong?" Tumango naman sya saka inilahad
ang kamay niya at tumayo.
**

Dito kami nag-lagi ni Zeke sa buffet table ng mga desserts. "Ang sarap!" Kanina pa
kami kain ng kain dito. Si Zeke nga, hindi ko alam kung nakailang ulit ng kumuha ng
strawberry ice cream. Tapos kumakain pa sya ng fresh na strawberries at sinasawsaw
sa chocolate fountain. Yuck! "Wife, say ahh"

Inilayo ko ang kamay niya sa'kin dahil para akong masusuka sa itsura ng strawberry
na hawak niya. "Zeke naman eh. Alam mo namang ayaw ko nyan eh"

"Pfft"

Humarap ako sa babaeng nasa may buffet table at iniharap sa kanya ang walang laman
na plato na hawak ko. "Lalagyan ko pa po Ma'am?" Tanong niya sa'kin.

"Hindi, pinapakita ko lang sa'yo. Ang ganda ng design ng plato 'no?" Naiinis na
sagot ko. Ano pa kaya ang gusto niyang gawin sa plato ko. Hayy!

"Pfft. Hahaha. She's pregnant" Natatawang sabi ni Zeke sa babae. Tignan mo, isa pa
'tong lalaking 'to. Bakit kailangan pa niyang sabihin doon sa babae na buntis ako.
Ano naman pakialam ni ateng waitress kung buntis ako o hindi.

"Ahh ganun po ba?" Nahihiyang sagot naman nung babae kay Zeke.

"Yeah" Sagot naman ni Zeke pabalik sa kanya.


Kinuha ko sa kamay niya 'yung kutsilyo na panghati ng leche flan. Ako na alng ang
kukuha. Magchikahan na lang silang dalawa.

"Second baby niyo na po?" Tumigil ako sa paghihiwa ng leche flan dahil nadinig kong
magsalita si ateng waitress at nakatingin pa sya talaga kay Zeke ha. Inilipat ko
ang tingin ko kay Zeke na ngumiti at tumango dun sa babae. Ano ibig sabihin nito.
Close na sila agad?

"Wow!" Mukhang kumukutitap pa ang mata ni ateng waitress habang nakatingin kay
Zeke. "Ilang oras niyo plano maglandian sa harap ko?" Naiinis na tanong ko. Hindi
naman kasi mahilig makipag-usap 'tong si Zeke. Eh bakit ngayon chumichika-chika pa
sya. "Hahaha" Tumawa lang si Zeke dahil sa sinabi ko saka ako inakbayan kaya
sinamaan ko sya ng tingin habang naglalakad kaming dalawa pabalik sa table.

Nahiya pa sila. "Sana nagsubuan pa kayo ng pagkain doon" Bulong ko.

"Pfft. You're cute when you're jealous"

Kain lang ng kain si Zeke nung makaupo kaming dalawa. Ako naman hindi ko inaalis
ang tingin ko doon kay ateng waitress dahil nakatitig sya kay Zeke habang nakangiti
at nakahawak ang mga kamay sa magkabila niyang pisngi.

"Nakausap lang si Zeke, gumaganun na. Hindi ba niya nakikitang nandito ako?" Bulong
ko pagkasubo ko ng leche flan. Naiinis na ako dito kay ateng waitress ha. Nung
tignan ko naman si Zeke, busy sya sa pagkain ng strawberry ice cream. "Why?"
Nagtatakhang tanong niya.
"Kanina ka pa tinitignan ni ateng waitress eh"

"And?" Tanong niya. Bakit ganun? Parang walang pakialam si Zeke, samantalang ako
naiinis na dito. "Anong and-and Zeke, naiinis ako. Bakit ka kasi niya tinitignan"
Huhuhu. Pwede namang humanap na lang sya ng ibang titignan. Ang dami-dami namang
lalaki dito. Pwede namang si Kaizer, si Sebastian, Phoenix, Vash, si kuya JK, si
Andrei, si Wallace or si Jacob. Bakit kasi si Zeke pa?

"Pfft. Just continue eating, wife"

Paano ako kakain kung nakikita ko 'yung babae na—nanlaki ang mga mata ko nung
tumayo si Zeke at lumapit uli sa may buffet table. Iniabot niya ang platito at
mangkok na hawak-hawak niya doon kay ateng waitress.

