You are on page 1of 25

Republic of the Philippines

NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND


TECHNOLOGY
Cabanatuan City, Nueva Ecija, Philippines
ISO 9001:2015 CERTIFIED

DALUMAT NG/SA FILIPINO

PAGSUSURING PAMPELIKULA
“Miss Granny”
(2018)

Galicia, Justine Froi Sarmiento


Ganareal. John Aries Cesar Santos
Ganio, Jerald Ashley Reyes
Garcia, John Carlo Cariaga
Hipolito, Ruzzle Adrean Fernando
Kim, Marie Icie Gutierrez
Mabini, Angelica Heart Dimla
Unang Pangkat

Bb. Ma.Cecilia M. Paraiso


Guro sa Filipino

Unang Semestre, 2021


Panimula

Isa ang panonood ng pelikula sa mga kinagigiliwan ng mga tao, lalo na sa ating mga
Pilipino. Ang mga Pilipino ay mahilig manood ng mga pelikula kahit ano pa man ang tema nito.
Nagiging mahalaga din ang panonood ng pelikula sa buhay ng tao, dahil sa panonood ng pelikula
ay nakaka saksi tayo ng iba’t ibang pangyayari na pwedeng mangyari sa buhay natin at
nakapupulot tayo ng mga aral dito. Maraming pumapatok na mga pelikula sa ating bansa, dahil
sa ganda ng mga storya ng mga ito at sa ganda at galing ng pagkaka gawa nito. Isa na rito ang
pelikulang “Miss Granny” na unang naging pelikula sa bansang Korea noong taong 2014, dahil
sa ganda ng storya at kapupulutan ng maraming aral ito ay ginawan ito bersyon ng Pilipino
noong taong 2018.

Itong pagsusuri na ito ay pagsusuri tungkol sa pelikulang “Miss Granny” sa pamamagitan


ng pagsusuring ito ay inyong mas ma iintindihan at mauunawaan ang kwento at mga aral ng
pelikulang ito. Ang Pelikulang ito ay tungkol sa isang matandang babae na bumalik sa kanyang
pagkabata, ngunit sa tuwing siya ay masusugatan siya ay paunti unting bumabalik sa pagkatanda.
Maraming aral na mapupulot dito, isa na dito ang pag unawa at unahin ang iyong mahal sa buhay
kaysa sa iyong sarili. Sa mga susunod na pahina ng pagsusuring ito ay inyo pang mas ma
iintindihan ang kwento at mauunawaan ang mga aral nito.
TALAAN NG MGA NILALAMAN

I. Unang Bahagi
A. Pamagat…………………………………………………………………
B. Direktor…………………………………………………………………
C. Prodyuser………………………………………………………………..
II. Ikalawang Bahagi
D. Tauhan………………………………………………………………….
E. Tagpuan………………………………………………………………...
III. Ikatlong Bahagi
F. Banghay
f.1. Buod…………………………………………………………….....
f.2. Panimula…………………………………………………………...
f.3. Suliranin……………………………………………………………
f.4. Saglit na Kasiglahan……………………………………………….
f.5. Kasukdulan………………………………………………………..
f.6. Kakalasan………………………………………………………….
f.7. Wakas……………………………………………………………..
IV. Ikaapat na Bahagi
G. Mga Aspektong Teknikal
g.1. Sinematograpiya………………………………………………….
g.2. Musikang Ginamit………………………………………………..
g.3. Visual Effects……………………………………………………
V. Ikalimang Bahagi
H. Mga Bisang Pampanitikan
h.1. Bisang Pangkaisipan…………………………………………….
h.2. Bisang Pandamdamin…………………………………………...
h.3. Bisang Pangkaasalan……………………………………………
I. Mga Teoryang Pampanitikan ……………………………………….
Sanggunian………………………………………………………………
Dokumentasyon…………………………………………………………
I. Unang Bahagi

A. Pamagat: Rainbow Sunset (2018)

Isang matandang babae ang muling nagbalik sa kanyang kabataan, binago ang
kanyang pangalan at nagsimula sa paghahanap ng kaligayahan. Napagtanto na siya ay
nagiging pabigat sa kanyang pamilya nang mahiwagang mahanap niya ang kanyang sarili
pabalik sa katawan ng kanyang 20-taong-gulang na sarili matapos makuha ang kanyang
larawan sa isang misteryosong photo studio.

