You are on page 1of 12

1

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBACK

Pangalan at
Larawan ng mga
Guro
Diotay, Andrea M. Esguerra, Kayla Angelica M.

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Lesson Plan
Heading Baitang 10
Unang Markahan

Kasanayang
Pampagkatuto 1.2. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa
DLC (No. & ng mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito.
Statement)

Dulog o
Approach Values Clarification

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


Panlahat na
C- Pangkabatiran: Natutukoy ang mga hakbang ng tamang pagpapasya.
Layunin
(Objectives)
A- Pandamdamin: Nakapagninilay sa mga kahinaan sa pagpapasya.
DLC
B- Saykomotor: Naisasabuhay ang mga kongkretong hakbang upang
malampasan ang mga kahinaan sa pagpapasya.

PAKSA
(TOPIC) Mga Hakbang Tungo sa Tamang Pagpapasya
2

Inaasahang
Pagpapahalaga Value/Dimension
(Value to be
developed) Future and Orientation (Intellectual Dimension)

1. Brizuela, M.B., Arnedo, P.S., Guevarra, G.A., Valdez, E.P., Rivera,


S.M., Celeste, E.G., Balona, R.V., et.al. (2015). Edukasyon sa
Pagpapakatao Modyul Para sa Mag-aaral. PDF Slide.
https://pdfslide.tips/education/esp-grade-10-learners-module.html

2. Caberio, S.T., Nicolas, M.V.D., Punsalan, T.G., Reyes, W.S. (2019).


Aralin 3: Konsiyensiya: Dikta ng Tamang Pasiya at Kilos. 37-49.
Paano Magpakatao 10.
SANGGUNIAN
(APA 7th Edition
3. Lagsaan, J. (2020). Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan
format)
– Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at
(References)
Kilos-loob.
varied
https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2020/10/ESP10_Q1
_W1.pdf

4. Rivera, A. O. (2011). Mga Salik sa Pagpapasya. Slideshare.


https://www.slideshare.net/ArnelSSI/mga-salik-sa-pagpapasya

5. Rivera, A.O. (2011). Mga Hakbang sa Pagpapasya. Slideshare.


https://www.slideshare.net/ArnelSSI/hakbang-sa-pagpapasya

MGA
KAGAMITAN Laptop, Powerpoint Presentations, PDF Handouts, Video
(Materials)

Pamamaraan/Strategy: Values Continuum Youtube, Zoom


Polls
Panuto: Panuorin ang maikling pelikula at sagutan
nang matapat ang poll sa Zoom.
PANLINANG NA
GAWAIN (https://www.youtube.com/watch?v=86JdtGfYFL)
(Motivation) Mga Tanong:

1. Ano ang naramdaman mo sa napanood na maikling


pelikula?
3

___ Nasiyahan ___ Nagulat

___ Nalungkot ___ Namangha

___ Iba pa

2. Kung ikaw ang karakter sa napanood na maikling


pelikula, maiisip mo rin ba ang kanyang naging pasya
kung paano siya nakatulong?

___ Oo ___ Hindi ___ Siguro

3. Kung ikaw ay malalagay sa kaparehong sitwasyon,


ano sa tingin mo ang magiging balakid sa iyong
pagtulong?

___ Walang maibibigay

___ Nagmamadali

___ Iba pa

Dulog o Approach: Values Clarification Zoom Chatbox,


Mentimeter
Pamamaraan/Strategy: Rank Ordering

Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba at sundin ang


mga sumusunod na ipinapagawa sa bawat bilang.

PANGUNAHING
GAWAIN
(Activity)

1. Ilista ang sampung bagay na isinasaalang-alang mo


sa pagpapasya kung anong strand ang kukunin mo,
ilagay ito sa chatbox.
2. Mula sa sampung bagay na iyong inilista, pumili ng
lima (5) at muli itong ilagay sa chatbox.
4

3. Mula sa limang bagay na iyong inilista, pumili ng


tatlo (3) at muli itong ilagay sa chatbox.
4. Mula sa tatlong bagay na iyong inilista, pumili ng
isa (1) at ilagay sa Mentimeter.

