You are on page 1of 63

Yunit II: Mga Anyo ng

Masining na Pagpapahayag

FIL 3 Retorika/ Masining na Instruktor


Pagpapahayag
Bb. Arjelyn B. Guba
HULARAWAN!
1
Mga Katutubong Pagpapahayag

▰ Sa mga katutubong pahayag na mga ito ay


mababakas ang mga kaugalian, asal, gawi at
katangian na tanging atin lamang. Ito’y mga kaban
ng lahing kayumanggi.

1
Salawikain
• Ito ay may kaisipang nakaugalian nang
sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng
kagandahang asal ng ating mga ninuno. Ito’y
mga kaban parabulang patalinghaga at
nagbibigay ng aral.

4
HALIMBAWA:

❑ Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago.


❑ Ang lumalakad nang matulin, kung matinik ay
malalim.
❑ Habang maiksi ang kumot, magtiis mamaluktot.
❑ Kung ikaw may ibinitin, mayroon kang titingalain.
❑ May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.

5
Kawikaan
• Ang mga kawikaan ay paalala
na may dalang mensahe at aral
na kadalasan ay hanggo sa
Bibliya.

6
HALIMBAWA:

❑ Ang panahon ay samantalahin sapagkat ginto ang


kahambing.
❑ Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa
kasaganahan.
❑ Ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.
❑ Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw.

7
Sawikain
• Ito ay may katutubong
pahayag na walang
natatagong kahulugan.

8
HALIMBAWA:

❑ Ang tao ay matatalos sa kanyang pananalita at


kilos.
❑ Ang tunay na kaibigan sa gipit nasusubukan.
❑ Ano man ang gawa at dali-dali ay hindi iligi ang
pagkakayari.
❑ Daig ng maagap ang taong masipag.

9
Kasabihan
• Ito ang bukambibig o sabi-
sabing hinango sa karanasan ng
buhay na nagsisilbing patnubay
sa mga dapat ugaliin na
tinaggap ng bayan sa pagdaraan
ng panahon.
10
HALIMBAWA:

❑ Ang araw bago sumikat, nakikita muna’y banaag.


❑ Ang hipong tulog, tinatangay ng agos.
❑ Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
❑ Magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong
gising.
❑ Kung may tag-araw ay may tag-ulan.

11
Mga Idyoma o Pasawikaing
Pahayag

- Ito ay salita o mga salita na


may sariling kahulugang wari’y
lihis sa tuntunin ng gramatika.
12
Narito ang ilang mga idyomatikong pahayag:

Anghel ng tahan Mga batang tampulan


ng kagalakan
Balitang kutsero Balitang hindi totoo
Bukang-bibig Laging sinasabi
Daga sa dibdib Takot, duwag
Makati ang kamay Magnanakaw 13
Tayutay
• Tinatawag ding patalinghagang pagpapahayag.
Sa pagtatayutay, sadyang lumalayo ang
nagpapahayag sa karaniwang paraan ng
pagsasalita upang magawang higit na maganda
at kaakit-akit ang sinasabi.

14
Mga karaniwang uri
ng Tayutay
15
1. SIMILE O PAGTUTULAD

▰ Ito’y paghahambig ng dalawang magkaiba o di


magkauring bagay, tao, kaisipan, pangyayari,
at iba pa sa hayagang pamamaraan.
Gumagamit ng salitang naghahambing tulad ng
parang, wangis, animo’y, gaya ng, mistula,
tulang, unlaping ga at iba pa.
16
HALIMBAWA:

❑ Balahibuhing parang lobo ang mga braso niya’t


binti.
❑ Parang pulburang madaling magsiklab ang guro.
❑ Gabundok ang aking labahin.
❑ Kawangis ni Rose ang isang talang nagniningning
sa kalangitan.

17
2. METAPORA O PAGWAWANGIS

▰ Paghahambing din ito subalit hindi na


gumagamit ng mga salita o pararilang pantulad
sapagkat direkta nang ipinaangkin ang
katangian ng tinutularan.

18
HALIMBAWA:

❑ Ang musika ay hagdan ng kaluluwa paakyat sa


langit.
❑ Minsan, lason ang sobrang pagmamahal.
❑ Ang iyong balita’y punyal sa aking dibdib.
❑ Bagyo ang dumadaan kapag nagagalit ang guro.
❑ Paraiso ang lugar na ito.

19
3. PERSONIPIKASYON O
PAGBIBIGAY-KATAUHAN

▰ Ang walang buhay ay binibigyan ng buhay at


pinagtataglay ng katangiang pantao, sa
pamamagitan ng mga salitang nagsasaad ng
kilos.