Nailabas ito noong January 22, 2014 sa South Korea bilang comedy-drama na
dinerekta ni Hwang Dong-hyuk. Naging isang malaking box office hit, na may 8.65
milyong mga tiket na naibenta sa paglabas ng pelikula.

Miss Granny ay naipalabas at muling naggawa noong 2018 sa Pilipinas at


nailabas ng Viva Films. Kasama sila James Reid, Xian Lim at Sarah Geronimo bilang
mga aktor sa pelikula.
B. Direktor

Joyce E. Bernal ay isang Filipina direktor sa pelikula at palabas sa Pilipinas na


nagsimula bilang film editor sa Viva Films noong 1994. Kilala siya sa pagdirek ng Miss
Granny at pag direk ng pangatlong hanggang panglima na pagtukoy ng estado ng bansa ng
Presidente Rodrigo Duterte.

C. Prodyuser

Ang mga Prodyuser sa pelikulang Miss Granny ay si Vic del Rosario Jr.

II. Ikalawang Bahagi

D. Tauhan
d.1. Mga Pangunahing Tauhan
● Sarah Geronimo - Audrey De Leon / Fely Malabaño

● Nova Villa - Fely Malabaño

d.2. Mga Pansuportang Tauhan

● Boboy Garovillo - Bert

● Xian Lim - Lawrence

● Jojit Lorenzo - [Photographer]

● Kim Molina - Minnie

● Nonie Buencamino - Ramoncito Malabaño

● James Reid - Jeboy Malabaño / Jebs

● Mara Lopez - Mia

● Lotlot de Leon - Angie Malabaño

● Pio Balbuena - Tim

● Angeli Bayani - Olivia

● Danita Paner - Phoebe

● Ataska Mercado – Hana

E. Tagpuan
● Bahay ng Mag-anak

● Mahiwagang Photo Studio

● Hospital

● Concert

● Street

● Nursing Home

III. Ikatlong Bahagi

F. Banghay

f.1. Buod

Si Fely ay isang babae sa edad na 70s na nakatira kasama ang kanyang anak na si
Ramon, anak na babae na si Angie, apo na si Jeboy at apo na si Hana. Hindi talaga si
Lola Fely ang pinaka- kaibig – ibig na senior citizen sa paligid. Siya ay may isang
opinion tungkol sa lahat at lahat, at kilala na ang pagkontrol at isang pangunahing
pagyakap.
Isang araw, itinakbo si Angie sa ospital at sinabi ng doktor sa pamilya na upang
siya ay gumaling, kailangan nilang alisin ang anumang bagay na nagdudulot ng kanyang
pagkastress. Isang araw ay sinabi ni Ramon sa kanya na kakailanganin niyang lumipat sa
bang bahay, lubhang nalulumbay at nabalisa na si Fely ay naglalakad nang walang
layunin sa paligid ng lungsod at natagpuang ang isang mahiwagang photo studio na may
mga lumang larawan ng kanyang paboritong aktres na si Audrey Hepburn. Pumasok siya
upang makuha ang kanyang larawan. Kalaunan, natuklasan niya na siya ay mahiwaga na
nagbago sa kanyang 20 taong gulang na sarili.
Binago ang pangalan ni Fely ang sarili na Audrey at ginagawang pinakamaraming
pagkakataon. Nakakakuha siya ng pagkakataon na mabuhay ang kanyang pangarap na
maging isang mang-aawit at naging bagay ng pagmamahal ng tatlong lalaki ang apo niya
si Jeboy; Ang prodyuser sa palabas sa TV si Lorenz at Bert isang matalik na kaibigan
mula pa noong bata pa siya.

f.2 Panimula

Ang pelikulang Miss Granny ay nagsimula sa pamamagitan lamang ng


pangkaraniwang panimula ng isang kwento kung saan inilahad ang istorya sa
kasalukuyan hanggang mapunta sa isang pantasya na mabalik sa muling pagkabata ang
pangunahing tauhan ng pelikula. Ipinakita sa simula kung gaano kamahal at kaproud ang
pangunahing tauhan sa kanyang anak ngunit isang gabi sa kanyang pag uwi ay ipinakita
naman nito ang motibo na sa isang nursing home na lamang patirahin ang kanyang ina, at
dito na nagsimula ang kwento ng kanyang muling pagkabata.

