You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY


Bayombong, Nueva Vizcaya

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Pangalan : DANICA HANNAH MAE L. TUMACDER


Kurso : BSED 3B (Filipino)
Asignatura : SEC FIL 112 (Paggawa at Ebalwasyon ng Kagamitang Panrturo)
Guro : Dongpan Crusaldo P. Oligario
Petsa : April 21, 2022

GAWAIN # 4 (Paggamit ng REALIA sa Klase)

A. PAKSA

Penomenang Kultural at Panlipunan: Ang Pagdiriwang ng Kaamulan sa Bukidnon

B. PANGALAN NG GAWAIN
• Travel Brochure
• Laman ko, Hulaan mo!

C. MGA GAGAMITING REALIA


✓ Prutas na pinya
✓ Mga butil ng kape
✓ Brown rice
✓ Larawan ng bukirin at mga talon
✓ Mga bulaklak
✓ Pagpapakita ng bidyo clip sa pagtugtog ng musikal na instrumento ng
bukidnon
✓ Mga makikinang na alahas at seashells
✓ Balahibo ng ibon
✓ Mga sinulid na kulay pula, puti at itim

D. PALIWANAG o HAKBANG KUNG PAANO GAWIN

1. Mangongolekta ang guro ng kaniyang mga gagamiting realia na mayroong


kaugnayan sa paksang tatalakayin, pagkatapos ay gagawa ang guro ng isang
malaking realia box upang doon isinop ang mga realiang nakolekta at upang hindi
agad makita ng mag-aaral ang mga bagay na ito sapagkat bago nila makita ang
mga ito ay magkakaroon muna sila ng gawain.

2. Bago talakayin ng guro ang teksto tungkol sa pagdiriwang ng kaamulan sa bukdinon,


ipapakita muna ng guro isa-isa ang kaniyang nakolektang mga realia na nakalagay sa
loob ng realia box sa pamamagitan ng isang motibasyon na gawain. Upang mas
maengganyo ang mga mag-aaral sa kanilang aralin, gamit ang PowerPoint
presentation na inihanda ng guro, pipili ang bawat pangkat ng numero at sa bawat
numerong ito ay may kalakip na realia, ipapakita ng guro ang realiang nakapaloob sa
numerong kanilang napili pagkatapos ay huhulaan ng mag-aaral kung ano ang mga
pangalan nito at kung saan ito madalas gamitin o makita.
3. Kung naipakita na lahat ng guro ang mga realia sa loob ng kahon ay magtatanong
ang guro kung bakit ang mga kagamitang ito ang kaniyang ipinakita at kung ano ang
kaugnayan nito sa kanilang paksang pag-aaralan.

4. Tatalakayin na ng guro ang teksto tungkol sa pagdiriwang ng kaamulan sa bukidon


upang higit nang maunawaan ng mga mag-aaral ang mga kultura, tradisyon,
pananamit at kaugaliang umiiral sa tribong Bukidnon sapagkat ito ang magsisilbi nilang
batayan upang matagumpay nilang magagawa ang kanilang travel brochure sa
pagtatapos ng aralin.

5. Ngayong lubusan ng nalaman ng mga mag-aaral ang penomenang kultural at


panlipunan ng mga taga Bukidnon ay isasabuhay ng mga mag-aaral ang mga
realiang ito sa pamamagitan ng paglikha ng isang travel brochure na nagpapakita ng
kanilang kultura, tradisyon, kaugalian, pananamit at natatanging tanawin ng mga
taga Bukidnon. Gayundin ay kung paano makakapunta ang mga turista sa
bulubunduking lugar ng Bukidnon.

6. Sa paggawa ng travel brochure, mahahati ito sa tatlong seksyon o column na


kinakailangang lalamanin nito ang nakakapukaw interes na pamagat, mga
mahahalagang impormasyon, tamang deskripsyon at mga larawan upang higit na
magkaroon ng interes at maakit ang mga tao na nagnanais pumunta sa probinsya ng
Bukidnon. Ang mga larawan ay maaaring iguhit, gumupit ng mga larawan o
magdownload sa internet.

7. Higit sa lahat, maging totoo sa mga larawan at deskripsyong ilalagay upang ang mga
taong babasa sa brochure ay hindi madismaya sa kanilang pagdating sa lugar.
Kinakailangan din na maging malikhain sa paggawa ng travel brochure upang maging
kaaya-aya ang kahihinatnan nito. Kung natapos nang gawin ang travel brochure ay
ipresenta ito at ipaliwanag sa harap ng klase.

You might also like