You are on page 1of 6

2

Filipino
Learning Activity Sheet sa Filipino 2
Kuwarter 4 – MELC 7
Paggamit nang Wasto ng mga Pang-ukol
na ni/nina, kay/kina, ayon sa, para sa at
ukol sa

SANGAY NG NEGROS OCCIDENTAL


Filipino 2
Learning Activity Sheet
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Negros Occidental
Cottage Road, Bacolod City

Isinasaad ng ng Batas Pambansa Bilang 8293, Seksiyon 176 na “Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan
ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang Filipino 2 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang


magamit ng mga Paaralan sa Sangay ng Negros Occidental.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Negros
Occidental.

Mga Bumuo ng Filipino 2 Learning Activity


Sheet

Manunulat: Catherine Grace T. Gallego


Editor: Lyra G. Santero
Tagasuri: Rea P. De la Peña
Tagapayo: Marsette D. Sabbaluca, CESO VI
Tagapamanihala
Juliet P. Alavaren, Ph.D.
EPS-Filipino
Learning Activity Sheet ( LAS ) Blg. 7

Pangalan ng Magaaral __________________________________________


Baitang at Seksiyon: _ _ Petsa: _

Gawaing Pampagkatuto sa Filipino 2


Paggamit nang wasto ng mga pang-ukol na ni/nina,
kay/kina, ayon sa, para sa at ukol sa
I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nagagamit nang wasto ang mga pang-ukol na ni/nina,
kay/kina, ayon sa, para sa at ukol sa ( F2WG-IIIh-i-7 )
II. Panimula

Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa


mga pangngalan, panghalip, pandiwa o iba pang bahagi ng
pananalita.

Ang bawat pang-ukol ay may kani-kaniyang gamit. Ang ni at


nina ay ginagamit sa pagpapahayag ng pagmamay-ari ng isang
bagay. Ang ni ay ginagamit kung isa lamang ang inuugnay na
pangngalan at ang nina naman ay ginagamit kung dalawa o
higit pang inuugnay na pangngalan.

Ang kay ay ginagamit kapag ang isang kilos o bagay ay


tungkol sa isang tiyak na tao lamang.Ang kina ay ginagamit
kung ang isang bagay o kilos ay tungkol sa dalawa o mahigit
pang tiyak na tao

Ang para sa, ukol sa at ayon sa ay mga pang – ukol na


ginagamit para sa mga pangngalang pambalana na tumutukoy
sa lahat ng uri ng pangngalan at pangngalang pantangi na
tumutukoy sa lugar, bagay o pangyayari.

III. Mga Sanggunian:


K-12 Most Essential Learning Competencies ( F2WG-IIIh-i-7 )
Filipino 2, Quarter 4
IV. Mga Gawain:

Gawain 1:

Panuto: Hanapin sa loob ng panaklong ang angkop na pang-


ukol upang mabuo ang pangungusap. Salungguhitan ang
wastong pang-ukol.

1. Namasyal kami ( kay, kina ) lolo at lola sa probinsiya.

2. ( Ayon sa, Ukol sa ) balita, marami na ang namatay


sanhi ng COVID – 19.

3. Bumili si inay ng mask ( ni , para sa ) amin.

4. Kinuha ( ni, nina ) itay at inay ang aking modyul sa paaralan.

5. Kunin mo ang pera ( kay, kina ) itay pambili natin ng ulam.

Gawain 2:

Panuto: Bilugan ang pang-ukol na ginamit sa pangungusap.

1. Ang balita ay tungkol sa mga biktima ng COVID – 19.

2. Pumanaw ang ama ni Grace kahapon.

3. Ayon sa balita, may isa na namang nakamamatay na bayrus.

4. Ang sayang tingnan nina Joe at Lucy na magkasama.

5. Ang bakuna ay para sa mga tao.


Gawain 3:

Panuto: Basahin ang maikling talata. Hanapin sa kahon ang angkop


na pang-ukol at isulat sa patlang upang mabuo ang pangungusap.

Simula ng Pandemya

Malapit na ang katapusan ng klase. Isang araw, nagtaka kami


dahil sabi ng aming guro ay magbabakasyon kami nang maaga. Tinapos
Gng. Gallego ang pagbibigay ng Ika-apat na markahang
pagsusulit. Pag-uwi ko sa bahay ay nanood ako ng balita.
balita, may kumakalat na nakakamatay na bayrus sa buong mundo.
Sabi itay at inay, maghanda kami at mamili ng mga pagkain
darating na mga araw at buwan. Tumawag din kami
lolo at lola sa Maynila upang alamin ang kanilang kalagayan.

ayon kay ayon sa kina nina ni para sa


V - Repleksiyon:

Kailan ginagamit ang pang-ukol na:


1. ni/nina
2. kay/kina
3. para sa/ukol sa/ ayon sa

Binabati kita at napagtagumpayan mo ang iyong hamon sa araw na ito.


Umaasa akong isa na namang kasanayan ang iyong natutuhan ngayon.
VI. Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1:
1. kina
2. ayon sa
3. para sa
4. nina
5. kay
Gawain 2:
1. tungkol sa
2. ni
3. Ayon sa
4. nina
5. para sa
Gawain 3:
Simula ng Pandemya
Malapit na ang katapusan ng klase. Isang araw, nagtaka kami
dahil sabi ng aming guro ay magbabakasyon kami nang maaga. Tinapos
ni Gng. Gallego ang pagbibigay ng Ika-apat na markahang pagsusulit.
Pag- uwi ko sa bahay ay nanood ako ng balita. Ayon sa balita, may
kumakalat na nakakamatay na bayrus sa buong mundo. Sabi nina itay at
inay, maghanda kami at mamili ng mga pagkain para sa darating na mga
araw at buwan. Tumawag din kami kina lolo at lola sa Maynila upang
alamin ang kanilang kalagayan.

You might also like