You are on page 1of 3

Ayon kay Jakobson (1959: 114) may tatlong uri ng pagsasalin:

1. Intralinggwal (rewording)
2. Interlinggwal (translation proper)
3. Intersemiotiko (transmutation)

1. Intralinggwal (rewording)
- Ito ay pagbibigay ng interpretasyon sa mga berbal na simbolo sa tulong ng iba
pang mga simbolo sa magkatulad na wika.

- Sa pagbabago ng salita o pangungusap ay mabibilang sa uri ng pagsasalin


dito ipinakikita ng tagapagsalin ang kanyang husay sa pagbibigay
interpretasyon sa mga simbolo.

Hal: Sa ilang pagkakataon ay maaaring mas gusto mong sabihin ang isang teksto
sa ibang pananalita.

Salin: May panahon nan ais mong ibahin ang teksto.


2. Interlinggwal (translaton proper)
- Ito ay pagsasalin ng isang interpretasyon ng mga pasalitang tanda gamit
ang ibang wika.

- Sa pagsasaling Interlinggwal, mahalagang batid ng tagapagsalin ang


kultura ng bansa kung saan nagmula ang isasaling akda, gayundin ang
kultura ng pagsasalinang wika.

Hal:

• Ginihigugma kita - (Cebuano)


• Inaro takaa – (Pangansinan)
• Kaluguran daka – (Kapampangan)
3. Intersemiotiko (transmutation)
- Ito ay isang interpretasyon ng mga pasalitang tanda gamit ang mga tanda
ng mga sistema ng di-pasalitang tanda.

- Ang Intersemiotiko ay kadalasang ginagamit sa pagsasalin ng mga ilang


akdang pampanitikan.

Hal: Pagsalin ng akda patungo sa pelikula o isang aklat ay maaring isalin sa


komiks o iba pang media platform.

You might also like