May nalalaman pa ngayon si ateng waitress na pakagat-kagat ng labi. Hayy! Sya kaya
kagatin ko. "Ahm excuse me" Lumingon ako sa lalaking nagsalita. "Ano? Gusto mong
isalaksak ko sa lalamunan mo 'tong kutsara na may leche flan?" Bwisit na sagot ko
sa hindi ko kilalang lalaki.

"Sorry Miss, napag-utusan lang din kasi ako. Itatanong ko lang kasi kung sino dito
si Mr. and Mrs. Roswell" Magalang na tanong niya. Kahit gusto kong tumayo para
batiin sya dahil mukhang bisita din naman sya, ay hindi ko magawa. Dahil baka
magalit si Zeke kapag nakita akong basta-basta tumatayo.

"Bakit?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan dahil sa tanong niya. "Ikaw
ba si Mrs. Roswell?" Tumango lang ako dahil mukhang seryoso sya sa sasabihin niya.
"Pwede ba kitang makausap in private?" Hindi na ako sumagot, maingat na lang akong
tumayo. Maglalakad na ako nung may umakbay sa balikat ko.

"Nah. Not without me" Tumingin ako kay Zeke na nasa tabi ko na. Nakatingin sya ng
seryoso sa'kin. "Who is he?"

"Bakit di mo doon itanong sa kay ateng waitress" Sya naman 'yung kinakausap niya
kanina pa. Tinignan ako ng masama ni Zeke kaya tinignan ko rin sya ng masama.
"Fine. You can talk privately but—"

"Sya ba si Mr. Roswell?" Singit nung lalaki sa usapan kaya sabay kaming tumingin ni
Zeke sa kanya. May pagkabastos 'tong si kuya. Nakita ng nag-uusap pa kami ni Zeke
eh,

"Mukha ba syang si Mrs. Roswell?" Naiinis na sagot ko dito kay kuyang hindi namin
kakilala. Obvious naman kasi diba? Itinatanong pa. "What do you need from us?"
Tumingin ako kay Zeke dahil seryosong-seryoso sya sa pagsasalita.

"Wala akong kailangan sa inyo, kayo ang may kailangan sa'kin" Sagot ni kuyang hindi
ko kilala. Kaya kumunot ang noo ko. Tinignan ko pa sya mula ulo hanggang paa dahil
sa sinabi niya. Ano naman kaya ang kakailanganin namin sa kanya? Kumpleto naman
gamit namin sa bahay, kumakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw. Minsan
nga lampas pa sa tatlong beses eh. Kaya hindi ko na-gets ang sinabi niya.

"Alright then, follow me" Seryosong saad ni Zeke. Hinawakan niya ng kamay ko saka
kami naunang maglakad. Lumingon-lingon ako paminsan-minsan sa likod namin para
tignan 'yung lalaki na naglalakad kasunod namin.

Pumasok kaming tatlo sa isa sa mga VIP room dito sa hotel. "Now, speak" Utos ni
Zeke pagkasarang-pagkasara ng pinto. Pero imbis na magsalita sya ay dinukot niya
ang cellphone niya mula sa loob ng jacket niya at iniabot. Kinuha ko naman ang
phone dahil mukhang walang plano si Zeke na abutin.

Nasa gallery na agad ang phone kaya binrowse ko ang mga pictures. Nakaka-isang
slide pa lang ako ay bumagsak agad ang mga luha ko sa nakita kong picture sa
cellphone niya kaya agad-agad ding kinuha ni Zeke sa'kin ang cellphone. "A-anong
ginawa nyo kay mommy at baby Bullet?" Ngumiti lang sa'kin 'yung lalaki kaya nainis
ako.

Akmang susuntukin ko ang lalaki nung maunahan ako ni Zeke. Sumalampak sya sa sahig
pero nakangiti pa rin sya habang pinupusan ang dugo na tumulo mula sa ilong niya.
"Ayos naman sila kanina bago ako umalis sa bahay ni Mr. Knight, ewan ko lang
ngayon" Nakangiting sagot niya.

Dinukot ni Zeke ang baril sa coat niya saka binaril ang lalaki.

