You are on page 1of 6

DOMINICAN COLLEGE OF TARLAC

Mac Arthur Highway, Poblacion (Sto. Rosario), Capas, 2315 Tarlac, Philippines
Tel No. (045) 491-7579/ Telefax (045) 925-0519
E-mail: domct_2315@yahoo.com

Teoryang Pampanitikan

Franco James T. San Pedro


Love Joy L. Ibasan
Genesses L. Galan
Ma Elmina Liwi T. Saborboro

Jaybie D. San Miguel

Ervince S. Villafaña
Instructor
A. Paksa: Teoryang Pampanitikan
B. Layunin:
- Magbigay kaalaman sa Teoryang Pampanitkan
- Ipaliwanag ang mga iba’t ibang Teoryang Pampanitikan
C. Nilalaman: Sistematikong pagaaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag-aaral ng
panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.
D. Gawain: Multiple choice (1-20)
1. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ibang pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag- udyok
sa may akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang
kabuuan ng pagtao at mundo.
a. Teoryang Dekonstruksyon
b. Teoryang Romantisismo
c. Teoryang Moralistiko
d. Teoryang Humanismo
2. Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may akda sam ga hindi nakakaalam.
Ibinabahagi ng may akda ang mga kaugalian, paniniwala, at mga tradisyong minana at ipasa aa
mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
a. Teoryang Moralistiko
b.Teoryang Bayograpikal
c.Teoryang Queer
d.Teoryang Kultural
3. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lip ing tao na siyang masasalamin
sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay
bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
a. Teoryang Eksistensyalismo
b. Teoryang Historikal
c. Teoryang Romantisismo
d. Teoryang Moralistiko
4. Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga
Homosexual.
a. Teoryang Moralistiko
b.Teoryang Bayograpikal
c.Teoryang Queer
d.Teoryang Kultural
5. Ipinahihiwatig sa mga akdang Bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may akda na siya
ang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot, at lahat ng mga “pinaka”.
a. Teoryang Moralistiko
b.Teoryang Bayograpikal
c.Teoryang Queer
d.Teoryang Kultural
6. Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng
isang tao.
a. Teoryang Moralistiko
b.Teoryang Bayograpikal
c.Teoryang Queer
d.Teoryang Kultural
7. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang
kinabibilangan ng may akda.
a. Teoryang Eksistensyalismo
b. Teoryang Historikal
c. Teoryang Romantisismo
d. Teoryang Sosyolohikal
8. Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan.
a. Teoryang Sosyolohikal
b. Teoryang Formalismo/Formalistiko
c. Teoryang Romantisismo
d. Teoryang Moralistiko
9. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan
ng mga simbolo.
a. Teoryang Sosyolohikal
b. Teoryang Formalismo/Formalistiko
c. Teoryang Arkitaypal
d. Teoryang Sosyolohikal
10. Ang layunin ng panitikan ay Sumisiyasat sa pagkakaiba ng gawi ng mga babae at lalaki sa
kanilang pagbabasa at pagsusulat ng panitikan
a. Teoryang Sosyolohikal
b. Teoryang Formalismo/Formalistiko
c. Teoryang Arkitaypal
d. Teoryang Feminismo
11. Maiuugat sa paniniwalang ang akda ay salamin ng buhay; na ang likhang isip ay may aktwal
na batayan sa kasaysayan at lipunan. Sinusuri ang akda bilang bunga ng isang pagsasama- sama
ng mga pwersang historical o lipunan.
a. Teoryang Historikal
b. Teoryang Realismo
c. Teoryang Formalismo/Formalistiko
d. Teoryang Sosyolohikal
12. Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahe na higit na naghahayag sa mga
damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na
madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.
a. Teoryang Dekonstruksyon
b. Teoryang Romantisismo
c. Teoryang Moralistiko
d. Teoryang Imahismo
13. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo na binibigyang- tuon
ang kalakasan at mabuting katangian ng tao gaya ng kanyang talino, talento,katangian at iba pa.
a. Teoryang Sosyolohikal
b. Teoryang Humanismo
c. Teoryang Romantisismo
d. Teoryang Moralistiko
14. Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng
estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at
piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos ng may kaayusan.
a. Teoryang Klasismo/Klasisismo
b. Teoryang Romantisismo
c. Teoryang Moralistiko
d. Teoryang Humanismo
15. Isang Sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng
panitikan na may layunin ng may akda sa pagsulat at sa akdang panitikan na ating binabasa.
a. Teoryang Klasismo/Klasisismo
b. Teoryang Romantisismo
c. Teoryang Moralistiko
d. Teoryang Pampanitikan
16.
a.
b.
c.
d.
17.
a.
b.
c.
d.
18.
a.
b.
c.
d.
19.
a.
b.
c.
d.
20. Isang pormulasyon upang mapalawak ang simulain ng mga tiyak na kaisipan sa isang
malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan at pagpapaliwanag sa akdang napili.
a. Teoryang Klasismo/Klasisismo
b. Teoryang Romantisismo
c. Teoryang Moralistiko
d. Teoryang Pampanitikan

You might also like