You are on page 1of 2

GAWAING MATAPAT

A. Sagutin ang kasunod na sarbey:


Layunin ng maikling sarbey-kwestyoneyr na ito ang makapagbigay-ambag sa higit


pang pagpapalago ng isip, damdamin at kakayanan ng bawat isa sa larang ng
pagtuturo at pagkatuto sa isang tiyak/ispisipikong kurso o disiplina. Ang inyong tapat
na tugon ay lubos na pinahahalagahan. Salamat sa inyong oras na gugugulin sa
pagsagot at magandang araw!

1. Ano ang iyong huling asignaturang Filipino?

a. DalumatFil
b. FilDis
c. SosLit
d. Pananaliksik sa Higher School
e. Iba pa

2. Ano ang iyong naging grado sa asignaturang ito?

a. 1.0-1.25
b. 1.50-1.75
c. Mababa sa 2.0
d. INC
e. Dropped/ OD/ UD

3. Karapat-dapat ba sa iyo ang gradong natanggap, deserve mo ba ang gradong iyon?

a. Opo, dahil pinagpaguran ko ang pagkamit ng naturang marka.


b. Hindi po, dahil mababa po ito sa inaasahan ko kumpara sa aking pagod at effort sa online class
para sa asignatura.
c. Opo, dahil inaasahan na'ng konsiderasyon ang pagbibigay ng mataas na grado ng mga guro sa
mga mag-aaral ngayong may pandemya.
d. Hindi po, dahil nagkamali po ang guro sa pag-eenkowd ng grado at ito ay ipoproseso para
maipabago
e. Hindi po, sapagkat nagkaroon lamang ng suliraning teknikal sa ITC at/ o tanggapan ng
Registrar.
GAWAING MATAPAT

4. Ano ang iyong pangkalahatang pagtingin at/o damdamin sa natapos na asignatura sa


Filipino?

a. Tulad ng ano mang asignatura, tunay na napakahalaga nito sa ating mga mag-aaral na Pilipino,
kaya't nararapat gugulan ito ng pantay na pagpapahalaga at oras sa pag-aaral
b. Pinakamadali itong asignatura para sa akin, kaya't una kong tinatapos ang mga kahingian o
requirements nito para makadami ng magagawa at ganahan pa sa pagpapatuloy ng pag-aaral sa
iba pang asignatura
c. Dahil ito naman ang pinakamadaling asignatura, nasa huli ito ng aking listahan ng mga aaralin
d. Nakababagot ang asignaturang ito/Hindi ko ito paborito/ Napipilitan lamang akong aralin ito dahil
required
e. Interesante ang mga aralin at matututunan sa asignaturang Filipino idagdag pa ang mga
mapaparaan at pinaka may konsiderasyong mga guro

5. Alin sa mga sumusunod ang ninanais mo sa isang asignaturang Filipino?

a. Klase na flexible at kaunti lamang ang kahingian o requirements


b. Maunawain o "considerate" na guro
c. Interesante, masaya at pangkatang mga gawain na kakikitaan ng pagtutulungan at
kolaborasyon
d. Gurong mataas magbigay ng marka o grado paano man ang paraan ng pagtuturo
e. Mga kaklase/kamag-aral na maaasahan sa lahat ng gawain

You might also like