20
HALIMBAWA:
❑ Humihinga pagsapit ng takipsilim ang gabi,
bumubulong ng lobong himutok.
❑ Lumuluha ang panahon sa araw ng kamatayan ng
bayani.
❑ Ang buong Pilipinas ay ngsimbal sa balita
pagtanggal sa PMA.
❑ Naninikluhod ang langit para sa kapayaan.
21
4. APOSTROPE O PAGTAWAG

▰ Isang anyo ito ng panawagan o pakiusap sa


isang taong hindi kaharap, nasa malayo o
kaya’y patay na o sa kaisipan at mga bagay na
binibigyan-katauhan na parang kaharap na
kinakausap.

22
HALIMBAWA:
❑ Pag-asa, maawa kang huwag mo akong iiwan,
mahabang ka sa kaluluwang nadidimlan.
❑ Ano ka ba, kabaitan? Ikaw ba’y isang pangalang
walang kabuluhan?
❑ Gumising ka, puso, pag-alabin ang iyong naparam a
apoy, alalahanin mo ang matamis mong kahapon.

23
5. PAGTATANONG
(RHETORIACAL QUESTIONS)

▰ Ito’y katanungang hindi na nangangailangan


ng kasagutan dahil nasa mga pahayag na rin
ang katugunan ng katanungan.

24
HALIMBAWA:
❑ Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pag-ibig sa tinubuang lupa?
❑ Malilimot ba kita kung alay sayo ang bawat
paghinga?
❑ Makalalakad ba ang mga paa kung gapos ng
tanikala?
❑ Ano pa kaya ang hindi natin nahihiling sa Diyos.
25
6. PAG-UYAM O IRONYA

▰ Sa pagpapahayag ng pagpuri ay may paglibak o


pagtudyo. Nararamdaman ang tunay na
kahalugan nito sa diin ng pagsasalita at bukas
ng mukha ng nagsasabi.

26
HALIMBAWA:
❑ Mahusay magpalaki ng anak ang mag-asawang
guro.
walang nakapagtapos sa kanilang mga anak.
❑ Magaling siyang magtago ng katotohanan.
❑ Sa ganda ng pagkakaayos ay hindi na makita ang
kariktan ng mga bulaklak.
❑ Mahusay siyang magdala ng mga bagay na wala na
sa panahon. 27
7. PAGPAPALIT-TAWAG O METONIMIYA

▰ Ang pangalan ng isang bagay na tinutukoy ay


hinahalinhinan ng ibang-ibang katawagan na
may kaugnayan sa salitang pinapalitan.

28
HALIMBAWA:
❑ Inilipat na sa kapatid ng Prinsipe ang korona.
❑ Maraming mababangis na leon ang nagiging
maamo sa panahon ng pangangampanya.
❑ Pinarusahan ng langit ang bayan sa kapabayaan sa
kalikasan.
❑ Si bravo ang pinakamapatang ng tigre sa aming
pook.
29
8. PAGLILIPAT-WIKA O
TRANSFERRED EPITHETS

▰ Katulad ito ng tayutay na pagbibigay-katauhan


na ginagamitan ng mga katangiang pantao ang
mga bagay na walang buhay, subalit sa tayutay
na ito ay hindi lamang pandiwa kundi
ginagamitan din ng pang-uri.

30
HALIMBAWA:
❑ Nagbunyag ng lihim ang tahimik na aklatan.
❑ Tuluyan nang iniwan ni Mekai ang malungkot na
bahay.
❑ Nagpatapang na naman ang dakilang espada.
❑ Nakatanaw lagi ang palalong buwan.
❑ Tunay ngang sabik na siyangiyang makauwi sa
kanilang masayang tahanan.
31
9. PAGLILIPAT-SAKLAW O
SENOKDOKE

▰ Ito’y pagbanggit sa bahagi ng isang bahay o


kaisipan bilang katapat ng kabuaan o kabuaan
sa isang bahagi.

32
HALIMBAWA:
❑ Kailan ko kaya muling masisilayan ang
mapupungay niyang mata.
❑ Siya na nga itinitibok niyaring puso.
❑ Ilan pa kayang maliliit na paa ang tatakbo dahil sa
takot sa digmaan.
❑ Di mabilang na gulong ang matuling dumaan.
❑ Nakasampung basket siya ng pitas.
33
10. PAGTATAMBIS O OKSIMORON

▰ Pinagsasama-sama opinag-uugnay ang


dalawang bagay na magkasalungat upang
mangibabaw lalo ang katangiang
ipinapahayag.

34
HALIMBAWA:
❑ Ang kawal ay namatay upang mabuhay.
❑ Araw-gabi ay lakad-takbo ang buhay niya sa
lansangan.
❑ Umuunlad ang daigdig sa katamaran ng tao.
❑ Mamatay-mabuhay ang liwanag ng ilawang
tunghoy.
❑ Dito sa ating lupang sagana ay marami pa rin ng
maralita. 35
11. PAGHIHINGI O ONOMATOPEYA

▰ Ito ang paggamit ng mga salitang tunog ng


kanilang kahulugan.