f.3. Suliranin

Isa sa mga problemang kinaharap ng tauhan ay ang pagsakripisyo ng pangunahing


tauhan na si Fely ng kanyang pangarap para sa kapakanan ng kanyang pamilya, at nang
siya ay maharap muli sa isang pagsubok kung saan kailangan niyang magdesisyon kung
mananatili siya sa pagkabata o ang sagipin ang kanyang apo, ay muli niyang pinili ang
iligtas ang buhay neto kahit na ang kapalit ay ang kanyang pangarap na unti-unti ng
natutupad. Ikalawa naman ay ang kulang sa atensyon at pagpapakita ng pagmamahal ng
panganay na anak ni Fely sa kanyang ina, kung saan pinili niyang patirahin sa isang
nursing home si Fely at kahit ang simpleng pagbili nito ng sandals ng ina ay hindi
nagawa. Ikatlo ay ang nang maaksidente ang apo ni Fely, dahil dito ay kinailangan nito
ng dugo at tanging si Fely lamang ang kaparehong type ng dugo.

f.4. Saglit na Kasiglahan


Inaawit ni Fely sa pagtugtog ng kanilang banda ang mga awiting nagkukwento ng
kanyang nakaraan. Nang nawala ang kanyang asawa na isang marino, at namatay ito sa
panahon ng kanyang paglilingkod na naging dahilan ng kanilang paglipat sa Maynila ng
anak nitong si Ramoncito. Sa kabilang banda, si Ramon ay nagkaroon ng matinding sakit
na akala nila ay hindi na malulunasan hanggang sa isang araw, isang estranghero ang
sumagip ng buhay nito. Habang sila ay tumutugtog, si Fely na gumaganap bilang Odrey,
ay nilapitan ng musical talent scout na si Lorenz sa sarili nitong karinderya, na nag-aalok
ng pagkakataong ilunsad ang kanilang banda sa madla.

f.5. Kasukdulan

Natuklasan ni Bert ang pagkakakilanlan ni Fely matapos nitong matuklasan ang


mga niregalo nitong pustiso sa kanya sa mga bagay na pag-aari ni Odrey, habang
hinahanap si Fely kasama si Ramoncito. Matapos ang pagkamatay ni Lulu, matapang na
hinarap ni Odrey ang pagkamatay bilang matatanda. Pagkatapos nyang magkaroon ng
isang maliit na sugat sa kanyang paa bago amg isangbsession ng kanilang pagtugtog ay
nasilayan ni Bert na bumalik sa estado ng pagkakulubot si Odrey na nagpapakita ng
senyales na bumabalik ito sa kanyang tunay at tamang edad. Ginamot ni Bert ang hiwa sa
paa ni Odrey, ngunit kinompronta ito ng anak nyang si Minnie na namilit na umalis si
Fely na lumayas sa apartment, dahil inakala nitong kasal ito sa kanyang ama. Si Fely ay
nanatili si lugar ni Lorenz, na kung saan iti ay nakakasama nya sa musikang retro. Nagalit
si Jeboy dahil sa pagiging malapit ni Lorenz kay Odrey, at napagtanto nito na baka ito ay
romantikong interesado sa kanya. Tinanggihan ni Fely ito dahil walang kaide-ideya si
Jeboy na si Odrey ay ang kanyang lola.

