You are on page 1of 16

CATALK;

Masi na P hagag

Masining na
Pagpapahayag
Prof. Gina R. Catalig
Faculty, [o[[ege of Rrts and Sciences

An§ isang maayos at mabisang pakikipagtalastasan sa kapwa


ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng masining na pagpapahayag. Ano
ang ibig sabihin ng masining na pagpapahayag? Ang retorika ay
tumutukoy sa masining na pagpapahayag. Dalawa ang elementong dapat
tandaan kapag retorika ang pinag-uusapan . . . . ang kagandahan ng
pagpapahayag, at ang kawastuan ng pagpapahayag.
Ang masining na pagpapahayag ay ang pagiging malikhain
natin sa pagbuo ng mga matalinghagang pananalita na nakapag-iisip sa
mga mambabasa o nakikinig. Upang maging mabisa ang isang
pagpapahayag, nangangailangan ito nang lubos na kaalaman sa paksang
pinag-uusapan. Kailangan din ang mayamang talasalitaan upang
makapagpahayag nang maayos at mabisa. Gayundin naman, ang lubos na
pag-unawa sa mga matalinghagang pananalita at ang pagsasaalang-alang
sa iba't ibang uri nito tulad ng idyoma, tayutay; makulay na pananalita at
eupemistikong pananalita ay nagbubunga ng maunlad na talasalitaan at
malawak na kaalaman sa pagbuo ng kaakit-akit at

8
mabisang pagpapahayag sa anumang nais ipahiwatig o ipakahulugan.
Narito ang mga matatalinghagang salitang higit na makapagpapaunlad at
makapagpapalawak ng ating kaalaman sa talasalitaan o bokabularyo.
1. Pahayag idyomatiko
Ang Wikang Filipino ay mayaman sa mga sawikain. Ang sawikain ay mga salita
o pagpapahayag na karaniwang ginagamit sa araw-araw.
Ang mga pagpapahayag na ito ay nagbibigay; hindi nang tiyakang kahulugan ng
bawat salita, kundi ng ibang kahulugan.
Isang parirala ito na ang kahulugan ay hindi
mahahango sa alinmang bahagi ng pananalita.
Sa sawikain, hindi ang tunay na kahulugan ng mga salita ang ibig sabihin ng
mga ito. Maiisip pang mali sa mga tuntunin ng gramatika ito. Gayunman, makukuha ang
kahulugan ng pahayag sa ibabaw o pagitan ng mga salitang ginamit.

Narito ang ilang halimbawa ng idyomatikong pahayag sa


Filipino.

Idvoma sa Tagalog English


agaw-buhay - naghihingalo between life and death
(literal=life about to be
snatched away)
anak-dalita - mahirap poor
alilang-kanin - utusang walang
sweldo, pagkain lamang house-help with no income,
provided with food and shelter
balitang kutsero - hindi totoong balita rumor, gossip, false story

9
\ CA1ALIG
h Masining no Pogpopohayog
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

balik-harap - mabuti sa double-faced person, one who


harapan, taksil sa likuran betrays trust
bantay-salakay - taong nagbabait- a person who pretends to be
baitan good, opportunist
bungang-tulog - panaginip dream (literal=fruit of sleep)
balat-sibuyas - maramdamin a sensitive person
(literal=onion-skinned)
balat-kalabaw - mahina ang one who is insensitive; with
pakiramdam, di agad dense-face (literal=buffalo-
tinatablan ng h iya skinned)
buto't baiat - payat na payat malnourished (literal=skin-
and-bone)
tulak ng bibig - salita lamang, di insincere words
tunay sa loob
halang ang bituka - salbahe,
desperado, hindi a person with no moral
nangingiming pumatay ng compunction
tao
nagbabatak ng buto - one who works hard
nagtatrabaho nang higit sa
kinakailangan
rich, wealthy
makapal ang bulsa - maramina pera

