You are on page 1of 12

MODYUL SA EKOKRITISISMO AT

PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2021-2022S

KURSO EKOKRITISISMO AT PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN


(Subject)

YUNIT Yunit I: Kaligirang Kaalaman sa Ekokritisismo


(Chapter)

PAMAGAT NG ARALIN
(Lesson Title) KALIGIRANG KAALAMAN SA EKOKRITISISMO
Etimolohiya, kahulugan at kabuluhan ng Ekokritisismo

Sa loob ng dalawang linggo, ang mga mag-aaral ay inaasahang


matamo ang sumusunod na layunin ng aralin:
LAYUNIN NG ARALIN
(Lesson Objectives) 1. nakatutukoy sa kahulugan ng ekokritisismo.
2. nakapagtatala nang wasto at tiyak na kaalaman/impormasyon
hinggil sa etimolohiya ng ekokritisismo.
3. napahahalagahan ang ekokritisismo sa pamamagitan ng pagbuo
ng timeline na kakikitaan ng mga akdang pampanitikan mula sa
panahon ng katutubo hanggang sa kasalukuyang panahon.

Ilalahad sa yunit na ito ang kahulugan at kabuluhan ng ekokritisismo.


LAGOM NG PANANAW Tatalakayin din dito ang etimolohiya ng ekokritisismo. Ipaliliwanag ang
(Overview/ Introduction) pinagmulan ng salitang ekokritisismo at ang ekoritisismo bilang teorya sa
pagsusuri ng mga akdang pampanitikan mula sa iba’t ibang pananaw ng
mga nagpasimula ng ekoritisismo at iba pang mga ekokritiko.

Plantitos at Plantitas sa Panahon ng Pandemya-


PAGGANYAK
(Activity) Novaliches Quezon City
Panonood ng dalawa at kalahating minuto na downloaded video clip
(54:40-57:30) mula sa 24 Oras Setyembre 18, 2020
https://www.youtube.com/watch?v=TTroUDe8kPE&t=1244s9/25/2020

Prepared by: Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 1
Prof.Ysmael/Tahir Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department
Approved by: Dr. Cruspero
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

1.Ano-ano ang epekto ng pandemya sa kalikasan?


2.Paano mo napahalagahan ang kalikasan sa panahon ng pandemya?
PAGSUSURI
(Analysis)

PAGLALAHAD INTRODUKSYON
(Abstraction)
Malayo-layo na ang narating natin, mula sa isang simple at payak na
pamumuhay ng bawat isa, ay namumuhay tayo ngayon sa daigdig na
halos lahat ng bagay ay maituturing na komplikado. Noon ang tanging
iniisip lamang ng mga tao sa isang komunidad ay kung paano nila
matutugunan ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw at
iyon ay hindi suliranin dahil sa kasaganaan ng kanilang kalikasan.
Ang mga batis, ilog, at karagatan ay sagana sa iba’t ibang uri ng mga
isda. Ang kabundukan ay nagtataglay ng mga luntiang halaman at
malalaking mga puno na kinatitirhan ng mga ibon at iba pang hayop.

Sa pagdaan ng panahon ang kinagisnan natin sa ating palaigid ay


unti-unting nagbabago dahil sa estilo ng pamumuhay, pag-uugali, at
dahil na rin globalisasyon at industriyalisasyon. Ang mga luntiang
kagubatan at asul na karagatan ay unti-unti na ring naglalaho ang
mga kulay at kasaganaan nito dahil sa iba’t ibang salik na
nakaaapekto sa kagandahan at kasaganaan ng kalikasan gaya na
lamang ng pag-uugali ng tao sa kaniyang kapaligiran. Isang
pinakasimpleng halimbawa nito ay ang kawalang malay sa batas na
R.A 9003 o ang Proper Waste Segregation Management na
nagsasaad ng tamang pagtatapon ng basura.

Bilang tugon sa iba’t ibang uri ng mga suliraning pangkalikasan ay


malaki ang gampanin ng edukasyon partikular ng ekoliterasi sa
pagpapalaganap ng kaalaman tungo sa pagpapahalaga sa kalikasan.

