Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO MODYUL (Prelim) EDit
FILIPINO MODYUL (Prelim) EDit
MODYUL 1:
A. Layunin:
➢ Natutukoy ang iba’t- ibang kahulugan ng wika
➢ Natatalakay ang mga katangian ng wika
Kahulugan ng Wika
Katangian ng Wika
Matalik na magkaugnay ang wika at ang kultura. Taglay ng wika ang kultura ng lipunang pinag-ugatan
ng wikang iyon. Ang isang kultura'y naipahahayag nang matapat at likas sa wikang kakambal ng naturang
kultura.
Hinihingi sa atin ng paham na si Merleau Ponty na pag-aralan natin ang kaibahan ng pangunahin at
pangalawang wika.
Ang Pangunahing wika ay yaong wika ng mga makata at ng mga sanggol, na ang ibig sabihin, ang
salita ang siyang kaisipan. Ito ang nagbibigay nga bagong anyo at kahulugan sa isang salita.
Ang Pangalawang wika ay yaong kalipunan ng mga salita na ang kahulugan ay nauunawaan nang
marami, ginagamit sa karaniwan at pang araw-araw na pag-uusap. Ang Lingua Franca ay wika na
ginagamit ng dalawa o higit pang mga tao na nagmula sa iba-ibang pamayanan o multilinggwal na
kumunidad. Ito ay maaaring rehiyunal o nasyunal.
Rehiyunal kung ang isang wika o mga sangkap nito ay pangkalahatang ginagamit sa isang rehiyun
bilang midyum sa anupamang uri ng pakikipagtalastasan, kalagayan at pagkakataon.
Nasyunal sa dahilang ang wika ay nagiging midyum sa pangkalahatang pangkat ng mga tao kahit na
ang nagsasalita ay mula at nabibilang sa iba-ibang dako ng kapuluan.
" Ang bawat bansa ay dapat may kani-kanilang sariling wika nang ayon sa sariling damdamin. Ano
ang iyong malilikha, ang ilan sa inyong nagsasalita sa kastila (Ingles)? Ang patayin ang inyong diwang
malaya ay gawaing mga alipin ang inyong sarili."
"... Inyong nalimutan na habang pinapanatili ang sariling wika, napangangalagaan nito ang kaligtasan
ng kanyang kalayaan tulad ng pagsasaisip niya sa sariling pamamaraan ng pag-iisip. Ang wika ay kaisipan
ng mamamayan. "
" Paunlarin mo... Ang wikang sarili, palaganapin ito, bayaang mapangalagaan ang sariling kaisipan at
sa halip na magkaroon ng lunggatian panlalawigan laman, dapat magkaroon ng kaisipangnayuyuyungan
ng iba, magpaunlad ka ng kaisipang malaya. "
Tunay na masaklaw at matalim ang tungkulin ng Wikang Filipino sa pambansang pagpapaunlad. Ito'y
kaakibat ng karangalang panlahi.
Tungkulin ng wika
➢ Instrumental – sa uring ito, tungkulin ng wika na maging kasangkapan upang maihatid ang
nais o gusto, pagtutol o kaya ay pagsang-ayon. Ipinakikita sa tungkuling ito ang pagbabago ng
tono upang bigyang-diin ang nais ipahiwatig.
➢ Regulatori – ito ay ginagamit ng mga taong may awtoridad o kapangyarihan sa pagkontrol ng
kanilang nasasakupan. Nakapagpapakilos ang wika tungo sa pagtatamo ng layunin dahil sa
kapangyarihan bunga ng awtoridad, impluwensiya, karisma, at pwersa.
Layunin:
Dayalek
➢ Wika na katulad rin ng vernacular na palasak sa isang pook ng kapuluan. Ito ay yaong unang
wikang kinamulatan at ugat ng komunikasyon sa tahanan, pamayanan, at lalawigan,
➢ Unang wikang kinagisnan at namumuatawi sa bibig ng maga tao, ng mga magulang sa
tahanan, at sambayanan.
➢ Ito ay varayti o subordineyt ng wika at ito’s sinasalitasa loob ng mas maliit na grupo.
