You are on page 1of 3

MODYUL SA KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON

SA FILIPINO, UNANG SEMESTRE, TP 2022-2023

Modyul 1 (Linggo 2: Agosto 22-26)


Bisyon, Misyon at Tunguhin ng Pamantasan

Tungkol Saan ang Araling ito


Sa araling ito, ilalahad sa iyo ang bisyon, misyon ng Pamantasan ng Bikol (BU), gayundin iisa-
isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang BU gradweyt upang malaman mo ang mga inaasahan
sa iyo pagkatapos na matapos mo ang iyong digri.
Kaugnay nito, bahagi na rin ng gawain sa linggong ito ang pagpapakilala ng inyong sarili sa klase
gayundin ang pag-alam sa mga patakarang pangklase. Nakalahad ang mga tuntuning ito sa gabay ng
kurso na inaasahang nabasa na ninyo bago magsimula ng modyul na ito.

Matututuhan Mo sa Araling Ito!

Pagkatapos ng aralin, inaasahanag maututuhan mo ang sumusunod:


1. Naipapaliwanag ang bisyon, misyon, at tunguhin ng Pamantasan kaugnay ng kursong kinukuha.
2. Naiuugnay ang mahahalagang katangiang dapat taglayin ng isang BU gradweyt sa pagtamo ng
bisyon at misyon ng pamantasan.

Unawain Natin!

Ang bisyon ng pamantasan: Isang Pandaigdigang Pamantasan na humuhubog ng lider at


kinatawan ng pagbabago tungo sa transpormasyon at pag-unlad.
Ang misyon ng pamantasan: Ang Pamantasan ng Bikol ay magbibigay ng propesyonal at
teknikal na pagsasanay at magbibigay ng makabago at pandalubhasang pagtuturo sa Panitikan,
Pilosopiya, Agham, at Sining, maliban sa pagkakaroon ng pagpaangat ng maka-Agham at
panteknolohiyang pananalilsik (R.A 5521, Sec. 3.0).
Ang mga nagtapos sa Pamantasan ng Bikol ay:
1. Nagpapamalas ng kritikal na pag-iisip at integratibong kasanayan sa paglutas ng suliranin
tungo sa panghabambuhay na pagkatuto,
2. Taglay ang epektibo at maayos na pakikipagtalastasan, pasalita at pasulat para sa iba’t
ibang layunin sa paggamit ng Kagamitang Information Communication Technology
(ICT),

DR. MELANIE GOLOSINDA 1


Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kpyahin o iatid sa anoamng anyo o anomang paraan
elektroniko o mekanikal-kasama ang pagpapa-photocopy nang walang pahintulot ng may-akda. Ang lumabag ay ipagsasakdal
sa pagtupad sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patente at iba pang kaugnay na batas.
MODYUL SA KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON
SA FILIPINO, UNANG SEMESTRE, TP 2022-2023

3. Nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang pangkat ng tao na may mataas na kasanayan sa


pinagkadalubhasaang disiplina,
4. Nakalilikha ng bagong kaalaman at inobasyon tungo sa pambansang kaunlaran at
globalisasyon.

Talakayin Natin!

Paano makatutulong ang bisyon, misyon at tunguhin ng pamantasan sa pagtamo ng iyong


mithiin? Magbigay ng mahahalagang konsepto bilang batayan ng iyong sagot mula sa tinalakay na
bisyon, misyon at tunguhin ng Pamantasan. Ilahad lamang sa pamamagitan ng isa (1) hanggang
dalawang (2) pangungusap ang pagpapaliwanag sa bawat konsepto.
>Para saakin malaking tulong ito dahil puwede ko itong maging inserasyon na ipagpatuloy ang
aking pag-aaral upang makatulong sa pamilya at sa bayan. Kahit mahirap makamit ay susubukan ko parin
itong abutin para makapagbigay ng tulong sa ibang tao.

Kaugnay ng gawaing nabanggit, naipakilala ko na ang aking sarili sa gabay ng kurso, ikaw naman
ang magpakilala. Gawing batayan ang form sa susunod na pahina at ipadala ito sa gmail ng inyong
propesor (mlgolosinda@bicol-u.ed.ph). Maaaring maglagay ng karagdagang impormasyon na sa tingin
mo ay makatutulong sa pagpapakilala ng iyong sarili.