DEPINISYON NG MGA TERMINO

Ekolohiya/ Ekolohikal - tawag sa pag-aaral ng ugnayan o


interaksyon sa pagitan ng mga hayop, halaman at ng kalikasan. Pag-

Prepared by: Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 2
Prof.Ysmael/Tahir Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department
Approved by: Dr. Cruspero
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

aaral ng masalimuot na ugnayan sa pagitan ng mga komunidad ng


biotic (buhay) at ng kanilang mga abiotic (di-buhay) na mga
kapaligiran.

Kritisismo- komparison, analisis, interpretasyon, at/o ebalwasyon


ng mga akdang pampanitikan. Maaaring ito ay ;
a) Impresyonismo/ pandamdamin (affective)- subhektibo.
ang panghuhusga ay mula sa personal na reaksyon.
b) Practical/ judicial - likas na obhektibo na may consensus na
paghusga batay sa analitikal o iba pang katibayan.

Ekokritisismo – galing sa mga salitang Griyego na oikos (nature o


kalikasan na siyang pinakamalawak na tahanan) at kritos (arbiter
of taste o tagahatol sa kalidad at integridad o karangalan ng akda
na nagtataguyod ng kanilang diseminasyon, Fenn 2015:115). Ito ay
pinagsamang dalawang salita eko (Ekolohiya) at Kritisismo. Isang
interdisisplinaryong larangan ng makaagham na pagsulat ng
panitikan. Isang rin itong dulog o teorya na nakaangkla sa
pagpapalagay na may ugnayan ang panitikan at ang pisikal na
kapaligiran (Barry 2009:216 mula kay Glotfelty at Fromm 1996).

KAHULUGAN NG EKOKRITISISMO

Ang ekokritisismo ayon kay Santos (2011) na sinipi ni Teodoro


(2012) ay pag-aaral ng ugnayan ng literatura at pisikal na
kapaligiran na tumitingin sa daigdig at hindi sa tao o lipunan
lamang. Sa librong Ecocriticism ni Greg Garrard, sinipi niya ang
depinisyon ni C. Glotfelty mula sa introduksiyon nitong huli sa
librong inedit na “The Ecocriticism Reader: Landmarks in Literary
Ecology” Glotfelty (1996) din ang unang nagtambal sa salitang
"Ekokritisismo" na nagpapahalaga sa kaugnayan ng panitikan at
kalikasan. Sa larangang ito, sinusuri ng mga awtor kung paano
mapalawak ng panitikan ang paksa hinggil sa pag-iingat,
pangangalaga at pagbibigay babala ng kalikasan sa tao upang
mapanatili ang kaayusan ng mapayapang buhay sa Daigdig.

Prepared by: Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 3
Prof.Ysmael/Tahir Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department
Approved by: Dr. Cruspero
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

Sa taong ito, nailathala ang kauna-unahang "Klasikong


Antolohiya ng mga Piyesang Pampanitikan" kasama si Harold
Fromm. Sumibol ang teoryang Ekokritisismo na siyang tumututok
sa pandaigdigang krisis sa kalikasan sa pamamagitan ng
panitikan na detalyeng naglantad ng mg kaganapan sa kultura at
pisikal na kapaligiran dahil sa walang humpay na pagpapalalo ng
tao sa luntiang kapaligiran.

Habang si William Rueckert (1978) Bumuo ng tambalang salitang


"Ecopoetics". Ito ay ang isang tula na tumatalakay at sumisiyasat
sa kalagayan ng kalikasan, kaugalian at pakikitungo ng tao sa
kalikasan, sa hampas ng delubyo, pagtataksil sa kalikasan at mga
oportunidad at paghihirap ng mga tao sa lungsod. Itinaas ng
larangang ito ang bisa ng panitikan na siyang nagsilbing
tagapagsiyasat ng sa mga bagay na hinggil sa inang kalikasan
tulad ng pag-iwas sa paggamit ng matapang na mga kemikal at
pataba, pagpapanatili sa luntiang kagubatan, pagbabantay sa
kalinisan ng mga hangin at mga anyong tubig.