1. Anu-ano ang mga hakbang na ginagawa mo bago Zoom


ka magpasya? (C)
2. Anu-ano ang mga bagay na isinasaalang-alang
kapag ikaw ay nagpapasya? (C)
3. Anu-ano ang mga kahinaan mo sa pagpapasya at
bakit mahalagang malaman mo ang mga ito? (A)
MGA
4. Bakit mahalagang malaman mo ang mga hakbang
KATANUNGAN
(Analysis) tungo sa tamang pagpapasya? (A
C-A-B 5. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita na
sinusunod mo ang mga hakbang sa tamang
pagpapasya? (B)
6. Paano mo maisasabuhay ang mga ito upang
malampasan mo ang mga kahinaan mo sa
pagpapasya? (B)

Powerpoint
Balangkas (Outline) Presentation

A. Isip at Kilos-loob

B. Apat na Salik sa Pagpapasya


PAGTATALAKAY 1. Impormasyon
2. Sitwasyon
(Abstraction) 3. Mga Payo
4. Pagkakataon

C. Mga Hakbang sa Tamang Pagpapasya


1. Alamin ang suliranin.
2. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon.
3. Isaalang-alang ang mga maaaring ibunga ng bawat
solusyon.
5

4. Tukuyin ang iyong personal at pampamilyang


pagpapahalaga.
5. Tukuyin mula sa mga pagpipilian ang
pinakamabuting solusyon.
6. Pag-aralan ang kinalabasan.

Nilalaman (Content)

Isip at Kilos-loob

Naunawaan na natin noon na ang isip ay ginagamit


natin dahil tayo ay may kakayahang mag-isip at alamin
ang diwa at buod ng isang bagay. Ang isip ang siyang
nagbibigay sa atin ng katwiran at kakayahan upang
maimpluwensyahan natin ang kilos-loob. Sa kabilang
banda, ang kilos-loob naman itinuturing ni Santo
Tomas na isang makatuwirang pagkakagusto (rational
appetency). Dahil ang tao ay may isip at kamalayan,
dito umaasa ang ating pagsunod sa malayang
pagnanais ng kilos-loob. Sa makatuwid, ang isip at
kilos-loob ay magkaakibat sa ating pagpapasya.

Apat na Salik sa Pagpapasya

Dahil nahinuha na nating ang isip at kilos-loob ang


siyang ating ginagamit sa pagpapasya, alamin naman
natin ang apat na salik sa pagpapasya.

Impormasyon. Malaki ang impluwensya ng


impormasyon sa pagpapasya ng tao. Bago tayo
magpasya, kailangang alam natin ang mga
impormasyong nakakabit sa ating bagay na
pinagpapasyahan. Ang mga impormasyong ito ay
maaaring makuha sa aklat, pahayagan, balira, pelikula
at iba pa. Mahalagang suriin nating maigi ang mga
impormasyong ating nakakalap bago natin ito gamitin
sa ating pagpapasya.

Sitwasyon. Marapat ding alam natin ang katayuan ng


ating sitwasyon bago tayo magpasya. Mahalagang
alam natin ang kabuuan ng sitwasyon, ang lahat ng
anggulo ng pangyayari. Halimbawa, sa pagpapasya
natin kung ano ang pipiliin nating karera sa hinaharap,
mahalagang isaalang-alang natin ang ating
6

kasalukuyang sitwasyon upang mapaunlad natin ang


sitwasyon sa ating hinaharap. Mahalagang ang ating
pasya ay bunga ng magandang layunin at intensyon
batay sa ating sitwasyon.

Mga Payo. Sa pagpapasya, hindi rin masamang


makinig sa payo ng mga tao sa paligid natin lalo na sa
mga taong alam nating mas may karanasan sa bagay
na ating pinagpapasyahan. Maaaring tayong humingi
ng payo sa ating mga magulang, nakatatandang
kapatid, mga guro at iba pang taong sa palagay natin
ay makatutulong sa atin. Ngunit hindi natatapos ito sa
pakikinig natin sa kanilang mga payo, kailangan pa rin
nating paganahin nang mabuti ang ating isip at
kilos-loob at himay-himayin ang mga payong ating
natanggap.

Pagkakataon. Isa rin sa mahahalagang salik sa


pagpapasya natin ay ang pagkakataon. Mahalaga ring
tayahin natin ang mga pagkakataong naibibigay sa
atin ng panahon.

Sa kabila ng mga salik na ito, ang paggawa ng


pasya ay nakasalalay pa rin sa ating sarili. Kailangan
nating maging maingat, matalino at masusi sa
paggawa ng pasya.

Mga Hakbang sa Tamang Pagpapasya

1. Alamin ang suliranin. Mahalagang malaman at


matukoy ang tunay na ugat ng suliranin. Sa ganitong
paraan, masusuri ito nang mabuti upang mas maging
lapat sa konteksto ang mga susunod na hakbang sa
pagpapasya.

2. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon. Alamin


ang mga maaaring paraan upang maging madali ang
paglutas ng suliranin at kung sino ang mga taong may
kakayahang makatulong dito.

