You are on page 1of 3

Ang Dulang Pasalaysay o Chamber Theater ay tulad ng isang

tunay na dula kung saan ang mga tauhan ang nagbibigay buhay
sa bawat tagpo sa pamamagitan ng mga usapan, kilos at galaw.
Kaiba sa tunay na dula, ang dulang pasalaysay ay may bahagi
kung saan ang mga tauhan ay nagkakaroon ng pagkukwento
tungkol sa kanilang ginagawa at mga gagawin. (1 SLIDE)
Naunang ipinakilala ni Professor Robert S. Breen (1909-1991)
ang"Chamber Theatre" sa kanyang klase o kurikulum na
OralInterpretation sa Northwestern University noong 1947.
Samantala, siFrank Galati naman na isang Northwestern
Professor ng "PerformanceStudies", na nag-aaral ng Chamber
Theatre kay Dr. Breen, aynakapagdirehe ng mga pagtatanghal
ng mahuhusay at mataas naantas ng Chamber Theatre sa
Goodman Theatre at SteppenwolfTheatre Companies sa
Chicago. Ang adaptasyong Chamber Theatre niGalati sa akda ni
John Steinbeck na The Grapes of Wrath ay nagwaging dalawang
pangaral sa kategoryang Tony Awards on Broadway.Isa rin sa
mga pinakatanyag na chamber theatre ay angadaptasyon ni
David Edgar na The Life and Adventures of NicholasNickleby, na
kung saan ay isinalaysay ang mga karakter ni CharlesDickens sa
ikatlong persona. Ang mga Props at Set pieces ipinapasokat
inilalabas ng mismong mga tauhan habang nagtatanghal sa
halip nagawin sa pagitan o pagpapalit ng mga eksena, at ang
mga bagay atset pieces sa entablado ay ginagampanan din ng
mga tauhan sarepresentasyong mime o pantomina sa halip na
totoong set pieces okagamitan tulad ng lamesa, silya, atbp.Ang
Chamber theatre ay isang interpretasyon at adaptasyon ngisang
akdang pampanitikan, kadalasang kuwento at nobela,
naitinatanghal sa entablado bilang isang anyo ng dula.
Pinapanatili ngiskrip ng Chamber Theatre ang halos kabuuan ng
orihinal na teksto.Minimal lang ang mga ginagamit na props at
set pieces, at angcostumes ay kadalasang hindi ginagamit bilang
isang paraan ng
pagpapakilala ng karakter at karakterisasyon. May mga
pagtatanghalng Chamber Theatre na gumagamit lamang ng
unipormadongkasuotan tulad ng pagsusuot ng mga
magtatanghal ng puti o itim nadamit o kung anumang
magkakaparehong kasuotan. Ngunit huwagipagkamaling
ipagbabawal ang paggamit ng costumes sapagkat angChamber
Theatre ay isang anyo ng dula kaya't maaaring gumamit
ngmakatotohanan at artistikong kasuotan o costumes.Ang
Chamber Theatre ay isang estilo na ipinakilala ni Robert
Breenbilang isang pamaraang Teatrikal sa pagtatanghal ng mga
akda opanitikang narative. Sapagkat ang konseptong Chamber
Theatre aynasa estadong still-evolving form pa din at
kasalukuyang nililinang atpinag-aaralan pa din, hinihikayat ang
pagtuklas at pag-eeksperimentoupang malinang ang
pinakamahusay at akmang mga pamamaraanupang
makapagtanghal ng masining at madulang anyo ng
ChamberTheatre.Ito ay tulad ng isang tunay na dula na
binibigyang-buhay ng mgatauhan sa pamamagitan ng mga
usapan, kilos o galaw. Ang ikinaibanito sa tunay na dula ay ang
pagkakaroon ng bahaging pagsasalaysay.Ikinukuwento ng
bawat tauhan sa mga manonood ang kanilangginagawa at
gagawin. Ang mga actor ay hindi lamang tagaganap
kunditagapagsalaysay din. Maliban sa mga
aktor/tagapagsalaysay aymayroon ding tagapagsalaysay ng
kuwento na nasa isang panig ngtanghalan. Tungkulin niyang
simulan at ipagpatuloy ang paglalahad ng kwento, tagpo,
panahon at mahahalagang pangyayari para sa kapakanan ng
manonood.

You might also like