You are on page 1of 6

Department of Education

Region No. VIII- Eastern Visayas


Ormoc City Division
Ormoc City District VIII
ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM
Dolores, Ormoc City

LIFE SKILLS MODULE 4- ASSESSMENT TEST

Panuto: Piliin ang tamang kasagutan sa pagpipilian. Isulat ang titik lamang.
1. Nagtatrabaho bilang serbidor sa isang restawran. Laging matao kapag Biyernes at kulang sila
sa tao pero gusto mo talagang lumabas kasama ang iyong mga kaibigan. Dapat:
a. Huwag kang magpakita sa trabaho
b. Pumasok ka pero umalis ka nang maaga
c. Magplano ng ibang gami para lumabas kasama ng mga kaibigan
d. Sabihin sa employer mong may sakit ka
e. Wala sa nabanggit
2. Kasama dapat sa biodata/resume ang:
a. Contact information
b. Buod ng mga kakayahan
c. Mga naging trabaho/katungkulan
d. Pinag-aralan
e. Lahat ng nabanggit
3. Kapag may di-pagkakasundo sa isang katrabaho, ang pinakamabuting paraan para makaiwas
sa pagtatalo ay ang pag-iwas sa pakikipag-ugnayan sa kaniya at hindi pakikinig sa kaniyang
mga idea.
a. Tama
b. Mali
4. Makatutulong sa pananatili ng trabaho ang pananamit nang maayos, pagdating sa oras,
pagiging magalang, at pagiging matapat.
a. Tama
b. Mali
5. Para mapangasiwaan nang mabuti ang oras mo sa trabaho at tiyaking hindi ito nakasasagal sa
pansarili mong buhay, tapusin mo agad ang mga gawain mo, hindi na mahalaga ang kalidad
ng nagagawa mong trabaho.
a. Tama
b. Mali
6. Habang ini-interview:
a. Magsalita nang mabilis para makapagbahagi ng maraming impormasyon
tungkol sa sarili.
b. Pigilan nang magsalita ang interviewer kapag alam mo na ang tanong at
mayroon ka nang sagot.
c. Iharap ang sarili bilang may lakas ng loob na magagawa mo ang trabaho.
d. Mag-imbento ng mga sagot kahit hindi totoo para maging maganda ang
maiharap na sarili
e. Lahat ng nabanggit
7. Pareho lang ang nilalaman ng biodata/resume at cover letter ng aplikasyon.
a. Tama
b. Mali
8. Kasama sa mga paraan ng paghahanap ng trabaho ang:
a. Mga kaibigan at kamag-anak
b. Patalastas sa diyaryo
c. Paunawa ng bakenteng posisyon
d. Pagpasa ng aplikasyon sa potensiyal na employer
e. Lahat ng nabanggit
9. Habang ini-interview, tinanong ka ng isang bagay at hindi mo alam ang sagot. Dapat:
a. Huwag mong pansinin ang tanong at magsabi ng tungkol sa ibang bagay
b. Sabihin sa interviewer na hindi mo alam ang sagot, at ipaliwanag kung bakit
c. Tumahimik hanggang sa ibigay ang sunod na tanong
d. Mag-imbento ng sagot kahit na hindi iyon ang buong katotohanan
e. Wala sa nabanggit
10. Kasama sa mabuting pangangasiwa sa oras ang:
a. Pagpaplano
b. Pag-uuna sa mga kinakailangang gawin
c. Pag-iwas sa mga nakagagambala
d. Pananatili ng tuon sa gawain
e. Lahat ng nabanggit
11. Ano ang ibig sabihin ng salawikain na “Ang magandang buhay ay makamtan sa pamamagitan
ng husay sa trabaho at sakripisyo”.
a. Ang magandang buhay ay makakamtan sa pamamagitan ng paghingi sa kapit-
bahay.
b. madaling makamtan ang ating ambisyon o magandang buhay.
to ay nangangailangan ng sakripisyo at husay sa pagtatrabaho
c. Ito ay kusang dumarating sa ating buhay.
d. wala sa nabanggit
12. Ito ay impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa kung sino ka o ano-ano na ang
nagagawa mo bilang propesyunal.
a. Liham aplikasyon
b. Biodata
c. Liham pangangalakal
d. wala sa nabanggit
13. Ito ay isinusulat upang humanap ngtrabaho.
a. Liham aplikasyon
b. Biodata
c. Liham pangangalakal
d. wala sa nabanggit
Para sa Bilang 14-15, Ano ang gagawin mo kung ikaw ay nasa ganitong katayuan? Piliin ang titik ng
pinakamahusay na sagot.
14. Napansin mo na ang iyong mga kaibigan ay iniiwasan ka. Ano ang gagawin mo?
a. tatanungin sila kung may ginawa kang kamalian
b. iiwasan mo rin sila
c. magagalit ka sa kanila
d. wala sa pagpipilian
15. Ang alaga mong aso ay namatay. ano ang iyong gagawin?
a. wala kang pakialam
b. hindi ka na uli magkakaroon ng alagang aso
c. malulungkot sa pagkawala ng alagang aso
d. walang gagawin
16. Maagang pumapasok si Manny sa kanyang trabaho. Alas 7 pa lamang ng umaga ay nasa trabaho
na siya kahit 7:30 pa ang bukas ng kanilang tindahan. Anong katangian ng isang empleyado si
Manny?
a. Responsible c. magalang
b. tamad d. mapagkumbaba
Para sa aytem 17-18. Basahin ang isang advertisement sa ibaba.

