You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

KONTEMPORARYONG ISYU

I. Layunin: # AP10MHP-li-l6
1. Naiisa-isa ang mga yugto sa pagsasagawa ng Community-Based Dissaster Risk Reduction
and Management Plan
2. Naitatalakay ang mga hakbang sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk Reduction
and Management Plan.
II. Nilalaman:
A. Paksa:
Mga Hakbang sa Pagbuo ng Community- Based Disaster Risk Reduction and Management
Plan
B. Sanggunian:
 Mga Kontemporaryong Isyung Panlipunan at Pangkapaligiran
 Module
C. Kagamitan:
Mga Larawan, Telebisyon, Laptop, Powerpoint Presentation, Manila Paper, Pentel Pen, Task
Cards
D. Balyo Pokus:
Pagiging handa, pagtutulungan, kooperasyon
E. Paghahawan ng Sagabal:
a. Mitigation (Tagalog: Pagpapagaan) – Pagtatanggal at pagbabawas ng mga posibilidad na
maaaring mangyari
b. Rehabilitation (Tagalog: Rehabilitasyon) – Pagpapabuti ng kalagayan
-Pagbabalik sa katinuan
c. Community (Tagalog: Komunidad) – Lugar kung saan tayo kumikilos
- Ang tao ang pinakamahalagang sangkap ng komunidad
- Binubuo rin ng iba’t-ibang sector o organisasyon
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
 Ano ang ibig sabihin ng Community-Based Disaster Risk Management?
 Bakit mahalaga ang Community- Based Disaster Risk Management?
2. Pagganyak:
 Magpakita ng mga larawan.
Tanong:
1. Ano ang inyong masasabi sa mga larawan na ito?
2. Paano ba natin haharapin ang mga kaganapang ito?
3. Ano sa tingin ninyo ang posibleng mangyayari kapag ang isang pamayanan ay walang
alam tungkol sa mga gawaing paghahanda sa ganitong uri ng kalamidad?

Mag Brainstorming:
Hindi na lingid sa inyong kaalaman na ang Pilipinas ay palaging binibisita ng iba’t-
ibang kalamidad. Apektado ang ating kalusugan gayundin ang ating kabuhayan at maging
ang ating kalikasan.
 Ano ba ang nararapat gawin upang mabawasan ang mga epekto nito sa ating
pamumuhay?

3. Paglalahad:
Ngayong umaga ay ating aalamin ang mga iba’t-ibang yugto sa pagsasagawa ng
Community-Based Disaster Risk Reduction Management Plan. Atin ding aalamin ang mga
hakbang na kailangang gawin sa bawat yugto.

B. Paglinang ng Aralin:
1. Gawain
Panuto: Pangkatin ang klase sa apat na pangkat. Bigyan ng task card ang bawat pangkat
upang maging gabay sa kanilang gawain.

Unang Pangkat: Unang Yugto ng Community- Based Disaster Risk Reduction and
Management Plan
 Disaster Prevention and Mitigation
a. Ilahad ang hakbang na dapat gawin sa Disaster Prevention and Mitigation.
b. Ibigay ang iba’t-ibang pagtataya na ginagawa sa unang hakbang.

Ikalawang Pangkat: Ikalawang Yugto


 Disaster Preparedness
a. Ipaliwanag ang tinatawag na Disaster Preparedness.
b. Ano ang tatlong pangunahing layunin ng yugtong ito?
c. Ibigay ang iba’t-ibang paraan ng pagbibigay babala o paalala sa komunidad.

Ikatlong Pangkat: Ikatlong Yugto


 Disaster Response
a. Ilahad ang mga kaganapan sa yugtong ito; sa Disaster Response
b. Ibigay ang tatlong uri ng pagtataya sa Disaster Response at tukuyin ang
bawat pagtataya.
Ikaapat na Pangkat: Ikaapat na Yugto
 Disaster Rehabilitation and Recovery
a. Saan nakatuon ang mga hakbang at mga gawain sa yugtong ito?

Unang Yugto

Ikalawang Yugto
CBDRRM PLAN

Ikatlong Yugto

Ikaapat na Yugto

2. Pag-uulat at Pagsusuri
 Sa bahaging ito ay susuriin ang mga kasagutan ng bawat pangkat sa pamamagitan ng
kanilang pagbabahagi sa klase ng kanilang mga kasagutan.

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
 Sa inyong binahagi, paano ninyo isinasagawa ang Community-Based Disaster Risk
Reduction and Management Plan?
2. Paglalapat/ Pagpapahalaga
 Bakit kailangan ang CBDRRM Plan?
IV. Ebalwasyon
Panuto: Tukuyin kung sa anong yugto ng CBDRRM Plan ang sumusunod.

1. Isinasagawa ditto ang iba’t-ibang pagtataya tulad ng hazard assessment at risk


vulnerability assessment.
2. Inilahad ang mga dapat gawin na pagtugon habang nararanasan ang kalamidad.
3. Ipinagbibigay- alam sa mga mamamayan ang mga dapat gawin kung paano
matutulungan ang mga nasalanta at paano bumangon mula sa naganap na kalamidad.
4. Bakit mahalaga ang CBDRRM Plan? (2pts.)

V. Takdang Aralin:
Gumawa ng sanaysay hinggil sa kahalagahan ng disiplina at kooperasyon sa pagharap sa
panganib dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.
Isulat ito sa isang pirasong papel.

Inihanda ni:

STARLITTE T. SANTILLAN
Guro sa Araling Panlipunan
TASK CARD
Unang Pangkat

Unang Pangkat: Unang Yugto ng Community- Based Disaster Risk Reduction and Management
Plan
 Disaster Prevention and Mitigation

a. Ilahad ang mga hakbang na dapat gawin sa Disaster and


Prevention Mitigation.
b. Ibigay ang iba’t-ibang pagtataya na ginagawa sa unang hakbang.

TASK
CARD

You might also like