You are on page 1of 2

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO

QUARTER 3 WEEK 1
SAGUTANG PAPEL
PANGALAN: RENTEGRADO, CEDRICK A.
BAITANG AT SEKSYON: 11-STEM GOMEZ

PAGYAMANIN

1. Ang piksyon ay nagpapahayag ng mga teksto nang walang katotohanan at ito ay


nakabase sa imahinasyon o kathang-isip ng manunulat.

2. Ang di-piksyon naman ay isang teksto na nagpapahayag ng katotohanan at hindi


nakabase sa opinyon ng manunulat kundi nakabase sa makatotohanang pangyayari
at impormasyon.

KABUOANG PAGSUSURI

WRITTEN WORK
CLAIM-EVIDENCE-REASONING TICTAC TOE ASSESSMENT BOARD

TANONG BLG 5: Ano-anong impormasyon ang laman ng tekstong iyong binasa?

CLAIM:
Ang mga impormasyong nilalaman ng tekstong binasa ay tungkol sa lalawigan
ng Iloilo. Nakapaloob sa teksto ang kasaysayan ng iloilo, gaya ng kung saan ito
matatagpuan, saang rehiyon ito matatagpuan, sino ang bumili ng isla ng Panay, sino
ang nagbigay ng pangalan ng lalawigan, ano ang mga pangunahing produkto ng
lalawigan at ang pangkabuhayan ng mga mamamayan sa lalawigan ng Iloilo.

EVIDENCE: Ang pahayag sa artikulo na sumusuporta sa aking sagot ay…


Ang lalawigan ng Iloilo ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng Islang
Panay. Ito ay kabilang sa rehiyon ng Kanlurang Kabisayaan. Pinaniniwalaang binili ng
10 datu mula sa Borneo ang isla ng Panay sa pinuno ng mga Negrito na si Marikudo
noong 1212.
Isang gintong salakot at gintong kuwintas ang ipinambayad ng mga datu.
Napunta kay Datu Paiburong ang teritoryo ng Irong-irong.Ang mga Espanyol rin ang
nagbigay ng pangalang Iloilo sa lungsod. Ito na rin ang ipinangalanan sa buong
lalawigan. Itinatag noong Marso 10, 1917.
Ang Iloilo ay isa sa mga pangunahing pinagmumulan ng bigas sa Pilipinas. Bukod
sa bigas, ang ilan pa sa mga pangunahing produkto na nagmumula rito ay tubo,
niyog, mais, saging, mangga, kape at iba panglamang-ugat na halaman. Ang
pangingisda ay isa ring mahalagang pinagkakakitaan ng mga taga-Iloilo.

REASONING:
Ang patunay na aking napili ay sumusuporta sa aking sagot dahil makikita sa
tekstong binasa ang aking mga impormasyong aking inilahad at nagsisilbi ang mga
itong konkretong katunayan.
TANONG BLG 3: Kailan itinatag ang Lalawigan ng Iloilo?

CLAIM: Ang aking sagot sa tanong ay, itinatag ang lalawigan ng Iloilo noong ika-10 ng
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO
QUARTER 3 WEEK 1
SAGUTANG PAPEL
Marso, taong 1917.
EVIDENCE:
Ang pahayag sa artikulo na sumusuporta sa aking sagot ay matatagpuan sa
pangalawang talata na nagpapahayag ng patunay sa aking sagot.
“Nang dumating ang mga Espanyol, nagtayo sila ng pamayanan sa Ogtong (Oton
na ngayon). Itinatag ng mga manankop na Espanyol ang Fuerza San Pedro sa Irong-
irong. Ang mga Espanyol rin ang nagbigay ng pangalang Iloilo sa lungsod. Ito na rin
ang ipinangalanan sa buong lalawigan. Itinatag noong Marso 10, 1917.”

REASONING:
Ang patunay na aking napili ay sumusuporta sa aking sagot dahil sa ikalawang
talata ng tekstong ay naglalaman ng impormasyon ng pagkakatatag ng lalawigan ng
Iloilo. Ito ang patunay na ang aking sagot ay may katotohanan.
TANONG BLG 7: Ano ang layunin ng tekstong binasa?

CLAIM:
Ang aking sagot sa tanong ay, layunin ng teksto na ipabatid sa mga mambabasa
ang kasaysayan ng Iloilo at kung bakit ito nagsisilbing yaman ng Pilipinas.

EVIDENCE:
Ang pahayag sa artikulo na sumusuporta sa aking sagot ay matatagpuan sa
teksto. Sa panghuling talata ng teksto, nabanggit rito kung bakit ang Iloilo ay isa sa
mga yaman ng Pilipinas. “Ang Iloilo ay isa sa mga yamang ipinagmamalaki ng
Pilipinas hindi lamang sa mga yaman ng agrikultura dito kundi sa makasaysayang
pook na matatagpuan sa lalawigang ito.”

REASONING:
Ang patunay na aking napili ay sumusuporta sa aking sagot dahil ang teksto ay
isang impormatibo na kung saan layunin nito ang magpahayag ng mga impormasyon
tungkol sa isang bagay, lugar, o pangyayari. At nagampanan ng teksto na ipabatid
ang mga iba’t-ibang impormasyon tungkol sa lalawigan ng Iloilo, kabilang na rito
kung bakit nagsisilbi ang lalawigan bilang isa sa mga yaman ng Pilipinas.

You might also like