Parehas kaming walang imik na lumabas ng hotel room at dumiretso na papunta sa


parking lot. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama
kay baby Bullet.

**

Sebastian's PoV

"Paksyet!" Napakamot na lang ako ng ulo dahil hindi ko alam kung saan hahagilapin
sila Bossing. Kanina pa kasi nagtatanong ang emcee kung nasaan si Bullet. Kami
tuloy ang kinukulit. Natanaw ko si Lampe at ang pinsan ni Ma'am Aemie na magkasama
kaya sila kaagad ang nilapitan ko.

"Yo baby Lampe! Miss Amesyl" bati ko sa kanilang dalawa.

"Nasan kapatid ko?" Tanong ni Lampe pagkalapit na pagkalapit ko sa kanilang dalawa.


Amputs! "Nandito sa puso ko" Sagot ko sabay kindat.

"Ulul!"

"Pfft. Selos ka baby Lampe?" Umakbay pa ako kay Lampe at pinisil-pisil ang balikat
niya kaya binigwasan ako. Gago talaga eh. "Mandiri ka tsong!" Pfft. "Nakita niyo ba
sila bossing?" Pag-iiba ko ng usapan. "Hinahanap kasi nung mga emcee si Bullet eh"

"Akala ko ba kasama ni tita Alyana si Bullet?" Singint nung pinsan ni Ma'am Aemie.

"Yun din sabi ni Mei kanina, kaso nung tinignan namin sa kwarto sila Ma'am Alyana.
Wala naman sila doon"

"Wengya! Baka naman umuwi na?"

"Pero magkasama pa kanina sila insan at ang asawa niya. Natanaw ko pa sila doon sa
may buffet table kanina"

Tsk. Nasaan naman kaya sila? "Petengene!" Napakamot na lang ako ng ulo dahil ako
ang malilintikan nito kay Mei, kabilin-bilinan pa naman sa'kin na hanapin ko daw.

"Bakit ba raw kasi nila hinahanap?" Tanong ni Lampe. "Patapos na nga kasi 'tol ang
party" Sagot ko. "Tutulong na lang ako sa mga emcee na magsabi sa mga bisita, gusto
ko na ring umuwi eh" Pagpi-prisinta ng pinsan ni Ma'am Aemie. "Yown! Sige sige.
Pero kailangan nating hanapin sila Bossing, baka tayo ang malintikan kapag pinauwi
natin mga bisita ng hindi nila alam"
"Okay lang 'yan, ako na lang magpapaliwanag kay insan. Mabuti nga 'yun kaysa naii-
stress sya sa party"

"Kung sa bagay"

"Sus! Kung usapang stress lang naman, isang tingin lang ni Aemie sa'kin tanggal ang
stress niya"

"Oo dahil nakakamatay tumingin sa'yo" Pfft. Ibang klase talaga 'tong dalawang 'to.

"Kaya pala patay na patay ka na sa'kin, dahil lagi kang nakatingin" Nakangising
sagot ni Lampe. Natawa naman ako dahil sa nakamamatay na tingin ng pinsan ni Miss
Aemie kay Lampe. Pfft. "Ang kapal talaga ng mukha mo kingkong"

"Gwapo tomboy, gwa-po" Pagtatama ni Lampe.

**

Aemie's PoV

Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng dress ko dahil sa sobrang kaba. Nangingilid na


rin ang mga luha ko. Tumingin ako kay Zeke saka nagsalita dahil kanina pa rin sya
walang imik simula ng makasakay kami dito sa kotse "Kinakabahan ako Zeke" Humigpit
ang hawak niya sa manibela pero hindi sya nagsalita.

Kaya itinuon ko ang atensyon ko sa ibang bagay. Napatingin ako sa pouch ko at


naalala ko bigla ang tungkol sa envelope na iniabot sa akin nung bata. Hindi ko pa
nga pala natitignan kung anong laman nun.

Maghihintay ako sa inyo sa bahay ko. Kapag hindi kayo dumating bago mag-alas dos ng
hapon...game over. –Terrence Von Knight.