3. Isaalang-alang ang mga maaaring ibunga ng bawat


solusyon. Mula sa naisip na mga solusyon, isipin ang
lahat ng posibilidad na maaaring kahinatnan ng
pagpasya. Mainam na malaman agad ito upang
7

mapaghandaan at maiwasan ang pagsisisi sa anumang


kamalian sa magiging desisyon.

4. Tukuyin ang iyong personal at pampamilyang


pagpapahalaga. Isaisip na hindi lamang ito solusyon sa
isang suliranin ngunit nakasalalay rin dito ang
pagpapahalagang pinanghahawakan mo at ng iyong
pamilya.

5. Tukuyin mula sa mga pagpipilian ang


pinakamabuting solusyon. Walang pag-aalinlangang
pagpasyahan at isagawa ito. Ito ay iyong pinag-isipan,
sinuri, at pinahalagahan kaya lakas-loob na
manalanging maging maayos at matagumpay ang
pinagpasyahan.
6. Pag-aralan ang kinalabasan. Maging anuman ito,
timbangin ang naidulot sa sarili, sa pamilya, at sa kung
sino pa man ang sangkot sa pagpapasya. Kung mabuti
ang epekto, magdiwang, at kung nagkulang sa
pagpaplano, maaaring i-angkop ang nararapat na
pagbabago.
8

Pamamaraan/Strategy: Action Plan Google Drive,


Google Docs
Panuto: Gamit ang template (google docs) na ibibigay
ng guro, gumawa ng action plan para sa mga
pagpapasyahang gawain sa mga sumusunod na araw.
Itala rin ang mga lalagpasang kahinaan sa pagpasya ng
mga ito. Ang unang hanay ay magsisilbing halimbawa
para sa inyo.

Araw Pagpapaha Pinagpasyahang Mga


-laga Gawain Lalagpasang
Kahinaan sa
PAGLALAPAT Pagpasya

(Application) Linggo Magulang Sumunod agad Pagkakaroon ng


sa utos iba pang gawain

Lunes Sarili

Martes Pamilya

Miyerkules Kaibigan

Huwebes Kapwa

Biyernes Diyos

Mga Uri ng Pagsusulit: True or False, Multiple Choice, Google Form


Essay

Panuto: Piliin ang salitang TAMA kung ang pahayag ay


nagsasaad ng tamang kilos at ang salitang MALI
naman kung hindi. (1 puntos bawat bilang)

PAGSUSULIT A.
(Evaluation/
Assessment) 1. Inalam muna ni Kiko kung anu-ano ang mga
impormasyon sa kursong Electrical Engineering
bago siya nagpasyang kunin ito sa kolehiyo.
2. Masusing tinataya ni Mia ang mga posibleng
solusyon upang siya ay makaipon kahit pa habang
siya ay nag-aaral.
3. Nagpasya si Daniel na sumama sa kanyang mga
kaibigan na mag-bike kahit pa may kailangan
siyang ipasang takdang-aralin mamaya.
9

4. Pinili ni Ely na magtrabaho upang makaipon bago


magkolehiyo dahil alam niyang walang kakayahan
pinansyal ang kanyang mga magulang.
5. Kinausap ng kanyang guro si Kath na bagay sa
kanya ang maging guro rin kaya naman Education
ang kinuha niyang kurso sa kolehiyo.

Panuto: Basahing mabuti ang tanong sa bawat bilang


at piliin ang titik ng tamang sagot. (1 puntos bawat
bilang)

B.

6. Ano ang nagbibigay ng katwiran at kakayahan sa


atin upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob?

a. Diwa c. Pasya

b. Isip d. Konsensya

7. Alin sa mga salik ng pagpapasya ang hinihingi


natin sa ating mga magulang, mga nakatatandang
kapatid, guro, o iba pang tao dahil mas may
karanasan sila sa pagpapasya?

a. Mga payo c. Pagkakataon

b. Sitwasyon d. Impormasyon

8. Ano ang pinakaunang hakbang sa pagpapasiya?

a. Alamin ang suliranin.

b. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon.

c. Isaalang-alang ang mga maaaring ibunga ng


bawat solusyon.

d. Tukuyin mula sa mga pagpipilian ang


pinakamabuting solusyon.

Para sa bilang 9-10, basahing mabuti ang sitwasyon at


sagutin ang mga tanong na nakasaad patungkol dito.

