You are on page 1of 2

ANG MALING PAGSASAMPALATAYA

SIMBOLISMO – tulad ng nasa pamagat, tinatalakay ang mga maling pagsasampalataya. Sumisimbolo ang
pamagat sa mga nakagawian ng mga tao sa paraan ng pananampalataya na taliwas naman sa talaga ng
Diyos. Ang nais ng Diyos ay tumulad kay Kristo sa kabanalan, kabaitan, at pag-ibig sa kapwa at hindi
kailangang gumanap ng anumang pagsamba at mga santong talinghaga.

PANIMULA – Tinalakay sa sanaysay ni Emilio Jacinto na “Ang maling pagsasampalataya” ang mga
pakahulugan ng mga tao sa pananampalataya, at kung paanong ang maling pagsasampalataya ay
nagbubunga sa di matapos na kasamaang nangyayari sa lupa. Inilahad niya na ang pagsampalataya ay
ang pikit na paniniwala sa sinasabi ng iba na kung iispin ay taliwas sa talaga ng Diyos sapagkat ang tao ay
binigyan ng kakayahang makapagisip at kumilala ng masama at mabuti, totoo at di-totoo, matwid at di-
matwid. Binanggit din niya ang mga tinatawag na “alagad” ng Diyos na siya pang kadalasang pasimuno
sa mga baluktot at di matwid na gawain gaya na lamang ng pag-aapihan at pagdadayaan. Layunin ng
sanaysay na ito na malaman ng mambabasa ang mga maling paraan ng pananampalataya ng mga tao
partikular sa Kristyanismo. Nais din ng sanaysay na ipabatid at maunawaan ng mambabasa kung ano nga
ba ang tunay na talaga ng Diyos at kung ano ang tunay na pananampalataya.

Pagsusuri ng Akda

a. Boses
b. Tono Kung susuriing mabuti ang sanaysay ni Emilio Jacinto na pinamagatang "Ang Maling
Pananampalataya" mapapansin na seryoso at may halong gigil ang tono ng kaniyang
paglalahad ng mga pakahulugan ng mga tao sa pananampalataya na kung ating iisiping
mabuti ay taliwas sa kung ano ang siyang tinalaga ng Diyos. Ang sanaysay ay naglalayon na
maipabatid ng may diin na ang maling paraan ng pananampalataya ang siyang puno't dulo
kung bakit patuloy na lumalaganap ang kasamaan sa mundo.
c. Ugnay
d. Kuru-kuro

Konklusyon
ANG GUMAWA (To Do)

SIMBOLISMO – Ang gumawa ay kagalingan na ipinagkaloob ng Diyos sa tao bilang alaala ng di-
matingkala niyang pag-ibig.

PANIMULA – ayon sa sanaysay ni Emilio Jacinto sa “Ang gumawa” ay isiniwalat niya ang kanyang
paniniwala na ang paggawa ay hindi parusa o paghihirap upang pagbayaran ang nagging kasalanan ng
ama ng sangkatauhan, Bagkus ito ay ang biyaya ng Diyos sa tao bilang alaala ng kanyang ‘di
matingkalang pag-ibig.

“Ang gumawa ay isa sa malaki’t mahalagang biyaya pagkat sa pamamagitan nito ay nagigising
at nadaragdagan ang lakas ng isip, loob, at katawan, mga bagay na kasanib at kinakailangan
ng kabuhayan.”

Sa pangungusap na ito ay pinaliliwanag niya na ang gumawa ay biyaya na tinutulungan ang mga tao na
mamulat at malakasan ang isip, loon, at katawan upang maparamdam ang tunay na buhay.

Pagsusuri ng Akda

a. Boses
b. Tono
c. Ugnay
d. Kuru-kuro

Konklusyon

Sa pagbubulay-bulay ni Jacinto, nabigyan diin niya ang sinabi ni Baltazar,

“Ang laki sa layaw karaniwang hubad Sa bait at muni’t sa hatol ay salat.”

Ang hindi nakaranas ng paghihirap ay patuloy na walang alam o pikit ang mata sa tunay na
pagpapayabong ng kaisipan, loob, at katawan. Ang totoong parusa at paghihirap ay ang patuloy na
pagiging kampante sa bagay na dapat pang pinapanday, dahil ang totoong biyaya ay ang patuloy na
pagtuklas, pagkilala, at pagpapalakas ng kaisipan, at loob ng tao upang totoong maramdaman ang
buhay.

Ika nga “malalaman mong buhay ka kapag nasasaktan ka pa” at “ang sakit sa pag gawa ay mananatiling
aral sa tao upang di na ulitin ang mga kilos o bagay na makakasakit sa kanila”

You might also like