Halimbawa:
Ang tagalog ay isang wika na sinasalita sa Metro Manila. Ang mga dayalek nito
ay ang Tagalog- Bulacan, Tagalog- Batangas, Tagalog- Cavite, Tagalog- Nueva
Ecija, Tagalog- Laguna, at Tagalog- Quezon. Sa kabila ng pagkakaiba sa tono,
ilang mga bokabularyo at pagbubuo ng mga salita, mayroong “mutual
intelligibility” o pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang naguusap gamit ang
magkaibang dayalek ng Tagalog.
2. Discrete Dialect
➢ Ay hiwalay sa mga ibang dayalek dulot ng heograpikong lokasyon at pagiging ‘distinct’ na dayalek.
Halimbawa nito ay ang Tagalog- Marinduque na hindi maikakaila na mas malayo sa ibang mga
dayalek ng Tagalog.
3. Social Dialect
Naiiba sa ‘heograpikal’ na dayalek dahil ito ang sinasalita ng iba’t ibang uri sa lipunan. Ang mga
taong kabilang sa isang grupo ay may ibang pananalita kumpara sa iba na mula sa ibang uri sa
lipunan kahit na sila ay nasa iisang lugar.
Tinatawag na dayalek ang mga pagkakaiba- iba sa loob ng wika. Sa Tagalog, halimbawa,
iba ang Tagalog- Batangas sa Tagalog- Rizal. May pagkakaiba sa punto, bigkas, salita, kahulugan.
Iba rin ang Ilokano sa Ilocos Sur sa Ilocos Norte, Tarlac, Nueva Ecija, Cagayan, Baguio.
Rejister o Jargon
Ang tawag sa mga salita/ wikang nabubuo ng mga grupong profesyonal o sosyal bunga ng
okupasyon o trabaho kaya’y ng Gawain sa grupo. Kaya may sariling salita ang mga mangingisda
na iba ang manggagamot at mga politico; ang kabataan iba sa matatanda, ang babae iba sa lalaki,
ang mga golfer iba sa naglalaro ng bilyar at basketbol.
Linggwistikong at Heograpikong Varayti as Filipino, 2002 ni Donna Hope L. Moran
Idyolek
➢ Ang varayti ng wikang kaugnay sa personal na kakayahan ng tagapagsalita
➢ Ang varayti ng wikang ginagamit ng partikular na indibidwal.
➢ Ang tawag sa indibidwal na paggamit ng isang tao sa isang wika. Gaya ng pagkakaiba ng finger
prints ng bawat indibidwal, walang taong masasabing pareho ang idyolek sa iba. Sa kabuuan, ang
idyolek ang pangkalahatang Katipunan ng mga linggwistik na pekyularidad ng isang tao.
➢ Ang idyolek na kinondisyon ng biological genes ay nabubuo mula isilang ang bata hanggang sa
paglaki sa pamamagitan ng simbolisasyon, analodyi, at forming habits sa tulong ng mga organ ng
pananalita at pandinig. Lahat ng ito’y taglay ng mga normal na tao sapul nang isilang maging
gayundin ang kapasidad na madevelop at magamit ang wika, subalit ang partikular na balangkas
ng istraktura at semantikas ng bawat idyolek ay nabubuo, naaapektuhan at idinidikta ng lugar kung
saan siya pinadpad ng tadhana o kapalaran.
MODYUL 3:
Layunin:
➢ Nakikilala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pananaw sa iba’t- ibang teorya ng
wika.
Ang bawat wika sa rehyun ay may pagkakahawig o pagkakaiba at ito ay tinaguriang varyedad ng wika
sa ibang rehyon/lalawigan.
Ang varyasyon ay ibat ibang manifestasyon ng wika. May tatlong uri ito.
Maaaring sabihing ang rejister ay varyasyon ayon sa gamit samantalang ang dayalek ay varyasyon ayon
sa taong gumagamit.
Ayon kay Michael Halliday (1978) may tatlong dimensyon ang komunikasyon batay sa rejister:
1. Field- Layunin at paksa ng komunikasyon
2. Mode- paraan ng paghahatid
3. Tenor- participant ng komunikasyon o relasyon ng nagsasalita a nakikinig.
• Sa 1973 at 1987 konstitusyon, kaakibat ng katawagang ito ang pagbabago ng konsepto ng wikang
pambansa.
• Isang pangunahing katangian ng wikang Filipino ang pagbuo at pagkakaroon ng kamalayansa mga
varayti nito.
• Bilang isang lingua franca o wikang komon sa mga tagapagsalita ng ibat ibang wika sa Pilipinas,
makakabuo ng mga linggwistikong varayti o varyasyon sa loob ng wikang dulot ng pagiging
pangalawa at pangkalahatang wika nito at ng impluwensya san g mga unang wika.