Profile ng Estudyante

Pangalan: Mark Adrian A. Fernandez

CP Number: 09566711577 Ilang Bagay sa Aking Sarili


Tirahan: Purok 1, Maslog Legazpi City Albay Hilig o Interes manood ng anime at maglaro ng badminton
Kapanganakan: Pebrero 23, 2004 Gusto kong .
Ama: Mariano Fernandez jr. Trabaho: Driver Ang gusto kong makamit sa buhay ay makapagtapos ng pag-
aaral, magkaroon ng trabho at matulungan ko ang aking mga
Ina: Angelita Fernandez Trabaho: Retailer
magulang.

Bakit gusto mong pumasok sa kursong ito?

Dahil gusto kong madadagan ang aking kaalaman lalong-lalo na


sa panitikan.

DR. MELANIE GOLOSINDA 2


Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kpyahin o iatid sa anoamng anyo o anomang paraan
elektroniko o mekanikal-kasama ang pagpapa-photocopy nang walang pahintulot ng may-akda. Ang lumabag ay ipagsasakdal
sa pagtupad sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patente at iba pang kaugnay na batas.
MODYUL SA KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON
SA FILIPINO, UNANG SEMESTRE, TP 2022-2023

Sukatin Natin ang Iyong Natutuhan!

Para sa pagsusulit sa araling ito, sumulat ng repleksyong papel na naglalahad ng mga katangiang
dapat taglayin bilang isang estudyante na kumukuha ng kursong ___________(ang kursong pinapasukan)
na makatutulong sa pagtamo ng bisyon at misyon ng pamantasan. Isulat ang gawaing ito sa short bond
paper at ipasa ito sa email ko bago o sa Agosto 26, 2022. Mamarkahan ang iyong ginawa sa pamamagitan
ng Nilalaman,-5, Lalim ng repleksyon- 5 at Organisasyon – 5. Lagyan ng label ang isusumiteng e-mail,
tingnan ang halimbawang inilagay: Subject: Aralin 1: Melanie L. Golosinda (ang inyong pangalan) AB-
BPeA IA (ang inyong kurso at Block).

Modyul 1: Mark Adrian A. Fernandez BSESS Block 1B


Ang bisyon ay napakahalagang salita lalo na ang kahulugan nito dahil natutulungan nito ang
kagaya kong istudyante ng Bikol (BU) na humuhubog ng lider at kinatawan ng pagbabago tungo sa
transpormasyon at pag-unlad samantala ang misyon naman ay magbibigay ng propesyonal at teknikal na
pagsasanay at magbibigay ng makabago at pandalubhasang pagtuturo sa Panitikan, Pilosopiya, Agham, at
Sining, maliban sa pagkakaroon ng pagpaangat ng maka-Agham at panteknolohiyang pananalilsik (R.A
5521, Sec. 3.0). Para saakin ang katangian dapat kong taglayin at mga kumuha ng kursong BSESS ay
dapat may respeto lalo na sa isat-isa dahil kailangan ito upang makabuo ng matatag na samahan ng bawat
isa, dapat ring may tiwala sa sarili upang makamit ang isang bagay dapat may tiwala ka na kaya mong
maikasatuparan ito at kung walang tiwala ay hinding hindi mo ito magagawa, dapat marong ring
pagmamahal sa sarili, sa pamilya at sa kapwa alam naman natin na isa sa pinakamalakas na mayroon
lamang tayo ay pagmamahal at hindi ito basta basta matitibag dahil ito ang pinakamakapangyarihang
puwersa sa sa buong daigdig.

DR. MELANIE GOLOSINDA 3


Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kpyahin o iatid sa anoamng anyo o anomang paraan
elektroniko o mekanikal-kasama ang pagpapa-photocopy nang walang pahintulot ng may-akda. Ang lumabag ay ipagsasakdal
sa pagtupad sa karapatang-ari, tatak pangkalakal, patente at iba pang kaugnay na batas.

You might also like