Pinangunhan nila Cheryll Glotfelty at Harold Fromm ang pagtatag


ng Ekokritisismo sa Estados Unidos noong 1980. Nakilala ang
kanilang koleksyon ng mga sanaysay na may pamagat na "The
Ecocriticism Reader: Landmark in Literary Ecology". Habang si
Jonathan Bate Nagtatag ng Ekokritisismo sa Reino Unido (United
Kingdom) noong 1990. May akda siyang pinamagatang "Romantic
Ecology: Wordsworth and Environmental Tradition" at "The Song of
the Earth".Aniya, "Literature scholar analyze texts they illustrate
environmental concern and examine the various ways of literature
treats the subject of nature".

MGA PILIPINONG ECOPOETRY

• Jose Corazon de Jesus Huseng Batute(1932)- Isang


Punungkahoy at Ulap
• Jose M. Villena - Sa Paglubog ng Araw
• Manuel Principe Bautista - Lupa
• Avon Adarna Kalikasan - Saan Ka Patungo?
• Jason Hamster - Puno at Ikaw at Tubig, Tubig, Tubig

Prepared by: Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 4
Prof.Ysmael/Tahir Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department
Approved by: Dr. Cruspero
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

TEORYANG EKOKRITISISMO

Pinaikling anyo ng ecological literary criticism na nagtatanghal sa


kalikasan hindi lamang bilang teksto kundi bilang isang indibidwal
na may sariling entidad at may malaking papel bilang protagonista
ng akda. Nagtataguyod ito sa pangangalaga ng kalikasan sa
pamamagitan ng eko-literacy gamit ang glosaryo ng mga
konseptong matutuklasan hinggil sa ugnayan ng panitikan sa
kalikasan mula sa mga akda.

MGA EKOKRITIKO NG TEORYANG EKOKRITISISMO

MULA SA AMERIKA

A. Henry David Thoreau


Sinaunang manunulat ng Esatados Unidos na nagpapahalag sa
kalikasan. Sinabi niya na kapag ang tao’y nabigong matuto mula
sa kanyang kalikasan, siya ay hindi lubos na nabubuhay (Shaba at
Nagaraj, 2013). Sa kanyang akdang “Life in the Woods”
nagpapaliwanag ito na ang kariwasaan na dala ng makabagong
pamumuhay ang hindi sapat upang masabing lubos na buhay dahil
ang tunay na kaligayahan ay kalikasan, pagtulong sa sarili at ang
pagkasiya sa mga simpleng bagay na nasa kalikasan mismo.
B. JOHN MUIR

Isa ring manunulat mula sa Estados Unidos na namukod-tangi


sa kanyang akdang my first Summer in the Sierra, ang akdang ito
ay nagsasalaysay sa kanyang unang pagpunta sa bundok ng
Sierra Nevada at California. Nagsalaysay rin ito ng kanyang
nakatutuwang pakikipagsapalaran bilang isang pastol ng
California. Sa akdang ito kapansin-pansin ang kanyang lubos na
pagpapahalaga sa kalikasan na makikita sa linyang tinuran.

Prepared by: Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 5
Prof.Ysmael/Tahir Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department
Approved by: Dr. Cruspero
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

So extravagant is Nature, her choicest treasures, spending


plant beauty as she spends sunshine, pouting but fourth into
land and sea, garden and desert. And so, beauty of lilies falls
on angels and men, bears and squirrels, wolves and sheep,
birds and bees, but as far as I have seen, man alone, and the
animals he tames destroy these gardens (Muir, 1869)

C. RALPH WALDO EMERSON AT MARGARETTE FULLER

Sa ni Waldo na Nature at Fuller na Summer on the Lakes during 1843


ay karaniwang nang nagbubunyi sa kagandahang hatid ng kalikasan
kung kaya't ang kanilang pangkat ay kinilalang trancendetalists o
pangkat na nagtataguyod sa paniniwalang trancendentalism. Ayon
sa yourdictionary.com ang trancendentalism ay “literary and
philosophical movement arising in 19th century New England, Ralph
Waldo Emerson and Margaret Fuller asserting the existence of an
ideal spiritual reality that transcends empirical and scientific reality
and is knowable through intuition"

MULA SA BRITANYA

A. JONATHAN BATE, LAURENCE COUP,


RICHARD KERRIDGE, GREG GARARD AT TERY GIFFORD

Sila ay ilan sa mga ekokritikong mula sa Britanya na


aktibong tagapagtaguyod ng ekokritisismo.

