You are on page 1of 5

1.

Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino


TSISMISAN
Ang salitang tsismis ay mula sa salitang Kastila na
“chismes.”
Karaniwan, kapag sinabing tsismis ay mga kuwento o pangyayari na
maaaring totoo at may basehan ngunit ang mga bahagi ng kuwento o
pangyayari ay maaaring sadyang binawasan o dinagdagan upang ito
ay maging usap-usapan hanggang tuluyan nang magkaroon ng iba’t
ibang bersyon.

Ang
tsismisan
ay isang pagbabahaginan ng impormasyong ang
katotohanan ay di-tiyak. Ito ay isang uri ng pag-uusap sa pagitan ng
dalawa o higit pang magkakakilala o magkapalagayang loob. Subalit
ang
tsismis
na siyang laman ng tsismisan ay nanggaling din minsan
sa hindi kakilala lalo na kung ito ay naulinigan lamang sa
nagtsitsismisan.

UMPUKAN
Ang ibig sabihin ng "
umpukan
" Ay ang paggawa ng tao ng isang maliit
na grupo o pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o
pangyayari o sa anong kadahilanan.

Ang
umpukan
ay impormal na paglalapit ng tatlo o higit pang mga
kakilala para makausap ng magkakaharap. Ito ay hindi planado o
nagaganap na lamang sa bugso ng pagkakataon

TALAKAYAN
Ang
talakayan
ay pagpapalitan ng ideya sa pagitan ng dalawa o higit
pang kalahok na nagkakaroon nang tukoy na paksa. Ito ay maaring
pormal o impormal
at pwedeng
harapan o mediated
o
gumagamit
ng anumang midya
.

Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng
pagtatalakayan, nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatwiran.

PAGBABAHAY- BAHAY

Ang
pagbabahay-bahay
ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o
isang grupo sa isang bahay sa isang pamayanan para maghatid o
kumuha ng mahalagang impormasyon, magturo ng isang teknolohiya,
komunsulta sa mga miyembro ng pamilya, hinggil sa isyu o programa,
mangumbinsi sa pagsali sa isang paligsahan o samahan o maghimok
na tumangkilik sa isang produkto, kaisipan, gawain o adbokasiya.
Mainam din itong pamamaraan upang pag-usapan ang mga
sensitibong isyu sa isang pamayanan.

Ang pagbabahay-bahay ay hindi nalalayo sa kaugalian na
pangangapitbahay na matagal nang ginagawa ng mga Pilipino lalo na
sa mga lugar na rural.

PULONG-BAYAN

Ang pulong-bayan ay ang pagtitipon ng isang grupo ng mamamayan
sa itinakdang oras at lulan upang pag-usapan nang masinsinang at
pagdesisyunan kung maaari ang mga isyu, kabahalaan, problema,
programa at iba pang usaping pampamayanan.

Kasama sa maaring layon ng pulong-bayan ang pagkonsulta sa mga
mamamayan,paghimok sa kanila na sumuporta o
sumama,pagpaplano kasama sila, paggawa ng isang desisyon na
binabalangkas nila p pagmomobilisa sa kanila hinggil sa isang isyu,
problema, gawaino programang panlipunan.

KOMUNIKASYONG DI-BERBAL

Ang komunikasyong Di-berbal ay paraan ng pagbabatid ng kahulugan
o mensahe sa pamamagitan ng samo’t-saring bagay maliban sa mga
salita.

Ito ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit
upang ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita.

93% ng mensaheng ipinahahatid ng tao sa kanyang kapwa ay di –
verbal na komunikasyon

MGA EKSPRESYONG LOKAL



Ito ay tumutukoy sa ordinaryong likas na wika, na naiiba mula sa
mga espesyal na anyo na ginamit sa lohika o iba pang mga lugar ng
pilosopiya.

Ang mga ekspresyong lokal ay mga salita o parirala nasasambit ng
mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot,
gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa o galak

2. Mga Uri ng Komunikasyon


1. Berbal na Komunikasyon – ito ay gumagamit ng makabuluhang tunog
at sa pamamagitan ng pagsalita. Ito rin ay tumutukoy sa pagpaparating
ng mensahe o ideya sa pamamagitan ng salitang nagpapakita ng mga
kaisipan
▪ Denotatibo
▪ Tumutukoy sa pangunahing kahulugan ng isang
salita
▪ Konotatibo
▪ Ito naman ay maaring magtataglay ng pahiwatig ng
emosyon o pansaloobin
▪ Ito rin ay ang proseso ng pagpapahiwatid ng
karagdagan o kahulugang literal
▪ Mga Paraan ng Pagpapakahulugan ng mga Simbolong Verbal
▪ Referent – mga bagay o ideyang kinakatawan ng
isang salita, tiyak na aksyon, katangian ng mga
aksyon at ugnayan ng bagay sa ibang bagay
▪ Komong Referens – tumutukoy sa parehong
kahulugang ibinigay ng mga tao.
▪ Kontekstong Berbal – ang kahulugan ng isang salita
na matutukoy ayon sa kaugnayan nito sa ibang
salita
▪ Paralanguage – magbigay ng kahulugang
kaonotatibo
2. Di-Berbal na Komunikasyon – tumutukoy sa pagpapalitan ng mensahe
sa pamamagitan ng kilosng katawan at ang tinig na iniaangkop na sa
mensahe.
▪ Kinesics – tumutukoy sa kilos at galaw ng katawan sapagkat
may ibinibigay na kahulugan ito.
▪ Expresyon ng Mukha – nagpapakita ng emosyon
▪ Galaw ng Mata – nagpapakita ng katapatan ng
isang tao
▪ Kumpas – tumutukoy sa galaw ng kamay, maari
itong regulatibo, deskriptibo o empatiko
▪ Tindig o Postura – ito ay nagpapakita kung anong
klaseng taong ito na nag-uusap sa iyo
▪ Proksemika – tumutukoy sa komunikasyon gamit ang
distansya
▪ Intimate – hanggang sa 1 – 1/2 ft.
▪ Publiko – 12 ft. o higit pa
▪ Sosyal – 4 -12 ft.
▪ Personal 1 1/2 – 4 ft.
▪ Kronemika – tumutukoy sa oras
▪ Teknikal – ang oras na ginagamit para sa
laboratoryo
▪ Pormal – kung paano binibigyan ang kahulugang
kultura at paano itinuturo
▪ Impormal – ito naman ay medyo maluwag dahil
hindi eksakto
▪ Sikolohikal – ang kahalagahan ng pagtatakda ng
oras sa nakaraan
▪ Haptiks – ang pinakaprimitibong anyo ng komunikasyon.
Nagpapahiwatig ito ng positibong emosyon.
▪ Katahimikan – nagbibigay ng oras na mag-isip ang
tagapagsalita
▪ Kapaligiran – ang lugar na gagamitin sa anumang pulong
▪ Simbolo – ang mga makikita sa paligid na nagsasaad ng
mensahe
▪ Kulay – nagpapahiwatig ng emosyon
▪ Bagay – ang paggamit ng bagay sa pakikipagtalastasan

3. Kulturang Popular
Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman kung
anong uso, anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng
teknolohiya at napakadali na para sa mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng lahat
ng uri ng media --lahat ng nabanggit kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit ba
napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga ba talaga ang kulturang popular?
Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o mas pormal na kilala bilang kulturang
popular.

Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman ang
pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama sa
mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang nagmumula
sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang kulturang popular
ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano ang katanggap-
tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa.
Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao,
kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang
pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang sarili.

You might also like