b utas ang bulsa - walang pera Poor


kidlat sa bilis - napakabilis exceedingly fast
kusang palo - sariling sipag initiative
mabigat ang kamay - tamad a lazy person
magtrabaho
magaan ang kamay - madaling
one who easily hits another
manuntok, manapok,
manakit
person,
a snatcher, pickpocket
mabilis ang kamay - mandurukot

a very demure, prim-and-


di makabasag-pinggan - mahinhin proper person
di mahulugang-karayom - maraming
overcrowrded place
tao

daga sa dibdib - takot Worry, fear

1
0
agaw buhay - taong mamamatay na
anak-pawis - taong mahirap / manggagawa
anghel ng tahanan - mga batang maliliit na tampulan ng kagalakan ng isang mag-anak.
basang sisiw - taong mahirap / hindi maayos ang itsura Biyemes Santo ang mukha -
malungkot na malungkot bulang-gugo - gastador; galante
di-mahapayang gatang - taong ayaw patalo o ayaw padaig durugin ang puso -
pasakitan o pagpahirapin ang kalooban hambubukad - binabae
humanap ng batong ipinukpok sa ulo - gumawa ng isang bagay na nakapinsala sa sarili.
ibaon sa hukay - kinalimutan
igisa sa sariling mantika - gumawa ng isang bagay na bumalik sa sarili; karma
ikapitong langit - kaligayahang walang kapantay
ilista sa tubig - pag-utang na hindi na babayaran
itaga sa bato - pagkatiyak sa mga sinabi
kahiramang suklay - kaibigan o kapalagayang-loob kalapating mababa ang lipad -
isang patutot, babaeng bayaran kamay na bakal - gamitan ng paghihigpit
lubad ang kulay - binabae
lumalaki ang ulo - naguguluhan o nag-iisip nang malabis dahil sa isang suliranin.
mabulaklak ang landas - kabuhayang maginhawa o maganda magaan ang dugo -
mabuting palagay o pagtingin sa iba o
pagkagiliw sa inaasal at mga gawain ng isang tao. magdilang-anghel -
magkatotoo sana
magdildil ng asin - hikahos
maghigpit ng sinturon - magtipid

1
1
CATALIG

----------------------------------------------------------------------------------------------------

magmamahabang-dulang - mag-aasawa
magsagap ng alimuon - ugaling magtanggap ng balita, maging mabuti o masama
mahangin ang ulo - mayabang
makati ang kamay - magnanakaw
makating dila - madaldal
matulis na dila - masakit magsalita
may gintong kutsara sa bibig - pinanganak na mayaman may uod sa katawan - malikot
o di mapalagay nagbubuhat ng sariling bangko - pinupuri ang sarili
naghalukipkip ng kamay - nagwawalang bahala sa mga nakikita o nagpapabaya
nagkrus ang landas - nagtagpo pagkatapos ng mahabang panahon
nagmumurang kamyas - tumtukoy sa isang lalaki o babaing may kagulangan na ngunit
nag-aasal o nag-aanyong bata pa. namuti ang mata - nainip sa kahihintay
ningas-kugon - magaling lamang sa umpisa ngunit hindi tinatapos ang isang gawain
pagputi ng uwak, pag-itim ng tagak - imposibleng mangyari pusong mamon -
maawain
sirang plaka - paulit ulit
suntok sa buwan - mahirap abutin
sunugin ang kilay - mag-aral nang mabuti
taingang kawali - nagbibingi-bingihan
tiklop-tuhod - nagmamakaawa

2. Eupemistikong Pananalita
Ipinapahayag ito upang hindi tahasang makasasakit ng damdamin ng kapwa. Ito
rin ay mga pananalitang sa mga salita o pariralang kapag ipinahahayag sa tuwirang
kahulugan ay nagdudulot ng pagkalungkot, pagkarimarim, pagkalagim o ibang di-kanais-
nais na damdamin sa pinagsasabihan o nakaririnig. Malimit na ang pahayag na ito ay
tumutukoy sa kamatayan, sa maselang bahagi ng katawan ng tao at sa malaswang gawain.
Halimbawa: sumakabilang buhay pagsisiping o pagtatalik mansanas ni Eba