Ang dalawang umiiral na pangkat ng mga ekokritiko mula sa


Amerika at Britanya ay magkaugnay ang dulog at layunin subalit
magkaiba ang binibigyan ng tuon.

Prepared by: Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 6
Prof.Ysmael/Tahir Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department
Approved by: Dr. Cruspero
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

BANSA TERMINO DULOG AT LAYUNIN


Nagbibigay tuon sa
Amerika Ecocritism
kagandahang dulot ng kalikasan

Nagbibigay tuon sa paglimi


Britanya Green Studies sa mga distraksyan o panganib na
dala ng tao sa kalikasan

TATLONG BAHAGI NG KAPALIGIRAN

Batayan ng dulog-ekokritisismo ang pag-unawa sa ugnayang ng


kalikasan at panitikan. Ayon kay Barry (1996) may tatlong bahagi
ang kapaligiran.
1. Unang Bahagi - Kinabibilangan ng kaparangan gaya ng disyerto,
karagatan, dinatitirahang kontinente.

2. Ikalawang Bahagi o Nakakamanghang Tanawin- Bahagi rito


ang kagubatan, lawa, bundok, bangin, at talon. Pati ang kaanyuang
kinapapaloaban ng burol, bukid, at kakahuyan.

3. Ikatlong Bahagi - Mga lokal na tanawin tulad ng tulad ng parke,


hardin, daan at iba pang tanawing likha ng tao.

Mapapansin ang nasabing mga bahagi ng kapaligiran ay nagsimula


sa pagiging purong kalikasan (kagubatan) patungo sa pang-apat na
pinangingibabawan ng kultura(mga tanawing gawa ng tao). Sa
makatuwid, ang ekokritisismo ay ang interdisiplinaryong pagdulog
sa panitikan. Sa aklat nila Ian at Sandoval sinipi nila ang sabi ni
Thomas K. Dean (1994) mula sa nilathala nila Shoba at Nagaraj
(2013). Ang ekokritisismo ayon kay Dean ang pag-aaral ng kultura
at produkto ng kultura gaya gawang sining, ma akda, mga
siyentipikong teorya at iba pa. Na may ugnayan ng tao sa kalikasan.
Ang ekokritisismo ang tugon sa pangangailangan ng, suliranin, o
krisis na pangkapaligiran. Ito ang magtutulay sa siwang na
namamagitan ng panitikan at agham. Dagdag ni Dean.

Sa pagbasa ng akdang pampanitikan, isinaalang-alang ang ilan sa

Prepared by: Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 7
Prof.Ysmael/Tahir Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department
Approved by: Dr. Cruspero
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

mga anong na binanggit ni Glotfelty, (994). Gaya ng sumusunod:

1.) Paano isinasagisag ang kalikasan sa akdang ito?


2.) Ano ang papel na pisikal na tagpuan/seting sa banghay ng akda?
3.) Ang pagpapahalaga bang ipinahayag sa akda ay naaayon sa
pagpapahalaga sa kalikasan?
4.) Sa paanong paraan nakaaapekto ang karunungan sa relasyon
ng tao at kalikasan?
5.) Ano ang kaugnayan ng agham at ng ekolohiya sa pag-aaral ng
panitikan?
6.) Ano ang posibleng bunga sa pagitan ng pag-aaral sa panitikan
at usaping pangkapaligiran kaugnay sa ibang disiplina tulad ng
kasaysayan, pilosopiya, sikolohiya, sining at etika?

