Professional Documents
Culture Documents
Filipino Magagawa Mo (Jenny Mae D. Otto Grade 12 Abm-Yen)
Filipino Magagawa Mo (Jenny Mae D. Otto Grade 12 Abm-Yen)
MAGAGAWA MO
MAGAGAWA MO
1. BUOD
Ang buod ay nangangahulugan ng Sumaryo, o ang pagsasama sama ng mga mahahalagang pangyayari o
impormasyon sa isang nabasa, napakinggan o napanood na kwento, sanaysay at iba pa.
2. PRESI
Ang presi ay galing sa salitang precis na ang ibig sabihin sa lumang Pranses ay pinaikli. Ang presi ay
nangangahulugang buod ng buod. Mula sa depinisyon nito ay higit pa itong mas maikli sa buod at halos ang
pinakatesis ng buong akda ang tinatalakay. Bagamat maikli pa ito sa buod ng isang punto, pahayag, ideya o
impormasyon, ang paglalahad dito ay malinaw, kumpleto ang nilalaman, at may pagkakaugnay ugnay ang mga
ideya.
3. HAWIG
Ang hawig ay isang pagsasabi o paghahayag ng idea at pananalita ng isang akda sa pananalitang naiintindihan ng
mambabasa at tagapakinig.
4. LAGOM
Ang lagom ay isang pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ay mababasa sa mga akdang piksyon.
Kadalasang ang lagom ay hindi lalagpas sa dalawang pahina at siya ring ginagamit na panloob o panlabas na
pabalat ng isang nobela na tinatawag na jacket blurb.