1
2
3. Makulay na Pananalita
Tumutukoy sa pariralang ginagamit ng mga makata at manunulat sa kanilang
kaaya-ayang paglalarawan sa ginagawang paghahambing sa paksang tinatalakay.
Nakapagpapalutang ito sa kagandahan ng diwa sa binibigkas o sinusulat na anyo ng
panitikan na maaaring tula, kuwento, sanaysay; nobela, dula, at iba pa.
Halimbawa: Landas na mabulaklak nawala ang puso sa lugar Malamakopang pisngi
haharap sa dambana

4. Patayutay o Tayutay
* Isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na kaiba at malayo sa
karaniwang paraan ng pananalita at naglalayong magawang marikit, maharaya, masining
upang maging akma, mabisa at kawili-wili ang pag-unawa at pagdama ng sinuman sa
damdaming ipinahihiwatig.
* Ito rin ay isang salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang
isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapahayag na gumagamit ng talinghaga o
di-karaniwang

1
3
CATALW

----------------------------------------------------------------------------------------------------

salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang-diin ang kanyang saloobin.


* Isang anyo ng paglalarawan na kaiba sa karaniwang paraan. Nakatutulong ito
upang maging mabisa, masining at kawili-wili ang paglalarawan.
* Figure ofSpeech sa ingles ay anyo ng paglalarawang-diwa na iba sa
karaniwang paraan ng pagsasalita dahil sa ang kahulugan ay makikita sa malalim na pag-
unawa o pag-iisip.
* Tinatawag na /z
palamuti ng puso". Nagtataglay ito ng mga salitang
matalinghaga at makulay na umaakit at pumupukaw sa damdamin at kawilihan ng
mambabasa.
* Ang tayutay kapag epiktibong ginagamit ay nagbibigay ng bago at makulay
na istilo sa pagsasalita at pagsusulat.
* Ang manunulat na hasa sa paggamit ng tayutay ay nakatitipid sa mga salitang
ginagamit bukod pa sa nagbibigay- kasiglahan sa nagbabasa.

URI NG TAYUTAY
1. Pagtutulad (simile) - isang payak at tuwirang paghahambing ng dalaw rang
magkaibang bagay na ginagamitan ng mga salita o pariralang para ng, tulad ng,
animo'y, katulad ng, kagaya ng, kawangis ng, wari, tila, parang, kapara, gaya,
anaki'y, at iba pa.
Halimbawa:
* Ang kanyang kagandahan ay kawangis ng bituing nagniningning sa kalangitan.
* Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardinas sa piitan.
* Si Maria na animo'y isang bagong pitas na rosas ay hindi napaibig ng mayamang
dayuhan.

1
4
MSEIJF (WARTERLY ▲ j ▲ 1
48 HD. 1, FehniWJO

* Anaki'y dagundong ng kulog ang nagagalit na boses ng


kanyang ama.

2. Pagwawangis (metaphor) - tuwirang paghahambing sa


dalawang magkaibang bagay; ngunit hindi gumagamit ng
pariralang pagtutulad.
Halimbawa:
* Ang kanyang mga kamay ay malamig na yelong dumampi sa
aking pisngi.
* Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
* Venus siya ng kagandahan.
* Halamang nakukuha sa dilig ang pag-ibig.

3. Pagbibigay-katauhan o pagsasatao (personification)-


binibigyang buhay ang isang bagay na walang buhay. Mga
salitang pandiwa at pangngalan ang ginagamit sa pagpapakilos
nito.
Halimbawa:
* Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
* Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
* Sumasayaw ang mga dahon sa ihip ng hangin.
* Humahalakhak ang musika kung kaya't sandaling nalimot niya
ang kalungkutan.

