You are on page 1of 6

Pagbása at Pagsusuri

metodo o
PAMAMARAAN
by group 4
Pagbása at Pagsusuri

A.DISENYO NG PAG-AARAL
Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay sarbey na pananaliksik upang
malaman ng mga mananaliksik ang epekto ng paninigarilyo sa
kalusugan ng mga mag-aaral sa ABM sa Manuel A. Roxas High
School, Ginamit ng mga mananaliksik ang disenyong sarbey sa
kadahilanang mas mapadadali at mapapabilis nito ang
pangangalap ng datos mula sa mga respondente.
Pagbása at Pagsusuri

B. MGA KALAHOK AT SAMPLING


Ang mga kalahok sa pananaliksik ay mga mag-aaral sa Manuel A. Roxas High School
na kabilang sa akademikong strand na ABM na naninigarilyo. Pinili ng mga
mananaliksik ang mga respondente na mga Ito sapagkat sila ang pinakamadaling
makatutulong sa aming pananaliksik at dahil ang mga mag-aaral na ito ang silang
buong pusong tumugon sa mga tanong na aming ginawa upang magtagumpay ang
aming isinasagawang pananaliksik. Sa pamamagitan ng random sampling upang
magkaroon ng pantay na representasyon ang mga datos na natamo. Sa kabuuan, 12
ang kabuuan na bilang ng mga respondente

Pagbása at Pagsusuri

C. KASANGKAPAN SA PANGANGALAP NG DATOS


Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay talatanungan. Ito ay
mayroong open-ended na mga katanungan upang malayang masagot
ng mga respondent ang ipinahayag na mga katanungan. Ang mga
mananaliksik ay naghanda ng talatanungan na naglalayong
makapangalap ng mga datos upang masuri ang pananaw at mga
kadahilanan ng mga respondente kung bakit sila naninigarilyo at ano
ang mga naging epekto nito sa kanilang kalusugan.
Pagbása at Pagsusuri

D. PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS


Ang paraan ng pangangalap ng datos na ginamit ng mga
mananaliksik ay pagkuha ng datos mula sa isang eksperto na may
kaalaman sa paksa. Gumamit rin ang mga mananaliksik ng mga
datos na nagmula sa iba’t ibang websayt at pananaliksik. Bukod sa
nabanggit, ang mga mananaliksik ay nakakuha ng iba pang datos
batay sa obserbasyon na isinagawa sa mga kalahok ng pag-aaral
na ito.
Pagbása at Pagsusuri

maraming salamat
sa pakikinig

You might also like