f.6. Kakalasan

Sa kanikang Summerslam Concert, sinabi ni Lorenz sa kanyang mga kabanda na


dapat ay tumugtog sila kahit na wala si Jepoy, dahil ito ay nabangga ng isang kotse
habang papunta sa venue at kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon. Noong una ay ayaw
pumayag ni Fely/Odrey ngunit kalaunan ay pumayag itong tumugtog para mapanatili ang
banda ni Jeboy sa lineup. Sa ospital kasama sina Bert at Ramoncito na sa wakas ay
nalaman na ang tunay na pagkakakilanlan nito, napagpasyahan ni Fely/ Odrey na
magdonate ng dugo para kay Jeboy, kahit na binigyan na sya ni Bert ng babala na ang
mga epekto ay maaaring hindi na maibalik tulad ng dati. Binigyan sya ng ng pamimilian
ni Ramoncito na umalis at mamuhay sa buhay na gusto nito, sa kondisyon na
sinusubukan nyang gumawa ng isang mas mahusay na buhay para sa kanuang sarili kaysa
sa kasama nya at ng kanyang amang nawala. Maluha-luhang sinabi ni Fely/Odrey kay
Ramon na parati nyang pipiliin ang buhay na nabuhay sya bilang kanyang ina, at
nagyakap sila. Pagkatapos nito, si Fely/Odrey ay nag-donate ng kanyang dugo para sa
apo nitong si Jeboy, at muling bumalik si Odrey sa kanyang normal na anyo, ang
matanda nyang sarili.

f.7. Wakas

Matapos gumaling ni Jeboy ay pinanood nila Fely at ng pamilya nito ang concent
ng kanyang apo kasama si Hana bilang bagong bokalista ng banda. Kalaunan ay nilapitan
si Fely ng isang tila misteryosong lalaki na nakasakay sa isang motorsiklo, na ibinunyag
na si Bert ito matapos bumalik sa mas batang bersyon na sarili nito sa tulong ng Forever
Young Photo Studio. Binigyan sya nito ng isang pumpon na bulaklak, at si Fely at Bert
ay umalis na sakay ng motorsiklo.

IV. Ikaapat na Bahagi


G. Mga Aspektong Teknikal

g.1. Sinematograpiya

Miss Granny is a 2018 Filipino comedy-drama film of the same name. Directed
by Joyce E. Bernal, It stars Sarah Geronimo, James Reid, Xian Lim, and Nova Villa. It
was released by Viva Films on August 22, 2018, and was nominated for three FAMAS
Awards including “Best Actress” for Sarah Geronimo and “Best Original Song” for Isa
Pang Araw. It was the second most talked about Filipino film of 2018 on Twitter, The
How’s of Us. Geronimo received “Best Actress” trophy at the 35 th PMPC Star Awards
for Movies, whilst Villa received the “Movie Supporting Actress of the year” award at
the 50th GMMSF Entertainment Box Office Awards. The Film is currently available for
streaming on Netflix in the Philippines.

g.2. Musikang Ginamit

Kiss Me, Kiss Me


Performed by: Sarah Geronimo
Words and music by: Jessie Sacio
Published by: Dyna Music Entertainment Corporation
Produced by: Civ Fontanilla
Arranged by: Benjie Pating
Vocal supervision by: Pauline Lauron
Recorded by: Joel Vitor
Mixed and mastered by: Joel Mendoza
Recorded, mixed and mastered at Amerasian Studios
Courtesy of Viva Records Corp.

Isa pang araw


Performed by Sarah Geronimo
Words and music by Miguel Mendoza (as Miguel Mendoza III)
Published by Viva Music Publishing Inc.
Produced by Civ Fontanilla
Arranged by Tommy Katigbak
Vocal supervision by Yosha Honasan
Recorded by Joel Vitor
Mixed and mastered by Joel Mendoza
Recorded, mixed and mastered at Amerasian Studios
Courtesy of Viva Records Corp.
Rain
Performed by Sarah Geronimo
Words and music by George Canseco
Published by ABS-CBN Film Productions Inc./Star Songs
Produced by Civ Fontanilla
Arranged by Benjie Pating
Vocal supervision by Yosha Honasan
Recorded by Joel Vitor
Mixed and mastered by Joel Mendoza
Recorded, mixed and mastered at Amerasian Studios
Courtesy of Viva Records Corp.

Forbidden
Performed by Sarah Geronimo
Words and music by George Canseco
Published by ABS-CBN Film Productions Inc./Star Songs
Produced by Civ Fontanilla
Arranged by Benjie Pating
Vocal supervision by Yosha Honasan
Recorded by Joel Vitor
Mixed and mastered by Joel Mendoza
Recorded, mixed and mastered at Amerasian Studios
Courtesy of Viva Records Corp.

Pangarap ng bituin
Performed by Ataska Mercado (as Ataska)
Words and music by Willy Cruz
Published by Viva Music Publishing Inc.
Produced by Civ Fontanilla and Vehnee Saturno
Arranged by Tommy Katigbak
Vocal supervison by Vehnee Saturno
Recorded by Joel Mendoza at Amerasian Studios
Mixed and masterd at Saturno Music Studio
Courtesy of Viva Records Corp.

