Rhiel Brex Zymer Bunao Nag-ugat at sumibol dito sa aking isip ang isang kumikinang na ginintuang panaginip bagaman ang aking mga mata’y hindi naman nakapikit kung kaya aking natatanaw ang kaylawak na langit.
Gusto ko ngang makapagpatayo ng sariling bahay.
Sana’y sa halip na bato’y ginto ang aking mahukay at sana ri’y aking maani ang bunga ng tagumpay upang kung saka-sakali mang ako ay mamamatay,
Kasaganaan,tagumpay at yama’y aking ambisyon,
maging tagapagtanggol at huwaran ng ating nasyon. Ang lahat ng pangarap ko’y saan kaya paroroon kung wala akong tagagabay at walang Panginoon.
Sa buhay ng aking kapwa’y buhay ko ang itutugon.
Mula sa pagkakadapa,ang bayan ko ay babangon upang sa isang milyang pangarap naman ay lilingon at upang ang sarili,huwag mabaon sa kahapon.