4. PagMhigayraraLLEfli^h^dEahZ^lU^gfl^i
Sumasaklaw ito sa tatlong uri ng salaysay gaya ng mga
sumusunod: parabula, pabula at alegorya.
Ang parabula ay buhat sa banal na kasulatan,
nagpapahayag ito ng katotohanan o kaya'y may layuning
magbigay ng aral.

1
5
CATALIG
I! ------------------------------------------------
Halimbawa:
1. Ang parabola ng alibughang anak na nangangaral ng pagsisisi sa nagawang
kasalanan at naglalarawan ng mapagpatawad na pag-ibig ng Diyos.
2. Ang parabula ng mabuting Samaritano na nangangaral na lahat, pati ng ating
mga kaaway ay kapwa natin na dapat mahalin at tulungan.
Ang pabula ay katulad ng layunin ng parabula na magbigay ng aral. Ang
kaibahan nito sa parabula ay hayop ang gumaganap na binigyan ng mga katangian ng tao.
Halimbawa: Ang asong sakim, si pagong at si matsing, at si langgam at si tipaklong
Ang alegorya ay isang matalinghagang pagpapahayag na naglalahad ng mga
totoong pangyayari. Ang bawat isa sa mga pangyayaring binabanggit ay may kahulugang
nais ipahiwatig.
Halimbawa:
Nasa gitna ng nag-uumpugang bato si Liza. Dapat siyang mamili ayon
sa matigas na pasya ng kanyang ama. Si Leandro o ang kanyang Papa. Sinabi sa
kanya ng ama ang dalawang mukha ng buhay. Ang isang mukha'y maaliwalas at
maliwanag, nasasabugan ng mga humahalimuyak na bulaklak at naghihintay sa
kanya ang isang bukas na lipos ng kaginhawahan at kaligayahan. Ito'y kung pipiliin
niya ang kanyang Papa ngunit kung si Leandro ang kanyang pipiliin ay iba.
Madawag, matinik at madilim ang mukhang ito ng buhay. Bawat paghakbang niya'y
pagharap sa di matingkalang kahirapan, sa mga nakaambang panganib at sa mga
pagdurusa at pagtitiis na maidudulot ng isang walang katiyakang hinaharap sa piling
ng isang lalaking

isang kahig isang tuka. Alin ang kanyang susundin, ang isip o ang puso?

5. Pagmamalabis (hyperbole o exaggeration) - ang paglalarawan sa tunay na


kalagayan ng tao, bagay; pangyayari at iba pa ay lubhang pinalalabis o pinakukulang.
Halimbawa:
* Namuti ang kanyang buhok sa kakahintay sa iyo.
* Nabali ang balakang ni Liezel sa baku-bakong daan.

1
6
* Bumaha ng mga dugo sa lansangan ng magsagupaan ang dalawang praternity.
* Pumutok ang kanyang ulo sa dami ng mga problema.

6. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) - pagbanggit ng isang bahagi ng isang bagay para


sa kabuuan o kaya'y isang tao para kumakatawan sa isang pangkat.
Halimbawa:
* Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
* Apat na maliliit na paa ang patakbong sumalubong sa ama.
* Isang katipunero ang nagbunot ng tabak nang dahil sa pagmamahal sa inang bayan.
* Sampung bibig ang umaasa kay Anthony.

7. Pagtawag (apostrophe) - ang pagpapahayag ay ginagawa sa pakikipag-usap sa mga


bagay na karaniwan na maaaring may buhay o wala na parang naroroon at kaharap
niya ngunit sa katotohanan ay wala naman ito.
Halimbawa:
* Kamatayan, nasaan ka na? Wakasan mo na ang aking kapighatian.

1
7
S130-

* Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng


kapighatian.
* Hangin, pumarito ka at pawiin ang matinding init.
* O, tukso. Layuan mo ako.