Ayoko sa dilim
Words by Civ Fontanilla and Pauline Lauron
Music by Punch Liwanag and Kelvin Guzman
Published by Viva Music Publishing Inc.
Produced by Civ Fontanilla
Recorded, mixed and mastered by Joel Vitor at Amerasian Studios
Courtesy of Viva Records Corp.

Magdamagan
Performed by Japh Dolls
Lyrics by Pow Chavez (as Paula Patricia Chavez)
Music by Bojam (as Julius James De Belen)
Published by Viva Music Publishing Inc.
Produced by FlipMusic Productions Inc.
Mixed, masterd and arranged by Bojam (as Julius James De Belen)
Recorded at Amerasian Studios
Courtesy of Viva Records Corp.

Tayo na't sumayaw


Performed by Nitro
Lyrics by Pao Madrid
Music by Pao Madrid and Bojam (as Jumbo De Belen)
Published by Viva Music Publishing Inc.
Produced by Bojam of FlipMusic Productions Co.
Mixed, mastered and arranged by Bojam (as Bojam De Belen) and Mat Olavides
Recorded by Joel Mendoza at Amerasian Studios
Courtesy of Viva Records Corp.

Nanggigigil
Performed by Hagibis
Composed by Mike Hanopol
Published by ABS-CBN Film Productions Inc./Star Songs
Courtesy of Viva Records Corp.

Hayaan mo sila
Lyrics by Ex Battalion
Original music One Kiss by Diamond Style
Courtesy of Ex Battalion Music

T.L. ako sa'yo


Composed by Snaffu Rigor
Published by Viva Music Publishing Inc.

Zumba Song
Contributing score by Andrew R. Florentino (as Andrew Florentino)
Vocal arrangement and performance by Migi De Belen and Aina Sevilla
Music arrangement by Len Calvo

Dyosa
Performed by Yumi Lacsamana
Lyrics by Yumi Lacsamana (as Kristaline Lacsamana)
Music by Bojam (as Julius James 'Bojam' De Belen) and Thyro Alfaro (as Timothy
'Thyro' Alfaro)
Guitars by Iggy Javellana
Produced by Bojam of FlipMusic Productions Co.
Courtesy of Viva Records Corp.
Hipnotismo
Performed by Julian Trono
Lyrics by Pao Madrid (as Paolo Emmanuel L. Madrid)
Music by Bojam (as Julius James De Belen), Christian Andales
Published by Viva Music Publishing Inc.
Produced by FlipMusic Productions Inc.
Arranged by Bojam (as Julius James De Belen), Christian Andales
Mixed and mastered by Mat Olavides of FlipMusic
Recorded at FlipMusic Studio
Courtesy of Viva Records Corp.

Sige sayaw (Sige sayaw)


Performed by Pop Girls
Composed by Amber (as Amber Davis) and Marcus Davis
Published by Viva Music Publishing Inc.
Produced by Marcus Davis
Recorded, mixed and mastered by ATM Studios
Courtesy of Viva Records Corp.

g.3. Visual Effects

Maganda Ang kalidad Ng bawat kagamitan sa pelikulang ito. Ang mga Ikaw at
transisyon Ng bawat eksena, gayon din sa mga Ilaw na gamit sa photo booth, sa mga
makalumang filter na gamit upang ipalabas Ang mga eksena sa nakaraan. Mas madaling
maunawaan Ng mga manonood Ang daloy Ng eksena dahil sa iba't ibang kulay Ng Ilaw
na ginamit sa kabuuan Ng pelikula.
V. Ikalimang Bahagi

