You are on page 1of 3

Kabanata 221

Hindi na siya kinwestiyon ng Doctor.

Matapos ebenda ang sugat ni Simon,

Pinaalalahanan siya nito,” Hindi na

Maaaring bumuka ulit ang sugat,”

“Naiintindihan ko. Maingat ko siyang babantayan,”

Kaagad sumagot si Sharon.

Matapos umalis ang doctor, muli siyang humingi ng tawad kay simon.”

Masakit pa rin ba ang sugat mo?” Taning niya.

“Masakit…” Kumubra ang mga labi ni Simon.

Mayroong hindi mabasang ekspresyon sa kaniyang mukha, “Hindi ba dapat

Ay bayaran mo pa ako?”

Tanong niya.

‘Anong klaseng kabayaran ang gusto mo?”

Bahagyang nag dilim ang titig niya dito.

“Gusto kong alagaan mo ako hanggang gumaling ako, “Sinabi niya rito.

Nasaktan ito dahil sa kanya, kaya’t hindi ito labis na hilingin mula sa kaniya .

Sa totoo lang, obligasyon niyang gawin ito.

Walang pagdadalawang isip siyang tumango. “ sige, aalagaan kita, “Pagsang-ayon niya.

Ang unang plano niya ay lumabas sa ospital ngayong araw. Ngayon, mukhang kailangan niyang manatili pa nang
mas matagal dito.

Naghihintay pa rin si Franky Zimmer sa isang sulok. Matagal na siyang naroroon. Bahagyang nahiya si Sharon dahil
hindi pa rin ito nakakapag-report kay Simon. Kaya naman, tumalikod siya at sinabi rito, “ Franky, pwede mong
sabihin ang kailangan mong sabihin ngayon. Sinabihan siya ng doctor na magpahing mamaya.`”

Kaagad niyang kinuha ang tungkulin na maging tagapag -alaga ni Simon.

para lumabas. Tiningnan siya ni Franky . Nahihirapan siyang magsimulang magsalita nang nandito ito sa kwrto.

“Hindi ko ba ito dapat marinig? Kung ganon, lalabas ako,” Sabi niya, tumalikod siya
“Ayos lang, hindi mo kailangang lumabas, “sabi ni Simon habang sinesenyasan si Franky na sabihin sa kaniya ang
lahat. Asawa niya si Sharon. Walang bagay na hindi nito dapat marinig.

Matapos mapakinggan ang sinabi ni Simon, nagsimulang magsalita si Franky.”President Zachary, mayroong isang
kotseng sumusunod sa inyo. Gusto kayong saktan nito,” Ulat niya.

Nagdilim ang mata ni Simon. “nalaman mo ba kung sino ang nasa kotse?” Tanong niya.

Umiling si Franky. ‘Hindi pa. Pero, mula sa impormasyong nagawa naming makuha, pinupuntirya ng mga taong
iyon si Mrs. Zachary. ”Sabi niya.

Hindi pa napoproseso ni Sharon ang sinabi sa kanila ni Franky, ngunit mas na bigla siya ngayon. “Pinupuntirya ako?

Ibig sabihin ay mayroong mga taong sumusunod sa akin, at ang mga taong iyon ay nagpaplanong saktan ako?”

“Posible poi yon,” Sabi ni Franky.

Bumigat ang ekspresyon ni Sharon. Sino ang nagalit sa kaniya? Bakit gusto siyang patayin ng taong ito?

Noong nakaraan, dinukot siya ng mga ito at ginilitan ang kaniyang pulso para mamatay siya sa pagdurugo. Ano
naman ang pagkakataong ito?

Sila ba ang dahilan ng aksidente para lamang mapatay siya?

Kung ganoon nga, kung hindi siya nagkamali sa pagmamaneho, ang mga sumusunod ba sa kaniya ang gagawa ng
aksidente?

Alam ba ng mga taong ito na nasa kotse rin si Simon?

Isang hindi maganadang ekspresyon ang nabuo sa kaniyang mukha habang lumalamig ang kaniyang mga kamay at
paa. Puno ng hindi matatagong pagkataranta ang kaniyang mga mata.

Bumalik muli sa kaniyang isipan ang mga sandaling nabangga si Manager cook at napatay sa isang kotse. Si Sally
Luke ang gustong manakit sa kaniya . Ngunit, si Manager Cook ang nagdusa rito imbes na siya. Sa pagkataong ito,
si Sally Luke ba ulit ito?

Biglang mayroong kumapit sa kaniyang kamay. Bumugsoang init sa kaniyang mga kamay, inaalis ang lamig sa
kaniyang katawan .

Tinaas niya nag tingin para salubungin ang kalmado at madilim na tingin niSimon. Tila kaya siyang pakalmahin
kaagad nitong lalaking nasa harapan niya at alisin ang lahat ng takot at pagkataranta sa kaniyang puso.

Habang napupuno siya sa pagkabigla, ibinigay na ni Simon kay Frank ang mga dapat nitong gawin. Sumunod ay
umalis na si Franky sa kwarto. Pagkatapos nito, dalawa na lang sila ulit sa kwarto.

You might also like