You are on page 1of 3

TAGALOG

 Isa itong linggwahe na ginagamit upang makipag-usap. Ito ang pangunahing


wika na sinasalita nating mga Pilipino.
PILIPINO
 Ito ang tawag sa mga tao o mamamayan na naninirahan dito sa bansang
Pilipinas. Ito rin ang tawag sa lahi natin.
Filipino
 Ito ang tawag sa asignaturang pinagaaralan natin. Kung sa Ingles tinatawag
natin itong subject. Ito ang asignaturang itinuturo sa atin sa paaralan.

Marami ang diyalektong ginagamit ng bansang Pilipinas. Nandiyan


ang Tagalog, Cebuano, Ilokano, Kapampangan, Pangasinense, Bicolano, Waray, T
ausug, Maranao, at marami pang iba. Hindi ka ba nagtataka kung
bakit Tagalog ang naging pambansang wika? Niluto nga ba ni Manuel Quezon ang
pagpili ng Tagalog bilang pambansang wika? Taga Tayabas daw kasi si Quezon. Si
Quezon daw ang nagpasimuno ng lahat ng ito. Pero walang dokumentong
nagpapatibay nito ayon kay Propesor Danton Remoto.

Katunayan, kabaliktaran ang sinasabi ng dokumentong pangkasaysayan. Si


Norberto Romualdez na Waray ang lumikha ng batas para itatag ang Surian ng
Wikang Pambansa (SWP). Si Jaime de Veyra naman ang kampeon ng panitikang
Waray ang nanguna sa unang lupon ng SWP. Karamihan din ng mga kasapi nito ay
hindi mga Tagalog. Gaya ni Santiago Fonacier, isang Ilokano, Filemon Sotto
(Cebuano), Casimiro Perfecto (Bikolano). Si Cecilio Lopez lamang ang Tagalog.
Pero bakit Tagalog ang pinili nila?
 
Ayon sa pag-aaral ng SWP, may 7 dahilang kung bakit Tagalog ibinatay ang
Pambansang Wika:
1. Higit na maraming panitikan ang naisulat sa Tagalog. Mas maraming libro at
dyaryo ang gumagamit ng Tagalog kumpara sa Ilokano at Bisaya.
2. Ginagamit ito ng nakararami. Maging ang hindi Tagalog ay ginagamit
ito bilang "intermediary language".
3. Ito ay may pinakamayamang talasalitaan. Katunayan, ang Tagalog ay
binubuo ng 30,000 salitang-ugat at 700 panlapi.
4. Ginagamit ito sa sentrong kalakalan.
5. Madali itong pag-aralan, matutunan at bigkasin.
6. Kaya nito pag-isahin ang iba't ibang linggwahe ng ating bansa. Para kasing
organismo ang wika. Nadadagdagan ang mga salita. Nababago sa pagdaan
ng panahon.
7. Gumagamit ng Tagalog ang karamihan sa mga bayaning nagbuwis ng buhay
para sa ating kalayaan.

Oo,naging makatuwiran ito dahil dito tayo makikilala at kailangan natin itong
ipagmalaki kaninuman.
Sa aking opinyon ang pagpili sa wikang Tagalog bilang batayan ng ating Wikang
Pambansa ay tama at mabuti sapagkat ang wikang Tagalog ay madaling intindihin
at wikain. Ayon din sa pag aaral natuklasan ng Surian ng Wikang Pambansa na ang
wikang Tagalog ang nakatugon sa mga katangian ng isang dinamikong wika.(Ang
wika ay nababago, ang hindi pagtanggi magbago. Ito ay isang wika na maaring
madagdagan ng mga bagong bokabularyo.Gawa ng pagiging malikhain ng mga
tao. Ito ay maaaring makalikha ng mga bagong salita.)

Kung kaya ito ang mas karapat dapat na gamiting wika ng ating bansa.

Higit na maraming panitikan ang naisulat sa Tagalog. Para sakin ay makatwiran


ang naging proseso sa pagpili ng Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.

EARTH LIFE AND SCIENCE

You might also like