H. Mga Bisang Pampanitikan

h.1. Bisang Pangkaisipan

Sa kaalaman ng bisang kaisipan sa ating lahat ang tinalakay nito sa pelikula na


Miss Granny ay ang epekto nito o pagbabago ating kaisipan. Lahat tayo ay may
pagkakaroon ng pagninilay-nilay matapos nating panoodin ang bawat pelikula o
babasahin, nag kakaroon tayo dito ng isang malawak na pag unawa kung ano ba ang ating
natutunan sa naturang pelikula. Ang Miss Granny na pelikula ay isa sa mga pelikula na
kakapulutan ng aral lalo na sa ating kaisipan, pumasok rito ang ating pagkakaroon ng
epekto sa ating pag-uugali na dapat nating respetuhin ang sino man na nakakatanda satin.
Sa pelikulang ito pinakikita na hindi dapat natin hinuhugsahan ang isang matanda dahil
sila ay matanda na, subalit dapat nating silang igalang dahil hindi natin alam ang kanilang
pinag-daanan nung sila malakas pa. Isa rin sa kaisipan ng mga bagong henerasyon
ngayun na pinapakita sa pelikulang ito ay ang pagkukulang ng respeto ng mga kabataan
sa matatatanda sa panahon natin ngayun, nais lamang ng pelikula na ito na ipakita lalo na
sa kabataan na magkaroon tayo ng respeto sa lahat ng tao matanda man o bata. Nais ng
pelikulang ito na iparating sa ating kaisipan na dapat nating baguhin ang mga kaisipan sa
pag-uugali ng tao sa henerasyon ngayun patungkol sa mga matatanda.

h.2. Bisang Pandamdamin

Sa mabisang damdamin ng mga to at mga taga panood ay nararapat lang natin na


maunawaan ano ba ang nilalaman ng ating mga puso matapos natin mapanood ang
pelikulang ito. Sa parte ng papel na ito dito naman natin tatalakayin kung ano nga ba ang
bisang padamdam sa pelikulang ito, ang bisang padamdam ay isang kaisipan kung saan
natututunan ang mga pangyayari sa kwento sa naturang pelikula. Sa pag-talakay sa
pelikulang ito ano ba ang ating naramdaman o ano ba ang naramdaman ng mga ating
tagapanood matapos ang pelikula, ang pelikulang ito ay ang mag tuturo kung ano ang
sinasabi ng puso ng bawat isa matapos natin itong mapanood, ano ba ang nararamdaman
ng bawat isa, hindi lamang basta sa kaisipan kundi pati sa kalooban ng bawat manonood.
Ang pelikulang Miss Granny ay maraming mga bagay ang mapapagtanto ng mga ating
taga panood, dito sa pelikulang ito makikita na dapat tayong makinig sa ating mga puso
at damdamin matapos natin itong panoodin. Kung damdamin ang pag uusapan ang
pelikulang ito ay may kinalaman sa pamilya at mga mahal sa buhay na dapat natin silang
pag pahalagahan habang sila ay nabubuhay at malakas pa, dito natin mauunawan ang
kahalagahan na kasama natin ang ating pamilya habang sila ay nandito pa sa ating mga
piling. Bukod sa pag mamahal pinapakita rin dito na kahit anong mangyare ang isang
pamilya ay handang magsakripisyo para sa isa’t isat dahil sila ay pamilya. Madaming
Pwede kapulutan ng mabisang damdamin dito sa kwento na ito dahil maraming tao ang
kaugnay ng buhay ng nasa pelikula sa buhay ng ibang tao ngayun, nandito na ang pag
sasakripisyo at mga pinagdaanang kahirapan sa naturang kwento na nangyayare ren sa
kasalukuyan at sa iba pang tagapanood.

h.3. Bisang Pangkaasalan

Sa parte naman ito pinapakita ang pag uugali at kaisipan ng lahat ng mga tao, ang
mabisang kaisipan ay ang tumutukot sa pagkakapulot ng asal sa naturang pelikula. Ang
mabisang pangkaasalan ay may kaugnay sa pagkakaroon ng pag babago sa Ating
pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa pelikula. Sa pelikulang Miss Granny ano ba
ang mga dapat nating isaalang-alang patungkol sa pangkaasalan? Narito ang mga dapat
isaalang-alang ng mga tagapanood, ang pelikulang ito ay nag papakita ng
pagsasakatuparan ng mga nilalaman para sa mga taong manonood. Dito ren tayo
pwedeng mahubog ng tama dahil ang pelikulang ito ay pang pamilya at kahit sinong
tagapanood ay maaring makaunawa, sa aking palagay, ang isinasaalang-alang ng
pelikulang ito para sa atin ay kailangan natin maintindihan ng tama kung ano ba ang
kahalagahan ng respeto at pamilya sa isang tao. Dahil kung hindi natin papansinin o
iintindihan ang storya ng pelikulang ito ang bisang kaasalanan ay hindi mag kakaroon ng
isang epektibong pagninilay sa isang tagapanood.