We are Hiring Sales Agent!


Qualifications:
Male/Female
18-25 years old
With pleasing personality
At least High School Graduate
Submit Resume to Dolores Central Office, Brgy. Dolores, Ormoc City

17. Si Marie ay 20 taong gulang at mahusay ang hitsura. Nakatapos siya ng 2 nd year sa kolehiyo at
gusto niyang makahanap agad ng trabaho. Ayon sa nakapaskil na advertisement sa itaas, maari
ba siyang mag apply?
a. Hindi dahil dapat ay highschool graduate lamang ang pwede.
b. Hindi dahil hindi maganda si Marie.
c. Oo, dahil nakapag kolehiyo si Jose.
d. Oo, dahil lahat ng kwalipikasyon ay mayroon si Marie.
18. Nagsumite si Marie ng resume at tinawagan para sa isang interbyu. Aling sa mga sumusunod ang
dapat niyang isuot?
a. Kimona c. polo at palda
b. barong at pantalon d. tshirts at shorts na maikli

19. Nakatapos si Jayme ng kolehiyo sa kursong business administration. Nais niyang makapagtrabaho
agad para makatulong sa pamilya. Anong hakbang ang una niyang gagawin?
a. Gumawa ng application Letter.
b. Mag sumite ng resume.
c. Maghanap ng trabaho sa mga advertisement na naaayon sa kanyang
kurso
d. Bumili ng bagong damit para sa interbyu
20. Ito ay ang pagsasaayos ng mga gawain katulad ng paggawa ng daily schedule para
makatipid sa oras at para magawa.
a. pamamahala ng oras
b. pagpaplano
c. pag-iwas sa mga nakagagambala
d. pananatili ng tuon sa gawain
Sa Aytem 21-26, Punan ang tamang pagkasulat ng Liham Aplikasyon. Piliin sa loob ng mga kahon
ang tamang pagkasunod-sunod.

Enero 17, 2010


21. ___________________

22. ___________________
___________________
___________________

23. ___________________,

24. _______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

25. ______________________,

26. ______________________

Panuto: Sabihin kung ito ay Tama o Mali ang Sumusunod na pangungusap.


27. Ang liham aplikasyon ay naglalaman ng iyong impormasyon.
a. Tama
b. Mali
28. Ang isang Biodata ay hindi nangangailangan ng wastong impormasyon sa iyong sarili.
a. Tama
b. Mali
29. Habang ini-interview ka magsalita ng mabilis para makapagbahagi ng maraming
impormasyon tungkol sa sarili.
a. Tama
b. Mali
30. Habang ini-interview ay pigilan nang magsalita ang interviewer kapag alam mo na ang tanong
at mayroon ka nang sagot.
a. Tama
b. Mali
31. Kapag tinatanong ng isang bagay at hindi mo alam ang sagot dapat sabihin mo sa interviewer
na hindi mo alam ang sagot, at ipaliwanag kung bakit.
a. Tama
b. Mali
32. Mag-imbento ng mga sagot kahit hindi totoo para maging maganda ang maiharap na sarili sa
nag i-interview sa iyo.
a. Tama
b. Mali
Sa Aytem 33-36, Piliin sa loob ng kahon ang dapat kasama sa isang biodata/resume.

*Contact information *Mga nagging trabaho/katungkulan

*Interviewer *Pinag-aralan

*Buod ng mga kakayahan *Kasintahan


33.____________________
34.____________________
34.____________________
35.____________________
36.____________________
Sa Aytem 37-50, sa pamamahala ng iyong oras ano-ano ang kasama?

*Pagtatakda ng mga layunin at pagpaplano

*Pag-aasawa ng maaga

* Unahin kung ano ang kailangan mong gawin sa isang araw.

*Pag-iskedyul ng kung ano ang kailangan mong gawin

*Pagpapasya tungkol sa mahalagang pagpipilian

37._____________________
38._____________________
39._____________________
40._____________________
Answer Key Life Skills Module 4- Work Habits & Conduct

1. E 21. Enero 17, 2010


2. E
3. B 22.
4. A
5. B
6. C
7. A
8. E 23.
9. B
10. E 24.
11. b
12. B
13. A
14. A
15. C
16. A
17. D
18. C
19. C 25.

26.

27. TAMA
28. MALI
29. MALI
30. MALI
31. TAMA
32. MALI
33-36. Contact information
Buod ng mga kakayahan
Mga naging trabaho/katungkulan
Pinag-aralan
37-40. Pagtatakda ng mga layunin at pagpaplano.
Unahin kung ano ang kailangan mong gawin sa isang araw.
Pagpapasya tungkol sa mahalagang pagpipilian.
Pag-iskedyul ng kung ano ang kailangan mong gawin.

You might also like