You are on page 1of 2

F.G. O.

Kaquilala 11 STEM A

10/17/22

KPWKP PT: Final Output

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga
simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang
nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang
pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong
pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay.
Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe.
Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang
lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa
paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong
kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala,
ngunit mas kadalasang mayroon.

Meron mga bansa sa mundo na hindi gumagamit ng monolingual na sistema tulad ng Pilipinas. Isa ang
Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa pambansang wikang
Filipino, kasama nang mahigit sa sandaang katutubong wika. Sinasalita rin ang mga wikang banyaga
tulad ng Ingles, Mandarin, Fookien, Cantonese, Kastila, at Arabe. Ang mga katutubong wika sa Pilipinas
ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin ay mga wikang Austronesyo. Ang mga ito ay
ang pangkat ng mga wika na ginagamit ng mga tao mula sa Tangway ng Malay hanggang sa mga watak-
watak na pulo ng teritoryong Polynesia sa Karagatang Pasipiko. Tinatayang ito ang may pinakamalaking
pamilya ng mga wika sa buong daigdig. Datapwat mas maraming wika ang kasapi ng pamilyang ito
kumpara sa ibang pamilya ng mga wika, maliliit lamang ang bilang na pangkalahatan ng mga taong
gumagamit nito. Sa mga katutubong wika sa kapuluang Pilipinas, ang mga sumusunod ang pinakamalaki
at malimit gamitin bilang pangunahing wika sa kaniya-kaniyang rehiyon sa bansa, Tagalog, Ilokano,
Cebuano, Hiligaynon, Waray, Kapampangan, Bikol, Pangasinan, Meranao, Maguindanao, Kinaray-a.
Ang mga nabanggit ay nanggaling sa Wikipedia.org “Mga Wika Sa Pilipinas”. Marami ang mga
dayalekto ang ginagamit sa Pilipinas ng mga na nakatira sa iba’t-ibang lugar. Kaya meron tayong mga
batas na ipinatupad upang sundin na kung ano ang gagamitin nating batayan sa ating wikang pambansa,
kung ano an gating wikang opisyal, at mga wikang ituturo sa atin.

Nagtanong ako sa isang kaibigan ko tungkol sa mga ginagamit niyang wika, paano ito nakatulong sa
kanya, etc. Ang mga katanongan ay, Ano ang mga wikang ginagamit mo sa araw-araw mong
pamumuhay? . Meron ka bang gustong matutunan na wika? Ano iyon at bakit? Para sa iyo, ano ang mas
maganda? Maging multilinggual o monolinggual lamang? Ano ang mga naitulong ng paggamit ng wika
sa iyong araw-araw na pamumuhay? Mahalaga ba na dapat natin ipagmalaki ang ating pambansang wika?
Bakit? Ang mga sumusonod ay ang kanyang mga sagot, Ang ginagamit niya na mga wika sa araw-araw
niyang pamumuhay ay Bisaya, Ingles, at Tagalog. Ang gusto niyang matutunan na wika ay Japanese at
German dahil para sa kanya maganda daw ang accent ng dalawang linggwahe na nabanggit. Sa kanyang
palagay, mas maganda ang pagiging multilingual, kasi maka bigay ito ng diversidad bilang individual at
maka bukas ng iba't ibang posibilidad. Nakakatulong daw ang wika sa paraan sa pag intindi at
makapahayag ng kanyang mga ideya sa iba’t-ibang tao sa ating komunidad. At ang panghuling sagot niya
ay, Oo , kasi ang atin wika ay matagal na pinaglalaban ng atin mga ninuno at sa pag malaki ng ating
pambansang wika ay nag papakita ng atin respeto at apresasyon sa kanilang mga nagawa.Ito din ay
importante sa pag aalam ng sariling pagkakakilanlan.

Batay sa mga sagot ng aking kaibigan, Kaya kong sabihin na maganda ang pagiging isang bansa na
gumagamit ng ibat-ibang wika. Maraming maitutulong ang wika sa ating araw-araw na pamumuhay sa
pamamagitan ng pag pahayag ng sariling ideya, pakipag komunikasyon sa mga tao sa ating komunidad,
etc. Gusto rin nating mag aral ng ibat-ibang wika dahil sa ating mga sariling gusto. At ang
pinakamahalaga ay ang pagmahal at pagmalaki ng ating sariling wikang pambansa. Dapat nating
ipagmalaki ang sarili nating wikang pambansa dahil eto ay ipinaglaban n gating mga ninuno upang
magkaroon tayo n gating sariling wika, kalayaan, at pagkilala sa ating sariling pagkakakilanlan.

You might also like