You are on page 1of 1

SH1673

Pangalan: Seksyon:
Petsa: Iskor:

Liham ng Pag-ibig
ANG PAGSUSULAT, TEORYA, AT KONSEPTO

Direksyon: Basahing maigi ang liham at sagutin ang mga tanong. Maaring gamitin ang likuran nitong
papel.

Sa Aking Mahal,

Wala naman masyadong ginagawa ngayon. Sumulat lang ako para kumustahin ka at ipaalam sa iyo
kung gaano kita kamahal.

Nakikinig kami ngayon kay Bob Hope at nakalimutan ko palang sabihin sa iyo na bumili kami ng isang
radyo sa Italya. Nagpunta kami doon at marami kaming ginawa. Buti na lang din at nagkaroon ng
kaunting oras para mamasyal at makabili ng ibang gamit. Huwag ka mag-alala, malayo naman kami
sa mga tropa ng Aleman at konting araw pa ay mahuhulog na rin ang buong Italya at mababawi ito
ng Alyadong Pwersa.

Ako ay bahagyang nangingitim kasi lagi na lang namin kinukumpuni yung mga eroplano. Nakabilad
kami sa araw kaya rin siguro ganoon. Namumula na ang aking mukha. Sana matapos na ito at
makauwi na rin ako.

Kailangan ko na munang magpaalam at wag ka makakalimot lumiham sa akin. Medyo may katagalan
na ang pagdating ng sulat ngayon. Tatlong araw na akong hindi nakakakuha ng liham sa iyo o kung
kanino man. Mahal na mahal kita ng buong puso, katawan, at kaluluwa.

Ang iyong asawa,

Fernando

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa likuran ng papel na ito.

1. Ano ang iyong naramdaman sa pagbasa ng liham?

2. Mas makabuluhan ba ang liham o pagsulat kaysa kung sinabi ito ng piloto sa kanyang asawa
nang personal?

3. Sa inyong palagay, gaano kaimportante ang pagliham o pagsulat lalo na noong mga panahon na
iyon?

01 Worksheet 1 *Property of STI


Page 1 of 1

You might also like