36
HALIMBAWA:
❑ Nakailan ding karirinig ang kabilang kawad bago
ito nasagot ng may-ari.
❑ Nasira ang aking mahimbing na pamamahinga sa
malakas na pagngingiyaw ng pusa.
❑ Halos magdamag siyang hindi nakatulog sa lakas g
dagundong ng kulog at mabilis na pagdaan ng
kidlat.
37
12. PAGMAMALABIS O HYPERBOLE

▰ Pinalalabis o maaari ding pinakukulang sa


tunay na kalagayan ng tao, bagay o pangyayari
sa tayutay na ito.

38
HALIMBAWA:
❑ Sa katahimikan ay dinig ang bulungan ng mga
langgam.
❑ Nakamatay ang tingin ng dalaga sa lalaki.
❑ Bumaha ng dugo pagkatapos ng sagupaan.
❑ Buto’t balat na ang katawan ni Itay sa pagsasaka.
❑ Sa gayong gandang taglay niya, lahat ay iibig sa
kaniya.
39
13. PAGSUSUKDOL O KLAYMAKS

▰ Isinasaayos ang tindi o halaga ng mga salita


mula sa mababang hanggang mataas na antas.

40
HALIMBAWA:
❑ Ano ang kahiwagaang bumabalot sa katotohanan
na nagbibigay-kulay, nagbibigay-ganda,
nagbibigay-halaga.
❑ Hanggang ngayo’y gapos pa ako sa kahangalan,
bigti pa rin ako sa karuwagan, alipin pa rin ako ng
kasalanan.
❑ Ang bayan ngayo’y may karapatan nang kumilos,
lumakad, manahanan, mabuhay na hindi sinasala. 41
14. ANTIKLAYMAKS

▰ Dito naman ay pababa ang pagsunod-sunod ng


kaisipan, mula panlahat hanggang ispesipik.

42
HALIMBAWA:
❑ Alam mo-nadarama mo, nasasalat mo…
❑ Ang tao ay di maaaring mag-isa. Kailangan niya ang
katamba, ng katulong ng kawaksi, ng kaisa.
❑ Nabunyag din ang katotoohanan. Ngayo’y maaari
na siyang lumantad sa madla.
❑ Gumising siyang masigla mula sa isang mahabang-
habang pamamahinga pagkatapos ng kaniyang
paglalaro. 43
15. PAGSULUNGAT O
ANTISESIS/EPIGRAM

▰ Gaya ng pagtatambis, pinagsasama rito ang


magkasalungat na salita o kaisipan,
nagkakaiba lamang sa paglalaban ng
magkasalungat sa halip na pinag-uugnay.

44
HALIMBAWA:
❑ Sa ngayon, sa akin ay puti’t itim ang kulay ng
buhay.
❑ Tandaang hindi lahat ng kaligayahan ay natatampo
sa tagumpay dahil may tagumpay rin sa kabiguan.
❑ “Layo ay lapit ng budhi’t isip.
❑ Nasa karuwagan ang katapangan.
❑ Kung kalian ako mahina ay saka ako malakas.
45
16. PAGTATANGI O
PARELEPSIS/LITOTES

▰ “hindi” ang pangunahing hudyat na


pasalungat, pagpigil, di-pagsang-ayon, ngunit
ang paghindi sa tayutay ay nagpapahiwatig ng
pagtulot.

46
HALIMBAWA:
❑ Hindi sa pinangungunahan kita, pero malaki ka na,
sana naman ay tigilan mo na ang mga gawaing
bata.
❑ Hindi marahil kalabisang banggitin na ang PMA
ang nangunguna pa ring institusyong pangmilitar
sa asya.
❑ Hindi lamang sa pagsasalita kundi din sa gawi at
pagkilos makikilala ang kapwa. 47
PANULUAAN
▰ Ang tula ay kagandahan ng wika, diwa, katas, larawan
at kabuuang tonong kariktang makikita sa silong ng
alinmang langit (Inigo Ed. Regalado).
▰ Ang pagtula’y panggagad at ito’y lubhang kahawig ng
sining ng pagguhit, paglililok at pagtatanghal
(Fernando Monleon).
▰ Ang tula ay kamalayang nagpapasigasig (Edith
Sitwell)
48
SANGKAP NG TULA
1. SUKAT- tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat
taludtod
Tayo’y umalis
Ang pag-ibig dito sa libis
na mapait ng kanyang bukid!
ay di nais May sukat
na 4 Kata’y lumigpit
May sukat
na 5

nitong dibdib doon sa langit


na may hapis ng panaginip. 49
SANGKAP NG TULA
1. SUKAT- tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat
taludtod