8. Eaghihimig-ûxnjo_mahıpnıeja)_ - ang pagpapahayag ay


gumagamit ng tunog o himig ng mga salita upang ipahiwatig
ang kahulugan.
Halimbawa:
* Ang lagaslas nitong batis, alatiit ng kawayan, halumigmig
nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
* Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
* Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.
* Ang bagting ng gitara ni Efren ay nakikiusap.

9. Pag-uulit - ang pagpapahayag ay gumagamit ng


magkakatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigit
na salitang ginagamit sa isang taludtud o pangungusap.
Nababahagi ito sa limang uri ng pag-uulit.
A. Aliterasyon - ang unang titik o pantig ng mga salita sa
pangungusap ay pare-pareho o magkakatulad.
Halimbawa:
* Ipinanganganib ay baka mabigla, matuloy
hiningang mapatid.
* Dito nakabangon ang naglulugami at napasa-tuwa
ang napipighati.
* Napalayo siya at naligalig sa nagawa niyang
napakabilis na pagpapasiya sa kanyang pusong
umiibig.
* Sasagipin ang sisiw na sisinghap-singhap.

1
8
B. Anadiplosis o Paugnay - pag-uulit ito ng huling salita o
alin mang mahalagang salita sa taludtud upang gawing
unang salita sa susunod na taludtud na may dagdag na
kaisipan.
Halimbavva: Tumiim na sinta'y kung aking pawiin.
Pawiin ko'y tantong kamatayan ko rin!
C. Anapora - pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng
isang pahayag o ng isang sugnay.
D. Epipora - pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng
sunud-sunod na taludtud.
E. Empanodos o Pabalik na Pag-uulit- pag-uulit nang
pagbaliktad ng mga pahayag.

10. Pagtatambis o oksimoron (Antithesis) - pinagsama o pinag-


uugnay rito ang dalawang bagay na magkasalungat.
Halimbawa:
* Hindi mapakali ang lalaking naghihintay sa labas ng delivery
room paroon at parito, labas-pasok, upo-tayo.
* Ang batang si Rowena'y napakahirap unawain, hinahanap ang ina
ngunit itinataboy kapag dumating inaantok daw siya ngunit ayaw
matulog, nagugutom daw ngunit ayaw kumain, ayaw ng maingay
ngunit ayaw rin ng tahimik dahil nalulungkot daw siya.

11. Pagsahmgat (Epigram) - Gumagamit ang pahayag na ito ng mga


salitang magkasalungat ng kahulugan na pinag- uugnay.Kahawig
ito ng pagtatambis ngunit higit itong maikli kayşa pagtatambis.
Halimbavva:
* Ikaw ang puno at dulo ng aking mga kasawian sa buhay.

1
9
CATALIG

----------------------------------------------------------------------------------------------------

* Bumaba-tumaas ang masong inihahampas sa bato.


* Namatay upang mabuhay ang bayani.
* Nasa kapangitan ni Belen ang kanyang kagandahan.

12. Pagpapalit-tawag (metonymy) - nagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na tinutukoy ng uring


ito ng pagpapahayag. Ang pagpapalit ay maaaring:
a. Paggamit ng sagisag para sa sinasagisag
Halimbawa: * Si Celia ang tala ng kanilang nayon. (Ang tala ay sagisag ng
pinakamagandang babae sa kanilang pook.)
■ Gampanan mo ang iyong pagiging haligi ng tahanan.
(Sagisag ng ama ang "haligi ng tahanan’’.)
■ Dapat nating igalang ang puting buhok.
■ Binato niya ng tinapay ang nagkasala sa kanya.
■ Natanggap ni Ben ang hampas ng langit sa mabibigat niyang kasalanan.
b. Paggamit ng lalagyan para sa bagay na inilalagay o sisidlan sa isinisilid
Halimbawa:
■ Naka-50 bakol siya ng napitas sa silihan.
■ Isang bandehado ang naubos niya.
■ Tatlong baso ang nainom ni Rico dahil sa matinding uhaw.
■ Ang buong lungsod ay nagdiwang sa kanyang tagumpay.