Tumingin kaagad ako sa digital clock ng kotse. 13:56

"Zeke, tignan mo 'to" Binasa ko sakanya ang nakasulat sa papel kaya napahampas sya
sa manibela. Sunud-sunod din ang pagbulong niya ng mura habang nararamdaman kong
bumibilis ang takbo ng sasakyan.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang palapit kami ng palapit sa bahay
nila Terrence Von Knight. May kalayuan sa sibilisasyon ang pinuntahan namin kaya
puro palayan ang natatanaw ko sa daan. Pero mula dito, tanaw na ang—"OMYGOD!"
pumreno si Zeke dahil sa sobrang lakas ng pagsabog.

"Fuck!"

Nagkatinginan kami dahil kitang-kita namin parehas kung paano biglang sumabog 'yung
bahay ni Terrence Von Knight. Nanginginig na ang buong katawan ko at pinagpapawisan
na ako ng malamig dahil abot-abot na ang kaba sa dibdib ko.

Mabilis na pinaandar ni Zeke ang kotse hanggang makarating kami sa tapat ng


nagliliyab na bahay ni Terrence Von Knight.

Sabay kaming lumabas sa kotse. Ni hindi na nga ako nagawang kausapin ni Zeke dahil
nagmadali na syang tumakbo papasok sa loob. Samantalang ako naiwang hinang-hina
dito sa labas ng kotse. Sumandal ako dahil nakakaramdam na naman ako ng hilo. Ang
mga luha ko sa mata sunud-sunod na din ang pag-agos.

Nakakapanglambot makita ang unti-unting natutupok sa apoy na bahay ni Terrence Von


Knight. Ayoko ring mag-isip ng kung anu-ano dahil parang dinudurog ang puso ko.

Naglakad ako papasok sa bakuran ng bahay. Ang layo ko pa pero damang-dama ko na ang
init dahil sa laki ng apoy sa buong bahay. Sira-sira na din ang bahay at patuloy sa
pagbagsak ang mga poste at bato. "Z-Zeke" Halos wala ng boses na lumabas mula sa
bibig ko habang tinitignan ko si Zeke na pilit inaalis ang mga nagliliyab na kahoy
na nakaharang sa daan para lang makapasok sa loob.

Basang-basa sya ng tubig nung pumasok sya sa loob.

Napasalampak na ako sa sahig dahil sa sobrang panghihina. Bukod doon, wala na akong
ibang nararamdaman. Nakatitig lang ako sa harapan ko hanggang sa may madinig na
akong tunog ng mga ambulansya at bumbero na palapit sa kinaroroonan namin.

"Ma'am, let me help you po."

May mga bumbero ng nagtatakbuhay sa paligid ko para apulahin ang apoy pero wala pa
rin akong iniisip kung hindi si baby Bullet.
Gusto kong magwala at umiyak ng malakas dahil habang tumatagal lalong bumibigat ang
pakiramdam ko at nawawalan na ako ng pag-asa. Pero wala na din akong lakas para
kumilos.

"Ma'am kailangan niyo na pong madala sa ospital, dinudugo na po kayo" Naramdaman ko


ang pagbuhat sa'kin ng isa sa mga lalaking nurse at paghihiga sa'kin sa stretcher.
Pero hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa bahay. Isasakay na nila ang stretcher
sa ambulansya nung lumabas si Zeke sa bahay. Nakatungo sya at ilang ulit na
napahilamos at napakamot sa ulo niya hanggang sa napaluhod na lang sya sa sahig.

"FUCK!!"

Hanggang sa maisara ang pinto ng ambulance ay nadidinig ko pa ang paulit-ulit na


mura ni Zeke at iyak. May mga sinasabi sa'kin ang mga nurse pero wala ni isa sa mga
salitang sinasabi nila ang naiintindihan ko.

**

Amesyl's PoV

"Maraming salamat po sa pagpunta" Magalang na sabi ko pagkaabot ko ng give aways.


Unti-unti ng nag-aalisan ang mga tao. Kami na lang ang nagutulong-tulong na
magpasalamat sa lahat ng bisitang pumunta. Hanggang ngayon kasi hindi namin alam
kung saan ba pumunta sila insan.

"Hindi na maganda ang kutob ko sa nangyayari" Wika ni ate Meisha.


"I feel the same way, Mei. Kanina pa kami nag-iikot-ikot ni Wallace and hindi namin
makita kahit si Queen" Sabi naman ni Cassandra.