TEORYANG NARATOLOHIYA

Ang teoryang ito ay ginamit ni Aristotle sa pagtatalakay sa


anumang akdang pamapanitikan nang nasa gayon ay makita ang
ugnayang namayani sa panitikan at pisikal na kapaligiran. Ayon kay
Ian at Sandoval, isang teoryang panliteratura na nagsusuri sa
estruktura ng salaysay batay sa panahon na ito ay umiral. Pinag-
aaralan ng narratology kung ano ang magkakatulad sa mga
kuwento at kung paano naman nagkakaiba ang mga ito sa isa’t-isa
(sinipi mula sa Britanica.com) na sinang-ayunan ni Barry (2009) na
nagsabing ang naratolohiya ay ang pag-aaral sa estruktura ng
kuwento. Dagdag ni Barry, ang naratolohiya ay ang pag-aaral kung
paano nakakalikha ng kahulugan ang diskurso at kung ano-anong
pamantayan at pamamaraan at pagsasalaysay ng kuwento ng
akda.
Para kay Aristotle ang tatlong (3) elemento ng banghay ng
alinmang elemento sa isang akda, partikular na ang maikling
kuwento ay ang mga tauhan at mga aksyon. Kinilala ni Aristotle ang
tatlong elemento ng banghay ng alinmang elemento.
1. Ang hamartia na nagsisiwalat ng kasalanan ng tauhan,
2. Ang angnorisis o reyalisasyon o pagtuklas ng sarili sa
kasalanan, at

Prepared by: Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 8
Prof.Ysmael/Tahir Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department
Approved by: Dr. Cruspero
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

3. Ang peripeteia o pagbabalintuna ng tauhan, kumbaga guhit ng


tadhana (Barry, 2009).

Ang tatlong elementong ito ay tulong na rin sa mga tungkulin ng


banghay na itinala ni Propp, ang mga batayan sa pagtasa ng lalim
ng ugnayan ng panitikan at kalikasan.

TEORYANG KULTURAL

Layunin ng panitikan na ito na ipakikilala ang kultura ng may


akda sa mga hindi nakakaalam. Katulad nang mga kaugalian,
paniniwala, at tradisyong minana sa mga mga sususnod na
salinlahi. Pinapahalagahan ang materyal at di-materyal na bagay at
ipinapakita din dito na ang bawat lipi ay natatangi.
Ayon kay A.L Kroeber (1953) upang higit na maunawaan
ang konsepto ng kultura kailangan pag-uugnayin ang likas na
agham at likas na pag-unlad ng kalikasan. Nangangahulugang
interdesiplinaryong lapit ang pinakamainam sa pagsusuri ng mga
akda upang matukoy ang ugnayan ng panitikan at kalikasan.

Mga Sanggunian:

Dizon, Rosario B., Ijan, Melba B, Pantorilla, Chem R, Sandoval, Mary Ann
S. 2018. Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan. Mutya Publishing
House Inc. Lungsod ng Malabon.

Fenn, Vathana 2015. Roots of Ecocriticism: An Exploration of


the History of ecocriticism, a Literary Theory of the
Post-modern world
http://joell.in/wp-content/uploads/2015/08/Ecocriticism1.pdf 9/25/2020

Eco Book the Ecocritism Reader


https://www.ecobooks.com/books/ecocrit.htm

24 Oras September 18, 20202. Gulayan sa Novaliches (54:40-57:30)


https://www.youtube.com/watch?v=TTroUDe8kPE&t=1244s 9/18/2020

PAGLALAPAT INFOGRAFIK TIMELINE


(Application)

Batay sa tinalakay na batayang kaalaman sa ekokritisismo,


gumawa ng isang timeline na naglalahad at nagpapakita ng
daloy at ebolusyon ng pag-usbong ng teoryang ekokritisismo

Prepared by: Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 9
Prof.Ysmael/Tahir Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department
Approved by: Dr. Cruspero
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

batay sa iba’t ibang panahon ng panitikan (Katutubo, Kastila,


Amerikano, Hapon, at Kasalukuyan).

Pumili ng isang (1) tiyak, kilala at nailimbag/ nailthala na


uri ng panitikan mula sa iba’t ibang panahon o yugto ng
panitikan at iugnay ito sa yugto ng ekokritisismo gamit ang
panitikan sa napiling panahon ng panitikan. Gamit ang
nabuong ideya at konsepto ng dalawang magkaibang
disiplina, pag-ugnayain ang dalawa sa pamamagitan ng
representasyon ng infografik timeline.
KRAYTERYA NG INFOGRAFIK NA TIMELINE CSSH-ABFIL

Republic of the Philippines


Sundin ang pamantayan sa
Fatima,paggawa
General Santos City ng infografik timeline ang
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
panuto at krayterya. Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

