You are on page 1of 1

Ako po ay si ZENY FLORE SUYAO DONA-AL, residente ng Tucol, Cagaluan,

Pasil Kalinga. Nagsulat po nang aking testamento bilang balikbayan sa kasagsagan ng


Pandemya sa buong mundo na ako po ay dumating ng ika-17 Marso 2021 sa
Embahada ng Pilipinas.

Galing po ako sa Gitnang Silangan sa Jeddah, Saudi Arabia. Magpirmahan ako ng


dalawang taon na kontrata bilang isang kasambahay kay AHMAD FAWZI TURKI.
Natapos po noong ika-17 ng Disyembre 2020 ang kontrata ko sa bahay na
pinagtrabaho an ko pero sa kasawiang palad nauudlot po ako sa pag-uwi dahil sa pag
kansela at walang lipad ng mga Eroplano dahil sa lumalaganap na sakit. Pero
makalipas ang tatlong buwan Salamat sa Diyos na Lumikha nakauwi rin ako ng
Pilipinas na masaya.

Plano ko po sanang magbakasyon lamang at bumalik na manggagawa sa ibang


bansa ngunit hindi pa maganda ang lagay ng mundo sa sakit ay di ko po nasubaybayan
na iproseso ang mga papeles ko dahil po malayo ang Manila sa probinsya namin na
Kalinga. Bilang isang kasambahay hindi po kalakihan ang sahod sa Gitnang-Silangan at
sa maikling panahon naubos na po ang konti kong ipon para sa mga gastusin. Laking
tuwa ko po at may DOLE-OWWA na laging naka antabay at sumusuporta sa mga mga
kabayan na manggagawa sa ibang bansa na pagbalik sa Pilipinas abot pa rin ang
tulong sa amin.

Maraming salamat sa Diyos at sa inyo po DOLE- OWWA AKAP Team sa


programa ninyo at napabilang ako. Diyos na Lumikha ang siyang gumagabay sa
mapagmahal at bukas ninyong mga puso. Mabuhay NRCO BAGUIO TEAM!!

Sumasainyo,

ZENY FLORE SUYAO DONA-AL


Former OFW

You might also like