You are on page 1of 3

KABANATA II

Kaugnay na mga literatura at pag-aaral

Literatura

Ayon sa pag-aaral ng academia ang pag-abot ng tagumpay ang pagbuo ng

isang papel pananaliksik, ay may mga balakid na dadaanan upang matuto ang

bawat indibidwal sa pagbuo ng isang maganda, malinaw at mahusay na pag-aaral.

Ang mga balakid na ito ay nagdudulot ng kalituhan sa oras ng talakayan maging sa

oras ng pagbuo ng isang papel pananaliksik. Ito ay nagreresulta ng kahirapan sa

isang magaaral na hindi maintindihan ang bahagi ng pagaaral ngunit sa kabila nito,

kinakailangan nyang matutunan ang lahat ng bahagi maski ang pinakakomplikadong

gawin at intindihan. Sa pagbuo ng isang papel pananaliksik, hindi maaring laktawan

ang parteng hindi naiintindihan o hindi malinaw.

Pag-aaral

Ayon kay Gladys (2015), Ang Pananalisik ay mahalagang sangkap sa buhay

ng tao, sapagkat daan ito sa modernong pamumuhay. Isa itong batayan ng pag-

angkat ng estado sa kahit anong aspeto ng pamumuhay, isa sa mga isinusumite ng

mga mag-aaral sa kolehiyo para s kanilang kurso, nagbubukas ito ng oportunidad sa

iba’t ibang larangan, dahil ang pananaliksik ay nakakapagbigay ng mga solusyon at

impormasyon sa mga suliranin ng isang o ng isyung nais solusyunan ng mga

mnanaliksik. Ang pananaliksik ay pag-aaral sa isang paksa na kung saan nagbibigay

ng sapat na impormasyon para masolusyunan ang paksang pinagaaralan.

Ayon kay Maximo (2015), lumalawak ang kaisipan ng isang mananaliksik

dahil sa walang humpay, pagbasa, nag-iisip, nanunuri at naglalahad o naglalapat ng


interpretasyon.Napapalawak ang eksperensiya at kritikaal na pag-aanalisa ng isang

manunulat sa pananaliksik dahil sa marami siyang nakakasalamuha at nakaksama.

Sa proseso ng pangangalap ng mga mahahalagang datos, pagbabasa, paggalugad

sa kaugnay na literatura napapaunlad nito ang isang indibdiwal at lumilinang sa

tiwala nito sa kanyang sarili. Ito ay nakakadagdag ng bagong kaalaman sapagkat

ang isang bagong kaalaman ay naghuhubog ng kanyang kamalayan sa larangan ng

pnanaliksik.

Ayon kay Beluez (2014). ang mga guro ay my malaking impluwensiya sa pag-

aaral ng kanilang mga estudyante , kasama dito ang epektibong pagtuturo sa

tamang proseso ng paggawa ng pananaliksik at paggamit ng mga tamaang

kaalaman at impormasyon ng mga mag-aaral na nagmula sa kanilang guro na

gagamitin bilang basehan at instrumento sa paggawa ng pag-aaral. Maituturing

lamang itong epektibo kung ang bawat detalye ay nagamit ng mananaliksik sa

kanilang pagbuo ng papel na pananaliksik. At makakabuo ang isang mag-aaral ng

isang mahusay na kalidad ng uri ng pag-aaral na magbbigay aral at tamang

impormasyon sa kaniyang kapwa mag-aaral.

Ayon kay Leume (2013), Ang atensyon ang pinakamahalagang sangkap sa

kahit anumang sitwasyon lalo na sa mga impormasyon. Ito ang nagdudulot sa ating

mga utak na maihanda sa pagpoproseso ng mga kritikal at madaming impormasyon.

Ito ay makukuha ng kumpleto at balido mula sa pakikinig at pabibigay ng buong

atensyon sa pangangalap ng mga datos na kailangan para mapagtagumpayan ang

pananaliksik.
Sintesis

Ayon sa pagaaral nina Gladys, Maximo, Beluez, at Leume, Lumalabas na

ang pananaliksik ay isang mahalagang Gawain ng isang mag-aaral, at sa paggawa

ng isang pananaliksik na papel, maraming mga bagay ang pwedeng makaapekto sa

kanila habang nag sasagawa sila ng kanilang pag-aaral maaring ang mga guro ang

isang nakakaimpluwensya sa kanila. Sa paggawa ng isang pananaliksik na papel,

kinakailangan na ang isang manggawa o mananaliksik ay buo ang atensyon sa

isang bagay upang sa gayon lubusan nyang maunawaan ang kaniyang pananaliksik.

Sa pang kalahatan lumalabas na mga pag aaral ng mga mananaliksik na

nabanggit sa itaas ay ang pananaliksik ay dapat seryosohin ibig sabihin

kinakailanagan ito ng isang matinding o determinasyon sapagkat isang seryosong

usapin ang pananaliksik.

You might also like