I. Mga Teoryang Pampanitikan

Moralistiko
Sa kwentong ito dinidisiplina ni Fely ang kanyang pamilya at mga nakakasalamuha
nyang mga tao. sa paraang alam nyang tama. ang halimbawa nalang nito ay ang
pagluto ng manugang nya ng sinigang ngunit hindi ito gawa sa tunay na sampalok,
ang pag didisiplina nya sa lahat ng bagay at ang apo nya na inaayos o tinutulungan
hanapin ang pag mamahal sa sa musika.

Sosyolohikal
Ang dinanas ni fely sakanyang buhay ay maapi ng kanyang pamilya, kasama, at
mga nakakasalamuha nyang mga tao sa kadahilanang ang kanyang ugali ay hindi
sang ayon sa mga nakaka salamuha niya at nakakakita. Isa din dito ang pagiging
matanda na nya, pagiging madiwara ngunit nasa tama.

Sikolohikal
Si fely ay isang matandang walang asawa na nag hahanap ng kalinga ng pag
mamahal sa kanyang pamilya. Ngunit hindi nya ito maramdaman iniisip nya na sya
ay mag isa lamang sa buhay, walang kasama, walang kaantabay. Kaya napag isipan
nyang mag liwaliw muna sa kwentong iyon dahil ang gusto ng kanyang anak ay
ilayo muna sya.

Pormalismo
Isinaasad din dito ang sinaunang panahon, kung paano sila manamit at kung paano
sila mag salita. Pinapakita din dito ang naging buhay ni fely nung sya ay dalaga pa.

Marxismo
Si fely ay may karibal, sya si lulu. Si lulu ay may gusto kay bert at si bert naman ay
may gusto kay fely. Kaya galit na galit si lulu kay fely dahil don at sa inggit narin.

Arketipo
Sa kwento din na iyon, nawala si fely dahil nag iba nga ang kanyang anyo, sya ay
bumata ng 20 anyos . Ang anak at kaibigan nya ay tinatawagan sya sa telepono
upang hanapin alamin kung asan sya.

Femenismo
Si fely ay isang malakas na ina at nag silbi nading ama sa kanyang iisang anak na si
ramon. Sya ang bumuhay sa kanilang dalawa at napag tapos nyanito ng pag aaral.
nalagpasan ni fely lahat ng kanyang poblema na kahit alam nyang mali tatahakin
nya basta't sakanyang anak.

Eksistensyalismo
Nag desisyon sya pumunta ng forever young photo studio upang mag pakuha ng i
Larawan para sakanyang burol, bagamat nung kinuhanan na sya ng larawan, sya ay
bumata. Pinili ni fely na maging si odrey para makatakas sa kanyang kalungkutan
sinulit nya ang mga araw na iyon, ang nga araw na sya ay bata natupad ang kanyang
mga pangarap noon at naituloy nya ngayun. Ngunit bandang huli mas pinili ni
odrey na bumalik sa dati upang mailigtas ang kanyang apo at mas pinili nya ang
ganong buhay.

Realismo
Pinapakita dito sa kwentong ito na lahat ng tao ay may poblemang kanyang
kinakaharap. Hindi habang buhay ay mananatili ka sa nakasanayan mo. Ang
realidad rito ay ang pamilya ay nag sisilbing pamilya mo hanggang huli, na hindi
dapat tinatakasan.
SANGGUNIAN

https://www.imdb.com/title/tt8368032/
https://en.wikipedia.org/wiki/Miss_Granny_(2018_film)
https://mydramalist.com/28810-miss-granny/cast
https://letterboxd.com/film/miss-granny-2018/crew/
https://www.imdb.com/name/nm0741024/
https://www.rappler.com/entertainment/46789-in-photos-39th-metro-manila-film-festival-
awards/
https://www.hellokpop.com/tv-movies/philippine-adaptation-of-miss-granny-touches-on-
filipino-family-values/
https://m.imdb.com/title/tt8368032/soundtrack/?ref_=tt_trv_snd
DOKUMENTASYON

You might also like