You are on page 1of 6

DEPARTMENT OF EDUCATION

Pasay City
Pasay City North High School – Tramo Campus
Tramo Street, Pasay City, Metro Manila

MODYUL SA FILIPINO 7

Ikatlong Markahan

Ikapitong linggo - Unang Araw

I. Layunin

Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa napakinggang halimbawa

II. Paksang Aralin

Paksa: " Balita "

Sanggunian: Pluma 7

III. Pamamaraan

Panimulang Gawain:

1. Pagbati sa guro
2. Pagkuha ng liban

Balik-Aral

ANAPORA- pagtukoy sa isang salita o parirala na ginagamit sa hulihan ng pangungusap. Ang salita o
pariralang pamalit ay maaaring ginagamit bilang panghalip o pangngalan.
Halimbawa:

Itinuro ng guro ang aralin niya sa mga estudyante.

KATAPORA- paggamit ng isang salita o parirala na kadalasan ang panghalip na binabanggit ay nasa
unahan.

Halimbawa:

Ito ang aklat na gusto ko.

Pagganyak

Ang guro ay magpapakita ng mga larawan. Susuriin ng mga mag-aaral ang mga ito, matapos ay
magsisimula ng magtanong guro.

Mga gabay na tanong:


1. Ano-ano ang iyong masasabi sa mga larawan ? Tungkol saan ang mga ito?

2. Ano ang balita? Bakit mahalaga ito?

3. Sa iyong palagay, bakit dapat maging piling-piling ang mga salitang ginagamit sa balita?

Pagtalakay

Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap at
magaganap pa lamang. Ito rin ay naiiba sa karaniwan, may katotohanan, at walang kinikilingan. Ito ay
maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at pampaningin. Maaaring makakuha ng balita sa
telebisyon, radyo, pahayagan, makabagong teknolohiya tulad ng cellphone, laptop, at iba pa sa tulong
ng internet.

Maraming uri ng mga balita. Ito ay maaaring panlokal, pambansa, at pandaigdigan. Sa paksa, ang balita
ay maaaring pang-edukasyon, pangkabuhayan, pantahanan, panlibangan, pampalakasan, at pampolitika.
Ang balita ay may katangian ito ay ang mga sumusunod;

Mga Katangian ng Balita

1.Kawastuhan -ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang.

2.Katimbangan -inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig na sangkot.

3.Makatotohanan -ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa lamang.

4.Kaiklian -ang mga datos ay inilahad nang diretsahan, hindi maligoy.

Mahalaga rin sa pakikinig o pagbabasa ng balita ay masuri ang mga salitang ginagamit dito. Kung ang
mga salitang ginamit ba rito ay angkop, tama, at wasto nang sa ganoon ay higit na maging malinaw at
madaling maunawaan ang balita. Maaaring masuri ang mga salitang ginamit sa balita sa pamamagitan
ng mga sumusunod:

1.Kaangkupan–Ang salita bang ginamit ay angkop sa pangungusap sa balita.


2.Kayarian–pagkakayari ng salita.

3.Antas-kung ang salita ba ay pormal o di-pormal. Hindi lahat ng pormal at di-pormal na salita ay
maaaring gamitin sa balita.

4.Gamit–ang pagkakagamit ba ng salita sa balita ay tama.

Paglalahat

Ngayon ay ganap mo ng nabatid kung ano ang balita. Ngayon, upang maibigay ang kahalagahan ng
balita, dugtungan mo ang pahayag na nasa kahon

Paglalapat:

PANUTO:Narito ang ilan sa mga pahayag na nabasa sa balita. Suriin ang mgasalitang may diin at
ipaliwanag kung bakit akma ito sa binasang balita.

1.Nilinaw ni Olivarez na dahil sa tumataas pa ring mga kaso ng coronavirus disease 2019, mas dapat na
manatili sa GCQ ang Metro Manila.

2.Nagbabala ang mga eksperto sa patuloy na pagtaas pa ng mga kaso ng virus sa bansa dahil sa pagiging
relax na ng mga tao sa Metro Manila.

3.“Makikita po natin parang nagluluwag nang konti so ‘di po natin pwedeng ibaba ang quarantine at
(kailangan) i-maintain ang ating health protocol na pinatutupad.

4.“Yan ‘yung reason bakit natin nirekomenda ang pagme-maintain ng GCQ, para maibsan ang gatherings
at pagluluwag ng negosyo.”

5.Nagkaisa ang mga mayor na pasimulan ang curfew hours ng alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas -
3:00 ng madaling araw.
Pagtataya

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong at sagutin ng dalawa-tatlong pangungusap.

1.Ano ang kahulugan ng balita?

2.Magbigay ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang balita sa buhay ng tao?

3.Ipaliwanag kung bakit dapat angkop, wasto, at tama ang mga salitang ginagamit sa balita.

Para sa aytem 4 at 5, basahin ang bahagi ng balita na nasa kahon. Suriin ang mga salitang may diin at
ipaliwang kung bakit akma itong gamitin sa balita

Takdang-Aralin

Panuto: Basahin at unawain ang balita. Sagutin ang mga gabay na tanong.

PAG-UNAWA SA BINASA
Gabay na tanong

1.Tungkol saan ang binasang balita?

2.Ano-ano angdahilan kung bakit nais ng mga mayor o alkalde na paikliin ang oras ng curfew?

3.Paano nakatutulong ang mga salitang ginamit sa balitang nabasa sa pagkakaunawa mo sa nilalaman ng
balita?

You might also like