• Sang-ayon kay Alonzo (2002), ang varayti ng wika ay isang maliit na grupo ng pormal o
makabuluhang katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal.
Paksa/Aralin: Kasaysayan ng Wikang Pambansa at Ilan pang mahahalagang Batas tungkol sa Wika
A. Layunin:
➢ Naibibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang uri ng komunikasyon ayong sa
mga siyentifiko at ang mga proseso nito.
➢ Napapalawak ang kaalaman sa mga batas tungkol sa wika.
• Napakahalaga ng isang wika. Ito’y nag-uugnay ng sambayanan. May sariling kasaysayan ang ating
wikang pambansa, tulad din ng ibang wika. Ang kahalagahan ng wika ang nagging patnubay sa
pagtalunton sa masalimuot na landas tungo sa pagkakaroon ng wikang pambansa.
• Nadama ng nasirang Pangulong Manuel L. Quezon kung gaano kahirap ang di-pagkakaroon ng
isang wikang pambansa noong siya’y pangulo na.
• Napaghulo ang Pangulong Quezon na dumating na ang panahon upang tayo’y magkaroon ng isang
pambansang wika. Tayo’y hindi magiging isang bayan hanggat hindi tayo nagkakaroon niyon, ayon
sa kanya. Ang pangangailangang ito ang nagbunsod sa kanya upang sikaping tayo’y magkaroon
ng isang wikang pambansa na gagamitin ng lahat.
Bago ito tinawag na Filipino, anu-ano ang mga katawagan o pariralang ginamit sa pagtukoy
sa wikang pambansa.
• Kautusang Tagapagpaganap blg. 263 (Abril 1, 1940) na inilagda ng Pangulong Manuel L. Quezon,
na nagpahintulot din sa pag iimprenta ng Disyunaryo at ng Balarila ng Wikang Pambansa.
• Ang wikang pambansa ay itinuturo sa mga paaralang publiko at pribado simula Hunyo 19, 1940.
• Sa Batas Komonwelt blg. 570 (Hulyo 7, 1940) ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang wikang
opisyal simula Hulyo 4, 1946. Ang atas na iyon ay inulit sa konstitusyon ng 1973 na nagsasaad na
“hanggat walang ibang itinadhana ang batas, ang Ingles at filipino ang magiging opisyal na wika.
Anu-ano ang mga legal na batayan para sa kasalukuyang pambansang awit o “Lupang
hinirang” sa Filipino?
• Noong Mayo 26, 1956 nilagdaan ni Kalihim Gregorio Hernandez, Jr. ng kagawaran ng Edukasyon
at kultura ang kautusang pangkagawaran blg. 5 na nag-aatas ng pag-awit ng binagong “lupang
hinirang”.
• Noong disyembre 19, 1963 nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang Kautusang
Tagapagpaganap blg. 60 na nag-aatas na “ang Pambansang awit ng Pilipinas ay dapat awitin sa
mga titik lamang nito sa wikang Pilipino sa alin mang pagkakataon maging ditto o sa ibang bansa
man.”
• Ayon sa sarbey ng Social Weather Station at ng ateneo de Manila University noong Pebrero 1990,
mga 92% ng mga mamamayan ang nakauunawa ng wikang Filipino, 88% ang nakababasa, 83%
ang nakapagsasalita at 82% ang nakasusulat.
1964 (Marso 26) Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg.12 na nagpapahayag
ng pagdiriwang na Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taun sang-
ayun sa tagunilin ng Surian ng Wikang Pambansa. Napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ang
araw ni Balagtas (Abril 2)
1955(Set. 23) Nilagdaan ng Pangulong Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nasusug sa Proklama Blg
12 serye 1954 na sa pamamagitan nito inilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pamban
sa taun-taun simula sa ika -13 hanggang ika -19 ng Agosto.
1967 (okt. 24) Naglagda ang Pangulong Ferdinand E. Marcos ng isang kautusang tagapagpaganap
blg .96, na nagtatadhana ng lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanansa
Pilipino.