Kung ano ang Kung nasang lumigaya


buhay, gumawa kang mag-isa May sukat
May sukat
siyang kamatayan. na 6 huwag kang umasa pa na 7

sa pangalap ng iba.
50
SANGKAP NG TULA
2. TUGMA- ito ay ang pagkakasintunugan ng hulig pantig
sa bawat taludtod.

a. Tugmaan sa patinig
Patinig na may impit (hal.
imbi, guho, sira)
Patinig na walang impit (hal.
Abo, ina, ale)
51
SANGKAP NG TULA
2. TUGMA- ito ay ang pagkakasintunugan ng hulig pantig
sa bawat taludtod

b. Tugmaan sa katinig
Unang pangkat- B, D, K, P, S, T
Pangalawang pangkat- M, N, L, NG, W, Y

52
SANGKAP NG TULA

3. MAKABULUHANG DIWA- ito ang


pangkalahatang tema o kaisipan na ipinahayag
ng tula.

53
SANGKAP NG TULA
4. KAGANDAHAN O KARIKTAN- makakamit ang kagandahan ng tula sa
tulong ng sangkap na tula na lalong nagpapalutang sa kagandahan ng
pagpapahayag.
a. talinghaga- mga salitang pahiwatig
b. larawang-diwa (imagery)- salitang pumupukaw sa mga
pandama ng mga mambabasa.
c. simbolo- mga salitang may kinatawan maliban sa literal na
pakahulugan.
d. pasalungat- may diwang nagsasalungatan na lalong
nagpapalutang sa lalim ng tula.
54
ILANG URI NG TULA

1. Karaniwang Anyo- tulang may sinusunod na


sukat at tugma. Karaniwang iisang sukat at iisang
tugmaan ang sinusunod sa buong tula.

55
ILANG URI NG TULA
KABAYANIHAN
Lope K. Santos

Ang kahulugan mo’y/ isang paglilingkod


Na walang paupa/ sa hirap at pagod
Minsan sa anyaya/ minsan kusang-loob
Pag-ibig sa kapwa/ ang lagi mong diyos.

Natatalastas mo/ sa iyong pananim


Iba ang aani’t/ iba ang kakain
Dapatwat sa iyo’y/ ligaya na’t aliw
Ang magpakasakit/ nang sa iba dahil

Pawis, yaman, dunong/ landas, dugo’t buhay


Pinupuhanan mo/ a iniaalay
Kapagka ibig mong/ sa kaalipinan
Ay makatubos ka/ ng aliping bayan. 56
ILANG URI NG TULA

2. Malayang Taludturan- tulang malaya sa sukat at


tugma lamang. Hindi na binibilang ang pantig sa
bawat linya at hindi na kailangang may tugmaan
subalit taglay pa rin nito ang ibang sangkap na tula.

57
ILANG URI NG TULA
ANG KUBRADOR
Rosario Torres-Yu

May katok sa pinto, “sino yan? Paungol


Nagtanong sa loob. “ito ho’y kubrador.”
Wala nang tumugon…
Inulit ang katok hanggang sa ang pinto’y
Marahang mabuksan…anang tinig “tuloy”
Nasok ang kubrador ngunit napaigtad,
Umurong na mandi’y natuka ng ahas:
Ang mata’y lumundag
Ang tangang resibo’y sa sahig nalaglag-
Siya’y sinalubong ng babaeng hubad.

58
ILANG URI NG TULA

3. Haiku- tulang maikli ngunit nagtataglay ng


masaklaw at matalinghagang kahulugan. Nagmula ito
sa mga Hapones. Binubuo ito ng 17 pantig na
nahahati sa tatlong taludtod. Karaniwan ay mga
istrukturang 5-7-5 pantig ng taludturan.

59
ILANG URI NG TULA
WALANG KLASE MANGMANG ARAW NG KALAYAAN

Sabado, umaga Sa mata’y dilim Sigawan, bukirin


ang mga batang kalye at hindi po liwanag bakasyon, parade
ay maaga. ang tumatabing talumpatian

60
ILANG URI NG TULA

4. Tanaga- maikling tulang binubuo din ng apat na


linya at bawat taludtod ay may sukat na pipituhing
pantig. Karaniwan itong nagtataglay ng gintong aral.

61
ILANG URI NG TULA
TANAGA PALAY TAG-INIT
Ildefonso Santos
May pito itong pantig Palay siyang matino
Sa bawat taludturan, Nang humangi’y yumuko Alipatong lumapag
Apat naman ang linya Ngunit muling tumayo Sa lupa’y nagkabitak
Tawag diya’y tanaga. Nagkabunga ng ginto. Sa kahoy naglugayak
Sa puso’y naglagablab

62
Yunit II: Mga Anyo ng
Masining na Pagpapahayag

FIL 3 Retorika/ Masining na Instruktor


Pagpapahayag
Bb. Arjelyn B. Guba

You might also like