You are on page 1of 2

ALAMAT NG BULKANG TAAL

ni Antonio Emilio Martinez

Ayon sa sali’t-saling sabi ng matatanda,ang mga bayan at lalawigan sa Gitnang Luzon,ay nahahati
ng mga ilog at magubatna kabundukan.Bawat bayan naman aypinamumunuan ng isang makapangyarihang
lalaki na iginagalang at sinusunod ng lahat na nasasakupan.

Sa bayan ng Tagaytay ay may makapangyarihang matanda,na kung tawagin ng lahat ay si Lakan-


Taal.ang matandang ito ay siyang sinusunod ng mga tao,palibhasa’y mabutiat matalino ang kanyang
pamamahala. Ang mamamayan sa Tagaytay ay hindi lamang minsang nagkaroon ng pagpipista dahil sa
tinatamasa nilang masaganang kabuhayan.Laging umaani silang saganang kape,abukado at iba’t-iba pang
mga punongkahoy.

Isang araw ay pinulong ni Lakan Taal ang lahat ng kanyang kabig sa lilim ng isang malagong
punongkahoy sa kaparangan. Mga minamahal na nasasakupan ko, malakas na pahayag ng
makapangyarihang Lakan.Pinulong ko kayo ngayon upang sabihin sa inyo na mula sa araw na ito,ay
ipinagbabawal ko sa kaninuman ang pag-akyat sa ituktok ng bundok na iyon,-at itinuro nito ang luntiang
bundok na hindi kalayuan sakanilang pinagpupulungan.

Napatingin ang lahat sa itaas ng magandang bundok .Tandaan ninyong mabuti ang aking pagbabawal
na ito,-pagwawakas pa ng makapangyarihang Lakan. Buong pagkakaisang sumang-ayon naman ang madla
at nagsipanumpang tatalimahin nila ang utos ng kanilang puno. Walang anu-ano ay bigla na laang naglaho
ang matandang puno,kaya’t nagtataka at nagsipanggilalas ang lahat.

Mahigit isang taon ang lumipas,ngunit ang makapangyarihang si Lakan Taal ay hindi na nila
nakita.Gayon man,sa loob ng panahong iyon, ang madla ay nabuhay nang mapayapa at masagana na gaya
rin nang dati. Sa kasabikan ng marami na malaman kung ano ang hiwaga ng bundok na yaon, ay
napagkaisahan nilang akyatin ang taluktok ng nasabing bundok.

Gayon na lamang ang kanilang pagkamangha nang makita nila sa itaas pala ng bundok na yon ay
may malaking guwang na punong-puno ng mahahalagang perlas,esmeralda,brilyante at mga ginto. Naku!
Kaya pala ayaw ipaakyat sa atin ang itaas ng bundok na ito,-anang isa sa kanila,-ay narito ang katakut-takot
na kayamanan! Oo nga, ano! Tugon ng isa pa.Ang mabuti’y hakutin nating lahat ang kayamanang iyan
upang iuwi sa ating bayan.

Subalit nang anyong kukunin na nila ang kayamanang iyon ay bigla na lamang nilang narinig ang
malakas atmakapangyarihang tinig ni LakanTaal na anya: Sinuway ninyo ang aking utos! Nawa’y
magkaroon ng lindol,ng kidlat,ng kulog at malakas na unos!…at halos hindi pa natatapos ang pangungusap
ng lakan ,ay biglang kumidlat saka kumulog!Bigla ring lumindol hanggang sa ang bundok ay magbuga ng
tipak-tipak na apoy na ikinasawi ng mga masuwaying tauhan ni Lakan-Taal. Magbuhat noon, ang gayong
pangyayari ay nagkasalin-salin sa bibig ng madla, hanggang mabuo ang paniniwala ng marami, na ang
bundok na yaon na naging bulkan ay ari ni Lakan-Taal.Ngayon ay tinatawag ito ng Bulkan ng Taal.

You might also like