1963 (Marso 27) Pinalabas ng kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang pagpapairal ng kautusang
Tagapagpaganap Blg.96 bilang karagdagan ay iniatas din na ang mga literhead ng mga kagawaran,
tanggapan at mga sangay ng pamahalaan ay naraarpat na nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang
teksto sa Ingles. Iniatas din na ang formularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga Pinuno at empleyado
ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
1968 (Agosto 5) Memorandum Serkular Blg 199 na pinalabas ng kalihim Tagapagpaganap Rafael M.
Salas na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino
naidaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pang wika.
1968 (Agosto 6) Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na nilagdaan ng Pangulong Marcos na nag-
aatas na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa Linggo ng Wikang Pambansa
1971 (Marso 4) Pinalabas ng kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ang Memorandom Serkular
Blg.443 na hinihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaraos ng palatuntunan sa alaala ng
ika-183 anibersaryo ng kapanganakan ni Francisco (Balagtas) Baltazar sa Abril 2, 1971.
1971 (Marso 16) Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kautusang Tagapagpaganap
Blg.304 na magpapanauli sa Surian ng Wikang Pambansa at nililiwanag ang kanyang kapangyarihan at
tungkulin.
1971 (Hulyo 29) Memorandum Serkular Blg.448 na humuhiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan
na magdaos ng palatuntunan sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa, Agosto 13-19 (nangayon
ay “buwan ng Wika “Agosto 1-31.
1987 pinalabas ng Kalihim Lourdes R Quisumbing ang kautusan blg.52 na nag-uutos ng paggamit ng
Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa
patakaran ng bilingwal.
KAANTASAN NG WIKA
Sa makabagong pag-aaral, walang sinasabing kaantasan ang wika. Nagkakaiba lamang Ito sa pamamagita
ng mga salitang ginagamit ng mga taong nag sasalita, depede sa sitwasyon ng pag-uusap, kultura nga
taong kausap, pook na pinangyarihan ng pag-uusap at paksa ng pag-uusap. Sanhi Ito ng pagiging
superyor ng wika sa kultura ng mga taong gumagamit nito.
1. Pabalbal ay tinatawag sa Ingles na slang. Ito ay mga salitang pana-panahon Kung sumipot,
nagiging popular ngunit madali ring mawawala. Ang halimbawa nito ay Ang wika ng mga tambay,
wika ng mga taong kanto at laman ng lansangan.
Halimbawa:
Astig - tigasin, siga Tigok - patay
Biga – baril Parak - pulis
Dagul - maton Waswit - asawa
Atik- pera Epektos - puslit na mga gamit
2. kolokyal o lalawiganin ay mga salitang ipinahahayag ng mga tao na nakatira sa lalawigan o
probinsya. Kalimitan, Ito ay malalalim na salita, vernakular, at matalinghaga.
Halimbawa: Paot - bayong Amargoso - ampalaya
Hawot - tuyo o daing Baysan - balae
Tabayang - upo Kalamunding - kalamansi
Balatong - monggo Pangkal - tamad
3. Ang salitang pangkaraniwan ay ang mga salitang nakapaloob sa tinatawag na lingua Franca.
Ibig sabihin, ito iyong mga salitang naiintindihan sa lahat ng lugar sa rehiyon na palasak na
ginagamit ng mga ordinaryong to sa mga susing lugar katulad ng Metro Manila.
Halimbawa:
Tahanan Pagnanakaw
Kaibigan Ambag
Kapitan Upuan
Kapiling Kriminal
4. Ang salitang pampanitikan ay kalimitang malalim at formal. Minsan ay tinatawag rin itong salitang
pang-edukado at malimit na iba sa salitang ipinahahayag ng nakararaming populasyon.
Halimbawa:
Kabiyak ng puso Hapag-kainan
Kasiphayuan Karugtong ng pusod
Anak-pawis Taos-puso
Nakadaupang-palad Bahay-aliwan
Narito ang halimbawa ng apat na antas sa pamamagitan ng pag gamit lamag ng iisang salita.
Mother sa wikang ingles.
Pabalbal: Ermat, mama, Mia, mamo
Lalawiganin: ina, inang, inay
Pangkaraniwan: mommy, nanay, mom, mama
Pampanitikan: Ilaw ng tahanan, ina, nagluwal
Katulad ng nabanggit kanina, dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa usapin ng pag-aaral ng wika,
hindi na gaanong mahalaga ang mabatid ang kaantasan ng wika. Ang importante ay masunod Kung ano
Ang tamang paggamit at pagpapakahulugan ng mga salita na hindi humihiwalay sa universal nitong
kahulugan.