You are on page 1of 2

Oliver E. Faa Jr.

09/17/2022

BET-ELEC 1A

KOMFIL

TIMELINE CHART

Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

TAONG 2011-kumalat ang plano ng gobyerno tungkol sa pagbabawas ng asignatura sa kolehiyo ngunit
walang pang opisyal na dokumento.

OKTUBRE 3, 2012-sinimulan ng mga instruktor sa Filipino ang paglagap ng petisyon na ipahinto ang
Implementasyon ng senior high school at Revised General Education Curriculum (RGEC) na maaaring
lumusaw sa Departmento ng Filipino sa mga Unibersidad.

DISYEMBRE 7, 2012-inilabas ang POSisyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum" na pinamagatang
isulong ang ating Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino,
Ituro sa Kolehiyo ang Flipino bilang Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas" na akda ni Prot.
Ramilto Correa, Departmento ngFilipino ng DSLU

HUNYO 28, 2013-opisyal na inilabas ng CHED ang CMONO. 20 Series of 2013 na nagtakda ng core
courses sa bagong kurikulum sa antas tersyarya sa ilalim ng K-12. Marso 3, 2014 gumawa ng panibagong
liham-petisyon sa udyok nina Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas na may mahigit kumulang 200
na pima mula sa iba'tibang unibersidad at organisasyon ngunit hindi inaksyonan ng CHED.

Hunyo 2, 2014-sa inisiyatiba ni Dr. Antonio Contreras, napagkasunduan na muling sumulat sa CHED ang
mga guro upang pormal na ireconvene ang Technical Panel Technical Working Group sa Filipino at ang
General Education Committee. Dr. Rowell Madula, vice-chairman ng Departamento ng Filipino sa DSLU
at Alliance of Concerned Teachers (AC ang nakaisip ng pangalan ng alayansang Tanggol Wika.

HULYO 4, 2014-nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa demand ng Tanggol Wika. Simula ng
pakikipagtunggali ng Tanggol wika laban sa opisyal ng CHED ngunit hindi pa rin kumbinsido sa
pagpapapanatili ng Flipino at Panitikan sa Filipino. Mula 2014, sunod-sunod ang mga forum at
asembliya, diyalogo at kilos-protesta ng Tanggol Wika ngunit nagbingi-bingihan lamang ang CHED

ABRIL 15, 2015- nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pangunguna ni Dr.Bienvenido
Lumbera, Antonio Tinio, Fernando Hicap, Terry Ridon at mahigit 100 propesor mula sa iba't ibang
kolehiyo at unibersidacd. Inihanda nina Atty. Maneeka Sarzan, Atty. Gregorio Fabros at Dr. David
Michael San Juan ang 45-pahinang petisyon na nakasulat sa Filipino (kauna-unahang petisyon sa wikang
pambansa. Nakapokus ang petisyon sa paglabag ng CMO No. 20 Series of 2013 sa mga probisyon sa
Konstitusyon.

You might also like