You are on page 1of 2

NAME: __________________________________________ DATE:______________

GRADE:__________________________________________ SCORE:____________
PARENT’S SIGNATURE: ________________________

LEARNING ACTIVITY SHEETS ( LAS )


QUARTER 2 WEEK 6
ESP

Learning Task 1: Unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang tama
kung ang ipinapahayag sa bawat pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa
iba sa oras ng pag-aaral, nagsasalita/nagpapaliwanag. Isulat naman ang mali
kung hindi nagpapakita ng paggalang. Sagot na lamang ang isulat sa iyong
sagutang papel.
______1. Nakikinig nang mabuti si Marisa sa panuto na pinapaliwanag ng kaniyang
guro.
______2. Madalas nagkukuwentuhan sina Carmen at Donna sa loob ng simbahan sa
tuwing sila ay nagsisimba.
______3. Hinihintay muna ni Jessica na matapos manood ng balita ang kaniyang ate
bago niya inililipat sa ibang palabas dahil alam niya na mahalaga ito sa
kaniyang takdang-aralin.
______4. Kahit hindi nagugustuhan ni Rafael ang kinukuwento ng kaniyang
kaibigan, patuloy pa rin siyang nakikinig dito.
______5. Tumatambay lagi si Arman sa harap ng silid-aralan ng kaniyang kuya sa
oras ng klase.
______6. Ang hiniram na gamit ni Lucy ay ibinalik niya nang tahimik kay Gemma
dahil nakikita niyang nag-aaral ito para sa susunod na aralin.
______7. Nagsasalita sa ibabaw ng entablado ang punong-guro nila Elena kaya hindi
siya gumagawa ng ingay na makagagambala sa pagsasalita nito.
______8. Hindi nakikinig si Sandra sa tuwing pagsasabihan siya ng kaniyang inay
tungkol sa ginawa niyang pagkakamali.
______9. Naglalakad nang tahimik at marahan si Rico sa pasilyo ng silid-aralan
upang hindi siya makaabala kapag may nagkaklase.
_____10. Nakaugalian na ng pamilya ni Janet ang pakikinig sa isa’t isa sa tuwing
may nagsasalita.

Learning Task 2: A. Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Magbigay ng


mungkahi kung paano
mo maipapakita ang paggalang sa mga taong nagsasalita/nagpapaliwanag at
nagaaral. Sagot na lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.

1. Nasa covered court kayong magkakamag-aral para manood ng palatuntunan


tungkol sa Linggo ng Wika. Nakita mong nagdadaldalan ang dalawa mong kaklase.
Ano ang nararapat mong gawin?

2. May bisita ang kapitbahay ninyo na mga grupo ng mag-aaral upang gumawa ng
pagsasaliksik sa isang proyekto na kanilang ipapasa kinabukasan. Ngunit, ang kapatid
mo ay nagpapatugtog nang malakas na musika at sa iyong palagay ay naririnig ito ng
inyong kapit-bahay. Ano ang maaari mong gawin?
3. Nagkaroon ng pangangampanya sa inyong silid-aralan ang mga kandidato para sa
eleksiyon ng Supreme Pupils Government o SPG ng inyong paaralan. Ang bawat
kandidato ay nagsasalita. Napansin mong ang iyong katabi ay hindi nakikinig at
nagsusulat. Ano ang tamang gagawin mo?

4. Nag-aaral ng leksiyon ang ate mo sa kuwarto ninyo nang dumating ang mga pinsan
mo at malakas na nagtatawanan at nagkukuwentuhan. Ano ang gagawin mo?

5. Nagdudula-dulaan sa harapan ng klase ang mga kamag-aral mo tungkol sa


paggalang sa kapwa at napansin mong ang iyong kamag-aral sa iyong likuran ay
nagtatawanan at nagbibiruan. Ano ang iyong maaaring gawin?

Learning Task 3: B. Magbigay ng limang (5) halimbawa ng mga sitwasyon na


nagpapakita ng
paggalang sa nag-aaral at nagsasalita/nagpapaliwanag. Gumuhit ng kahon at
isulat sa loob nito ang iyong sagot.( 5 puntos)

Learning Task 4:
Sumulat ng maikling tula na nagpapakita ng paggalang o pagpapahalaga sa
kapwa sa oras ng kanilang pag-aaral. Maaaring magpatulong sa kahit na sinong
miyembro ng pamilya o kasama sa inyong tahanan. Gawin ito sa iyong sagutang
papel. ( 5 puntos)

Learning Task 5:
Gumuhit ng pisara at isulat dito ang salita o bagay na sumasalamin sa karapatan
o pangangailangan ng taong nag-aaral.
( 5 puntos)

Prepared by:

MANY R. ALANO
Adviser, Grade Four

Noted:
CHIELA A. BAGNES
Head Teacher II

You might also like