13. Pag-uyam (Irony or Sarcasm) - ginagamitan ito ng mga salitang nangungutya sa tao o bagay sa
pamamagitan ng mga

salitang tila kapuri-puri ngunit ang tunay na kahulugan ay mauunawaan ayon sa


paraan ng pagsasalita ng isang tao. Halimbawa:
* Tunay na magagalang ang ibang kabataan, umaalis ng bahay nang hindi nagpapaalam sa mga
2
0
magulang.
* Kay sipag mong mag-aral, palagi kang bagsak sa mga pagsusulit.
* Kahanga-hanga ang kahusayan mong sumayaw, panay ang tapak mo sa paa ng iyong kapareha.
* Talagang mapagkakatiwalaan si Marvin, siya lamang ang pumasok sa kwarto ni Robert ay nawala
na ang relo nito.

14. Pagtanggi (Litotes) - gumagamit ang pagpapahayag ng salitang "hindi” upang


maipahiwatig ang lalong makahulugang pagsang-ayon sa sinasabi ng salitang
sumusunod:
Halimbawa:
* Si Ruel ay hindi salawahan, tatlo lamang ang kanyang kasintahan.
* Ang binatang iyon ay hindi duwag, lagi lamang siyang tumatakbo kapag sinisita ng katalo.
* Hindi ako bulag para makita ang katotohanan.
* Hindi ako tanga para di ko malamang niluluko mo ako.

15. Paglilipat-wika (Transferred Epithets) - Inililipat sa mga bagay ang mga pang-uring ginagamit
lamang sa tao.
Halimbawa:
* Nagtago sa ulap ang mapanibughuing buwan.
* Hinahanap ng magkakahoy ang mapaglingkod niyang gulok.
* Ang kahabag-habag na pamaypay ay nahulog sa malalim na ilog-

2
1
* Ang ulilang silid ay nalinis nang dumating si Jenny mula sa
Maynila.

16. Tanong Retorikal (Rhetorical Question or Interrogation)- Isang tanong ito nang hindi
naghihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng anumang alinlangan.
Halimbawa:
* Ang mga hayop ba'y may talinong katulad ng tao?
* Ang isa kayang matalinong propesyunal ay agad naniniwala
sa mga sabi-sabi?
* May babae kayang tatagal makisama sa isang lalaking tamad, sugarol, lasenggo at
nambubugbog?
* Bakit ako, Inay, sawi, bigung-bigo?
Bakit ang ligaya'y nagkamit ng samyo?

Mga Talasanggunian

.Idioma. (2007). Mula sa tagalog Wikipedia, ang malayang ensiklopedya. Retrieved Oct. 11,
2007 from "http:// tl.wikipedia.org/wiki/Idioma”
.Idyoma. (2007). Retrieved Oct. 15, 2007 from "http:// tl, wikipedia.org/wiki/Talk:Idyoma〃
Tayutay. Mga kategorya. Retrieved Oct. 11, 2007 from http:.
tl.wikipedia.org/wiki/Tayutay
Arrogante, J. A. (2002). Pagpapahalagang sining sa Filipino. Lungsod ng Mandaluyong: National
Bookstore.
Buensuceso, T. S. et. al. (2005). Retorika. Filipino 3: Para sa antas tersy ary a. Manila: University of Santo
Tomas Publishing House.

22
Mag-atas, R. (2002). Mabisang pagpapahayag retorika (Filipino). (Ikalawang ed.). Makati City:
Grandwater.
Maranan, M. H. (2007). Masining na pagpapahayag. (para sa antas tersyaryak Mindshapers Co., Inc.
Tanawan, et. al. (2003). Retorika. Mabisang pagpapahayag sa kolehiyo. Meycauayan Bulacan: Trinitas
Publishing Inc.

0
ENVERGA UNIVERSITY
www.mseuf.edu.ph
w

23

You might also like