Si Boss B ay nagmamay-ari ng isang palengke at


likas sa kanya ang pagiging palasigaw at
nakakunot noo. Isang araw, may isang kustomer
10

ang nakakita kay Boss B at mga tauhan nitong


may buhat buhat na tindero ng karne. Agad agad
namang kinuhaan ng video ang pangyayaring ito at
nasama rin sa video ang sinabi ni Boss B na “Hala,
sige, dalhin iyan doon!” Nagviral ang video at
marami ang nagbitiw ng masasamang salita kay
Boss B kabilang na rito ang pagiging ‘hindi
makatao dahil nananakit ng manggagawa’. Nang
tanungin ang ibang tindera at tindero sa palengke
ukol sa nangyari, nilinaw nila na may sakit daw ang
tinderong iyon at tinutulungan siya ni Boss B sa
pagpapagamot. Nang araw na iyon ay nahimatay
siya at dadalhin siya sa ospital.

9. Sa mga sumusunod na salik sa tamang


pagpapasiya, saang salik nagkulang ang kumuha at
nagpost ng video?

a. Mga payo c. Pagkakataon

b. Sitwasyon d. Impormasyon

10. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang


makatutulong pa sa kumuha at nagpost ng video
na malagpasan ang naging kahinaan niya sa
pagpapasiya?

a. Alamin ang suliranin.

b. Pag-aralan ang kinalabasan.

c. Pag-aralan ang lahat ng posibleng solusyon.

d. Tukuyin ang iyong personal at pampamilyang


pagpapahalaga.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa


pamamagitan ng sanaysay na mayroong tatlo (3)
hanggang limang (5) pangungusap. (5 puntos bawat
bilang)

C. Sanaysay

1. Kung ikaw ang magpapasya, ano ang pipiliin mong


strand sa Senior High School, ang iyong gusto o
11

ang gusto ng iyong magulang? Ipaliwanag ang


iyong sagot.
2. Maituturing bang tama ang pagpapasya kung ang
isang tao ay nagpasyang magpagamit para sa
kabutihan ng iba? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Mga Kasagutan:
A.
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. MALI
B.
6. B
7. A
8. A
9. D
10. B
C.
1. Kung ako ang papipiliin, mas gugustuhin kong
tahakin ang daan na ako ang masusing pumili
kaysa sa daan na magulang ko ang magdidikta.
Maaaring makinig ako sa mga payo nila sa kung
anong strand ang kukunin ko dahil kilala rin nila
ako bilang anak nila. Ngunit hindi doon natatapos
ang pagpapasya para sa aking hinaharap. Maiging
matukoy ko muna ang aking napupusuan, bago
alamin ang mga impormasyong kaakibat nito, saka
ako hihingi ng kanilang mga payo. Kailangang buo
ang aking loob sa pagpapasya ng aking strand
dahil malaki ang gampanin nito sa aking
hinaharap.
2. Ang pagpapagamit para sa kabutihan ng iba ay
isang halimbawa ng maling pagpapasiya dahil
maaari itong pagmulan ng pang-aabuso,
pagsawalang-bahala, at pagkadepende. Isang
halimbawa ay ang pagpapagamit sa paggawa ng
gawaing pampaaralan ng iba kapalit ang pera.
Kabutihan ito ng iba dahil sila ay nakapagpapasa at
nakakukuha pa rin ng mataas na marka ngunit
hindi nito natuturuan ang estudyanteng matuto at
tumayo sa sarili nitong mga paa. Bukod pa rito,
hindi rin tama na magpagamit para sa kabutihan
12

ng iba lalo na kung ito ay responsibilidad naman


nila.

Panuto: Balikan ang Action Plan na iyong ginawa. Story Jumper


Gamit ang Story Jumper, gumawa ng limang
Reflection, isa sa bawat araw (Lunes hanggang
Biyernes) sa tulong ng mga gabay na tanong sa ibaba.
TAKDANG-ARALIN
(Assignment) 1. Ano ang pagpapasyang ginawa mo sa araw na ito?
2. Sa iyong pagtataya, naging tama ba ang iyong
desisyon? Bakit tama o bakit mali?
3. Ano ang mga hakbang upang mas mapabuti mo pa
ang iyong desisyon para sa araw na ito?

Pamamaraan/Strategy: Sentence Completion / Powerpoint


Teacher’s Input Presentation

Panuto: Buuhin ang pangungusap sa ibaba.

Pagtatapos na
Gawain
(Closing Activity)

Bilang mga mag-aaral na nalalapit nang magtapos sa


Junior High School, marami na tayong pagpapasyang
ginagawa, maliit man o malaki, para sa ating sarili,
pamilya, kaibigan, kapwa, at Diyos. Bahagi ng mga
hakbang sa pagpapasya ay ang pagtaya o pag-aaral ng
ating mga nagawang pagpapasya at ng kinalabasan
nito. Ang hakbang na ito ay makatutulong upang sa
mga susunod nating pagpapasya ay maging mas
matalino na tayo sa pagpili ng ating tatahakin.

You might also like