You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Christ the King College


Lungsod Calbayog
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

BUDGET OF LESSONS
UNANG MARKAHAN SA FILIPINO 9

GURO: MA. CARA TANYA B. PRINCILLO

CONTENT Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang
STANDARDS Asya.
PERFORMANCE Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat tungkol sa isang book fair ng mga akdang
STANDARDS pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.
VALUES Napapahalagahan at naipapamalas ang kultura at panitikan ng mga bansang makikita sa rehiyon ng Timog-Silangang
INTEGRATION Asya.
PAKSA PAGBUO NG PROYEKTO PARA SA UNANG MARKAHAN
DURATION Week 7 (4Hrs)

MONDAY TUESDAY WEDNESDAY THURSDAY FRIDAY SATURDAY


October 11, 2021 October 12, 2021 October 13, 2021 October 14, 2021 October 15, 2021 October 16, 2021
LAYUNIN Tandaan:
Nakabubuo ng pagtatanghal sa pamamagitan ng malikhaing panghihikayat gamit ang mga larawan at/o impormasyong Distribusyon/Pagkuha
nakalap na sumasalamin sa kultura at panitikan ng Timog-Silangang Asya. ang mga gawain ng
Panuto at Mga Paalala: estudyante.
1. Ang klase ay hahatiin sa tatlong (3) pangkat. Ang bawat pangkat ay magsasaliksik ng isang (1) bansa na makikita
sa Timog-Silangang Asya. Ang bansang mapipili ay gagamitin para sa presentasyon ng proyekto.
2. Kinakailangang maipakita ng bawat pangkat ang mga magagandang lugar o atraksiyon ng bansang napili at
mahikayat ang mga tao na puntahan o bisitahin ang napiling bansa.
3. Kinakailangan ding ipamalas ang kultura at mga paniniwala ng bansang napili at magpakita ng mga larawan
habang hinihikayat ang mga manonood.
4. Mahalaga ring malaman ng mga manonood ang mga manunulat at mga akdang nailimbag sa bansang napili.
Kung kaya naman, ang bawat pangkat ay magpapakilala ng limang (5) manunulat at mga akdang kanilang
nailimbag na may malaking bahagi ng kanilang kultura at paniniwala. Huwag kalimutan ang mga pangalan ng
mga manunulat na mapipili at listahan ng mga akdang kanilang isinulat.
5. Ang pagbuo ng powerpoint presentation ang magiging lunsaran sa pagpapamalas ng bansang napili.
6. Bibigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na magdesisyon kung papaano nila ipapakita ang malikhaing
panghihikayat.
7. Bibigyan ng iskedyul ang bawat pangkat sa pagpapamalas ng kanilang proyekto.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Nilalaman- 30%
Presentasyon- 30%
Hikayat sa Madla- 40%
KABUOAN: 100%

You might also like