"Lee, natignan mo na ba ang CCTV ng hotel?" Tanong nung boyfriend ni Caileigh.


Nagkamot ng ulo si Jacob kaya napabuntong-hininga na lang ako. Puro kasi lovelife
ang inaatupag nila eh. "Ate, ate" Hinihila-hila ng isang batang babae ang laylayan
ng damit ko kaya tinignan ko sya. "Tapos nap o ba ang party?" Pangungulit nung
bata.

"Oo eh" Walang ganang sago ko. "May ibibigay pa naman ako sa mama nung baby"
Malungkot na sabi nung batang babae. Umupo ako sa harap niya saka ya tinignan at
tinanong. "Anong ibibigay mo?" Nakangiting tanong ko.

"Ito po oh" Iniabot niya sa'kin ang isang putting envelope. "May nagpapabigay po
kasi niyan kanina tapos hindi ko na po naibigay" Kinuha ko agad sa kanya ang
envelope at nung buksan ko.

"Shit!" naglapitan silang lahat sa'kin at isa-isang tinignang ang mga litrato na
hawak ko. Pictures ni Bullet at tita Alyana ang laman ng envelope. Ibinigay ko na
sakanila ang mga litrato dahil hindi ko kayang tignan.

"P*tang*na!"

"Dammit"

"Darn!"
"P*ta"

Sunud-sunod din ang mga nadinig kong mura mula sa kanila. "Baka kaya nawala sila
Bossing" Tumingin ako sa kanila na pare-parehas hindi alam ang gagawin. "I know
this place" Wika ni JK. "Bahay 'to ni Knight" dugtong pa niya.

Nagkatinginan kaming lahat at saka walang imik na nagmadali papunta sa parking lot.

**

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman nung nadatnan namin ang bahay ni
Terrence Von Knight na natupok na ng apoy. Ang mga bumbero ay may mga bitbit na
labi ng mga namatay. Pero ang mas umagaw ng pansin ko ay ang asawa ni insan na
nakasalampak lang sa sahig habang nakatingin sa kabuuan ng bahay.

"Mawalang galang na po. Kaibigan o kamag-anak po kayo ng mga nasawi?" Tanong ng


isang lalaki.

Tumikhim si Sebastian bago niya kinausap ang lalaki. "Hindi pa ho kami sigurado
kung kasama ang pamilya namin. Pero ilan ho ba ang bilang ng nasawi?" Tanong ni
Sebastian.

"47 ho, ang isa po ay sanggol" Doon ko na naramdaman ang pagkirot ng puso ko.
Nadinig ko na rin ang iba naming kasama na nagsimula ng umiyak. "Dinala rin po
namin si Mrs. Roswell sa ospital dahil dinudugo na po sya kanina" sabi nung isang
nurse.
-A week after-

Lahat kami ay umiiyak at nagdadalamhati habang binebendisyunan ng pari ang mga abo
nila tita Alyana at ng pamangkin kong si Bullet. Hindi namin matanggap lahat ang
mga nangyari. Mas lalo na si insan at ang asawa niya. Walang ginawa si insan
maghapon at magdamag kung hindi umiyak ng umiyak at sisihin ang sarili niya. Kaya
mas lalong naging maselan ang pagbubuntis niya.

Walang ibang lumalabas sa bibig ng asawa ni insan kung hindi puro mura kasabay ng
pag-iyak habang pinapanuod namin ang pagbebendisyon ng pari.

Bakit ganito? Ako 'yung nasasaktan ng sobra-sobra para kay insan dahil lahat na
lang kinuha na sa kanya. Mga magulang, at anak. Pero alam kong triple pa ang
nararamdaman niyang sakit.

"I really can't believe this is happening" Bulong ni Caileigh habang umiiyak. Kahit
ako, hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon sa mga nangyari. Kung alam ko lang
na ganito ang mangyayari sana hindi ko inalis sa paningin ko si Bullet.

Aminado ko kahit ako naging pabaya. Lahat kami naging pabaya kaya humantong ang
lahat sa ganito. Ikinuyom ko ang mga kamao ko. Tama nga sila, nasa huli lagi ang
pagsisisi.