KAHINGIAN PAGLALAHAD 0 3 6 10
Hindi mahusay at wasto ang Bahagyang mahusay at Mahusay at wasto ang
Tumutukoy ito sa kronolohikal na wasto ang kronolohikal na kronolohikal na
PETSA mahahalagang petsa Walang pagkakasunod-sunod ng mga pagkakasunod-sunod ng pagkakasunod-sunod ng
ng mga pangyayari. petsa mahahalagang petsa sa iba’t mga mahahalagang petsa mga mahahalagang
ibang panahon. sa iba’t ibang panahon. petsa sa iba’t ibang
panahon.
Ito ang pagggamit ng Hindi mahusay at wasto ang Bahagyang mahusay at Mahusay at wasto ang
BISWAL mga kaugnay na Walang ginamit na mga larawan wasto ang ginamit na mga ginamit na mga larawan
larawan. biswal bilang simbolismo sa iba’t larawan bilang simbolismo bilang simbolismo sa
ibang panahon. sa iba’t ibang panahon. iba’t ibang panahon.
Tumutukoy ito sa Walang Hindi mahusay at wasto ang Bahagyang mahusay at Mahusay at wasto ang
HEADER/ PAMAGAT paksa o tawag sa pamagat paglagay ng pamagat ng wasto ang paglagay ng paglagay ng pamagat ng
panahon. bawat tiyak na panahon. pamagat ng bawat tiyak na bawat tiyak na panahon
panahon
Ito ang pagbibigay ng Hindi mahusay at wasto ang Bahagyang mahusay at Mahusay at wasto ang
DESKRIPSYON maikling deksripsyon Walang deskripsyon ng iba’t ibang wasto ang deskripsyon ng deskripsyon ng iba’t
sa kaugnay na deskripsyon panahon. iba’t ibang panahon ibang panahon
panahon.
Ito ang kabuoang
kahusayan at estetik Hindi mahusay at estetik ng Bahagyang mahusay at Napakahusay ang
PAGKAMALIKHAIN ng timeline na kabuoan ng timeline at estetik ng kabuoan ng kabuoang estetik ng
tumutukoy sa kulay, kinakailangan pa ng timeline ngunit timeline.
font style, font size at pagpapahusay. kinakailangan pang
larawan. paghusayan.

Huwag kaligtaang ilagay sa footnote ng papel ang mga sanggunian ng mga larawang gagamitin bilang bahagi ng biswal.

PAGTATAYA Unang Mahabang Pagsusulit


(Evaluation)

Inihanda nina:

ANGELES E YSMAEL, MA
MUBARAK M. TAHIR
Fakulti

Prepared by: Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 10
Prof.Ysmael/Tahir Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department
Approved by: Dr. Cruspero
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASANCSSH-ABFILCSSH-ABFIL
PANITIKAN NG REHIYON

Republic of the Philippines


Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

PANGALAN:VIC ANJIELY T. SUMAGAYSAY SEKSYON:F12.1


MGA HALIMBAWA NG INFOGRAFIK NA TIMELINE
PAMAGAT NG GAWAIN:INFOGRAPIK TIMELINE PETSA: NOV. 30,2020

Sanggunian:
https://www.123rf.com/photo_94900709_stock-vector-cute-cartoon-girl-using-a-laptop.html
https://tse1.mm.bing.net/th?id=OIP.jwf_UakQJO0vIYUFS_LVAAAAAA&pid=Api&P=0&w=300&h=300
https://www.google.com/search?newwindow=1&q=depositphotos+65454603-stock-illustration-punching-fist-and-pencil-sign&spell
https://barangayrp.files.wordpress.com/2008/06/independence-dayfor-blog.jpg
https://i.ytimg.com/vi/E2YidQrQuec/maxresdefault.jpg
Canva pictures and elements

Prepared by: Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 11
Prof.Ysmael/Tahir Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department
Approved by: Dr. Cruspero
MODYUL SA EKOKRITISISMO AT
PAGPAPAHALAGA SA KALIKASAN CSSH-ABFIL

Prepared by: Status: Approved Issue Date: March,2021 Next review date: Page | 12
Prof.Ysmael/Tahir Version: 1.0 Effective Date: March,2021 Document owner: Filipino Department
Approved by: Dr. Cruspero

You might also like