You are on page 1of 4

Asignatura Homeroom Guidance Baitang 11

W2 Markahan Ikatlo Petsa


I. PAMAGAT NG ARALIN Mga Panukalang Batas, Proteksiyon Natin Ito
II. MGA PINAKAMAHALAGANG 1. Napapag-aralan ang iba’t-ibang batas na makatutulong sa
KASANAYANG PAMPAGKATUTO pangangalaga sa sarili at pagkalinga sa kapwa.
(MELCs) 2. Nasusuri ang kahalagahan ng pagkakaroon ng batas na magpapakita
ng respeto sa sarili at kapwa

HGSPS-IIIe-6 Analyze the laws that protect oneself and others like but not limited to
the following:
• Anti-Bullying Act (RA10627)
• Child Protection Policy (DO No. 40 s. 2012)
• Violence Against Women and their Children (RA 9262)
• Anti-Sexual Harassment Act (RA 7877)
• Anti-Rape Law (RA 8353)
• Cyber Crime Law (RA 10175)
• Gender and Development Millennial Development (DM 88 s. 2016
DO 27 s. 2013)
• Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165)
• Reproductive Health Law (RA 10354)
• Family Code (EO 209)

III. PANGUNAHING NILALAMAN Natutukoy ng mga estudyante ang mga iba’t-ibang panukalang batas na
makatutulong sa kanyang pagprotekta sa kanyang mga karapatan maging sa
kanyang kapwa.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
I. Panimula (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Sa nakaraang aralin nalaman mo ang mga karapatang pantao na maaaring magprotekta sa iyo at sa iyong kapwa. Ang
isang tao na may kaalaman sa mga ganitong impormasyon ay magkakaroon ng mga pagkakataon na iaplay ito sa kanyang
pakikisalamuha sa kapwa at sa pang-araw araw na sitwasyon ng kanyang buhay.

Sa araling ito, mabibigyan ka ng pagkakataon na malaman at maunawaan ang mga inilabas na mga panukalang batas ng
ating pamahalaan upang maisabuhay mo ang pagtupad sa mga ito at maibahagi ang iyong kaalaman sa pamamagitan
ng iyong mabuting pakikitungo sa iyong kapwa.

Ngayon ay tingnan mo ang mga sumusunod na mga letra at alamin kung ano ang iyong mabubuong mga salita dito. Isulat
sa sagutang papel ang mga salitang Ingles na iyong natagpuan na may kaugnayan sa ating aralin. Pagkatapos ay sagutin
ang katanungan sa ibaba.

B A H A R A S S M E N T E O
R U F H T L A E H P C I M G
M Y L I M A F O U A O L I E
V I O L E N C E A R D A R N
O W E R Y Q T C A S E W C D
A S F C H I L D D R U G S E
N D C G O U N P E E A J O R
R E B Y C T O G F A M I L Y

Ano ang ipinahihiwatig sa iyo ng mga salitang iyong napili? ___________________________________________________________

D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Pagpapalalim

Anti-Bullying Act (RA10627): Batas na nagsasabing ang lahat ng paaralan sa elementarya at sekondarya ay kinakailangang
gumawa ng polisiya laban sa bullying sa kani-kanilang institusyon
Child Protection Policy (DO No. 40 s. 2012): Ito ang nagbibigay ng karapatan sa mga kabataan na maproteksyunan mula sa
pang-aabuso o hindi pagtanggap. Layunin nito na proteksyunan ang mga mag-aaral sa paaralan laban sa kahit na anong
pang-aabuso tulad ng diskriminasyon, pambubully at iba pa.

Violence Against Women and their Children (RA 9262): Ito ay batas laban sa karahasan sa kababaihan at sa kanilang mga
anak. Ang mga pang-aabuso ay maaring karahasang pisikal, karahasang sekswal, karahasang sikolohikal at maging pang-
aabusong pinansiyal.

Anti-Sexual Harassment Act (RA 7877): Tinatalakay ng batas na ito na nag sexual harassment ay sapilitang paghingi,
paghiling o pag-utos at iba pa, ne sekswal na pabor mula sa iba, ito man at tanggapin/pagbigyan o hindi ng biktima, na
nanggagaling sa employer, manager, supervisor, ahente ng employer, guro, instructor, propesor, coach, tagapagsanay o
sinumang may kapangyarihan, impluwensiya o moral na awtoridad sa iba sa loob ng trabaho o lugar ng pag-aaral o
pagsasanay.

Anti-Rape Law (RA No. 8353): Isang batas na naglalayong palawakin ang depinisyon ng krimen na panggagahasa.

Cyber Crime Law (RA 10175): Isang batas na naglalayong bigyang depinisyon at tapatan ng pagpaparusa ang mga
krimeng naisagawa sa pamamagitan ng internet, para na rin mapigilan at maiwasan ang pagkalat nito. Ang mga krimeng
sakop nito ay ang mga sumusunod: pornograpiya na umaabuso sa mga bata (child pornography), pagnanakaw ng
pagkakakilanlan (identity theft) at illegal na paggamit ng datos sa cyberspace (illegal access to data).

Gender and Development Millenial Development (DM 88 s. 2016, DO 27 s. 2013): Nilalayon nito ang pagkakaroon ng isang
DepEd Gender & Development Focal Point System kung saan magkakaroon ng mga estratihiya o pamamaraan upang
magkaroon ng pagkakapantay pantay sa pagitan ng mga lalaki at babae.

Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165): Kilala sa tawag na Batas na Pinalawak sa mga Mapanganib na Droga ng 2002
(Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), nilalayon ng batas na ito ang mahigpit na paglaban sa ipinagbabawal na
gamot.

Reproductive Health Law (Ra 10354): Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang kalusugang pisikal, pangkaisipan at panlipunan
na may kinalaman sa reproductive system, paraan at proseso nito.

Family Code (EO 209): Ito ay pangunahing batas na sumasaklaw sa mga tao at kanilang ugnayang pampamilya, ito rin ay
nakasasakop tungkol sa kasal, legal na paghihiwalay, mga ugnayan sa pag-aari ng mga mag-asawa (property rights),
awtoridad ng magulang (parental authority) at iba pa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sa iyong sagutang papel, sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Alin sa mga batas, order o memorandum ang maaaring makatulong sa pagprotekta sa mga sumusunod na sektor
ng ating lipunan? Gawin ang talahanayan sa sagutang papel.

Pamilya Paaralan Pamayanan

2. Anu-ano ang mga batas na may kaugnayan sa iyo bilang isang estudyante?
3. Bakit kailangan mong malaman ang mga nabanggit na mga batas?

E. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)


Gawain Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang lyrics ng kanta ni Gloc-9 na kasama si Zia Quizon na ang pamagat ay “Katulad ng
Iba”. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel,

Ano’ng iyong napapala pagnanapak ka sa mukha?


Hindi lahat ng mahina, mananatiling mahina Maliliit tinatabunan ng tadyak sabay dura
Hindi lahat ng malakas ay palaging malakas Laging pinapagtulakan hanggang sila’y madapa
Hindi lahat ng mahina mananatiling mahina Na parang di mo alam ang salitang mapagkumbaba
Mata mo’y iyong buksan, bumangon ka’t makialam Unipormeng maputi, papahiran ng dumi
Pinunit ang takdang aralin kong tinapos kagabi
Paggising sa umaga parang ayaw kong bumangon Minsan ako’y napapa-isip, di ko maisang tabi
Ayoko nang maligo, tapos na ko kahapon Pakikipagkapwa tao ba sayo ay guni-guni
Ubusin ang almusal, binabagalan lumamon Kaibigan isa lamang ang dapat mong tandaan
Hindi natutuwa kahit pa dagdagan ang baon Nawa’y ang putik mong tinapakan ay di ka balikan
Palaging walang kibo, tahimik sa gabi Dahil ang nagmamataas, kahit na may dahilan
Hindi ako nakatulog ng magdamag buong gabi Ay ang siyang nadudulas upang lupa’y halikan
Bilisan mo nang kumilos baka ka mahuli
Anak bakit ka tulala? Lumalamig na ang kape Ang ibinababa ang siyang tinataas
Di ko alam ang gagawin, ayoko ng pumasok Ang nagmamataas ang siyang nadudulas
Hindi naman mabaho, bakit nakakasulasok? Ang ibinababa ang siyang tinataas
Merong mga nangyayari satin sa paaralan Ang nagmamataas ang siyang nadudulas
Hindi bukas makalawa, ngayon dapat solusyonan
Tayo’y maging mapagmasid tulungan natin sila
Wag tayong maging manhid na katulad ng iba
Tayo’y maging mapagmasid tulungan natin sila
Wag tayong maging manhid na katulad ng iba
Mga tanong:

1. Ano ang mensahe ng kanta?


2. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa ang kanta?
3. Patungkol sa mga nalaman mong mga batas sa naunang mga pahina, ano sa palagay mo ang kaugnayan ng
kanta sa mga batas na nabangit. Isulat ang iyong sagot.

Gawain Pagkatuto Bilang 3: Tignan ang graph at sagutin ang mga tanong na nasa kahon sa iyong sagutang papel,

1. Saan kalimitang nangyayari ang mga sexual abuse ng 13-17 years


old?
Home School Community Workplace Dating
2. Sino ang mas nagiging biktima ng sexual abuse sa bahay?
Male Female
3. Isulat ang overall percentage rate ng pagkakaroon ng sexual abuse
sa mga sumusunod:
Home: ____________ School: ____________ Community: ___________
4. Ano ang kahalagahan na malaman mo ang mga impormasyon na
kagaya ng nasa graph?

Gawain Pagkatuto Bilang 4: Anong batas ang pumapasok sa iyong isip kapag nakita mo ang bawat simbolo o drawing.
Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. 2. 3.

4. 5. 6.
A. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Kung ikaw ay gagamit ng social media at magpopost ng mga bagay tungkol sa kabatiran ng mga kapwa mo estudyante
sa mga nabanggit na batas, ano ang iyong ipopost o ihahashtag # tungkol dito. Magtala o magbigay ng tatlong hashtag
#.
Hal. #SayNottoDrugs
___________________
___________________
___________________

V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: _________)


● Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa
Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
 - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
- Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang
aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa
ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8

VII. SANGGUNIAN https://www.childprotectionnetwork.org/wp-content/uploads/2019/03/CPN-Annual-Report-


2017.pdf

https://www.musixmatch.com
Inihanda ni: REENA E. REYES Sinuri nina: Jennifer A. De Villa
Marlyn A. Cabrera
Henry Contemplacion

Benilou A. Virata
Philips T. Monterola

You might also like