You are on page 1of 6

LESSON PLAN

Grade 2 Class

SIBIKA AT KULTURA

BAHAGI AKO NG AKING PAMAYANAN

URI NG PAMAYANAN

MGA TAONG KABILANG SA PAMAYANAN

GAWAIN O HANAPBUHAY NG MGA MAMAMAYAN SA PAGTUGON SA


PANGANGAILANGAN NG PAMAYANAN

I. Layunin
Pambansang Pagkakaisa

1. Natutukoy ang mga taong kabilang sa isang pamayanan


2. Nailalarawan ang mga ginagawa ng mga taong kabilang sa pamayanan.
3. Nagpapakita ng pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga tulong na
ginagawa ng mga manggagawa para sa pamayanan.

II. Paksang Araling Kagamitan


Kilalanin ang mga taong kabilang sa pamayanan.
Mga larawan ng iba’t-ibang manggagawa sa pamayanan tulad ng magsasaka,
mangingisda,doctor,nars,guro at iba pa.
Manila paper
Pentel pen

Lesson Plan in Sibika at Kultura


I. Layunin
1. Natutukoy ang iba’t-ibang bahagi ng pamayanan sa Pilipinas.
2. Napag hahambing-hambing ang mga kakayahan ng bawat pamayanan sa bansa.
3. Naiisa-isa ang walong aspeto ng pamayanan sa Pilipinas.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga Pamayanan bumubuo sa Pilipinas

Sanggunihan: Sibika at Kultura 2

Kagamitan: Litrato
III. Pamaraan/ Mga Gawain
A.
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatanong sa bilang ng pumasok
4. Pagsasanay

Mga bata bumonot kayo ng isa sa aking hinandang tanong, at ang inyong nabunot ay
ipapaliwanag ninyo sa sariling pananaw.

1. Pamayanang rural
2. Pamayanang urban
3. Pamayanang pagsasaka

B. Panimulang Gawain

1. Balik – aral

Ano ang pinag-aralan natin kahapon?

2. Paggaganyak

Meron akong inihandang kanta para sa inyo mga bata. Ang kantang ito ay ang “MAGTANIM
AY DI BIRO”. Marahil ay alam na ninyo kung paano ito awitin.

C. Pagtatalakay

1. Presentasyon

Ang pamayanan ay isang samahan na bumubuo ng mga taong nakatira sa isang pook.
Tinatawag na pamayanan ang isang pook kung ang mga taong nakatira rito ay may samahan
o ugnayan.

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 2

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral at inaasahan na:


1. Natutukoy ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo sa komunidad.

2. Maipakita ang mga pagkakaiba ng bawat hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.

3. Mabigyang halaga ang mga hanapbuhay na nagbibigay serbisyo.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga hanapbuhay na nagbibigay serbiyo

Kagamitan: Cartolina, Pentel pen, mga larawan ng iba't ibang hanapbuhay.

Pagpapahalaga: Mabigyang halaga ang pangarap ng bawat isa

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
Pagbati
Pagdarasal
Pamamahala ng Silid aralan
Pagtsetsek ng mga lumiban at hindi lumiban

Magandang araw mga bata tumayo muna


tayo at magdasal Magandang umaga rin po!

(Ang mga bata ay magdadasal)

(Ang mga mag-aaral ay magpupulot ng


Bago umupo pulutin ang ang mga kalat sa kalat at aayusin ang mga silya)
inyong paligid at ayusin ang inyong silya

B.
C. Panlinang na Gawain Ang huli nating tinalakay ay tungkol sa mga
1. Balik-aral hanapbuhay na nagbibigay produkto.
Magbalik aral tayo tungkol sa huli nating
tinalakay, tungkol saan ang huli nating
tinalakay? Ang mga hanapbuhay na nagbibigay
produkto ay Karpintero, Modista, Panadero
Anu-ano ba ang hanapbuhay na nagbibigay at Sapatero.
produkto?

(Ang sagot ng mga bata ay ay maaaring


Mahusay! May mga tanong pa ba kayo nagkakaiba-iba)
tungkol sa mga hanapbuhay na nagbibigay
produkto?
3. Pagtatalakay
(Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaring
Sa tingin niyo ano ang kahulugan ng magkakaiba-iba)
hanapbuhay?

Magaling! Ang hanapbuhay o trabaho ay


gam
papanin na isinasagawa ng isang tao upang
matustusan ang kanyang pangangailangan at
ng kanyang pamilya.

Tinatawag ang taong naghahanap buhay


bilang manggagawa o trabahador.
(Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaring
Naiintindihan ba kung ano ang hanapbuhay? magkakaiba-iba)

Magbigay nga kayo ng halimbawa ng Bumbero


hanap-buhay?

Ano sa tingin niyo ang ginagawa ng isang (Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaring
bumbero? magkakaiba-iba)

Magaling! Ang ginagawa ng isang bumbero Dentista


ay nagpapatay ng mga apoy sa gusali. Ano
pa?

Ano ba ang ginagawa ng dentista? (Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaring


magkakaiba-iba)

Mahusay! Ang ginagawa ng dentista ay


nanggagamot at nangangalaga sa kalusugan
ng ngipin.

Bukod sa Dentista mayroon pa ba? Doktor

Ano ba ang ginagawa ng Doktor? (Ang sagot ng mga mag-aaral ay maaring


magkakaiba-iba)

Mahusay! Ang ginagawa ng Doktor ay


gamutin ang mga taong may sakit.

4. Pangkatang Gawain

Ang klase ay mahahati sa tatlong grupo para


magsagawa ng dula-dulaan tungkol sa
tinalakay, upang maipakita ang kahalagahan
ng bawat hanap buhay sa ating komunidad
na itinalaga sa bawat grupo.

UNANG GRUPO
➢ Gagawa ng dula-dulaan na
nagpapakita ng kahalagahan sa mga
hanap-buhay na nagbibigay
serbisyo.
PANGALAWANG GRUPO
➢ Kukumpletuhin ang grahic
organizer sa ibaba. Isulat ang mga
hanapbuhay sa inyong komunidad
PANGATLONG GRUPO
➢ Gumuhit ng dalawang hanapbuhay
na nagbibigay ng serbisyo sa inyong
komunidad at ipaliwanag ang bawat
hanap buhay na ito.

Pagtataya

Tukuyin ang taong nagbibigay ng produkto at serbisyo. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.

_______1. Pulis A. Katulong ng doctor sa pag- aalaga ng mga taong may sakit.

_______2. Guro B. Tungkulin nito patayin ang apoy sa nasusunog na gusali.

_______3. Nars C. Manggagamot na nangangalaga sa kalusugan ng ngipin.

_______4. Bumbero D. Nagpapatupad ng batas para mapanatili ang kaayusan at katahimikan


sa komunidad.

_______5. Dentista E. Nagtuturo sa mga mag- aaral na bumasa, sumulat, bumilang, at iba
pang kasanayan.

Gawaing Bahay

Tukuyin kung sino ang kailangan mo kung:

_________1. Sumasakit ang tiyan mo


_________2. May nasusunog sa tabi ng bahay ninyo.

_________3. May nakawan sa inyong komunidad.

_________4. Malayo ang inyong paaralan sa inyong bahay.

__________5. Gusto mong matutong magsulat at magbasa.

You might also like