You are on page 1of 5

March 04,2021

Mr. Raffy Tulfo


TV 5 Media Center, Reliance Cor. Sheridan St.
1552 Mandaluyong, Manila

Dear Mr. Raffy Tulfo:

Greetings of Peace!

Isang mapagpalang araw po sainyo, Ako po si Remedios B. Colorado 50 years old residente ng # 52 A. Gallagher
St. East Tapinac,Olongapo City Zambales. Nais ko pong humingi ng tulong para sa assistance ng aking kapatid nasi Simeon
Colorado Jr.-Isang OFW, sapagkat siya po ay naaksidente sa Riyadh, Saudi Arabia noong February 26,2021 sa
kadahilanang nagsarado lahat ng mga pinapasukan niyang trabaho doon bilang freelancer/laborer dahil sa COVID19 at
nakipagsapalarang humanap parin nang pwedi niyang mapasukan doon para mapadalhan ng suporta ang kanyang pamilya
na naiwan dito sa Pilipinas. Kada taon ay umuuwi po siya dito sa Pilipinas ngunit dahil sa hamon pandemya tuluyan na
siyang hindi nakauwi dahil wala siyang mapagkukunan ng pinansyal para sa kanyang pagbalik o muling pag-uwi dito sa
ating bansa. May dalawa po siyang anak na menor de edad- isang siyam na taong gulang at labing-isang taong gulang.
Ngayong kailangan niya po ng tulong para makauwi na dito sa Pilipinas dahil sa aksidenteng kanyang natamo doon at hindi
na makapagtrabaho. Umaasa na lamang siya sa mga tulong ng mga taong nagbibigay ng kaniyang makakain pati narin
ang mga gamot na iniinom niya para sa tinamo niyang fracture sa kanyang paa.

Nawa’y matulungan niyo po ang aking kapatid na makauwi sa lalong madaling panahon sapagkat nag-aalala napo
ako sa kalagayan niya doon sa Saudi. Tatanawin ko pong malaking utang na loob ang tulong na magagawa niyo sa aking
kapatid. Kaya po humihingi ako ng tulong sapagkat wala po akong kakayahan para maiuwi siya dito sa Pilipinas.

Ito po ang address at phone number ng aking kapatid na pwede po siyang tawagan (#0569285627- Riyadh Batha Alsanie
Bldg.) at ito naman po ang phone number ng assistant ng kanyang amo na pwedeng tawagan ang pangalan daw po ay
Farid (+966 50 292 9830). Ang kanyang tunay na amo ay babae kaya hindi po niya pwedeng tawagan o kausapin sa
kadahilanang bawal makipag-usap ang empleyadong lalaki sa among babae dahil iyon daw po ang policy sa kanyang
trabaho kaya assistant lang po ang pwedeng kausapin, ginawa niya narin pong tawagan ang kanyang amo ngunit walang
katugunan upang siya’y matulungan. Kaya’t kinonsulta niya napo sa akin na humanap ng maaaring makatulong upang siya
ay makauwi at kagaanan naman po sa aking kalooban para hindi napo siya mahirapan pa roon. Iaattach ko po sa sulat na
ito ang mga litrato na kuha upang pagpapatunay sa kalagayan ng aking kapatid.

Anumang tulong po na magagawa niyo para sa aking kapatid ay labis po naming pasasalamatan. Pagpalain nawa kayo ng
ating Poong Maykapal at Gabayan kayo para sa nakakarami na humihingi ng agarang-tulong. Muli Maraming Salamat po!

Respectfully yours,

Rcolorado
Remedios B. Colorado
09103057540

You might also like