Kami-kami na lang ang naiwan dito sa sementeryo nung makaalis na ang ibang
nakipaglibing pati ang pari. Pero wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Si insan
patuloy lang sa pag-iyak habang nakaupo sa wheelchair. Pinagbawalan na kasi sya ng
doctor na tumayo dahil nga baka kung ano ang mangyari sa dinadala niya

**
Louie's PoV

Inayos ko ang butones ng coat na kakasuot ko lang at saka naglakad palapit kay
Angelique.

*baby cries*

Hawak-hawak niya si Bullet at nakangiti habang kinakausap. "Like what I've said,
your mother and father will surely thank me for sparing your life."

"Hon, let's go. Mahuhuli na tayo sa flight" Ngumiti ako kay Angelique. Ngayon ang
nakatakdang alis namin tatlo papuntang Japan. Doon namin plano magpakasal at
mamalagi ng ilang taon.

**

**

**

**

25 years later.. (Japan)

Bullet's PoV
"Bullet, nakaayos na ba mga gamit mo? Babalik na tayo ng Pilipinas" I've been
waiting for this moment for so long.

I nodded. "Yes mom" Matagal ko ng gustong makilala ang mga magulang kong umabanduna
sa'kin. Ang mga magulang kong sakim at mamamatay tao. I clenched my fist in anger.
"Tawagan mo nga 'yung daddy mo. Kanina ko pa hindi ma-contact eh"

"Tss. Alright" I replied.

"I love you son" My mom said before closing the door. But still, I'm thankful. Kung
hindi dahil sa kasakiman ng mga magulang ko, hindi ako mapupunta sa puder ng mga
kinikilala kong magulang ngayon.

"Bullet! Psst oy!" I frowned when I saw her outside my window. "What the hell are
you doing there?" Tss. It's Mikazuki Yagami, my sister. Not by blood, dahil tulad
ko inampon lang din sya nila mom at dad. Bukod sa'ming dalawa, may tatlo silang
totoong anak. Sila Shaun, Lionel at Lovelle. Pero wala silang alam tungkol sa
pagiging ampon namin ni Mikazuki. And we're both using Birkins as our surname.

"Hahaha. Ayos na ba gamit mo?" She asked after jumping from the window. What the!
"Oo" I answered back.

"Excited ka na ba na makilala sila tita Aemie at tito Ezekiel?" Ano bang


pinagsasasabi nito. "Bakit tita at tito ang tawag mo sa kanila? Tss."

"Syempre parents mo 'yun eh" She look so excited. Simula pagkabata namin wala syang
ginawa kung hindi maghanap ng information about Aemie and Ezekiel Roswell. "Excited
na ako ma-meet sila!" She said after throwing herself on my bed. "I'm not" Sagot
ko.

"Bullet Roswell"

"Stop calling me Roswell!" I said in annoyance.

She laughed so I turned to glare at her. "Nakalimutan mo na ba kung bakit gusto


kong bumalik ng Pilipinas?" I asked. Kahit kailan hinding-hindi ko makakalimutan
ang mga sinabi ni dad at mom tungkol sa mga totoo kong magulang. Tss. It's been 25
years. And I've been waiting for this moment para maiparamdam sa kanila kung gaano
sila kasamang mga magulang.

My annoyance grew when she fvcking laughed again. "Get out" I ordered, with my eyes
nailed at her. Pero nginitian lang niya ako. "I said get the fvck out!"

She stood up and quietly went out of my room. Obedient.

After three seconds narinig kong bumukas ang pinto kaya tumingin ako. "Bilisan mo
na dyan Bullet Roswell, makikipag-date pa tayo sa real parents mo!!" I was about to
stood up and chase her for laughing and emphasizing the word Roswell when she
closed the door.

"What the fck!"

I grabbed my gun and went out of my room. "Sekai de ichiban daikirai" I whisphered.
(Translation: I hate you more than anyone else)

-The end-

**

A/N : Walang epilogue or special chapters dahil sinama ko na dito lahat. :D Lahat
ng tanong niyo about sa nangyari sa kanila after, masasagot sa Season 3 (Next
generation of Mafia) Thank you sa lahat ng sumuporta mula Season 1 hanggang dito sa
Season 2. Bumili kayo books ha!

Kailan ang season 3? After a month or two or three? Hindi ko pa sure. Basta,
meron.

You might also like